You are on page 1of 18

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pakikipagkaibigan Susi
sa Magandang Samahan
Edukasyon sa Pagpapakatao-8
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pakikipagkaiigan Susi sa Magandang Samahan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose


Tagapamanihala: Johanna N. Gervacio PhD CESE
Pangalawang Tagapamanihala: Raul M. Marin, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elgin T. Bautista
Editor: Lordennis T. Leonardo PhD
Tagasuri: Jocelyn T. Leonardo
Mary Grace P. Valenton
Haydee B.Cabie
Mario J. Atilano
Tagaguhit: Jin Orpha B. Dela Cruz
Tagalapat: Elgin T. Bautista
Tagapamahala: Veronica B. Paraguison, PhD, CID Chief
Lordennis T. Leonardo PhD. EPS Edukasyon sa Pagpapakatao
Sheralyn M. Allas PhD,RGC, EPS In Charge of LRMS
Sierma G. Corpuz ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pangpaaralang Pansangay ng
Office Address: Sto.Niño 1st San Jose City, Nueva Ecija
Telefax:(044)331-0285
E-mail Address:sanjose.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan ng mag-


aaral sa pamantayang:

1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga


natutuhan niya mula sa mga ito. (EsP8PIIc-6.1)
2. Nasusuri ang kanyang pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri
ayon kay Aristotle. (EsP8PIIc-6.2)

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong Isulat ang letra ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat na turingan ng


magkaibigan.
A. Magkalaro C. Magkapatid
B. Magkasangga D. Magkarelasyon

2. Anong uri ng pakikipagkaibigan ang nakapaloob sa mga


bagay na ninanais ng sarili?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa tao
D. Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan

3. Kapag ang iyong kaibigan ay marunong magtago ng sekreto


siya ay maituturing na.
A. Mapagbigay C. Mapagmahal
B .Matapat D. Mapagkakatiwalaan

4.”Kaibigan kita dahil kailangan kita. “Alin sa mga sumusunod


na uri ng pakikipagaibigan ito nakapaloob?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa tao

1
D. Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan

5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahirap ibalik sa


isang magkaibigang naging magkaaway.
A. Pera C. Tiwala
B. Pagsunod D. Katapatan

Aralin
Pakikipagkaibigan, Susi
1 sa Magandang Samahan

Ang modyul na ito ay ginawa upang lubusang maunawaan ng mga


mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaibigan at malaman ang mga dapat
isaalang-alang sa bawat pagdedesisyon o pagpili ng taong nais kaibiganin. Sa
tulong nito ang mga mag-aaral ay magagabayan nang tama at makikilala ang
kanilang tunay at tapat na mga kaibigan na siyang magiging susi sa
paghubog ng kanyang pakikipagkapwa-tao.

2
Balikan

Magandang Buhay! Alam ko na nasasabik kayo sa ating bagong aralin,


ngayon bago natin ito pag-aralan, may inihanda akong gawain hinggil sa
nakaraang modyul bilang tanda na lubos mo itong naunawaan.

Panuto: Punan ng angkop na salita ang Crossword Puzzle. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.

GAWAIN 1

PAHALANG:
2. Naipapakita sa simpleng pagtanggap
3. Mababang antas ng Pakikipagkapwa
5. Konsepto na tumutukoy sa ibang tao

PABABA:
1. Antas na ang ibang tao ay hindi
iba sa kanya
4. Pagsama sa gawain ng iba.

3
Tuklasin

Gawain 2: Kaibigan Tula Ko, Suriin Mo!

Panuto: Basahin ng tulang “Kaibigan” ni Elgin T. Bautista at pagnilayan ang


mga gabay na tanong tungkol dito.

“KAIBIGAN”

Masayang kaagapay karamay sa buhay

Itong tinuring kong kapatid sa aki’y umalalay

Sa mga problema’t pagsubok nananatiling tunay

Hindi matatawaran nag-iisa kang patunay

Hindi ka sumuko sa anumang hamon

Ipinaglaban sa masama at sa kabutiha’y inahon

Tiwala’y ibinigay nang buong panahon

Sa katulad kong kakilala mo lang naman nuon

Masasabi ko na lang sa Panginoo’y salamat

Sapagkat ibinigay niya sa’kin ang karapat-dapat

Hindi man materyal na sapat-sapat

Ngunit isang kaibigang tunay at tapat

Gabay na mga Tanong:


1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig sa iyo ng tula?
2. Aling bahagi ng tula ang pumukaw sa iyo ng pansin. Ipaliwanag

4
Suriin

Matapos mong matutuhan sa nakaraang modyul ang konsepto ng


pakikipagkapwa ito’y nag-uugnay sa mabuting pagkakaibigan at
pagsasamahan sa iyong lipunang ginagalawan.

Likas sa ating mga tao ang makiugnayan sa iba. Ang pakikipagkapwa


ang ating nagiging susi upang tayo ay magkaroon ng marami at mabubuting
kakilala at isa na nga sa mga ito ay tinatawag nating kaibigan. Ang
pagkakabigan ay isang malalim na uri ng pakikipagkapwa na siyang
pumapangalawa sa ating pamilya. Maituturing na ang kaibigan ay kasama
mo sa hirap at ginhawa kaya masasabi mo sa iyong sarili na mas mahalaga
pa ito sa anumang ginto.

Nagiging mapalad ang isang tao na makatagpo ng isang mabuti at


tunay na kaibigan na masasandalan niya sa lahat ng pagkakataon. Tulad din
ito anumang pakikipagugnayan o relasyon. Maaring mabuo ang mabuting
pagkakaibigan kapag ito ay ating ginusto at ating pinagsikapan. Ang resulta
ng aksyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao para makabuo ng
mabuting ugnayan na siyang lalalim at titibay sa paglipas ng panahon.

Lalago at lalalim ang pakikipagkaibigan kung isasaisip na mabuti ang


kapakanan at pangangailangan ng bawat isa. Narito ang ilan lamang sa mga
dapat tandaan upang matutuhan ang isang mabuting pagkakaibigan

1. Dapat ang mabuting kaibigan ay handang dumamay sa iyo. Ang isang


kaibigan sa lahat ng oras lalo na sa panahon ng kagipitan ay nakahandang
tumulong sa abot ng kanyang makakaya.

2. Pagiging matapat sa kaibigan. Mahalaga ang pagiging matapat sa isat-isa


dahil sa pamamagitan nito napupunan ang pagkukulang o kahinaan ng
bawat isa at nagsisilbi rin itong salamin sa mga pagkakataon na tayo ay
nagkakamali o nagkukulang biang isang kaibigan.

3. Ang isang kaibigan ay marunong magbigay. Sa isang magkaibigan


nararapat lamang na magbigayan upang tumibay lalo ang pagsasamahan.

5
4. Ang mabuting kaibigan ay mapagkakatiwalaan. Sabi nga, isa sa
maituturing nating kasabwat sa ating buhay ay ang ating kaibigan kaya
naman lubos ang ating pagtitiwala na hindi niya ibubunyag ang mga
naitatagong lihim.

Ngunit dapat maunawaan na hindi dapat ibigay ang lubusang


pagtitiwala kanino man. Kung minsan, hindi sapat na mabait lamang at
kasundo natin ang isang tao kaya pwede na siyang pagkatiwalaan.

Ang mga sumusunod ay tatlong uri ng Pakikipagkaibigan ayon kay


Aristotle:

1. Pagkakaibigang nakabatay sa Pangangailanagan.

Mahalagang alamin natin kung siya nga ba ay tunay dahil maaring


kinaibigan ka lang niya dahil may kailangan siya sa iyo at kapag wala na ay
bigla na lang mang-iiwan.Maituturing na salat sa kabutihan, katarungan,
pagmamahal, at pagpapahalaga ang uri ng pagkakaibigan na batay dito.

2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.

Masusubok ang tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan. Napapaisip ka


rin ba minsan kung bakit sa kasiyahan ka lang sinamahan ng mga kaibigan
mong nang-iwan. Madalas nangyayari ang mga ganitong pagkakataon
sapagkat may mga tao talaga na gusto ka lang makasama sa kasiyahan.

3. Pagkakaibigang nakabatay sa Kabutihan.

Ito ang pinakamataas na antas ng pakikipagkaibigan sapagkat


isinasaalang-alang ang kapakapanan ng bawat isa.

6
Pagyamanin

Gawain 3: Larawan Ko,Suriin Mo!

Panuto: Suriin ang bawat larawan na nasa ibaba. Pagkatapos tukuyin


kung saang uri ng pagkakaibigan ito nabibilang batay sa tatlong uri
ng pagkakaibigan ni Aristotle.
Salamat dito sa tubig
ingat ka sa pag-uwi.

Tara
magsimba
mamaya ah

1.______________________ 4._________________________

Pwede bang libre mo ulit


ako mamaya. Ayain ko
kaya siya
sa aking
kaarawan
..

2.__________________________ 5.___________________________

PARTY
PARTY
!na

3._______________________

7
Gawain 4: Kaibigan ko, Patutunayan ko!Patunayan ang kahalagahan ng
pagmamahalan, pagtutulungan at pagiging tapat bilang isang magkaibigan
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sitwasyon batay sa mga nakasulat
sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kahalagahan ng Pagmamahalan Sitwasyong Nagpapatunay

At Pagtutulungan

Panahon ng kasiyahan _____________________________________

Nakamit o nakatapos ng gawain


kasama ang kaibigan.
____________________________________

__________________________________
Panahong hindi malilimutan na
ipinakita ang pagmamahal ng kaibigan.
_____________________________________

Pagkakataon na nasubok kung gaano


__________________________________
katapat ang iyong kaibigan.
______________________________________

Panahon na may suliranin kang


___________________________________
kinakaharap.
______________________________________

Rubrik sa mga patunay ng makabuluhang Pakikipagkaibigan


Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
(10 puntos) (8 puntos) Pag-unlad
(5 puntos)
Sitwasyon o Nakalalahad ng sitwasyong Nakalalahad ng Nakalalahad ng
karanasang nagpapatunay sa 5 sitwasyong sitwasyong
nagpapatunay kahalagahan ng nagpapatunay sa 3 nagpapatunay sa 2
pagmamahalan at kahalagahan ng kahalagahan ng
pagtutulungan bilang isang pagmamahalan at pagmamahalan at
magkaibigan. pagtutulungan bilang pagtutulungan bilang
isang magkaibigan. isang magkaibigan.
Kabuuan

8
Isaisip

Gawain 5: BFF Aral ko, Isaisip Mo!

Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan nang pagpuno sa mga


nawawalang salita sa loob ng graphic organizer. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paano mapauunlad at magiging makabuluhan ang pakikipagkaibigan

Sa Pamamagitan ng

at
(1)__________________ (2)___________________
___ ____

ng isang (3)___________sa kanyang(4)________________

ng walang(5)___________ nagiging (6)_______ Tungo


sa

Makabuluhang(7)______________
___________

Pagkakaibigan Pag-iimbot
Tao Susi
Pagtitiwala Pagmamahal Kapwa

9
Isagawa

Gawain 6: BFF ko, Ipoprofile ko!

Panuto: Gumawa ng isang Profile ng iyong kaibigan at ilahad ang mga


katangiang nagustuhan mo sa kanya. Gawing malikhain ang iyong paggawa
na magiging basehan sa pagmamarka. Gayahin ang halimbawa sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Larawan
ng
Kaibigan

PANGALAN

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

10
Rubrik para sa Profile ng Kaibigan

Kraytirya Puntos Pamantayan

PAGKAMALIKHAIN 10 Nagpakita ng pagkamalikhain ang gawain sa


pamamagitan ng mga disenyo at makukulay na papel
na ginamit. Gumamit ng malikhaing larawan bilang
representasyon sa profile na ginawa.

NILALAMAN 10 Tama at angkop ang paglalarawan sa pagkakaibigan


na ginamit maging ang sukat nito.

PAGUULAT 10 Mahusay at malinaw na naibahagi ng taga-pagsalita


ang kanilang awtput.

Kabuuang Marka 30 Puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tinutukoy sa bawat pangungusap.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tumutukoy sa isang taong mahalaga sa iyo na maaasahan,


Masasandalan, at nakaaangat sa iba mo pang kakilala o
kasama na may isang malalim na ugnayan na nakabatay
sa aspekto ng inyong pagkatao.
A. kapwa B. kapamilya C. kaibigan D. kapuso

2. Ang paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan at para


sa kaniyang kapakanan ang pinakamataas na antas ng
pagkakaibigan. Anong uri ito ng ugnayan?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa tao
D. Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan

11
3. Anong uri ng pagkakaibigan ang naglalaho sa panahong
hindi na handa ang isa na muli pang magbigay ng kaniyang
tulong?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
D. Pagkakaibigang nakabatay sa panahon

4. Ang pag-unawa ay nangangahulugan ng paglagay ng sarili sa


sitwasyong kinalalagyan ng kaibigan. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita ng empathy?
A. Pag-iyak kasama ang kaibigan
B. Pagbibigay ng papuri sa kaibigang nakagawa ng
kabutihan
C. Di pagtatawanan ang nadapang kaibigan dahil alam
mong masakit iyon
D. Maawa sa kaibigan

5. Ayon kay Aristotle may tatlong uri ng pakikipagkaibigan,


ang isa rito ay pakikipagkaibigan na nakabatay sa
kabutihan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa
nito?
A. Lumalapit sa kaibigan dahil may kailangan
B. Pareho ng interes
C. Pagkakaibigang nagsimula sa respeto at paghanga
D. Sumasama sa barkada sa panahon ng kasiyahan

6. Napadaan kayong magkakaibigan sa simbahan kasalukuyang may


idinadaos na misa. Biglang may sumigaw ng malakas ang mga
kasama mo. Ano ang gagwin mo?
A. Bawalin at pagsabihan C. Pabayaan sila dahil “trip”lang
B. Makisabay sa Pagsigaw D. Suntukin sila

7. Ano ang dapat mong gawin para sa iba batay sa ginintuang


kautusan?
A. mabuting gawa C. ibigay ang nais nila
B. masamang gawa D. walang gagawin

8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan.

A. Sinasamahan ni Jojo si Troy na magsimba tuwing araw ng


linggo.
B. Nakikipagkita lamang si Domeng kay Pedring kapag siya ay
may kailangan.

12
C. Sabay na pumapasok at nag-aaral ng mabuti sa paaralan si
Tes at Anne.
D. Sumasama lamang si Bert kay Jose tuwing pupunta ito sa
mga Fiesta at kasiyahan.

9. Nahuli mong may kinuhang gamit ang iyong matalik na kaibigan sa


bag ng inyong kaklase . Ano ang maari mong gawin?
A. Isumbong sa kaklase B. Kausapin at Pagsabihan
B. Isumbong sa guro D. Sabihin sa magulang

10. Kaarawan ng matalik mong kaibigan at inimbitahan ka sa


kanilang bahay at nangako kang dadalo. Ngunit marami
kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagwalang bahala ito C. Magdahilan
B. Dadalo kahit na mahuli na D. Hindi nalang dadalo

11. Bakit kailangan natin piliin ang ating magiging kaibigan?


A. upang malaman natin kung siya ay puwede
nating utangan.
B. para ipakita na tayo ay mabait
C. dahil sa pagpili ng tamang kaibigan tayo’y magiging
maligaya at masaya.
D. dahil gusto nating piliin ang alam nating makakasama
natin sa kalokohan at kasinungalingan.

12. Hindi ipinagsasabi ni Manny ang lihim ni Sonya. Alin sa mga


sumusunod ang mabuting palatandaan ng pagkakaibigan
na tinutukoy sa pagkakataong ito.
A. Ang mabuting kaibigan ay handang dumamay.
B. Ang mabuting kaibigan ay matapat.
C. Ang mabuting kaibigan ay marunong magbigay.
D. Ang mabuting kaibigan ay mapagkakatiwalaan.

13. Sa panahon ng kagipitan masusubok ang tunay na


kaibigan. Alin sa mga sumusunod ang katangian na dapat
taglayin ng isang kaibagan.
A. Pagdamay C. Tapat
B. Pagbibigay D. Pagtitiwala

14. Alin sa mga sumusunod na uri ng pakikipagkaibigan ang


may pinakamataas na antas?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
D. Pagkakaibigang nakabatay sa panahon

13
15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
pagiging tapat sa kaibigan
A. Si Ben na laging nariyan sa oras ng kasiyahan
B. Si Romeo na nagbibigay ng kanyang pagkain sa
kaibigan
C. Si Jose na laging nakakaalala tuwing may kailangan
lamang.
D. Si Jojo na nasasabi sa’yo lahat ng iyong kahinaan at
tinutulungan ka niyang itama ito.

14
15
Balikan
1.Pakikiisa
2.tapat
3.Pakikilahok
4.Pakikisama
5.kapwa
Isaisip Subukin Pagyamanin Tayahin
1.Pagtitiwala 1. B 1. Pagkakaibigan nakabatay 1. C
2. A sa kabutihan 2. B
2.Pagmamahal 3. D 2. Pagkakaibigan nakabatay 3. C
4. A sa Pangangailangan 4. C
3.Tao 5. B 3. Pagkakaibigan nakabatay 5. B
6. sa kasiyahan 6. B
4.kapwa 4. Pagkakaibigan nakabatay 7. A
5.Pag-iimbot sa kailangan 8. D
5. Pagkakaibigan nakabatay 9. B
6.Susi sa kautihan 10. A
11. A
7..Pagkakaibigan 12. A
13. B
14. C
15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Aklat:
Punsalan,Twila G.et.Al.2018.Pagpapakatao.Batayang Aklat sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.5th Floor Mabini Building,
Meralco Avenue, Pasig City.

Bautista Elgin, 2020. “Kaibigan”(unpublished)

16

You might also like