You are on page 1of 10

CHAPTER V

Examining the Author's Main Argument and Point of View

When studying historical sources you need to be aware of documents' sources and their
authors' point of view. Point of view refers to perspective of the author toward a particular
person or issue that has been shaped over a period of time due to his/her experiences, motives,
beliefs, origin, age, gender, social status,and ideology.

You might mistakenly feel that primary sources are historical facts; that there are no biases; and
are absoulutely accurate. In order to effectively analyze point of view, you must treat the
documents as personal interpretations and not facts.

In analyzing author's argument and point of view, you should ask yourselves the following
questions:

1. Who is the speaker/source?


(Age, gender, profession/work, social status, etc.)

2. What is the occasion?


(Circumstances, current situation, place, time, etc.)

3. Who is the intended audience?


(Written privately or written to be read/heard by others)

4. What is the purpose?


(Motives, beliefs, ideology, etc.)

5. What is the subject?


(Topic, content, ideas)

6. What is the tone?


(Emotions, etc.)
The Filipinos painstakingly struggled for detachment from their colonial masters. While it took
the early revolts a myriad of motives, the 1896 philippine Revolution led by Andres Bonifacio
and his Katipunan, hoped for a better cause - freedom. Let us take a look at the words and texts
that shaped Katipunan's struggle for independence and helped launch an armed revolution.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub'ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip


At isa-isahing talastasing pilit
Ang salita't buhay na limbag at titik
Ng sangkatauhan ito'y namamasid.

Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang nukal


Sa tapat na puso ng sino't alinman,
lmbi't taong-gubat, maralita't mangmang,
Nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad


Sa bayan ng taong may dangal na ingat;
Umawit, tumula, kumatha't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
5

Walang mahalagang hindi inihandog


Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop:
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal nang laki


Na hinahandugan ng buong pagkasi?
Na sa lalong mahal nakapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi?

Ay! lto'y ang Inang Bayang tinubuan,


Siya'y ina't tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa lunong katawan.

Sa kaniya'y utang ang unang pagtanggap


Ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo't hirap.

Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan


Ang lahat ng Ialong sa gunita'y mahal
Mula sa masaya't gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasalibingan.
10
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?

11
At ang balang kahoy at ang balang sanga
Ng parang n'ya't gubat na kaaya-aya,
Sukat ang makita't sasaalaala
Ang ina't ang giliw, lumipas na saya.

12
Tubig n'yang malinaw na anaki'y bubog,
Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,
Malambot na huni ng matuling agos,
Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.

13
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasam-asam
Kundi ang makita'y Iupang tinubuan.

14
Pati ng magdusa't sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa Bayan
At lalong maghirap, O! himalang bagay,
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

15
Kung ang Bayang ito'y nasasapanganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.
16
Dapwat kung ang bayan ng Katagalugan
Ay nilapastangan at niyuyurakan
Katuwiran, puri niya't kamahalan
Ng sama ng lilong taga-ibang bayan.

17
Di gaano kaya ang paghihinagpis
Ng pusong Tagalog so puring nilait?
Aling kalooban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?

18
Saan magbubuhat ang paghinay-hinay
Sa paghihiganti't gumugol ng buhay
Kung wala ding iba na kasasadlakan
Kundi ang lugami sa kaalipinan?

19
Kung ang pagkabaon n'ya't pagkabusabos
Sa lusak ng saya't tunay na pag-ayop,
Supil ng panghampas, tanikalang gapos
At luha na lamang ang pinaaagos?

20
Sa kaniyang anyo'y sino ang tutunghay
Na di aakayin sa gawang magdamdam?
Pusong naglilipak sa pagkasukaban
Ang hindi gumugol ng dugo at buhay.

21
Mangyayari kaya na ito'y masulyap
Ng mga Tagalog at hindi Iumingap
Sa naghihingalong Inang nasa yapak
Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?
22
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya'y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito'y mapanuod?

23
Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos na kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo na't ibigin ang naabang Bayan.

24
Kayong natuy'an na sa kapapasakit
Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,
Muling pabalungi't tunay na pag-ibig
Kusang ibulalas sa Bayang piniit.

25
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak,
Kahoy nyaring buhay na nilanta't sukat
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Muling manariwa't sa Baya'y lumiyag.

26
Kayong mga pusong kusang napapagal
Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon ay magbango't Bayan ay itanghal
Agawin sa kuko ng mga sukaban.
27
Kayong mga dukhang walang tanging lasap
Kundi ang mabuhay sa dalita't hirap,
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

28
lpaghandog-handog ang buong pag-ibig,
At hanggang may dugo'y ubusang itigis
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
lto'y kapalaran at tunay na langit.

While. Bonifacio was the supremo of Katipunan, it was Emilio Jacinto who laid the values that
every Katipunero had to carry with them at all times. Below is Jacinto's "Teachings of the
Katipunan" or sometimes called as"Kartilla."

Mga Aral ng Katipunan


Emilio Jacinto

1
Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang
lilim, kundi man damong makamandag.

2
Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang
gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3
Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa, at ang isukat ang
bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuiran.
4
Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang
isa'y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

5
Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na
kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa puri.

6
Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.

7
Huwag mong sasayangin ang panahon; ang yamang mawawala'y mangyayaring magbalik;
nguni't panahong nagdaan na'y di na muli pang magdadaan.

8
lpagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.

9
Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; at matutong ipaglihim ang dapat
ipaglihim.

10
Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa't mga anak; kung ang
umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

11
Ang babae ay huwag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at
karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo nang buong pagpipitagan ang
kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata't nagiwi sa iyong kasanggulan.
12
Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid ay huwag mong gagawin sa asawa,
anak, at kapatid ng iba.

13
Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa
pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan so balat ng lupa: wagas at tunay
na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may
magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi't di
nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.

14
Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito
sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang
magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay,
pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.

Though Bonifacio and Jacinto did not see the fruits of their struggles, on June 12, 1898, Emilio
Aguinaldo, along with the generals of the revolution, declared the independence of the
Philippines in Kawit, Cavite.

"And having as witness to the rectitude of our intentions, the Supreme Judge of the Universe,
and under the protection of the Powerful and Humanitarian Nation, the United States of
America, we do hereby proclaim and declare solemnly in the name and by authority of the
people of these Philippine Islands,

That they are and have the right to be free and independent that they have ceased to have any
allegiance to the Crown of Spain; that all political ties between them are and should be
completely severed and annulled and; that, like other free and independent States, they enjoy
the full power to make War and peace, conclude commercial treaties, enter into alliances,
regulate commerce, and do all other acts and things which an Independent State has a right to
do....
And, lastly, it was resolved unanimously that this nation, already free and independent as of this
day, must use the same flag which up to now is being used, whose design and colors are found
described in the attached drawing, the white triangle signifying the distinctive emblem of the
famous Society of the 'Katipunan' which by means of its blood compact inspired the masses to
rise in revolution; the three stars, signifying the three principal Islands of this Archipelago-Luzon,
Mindanao and Panay where this revolutionary movement started; the sun representing the
gigantic steps made by the sons of the country along the path of progress and civilization; the
eight rays, signifying the eight provinces-Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija,
Bataan, Laguna and Batangas-which declared themselves in a state of war as soon as the first
revolt was initiated and the colors of Blue, Red and White, commemorating the flag of the
United States of North America, as a manifestation of our profound gratitude towards this
Great Nation for its disinterested protection which it lent us and continues lending us."

You might also like