You are on page 1of 2

Prince L.

Lagria

Araling – Panlipunan:
“Pulitika at Pananampalataya”

Tayong mga Pilipino ay siguradong magkakasundo kung tayong lahat ay mag


pagkakaisa, malaki at malalim ang ang ating suliranin patungkol sa pultika.
Ang pulitika ay ginawang kasangkapan ng mga makapangyarihan at
mayayamang tao para sa kanilang pansariling kapakanan. Maraming
pagkakataon na hindi man lang isinaalang – alang ng mga makapangyarihan
ang mga mahihirap sa ating lipunan. Dahil dito, naging sagabal pa sa
pagpapatupad sa tunay na katarungang panlipunan sa mga tunay na
nangangailangan. Kaya’t hindi maiiwasan na isipin na para lamang sa may
mga koneksyon sa pulitika ang may kapangyarihan. Kailangang tanungin
natin ang ating mga sarili kung nais ba nating manatili o maipagpatuloy ang
ganitong kalagayan.
Alam ko na hindi madaling mabago ang ganitong nakasanayan ng ating
bansa, at ang halalan lamang ang isa sa mga paraan kung saan maari tayong
mag – ambag para sa tunay na pagbabago na ating ninanais. Kailangan
nating pumili ng kandidatong maka – diyos, makatao, makabayan, at
makalikasan. Sila ang mga kandidatong may tunay at purong malasakit at
kabutihan para sa bayan. Sila ang mga kandidatong walang ibang
hinahangad kundi makapaglingkod sa bayan, maipagtanggol ang mga
karapatang – pantao. Hangad nila na magkaroon ng tunay na katarungang
panlipunan, pagpapatabo ng ekonomiya na hindi lamang naayon sa interes
ng makapangyarihan kundi naayon din sa interes ng mga nasa laylayan ng
lipunan. Layunin din ng mga kandidatong ito na mabigyan ng kapangyarihan
ang taong – bayan na magdesisyon at kumilos (Human rights) para sa
kanilang mga sarili.
Ngayon na ang panahon upang imulat natin ang ating mga mata upang
makita natin ang tunay na kulay at pag – uugali ng mga pulitiko. Ito na ang
panahon na tayo ay bumoto sa kandidatong makakatulong sa atin na
maiunlad ang kalagayan ng bayan. Iboto natin ang mga may tunay na
malasakit sa ating bayan, sa mga mamamayan. Iboto natin ang kandidatong
may puso para sa mga nasa laylayan ng lipunan. Iboto natin ang
kandidatong may plataporma na makasagot at makatugon sa mga suliranin
at problema ng bayan at gawing prayoridad ang mga taong
pinakanangangailangan.
Filipino:
“Pagmamahal ng mga Magulang: Tamang Pagpapalaki”

Magandang umaga po sa inyong lahat. Ibabahagi ko po sa inyo ang aking


opinyon tungkol sa tamang pagpapalaki ng mga anak. Ang aking tatalakayin
ngayon ay tungkol sa tamang pagpapalaki ng mga anak. At kung paano natin
hihikayatin ang mga kabataan sa paggawa ng tamang desisyon. Ngayon, ito
ay inyong basahin.
Ang mga magulang ang instrumento upang ihubog at gabayan ang mga anak.
Ginawa silang instrumento ng Diyos upang hindi mawala sa tamang landas
ang mga anak. Ito ay responsibilidad ng mga magulang upang palakihin ang
mga anak ng may pagmamahal at respeto sa kapwa. Ito ay responsibilidad
rin ng ating mga magulang na tayo ay palakihin at gabayan sa mga magiging
desisyon natin sa buhay. Tunay nga na tama ang pagpapalaki ng magulang
sa anak kung nakabatay ito sa apat na aspeto ng buhay. Ito ay ang mga
sumusunod: Espiritwal, Sosyal, Propesyonal, at Saykolohikal. Ang mga
aspetong ito ang magiging gabay ng mga magulang upang mapalaki ng tama
ang kanilang mga anak.
Unang – una, naniniwala ako na ang relasyon sa Diyos ang isa sa mga
importanteng aspeto sa tamang pagpapalaki ng mga bata. Hindi tayo
mabubuhay ng mag – isa o walang kinikilalang Diyos. Datapwat, nararapat
lamang na ipakilala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa Diyos na
siyang gumagabay sa atin sa mundong ito. Hindi lamang sa aspetong ito
maaring nakapokus ang mga magulang. Kailangan rin ang aspetong sosyal.
Hindi habang – buhay na ang mga magulang at mga anak lamang ang
magkasama, kailangan rin na makihalobilo ang mga anak sa iba pang mga
tao. Subalit, nararapat lamang na piliin ng mabuti ng mga anak ang mga
taong kanilang pagkakatiwalaan. Sa aspetong ito, kailangang magabayan ng
Mabuti at tama ang mga anak sa pagtitiwala sa ibang tao. Naniniwala akong
malaki ang maitutulong ng mga magulang sa paggabay sa mga anak na
gumawa ng tamang desisyon.
Pangatlo, ang aspetong saykolohikal. Kung susuriin natin, isang malaking
ambag rin ng mga magulang sa mga anak na tikayin na ang kanilang buhay
ay may siguridad, masaya, at payapa.
At pang – huli, ang aspetong propesyonal. Bilang isang magulang, ang isa sa
pinaka importanteng aspeto sa pagpapalaki ng anak ay pagbibigay ng
tamang edukasyon sa mga anak. Ang kaalaman na makukuha ng mga anak
sa edukasyon ang magiging sandata nila upang maging tama ang mga
desisyon na kanilang gagawin. Maraming Salamat po.

You might also like