You are on page 1of 254

My Sweet Surrender

My Sweet Surrender [My Sweet Surrender]

            "Sometimes, the difference does not come from the times you decided to
fight, but from the moment you decided to surrender."

***

MED SERIES # 1:
"My Sweet Surrender"

Copyright © itsartemiswp. All Rights Reserved. 2020.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Songs, Plot, Places,


Events, and Incidents are either products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, and actual
events are purely coincidental.

NOTE:

The whole series has a lot of medical jargon/terminologies. As much as possible, I


tried to elaborate the terms used in every scenes or dialogues for those who are
not familiar with them. Moreover, this series is inspired by all the medical dramas
(Korean dramas, American dramas, etc.) that I've watched so you might encounter
some similarities.

        Beginning [My Sweet Surrender]

            "Everyone, listen!"

Agad akong napatigil sa pagbabasa ng chart ng isang pasyente nang marinig ang
malalim na tinig ng Chief of Surgery ng aming ospital. Tumikhim siya na tila ba
hudyat iyon ng isang paparating na masamang balita.

Nilipat ko ang aking tingin sa mga nurse na nagbubura ng mga nakasulat sa malaking
whiteboard kung saan nakasulat ang upcoming surgeries. My brow automatically shot
up after I had a hint of what's going on.

"We just received a mass casualty incident nearby. Kailangan kong magpadala ng
isang team sa field ngayon mismo. This is an emergent situation and I need your
cooperation," seryosong anunsyo niya.

My heart skipped a beat when the chief's hawk eyes darted at me. "Dr. Carvajal, I
want you to be in charge of the situation. Now, go!" mariing utos niya kaya wala na
akong ibang nagawa kun'di ang kumilos at asikasuhin ang pagbuo ng team.
Habang nakasakay ako sa loob ng isang ambulansya kasama ang ilang residents at
interns ay ipinikit ko ang aking mga mata upang ihanda ang sarili sa haharapin
mamaya. Gusto kong samantalahin ang oras na wala akong ginagawa at wala akong
nakikitang nanganganib ang buhay na kailangang sagipin.

I spent my years of studying to save other people's lives and this is what I've
been studying for. All my hard works are now paying off and the memories of my days
spent for studying in medical school seems like a distant memory to me now.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay tila bumagal ang takbo ng oras at pati na rin ang
mga kilos ng lahat ng tao sa aking paligid. Pagbukas ng pinto ng ambulansya ay
umalingawngaw agad sa aking pandinig ang tunog ng iba't ibang ambulansya at
firetrucks.

The distant noises coming from different people trying to save other people's lives
sent my senses back to reality. Nandito kami sa isang highway kung saan naganap ang
isang malaking accident dahil sa pagkakalaglag ng isang tren ng ikatlong linya ng
sistema ng Metro Rail Transit.

Dahil madalas ay traffic sa highway na ito dahil sa mga ginagawang kalsada, marami
ang nabagsakan nito at napasama sa aksidente. Lahat ng malalapit na ospital katulad
namin ay pinadalhan ng alerts tungkol sa nangyaring insidente kaya naman marami ang
naririto upang tumulong at sumagip ng mga buhay.

Inayos ko ang suot na jacket at hinarap ang team. "Okay, everyone! Move your IDs
outside of your jackets. Green tags are for non-emergent cases, Yellow tags are for
delayed care, and Red tags are for those who needs immediate treatment."

Marahan silang tumango at hinanda ang mga dalang supplies at tags. Pinasadahan ko
ng tingin ang kanilang mga tensyonadong mukha bago bumuntong-hininga.

"Remember to assess carefully. We're here to save lives. Do not get in the way of
the rescuers and remain calm," paalala ko sa kanila bago ngumiti. "Assess before
putting tags and get all the critical patients to the ambulance as fast as
possible."

"Dr. Carvajal, saan po kami magsisimula?" tanong ng isang babaeng 1st year resident
sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang paligid.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "You know the protocol, right? Now, go do it,
get out of my face, and save lives now!"

Halos magtulakan sila paalis sa harapan ko kaya napailing ako. Agad akong tumakbo
sa isang bahagi kung saan nakahiga sa mga stretchers ang ilang mga na-rescue.
Nakasarado ngayon ang highway at napuno ito ng mga sasakyang kasama sa aksidente
pati na rin ang mga sasakyan ng rescuers.
Inalis ko ang stethoscope sa ibabaw ng aking balikat at inilagay sa aking tainga.
Ipinatong ko ang kabilang dulo nito sa dibdib ng pasyente.

"Take a deep breath for me, okay?" mahinahong sabi ko sa kanya na sinunod naman
niya agad. "Minor injuries lang po ang natamo niyo, Sir. Magiging ayos din po kayo.
Do you have anyone with you?"

Nahihirapan siyang tumango sa sinabi ko habang tinatalian ko siya ng green tag. "A-
Ang asawa ko po, Doc... N-Nandoon po siya sa ilalim ng sasakyan," aniya.

Tumango ako bago agad na tumayo at tumungo sa itinuro ng pasyente. Agad nga lang
akong napaatras nang may makabanggaang tao na sa tingin ko ay isang rescuer dahil
sa kanyang suot na jacket na nakapatong sa kanyang suot na uniporme ng sundalo.

The moment I lifted my eyes from his chest to his deep-set eyes, I was immediately
lost. Ang gulat sa ekspresyon ng kanyang mukha ay sumasalamin sa akin kaya napaiwas
ako ng tingin at tumikhim. Umayos ako nang pagkakatayo at pormal siyang hinarap.

"Sorry..." I calmly said before walking past him.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang kanyang mainit na kamay sa aking
pala-pulsuhan.

"Can you... uh... check on her first?" dinig kong sabi ni Caleb.

Iritado ko siyang nilingon ngunit napansin ko ang babaeng nakahiga sa stretcher na


nasa tabi niya. Buntis ito at duguan dahil sa ilang natamong sugat. Namimilipit
siya dahil sa sakit na nararamdaman kaya agad ko siyang dinaluhan.

Tinapunan ko lang ng tingin si Caleb bago chineck-up ang babae at ang kanyang
sinapupunan. Habang pinapakinggan ang paghinga ng babae ay saglit na nawala ang
atensyon ko nang mapansin ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri.

Tumikhim ako. "Sino ang kasama niya?" malamig na tanong ko kay Caleb bago inalis
ang stethoscope sa aking tainga.

"I'm with her," sagot niya agad. I looked at him sideways and cleared my throat.

My brow shot up and pursed my lips while examining her. Nakahawak siya nang
mahigpit sa kamay ni Caleb habang pinapakalma siya nito.

"I'm here... don't worry. You'll be fine, okay?" marahang pag-alu niya sa babae.
"C-Caleb, hindi ko na kaya..."

Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at inawang ang aking bibig upang
magsalita ngunit walang lumabas dito. Itinikom ko na lang ulit ito habang
pinapanood ang eksena nila.

Hinagkan niya ang babae sa noo at marahang pinalis ang mga butil ng pawis sa
kanyang noo. "Calm down, Maddie..." he whispered.

Gusto kong umirap dahil hindi naman talaga emergent ang sitwasyon ng babae pero
kung makapag-inarte silang dalawa sa harapan ko ay para akong nanonood ng isang
eksena sa pelikula.

When our eyes met, the pounding of my heart suddenly became thunderous. Agad naman
itong naglaho at bumalik ang pait sa aking lalamunan nang marinig ko muli ang
pagdaing ng babaeng kasama niya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinalian ng tag ang babae bago isinabit muli sa
aking leeg ang stethoscope ko. "Take her to the ambulance immediately. They'll take
her to the hospital and they know what to do," malamig na sinabi ko bago iniwan
siya roon kasama ang babae niya.

"Gella..."

Nilagpasan ko siya upang daluhan ang pasyenteng nasa ilalim ng sasakyan at hindi na
pinansin ang pagtawag niyang muli sa pangalan ko. Tinulungan ako ng mga rescuer
upang iangat ang kotseng nakadagan sa babae at marahan siyang inilagay sa isang
stretcher.

Nang makita ako ng pasyente ay nakitaan ko ng pag-asa ang kanyang mata ngunit
nagulat ako nang bigla siyang manginig at magkumbulsyon. Inilagay ko ang
stethoscope sa kanyang dibdib at namilog ang aking mata.

Agad akong sumakay sa stretcher niya at nagperform ng CPR. "Asystole! Move her to
the ambulance and prepare the defibrillator immediately! Push 1 epinephrine," utos
ko sa mga kasama na agad naman nilang sinunod.

Pagkasakay namin sa ambulansya ay agad namin siyang sinubukang i-revive at nang


bumalik ang kanyang heartbeat ay nakahinga ako nang maluwag. Hinilamos ko ang aking
palad sa mukha at inayos ang pagkakatali ng aking buhok.

Pagkalabas mula sa ambulansya ay nagtawag ako ng isa sa interns at hinayaan siyang


magtake-over sa pag-aasikaso sa babae.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at napasinghap habang pinagmamasdan ang


malaking trahedya. Marami ang binawian ng buhay at mukhang hindi na makakaabot pa
sa ospital. Sigurado akong mapupuno ang aming emergency room pagdating ng mga na-
rescue namin doon.

Suminghap ako at nagpatuloy na sa pagsagip ng mga maaari pang masagip na buhay.


Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay nakabalik na ako sa emergency room kasama
ang team.

"We're gonna need plenty of available open chest trays, central line kits, and
intubation carts," nagmamadaling utos ko habang nakasakay sa isang stretcher at
nagp-pump sa dibdib ng isang pasyente.

"Yes, ma'am!"

"On my count... one, two, three!" Sabay-sabay naming inangat ang pasyente mula sa
stretcher at inilipat sa isang hospital bed.

"Read the charts for me, please," sabi ko bago inabot sa kaibigan kong resident.

A ghost of a smile played on her lips. "She's six months pregnant, found under a
broken train wagon, sustained crush injuries to her right torso and upper
extremities. Her blood pressure is initially low, but now it's up to 90 over 60
after a liter of fluid and after placing her on her left side," basa ni Dr.
Fuentebella.

Tumango ako. "And what should we do?"

Nagkatinginan sila ng iba pang interns at sinubukang humingi ng saklolo sa isa pang
resident na nandito. Nagkatinginan kami ni Dr. Alcaraz. He flashed a million-dollar
smile at my helpless interns before looking at me.

"ABC," nakapamulsang aniya habang mayabang na nakatingin sa akin. Napairap ako


dahil sa pagpapasikat niya. "Airway, Breathing, and Circulation. We need to protect
her airways first because of the crush injury."

I rolled my eyes and looked at the patient. "Excellent. We need to have blood
available. Do a trauma panel, type and crossmatch, and C.T. of her head and neck.
Take her to trauma room one," seryosong sabi ko bago iniwan sila roon upang pumunta
sa kasunod na pasyente sa kabilang bed.

"One, two, and three!"

Saktong paglipat ko roon ay inililipat din ang isang pasyente mula sa stretcher.
Napahiyaw siya sa sakit habang nakahawak sa kanyang nakabukang tiyan.

"36-year-old female, open abdominal wound with omental evisceration," basa ng isang
resident sa charts ng pasyente.

Tumango ako sa kanya bago bumaling sa mga nurse. "We need to get her to an OR as
soon as possible," utos ko bago sumunod sa pasyente.

Napatigil ako sa paglalakad nang may humablot sa aking braso. Iritado ko siyang
nilingon ngunit hindi siya natinag doon.

I sighed and shut my eyes to calm myself. "What do you need?" kalmadong tanong ko
bago pagod siyang tiningnan.

He licked his lower lip. I noticed how his Adam's apple moved as he surveyed me
from head to foot before looking at me again in the eye. Bahagya akong na-conscious
sa itsura ko ngayon dahil paniguradong mukha akong basahan kumpara sa kanya na
preskong-preskong nakatayo ngayon sa sa harapan ko.

"Can we talk, Gella?" he asked.

Napasinghap ako dahil sa umusbong na iritasyon. "As you can see, I'm busy saving
lives here, Caleb. I need to go," mariing sabi ko bago hinablot ang braso ko sa
kanya. "Your fiancee, or wife, or whoever she was... needs you. Bumalik ka na lang
doon," mariing sinabi ko.

Natigilan ako habang pinagmamasdan ang namumungay niyang mga mata at nakaawang na
labi habang nakatingin sa akin. Napasinghap ako dahil sa pamilyar na paninikip ng
aking dibdib kaya mabilis ko siyang tinalikuran.

Narinig ko ang pagtawag niyang muli sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon
pa sa takot na muli na naman akong mabihag ng mapanlinlang niyang mga mata.

        Kapitulo I - Donor [My Sweet Surrender]

            "Sinong may extra syringe d'yan? Pautang naman ako ng isa, dugo ko ang
kapalit," nakangiting anunsyo ng isa kong kaklase. Iwinagayway niya ang hawak na
isang bakanteng EDTA tube kung saan inilalagay ang dugo.

Halos mag-unahan naman sa pagkuha sa tacklebox at pag-abot ng syringe ang mga


katabi ko at isinantabi muna ang mga ginagawa nilang blood smear. Napailing ako at
nagpatuloy na lang sa ginagawa.

"Aray ko naman, hijo de puta! Kailan ka pa naging mangingisda?!" Napalingon ako sa


kaibigan kong si Tati nang dumaing siya sa tabi ko habang sinusubukan siyang
kuhanan ng dugo.

Pangalawang ulit na siyang tinusukan ng syringe at mukhang nahihirapan itong


mahanapan ng ugat sa kanyang magkabilang braso.
Humalakhak ako. "Bakit ka kasi nagpauto sa mga medtech?" napapailing na tanong ko
sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Girl, hinarang ba naman ako! Sabi nitong si Ivory ay
sagot na raw niya ang lunch ko mamaya kapag pumayag akong magpakuha ng dugo sa
kanya," reklamo niya habang napapangiwi sa sakit matapos siyang makuhanan ng
dalawang tube ng dugo.

"May practical quiz kasi kami mamaya ng blood smearing..." I drawled. "Kailangan
namin ng dugo para mag-practice."

Ilang araw nang ganito ang eksena sa room simula noong i-anunsyo ng professor namin
ang tungkol sa practical quiz na ito. Sabi niya kasi ay limang beses lang kami
puwedeng sumubok mag-smear at tatlong pinakamaganda mula roon ang pipiliin namin at
ipapasa sa kanya bilang quiz. Mayroon pang time limit iyon kaya heto at todo
practice talaga kami para roon.

"Sinong willing mag-donate d'yan ng dugo? Hehe, isang tube lang, oh! Makakatulong
kayo sa pag-aaral ko. Isasama ko pa kayo sa graduation speech ko, promise!"

"Assumerang 'to! Sure ka bang makakaabot ka ng 4th year?!" pag-kontra sa kanya ng


kaibigan kong si Rafael sa umaga, si Ruffa sa gabi.

Humalakhak ako. Ibinalik ko ang tingin sa ginagawa at napasinghap nang makitang


palpak na naman ang nagawa kong blood smear. Padabog kong inilapag ang pang-
dalawampung microscopic slide na naaksaya ko kaka-practice.

"Sino ba kasing nag-imbento nitong blood smear na 'to?!" reklamo ng isa kong
kaklaseng lalaki habang dismayadong nakatitig sa pangit niyang blood smear.
"Sabihin niyo sa kanya magsuntukan kamo kami sa likod ng school mamaya!"

"Shet, bagsak na naman yata sa practical," natatawang sabi ni Rafael.

"Girl, 'di ka pa nasanay?" mapait na sinabi ni Ivory.

Muli akong kumuha ng dugo mula sa tube at nagpatak ng kaunti sa ibabaw ng


microscopic slide. Huminga muna ako nang malalim bago ikinalat ang dugo roon.

Napatayo ako sa gulat nang makitang perpekto ang hulma nito. "Sa wakas naka-isa
rin!" maligayang sinabi ko.

"Sana all anak ng Diyos, Gella," mapait na sinabi ni Ivory.

I chuckled. It was just another normal day for us, medical technology students. Oo,
normal ang ganito araw sa amin dahil nasanay na kami sa ganitong takbo ng aming mga
araw sa paaralan. Normal na rin yata sa amin ang mag-panic nang ganito tuwing may
practical.

"Quiz na naman..." I drawled lazily. Ipinatong ko ang ulo ko sa ibabaw ng makapal


na reviewer na iq-quiz namin mamayang alas tres.

Nandito kami ngayon nila Ivory at Rafael sa library upang magreview para sa isang
long quiz mamaya. Major subject namin iyon at pagkatapos naming mag-quiz doon sa
lecture ay magp-practical quiz naman kami sa laboratory ng blood smear.

"Ang surname ba ni Ma'am Cielo ay Quiz?" reklamo ni Ivory bago umirap. "Parang siya
ang nag-imbento ng quiz, eh."

I chuckled softly. Ibinalik ko ang tingin ko sa hawak na reviewer ng Parasitology


at napasinghap. Kanina pa ako nakikipagtitigan sa mga papel na ito pero wala
talagang pumapasok sa isip ko!

"Ascaris lumbricoides..." mahinang bulong ko habang nakapikit at pilit na inaalala


kung ano ang tawag doon.

"Expecto patronum!" napalakas na sabi ni Rafael kaya sabay-sabay na napalingon sa


amin ang ibang nasa loob ng library at kabilang na roon ang librarian. Isa-isa niya
itong sinamaan ng tingin kaya kanya-kanya silang iwas ng tingin. Humingi lang siya
ng paumanhin sa librarian bago nagpatuloy.

Pigil na pigil ang pagtawa namin ni Ivory dahil sa kalokohan ni Rafael. Nasapo ko
na lang ang aking noo at napapailing na ngumiti.

"Gaga ka talaga! Ano ka, si Harry Potter?!" pabulong na saway sa kanya ni Ivory.

Tahimik kaming nagtawanan bago magpatuloy sa kanya-kanyang pagkakabisado. Nang


matapos kong basahin ang buong reviewer ay itinulak ko ito papalayo sa akin at
pagod na ipinatong ang aking ulo sa lamesa.

"Kainin ko na lang kaya 'tong reviewer ko, 'teh?! Ang hirap naman!" reklamo na
naman ni Rafael.

Humalumbaba ako at bahagyang iniharap ang katawan ko sa kanya. "Huwag na lang kaya
nating pasukan 'tong subject na 'to mamaya?" pagod na suhestiyon ko sa kanila.

Napabuntong-hininga si Ivory dahil sa mga sinabi namin. "Sabay-sabay na lang tayong


mag-special quiz, ano?" aniya bago humawak sa kanyang baba na tila ba nag-iisip.

Sa huli ay pare-pareho pa rin naman kaming pumasok sa klase at hinarap ang malaking
pagsubok, taliwas sa mga sinasabi namin kanina.
Simula noong pinasok ko ang kursong ito, na-realize ko na mas magandang harapin ang
mga pagsubok kaysa takasan ito. Parang sa mga quiz lang, mas magandang gamitin mo
na agad 'yong pinaghirapan mong aralin magdamag kaysa takasan iyon para lang
makapagpahinga. Wala naman kasing magbabago, eh. Kukunin mo pa rin naman iyon kahit
anong mangyari. Mas matatambakan ka lang ng quiz kung iipunin mo pa kaya mas hassle
at mas maraming aaralin.

Kinabukasan ay isang normal at tipikal na araw lang muli para sa aming medtech. May
mga nag-aaral para sa quiz namin sa next subject, may mga nagp-practice kumuha ng
dugo, at mayroon ding ibang katulad ko na tamang Netflix lang muna tapos cram
later.

Tinanggal ko ang aking earphones at itinago muna sa bulsa ng aking bag kasama ang
cellphone. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko na lalabas muna ako ng silid dahil
nilalamig na ako sa loob ng room.

Pagkalabas ng silid ay sinalubong ako ng maligamgam na hangin at mainit na sinag ng


araw. Inilapit ko ang aking katawan sa barandilya at pinagmasdan ang mga taong
naglalakad sa ibaba ng building. Nandito kami ngayon sa pinakaitaas na palapag at
nakatambay sa laboratory habang inaabangang dumating ang professor namin sa major
subject.

It was just another normal day for me, ang kaibahan lang siguro ay isa lang ang
quiz namin ngayon dahil buong hapon ay nasa auditorium kami mamaya upang tumulong
sa gaganaping blood donation or blood letting activity ng Red Cross. 

"Sis, may nakuha ka na bang dalawang donors para sa blood donation niyo mamaya?"

Bumaling ako sa kaibigan kong si Tati. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa loob
ng bulsa ng kanyang pang-itaas na uniporme habang nakatingin sa akin.

Tumango ako sa kanya. "Dalawang students from College of Engineering. Kaklase ko


sila noong senior high," sagot ko.

"Ah, sayang... Kung kulang ka pa, puwedeng ako na lang sana 'yong isa," aniya bago
humilig din sa barandilya. She narrowed her eyes and looked at me. "Teka, ex mo ba
'yan?!"

I groaned at her accusation. "Seryoso ka ba? Wala pa nga akong nagiging jowa,
remember?"

"E'di... ex kalandian mo?" malisyosa niyang tanong.

I rolled my eyes. "Ewan ko sa'yo, Tatiana!"


"Ex manliligaw mo 'yan, 'no?" pang-uusisa niya pa.

I glanced at her and tried to suppress my smile. Penelope Tatiana Fuentebella is my


childhood best friend. We've been friends for more than half of our age. Parehas
kami ng pinapasukang school noon pa man at ngayon lang yata kami nagkahiwalay ng
section dahil magkaiba kami ng kinuhang program. 

We still share the same dreams which is to be a doctor someday, though. Magkaiba
nga lang kami ng piniling kurso ngayon. She took up BS Nursing while I took up BS
Medical Technology as my pre-medical course.

Gayunpaman, hindi pa rin naman kami mapaghiwalay kahit na minsan ay nahihirapan


kaming mapagtugma ang mga vacant namin sa schedule. Pero habang tumatagal ay nakuha
na rin naming mag-adjust at i-adapt ang buhay-kolehiyo. 

College taught us to be more mature in terms of our way of seeing and understanding
things. We learned to cope up and just let go of the things we cannot control.

"Si Rafael yata kulang pa ng isang donor. Nambubully na nga si gaga para lang
sapilitang makahanap ng donor," natatawang sabi ko.

She scowled at me. "OMG, you're dodging my accusation! Sino iyon sa mga manliligaw
mo?!"

I slowly shook my head in disbelief. "Ang malisyosa mo talaga kahit kailan, Tati!
Archi Valderrama is still my friend."

"Ah, si Engineer Valderrama pala..." She narrowed her eyes and observed my
reaction. "Bakit ba ayaw mo sa kanya? Ang gwapo naman no'n, ah? Matalino at masaya
pang kasama!"

My brow shot up. "Bakit hindi na lang kayo?"

She looked at me like I said something weird. "Ayoko! Mukhang paglalaruan at


sasaktan lang ako no'n! Ayoko sa mga mukhang playboy!" Humalukipkip siya sa harapan
ko. "Teka nga... bakit ipinapasa mo bigla sa akin?!" 

Ilang saglit pa kaming nagtalo tungkol doon bago niya ako tinigilan. Nanatili
kaming tahimik nang ilang sandali habang pinapanood ang mga naglalakad sa mas
mabababang palapag ng aming building. Maya maya ay tinawag na si Tati ng kanyang
kaklase dahil naroon na yata ang propesor nila. Nagpaalam siya sa akin at
nagmamadaling tumungo sa classroom niya.

Maya maya ay dumating na rin ang aming propesor kaya sabay-sabay nagsinghapan ang
mga kaklase ko at kanya-kanyang upo sa kanilang mga upuan habang nagla-last minute
review.
Kalmado lang akong pumasok sa silid at bumalik sa aking upuan. Tinanggap ko na lang
ang aking kapalaran kung babagsak ba ako o hindi kasi tulad nga ng palagi kong
sinasabi... wala naman akong ibang magagawa kun'di ang magmove on na lang.

"Gosh, I hate Medtech Laws!" dinig kong reklamo ni Ivory sa likuran ko pagkabasa
niya sa ipinasa kong apat na pages na quiz namin sa kanya.

Pagkalabas namin ng silid ay para kaming mga pinagbagsakan ng langit at lupa dahil
kakatapos lang namin magsagot ng 80-item quiz mula sa mala-anghel naming propesor
ngunit hardcore magpa-quiz.

"Nakakainis kasi hindi ko magawang magalit kay Ma'am Jenny kasi ang bait niya
masyado!" iritadong sabi ni Rafael. "Hindi ko rin maibabagsak sa evaluation para
makabawi man lang kasi nga ang bait nga masyado!"

Napahalakhak ako dahil sa mga reklamo niya. Pagkatapos naming kumain ng lunch
kasama si Tati ay sabay-sabay na kaming tumungo sa auditorium para sa blood letting
activity.

Ang activity na ito ay para sa subject namin tungkol sa phlebotomy. Parte na rin
ito ng training namin sa pagkuha ng dugo.

Pagkapasok namin sa auditorium ay sinalubong kami ng malamig na hangin mula sa air


conditioner at ng mahihinang pag-uusap ng mga staff at volunteers ng Red Cross.
Nakaupo at nakapila na rin doon ang mga dinalang donors ng mga kaklase ko.

Sinuyod ng paningin ko ang dagat ng tao upang hanapin ang kaibigan kong pinapunta
ko rito. Nang magtama ang aming tingin ay kumaway agad ako sa kanya. I saw how his
eyes immediately twinkled when he saw me.

"Archi!" tawag ko sa kanya.

Mabilis siyang nakawala sa maraming tao at tumungo papalapit sa akin. His face
automatically lit up when he stopped in front of me. "Georgianna..." nakangiting
banggit niya sa pangalan ko.

I tilted my head and tried to look behind him. Iginala ko ang paningin ko sa
paligid upang hanapin ang kasama niya. Ibinalik ko sa kanya ang tingin ko at
nakitang nasa akin pa rin ang kanyang tingin.

I furrowed my eyebrows. "Nasaan si Emil?"

Napakurap-kurap siya dahil sa tanong ko. "Uh, Gella, about that..." he trailed off.
My brow shot up as I wait for the next thing he would say. Napakamot siya sa likod
ng kanyang ulo. "A-Ano... sabi kasi ni Emil hindi raw siya makakarating dahil may
lakad siya kasama ang mga kaibigan niya. Kaninang alas dose pa natapos ang klase
niya kaya—"

"Ano?! Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa akin?" iritadong tanong ko sa kanya.

He raised his hand and faced his palm in front of me. "Sandali lang, magpapaliwanag
ako!" he groaned.

Huminga ako nang malalim at kinuha na ang aking cellphone sa bulsa upang maghanda
nang maghanap ng puwede kong tawagan. The first person who came into my mind was
Tatiana.

"I asked him to talk to you instead pero sabi niya ay nagchat daw siya sa'yo kanina
pero hindi mo raw binabasa ang messages niya. T-in-ry ka rin daw niyang tawagan sa
Messenger pero hindi mo ata nare-receive—"

"Hello, Tati? Puwede ka pa bang maging donor? Nagback-out kasi 'yong isa kong
kinuha, eh— Ano?! Pumayag ka na kay Raffy?" I groaned out of frustration. "Okay,
sige... Salamat."

Pagod kong ibinaba ang cellphone ko at naghanap muli ng puwedeng tawagan sa


contacts ko.

"Pero may nagawa nang paraan si Emil—"

I tried to silence him for a while. Sumenyas akong lalabas muna ako ng auditorium
at kakausapin ko siya mamaya. Parang maamong tupa naman siyang tumango sa sinabi ko
kaya umalis na ako agad.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong maraming tao ang nakapila roon upang mag-
register. Inaasikaso sila ng mga seniors namin sa pagfi-fill up. Tumabi ako upang
hindi makaharang sa daraanan nila.

Inis kong ibinaba ang tawag nang hindi ito sagutin ng isa ko pang kaibigan mula sa
College of Radtech. Sinubukan ko ulit maghanap ng maco-contact at sa huli ay
naalala ko ang isang kakilala ko sa Nursing.

"Uh, excuse me, Miss... Dito ba ang blood letting activity?"

Iritado kong nilingon ang sumubok kumausap sa akin. Sinungitan ko lang siya dahil
sa obvious niyang tanong at iniwan doon nang marinig ang pagsagot ng tinawagan ko.

"Hello, Aira? Um, ayos lang ba sa'yong kunin kitang blood donor? Sorry, kailangan
ko lang talaga para sa grades," nahihiyang sabi ko.
Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking kumausap sa akin kanina ngunit nakitang wala
na siya roon at mukhang pumasok na sa loob o baka umalis na. Nagkibit-balikat na
lang ako at ibinalik na lang ang atensyon sa kausap.

"Hala sorry, Gella! Kaka-donate ko lang kasi last last week kaya hindi pa ako
puwedeng magdonate ulit..." sagot ni Aira mula sa kabilang linya.

I sighed and slowly nodded. "Okay, sige. Pasensya na sa abala..." sabi ko bago
pinatay ang tawag.

Pagod akong pumasok sa auditorium at binalikan si Archi. Agad siyang napatayo sa


kinauupuan niya nang makita ako. Nilagpasan ko siya ngunit bumuntot siya sa akin
hanggang sa makalapit ako kay Rafael. Naiintriga naman niya kaming tiningnan kaya
napatayo siya.

"Hi, Future Engineer! Kapag hindi pinalad, sa akin na lang..." mahalay na sabi niya
sa aking katabi. Humalakhak si Archi at pabirong inakbayan si Rafael. 

Bumaling ulit ako kay Archi. "Ano nga ulit 'yong sinasabi mo kanina?" mahinahong
tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "As I was saying, may nahanap namang solusyon si Emil. Sabi
niya sa akin ay may pinapunta raw siyang kaibigan bilang kapalit niya," aniya.

Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung
bakit hindi niya agad sinabi sa akin kanina pero naalala kong hindi ko nga pala
siya pinapakinggan kanina.

I smiled cutely at him. "Thank you, Archi..."

His whole face flushed and the corner of his mouth turned up. "W-Wala iyon,
Gella... Ano ka ba..."

I chuckled and tapped his broad shoulders. Bumaling ako kay Ivory at nakita siyang
may binabasang papel. Inabot niya sa akin ang isang kopya na agad ko namang
tinanggap.

Pagkatapos basahin iyon ay napaawang ang labi ko. "Rubrics? Graded activity na
'to?"

Tumango sa akin si Rafael bilang sagot. Bumaling ako kay Archi na nagpapabalik-
balik ang tingin sa amin at mukhang hindi naiintindihan ang pinag-uusapan.

"Ako ang kukuha ng dugo mo, Archi," I calmly said.


Imbis na matakot ay nakitaan ko ng excitement ang mukha niya. Kung wala lang siguro
kami sa harapan ng mga kaklase ko ay binomba niya na ako ng mga tanong kung paano
ang gagawin ko mamaya.

"Nasaan na nga pala 'yong proxy ni Emil?" tanong ko sa kanya.

Bago pa siya makasagot ay nakaramdam ako ng isang presensya mula sa likuran ko.
Nakumpirma ko lang iyon nang makitang doon nakatuon ang atensyon ng lahat ng nasa
harapan ko pati na rin si Archi.

Dahan-dahan akong lumingon at una kong nakita ay ang pangalang nakasulat sa name
plate at nakapatong sa kaliwang bahagi ng dibdib ng kanyang plain army green shirt
na mukhang uniporme niya dahil pinarisan niya ito ng military pants.

AVANZADO C.A.

I slowly lifted my gaze until our eyes met. Bahagyang napakunot ang noo ko nang
mapansing pamilyar ang kanyang mukha.

"Hi, I'm Emil's friend... Ako 'yong kapalit niya bilang donor," he said in a deep
husky voice.

Dahan-dahang umawang ang bibig ko nang mapagtanto kung sino ang kaharap ko. Siya
'yong lalaking sinungitan ko kanina sa labas ng auditorium!

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya nang makitaan ng multo ng ngiti ang
kanyang mga labi habang pinapanood ang pagbabago ng ekspresyon ng aking mukha.
Damn, nakakahiya!

        Kapitulo II - Text message [My Sweet Surrender]

            "Just call me when it's your turn," I calmly said without looking at
him.

Naramdaman ko ang pagtatagal ng kanyang tingin sa akin bago tuluyang umalis sa


harapan ko at tumungo sa isang bakanteng monoblock chair kung saan uupo at pipila
ang magpapa-screening for blood donation.

Nakahinga ako nang maluwag at napagtantong kanina pa pala ako hindi humihinga
simula noong kinausap niya ako. Saka ko lang naalala na naririto nga pala ang mga
kaibigan ko matapos akong kurutin sa tagiliran ni Rafael.

"Sino 'yon teh? Bago mo na namang boylet?! Ang gwapo naman!" eksaheradang aniya
habang nananatili ang malagkit na tingin sa lalaking kumausap sa akin kanina.
Sinimangutan ko siya. "Hindi mo ba narinig kanina? Siya nga 'yong kapalit ng isang
donor ko!" I argued.

Bago pa makasagot si Rafael ay tinawag ako ng aking kaklase. "Carvajal, tawag ka ni


Dean Rodriguez!"

Isa-isa ko munang sinamaan ng tingin    ang mga kaibigan kong nang-aasar sa akin
bago tuluyang tumulak patungo sa kinaroroonan ng dean ng College of Medical
Technology.

"Dean, pinapatawag niya raw po ako?" panimula ko nang makalapit sa kanya. Nahihiya
akong napatigil nang mapansing may kausap pala siya.

Makahulugang tumingin sa akin si Dean Rodriguez at ngumisi. Bumaling siyang muli sa


kanyang kausap na nakausot ng isang formal attire at leather shoes. Sa unang tingin
ay mapapagkamalan mo itong business man o kaya board member ng isang kumpanya pero
napansin ko ang bitbit niyang white coat kaya napaghinuha kong isa siyang doktor.

Tumikhim ako at bahagyang yumuko bilang pagrespeto sa kanya bago muling tumingin
kay Dean. "Georgianna, this is Dr. Avanzado, my former colleague."

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at nakaramdam ng kaunting hiya sa


kaharap. Nakipagkamay ako sa matandang lalaki at nahihiyang ngumiti. "Good
afternoon po, Dr. Avanzado..." pormal na bati ko.

Nang bitiwan niya ang kamay ko ay pasimple akong napaisip kung sino ang kamukha
niya at kung saan ko ito nakita. Naputol ang aking iniisip nang pormal din siyang
bumati pabalik sa akin. "Good afternoon din, hija."

He glanced at Dean Rodriguez and gave him a knowing look. Bahagya akong na-intriga
dahil sa kanilang makahulugang palitan ng tingin ngunit nawala ito sa isip ko nang
muling magsalita si Dean. "She also wants to be a doctor someday, Arturo."

Dr. Avanzado looked at me with amusement. Ngumiti siya sa akin. "Do you want to be
a surgeon?"

Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagkabigla. Paano niya nalaman? Is it that
obvious?

Tumikhim muna ako bago marahang tumango. "Kung kakayanin po sana..." nahihiyang
sagot ko.

"Kayang-kaya mo 'yan lalo na't sabi nitong si Thomas ay masipag kang mag-aral.
Actually, surgeon din ako, hija. I'm an army surgeon," aniya bago magiliw na
tumawa.

Dean Rodriguez gave out a hearty laugh after he saw how my jaw dropped at his
revelation. Pasimple kong pinagmasdan ang hulma ng kanyang katawan. No wonder why
his body looks a bit lean and muscular kahit nakasuot siya ngayon ng pormal na
kasuotan at medyo ma-edad na.

"Papa..." a familiar deep voice echoed behind me.

I stiffened when he walked past me and stood beside the old man. I tried to
maintain my composure in front of them pero sa loob-loob ko'y unti-unti na akong
ginagapangan ng kaba at hiya.

He swiftly glanced at me before fixing his gaze to his father. Tinapik siya ng
kanyang ama sa balikat. Dr. Avanzado looked at me and smiled. "My son here is also
training to become a part of the Philippine army. He is currently finishing his
degree here before applying to the military academy," aniya bago sumulyap sa anak.

Naramdaman kong nanatili sa akin ang kanyang tingin kahit na nakatingin sa kanya
ngayon ang kanyang ama. Sumulyap ako kay Dean Rodriguez at ipinahiwatig sa kanya na
gusto ko nang umalis ngunit hindi niya yata nakuha ang ibig kong sabihin dahil
taliwas doon ang sinabi niya.

"Balita ko ay nagpalista bilang donor itong si Caleb dito sa blood-letting


activity? Tama ba, hijo?" kuryosong tanong niya bago sumulyap sa anak ni Dr.
Avanzado at sa akin.

Kung may iniinom lang akong tubig ay paniguradong nasamid na ako. Why are you
making this even more awkward for me, Dean? Damn it.

I caught him staring at me but quickly looked away. "Opo, Dean. Actually... si Ms.
Carvajal nga po ang nagdala sa akin dito. Siya ba ang mag-aasikaso sa akin?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He smirked when he saw my reaction.

Ms. Carvajal? Kilala niya ako? Or... maybe Emil told him about me. Of course he
would tell him! Siya nga ang proxy niya, hindi ba? At saka paano niya nalaman
kanina na ako 'yong kumuha kay Emil, hindi ba? Yeah, right. Whatever floats your
boat, Gella.

"A-Ah, oo nga po... Siya ang donor na kinuha ko para sa activity, Dean," napapaos
na sagot ko habang pilit na itinutuon ang atensyon kay Dean.

His eyes narrowed and immediately glanced at the guy in front me with amusement in
his eyes. "Magkakilala na pala kayo nitong anak ni Dr. Avanzado?" namamanghang
tanong niya bago muling tumingin sa akin.
I awkwardly smiled at him. Bago pa ako makasagot ay nakapagsalita na agad ang anak
ni Dr. Avanzado. "Opo, actually kanina lang po kami nagkakilala," he said coolly.

I gritted my teeth and held my breath. I slowly sighed and tried to remain calm. I
drifted my gaze to his amused father and tried my best to hide the embarrassment
I'm feeling in a soft chuckle. "Actually, sabi sa akin kanina ni Mr. Avanzado ay
gusto niyang maunang magdonate. 'Di ba, Caleb?" I smiled cutely at him.

Napakurap-kurap siya dahil sa sinabi ko at nakita ko ang bahagyang paggalaw ng


kanyang Adam's apple. Bakas ang pagtatanong sa mata ni Dr. Avanzado nang bumaling
siya sa kanyang anak.

"O-Oo nga po, tama si Ms. Carvajal. Mauuna na kami, Papa. Dean..." napapaos na
aniya bago yumuko upang magpaalam sa kanila.

I smiled inwardly. Lintik lang ang walang ganti, Caleb!

Nagpaalam na rin ako sa mga kausap at pagkatalikod ay napawi agad ang aking ngiti.
Nauna na ako sa paglalakad at nang medyo nakalayo na kaming dalawa ay pasimple ko
siyang sinamaan ng tingin. Nakapamulsa lang siyang nagpatuloy sa paglalakad at
supladong tsumulyap sa akin.

Kalmado siyang umupo sa bakanteng bed na nakalaan para sa mga magdodonate ng dugo.
Inirapan ko siya nang mapansing pinapanood niya ang bawat kilos ko. Lumapit ako sa
isa sa volunteers ng Red Cross at nagpaturo kung paano ang gagawin.

Nang matapos siyang mag-demonstrate ay lumakad na ako pabalik sa kinaroroonan ni


Caleb. Nakahiga na siya ngayon at nakapatong pa ang ulo sa isa niyang braso. Nang
makitang papalapit ako ay tumuwid siya agad nang pagkakahiga. His sleepy eyes
fixated on me while I calmly stride my way to him.

Inilapit ko sa kanyang higaan ang isang monoblock chair at padabog na umupo roon.
Ipinatong at inihanda ng staff ang mga gagamitin ko para sa gagawing pagkuha ng
dugo. Inabot niya sa akin ang tourniquet na agad ko namang tinanggap.

Kinuha ko mula sa kamay ni Caleb ang kanyang form sa pre-donation screening kanina.
Sinulyapan ko lang ito bago inabot agad sa staff.

I firmly held his right arm and tied the tourniquet tightly. I pursed my lips as I
tried to palpate the middle vein on his arm. Mabuti na lang dahil labas na labas
ang kanyang mga ugat dahil na rin siguro sa intense training at pagwowork-out niya
na kita naman sa hulma ng kanyang katawan.

Inilagay ko sa gilid ng aking tainga ang takas na buhok na nakaharang sa aking


mukha. I can still feel his warm gaze at me while I'm trying to palpate his vein.

Sinulyapan ko siya at pinagtaasan ng isang kilay. My brows automatically furrowed


when I saw a ghost of a smile playing on his lips. Ano kayang iniisip ng isang 'to?

Kinalas ko muna sandali ang tourniquet na nakatali sa kanyang braso bago nagsuot ng
surgical gloves. Dinampot ko ang forceps at kinuha ang isang bulak at nilagyan ito
ng anti-septic. Matapos linisin nang tatlong beses ay itinali ko muli ang
tourniquet. Hinanda ko ang karayom na gagamitin at sinulyapan siya habang
hinihintay matuyo ang alcohol sa kanyang braso.

"Do you like Messi?" he asked out of nowhere.

I immediately frowned at his weird question. "Huh? Pinagsasabi mo d'yan?!"


naguguluhang tanong ko sa kanya.

He looked at me with disbelief. Napaawang saglit ang kanyang labi ngunit agad niya
rin itong itinikom. "Y-You don't watch Korean drama?" he muttered slowly.

Narinig ko ang pagpipigil ng hagikgik ng staff na nasa tabi ko. Nang sulyapan ko
siya ay nagkunwari siyang busy sa pag-aayos ng gagamitin kong blood bag.

Maya maya ay napatingin na sa gawi namin ang ilang kaklase ko at lumapit upang
panoorin ang gagawin ko.

I ignored his question and just focused on what I have to do. "Take a deep breath
for me..." I calmly instructed before inserting the needle carefully into his skin
then precisely inserted it to his vein.

Napansin ko ang bahagya niyang pagkibot at ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa
pagpasok ko ng malaking karayom sa kanyang braso. Muntik na akong matawa sa kanyang
reaksyon kaya kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.

Pagkakita ko ng pagdaloy ng kanyang dugo sa needle hub patungo sa blood bag ay


nagliwanag ang mukha ko. Nagpalakpakan din ang ilang staff at volunteers na
nakinood kasama ang ibang kaklase ko.

Nilagyan ko iyon ng tape upang ma-secure ito habang patuloy na dumadaloy ang dugo
niya sa blood bag. Kinalas ko na rin ang pagkakatali ng tourniquet sa kanyang
braso. Iniwan ko na siya roon pagkatanggal ko ng suot na gloves at tinawag na si
Archi na kanina pa yata naghihintay sa akin.

"Close kayo ni Kuya Caleb?" usisa niya pagkatapos niyang mahiga sa isang bakanteng
bed na malayo kay Caleb.

"Kuya? Kapatid mo?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

Sinimangutan niya ako. "Senior natin 'yon, Gella! He's a few years older than you!"
pangaral niya sa akin.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at mahigpit na tinalian ng tourniquet sa braso.
"Aray ko naman, Gella! Yung balahibo ko, naipit!" reklamo niya.

I chuckled and immediately loosen up the tourniquet. Itinali ko iyon nang bago at
mas maayos bago nagsuot ng bagong surgical gloves at hinanap ang kanyang ugat sa
braso. Nang makapa ito ay ginawa ko ulit ang procedure na ginawa ko kanina.

"You're good at this, Gella..." napapaos na sinabi ni Archi matapos kong lagyan ng
tape karayom sa kanyang braso.

Tinanggal ko ang suot na surgical gloves bago dinampot ang kanyang blood bag.
Ngumiti ako habang pinapanood ang mabilis na pagdaloy ng kanyang dugo roon. "Weh?
Hindi ba masakit ang turok ko?" I narrowed my eyes and looked at him intently.

He chuckled. "Parang kagat lang ng langgam..." he mimicked what I said earlier.

Ginulo ang kanyang buhok at nagpaalam na bibisitahin ko muna ang isa ko pang donor.
Tahimik akong umupo sa monoblock chair sa tabi ng kama niya at inangat ang kanyang
blood bag. Namamangha kong pinagmasdan ang tuluy-tuloy na pagdaloy ng kanyang dugo
roon at napansing mukhang malapit na agad itong mapuno.

Ibinaba ko ito at inangat ang tingin sa kanyang mukha. I tilted my head and
helplessly gawk at his angelic sleeping face.

I don't really have specific standard for an ideal man. Actually, wala rin akong
basehan sa lebel ng kagwapuhan at attractiveness ng isang lalaki but I can say that
this man in front of me is on a whole other level.

I've already heard a lot about Caleb Atticus Avanzado before. Palagi kasi siyang
pinagkukuwentuhan ng batchmates ko noong Senior High. Sa tingin ko ay ilang taon na
siyang nagt-training upang maging bahagi ng army.

My classmates and friends find him very attractive and manly, too. Naalala ko pa
nga noon ay madalas akong mag-isang kumakain tuwing recess dahil iniiwan nila ako
para panooring mag-ensayo sa gymnasium ang lalaking ito.

Hindi ko siya nakikita noon at itinuturing ko pa rin siyang estranghero kahit pa


sagana na noon pa man ang pandinig ko mula sa mga kuwento ng mga kaibigan ko
tungkol sa kanya.

He is insanely attractive, alright... but I don't like him. There's something about
his presence that I dislike the most. Maybe it's the intensity of his gaze every
time he looks at me or maybe the depth of his expressive and soulful eyes that
looks treacherous to me. Mga matang para bang kayang-kaya kang ihulog sa bitag niya
at hayaan kang malunod at mahirapang makaahon at makawala.
The fact that he's this dangerously attractive makes me feel more inferior to him
at sigurado akong hindi siya makabubuti para sa akin.

"Paki-check nga, feeling ko kasi natutunaw na ako." Halos mahulog ako sa kinauupuan
dahil sa gulat nang bigla siyang magsalita habang nananatiling nakapikit.

Heat rapidly spread across my face. Tumuwid ako nang pagkakaupo at inabala ang
aking sarili sa pagkalikot sa weighing scale. Naramdaman ko ang nanunuya niyang
tingin sa akin kaya hindi ko na siya tiningnan pang muli.

Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking kamay kaya dinampot ko agad ang
kanyang blood bag at sinubukang timbangin. Mabuti na lang at napansin kong nasa
tamang timbang na ito kaya nakaalis ako roon upang magtawag ng staff na magche-
check doon.

"Okay na 'yan, puwede mo nang alisin 'yong needle. Alam mo na ba ang susunod na
gagawin?" tanong sa akin ng staff na kasama ko kanina.

Saglit akong nag-isip bago sumagot. "I'll have the donor elevate his donation arm
and tell him to apply slight pressure to promote clotting," I answered.

Bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha habang marahang tumatango. "Very good! Oh
sige na, tanggalin mo na 'yon para makapagpahinga na 'yong donor mo," makahulugang
sabi niya na nagpasimangot sa akin.

Nang muli akong bumalik kay Caleb ay bakas pa rin ang pang-aasar sa kanyang mukha
ngunit hindi ko na ito pinatulan pa. Unti-unti kong tinanggal ang mga tape sa
kanyang braso at hinanda ang isang malinis na bulak. I carefully removed the needle
and replaced it with the cotton ball.

"You should apply pressure on your arm para hindi magkaroon ng pasa. Wala munang
strenuous activities. Magpahinga ka muna dito..." I trailed off when I noticed that
he's not listening to me.

Diniin ko ang cotton ball sa kanyang braso kaya napangiwi siya. "Can you please
stop mocking me?" masungit na sabi ko.

His lips twisted as he try to hide his sneer. "Alright..." napapaos na aniya.

I sighed. "Magpahinga ka muna dito hanggang sa maging ayos ang pakiramdam mo at


para na rin hindi ka mahilo mamaya. Dadalhan kita ng pagkain at inumin... saglit
lang," sabi ko bago umambang tatayo na ngunit natigilan ako nang maramdaman ang
kanyang paghawak sa pala-pulsuhan ko.

"W-Wait..." Bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha kaya napakunot ang noo ko.
"Pwede bang... ano..."
"Pwedeng ano?" I impatiently asked him. My eyes drifted from his hesitant eyes to
his warm hand holding my wrist. Suplada kong inalis iyon bago ibinalik ang tingin
sa kanya.

"Pwede bang makahiram ng cellphone? Makiki-text lang sana ako sa kapatid ko...
Lowbatt na kasi ako," he calmly asked.

I narrowed my eyes and looked at him suspiciously. Nang makitang mukha naman siyang
seryoso sa kanyang sinabi ay dahan-dahan akong napabuntong-hininga at tumango.
Kinuha ko mula sa bulsa ng aking uniporme ang cellphone ko.

Nanatili ang mapanuring tingin ko sa kanya nang mapansing sinusundan niya ng tingin
ang unti-unti kong pag-abot sa kanya ng cellphone ko. My heart skipped a beat when
he lifted his dazzling eyes and smiled at me. "Thanks," aniya pagkatanggap ng phone
ko at nagsimula na agad magtipa ng kanyang mensahe para sa kapatid.

Tumango ako. "Saglit lang, kukuha lang ako ng pagkain at inumin mo," sabi ko bago
nagmamadaling umalis sa harapan niya.

Nakahinga ako nang maluwag habang naglalakad patungo sa lamesa kung saan nag-aabot
ng pagkain at inumin ang mga staff ng Red Cross para sa mga nagdonate ng dugo.
Pumila at kumuha na agad ako ng pagkain para kay Caleb at Archi.

"Here, eat this to replenish your energy," sabi ko bago inabot sa kanya ang isa sa
paper box ng pagkain at bote ng tubig.

One corner of his mouth rose after he accepted it and return my phone in exchange.
Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa at pinanood siyang kalmadong binubuksan ang
box ng pagkain. Habang kumakain siya ay napansin kong panay ang sulyap niya sa isa
ko pang bitbit na box ng pagkain.

"What?" masungit na tanong ko sa kanya nang hindi na napigilan.

Napatigil siya agad sa pagkain at gulat na napatingin sa akin. Nang makuha ang ibig
kong sabihin ay dahan-dahan siyang bumuntong-hininga.

"Is that for your boyfriend?" he casually asked before glancing at the helpless
Archimedes Vaughn Valderrama laying on his bed while casually talking with my girl
classmates flocking in front of him.

Sinimangutan ko si Caleb. "Just eat your damn food and stop being nosy," inis na
sabi ko.

Iniwan ko na siya roon at tumungo na sa kinaroroonan ni Archi. Nang makitang nasa


timbang na rin ang kanyang blood bag ay tinanggal ko na rin ang karayom sa kanyang
braso. Ibinigay ko na sa kanya ang pagkain at tubig niya bago nakipagkuwentuhan din
sa mga kaklase ko.

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay muli kong naalala ang paghiram ng cellphone sa


akin ni Caleb kanina. Pasimple kong kinuha ang phone ko sa bulsa at hinanap sa
inbox ang kanyang mensahe.

Napatayo ako sa gulat nang makita ang mensahe niya. Napatigil at napatingin sa akin
ang mga kaklase kong nag-uusap.

To: Caleb Avanzado

Thanks for your number! See you around. :)

Iritado akong lumingon upang hanapin si Caleb at nakitang bakante na ang kanyang
higaan. Padabog akong umupo muli sa higaan ni Archi at ipinikit nang mariin ang mga
mata upang pakalmahin ang sarili. Sabi ko na nga ba't kaduda-duda talaga ang
pakiki-text ng lalaking iyon! At talagang s-in-ave niya pa ang number niya sa
contacts ko, huh?

        Kapitulo III - Substitute [My Sweet Surrender]

            Nang matapos ang blood-letting activity ay tumulong muna kami sa


pagliligpit at paglalagay ng mga ginamit sa kanilang service van. Pagkatapos ay
nagpaalam na ako agad sa mga kaibigan ko dahil may dadaanan pa ako.

"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita sa inyo, Gella?" tanong muli sa akin ni
Archi nang makarating kami sa may parking lot.

Tumigil din ako sa paglalakad at humarap sa kanya bago tinapik ang kanyang balikat.
"Sigurado ako, Archi. Thanks for the offer, pero susunduin ko pa talaga ang kapatid
ko at kailangan ko pang umuwi sa condo ko bago pumasok sa trabaho."

He sighed before finally letting me go. I waved him goodbye and walk towards my
golden Wildtrak. Pagkapasok ng sasakyan ay agad ko itong pinaandar bago magsuot ng
seatbelt. Nagmaneho na ako palabas ng university at dumiretso na sa school ng
kapatid kong lalaki.

Nang mamataan ng binatang Skylen Arrius Carvajal ang aking sasakyan ay agad siyang
napatayo mula sa pagkakaupo sa bench na nasa tabi ng guardhouse sa entrance ng
kanyang paaralan. Binuksan ko ang pintuan ng front seat at hinintay siyang pumasok
at umupo roon.

"How's school, baby?" malambing na tanong ko sa kapatid.

He immediately pouted his lips while putting on his seatbelt. "I'm not a baby
anymore, Ate! Junior high school na ako..." protesta niya sa akin.
I chuckled and softly pinched his cheek. "But you're still my baby!"

He just sighed and ignored what I said. I smiled and continued driving. Habang nasa
biyahe ay nagkukwento siya sa akin tungkol sa mga ginawa niya kanina sa school.

"Kailan mo ba ako isasama sa condo mo, Ate?" Napasulyap ako sa kanya dahil sa
biglaan niyang pagseseryoso.

"Why? Do you like to visit my condo sometime? Wala ka bang homeworks? If you have
time, just tell me para maisama kita," sagot ko.

Muli akong sumulyap sa kanya nang maramdaman ang pagtatagal ng tingin niya sa akin.
Nang makitang nakatingin ako ay agad siyang nag-iwas at tumuwid nang pagkakaupo.

"No... I want to move out of the house and live with you already, Ate," napapaos na
aniya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Dahan-dahan kong inapakan ang preno nang makitang naabutan ako ng stoplight.
Sinulyapan ko siya mula sa rearview mirror at pinagmasdan ang kaseryosohan ng
kanyang mukha.

I've always thought he's too young for the way he thinks and acts. I've always
known that my little brother is a bright and excellent kid... and to be honest,
he's way better than me. He's already mature at his young age, mentally and a bit
physically. Minsan nga ay napagkakamalan kaming magkaedad lang o kaya ay mas
matanda sa akin dahil bahagya na siyang mas matangkad sa akin ngayon at medyo
matikas na rin ang kanyang pangangatawan.

The only that makes him appear younger for me is his baby face. His face looks
angelic and has softer features than mine. Sabi nila nagmana raw ako kay Mommy at
sigurado naman akong namana niya ang kanyang mukha at tindig kay Daddy.

"Pinapahirapan ka ba ni... Mommy?" nag-aalinlangang tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin at nakitaan ko rin ng pag-aalinlangan ang kanyang mga mata.
"N-No... It's just..." he trailed off before looking away. "Our house doesn't feel
like home ever since you've been gone, Ate. Mommy's always at work and she always
come home late. Kapag naman nasa bahay siya ay madalas nasa opisina lang siya buong
araw o kaya ay nasa kanyang kwarto. Tuwing nakikita niya naman ako, it's either she
will scold me or ask me to go away."

I bit my lower lip as I pulled the gear stick to drive. Pinanatili ko ang tingin sa
unahan dahil natatakot akong salubungin ang kanyang namumungay na mga mata.

Bata pa lang ako simula noong naghiwalay ang mga magulang namin at iniwan kami para
sa ibang babae ni Daddy. I was three and a half years old back then and Mommy is
six months pregnant with Skylen when she found out about Daddy's other woman and
worse... mayroon pa silang anak na mas matanda ng isang taon sa akin. Ibig sabihin
ay hindi pa ako ipinapanganak noong nagsimulang magkaroon ng ibang babae si Daddy.

We were very devastated back then, especially when Daddy chose his other woman and
left us. Naging delikado ang pagbubuntis ni Mommy dahil doon ngunit sa kabutihang
palad ay ipinanganak namang malusog ang kapatid kong si Skylen. But because of what
happened, Mommy became distant from my brother.

Habang lumalaki si Skylen ay lalong lumalayo ang loob sa kanya ni Mommy. She thinks
that my brother reminds her of our tragic past.

As he continue to grow older, I can definitely see his resemblance to my father.


Ibinibigay sa akin ni Mommy ang buong atensyon at pagmamahal niya pero sa kapatid
ko ay naging malupit siya. Maybe that's the reason why my brother grew mature and
strong.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay pinatay ko muna ang makina ng sasakyan.
Nanatili kaming tahimik sa loob ng sasakyan.

I sighed and caressed his cheek. "Konting tiis na lang, bunso. I promise I'll take
you with me kapag nakaipon na ako nang malaki. For now, stay with Mommy because he
needs you," malungkot na sabi ko.

He swallowed hard and slowly nodded. "Okay, Ate... I'm sorry for being selfish.
Hindi ko dapat iwan si Mommy ditong mag-isa."

I smiled and slightly tapped his soft cheek. Unti-unting sumilay ang ngiti sa
kanyang labi. Humalik siya sa aking pisngi bago magpaalam.

"I'll see you tomorrow, Skylen..." nakangiting sabi ko habang pinapanood siyang
lumabas mula sa aking sasakyan.

Ini-start ko na ulit ang sasakyan at ini-lock ang mga pinto bago umambang aalis na
ngunit agad akong napatigil nang bumukas ang gate ng bahay.

Napakurap-kurap ako nang makita si Mommy na naglalakad palabas ng bahay at


papalapit sa sasakyan ko habang nakangiti.

She's wearing her usual long silk robe and her hair is fixed into a French braid
updo. Pinatay ko muli ang makina ng sasakyan at tinanggal ang aking seatbelt bago
lumabas ng sasakyan.

"Mommy..." rinig kong tawag sa kanya ni Skylen ngunit sinulyapan lang siya nito.
Her hawk eyes remained watching me as I stepped out of my car and walk calmly
towards her. Pagkalapit ay sinalubong niya ako ng isang mainit na yakap at
ginawaran ng halik sa aking pisngi.

"Hija, I was waiting for you to pay me a visit. What took you so long?" madamdaming
tanong niya sa akin. "Halika at pumasok ka muna sa loob! Dito ka na rin matulog
ngayong gabi..."

"I was busy with my studies, Mom..." Sumulyap ako sa aking kapatid na nakatingin
lang sa lupa at mahigpit ang kapit sa strap ng kanyang suot na backpack.

Ibinalik ko ang tingin kay Mommy at pagod na ngumiti. "Hindi na po, uuwi pa po kasi
ako sa condo para magbihis at pumasok sa trabaho."

Her brow shot up. "You still work in that Café? Anak, hindi ba't sinabi ko sa'yo na
huwag na lang at pwedeng pwede ka namang humingi sa akin. You don't have to force
yourself—"

Ngumiti ako bago umiling. "Mom, I'm fine. I'm only working during Friday and
weekends. At isa pa, I moved out of the house so I needed money to support my
necessities."

She looked confused. "What about your allowance?"

"I'm using it for more important things. Ang natitira ay idinadagdag ko po sa ipon
ko. You don't have to spoil me too much."

"What about your studies?" She narrowed her eyes and watched me carefully.
"Nahihirapan ka na ba sa pag-aaral ng kursong kinuha mo?"

Napabuntong-hininga ako. Damn, I know where this conversation is heading to.

I shook my head and forcefully smiled. "Sakto lang po. Malapit na po kasi ang final
exams kaya medyo nagiging busy na po ako sa pag-aaral," mahinahong sagot ko.

Umiling-iling siya na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. "Hay nako! Sabi ko
naman kasi sa'yo ay dapat nag-Engineering ka na lang! Makakatulong ka pa sa
kumpanya natin at para na rin ikaw ang magmana ng—"

I shut my eyes and sighed. "Mom, please..." napapagod na sabi ko. "We've already
talked about this before. I'm doing fine in my studies at hindi naman po ako
nagpapabigay sa inyo pagdating sa tuition dahil sa scholarship ko.

She looked offended with my choice of words. "Ewan ko ba kung bakit ang tigas ng
ulo mo, Georgianna Isabella! Manang-mana ka talaga sa Daddy mo!" she said the last
words with a hint of disgust.
I sighed and smiled at my angry mother. "Mauuna na po ako, Mommy. Male-late na po
ako sa trabaho," malamig na sabi ko bago humalik sa kanyang pisngi at bumaling sa
kapatid ko.

"Take care, Ate Gella..." halos pabulong na aniya bago yumakap sa akin.

Ginulo ko ang kanyang buhok habang nakangiti. "Take care, too. Ikaw na ang bahala
kay Mommy ha?" He pursed his lips and slowly nodded.

Pumasok na ako sa aking sasakyan at pinaandar ang makina nito. Bumusina na lang ako
bilang pamamaalam bago nagsimulang magmaneho. Sinulyapan ko sila muli sa side
mirror at nakitang nakasunod lang sa likuran ni Mommy ang kapatid ko habang papasok
sa bahay.

Bumuntong-hininga ako at pinaharurot na ang aking sasakyan habang palabas ng


subdivision at patungo sa highway.

Sa kalagitnaan ng aking pagtatrabaho sa café ay tumunog ang aking cellphone hudyat


ng isang mensahe. Tinapos ko muna ang ginagawang order at inihatid ito sa table ng
customer bago sinilip ang mensaheng natanggap.

From: Skylen

I'm sorry about earlier, Ate. Pangako ko, magtatapos ako ng pag-aaral at magiging
engineer. Just continue chasing your dreams at ako ang bahalang tumupad sa pangarap
ni Mommy para sa iyo. I love you.

Napangiti ako sa mensahe ng aking kapatid at nagsimula nang magtipa ng aking reply
ngunit napatigil ako nang tumunog muli ang cellphone ko dahil sa panibagong
mensahe.

From: Caleb Avanzado

Good evening. Kumain ka na ba? :)

Napataas agad ang isang kilay ko. Seriously? He really use emoticons in text
messages? That is very out of his character! He looks very snobbish and awfully
silent in person!

Teka... suplado at masungit ba talaga siya? I remember him mentioning something


about Korean drama earlier! Pero ano nga ba ang ibig niyang sabihin doon?

Agad akong nagtipa ng reply sa kanya.


To: Caleb Avanzado

I'm busy. Stop texting me. :)

I smirked after I added a smiley emoticon on my reply, too. Inilagay ko na ulit sa


bulsa ng apron ang aking cellphone at nagpatuloy na sa paglilinis ng mga tray.

Nang matapos ang aking shift ay tumungo na agad ako sa staff room upang magbihis at
kunin ang aking mga gamit sa locker.

Habang naglalakad palabas ng café ay nagbukas ako ng inbox upang tingnan ang apat
na unread messages at nakitang tatlo roon ay galing kay Caleb.

From: Caleb Avanzado

Okay. Sungit :(

My brow shot up in amusement when I noticed that he replied immediately after my


reply earlier.

From: Caleb Avanzado

So... do you like Messi?

I chuckled as I shook my head out of disbelief and amusement. Bakit iba siya sa
text at sa personal? He doesn't really look eager and friendly in person. I
expected him to be more... mature, I think? Yung tipong hindi mahilig magtext at
tipid din kung magreply. Well, that's why we should never judge the book by its
cover, huh?

At bakit ba palagi niyang tinatanong kung gusto ko si Messi? Mukha ba akong mahilig
sa sports? I only watch sports anime!

From: Caleb Avanzado

Eat your dinner. See you on Monday! Huwag kang magpahalata na namiss mo ako ha?
Haha.

I scoffed and put my phone back on my pocket. Bakit ang feeling close naman yata
masyado ng lalaking ito? At talagang nilubos niya na ang pagkakuha niya ng number
ko, huh? Mukhang gusto pa yata niyang maging textmates din kami?

Hindi ko na siya ni-replyan pa hanggang sa makauwi ako sa aking condo. Pagkarating


doon ay nagshower muna ako at nagbihis bago pabagsak na inihiga ang sarili sa kama.
Mabilis naman akong ginapangan ng antok dahil na rin siguro sa pagod.

Mabilis na lumipas ang weekends at ngayon ay Lunes na naman. Pagkarating ko sa


school ay dumiretso muna ako sa aking locker para iwan ang uniform na pamalit ko
dahil nakasuot ako ng uniform namin para sa NSTP.

I tied my long hair into a high ponytail before walking out of the Ladies'
restroom. Nakihalubilo muna ako sa mga kaklase ko habang hinihintay ang pagdating
ng aming professor. Nandito kami ngayon sa gymnasium dahil dito kami madalas nagk-
klase ng NSTP.

Napasulyap ako kay Rafael nang bigla siyang humikab sa tabi ko. "Ayoko talaga sa
schedule ng NSTP natin! Monday na nga tapos ang aga pa ng pasok!" reklamo niya.

I can't help but agree with him. Hindi nga lang ako sumang-ayon sa kasunod niyang
sinabi. "Mabuti na lang at maraming boylet dito sa gym kaya masarap ang almusal,"
dugtong niya habang malagkit na nakatingin sa mga varsity players ng basketball
team na maagang nagt-training.

Napanguso ako at wala na ring choice kun'di ang makinood sa kanila dahil wala pa
ang aming professor ngayon. Sana ay magpa-attendance na lang siya dahil may dalawa
pa kaming quiz pagkatapos nito!

My eyes wandered at the gymnasium and stopped when I spotted a familiar face.
Napatuwid ako nang pagkakaupo at napakurap nang ilang beses upang makasigurado.

Nasa akin ang kanyang tingin habang naglalakad papasok ng gate ng gymnasium. Bumaba
ang tingin ko sa matipuno niyang pangangatawan ngunit agad ko itong iniwas at
ibinalik sa kanyang mukha. He looked manly and insanely attractive wearing his
usual military uniform.

Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay nakitaan ko ng multo ng isang ngiti ang
kanyang labi kaya napaiwas ako ng tingin.

"Good morning..."

Napaubo ako sa gulat dahil sa biglaang pagbati niya ngunit napagtanto kong hindi
lang pala iyon para sa akin dahil sabay-sabay ring bumati ang mga kaklase ko sa
kanya. My face heated so bad in embarrassment.

In-announce niya na hindi makakapasok ang professor namin sa NSTP dahil mayroon daw
itong pinuntahang seminar at siya muna ang kinuha bilang substitute teacher para sa
araw na ito. Ang propesor kasi namin sa NSTP ay isa ring reserve na sundalo at
nagt-train din sa mga estudyante ng ROTC kaya hindi na ako magtataka kung bakit may
koneksyon siya sa lalaking ito.
"Sis, 'di ba siya 'yong manliligaw mo?" kuryosong tanong sa akin ni Ivory bago
nginuso ang lalaking nagsasalita sa unahan.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko nga sabi manliligaw 'yan!" pabulong na


singhal ko sa kanya.

Humalakhak siya kaya napatingin sa gawi namin si Caleb. Tumikhim muna siya bago
nagpatuloy sa pagsasalita. "So as I was saying... our topic for today is about
triangular bandaging techniques. Magsimula na tayo agad para maaga ko kayong ma-
dismiss."

Umalis siya sa aming harapan at sumunod naman sa kanya ang mga officers ng klase
namin upang tulungan siyang magbitbit ng mga gagamitin niya para sa gagawing
demonstration.

Tinuro niya muna sa amin ang basic parts ng isang triangular bandage bago
nagsimulang magdiscuss kung para saan ito gagamitin at kung paano iyon gawin.

"The triangular bandage can be used in various ways like for immobilization of
broken bones and soft tissue injuries. It is very useful for first aid."

Binigyan kami ng tig-iisang triangular bandage for practice purposes. Nang


masigurado ni Caleb na mayroon na kaming tig-iisang bandage ay itinuro niya na kung
paano magtupi from open phase to narrow-fold bandage.

"Now I need one volunteer para maipakita ko sa inyo ang step-by-step procedure kung
paano gumawa ng arm sling gamit ang triangular bandage..." he trailed off before
glancing at me.

Napatingin ako kay Ivory at Rafael nang bigla silang umubo nang peke sa
magkabilang-gilid ko habang sumusulyap-sulyap sa akin. Sinamaan ko silang dalawa ng
tingin at kinurot sa tagiliran.

"Aray! Sir Caleb, si Gella po oh, nambubully!" pang-elementary na sumbong ni Ivory.

"Oo nga, Sir! Gusto po yatang magvolunteer ni Gella!" gatong pa ni Rafael sa kanya.

I sighed out of frustration and tried to calm myself before looking at him. He
titled his head while looking at me amused with a playful smile plastered on his
lips.

"Bulong po kasi ni Rafael sa akin ay gusto niya raw magvolunteer para makalapit
sa'yo... Sir," I calmly said before smirking at my friend.

Kinatiyawan naman siya agad ng mga kaklase namin at bahagya pa siyang pinagtulakan
hanggang sa tuluyang mapapunta sa unahan kaya wala na siyang nagawa. Nakahinga ako
nang maluwag at inabala na lang ang sarili sa hawak na bandage habang nakikinig sa
demonstration nila.

        Kapitulo IV - Attract [My Sweet Surrender]

            "Ericka, paturo naman kung paano mag-compute nitong Molarity at


concentration..." sabi ni Ivory. "Fuck Chemistry talaga!"

Pinagtawanan at inasar siya ni Rafael kaya naman nagbangayan silang dalawa roon.

Isinandal ko ang ulo ko sa pader sa aking tabi at napapagod na ipinikit ang aking
mga mata. Kakatapos lang namin magklase sa Chemistry at pakiramdam ko ay tuyong-
tuyo na agad ang utak ko. Isa na naman itong panibagong araw kung kailan marami
kaming quizzes kaya kabi-kabila na naman ang ingay ng klase dahil sa pagrereview.

"Types of urine specimen... Random specimen, first-morning/8-hour specimen, fasting


specimen... uh, timed specimen at saka ano... ano nga ulit 'yon?"

"Double-voided specimen!" pagsingit ni Rafael sa pagkakabisado ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Luh, papansin! Magreview ka ng sa'yo!" singhal ko sa


kanya.

He just rolled his eyes and made a face. I shook my head and looked back at my
reviewer while chuckling. Nang dumating ang professor namin sa kasunod na subject
ay nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan ang lahat.

"Nakapagreview ba kayo nang maayos?" masiglang tanong sa amin ng professor namin sa


Principles of Medical Laboratory Science na siyang nirereview ko kanina.

My classmates groaned in unison. Magiliw na tumawa ang aming propesor habang


pinaglalaruan sa kanyang kamay ang papel na aming iq-quiz. Pinatago niya na ang mga
reviewer namin dahil magsisimula na kaming magquiz.

Pagkatapos magsagot ng long quiz ay pinayagan niya kaming maagang mag-recess. Nauna
akong matapos kaysa kila Rafael kaya naman nauna akong kumain dahil hindi pa ako
nag-aalmusal gawa ng maagang pasok kanina sa NSTP.

Pagkapasok ko sa canteen ay dumiretso agad ako sa counter para tumingin at pumili


ng makakain. Isang order ng carbonara at hot chocolate lang ang in-order ko bago
nagbayad sa cashier at umupo sa isang bakanteng table upang hintayin ang aking
order.

Humalumbaba ako at ipinikit ang aking mga mata upang makapagpahinga saglit habang
wala pa ang aking order. Nagising lang ako dahil sa mahinang tunog ng paglapag ng
plato sa aking lamesa.
"Here's your order, Ma'am..."

Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa nagdala ng aking order. Nakasuot si
Caleb ng isang apron sa ibabaw ng kanyang military uniform. Itinikom ko agad ang
aking bibig nang mapansing napatitig pala ako nang matagal sa kanya.

"What are you doing here?" Muntik ko nang murahin ang sarili dahil sa obvious na
tanong ko.

"I'm helping Manang Rosa... Siya ang dating nag-alaga sa amin ng nakababatang
kapatid ko noong maliit pa lang kami. They are now working here," paliwanag niya.
"I'm sorry, did I wake you up?

I slowly shook my head as a response and pursed my lips. Inabala ko ang sarili sa
pag-aayos ng aking kakainin ngunit napatigil ako nang mapansing nakatayo pa rin
siya at hindi pa rin umaalis sa harapan ko.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at pinagtaasan siya ng isang kilay. "What?"

Kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha at ang pagpipigil magtanong.


Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang clean cut na buhok at binasa ang ibaba
niyang labi bago umiling.

"Nothing... Enjoy your meal, Georgianna..."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumunta siya sa counter at tumulong muli sa


pagseserve ng mga order. Habang kumakain ako ay pinapanood ko lang siya habang
nagt-trabaho. Madalas ang pagsulyap niya sa gawi ko kaya nagkukunwari akong abala
sa pagkain.

Nang matapos akong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko at binitbit upang


ilagay ito sa tamang lagayan bago lumabas ng canteen ngunit napatigil ako nang
makitang mabilis na naglalakad patungo sa kinatatayuan ko si Caleb.

"Akin na..." marahang sabi niya.

Ibinigay ko ito sa kanya nang walang pag-aalinlangan upang hindi na humaba pa ang
interaksyon namin. Nilagpasan ko na siya at naglakad na papalabas ng canteen.

Nakasalubong ko pa sila Rafael at Ivory na parehong nagra-rant tungkol sa hirap ng


aming quiz kanina.

"Oh, tapos ka nang kumain, Gella?" gulat na tanong sa akin ni Ivory.


Tumango ako. "Kakatapos lang. Mauuna na ako sa laboratory..." sabi ko bago sila
hinayaang pumasok na sa canteen.

Sa kalagitnaan ng panonood ko ng medical Kdrama sa aking cellphone ay may naalala


ako. Agad kong in-open ang browser ng phone ko at nagtipa ng is-search.

Unang lumabas sa search results ay ang buong pangalan ni Lionel Messi at ang
kanyang biograpiya. Kasunod noon ay ilan niyang litrato at videos ng kanyang mga
football matches. Mayroon ding mga articles pero bukod doon ay wala na akong
nahanap na importante at kakaibang impormasyon.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagkalito. Bakit nga ba lagi akong tinatanong ni
Caleb kung gusto ko ba itong si Messi? Eh ano naman kung gusto ko siya o hindi?

Napasinghap ako at napagpasyahang subukang itanong ang parehong tanong sa mga


kaibigan ko.

To: Rafael, Tati, and Ivory

Do you like Messi?

Nagulat ako nang sunud-sunod na tumunog ang cellphone ko wala pang isang minuto ang
nakalilipas simula noong s-in-end ko ang group message ko sa kanila. Una kong
binuksan ay 'yong kay Ivory.

From: Ivory

May boyfriend na ako tanga.

Mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo dahil sa pagkalito.

To: Ivory

Tanga ka rin.

Sunod kong binuksan ang reply ni Tatiana sa akin. Napakurap-kurap ako habang
pinagmamasdan ang reply niyang shocked emoji na may katabing rainbow flag.

Napailing ako at sunod na binuksan ang reply ni Rafael. Nasapo ko na lang ang aking
noo.

From: Rafael
./.

"Mga walang kwenta..." iritadong bulong ko bago itinago na ang cellphone sa aking
bulsa at nagpasyang magpahangin sa labas ng laboratory.

"Gella!"

Gulat kong nilingon si Archi nang makita siyang tumatakbo papunta sa direksyon ko.
Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay nagliwanag ang kanyang mukha.

Ngumiti rin ako sa kanya. "What are you doing here?" kuryosong tanong ko.

Itinuro niya ang Chemistry laboratory na ilang dipa lang ang layo sa amin. "May
laboratory activity kami ngayon sa Chemistry..."

I slowly nodded. Muling bumalik sa isip ko ang kanina pa bumabagabag sa akin kaya
tumikhim ako at tumingin sa kaharap.

"Archi... do you like Messi?" seryosong tanong ko sa kanya.

Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha. Bakas ang pagkalito sa


kanyang mukha ngunit may halo itong kaunting pagkamangha na mas nagpakunot sa noo
ko.

Sandali siyang nag-isip bago sumagot sa akin. "Well, yeah... But I like Cristiano
Ronaldo more. Or maybe I like them both equally? I don't know," aniya bago
namamanghang tumingin sa akin. "I didn't know you like football, Gella..."

"I don't. There's just something... bothering me." Hinayaan ko ang sariling
sumandal sa barandilya sa aking tabi at nakangusong tumingin sa kanya. "Wala ka
bang naiisip na ibang ibig sabihin sa tanong ko?"

Kumunot ang noo niya. "Uh... meron ba? Tinatanong mo lang naman ako kung gusto ko
si Messi, ah?"

I pouted even more. "Pero... wala ka bang ibang naisip matapos kitang tanungin
no'n?" I drawled.

He blinked twice and shifted his weight a bit. Tumikhim siya at umiling. "Wala, I
just thought you liked football, too."

Wala ba talagang ibang ibig sabihin iyon? Was it all in my head? Am I just
overthinking it? Damn that Caleb Avanzado!
Maya maya ay tinawag na siya ng mga kaklase niya kaya nagpaalam na siya sa akin at
pumasok na sa laboratory. Nang dumating sila Rafael at Ivory ay pareho nila akong
kinurot sa tagiliran.

"Gaga, anong ibig sabihin ng text mo sa amin?!" eksaheradang tanong ni Rafael sa


akin.

I sighed. "What does 'Do you like Messi?' mean?"

Nagulat ako nang biglang humalakhak ang dalawa kong kaibigan habang pinapanood
akong nalilito at walang kaide-ideya.

"Pick up line iyon sa isang Korean drama! Manood ka kasi ng mga nakakakilig
paminsan-minsan! Puro ka medical Kdrama, eh!" natatawang sabi ni Ivory.

"Bakit ba? Medical Kdramas are my thing! May natututunan kasi ako roon..." I
argued. "At saka may mga romance din naman doon, ah!"

"Kaya wala kang kaalam-alam kung paano lumandi, eh!" pang-uuyam sa akin ni Rafael.

"Kaya wala kang jowa!" dagdag pa ni Ivory.

Iritado ko silang tiningnan. "Inaano ko ba kayo?!"

Humalukipkip sa harapan ko si Rafael at pinagtaasan ako ng isang kilay. Naningkit


ang kanyang mga mata at nagdududang tumingin sa akin.

"Teka nga... sino bang nagtanong sa'yo no'n at bakit mukhang nababagabag ka?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Si Caleb," kalmadong sagot ko upang hindi niya
ako pag-isipan ng kung ano.

Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko nang bigla silang maghampasan sa


harapan ko at nagtitili na para bang may sinabi akong nakakakilig at nakakatuwa.

"What?" nalilitong tanong ko sa kanila.

Hinampas ako ni Rafael sa braso. "Girl, kung ako sa'yo... ikaw mismo ang magtanong
kay Caleb kung anong ibig niyang sabihin para malinawan ka!" nangingiti at
makahulugang sabi niya.

Ivory laughed heartily. Inakbayan niya si Rafael at inayang pumasok sa loob. "Sana
all anak ng Diyos..." aniya bago humalakhak.
Pinanood ko silang masayang pumasok sa loob ng laboratory. Napabuntong-hininga na
lang ako at napailing. Pumasok na rin ako sa loob dahil nakita kong kakalabas lang
mula sa faculty ng aming professor.

Pagkatapos ng mahabang araw sa loob ng laboratory ay nagpasya ang aming propesor na


bigyan kami ng early dismissal dahil maaga siyang natapos sa pagtuturo ng methods
kung paano mag-measure ng Hematocrit level sa dugo.

Habang naglalakad kaming tatlo papunta sa parking lot ay napapahikab ako dahil sa
antok at pagod. Nagising lang ang diwa ko nang makitang nakaupo sa isang bench sa
may entrance ng parking lot si Caleb at mukhang may hinihintay.

Nang magtama ang aming tingin ay nagliwanag ang kanyang mukha at dahan-dahang
tumayo.

"OMG! Ivory, 'di ba sabi mo kanina ay bibili pa tayo ng scantron paper para sa
exam?!" sabi ni Rafael na biglang tumigil sa paglalakad bago inakbayan si Ivory at
hinila pabalik sa aming dinaanan kanina.

Nalilito ko silang tiningnan. "T-Teka, ibili niyo rin ako!" natatarantang sabi ko
ngunit kumaway lang sila sa akin at nauna na sa pagpunta sa bookstore sa kabilang
building.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makitang nakalapit na pala sa akin si
Caleb. Tipid siyang ngumiti at nakapamulsa habang tahimik na nakatayo sa aking
harapan. Bahagya kaming tumabi dahil may mga dumadaang sasakyan papasok ng parking
lot.

His dark clean cut hair complemented his face. The light from the setting sun
perfectly highlighted the right angles on his face. Napakurap-kurap ako at bumaba
ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi nang umawang ito at umambang magsasalita.

"Pauwi ka na ba?" His deep husky voice sent my senses back to reality. Tumikhim ako
at marahang tumango.

"What does 'Do you like Messi?' means?" diretsong tanong ko sa kanya bago
nagpatuloy sa paglalakad papunta sa sasakyan ko.

Sumulyap ako sa kanya at nakitang tahimik siyang sumusunod sa akin. Bakas sa


kanyang mukha ang magkahalong gulat at pagkamangha dahil sa sinabi ko. I noticed
his Adam's apple moved.

"It's a pick up line from one of my favorite Korean dramas..." napapaos na sagot
niya.

I stopped walking and raised a brow. Napatigil din siya sa paglalakad at nanatiling
nakatayo sa harapan ko.

"Alam ko... Gusto kong malaman ang ibig sabihin no'n."

He immediately shifted his weight a bit. "The friends of the lead actress of that
particular drama said that guys are attracted to girls who share the same interests
as they. I thought it's the same when it comes to girls being attracted to guys
kaya... s-sinubukan ko." he trailed off.

So kaya niya ba sinabi iyon sa akin ay para maipakita niyang parehas kami ng
interests? O... para ma-attract ako sa kanya dahil doon? What?

"I also thought you're familiar with that pick up line and that you also like
Korean dramas just like most girls that I know... but I guess you're not," nag-
aalinlangang dagdag niya.

Humalukipkip ako. "I only watch Medical Kdramas..." I trailed off.

Inilagay niya muli sa kanyang bulsa ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa
akin. "I recommend 'Weightlifting Fairy Kim Bok Joo'. It's pretty good," he simply
suggested.

My brow shot up. "By any chance, are you a Kdrama addict?"

"N-No... I've only watched some popular Kdramas like 'Crash Landing on You' and
'Descendants of the Sun'."

Napansin ko ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi pagkatapos niyang sabihin ang
mga pamagat ng mga napanood niya.

I looked at him with amusement. Pinigilan ko ang sariling mapatawa dahil alam kong
nahihiya siya sa ginawang pag-amin. I can't help but smile, though. He looks so
cold and manly so I didn't really thought he can be this soft.

"Okay... sabi mo eh," sabi ko bago umambang lalagpasan na siya ngunit nagulat ako
nang bigla siyang magsalita.

"C-Can I... take you home?" Napatigil ako sa paglalakad at hindi agad nakabawi.

He immediately avoided my gaze and scratch the back of his head like a shy high
school kid. Napansin ko ring bahagyang umigting ang kanyang panga habang nakayuko
nang kaunti ang ulo. Tumikhim ako upang pigilan ang pagkawala ng ngiti sa aking
labi.

Matapang niyang inangat ang kanyang tingin sa akin at nilabanan ko naman iyon. "No,
thanks..." I simply said before unlocking my Golden Wildtrak standing majestically
behind him.

Nilagpasan ko siya at taas-noong pumasok sa sasakyan ko. Pinaandar ko ang makina ng


aking sasakyan at sinuot ang aking seatbelt. Nakita kong sinusundan niya pa rin ako
ng tingin kahit nasa loob na ako kaya bumusina ako upang patabihin siya sa daraanan
ko. Dahan-dahan siyang umatras at nagbigay-daan sa akin. I smirked as I slowly
drove my way out of the parking lot.

        Kapitulo V - Left [My Sweet Surrender]

            Weeks passed by so fast at ngayon ay isang linggo na lang bago ang


Final exam week namin. Hindi ko alam kung paano namin nalagpasan ang dalawang buong
linggo na tadtad ng quizzes at deadlines ng final requirements. Ngayon ay dedicated
na lang itong week na ito para matutukan namin ang pagrereview para sa upcoming
exams next week.

"Good morning..."

Inangat ko ang tingin ko sa naglapag ng kape sa aking lamesa. Nandito ako ngayon sa
canteen upang mag-almusal at makapagreview nang mag-isa. Every Monday, napapadalas
ang pagsama ni Caleb sa propesor namin sa NSTP. Madalas din akong inaasar ng ilang
mga kaklase ko dahil doon.

Kapansin-pansin din ang madalas niyang pangungulit at pagpaparamdam sa akin after


our last conversation on the parking lot. Napapadalas din ang kanyang pagtetext sa
akin kahit na paminsan-minsan ko lang siyang nirereplyan. 

At school, he would patiently wait for me on the entrance of the parking lot after
my classes and during times like these, palagi siyang nagvovolunteer na tumulong sa
pagseserve ng pagkain sa canteen at sinasabayan ako sa pagkain.

"Morning..." matabang na sabi ko bago ibinalik ang tingin sa reviewer.

"Would you mind if I join you?" he politely asked.

Tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo pa dahil ayokong humaba ang aming pag-
uusap. Kaya lang ay hindi ako mapakali sa aking kinauupuan simula noong umupo siya
sa harapan ko dahil ramdam kong nakatitig siya sa akin at pinapanood akong mag-
aral.

Pagod ko siyang tiningnan. "Can you please stop staring at me?" inis na sabi ko.

Ngumuso siya. A ghost of a smile is playing on his lips while he slowly nodded.
Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa. Napatigil lang ulit
ako nang ilapit niya ang baso ng kape sa aking kamay.
"Kape ka muna... It will help boost or improve your memory and other brain
functions..." he calmly suggested.

Hinawakan ko ang kape at inangat ang tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin nang
matamis bago sinenyasan akong inumin iyon. "Wala bang lason ito?" taas ang isang
kilay na tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Lason? No way... gayuma siguro, pwede pa."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinawanan niya ako. Sa huli ay sumimsim na rin ako
roon at nagliwanag nga agad ang pakiramdam at pag-iisip ko. Nagpatuloy ako sa
pagrereview habang sumisimsim sa kapeng ibinigay niya sa akin.

Napatingin ulit ako sa kanya nang humalumbaba siya sa harapan ko. Pinagtaasan ko
siya ng isang kilay ngunit hindi pa rin siya nahihiyang tumitig sa akin. "What?"
pagsusungit ko sa kanya.

He cocked his head a bit. "Hindi ako sigurado kung mas maganda ka ba kapag seryoso
ka o kapag tinatarayan mo ako..." he stated.

I looked at him with disbelief. How can he say that directly and confidently
without feeling a bit embarrassed? Sanay na sanay na ba siyang magsabi ng ganito sa
mga babae niya?

Tumikhim ako at sumimsim na lang sa aking kape upang balewalain ang biglaang
pagbilis ng pagtibok ng aking puso. Maybe the coffee is making my heart flutter,
huh...

Pagkaubos ko ng kape ko ay nagmadali agad akong umalis doon at hindi na nag-abalang


magpaalam pa sa kanya. Hanggang sa makaakyat ako sa tamang palapag kung nasaan ang
room ng susunod kong klase ay mainit pa rin ang mukha ko.

Napatigil nga lang ako sa paglalakad nang maramdaman ang pagdaloy ng isang malamig
na kape sa aking uniporme pababa sa katawan ko. Hindi agad ako nakabawi dahil sa
gulat.

"Oh my gosh... I-I'm sorry!" gulat ding sabi ng babaeng aksidenteng nakatapon sa
akin ng kape dahil bigla siyang natalisod sa harapan ko.

Kunot-noo ko siyang tiningnan habang pilit niyang pinupunasan ang aking braso at
damit gamit ang isang piraso ng tissue na hawak niya. Hinawakan ko ang pala-
pulsuhan niya upang pigilan siya at tipid na ngumiti.

"Gella!" Lumihis ang tingin ko sa kanya at nakitang nag-aalalang nakatingin sa akin


ang kaibigan kong si Rafael at Ivory.
Nang makalapit sila sa akin ay nagpabalik-balik ang tingin nila sa aming dalawa.
Humalukipkip si Rafael habang taas-noong nakatingin sa babaeng kaharap ko. "Sino
ka? At bakit mo sinabuyan ng kape ang kaibigan ko?" mataray na tanong niya.

"Raf..." pigil ko sa kanya. Suplado niya lang akong tiningnan bago muling
pinagtaasan ng kilay ang babae.

Bakas ang takot sa mata ng babae habang nag-iiwas ng tingin sa kaharap. "I-I'm
sorry! Hindi ko sinasadya! N-Natalisod lang ako—"

"Natalisod?! Girl, walang nakakatalisod dito sa hallway!" he mocked. "At saka hindi
ka naman nakasuot ng heels para madaling madapa, ah? Ang lampa mo naman? Arte
nito!"

Napayuko ang babae dahil sa takot at nakita kong nangingilid na ang kanyang luha.
Sinenyasan ko si Rafael na tumahimik at tumigil na ngunit tila ayaw nitong tumigil.

"Nakita kita kanina noong naglalakad ka papalapit kay Gella! I saw that you
intentionally tried to trip yourself para maibuhos sa kanya ang kapeng hawak mo!"
galit na dagdag ni Rafael.

"Raffy, tama na..." pigil sa kanya ni Ivory. Hinawakan niya na ito sa braso upang
pigilan ngunit masama rin ang tingin niya sa babae.

Nalilito akong nagpabalik-balik ng tingin sa kanila. Sino ba itong babaeng 'to?


Totoo ba ang sinasabi nito ni Rafael? Pero... hindi ko naman siya kilala kaya bakit
niya gagawin sa akin iyon?

Nagulat ako nang sumulyap sa akin ang babae at bakas ang takot sa kanyang mga mata.
Yumuko siya at humikbi habang nakahawak sa braso ko. "I... I'm sorry. Hindi ko
talaga sinasadya, Georgianna! It's just that... g-gusto ko lang makalapit sa'yo at
makausap ka pero..."

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Kilala mo ako? Sino ka ba at
bakit gusto mo akong makausap?" diretsong tanong ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakitaan ko ng pag-asa ang kanyang mga mata.
Nag-aalinlangan siyang ngumiti sa akin at napababa ang tingin ko sa dumudulas na
hawak niya sa aking braso pababa sa aking kamay.

"I'm Allena... Allena Carvajal... your sister," nakangiting pakilala niya sa


sarili.

I stiffened. Gusto kong umatras at umalis doon ngunit hindi talaga gumagalaw ang
mga paa ko. Ang marahang haplos ni Ivory sa aking likod ang siyang nagpabalik sa
akin sa reyalidad. Tila na-blangko ang aking utak at napuno ng galit ang aking
puso.

"Y-You... stay away from me..." mariin at nanggigigil na sabi ko bago marahas na
kinalas ang pagkakahawak niya sa akin.

"Georgianna, please... Let's talk!" aniya bago sinubukang hawakan ulit ang aking
kamay ngunit hindi ko na napigilan ang paglipad ng aking palad sa kanyang mukha.
Gulat siyang napahawak sa kanyang namumulang pisngi habang nakatingin sa akin.

"Get out of my face bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo," I said with pure
conviction.

Bumalatay sa kanyang mukha ang sakit ng bawat salitang sinabi ko. "How dare you say
that to your sister—"

"And how dare you call yourself my sister?" I looked at her with nothing but pure
disgust. "You are not my sister. You are not my family and you will never be."

This girl in front of me is my father's daughter from his mistress. Silang dalawa
ng nanay niya ang may dahilan kung bakit iniwan kami ni Daddy. I will never
acknowledge her as my sister... never in this lifetime. Over my dead fucking body!

Bakas ang poot at galit sa kanyang mga mata ngunit sinuklian ko lang ito ng
pagkasuklam at panunuya. Nilagpasan ko siya at sinadya ko pang banggain ang kanyang
balikat. Dumiretso ako sa locker room upang kunin ang pamalit kong uniporme. Mabuti
na lang talaga ay hindi pa ako nagbibihis ng NSTP uniform dahil kung nagkataong
'yong uniporme ko ang namantsahan ay paniguradong mahihirapan ako.

Buong klase ay tahimik lang din si Rafael at Ivory sa tabi ko at tila tinatantya
ang mood ko. Paminsan-minsan ay nagbibiro siya upang gumaan ang pakiramdam ko kaya
naman nawala na rin saglit sa isip ko ang nangyari kanina.

Nang sumapit ang uwian ay nauna na ako at dumiretso na agad sa parking lot.
Napataas ang isang kilay ko nang makitang naroon na naman si Caleb at tila may
hinihintay. Nang makita ako ay lumiwanag ang kanyang mukha ngunit agad itong napawi
nang magtagal ang tingin niya sa akin. Nanatili lang siyang nakatayo roon at
hinintay akong makalapit.

"Is there anything... wrong?" He looked worried.

Ngumiti ako nang tipid sa kanya bago umiling. "I'm fine. Umuwi ka na... hindi pa
rin ako magpapahatid sa'yo," biro ko sa kanya.

Nanatili siyang nakatingin sa akin at tila tinatantya ang nararamdaman ko. Sa huli
ay bumuntong-hininga na lang siya at tumango sa akin. Hinatid niya ako hanggang sa
aking sasakyan.
"Drive safely, Georgianna..." aniya bago umatras at nagbigay-daan sa akin.

Tumango ako at isinara na ang binuksang bintana. Pinaandar ko na ang sasakyan ko


papalabas ng parking lot at sinulyapan na lang siya sa side mirror. Nakita kong
umalis siya sa kinatatayuan niya nang makitang papaliko na ako.

Nag-drive na ako papalabas ng university upang daanan ang kapatid ko sa kanyang


school. Nang makarating ako roon ay agad akong napapreno nang makita kung sino ang
kausap ng kapatid ko sa tapat ng school. Mabilis kong iginilid ang aking sasakyan
at nagmamadaling nagmartsa palabas mula roon.

Marahas kong hinablot ang kamay ng kapatid ko at inilagay siya sa likuran ko. "A-
Ate Gella..." gulat na sambit ni Skylen.

Makahulugan ko siyang tiningnan at sinenyasan na pumasok na sa sasakyan ko. Nag-


aalinlangan pa siya noong una ngunit kalaunan ay sumunod din siya sa aking sinabi.
Ibinalik ko ang mariing tingin ko sa lalaking kaharap.

"Anak... I didn't mean to—"

I scoffed. "Ganiyan ba talaga kayong mag-ama? Wala ba kayong ibang kayang sabihin
kun'di 'sorry' at 'hindi ko sinasadya'?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"What do you mean? I just want to see you and Skylen—"

"Pwede ba, Daddy?" inis na sabi ko. "You left, remember? The moment you chose them
over us, it was over for you and me, too. Hindi mo ba alam?"

Itinikom niya ang kanyang bibig at bahagyang napayuko dahil sa sinabi ko. I
scoffed. Siya itong umalis at iniwan kami para sa ibang pamilya niya pero siya pa
itong nagmumukhang biktima ngayon sa harapan ko.

"I... I'm sorry, anak..." nabasag ang boses niya.

Nangilid ang mga luha ko ngunit pilit ko pa ring nilabanan ang titig niya. I smiled
at him without humor. "I don't need your apology. I want you to stop meddling with
my life just because you feel pity for me. Don't you dare go near MY family
again..."

With that, I turned my back and left the first man who broke my heart without even
saying goodbye to him... just like what he did to us before.
Bago ako pumasok sa aking sasakyan ay sinubukan ko pa rin siyang lingunin at
tingnan kahit na masakit sa loob ko at naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko
nang makitang wala na siya roon.

I chuckled without humor as I went inside my car. It was so stupid of me to believe


that you would still be there after I pushed you away.  Ano pa nga bang aasahan ko,
'di ba? Diyan ka naman magaling, Daddy eh... sa pang-iiwan.

        Kapitulo VI - Angry [My Sweet Surrender]

            Kinagabihan ng araw ring iyon ay umuwi ako sa bahay kasama si Skylen


upang kumustahin si Mommy. Naisipan kong dito muna ako matutulog dahil wala naman
akong part-time job buong linggo dahil nag-file muna ako ng temporary leave para sa
Finals week namin starting next week.

Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan at tinanggal ang aking seatbelt pagka-
parking ko sa aming garahe. Nakita kong balisa pa rin sa kanyang kinauupuan ang
kapatid ko. "Hindi pa rin ba sinasagot ni Mommy, Skylen?"

Bakas ang kaba at pag-aalala sa kanyang habang hinihintay pa rin ang pagsagot ni
Mommy sa kanyang tawag gamit ang cellphone ko. Kanina ay sinubukan niya na rin
itong tawagan gamit ang kanyang cellphone pero hindi rin ito sinagot kaya naisip
namin na baka ayaw niya lang talagang sagutin iyon dahil numero iyon ni Skylen.

Number ko na ang gamit ngayon ng kapatid ko ngunit hindi pa rin ito sinasagot ni
Mommy kaya nagsisimula na talaga kaming mag-alala pareho.

Nagmamadali kaming bumaba mula sa sasakyan at pumasok na sa bahay. Lumapit ako sa


isa sa mga kasambahay. "Manang, nasaan po si Mommy?" mahinahong tanong ko sa kanya
upang hindi niya mapansin na natataranta at nag-aalala na ako.

"Nasa kuwarto niya, Gella. Umuwi siya rito na galit na galit. Pagkapasok niya sa
kuwarto ay hindi na siya muling lumabas," aniya.

Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kanya at tumungo na agad ako sa itaas na


palapag ng aming bahay. Naabutan kong kumakatok ang kapatid ko sa pinto ng kwarto
ni Mommy.

"Mom, open the door... Si Skylen po ito..." napapaos na sinabi niya.

Napasinghap ako at agad na pinakuha sa isang kasambahay ang spare key ng kuwarto
niya.

"Mom! Open the door, please! Dito ako matutulog ngayong gabi," malakas na sabi ko
habang kinakalampag ang kanyang pinto ngunit wala pa ring tumutugon.

"Ate, pakisabi naman kay Manang pakibilisan po!" nauubos ang pasensyang sabi ko sa
isang kasambahay na naghihintay sa amin.

Nang iabot na sa akin ang susi ay walang pag-aalinlangan kong binuksan ang kanyang
pinto. Hindi agad kami nakakibo dahil sa gulat habang pinagmamasdan si Mommy na
nakahiga sa sahig at napapalibutan ng maraming bote ng alak.

Agad dinaluhan ni Skylen si Mommy kaya natauhan na rin ako. Inutusan ko ang mga
kasambahay na maghanda ng isang palanggana na may maligamgam na tubig at tuwalya.
Nagpahanda rin ako sa kanila ng kanyang pamalit na damit.

"M-Mommy... ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ng kapatid ko habang pilit na


tinatanggal sa kanyang kamay ang isang bote ng hard liquor.

Lumapit din ako kay Mommy at umupo sa tabi ng kapatid ko. Tinanggal ko ang mga
walang laman na bote at inilayo iyon sa kanya. Pinasadahan ko ng tingin ang nanay
kong hindi na halos makamulat ng kanyang mga mata at hindi na makabangon dahil sa
sobrang kalasingan.

Her usual sharpness and elegance was gone. Her perfectly braided hair was
disheveled and her make up was all smudged. Namumugto rin ang kanyang mga mata at
halatang natuyo na ang kanyang mga luha sa pisngi. I have an idea about this but...
I want to confirm it myself.

"U-Umalis ka nga sa tabi ko!" she said in a very raspy voice as she tried to push
away my brother while her eyes remained closed.

Sinalo ko ang kamay niyang ihahampas sana sa kapatid ko at hinawakan ang kanyang
pisngi bago marahan itong inalog. "Mommy... Mommy, look at me. Nandito ako sa tabi
mo... Nandito kami ni Skylen. Tell me what happened..." marahang sabi ko.

Bahagya niyang iminulat ang kanyang mukha. Halata ang kalasingan niya dahil hindi
siya diretsong makatingin sa akin. Nagulat kami nang bigla siyang humagulgol sa
harapan naming dalawa.

Sinubukan siyang aluin ng kapatid ko ngunit pinagtabuyan niya ito papalayo. "Get
out! I... I don't want to see your face ever again!" nanggagalaiting sigaw niya sa
kapatid ko habang dinuduro siya gamit ang kabilang kamay na pilit kumakawala sa
hawak ko.

Bumalatay ang sakit sa mukha ng aking kapatid. His bloodshot eyes and slightly
parted lips made my heart ache so bad. Nang umamba siyang tatayo ay hinawakan ko
ang kanyang kamay at umiling sa kanya. Nakuha niya agad ang ibig kong sabihin at
ngumiti nang pilit sa akin.

"I said get out! Ano bang hindi mo maintindihan doon, ha?! Pinayagan na kitang
sumama sa kabit mo, Arnaldo! Ano pa bang gusto mo?!" sigaw niya habang nakatingin
pa rin sa kapatid ko.
Nangilid ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Ngayon ay napagtanto ko na kung
bakit niya pinapaalis ngayon ang kapatid ko. Nakikita niya siguro si Daddy sa kanya
ngayong lasing siya lalo na't kamukhang-kamukha niya ito. Mukhang naintindihan na
rin iyon ni Skylen kaya hindi na siya sumubok na umalis pa.

"Shh... Mommy, I'm here. Hindi siya si Daddy, okay? Anak mo 'yan... si Skylen.
Hindi ka namin iiwan," bulong ko sa kanya.

Pagod na isinandal ni Mommy ang kanyang ulo sa aking dibdib. Niyakap ko siya habang
marahang hinahaplos ang kanyang buhok. Pinalis ko ang mga luha ko ngunit tila hindi
rin ito nauubos.

"You're everything I have, Georgianna... Hinding-hindi ko hahayaang pati kayo ay


makuha rin niya sa akin," umiiyak na sabi niya.

Tinutop ko ang aking bibig upang pigilan ang pagkawala ng aking hikbi. Naramdaman
ko ang paghaplos ng kapatid ko sa aking likod.

Ngumiti ako sa kanya nang malungkot. I know for sure that he wanted to comfort Mom
if only he could. Nanatili na lang siyang tahimik sa likuran ko at pinapanood
kaming dalawa.

"Nakipagkita ka ba kay Daddy?" mahinahong tanong ko sa kanya.

Bumitiw siya sa yakap at nakitaan ko agad ng galit at poot ang kanyang mga mata.
"Sabi ng gagong iyon ay gusto niya raw kayong makasama sa isang bubong kasama ang
kanyang pamilya. How dare him!"

Umusbong din ang galit sa akin habang pinapakinggan ang bawat hinaing ni Mommy.
Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay lalo na nang nagsimula na naman siyang
umiyak.

"Gusto niya raw magkakilala kayo ng bastarda niya! Hinding-hindi ako papayag!"

"Hindi rin po ako papayag, Mom. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kami sasama
ni Skylen sa kanila," mariing sabi ko na siyang nagpaliwanag nang kaunti sa kanyang
mukha.

She gently caressed my face. "You're my treasure, Georgianna Isabella. I won't and
I will never let them take you away from me."

Tipid akong ngumiti sa kanya at nag-iwas ng tingin. Hinawakan ko ang kamay niyang
nakahawak sa aking pisngi. "We won't leave you, Mommy. Hindi kami sasama ni Skylen
kay Daddy," paniniguro ko sa kanya.
"I will never sign the annulment papers! As long as I'm alive, I will never give
them the feeling of satisfaction! Hangga't nabubuhay ako, hinding-hindi ko sila
hahayaang maging masaya!" she said with pure conviction before sobbing.

Matapos ang mahaba-haba pang pagrereklamo at paglalabas ng hinanakit ni Mommy sa


amin ay nakatulog na ulit siya. Marahan siyang pinangko at inihiga ni Skylen sa
kanyang kama.

Inabot sa akin ng mga kasambahay ang bahagya nang lumamig na tubig sa palanggana.
Marahang pinunasan ni Skylen ang kanyang mukha, braso, at mga kamay. Inayos ko
naman ang malambot na unan sa kanyang ulo.

Ako ang nagbihis ng pamalit na damit kay Mommy. Inayos ko ang kanyang kumot at
marahang pinasadahan ng likod ng aking daliri ang kanyang maamong mukha.

She's sleeping peacefully and looks a lot more comfortable now. Iniwan na namin
siya roon matapos naming linisin ang mga kalat niya sa kanyang silid. Kumain muna
kami ng hapunan ni Skylen kahit na gabing-gabi na.

"Thank you for today, Skylen... You did well..." I said softly and slightly
caressed my brother's face.

Ngumiti siya nang matamis sa akin at nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata
dahil sa nagbabadyang luha. Niyakap niya ako agad at naramdaman ko ang pamamasa ng
aking balikat dahil sa mahina niyang pag-iyak.

Inalu ko ang kanyang likod at pinigilan ang pagtulo ng nangingilid ko ring mga
luha. "I'm sorry, Ate..." he sobbed.

Kumalas ako sa yakap at pinalis ang mga luha sa kanyang pisngi gamit ang aking
hinlalaki. "Shh... Wala kang dapat ihingi ng tawad, okay? You did nothing wrong,
baby. Hindi sa'yo galit si Mommy. She did not mean what she said to you earlier..."

Pumikit siya nang mariin at marahang tumango. Marahan kong tinapik ang kanyang
pisngi bago binitiwan. Pinalis ko rin ang ilang luhang tumakas mula sa mata ko.

"You should rest now. It's been a long and tiring day for you. Matulog ka na agad
pagkabihis mo, okay?" sabi ko.

Tumango siya sa akin bago ngumiti. "Good night, Ate Gella..."

I smiled at him sweetly. "Good night, my Skylen. I love you..."

Pagkabalik ko sa aking silid ay naligo muna ako at nagbihis ng pantulog. Pagkahiga


ko sa aking kama ay natulala ako sa kisame habang bumabalik sa aking alaala ang
lahat ng nangyari ngayong araw. Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog
basta't ang alam ko lang ay hinila na lang ako ng antok nang mapagod ako sa pag-
iyak.

Kinabukasan ay mas maaga akong gumising dahil malayo pa ang biyahe ko papasok ng
university. Pagkaligo at pagkabihis ko ng uniporme ay bumaba na agad ako at
umambang aalis na ngunit nagulat ako nang marinig ang boses ni Mommy mula sa
kusina.

Bumalik ako at lumapit doon upang makita ang kanyang ginagawa. "Oh! Gising ka na
pala, Gella! Nagluto ako ng breakfast..." masiglang aniya.

Napakurap-kurap ako at napatitig sa kanya. Is she really the same drunk woman we
took care of last night? Parang walang nangyari, ah!

Tumikhim ako at tumulong na sa kanya sa paghahanda ng lamesa. Palihim akong


napangiti nang maglagay siya ng extra plate para sa kapatid ko at nilagyan niya rin
ito ng pagkain.

"Mom, kaunti lang po sana... Nagmamadali po ako, eh," pigil ko sa kanya nang
nilagyan niya ako ng maraming kanin sa aking pinggan. She chuckled and nodded.

"Manang, pakilagyan muna ng takip itong kay Skylen. Mukhang mamaya pa ang gising
niya," kalmadong utos niya sa kasambahay bago nagkunwaring walang sinabi.

I bit my lower lip and tried to suppress a smile. Pinagtaasan niya ako ng isang
kilay kaya itinikom ko agad ang aking bibig. Matapos mag-almusal ay naghanda na ako
sa pag-alis at nagpaalam na kay Mommy.

"Take care, anak... Don't talk to strangers, okay?" makahulugang sabi niya.

Napairap ako at bahagyang napatawa. "Mom, hindi na ako bata!" natatawang sabi ko
bago humalik na sa kanyang pisngi.

Bumusina ako bilang pamamaalam at tumulak na patungo sa school. Nang makarating


doon ay nag-park na agad ako ng sasakyan bago pumunta sa building namin.

Pagkapasok ko pa lang sa room ay nahanap agad ng paningin ko si Tati kasama si


Ivory at Rafael. Kaklase kasi namin siya sa ilang minor subjects na kaparehas
namin.

"Bakit namumugto mata mo? Pinaiyak ka ng jowa mo?!" usisa agad sa akin ni Rafael
nang makalapit ako.

I rolled my eyes and made a face. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang sa aking
upuan ngunit pinalibutan agad nila akong tatlo kaya nagpalipat-lipat sa kanila ang
tingin ko.
"Jowa mo na 'yong poging Criminology student?!" bungad na tanong sa akin ni
Tatiana.

"What? No!" pagtanggi ko agad.

"Huh?! Ba't lagi kayong magkasama kung gano'n? At saka lagi rin kayong nagkikita sa
may parking lot every dismissal!" malisyosong dagdag ni Rafael.

"Manliligaw mo siguro, 'no?!" kinikilig na sabi ni Ivory.

"Wala akong oras para sa pagjojowa. Tigilan niyo nga ako! Mga chismosa!"
napapabuntong-hiningang sabi ko.

"Girl, you really need to get a life." Sinamaan ko ng tingin si Tati dahil sa
sinabi niya.

"Ako na naman ang nakita mo, Tatiana! Tigilan mo nga ako!"

"Seriously! Puro ka na lang aral! Sa pag-aaral na lang umiikot mundo mo!" pang-
uuyam niya pa.

"Hindi ko kailangan ng jowa. I have a lot of friends, you know. I'm contented with
that." Sabay na napatango bilang pagsang-ayon ang dalawa kong kaibigan na mukhang
naiintindihan ang hirap ko sa pag-aaral.

"Iyon na nga, eh! Ang dami mo nang friends. Baka pwedeng jowa naman?!"

"Bakit ba usapang jowa 'to? Wala ka na bang ibang maisip na topic?" Napairap ako
kay Tati.

"Hehe..." I narrowed my eyes and looked at her suspiciously. "Ano kasi... may
senior ako sa College of Nursing... 3rd year na siya ngayon. Baka raw ano..."

Nalilito ko siyang tiningnan. Nakatingin din sa kanya si Rafael at Ivory na mukhang


wala ring ideya sa sinasabi ng babaeng ito. "Ano?"

"Kung pwede raw bang mahingi 'yong number mo..." sabi niya gamit ang maliit na
boses at nag-iiwas ng tingin sa akin.

Nagtaas lang ako ng isang kilay. "Oh tapos?"

Iritado siyang napatingin sa akin. "What?! 'Yan lang ang sasabihin mo sa akin?
Hindi mo ba gets? Type ka niya , girl! Malay mo naman siya na, 'di ba?!"

Pigil na pigil akong mapatawa kaya tumikhim na lang ako. "Oh tapos?" masungit na
pag-uulit ko sa sinabi kanina.

"Whatever, Georgianna Isabella! Bahala ka nga sa buhay mo!" inis na sabi niya bago
padabog na tumayo sa kanyang kinauupuan kaya napahalakhak ako.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kunot-noo ko itong binuksan at
nakitang may isang unread message mula sa isang hindi pamilyar na numero. Agad
napataas ang isang kilay ko habang binabasa ito.

From: Unknown Number

Hi, Georgianna! I got your number from Tati. By the way, I'm Ivan from College of
Nursing. :)

Napaahon ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. "What the hell, Penelope Tatiana?!"
iritadong singhal ko.

Humalakhak siya nang malakas habang tumatakbo papalayo sa akin. Napailing na lang
ako sa ginawa niya. Naghabulan kaming dalawa sa labas ng room at tumigil lang noong
dumating na ang professor namin.

Nang sumapit ang uwian ay nagpaalam na agad ako sa aking mga kaibigan na mauuna na
akong umuwi.

"Sus! Excited ka lang makita 'yong gwapo mong sundalo!" pang-uuyam sa akin ni
Rafael.

Inirapan ko siya at kinawayan. "Whatever, mga inggitera!" pang-aasar ko sa kanila


bago umalis.

Pagkalabas ko pa lang ng building ay agad lumipat ang tingin ko sa may parking lot.
Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi nang makitang may nakaupo roon sa may
entrance ng parking lot.

Inilagay ko sa gilid ng aking tainga ang mga takas na buhok sa aking mukha at
pasimpleng inayos ang palda kong uniporme. Taas-noo akong naglakad papalapit doon
at hindi na tumingin pa sa kanyang gawin para kunwari ay wala akong nakita.

"Uh... Georgianna?" Napatigil ako sa paglalakad at gulat na napatingin sa lalaking


lumapit sa akin.

I tilted my head a bit to look behind him but he immediately blocked my view. Sino
ito? Hindi ba... si Caleb 'yong naghihintay sa akin?

My eyes drifted to his empty parking space. Agad kumunot ang noo ko dahil sa
pagtataka. Umalis na siya agad? O... hindi ba siya pumasok ngayong araw?

Napabalik ang tingin ko sa kaharap nang bahagya niyang iwagayway ang kanyang kamay
upang makuha ang atensyon ko. Tumikhim ako at tipid na ngumiti sa kanya. "Uh... s-
sino ka?"

He smiled boyishly, revealing his dimples. His dark tousled hair matches the gentle
expression of his face. "I'm Ivan... uh... the one who sent you a text message
earlier."

I slowly nodded. Hindi ako sumagot kaya muli siyang nagsalita. "Pauwi ka na ba?"

Tumango ulit ako. He shifted his weight and I can feel his uneasiness.

"Okay lang ba kung... ihatid kita?" nahihiyang sabi niya.

I chuckled. "No, thanks." Ipinakita ko sa kanya ang car keys ko at umambang


lalagpasan na siya ngunit nagsalita ulit siya.

"C-Can I ask you out for a coffee?" Napatigil agad ako dahil sa sinabi niya.
Napataas ang isang kilay ko. Is he asking me out for a date?

Muli kong pinasadahan ng tingin ang paligid at bumagsak ang aking balikat dahil sa
hindi malamang dahilan. Sa huli ay napasinghap ako at bigong ibinalik ang tingin sa
kausap.

"I'm sorry... B-Busy ako, eh. Next time na lang siguro," mapait na sinabi ko bago
tinapik siya sa balikat at nilagpasan. Padabog kong binuksan ang pintuan ng aking
sasakyan at pumasok doon.

Pinaandar ko ang makina ng sasakyan at ikinabit ang aking seatbelt. Ipinatong ko


ang aking ulo sa manibela at pagod na ipinikit ang mga mata. Why am I suddenly
getting angry for no reason...

        Kapitulo VII - Take [My Sweet Surrender]

            Days passed by so fast at ngayon ay first day na ng Final exam week


namin. I've spent the whole week studying for the finals. Wala rin akong naging
distractions dahil hindi na muling nagparamdam pa si Daddy sa amin ni Skylen at
hindi na rin ako nilalapitan ng 'half sister' ko dito sa school.

I also haven't heard about Caleb these past few days. Hindi ko na siya muling
nakita at nakasalubong pa dito sa school pagkatapos noong naging huli naming pag-
uusap sa may parking lot. It's not like I'm looking for him or waiting for him,
though. It's actually a good thing for me.

Diretso uwi na lang ako pagkatapos ng klase at wala nang chika-chika pa bago
sumakay ng sasakyan. Wala ring nagtetext sa akin para mangulit at para magtanong
kung kumain na ba ako o kung gusto ko ba si Messi. My life has been very peaceful
and I'm honestly very thankful for it.

"Gella!"

Napatigil ako sa paglalakad upang lingunin ang tumawag sa akin. I immediately


raised a brow when I saw Tatiana rushing towards me. May hawak siyang isang
malaking chocolate bar mula sa isang sikat na brand ng tsokolate at isang large cup
of coffee.

Nang makalapit siya ay inabot niya iyon sa akin habang nakangisi. "Pinapabigay
sa'yo ni Ivan-senpai," natatawang sabi niya. "Pinaabot niya na lang sa akin dahil
male-late na siya sa exam kanina."

My brows rose up a bit in amusement. Tinanggap ko ito at binasa ang maliit na


sticky note na nakadikit sa cup ng coffee.

Good morning, Dra. Carvajal! Have a nice day and goodluck on your exams! :)

-Your future nurse ;)

Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa biglaang pagsundot ni Tati sa tagiliran


ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi niya ako tinigilang asarin hanggang sa
makarating kami sa magkatabi naming designated rooms para sa exam.

I'm in the room full of people with surnames starting with letter 'C' to letter 'E'
while Tatiana Fuentebella is with surnames from letter 'F' to letter 'G'.
Magkakahalo kami ng iba't ibang kurso dahil first day pa lang ng Departmental
exams. Ibig sabihin ay minor subjects pa lang ang eexamin namin ngayong araw kaya
magkakahiwalay pa kami alphabetically at hindi by course.

Habang nagrereview ng notes ko at hinihintay sa pagdating ng proctor namin ay


ininom ko ang bigay na kape sa akin ni Ivan.

Ivan turned out to be a really nice guy. I thought he was a playboy at first, to be
honest. But in reality, he's very sweet and gentle. He's been consistent ever since
we met at hindi rin naman siya nangungulit pagdating sa texts dahil na rin siguro
nagkakaintindihan kami in terms of studying dahil parehas kaming nasa Allied health
program. Hindi niya rin ako kinukulit tungkol sa nabanggit ko sa kanyang paglabas
namin.

He's definitely a complete opposite of Caleb. Caleb is very inconsistent. Pasulpot-


sulpot lang kung saan-saan at bigla-bigla na lang nawawala— teka nga! Bakit ba
biglang napasok sa usapan si Caleb?!

Tumigil ako sa pagsimsim sa kape at pinadausdos ang mga daliri ko sa aking buhok
dahil sa umuusbong na hindi maipaliwanag na iritasyon. Why would I compare him to
Ivan? Hindi ko naman siya manliligaw at wala naman siyang gusto sa akin! He's
just... he's just... a friend, I guess?

Teka nga, magkaibigan na nga ba talaga kami? How the hell would I know that? He
just pops out of nowhere! Bigla niya na lang akong kakausapin tapos bigla na lang
ding titigil katulad ngayon! Bigla na lang siyang susulpot tapos bigla na lang ding
mawawala! Well, whatever. Wala akong pake!

Pagkatapos ng final exam week namin ay start na ng bakasyon. Pero syempre,


kailangan muna naming asikasuhin ang clearance namin then of course, after that...
nakatapos din ng isang taon! Sobrang bilis talaga ng panahon! Hindi ko namalayan na
nakatapos na pala ako ng isang taon sa kolehiyo dahil sa sobrang busy ko sa pag-
aaral.

Napagdesisyunan ko ring bumalik sa bahay ni Mommy dahil plano kong gawing full time
ang trabaho ko buong bakasyon. Mas malapit din kasi ang location ng café sa bahay
namin kumpara sa condo ko kaya mas makakatipid ako sa gas. And of course, Mommy
would be delighted about this! Mas mababantayan ko rin at mas makakapagbonding kami
ni Skylen kapag doon ako tumira.

Ang shift ko sa trabaho ay magsisimula lang sa tanghali hanggang closing dahil


idededicate ko ang morning schedule ko para makabonding ang aking kapatid na simula
na rin ang bakasyon.

"Ate, do you think Mommy would allow me to work at Daddy's company this summer?"
rinig kong tanong ni Skylen mula sa kabilang linya.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid at siniguradong walang pending na order


bago ko ibinaba ang hawak na tray at sumandal sa counter. Inilipat ko sa kabilang
tainga ang cellphone na hawak ko bago magsalita.

"Of course! She would definitely approve dahil ayaw niyang nagpapalamang.
Papalakpak pa siguro iyon sa tuwa kung pati ako ay magt-trabaho rin doon pero
syempre hindi ko iyon field and I don't realy have a knowledge about engineering
firms and how it works so... it's probably best if it would be you," nangingiting
sabi ko sa kapatid.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "I'll try my best to work
as an intern first. As much as possible, gusto kong matutunan muna ang mga mas
mababang posisyon. I want to prove Mommy and Daddy that I can be the best engineer
in the future."

I bit my lower lip to supress a smile. I have always been proud of my little
brother mula pa noon, pero mas lalo yata akong humanga ngayon. I already know that
he has the potential to do it, kailangan niya lang talaga ng taong maniniwala at
susuporta sa kanya.

"Parang mas matanda ka pa sa akin," biro ko sa kanya. "I'm already 2nd year college
next school year pero mas mataas pa mangarap sa akin ang isang Grade 9 student."
Napairap ako bago humalakhak.

"Uh, excuse me..."

Halos malaglag ko ang cellphone ko dahil sa gulat sa nagsalita kaya pinatay ko agad
ang tawag at nilagay iyon sa aking bulsa bago tuluyang hinarap ang bagong customer.
"Uhm... yes, sir? May I take your order?" agad na tanong ko.

Nabitin sa ere ang pagsusulat ko sa aking notepad nang iangat ko ang tingin ko sa
customer. Napakurap-kurap ako sa gulat at nabalik lang sa reyalidad ang isip nang
tumikhim siya.

"Hi..."

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang suot. He's not wearing his usual uniform kaya
medyo nanibago ako at hindi ko siya agad nakilala. I noticed that his clean cut
hair is getting a bit longer. Nakasuot lang siya ng isang simpleng plain gray v-
neck t-shirt, maong pants at white rubber shoes but he's oozing with so much
appeal. Dumagdag pa sa kanyang maayos na porma ang nakasabit na Wayfarers sa
kanyang dibdib kaya naman napansin kong napapalingon sa kanya ang karamihan sa
customers.

"How did you know that I work here?" gulat pa ring tanong ko.

Hindi niya pinansin ang tanong ko at binasa ang menu sa kanyang harapan. Napatikhim
ako sa bahagyang pagkahiya. Ang kapal naman ng mukha mo, Georgianna! He just
happened to be here! Sa tingin mo ba ay pumunta siya dito para sa'yo? Of course
not! Assumerang 'to!

May multo ng ngiti sa kanyang labi bago siya muling nagsalita. "What do you like?"
tanong niya na siyang nagpalito sa akin.

"Huh?"

"I mean... kung ikaw ang o-order, ano ang gusto mong order-in?" he rephrased his
previous question.

I pursed my lips and slowly nodded. I narrowed my eyes while scanning the menu.
"Hmm..." I trailed off. "I'd like one caramel macchiato and an original glazed
donut."
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nakita ang bahagyang pag-angat ng gilid ng
kanyang labi. "Okay, then..." aniya bago marahang tumango. "Can I have two large
caramel macchiato and two original glazed donuts, please?"

Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Nag-iwas agad ako ng tingin at
nagmamadaling inilista ang kanyang mga in-order. May pinindot ako sa machine at
inilabas noon ang kanyang resibo at presyong babayaran. Inabot niya sa akin ang
kanyang card at pagkaswipe ko ay ibinalik ko na sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang
resibo at hindi na siya muling sinulyapan pa.

Pagkatalikod ko ay lumapit ako sa coffee machine at mahigpit na napakapit sa


counter. Napabuga ako ng hangin at napapikit nang mariin. Bakit pakiramdam ko ay
malalagutan ako ng hininga sa harapan niya?

Inasikaso ko na agad ang order niya at ini-serve iyon sa kanyang lamesa. "Here's
your two large caramel macchiato and two original glazed donuts. Orders complete?"
kalmadong sabi ko kahit sa loob ko'y sasabog na ang puso ko sa kaba.

He pursed his lips and nodded. Aalis na sana ako ngunit hinawakan niya ang aking
pala-pulsuhan kaya napatigil ako. Bumalik ang tingin ko sa kanya at muli ko na
namang naramdaman ang paninikip ng aking dibdib.

"What?" mataray na tanong ko bago nahihiyang ngumiti at humingi ng tawad sa mga


napalingong customers sa akin.

"Do you like Messi?" tanong niya.

Napasinghap ako dahil doon. Bahagya akong umatras dahil sa takot na marinig niya
ang lakas ng tibok ng puso ko. I've already watched the Kdrama he recommended me at
napanood ko na rin ang eksena kung saan ipinaliwanag ang ibig sabihin ng pick up
line na iyon.

"No..." napapaos na sagot ko.

"Okay..." He playfully smirked. "Then, do you like to have a coffee with me


instead?"

Binawi ko ang hawak niya sa pala-pulsuhan ko at sinamaan siya ng tingin. Nagtaas


ako ng isang kilay at tiningnan ang order niyang isa pang kape at donut na hindi pa
nagagalaw. "Bakit? Hindi ka ba sinipot ng ka-date mo?" pagsusuplada ko.

He softly chuckled. "Depende kung uupo siya ngayon at sasamahan ako rito..."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. He just shrugged and watched me.
"Ewan ko sa'yo, Caleb," inis na sabi ko bago umambang magmamartsa na paalis ngunit
naramdaman ko muli ang mainit niyang palad sa pala-pulsuhan ko.
Iritado ko siyang nilingon. "Ano ba?!" nauubos ang pasensyang sabi ko.

He cleared his throat. Napansin ko ang bahagyang pamumungay ng kanyang mga mata
habang nakatingin sa akin. "Pa-take out na lang ako ng dalawang ito..." mahinahong
sabi niya.

Suminghap ako at napipilitang tumango. Kinuha ko ang platito na naglalaman ng


glazed donut bago dinala iyon sa counter. Inilipat ko ito sa isang pink na paper
box at tinalian ng black ribbon bago inilagay sa isang maliit na paper bag. Kumuha
rin ako ng takip at lalagyan ng cup para sa binili niyang macchiato.

Saktong pagbalik ko roon ay ubos niya na ang kanyang glazed donut at sumisipsip
siya sa straw ng kanyang inumin habang nakatingin sa labas ng bintana. Nang makita
ako ay lumiwanag ang kanyang mukha.

Inabot ko sa kanya ang take out niya ngunit sinulyapan niya lang ito. "Ito na 'yong
t-in-ake out mo," nauubos na naman ang pasensyang sabi ko.

He pursed his lips and his eyes remained watching me. Suminghap ako at umambang
ipapatong na iyon sa lamesa ngunit pinigilan niya ako. Bahagya akong natigilan nang
maramdaman ang pagdaloy ng hindi pamilyar na elektrisidad sa aking katawan dahil sa
pagtatama ng aming balat.

"Take it, Gella. That's for you..." he said huskily.

Hindi pa ako nakakabawi sa kanyang sinabi ay tumayo na siya at dumiretso na palabas


ng café. Sinundan ko na lang ng tingin ang pag-alis ng kanyang sasakyan sa labas.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa hawak na paper bag at sa iniwan niyang
hindi pa nababawasang large caramel macchiato.

        Kapitulo VIII - Drop [My Sweet Surrender]

            "Ate, you think I can do it?" he asked me nervously.

Hinawakan ko ang baba niya at hinuli ang kanyang tingin. The uneasiness in his eyes
was very evident and I can almost feel it, too. "Hey, loosen up!" sabi ko habang
inaayos ang kuwelyo ng suot niyang light blue button-down long sleeves. "You are a
Carvajal. Of course, you can do it! I believe in you, Skylen..."

Ngayong araw ay ang first day ni Skylen bilang intern sa kumpanya namin. We told
Mommy about it last night and as expected, she immediately approved it.

"Are you sure you don't want to work there, too?" puno ng pag-asang tanong niya sa
akin.

Napairap ako. "Mom, ilang beses ko nang sinagot 'yan. I'm in the medical field!
Wala akong maidudulot na maganda sa kumpanya niyo. And besides, Skylen will pursue
engineering... Malaking tulong sa kanya ang maagang on-hand experience para gamay
niya na ito agad pagtungtong niya ng kolehiyo."

Hindi namin in-expect na sasama pa siya ngayon papuntang A&G Engineering &
Construction Services, Inc. para samahan ang anak niya sa kumpanyang 'mamanahin
niya balang araw'. Magpapatawag na rin daw siya ng meeting sa mga board members
bukas at ipapakilala agad ang anak niya.

"You don't have to go overboard, Mom! Skylen is going there to learn and get some
experience! Why do you have to make it a big deal?" napapagod na sabi ko.

We've been arguing about it all night at bahagya na akong nagsisi na nagpaalam pa
si Skylen. Sana ay pasikreto na lang kaming nag-email sa secretary ni Daddy para
ma-aprubahan iyon but of course my pride won't let me kaya heto at kay Mommy kami
nagpaalam.

Napalingon kaming dalawa ng kapatid ko nang bumaba mula sa hagdan ang aming ina.
The sophisticated Gabriella Carvajal is wearing an elegant dark green off-shoulder
bodycon dress paired with gold stilletos. Her usual French braided updo was
slightly loose to look naturally messy. Nakasuot din siya ng malaking sunglasses na
itinaas niya muna sa kanyang ulo dahil nasa loob pa naman kami ng bahay.

I already know how enthusiastic she was about my brother's internship since
yesterday pero hindi ko inaasahan na magiging ganito pala siya ka-handa ngayon!
Nahihiya akong napatingin sa suot kong simpleng white short sleeved button-down
shirt at black candy pants. I'd probably look like an assistant beside my well-
dressed mother!

Ihahatid ko lang naman si Skylen sa kumpanya at saglit na maglilibot doon bago


aalis na. I understand that Monmy's working there but... bakit pakiramdam ko ay may
iba siyang dahilan sa kanyang bihis? Para siyang may kikitaing importanteng tao!
Itutuloy pa kaya niya 'yong pinagtatalunan naming board meeting?

I dramatically sighed. "Mom, you really don't have to do this," pigil ko kay Mommy
pagkababa niya pa lang sa hagdan.

She looked offended. She rolled her eyes before putting down her sunglasses. "Oh
shut up, Georgianna! I'd even go for an extra mile if it was you who will work
there. Baka nagpa-fiesta ako roon at engrandeng welcoming party!" eksaheradang sabi
niya bago taas-noong naglakad palabas ng bahay.

Napairap din ako at sumunod na lang sa kanya. Sumakay na kami sa sasakyan ni Mommy
at tumulak na patungo sa kumpanya. It took us more than half an hour to arrive
there because of the heavy traffic. Pagkarating doon ay sinalubong kami ng ilang
empleyado at pinangunahan kami ni Mommy sa pagpasok.

Pinasadahan ko ng tingin ang malaking lobby ng kumpanya. The last time I visited
here, I think I was around three years old and I was with Daddy. Hindi pa sila
naghihiwalay ni Mommy noon. The memory of that visit was vague, though. Masyado pa
akong bata noon at napalitan na ng ibang alaala tungkol kay Daddy ang utak ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang may makitang isang pamilyar na mukha. Nang makita
niya ako ay ngumisi siya bago agad na inilipat ang tingin kay Mommy. Nagmamadali
siyang lumakad papalapit sa amin.

"Hi, Tita... Good morning po!" magalang na bati ni Allena.

Mommy laughed. "Tita? Pamangkin ba kita?" sarkastikong sabi niya bago iniwan kaming
dalawa ni Skylen at nakihalubilo muna sa ilang board members na tumawag sa kanya.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay at taas-noong tiningnan. Hindi siya makatingin


sa akin nang diretso ngayon at napansin kong kanina niya pa iniiwasan ang tingin
ko. Bumaling siya kay Skylen na mukhang nalilito sa nangyayaring tensyon sa pagitan
namin.

"Are you Skylen Carvajal?" Tumango ang kapatid ko ngunit blangko lang siyang
nakatingin sa babaeng kausap. "I'm Allena... Allena Ca—"

"Skylen, why don't you go and take a look at your workplace now? Para na rin
makilala mo ang mga makakasama mo..." pagputol ko sa gustong sabihin ng pabidang
kaharap ko.

Bumaling sa akin si Skylen bago marahang tumango. "Okay, Ate. I'll be back, okay?"
nakangiting aniya sabay halik sa pisngi ko.

Nang makita kong nakalayo na ang kapatid ko ay hinarap ko muli ang kausap bago
humalukipkip. "Papansin ka?" diretsong sabi ko sa kanya.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Hindi ko na siya hinayaan pang
sumagot at lumapit na kay Mommy na mukhang kakatapos lang makipag-usap. "Let's go,
Mom..."

Nang kaming dalawa na lang ni Mommy ang nasa loob ng elevator ay doon na siya
nagsimulang maglabas ng kanyang saloobin. "Papansin talaga ang batang iyon! Napaka-
mapapel katulad ng hipokrita niyang nanay!" Pa-Tita Tita pa siya, akala mo naman
talaga ay close kami!"

Napabuntong-hininga ako at pinanood na lang ang pag-akyat ng numero sa elevator.


"Hindi na ba magbabago ang isip mo, anak?" Hindi agad ako nakabawi sa biglaang
pagtatanong niya.

"Mom, we've already talked about—"

She sighed to let go of her frustration to cut me off. "Siya ang magmamana ng
kumpanyang ito kapag hindi mo siya naunahan! Puwede ka namang magshift—"

"Mom, you know that it's impossible for now because she is not a legitimate child—"

"Pero paano kung siya ang ilagay ng Daddy mo sa last will and testament niya?!"
eksaheradang sabi niya. "She will inherit this company at siguradong tatanggalin
niya ang karapatan niyong magkapatid!"

Kumunot ang noo ko. "Mom, why are you talking about his last will? Hindi pa naman
mamamatay si Daddy!"

"Hindi pa nga, pero kapag hindi pa niya iniwan ang kabit niya ay mapatay ko na
siya—"

"Mom!" my voice thundered. Nasapo ko na lang ang aking noo bago napailing.

She looked frustrated and hurt. "Allena is a year older than you, Gella! Maaaring
mas mabilis at mas maaga niyang ma-aacquire ang company because she's already at
the legal age and she's already 3rd year college next school year. Engineering ang
kurso niya at isa pa, nagt-trabaho na rin siya dito sa kumpanya! Kung hihintayin pa
natin si Skylen na makapagtapos ng pag-aaral—"

Hinarap ko siya at pinigilan. "Mom, please stop... Ayoko na pong pag-usapan 'to,"
pinal na sabi ko.

Halatang mayroon pa sana siyang sasabihin kung hindi lang bumukas sa tamang palapag
ng kanyang opisina ang elevator. Ngumiti ako nang pilit sa kanya bago pinindot ang
ground floor button ng elevator. "Hindi ka ba mananatili dito ngayong araw?" tanong
niya gamit ang maliit na boses.

"Hindi na po. Hinatid ko lang po kayong dalawa ni Skylen. I have work," sagot ko
bago hinayaang magsara ang pinto ng elevator.

Pagkarating ng elevator sa ground floor, naabutan ko si Daddy na naghihintay


bumukas itong elevator na sinasakyan ko. "G-Georgianna..."

Bago pa ako makabati sa kanya ay may kumapit sa kanyang braso na isang babaeng mas
bata nang kaunti kay Mommy. She eyed me from head to toe before faking a smile.

Palagi ba talagang kasama ni Daddy itong kabit niya? Ayos lang ba ito kay Mommy?
Well, obviously not! I wonder how she reacts everytime she see them together. I
hope she's doing fine... Maybe I should visit her in her office every day to check
on her? Kahit iyon na lang siguro dahil hindi ko naman magagawa ang gusto niyang
ipagawa sa akin.

Ngumiti ako nang matamis kay Daddy. "Hi, Dad. Hinatid ko lang po si Mommy sa
opisina." Sinulyapan ko lang ang babaeng katabi niya at nagkunwaring hindi ko siya
nakita.

Nilagpasan ko sila at sinadya ko pang banggain nang bahagya ang kabit niya. Narinig
ko ang muling pagtawag sa akin ni Daddy ngunit hindi ko na sila nilingon pa at
dire-diretso na lang naglakad patungo sa magiging opisina ng kapatid ko. My heart
is very heavy but it's bearable... I'm already used to it.

Agad napatigil sa ginagawa ang karamihan at napalingon sa akin nang pumasok ako sa
opisina nila. Kalahati ng mga tao sa silid ay kalalakihan at sa tingin ko ay mga
engineer.

"Si Ma'am Georgianna 'yan, anak ng boss natin!" narinig kong bulong ng isa sa
kasamahan.

"Good morning, Ms. Carvajal..." sabay-sabay na bati nila sa akin.

"Good morning..." Ngumiti muna ako sa kanila bago magtanong. "Nasaan si Skylen?"

"Ate Gella!" Napalingon ako sa labas ng opisina at nakita ang kapatid ko na


kumakaway sa akin. Napapalibutan siya ng ilang mga kasamahan at mukhang
magkakasundo na sila agad.

Humingi ako ng paumanhin sa mga naistorbo ko at nagpasalamat muna bago umalis.


Ramdam kong nakasunod pa rin sa akin ang kanilang tingin kaya hindi na ako muling
lumingon pa. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng kapatid ko.

"Kapatid mo 'yan? Akala ko girlfriend mo, 'tol!" rinig kong sabi ng isang lalaking
nanatili sa akin ang tingin habang naglalakad ako papalapit sa kanila.

"Guys, siya nga pala 'yong ate ko... si Ate Gella. Ate Gella, mga kasamahan ko nga
pala sa trabaho," pagpapakilala sa akin ni Skylen.

Ngumiti ako sa kanila. "Hi... Kayo na ang bahala sa kapatid ko ha?" pabirong sabi
ko.

Nagtawanan sila sa sinabi ko. Isa-isa silang nagpakilala ngunit hindi ko masyadong
natandaan ang lahat ng mga pangalan nila dahil masyadong marami at mabilis ang
kanilang pagpapakilala.

Habang nagk-kuwentuhan sila ay pasimple akong bumulong sa kapatid. "Sky, pupunta na


ako sa café..."

Tumango siya sa akin. "Okay, Ate. By the way, paano ka pupunta roon? Hindi mo dala
ang sasakyan mo..."
Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Para namang hindi ako marunong mag-commute!"

He chuckled. "Ingat ka, Ate..." aniya.

Nagpaalam na rin ako sa mga ka-trabaho niya bago pumihit na paalis. Napatigil lang
ako nang marinig na may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakita ang isang
ka-trabaho ni Skylen na nagsabing mukha raw akong girlfriend ng kapatid ko.

Nag-aalinlangan siyang ngumiti sa akin. "U-Uh... Pauwi ka na ba, Ms. Carvajal?"


nahihiyang tanong niya sa akin nang makalapit.

Umiling ako. "Papasok pa ako sa trabaho. At saka... Gella na lang, ang formal naman
ng Ms. Carvajal. Hindi niyo naman ako boss dito," biro ko upang mapagaan ang pag-
uusap namin.

Lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. "I'm Westly nga pala... in case you
don't remember," aniya bago tumawa. "Boss ka rin namin, anak ka ng mga boss namin,
eh."

Tumango ako at ngumiti na lang. "Okay, Westly. Nice to meet you... Mauuna na ako,"
I said in a dismissive tone.

"T-Teka! Puwede ba kitang maihatid sa trabaho mo?" mabilis na agap niya.

I chuckled. "Huwag na. Thanks for the offer..." magalang na pagtanggi ko bago
tinalikuran siya at naglakad na papalabas ng lobby.

Habang naglalakad papalabas sa revolving door ay nagtama ang tingin namin ng


lalaking naglalakad din sa pinto katapat ko at papasok pa lang sa lobby. Napakunot
ang noo ko. Anong ginagawa ni Caleb dito?

Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Bumagal lang ang lakad


ko nang maramdamang may sumusunod sa akin. "Gella..." I heard his deep voice behind
me.

Tumigil ako upang harapin siya. "Anong ginagawa mo dito?" nagdududang tanong ko.

He swallowed hard as he stepped closer to me. "Ako muna dapat ang magtatanong
n'yan..." bulong-bulong niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napahalakhak siya.

"This is my father's company, hinatid ko ang kapatid ko dito for his first day of
internship," sagot ko na lang upang hindi na pahabain pa ang usapan.

He pursed his lips and slowly nodded. "Pinapunta naman ako ng kapatid ko dito dahil
may inutos siya sa akin. Dito kasi siya nagt-trabaho..." he trailed off. "Paalis ka
na?"

Tumango ako at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang kanyang suot. He's wearing a
white long-sleeved button-down shirt with pale blue stripes. Nakatupi iyon hanggang
sa kanyang siko at nakabukas din ang unang dalawang butones. Nakasuot din siya ng
dark blue slacks at beige na topsider. Ngayon ko lang din napansin ang medyo
malaking height difference naming dalawa lalo na't hindi ako nakasuot ng heels
ngayon.

Napansin kong may hinanap muna ang kanyang mata sa paligid bago niya ibinalik ang
kanyang tingin sa akin. "You did not bring your car?"

Napasinghap ako bago tumango. The side of his lips slightly rose like an idea came
up to his mind. "I can take you to your workplace... if you want."

My lips protruded in amusement. "Hindi ko tinatanong," pambabara ko sa kanya.

He looked at me with disbelief. "I-I mean... is it okay if I'll take you there?" he
rephrased.

I chuckled. "No, thanks. Pupuntahan mo pa ang kapatid mo..." I reminded him.

He shifted his weight. "I will come back here after I drop you off at the café,"
agap niya.

Tumingin muna ako sa paligid bago ibinalik ang tingin sa namumungay niyang mga
mata. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "O-Okay then..." napapaos na sagot
ko.

Umangat ang isang gilid ng kanyang labi bago tumango at kinuha mula sa kanyang
bulsa ang susi ng kanyang sasakyan.

        Kapitulo IX - Offer [My Sweet Surrender]

            Bakit ko nga ba tinanggap itong offer niya? Damn, nakakahiya pala! Baka
isipin niya pa ay tinanggap ko lang ito dahil ayokong mag-commute! Sana pala ay
dinala ko na lang ang kotse ko... o kaya naman ay tinanggap ko na lang ang offer sa
akin ni Westly kanina! Pero hindi ba't gano'n din 'yon? Iniba ko lang!

Buong biyahe akong tulala at nagsisisi sa pagiging impulsive ko sa pagdedesisyon


kanina. I should've rejected his offer like what I usually do! Bakit bigla ko itong
tinanggap ngayon? Mabilis ko namang tinanggihan si Westly kanina, ah... kaya bakit
hindi ko iyon ginawa kay Caleb?

Teka nga, bakit ba masyado kong binibigdeal 'to? Eh, ano naman kung tinanggap ko,
'di ba? Hindi naman siya estranghero sa akin at saka... wala namang malisya 'to!
We're just friends and we've already known each other for months! Wala lang 'to! I
should really stop overthinking and overanalyzing everything!

"Gella..."

Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat nang biglang magsalita si
Caleb. Huminga muna ako nang malalim at umayos nang pagkakaupo. Uminit ang pisngi
ko nang makita ang pananantiya sa kanyang tingin sa akin. "A-Ano?"

"Nandito na tayo..." mahinahong sabi niya.

Kung wala lang siya sa harapan ko ngayon ay paniguradong nasapo ko na ang aking noo
dahil sa kahihiyan at disappointment sa sarili. Hindi ko man lang namalayan at
naramdaman na dumating na pala kami dito! Ano na, Georgianna Isabella? Lutang na
lutang?

"O-Okay... Thanks for the ride," halos pabulong na sabi ko.

Sinulyapan ko siya at nakitang tinatantiya niya pa rin ang reaksyon ko. Nang
makitang nakatingin ako sa kanya ay tumikhim siya at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Okay. Babalik na lang ako dito mamaya..." kalmadong aniya.

Tumango na lang ako at nagtanggal na ng aking seatbelt upang hindi na pahabain pa


ang aming pag-uusap. Narinig ko ang mabilis na pagbukas at pagsara ng kanyang pinto
sa kabila at pinanood ko siyang patakbong pumunta sa banda ko halos kasabay lang ng
pagbubukas ko ng pinto.

His dark eyes remained watching me as I step out of his car. "Thank you..." I
muttered.

Hinintay ko muna ang pag-alis ng kanyang sasakyan bago tuluyang pumasok sa café.
Napabuntong-hininga ako habang inaalala ang pagkalutang ko sa buong biyahe kanina.
Dumiretso agad ako sa staff room upang magbihis bago lumabas at tumulong na sa
kasama ko sa aking shift ngayon.

"Sino iyon? Boyfriend mo?" usisa agad sa akin ni Aryana, ka-trabaho ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kasama lang, boyfriend na agad? Ang judger mo naman,"
napapailing na sabi ko.

Napanguso siya. "Puwede ka namang humindi na lang, ang dami mo pang sinabi!"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at lumipad ang isip sa ibang bagay. I should've
said no earlier pero bakit nga ba nagpaligoy-ligoy pa ako kanina? Akala ko ba ay
ayaw mo siyang makasama dahil ayaw mo sa kanya? Ano, may change of heart na ba,
Georgianna?
Napatalon ako sa gulat nang pitikin ni Aryana ang noo ko. Halos mabitiwan ko pa ang
hawak na tray kaya tinawanan niya ang reaksyon ko. "Lutang ka, ghorl?" pang-uuyam
niya.

"Bumalik ka na nga lang sa pagt-trabaho!" iritadong sabi ko habang inaabala ang


sarili sa pagpupunas ng mga tray.

She scoffed. Iwinagayway niya sa akin ang kanyang mga hawak na plato. "Girl, ikaw
lang naman itong maraming time para matulala at magmuni-muni! Kanina pa ako nagt-
trabaho dito," sarkastikong sabi niya.

Hindi ko siya pinansin kahit na panay pa rin ang pang-uusisa niya tungkol sa
lalaking kasama ko kanina. Inabala ko na lang ang sarili sa pag-aayos ng mga
tinapay at cake.

"Kung hindi mo naman pala jowa iyon... baka puwedeng kami na lang?" biglaang sabi
niya.

Agad akong napatigil sa ginagawa at dumapo ang tingin sa kanya. She looked serious
about what she said. Pinasadahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa ang aking ka-
trabaho. Aryana is pretty. She's slim and a bit taller than me. She would
definitely pass as a model kung pagsisikapan niya ito at susubukang i-pursue iyon
bilang karera. Sigurado akong ganitong mga babae ang tipo ni Caleb lalo na't hindi
nalalayo ang edad niya sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kaunting pait sa
lalamunan ko.

"Oh, easy girl! Kung makatingin ka sa akin ay parang gusto mo na akong ibitin
patiwarik at ihain sa mga crocodile!" aniya bago humalakhak at hinampas ako sa
braso. "Chinacharot lang naman kita! Masyado mo namang sineryoso!"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagpatuloy na lang sa ginagawa. My thoughts went


deeper and darker. Ano naman kung maging sila ni Aryana? Bagay naman sila at...
maganda naman si Aryana. She's also very kind and fun to be with. Sigurado akong
magiging masaya si Caleb kapag kasama siya dahil marami silang mapapag-usapan.
Hindi katulad ko na tulala lang kapag kasama siya at walang masabing topic.

Napatigil ang iniisip ko nang bigla akong sundutin ni Aryana sa aking tagiliran.
"Hoy, gaga ka! May boyfriend na ako! Galit ka talaga sa akin?" hindi makapaniwalang
sabi niya.

Sumulyap ako sa kanya. Guilt suddenly took over me. Why would I think ill of her?
She's been very nice and friendly towards me! Bakit ba hinahayaan kong lamunin ako
ng obsessive thoughts ko?

"H-Hindi ako galit..."


She chuckled. "You're a bad liar, Gella! I can't believe I saw another side of
you!" sabi niya.

Napailing ako at napabuntong-hininga. "I'm not lying, Aryana..." seryosong sabi ko.

Pabiro niyang kinurot ang pisngi ko. "Matagal na tayong magka-trabaho, Gella! I've
never seen you like this towards me when we talked about some random guy! Gusto mo
siguro siya 'no?!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nakisabay lang ako kanina sa kanya dahil nagkataong
nagkasalubong kami, okay? It's not what you think, Aryana."

Nagulat ako nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin nagdududa akong tiningnan.
"You did not deny it, too! OMG, so gusto mo nga talaga siya?!"

Kumunot ang noo ko. "I don't like him," mariing tanggi ko sa kanya.

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay bago lumihis ang kanyang tingin sa akin. "Kahit
nandiyan pa siya sa likuran mo ngayon habang sinasabi mo 'yan?" aniya bago ngumuso
sa likuran ko.

"Kahit nandito pa siya sa— huh?!" gulat na sabi ko bago agad na lumingon at
tumingin sa itinuro niya ngunit wala namang ibang tao rito. Suminghap ako at agad
na hinampas sa braso si Aryana dahil sa kapilyahan niya.

Aryana laughed heartily. "See?! You like him!" she concluded.

Napairap ako. "Iyan ba ang basehan mo kung may gusto o hindi? Ang babaw naman..." I
just shrugged and went inside the kitchen.

Hindi niya ako tinigilang asarin hanggang matapos ang kanyang shift sa hapon. Nang
mawala ang maingay na si Aryana ay nakahinga na ako nang maluwag. Kanina niya pa
ako pilit na hinuhuli at hindi ko na alam kung paano ko siya makukumbinsi na wala
akong gusto kay Caleb dahil wala naman talaga!

I mean... yes, he's handsome as hell and very kind, too pero... hindi ko talaga
nakikita ang sarili ko na nagkakagusto sa kanya romantically! I like him as a
person but that's it. He's not my type, too. I want someone more consistent and...
not confusing.

Ayoko rin siyang mapangasawa balang araw 'no! He's a very busy person at baka
mawalan siya ng oras sa akin dahil sa malaking responsibilidad niya para sa bayan!
Busy na nga ako, tapos busy rin mapapangasawa ko? Ano 'yon, pa-busyhan na lang
kami?

Sumapit ang alas nuebe ng gabi at kaunti na lang din ang aming customers. Kanina pa
ako nakatulala sa may pinto habang naghihintay ng mga dadating pang customers at
lumilipad ang isip sa ibang bagay. My shift is ending in less than an hour and I
can't wait to go home already!

Napatuwid ako nang pagkakatayo nang biglang bumukas ang pinto. Nagtama ang tingin
naming dalawa ni Caleb. His soft, expressive eyes watched me gently. Habang
naglalakad siya papalapit sa akin ay pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko.
Nang huminto siya sa tapat ko ay tuluyan na akong nalunod sa malalalim at
mapupungay niyang mga mata.

"Sorry kung natagalan ako," namamaos na sabi niya. "My sister won't let me go so...
I escaped."

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. "It's not like I'm waiting for you to come back
so... it's fine," kalmadong sabi ko.

Sinulyapan ko siya at nakita kong nananatili pa rin sa akin ang kanyang tingin.
Matapang niyang nilabanan ang tingin ko hanggang sa ako na ang tuluyang umiwas. "D-
Do you want to... order something?" pagbasag ko sa katahimikan.

He slowly drifted his gaze at the menu. "One americano is fine... ikaw ba?"

Napatigil ako sa pagsusulat ng kanyang order at napatingin muli sa kanya. "Anong


ako?"

The corner of his lips rose a bit. "Do you want to order something?"

Umismid ako. "Caleb, I'm the one asking for your order..." I drawled lazily.

His brow shot up. "So what?"

Pinagtaasan ko rin siya ng isang kilay. "Anong 'so what'? You're my customer and
I'm the barista here," I argued.

He pursed his lips. Hindi nakatakas sa aking paningin ang multo ng ngiti sa kanyang
labi. "Okay, then..."

Kumunot ang noo ko dahil sa reaksyon niya ngunit ipinagkibit-balikat ko na lang ito
at ipinagpatuloy na ang aking trabaho. Pagkatapos niyang magbayad ay inasikaso ko
na agad ang order niyang kape. Matapos kong i-serve sa kanya iyon ay bumalik ako sa
aking puwesto at sumulyap sa orasan. It's almost 10 already. Umalis na rin ang
ibang customers at si Caleb na lang ang natitira rito.

Paubos na ang kanyang kape ngunit hindi pa rin siya umaalis at panay lang ang
sulyap sa aking kinaroroonan. Tumayo ako at naglakad papalapit sa lamesa niya.
Tumuwid siya nang pagkakaupo nang makita akong papalapit.
"Magsasara na kami," diretsong sabi ko.

He nodded. "I know... I was just waiting for you to finish your shift," kalmadong
aniya.

I cleared my throat to hide the sudden booming of my heart. "Why?"

He looked away and sipped on his coffee before answering. "Ihahatid kita pauwi..."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya ngunit agad ko rin itong itinikom.
Umalis ako roon at agad na dumiretso sa staff room upang magbihis. Pagkatapos ay
naupo muna ako sa bench doon at pagod na ipinikit ang mga mata. Inihilamos ko ang
aking palad sa mukha sa pag-asang makukuha ko ang sagot na gusto kong marinig. Why
are you so unpredictable and confusing, Caleb?

Pagkatapos ng mahabang sandaling pag-iisip at pagpapakalma sa sarili ay kalmado


akong lumabas mula sa staff room at naghanda na sa pagsasara ng café. Sinulyapan ko
ang lamesa ni Caleb at nagulat nang makitang wala na siya roon. Umalis na siya?

Suminghap ako at napailing na lang. Inayos ko ang lahat ng dapat kong ayusin bago
isinara ang café. Pumihit na ako paalis at binuksan ang aking cellphone upang
magbook na ng taxi ngunit natigilan ako nang makita si Caleb na nakasandal sa labas
ng kanyang kotse at nakatingala sa mga bituin.

I cleared my throat and walked towards him. Dahan-dahang lumipat ang kanyang tingin
sa akin at agad na tumuwid nang pagkakatayo nang makitang papalapit ako.

"Ito na ang huling beses na sasabay ako sa'yo pauwi, Caleb. Magdadala na ako ng
sasakyan sa susunod," I said coolly.

I saw his Adam's apple moved a bit before nodding. "My offer will still be
available, though. Just in case you forgot to bring your car again." He smirked.

I rolled my eyes before chuckling. Pinagbuksan niya muna ako ng pintuan bago
pumihit papasok sa driver's seat. Hindi ko alam kung bakit pero mas naging magaan
ang pakiramdam ko ngayon kumpara sa kaninang umaga. Although we didn't talk much
the whole trip, I feel that my heart was at ease.

"Thanks for the ride, Caleb..." I sincerely said.

"You're always welcome, Gella..." he said huskily.

Pinanood ko muna siyang pumasok sa kanyang sasakyan hanggang sa maglaho ito sa


aking paningin bago ako tuluyang pumasok sa bahay.
        Kapitulo X - Ask [My Sweet Surrender]

            Naging ganoon ang eksena namin sa mga sumunod pang araw. Hindi kami
madalas nag-uusap habang nagt-trabaho ako sa café at hindi rin naman siya umaalis
doon hanggang sa matapos ang shift ko.

Sa minsang pag-uusap namin, I found out that he graduated from his degree last week
at nagbabalak nang magpalista at mag-enroll sa military academy ngayong taon.

Madalas ay doon na rin siya sa café kumakain ng tanghalian at hapunan. He would


just sit at his favorite spot at the corner beside the glass window and make
himself busy all day. Minsan ay may mga dala siyang papeles at abala sa pagtitipa
sa kanyang laptop ng kung anu-ano. Madalas din siyang may katawagan at minsan ay
doon na nauubos ang kanyang oras sa pakikipag-usap sa iba't ibang tao.

I'd like to think that maybe he just liked the ambiance of this café or the food
and drinks we serve... o baka naman wala lang talaga siyang ibang magawa at
mapuntahan ngayong bakasyon. Pero may ibang sinasabing dahilan ang isipan ko at
hindi ko iyon gustong pakinggan at paniwalaan.

Araw-araw ko ring binibisita si Mommy at Skylen sa kumpanya bago ako pumasok sa


aking trabaho. Hindi naman ako nagtatagal doon dahil ayokong makita o makasalubong
si Allena at ang kabit ni Daddy. Palagi ko na ring dinadala ang sasakyan ko simula
noon dahil ayoko nang sumabay o magpahatid kay Caleb.

He would still offer me a ride home, though. Pero palagi ko na iyong tinatanggihan
at mukhang nasanay na rin siya roon kaya bihira na lang siyang magtanong. He would
just quietly follow my lead at susundan ang kotse ko hanggang sa gate ng
subdivision namin bago siya umuwi sa kanila.

Isang linggo bago matapos ang bakasyon ay hindi na ako pumasok sa trabaho dahil
nagpaalam ako sa boss ko na babalik na ako sa dati kong shift ngayong pasukan.
Hindi na rin kami muling nagkita pa ni Caleb hanggang sa matapos ang bakasyon.

Today is the first day of my second year in college. As expected, wala pa kami
masyadong gagawin at pinapatulong lang kami ni Dean Rodriguez sa pagwe-welcome ng
mga freshmen sa aming college.

"Ate Gella!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin mula sa dagat
ng mga estudyante.

Gulat kong pinanood ang pagtakbo papalapit sa akin ng pinsan ko. "Riri? Ikaw na ba
'yan?"

Ngumisi siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "I missed you, Ate Gella! Ang
tangkad mo na!"
Bahagya kong ginulo ang buhok niya nang bumitiw sa yakap. "Ang liit mo pa rin!" I
teased her.

Zaria Cecilia Almendral is my cousin from my mother's side. Sa lahat ng mga pinsan
ko ay sa kanya talaga ako pinakamalapit dahil mas bata lang siya sa akin ng isang
taon at parehas kami ng strand na kinuha noong Senior High sa parehong school.

"Anong kinuha mong kurso?" tanong ko sa kanya.

She shifted his weight and suddenly looked uneasy. "C-Civil engineering po..."
aniya gamit ang maliit na boses.

I tilted my head a bit and my eyes widened in shock. Akala ko ay gusto niya ring
maging doctor? Is it because of the family pressure, too? Kaya ba hindi niya pinili
ang kursong gusto niyang kunin?

I cleared my throat and tried to smile. I gently patted her head. "Okay. Good luck
on your studies! May kilala akong mga senior mo sa Civil engineering... gusto mo
bang ipakilala kita?" pag-iiba ko sa usapan.

Nakita ko ang bahagyang pagliwanag ng kanyang mukha dahil sa sinabi ko. "Talaga po?
S-Sino sila, Ate?"

"Si Archi at Emil... ka-batch ko sila noong senior high. You know them, right? They
are sophomores, too. Gusto mo bang ihatid kita sa kanila at ipakilala? Mababait
'yong mga 'yon," nakangiting sabi ko.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansin ang biglang pamumula ng kanyang mukha
habang umiiling. "H-Huwag na, Ate! Kaya ko namang mag-isa kasi nakalagay naman
lahat sa registration form ko," pagtanggi niya sa alok ko.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na nang-usisa pa. "O-Okay... if that's what


you w—"

"Gella!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakitang tumatakbo papalapit sa akin


si Archi at Emil.

"Oh! Tamang-tama ang dating niyo..." I trailed off. Hinanap ng aking paningin ang
pinsan ko ngunit bigla siyang nawala sa tabi ko. Nasaan na nagpunta ang batang
iyon?

"Bakit? Anong meron?" kunot-noong tanong ni Archi sa akin nang mapansin ang
bahagyang pagkabalisa ko.

Tipid akong ngumiti at umiling na lang. Nakipagkuwentuhan ako sa kanila tungkol sa


ginawa namin buong bakasyon. Maya maya ay tumunog ang bell kaya dumiretso kami sa
may lobby kung saan gaganapin ang maikling welcoming ceremony para sa panibagong
school year.

"So... hindi ka na nililigawan ng pogi mong sundalo?" bungad na tanong sa akin ni


Ivory pagkaupo ko pa lang sa ini-reserve nilang upuan para sa akin.

I immediately rolled my eyes. "Wala bang 'welcome back' muna diyan?" sarkastikong
sabi ko.

She ignored what I said. "Hindi ka na nga niya nililigawan?" pang-uusisa niya ulit.
"Bigla na lang siyang hindi nagpakita noong finals, ah? Gh-in-ost ka ba?"

I glared at her. "Hindi ko nga sabi manliligaw si Caleb..."

"So, wala na kayong interaction after finals? Hindi na kayo nagkita or nag-usap man
lang sa text?" si Rafael naman ngayon.

Napalunok ako. "Uh... nagkita naman. Palagi siyang nandoon sa café kung saan ako
nagt-trabaho buong bakasyon."

Namilog ang mga mata nilang dalawa at nagkatinginan. "So nililigawan ka pa rin?"
kinikilig na tanong ni Ivory.

"Hindi nga sabi! Bakit ba paulit-ulit kayo?!" nauubos ang pasensyang sinabi ko.

Hinampas ako ni Rafael sa braso kaya napangiwi ako sa sakit. "Ikaw talaga,
Georgianna Isabella! Ang tali-talino mo sa pag-aaral pero bobo ka sa pag-ibig!"
eksaheradang sabi ni Rafael.

"Ano bang pinagsasabi niyo d'yan?! Para kayong mga tanga!" iritadong singhal ko sa
dalawa.

Sinamaan nila akong dalawa ng tingin. "Girl, ang manhid mo naman?!" si Ivory.

I sighed out of frustration. "Hindi naman siya umamin at wala rin naman siyang
sinasabi sa akin so... I just assumed that he's just being friendly towards me." I
shrugged.

"Friendly?!" Rafael scoffed out of disbelief. "May ganoon bang friendly?! Araw-araw
kang hinihintay sa parking lot tuwing uwian mo kahit maaga ang dismissal niya tapos
friendly lang? Araw-araw siyang dumadayo sa café kung saan ka nagt-trabaho kahit
bakasyon tapos friendly lang?! Ano ba, Gella, mag-isip isip ka nga!"

Tinulak ko palayo ang bibig niya papalayo sa akin at tinakpan iyon dahil
napapatingin na sa amin ang mga kaklase namin sa Ethics. Pinandilatan ko siya ng
mata nang tanggalin niya iyon.

"Bakit hindi mo siya tanungin para malaman mo?" seryosong sabi ni Ivory.

Humalumbaba ako at tumingin sa malayo. "Bakit ko naman gagawin iyon..." I drawled


lazily.

Suminghap sa tabi ko si Rafael. "Akala ko ba gusto mong malaman? Kaya nga


tatanungin mo, 'teh!"

Sumulyap ako sa kanila at ngumuso. "Hindi ko gustong malaman," pagtanggi ko.

Pabirong hinila ni Ivory ang dulo ng buhok ko. "Ewan ko sa'yo!" napipikong sabi
niya.

Humalakhak ako dahil sa iritasyon nilang dalawa sa akin. Habang nagtatalo silang
dalawa tungkol sa dapat kong gawin ay pinag-isipan kong mabuti ang sinabi sa akin
ni Ivory. Kung talagang naco-confuse ako sa mga kilos ni Caleb... bakit nga ba
hindi ko tanungin? Pero paano kung... nag-assume lang pala ako at hindi naman pala
talaga iyon ang ipinapahiwatig niya? Pero paano ko nga malalaman kung hindi ko
tatanungin, 'di ba? Parang wala naman siyang planong magsabi!

"Hoy, babae!" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagkulbit sa akin ni Rafael.

Tumikhim ako at kalmadong tumingin sa kanila. "Ano?"

"Tinatanong kita, girl! Lutang ka?" natatawang sabi ni Ivory.

"Ano ba 'yon?" kunwaring naiinis na sabi ko.

Bumuntong-hininga si Ivory. "Kumusta na kayo ni poging nurse?" aniya bago pabirong


sinundot ang tagiliran ko.

"Ay, may bago na naman?!" gulat na sabi ni Raffy.

"Oo, 'teh! Late ka na sa balita!" Humalakhak si Ivory. "May poging manliligaw si


Gella at senior iyon ni Tati sa College of Nursing!"

Pabiro akong kinurot ni Rafael sa tagiliran. "Malandi ka talaga!" aniya bago


umirap. "Sana all!"

I chuckled. "Nag-usap kami minsan sa text noong bakasyon... Magiging busy na raw
siya this school year gawa ng internship," sabi ko. "Pero pupunta raw siya dito
paminsan-minsan dahil sa seminars."

"Sino ba 'yang poging nurse?" kuryosong tanong ni Rafael.

"Si Kuya Ivan! Yung poging pambato last year ng Nursing sa pageant! Remember?!"
excited na kuwento ni Ivory.

Namilog ang mga mata ni Rafael bago bumaling sa akin. "Seryoso?! Crush ko 'yon, eh!
Malandi ka!" aniya bago bahagyang hinila ang buhok ko.

"Ano? Binasted mo ba?" usisa sa akin ni Ivory.

My lips protruded. "Sabi ko sa kanya... study first muna," mahinang sabi ko.

Sabay silang napasinghap habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. They both
looked disappointed for some reason. "Hindi mo ba iyon type?!" si Rafael.

I shrugged. "Well... yes, he's handsome and smart. He's nice and sweet, too..."
Napaisip ako saglit. Hindi ko nga ba type si Ivan? I don't know, either. Maybe?

"So hindi mo nga siya type?!" si Ivory.

"Teka nga!" Padabog ko silang hinarap. "Bakit ba kanina niyo pa inuusisa ang
lovelife ko?! Tigilan niyo nga ako!"

Bago pa kami magtalo ay dumating na ang propesor namin sa Ethics. Aniya'y na-late
daw siya dahil sa maikling orientation nila. Nagbigay lang naman siya ng mga
objectives at ilang requirements kaya maaga niya rin kaming pinalabas.

Nang sumapit ang aming lunch break ay sabay kaming lumabas nila Rafael at Ivory
mula sa classroom. Dumiretso muna kami sa tapat ng room ni Tati para daanan siya.
Tuwing Monday lang kasi kami magkakaroon ng sabay na lunch break at ang ibang mga
araw ay hindi na magkakatugma ang break namin. Nagplano na lang kami na sabay-sabay
kaming uuwi palagi dahil hindi naman nagkakalayo ang oras ng dismissal namin sa
kanila.

Sa gitna ng pagkukwentuhan naming apat habang pababa sa hagdan ay tumunog ang


cellphone ko dahil sa isang mensahe. Binuksan ko ito at agad na binasa.

From: Caleb

Where are you?

Kumunot ang noo ko at mabilis na nagtipa ng reply sa kanya.


To: Caleb

Bakit mo tinatanong?

Nagulat ako nang tumunog agad ang cellphone ko dahil sa bilis din ng kanyang
pagreply.

From: Caleb

Why are you answering my question with another question? :/

Ngumuso ako upang pigilan ang pagtawa. Sumulyap ako sa mga kaibigan ko na hindi
napapansin ang hindi ko pakikisabay sa kuwentuhan nila. Pasimple ulit akong nagtipa
ng reply sa kanya.

To: Caleb

Bakit nga?

Wala pang isang minuto ay naka-receive na agad ako ng reply mula sa kanya.

From: Caleb

I'm here at your school.

Napatigil ako sa pagbaba sa hagdan pagkabasa sa mensahe niya. Maya maya'y


napalingon na sa akin sila Rafael at nagtatakang tumingin sa akin nang mapansing
nahuhuli ako.

"M-Mauna na kayo... Just text me where you'll eat at susunod na lang ako,"
pagpapaalam ko sa kanila.

Nagdududa akong tiningnan ni Tati. "Si Ivan-senpai ba 'yan?" usisa niya bago
nginuso ang hawak kong cellphone.

Mabilis akong umiling ngunit hindi ko sinagot ang kanilang mga tanong kaya hindi
tumigil ang pang-uusisa nila sa akin habang nagpapatuloy sa pagbaba. Humiwalay na
ako sa kanila at saglit munang naupo sa bench sa labas ng admission office upang
magtipa ng reply.

To: Caleb
Where are you?

Habang naghihintay sa reply niya ay nagmessage muna ako kay Tati upang tanungin
kung saan sila pupunta. Sinabi niya naman sa akin na doon lang sila sa café sa may
tabi ng school dahil mukhang uulan daw kaya hindi na sila lalayo. Binasa ko ang
reply ni Caleb pagkatapos.

From: Caleb

Look to your right.

Mabilis akong lumingon sa kanan ko at nakitang wala naman akong ibang katabi sa
bench kun'di isang matandang babae na nakapila yata sa admission office at mukhang
naghihintay. Suminghap ako at ibinalik ang tingin sa aking cellphone.

To: Caleb

Nasaan nga?

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang tumunog ang phone ko at lumabas
ang kanyang caller ID sa screen. Huminga muna ako nang malalim at tumikhim bago
sagutin iyon.

"Hello?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya bago sumagot. "Inis ka na?"

I gritted my teeth and immediately scanned my surroundings to find him. Sigurado na


akong nandito lang siya malapit sa akin at pinapanood akong maubos ang pasensya sa
kanya.

"Nasaan ka ba kasi?" inis na sabi ko bago tumayo na at nagsimulang maglakad habang


pinapasadahan ng tingin ang paligid.

He chuckled softly. "Nasa likod mo..." I heard his deep voice behind me.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at una ko nakita ay ang mapang-asar niyang ngiti


habang naglalakad papalapit sa akin. I rolled my eyes and turned off the call.

"Anong ginagawa mo dito?" diretsong tanong ko.

"To see you, of course..." nakapamulsang sabi niya.


I scoffed. "Puwede ba, Caleb? Huwag mo nga akong pinaglolo-loko!"

Ipinilig ko ang ulo ko at itinikom ang bibig nang mapagtanto ang sinabi. His brows
slightly furrowed. Nananantiyang tingin ang kanyang iginawad sa akin.

"Hindi kita niloloko," mahinahong sabi niya.

I shook my head out of disbelief. Nag-martsa ako agad paalis doon ngunit naramdaman
kong nakabuntot pa rin siya sa akin.

"Gella..." Pagod ko siyang nilingon ngunit nanatiling mabilis ang lakad ko.

"Ano ba?!" iritadong sabi ko bago mas binilisan pa ang paglalakad.

Hinablot niya ang pala-pulsuhan ko kaya napatigil ako at napaharap sa kanya.


Nagpupuyos ang aking dibdib dahil sa hindi maintindihang galit na nararamdaman.
Napansin kong napapatingin sa amin ang mga dumadaan ngunit agad niyang hinarang ang
kanyang ulo upang mahuli ang tingin ko.

"What are you talking about?" he asked. "Calm down, Gella..."

I opened my mouth to speak but my lips trembled and my throat went dry. Nagulat ako
nang biglang mangilid ang luha ko dahil sa hindi malamang dahilan. Nag-iwas agad
ako ng tingin at pilit na pinakalma ang sarili.

This is your chance to ask him, Gella! Pagkatapos nito ay magiging mapayapa na ang
isip mo! Bakit hindi ka makapagsalita ngayon? What the hell is wrong with you?
Ngayon ka pa talaga naging emosyonal!

Naramdaman ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.


Sinubukan kong bawiin ang pala-pulsuhan ko mula sa hawak niya ngunit hindi niya
iyon pinakawalan.

"I won't let you go until you tell me what's wrong, Gella..." sabi niya.

Suminghap ako at biglang umahon ang iritasyong nararamdaman. "'Yan ka na naman, eh!
Nililito mo na naman ako sa mga kilos at salita mo! Why are you making me so
confused, Caleb? Ano ba talaga ang pakay mo sa akin? Hindi na kita maintindihan!"

Pati ako ay nagulat at natigilan sa sinabi ko. Where did that came from? Kahit ako
mismo ay hindi ko alam na iyon ang sasabihin ko! What the hell, Gella?

He shifted his weight. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Am I... confusing you?" gulat na tanong niya.
Itinikom ko ang aking bibig dahil sa takot na baka kung ano na namang kahihiyan ang
lumabas mula sa bibig ko. Naramdaman ko ang paninimbang niya sa aking reaksyon.

He slightly tilted his head upwards. I saw how his Adam's apple moved a bit and his
jaw slightly clenched. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay mas lalong tumindi
ang pagkabog ng puso ko. His expressive eyes was full of emotions that are familiar
yet... still foreign to me.

"I like you, Georgianna Isabella..." napapaos na sabi niya habang nakatingin nang
diretso sa akin. "Gusto kita..."

        Kapitulo XI - Anticipation [My Sweet Surrender]

            Habang naglalakad sa pathway papalabas ng university ay para akong


naglalakad sa mga ulap at nakalutang sa ere. Kung hindi siguro importante ang tawag
na sinagot ni Caleb kanina ay paniguradong magkasama pa rin kami hanggang ngayon.

For some reason, my heart is still booming in my chest yet my mind seems to be at
peace after what he said. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan 'yong inamin
niya, pero ang katotohanang sinabi niya iyon sa akin para malinawan ako ay
nagpakalma sa isipan ko kahit papaano. I don't even care now if it's true or not...
basta ang mahalaga ay nasagot na ang matagal na bumabagabag sa aking isipan.

"Hoy, gaga! Lagpas ka na!" Napabalik ang isip ko sa reyalidad nang hawakan ni Ivory
ang pala-pulsuhan ko at hilahin pabalik. Doon ko lang din napansin na nandito na
pala ako sa loob ng café kung saan kami madalas kumain at muntik ko na palang
malagpasan ang lamesa kung saan nakaupo sila Rafael.

"Bakit tulala ka? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tati pagkaupo
ko.

Marahas akong humugot ng hininga bago saglit na ipinikit ang aking mga mata. My
head feels so light yet my heart feels so full. Gusto ko na lang umuwi at matulog
ngayon dahil parang wala na akong lakas para pumasok ngayong hapon.

"Georgianna..." marahang tawag sa akin ni Rafael.

Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng mga nag-aalalang mukha ng mga
kaibigan ko. I licked my lower lip and cleared my throat before speaking. "Caleb
confessed to me earlier..." I trailed off before smiling.

Pinanood ko ang sabay-sabay na paglaglag ng panga ng mga kaibigan ko dahil sa


sinabi ko. Habang hinihintay naming dumating ang mga in-order namin ay kinulit nila
ako sa detalye kung paano raw umamin sa akin ang 'pogi kong sundalo'. Hanggang
sumapit ang uwian ay hindi ako tinigilan ng kanilang pang-aasar sa akin.
Pagkarating ko sa building ng condo ay binuksan ko muna ang mensahe ni Caleb sa
akin kanina na hindi ko muna binasa dahil nagd-drive ako. Mabuti na lang ay
napigilan ko ang sarili kanina na pumihit muna sa tabi ng kalsada at itigil ang
sasakyan para lang basahin iyon at makapag-reply. Damn, Georgianna!

From: Caleb Avanzado

Sorry for making you wait earlier. It's an important call so... I needed to answer
it. I hope you arrived home safely :)

I bit my lower lip to hide my smile. Kanina ko pa nai-park ang sasakyan ko sa


parking lot ng condominium building pero hindi pa rin ako bumababa mula sa
sasakyan. Pinatay ko muna ang makina nito at kinalas ang aking seatbelt bago
magtipa ng reply.

To: Caleb

Just got home! It's fine! No worries. :)

Agad kong binura ang naunang nai-type nang mapagtantong mukhang masyado akong
masaya at excited doon. Baka mamaya ay isipin niya pang natuwa ako dahil sa pag-
amin niya 'no!

To: Caleb Avanzado

Okay lang.

I immediately hit the send button. Ilang ulit ko pang binasa ang reply ko at naisip
na baka masyado naman yatang naging cold iyon. Ilang sandali ang lumipas ngunit
hindi pa rin siya nagrereply sa akin. Bumaba na ako mula sa sasakyan at ini-lock
ito bago umakyat sa tamang palapag gamit ang elevator.

Pagkapasok ko sa aking unit ay tiningnan kong muli ang inbox ko kung may reply na
ba siya ngunit napasinghap ako nang makitang wala pa rin. Hindi niya ba na-receive
ang message ko? May load naman ako, ah! Iritado akong nagtipa ng panibagong
mensahe.

To: Caleb

Okay nga lang...

He replied after a few minutes. Nagmamadali ko itong binuksan at binasa.

From: Caleb
Alright.

Bumagsak ang balikat ko at agad na napairap. Ano na ngayon ang ire-reply ko dito sa
'Alright' niya? 'Sige'?

Padabog kong ibinato ang cellphone ko sa kama nang makapasok sa aking silid.
Dumiretso ako sa walk-in closet ko upang kumuha ng pamalit na damit bago pumasok sa
bathroom. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pantulog ay humiga na ako sa kama
at tumitig sa kisame.

Maya't maya ang pagsulyap ko sa aking cellphone kung may bagong text ba siya ngunit
wala akong natanggap matapos noong maikling tugon niya. Hindi ko na namalayan kung
anong oras na ako nakatulog kakahintay ng text niya.

Kinabukasan ay iritado kong pinatay ang alarm ko at patamad na bumangon mula sa


pagkakahiga. Dumiretso na ako sa banyo upang maligo at maghanda na sa pagpasok sa
school. Bago ko paandarin ang aking sasakyan sa may parking lot ay nagbukas muna
ako ng inbox nang makitang may isang unread message doon.

From: Caleb Avanzado

Good night, Georgianna.

Suminghap ako at napasandal sa head rest ng upuan. I bit my lower lip while
smiling. Ilang ulit ko pa itong binasa at nang tuluyang kumalma ay nagtipa na ako
ng mensahe sa kanya.

To: Caleb Avanzado

Good morning :)

Ipinatong ko na ang phone ko sa tabi ng bag ko at nagsimula nang magdrive papalabas


ng parking lot ng condominium building. It took me almost 15 minutes to arrive at
the university because of the slight heavy traffic.

Dumiretso na ako sa classroom at tumungo agad sa ni-reserve na upuan para sa akin


nila Ivory. "Good morning!" masiglang bati ko sa kanilang tatlo.

Napatigil agad sila sa pagk-kuwentuhan at tumingin sa akin na para bang may sinabi
akong kakaiba. "Anong nakain mo? Mukhang maganda gising mo ngayon, ah!" si Rafael.

"Breakfast, hehe." I smiled cutely at them.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Tati at pinaningkitan ng mata. "Ano, kayo na ba ni


Caleb?" nagdududang tanong niya.

Sinimangutan ko siya. "Tamang hinala ka talaga palagi, 'no?" sarkastikong sabi ko.

Sumulyap ako sa cellphone ko at napabuntong-hininga nang makitang wala pa ring


reply si Caleb sa bati ko kanina. Hindi ba kapani-paniwala ang naging pagbati ko sa
kanya? Weird ba talaga ang pagbati ko ng good morning sa mga tao? Baka naman
kasi... tulog pa siya kaya hindi pa nagrereply? Siguro nga.

Nagkibit-balikat na lang ako at nakipagkuwentuhan muna sa mga kaibigan ko habang


hindi pa dumadating ang propesor namin sa World Literature. Kaya lang, hanggang
matapos ang huli naming klase ay wala pa ring reply sa akin si Caleb.

Weeks passed and I still haven't heard anything from Caleb. Hindi na rin siya
nagparamdam sa akin sa text simula noong huling message ko. Umusbong ang iritasyon
sa akin. Ano 'yon? Matapos niyang sabihin sa akin na gusto niya ako ay bigla na
lang siyang mawawala at hindi magpaparamdam?

Sinasabi ko na nga ba, eh! Hindi talaga totoong gusto niya ako! Bakit nga ba
naniwala ako sa sinabi niya? Pare-parehas lang silang manloloko at sinungaling!

Pero... baka naman kasi busy lang siya? Really, Gella? Pinagtatanggol mo pa talaga?
It's been almost a month at ni isang tuldok ay wala akong natanggap sa kanya? Kahit
hibla ng buhok niya ay hindi ko man lang nakita? Gaano ba siya ka-busy? Daig pa
niya presidente ng kumpanya!

"Sa tingin mo ba... ghinost niya ako?" nakahalumbabang tanong ko kay Rafael habang
nakatulala sa kawalan.

He ignored my question. "Dala mo ba 'yong lab manual mo? Pakopya naman," sabi niya
habang inaabala ang sarili sa pagbubuklat ng kanyang notebook.

I sighed and gave him my manual. Tinanggap niya iyon agad bago nagpasalamat.
Nagsimula na siyang kumopya ng notes habang pasulyap-sulyap sa akin tuwing
napapabuntong-hininga ako.

"Hala gago! Nakalimutan ko sa bahay 'yong scientific calculator ko! May quiz ba
tayo sa Lab Math mamaya?!" natatarantang tanong sa akin ni Ivory habang pilit na
inaalog ang balikat ko.

Pagod ko siyang tiningnan at tinanggal ang kamay niya. "Manghiram ka na lang sa


seniors natin," I drawled lazily.

"Ihiram mo na lang ako sa poging engineer mo!" pangungulit niya sa akin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Sino doon?"


Hinampas niya ako sa braso. "Malandi ka! Anong sino doon?! Ilan ba ang engineer sa
buhay mo ngayon, huh?" aniya bago humalakhak.

Gusto ko sanang sabihin na engineer din naman si Emil pero baka isipin niya pa ay
manliligaw ko rin iyon kahit hindi naman kaya hindi na ako nakipagtalo pa.

I ignored her side comment. "Kay Archi ba?"

"Duh? Meron pa bang iba?" sarkastikong sabi niya sabay irap. Umirap din ako bago
itinext agad si Archi.

Nagulat ako nang wala pang ilang minuto ay kumakatok na siya sa glass door ng
laboratory namin bago kumaway sa akin. Iwinagayway niya kanyang kamay na may hawak
na scientific calculator. Ngumiti ako nang tipid sa kanya habang kumakaway pabalik.
Nagmamadali naman siyang nilapitan ni Ivory at kinuha ang calculator bago
nagpasalamat.

Archimedes suddenly became a bit persistent these past few weeks after this school
year started. He's been very vocal and honest about his feelings for me since we're
on senior high school kahit na sinabi ko na sa kanya na hindi pa ako handang
pumasok sa isang relasyon. He's very sweet and kind to me pero para sa akin ay
gusto ko lang talaga siyang i-keep bilang kaibigan.

From: Archimedes Valderrama

May problema ba? You look sad.

Napabuntong-hininga ako at hindi na nagreply pa sa kanya. Nitong mga nakaraang araw


ay naging pabago-bago ang mood ko. Madalas ay mabilis din akong mairita at minsan
naman ay bigla-bigla na lang akong nalulungkot. My friends noticed it, too...
that's why they are starting to worry about me.

"Did you talk to him about your feelings, too?" seryosong tanong ni Raf sa akin
noong nakaraang araw habang busy ako sa pagkuha ng dugo sa kanya.

Napakurap-kurap ako dahil sa pagkabigla bago ibinalik ang tingin sa hinihigit kong
plunger ng syringe. "Anong sasabihin ko? Wala naman akong nararamdaman," matamang
sinabi ko.

Napasinghap siya. "Wala ba talaga?" sarkastikong tanong niya.

I rolled my eyes. "Mas kilala ko ang sarili ko, Raf. And I know I don't have any
romantic feelings towards him. Nabigla lang ako noong umamin siya sa akin noon and
that's all!"
Kinurot ako ni Tati sa aking tagiliran. "Alam mo kung anong problema mo, Gella? You
don't know how to identify and sort out your feelings!"

Tinapos ko ang venipuncture at patamad na niligpit ang aking mga gamit sa


tacklebox. May gusto ba talaga ako kay Caleb? No, I don't think so. I've liked and
dated other boys before at sigurado akong iba ang naramdaman ko noon kumpara sa
nararamdaman ko para kay Caleb. What I feel for him is... way too different
compared to my young love before and I don't even know how to describe it.

"Hoy, Gella! Tama na 'yan! Nakakarami ka na ng inom!" pigil sa akin ng kaklase kong
si Nadine.

I chuckled a bit. "Okay lang ako... hindi pa naman ako lasing," I assured her.

Napailing na lang siya at nagpatuloy na sa pakikipagkuwentuhan sa iba pa naming


kasama. Nandito kami ngayon sa isang garden restorbar malapit sa university.
Nagkayayaan kasi kaming uminom ng mga kaklase at kaibigan ko dahil wala namang
pasok bukas.

"Broken ka ba?" usisa ng isa ko pang kaklase.

I rolled my eyes before chuckling again. "Ako? Mab-broken? Hell no! Wala naman
akong nararamdaman para sa kanya," tanggi ko.

Napailing sa tabi ko si Tati. "Lasing na nga 'to..." she muttered.

Lumagok ulit ako ng isa pang baso. Nakailang tower na kami ng gin at siguro ay
higit tatlong oras na kaming nandito. Dumami na rin ang tao kaya medyo naging
crowded na ang buong bar. Halos kalahati ng section namin ay sumama ngayon kaya
naman maingay ang lamesa namin.

"Raf, sa tingin mo ba ghinost ako ni Caleb?" biglaang tanong ko sa kanya pagkatapos


lumagok ng isa pang shot mula sa hard drink.

Napairap siya bago pagod na bumuntong-hininga. "Girl, paulit-ulit? Kanina mo pa ako


tinatanong!" reklamo niya.

Sinimangutan ko siya. "Just answer me!" nauubos ang pasensyang sinabi ko.

Marahas siyang humugot ng hininga. "Oo nga sabi! Ghinost ka ni Caleb, Gella!
Minulto! Iniwan ka nang hindi nagpapaalam! Pinaasa! Gano'n!" dire-diretsong sabi
niya bago lumagok sa hawak niyang isang bote ng beer.

Tila nawala ang tama ko dahil sa sinabi niya. Tumuwid ako nang pagkakaupo ko at
ibinalik ang tingin sa lamesa. Pinaikot ko na lang ang alak sa hawak kong baso
habang nakatitig doon. Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Ivory sa balikat ko
at ang nag-aalalang tingin sa akin ni Tati.

Humaba pa ang gabi at nakailang case at tower na rin kami. Ang iba naming kasama ay
tulog na sa lamesa at 'yong iba naman ay nakikipagsayawan na. Inubos ko ulit ang
laman ng aking baso bago padabog na ibinagsak iyon sa lamesa. Somehow, I still feel
sober despite of drinking a lot more than anyone else from this table. Paulit-ulit
pa rin sa isip ko ang katotohanang isinampal sa akin ni Rafael kanina.

Maybe he didn't really like me at all. Maybe he was just confused or he wasn't
serious about it. Siguro ay sinabi niya lang iyon sa akin para pagaanin ang
nararamdaman ko noong oras na iyon. Maybe he did not take it seriously at ako lang
itong parang tangang naniwala agad sa sinabi niya.

"Itutusok ko na..."

Tumango na lang ako at hinayaan si Ivory na kumuha ng dugo sa aking braso. I did
not feel any pain on my arm when she inserted the needle but instead... I felt an
indescribable pain on my heart. Maybe Tati was right. Maybe I do not really know
how to identify my feelings because all of it was still foreign to me.

I never felt something so intense for someone before at hindi ko iyon gustong
paniwalaan dahil natatakot ako. Natatakot akong mahulog. Natatakot akong masaktan.
Natatakot akong magtiwala. Natatakot akong maniwala sa lahat ng sinabi niya at sa
huli ay iiwan niya akong mag-isa... and it really happened. Bigla na lang siyang
nawala. Just when I'm about to sort out what I really feel for him... he was gone.
And I was left all alone, still confused about everything.

Was it all a lie? Bakit bigla siyang nawala? Totoo ba ang sinabi niyang gusto niya
ako? Kung totoo iyon, bakit bigla na lang siyang naglaho? Bakit bigla na lang niya
akong hindi kinausap? May nagawa ba ako? May nasabi ba akong mali? Am I too
insensitive? Masyado bang naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya? O baka... na-
realize niyang hindi niya naman talaga ako gusto?

Nangilid ang luha ko ngunit hindi ko ito hinayaang tumulo mula sa aking mga mata.
Tinanggal ko ang tourniquet na nakatali sa aking braso at pinigilan si Ivory sa
pinaplanong paglalagay na naman ng panibagong tube sa holder ng nakatusok pa rin sa
aking vacutainer needle. Lasing na lasing na siya at kung sino-sino na ang
kinukuhanan ng dugo simula kanina pa. Ngayon ko lang din napansin na nakakuha na
pala siya ng dalawang tube sa akin.

"Ivory, let's go home... Tama na..." mahinahong sabi ko sa kanya.

"Wait lang kasi! Kailangan kong... kumuha ng dugo para sa practical mamaya!
Babagsak na naman ako!" iritadong sabi niya habang nakapikit at dinuduro ako.

"Para naman akong nagdodonate ng dugo," biro ko habang tinutulungan siyang


tanggalin ang karayom sa braso ko.
Niligpit ko ang mga gamit niya at ibinalik iyon sa dala niyang tacklebox. Lumapit
ako kay Rafael na nakahiga ngayon sa may couch at ginagawang unan ang isang bote ng
Black Label.

"Raf, gising na. Umuwi na tayo..." Kinulbit ko siya ngunit itinulak niya papalayo
ang kamay ko.

"Tigilan mo nga ako! Crush mo ba ako ha? Hindi tayo talo, 'teh!" masungit na sabi
niya.

I sighed out of frustration. Nakita ko si Tatiana na gumagapang na palabas ng banyo


at inaalalayan ng kaklase kong lalaki. Agad ko siyang dinaluhan at inalalayang
tumayo. Nagpasalamat ako sa kaklase ko bago kinuha na ang kaibigan.

Napamura ako nang malutong habang pinagmamasdan siya. "Ang lalakas niyong magsabi
sa akin na lasing na ako kanina, tapos kayo pa pala 'tong hindi makatayo ngayon!"
pangaral ko sa kanila kahit hindi naman nila ako naiintindihan ngayon.

Dahan-dahan kong inalalayan sa pag-upo si Tatiana sa couch at isinandal ang kanyang


ulo sa head rest nito. Nagulat ako nang bigla siyang humalakhak. "Nasaan na ba
'yong pogi mong sundalo? Tinawagan ko siya kanina habang nasa loob ako ng banyo...
sabi ko puntahan ka kasi lasing ka na," tumatawang sabi niya habang nakapikit.

Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. What are the odds that she's telling
the truth right now? Baka sinasabi niya lang ito dahil lasing na siya! Pero...
paano kung totoo? But how the hell did she know Caleb's number anyway?

"Sabi ko sa kanya, 'tangina mo, Caleb! Bakit mo ghinost ang best friend ko, huh?
Naglalasing tuloy ngayon kasi sinaktan mong gago ka!' Tapos sabi ko sa kanya
puntahan ka niya ngayon dito—" Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang
sumuka sa may sahig. Mabuti na lang ay nakaatras agad ako dahil paniguradong kung
hindi ako nakaiwas ay nasukahan niya ang damit ko.

"Gella?"

Natigilan ako nang marinig ang tumawag sa pangalan ko. My heart pounded in sudden
anticipation. Dahan-dahan akong lumingon ngunit dahil medyo madilim dito sa may
banda namin ay hindi ko siya agad naaninag. Humakbang siya papalapit sa akin kaya
napakurap ako nang ilang beses. Bumagsak ang balikat ko nang makilala si Archimedes
na nag-aalalang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin ni Tati.

        Kapitulo XII - Ghost [My Sweet Surrender]

            "Gella?" tawag muli sa akin ni Archi nang mapansin ang pagkatulala ko.

I cleared my throat and forced a smile. "Tinawagan ka raw ni Tati?" tanong ko sa


kanya.
He slowly nodded but his curious eyes remained watching me. "Hindi ko nga
naintindihan masyado ang mga sinabi niya habang sumusuka siya, eh. Naintindihan ko
lang 'yong part na pinapapunta niya ako dito para raw sunduin ka dahil lasing na
lasing ka na..." he trailed off and his brows furrowed. "But you don't look wasted
to me."

Nilipat ko ang tingin kay Tati na mapayapa nang natutulog sa couch ngayon.
"Naparami lang ang inom ko pero hulas na ako kanina pa," sabi ko bago sumulyap sa
tatlong kaibigan. "Itong mga 'to ang hindi na makakauwi nang mag-isa. Doon ko na
lang siguro sila patutulugin sa condo ko."

Sumulyap siya kay Rafael at Ivory na magkatabi sa couch at parehong tulog habang
magkayakap. Ibinalik niya ang tingin sa akin at nang magtama ang tingin naming
dalawa ay sabay kaming napahalakhak.

"I'm sorry kung naistorbo ka namin, Archi... I didn't know Tati would call you.
Kaya ko naman silang iuwing mag-isa dahil nasa katinuan pa naman ako," sabi ko
habang bahagyang kinakaladkad ang tulog pa ring si Ivory.

Si Tati naman ay buhat ni Archi sa kanyang likod at inaalalayan si Rafael na


pagewang-gewang na naglalakad. Nang makarating kami sa may parking lot ay
tinulungan niya akong ipasok sa sasakyan ko ang tatlong lasing na kaibigan.

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng driver's seat nang pigilan ako ni Archi.
"I'll drive you home..." seryosong sabi niya.

Sumulyap ako sa sasakyan niyang nasa tabi lang ng akin. "How about your car?" I
raised a brow.

He pursed his lips and shook his head. "I can always come back here to get it,
Gella. At saka, nakainom ka... I know you're already sober but I want to make sure
you'll get home safely."

I sighed. "I'm fine, Archi... Babagalan ko lang ang pagpapatakbo ko." Ngumiti ako
upang mapanatag ang loob niya ngunit hindi man lang siya natinag.

"I insist... Please let me, Gella. Mag-aalala lang ako sa inyo kapag hinayaan
kitang magdrive. Aalis din naman ako agad pagkahatid ko sa inyo," he said
convincingly.

Ilang sandali ko muna siyang tinitigan bago dahan-dahang bumuntong-hininga at


pumayag na. Nagliwanag naman agad ang kanyang mukha at pinagbuksan ako ng pintuan
sa front seat bago siya pumihit patungo sa driver's seat.

I gave him my car keys and he immediately accepted it. Nagsuot na ako ng seatbelt
bago sinulyapan sa rearview mirror ang mga tulog na kaibigan. Isinandal ko ang
aking ulo sa head rest ng upuan at ipinikit ang mga mata.

Habang nasa kalagitnaan ng aming biyahe ay nagulat kami nang biglang gumising at
humalakhak si Tatiana. "Oh? Bakit si Engineer ang sumundo sa'yo, Gella? Nasaan na
'yong sundalo mo—"

Binato ko ng tuwalya ang mukha ni Tati kaya napatigil siya sa pagsasalita at maya
maya ay nakatulog din agad. Suminghap ako at napatuwid nang pagkakaupo nang
maramdaman ang maya't mayang pagsulyap sa akin ni Archi.

"Magkakilala ba si Tatiana at Kuya Caleb?" pagbasag niya ng katahimikan nang


maabutan kami ng stoplight sa daan.

Halos mapaubo ako dahil sa tanong niya. Nakuha niya ba ang ibig sabihin ni Tati
kanina? Bakit bigla niyang isinali sa usapan si Caleb? May alam ba siya sa
nangyari?

I cleared my throat before answering. "S-Siguro. Kasabay lang naman natin si Tati
mag-aral so... maybe she knew him. At saka, si Caleb ang substitute donor ko noong
blood-letting activity, remember?"

Isang mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Nang mag-green na
ang stoplight ay pinaandar niya na ang sasakyan.

Tumikhim ako. "Bakit mo nga pala natanong?" kalmadong tanong ko sa kanya.

Nanatili ang tingin niya sa kalsada. "Hindi ko masyadong naintindihan ang mga
sinabi ni Tatiana sa tawag kanina but... I heard her mention his name," seryosong
sabi niya bago sumulyap saglit sa akin.

Napalunok ako at tumingin na lang sa labas ng bintana. "Hindi ko alam..." napapaos


na sinabi ko.

It's been almost five months since I last saw Caleb at sa medyo mahabang panahong
iyon, marami akong napagtanto. Tati was right. His absence has gone through me and
the fact that his absence affected me this much, it only means that his presence
really mattered to me.

Inaamin ko na nagalit ako noon sa kanya. Nagalit ako dahil bigla na lang siyang
nawala, but I realized I was being immature at that time. After all, it's easier to
be angry than to be sad.

Of course he's minding his own life now. Sigurado naman akong may rason siya kung
bakit bigla siyang nawala noon. Pero kung wala man siyang rason... aba, e'di gago
siya kung gano'n!
Ang mali niya lang siguro ay 'yong hindi siya nagpaalam sa akin pero bukod doon ay
wala na akong dapat pang isisi sa kanya. Actually, hindi nga mali iyon, eh... Wala
naman siyang dapat ipagpaalam sa akin. There was nothing going on between us. Wala
kaming naging commitment sa isa't isa. He also did not promise to stay by my side
all of the time so technically, he did not lie to me. Puwedeng-puwede siyang umalis
kahit kailan niya gusto. And besides... who am I to judge his choices, right?

Maybe he simply don't prioritize his feelings for me or maybe he's just a very busy
person. Or maybe it was not really true... pero ano naman ngayon kung hindi nga?
Wala naman akong magagawa kung hindi naman talaga totoo ang sinabi niya. Hindi ko
naman kontrolado ang nararamdaman at naiisip ng ibang tao para sa akin.

At kung sakaing totoo man iyon, hindi rin naman puwedeng sa akin na lang iikot ang
mundo niya. Maybe he just had to cut off our communication for something more
important than this. I know him... Caleb is a very passionate and goal-driven
person. He has dreams to fulfill and I have mine, too. If I were on his shoes, I
would do the same... or maybe even worse. I don't think I can stop chasing my
dreams just for one person. And I know it's the same for him, too.

Maaaring sa lahat ng nabanggit kong posibilidad ay mayroong hindi tama o hindi


totoo, pero sa ngayon ay ito na lang muna siguro ang panghahawakan ko. If looking
at the brighter side of his sudden disappearance would give me back my peace of
mind, then I will keep on doing it.

It doesn't matter to me anymore if he never really liked me before, basta ang


mahalaga ay naging mabuti kaming magkaibigan noon. I should just be happy for him
and wish him all the best because... that's what friends are for, right?

"Ang dami! Ang hirap naman nito! Nakakapagod na! Palagi na lang ganito! Ayoko nang
mag-aral! Itigil na natin 'tong kalokohang 'to!" Rafael groaned while looking at
the first page of our hand-out for Clinical Parasitology.

May long quiz kasi kami mamaya at mayroon na lang kaming isang oras na natitira
bago iyon.

"Feeling ko babagsak na naman ako..." nanlulumong sabi ni Ivory habang


nakahalumbaba at nakatitig sa kawalan.

I sighed and forcefully shut my eyes. Agad akong napamulat nang biglang may
kumulbit sa akin. Bumungad sa akin ang kaklase kong si Nadine. "Gella, may meeting
daw kayo ngayon sa Medtech council," aniya.

Tumango na lang ako bago patamad na lumakad palabas ng room upang tumungo sa
meeting room namin. Sinalubong ako ng malamig na hangin ng air conditioner ng silid
pati na rin ang katahimikan ng seniors ko na pare-parehong may binabasang papel.
Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin nang pumasok ako at ang iba kong kakilala ay
bumati sa akin.

Most of the officers of the council are my seniors. Kumuha lang sila ng batch
representatives from their lowerclassmen para bahagi pa rin kami sa kanilang pagp-
plano. I was chosen to be our batch representative kaya naman wala akong ibang
choice kun'di ang um-attend dahil mahalaga ang partisipasyon ko rito.

Nag-angat ng tingin sa akin si Nico, 3rd year college student at senior ko sa


College of Medical Technology. He's the president of our council. Nakangiti niyang
inabot sa akin ang isang kopya ng papel na binabasa nila. I smiled back and thanked
him. Kinantiyawan naman siya agad ng mga kaklase niya na agad namang sinaway ng iba
pang officers. Namula ang kanyang tainga dahil sa pang-aasar sa kanya kaya agad
siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina at paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin.

I immediately scanned the content of rhe paper. Umangat ang kilay ko nang makitang
tungkol iyon sa gagawin naming outreach programs na siyang requirement/activity
namin para sa major subject naming Community and Public Health for Medical
Laboratory Science.

Napatayo kaming lahat nang pumasok sa loob ng meeting room si Dean. Pinaupo niya
muna kami bago magsimula ang aming meeting. Nagtake down ako ng notes na siyang ia-
anunsyo ko mamaya sa aming klase. Naubos tuloy ang vacant time ko para sa meeting
na iyon kaya naman pagbalik ko sa room ay magsisimula na ang aming quiz sa
Parasitology.

After naming magsagot ng nakakatuyo ng utak na quiz ay d-in-ismiss na kami ng aming


professor kaya naman nagkaroon ako ng maikling oras para maipaalam sa klase ang
tungkol sa gagawin naming outreach program next week. Ipinaliwanag ko sa kanila ang
napag-usapan namin sa meeting tungkol doon at sinabi ko rin sa kanila na importante
iyon dahil first major activity namin ito para sa CPH subject.

During our class in that particular subject, we were divided into five groups and
that will be our group until the end of this semester. Mabuti na lang ay naging
kagrupo ko si Rafael kaya naman naging active at maingay ang mga miyembro ng group
namin. Inasar naman ni Rafael si Ivory dahil napahiwalay ito sa amin.

We discussed about what we'll be doing during the outreach program next week.
Nagbunutan kasi kami kanina at ang na-assign sa amin ay ang pagluluto at
pagdidistribute ng pagkain para sa mga bata. Our community outreach program will be
helping the less fortunate and underprivileged families and our priority will be
the nutrition of the malnourished children.

Ang ibang grupo ay na-assign para sa pagseseminar sa mga magulang ng mga bata
tungkol sa pagbibigay ng proper nutrition for their children. Sabi sa amin ni Dean
Rodriguez kanina sa meeting ay tutulungan kami ng iba pang volunteers mula sa
komunidad na iyon sa pagbabahagi ng tulong sa mga pamilya.

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay nakasakay na kami sa isang bus papunta
sa napili naming tulungan na komunidad. Pagkarating doon ay sinalubong kami agad ng
ilang barangay officials at volunteers upang tulungan sa pag-aarrange ng mga
gagamitin namin sa malaking covered court kung saan gaganapin ang aming activity.

Nakasuot lang ako ng dark blue polo shirt na department shirt namin at faded maong
pants. Iyon kasi ang ni-require sa aming suotin para sa activity na ito para
malaman nila na kami 'yong mga magli-lead o magsasagawa ng program.

"Bakla, paabot naman ako ng takip ng kaldero d'yan sa tabi mo," utos sa akin ni
Rafael.

Inabot ko iyon sa kanya at sinilip ang niluluto niyang lugaw. "Nasaan na 'yong mga
mangkok na paglalagyan natin nitong lugaw?" tanong ko sa kanya nang mapansing wala
pa ring nakahandang mga lalagyan doon.

Nginuso niya ang isang maliit na opisina sa kabilang dulo ng covered court.
"Nandoon, 'teh... Kunin mo na lang sa loob. Nakalimutan yatang kunin ni Ira
kanina."

Sinulyapan ko si Ira na busy ngayon sa pagpupukpok ng yelo at paglalagay nito sa


container ng tubig na may nakalagay na orange juice.

I nodded and immediately removed my apron before heading to the small office. Bago
ako pumasok doon ay kumatok muna ako. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong walang
ibang tao sa loob ng opisina ngunit bukas ang electric fan. Nahanap agad ng
paningin ko ang mga mangkok na nakataob at magkakapatong sa isang tray. I swiftly
tied my hair into a messy bun before picking up the tray full of bowls.

Ang bitbit na salansan ng mangkok ay humaharang na sa aking mukha kaya naman naging
mabagal lang aking paglalakad dahil sa takot na mailaglag ko ito lahat dahil sa
kagaslawan ko. My eyes are fixated on the ground I am walking to. Mahirap na at
baka madapa pa ako tapos mahulog ko ang lahat ng dala.

"Tulungan na kita, Miss..." I heard a man in front of me offered.

"Sige po... Salamat, Kuya!" sabi ko bago nakangiting inabot sa kanya ang tray na
hawak.

He's taller than me kaya sigurado akong hindi siya mahihirapan sa pagbibitbit ng
dala ko. Nang tanggapin niya ang tray ay tuluyan kong nakita ang kanyang mukha.
Napawi ang ngiti ko at napako ako sa aking kinatatayuan habang gulat na nakatingin
sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Shock was also evident in his face and it
looked like he did not expect to see me either.

Nagtama ang tingin naming dalawa at naramdaman ko ang biglaang panunuyo ng aking
lalamunan. My heart pounded like crazy inside my chest. Dahan-dahan akong umatras
at mabilis siyang iniwan doon. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Rafael at naabutan
siyang naghahalo ng lugaw. Nang makita ako ay agad nagsalubong ang kilay niya.

"Oh? Nasaan ang mga mangkok? Akala ko kinuha mo na?" Nagtagal ang titig niya sa
akin. "At bakit para nakakita ka ng multo?"
Marahas akong humugot ng hininga at napatingin sa lalaking naglalakad papalapit sa
amin. "Multo nga..." sarkastikong sabi ko.

Agad napatingin si Rafael sa tinitingnan ko at awtomatikong nalaglag ang panga


niya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Caleb kaya sinamaan ko
siya ng tingin.

Tahimik pa rin si Caleb pagkatapos niyang ipatong ang mga bitbit na mangkok sa
lamesa. Muli siyang sumulyap sa akin sa huling pagkakataon bago tuluyang tumalikod
at maglakad palayo.

        Kapitulo XIII - Wait [My Sweet Surrender]

            "Gella, feeling ko talaga may third eye na ako..." bulong sa akin ni


Ivory na agad nakiusyoso sa amin nang makita niya si Caleb na lumapit kanina.

Sinimangutan ko siya bago ibinalik ang tingin kay Caleb na ngayon ay nag-aayos ng
mga monoblock chair sa tapat ng stage kung saan gaganapin ang seminar. 

I paused for a second to get a better look at him. His dark hair is now in a clean
cut again and it's a bit shorter than usual. He also grew short stubble which made
him look even more manly. Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. His body looks
more lean and muscular now. I also noticed that he's wearing the same uniform when
I first met him at the blood-letting activity.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasamahan niyang sa pagkakatanda ko ay alumni rin


ng university at siguro ay ka-batch niya sa BS Criminology dahil pareho sila ng
suot na uniporme. Napansin kong nandoon din ang propesor namin sa NSTP at may
kasama siyang officers ng mga hinahandle niyang sections ngayong school year.

Muling bumalik kay Caleb ang tingin ko. Napaubo ako sa gulat nang bigla siyang
sumulyap sa gawi ko. Tumuwid ako nang pagkakatayo at nagpanggap na walang nangyari.
Nagkunwari akong hindi nakatingin sa kanya at inabala ang sarili sa pag-aayos ng
mga mangkok na paglalagyan namin ng lugaw. 

"Akin na, ako na ang maglalagay," sabi ko sabay agaw ng sandok na hawak ni Rafael.

Kunot-noo niya akong pinagmasdan ngunit kalaunan ay nagpaubaya na rin. Naramdaman


ko ang panonood nilang dalawa sa akin habang naglalagay ako ng lugaw sa mga
mangkok. Nawala lang sa akin ang atensyon nila nang dumating na ang mga batang
tutulungan namin.

Bumalik na rin si Ivory sa kanyang grupo dahil nakapila na sa registration ang mga
magulang na kasama sa seminar. Inabala ko na lang ang sarili sa paglalagay ng
pagkain samantala ang ibang kagrupo ko naman ang nag-aasikaso sa pila at pagpapa-
upo sa mga bata sa mga hinanda naming lamesa. Si Rafael naman ang namimigay ng
pagkain at inumin.
"Kain na kayo, mga bata! Ako ang magandang fairy godmother niyo!" Rafael laughed
heartily.

I chuckled softly and continued what I'm doing. Nanigas ako sa aking kinatatayuan
nang makita sa gilid ng aking mata ang paglalakad ni Caleb patungo sa direksyon
namin. Palihim din akong siniko at pinandilatan ng mata ni Rafael na mukhang
napansin din ang paglapit niya.

"You need help?" he gently asked when he stopped and stood beside me.

I cleared my throat before calmly looking at him. "Actually, yes... May iba kasi
akong aasikasuhin. Kung okay lang sana sa'yo?" diretsong sabi ko.

He blinked twice and swallowed hard before slowly nodding. A hint of amusement was
evident on his facial expression. 

Mabilis kong inabot sa kanya ang sandok na hawak ko at hinubad ang apron na suot ko
bago ipinatong iyon sa ibabaw ng bakanteng lamesa. Naramdaman ko ang panonood niya
sa bawat galaw ko kaya sinulyapan ko siya. Napatuwid siya agad nang pagkakatayo
bago nag-iwas ng tingin sa akin.

"Thank you..." I mumbled before leaving.

Dumiretso ako sa ka-grupo kong si Ira na nagkakaskas pa rin ng yelo. "Ako na rito,
Ira... tulungan mo muna si Rafael doon," mabilis na sabi ko sa kanya.

Nalilito siyang tumingin sa akin ngunit kalaunan ay ipinaubaya niya na rin sa akin
ang ginagawa. Ngumiti ako sa kanya bago inabala ang sarili sa pagkakaskas ng yelo
at pagtitimpla ng masustansyang inumin.

Nang matapos magtimpla at malagyan ng yelo ang bawat container ng mga inumin ay
nilagay ko sa isang palanggana ang mga ginamit ko upang sabay-sabay itong hugasan
mamaya. Naglagay muna ako ng mga juice sa paper cups at pinuno ang isang malaking
tray bago dinala iyon kila Rafael.

Nang tuluyan naming matapos asikasuhin at maubos ang mga batang nakapila ay kinuha
ko na ang palanggana bago binitbit iyon patungo sa opisina. Pinagbuksan ako ng
pinto ng isa sa mga volunteers na nagbabantay roon at tinulungan akong bitbitin ang
dala ko.

"D'yan na lang sa may tabi..." sabi ko sa kanya habang itinuturo ang tabi ng
lababo.

Ipinatong niya iyon doon bago nahihiyang ngumiti sa akin at nagbigay-daan.


Nagpasalamat ako sa kanya bago nagpatuloy na sa gagawing paghuhugas ng mga ginamit
kanina.
"T-Tulungan na kita, Miss..." Sinulyapan ko ang lalaking tumulong sa akin kanina na
hindi pa pala umaalis sa likuran ko.

Tipid akong ngumiti habang nananatili ang tingin sa mga hugasin. "Huwag na, kaunti
lang naman ito," sabi ko.

"Ako na..." a deep husky voice echoed behind me.

I stiffened. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil kilalang-kilala ko na kung


sino ang may-ari ng boses na iyon. Narinig ko ang mahihinang yabag paalis ng
lalaking tumulong sa akin at ang bahagyang pagtunog ng pinto.

"Gella, ako na riyan..." marahang sabi niya.

I swallowed hard and tried to calm myself before finally speaking. "Kaya ko na
itong mag-isa, Caleb," I said with a hint of finality.

Ilang sandali siyang natahimik kaya lalo kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib.
Binilisan ko ang pagsasabon ng hawak kong tray upang itago ang panginginig ng aking
kamay.

"How are you doing?" Napatigil ako bigla sa aking ginagawa dahil sa tanong niya.

Marami akong gustong sabihin at ibatong tanong sa kanya ngunit ayaw bumuka ng aking
bibig upang magsalita. Gusto kong magtanong nang marami dahil maaaring ito na ang
huling pagkakataon ko upang alamin ang lahat ng bumabagabag sa akin sa loob ng
higit limang buwan. Gusto kong magsalita pero sa huli ay nangilid lang ang aking
luha.

Just when I'm about to speak up, the door of the office suddenly opened. "Gella,
nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" sabi ni Rafael.

Hindi ako lumingon dahil sa takot na baka makita niya ang nagbabadya kong mga luha.
"Saglit lang, tatapusin ko lang 'to..." I tried my best to hide my shaking voice.

"Tulungan na kita," seryosong sabi ni Rafael bago ko narinig ang mga hakbang niya
papalapit sa akin.

Nang makarating siya sa tabi ko ay saglit siyang sumulyap sa akin bago bumaling sa
lalaking nakatayo sa likuran ko. "Ako na dito," kalmadong sabi niya kay Caleb.

Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa loob ng silid bago ko narinig ang
mahihinang yabag niya papalayo at ang tuluyang pagsara ng pinto. I bit my lower lip
and tried to calm myself.
"Gella..." nag-aalalang tawag sa akin ni Rafael bago patagilid akong niyakap at
ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat.

Inabala ko ang sarili sa pagbabanlaw ng mga hugasin at hindi pa rin siya


tinitingnan. "Ayos lang ako, Raf..." paniniguro ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang ulo at ang paninitig niya sa akin. "May
sinabi ba siya sa'yo? Nag-usap na ba kayo?" nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako at pilit na ngumiti. "Wala naman... Kinumusta niya lang ako." I
chuckled without humor.

Hindi ko alam kung gusto ko ba ang pagsaklolo sa akin ni Rafael o mas gusto kong
hindi niya na lang pinutol ang aming pag-uusap. Kung hindi ba dumating si Rafael...
magpapaliwanag ba siya? And would I be ready to hear his side? I don't think so.

"Bakit feeling ko sinadya niya talagang pumunta dito at magpakita sa'yo?" mapait na
sabi niya.

Saglit akong napaisip. Alam niya nga kayang nandito ako? But why does he look so
shocked when he saw me earlier? Bakit mukhang hindi niya inaasahan ang pagkikita
naming dalawa? Was it because he did not expect to see me or... he did not really
mean to see me? Iniiwasan niya ba ako kaya siya nawala? O baka naman...
pinagtataguan niya ako?

"Ang kapal ng mukha niya, huh! Halos kalahating taong hindi nagparamdam sa'yo,
tapos ngayon ay biglang susulpot na parang kabute na para bang walang nangyari? My
gosh!" he ranted.

Napailing ako at bahagyang natawa sa mga hinaing niya. "Hindi naman siguro, Raf..."
Napatigil ako sa pagsasalita. Teka, bakit parang pinagtatanggol ko pa siya?

Kinurot ako ni Rafael sa tagiliran kaya napangiwi ako. "Ikaw, Gella, umayos ka ha!
Baka isang sorry lang ni poging sundalo sa'yo ay rumupok ka na... Naku, sasabunutan
talaga kita!"

Hanggang sa matapos akong maghugas ng mga kagamitan ay panay ang sermon sa akin ni
Rafael. Siya ang nagbitbit ng mga hinugasan ko at sabay kaming naglakad pabalik sa
lamesa namin. Sumulyap ako sa stage at nakitang nagsasalita na si Dean Rodriguez ng
kanyang welcoming speech at opening remarks.

Lumapit ako sa mga bata upang kumustahin sila at kausapin. Inabala ko na lang ang
sarili sa pakikipagkuwentuhan at pakikipaglaro sa mga bata maghapon kaya hindi ko
na rin namalayan na patapos na pala ang aming program.
Ipinamigay na rin namin ang mga groceries na dinala ng mga officers ng NSTP para sa
mga pamilya. Nagpasalamat kami sa kanilang pagpunta at nagpaalam na rin ako sa mga
batang nakasalamuha namin.

"Balik ka dito, Ate Gella ha?" sabi sa akin ng maliit na batang si Brix.

I smiled sweetly at him. "Magpalaki ka, huh? Dapat pagbalik ko, mas matangkad ka na
sa akin!" biro ko sa kanya.

Sinimangutan niya ako. "Ang tagal naman po no'n! Balik ka agad, please!" Humalakhak
ako bago pinisil ang kanyang pisngi.

Tinulungan kami ng mga volunteers sa paglalagay at pagpasok ng aming mga gamit sa


bus. Hindi naman ako nilayuan ni Rafael at Ivory habang nagliligpit at napansin ko
rin ang maya't maya nilang pagpukol ng masasamang tingin kay Caleb.

Nang makasakay kami sa bus ay sumilip ako sa bintana at kumaway rin sa mga batang
nakangiting kumakaway sa amin. Nagtama ang tingin namin ni Caleb na diretsong
nakatingin sa akin at mayroong halo-halong emosyon sa kanyang mga mata. My smile
slowly faded as the vehicle started to move away.

Pagod kong ipinikit ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo sa sandalan ng
upuan. I exhaled slowly to release the tension I am feeling. Hindi ko alam kung
bakit ang sakit makita ang pagsunod ng kanyang tingin sa akin habang unti-unting
umaandar at lumalayo  sa kanya ang bus na sinasakyan ko. Buong biyahe ay naging
tahimik lang ako at alam kong napansin iyon ng dalawa kong kaibigan.

"Ay shet! Online si crush! Makapag-IG story nga habang nag-aaral para kunwari
masipag." Rafael giggled then turned to Ivory. "Anong magandang caption, 'teh?"

Saglit na nag-isip si Ivory bago sumagot. "Ilagay mo... 'para sa future natin 'to,
bhie'," aniya bago tumawa nang malakas.

Humagalpak ako ng tawa ngunit agad akong napatigil nang biglang pumasok sa room si
Tatiana at dumiretso sa kinauupuan ko. "Totoo nga, Gella?!" bungad niya sa akin.

Kumunot agad ang noo ko. "Pinagsasabi mo d'yan?!" Humalukipkip ako.

Hinigit niya ang ni-reserve kong upuan niya sa tabi ko bago inilapit ang mukha sa
akin. She narrowed her eyes. "Pumunta ba talaga sa outreach program niyo si poging
sundalo?!" Tinakpan ko agad ang bibig niya at sinimangutan siya.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa kong kaibigan na nagpapanggap na walang narinig at


patuloy lang sa pagpipicture ng kanilang reviewers. Napabuntong-hininga ako bago
pagod na binalingan si Tati na kuryoso pa rin at naghihintay sa kuwento ko.
"We did not talk about it..." agap ko sa maaaring iniisip niya ngayon.

"Nagtitigan lang sila," komento ni Rafael sa tabi ko.

Tinitigan ko siya nang matalim ngunit nagkunwari lang siyang hindi ako ang kausap
niya. Humalakhak naman si Ivory sa kanyang tabi.

"What?! Ano 'yon? Titigan lang? Walang hawak?!" malisyosang sabi niya.

Nalaglag ang panga ko sa komento ni Tatiana. "What the hell, Tati? Ang dumi talaga
ng utak mo!" I shook my head in disbelief.

She chuckled. "Hawak kasi as in literal na nahawakan o baka nagkabanggaan kayo!


Kunwari... uhm, aksidenteng nahawakan ang kamay mo, gano'n! Mas madumi talaga utak
mo kaysa sa 'kin, sis!"

Napairap ako sa palusot niya. Habang hindi pa dumadating ang prof namin sa last
subject ay hiningi sa akin ni Tatiana ang detalye ng buong nangyari sa outreach
program na naganap kahapon. Natahimik lang kami nang dumating na ang propesor.

Nang sumapit ang uwian ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na mauuna na ako
dahil papasok ako ngayong Biyernes sa part time job ko. Pagkalabas ng building
namin ay unti-unting bumagal ang paghakbang ko nang mamataan sa entrance ng parking
lot si Caleb.

Marahas akong humugot ng hininga habang papalapit nang papalapit sa kanyang


kinaroroonan. Inangat niya ang kanyang tingin sa akin at nakita ko ang bahagyang
pagliwanag ng kanyang mukha.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo bago mabagal na humakbang papalapit sa akin. Abot-
abot ang pagtahip ng aking dibdib habang unti-unting nauubos ang distansya naming
dalawa. He was about to speak when we both heard someone calling my name from
behind.

Nilingon ko ito agad at nakita si Archi na tumatakbo papalapit sa akin. Sinulyapan


niya lang ang lalaking nasa harapan ko bago tumingin at ngumiti nang matamis sa
akin.

"Pauwi ka na ba?" he asked.

Sumulyap ako kay Caleb at nakitang dumilim ang kanyang tingin sa amin. Nag-iwas ako
ng tingin sa kanya bago marahang tumango kay Archi.

"Doon ka ba sa... condo mo uuwi?" kuryosong tanong niya.


I nodded again as a response. Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko at ang
pag-usbong ng hindi maipaliwanag na kaba sa aking dibdib. Why am I suddenly getting
nervous about this conversation?

The corners of his lips rose a bit. "Can I take you home?" tanong niya bago nag-
iwas ng tingin sa akin at napakamot sa likod ng kanyang ulo.

Natigilan ako sa kanyang tanong. Naramdaman ko ang mariing titig sa akin ni Caleb
ngunit hindi ko siya matingnan ngayon dahil sa kabang nararamdaman. 

I exhaled slowly before answering. "S-Sure..." napapaos na sagot ko.

Bakas ang gulat sa mukha ni Archi nang marinig ang biglaang pagpayag ko. I think
it's the first time I accepted his offer to take me home aside from the incident
five months ago. I bit my lower lip and forced a smile.

Sinulyapan ko muna ang golden Wildtrak ko na naka-park sa paborito kong parking


space bago dumapo ang tingin kay Caleb. Nag-iwas siya agad ng tingin sa akin at
dahan-dahang tumalikod bago maglakad papasok sa parking lot. Pinanood ko ang
pagpasok niya sa kanyang sasakyan habang naglalakad kami ni Archi papasok.

Nang tuluyan nang makaalis si Caleb ay bigla kong hinarap si Archi kaya bahagya
siyang nagulat. "Archi, ayos lang ba kung... sundan mo na lang ang kotse ko?
Papasok pa kasi ako sa part-time job ko..."

He looked confused. "Puwede naman kitang ihatid doon sa pinagt-trabahuan mo,


Gella."

I smiled a bit. "I know... pero dala ko kasi ang sasakyan ko..." I trailed off
before pointing my car.
"Walang kukuha dito kapag iniwan ko."

His expression tells me that he wanted to say something but instead, he just slowly
nodded. "If that's what you want, then..." aniya bago ngumiti.

I sighed. The corners of my mouth slowly turned up before heading to my car.


Sumakay na rin siya sa kanyang sasakyan at hinintay akong mauna. Sinulyapan ko siya
sa side mirror at unti-unting napangiti habang nagmamaneho palabas ng university. 

Agad napawi ang ngiti ko nang maalala ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha
ni Caleb kanina bago siya umalis. Why is he here at the first place? Did he... wait
for me?

        Kapitulo XIV - Volunteer [My Sweet Surrender]

            "Accurate clinical laboratory test results are very important for the
proper diagnosis and treatment of patients. There are some factors that are
important in order to obtain accurate laboratory test results..."

Habang nagkaklase kami sa Clinical Chemistry ay lumilipad ang isip ko sa ibang


bagay. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa akin ang naging reaksyon ni Caleb
noong pumayag akong magpahatid kay Archi last week. Humalumbaba ako at napabuntong-
hininga na lang.

Noong nakaraang Sabado ay pumunta siya sa café na pinagt-trabahuan ko. Hindi naman
siya gaanong nagtagal katulad nang nakagawian niya noon at mukhang pumunta lang
talaga siya roon upang kumain. Mukha ring nagkataon lang siyang pumunta roon dahil
iyon lang pinakamalapit niyang makakainan. Noong Linggo naman ay hindi na siya
pumunta o nagpakita pa sa café ngunit nakatanggap naman ako ng isang tawag mula sa
kanya.

I cleared my throat before answering his call. "H-Hello?"

Lumipas ang halos isang minuto na hindi siya umiimik mula sa kabilang linya.
Sinulyapan ko ang screen ng cellphone ko upang tingnan kung hindi pa rin ba niya
binababa ang tawag. Awtomatikong napakunot ang noo ko nang bigla niya itong
patayin. I gritted my teeth before typing a text message.

Ako:

Bakit ka tumawag?

Bago ko pa maipasok sa bulsa ng aking apron ang cellphone ko ay bigla itong tumunog
hudyat ng isang mensahe. Binuksan ko ito at agad na binasa.

From: Caleb Avanzado

Just checking.

Nagsalubong agad ang dalawang kilay ko matapos basahin ang maikling reply niya.
Nagtipa agad ako ng panibagong text.

Ako:

Checking what?

Hindi na niya iyon sinundan pa kaya naman buong shift ko sa trabaho ay iyon ang
bumagabag sa akin.

"Ms. Carvajal?" Napabalik ako sa reyalidad at agad na napaayos nang pagkakaupo nang
umalingawngaw sa buong silid ang boses ng propesor ko sa Clinical Chem.
"P-Po, Ma'am?"

Dahan-dahan akong umahon mula sa pagkakaupo matapos niya akong senyasang tumayo.
Humalukipkip siya at diretsong tumingin sa akin. "Give me the correct order of draw
for blood specimens," simpleng sabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa notes ko at kumabog ang aking dibdib nang makitang wala man
lang iyong kasulat-sulat simula kanina. Tumikhim ako at napasulyap sa mga kaibigan
kong nagtatakang nakatingin sa akin.

"Hindi mo alam?" Ivory mouthed.

"Ms. Carvajal, are you with me?" pag-uulit na tawag sa akin ng propesor ko. "Tell
me the correct order of draw."

Bahagya kong iniyuko ang aking ulo at binasa ang ibabang labi bago sumagot. "H-
Hindi ko po alam, Ma'am..."

She exhaled slowly. "Sit down. Kakadiscuss ko lang nito kanina... It's very unusual
of you to space out during my class," medyo nagtatampong sabi niya.

Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo. "S-Sorry po, Ma'am..." sabi ko gamit ang
maliit na boses.

She cleared her throat before proceeding with the discussion. "As I've said
earlier, the correct order of draw for blood specimens is as follows..."

Habang nagsusulat ng notes ay patago akong kinulbit ni Rafael. "Girl, may problema
ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti bago umiling. "I'm fine... medyo marami lang akong iniisip,"
kalmadong sagot ko.

Hindi na rin ako kinulit pa ni Rafael ngunit ramdam ko ang maya't maya niyang
pagsulyap sa akin. Hindi man umiimik si Ivory sa tabi ko ay nararamdaman kong nag-
aalala rin siya sa akin.

"Tubes with additives must be thoroughly mixed by gentle inversion. Erroneous test
results may be obtained when the blood is not thoroughly mixed with the
additive..."

Nang matapos ang klase namin sa Clinical Chemistry ay dumiretso na ako sa locker
room upang kunin ang paper bag kung saan nakalagay ang PE uniform at sapatos na
suot ko kaninang umaga para sa PE class namin. Nagtext na lang ako kila Rafael na
mauuna na akong umuwi dahil magrereview pa ako para sa mga quiz bukas.
Habang bumababa sa hagdan ay narinig ko ang biglaang pagbuhos ng ulan sa labas.
Suminghap ako at agad na inilagay sa harap ang aking bag. Hinalughog ko ito at agad
na napasimangot nang mapansing hindi ko nadala ang payong ko.

Habang naglalakad sa ground floor papalabas ng aming building ay namataan ko ang


isang pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod at nakatayo sa may dulo ng hallway
na dinadaanan ko. Marahas akong bumunot ng hininga at sinadyang bagalan ang aking
paglalakad.

Bahagya siyang tumagilid bago tumingala sa kalangitan. Inangat niya ang kanyang
kamay upang saluhin ang ilang patak ng ulan. I stood there in awe at his perfect
side profile. Nang lingunin niya ako ay napahinto agad ako sa paglalakad.

His side profile was already breathtaking for me, but his face looking at me right
now was beyond my definition of perfection. At that exact moment, I realized that
everything around me looked dull... and there he was, standing there, astonishingly
radiant.

His gaze slowly drifted down to my body and when his eyes slowly returned to mine,
a ghost of a smile played on his alluring mouth. Dahan-dahan siyang naglakad
papalapit sa akin at gustuhin ko mang tumakbo papalayo ay hindi ko na nagawa dahil
parang nakadikit ang aking mga paa sa sahig.

I already knew before that he was the most attractive man I have ever seen, pero
ngayon ko lang napagtanto kung gaano iyon ka-totoo ngayong nandito siya sa harapan
ko at nakadirekta sa akin ang kanyang mapupungay na mga mata.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang ilahad niya sa akin ang dala niyang payong.
Umawang ang aking bibig dahil sa magkahalong gulat at pagkamangha. Nanatili siyang
tahimik at ang kanyang mga mata'y nakapanood sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang
aking kamay at tinanggap iyon.

Nang magtama muli ang tingin naming dalawa ay ngumiti siya sa akin. His gaze was
bewitching and I think I was spellbound.

Dahan-dahan siyang tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo sa akin. Iyon na yata


ang nagsilbing malamig na tubig na bumuhos sa akin at gumising sa akin sa
katotohanan. Nabitiwan ko ang hawak kong payong kaya napatigil siya sa paglalakad
at humarap sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang magkahalong gulat at pagtataka.

Hinugot ko muna ang natitira kong lakas ng loob bago magsalita. "Take it. I don't
need it," malamig na sinabi ko.

Bago pa siya makapagsalita ay mabilis ko na siyang nilagpasan at walang pag-


aalinlangang sumugod sa ulan. Narinig ko pa ang ilang ulit niyang pagtawag sa
pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Hindi ko ininda ang malakas na
buhos ng ulan at nagpatuloy na lang sa pagtakbo hanggang sa makapasok sa parking
lot.

Pagkapasok ko ng aking sasakyan ay hinabol ko ang aking paghinga. Ipinikit ko ang


aking mga mata at pagod na isinandal ang ulo sa head rest ng upuan. Bakit ganoon
ako kahina pagdating sa kanya? Isang lapit, isang ngiti, isang hawak, at isang
tawag lang niya sa pangalan ko... pakiramdam ko ay umiikot na naman ang mundo ko.
When did I ever give someone the power to fuck me up this bad?

I already knew that it was very stupid of me to do that pero mas lalo kong
napagtanto kung gaano katanga ang ginawa ko dahil sa pagkakasakit ko ngayon. For
the next two days, I was unable to go to school because of flu. Kaya naman nang
makapasok na ulit ako sa school ay sinalubong ako ng nag-aalalang mga kaibigan.

Bahagya pa ring mabigat ang pakiramdam ko dahil kakagaling ko lang kahapon pero
wala akong choice. I already missed a lot of lessons at kapag um-absent pa ako ay
paniguradong mahihirapan na akong maghabol ng mga naiwan kong lessons. Exam week pa
naman namin next week kaya paniguradong mahihirapan ako kapag hindi ko ito agad
inayos.

Hindi ko na rin kinalimutan pa ang pagdadala ng payong dahil magiging maulan daw
ngayong linggo dahil sa panibagong tropical depression na pumasok sa bansa.
Sinermunan din ako ni Mommy dahil sa ginawa kong pagpapaulan. Hindi ko pinaalam sa
kanya ang tunay na dahilan no'n kaya naisip niyang dahil sa kapabayaan ko iyon sa
sarili.

"Raf, pahiram naman ako ng notes mo... Mags-special quiz kasi ako mamayang vacant
sa Clinical Chem," matamlay na sabi ko.

Dinampi niya ang likod ng kanyang palad sa aking noo habang nag-aalalang nakatingin
sa akin. "Magpahinga ka muna kaya sa clinic? Ang putla-putla mo, bakla! Mas maputla
ka pa kay Sadako!"

I softly chuckled and rolled my eyes. "Ayos lang ako... medyo masakit lang ang ulo
ko," paniniguro ko sa kanya.

"Weh? Kunan nga kita ng dugo at babasahin ko ang CBC mo?" taas ang isang kilay na
tanong niya sa akin.

Humalakhak ako bago pabirong hinampas ang braso niya. "Gusto mo lang akong
pagpractice-an, eh!" natatawang sabi ko bago kinuha ang notes niya at nagsimula
nang kumopya.

Buong klase namin sa isang minor subject ay patago akong nagrereview para sa quiz.
Kahit mabigat ang mga talukap ko ay pinilit ko pa ring tapusin ang pagbabasa dahil
recorded ang quiz na kukunin ko mamaya.

Pagkatapos ng klase ay lumabas ako agad upang tumungo sa library ngunit napatigil
ako nang harangin ako ng isang senior namin. "Gella, may meeting daw tayo ngayon sa
council," sabi ni Ate Bianca sa akin.

Napalunok ako bago sumulyap sa hawak kong reviewer. "Anong oras daw po, Ate? Ngayon
na ba agad? Magq-quiz pa sana ako..." malungkot na sabi ko.

Napatingin din siya sa reviewer ko bago ngumuso. "Urgent kasi, eh... tungkol sa isa
pang gaganaping activity ng council next week."

"Next week? Pero prelims na po next week, 'di ba? Papayagan kaya tayo ni Dean?"
naguguluhang tanong ko.

Napabuntong-hininga siya. "Para yata sa mga nasalanta ng nakaraang bagyo iyon...


hindi naman natin siya major activity at para lang yata iyon sa council, pero
syempre hihingi pa rin ng cooperation sa mga non-officers," paliwanag niya.

I sighed and slowly nodded. Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa meeting room.
Katulad nga ng sinabi ni Ate Bianca, pupunta raw kami sa isang affected area upang
mamahagi ng relief goods na magmumula sa department namin. Kami-kami lang mga
officers ang magpupunta roon para mamahagi ng ayuda kaya pinayagan at pinirmahan ni
Dean ang aming activity.

Buong linggo bago mag-exam ay naging busy ako sa paghahabol ng mga na-miss kong
lessons at sinabayan pa iyon ng pagiging abala ko sa pag-aasikaso para sa activity
namin next Friday. It was one hell of a week for me and I can't help but be
pressured for the upcoming exams.

Hindi muna ako pumasok sa trabaho ko katulad nang nakagawian ko tuwing may
paparating na exam at nagfocus na lang muna sa pag-aaral. Kaya lang... hindi bumuti
ang pakiramdam ko simula noong nagkasakit ako kaya naging mahirap para sa akin ang
pagfofocus. Hindi muna ako pinayagang makauwi sa bahay noong weekends dahil sabi sa
akin ni Mommy ay mapapagod lang daw ako sa biyahe.

Dumating na nga ang linggo ng aming prelim examination at wala na akong ibang
mahihiling pa kun'di matapos na agad ito. For some reason, my body feels weaker but
I had no other choice but to continue going to school because of the exams.

Nang sumapit ang Friday ay nakahinga ako nang maluwag dahil dalawang subject na
lang ang e-examin ko. Pagkatapos nito ay wala na akong ibang gagawin kun'di ang
activity ng council. Half day lang kami ngayon kaya ngayong hapon din kami pupunta
doon sa lugar na nasalanta ng bagyo.

Pagkatapos ko pa lang magsagot ay nauna na akong magpasa. Nagpaalam na ako sa mga


kaibigan ko upang tumungo na sa lobby ng college building kung saan kami magkikita-
kita ng council. Naabutan ko roon ang seniors ko na mukhang maagang natapos sa
kanilang exams. Dalawa na lang ang aming hinihintay at aalis na kami.

Buong biyahe patungo roon ay natulog lang ako dahil sa lalong bumibigat na
pakiramdam. Dumagdag pa roon ang malamig na aircon ng van kaya pakiramdam ko ay
babalik ang sakit ko.

My body is boiling hot when I stepped out of the van and helped them arrange the
things that we'll be using for the activity. Dinampot ko ang isang malaking box at
umambang ipapasa na iyon sa isa sa mga volunteers na tumutulong sa amin ngunit
natigilan ako nang makita kung sino iyon.

His eyes looked worried at me when he initiated and reached out for the heavy box I
was holding. "Are you okay?" tanong sa akin ni Caleb.

Ano na namang ginagawa nito rito? Bakit ba palagi siyang present sa bawat outreach
program na pinupuntahan ko?

Tumikhim ako at tumango na lang. Pumasok muli ako sa loob upang kunin ang isa pang
natitirang box doon nang marinig ko ang sinabi ng Vice President namin.

"Ay shet, hindi raw makakapagdeliver 'yong pinag-orderan nating fast food chain!
Nasiraan daw sila ng motor!"

"Ano 'yon, cancelled na? Or puwedeng tayo na lang ang kumuha mismo roon? Malayo ba
iyon?" tanong ni Nico, president ng Medtech council.

Sinulyapan ko sila at nakitang bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila. Huminga ako
nang malalim at inabot agad ang box kay Caleb bago bumalik at lumapit sa mga
seniors ko. Agad lumipat ang tingin nila sa akin. "Ako na lang pong mag-isa ang
pupunta roon para kunin iyon..." sabi ko habang naglalakad kami papasok ng covered
court.

Well, of course I agreed to do it because it might be my chance to avoid Caleb.


Pero napansin ko rin kasing hindi nila ako masyadong binibigyan ng gawain dahil
napansin nilang matamlay ako. Ayoko namang maging pabigat lang sa council.

"Gusto mo bang samahan kita?" Nico offered while unloading the box.

"Pres, ano ka ba! Ikaw ang magli-lead sa amin tapos iiwan mo kami rito?" saway sa
kanya ng Vice President. "Iba na lang ang utusan mong sumama kay Gella."

"Marami ka bang ginagawa? Ako na lang muna ang bahala roon..." sabi sa akin ni Ate
Bianca.

Ibinaba ko rin ang hawak na container bago ngumiti sa kanya. "Wala nga po akong
ginagawa masyado, eh... kaya ako na ang nagprisinta para may maitulong ako sa
inyo," sabi ko.

Nagliwanag naman ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko. "Salamat, Gella ah? Huwag
kang mag-alala, papasamahan at ipapahatid na lang kita sa isa sa volunteer. Medyo
marami kasi 'yong pipick-up-in mo," sabi ni Nico.

Ngumiti ako bago tumango. Napawi nga lang ang ngiti ko nang makita kung sino ang
naghihintay sa akin sa harap ng van na nakaparada sa tapat ng covered court.
Nakapamulsa siya habang pinapanood ang paglapit ko sa kanya.

Taas-noo akong nagpatuloy sa paglalakad at nagkunwaring walang pakielam kung sino


ang sasama sa akin. Nauna na akong sumakay sa front seat at hindi na siya nilingon
pa. Pinanood ko ang pag-iling at pagbuntong-hininga niya bago buksan ang pinto ng
driver's seat at pumasok.

Nanatiling magkasalubong ang kilay ko nang tuluyan siyang makapasok sa driver's


seat. Habang inaayos niya ang kanyang seatbelt ay nararamdaman ko ang pagsulyap
niya sa akin.

Tumuwid ako nang pagkakaupo at pinanatili na lang sa unahan ang tingin. Nakakainis!
Kung sino pa talaga 'yong iniiwasan at ayaw kong makasama ay siya pa talaga itong
nandito!

        Kapitulo XV - Stop [My Sweet Surrender]

            Nanatili siyang tahimik matapos niyang paandarin ang sasakyan. Simula


pa lang noong una kaming nagkita sa blood-letting activity, madalas ko nang
napapansin ang madalas niyang pagsulyap at paninitig sa akin. Everytime I caught
him staring at me, he would just coolly look away, pero may mga pagkakataon ding
wala siyang hiya kung tumitig sa akin hanggang sa ako na ang mapaiwas.

Everyone around me who knows him thinks he's damn attractive. Kapansin-pansin naman
kasi ang pagiging iba niya sa lahat. Para bang iba siya sa tipikal na gwapo at
matipuno. Maganda ang bulto ng kanyang pangangatawan at may pagkamisteryoso ang
mukha. I hated him for that and I hated him even more everytime I see him.

Even before he confessed his feelings to me, he already made me feel uneasy and
uncomfortable. His presence makes me feel... nervous, or something similar to that.
Something more intense and very unknown to me. Thinking about him makes me nervous
as fuck. Looking at him makes me nervous as fuck. And being this close to him makes
me nervous as fuck.

Nanatili lang kaming tahimik sa loob ng sasakyan at ang tanging ingay lang na
naririnig ay ang mahinang tunog ng makina at ang paggulong ng sasakyan sa malubak
na daan. I glanced at him and noticed how serious he is while driving. My mouth ran
dry thinking about what I would say if he finally opened the topic about what
happened between us. Am I really ready for that?

Lumunok ako at tumingin na lang sa labas ng bintana. My heart is pounding so hard


and my body feels hotter than it already was earlier. Buong biyahe ay iniisip ko
kung ano ang maaari kong sabihin kapag dumating na ang araw o pagkakataong
sasabihin niya na sa akin ang tunay na dahilan ng pagkawala niya nang halos
kalahating taon.
Hanggang sa makarating kami sa fast food chain ng karatig-bayan ay nanatili pa rin
kaming walang kibo sa isa't isa. Pagkatapos niyang mai-park nang maayos sasakyan ay
kinalas ko na ang seatbelt ko at nauna nang lumabas doon. I immediately gasped for
air after finally escaping the suffocating tension inside the van.

Nang makapasok ako sa fast food chain ay napansin kong wala masyadong tao roon
dahil siguro sa pabugso-bugsong pag-ulan at mukhang naging apektado rin ang
kanilang lugar dahil sa bagyo. Wala ring masyadong nakapila kaya mabilis akong
nakalapit sa counter.

"Good afternoon, Ma'am! What's your order?" masiglang bati sa akin ng babaeng crew.

Ngumiti ako nang tipid at inabot sa kanya ang resibong ibinigay sa akin kanina ni
Nico ngunit napansin kong wala na sa akin ang atensyon niya. Nagtaas ako ng isang
kilay bago sinundan ang tingin niya. Halos mapairap ako nang makitang nakatitig na
siya ngayon kay Caleb na    diretso namang nakatingin sa akin ngayon. Lumakad siya
papalapit sa akin at huminto lang sa may likuran ko.

Tumikhim ako at ibinalik na lang ang tingin sa babaeng crew na kumikislap pa rin
ang mga mata habang nakatingin kay Caleb. Padabog kong ibinagsak ang resibo sa
harap niya upang makuha muli ang kanyang atensyon kaya agad siyang napabaling sa
akin. Nag-aalinlangan niyang dinampot iyon bago agad na binasa.

My face heated so bad at the sudden irritation I'm feeling. Sumulyap siya muli kay
Caleb bago ibinalik ang tingin sa akin at nakitaan ko iyon ng kaunting takot.
Lumapit siya sa isang lalaking nakasuot ng ibang uniporme na sa tingin ko ay
kanilang manager dito.

Nang bumalik siya sa kanyang puwesto ay pilit siyang ngumiti sa akin. "W-Wait lang
daw po, Ma'am. Kinukumpleto pa raw po ang order niyo..." aniya bago bumaling kay
Caleb at awtomatikong umamo ang mukha. "A-Ano pong sa inyo, S-Sir?"

I gritted my teeth when I saw how her gaze slowly drifted from his face down to his
body and stared at him with full admiration. I was about to say something rude when
I heard him say something nice behind me.

"I'm with her..." he said in a cool way.

Marahas akong bumuntong-hininga at pilit na pinakalma ang sarili. Pinagtaasan ko ng


kilay ang babaeng crew na ngayon ay mas bakas na ang takot sa mata nang ilipat niya
sa akin ang tingin. Tumikhim siya at inabala na lang ang sarili sa pagpipindot sa
screen na nasa harapan niya. Nang matapos ay sinabi niya na sa akin ang total na
babayaran ko bago pasimpleng sumulyap muli sa lalaking nakatayo sa likuran ko.
Mabilis at padabog kong ibinagsak ang pera sa harapan niya upang mapabalik agad sa
akin ang tingin niya.

Nagpipindot ulit siya sa screen at hinintay na lumabas sa machine ang resibo.


Inabot niya sa akin ang sukli at ang resibo bago binigyan ako ng number. Suplada ko
itong hinablot mula sa kamay niya bago nauna nang maghanap ng bakanteng lamesa
upang doon maghintay habang wala pa ang order ko.

Sumunod si Caleb sa akin at umupo rin sa bakanteng upuan sa may tapat ko.
Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana. Naramdaman ko ang naninimbang na
titig niya sa akin at nang sulyapan ko siya ay nakitaan ko ng kaunting tuwa at
pagkamangha ang kanyang mata.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Anong tinitingin-tingin mo d'yan?"

He pouted his lips to hide a smile. "Sungit..." bulong-bulong niya.

I rolled my eyes and looked away. Inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng
kaunting sasakyang dumadaan sa kalsada. Napatikhim ako nang maalala ang paghatid at
pagsama niya sa akin dito. Bahagya akong nakonsensya sa pagtataray ko kaya
sinulyapan ko siya muli. "Gutom ka ba? Anong gusto mo?" mahinahong tanong ko.

"Ikaw..."

I blinked twice and looked at him with disbelief. Ang kaseryosohan ng kanyang mukha
matapos niyang sabihin iyon ay siyang nagpatayo sa mga balahibo ko.

Napatuwid siya nang pagkakaupo bago tumikhim. "I mean... ikaw? Kung anong sa'yo ay
iyon na lang din siguro sa akin..." agap niya.

I looked away when I felt my face heated profusely. Napatiim-bagang ako. "Burger at
fries na lang sa akin..." halos pabulong na sabi ko.

"How about drinks?"

Umiling ako. "Tubig na lang," tipid na sagot ko.

Akmang kukunin ko na ang wallet ko upang bigyan siya ng pera ngunit nagulat ako
nang nakatayo na siya at tumungo na sa counter upang um-order. Kumulo agad ang dugo
ko nang makita ang pagliwanag ng mukha ng babaeng crew pagkakita kay Caleb.
Pangiti-ngiti pa ito at halatang nagpapacute habang nagtatanong sa kanya.

Nang makabalik si Caleb sa lamesa namin ay sinamaan ko siya agad ng tingin na


siyang nagpalito sa kanya. Habang inilalapag niya sa lamesa ang order naming
nakapatong sa dala niyang tray ay nananatiling naninimbang ang kaniyang tingin. I
scoffed before looking away. Itong manhid na ito! Hindi niya ba nakikitang gusto
siya noong babaeng crew? Mukhang nag-eenjoy pa talaga siya sa atensyong nakukuha
niya, huh!

I rolled my eyes and pursed my lips. "Wala pa ba 'yong take-out natin? Ang tagal
naman," nauubos ang pasensyang sabi ko habang mariin pa rin ang titig sa kawalan.
"Are you... mad at me?" Nagulat ako sa tanong niya kaya napabalik ang tingin ko sa
kanya.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?" naguguluhang tanong ko. Napainom ako ng tubig
dahil sa nararamdamang panunuyo ng lalamunan.

His Adam's apple moved a bit. "Ngayon at sa... ginawa ko dati," napapaos na sabi
niya.

Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko. Pagkalunok ng tubig ay pinakalma ko
ang sarili ko. I was clearly dumbfounded from what he said and the only thing that
saved me from this awkwardness was the arrival of our orders. Inabala ko ang sarili
sa pagbibitbit ng mga drinks samantala si Caleb naman ang nagbitbit ng mga box ng
pagkain.

Nang mailagay na namin sa loob ng van ang lahat ng box ng pagkain at inumin ay
nauna na akong pumasok sa sasakyan. Nang maisarado niya na ang pinto ng van sa
likod ay umikot na rin siya agad papasok sa driver's seat.

Pagkabukas niya ng pinto ay nagtagal ang titig niya sa akin. Suminghap ako at
napatiim-bagang. Umupo na siya at sinara ang pinto bago inayos ang kanyang
seatbelt. Nakahalukipkip pa rin ako habang nananatiling nakatingin sa harapan.
Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi niya pa rin pinapaandar ang sasakyan. Our
eyes met and he immediately shifted to his seat.

"Maayos ba ang pakiramdam mo?" tanong niya. Nakitaan ko ng pag-aalala ang kanyang
mga mata.

I simply nodded to immediately cut off our conversation. Muling bumagabag sa akin
ang tanong niya kanina sa loob ng fast food chain. Kung hindi umeksena ang manager
kanina... ano kaya ang maisasagot ko sa tanong na iyon?

"Kumusta kayo ni... Archimedes?" Doon niya tuluyang nakuha ang atensyon ko.

My brow shot up. "Bakit nasali si Archi sa usapan?" nagdududang tanong ko.

He swallowed hard. "W-Well... I thought he's your boyfriend or something..." sabi


niya.

I looked at him with slight amusement. I smirked. "Ano naman ngayon sa'yo?"

Bahagyang nagtagis ang kanyang bagang habang nakatingin sa manibela ng sasakyan.


Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay pumungay ang kanyang mga mata. "Are you...
happy with him?"
Kinalas ko ang aking pagkakahalukipkip habang hindi pa rin makapaniwalang
nakatingin sa kanya. Naramdaman ko ang kaunting kirot sa aking puso habang
pinagmamasdan siya kaya napatikhim ako.

"H-Hindi ko siya boyfriend..." napapaos na sabi ko.

Napaawang nang kaunti ang kanyang bibig dahil sa sagot ko. Pagkaraan ng ilang
sandali ay itinikom niya iyon bago marahang tumango. He suddenly looked relieved
about something.

I immediately looked away. Dumaan ang medyo mahabang katahimikan sa pagitan naming
dalawa kaya sumulyap ulit ako sa kanya. I caught him looking at me intensely which
made me look away again.

Nilalamig ako kanina dahil sa malamig na panahon pero parang nasa disyerto na ako
ngayon dahil ganito kami kalapit sa isa't isa. Mabuti na lang ay pinaandar niya na
ang sasakyan at umalis na kami roon upang tumulak pabalik sa covered court.

"How about Nico?" pagbasag niyang muli sa katahimikan.

Sinimangutan ko siya. "He's my senior," simpleng sagot ko.

"I'm your senior, too..." nakangusong sabi niya.

I chuckled. "Ano naman ngayon?"

He looked amused about something. "Hindi ka ba niya nililigawan?"

Napairap ako. "He's just my senior," medyo naiiritang sagot ko. Bakit ba pinag-
uusapan pa namin ang mga bagay na ito? Why is he suddenly concerned about my
lovelife?

Nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating kami sa covered court. Tatanggalin


ko na sana ang seatbelt ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko upang pigilan
iyon. Inangat ko ang tingin sa kanya at nakita ang intensidad ng kanyang tingin sa
akin. His expressive and soulful eyes was full of emotions I cannot fathom. Ang
maikling distansya sa pagitan naming dalawa ngayon ay nagpakabog nang husto sa
dibdib ko.

"I'm sorry kung bigla na lang akong nawala..." he said huskily.

Halos malagutan ako ng hininga habang pilit nilalabanan ang intensidad ng kanyang
tingin sa akin. Nangilid bigla ang luha ko dahil sa halo-halong emosyon na
nararamdaman. I wanted to get out of here so bad but my head is spinning and my
body feels so weak.
"I was—"

I cut him off. "No, you don't have to explain anything to me. Naiintindihan ko,
Caleb... Matagal ko nang naisip ang maaari mong sabihing rason sa akin. You don't
owe me an explanation," sabi ko.

Napansin ko ang pamumungay lalo ng kanyang mga mata habang pinapanood ang paggalaw
ng labi ko habang nagsasalita. Nang inangat niya sa mga mata ko ang tingin ay
bahagya itong kumislap. "I'm sorry..." marahang sabi niya.

Umiling ako bago ngumiti nang matamis sa kanya. "You don't really owe me an apology
or an explanation but... thank you for apologizing anyway. We both have our own
dreams and we both have our own priorities. I understand it completely, Caleb."

He licked his bottom lip before speaking. "If you're talking about my confession...
I did not lie about my feelings for you, Gella. Totoo iyon."

Kung hindi lang ako nakaupo ngayon ay pakiramdam ko bumagsak na ako dahil sa
panlalambot ng tuhod ko. Sinubukan kong hanapin sa kanyang mga mata ang pagbibiro
ngunit wala akong ibang nakita roon kun'di ang sinseridad niya.

My heart is hurting from all the emotions I'm feeling right now but my mind is
clear. Ilang beses ko nang ni-replay sa utak ko ang eksenang ito at ang
katotohanang napaghandaan ko na ito noon pa ay siyang nagpakalma sa akin. I know
that I need to do this for my own peace of mind. I need to voice out what I've
always wanted to say to him for the sake of my own peace.

"Sa totoo lang, wala na akong pakielam kung totoo man iyong nararamdam mo sa akin o
hindi..." Pilit akong ngumiti bago tumingin nang diretso sa kanyang mga mata. "I
don't want to say hello to you and risk another goodbye anymore."

His bloodshot eyes made my heart hurt more. Dahan-dahan siyang napaatras at
napalayo sa akin dahil sa sinabi ko. Huminga muna ako nang malalim bago dahan-
dahang kinalas ang seatbelt na suot ko.

"Noong nawala ka, I've realized that surrendering to you might be a bad idea. Maybe
we're not really meant to happen. So please stop... Stop storming into my life if
you will just leave the next day. Pagod na akong panoorin ang pag-alis ng mga tao
sa buhay ko, Caleb. Please... stop coming into my life if you don't have plans on
staying," pinal na sabi ko.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at walang pag-aalinlangang lumabas mula roon.


Naramdaman ko ang pait sa lalamunan ko at panlalabo ng aking paningin dahil sa
luha. Pagtapak ko pa lang sa labas ng sasakyan ay umikot agad ang paningin ko.
Unti-unting nagdilim ang buong paligid and the last thing I heard was Caleb's voice
calling my name.
        Kapitulo XVI - Blood [My Sweet Surrender]

            I woke up still feeling a little bit dizzy. Medyo mabigat pa rin ang
katawan ko pero hindi na kasing-bigat noon. Nalanghap ko ang pamilyar na amoy ng
ospital. Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang puting kisame.
Ipinilig ko ang ulo ko sa tabi at nakita ang kapatid kong payapang natutulog habang
nakahawak sa kamay kong may nakakabit na dextrose. 

I parted my cracked lips and called his name. Napabalikwas siya agad at gulat na
napatingin sa akin. "A-Ate?! Gising ka na? T-Teka... tatawag muna ako ng nurse—"

Hinawakan ko ang kanyang pala-pulsuhan kaya natigilan siya. Kahit nanunuyo ang mga
labi ay pinilit ko pa ring ngumiti. "I'm fine, Skylen..." halos pabulong na sabi
ko.

He shifted from his seat and tried to calm himself down. Inayos niya ang
pagkakahawak sa aking kamay at inilagay iyon sa pagitan ng dalawa niyang kamay.
Nanatili pa rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

I cleared my throat. "Ilang oras na akong tulog?" mahinahong tanong ko sa kanya.

Napakurap siya nang dalawang beses dahil sa sinabi ko. Bakas ang pag-aalinlangan sa
kanyang mukha kaya napakunot ang noo ko. "Halos apat na araw na, Ate... Kakalabas
mo lang kaninang umaga mula sa ICU," napapaos na sabi niya.

My mouth ran dry because of what he said. Four days? Four straight days? I suddenly
recalled what happened to me. The last thing I can remember before passing out was
Caleb running towards me while calling my name.

Ipinilig ko ang ulo dahil sa naalala. "Where's Mommy?" pag-iiba ko sa usapan.


Sinubukan kong bumangon kaya naman inalalayan ako agad ng kapatid ko.

Bago pa makasagot si Skylen sa tanong ko ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si


Mommy sa silid. Nang makitang gising na ako ay tinakbo niya agad ang maliit na
distansya at agad na dumalo sa akin.

"Georgianna, anak? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Teka, tatawag
ako ng doktor—"

"Mom, I'm fine. Please calm down..." I interrupted her.

Marahas siyang humugot ng hininga bago bumaling kay Skylen at tinitigan siya nang
masama. "Bakit hindi mo man lang ako tinawag?! I told you to keep an eye on your
sister! Sabi ko ay magtawag ka ng nurse o doctor sa oras na gumising siya!" sermon
niya.
Napayuko ang kapatid ko habang nakikinig sa pangangaral sa kanya ni Mommy.
Hinawakan ko ang braso ni Mommy upang subukan siyang pakalmahin. "Mom, it's my
fault... pinigilan ko po siya kanina."

Napailing na lang si Mommy bago umupo sa bakanteng monoblock chair. Marahan niyang
hinaplos ang pisngi ko. "Kumusta ang pakiramdam mo, anak? Ilang araw kang walang
malay..." mahinahon ngunit halatang nag-aalala pa ring tanong sa akin ni Mommy.

I forced a smile. "I'm fine, Mom... A-Ano pong sabi ng doctor? Ano po bang sakit
ko?"

Napatigil kami sa pag-uusap nang biglang may kumatok sa pinto ng aking silid.
Pumasok ang isang nurse at ilang mga doctor. Pinasadahan ko sila ng tingin at
napansin ang pagkakaiba ng haba ng kanilang lab coat. Karamihan sa kanila ay maikli
ang suot na white lab coat at mas light din ang kulay ng suot nilang scrub suit sa
loob. I think they are all interns/residents and the one wearing a darker suit and
a longer lab coat is the attending physician.

"Oh, gising na pala ang anak mo, Gabriella..." sabi ng babaeng doktor kay Mommy
bago ibinalik ang tingin sa akin.

Tumayo at bahagyang tumabi si Mommy at Skylen upang magbigay-daan sa mga doktor.


Lumapit sa akin ang isang nurse at inayos ang sphygmomanometer sa aking braso upang
kunin ang aking blood pressure. Sinundan ko ng tingin ang inabot na folder ng
attending physician sa isang lalaking intern o resident.

"Read the charts for me, please..." utos sa kanya ni Dra. Abadilla.

Tumikhim muna ang lalaking intern/resident bago magsalita kaya lumipat ang tingin
ko sa kanya. "The patient is Ms. Georgianna Carvajal, she's diagnosed with dengue
hemorrhagic fever. Her heart rate and BP's still a bit low but stable. She's been
discharged from the ICU this morning. She was a candidate for blood transfusion due
to the rapid drop of her hematocrit levels and fresh frozen plasma."

Tumango si Dra. Abadilla. "Thank you, Dr. Dela Torre," sabi niya bago bumaling sa
akin.

The male intern/resident's eyes remained on me and a crooked smile slowly formed
across his mouth. I furrowed my brows and held his gaze for a second longer before
looking away.

"Blood transfusion? Masyado po bang malala ang sakit ko, Doc?" tanong ko kay Dra.
Abadilla.

"Well..." she trailed off before glancing at my worried mother. "Your mom told me
that you went to school for more than a week kahit kakagaling mo lang sa sakit. Did
you self-diagnose?"
I pursed my lips and guiltily nodded. "I thought it was just a simple flu..." pag-
amin ko sa kanya.

She smiled. "Maaaring hindi mo agad napansin na mayroon ka na palang symptoms ng


dengue at inakala mong isa lang itong ordinaryong trangkaso. Sigurado ka bang ayos
na ang pakiramdam mo noong pumasok ka o may naramdaman ka pang kakaiba?"

I swallowed hard. "Uh... to be honest, medyo mabigat pa rin po ang pakiramdam ko


noon pero pinilit ko pong pumasok dahil maghahabol ako ng lessons. Exam week din po
kasi namin last week."

Marahan siyang tumango. "Maybe that's how you acquired dengue hemorrhagic fever. It
has more severe symptoms than a normal dengue fever," aniya bago bumaling sa mga
interns/residents na kasama niya. "Can anyone tell me what are the symptoms of a
normal dengue fever?"

Sabay-sabay silang nagtaasan ng kamay at pumili ng isa mula sa kanila si Dra.


Abadilla. "Yes?"

"Symptoms of the dengue virus are mild to moderate or high fever, vomiting, pain in
the muscles, bones, or joints, nausea, headaches, and rashes on the skin."

Namamangha ko silang pinanood. So this is what they're doing on internship and


residency, huh? I didn't know that this hospital is a teaching hospital. Hindi pa
kasi ako masyadong nagreresearch tungkol sa hospitals na may ganitong program dahil
nasa pre-med pa lang naman ako. Maybe I should consider applying to this hospital
when the time comes...

"Excellent," nakangiting sabi niya bago muling bumaling sa akin. "Maaaring


naramdaman mo noon na parang gumagaling ka na sa sakit mo, more specifically, sa
dengue fever... kaya biglang nagdevelop ang panibago at mas malalang sintomas
habang nasa recovering state pa lang ang katawan mo."

I slowly nodded with slight amusement. "Siguro nga po..." pagsang-ayon ko. "It's
also my fault for overworking..."

I bit my lower lip and thought of some other reason. Well, kasalanan ko naman
talaga simula noong una pa lang dahil nagpaulan ako para lang maiwasan si Caleb.
How stupid.

Bumaling ulit si Dra. Abadilla sa mga interns/residents. "Now, can anyone tell me
what are the symptoms of dengue hemorrhagic fever?" Namili ulit siya ng isa sa mga
nagtaas ng kamay.

"Restlessness, nosebleeds, acute fever, severe abdominal pain, bleeding under the
skin, cold skin, and a large decrease in blood pressure."
"Very good. Proceed with the next case." Bumaling si Dra. Abadilla kay Mommy nang
magsi-alisan na ang ibang doctor at marahang pinisil ang kanyang kamay. "You don't
have to worry too much, Gabriella... We'll monitor her closely and we'll see how
her body reacts from the blood transfusion. Don't forget to call us if there's any
problem, okay?"

Marahang tumango si Mommy habang nangingilid pa rin ang luha. Niyakap siya ng
doktor bago lumabas kasunod ang nurse na nagcheck ng blood pressure, dextrose, at
oxygen level ko kanina.

"Mommy..." I called her. Agad siyang lumingon at nag-aalalang lumapit sa tabi ko.
"Ano 'yong tinutukoy ni Dra. Abadilla? Did I already undergo blood transfusion when
I'm unconscious?"

Nagkatinginan silang dalawa ni Skylen at parehong napabuntong-hininga. "Yes,


baby... why?"

Gulat ko silang tiningnan. "What about the blood? Have you found an AB negative
donor? Wala akong kaparehas na blood type sa inyong dalawa, 'di ba?" I trailed off
when I thought of someone. "Was it... Daddy?"

Mabilis na umiling si Mommy bago marahang hinaplos ang kamay ko. "No, of course
not! Hindi namin pinaalam sa Daddy mo ang tungkol sa pagkakasugod mo dito sa
ospital," mapait na sabi niya.

My brow shot up. "Then... how did you find a donor? May stock sila ng dugo dito? I
thought it will be difficult for you since I have a rare blood type," naguguluhang
sabi ko.

She sighed. "We thought so, too... pero mabuti na lang at ka-blood type mo pala
'yong lalaking nagdala sa'yo dito sa ospital. He immediately offered to be your
donor after hearing about your condition," aniya.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. It took me more than a minute to
register everything. "Y-You mean... he passed the type and crossmatch?"

Kumunot ang noo niya. "Huwag mo nga akong daanin sa medical terms mo! Engineer ako,
Georgianna! Basta ang alam ko ay nagmatch kayo at pinayagan siyang maging donor
mo!"

I still can't believe it! I don't know what shook me more... iyon bang ka-blood
type ko siya o 'yong pagprisinta niya bilang donor ko nang walang pag-aalinlangan?
And he took me at this hospital, too, even after the conflict between us!

Guilt slowly crept inside me. Nabalik lang ako sa reyalidad nang haplusin ni Mommy
ang buhok ko. "What's bothering you, anak?" nag-aalalang tanong niya.
I licked my bottom lip and cleared my throat before asking. "Y-Yung lalaki pong...
nagdala sa akin dito? Nasaan po siya?"

Saglit siyang nag-isip. "Ah, 'yong sundalo ba? What's his name again? Is it
Calvin?"

I pouted. "It's Caleb, Mom..." pagtatama ko sa kanya.

Nakahinga ako nang maluwag. So, it's really him, huh... First time ko yatang hindi
ma-disappoint sa sarili kong expectations.

"Whatever!" She rolled her eyes. "Ah, basta 'yong poging sundalo! After niyang
magdonate ng dugo ay nagpaalam na siya sa akin bago umalis. He did not come back
after that."

Unti-unting nangibabaw ang guilt sa aking sistema. Naramdaman ko ang pait at


panunuyo ng lalamunan ko. Matapos ko siyang itaboy papalayo at saktan... he still
chose to save my life.

"Is he your boyfriend or something?" nagdududang tanong sa akin ni Mommy.

"What? No, Mom!" Sinimangutan ko siya.

Mas lalong naningkit ang kanyang medyo namumugtong mata at nanatili ang pagdududa
roon. "Huwag kang mag-asawa ng sundalo, Gella! Baka maagang mamatay 'yan sa
giyera!" she surmised.

"You're stereotyping again, Mom!" Sinamaan ko siya ng tingin. "And why are you
talking about marriage already! I'm still 21!"

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Bakit? May balak kang pakasalan ang lalaking
iyon, 'no?"

I sighed out of frustration. "Hindi ko nga siya boyfriend! Ayaw ko nga ng sundalo!"

Patuloy niya akong inasar hanggang sa sumapit ang gabi. Tumigil lang siya upang
hayaan na akong makatulog at makapagpahinga. Nagigising na lang ako paminsan-minsan
dahil sa mga pumapasok na medtech upang kumuha ng blood sample sa akin at ilang
nurse na nagchecheck ng aking temperature at blood pressure.

Noong bumisita sa akin sila Rafael kinabukasan ay nalaman kong araw-araw pala nila
akong binibisita dito kahit wala pa akong malay at noong nasa ICU pa.
"Gaga ka talaga! Gusto mong maging doktor pero hindi mo naman inaalagaan ang sarili
mo!" sermon sa akin ni Rafael. 

Sumang-ayon naman agad si Ivory at Tati sa sinabi niya. "Pinilit pa kasing pumasok
bago mag-exam imbis na magpagaling muna!" si Tati.

"Paulan pa more! Waterproof ka, girl?" sarkastikong sabi ni Ivory.

Sa sumunod na araw, ang pinsan ko namang si Zaria ang bumisita sa akin sa ospital.
I was surprised when I noticed Archi came with her.

"Oh, ikaw pala 'yan, hija!" salubong ni Mommy bago bumaling sa lalaking nasa tabi
niya na may dalang bouquet at basket of fruits. "Boyfriend mo?" usisa niya kay
Zaria.

I rolled my eyes and chuckled. Mabilis na pumula ang pisngi ng pinsan ko habang
umiiling. "H-Hindi po, Tita! F-Friends lang po kami... He's here to visit Ate
Gella!" she denied.

"Good morning, Ma'am! I'm Archimedes po... Gella's friend," medyo pormal na bati sa
kanya ni Archi bago ngumiti. The dimples on his cheeks showed.

Humalakhak si Mommy bago pabirong hinampas sa braso si Archi. "Tita Gabby na lang!
Para naman akong teacher kapag 'Ma'am'! Halika, tuloy kayong dalawa... gising na si
Gella," halatang nagagalak na sabi niya. 

Nang makalapit sila ay inabot sa akin ni Archi ang dala niyang bouquet ng
sunflowers. Tinanggap naman ni Mommy ang basket of fruits. Humalik sa aking pisngi
ang pinsan ko.

"Friends lang talaga kayo nitong anak ko?" usisa ni Mommy bago makahulugang
sumulyap sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nginisian niya lang ako.

Napatingin sa akin si Archi bago awkward na tumawa. Nanatili lang tahimik ang
pinsan ko sa kanyang tabi. "O-Opo, Tita... Schoolmates po kami ni Gella since
senior high school."

Mommy laughed heartily. "Tapos friend mo lang din itong pamangkin ko? Ang friendly
mo naman!" she said nonchalantly.

Matapos ang mahigit dalawang linggo kong pagkaka-confine sa ospital ay pinayagan na


rin akong makalabas ng doktor ko. She allowed me to go to school pero marami siyang
ibinilin sa akin. Bawal daw muna sa akin ang magpagod masyado kaya magsa-submit ako
ng excuse letter sa mga professor ko na may ipinapagawang physical activities. 

After I was discharged from the hospital, the first thing that came into my mind
was to send a text message for Caleb.

Ako:

Caleb, can we talk?

Naging busy ako sa mga sumunod na linggo dahil naghabol ako ng activities at
lessons. Sa bahay rin muna ako umuuwi dahil nag-aalala si Mommy sa akin. Nagleave
din muna ako pansamantala sa part time job ko dahil bawal pa sa akin ang magpagod.
Sa tingin ko nga ay hindi na ako papayagan ni Mommy na bumalik doon dahil ayaw
niyang nagpapagod ako.

One week before our final exams, I was in the middle of studying in the library
noong bigla akong ipinatawag sa Dean's office. Habang naglalakad paakyat sa tamang
palapag kung nasaan ang kanyang opisina ay kumakabog ang dibdib ko sa kaba.

"How are you feeling, Ms. Carvajal?" panimula ni Dean Rodriguez.

I smiled. "A-Ayos na po ako, Dean..." sabi ko gamit ang maliit na boses.

Napawi ang ngiti ko nang unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha habang may
binabasa sa hawak niyang folder. I immediately shifted my weight when he glanced at
me.

"Pinatawag kita rito ngayon upang i-inform ka tungkol sa naging performance mo last
prelims and midterms. I know it's been very hard for you these past few months
but... I'm worrying about your scholarship, too. I'm afraid you won't be a
candidate for the Dean's list next semester kung hindi mo mahahabol ang grades mo
ngayong finals."

Pagkalabas ko mula sa opisina niya ay bumagsak ang balikat ko at marahas na


napabuntong-hininga. I bit my lower lip to prevent my tears from falling. 

I can't help but blame myself for being so stupid and irresponsible. Kung hindi
lang sana ako nagpaulan noon ay hindi sana ako magkakasakit. Kung hindi ako
nagkasakit ay hindi ako a-absent at kung hindi ako um-absent ay hindi ako
mahihirapang maghabol ng lessons at nakapagfocus sana ako sa nakaraang exams.
Lintik na pride kasi 'to! Mas mataas pa sa building namin! Palagi na lang akong
ipinapahamak!

Sinulyapan ko ang huling text message ko para kay Caleb na hanggang ngayon ay hindi
pa rin niya nababasa at narereplyan. Napabuntong-hininga na lang ako bago itinago
ang aking cellphone sa bag.

        Kapitulo XVII - Allow [My Sweet Surrender]

            Today is the second day of my second semester in 3rd year college.


Naging mahirap para sa akin ang nagdaang taon ngunit nalagpasan ko naman ito.
Somehow, I managed to recover from my downfall and retained my scholarship for the
past two semesters. It was indeed a very tough year for me, but I got through it
and moved on.

It's been a year since I last saw Caleb, too. Naiwan pa rin sa kanyang inbox ang
last text message ko. Somehow, I feel relieved about it. I did not have any
distractions and I have nothing to worry about. Though, inaamin kong paminsan-
minsan ay naaalala ko pa rin siya at napapaisip kung nasaan na kaya siya pero
hanggang doon na lang iyon.

Some say it's painful to wait for someone. Others say that it's more painful to try
to forget someone. But for me... I think the worst pain comes when you don't know
whether you should wait or just forget.

He's always been that way to me. Bigla-bigla na lang siyang susulpot tapos bigla-
bigla na lang ding mawawala. Bigla-bigla na lang siyang babalik tapos bigla-bigla
na lang ding aalis. Bigla-bigla na lang siyang magpaparamdam at bigla-bigla na lang
ding maglalaho.

I still think it's for the better. Nawala nga siya pero napulot at nabuo ko naman
ulit ang sarili ko. Although there's still a part of me wishing for him to come
back, naisip ko ring ayos lang din kung hindi na dahil baka hindi na naman iyon big
deal sa kanya. Pero kung bibigyan man ako ng isa pang pagkakataon upang makausap
siya, I would sincerely apologize and thank him for saving my life.

I sighed at my emotional train of thoughts. Kakatapos lang ng klase ko at papunta


ako ngayon sa opisina kung saan dapat magpasa ng form para sa application for
Dean's Lister. Hanggang ngayong week na lang kasi ang pasahan nito kaya naman
inasikaso ko na agad para hindi na ito makasagabal pa sa akin. Even though it's
still our first week, sa tingin ko kasi ay mas magiging busy ako ngayon dahil mas
mahirap ang subjects namin this semester.

Pagkapasok ko pa lang sa opisina ay sinalubong na agad ako ng malamig na hangin ng


air conditioner at ng nakakabinging katahimikan. Nahanap agad ng paningin ko ang
babaeng head ng scholarship services. Ngumiti siya sa akin at sinenyasan akong
lumapit. Bumagal ang lakad ko papalapit sa kanyang lamesa nang lumipat sa tabi niya
ang tingin ko.

My throat ran dry at the sight of him. Agad siyang napaayos nang pagkakaupo nang
magtama ang tingin naming dalawa. Habang pinupuna ang malaking pagbabago sa kanyang
pisikal na anyo ay lalong naninikip ang dibdib ko.

His sharp jawline and chiseled cheekbones were now well-defined by his military
cut. I also noticed that his complexion is a bit darker than it was before, which
actually accentuated his manly look. Nakasuot siya ng isang black gray satin long
sleeve pullover shirt na nakatuck-in sa kanyang warm beige casual pants at nakatupi
hanggang siko. Nang ibalik ko ang tingin sa mapupungay niyang mga mata ay para
akong nalunod.
"Ms. Carvajal?" Lumipat agad ang tingin ko sa head ng scholarship services nang
tawagin niya ang pangalan ko.

I cleared my throat and forced a smile. "Good morning po, Mrs. Francisco. Magpapasa
lang po ako ng application form ko for Dean's list," sabi ko matapos umupo sa
upuang nasa harapan ng lamesa niya.

Hindi ko maiwasang sumulyap muli kay Caleb. The intensity of his gaze made me
shiver a bit. His expressive, deep-set eyes was full of emotions that probably
reflects mine. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang maramdaman ang biglaang
paghuhuramentado ng puso ko.

Habang pinapasadahan ng tingin ni Mrs. Francisco ang form na ipinasa ko ay panay


ang sulyap niya kay Caleb. Napatuwid tuloy ako nang pagkakaupo at iniwasan na lang
ang pagsulyap sa gawi niya. Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng ballpen sa aking
daliri.

"Magkakilala ba kayo nitong inaanak ko, Gella?" Natigilan ako dahil sa tanong ni
Mrs. Francisco. Inaanak niya si Caleb? Kaya ba siya nandito?

Hindi agad ako nakabawi dahil doon. Sinulyapan ko si Caleb na kalmadong nakasandal
sa kanyang inuupuang swivel chair sa tabi ni Mrs. Francisco. Nakatitig siya sa akin
na para bang wala siyang pakielam kung nagdududa na sa kanya ang kanyang ninang.
Pinaglalaruan niya ang ibabang labi gamit ang kanyang hintuturo at mayroong multo
ng ngiti.

Tumikhim ako at ibinalik muli ang tingin sa kausap. "I think he's my senior, Ma'am.
I think I've seen him before." Nagkibit ako ng balikat.

Nakita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Caleb dahil sa sinabi


ko. I smirked at him. Humalakhak naman si Mrs. Francisco habang tumatango sa sinabi
ko.

"Yes, he's an alumni here. Bakasyon niya kasi sa military academy kaya naisipan
niyang bumisita rito," magiliw na sabi niya.

My eyes immediately drifted at him. Itinikom ko ang nakaawang na bibig upang itago
ang gulat sa aking mukha. Wala na sa akin ang kanyang tingin ngayon at inaabala ang
sarili sa pinaglalaruang susi ng sasakyan.

"Okay na 'to, Gella. Ako na ang bahalang magpasa sa dean niyo. Ipapatawag na lang
ulit kita dito kapag na-aapprove na," sabi ni Mrs. Francisco.

Marahan akong tumango. "Salamat po, Ma'am... aalis na po ako," sabi ko.

Tumayo na agad ako at hindi na nilingon pang muli si Caleb. Habang naglalakad ako
papalabas ng opisina ay nararamdaman kong may nakasunod sa akin. Pagkalabas ko ng
opisina ay lumanghap agad ako ng hangin. I didn't even notice that I was having a
trouble breathing earlier.

Napatigil ako sa paglalakad at napaharap nang may biglang humila sa pala-pulsuhan


ko. "Gella, let's talk..." seryosong sabi ni Caleb.

The gentleness of his gaze made my insides calm down a little bit. Ngumiti ako sa
kanya. "How have you been, Caleb?" tanong ko sa kanya.

Pinanood ko ang unti-unting pagluwag at pagkalas ng kanyang hawak sa aking pala-


pulsuhan. Ibinalik ko ang tingin sa kanyang mga mata at nakita ang naninimbang
niyang tingin sa akin.

"I'm good... how about you?" mahinahong sagot niya. Sinsero akong napangiti sa
sagot niya. Nakita ko ang saglit na pagbaba ng kanyang tingin sa aking labi. He
cleared his throat and immediately looked away.

I chuckled a bit. "I'm fine, too. So... how's the military life?"

He looked shocked because of my side question. Binasa niya ang ibabang labi bago
sumagot. "It was unexpectedly tough... but it's fun. We're not allowed to go
outside the campus without a special reason and we have to follow a strict
schedule, too," kalmadong sagot niya.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig dahil sa nararamdamang pait sa lalamunan.

"I'm only allowed to go outside the campus for a few weeks vacation every year
so..." he trailed off. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nakitaan ng lungkot ang
kanyang mga mata. "I'll be gone next month and you won't see me for another year."

Nangilid ang mga luha ko habang nakikinig sa paliwanag niya. Naramdaman kong parang
may nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. I tried my best to
prevent my tears from falling.

"How are you?" napapaos na tanong niya sa akin nang mapansin ang mahabang
pananahimik ko.

I parted my lips to speak but I couldn't say anything. Napayuko ako upang itago ang
nagbabadyang mga luha. My eyes welled up more and my vision became blurry. Tears
immediately ran down my cheeks. Kinagat ko ang ibabang labi at tinutop ang bibig ko
upang pigilan ang paghikbi.

"Hey... why are you crying?" Marahan niyang inangat ang baba ko at sinubukang
hulihin ang tingin ko. "May nasabi ba akong mali? I'm sorry..."

"Caleb, I'm sorry," I croaked. "I-I'm really, really sorry..."


Marahan niya akong hinigit papalapit sa kanya bago binalot ng kanyang mga bisig.
Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at hinayaan ang sariling ilabas ang
bigat na nararamdaman.

Sometimes, you don't realize the weight of something you've been carrying for so
long until you feel the weight of its release.

"I'm sorry for being mean and I'm sorry for pushing you away," I sobbed.

"Shh... it's okay. You don't have to apologize, Gella."

"I... I was scared. Natakot akong baka sa oras na hayaan kitang mapalapit sa akin
ay iwan mo ulit ako. Natakot akong baka kapag hinayaan kitang mapalapit sa akin ay
mahulog ako. Natakot akong baka kapag hinawakan kita ay bitiwan mo ako. Natatakot
din akong buksan ang sarili ko para sa ibang tao because I'm afraid they'll end up
seeing me the way I see myself."

He remained silent the whole time I was crying. Marahan niya lang hinahaplos ang
aking buhok habang umiiyak ako sa ibabaw ng dibdib niya. He did not complain about
it, though. He just let me pour out the weight I've been carrying for so long.

Nang bahagya akong kumalma ay kumalas na ako sa yakap niya. I couldn't look at him
straight in the eyes because I feel so embarrassed. Sigurado kasi akong namumugto
na ang mga mata ko kaya natatakot akong tumingin sa kanya.

"And I also want to thank you... for saving my life," sabi ko gamit ang maliit na
boses.

Nanatili pa rin siyang tahimik. Nakaramdam ako ng kaunting pait sa aking lalamunan.
What if he doesn't really want to know my side? What if it was all just in my head?
Baka ako lang pala itong emosyonal dahil ako itong nagkamali at nanakit sa kanya.
Baka ako lang pala itong nag-iisip na big deal ito sa kanya kahit hindi naman
talaga.

Huminga muna ako nang malalim bago matapang na inangat ang tingin sa kanyang mga
mata. Nanatili lang nakatikom ang kanyang bibig habang pinapanood ako.

"I'm sorry for talking too much. Naiintindihan ko naman kung hindi mo na ako gusto
matapos ang lahat. I just really want to apologize to you so that I won't have any
regrets anymore." Ngumiti ako sa kanya sa huling pagkakataon bago umambang aalis.

Napatigil ako nang maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko. Marahan niya akong
hinigit papalapit sa kanya kaya napasandal ulit ako sa kanyang dibdib. Inangat ko
ang tingin sa kanyang mukha at nakita ang kanyang madilim na tingin sa akin.
"Do I look like I've moved on?" napapaos na tanong niya.

Napaawang ang bibig ko at naramdaman muli ang panunuyo ng aking lalamunan. Gusto
kong sumagot sa tanong niya ngunit naubusan yata ako ng sasabihin.

"I missed you, Georgianna..." he said huskily. Nabitin sa ere ang aking paghinga
dahil sa sinabi niya.

"I was damn worried about you when I left you at the hospital and entered the
military academy. Hindi ko gustong umalis at iwan ka sa ganoong kalagayan pero ayaw
ko namang masayang ang pinaghirapan ko upang makapasok doon sa military. Naisip
kong kung hindi ko iyon ipagpapatuloy... ano na lang ang future na maipapangako at
maibibigay ko sa iyo, 'di ba? I wanted to be better for you, Gella."

Nangilid muli ang mga luha ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Dahan-dahan
siyang kumalas sa yakap upang hawakan ang pisngi ko gamit ang kanyang mga kamay.
Pinalis niya ang mga takas kong luha gamit ang kanyang hinlalaki. The sincerity and
gentleness of his gaze pierced through my heart.

"God knows how I tried to forget you, Georgianna. Sinubukan ko na noon dahil
pakiramdam ko ay wala talaga akong pag-asa sa iyo. You're way too out of my league,
and you look so fragile that I'm afraid that you'd break everytime I'd touch you."
He licked his bottom lip before continuing. "But I can't... I already did my best
but I couldn't forget you. That's why I came back."

Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan ang namumula niyang mata. Napapikit
ako nang marahan niyang ipatong ang kanyang noo sa akin. I can feel his warm breath
against my face.

"Naalala mo noong nawala ako for almost half a year? I was in a training camp for
almost four months. Pumasok ako roon upang maghanda para sa physical assessment
namin at para na rin... subukan kang kalimutan, ngunit nabigo lang ako. After the
camp, I entered the military for the candidate fitness assessment we were required
to undergo to become an official cadet."

I slowly nodded and swallowed hard. Inangat niya ang kanyang ulo at dahan-dahang
binitiwan ang aking pisngi. I saw his eyes twinkled while looking at me.

"I passed the assessment and became officially qualified for the military. For a
moment, I got scared. Natakot ako sa katotohanang hindi na tayo palaging magkikita
and that's when I realized I couldn't forget you. Bumalik ako dito upang hanapin ka
ngunit sinabi sa akin ng kaibigan mo na mayroon daw kayong meeting tungkol sa
gaganaping community outreach program."

Nalilito ko siyang tiningnan. Sinong kaibigan? Sino sa mga kaibigan ko? Bakit wala
naman yata silang sinabi o nabanggit sa akin tungkol sa pagpunta dito ni Caleb?

Bahagyang umangat ang isang gilid ng kanyang labi. "Itinanong ko rin sa professor
ko noon sa ROTC ang tungkol doon sa activity niyo at nagprisinta akong sumama roon
para makita ka."

Sinimangutan ko siya kaya agad siyang napahalakhak. "Sabi ko na nga ba, eh!"

Unti-unting napawi ang kanyang ngiti na tila ba may naalala siyang masamang alaala.
"When you asked me to stop liking you, pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko.
Because I already tried to do that but I just failed miserably. Pero noong nakita
kitang walang malay sa ICU, para akong binawian ng buhay. That's when I realized
something... Handa akong lumayo sa'yo, makita ka lang matagumpay at nasa mabuting
kalagayan."

My lips parted when he stepped closer to me. Ang maliit naming distansya sa isa't
isa kanina ay mas lumiit pa.

"Mahal kita, Georgianna Isabella..." he said huskily.

He gently wiped away the tears that suddenly escaped from my eyes. Hinagkan niya
ang nakapikit kong mata na siyang nagpadala ng libo-libong boltahe mula sa aking
batok pababa sa aking tuhod. Nang imulat ko ang aking mga mata ay halos maduling
ako sa lapit naming dalawa. He gently kissed the tip of my nose which made my heart
flutter even more.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin niya sa    nakaawang kong labi. He slowly
parted his lips and licked his lower lip. My heart jumped in anticipation which
also made my eyes slowly shut on its own. I can feel his warm breath against my
lips until I felt him move and gently kiss my forehead before slowly pulling away.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay ngumiti siya nang matamis sa akin. "Please
allow me to court you, Ms. Carvajal. Hayaan mo akong iparamdam sa'yo ang pagmamahal
ko at patunayan na karapat-dapat ako para sa iyo..."

        Kapitulo XVIII - Flowers [My Sweet Surrender]

            The next days felt so unreal. Sinulit nga ni Caleb ang mga natitirang
araw ng kanyang bakasyon. Hinihintay niya ako every dismissal at sinasamahan niya
akong magreview sa café kung saan ako nagt-trabaho dati. Simula kasi noong
nagkasakit ako ay hindi na talaga ako pinabalik ni Mommy sa part-time job ko kaya
naman dumadayo na lang ako dito after class upang dito mag-aral. Minsan ay
sinasamahan ako nila Ivory dito pero madalas ay ako lang talagang mag-isa.

"Sasamahan ka ba ulit ni poging sundalo mag-aral sa cafe?" kuryosong tanong sa akin


ni Tati.

I slowly nodded. "Yeah... he texted me earlier."

"Kailan daw ang alis ng baby boy mo?" tanong naman ni Rafael.
I sighed. "Probably next week or the other week..." matamang sinabi ko.

Pabiro akong kinurot ni Ivory sa tagiliran. "Wow, hindi man lang itinanggi! Malandi
ka talaga, Gella! Sana all anak ng Diyos!" pang-aasar niya.

"Hindi naman kasi talaga..." I denied. Napahalakhak na lang ako dahil sa pang-aasar
niya.

Naghiwa-hiwalay lang kami nang makarating na kami sa may parking lot. Makahulugan
akong tiningnan ng mga kaibigan ko nang makita kung sino ang naghihintay sa akin sa
may parking lot. Lumiwanag agad ang mukha ni Caleb nang lapitan ko siya.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang isang maliit na bouquet ng red roses nang
iabot niya iyon sa akin. "Flowers for you, Ms. Georgianna," he said.

Naramdaman ko ang bahagyang pag-iinit ng pisngi ko. I pouted my lips to hide my


smile before accepting it. "Thank you..." I mumbled.

"Dala mo ba ang sasakyan mo?" nakapamulsang tanong niya.

I pursed my lips and slowly nodded. Huwag ko na kayang dalhin iyon sa susunod? Pero
paano naman ako papasok kung ganoon? Magco-commute na lang ako? Makisabay na lang
kaya ako kay Skylen tutal nakuha naman na niya ang driver's license niya? Ugh,
whatever.

"Okay, then... I'll follow your lead, mademoiselle," mapaglarong aniya bago
nagbigay-daan sa akin.

Humalakhak ako at napailing na lang sa tawag niya sa akin. Nauna na ako sa pagpasok
sa parking lot at dumiretso na patungo sa sasakyan ko. Habang nagda-drive palabas
ng university ay sinusulyapan ko siya sa may side mirror. I bit my lower lip to
hide my smile.

Nang mai-park ko nang maayos ang sasakyan ko sa parking area ng café ay hindi muna
agad ako bumaba ng sasakyan. Pinanood ko muna ang pagpapark niya bago ako tuluyang
lumabas mula sa sasakyan. Pagkalabas niya ay nagtama agad ang tingin naming dalawa
kaya hindi ko na napigilan ang pag-ngiti. Sumunod siya agad sa akin pagpasok sa
café.

"Hi, Gella!" bati sa akin ni Aryana, ka-trabaho ko rito dati.

Kumaway ako sa kanya habang nakangiti. Sumulyap siya sa lalaking kasunod kong
pumasok bago nagdududa akong tiningnan. Napailing na lang ako at bahagyang natawa
sa reaksyon niya. Dumiretso na ako sa usual spot ko dito at inilapag sa lamesa ang
mga bitbit kong libro. Umupo na rin sa may tapat ko si Caleb at pinanood akong
maglabas ng mga gagamitin ko sa pag-aaral.
"What do you want to order?" aniya bago inilabas ang kanyang wallet.

Namilog agad ang mata ko at naunang tumayo. "Ako naman ang magbabayad ngayon!
Palagi mo na lang akong nililibre," pigil ko sa kanya.

His lips parted a bit and amusement glowed in his eyes. Pinagtaasan niya ako ng
isang kilay. "I'm courting you, Gella..." he reminded me.

Sinimangutan ko siya. "Bakit? Bawal na bang manlibre ang nililigawan?"


pakikipagtalo ko.

Tuluyang umangat ang isang gilid ng kanyang labi dahil sa sinabi ko. He softly
chuckled. "Fine..." pagsuko niya. "Ayos lang, basta ako lang ang manliligaw na
ililibre mo."

I rolled my eyes. "What do you like?" pag-iiba ko sa usapan.

"Ikaw..." he said coolly.

I scowled at him. "Okay. So ano pang ibang gusto mo bukod sa 'ako'?"

He softly chuckled. "Hot coffee is fine," natatawang sagot niya.

I looked at him with disbelief. "That's all? Wala ka na bang ibang gusto?"

He cocked his head a bit and playfully looked at me. "Ikaw nga..." matamang sabi
niya.

I rolled my eyes. "Crush na crush mo talaga ako, 'no?" sarkastikong sabi ko.

He smiled sweetly. "Sobra..."

Nang maramdaman ang biglaang pag-iinit ng pisngi ko ay tinalikuran ko na agad siya


at pumunta na sa counter upang um-order.

"Boyfriend mo na?" usisa sa akin ni Aryana matapos kong sabihin ang order ko sa
kanya.

Humalakhak ako. "Hindi pa nga sabi..." tanggi ko.

She narrowed her eyes and looked at me suspiciously. "Blooming ka yata, ah? Kailan
ka pa naging masiyahin? Dati lang ay halos isuka mo siya sa akin, ah! Grabe 'yong
improvement, sis!" eksaheradang puna niya.

I chuckled and ignored her assumption. "Padagdag din pala ng dalawang glazed
donuts..." pag-iiba ko sa usapan.

Sinimangutan niya ako dahil sa pagtakas ko sa topic naming dalawa. Napailing na


lang ako sa pang-uusisa niya at binayaran na ang bill. Bumalik na ako sa lamesa at
naabutan si Caleb na nagbubuklat ng notes ko sa Immunohematology. Sinulyapan niya
lang ako nang makitang nakabalik na ako bago nagpatuloy na ulit sa pagbubuklat ng
notebook ko.

"Wala kang mahahanap d'yan. Hindi ako nagsusulat ng pangalan ng mga crush ko sa
likod ng notebook 'pag bored ako," natatawang sabi ko.

He ignored my comment. "No offense, pero akala ko talaga kapag medical student ay
hindi maganda ang sulat," namamanghang aniya. "Your handwriting is beautiful,
though."

Humalakhak ako. "Hindi naman talaga maganda ang sulat ko. Nagkataon lang na maganda
'yong ballpen na ginamit ko d'yan."

His brow shot up. "You mean... naka-depende sa ginamit mong ballpen ang ganda ng
sulat mo?"

Nagkibit-balikat ako. "Naka-depende rin kung gaano kabilis maglipat ng slide 'yong
prof ko."

He just shrugged and continued scanning my notebooks. Kinuha ko ang isang notebook
na kakatapos niya lang buklatin. Binuklat ko na rin ang libro ko sa
Immunohematology at nagsimula nang mag-highlight.

Maya maya ay dumating na rin ang order kong milktea at glazed donuts pati na rin
ang hot coffee ni Caleb. Hindi ako inasar ni Aryana habang nags-serve ng order
namin ngunit hindi nakatakas sa akin ang makahulugan niyang mga sulyap sa akin kaya
natawa ako.

Nang sulyapan ko ang nananahimik na si Caleb ay unti-unting napawi ang ngiti ko


nang mapansin ang paninitig niya sa akin. His eyes were sparkling and his lips were
slightly parted.

Kumunot ang noo ko. "What?"

He swallowed hard. "I love how your eyes sparkle when you laugh and smile..."

Marahas akong napahugot ng hininga. Ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko sa


dibdib. Tumikhim ako upang itago ang kabang nararamdaman. "Gandang-ganda ka na
naman sa 'kin," natatawang biro ko sa kanya.

The corners of his mouth slightly rose. "Sobra..." napapaos na sabi niya.

Napainom tuloy ako sa aking milktea nang maramdaman ang pag-iinit ng buong mukha
ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa mga dumadaang sasakyan
sa labas. Narinig ko ang mahinang paghalakhak niya kaya sinimangutan ko siya.

"RBC, male... Reference Intervals: 4.20 to 6.00. RBC, female..." Napatigil ako sa
pagkakabisado nang biglang may maisip. "May dala ka bang earphones? O kahit
airpods? I forgot mine at home."

May kinuha siya sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang dala niyang airpods. "Am I
distracting you?" Bakas ang pag-aalala sa tanong niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ikinonekta    na lang iyon sa aking cellphone.
I slowly leaned closer to him and put the airpods on his ears. Bakas ang kanyang
pagkagulat dahil sa ginawa ko kaya bahagya akong napangiti.

Pumili ako ng random na kanta sa isang kilalang music app bago inilahad sa kanya
ang cellphone ko. "You can choose any song you want... Maingay kasi akong magreview
kaya makinig ka na lang muna sa music. Baka marindi ka sa akin," suhestiyon ko.

Hindi siya nagsalita at nananatili pa ring nakapanood sa akin. Ibinalik ko ang


tingin sa reviewer ko at nagsimula na muling magkabisado. Buong oras ay naging
ganoon ang eksena naming dalawa at masaya naman ako dahil natapos ko ang lahat ng
kailangang aralin para sa mga quiz namin bukas.

Habang naglalakad pabalik sa sasakyan ay nakangiti kong inamoy ang mga bulaklak na
ibinigay sa akin ni Caleb kanina. "Thank you ulit sa pagsama mo sa akin sa
pagrereview..." I trailed off and glanced at him. "And for the flowers, too. I
liked it."

Ngumiti rin siya pabalik sa akin bago marahang ipinatong ang kanyang kamay sa
ibabaw ng ulo ko. "Anything for milady..."

Sa mga sumunod na araw ay naging ganoon ulit ang eksena namin. He would wait for me
until I finish my classes and accompany me when reviewing at the café. Minsan ay
tinutulungan niya rin akong magmemorize by asking me questions like a quizbee. He
also spoiled me by giving me different kinds of flowers every day for the whole
week.

"Punong-puno na ng bulaklak ang condo ko. Baka dapuan na ako ng paru-paro nito,"
nakangusong sabi ko sa kanya. Umirap ako ngunit hindi na rin napigilan ang
pagngiti.
Tinitigan ko ang panibago niyang bigay na bouquet ng sunflowers ngayon. I bit my
lower lip while smiling. Sunflowers are really beautiful. It's my favorite flower
because it reminds me of sunrise. For me, sunrise symbolizes new beginnings and
brighter days.

"What do you want to order?" tanong niya sa akin nang makaupo kami sa usual spot
namin sa café.

"Halos buong linggo na akong nagmi-milktea. Natikman ko na yata ang lahat ng


flavors dito." Humalumbaba ako at saglit na nag-isip. "Iced coffee is fine, then."

He chuckled. "Ako naman ang magmi-milktea ngayon," aniya.

Humalakhak ako dahil sa sinabi niya at nakahalumbaba siyang pinanood maglakad


patungo sa counter upang um-order. Tinitigan ko ang bouquet na ibinigay niya sa
akin. I really liked all the flowers he gave me before but I think this one's my
favorite.

"Game, magtatanong na ako," aniya pagkabalik niya pa lang sa aming lamesa.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Hinahamon mo ba ako, Lt. Avanzado?"

Humalukipkip siya at mayabang na tumingin sa akin. "Depende sa'yo kung ayaw mong
matalo sa akin, Dra. Carvajal. Mas hihirapan ko na ang mga tanong ngayon. Yung
tipong hindi mo masasagot," kalmadong aniya.

I laughed. "Ayoko nang madali, ah? Baka ma-perfect ko na naman 'yan katulad
kahapon," pagyayabang ko.

His lips protruded and immediately grabbed the reviewer on my hand. Binuklat niya
iyon at nagsimula nang maghanap ng itatanong para sa akin. I crossed my arms and
calmly sat in front of him as I wait for his questions. Sinulyapan niya ako at
napailing na lang dahil sa kayabangan ko. I chuckled softly at his annoyed look.

"On a well-stained blood smear of a normal patient, how many platelets should be
there in each oil immersion field?" seryosong tanong niya sa akin.

Kalmado kong nilabanan ang tingin niya sa akin. "Around 8 to 20."

Napataas ang kanyang kilay sa sagot ko bago naghanap ng panibagong tanong. "What is
the additive in the blue top evacuated tube used in blood collection?"

"Citrate," mabilis na sagot ko.

He pursed his lips and nodded. "Yabang..."


"Ako lang 'to, ano ka ba? Hindi ka pa nasanay," I mocked him.

"Hmm... how about this? Von Willebrand disease and Bernard Soulier syndrome are
both qualitative platelet disorders that have abnormalities of what?" sunod na
tanong niya.

Tumaas ang isang gilid ng labi ko. "Aggregation," confident na sagot ko.

Nagulat ako nang bigla niyang ibagsak sa lamesa ang hawak niyang reviewer at
mayabang akong tiningnan. "Sa wakas, nagkamali ka rin!" he announced it like he
just tasted victory for the first time.

Halos mapatayo ako sa aking kinauupuan. "What?! Tama naman ako, ah? Kakabasa ko
lang ng tanong na 'yan kanina!" I argued.

He playfully smirked at me. Ibinigay niya sa akin ang reviewer at itinuro kung saan
nakasulat ang tamang sagot sa tanong niya. "Sorry, baby. You got it wrong this
time," aniya bago mayabang na ngumisi sa akin. "The correct answer is Adhesion."

Bumuntong-hininga ako at nagkibit-balikat na lang. "Whatever..." I drawled lazily.

Nang sumapit ang alas otso ng gabi ay nagligpit na ako ng gamit. Nagpaalam muna ako
kay Aryana bago umalis ng café. Tahimik lang na nakasunod sa akin si Caleb palabas.
Nang makalapit na ako sa aking sasakyan ay hinarap ko siya. I saw a hint of sadness
in his eyes which made me frown.

"What's bothering you?" I asked.

Pinasadahan niya ng daliri ang maikli niyang buhok at bahagyang tumingala. Napansin
ko ang sunud-sunod na paggalaw ng kanyang Adam's apple at ang bahagyang pag-igting
ng kanyang panga.

"Today is the last day of my vacation..." halos pabulong na sabi niya.

Napaawang ang bibig ko nang maramdaman ang pagkalat ng pait mula sa aking sikmura
paakyat sa aking lalamunan. Napasandal ako sa pintuan ng aking sasakyan at bumagsak
ang tingin sa sahig.

"So... you're going back to the military tomorrow?" napapaos na tanong ko.

He stepped closer to me and gently held my chin up. Sinubukan niyang hulihin ang
tingin ko.
Binasa niya muna ang ibabang labi niya bago magsalita. "When I come back next year,
we'll do this again," he said, probably referring to our study sessions together.
"And I'd give you a bunch of flowers again to fill your home."

Hinigpitan ko ang yakap sa hawak na bouquet ng sunflowers. A smile slowly crept on


my lips while looking at him. "I'll wait for you, then..." mahinahong sabi ko.

Malungkot siyang ngumiti sa akin. Inilagay niya sa gilid ng aking tainga ang takas
na buhok sa aking mukha. His eyes gleamed with a mixture of joy and sadness. "I'm
gonna miss you so bad, Georgianna. Puwede bang magfast forward na agad?"

I chuckled. "Puwede rin... para maaga akong maging RMT, MD," I jokingly said to
lighten up the mood.

He sweetly smiled at me and gently pat my head. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng
aking sasakyan at pinanood akong pumasok doon. Binuksan ko ang bintana ng driver's
seat at nagpaalam sa kanya. Habang isinisara ang bintana ay bumibigat ang puso ko.

"I'll see you soon..." he mumbled as soon as I closed the window on my side.

Sinulyapan ko siyang muli sa side mirror ng aking sasakyan habang nagdadrive pauwi
sa bahay namin. Katulad noong huling beses niya akong hinatid dito, hinintay niya
muna akong makapasok sa loob ng subdivision bago pumihit pabalik at tumulak na
pauwi.

Napabuntong-hininga na lang ako habang pinapanood siyang umalis at pinalis ang mga
luhang kumawala mula sa aking mata. I didn't even notice that my eyes were welling
with tears while driving.

        Kapitulo XIX - Favorite [My Sweet Surrender]

            Naging busy ako dahil sa internship namin kaya hindi ko na rin


namalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. When he went out from the military
academy, he immediately sent me a text message. Dahil sa sobrang busy ko sa trabaho
ay late ko na ito nabasa at nareplyan ko na lang ito nang matapos na ang shift ko
para sa araw na iyon.

Ako:

Sorry, kakabasa ko lang ng message mo. Busy kasi ako kanina. Clinical internship :)

Nagulat ako nang wala pang isang minuto ay mayroon na agad siyang reply sa akin.
Binuksan ko ito at agad na binasa.

From: Caleb Avanzado


Where do you work? Pupuntahan kita d'yan.

I bit my lower lip as I typed my reply. Ibinigay ko agad sa kanya ang pangalan ng
ospital at pansamantala munang naupo sa may lobby. Sinulyapan ko ang cellphone ko
nang makitang wala pa rin siyang reply sa text ko pagkalipas ng halos sampung
minuto.

"Oh, Gella! Hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Kiara, isa ring intern mula sa
ibang school na kasabay ko ng shift ngayong araw.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Pauwi na rin... may hinihintay lang ako," sagot ko.

Naningkit ang kanyang mata. "Boyfriend mo?" usisa niya.

I chuckled at her assumption. Bago pa ako makasagot sa kanya ay namataan ko nang


papasok sa lobby ng ospital si Caleb. Dahan-dahan akong napatayo mula sa kinauupuan
habang pinagmamasdan siyang naglalakad papalapit sa akin. My heart pounded in both
excitement and anticipation. Nang huminto siya sa harapan ko ay nabitin ang
paghinga ko.

Bumaba ang tingin ko sa inilahad niya sa aking palumpon ng rosas. Tinanggap ko ito
at namamanghang pinagmasdan. Ibinalik ko sa mapupungay niyang mga mata ang aking
tingin bago ngumiti. His eyes sparkled with both longing and admiration.

"Hi..." napapaos na bati niya sa akin.

Lumawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang maliit na pagbabago sa kanyang mukha.
"You came back..."

"Of course." Marahan niyang pinisil ang pisngi ko. "Kumain ka na ba?"

I shook my head as a response. "How about you?"

"Not yet. Where do you wanna eat?" nakapamulsang tanong niya.

Saglit akong nag-isip. "Do you want to go to the    same café o gusto mo dito na
lang tayo sa malapit?" tanong ko sa kanya nang maalalang hindi ko nga pala dala ang
sasakyan ko. Walking distance lang naman kasi ang condo ko dito sa ospital na na-
assign sa akin.

He cocked his head a bit and slightly raised a brow. "You didn't bring your car?"
he presumed.

I rolled my eyes and chuckled. "Malapit lang po kasi ang condo ko dito,
Lieutenant."
Nagkibit-balikat siya. "Gusto ko doon sa café. Would you go with me?" he playfully
asked.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Gusto mo lang ulit akong mapasakay sa kotse
mo, eh."

He chuckled at my remark. Pinauna niya muna ako sa paglalakad papasok sa elevator


at sabay na kaming tumulak patungo sa basement. Nang makarating sa parking space
niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Akala ko ay isasara niya
na agad ang pinto ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin habang nakatayo sa
pagitan ng pintuan.

"Ano na naman?" natatawang sabi ko.

Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Nagtagal sa aking mukha ang
kanyang tingin bago nag-iwas ng tingin at bahagyang yumuko. Ibinagsak niya ang
tingin sa sahig. He swiftly combed his hair and licked his bottom lip. Nang ibalik
niya sa akin ang kanyang tingin ay namungay lalo ang kanyang mga mata.

"You look so beautiful in white," he complimented.

Napaawang nang kaunti ang bibig ko dahil sa sinabi niya. A warm smile slowly crept
into my lips. He swallowed hard before slowly taking a step back. Isinarado niya na
ang pinto sa tabi ko at pumihit na patungo sa driver's seat. Ikinabit ko na rin ang
aking seatbelt habang pinapanood siyang makapasok sa sasakyan.

Katulad nga ng ipinangako niya sa akin noon, naging ganoon ulit ang eksena naming
dalawa. He would always fetch me at the hospital after my shift and we would go
together at the café. Hindi nga lang katulad noon na kailangan kong magreview araw-
araw dahil wala na akong core subjects. Buong school year na kasi kaming nasa
ospital para sa internship. Pumapasok lang kami sa school every weekends para sa
ilang subjects katulad ng Seminar 1 and 2 at saka Medical Laboratory Assessment
which is basically just like our preparation and review for the board exams.

Simula noong nagbakasyon si Caleb ay naging routine ko na ang pagrereview tuwing


magkasama kami sa café after my shift kaya naging madali para sa akin ang mga
seminars ko every weekends kahit pa hectic ang schedule ko sa clinical internship.

"Ano na ang gagawin niyo sa military next school year? Third year ka na pasukan,
'di ba?" kuryosong tanong ko sa kanya habang hinihiwa ang roasted chicken sa aking
plato.

Sumimsim muna siya ng tubig bago sumagot. "Kukuha na kami ng subjects para sa
service core na gusto naming mag-specialize. Either for Army, Navy, or Airforce,"
sagot niya.
Namilog ang bibig ko habang namamanghang nakikinig sa sagot niya. Para rin pala
itong pre-med at med school! Magkaiba lang talaga ng ginagawa pero mayro'n ding
specialization. At saka last year ay puro core subjects lang din ang kinuha namin
bukod sa values education. Sa loob ng dalawang semester, inaral namin ang karamihan
sa subjects na aaralin for board exams.

Napasimsim ako sa aking tubig. "So... what specialization would you like to
choose?" usisa ko sa kanya.

Humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng isang kilay. "Curious ka na sa akin ngayon?


Crush mo na ako, 'no?" he playfully asked.

Nag-init agad ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Sinimangutan ko siya. "Ang kapal
mo naman!"

He laughed heartily at my comment. "I'd choose the army," sagot niya sa naunang
tanong ko.

Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi Navy o kaya Air force?"

Saglit siyang napaisip. "Siguro kasi nag-aral na ako ng Criminology kaya mas gusto
kong maglingkod sa mga tao."

I just shrugged and continued eating my food. Pagkatapos kong kumain ay nagkuwento
ako sa kanya ng ilang karanasan sa internship at nakinig naman siya sa akin.
Paminsan-minsan ay tumatawa pa siya at nagkukumento.

Nagbahagi rin siya sa akin ng ilang hindi niya makalilimutang karanasan sa loob ng
military academy. I can't help but admire him even more after I found out his
struggles while staying inside their campus.

Doon ko rin napagtanto na parehas pala kami ng pangarap at daang tinatahak sa


kasalukuyan. Pareho lang naming gustong magligtas ng buhay ng mga tao ngunit
magkaiba lang ng paraan. We both share the same goals and that is to protect and
save somebody else's lives.

During the last day of his vacation, I told him about my graduation next, next
month. Napansin ko agad ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha
habang nagda-drive upang ihatid ako pauwi sa aking condo. Sinulyapan niya ako at
bahagyang nagtagal ang tingin niya sa akin. I smiled weakly at him. I don't want
this day to end but I know I cannot stop the time.

Malungkot siyang ngumiti sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Hindi ako
makakapunta sa graduation mo..." halos pabulong na sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ito pala ang bumabagabag sa kanya kanina pa? All this
time I thought he was just worried about going back to the military tomorrow.
I sincerely smiled to assure him that it's fine. "Ayos lang iyon, ano ka ba! Don't
worry about it... Magkikita pa naman ulit tayo after a year. Doon mo na lang ibigay
sa akin ang graduation gift mo," biro ko sa kanya upang mapagaan ang aming pag-
uusap.

He pursed his lips and swallowed hard. Ipinilig niya muli ang ulo sa harapan at
pinanatili na ang tingin sa kalsada. I took that moment to stare at him secretly.

I never really noticed before that he had thick brows and eyelashes. I watched his
every move from the slight clenching of his jaw to the protruding veins in his arms
and hands while maneuvering the steering wheel. There was something of a warrior in
him combined with gentleness that could definitely make any woman's heart reach
out. I think I could stare at him for eternity and would never get tired of it.

Then in that instant, he turned and caught me staring at him. Agad akong nag-iwas
ng tingin at bahagyang nasamid sa gulat. My face heated so bad that I can almost
feel the tiny beads of sweat on my forehead.

"Babawi na lang ako pagkabalik ko," pagbasag niya sa katahimikan.

Sinulyapan ko siya at nakita ang magkahalong lungkot at pangungulila sa kanyang mga


mata. "I'll wait for you, then..." I heard my voice shook. Naramdaman ko rin ang
pangingilid ng luha sa aking mata kaya bumagsak ang tingin ko sa aking kamay.

Sinundan ko siya ng tingin pagkalabas niya ng sasakyan. Pumihit siya papunta sa


gawi ko upang pagbuksan ako ng pintuan. His eyes twinkled while staring at me. My
heart is pounding in my chest that I can almost clearly hear it in my ears.
Nilabanan ko ang intensidad ng kanyang tingin sa akin. I also tried my best to hold
back my tears.

He slowly leaned closer to me and my eyes automatically shut on its own. Naramdaman
ko ang marahang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo na siyang nagpabitin sa aking
paghinga. Tears immediately streamed down my face when I closed my eyes and I can
feel the tightening of my chest.

"I'm gonna miss you so bad again, Georgianna..." he whispered. Dahan-dahan kong
iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang pagpalis niya sa mga luha ko gamit
ang kanyang hinlalaki.

Ngumiti ako nang malungkot sa kanya bago marahang tumango. Pinanood ko muna ang
pag-alis ng kanyang sasakyan bago ako tuluyang pumasok sa building. Habang
naglalakad ako pabalik sa condo unit ko ay bumibigat ang bawat hakbang ko.

Kung gaano kagaan ang puso ko tuwing kasama ko siya ay siya namang bigat ng puso ko
tuwing pinapanood ko ang pag-alis siya. My heart feels heavier than usual, too.
Maybe because of the fact that I won't see him again for another year.
Simula noong umalis si Caleb ay naging routine ko na ang pag-aaral sa café
pagkatapos ng shift ko sa clinical internship. Somehow, I managed to lessen my
academic loads because of that newly found habit. Kaya naman noong sumapit ang araw
ng graduation, I can say that I graduated with flying colors.

"Carvajal, Georgianna Isabella A., Bachelor of Science in Medical Technology, Summa


Cum Laude."

I confidently marched towards the stage as I received my diploma and awards. Kahit
na ayaw ni Mommy ang kursong kinuha ko, sinamahan niya pa rin ako sa graduation.
Maya't maya pa nga ang puri niya sa akin habang binabasa ang mga academic awards
ko. Aniya'y hindi raw siya makapaniwalang may ganito siya katalinong anak.

"Congratulations, Ate! Let's take a picture together," bati sa akin ng kapatid kong
si Skylen.

Ngumisi ako sa kanya bago ginulo ang kanyang buhok. "Sa susunod ikaw naman, ha?" I
teased him.

"Girl, sama naman kami!" Nilingon ko ang nakangiting si Rafael.

Tumakbo silang dalawa ni Ivory palapit sa amin. Sinalubong ko silang dalawa ng


yakap at binati parehas. Nagpapicture muna kami ng kapatid ko at pati na rin si
Mommy. Habang nagpipicture kaming magkakaibigan ay may nahanap ang mga mata ko sa
gitna ng dagat ng mga tao. Napakurap ako nang ilang beses upang makasiguradong
totoo ba ang nakita ko. My mouth ran dry when I confirmed who it was.

"Gella?" tawag sa akin ni Ivory nang mapansin ang pagkawala ng atensyon ko sa


kanila.

"Caleb..." pabulong na sambit ko sa pangalan ng lalaking nakatingin sa akin habang


naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko.

Nalunod ang mga boses at tili ng mga kaibigan ko habang naglalakad ako papalapit sa
kanya. Huminto lamang ako nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Even though I'm
wearing heels, he still towered over me. Totoo ba talagang nandito siya sa harapan
ko ngayon? Nandito ba talaga siya sa graduation ko? Hindi ba't kakasimula pa lang
ng school year niya? Akala ko ba ay hindi siya makakapunta?

"Congratulations!" nakangiting bati niya sa akin.

My eyes immediately welled up with tears. "B-Bakit... Paanong..." I was so lost for
words that I couldn't even compose a decent question.

He chuckled. "Nagpaalam akong magleave for three days because I don't wanna miss
your special day. Congratulations, Doktora—" Pinutol ko ang sasabihin niya at wala
sa sariling yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin at
ang marahang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko. My heart feels warm and overflowing
with joy.

"Thank you for coming, Caleb..." I croaked.

"Oh, huwag ka nang umiyak!" He chuckled a bit. "I brought your favorite flowers..."

Napabitiw tuloy ako sa yakap upang tingnan ang kanyang dalang malaking bouquet ng
sunflowers. Namamangha ko siyang tiningnan. "Paano mo naman nalamang paborito ko
'yan?" naiintriga kong tanong sa kanya.

He smirked. "Hmm, let me think..." he trailed off. "Pinagbasehan ko lang ang


reaksyon mo noon tuwing dinadalhan kita ng bulaklak araw-araw. I thought you liked
all of them but I noticed how your eyes sparkled even more every time I gave you
sunflowers."

Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. I felt my heart fluttered. "Thank you..."
I muttered before accepting the flowers.

Ngumiti siya sa akin bago marahang tinapik ang ulo ko. "By the way, I have a gift
for you..." pag-iiba niya sa usapan.

Lumipat sa kanya ang tingin ko. "Hindi ba itong malaking bouquet na ang regalo mo?"
naguguluhang tanong ko.

He chuckled. "That's not my graduation gift. I have something better in mind. Would
you come with me tomorrow?"

I looked at him suspiciously. "Saan mo naman ako dadalhin? Papakasalan mo na ako?"


biro ko sa kanya.

Napahalakhak siya sa sinabi ko. "Kung papayag ka naman... bakit hindi?"

Napairap agad ako sa sinabi niya. "Saan mo nga ako dadalhin?"

Tumuwid siya nang pagkakatayo at lumihis ang tingin sa akin. Napalingon tuloy ako
sa tinitingnan niya. Napasinghap ako sa gulat nang makita si Mommy at Skylen na
naglalakad papalapit sa amin at parehong may tanong sa mga mata.

"Sino ka?" panimulang tanong ni Mommy.

"M-Mom..." kinakabahang tawag ko sa kanya.


Hindi ako pinansin ni Mommy at nanatili lang ang kanyang tingin sa lalaking nasa
harapan ko.

"Good evening, Ma'am..." pormal na bati sa kanya ni Caleb. "I'm Caleb Avanzado po."

"I know. I mean..." Sumulyap siya sa dala kong malaking bouquet ng sunflowers.
"Ikaw ba ang palaging nagbibigay ng mga bulaklak sa anak ko?"

He swiftly glanced at me. He cleared his throat before answering the question.
"Opo, Ma'am..."

Humalukipkip si Mommy at nagdududa akong tiningnan. Napatuwid tuloy ako nang


pagkakatayo. "Kayo na ba nitong anak ko?" seryosong tanong niya kay Caleb.

Napasinghap agad ako dahil sa tanong niya. Nag-aalala kong tiningnan si Caleb na
mukhang hindi man lang yata kinakabahan sa panggigisa sa kanya ng nanay ko.
"Nililigawan ko pa lang po si Georgianna," mahinahong sagot niya.

Nagtaas siya ng isang kilay. "Ilang taon ka nang nanliligaw?" pahabol na tanong
niya.

"M-Mommy..." tawag ko kay Mommy ngunit hindi niya pa rin ako pinansin.

Ngumiti si Caleb bago sumulyap sa akin. "Technically, I've been courting her for
two years already pero kung ang tatanungin po ay ang oras na magkasama kami...
ilang buwan pa lang po siguro."

Kumbinsidong tumango si Mommy. "I see... You're training to be a part of the


Philippine army, right?" kaswal na tanong niya na siyang ikinagulat ko.

Tumango siya. "Opo, Ma'am. I'm on my third year in the military academy."

Sumulyap sa akin si Caleb kaya bigla akong kinabahan. Tiningnan ko siya gamit ang
mga matang nagtatanong ngunit mukhang desidido na siya sa kung ano mang gustong
sabihin. Napatingin din tuloy sa akin si Mommy kaya nanigas ako sa aking
kinatatayuan.

"Actually, Ma'am... ipagpapaalam ko po sana sa inyo ang anak mo." Nalaglag ang
panga ko dahil sa sinabi niya. Sumulyap siya sa reaksyon ko at nakitaan ko ng multo
ng ngiti ang kanyang labi. "Isasama ko po siya sa hometown ng family namin. Maganda
po sana kung tutulak na po kami ngayong gabi para maabutan namin ang pagsikat ng
araw bukas. Ihahatid ko naman po siya agad sa inyo kinagabihan ng Sabado."

Nilingon ko si Mommy at nakita kong parehas kami ng naging reaksyon. Nang makabawi
ay tumikhim siya at taas-noong tiningnan si Caleb. "Pag-uusapan muna namin ito ni
Georgianna mamaya sa bahay. Mauuna na muna kami, hijo, dahil may family dinner
kaming inihanda para sa kanya sa bahay," kalmadong sagot niya.

Sinserong ngumiti si Caleb sa kanya at marahang tumango. "Thank you, Ma'am. Ingat
po kayo," magalang na aniya bago sumulyap sa akin.  "Text me when you get home..."

"Okay..." napapaos na sagot ko.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya napasulyap ako kay Mommy. Bakas ang
pagdududa sa kanyang malisyosang tingin sa akin. Hinila ko na agad siya papalayo
roon upang maputol na ang aming pag-uusap. Sinulyapan ko na lang muli si Caleb at
tipid na nginitian bago hinila na si Mommy paalis doon.

        Kapitulo XX - Burn [My Sweet Surrender]

            Habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay ay nakapagtatakang tahimik lang


si Mommy. I've already mentally prepared myself for her long reprimands but I
wonder why she remained silent the whole trip.

Nang makapasok kami sa bahay ay nagulat ako nang bigla niya akong hampasin sa
braso. "Bakit hindi mo pa sinasagot ang lalaking iyon, Gella?" pagalit na sabi
niya.

Hindi agad ako nakabawi sa sinabi niya. "H-Huh?"

"Wala ka bang utang na loob? Sinagip niya ang buhay mo noon! Hindi lang din ang
buhay mo ang sinagip niya! Niligtas niya rin ako from another possible interaction
with your father! Ilang taon ka na palang nililigawan tapos hindi mo pa rin
sinasagot? Kailan mo balak sagutin kung ganoon? Kapag puti na ang uwak?" sermon
niya.

Napakurap-kurap ako sa gulat. I shook my head in disbelief. "Mommy, hindi ko siya


sasagutin para sa ganiyang dahilan! I want to date the person I truly love! I want
to date someone I would marry someday!"

She rolled her eyes. "Whatever you say, Georgianna! Basta pagkatapos nating
magdinner ay mag-impake ka na agad ng mga dadalhin mo. Sabihin mo roon sa
manliligaw mo na pinayagan kita! Kahit huwag pa kayong umuwi!" She dramatically
flipped her hair and walked past me.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan itong
nanay ko! Kanina lang ay sinusungit-sungitan niya si Caleb tapos hindi niya ako
pinapansin at kinakausap buong biyahe. Ngayon naman ay pinapagalitan niya ako dahil
hindi ko pa siya sinasagot?

And here I am thinking she would be more strict in terms of me having a


relationship! Bakit parang gusto niya na akong mag-asawa at bumukod ng bahay?
Caleb, being my blood donor when my life was at stake, might have made a great
impact to my mother. I can't believe it!
"Ate Gella..." Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang kulbitin ako ng kapatid
ko.

"B-Bakit?"

He cleared his throat. "Let's have our dinner already so that you can have more
time to prepare and pack your things..." mahinahong sabi niya.

I blinked twice in amusement. He really seemed to be unusually quiet today. Wala


rin akong narinig na komento sa kanya simula kanina. Usually, he would be the first
one to criticize my suitors and vote against them. Kukumbinsihin niya pa talaga
akong bastedin ito agad. Wala ba siyang masabi ngayon dahil mukhang boto si Mommy
kay Caleb? O dahil din ba alam niyang si Caleb ang sumagip sa buhay ko noon?

I just shrugged. "Okay..." simpleng sagot ko bago nagpatiuna na sa paglalakad.

"Huwag ka na lang sumama sa kanya, Ate... Baka kung saan ka pa dalhin no'n,"
komento niya na siyang nagpatigil sa akin sa paglalakad. "We can just celebrate
here, you know. Or maybe we can just set an out-of-town vacation if you want."

Hinarap ko siya at pinagtaasan ng isang kilay. "Akala ko pa naman ay wala kang


komento ngayon. You're just holding back, weren't you?"

Ipinasok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang suot na itim na formal
slacks habang mariing nakatingin sa akin. "I'm sorry to burst your bubble but... I
don't like him for you," diretsong sabi niya.

I scoffed. "Damn! Straightforward as fuck."

"Really, Ate..." seryosong dagdag niya. "Sasaktan ka lang no'n at paiiyakin sa


huli."

I chuckled. "Sinabi mo na 'yan sa lahat ng mga manliligaw ko dati, ah? What makes
it different now?"

"Bakit pakiramdam ko ay kinakampihan mo ngayon ang manliligaw mo, Ate?" He narrowed


his eyes and eyed me suspiciously. "Usually you would just say, 'Yeah, whatever
floats your boat, Skylen.' and then ignore me afterwards."

I was caught off-guard by his bold accusation. I immediately cleared my throat. "I-
I'm not!"

He tsked. "Basta bawal ka pang magboyfriend... Ako lang muna dapat ang lalaki sa
buhay mo, Ate," mariing sabi niya.
Napangisi agad ako dahil sa huling sinabi niya. Lumapit ako sa kanya upang pisilin
ang kanyang pisngi. "Somebody's jealous, huh..." I teased him.

Suplado niya lang akong inirapan bago nauna nang maglakad patungo sa hapagkainan. I
laughed heartily as I followed him. Nagkaroon nga kami ng maliit na salo-salo
kasama ang mga kasambahay bilang celebration para sa aking graduation. After
eating, I quietly excused myself and went to my room to start packing my things.
Tinext ko rin muna si Caleb.

Ako:

Pinayagan ako ni Mommy. What clothes should I pack? At saka anong oras ba tayo
aalis?

Ipinatong ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng aking bedside table. Tinanggal ko


muna ang make-up ko bago tumungo sa bathroom upang maligo. Pagkatapos kong maligo
ay nagsuot muna ako ng silk robe at binalot ng tuwalya ang aking buhok. Chineck ko
ang inbox ko upang basahin ang reply sa akin ni Caleb.

From: Caleb Avanzado

Something warm. Malamig doon kaya mas maganda kung makapal ang mga dadalhin mong
damit. Saan at anong oras ba kita puwedeng sunduin?

Sinend ko sa kanya ang address ng bahay namin at kung anong oras ako posibleng
matapos maghanda at maggayak ng gamit. He told me to take my time because there's
no need to rush.

Bago pa ako makapagtipa ng reply ay nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at
iniluwa noon si Mommy. Agad kong sinalo ang inihagis niyang damit sa akin. "Dalhin
mo 'yan!" masungit na sabi niya.

Nang inangat at tiningnan ko kung ano ito ay awtomatikong nalaglag ang panga ko.
"What the hell, Mom?! Bakit ako magdadala ng lingerie?!" pagalit na sabi ko sa
kanya.

Maarte niya akong tiningnan. "Pwede ba?! Ang tanda mo na, Georgianna! Alam kong
alam mo na kung para saan 'yan!"

Sinamaan ko siya ng tingin bago ibinato pabalik sa kanya ang lingerie. "Mom, can
you please stop it? Hindi na nakakatuwa!"

Humagalpak siya ng tawa bago ibinato iyon pabalik sa akin. "Dalhin mo na lang... in
case of emergency!" she said merrily before storming out of the room.
Iritado kong ibinato palayo sa akin ang inihagis niyang lingerie. Nagulat ako nang
bumukas muli ang pinto at sumungaw roon si Mommy.

"By the way, pakisabi kay Caleb sa susunod ay bumisita rin siya rito. At saka...
puwede niya na rin akong tawaging 'Mommy'." I immediately scowled at her. Nginisian
niya lang ako bago masayang isinara ang pinto.

Nang matapos akong maggayak ng kaunting damit at ilang travel essentials sa aking
backpack ay nagbihis na ako. I wore a powder pink turtleneck top and black high-
waisted jeans paired with pastel pink ankle boots. Binitbit ko na lang muna ang
mahaba kong itim na trench coat dahil hindi pa naman malamig ang panahon dito.
Naglagay din ako ng kaunting cheek tint at tinted lip balm upang hindi ako
magmukhang maputla mamaya.

"Good evening, Ma'am..." pormal na bati ni Caleb kay Mommy bago sumulyap sa akin.
My cheeks immediately flushed when I saw adoration in his eyes.

Pinasadahan ko rin ng tingin ang kanyang suot. He looks like a handsome Korean
actor wearing a beige turtleneck sweater inside his army green long trench coat and
black slacks. I pursed my lips and immediately looked away when I felt the heat
spreading across my face.

"Hindi pa ba nasasabi sa'yo nitong anak ko?" Kunot-noo akong napabaling kay Mommy
nang bigla siyang magsalita.

Sinulyapan ako ni Caleb at nakitaan ko rin ng pagtatanong ang kanyang mata. "Ang
alin po?" tanong niya kay Mommy.

"M-Mom..." kinakabahang tawag ko sa kanya.

Pabiro niyang hinampas sa braso si Caleb. "Pinasabi ko sa kanya na huwag mo na


akong tawaging 'Ma'am'! 'Mommy' or 'Mama' is fine with me—"

"Tita Gabriella is fine, Caleb," I immediately interrupted her. Mabilis ang pintig
ng puso ko dahil sa magkahalong kaba at gulat. Hinarap ko agad si Caleb at
hinawakan sa braso. "Let's go... Mahaba pa ang biyahe natin, 'di ba?"

May multo ng ngiting naglalaro sa kanyang labi kaya pinandilatan ko agad siya ng
mata. Inismiran niya lang ako bago bumaling kay Mommy. "Mauuna na po kami, Tita
Gabriella," magalang na sabi niya bago ngumiti.

Sinimangutan ako ni Mommy ngunit nang bumaling siya kay Caleb ay lumiwanag ang
kanyang mukha. I shook my head in disbelief and embarrassment.

"Okay, hijo! Mag-iingat kayong dalawa, ha? Ikaw na ang bahala dito sa anak ko..."
excited na bilin niya na siyang nagpairap agad sa akin.
Hinila ko na agad si Caleb papaalis doon upang wala nang maidagdag pang kahihiyan
si Mommy. Narinig ko ang mahinang tawa ni Caleb sa likuran ko kaya nilingon ko siya
at kinurot sa tagiliran. Napadaing siya ngunit hindi pa rin nauubos ang kanyang
tawa.

Habang nasa biyahe ay nagkukuwentuhan lang kami tungkol sa mga kaganapan sa buhay
ko noong umalis siya. Ikinuwento ko rin sa kanya ang tungkol sa nakasanayan kong
pagrereview sa café after my shift na siyang nakatulong sa akin upang hindi ako
mahirapan sa mga seminar ko.

Tinanong ko rin sa kanya kanina kung saan niya ako dadalhin. He told me that we'll
be going to Atok, Benguet which is their family's hometown. Sabi niya ay ito raw
ang first time niyang umuwi o pumunta roon simula noong nagkolehiyo siya.

"When's your licensure examination?" kuryosong tanong niya.

Napasandal ako sa kinauupuan dahil sa tanong niya. "I'll be taking it this


September," kalmadong sagot ko taliwas sa kabang bigla kong naramdaman sa aking
sistema.

Napasulyap siya saglit sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "How about your
NMAT?"

I swallowed hard. "T-This October..." napapaos na sagot ko.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang biglang pumatong sa kamay ko. Marahan niya
itong pinisil habang nananatiling nakatingin sa kalsada. "I'm rooting for you,
Doktora," marahang sabi niya. "I won't physically be there for you during your
board examination and review days but... I hope you'll keep in mind that my heart
is with you."

A smile slowly crept into my lips. "Thank you..." I muttered.

Maya maya ay hinila na ako ng antok nang lumalim na ang gabi. Nagising na lang ako
nang makaramdam ng kaunting lamig. Tumingin ako sa labas ng bintana at napansing
puro puno na ang nakikita kong tanawin. Madilim pa rin ang kalangitan ngunit
maliwanag naman ang kalsada dahil sa street lights. Niyakap ko ang nakapatong na
coat sa aking katawan at tiningnan ang oras sa aking suot na relo. Nilingon ko si
Caleb kaya napasulyap din siya sa akin.

"Morning..." he said huskily.

I smiled back. "Morning... Pagod ka na bang magdrive? Do you want me to take over?"
nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya bago ngumiti sa akin. "Don't worry, medyo malapit naman na tayo. Sa
bahay na lang ako matutulog," sabi niya.

I slowly nodded. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga
bituin sa kalangitan. Kinausap ko na lang si Caleb upang hindi siya antukin habang
nagmamaneho. Alas tres na ng madaling araw nang makarating kami sa kanilang
ancestral house sa Benguet. Pagkarating namin doon ay tulog na ang mga tao at ang
sumalubong na lang sa amin ay ang matandang caretaker ng bahay nila na si Aling
Henya.

"Ito na ba ang katipan mo, Caleb?" kuryosong tanong niya habang sumusulyap sa akin
at napapangiti.

Nag-aalinlangan akong ngumiti sa kanya bago sumulyap kay Caleb at humingi ng


saklolo. "Hindi pa po, 'nay... pero malapit na," mayabang na aniya bago kumindat sa
akin kaya napairap ako.

Inihatid nila ako sa isang guestroom at hinayaan na muna akong magpahinga. Nagbihis
ako ng mahabang pantulog dahil malamig ang panahon dito. Kahit nakapatay ang air
conditioner ng silid ay para pa rin akong nasa loob ng isang refrigerator. Ini-
hanger ko muna ang damit na suot kanina upang hindi iyon magusot.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa tilaok ng mga manok. Doon ko lang din
napansin kung gaano kaganda ang detalye ng silid na tinutuluyan nang makita ito sa
liwanag. Nang bumaba ako sa bulwagan ay mas lalo akong namangha dahil sa ganda ng
disenyo ng kanilang bahay.

Their ancestral house was huge and magnificent. It has an eclectic mix of Greek and
Roman styles from tropical Baroque style with classic Art Nouveau elements to
blending Neoclassical with Art Deco design. Halatang inaalagaan pa rin ito nang
mabuti sa mga nagdaang taon.

Hindi ako magaling sa arkitektura, engineering, o interior designing pero


maituturing ko itong isa sa pinakamagandang ancestral house na napuntahan ko.
Mansion pa ba 'to o National Museum? Grabe naman!

"Magandang umaga, hija..." bati sa akin ni Aling Henya nang makababa ako sa
bulwagan.

Ngumiti ako sa kanya. "Magandang umaga rin po," bati ko bago pinasadahan ng tingin
ang paligid. "Si Caleb po?"

Itinuro niya ang kusina. "Nandoon, hija. Nagluluto at naghahanda ng almusal niyo.
Tutulak na ba kayo sa farm?" tanong niya na siyang nagpakunot sa noo ko.

"Farm? Saan pong farm?"


"Gella, kain ka muna dito... Aalis na tayo maya maya." Napatingin ako kay Caleb na
nakasuot ng simpleng itim na sando at gray sweatpants. Mayroon siyang hawak na
sandok at takip ng kaldero sa kamay.

His body looked lean and toned. Bumaba ang tingin ko sa pang-ibabang suot niya at
agad na pinamulahanan ng mukha nang may ibang mapansin. Agad akong nag-iwas ng
tingin at tumikhim. Naglakad na agad ako patungo sa hapagkainan at naupo na sa
isang upuan. Umupo na rin siya sa isang upuan sa may tapat ko at hinintay akong
maunang kumain.

"Thank you..." namamanghang sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang lahat ng


niluto niyang pagkain. "Ikaw ang nagluto nitong lahat?"

Mayabang siyang ngumiti sa akin. "Yeah..."

Napanguso ako at dinampot na ang nakahandang kutsara't tinidor. Nilagyan niya ako
ng pancake sa pinggan at naglagay naman ako ng lasagna sa isang platito. Tinikman
ko muna ang niluto niyang lasagna at nabitin sa aking bibig ang kutsara. Napaawang
ang bibig ko bago namamanghang tumingin sa kanya.

"Ang sarap!" bulalas ko.

He chuckled a bit. "Kain ka pa... Tikman mo rin itong tinapay na b-in-ake ko,"
aniya bago inabot sa akin ang isang platong puno ng ensaymada.

Ito na yata ang pinakamalaking kain ko ng almusal sa buong buhay ko! Kaya naman
pagkatapos kong kumain ay hirap akong tumayo dahil sa bigat ng aking tiyan. Hindi
niya ako tinigilang asarin dahil doon. Nang makabalik ako sa kuwarto ay naligo na
ako at nagbihis ng damit. Pagkababa ko ay nakita ko siyang naghihintay sa akin sa
may bulwagan.

Habang nasa biyahe ay kinukulit ko siya kung saang farm niya ako dadalhin. "Kanino
mo nalaman na sa farm kita dadalhin?" usisa niya.

"Aling Henya told me... So, saan ngang farm?" excited na tanong ko.

Suplado niya lang akong sinulyapan at hindi na sinagot hanggang sa makarating kami
sa aming pupuntahan. Nalaman ko na lang kung saan niya ako dinala nang mabasa ko
ang karatula sa labas nito. Napaahon ako mula sa pagkakasandal sa kinauupuan at
halos mabali ang leeg ko kakalingon sa magandang tanawin.

"You brought me to this famous flower farm?! This place is popular because of their
unique flowers, Caleb!" gulat na sambit ko nang lingunin ko siya. "Damn, I really
wanted to go here before! Maiinggit sa akin sila Tati panigurado!"

Tinawanan niya lang ang eksaheradang reaksyon ko. Nang mai-park niya na nang maayos
ang kanyang sasakyan ay nauna ako sa pagbaba. Napatigil lang ako nang salubungin
ako ng malamig na simoy ng hangin dahil sa malamig na temperatura sa Benguet.
Sinimangutan ko si Caleb nang pagtawanan niya ako.

Sumunod ako sa kanya nang maglakad na siya papasok. Nalaman kong nagpa-reserve na
pala siya rito kagabi pa dahil pinapasok kami agad sa farm. The sun is almost
rising so we hurriedly went to a spot where we can watch it. My breath hitched when
I saw the breathtaking view of the sun slowly rising above the thousands of cabbage
flowers in front of me.

Nangilid ang luha ko habang pinapanood ang magandang tanawin sa harapan ko ngayon.
"This is so beautiful..." napapaos na sabi ko.

Dati ay pinapangarap ko lang na makapunta dito simula noong nakita ko ito sa


pictures at napanood sa ilang balita. I can't believe I'm actually here!

Nilingon ko si Caleb at nahuli siyang nakatitig sa akin. Tuluyan ko siyang hinarap


bago matamis na nginitian. "Thank you for taking me here, Caleb..." I sincerely
said.

He sighed while putting his hands inside the pockets of his trench coat. "I wanted
to take you to a sunflower farm as a gift dahil alam kong paborito mong bulaklak
iyon, but at the same time... I wanted to take you to my family's hometown. That's
why I took you to a flower farm on my hometown," natatawang paliwanag niya.

I swallowed hard to hold back my tears. "I really liked it..." pag-amin ko.

He stepped closer to me. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.
Inilagay niya sa gilid ng aking tainga ang mga takas na buhok sa aking mukha.

"I brought you here because this place is very special to me. Matagal na kitang
gustong dalhin dito... on a farm full of unique flowers because these flowers
reminded me of you. You are beautiful and unique, Georgianna Isabella. Everything
has been different ever since I fell in love with you."

My heart skipped a beat when he leaned closer to me. The unfathomable emotions in
his eyes sent shivers down my spine. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa
aking mukha kaya unti-unting napaawang ang bibig ko.

Pinanood ko ang pagbasa niya sa kanyang ibabang labi nang bumagsak ang tingin niya
sa mga labi ko. Napansin ko rin ang pagbigat ng paghinga niya. Nang magtamang muli
ang tingin naming dalawa ay naramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko.

My eyes automatically shut when his soft lips slowly brushed against mine. Ang
marahang pagdampi ng kanyang labi sa akin ay nagpakalat ng libo-libong boltahe sa
aking katawan. It lasted for a minute before he slowly pulled away as if he was
trying to hold himself back.
Ramdam ko ang bigat ng aming paghinga. Ngayon ko lang napansin na nakapatong na
pala ang aking kamay sa ibabaw ng kanyang dibdib. Dinilaan ko ang ibabang labi ko
at muling napatingin sa kanyang mga labi. I heard him groan before pulling me close
and tilting my head up as he brushed his lips against mine for the second time.

The kiss we shared was short, but delicate and intense. I never knew that a kiss
could burn a person alive when I kissed him. Nang bumitiw siya sa halik ay marahan
niyang idinampi ang kanyang labi sa noo ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya
dahil sa nararamdamang panghihina ng tuhod. Narinig ko ang bilis ng tibok ng
kanyang puso ngayon na sumasabay rin sa bilis ng akin.

"I love you, Georgianna Isabella..." he whispered under his breath.

        Kapitulo XXI - Achievement [My Sweet Surrender]

            Overall, the whole trip was unforgettable. The magnificent flower farm
was full of different kinds of flowers in different colors. Ang pinakanakaagaw
talaga ng pansin ko sa kanilang lahat ay ang cabbage roses. For me, they were the
most unique and most beautiful ones there. 

The flower farm is covered by pine-fringed mountains and vegetable farms. We can
even see Mt. Pulag and Mt. Timbak from a distance. Ang dami roong magagandang spots
para kumuha ng picture kaya naman lumobo ang laman ng gallery ko. Nagpakuha rin ako
ng maraming litrato kay Caleb para sa Instagram feed ko.

After we visited the flower farm, we also went to the famous Sakura Park in Paoay,
Lourdes Grotto, and Spanish Trail. Ang naging pahinga lang namin sa araw na iyon ay
ang lunch at dinner. We've tried two different restaurants in Atok, Benguet that
were highly recommended to us by the tourist guides. They both offer large
servings, too. I think their best meals were the lechon soup, egg soup, and fried
rice meals.

Dumaan muna kami sa ancestral house nila Caleb upang kunin ang aming mga  gamit.
Nagpaalam na rin ako kay Aling Henya at sa ilang mga kasambahay. Buong biyahe pauwi
sa Maynila ay tulog lang ako. Nagising lang ako nang maramdaman na ang init ng
panahon mula sa labas. Hinubad ko agad ang suot kong coat at sinulyapan si Caleb.
Seryoso lang siyang nagmamaneho at pasulyap-sulyap lang sa akin mula sa rearview
mirror.

"Caleb, itabi mo muna ang sasakyan. I'll take over so that you can rest for a
while," buo ang desisyong sabi ko.

His lips immediately protruded when he saw the smug look on my face. Nilabanan ko
ang tingin niya at ipinakita sa kanyang hindi ako titigil hangga't hindi niya ako
pinagbibigyan. He sighed heavily and pulled over. I smiled inwardly and immediately
switched to the driver's seat. Ikinabit ko na agad ang seatbelt at hinintay siyang
makapasok sa sasakyan.

"You can always switch with me whenever you feel tired," he immediately proposed.
I glared at him. "Shut up and just rest already," utos ko sa kanya bago ibinalik na
ang sasakyan sa kalsada.

He chuckled softly and grabbed my trench coat. My eyes widened when he inhaled my
scent on it. "Hmm... you smell good," he said huskily.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nakipagtalo pa. Pinanatili ko na lang


ang tingin sa kalsada at binilisan nang kaunti ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Lumipas ang ilang sandali at napansin kong hindi na ako kinukulit pa ni Caleb. Nang
sulyapan ko siya ay nakita kong tulog na tulog na siya sa kanyang kinauupuan habang
yakap ang trench coat ko. Napailing na lang ako at tahimik na natawa.

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Mommy. Pormal munang nagpaalam at


nagpasalamat si Caleb sa kanya bago tumulak pauwi.

"Bye, hijo! Bisita ka rito sa susunod!" pahabol na sabi ni Mommy sa kanya na siyang
nagpairap sa akin.

Habang naglalakad kami papasok sa bahay ay panay pa rin ang usisa niya sa akin.
Pagod ko siyang tiningnan. "Hindi ka ba busy sa trabaho, Mom? Bakit parang ang dami
mong time?" sarkastikong sabi ko.

Kinurot niya ako sa tagiliran at sinamaan ng tingin. "Ikaw talagang bata ka!"

Humalakhak ako at umiwas na lang sa pangungurot niya. Tumakbo na ako paakyat sa


aking silid at isinara ang pinto. Naligo muna ako at nagbihis bago umupo sa study
table ko upang magcheck ng e-mails sa laptop. Nag-apply na kasi ako para sa mga
available review centers. Sinubukan kong mag-apply sa review center na inirekomenda
sa amin ni Dean Rodriguez at natanggap naman ako roon. Nagulat nga ako nang
makitang marami akong kakilala roon, kabilang na sila Rafael at Ivory.

"Girl, kayo na ba ni Caleb?" bungad na tanong sa akin ni Rafael nang magkita kami
roon.

Umiling ako at ngumisi sa kanila. Sabay silang napasinghap sa sagot ko. Nagulat ako
nang bigla akong kurutin ni Ivory sa tagiliran. "Nakapunta ka na roon sa flower
farm! Nakita ko kaninang umaga 'yong mga post mo sa IG! Sana all!"

Humalakhak ako. "Next time, kayo naman ang isasama ko roon..."

Sinimangutan ako ni Rafael. "Sana all mayroon ding poging taga-picture! Hmp!
Malandi ka talaga, Georgianna Isabella!" pang-uuyam niya.

Tumigil lang kami sa pag-aasaran at pagkukwentuhan nang pumasok na sa center ang


proctor namin. In-orient muna niya kami tungkol sa magiging schedule namin at mga
subjects na aming aaralin. Nang i-dismiss na kami ay sabay kaming umuwi ni Ivory.
Si Rafael kasi ay dadaan pa raw sa ospital kung saan nagt-trabaho ang Mama at Papa
niya.

"Saan mo balak mag-medschool?" tanong sa akin ni Ivory.

Saglit akong napaisip ngunit sa huli ay napakibit-balikat ako. "Susubukan ko na


lang magtake ng entrance exams sa top medical schools dito sa Pilipinas. Depende na
lang siguro kung saan ako pumasa," sagot ko.

Napatango-tango siya sa sinabi ko. "Ganoon na lang din siguro ako. Wala ka bang
balak mag-aral sa ibang bansa at doon magtrabaho after mong pumasa sa board exams
ng Medtech?"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Napatigil din tuloy siya at
napatingin sa akin. Bakit nga ba hindi ko naiisipang sumubok sa ibang bansa? I have
greater opportunities there. Pero ang tanong... kaya ko bang iwan ang Pilipinas at
ang mga taong mahahalaga sa akin dito? I don't think so.

"As of now, wala akong plano. I want to finish medicine here in the Philippines. Sa
pagt-trabaho siguro, I might consider it pero hindi ko makita ang sarili kong
permanenteng nagt-trabaho para sa ibang bansa. I want to serve the Filipino people
first."

She chuckled at my statement. "Ay wow, may sense of patriotism!" pang-aasar niya sa
akin.

Nagkibit-balikat na lang ako at bahagya ring natawa sa sinabi. After all, that's
really one of the reasons why I wanted to be a doctor– upang sumagip ng buhay at
makatulong sa mga taong nangangailangan dito sa ating bansa.

During the review days for my upcoming board exams, I was really anxious but I also
had a lot of realizations. The moment I decided and signed up to be a medical
student, I also signed up for all the hard works and responsibilities I have to do.
I also signed up for the struggles and hardships that I have to face. And most of
all, I also signed up for the lives of the people that I have to save in the
future.

I realized that it's normal to feel pressured today. It's okay to feel anxious and
be scared during the process. It's natural to cry and be afraid of failing. But
always remember that the people who already took a step and chose to start walking
today, doesn't have to worry about running tomorrow. Those who are earlier than the
others and those who exert and put in more effort can enjoy the feeling of success.
After all, success comes with self-management and determination.

Nagising ako dahil sa magkasabay na pagtunog ng cellphone at alarm ko. Pinatay ko


agad ang aking alarm clock at patamad na dinampot ang cellphone sa ibabaw ng
bedside table ko. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino iyon.
I yawned before speaking. "Hello?" I drawled lazily.

"Gella! Lumabas na 'yong results ng board exams!" Hindi ko agad nakuha ang sinabi
niya. Napaahon lang ako mula sa pagkakahiga nang muling tawagin ni Ivory ang
pangalan ko mula sa kabilang linya.

Napahugot agad ako ng hininga at bumangon na upang kunin at buksa ang laptop.
"Seryoso ba?!"

"Oo, girl! Tingnan mo na dali!" she said merrily. "Hinahanap ko na ang pangalan
natin!"

"Okay, ibababa ko muna 'to. I'll get back to you later, Iv." Pinatay ko muna ang
tawag at hinintay magbukas ang aking laptop. Pagkabukas nito ay agad kong binuksan
ang browser at sinearch ang website kung saan dinidisplay ang results ng licensure
exam na ginanap lang last week.

Habang hinihintay ang pagloloading ng website ay abot-abot ang pagtahip ng aking


puso dahil sa kaba. Pinagsalikop ko ang dalawang kamay at hinipan iyon bago
pinagkiskis upang maibsan ang panlalamig. Nang lumabas na sa screen ang main page
ng website ay umayos ako nang pagkakaupo at napasandal sa headboard ng kama dahil
sa nararamdamang panlalambot. Dahan-dahan ko itong ini-scroll pababa at hinanap
doon ang pangalan ko.

616. CARVAJAL, GEORGIANNA ISABELLA ALMENDRAL

Napasinghap ako at agad na napaahon mula sa pagkakaupo. Napatili ako dahil sa labis
na tuwa. Tears immediately streamed down my face as I ran towards my mother's room.
"Mommy! Open the door!" sigaw ko habang kinakalampag ang pinto niya.

"Sandali lang!" Nang buksan niya ang pinto at nakita akong umiiyak ay agad lumambot
ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napalitan ito agad ng pag-aalala. "Anak, what's
wrong? W-Why are you crying? Did something happen?"

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at bahagya siyang inalog. "M-Mommy...


Mommy, I passed the boards! RMT na ako!" umiiyak na balita ko sa kanya.

Nalaglag ang kanyang panga at agad nangilid ang mga luha sa mata. "Really?! All
your hard works paid off, Georgianna! I'm so proud of you!" Halos mabuhat niya ako
nang yakapin niya ako nang mahigpit.

Kumalas ako sa yakap upang palisin ang mga luha ko. Narinig ko ang pagbukas ng
pinto ng kabilang silid at lumabas mula roon si Skylen na mukhang nagising dahil sa
ingay namin. Nang makita niya akong umiiyak ay agad niya akong dinaluhan. Nang
sabihin ko sa kanya ang magandang balita ay awtomatikong lumiwanag ang kanyang
mukha. Niyakap niya ako nang mahigpit at napatili ako nang maramdamang umangat ako
sa sahig nang buhatin niya ako. Mommy was just watching us with tears of joy in her
eyes. It was indeed one of the best and happiest moments of my life.
"Gella, pahiram naman ako ng reviewer mo sa Histology," sabi sa akin ni Daniel,
kaklase ko sa medical school.

He smiled boyishly at me when I glanced at him. Suplada ko lang siyang tiningnan at


hinanap na sa bag ko ang reviewer na ginawa ko kagabi bago inabot iyon sa kanya.

"Thank you, lods! The best ka talaga!" aniya bago kumindat sa akin. Sinimangutan ko
siya dahil sa tawag niya sa akin ngunit tinawanan niya lang ako. Bumalik na siya sa
kanyang kinauupuan at nagsimula nang basahin ang reviewer na ipinahiram ko.

"Gella, may duty ka ba mamaya sa ospital?" tanong sa akin ni Ivory.

Napahinto ako sa pagsusulat ng notes at bumaling sa kaibigan. Sabay kaming tatlo


nila Rafael at Ivory na kumuha ng entrance exams sa iba't ibang medical schools.
Luckily, nakapasa kami sa NMAT at marami rin naman kaming pinagpiliang medical
school noon. Kaya nga lang... napahiwalay sa amin si Rafael dahil nag-migrate ang
buong pamilya nila sa US. Napagkasunduan naman namin ni Ivory na parehas na lang
kami ng school na pag-eenrollan. We're both working as part-time medical
technologists at the university hospital, too.

Tumango ako bilang sagot. "Friday kasi ngayon, eh. Ikaw ba?"

Umiling siya sa akin at napabuntong-hininga. "TThS ang sched ko sa ospital. Iyon


lang kasi ang pinakamaluwag nating schedule. Ewan ko lang kung mababago kapag nag-
second year na tayo," sabi niya.

I can't help but agree to her. Totoong magaan pa nga ang subject load namin ngayong
taon dahil unang taon pa lang naman namin sa medical school. Magsisimulang bumigat
iyon starting next year hanggang sa fourth year namin.

Nawala ang atensyon ko sa kanya nang makareceive ng isang text message galing kay
Caleb. Napatuwid ako nang pagkakaupo at agad na napa-check sa kalendaryo. Oo nga
pala, ngayong week nga pala ang posibleng uwi niya!

From: Caleb Avanzado

Kakalabas ko lang galing military. Are you busy today? Can we meet up?

Napanguso ako nang maalala ang medyo hectic na schedule ko ngayong araw. Bakit ba
ngayon pa nataon ang uwi niya kung kailan may duty ako? Should I just skip work
today? Napailing agad sa naisip. Kakasimula ko pa lang magtrabaho last month, tapos
ito na agad ang binabalak kong gawin? Agad akong nagtipa ng reply sa kanya.

Ako:
Sorry, I'm a little busy today :( I have a duty at the hospital.

Nagulat ako nang makatanggap agad ako ng reply sa kanya pagkalipas ng ilang
segundo.

From: Caleb Avanzado

Wow. Georgianna Isabella A. Carvajal, RMT na ba? :D

I softly chuckled at his text message and bit my lower lip while smiling.

Ako:

Yup! Plus "MD" soon ;)

Umangat ang tingin ko nang muling lumapit sa akin si Daniel. Pinagtaasan ko siya ng
isang kilay. "Uh... may reviewer ka rin ba sa Gross Anatomy, Gella? Puwede rin bang
mahiram?" nag-aalinlangang tanong niya.

Bago pa ako makasagot ay sumingit na agad si Ivory. "Hoy, Castañares! Ikaw talaga,
huh! Napapansin ko ang madalas mong panghihiram ng reviewer dito sa kaibigan ko,
ah? Anong akala mo sa kanya, sponsor ng reviewer mo? Scholar ka ba niya, huh?
Gumawa ka ng sa'yo!" pagsusungit niya.

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Sinamaan siya agad ng tingin ni Daniel. "Bakit ba
nakikielam ka sa diskarte ko, De Luna? Inggit ka? E'di humiram ka rin!" pambabara
niya rito.

Ivory gritted her teeth. Iniharang niya agad sa akin ang kanyang braso. "Type mo
'tong best friend ko, 'no?! Sorry, pero wala kang pag-asa sa kanya! Ang gwapo ng
manliligaw niya at sundalo pa! Baka barilin ka lang no'n!" pagyayabang niya.

Napairap tuloy ako sa sinabi niya. Nagbangayan pa silang dalawa ngunit hinayaan ko
na lang sila at hindi na pinagtuunan pa ng pansin. Binasa ko na lang ang reply sa
akin ni Caleb.

From: Caleb Avanzado

Do you have classes today? Where are you? Hihintayin na lang kita.

Nagdalawang-isip muna ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang school ko o hindi.

Ako:
I'm in a class right now. Dito lang naman ako sa university hospital nagt-trabaho.
Magpahinga ka na lang muna ngayong araw :) We'll just catch up tomorrow after my
duty.

Dumating na ang aming propesor sa Physiology kaya naman nawala na agad ang atensyon
ko sa aking cellphone. Nabasa ko na lang ang reply niya nang matapos ang aming
klase.

From: Caleb Avanzado

What time's your dismissal? Usap tayo, kahit saglit lang.

Napasinghap ako sa mensahe niya. Sinulyapan ko ang kaibigan kong busy sa pag-aaral
at wala yatang pakielam kung pangiti-ngiti ako sa tabi niya. Nagtipa agad ako ng
reply kay Caleb. Sinabi ko sa kanya ang address ng school ko pati na rin kung anong
oras ang dismissal ko ngayon.

Sabay na kaming tumungo ni Ivory sa laboratory kung saan ang aming last class. Nang
matapos ang klase ay nauna na akong lumabas. I already told Ivory that I won't be
going with her because of my duty. Hindi na rin naman siya nagtanong pa kaya hindi
ko na binanggit sa kanya ang tungkol kay Caleb. 

"Hi..." he greeted me in a husky voice.

His eyes shone as if he was fighting back his tears while watching me walk towards
him. Nangilid din ang luha ko habang pinagmamasdan ang maliliit ngunit kapansin-
pansing pagbabago sa kanyang pisikal na kaanyuan nang tanggalin niya ang suot na
sumbrero. The physical training at the military must have been hard for him.
Kapansin-pansin din kasi ang magandang hubog ng kanyang katawan kahit natatakpan
ito ng suot niyang military uniform.

"H-Hello..." I felt my voice trembled.

Nang tuluyang makalapit sa kanya ay nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
Hinayaan ko siyang gawin iyon at pinakinggan ang mabilis na pagpintig ng puso sa
kanyang dibdib. Nang bumitiw siya sa yakap ay tahimik niyang pinagmasdan ang aking
mukha.

"I missed you..." he whispered.

The corners of my mouth slowly rose. Bago niya ako ihatid sa ospital ay ikinwento
ko sa kanya ang tungkol sa achievements ko noong mga nakaraang buwan kabilang na
ang pagpasa ko sa Medical Technology Licensure Examination at National Medical
Admission Test. He looked so proud of me while silently listening to my stories.
"Papasok na ako sa loob..." halos pabulong na paalam ko sa kanya nang huminto kami
sa may bungad ng ospital.

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata ngunit ikinubli niya ito gamit
ang isang matamis na ngiti. "Okay, I'll see you tomorrow. Anong oras ba ang tapos
ng shift mo bukas?"

Saglit akong nag-isip. "Maybe around 6 or 7 pm," sagot ko.

He slowly nodded and put his hands on the pockets of his army pants. "I'll take you
to dinner tomorrow. Will you come with me?"

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. "Oo naman! Marami ka pa kayang utang na kuwento
sa akin, soon-to-be 2nd Lieutenant Caleb Atticus Avanzado," biro ko sa kanya.

He smirked at me before chuckling. He gently patted my head before letting me go.


Nakangiti akong pumasok sa loob ng university hospital at dumiretso na sa staff
room upang magpalit ng uniporme.

        Kapitulo XXII - Mine [My Sweet Surrender]

            Maaga akong pumasok sa ospital para sa shift ko ngayong araw. Sabay rin
kaming naglunch ni Ivory sa cafeteria ng ospital.

"Magkikita ba kayo ng jowa mo mamaya? Balita ko nakauwi na raw siya, ah?" tanong sa
akin ni Ivory pagkaupo pa lang namin sa isang bakanteng table.

"Hindi ko siya jowa," I corrected her. "Kanino mo nalamang nakauwi na siya?"

"Nachika ko lang sa tabi-tabi kanina. Trauma surgeon pala ang Papa ni Caleb sa
ospital na 'to," sagot niya.

Namamangha ko siyang tiningnan. Saan at kanino naman kaya niya nasagap ang chismis
na iyon? "Talaga?"

She dramatically rolled her eyes at me before biting at her sandwich. "Bakit nga ba
hindi mo pa sinasagot iyon? Ang tagal nang nanliligaw no'n sa'yo, ah!"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko. Ayoko pa... at wala pa akong balak sa ngayon."

She looked confused at my answer. "Bakit hindi mo na lang basted-in kung ayaw mo
naman pala?"

Sumimsim muna ako sa aking kape bago sumagot. "Ewan ko. Ayoko rin."
She chuckled. "Ewan ko sayong gaga ka! Takot ka lang sa commitment!"

Napanguso ako. "Hindi naman sa takot... Hinihintay ko lang siguro 'yong perfect
timing para sa aming dalawa."

She sighed. "Alam mo kasi, Georgianna Isabella, there's no such thing as 'perfect
timing'. It's not about the right timing... it's about right person," pangaral niya
sa akin.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Pinaikot ko ang kape sa loob ng hawak na baso
at pinanatili lang ang tingin doon.

"The people we meet at the wrong time are just the wrong people. You'll never meet
the right person at the wrong time because the right ones are timeless," dagdag
niya.

Napabuntong-hininga na lang ako habang iniisip ang lahat ng sinabi niya sa akin.
Ano pa nga ba ang hinihintay ko? Am I really waiting for the right timing for us or
am I just confirming if he is the right person for me? Natatakot nga lang ba akong
sumugal o natatakot lang talaga akong mapunta sa maling tao?

After we finished our lunch, bumalik na kami ni Ivory sa kanya-kanyang trabaho.


Nang matapos ang aming shift ay sabay na kaming naglakad palabas ng ospital.
Napatigil lang ako nang mamataan si Caleb sa may lobby. Napatayo agad siya mula sa
pagkakaupo nang makita ako.

"Una na ako, girl. Enjoy kayo ni bebe boy!" bulong sa akin ni Ivory nang mapansin
din si Caleb. Pabiro niya pang tinusok ang tagiliran ko kaya hindi ko na napigilan
ang pagtawa. Nagpaalam muna ako at bumeso sa kanya bago magpatuloy sa paglapit kay
Caleb.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kasuotan. He's just wearing a simple black round-
neck t-shirt, dark grey pants, and white shoes but he's oozing with so much appeal.
Mayroon din siyang suot na silver wrist watch at silver dog tag necklace. Nang
iangat ko ang tingin sa kanyang mukha ay nakita kong nakangiti na siya sa akin.

Kung totoo ngang walang perfect timing na nage-exist sa ating mundo, paano natin
malalaman kung sino ang tamang tao?

Susugal ba ako? Pero paano kung matalo at masaktan lang ako? Paano kung dumating
ang araw na piliin niyang iwan ako? Paano kung dumating ang araw na maubos ang
kanyang pagmamahal para sa akin? Paano kung dumating ang araw na umalis din siya at
sumama sa iba dahil hindi na ako ang taong nagpapasaya sa kanya?

"Shall we go?" tanong niya sa akin nang huminto ako sa harapan niya.
Tumango ako at tipid na ngumiti. Iwinaksi ko na lang ang lahat ng iniisip at sumama
na sa kanya palabas ng ospital.

"Saan ba tayo magdidinner? Sa café ulit?" tanong ko nang makasakay na kami sa


kanyang sasakyan.

He started the engine first before glancing at me. "No, I'll take you to somewhere
else tonight," aniya na agad nagpakunot sa noo ko.

Habang nasa biyahe ay napansin kong tila patungo sa mall ang daang tinatahak namin
ngayon. Tuwing isinisingit ko ang dinner sa usapan namin ay inililihis niya agad
ang usapan kaya lalo lang akong nalilito.

Nang makapagpark na siya nang maayos sa parking lot ay sabay na kaming pumasok sa
mall. "Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung saan tayo pupunta?" Pinagtaasan ko
siya ng isang kilay.

He playfully smiled at me. "Nandito na tayo, ah?" aniya bago itinuro ang entrance
ng mall.

Nalilito ko siyang tiningnan. "So sinadya mo bang itago kung saan mo ako dadalhin
para lang asarin ako?"

He chuckled and ignored my question. Hinawakan niya ang kamay ko bago marahan akong
hinila papasok sa isang fine dining restaurant. Namilog agad ang mata ko at
sinubukang hilahin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Caleb.

"C-Caleb, huwag na tayo dito. Naka-uniform lang ako," bulong ko sa kanya habang
pasimpleng pinapasadahan ng tingin ang suot kong uniporme ng ospital.

Kung alam ko lang na sa isang mamahaling restaurant niya ako dadalhin, e'di sana
pala nagbaon ako ng maganda at pormal na damit! Akala ko naman kasi ay sa café lang
ulit kami kakain ngayon kaya hindi na ako nag-abala pang magdala ng pamalit!

Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko bago ngumiti sa akin at bumulong. "It's
fine, Gella. You still look beautiful in your uniform. Just trust me on this,
okay?"

"Trust you on what?" naguguluhang puna ko sa huli niyang sinabi.

Pinasadahan ko ng tingin ang lugar matapos niyang hindi sagutin ang tanong ko.
Napaawang agad ang bibig ko nang mahagip ng aking paningin si Dr. Arturo Avanzado
na nakaupo sa isang lamesa kasama ang isang babaeng sa tingin ko ay kanyang asawa.
Agad akong napasinghap at napahigpit ng kapit kay Caleb. Napansin niya iyon agad
kaya nag-aalala siyang napatingin sa akin.
Huminto kami sa paglalakad nang tuluyang makalapit sa lamesa kung saan sila
nakaupo. Napatigil agad sila sa pag-uusap at agad na napaangat ang tingin sa aming
dalawa ni Caleb.

"Mama... Papa..." mahinahong panimula ni Caleb bago sumulyap sa akin. "Si


Georgianna po."

Nag-aalinlangan akong ngumiti sa kanila. "Good evening po, Mr. and Mrs. Avanzado,"
pormal na bati ko sa kanila.

"Oh! I remember her! You are Dean Thomas Rodriguez's student, right?" nangingiting
tanong sa akin ni Dr. Avanzado. "Do you remember me?"

Ngumiti rin ako sa kanya. "Opo, Dr. Avanzado..." nahihiyang sagot ko.

Magiliw siyang tumawa. "Let's drop the formalities, hija. You can just call me Tito
Arturo."

Ngumiti ako nang matamis sa kanya bago sumulyap kay Mrs. Avanzado. Napansin ko ang
pagbaba ng tingin niya sa mga kamay naming magkahawak kaya pasimple kong binawi at
itinago ang kamay ko sa aking likod. Nang iangat niyang muli ang tingin sa akin ay
tipid siyang ngumiti bago bumaling sa anak na si Caleb.

"Ito na ba ang girlfriend mo, anak?" malambing na tanong ni Mrs. Avanzado sa kanya.

Napalunok ako nang maramdaman ang umusbong na tensyon sa paligid. Sinulyapan ko si


Caleb at nakitang kalmado lang siya. "Hindi pa, Mama. Pero... malapit na," sabi ni
Caleb bago mayabang na kumindat sa akin.

Napanguso ako. Tingnan mo ang lalaking ito! Hindi na talaga natatakot mag-assume
porke't nahalikan niya na ako noon!

"A-Ah..." Her mother sounded a bit disappointed.  Sumulyap siya sa akin bago nag-
aalinlangang ngumiti. "So you are just my son's friend, then?"

Naramdaman ko ang paglipat ng tingin sa akin ni Caleb. I cleared my throat before


answering. "O-Opo..."

"'Ma, nililigawan ko pa lang po si Gella..." agap ni Caleb.

Marahang tumango si Mrs. Avanzado bago muling ngumiti nang tipid sa akin. "Kumain
na tayo... Ipapa-serve ko na ang pagkain," pag-iiba niya sa usapan. "Please take a
seat, hija."

Naupo na rin ako pagkatapos nila. Inutusan na ni Mrs. Avanzado ang mga waiters na
magserve ng pagkain. Nanatili lang ang tingin ko sa lamesa habang pinaglalaruan ang
mga daliri sa ibabaw ng aking kandungan. Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni
Caleb sa aking kamay kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Relax..." he mouthed. He smiled at me reassuringly which made me calm down a


little bit.

"Georgianna, hija... kumusta ka na? Pinagpapatuloy mo ba ang pangarap mo?" tanong


sa akin ni Tito Arturo sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Marahan akong tumango. "I'm currently on my first year in medical school po,"
magalang na sagot ko.

Namamangha siyang tumingin sa akin, halatang kumbinsido sa naging sagot ko. Nagulat
ako nang bigla ring magtanong ang Mama ni Caleb sa akin. "And you're working at the
hospital, too?" tanong niya matapos sulyapan ang suot ko.

I swallowed hard. "I-I'm a registered medical technologist po. I'm working to


support my studies, Ma'am," nahihiyang sagot ko.

"Oo nga, Helena. Sabi noon sa akin ni Thomas ay masipag at matalino nga raw talaga
ang estudyante niyang ito. Napatunayan niya nga naman dahil nandoon ako sa
graduation ng batch nila last year. She's a Summa cum Laude," singit ni Tito Arturo
sa usapan.

Naramdaman ko ang bahagyang pag-init ng aking pisngi dahil sa kanyang ibinunyag.


"Really? That's great! Congratulations, hija!" sinserong bati sa akin ni Mrs.
Avanzado.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you po..."

"You should try to pursue emergency medicine, hija. Katulad ko, I'm currently
working at the hospital at nagtrain din ako sa army upang maging army surgeon. Kung
gusto mo lang namang subukan," suhestiyon sa akin ni Tito Arturo.

"Arturo..." pigil sa kanya ni Mrs. Avanzado.

"Sa ngayon, wala pa po akong plano sa magiging specialization ko, but I'll try to
consider your suggestion, Tito. Bahala na rin po siguro sa residency ko kung
magugustuhan ko nga pong magspecialize sa emergency medicine," kalmadong sabi ko.

He laughed heartily and glanced at his son. "I really like your girl, Caleb! She's
very smart and quick-witted. Magaling ka talagang pumili! Manang-mana ka talaga sa
akin!" magiliw na aniya.

"Oh! I didn't expect to see you here, Tito Arturo and Tita Helena! What a
surprise!" Napaangat ang tingin ko sa babaeng naglalakad papalapit sa aming lamesa.
"Are you guys having dinner here, too? Dito rin sana ako kakain!"

Napatingin ako kay Mrs. Avanzado nang tumayo siya at agad na lumapit sa kanya bago
bumeso. "Allena, hija! What a surprise to see you here, too! Halika, sabay ka na sa
amin," magiliw na sabi niya.

"Mama..." pabulong na pigil ni Caleb sa kanyang ina.

"Oh, nandito ka pala, Gella? I'm sorry, I didn't notice you!" Tahimik akong
sumimsim sa baso ng tubig upang pakalmahin ang sarili. "Are you having dinner with
Caleb's parents?"

"Do you know each other, hija?" halatang gulat na tanong sa akin ni Tito Arturo
kaya napabaling ako sa kanya.

Bago pa ako makasagot ay sumingit na agad si Allena. "She's my half-sister, Tito.


We're not that close but we've already known each other for uh... how long was it?
I think more than four years? Anak kasi siya ng Daddy ko," diretsong sagot niya.

I mentally rolled my eyes. At ako pa talaga ang pinagmukha niyang bastarda ngayon?
Required bang maging papansin at feeling legal na anak kapag anak sa labas? Sana
hindi lahat ganito.

Napansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng mga magulang ni Caleb.


Pilit akong ngumiti sa kanila bago pinukulan ng malamig na tingin si Allena.
Ngumisi lang siya sa akin na siyang mas lalong nagpainit sa ulo ko.

"Kumusta na nga pala ang trabaho mo, hija? Balita ko ay licensed civil engineer ka
na!" tanong ni Mrs. Avanzado sa kanya nang makaupo na si Allena sa isang silya sa
may tabi ko.

Pasimple siyang sumulyap sa akin. "Oh, yes, Tita Helena! Actually, I'm currently
working on our father's company." Napapikit ako nang mariin nang mapansin ang
emphasis niya sa salitang 'our'. "My Dad owns an engineering firm and I'm currently
working under him."

"Wow, that's nice!" puri sa kanya ni Mrs. Avanzado. "Siguro balang araw ay sa'yo
niya ipamamana ang kanyang nasimulan..."

Inubos ko agad ang tubig sa aking baso at hindi na napigilan ang pagtayo. Sabay-
sabay silang napaangat ng tingin sa akin. "I'm sorry, but something came up.
Pasensya na po, mauuna na ako..." magalang na paalam ko sa kanila.

"Georgianna..." tawag sa akin ni Caleb.


Ngumiti ako nang tipid sa mga magulang ni Caleb bago yumuko nang bahagya. "It was
nice meeting you po, Tito Arturo and Ma'am Helena. Thank you for letting me join
your family dinner. I'm sorry but I really have to go..." walang pag-aatubiling
sabi ko.

"Okay, hija. It was nice meeting you, too. Mag-iingat ka pauwi," sabi ni Tito
Arturo.

Hindi ko na hinintay pa kung may sasabihin man sa akin ang nanay ni Caleb at
napagpasyahan nang maglakad palabas ng restaurant.

"Gella, sandali lang," rinig kong tawag sa akin ni Caleb ngunit mas binilisan ko pa
ang aking paglalakad palabas ng mall.

Pumara na agad ako ng taxi ngunit naabutan niya ako. Sinubukan niyang hawakan ang
pala-pulsuhan ko ngunit agad kong iniwas iyon at hinarap siya.

"Gella—"

"Stop following me," mariing sabi ko sa kanya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng tumabing taxi ngunit isinara niya agad iyon. I
noticed how the veins in his arms protruded when he forcefully closed the door.
Sinenyasan niya ang driver ng taxi na umalis na at agad naman siyang sinunod nito.
My breath hitched when he held my wrist and pulled me closer to him.

"Georgianna, let's talk..." mariing sabi niya.

Pilit kong tinapangan at nilakasan ang loob ko. Marahas kong tinanggal ang
pagkakahawak niya sa aking pala-pulsuhan. Dahil sa gulat ay nabitiwan niya ito agad
at bahagyang napaatras. "Uuwi na ako," mariing sabi ko.

He slowly shook his head. "You came here with me, so I'll be the one who'll take
you home," diretsong sabi niya.

I scoffed. "Kaya ko namang umuwi nang mag-isa, Caleb. Ano ako, bata? Bumalik ka na
lang doon sa dinner niyo," iritadong sabi ko.

He forcefully shut his eyes and slightly tilted his head upwards. Napansin ko ang
sunud-sunod na paggalaw ng kanyang Adam's apple habang nakatingala. Muli niyang
idinirekta sa akin ang kanyang mapupungay na mga mata.

"Hindi kita iiwan dito..." he said in a raspy voice.

Napasinghap ako sa kanyang sinabi. Lumipas ang ilang sandaling katihimikan sa


pagitan naming dalawa.

"Magkakilala kayo ni Allena?" pagbasag ko sa katahimikan.

The amusement on his face almost made me want to punch him. "Allena is my ex-
girlfriend," aniya.

Napalunok ako dahil sa diretsong sagot niya. "Okay..." napapaos na sabi ko.

Naramdaman ko ang paninimbang sa kanyang tingin sa akin. He sighed. "Kapatid mo ba


talaga siya?"

"No," mariing tanggi ko.

He narrowed his eyes. "Bakit sabi niya kanina ay magkapatid kayo?"

"Well, technically yes." Suminghap ako sa ginawang pag-amin. "Anak siya ng kabit ng
Daddy ko."

He immediately pursed his lips and slowly nodded. Sinamaan ko agad siya ng tingin.
"Stop looking at me like that. I don't need anyone's sympathy. Ako pa rin ang legal
na anak ni Daddy kaya nasa akin pa rin ang huling halakhak." I chuckled without
humor.

Ilang sandali siyang natahimik. "I met your father before... He's a good man," sabi
niya na siyang kumuha muli sa atensyon ko.

"Yes, he was... before he chose to leave his family for his mistress," I bitterly
said.

He licked his bottom lip and sighed. Napataas ang isang kilay ko nang may maalala
sa kanyang sinabi kanina. "Paano mo nga pala nakilala ang tatay ko? Ipinakilala ka
ni Allena?" Pilit kong itinago ang pait sa aking tinig ngunit hindi ako sigurado
kung nagtagumpay nga ba ako.

A ghost of a smile played on his lips which annoyed me even more. "Yeah..." tipid
na sagot niya.

Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. Kung ipinakilala na siya noon ni Allena, ibig
sabihin ba ay seryoso ang naging relasyon nila noon? Kailan naging sila? Gaano sila
katagal? Naging sila siguro bago pa kami magkakilala. Bakit sila naghiwalay?

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang humakbang papalapit sa akin at
marahang hinawi ang ilang takas na buhok sa aking mukha dahil sa pag-ihip ng
hangin. "Damn, baby. I can almost hear your mind screaming."
Nalilito ko siyang tiningnan. "Huh? Inaano kita d'yan?"

He chuckled a bit. "We've been together when we were in junior high school until my
senior years," he said as if he read the questions playing on my mind.

Junior high hanggang senior high? More than five years? And to think that they've
already met each other's family... nabigla siguro ang mga magulang nila nang
malamang naghiwalay sila noon. Allena is a year older than me so she probably met
Caleb when she was still in Grade 6 or Grade 7.

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. I sighed heavily. "Hindi ko


tinatanong..." pambabara ko sa kanya.

Umangat ang isang gilid ng kanyang labi bago mahinang natawa. "Yeah, right. Sorry,
akin," he said with a hint of sarcasm.

"Uuwi na ako. Bumalik ka na roon sa loob," kalmadong sabi ko bago umambang


tatalikuran na siya ngunit natigilan ako dahil sa sunod niyang sinabi.

"Nagseselos ka ba kay Allena?" His straightforward question made my heart race.

I turned back and looked at him with disbelief. "Of course not! W-Why would I be?"

His brow immediately shot up. "Really?"

Pagod ko siyang tiningnan. "Hindi nga sabi! Bakit naman ako magseselos?" Naramdaman
ko ang pagkalat ng pait sa aking lalamunan. I swallowed hard and tried my best to
fight the intensity of his gaze.

"Okay, then..." mahinahong aniya.

"Bumalik ka na sa loob," malamig na sabi ko.

Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa. "Babalik na ako kay Allena?" he asked in a
playful tone.

I gritted my teeth. "Oo, balikan mo na! Kahit ituloy niyo pa 'yong naudlot niyong
relasyon! Wala akong pakielam!" Tinalikuran ko na siya at padabog na nagmartsa
papalayo. I cursed under my breath.

Agad akong napapihit paharap sa kanya nang bigla niya akong hilahin pabalik.
Napahawak agad ako sa kanyang dibdib nang magdikit ang katawan naming dalawa.
Hinuli niya ang tingin ko habang nangingiting nakatingin sa akin. Sinimangutan ko
siya at ipinilig ang ulo sa tabi upang iiwas ang mukha ko.

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin, Georgianna?" he drawled.

Napasinghap ako nang maramdaman ang kiliting dulot ng kanyang mainit na hininga sa
aking tainga. Muling pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni Ivory kanina habang
naglalunch kami.

"Bakit kita sasagutin?" pagsusungit ko, taliwas sa kaba at tensyong nararamdaman.

He chuckled softly. "Kasi mahal mo na ako?" he said in a playful tone.

Naramdaman ko ang bayolenteng pagtibok ng aking puso sa dibdib. "A-At sino namang
may sabing mahal kita?"

"Because you kissed me back before?" Napaubo ako dahil sa sinabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit mas lumawak lang ang kanyang ngisi. "Iyon na ba
'yong basehan mo ng pagmamahal?" sarkastikong tanong ko.

Nagkibit-balikat siya at pinagtaasan ako ng kilay. "Because you were jealous, too?"

Sinubukan ko siyang itulak papalayo ngunit hindi man lang siya natinag sa akin.
"Hindi nga sabi ako nagseselos!" I felt my lips trembled a bit.

Bumaba agad ang tingin niya sa mga labi ko. He bit his lower lip to suppress a
smile and lifted his gaze to mine. Napaawang ang bibig ko nang maramdamang para
akong kinakapos sa paghinga.

"Talaga? Hindi ka nagseselos? Kahit... bumalik pa ako roon ngayon?" Naramdaman ko


ang pagbigat ng kanyang paghinga.

Pagalit ko siyang tiningnan. "E'di balikan mo siya! Hindi nga ako nagseselos—"

Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang ilapat ang kanyang mga labi sa akin.
My heart pounded like crazy when he gently grabbed my waist and pulled me closer to
his body. His touch and kisses quickly overpowered my senses. Heat spread profusely
across my body when his lips started moving sensually against mine.

"I'm not... jealous," I mumbled in between his kisses.

He sensually sucked my bottom lip for the last time before he slowly pulled away.
Parehas kaming naghahabol ng aming paghinga. Hindi pa ako nakakabawi sa kanyang
ginawa nang iangat niya ang aking baba at hinuli ang aking tingin. He gently ran
his thumb on my lips as his slowly parted.

Binasa niya muna ang kanyang ibabang labi bago magsalita. "Hindi kita minamadali,
Georgianna. You know I'll always be more than willing to wait until you finally
surrender your heart to me. Just say the word and I'm yours forever."

Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko habang nalulunod sa mga mata niya. "Then
be mine today..." napapaos na sinabi ko.

He remained silent for a while. Bakas ang magkahalong gulat, pagkalito, at tuwa sa
kanyang mga mata. "H-Huh?"

Suminghap ako. Umatras agad ako at bahagyang lumayo sa kanya. "Huwag na nga!
Nagbago na ang isip ko—"

"W-Wait! Oo na, narinig ko na!" natatawang sabi niya. He softly chuckled and
pinched my cheeks. "Damn, my baby is so impatient."

"Baby mo mukha mo," inis na sabi ko.

"Baby naman na kita, ah? Sinagot mo na ako, 'di ba?" he teased.

I rolled my eyes. "Whatever you say, Daddy," pambabara ko.

Agad umasim ang timpla ng kanyang mukha. "Anong daddy?! Ayaw ko ng daddy!"

"Then don't call me baby!"

"Unless I mean it?" he joked.

I dramatically rolled my eyes. "Alam mo dapat hindi na lang kita sinagot! Ang corny
mo!"

He barked a laughter. "Joke lang naman! Ito namang girlfriend ko, napakasungit!" I
smugly looked at him. Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "Pero kahit na topakin
ka, mahal na mahal pa rin kita..."

Tumawa na lang ako upang itago ang muling pagbilis ng tibok ng aking puso. "Ang
harot mo naman!" biro ko.

Ngumisi siya sa akin bago kinuha ang isang kamay ko at hinagkan ang likod nito.
"Shall we go back inside, My Georgianna?" nangingiting tanong niya.
Napanguso ako. "Huwag na... nakakahiya sa parents mo. Nagpaalam na ako, eh. At
saka... nandoon pa 'yong ex mong papansin." Napairap ako sa huli kong sinabi.

Inakbayan niya ako at ninakawan ng halik sa pisngi. "Sige, uwi na lang tayo.
Ihahatid na kita," masiglang sabi niya.

I rolled my eyes but ended up smiling. Sabay na kaming tumungo sa parking lot at
sumakay na sa kanyang sasakyan.

        Kapitulo XXIII - Disgust [My Sweet Surrender]

            Ang mga sumunod na araw ay tila naging isang magandang panaginip para
sa akin. I've never felt this happy in my life before! Akala ko ay kuntento na ako
noong nanliligaw pa lang si Caleb sa akin, pero iba pa rin pala ang pakiramdam
kapag may commitment na sa isa't isa. So ito pala 'yong pakiramdam nang may label,
ano?

Caleb has been visiting me every day at school at madalas ay sabay rin kaming
naglalunch kasama si Ivory. Nagpanggap pa nga siyang hindi niya kilala si Caleb
noong una at tinanong-tanong pa siya ng kung anu-ano kahit naikwento ko naman na
iyon sa kanya dati.

"Kailan kayo nagkakilala nitong best friend ko?" panimulang tanong niya habang
nakahalukipkip at nakatingin nang diretso kay Caleb.

Nangingiting sumulyap sa akin si Caleb. "Noong blood-letting activity niyo,"


kalmadong sagot niya.

Nagtaas agad ng isang kilay si Ivory. "Crush mo na ba siya noon?"

He chuckled a bit. "Secret," natatawang sabi niya kaya sinimangutan ko siya.

Nagkibit-balikat lang si Ivory bago seryosong sumulyap sa akin. "Basta ayaw kong
makikitang umiiyak itong kaibigan ko dahil sa'yo, ah? Naku, malaman ko lang na
niloko o sinaktan mo itong si Gella, malilintikan ka talaga sa akin kahit nasa
gitna ka pa ng giyera!"

Sabay kaming napahalakhak ni Caleb dahil sa sinabi ng kaibigan. Napangiti ako nang
maramdaman ang marahang pagdausdos ng kanyang nakaakbay na kamay mula sa aking
balikat pababa sa aking braso. Nang sulyapan ko siya ay naabutan kong nakangiti rin
siya at nakadirekta sa akin ang nakangiti ring mga mata. I chuckled and slightly
pinched the tip of his nose.

Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Ivory. "Nakakasawa nang maging single! Baka
panahon na para maghanap din ng sundalo!" mapait na sabi niya na siyang
nagpahagalpak sa akin ng tawa.
Ipinakilala ko na rin si Caleb kay Tati noong huli niya kaming binisita rito sa
school. Nagt-trabaho na kasi siya bilang nurse kaya hindi na kami masyadong
nagkikita. Mag-iipon daw muna kasi siya upang makapag-enroll na rin sa medical
school at makahabol sa amin.

Ipinakausap at ipinakilala ko na rin noon si Caleb kay Rafael through videocall.


Kahit kilala na niya ito ay nagkunwari pa rin siyang ngayon lang sila nagkita at
nagkakilala although I'm pretty sure Caleb remembered him. Gulat na gulat pa nga si
Rafael sa ibinalita ko dahil akala niya raw ay wala akong balak sagutin si Caleb.

Habang naglalakad kami papalapit sa kanyang sasakyan ay pasimple kong pinagmasdan


ang kanyang mukha. Dahan-dahan kong pinadausdos ang kamay ko mula sa kanyang braso
patungo sa kanyang kamay bago pinagsalikop ito. Napasulyap siya sa akin at agad
lumambot ang kanyang ekspresyon nang makita akong nakatitig sa kanya.

The first time I met him, I knew he looked like trouble but I never knew trouble
looked so damn fine. He looked like he could easily break someone's heart and maybe
I was ready to break all the damn rules just to be with him, too.

"What's on your mind, baby?" malambing na tanong niya sa akin.

Huminto ako sa paglalakad bago siya hinarap. Napahinto rin siya habang nagtatakang
nakatingin sa akin. Niyakap ko ang kanyang beywang habang pinagmamasdan ang kanyang
misteryoso ngunit maamong mukha. "I'd rather stay in your arms than be anywhere
else," I mumbled before planting a soft kiss on his lips.

The first time our eyes met, I noticed his eyes looked treacherous and mysterious.
I knew it from the way he drifted his gaze at me. Ilang beses kong sinubukang
pigilang mahulog sa kanyang patibong ngunit paulit-ulit lang akong nabigo. I knew
we looked at each other too long to be just friends. And I knew I fell in love with
him so hard that I softened.

He gently cupped my cheeks and kissed me like he couldn't have done anything else.
He claimed my lips like he owned every breath I take. And in that moment, I felt in
my heart that maybe we weren't meant to be together yet my mind also screams that
we're not meant to be apart.

Kung puwede lang sana ay palagi na lang kaming ganito. Kung puwede lang sanang
huminto ang oras at manatili kami sa pagkakataong ito. Kung puwede lang sanang
huwag na lang siyang umalis sa tabi ko. Kung puwede lang sanang humaba pa ang bawat
minuto at oras na magkasama kami. Staying in love with him while not being able to
see him for a year was difficult enough but I still think it's worth the wait. For
me, being with him is like being at home. His arms feel like home and I couldn't
ask for more.

"Everything has been a lot better with you, Georgianna," he whispered against my
ears. "Damn... I'm so into you and I think I'll never be able to get over you in
this lifetime."
I hugged him tightly like my life depends on it. Niyakap ko siya na para bang
makakawala siya sa akin sa oras na bumitiw ako. I hugged him tightly as if this
might be our last. We never know what the future holds for us, but for now I'm
contented that he's here with me now.

Kinabukasan, habang naghihintay sa pagdating ni Caleb ay namataan ko si Allena na


papasok sa lobby kung saan ako naghihintay ngayon. Nang makita niya ako ay kumaway
siya agad sa akin at ngumiti. Nanatili lang ako sa aking kinauupuan habang kunot-
noong pinapanood ang paglapit niya. Anong ginagawa ng babaeng 'to dito?

"Hi, Gella!" masiglang bati niya sa akin nang tuluyang makalapit.

Humalukipkip lang ako at pinagtaasan siya ng isang kilay. "My name is Georgianna.
Close ba tayo?" sarkastikong sabi ko.

Ngumiti siya at inignora lang ang sinabi ko. Naupo siya sa may tabi ko at bahagyang
iniharap ang katawan sa akin. Bumaba ang tingin ko sa inilahad niyang paper bag na
may tatak mula sa isang mamahaling restaurant. "I brought these for you..."
nakangiting sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Para saan?"

Ngumuso siya. "Pagkain mo sa lunch, syempre!"

Muntik na akong mapairap. "Thanks, but no thanks. May kailangan ka ba?"

She nervously chuckled and put the paper bag aside. "W-Wala naman! Gusto ko lang
talagang makipagkwentuhan sa'yo. Catch up lang, gano'n," simpleng sabi niya.

I looked at her with disbelief. "Pinapunta ka ba ni Daddy dito o... may iba ka
talagang sadya sa akin?" nagdududang tanong ko.

Sinimangutan niya ako. "I'm your sister! Gusto ko lang malaman kung kumusta na ang
kapatid ko. Huwag ka ngang paranoid d'yan!" natatawang sabi niya.

I shook my head and immediately stood up. "I don't believe you and please... stop
calling yourself my sister. Kung wala ka naman palang sadya sa akin ngayon, puwede
ka nang umalis dahil wala akong balak makipagplastikan sa'yo. As you can see, wala
talaga akong kuwentang kausap."

Nagulat ako nang bigla siyang humalakhak at tumayo rin mula sa pagkakaupo bago
humarang sa daraanan ko. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay nang mapansin ang
biglang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.

"Well... wala naman akong pakielam kung hindi mo ako i-acknowledge bilang kapatid
mo. To be honest with you, ayaw rin naman kitang maging kapatid. Napipilitan lang
akong gawin ito dahil gusto ni Daddy na magkasundo tayo," aniya bago humalukipkip.
"Hindi ko nga alam kung bakit itinuturing ka pang anak ni Daddy, eh. Ang sama naman
ng ugali mo."

Umangat ang isang gilid ng labi ko. "So pinapunta ka nga ni Daddy dito? Bakit?
Bukod sa makipagplastikan sa akin, ano pang ibang gusto mong gawin dito?"
Humalukipkip din ako at taas-noo siyang tiningnan. "Hindi mo siguro matanggap na
kahit ikaw ang kasama niya sa bahay ay ako pa rin ang hinahanap-hanap niya, ano?
Pathetic."

Nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa galit. Tumuwid siya nang
pagkakatayo. "Just so you know, my dear sister... I'm highly favored by the board
members to be the next CEO of the company. Sabi nila ay siguradong sa akin daw
ipapasa at ipapamana ni Daddy ang stocks niya sa kumpanya—"

I chuckled without humor. "E'di lumabas din ang tunay na kulay mo, Allena. I never
really liked your personality the first time we met until now. Kung totoo sigurong
mabait ka, baka sinubukan ko pang tanggapin ka bilang kapatid ko... pero na-sense
kong plastik at manggagamit ka kaya nagbago agad ang isip ko." I smirked at her.

"W-What did you say?!" halatang nagpipigil ng galit na sabi niya.

"Bakit? Totoo namang pakitang-tao ka lang, 'di ba? Itinatago mo lang 'yong tunay
mong ugali para magustuhan at kampihan ka ng ibang tao. Sorry, pero kung hindi nila
nakikita iyon sa'yo, p'wes ako alam ko ang pakay niyong mag-ina sa Daddy ko simula
noong una pa lang." I smiled sweetly at her. "Why do you look so excited about
inheriting my father's stocks at his company? Dahil kayamanan niya lang naman ang
habol niyo sa kanya—"

Akmang sasampalin niya na ako pero nahawakan at nasalo ko agad ang kanyang pala-
pulsuhan. Hinigpitan ko ang pagkakahawak doon at nakita ko ang paghihirap niya sa
pagpupumiglas sa hawak ko. "Bakit? Masyado na bang totoo ang mga sinasabi ko kaya
wala ka nang ibang magawa kun'di saktan ako?" I chuckled without humor.

Nagulat ako nang biglang mangilid ang kanyang mga luha at nagsimulang humagulgol sa
harapan ko. This two-faced bitch!

Kasunod ng biglaan niyang pag-iyak ay ang pagdagundong ng isang malakas at malalim


na boses sa lobby ng aming school. "Georgianna Isabella, what are you doing?!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nalaglag ang aking panga nang
makita si Daddy na galit na galit habang nagmamartsa papalapit sa amin. Nang
makalapit siya ay marahas niyang inalis ang kamay kong nakahawak sa pala-pulsuhan
ni Allena bago niyakap siya at sinubukang patahanin. Mas lalo siyang nag-inarte
habang yakap-yakap ni Daddy.

"D-Dad..." gulat na sambit ko.


Anger was very evident in his eyes as he looked at me. "Bakit mo sinasaktan ang
kapatid mo?! Dinalhan ka na nga ng pagkain at sinubukang makipag-ayos sa'yo, tapos
ito lang ang ibabalik mo?!"

I scoffed. "Wow, parang utang na loob ko pa pala sa inyo 'to?" sarkastikong sabi ko
bago dinampot ang paper bag na nakapatong sa sofa.. "Salamat po, ah?"

Nakita ko ang pamumula lalo ng mukha ni Daddy dahil sa galit. Bahagya akong
napaatras nang iduro niya ako bigla. "I'm still your father, Georgianna! Wala ka
talagang modo!"

Natahimik agad ako sa kanyang sinabi. Naramdaman ko ang pagbigat ng bawat paghinga
ko at ang panunuyo ng aking lalamunan. Ako pa talaga ang lumabas na masama at
walang respeto ngayon? Great.

"Tito Arnaldo?" Sabay kaming napalingon nang lumapit sa amin si Caleb.

Napataas ang isang kilay ko nang mapansin ang biglaang pagkalma ni Daddy dahil sa
presensya ni Caleb. Muntik na akong mapaismid nang lumambot ang ekspresyon ng
kanyang mukha nang harapin niya ito.

"Caleb? Ikaw na ba 'yan, hijo? Long time no see!" magiliw na bati niya.

"Good afternoon po, Tito..." Sinulyapan niya ako at napansin ko ang pagtatagal ng
tingin niya sa akin. Bumalatay ang pag-aalala sa kanyang mukha. Lumipat ang tingin
niya kay Allena na nag-iiyak iyakan pa rin hanggang ngayon habang pinapatahan ng
ama. "Ano pong nangyari rito?"

"What are you doing here, hijo?" pag-iiba ni Daddy sa usapan. Sinulyapan niya muna
si Allena bago makahulugang ngumisi kay Caleb. "Nandito ka ba para sunduin itong
anak ko?"

Nagulat ako nang maramdaman ang pagdausdos ng kamay ni Caleb sa aking baywang.
Bahagya niya akong hinapit papalapit sa kanya. "Nandito po ako para sunduin itong
girlfriend ko, Tito. Sabay po sana kaming magla-lunch ngayon..." pormal na sagot
niya.

"O-Oh, okay..." Muntik na akong mapairap nang marinig ang kaunting disappointment
sa kanyang boses. "Anak ko rin 'yan, hijo—"

"Mauuna na kami ni Caleb, Dad. Excuse me po," malamig na putol ko sa sasabihin niya
bago hinawakan ang kamay ni Caleb at hinila na siya paalis doon.

The moment I stepped inside his car, tears immediately streamed down my face.
Hinayaan lang akong umiyak ni Caleb sa kanyang dibdib at pinakinggan ang lahat ng
hinaing ko hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.
Kinagabihan ay nakatanggap ako ng isang text message mula kay Daddy.

From: Daddy

Anak, I'm sorry about everything I've said earlier. Sana ay mapatawad mo ako.
Puwede ka bang dumaan dito bukas sa opisina ko bago ka pumasok sa trabaho? Gusto ko
lang sanang makipag-usap at makipag-ayos sa iyo.

Kumunot agad ang noo ko sa kanyang mensahe bago marahas na napabuntong-hininga. I


felt a slight pain in my chest. No matter how hurtful his words were, he's still my
father. Hindi ko pa rin siya magawang pagtaniman ng galit dahil alam kong tao lang
din naman siya at nagkakamali. But I still can never forget everything he did to us
and how he chose his mistress over us. Kahit anong pakikipag-ayos niya pa sa akin
ay hindi ko pa rin magagawang tanggapin ang iba niyang pamilya.

Napatayo agad ang sekretarya ni Daddy nang makita akong papasok sa kanyang opisina.
"Ms. Georgianna, sandali lang po—"

Sinulyapan ko ang oras sa aking wrist watch. "Bakit? May iba bang kausap si Daddy
sa loob? May appointment ako ngayon." Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sunod na
sasabihin at binuksan na agad ang pinto ng kanyang opisina.

Napasinghap agad ako at napapikit nang mariin dahil sa naabutang eksena sa loob ng
opisina. Naabutan kong nakikipaghalikan si Daddy habang nakaupo sa swivel chair sa
isang babaeng nakapatong sa ibabaw biya. Halos maihulog niya ang babae dahil sa
biglaang pagbukad ng pinto at mas lalo siyang nagulat nang makita ako.

Ramdam ko ang mabibigat kong paghinga at ang panginginig ng nakaawang kong mga
labi. Nang humarap ang babae matapos niyang magsuot ng pang-itaas na damit ay
nakilala ko agad siya. Palihim na ngumisi sa akin ang kabit ng Daddy ko habang
pinapaikot-ikot ang ilang hibla ng kanyang buhok sa daliri.

"I-Is this what you wanted to show me, Dad?" I heard my voice trembled. "Kaya mo ba
ako pinapunta dito para lang ipakita sa akin 'to? Is this your way of apology?"

"N-No wait, anak—" Umamba siyang lalapit sa akin ngunit mabilis akong umatras
papalayo.

"Stop..." Mariin akong napapikit at kasabay noon ay ang mabilis na pagtulo ng mga
luha ko. "Stop calling me your daughter. I don't want to see you ever again. From
now on, you're just nothing but a biological father to me." Sinulyapan at tinitigan
ko nang masama ang kanyang kabit na nakangising-aso lang sa akin. "You are...
disgusting."

Padabog kong isinara ang pinto at patakbong naglakad patungo sa elevator. Kahit
nanlalabo ang paningin dahil sa mga luha ay pinilit ko pa ring pindutin ang floor
ng basement. Marahas kong pinalis ang mga luha ko at binuksan ang aking cellphone
upang tawagan si Caleb ngunit hindi niya ito sinasagot. Nagtipa agad ako ng mensahe
para sa kanya.

Ako:

Caleb, can we meet up?

Tinutop ko ang aking bibig upang pigilan ang paglakas ng aking mga hikbi. Mabuti na
lang ay mag-isa lang ako ngayon sa loob ng elevator dahil hindi ko na kayang
pigilan at itago ang emosyong nararamdaman ko. I've never cried in public and this
is the first time I felt so betrayed, ashamed, and extremely disgusted at the same
time.

Napakapit ako sa hawakan ng elevator dahil sa panlalambot ng aking tuhod. The scene
from his office kept replaying on my mind and I couldn't get it out of my head.
Naalala ko bigla ang mga panahong naaabutan kong umiiyak si Mommy pagkauwi niya
galing sa kumpanya. Siguro ay hindi lang ganitong eksena ang naaabutan at nakikita
noon ni Mommy. She doesn't deserve this. No one deserves this.

Ako:

Caleb, please. I need you.

Pinalis ko ang mga luha ko kahit alam kong wala itong tigil sa pagbuhos. Tumunog na
ang elevator hudyat ng pagdating ko sa tamang palapag ng parking lot. Pagkabukas ng
elevator ay wala sa sarili akong naglakad papalabas at natigilan lang nang
maramdaman ang mainit na palad na humawak sa aking braso.

"Gella, what's wrong?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya. Marahan niya akong
hinila sa tabi upang hindi makasagabal sa ibang dadaan. Hinayaan ko ang sariling
ibaon ang aking mukha sa kanyang dibdib habang humahagulgol.

Nang bahagya akong kumalma ay inangat niya ang aking baba at hinuli ang tingin ko.
Marahan niyang pinalis ang mga luhang patuloy na dumadausdos sa aking pisngi.
"Archi..." I croaked.

        Kapitulo XXIV - Distant Memories [My Sweet Surrender]

            "Ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong ko kay Archi nang bahagyang
kumalma.

Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok habang seryosong nakatingin sa akin.
He loosened his navy blue neck tie a bit and folded his sleeves up to his elbows.

"I'm working as an engineer at your company..." he answered.


Marahan akong tumango bago sumimsim sa kapeng in-order niya para sa akin. "Kumusta
na nga pala si Emil? Wala na akong balita roon, ah?"

"Nag-aaral ng masteral sa US. Balak niya raw kasing magtayo ng sariling firm dito
sa Pilipinas," sagot niya.

Namamangha akong tumango. Akalain mo nga naman itong si Emil, dati ay panay lang
pagc-cutting noong senior high. Hindi mo talaga mahuhusgahan ang isang tao base sa
kanilang nakaraan at pinagdaanan.

Muli kaming natahimik nang maubusan nang topic. "Ikaw? Ano nga palang ginagawa mo
rito?" Natigilan agad ako dahil sa tanong niya.

I cleared my throat. "P-Pinapunta ako sa opisina."

Naramdaman ko ang paninimbang sa kanyang tingin sa akin. "Ng... Daddy mo?" I also
felt the hesitation in his voice.

Marahan akong tumango at napaiwas ng tingin nang maramdaman ang muling paninikip ng
aking dibdib. Napasinghap siya bago napaiwas ng tingin sa akin at nagtagis ang
bagang.

"How's med school? Kumusta na ang future doktora namin?" pag-iiba niya sa usapan
matapos ang ilang sandaling katahimikan.

A smile slowly crept into my lips. Akala ko ay magtatanong pa siya kung anong
nangyari at kung bakit niya ako natagpuan sa ganoong kalagayan kanina ngunit hindi
na siya nang-usisa pa. Naramdaman niya rin sigurong hindi ako kumportableng pag-
usapan ang tungkol sa nangyayari sa pamilya ko.

"Ito, stress na sa acads. Gusto ko na agad maging doctor," biro ko.

He chuckled a bit. "May free check up ba ako sa'yo, Doc?"

I raised a brow. "Sure kang gusto mo? Future surgeon pa naman ako," I jokingly
said.

Namilog ang medyo singkit niyang mata kaya natawa ako. "Check up lang naman! Huwag
opera!" bawi niya agad sa sinabi kanina.

I barked a laughter. "Okay, Engineer..."

His eyes gleamed with adoration while watching me laugh. Unti-unting napawi ang
tawa ko nang mapansin ang paninitig niya sa akin.
Binasa niya muna ang ibabang labi bago magsalita. "After all these years... I'm
still in love with you, Georgianna," napapaos na sabi niya.

Napaawang ang aking bibig dahil sa pagkabigla. "Archi..."

Nag-iwas siya agad ng tingin sa akin at bahagyang napayuko. "I-I'm sorry... Just
forget what I've said," he mumbled.

I sighed heavily. Marahan kong ipinatong ang kamay ko sa nakakuyom niyang kamao sa
ibabaw ng lamesa. Unti-unting kumalas ang pagkakakuyom nito at lumambot din ang
ekspresyon ng kanyang mukha nang iangat niya ang tingin sa akin. Nang makita ang
lungkot sa aking mukha ay bumagsak muli ang tingin niya sa aming mga kamay.

"I'm sorry pero... hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo,
Archi. May mahal na akong iba ngayon, eh," maingat na sabi ko.

I saw the pain in his eyes. He slowly nodded and just pursed his lips. Hanggang sa
maihatid niya ako sa sasakyan kong naka-park sa building ng kumpanya namin ay
nanatili lang siyang tahimik at paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin.

"Thank you for comforting me, Archi. Pasensya na sa abala..." nahihiyang sabi ko
nang makarating sa tapat ng aking sasakyan.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "No worries, Gella. Kung kailangan mo ng makakausap
at kaibigan, I'm just one call away..."

I sincerely smiled at him before gently patting his shoulders. Nagulat ako nang
hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya at ibinaba ito. Marahan
niyang pinisil iyon habang nakadirekta sa akin ang namumungay niyang mga mata.

"I've told you what I truly felt earlier to finally get it off my chest,
Georgianna. Gusto ko lang ipaalala sa'yo na deserve mo ang uri ng pagmamahal na
nagtatagal at hindi kumukupas sa paglipas ng panahon..." aniya bago sinserong
ngumiti sa akin. My eyes immediately welled up with tears. "Thank you for being a
good friend to me, too. Please keep in mind that I'm always here for you."

He gently wiped away my tears before pulling me into a hug. Niyakap ko rin siya
pabalik at naramdaman ko ang paggaan ng aking pakiramdam. Hanggang sa makarating
ako sa ospital ay nakatatak sa aking isipan ang mga sinabi ni Archi sa akin kanina.

Habang naglalakad patungo sa laboratory after kong magpalit ng uniporme ay binuksan


ko muna ang aking cellphone. Napakurap ako sa gulat nang makita ang sunud-sunod na
mensaheng natanggap ko mula kay Caleb kanina. Bago ko pa ito simulang basahin isa-
isa ay nagring ang phone ko. Agad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni
Caleb.
"Hello?" Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa kabilang linya.

Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. "Sorry kung hindi ko
nasagot ang mga tawag at texts mo kanina. May pinuntahan kasi akong meeting kasama
si Papa. Kakauwi lang namin ngayon..." he trailed off. "May problema ba? What
happened? Puwede ba kitang puntahan d'yan ngayon?"

Naramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. I forcefully closed my eyes and


tried to breathe slowly. "I'm already fine, Caleb. I'm sorry for bombarding you
with calls and texts earlier..."

Lumipas ang ilang minutong hindi siya nagsasalita mula sa kabilang linya kaya
nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa laboratory. "Nasa ospital ka ba ngayon?
Nakakaistorbo ba ako?" napapaos na tanong niya.

"No, actually... kakarating ko lang. Bakit ka nga pala napatawag?"

"I'm just worried about you..." aniya.

I swallowed hard. "Ayos lang ako, Caleb. May nangyari lang na hindi maganda kanina
pero ayos naman na ako."

I heard a couple of long sighs before he finally spoke again. "Babalik na ako
bukas..."

Agad akong napahinto sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Napaawang ang aking bibig
at naramdaman ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso ko. I swallowed hard when I
realized what he meant by that.

"Would you like to come with me tomorrow?" tanong niya na siyang nagpabalik sa akin
sa reyalidad.

Napakunot ang noo ko. "Huh? Saan? S-Sasama ako sa loob?"

He chuckled softly. "No, baby. Ihahatid mo lang ako sa labas."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa mas malinaw niyang paliwanag. Pinaglaruan ko
gamit ang aking daliri ang suot kong dog tag necklace na ipinasuot at inihabilin
niya muna sa akin. "Okay..."

"See you tomorrow, my Georgianna..." he said in a husky voice.

I bit my lower lip to suppress a smile. "Okay... I'll see you tomorrow."
Pagkatapos ng aking shift ay umuwi muna ako sa bahay. Matapos kong mai-park nang
maayos sa garahe ang sasakyan ko ay sinalubong agad ako ni Mommy. Bumeso muna ako
sa kanya. "Oh, kailan daw bibisita ulit dito ang boyfriend mo?" magiliw na tanong
niya.

Muling bumalik sa aking isipan ang nasaksihang eksena sa opisina ni Daddy kanina
kaya hindi agad ako nakasagot. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Nagulat ako
nang mapansin agad ni Mommy ang pananahimik ko.

Bumalatay ang pag-aalala sa kanyang mukha. "What's wrong, anak? May problema ba
kayo ni Caleb? Sa school ba? O sa trabaho?" sunud-sunod na tanong niya.

I forced a smile and shook my head. "Nothing, Mom." Hinagkan ko ang kanyang pisngi
bago niyakap siya nang mahigpit. "I love you..."

Hanggang sa makapasok kami sa bahay ay hindi niya pa rin ako tinitigilan sa kanyang
mga tanong ngunit naililihis ko naman agad ang usapan. Pagkapasok ko sa aking silid
ay naligo at nagbihis agad ako bago humiga sa aking kama. Mabilis naman akong
hinila ng antok dahil sa pagod.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga kong ihahatid si Caleb ngayon bago
ako tumungo sa trabaho. It's Caleb's fourth and last year in the military academy
and the next time he'll come back home, he would officially be a part of the army.

Nang lumabas ako sa bahay ay naabutan ko siyang nakasandal sa pintuan ng sasakyan


ko at nakatingin sa malayo. Sasakyan ko kasi ang dadalhin namin ngayon dahil hindi
naman puwedeng ako ang mag-uwi ng sasakyan niya. At saka, didiretso agad ako sa
ospital pagkatapos ko siyang maihatid.

I took the time to admire his well-developed physique while wearing his military
uniform. Hindi ko alam noon na malakas pala ang dating ng mga lalaking nakasuot ng
uniporme ng sundalo hanggang sa nakita ko siyang suot iyon. Nang magtama ang aming
tingin ay hindi ko na napigilan ang pagngiti. Boyfriend ko ba talaga 'to? Good
samaritan ba ako noong past life ko kaya pinagpala ako ng ganito kagwapong
boyfriend?

Nang makalapit ako ay hinagkan niya ako sa aking pisngi. Pinagbuksan niya ako ng
pinto ng sasakyan at hinintay makapasok. Akala ko ay isasara niya na agad ang pinto
ngunit naabutan ko siyang nakapanood sa akin.

"How can you be more beautiful each time I see you?" seryosong tanong niya.

I pouted my lips to suppress a smile. Namilog ang mata ko nang bigla niya akong
nakawan ng halik sa labi. Tatawa-tawa niyang isinara ang pinto sa side ko at
mabilis na umikot patungo sa driver's seat. Medyo madilim pa sa labas dahil maaga
kaming tutungo ngayon sa kampo.

"Pag-uwi mo dito, doctor na ako," biro ko sa kanya habang seryoso siyang


nagmamaneho.

He chuckled a bit and glanced at me. "Bakit? I-aadvance ka na raw ba bukas sa 4th
year?" pagsakay niya sa biro ko.

Napairap ako. "Ang yabang naman! Porke't pag-uwi niya dito 2nd Lieutenant Caleb
Atticus Avanzado na siya," I teased him.

Hanggang sa makarating kami sa kampo ay nagkukuwentuhan at nag-aasaran lang kaming


dalawa. Bumaba na kami mula sa sasakyan at hawak-kamay na naglakad patungo sa main
entrance. Huminto lang kami nang makarating sa tapat ng gate. Nanatili ang
katahimikan sa pagitan naming dalawa habang nakatingin sa isa't isa.

Ito nga pala ang unang beses na inihatid ko siya sa kampo bago siya pumasok. Ngayon
ay naiintindihan ko na kung bakit ayaw niyang inihahatid ko siya tuwing umaalis
siya. I didn't know watching him leave could be more painful than just knowing when
he'll leave.

Kahit nangingilid ang mga luha sa mata ay pinilit kong ngumiti sa kanya. Bumaba ang
tingin niya sa kamay kong kumalas sa pagkakahawak niya. Dahan-dahan kong hinubad
ang dog tag necklace sa aking leeg at inilipat iyon sa kanya. Nang magtamang muli
ang aming tingin ay kumislap ang luha sa kanyang mata. Pinalis ko ang ilang
nakatakas sa kanyang pisngi habang tahimik na pinagmamasdan ang bawat detalye ng
kanyang mukha.

"Ayoko pang umalis..." napapaos na sinabi niya.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "But you have to... Konting tiis na lang, Caleb."

He gently grabbed my waist and pulled me closer to him. Napapikit ako nang marahan
niyang hagkan ang aking sentido. "I want to take you to my hometown again. I want
to take you to the beach. Or watch movies with you. Or maybe take you to a picnic.
I want to be with you a little longer..." Natunugan ko ang lungkot at sakit sa
kanyang tinig.

Isinandal ko ang ulo sa kanyang dibdib at ipinikit ang aking mga mata. Hinayaan
kong lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi habang pinapakinggan ang mabilis na
tibok ng kanyang puso. "Babawi na lang tayo pag-uwi mo..." mahinahong sabi ko.
"Maghihintay ako, Caleb."

Hinagkan niya ang ibabaw ng ulo ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap sa
akin na tila ba mawawala ako sa mga bisig niya sa oras na bumitiw ako. Napangiti
ako nang malungkot nang may mapagtanto.

Life is nothing but moments. Every time you spent with your loved ones is just a
moment. The argument you had with your friends or even your family is just a
moment. Every ups and downs and everything in between is just a moment. Ang bawat
oras na kasama mo ang mga taong mahalaga sa buhay mo ay isa lamang pagkakataong
ipinagkaloob sa atin. Maaaring maalala mo ang mga pagkakataong ito at maaari ring
hindi, but what you will remember for sure are the people whom you've spent those
moments with and the way you felt.

In this lifetime, life is just a moment. Maaaring bukas ay kasama mo ang mga taong
mahal mo at maaari ring bukas ay wala na sila sa tabi mo. Appreciate the moment
you've been given and the people you've been given to spend it with because no
matter how beautiful or sad a moment is, it always ends. Nothing lasts forever so
you just have to appreciate and enjoy it before it's gone.

"Tati, nakausap mo na ba 'yong may-ari ng café?" tanong ko sa kanya.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa kabilang linya bago siya muling magsalita.
"Oo, girl! Pumayag naman 'yong may-ari. Tinatanong lang kung anong araw ba ang
gagawing reservation."

I sighed. "Hindi ko pa kasi alam kung kailan ang eksaktong uwi ni Caleb, eh.
Madalas kasi siyang umuwi every May or June. April pa lang naman ngayon kaya hindi
pa rin ako sigurado. Next month na kasi ang first anniversary namin at iyon din ang
posibleng uwi niya rito after his graduation."

"Okay. Mamaya na lang tayo mag-usap, 'teh! May kailangan lang akong asikasuhin.
Alam mo naman..." makahulugang sabi niya. "Balitaan mo na lang ako kung kailan ang
uwi ni poging sundalo, ah? Ako na ang bahala sa pag-aasikaso sa reservation ng
café. Tutulong na lang ako sa pagdedecorate niyo if ever."

I chuckled a bit. "Okay! Ikumusta mo na lang ako kay Amadeus..." nangingiting sabi
ko. "Thank you, Tati!"

Itinago ko na ang cellphone ko sa bag matapos patayin ang tawag at bumalik na muli
sa pagrereview.

Kung sa June pa ang uwi ni Caleb, e'di idedelay rin muna namin ang celebration
namin. Kasama ko sa pagp-plano para sa gagawing surprise ang mga kaibigan kong sila
Tati at Ivory. Si Rafael naman ang nagbibigay sa amin ng ideas through videocall
dahil expert daw siya pagdating sa mga ganito. Naisip kong pagsabayin na lang ang
celebration namin para sa graduation niya at ang surprise ko sa kanya para sa
anniversary namin.

"Girl, patingin nga ako ng notes mo sa General Pathology. Nawawala kasi 'yong kopya
ko sa last lecture," sabi ni Ivory.

Kinuha ko mula sa bag ang aking notebook at ipinahiram iyon sa kanya. Nag-angat ako
ng tingin nang makitang lumapit din si Daniel sa akin. "Ano?"

He boyishly smiled at me. "Pahiram ako ng notes mo sa Parasitology, Gella..."


Kukunin ko na sana ang notebook ko mula sa bag ngunit pinigilan agad ako ni Ivory.
"Aba, hindi ka pa rin talaga tumitigil, ano?"

Sinimangutan niya si Ivory. "Bakit? Nanghihiram lang naman ako ng notes!" depensa
ni Daniel sa sarili.

Ivory scoffed. "At sa tingin mo paniniwalaan kita? Alam naman naming lahat na may
gusto ka kay Gella! Para-paraan ka lang!"

Marahas na bumunot ng hininga si Daniel. "Ano naman ngayon, kung ganoon nga?" aniya
bago sumulyap sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan silang magtalo roon. Ibinalik ko na ang


tingin sa reviewer ko ng Pharmacology at nagpatuloy na lang sa pagbabasa.

"May boyfriend na nga si Gella! Ano bang hindi mo maintindihan doon?!" halatang
naiiritang sabi ni Ivory.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Daniel. "Mag-asawa nga naghihiwalay,


magboyfriend pa kaya?" sarkastikong sabi niya bago umalis at nilubayan na lang ako.

Napasinghap ako sa sinabi niya at pinilit na lamang intindihin ang binabasa.


"Administer librium during alcohol withdrawal. Administer diuretics in the morning
so patient doesn't constantly wake up to urinate."

Tumigil na ako sa pagrereview nang dumating na ang aming professor sa Pharmacology.


Magkakaroon kami ng sunud-sunod na long quiz ngayon in preparation for our final
examination next week.

Habang naglalakad papalabas ng building ay maya't maya ang pagbuntong-hininga ko


dahil sa pagod buong araw. Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay na sa aking
Wildtrak upang tumungo papunta sa pinakamalapit na mall upang mamili ng mga
kakailanganin ko para sa isang project. Mamimili rin ako sa supermarket dahil ubos
na ang mga pagkain ko sa condo.

Sa kalagitnaan ng pamimili ko sa supermarket ay nagring ang cellphone ko. Kumunot


ang noo ko nang makitang tumatawag si Skylen sa akin. Sinagot ko ito agad. "Hello,
Sky?"

"Ate, uuwi ka ba ngayon dito sa bahay?" tanong niya mula sa kabilang linya.

Nagpatuloy ako sa pagtutulak ng push cart patungo sa frozen section. Inilipat ko sa


kabilang tainga ang aking cellphone upang gamitin ang kabilang kamay sa pagpili ng
frozen meat. "Sa condo ako uuwi ngayon, eh. Bakit mo natanong?"

"Wala naman... Namiss lang kita, Ate." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Marami kasi akong gagawin mamaya, eh. Babawi na lang ako sa'yo sa rest day ko. O
kung gusto mo... puwede kang magsleep-over sa condo ko. Gusto mo sunduin kita?"
tanong ko habang nagtutulak ng push cart patungo sa snack section.

"Talaga, Ate? Papayagan kaya ako ni Mommy?"

Natigilan ako sa pagtutulak ng push cart nang mamataan ko si Allena. Napansin kong
may kausap rin siya sa cellphone at mayroong dalang maliit na basket. Hindi ko na
siya naabutan nang lumiko siya. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na lang
sa pamimili ko. Bakit ko nga ba pag-aaksayahan ng oras ang babaeng iyon? Ano namang
pakielam ko kung namimili rin siya ng grocery para sa 'pamilya' niya?

Pagkatapos kong mamili sa supermarket ay napagpasyahan ko munang maglibot-libot sa


mall at tumingin-tingin sa mga shops. I was about to enter the department store
when I saw a familiar physique standing in front of a restaurant.

My heart pounded in anticipation while watching his side profile from afar. Habang
naglalakad papalapit sa kanya ay natigilan ako nang mapansing may kausap siya.
Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib nang makilala kung sino iyon. Palihim
akong nagtago sa gilid at kunot-noo silang pinanood mula sa malayo.

Napansin kong umiiyak si Allena at parang may sinasabi siyang importante o


emosyonal kay Caleb. Bumuntong-hininga ako at pilit na pinakalma ang sarili. Wala
lang ito, nag-uusap lang silang dalawa, Gella... Open your eyes and be matured
enough to understand the situation calmly.

Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ng aking uniporme at kalmadong nagtipa ng


mensahe para kay Caleb.

Ako:

Caleb, kailan ang uwi mo? Please text me once you've received this message. I miss
you...

Nang mai-send ang text message ko ay ibinalik ko ang tingin sa kanila. Pinanood ko
ang pagtigil ni Caleb sa pakikipag-usap kay Allena upang basahin ang mensahe ko.
Nabitin ang aking paghinga nang makitang itinago niya ang kanyang phone sa bulsa
bago ibinalik agad ang atensyon kay Allena.

Sinulyapan ko ang phone ko at nakitang wala siyang reply sa akin. Tears started to
form in my eyes but I kept my composure. Wala lang ito, Gella. It's not like he
wanted to see Allena right after he went home, right? May dahilan ito... sigurado
ako. Hindi ito katulad ng naiisip mo.

Nalaglag ang panga ko nang biglang lumapit si Allena sa kanya at mariin siyang
hinalikan. Hinapit pa niya ang batok ni Caleb papalapit sa kanya. Sunud-sunod na
pumatak ang mga luha ko nang makitang hindi man lang kumibo si Caleb upang itulak
papalayo si Allena hanggang sa bumitiw ito.

Sunud-sunod akong napailing dahil sa nakikita. I forcefully shut my eyes and tried
to calm myself down. Hindi... hindi ito ginusto ni Caleb. Wala lang ito. Si Allena
ang nag-initiate ng halik na 'yon. This is not his fault. Nabigla lang din siya.

Dahan-dahan akong napaatras nang muling hinalikan ni Allena si Caleb. Nanginig ang
mga labi ko habang pinapanood ang mas mapusok nilang paghahalikan. Tinutop ko ang
aking bibig upang pigilan ang paglakas ng mga hikbi. Bumaba ang tingin ko sa kamay
ni Caleb na humawak pa sa braso ni Allena na tila ba gusto niya pa itong hapitin
papalapit sa kanya.

I wanted to forcefully grab and slap her hard but I chose not to. I wanted to drag
her out of the mall but I didn't. Gusto ko siyang saktan upang mapantayan ang sakit
na nararamdaman ko ngayon pero hindi ko ginawa. I have a lot of words to say to
him, too, but I didn't and just kept it all inside.

Distant memories of my father being with his mistress inside his office resurfaced
on my mind. Distant memories of my father walking away and leaving us behind
invaded my mind. Distant memories of me, begging for him to come when I needed him
the most but he didn't, clouded my mind. I felt everything at once like I was
drowning beneath the waves until I felt nothing at all.

Hindi ko na namalayang nakapagdrive na pala ako pauwi at nakarating na sa aming


bahay. Hindi ko pa naipapark nang maayos ang sasakyan ko sa garahe ay bumaba na ako
at pumasok sa bahay. Sinalubong ako ng kapatid ko at agad napawi ang ngiti niya
nang makita ang ekspresyon sa aking mukha.

Muling bumalik sa aking alaala ang sinabi niya noon tungkol kay Caleb. Naramdaman
ko ang paninikip ng aking dibdib at pangingilid muli ng aking mga luha.

"Skylen, you're right..." napapaos na sabi ko.

"Right about what?" Nalilito niya akong tiningnan. Lumapit siya sa akin at pinalis
ang mga luha ko. "W-What happened, Ate?"

Umiling ako at ibinaon na lang ang aking mukha sa kanyang dibdib. Hinayaan niya
akong umiyak doon hanggang sa mapagod ako.

        Kapitulo XXV - End [My Sweet Surrender]

            Kinabukasan ay hindi muna ako pumasok sa school dahil masama ang


pakiramdam ko. Nagising lang ako dahil sa sunud-sunod na pagtunog ng cellphone ko.
Sinilip ko ito at nakitang mayroon akong ilang unread messages mula kay Caleb.

From: Caleb Avanzado


Nakauwi na ako. Pumunta ako sa school mo kanina pero wala ka roon. Masama ba ang
pakiramdam mo? Do you want me to bring over some meds?

Napatiim-bagang agad ako sa mensahe niya. Kahapon pa siya nakauwi pero ngayon lang
siya nagsabi? So sino 'yong nakita ko kahapon? Doppelganger niya?

From: Caleb Avanzado

Saan ka nags-stay ngayon? Pumunta ako sa condo mo pero walang sumasagot. Kakagaling
ko lang din sa bahay niyo kanina pero sabi ng kapatid mo ay hindi niya raw alam
kung nasaan ka dahil akala niya ay pumasok ka sa trabaho.

I sighed heavily. Binilin ko kasi sa mga kasambahay lalong-lalo na kay Skylen na


kapag hinanap ako ni Caleb dito sa bahay ay sabihin niyang busy ako sa school o
kaya sa trabaho. Hindi na nagtanong pa sa akin ang kapatid ko kagabi at tila may
kaunting ideya na siya sa nangyari sa amin. Ipinagpasalamat ko naman na hindi na
siya nagtanong pa dahil hindi ko alam kung kaya ko bang ikuwento sa kanya iyon lalo
na't sariwa pa ang sakit na nararamdaman ko. I'm honestly surprised he did not
confront Caleb when he came here. Paniguradong matinding pagpipigil ang kanyang
ginawa upang huwag siyang saktan dahil sa akin.

From: Caleb Avanzado

I went to the hospital, too. Sabi nila ay wala ka raw duty ngayong araw. Please
text me back as soon as possible. I'm really worried, Georgianna.

Tears started to pool in my eyes and my vision became blurry while reading his
messages over and over again. I've never met someone who can gently destroy me as
much as he can do. I knew I was playing with fire when I fell in love with him and
I couldn't blame him for getting burnt by his flame.

Ilang araw akong hindi nakapasok dahil madalas ay masama ang pakiramdam ko. Caleb
never stopped bombarding me with texts and calls until I was left with no choice
but to turn my phone off.

Mabilis na lumipas ang mga araw nang hindi ko namamalayan at ngayon ay exam week na
namin. Sinubukan ko namang mag-focus sa pag-aaral kagabi ngunit madalas ay nawawala
ang atensyon ko dahil sa lalim ng mga naiisip.

Skylen frequently visited me in my condo just to bring me foods and check on me


from time to time. Sa tuwing naiisip ko kung paano ko nagawang ignorahin ang
kapatid ko tuwing nag-eeffort siyang puntahan ako rito ay nakokonsensya ako. Hindi
niya rin naman ako kinulit at tahimik lang siyang nakamasid sa akin. Hindi rin siya
tumigil sa pagbisita at pagdadala ng pagkain sa akin dahil madalas ay nakakalimutan
ko nang kumain dahil sa pagpupumilit magfocus sa pag-aaral at trabaho. Hindi rin
muna ako umuuwi sa bahay tuwing weekends dahil alam kong hindi ako titigilan ni
Mommy hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang kalagayan ko.
"Gella, gusto mo bang samahan kitang magreview sa inyo mamaya?" tanong sa akin ni
Ivory habang naglalakad kami pababa sa lobby ng school.

Ngumiti ako nang pilit sa kanya. "Huwag na, Iv. May duty ako ngayon sa ospital, eh.
Babawi kasi ako sa absences ko last week."

Halatang nabigla siya sa sinabi ko kaya hindi agad siya nakasagot. "Pero... exam
week natin ngayon, 'di ba? Hindi ka naman nagduduty o nagt-trabaho tuwing may exams
tayo dati. Magleave ka muna kaya this week para makapagfocus ka sa finals? O gusto
mo ako na lang ang magsabi? Ako na ang bahala sa—"

Hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan siya. "Ivory, ayos lang talaga ako.
This is my way of coping up with everything I've been going through right now. I
wanted to keep myself busy these days. At isa pa... nagrereview naman ako habang
nasa trabaho kaya ayos lang siguro."

Bumalatay ang pag-aalala sa kanyang mukha. Halata rin ang paninimbang sa kanyang
tingin sa akin. "Gella, nag-aalala na kasi talaga ako sa'yo... You know you can
always talk to me, right? You can share your burdens with me. Mas maganda kung
hindi mo sasarilihin ang lahat ng problema mo. Makikinig naman ako..."

I sincerely smiled at her. "Magiging okay din ako..."

She smiled weakly at me. Napatigil ako sa paglalakad palabas ng lobby nang mamataan
si Caleb sa may tapat ng entrance. Agad akong napaatras at napansin naman iyon agad
ni Ivory. "May problema ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin nang mapansin ang
biglaang pagkabalisa ko.

"Iv, mauna ka na. M-May naiwan pa pala ako sa loob," nagmamadaling sabi ko. Hindi
ko na hinintay pa ang sagot niya at patakbo nang pumasok pabalik sa loob ng
building.

Dumiretso ako sa CR at pumasok sa isang bakanteng cubicle. Napasandal ako sa pinto


pagkasara at napahawak sa aking dibdib nang maramdaman ang malakas at mabilis pa
ring pagkabog ng puso ko. Sinubukan kong pakalmahin ang aking paghinga ngunit tila
kinakapos ako. My vision suddenly became blurry because of my tears. Nagpalipas
muna ako nang ilang sandali sa loob ng cubicle at nang kumalma ay lumabas na ako
bago naghilamos ng aking mukha.

Tinitigan ko ang buong repleksyon sa salamin at nakita ang malaking pagbabago roon.
Today, I realized that I have stopped living my life. I was just waiting for each
day to pass by and just living with the thought of tomorrow. My whole life is
falling apart in front of me and all I can do is stare blankly. I'm not living my
life anymore, I was just waiting. Naghihintay sa isang bagay na hindi ko rin naman
alam kung ano.

Hanggang sa matapos ang exam week ay nagpatuloy lang ako sa routine ko. Araw-araw
akong dumuduty sa ospital at sa condo lang ako umuuwi palagi. That same year, I
failed one of my major subjects because of my failing grade in my final exam. Sa
kabutihang palad ay nakapasa naman ako sa ibang subjects ko. Sa Pharmacology lang
talaga sumabit ang grade ko.

Kinausap din ako ng dean namin tungkol doon at sinabi niya sa akin na tatanggalin
daw ang scholarship ko para sa susunod na semester dahil sa isa kong bagsak na
grade. He informed me that I also had to take supplementary exams and summer
classes to make up for it. Dahil doon ay nagdoble-kayod ako sa pagt-trabaho upang
makaipon para sa susunod na taon. Halos hindi na rin ako umuuwi sa condo dahil
madalas akong nagt-trabaho sa ospital. Hindi pa rin ako nagkakaroon ng lakas ng
loob na magpakita sa aming bahay.

Tuwing binubuksan ko ang phone ko ay inu-update ko si Mommy na busy lang ako sa


trabaho at pag-aaral kaya hindi ako nakakauwi. Of course, I didn't tell her about
my failing grade and scholarship. I don't want to disappoint her lalo na't
pinagpilitan kong ipaglaban ang pag-aaral ko ng medisina imbis na sundin ang gusto
niyang kurso noon para sa akin.

I also received a lot of text messages from Caleb everyday, too. Araw-araw ay inu-
update niya ako tungkol sa lahat ng ginagawa niya. Palagi niya rin akong
kinukumusta at sinasabi kung gaano niya ako ka-miss. His last text message broke my
heart and made me feel a bit relieved at the same time.

From: Caleb Avanzado

It's been almost a year and a half since I last talked to you. I miss you more each
day, Georgianna. Please tell me what's wrong. I hope we can still talk about it and
fix it. Aalis na ako next Saturday para sumabak sa training bilang parte ng army.
Sana ay makita kita bago ako umalis...

Nakatanggap din ako ng ilang mensahe mula sa mga kaibigan ko, lalong-lalo na kay
Tatiana. Isang beses ay binisita niya ako sa ospital pagkatapos ng duty ko kasama
si Ivory. Nang makalapit siya sa amin ay tinitigan niya lang ako.

Nanatili kaming walang imik sa isa't isa hanggang sa makarating kaming tatlo sa
condo ko. Balak pala nilang samahan ako rito ngayong gabi. Nanood kami ng isang
movie at kumain ng snacks. Nang matapos ang pelikula at naging kulay itim na ang
screen ay natulala ako at naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Nang balutin ako
ng yakap ni Tatiana ay doon na bumuhos ang lahat ng emosyon ko. Nanatili lang
silang tahimik habang hinahayaan akong umiyak sa mga bisig nila.

Ikinwento ko sa kanila ang lahat ng nararamdaman at nakita ko noong araw na iyon.


Nakikinig lang sila sa akin habang nagkukwento ako ngunit ramdam ko ang namumuo
nilang iritasyon. They didn't talk the whole time I was telling my side of story
and I was actually very thankful for that. Gusto ko lang talagang mailabas ang
bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko na rin alam kung hanggang kailan ko pa
kayang sarilihin ito.

On my last week of summer classes before my third year in medical school, I


accidentally bumped into Caleb at the lobby of the hospital. Gusto ko sanang
tumakbo o umiwas katulad ng madalas kong ginagawa sa mga nakalipas na buwan, ngunit
wala akong magawa ngayon kun'di ang manatili sa aking kinatatayuan dahil nasa
harapan ko na siya.

Nagtagal sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Pilit kong nilabanan ang
intensidad ng kanyang tingin sa akin kahit sa loob ko'y nanghihina na ako. I pursed
my lips to hide its trembling. My heart pounded in a mixture of pain and
anticipation. Ang makita at makasalubong siya ngayon ay ang pinakahuli kong gustong
mangyari para sa araw na ito. I remembered that today was his last day of vacation
and this is my last day of summer classes, too. Destiny played its trick on me
again, huh?

"Georgianna..."

Gusto kong mapasinghap nang tawagin niya ang pangalan ko ngunit pinanatili kong
blangko ang ekspresyon ng mukha ko. I never knew hearing his voice would be this
soothing and I never realized I've been longing to hear it.

"Caleb," kalmadong sambit ko.

I saw a mixture of pain and longing in his eyes. Napansin ko rin ang paninimbang sa
paraan ng kanyang pagtingin sa akin. Makalipas ang ilang sandali ay muli siyang
nagsalita. "May problema ba tayo?" diretsong tanong niya.

I swallowed the lump in my throat. Naramdaman ko ang biglaang panunuyo ng lalamunan


ko at ang pagkaubos ng mga salitang nais ko sanang ibato sa kanya noon. I have
already played this scenario a lot of times in my head but I didn't know it would
be this hard in reality.

Matapang kong nilabanan ang kanyang tingin sa akin. "Wala..." mahinahong sagot ko.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Then why did you suddenly cut me off?"

"I was busy," simpleng sagot ko.

I was busy taking deeper breaths. I was busy distracting myself. I was busy finding
a way to relieve my anxiety. I was busy silencing all my irrational thoughts. I was
busy watching my whole world fall apart. And I was busy telling myself it will all
be okay.

He chuckled without humor. His more intense gaze sent shivers down my spine. "Busy?
Then why didn't you just tell me? Puwede mo namang sabihin sa akin iyon, Gella.
Maiintindihan ko naman kung sinabi mo agad. Why did you have to ignore all my texts
and calls?"

Pinukulan ko siya ng matalim na tingin. "Puwede ba, Caleb? Nawala ka nga ng isang
taon na wala akong natatanggap na balita mula sa'yo, pero itong ilang buwan lang
akong hindi nakapagparamdam sa'yo ay nagagalit ka na?" I scoffed out of disbelief.

Lumambot agad ang kanyang ekspresyon dahil sa sinabi ko. Sinubukan niyang abutin
ang siko ko ngunit marahas ko itong iniwas sa kanya at matalim siyang tinitigan.

"I'm sorry..." napapaos na sinabi niya. "May problema ba? Kailangan mo ba ng


tulong? I can help you if you want—"

"I don't need your help, Caleb. I don't need anyone's help," mariing sabi ko.

Nakita ko ang sunud-sunod na paggalaw ng kanyang Adam's apple. He forcefully shut


his eyes. Nang imulat niya ang mga mata ay muli niya itong idinirekta sa akin.
"Baby, please tell me what's bothering you... We can fix this. Ayokong nag-aaway
tayo. Let's talk about this, okay?"

Tears unintentionally pooled in my eyes. "Ayoko na, Caleb. Pagod na pagod na akong
maghintay sa'yo. Let's just end this..."

Sunud-sunod siyang napailing na tila ba ayaw tanggapin ang mga sinabi ko. Nangilid
ang kanyang mga luha sa bahagyang namumulang mata. "Georgianna, please... Alam kong
nasasabi mo lang 'yan dahil pagod ka. Please rest for a while, okay? We'll talk
about this tomorrow—"

"Bukas?" I chuckled without humor. Marahas kong pinalis ang mga luha ko. "Pag-
uusapan natin 'to 'bukas'? Eh, 'di ba aalis ka na ulit bukas? Saan natin pag-
uusapan kung gano'n? Sa loob ng kampo niyo? Sa harapan ng commander niyo? P'wede
ba, Caleb?"

"I can delay it for you—"

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Caleb? 2nd Lietuenant ka na! You're officially part
of the Philippine army! This is what you've always dreamed of! This is what you've
trained for four years! Ipagpapalit mo lang ba iyon para sa akin? Ang babaw mo
naman pala..."

I saw the frustration in his eyes. "Georgianna, mahal kita at kayang-kaya kong
gawin iyon para sa iyo—"

"'Yan ba ang depinisyon ng pagmamahal para sa'yo?" Bahagya akong umatras papalayo
sa kanya. "Well, sorry but I don't want it. Hindi ko kailangan ng sakripisyo mo,"
sabi ko bago umiling.

Natahimik siya agad dahil sa sinabi ko. Napansin ko ang pagbigat ng kanyang
paghinga kasabay ng pagtakas ng ilang luha sa gilid ng kanyang mata.

I stared at him blankly. "Alam mo kung anong na-realize ko noong mga panahong wala
ka? Naisip ko na baka temporary lang pala ito. Na baka temporary lang pala itong
nararamdaman ko. Na baka nabigla lang ako noong sinagot kita. Because it was just
the same for me... I see no difference when you were courting me and when we're in
a relationship," malamig na sinabi ko.

"Georgianna..." napapaos na sambit niya.

Pinalis ko ang panibagong luha na kumawala mula sa aking mata. "Na-realize ko na sa


una lang pala talaga masaya. Sa una lang talaga may thrill at excitement. Siguro
dahil sa una lang naman talaga tayo palagi dahil walang gitna at huli. Pakiramdam
ko walang patutunguhan 'tong relasyon na 'to..."

Sinubukan niyang hulihin ang braso ko ngunit patuloy ko itong iniiwas sa kanya.
"Georgianna, please calm down... Magpahinga ka muna," halos nagmamakaawang sabi
niya.

Marahas kong pinalis ang mga luha kong walang tigil sa pag-agos. "Mas mahaba pa
'yong mga oras na ginugugol ko sa paghihintay sa pagbabalik mo kaysa mga panahong
nandito ka sa tabi ko. Pagod na ako, Caleb..."

"Georgianna, please..." Sinubukan niyang palisin ang mga luha ko ngunit iniwas ko
agad ang mukha ko. "Pag-usapan na lang natin ito sa susunod—"

"Susunod?" I laughed sarcastically. "Kailan pa? Sa susunod na taon? Sa susunod na


bakasyon mo? Isang taon pa? Dalawa? Pagod na akong maghintay sa bawat pagbabalik
mo, Caleb! Pagod na akong panoorin ang pag-alis mo! Hindi mo alam 'yong
nararamdaman ko kasi hindi naman ikaw 'yong naiiwan dito!"

"Calm down, please... Just please rest for a while and we'll talk about this later
—"

"Ano pa bang hindi malinaw sa mga salitang 'Ayoko na' at 'Pagod na ako'? Kailangan
ba ulit-ulitin ko pa?" sarkastikong sabi ko.

Marahas siyang humugot ng hininga. Huminga siya nang malalim bago ibinalik ang
tingin sa akin. Tears slowly streamed down his face while watching me.

I sighed deeply. "Umalis ka na, Caleb," pinal na sabi ko.

I saw the hesitation and pain in his eyes. Ilang sandaling nagtagal ang naninimbang
niyang tingin sa akin. "I'll come back for you and we'll talk about this again..."
halatang labag sa loob na sabi niya.

"Wala ka nang babalikan," malamig na sinabi ko bago siya nilagpasan at dire-


diretsong naglakad palabas ng lobby ng ospital.
        Kapitulo XXVI - Survived [My Sweet Surrender]

            Imbis na umuwi sa condo upang magpahinga at magdrama tungkol sa


nangyari noong araw na iyon ay pinili kong ibuhos ang lahat ng aking oras sa pagt-
trabaho. Halos buong araw akong nagduty sa ospital hanggang sa lumagpas na ang
bilang ng oras na kailangan kong punan ngayong linggo.

"Hindi ka pa rin ba uuwi, Gella?" tanong sa akin ni Ivory nang madaanan niya ako
pagkagaling niya sa locker room. Halatang kakatapos niya lang maghanda sa pag-uwi
dahil bihis na siya. "Kahapon ka pa rito, ah? Bawing-bawi ka na masyado. Magpahinga
ka naman..."

"Naligo naman ako kanina," I joked. Nanatiling seryoso ang kanyang mukha kaya
napawi agad ang ngiti ko. "Fine... Hihintayin ko lang 'yong kapalitan ko ng shift
tapos uuwi na agad ako sa condo."

Humalukipkip siya. "Kailan mo balak umuwi sa bahay niyo? Ilang buwan ka nang hindi
nagpapakita sa Mommy mo, ah? Alam pa ba ni Tita Gab itong ginagawa mo sa sarili
mo?"

Ngumuso ako. "Bakit? Ano bang ginagawa ko? Nagt-trabaho lang naman ako, ah?"
depensa ko.

Suminghap siya. "Tingnan mo nga ang sarili mo, Georgianna Isabella! Ilang araw ka
nang walang matinong tulog at madalas ay wala ka pang kain! Magdodoktor ka ba
talaga? Gusto mong mag-alaga ng ibang tao pero ultimo sarili mo ay hindi mo
maalagaan!" sermon niya sa akin.

Napapikit na lang ako nang marahan at hinayaan siyang pangaralan ako. Mahaba-habang
sermon pa ang iginawad niya sa akin bago niya ako nakumbinsing sumabay na sa kanya
sa pag-uwi. Nilakad ko lang ang distansya ng ospital at ang building ng condo ko.

Pagkapasok sa building ay diretso akong naglakad patungo sa elevator at pinindot


ang tamang palapag. Habang naghihintay sa pag-akyat ng sinasakyan ay muling bumalik
sa aking alaala ang mga nangyari kahapon. Suminghap ako at inabala na lang ang
sarili sa panonood ng pag-akyat ng numero ng palapag sa elevator.

Alam kong may bahagi pa rin sa akin na gustong pakinggan ang mga nais niyang
sabihin. Alam kong may bahagi pa rin sa akin na gustong bumalik sa pagkakataong
iyon upang bawiin ang lahat ng mga sinabi. Alam kong may bahagi pa rin sa akin na
gustong magtanong at makinig sa paliwanag niya. But I've realized something out of
it...

Sometimes, surrender means giving up trying to understand and becoming comfortable


with not knowing at all. Maaaring mas mabuti na iyong wala akong alam kaysa malaman
ko pa ang katotohanang hindi naman din ako sigurado kung makabubuti ba o mas
makakasama lang lalo sa sitwasyon namin.

Nang bumukas ang elevator sa tamang palapag ay patamad akong lumabas mula roon.
Napahawak ako sa aking balikat at bahagyang pinisil iyon nang maramdaman ang
bahagyang pamamanhid nito dahil sa pagod. Ramdam ko rin ang pananakit ng aking
katawan at ang pagbigat ng mga talukap ko dahil sa antok.

Pagbukas ko ng pinto ng condo unit ko ay nagulat ako nang makita si Mommy at Skylen
na nakaupo sa sofa habang naghihintay sa pagdating ko. Lumipat agad ang tingin ko
kay Skylen na halatang nag-aalala at natatakot sa kung ano mang dahilan. Kumunot
ang noo ko bago sumulyap kay Mommy. Walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha at
malamig ang tingin niya sa akin.

Isinara ko muna ang pinto bago lumapit sa kanila. Bumeso muna ako sa kapatid ko
bago bumaling kay Mommy. Biglang umusbong ang kaba sa aking dibdib habang
nakikipagtitigan sa kanya. Natigilan ako nang bigla niyang iniwas ang kanyang mukha
nang umamba akong bebeso sa kanya.

"Ano itong nalaman ko, Georgianna Isabella?" mahinahon ngunit halatang may diin sa
tono ng pagtatanong niya.

Agad bumaba ang tingin ko sa hawak niyang papel na halatang kalalabas lang mula sa
sobre. Napapikit ako nang mariin nang mapagtanto kung saan patungkol ang usapang
ito. "Mom, please let me explain..." mahinahong usal ko.

Bakit nga ba hindi ko naisip na maaari siyang pumunta dito sa condo ko anumang
oras? Hindi man lang ako nag-ingat! Talagang nakabalandra pa sa lamesa itong letter
tungkol sa pagbawi ng scholarship ko!

Napapikit muli ako nang ibato niya sa mukha ko ang papel na hawak. "Bakit ka
tinanggalan ng scholarship?! Nagpapabaya ka na ba sa pag-aaral?!" Nakita ko ang
pamumula ng kanyang mukha dahil sa labis na galit.

"Mommy, I'm sorry—"

"Hinayaan kitang mag-aral at ipagpatuloy 'yang lintik na pangarap mo! Sinuportahan


ko ang pag-aaral mo pero ito lang ang ibabalik mo sa akin?! Pinagbigyan kita,
Georgianna! Hinayaan lang kita dahil nakita ko ang pagpupursigi mo noon! Pero ano
ang ibig sabihin nito? Sinasayang mo na ba ang ibinigay kong pagkakataon sa'yo?!"

I pursed my lips tightly. Nangilid agad ang mga luha ko sa aking mata dahil sa
pagbugso ng iba't ibang emosyon sa aking sistema.

"Hindi ka naman ganiyan dati, ah? Sana pala hindi na lang kita pinayagan! Bakit
hindi mo na lang itigil itong kahibangan mo—"

"Why do you suddenly care about my studies now? Maraming beses na akong bumagsak at
umabot sa puntong ganito, Mommy! Hindi ito ang unang beses kaya bakit bigla na lang
yatang nagbago ang ihip ng hangin at pinapakielaman mo na ang pag-aaral ko—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong sampalin nang malakas. "How dare
you talk to me like that, Georgianna Isabella?! Ina mo pa rin ako! Wala kang utang
na loob!"

Sunud-sunod na pumatak ang mga luha ko bago matalim na ibinalik ang tingin sa
kanya. "Totoo naman, 'di ba? Hindi mo naman pinupuna ang pag-aaral ko dati. Ngayon
mo lang ako nakitang pumalpak nang ganito—"

"Manahimik ka!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.

"Ate..." pigil sa akin ni Skylen bago hinawakan ang braso ko.

Bahagya akong huminahon nang mapagtanto kung gaano kamali ang ginawa kong pagsagot.
"I-I'm sorry, Mommy..." napapaos na sabi ko habang nakayuko.

"Hindi ka na mage-enroll sa susunod na taon. Magdrop ka na sa medical school na


'yan," halatang nagpipigil ng galit na sinabi ni Mommy.

Namilog agad ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "Pangarap ko itong pinag-uusapan
natin, 'my! Hindi naman puwedeng ganito na lang—"

"Pangarap? Saan ka dadalhin ng pangarap na ipinaglalaban mo, huh? Sa kangkungan?


Nakikita mo ba ang sarili mo? Hindi na kita kilala! Hindi na ikaw ang dating
Georgianna Isabella na puno ng passion at pagpupursigi ang mga mata! Nagsasayang ka
na lang ng oras sa buhay mo para sa pangarap mong hindi na nakabubuti para sa'yo!"

Marahas kong pinalis ang mga luha ko bago matapang siyang tiningnan. "Oo, bumagsak
ako ngayon at napabayaan ko nga ang pag-aaral ko, Mommy... But my failures won't
define my success! Kasalanan at problema ko iyon kaya ako dapat ang gagawa ng
paraan at hahanap ng solusyon doon."

Nagpupuyos ang kanyang dibdib at namumugto na ang kanyang mga mata dahil sa labis
na pag-iyak. Nanatiling nakaawang ang kanyang bibig at nanginginig ang mga labi
habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas mula sa matalas kong dila.

"Sana hindi na lang kita hinayaang kunin ang kursong gusto mo kung ganito lang pala
ang gagawin mo! I should've let you pursue engineering instead! Mas may kinabukasan
ka sa kursong iyon! E'di sana siguradong ikaw ang magmamana ng kumpanyang
pinaghirapan namin ng Daddy mo!"

"I should have known, Mom... " I looked at her with disbelief. "Hindi naman pala
ang pagpapabaya ko sa pag-aaral ang ipinupunto mo sa pag-uusap na ito. You actually
don't care about it. You really wanted to see me fail so that you can prove to me
that you're right. You wanted to see me give up on my dream just to fulfill yours."

Lumagapak muli sa aking pisngi ang mainit niyang palad. My lips trembled a bit.
"Manang-mana ka talaga sa ama mo! Napakatigas ng ulo mo! Gusto niyo palaging ang
gusto niyo ang nasusunod!"

"Ate, tama na..." pigil sa akin ni Skylen.

"Parehong-pareho kayo ng Daddy mo! Binigyan ko kayo ng pagkakataon pero sinayang


niyo lang! Binigay ko naman lahat-lahat at gusto ko lang piliin ang mas nakabubuti
para sa inyo pero bakit parang ako pa rin ang masama? Bakit ako pa rin ang mali?"

Dumalo si Skylen kay Mommy at sinubukan siyang hawakan at pakalmahin ngunit marahas
niyang iniwas ang kanyang braso sa kanya. Buong lakas niyang itinulak papalayo ang
kapatid ko. "Isa ka pa! Magsama-sama kayo!" nanggagalaiting sigaw niya. "Iwan niyo
na akong mag-isa! Tutal, diyan naman kayo magaling, 'di ba?"

Inalalayan ko patayo ang kapatid ko at hinarang agad ang braso sa kanya. "Mom,
walang kasalanan si Skylen dito! 'Wag mo naman siyang idamay!"

She scoffed. "Wala? Anong wala? Eh, isa rin namang kunsintidor 'yang kapatid mo!
Nagkampihan pa kayo para lang suwayin ako, 'di ba? Ipinasa mo lang sa kanya ang
responsibilidad mo at nagpauto naman sa'yo 'yang kapatid mo!"

Hinigpitan ko ang hawak sa braso ng aking kapatid at itinago siya sa likuran ko.
"Hindi kami nagkampihan ni Skylen, Mom. He studied engineering because he wanted to
do it for you! Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nakikita ang efforts ng
kapatid ko para sa'yo?" umiiyak na sabi ko.

"Ate, tama na please..." pabulong na pigil sa akin ng kapatid ko.

Sinulyapan ko siya at nakita ang sakit sa kanyang bahagyang namumulang mga mata.
Ngumiti ako nang malungkot sa kanya bago bumaling muli kay Mommy. I've had enough
of this unfair treatment already. It's time for me to speak up and stand up for my
brother.

"He was always there for you, but you never notice him! You never love him the way
you loved me as your child, yet he still chose to do what you want. Lumaki si
Skylen na ako ang itinuturing niyang nanay dahil sa mismong ina niya ay hindi niya
maramdaman ang atensyon at pagmamahal na dapat ibinibigay sa kanya."

"Shut up, Georgianna Isabella! Anong karapatan mong husgahan ang pagiging ina ko?
W-Wala kang alam kaya manahimik ka!" Nanginig ang balikat ni Mommy dahil sa labis
na pag-iyak. Sunud-sunod siyang umiling na para bang ayaw niyang tanggapin ang mga
sinabi ko. Hinilot niya ang kanyang sentido at ipinikit nang mariin ang mga mata.

"He is your son! He's not a symbol of tragedy! He was there for you when nobody
else was because he was inside your womb!" Napatigil ako sa pagsasalita nang
maramdaman ang paninikip ng aking dibdib nang maalala ang mapait na nakaraan.
"Halos gawin mo na ang lahat para mawala siya sa sinapupunan mo noon pero hindi ka
pa rin niya iniwan! Hindi ka niya iniwang mag-isa kahit kailan!"
Akmang sasampalin niya muli ako ngunit nanginig at nanigas lang ang kanyang
nakaambang kamay. Nanginig lalo ang balikat niya dahil sa pag-iyak. Tinutop niya ng
palad ang kanyang bibig upang pigilan ang paglakas ng kanyang hagulgol.

"Mom, I want you to support what I truly want... pero sana naman ay imbis na ako
palagi ang pagtuunan mo ng pansin, ibaling mo naman ang atensyon mo sa taong
gumagawa ng paraan para lang mapansin mo."

Idinuro niya ako gamit ang nanginginig na daliri. Nagulat ako nang bigla siyang
suminghap at napahawak sa kanyang dibdib na para bang kinakapos sa paghinga. Bigla
siyang napaluhod at bumagsak sa sahig. Mabuti na lang ay nasalo ko siya agad kaya
hindi napatama ang kanyang ulo sa sahig.

"M-Mommy?" halos pabulong na tawag ko sa kanya. Bahagya kong inalog ang kanyang
pisngi ngunit nanatili siyang walang tugon.

"A-Ate, dalhin natin si Mommy sa ospital!" natatarantang sabi ni Skylen.

Nanginig ang mga labi ko habang hawak sa aking bisig ang walang-malay kong ina. "T-
Tumawag ka ng ambulansya mula sa university hospital!" utos ko kay Skylen bago
inabot sa kanya ang phone ko. Agad niya iyong hinablot mula sa kamay ko at mabilis
namang sumagot ang ospital sa tawag.

I immediately checked her pulse and breathing. Marahan kong itinuwid ang kanyang
pagkakahiga sa sahig at pumwesto sa gilid ng katawan niya. I placed the heel of my
hand on the center of her chest and placed my other hand on top of it. I gave her
chest compressions and rescue breaths. Nang marinig at maramdaman kong bumalik ang
kanyang paghinga at medyo bumilis na ang kanyang pulso ay agad kong itinagilid ang
kanyang katawan sa recovery position. Sakto namang dumating na ang mga rescuer at
inilipat na siya sa isang stretcher.

Agad namin siyang isinugod sa malapit na ospital. Habang hinihintay ang paglabas ng
doktor mula sa emergency room ay walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Buong
buhay ko ay marami na akong pinagsisihan ngunit ito na yata ang pinakamalaking
pagsisisi ko. Yes, I was exhausted and broken but that will never be an excuse for
my wrong attitude towards her. Kahit saang banda man ito tingnan, ako talaga ang
may mali dito.

"I'm sorry, Mommy... I shouldn't have said that to you. I'm really, really
sorry..." humihikbing sabi ko habang tinatakpan ng dalawang palad ang aking mukha.

"Magiging ayos din si Mommy, Ate..." he assured me.

Humagulgol ako habang nakayuko. "This is all my fault, Skylen! Wala akong kwentang
anak! Dapat hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko! Dapat hindi ko ibinuhos sa
kanya ang lahat ng frustrations ko para sa sarili ko! Dapat hindi ko siya ginalit
at sinagot nang gano'n! Kasalanan ko ito lahat!"
"Ate, please calm down... Magpahinga ka muna. You look so exhausted," nag-aalalang
sabi niya sa akin.

Marahan niyang isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. Hindi ko na namalayang


nakatulog ako dahil sa pagod sa pag-iyak. Nagising na lang ako nang marinig ang
paglapit ng doktor sa amin.

"D-Doc, kumusta na po ang kalagayan ni Mommy?" tanong ko agad sa kanya.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya nang lumipat ang tingin sa akin. "She was
diagnosed with Ischemic stroke and needs to undergo a lot of therapy and
rehabilitation before she could completely recover."

Naramdaman ko ang biglaang panlalambot ng tuhod ko dahil sa sinabi niya. Inalalayan


ako ni Skylen dahil muntik na akong mabuwal sa pagkakatayo.

"But you don't have to worry too much, Ms. Carvajal. 10 percent of people who have
stroke recover almost completely. Medyo matagal nga lang ang recovery time pero
malaki naman ang posibilidad na gumaling pa ang mommy mo," sabi ng doktor bago
ngumiti nang tipid. "Mabuti na lang din dahil malapit lang kayo rito noong inatake
siya at nabigyan mo siya ng tamang first aid bago isugod dito. It's also a good
thing na hindi niyo hinayaang bumagsak ang ulo niya sa sahig kaya nakaiwas siya sa
mas malalang komplikasyon."

Bahagya akong nakahinga nang maluwag. "N-Nasaan po si Mommy? Puwede na po ba namin


siyang makita?" tanong ko.

Marahang tumango ang doktor at sinamahan kami patungo sa nilipatang silid ni Mommy.
Umupo ako sa isang monoblock chair at pinagmasdan siyang wala pa ring malay.
Tinutop ko ang aking bibig upang pigilan ang paglakas ng mga hikbi. Naramdaman ko
ang isang mainit na bisig na bumalot sa akin. I cried my heart out in my brother's
arms while wishing for all these pain to just disappear.

Nang sumapit ang pasukan namin ay palagi akong sa ospital kung saan naka-confine si
Mommy tuwing uwian. Dito na rin dumidiretso ang kapatid ko pagkagaling sa school at
doon din muna siya tumutuloy sa condo ko dahil malapit lang ito sa ospital.

For the past few months of Mommy's therapy, napansin namin na parang mabagal ang
kanyang improvement. Her doctor advised us to continue her rehabilitation outside
the country to ensure her complete and faster recovery. Napagdesisyunan naming
sundin ito at nag-asikaso na agad kami ng mga dapat naming asikasuhin dito bago
kami tumungo sa ibang bansa.

In just a blink of an eye, I became the head of our household. Patong-patong ang
responsibilidad na naghihintay sa akin at wala akong ibang magagawa kun'di harapin
ang lahat ng iyon. Sa paglipas ng ilang buwan simula noong nagkasakit si Mommy,
naging mahirap para sa akin lalo ang pagfofocus sa pag-aaral pero kahit papaano ay
nalagpasan ko naman iyon at nakapasa naman ako. Hindi naman ako gaanong nahirapan
pagdating sa fourth year dahil nagsimula na kami sa clinical clerkship.

It was indeed a very tough year for us, especially for me. From being the hunter to
being the hunted. From being an achiever to being just an average student. I was on
the verge of giving up on my dreams. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko ay
hindi na yata ako makakaahon at makakabangon pang muli.

"Ayoko na..." umiiyak na sabi ko. Basang-basa na ng mga luha ko ang reviewer ko
para sa paparating na board exams namin. "Huwag muna kaya akong mag-take ng boards?
Paano kung bumagsak lang ako?"

Bumuntong-hininga si Tati. "Gella, ano ka ba, 'wag ka ngang negative! Nakaabot ka


nga hanggang dito, ngayon ka pa ba susuko?"

Tinulungan ako ni Ivory magpalis ng mga luha ko. Hinawakan niya ang magkabilang-
pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. "Natatakot ka? Then use that as your
motivation. Your fear of failing, fear of being left behind, and fear of regretting
everything in the future. They should motivate you," seryosong sabi niya.

Marahang hinaplos ni Tati ang buhok ko. "People will only see your results. They
don't see your struggles. They don't see you crying in front of the mirror while
telling yourself that all will be alright in time. They don't carry your burden,
kaya patunayan mo sa kanilang kaya at kakayanin mo. This is what you've always
dreamed about, Gella! Now turn your dreams into reality..."

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanilang dalawa. I gently wiped away my
tears and slowly nodded. Tinulungan nila akong pulutin ang mga reviewer kong
nagkalat sa sahig bago inabot sa akin iyon.

"The chapter you're studying today is going to save someone's life someday, Gella.
Just keep going," nakangiting sabi sa akin ni Ivory.

Marahan akong tumango sa sinabi niya. Nang bahagyang kumalma ay huminga ako nang
malalim bago tumingin sa kanila. "Paabot ng ballpen, please..." mahinahong sabi ko
bago itinuro ang ballpen kong nalaglag sa sahig.

Ngumiti sa akin si Ivory bago pinulot at inabot sa akin ang ballpen kong ibinato
kanina. I gently closed my eyes and tried to breathe slowly. Nang imulat kong muli
ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga matang puno ng pag-asa habang
naghihintay sa aking susunod na gagawin. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng
kasama ko sa loob ng operating room bago ngumiti sa likod ng suot na surgical mask.

"I'm going to begin the emergency laparotomy," kalmadong anunsyo ko bago bumaling
sa scrub nurse. "Scalpel, please."

Marahan siyang tumango bago inabot sa aking nakalahad na kamay ang scalpel.
Tinanggap ko ito agad bago itinutok ang talim sa isang bahagi ng katawan ng
pasyente na kailangan kong buksan.
Nang mabuksan iyon ay pinasadahan ko ng tingin ang apektadong bahagi ng kanyang
large intestine. "Retractor, please."

"Vital signs are stable," anunsyo ng kasama kong resident sa kalagitnaan ng


operasyon.

I nodded. "Okay, we're gonna proceed with irrigation. Suction, please."

Nang matapos ang operasyon ay nauna akong lumabas mula sa operating room. Hinayaan
ko silang tapusin ang nasimulan ko nang masiguradong nailayo ko na sa panganib ang
buhay ng pasyente ko. Tinanggal ko ang pagkakatali ng mask sa likod ng aking ulo
bago lumapit sa sink. Habang naghuhugas ng kamay ay naramdaman ko ang pagtabi sa
akin ni Dr. Alcaraz.

Sinulyapan ko lang siya bago ipinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay. "Congrats for
your another successful surgery, Dra. Carvajal," bati niya sa akin.

Tipid akong ngumiti. "Thank you, Dr. Alcaraz. Salamat din sa pag-assist sa akin
kanina."

Naramdaman ko ang paninitig niya sa akin. "Wala iyon. Hindi magiging successful ang
surgery kanina kung hindi dahil sa magaling naming head surgeon."

Pinatay ko na ang tubig at inignora na lang ang kanyang sinabi. Hinubad ko na rin
ang suot na scrub cap at inilugay ang aking mahabang buhok. Naramdaman ko ang
pagsunod niya sa akin sa paglabas ko. Tumigil ako at agad siyang hinarap.

"May iba ka pa bang kailangan?" diretsong tanong ko sa kanya.

Nag-aalinlangan siyang ngumiti sa akin. "Uh... g-gusto ko lang sanang magtanong


about sa ginawa nating surgery kanina."

I raised a brow. "Ano?"

"How did you assess the patient accurately? I mean... paano mo nalaman agad na
maaaring may risk siya ng visceral injury kaya kailangan niya ng agarang operative
management?"

I smirked at him and just shrugged. "Instinct," simpleng sagot ko bago nauna na sa
paglalakad at iniwan siya roon.

Dito ako sa Pilipinas nagtapos ng medical school bago kami nag-migrate papuntang US
para sa rehabilitation ni Mommy. Nagpaiwan naman dito si Skylen upang tapusin ang
kanyang pag-aaral ng civil engineering at siya rin ang tumayo bilang representative
ni Mommy sa aming kumpanya. Sa kanyang murang edad ay nagawa niyang i-manage ang
stocks ni Mommy at nagsilbi na rin iyon bilang kanyang training sa pamamahala.
Hindi kami nakadalo sa graduation ng kapatid ko sa Pilipinas dahil hindi pa
nakakarecover completely si Mommy ngunit dumayo naman siya sa US upang doon na lang
kami magcelebrate.

Sa US din ako nagpatuloy ng internship program at residency ko. Nagkita kami roon
ni Rafael dahil parehas kami ng pinag-applyan na ospital. Kasama ko rin doon si
Daniel na nagmigrate din pala sa US a year after we graduated in the Philippines.
Aniya'y maghahanap daw siya ng better opportunities sa America.

Sa loob ng apat na taon naming pananatili roon ay bumalik na talaga sa normal ang
kalagayan ni Mommy. Nag-hire kami ng personal nurse niya upang mabantayan siya sa
mga oras na nasa ospital ako.

On my third year of residency, Mommy had completely recovered and went back to
normal. Nagstay kami roon ng isa pang taon upang masiguradong ayos na ang kalagayan
niya at wala nang risk na bumalik pa ang sakit niya. Gusto ko sanang tapusin ang
residency ko sa US for five years bago pumili ng specialty ngunit ayoko namang
hayaang mag-isang umuwi si Mommy sa Pilipinas. Sa huling check up niya rito ay
sinabi niya agad sa akin na gusto niya nang bumalik sa bansa upang i-manage muli
ang kumpanya.

Sa tuwing inaalala ko ang mga paghihirap na nalagpasan ko noon ay hindi ko


maiwasang mamangha. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin
habang suot ang pangarap kong white coat ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. I
couldn't be more grateful that I did not give up on my dream.

When I look back on my life, I see pain, mistakes, and struggles. But every time I
look in the mirror, I see strength, dedication, and learned lessons. I fell apart
and I survived. I survived because the fire inside me burned brighter than the fire
around me.

        Kapitulo XXVII - Enough [My Sweet Surrender]

            "Georgianna..."

Sinulyapan ko lang si Caleb nang salubungin niya ako pagkalabas ko sa operating


room at nagpatuloy lang sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin
ngunit hindi ko na siya nilingon pang muli. Nginitian at binati ko pabalik ang mga
nakasalubong kong doktor at hospital staffs. Napansin ko ang pagsulyap nila sa
lalaking nakabuntot sa akin kaya umusbong ang aking iritasyon.

Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla ko siyang harapin. "What exactly do you
need, Caleb?"

Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang Adam's apple. He parted his lips but
immediately pursed it again.
I looked at him nonchalantly. "Ano? Wala ka bang sasabihin?" Sinulyapan ko ang
wrist watch ko bago patamad na ibinalik ang tingin sa kanya. "Marami pa kasing
naghihintay na pasyente sa akin. Nasasayang 'yong oras ko."

Binasa niya muna ang ibabang labi bago magsalita. "I just want to talk to you,
Georgianna."

"Nag-uusap na tayo," nauubos ang pasensyang sabi ko.

Huminga siya nang malalim. "Let's talk about us..."

Kahit bahagyang nagulat ay hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. I cleared my throat


before speaking. "This is not the right time for that. At saka... there's nothing
to talk about, Caleb. Matagal na tayong tapos, 'di ba?"

"Gella, please. Kahit saglit lang—"

"Bakit ba ipinagpipilitan mo pa ring pag-usapan ito? You're getting married


already! Mahiya ka naman sa fiancee mo!" naiinis na sabi ko bago tinalikuran siya
at nilagpasan.

"She's not my fiancee. Maddie is my sister." Napahinto agad ako dahil sa sinabi
niya.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "Okay," tipid na sabi ko bago
nagpatuloy na sa paglalakad ngunit agad akong napaharap at napabalik sa kanya nang
hilahin niya ang braso ko.

Nang magtama ang tingin naming dalawa ay halos malagutan ako ng hininga. Ang maliit
na distansya sa pagitan ng aming mukha at katawan ay nagpasikip sa aking dibdib.
Distant memories of him holding and looking at me this way before flashed through
my mind. Ipinilig ko agad ang ulo upang kalimutan ang alaalang naglalaro sa isipan.

"Gella, let's talk please. Kahit sandali lang..." napapaos na sabi niya.

Matapang kong nilabanan ang kanyang tingin. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa,
Caleb. It's been years already! Don't tell me hindi ka pa rin nakakamove on sa
'kin?" may bahid sarkasmong sabi ko.

Hindi siya agad nakasagot dahil sa sinabi ko. Marahas kong kinalas ang pagkakahawak
niya sa braso ko na agad naman niyang nabitiwan dahil sa pagkabigla. I took that as
an opportunity to escape.

Lumapit ako sa nurse station at kumuha ng charts ng mga bagong pasyente at


nagpakalayo-layo. Dumiretso ako pabalik sa emergency room at lumapit sa isang
pasyenteng naabutan kong nag-aagaw buhay.
"Code blue!"

"Anong nangyayari rito?" tanong ko agad matapos daluhan ang nag-aagaw buhay na
pasyente. Tinanggal ko ang stethoscope na nakasabit sa leeg at itinapat sa kanyang
dibdib.

"Dr. Carvajal, he's in v-fib," report sa akin ng isang intern doctor na agad
nagbigay-daan sa akin.

Lumapit ako sa pasyente at kinapa ang kanyang pulso habang pinagmamasdan ang
unstable niyang heart rate sa monitor. Hinayaan kong ipagpatuloy ng nurse ang
pagperform ng CPR sa pasyente habang hindi pa dumarating ang emergency crash cart.
Nang dumating ito ay agad ko itong hinila papalapit sa akin at hinanda ang
gagamiting paddles.

Binuksan ko ang kanyang damit upang ma-expose ang kanyang dibdib. Agad kong ibinaba
ang side rails ng kanyang hospital bed at nilagyan ng gel ang defribillator pads. I
placed one pad on his upper chest and the second pad below his left nipple. "Charge
to 300. Clear."

I immediately reassessed his heart rhythm after they performed another CPR cycle.
Nang makitang hindi pa rin nagbabago ay ipinosisyon kong muli ang defibrillator
pads. "Charge to 360. Clear."

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang bumalik na sa normal ang ritmo ng puso ng
pasyente. "Okay, he's good. Page me again if something happens."

Agad kong hinawi ang kurtina at lumipat sa pasyente sa kabila. Naabutan ko roon ang
pinsang si Zaria habang inililipat ang isang kararating na pasyente mula sa
stretcher. "Okay, on a count of three..." aniya bago nagbilang hanggang sa maayos
na mailipat ang pasyente sa hospital bed.

"Dra. Carvajal..." she formally acknowledged my presence.

Dito sa ospital na nilipatan ko nag-apply ng internship program ang pinsan kong si


Zaria matapos niyang g-um-raduate sa medical school at pumasa sa licensure exam.
Wala pang isang taon simula noong lumipat ako rito kaya naman malaking tulong sa
akin na marami akong kakilalang nag-t-trabaho rito. Mabuti na lang din dahil dito
nag-apply ang mga kaibigan kong sila Rafael at Tati. Si Tati ay first year resident
pa lang dahil nahuli siya sa amin ng ilang taon samantala si Rafael ay kasabayan ko
namang umuwi rito. Si Ivory naman ay nagpatuloy ng kanyang residency sa America
almost two years after we migrated there.

Palihim akong napangiti. "Dra. Almendral," bati ko pabalik sa pinsan. I cleared my


throat and went straight to check the patient. "Can you read his charts for me,
please?"
Tumango siya bago binasa ang charts ng pasyente para sa akin. "Patient is in his
late-30s, lost his vitals on the way to the hospital, and we shocked him back into
sinus tachycardia. He has possible fractures in both arms and an unstable pelvis
due to falling from an overpass—"

"His I.V. blew," gulat na sabi ko nang mapansin ang bahagyang panginginig ng buong
katawan ng pasyente. Agad ko siyang dinaluhan at chineck ang kanyang paningin.
Walang pag-aalinlangan kong binutasan ang isang bahagi ng kanyang dibdib at
nilagyan ng isang maliit na tube iyon upang makapag-release ng kaunting pressure.

Nang masiguro kong umayos na ang kalagayan ng pasyente ay iniwan ko na ang trabaho
sa pinsan ko. Nagulat ako nang pagtalikod ko'y naabutan kong nakapanood sa akin si
Dr. Avanzado. Lumawak ang kanyang ngiti nang magtama ang tingin namin. Naglakad
agad ako papalapit sa kanya.

"Impressive work there, Dr. Carvajal," puri niya sa akin.

"Thank you, Dr. Avanzado..." Nahihiya akong yumuko at ngumiti. "Napadaan po kayo
rito?"

"Ano ka ba, hija? Para namang hindi tayo magkakilala n'yan! Tito Arturo na lang!"
He laughed heartily. "Chineck ko lang ang isang pasyente kong inilipat dito,"
dagdag niya bago sinulyapan ang lalaking dinaluhan ko kanina.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya bago namamanghang tumango. "Sorry, Tito.
Medyo naninibago lang po ako," nahihiyang sabi ko.

"Oo nga, long time no see, hija. Bakit nga pala bigla kang nawala?" kaswal na
tanong niya.

Napalunok ako. "I... I finished my internship and started my residency in US po.


Bumalik lang po kami rito dahil naiwang mag-isa ang bunsong kapatid ko."

He slowly nodded. "Oh, okay. Have you met my son already?"

My mouth immediately ran dry at his sudden question. Mabuti na lang ay tinawag ako
ng Chief of Surgery namin kaya nakaligtas ako sa maaari niya pang itanong. Pormal
muna akong nagpaalam sa kanya bago umalis.

"Chief, bakit po?" tanong ko nang makalapit.

Isinarado niya ang hawak na folder nang makita akong lumapit. Nangingiti niyang
tinanguan si Tito Arturo mula sa malayo. Tahimik akong sumunod sa kanya nang
magsimula siyang maglakad. "Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa gaganaping medical
mission sa Mindanao?"
I sighed. "Nagdadalawang-isip po kasi akong sumama dahil sa maiiwan kong trabaho
rito sa ospital. Marami po kasi akong pasyenteng kailangang tutukan," nahihiyang
pag-amin ko.

Marahan siyang tumango. "I understand your reason but... this is a good opportunity
for you to practice emergency medicine. Nakapili ka na ba ng field of
specialization mo?"

I sighed. "Hindi pa, Chief. First choice ko po ang Emergency Medicine pero
interesado rin ako sa Pediatric Surgery."

He softly chuckled. "I understand. Pedia Surgeons are more well-rounded in terms of
surgeries," aniya. "Pero sa tingin ko ay mas bagay sa'yo ang Emergency Medicine.
Kahit si Dr. Avanzado nga ay napansin ang abilidad mo pagdating sa paghandle ng
emergent situations."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Si Dr. Avanzado po kasi talaga ang nagsuggest sa
akin noon na subukan ko raw po iyon dahil iyon daw po ang specialization niya bago
siya sumabak sa—" Napahinto agad ako sa pagsasalita nang mapagtanto ang nais
sabihin.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "May balak ka bang maging army surgeon?"
diretsong tanong niya.

Hindi agad ako nakabawi sa kanyang sinabi. I immediately cleared my throat. "W-Wala
po. Interesado lang po talaga ako sa Emergency Medicine noon pa man."

Huminto muna siya sa paglalakad bago ako hinarap at nginitian. "I hope you'll
consider joining the team for the medical mission, Dr. Carvajal. You're one of the
most promising surgeons in this hospital. Hindi lang ito magsisilbing magandang
practice para sa'yo kun'di malaking tulong din ito para sa mga nangangailangan,
lalo na't nasa kasagsagan sila ng malaking kaguluhan ngayon."

I slowly nodded and smiled. Marahan niyang tinapik ang isang balikat ko bago ako
iniwan upang tumungo sa intensive care unit. I sighed heavily and continued my
rounds. Nang matapos ay tumambay muna ako sa may nurse station at humalumbaba.
Muling bumagabag sa aking isipan ang naging pag-uusap namin ni Caleb kanina.

So it was his sister, huh? Kung ganoon, maaaring sila pa rin hanggang ngayon ni
Allena. Who knows if they were now engaged or married, right? I've been away for
more than four years and it's been more than five years since we broke up, too.
Maaaring nagkabalikan sila noong nawala ako at maaari ring ikakasal o ikinasal na
sila ngayon.

But I don't see any wedding ring on his finger... so baka ikakasal pa lang? Teka
nga, ano namang pakielam ko? Kung engaged nga sila, e'di congrats! Basta if ever I
would get an invitation on their wedding, hintayin muna nilang magyelo ang impyerno
bago nila ako mapapunta roon! Bitter na kung bitter!
"Pasok, Moira!"

Napabalik ako sa reyalidad nang biglang sumulpot sa gilid ko si Rafael. Inakbayan


niya si Tati bago sabay silang umawit. "Pasensya na, kung papatulugin na muna ang
pusong napagod kakahintay..."

Parehas ko silang sinimangutan at sinamaan ng tingin. Inagaw ko ang hawak nilang


patient charts bago nagpasyang iwan sila roon at magsimula ulit magrounds.

Sa sumunod na araw ay muli kong nakita si Caleb sa ospital. Nakaupo siya sa lobby
at tila may hinihintay. Nang makita ako ay agad lumiwanag ang kanyang mukha.
Ipinilig ko ang aking ulo nang muling bumalik sa aking alaala kung paano niya ako
hintayin noon sa parking lot tuwing uwian namin. Nilagpasan ko siya agad at tumungo
na sa locker room upang magbihis. Isinuot ko ang aking white coat at pinagmasdan
ang sariling repleksyon sa salamin.

I knew in my heart that he was still my favorite yet most painful story to tell.
After all, he was the love that came without warning. He had me even before I could
say no. He drew a thousand memories in my mind I couldn't erase and painted colors
in my heart I couldn't replace.

The biggest lesson I've learned throughout the years was not to force anything
anymore. Anything forced is not worth fighting for. Trying to get over him was
indeed the hardest lesson I had to learn. It was hard, but definitely not
impossible. I just let it hurt until it doesn't hurt anymore.

There are some days when I want to blame him for everything I've been through these
past years. Other days, I can't help but blame myself. Naisip ko na hindi naman
talaga niya kasalanan kung sinira ko ang sarili noon. After all, it was my choice
to destroy myself for loving him too much. It was my choice to play with fire and
get burnt. I lost myself when I lost him.

There are some days I wished I never met him. Some days, I can't stand the thought
of him. Other days, he's all I want to think of. Madalas ko siyang naaalala sa mga
panahong wala akong ginagawa kaya ginawa ko ang lahat noon upang gawing busy ang
sarili ko. Ginawa ko ang lahat para kalimutan siya sa mga nagdaang taon. I vent all
my frustrations and pain through studying and work. And it was indeed worth it. All
the pain and struggles I've been through was worth it.

There are some days I wished I could turn back the time. Some days I wished we
could go back to the way we were before. But I shouldn't just allow someone to come
back into my life just because we had a history together. You can never heal by
going back to whatever broke you.

"Did you already check on Mrs. Bernardo on Room 2726?" tanong ko sa isang nurse
pagkalabas ng locker room.
"Kaninang 5 AM po, Doc."

Ibinigay ko sa kanya ang hawak na charts ng nabanggit na pasyente. "I need you to
monitor her closely. Immediately page me if her systolic drops below 90. I already
gave her a dose of digoxin to lower her heart rate."

Tumango siya bago umalis bitbit ang ibinigay kong chart ng nasabing pasyenteng may
heart failure.

Pumasok ako sa isang hospital room upang magsimula ng aking rounds. "Good morning,
Miss..." Nahinto ako sa pagsasalita dahil sa gulat nang mabasa ang pangalan ng
sumunod kong pasyente. Inangat ko ang tingin ko at naabutan siyang nakangiti habang
pinapanood ang pagpasok ko. I cleared my throat. "G-Good morning, Ms. Maddison
Avanzado. I'm Dr. C—"

"Good morning, Dra. Carvajal!" masiglang bati niya sa akin.

Napakurap-kurap ako sa gulat. Kilala niya ba ako?

Nagulat ako nang bigla siyang humalakhak. "Nabasa ko lang sa nakasulat sa coat mo,"
sagot niya sa tanong na naglalaro sa isipan ko.

Tumikhim ako at muling inabala ang sarili sa pagbabasa ng kanyang charts. Chineck
ko ang kanyang paghinga at ang kondisyon ng baby sa kanyang tiyan. "Kumusta ang
kalagayan mo, Ms. Avanzado?" pormal na tanong ko.

"Hmm, ayos lang. Sabi ng isang doktor na bumisita rito kagabi ay stable na raw ang
kalagayan ng baby ko," sagot niya. "Magkakilala ba kayo ng kapatid ko?"

Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa tanong niya. Inangat ko ang tingin sa kanya at
nakita ang kuryosidad sa kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin. "Schoolmates
kami dati," kalmadong sagot ko.

"Schoolmates lang?" taas ang isang kilay na pang-uusisa niya.

Muntik na akong mapasinghap dahil sa tanong niya. "F-Friends din," medyo


kinakabahang sagot ko.

Magiliw siyang tumawa. "Narinig mo 'yon, Atticus? Friends lang naman pala kayo ih!"
natatawang sabi niya.

Namilog ang mata ko at agad napalingon sa aking likuran. Nanuyo ang lalamunan ko
nang makita ang madilim na tingin sa akin ni Caleb. Inilipat niya ang tingin sa
kapatid at sinamaan ito ng tingin. Nang makabawi ay humarap muli ako sa kanyang
kapatid at pormal na nagpaalam. Nilagpasan ko siya agad at mabilis na lumabas sa
kanyang silid.
Narinig ko ang pagtawag niya muli sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon
pa. Abot-abot pa rin ang pagtahip ng aking puso habang naglalakad sa hallway. Halos
mapatalon ako sa gulat nang bigla akong harangin ni Rafael.

Kunot-noo niya akong tiningnan. "Oh, bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang nakakita
ng multo!" pagpuna niya sa akin.

Pasimple akong lumingon sa likuran at nakahinga nang maluwag nang makitang walang
nakasunod sa akin. Pinakalma ko muna ang sarili bago hinarap muli si Rafael. "W-
Wala, napagod lang ako sa pag-akyat sa hagdan," palusot ko.

He dramatically rolled his eyes. "Uso kasi ang elevator, 'teh! Nagpapapayat ka ba?"
Pabiro niyang kinurot ang tagiliran ko. "Tingnan mo nga ang katawan mo, kayang-kaya
na kitang ibalibag!"

Inirapan ko siya. "Bakit ka ba nandito?"

Tiningnan niya ako na para bang may nasabi akong mali. "Hello? Malamang nandito
ako! Doktor din ako dito, 'teh! Ano, ikaw lang ba ang nanumpa kay Hippocrates?"
sarkastikong sabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa dala niyang bouquet ng bulaklak. Pabiro ko siyang tinusok
sa tagiliran. "Wow naman, may nagbigay sa'yo n'yan? Ang haba naman ng hair!" I
teased him.

Napasinghap siya. Nagulat ako nang bigla niyang ibigay sa akin ang bouquet ng
sunflowers. "Oo nga, ang haba talaga ng hair mo!" sarkastikong sabi niya

Nalilito ko siyang tiningnan. "Huh?"

Umirap siya. "Para sa'yo 'yan, 'teh! Pinaiwan sa nurse station para sa'yo!"

Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang paborito kong bulaklak. Naramdaman
ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa isang hinala. "K-Kanino raw galing?"
napapaos na tanong ko.

"Sa akin..."

Nabitin sa ere ang paghinga ko nang marinig ang malalim niyang boses sa likuran ko.
Dahan-dahan ko siyang hinarap at nang magtama ang aming tingin ay naramdaman ko ang
paninikip muli ng dibdib ko.

The gentleness of his gaze made my heart race. Muling bumalik sa akin ang pamilyar
na pakiramdam na pilit kong kinalimutan at binaon sa limot noon. In that moment, I
realized I've been away from home for so long. We really never knew how frozen we
are until someone starts to melt our ice. It was as if his eyes hold everything my
soul thirsts for.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at huminga nang malalim. Hindi na ako
'yong dating Georgianna Isabella na kayang-kaya niyang paikutin katulad noon. Hindi
na ako 'yong dating Georgianna Isabella na kayang-kaya niyang kunin sa mabubulaklak
na salita at panunuyo katulad noon. This version of me wasn't built overnight. This
is built from pain, experiences, insecurities, and a lot of anxiety. I had to go
through all of these to be who I am today.

Walang pag-aalinlangan kong ibinalik sa kanya ang bouquet ng bulaklak. "Salamat,


pero... hindi na kasi ako mahilig sa bulaklak. Ibigay mo na lang sa iba," malamig
na sabi ko.

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin at iniwan na siya roon. Huminga ako
nang malalim at iwinaksi ang bumabagabag sa aking isipan. Tama lang ang ginawa mo,
Gella. Do not give him the power to destroy you again. Enough is enough.

        Kapitulo XXVIII - Ironic [My Sweet Surrender]

            Hindi ako tinigilan ni Caleb sa mga sumunod na araw. Araw-araw pa rin


siyang nagpupunta sa ospital kahit na-discharge na ang kapatid niyang si Maddie.
Simula rin noong sinabi ko sa kanyang hindi na ako mahilig sa bulaklak, hindi na
siya muling nagpadala ng kahit ano bukod sa pagkain at inumin. Ang mga ibinibigay
niyang pagkain at inumin ay hindi lamang nakalaan para sa akin kun'di pati na rin
sa mga kasamahan ko sa trabaho.

I kept myself preoccupied with work to avoid bumping into him. Madalas ay tinatapos
ko ang shift ko tuwing madaling araw o kaya'y hatinggabi kaya wala siyang choice
kun'di umuwi nang maaga dahil bawal siyang manatili sa labas ng visiting hours ng
ospital lalo na't wala naman talaga siyang binibisita rito.

Araw-araw niya rin akong tinetext sa bago kong number. Kung paano niya nakuha iyon
ay hindi na ako nagtataka pa. Nakuha niya nga noon ang numero ko nang hindi ko
nahahalata kaya paniguradong nakahanap na naman siya ng panibagong paraan ngayon.

Sa tingin ko ay may kinalaman ang kanyang kapatid doon. Naalala ko kasi noong
huling check up ko sa kanya bago pirmahan ang kanyang discharge papers ay hiningi
niya ang numero ko.

"Para kapag bumisita ako dito sa ospital upang magpacheck up ay may matatawagan o
matetext akong doktor ahead of time," paliwanag ni Maddie sa akin.

Noong una ay ayaw kong paniwalaan ang dahilan niya ngunit naisip kong may punto nga
naman siya. After all, ako ang tumutok sa kalagayan nila ng kanyang anak sa mga
panahong nananatili siya rito sa ospital.

"Gella, nandito na naman 'yong sundalo mo," pabulong na sabi sa akin ni Tati.
Napabuntong-hininga na lang ako at pinanatili ang tingin sa hawak na application
form para sa field of specialization. "Hayaan mo siya, mapapagod din 'yan,"
matabang na sabi ko.

Naramdaman ko ang pagtatagal ng tingin sa akin ng kaibigan. "Are you sure you're
okay with this?"

Lumipat agad sa kanya ang tingin ko. "With what?"

Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "With Caleb's presence... Ginagambala na


naman niya ang buhay mo, Gella."

I gave her a reassuring smile. "I'm fine, Tatiana. It's been more than five years
already! Hindi naman ako ganoon katanga, 'no! Natuto na ako," natatawang sabi ko.

Nanatili ang pagdududa sa kanyang tingin sa akin ngunit inignora ko na lamang iyon
at nagpatuloy na sa pagbabasa ng form. Maya maya'y iniwan ko na siya roon at
tumungo sa emergency room upang maghintay sa mga paparating na ambulansyang
nagbigay-alerto sa aming ospital kanina.

Pagkalabas ko mula sa operating room matapos mag-assist sa isang operasyon ay


dumiretso agad ako sa locker upang magpalit ng damit. Saglit akong naupo sa isang
bench at marahang ipinikit ang mga mata upang ipahinga ito. Napahawak ako sa aking
batok dahil sa nararamdamang pangangalay. Bahagya akong nag-unat ng aking mga braso
habang naglalakad palabas sa hallway.

Napatuwid agad ako nang mamataan si Caleb na naghihintay sa akin sa labas. Nag-iwas
ako ng tingin sa kanya at nagpanggap na hindi ko siya nakita. Naramdaman ko ang
paglalakad niya papalapit sa akin nang makitang tutungo ako sa nurse station.
Huminto siya sa tabi ko ngunit nagpanggap akong abala sa pagsasagot ng application
form ko. Akmang kakausapin na niya ako nang bigla akong tawagin ni Dr. Alcaraz.

"Dra. Carvajal!" aniya bago patakbong lumapit sa akin. Nang tuluyang siyang
makalapit ay nginitian niya ako.

Ibinaling ko ang atensyon sa kanya. "Dr. Alcaraz, may problema ba?" pormal na
tanong ko.

He chuckled nervously. "Puwede namang Yvanovich o Yvo na lang..." nangingiting sabi


niya. Sinulyapan niya ang hawak kong papel bago ibinalik ang tingin sa akin. "May
napili ka na bang specialization, Georgianna?"

Napakurap-kurap ako sa gulat nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. This is
the first time he called me by my first name from the day I transferred here. Halos
isang taon na kaming magkatrabaho at sanay akong 'Dr. Carvajal' ang tawag niya sa
akin. Hindi naman sa ayaw kong tawagin niya ako sa pangalan ko, sanay lang siguro
ako na mga kaibigan ko lang ang hinahayaan kong tawagin ako sa pangalan ko.

"Uh... pinag-iisipan ko pa. Bakit? Deadline na raw ba ng application?" sabi ko nang


makabawi sa bahagyang pagkagulat.

He shyly smiled at me. "Hindi pa naman... Natanong lang kita kasi nahihirapan din
akong mamili. Ano sa tingin mo ang bagay na specialty sa akin?"

Napairap ako dahil sa sinabi niya. "Ba't ako ang tinatanong mo? Nanay mo ba ako?"

He chuckled. "Wala lang, naisipan ko lang humingi ng opinyon sa best resident


surgeon namin dito," pambobola niya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang paghalakhak sa sinabi niya. Napatuwid agad ako sa


pagkakatayo nang maramdaman ang presensya ni Caleb sa gilid ko. Pasimple ko siyang
sinulyapan at nakita agad ang mariing titig niya kay Yvo. Napansin agad ni Yvo ang
pagkawala ng atensyon ko sa kanya kaya sinulyapan niya rin ang tinitingnan ko.
Bumalatay ang gulat sa mukha ni Yvo na tila ba hindi niya inaasahan kung sino ang
nakikita niya ngayon.

"Oh, Caleb! Long time no see! Capt. Avanzado na ba?" namamanghang sabi niya.

Bahagyang napaawang ang aking bibig habang nagpapabalik-balik ng tingin sa kanilang


dalawa. Magkakilala ba sila?

Naitikom ko agad ang aking bibig nang biglang ilipat ni Caleb ang kanyang tingin sa
akin. His icy gaze sent shivers down my spine. "Aalis na ako, Georgianna," malamig
na sinabi niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko ngunit sa huli ay tumango na lang ako sa kanya at
hinayaan siyang umalis. Anong problema ng isang 'to? And why does he look so mad?

Napaubo ako nang may maisip na ibang dahilan. Tumigil ka nga, Georgianna Isabella!
Assumera ka talaga kahit kailan!

Nagkibit-balikat na lang ako at iniwan na rin agad doon si Dr. Alcaraz upang
tumungo na sa cafeteria para magtanghalian. Nag-offer pa siya na sasamahan niya raw
ako ngunit tinanggihan ko siya agad at sinabing kasabay ko sila Rafael at Tati
ngayon. Buong araw kong hindi nakita si Caleb sa ospital kaya nakahinga ako nang
maluwag. Mas maaga rin akong umuwi ngayon dahil hindi ko na kailangan pang mag-
alala kung nariyan pa ba siya.

Naging payapa rin ang mga sumunod na araw. Hindi na muling nagpakita pa si Caleb sa
mga sumunod na linggo at wala na rin siyang pahabilin sa nurse station. My mind is
finally at peace but my heart feels the opposite.
Hindi ko alam kung anong pinanghuhugutan ng nararamdaman kong iritasyon para kay
Caleb. Hindi ba't ginusto ko naman ito? 'Di ba't ilang linggo ko siyang
pinagtabuyan at pinagtulakan papalayo para lubayan at tigilan niya na ako? Ano nga
bang ipinagngingitngit ko ngayon dito? Hindi ko rin alam.

"Oh, bakit nakasimangot ka riyan? Sinong kaaway mo? Para kang mananaksak kapag
hinawakan!" pagpuna sa akin ni Rafael.

I rolled my eyes. Padabog akong tumayo sa swivel chair sa may nurse station at
nagpasyang mauna nang tumungo sa cafeteria upang kumain. Naramdaman ko naman ang
pagsunod sa akin ni Rafael.

"Ano, girl? Ako ba ang umaway sa iyo? Bakit parang kasalanan ko?!"

Bumuntong-hininga ako bago siya harapin. "Hindi lang ako nakapagbreakfast," patamad
na sabi ko.

He dramatically rolled his eyes. "Kaya ba para kang gutom na dragon? Pati interns
mo ay natatakot nang lumapit sa iyo! Echosera ka!" paismid na sabi niya.

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at umorder na lang ng sariling pagkain. Nang
makapuwesto na kami sa isang lamesa ay nagsimula na agad akong kumagat sa aking
sandwich.

"Kung ano mang bumabagabag sa'yo, Gella... please lang, 'wag mong dalhin dito.
Makakaapekto lang 'yan sa trabaho mo," sermon sa akin ni Rafael.

Napahinto agad ako sa pagkain at nabagabag dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang
bahagyang pagkurot ng kanyang sinabi sa aking puso. Am I really being
unprofessional? Hinahayaan ko na naman bang magtake over ang emotions ko at
makaapekto sa akin?

Suminghap ako at lumagok ng tubig sa aking baso. Ibinaba ko muna sa platito ang
kinakaing sandwich at isinandal ang likod sa upuan. Rafael was right. Hindi ko
dapat hinahayaan itong bumagabag sa akin at makaapekto sa trabaho ko. One mistake
could be fatal. One mistake could cost another person's life.

Napamulat ako nang muling maalala ang sinabi ng Chief of Surgery namin noong
nakaraang buwan. Tumayo na ako at akmang aalis na ngunit pinigilan agad ako ni
Rafael. "Saan ka pupunta?"

Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakahawak niya sa aking braso. "Magvovolunteer ako
sa medical mission sa Mindanao," buo ang desisyong sabi ko.

Nalaglag ang kanyang panga sa sinabi ko at agad napatayo. "Ano?! Pero paano ang
trabaho mo rito? You'll be gone for half a year, Gella! Delikado roon! Marami
namang iba riyan na puwedeng magvolunteer!"
Marahan akong umiling. "Calm down, Raf. Magvovolunteer ako dahil gusto kong
makatulong. I also need this to refresh my mind and reflect on my previous actions.
Masyado akong nababagabag at nagpapakastress nitong nakaraang buwan kaya kailangan
ko ng kaunting panahon upang ipaalala sa sarili kung ano ang sinumpaan ko."

Bakas ang pag-aalala at pagkalito sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. "Pero nagt-
trabaho at nakakatulong ka rin naman dito, ah? Marami ka ring pasyente rito, Gella.
Bakit kailangan mo pang magpakalayo-layo?"

"Change of scenery," I half-jokingly said.

Kumunot ang noo niya. "Kinausap ka ba ni Chief tungkol dito?" he presumed.

Nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko iyon ipinahalata. "Tama naman siya dahil
maganda ngang practice nga iyon para sa akin..."

Umiling siya. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Delikado nga roon, Georgianna
Isabella! Hindi pa tapos ang kaguluhan doon!"

"And that's exactly why I have to go—"

"Marami namang ibang nagvolunteer doon! Ano pa bang gusto mong patunayan? Gusto mo
rin bang sumabak sa military para sumagip ng buhay ng mga civillian?"

Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Napansin niya ang pagbabago ng
ekspresyon ng aking mukha. Marahas siyang humugot ng hininga.

"Kaya ba gusto mong mag-specialize sa Emergency Medicine? Para maging army


surgeon?" diretsong tanong niya.

Ipinilig ko ang aking ulo at suminghap. "Wala akong balak maging army surgeon,
Rafael. It's not what you think," mahinahong sabi ko bago tumalikod at nagsimula
nang maglakad palabas ng cafeteria dahil pinagtitinginan na kami rito.

Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Rafael. Nagulat ako nang makasalubong din
namin si Tati. "Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong niya sa akin ngunit
nilagpasan ko lang siya.

"Tungkol na naman ba ito kay Caleb, Gella?" seryosong tanong sa akin ni Rafael.

Napahinto ako upang harapin siya. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.
"Hindi..." sagot ko gamit ang mahinang boses.
"Kaya ba gusto mo na namang umalis at magpakalayo-layo? Kaya ba handa kang malagay
sa panganib ang buhay—"

"Oo na! Oo na nga, eh! Dahil na naman kay Caleb! Gusto ko na namang umalis dahil
kay Caleb! Gusto kong magpakalayo-layo ulit dahil gusto kong iwasan at kalimutan si
Caleb! Ano, masaya ka na ba, huh?!" Inilipat ko ang tingin kay Tati na halatang
nabigla rin sa inamin ko. "Masaya na ba kayo?!"

Naramdaman ko ang pagpupuyos ng aking dibdib dahil sa halu-halong emosyong


nararamdaman. Nangilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan silang dalawa. My lips
trembled when Tati slowly pulled me into a hug.

"You don't have to force yourself too much, Georgianna. You don't have to be too
harsh on yourself. Hindi mo naman kailangang lumayo ulit para lang makalimutan
siya," ani Tati.

Umiling ako. "Matagal na akong handang kalimutan siya, Tati. Matagal ko nang sinabi
sa sarili ko na kakalimutan ko na siya. Lagpas limang taon na ang nakakalipas pero
bakit sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik pa rin sa akin ang lahat? Bakit
tuwing nawawala at umaalis siya ay bumabalik pa rin sa akin ang lahat ng sakit?
Hindi pa ba sapat 'yong lahat ng pinagdaanan ko? Hindi pa ba sapat 'yong ilang taon
kong paglayo?"

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Just focus on the things you can control and
let go of what you can't. Healing is a long process. It takes time. You were
patient enough to wait for your dream to come true, right? Maybe you just need to
be patient enough to wait for everything to heal on its own, too. Magtiwala ka lang
na kakayanin mo, Gella..."

"Ikaw na nga mismo ang nagsabi na marami ka nang pinagdaanan noon, Gella... Baka
ikaw rin mismo ang nagpapahirap sa sarili mo," malungkot na sabi ni Rafael.

Marahan akong tumango at bumuntong-hininga. Maybe they were right. Baka ako nga
lang talaga ang nagpapahirap sa sarili ko mula noon pa man. Ako lang siguro itong
sumisira sa sarili ko at ipinapasa lang ang sisi sa kanya dahil nasaktan ako noon.

"Gusto ko pa ring tumuloy sa pagpunta sa Mindanao..." mahinahong sabi ko bago


iangat ang tingin sa kanila. "It's not just about Caleb. It's also about the oath I
took before I became a doctor."

Nagkatinginan muna silang dalawa bago nag-aalalang ibinalik ang tingin sa akin.
Alam nila pareho na desidido talaga akong sumabak sa medical mission na ito upang
matupad ang pangako sa sarili kong gagamitin ko ang kakayahan upang tumulong at
sumagip sa mga nangangailangan sa loob o labas man ng ospital.

"Are you sure? Puwede namang dito ka na lang muna magpalamig, Gella... At saka,
ilang araw naman nang hindi pumupunta rito si Caleb," ani Rafael.
I forced a smile. "Pero paano kung bigla na naman siyang sumulpot dito? E'di back
to zero na naman ako?" pabirong sabi ko.

"Subukan mo muna kayang pakinggan ang side niya?" Napatingin kaming dalawa ni Tati
dahil sa seryosong suhestiyon ni Rafael.

I pursed my lips tightly. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "N-Natatakot ako..."

"Alam kong gasgas na 'tong linyang ito pero... what if 'the truth will set you
free'? Baka naman kaya hindi ka pa rin makalimot at makamove on ay dahil may bahagi
pa rin sa'yo na ayaw bumitiw nang tuluyan?"

"Ano nga bang kinakatakutan mo? Natatakot ka bang malaman ang katotohanan o...
natatakot ka lang bumigay ulit dahil alam mong magiging mahina ka na naman?" dagdag
ni Tati.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig dahil sa sinabi nilang dalawa. Pagkalipas ng ilang
sandali ay suminghap si Rafael. "Naku, kaunti na lang talaga ay babanatan ko na
iyon si Caleb! Kung nandito lang si Ivory, malamang nagtulungan na kaming dalawa sa
pagpapatumba sa lalaking iyon kahit nasaang lupalop pa siya ng Pilipinas naroroon!"

"Kabute ba siya?! Pasulpot-sulpot na lang palagi! Bigla-bigla na lang susulpot


pagkalipas ng ilang taong hindi pagpaparamdam tapos bigla-bigla na lang ding
mawawala at aalis kung kailan niya gusto!" inis na reklamo ni Tati.

Napailing na lang ako habang humahalakhak dahil sa mga sinabi nila. Napabuntong-
hininga ako at bumalik na lang sa pagt-trabaho.

"Ladies and gentlemen, I'd like to direct your attention to the television
monitors. We will be showing our safety demonstration and would like the next few
minutes of your complete attention before our plane finally takes off."

Isinandal ko ang likod sa upuan at pinagmasdan ang runway na tinatahak ng


eroplanong aming sinasakyan. Tears started to pool in my eyes but none of them
escaped as I watch our plane slowly ascend to the sky.

Somehow, the vastness of the blue sky made me calm a little bit. Every time I feel
sad and self-critical, I always look up at the sky because the clouds remind me
that the only thing that is permanent and constant in this world is change.

I slowly shut my tired eyes. Waves of memories came crashing through my mind as we
soar high to the sky. Isinandal ko ang ulo sa headrest ng upuan at huminga nang
malalim.

Maybe I volunteered for this medical mission to protect my ego and to regain my
peace of mind. Maybe I accepted this medical mission far away from home for a
change of scenery. But deep inside me, alam kong hindi lang naman talaga iyon ang
tunay na dahilan. I did this because the burning fire inside me told me to do so.
This is what I've been preparing for more than ten years. This is what I've studied
for. This is what I've ever dreamed of. This is what I've been waiting for.

From learning the names of every bones in the human's body to fixing them and from
buying my first laboratory gown to wearing my own with my name written on it, I was
definitely living my dream. The time it took to be able to be at the level where I
am now doesn't compare to the joy I'm feeling after finally turning my dreams into
reality.

Looking back at those days, napagtanto kong may mabuti rin naman pala akong napala
sa mga pinagdaanan ko. I lost the person I loved, but I found myself and fulfilled
my dreams. Nasa akin na ang lahat ngayon... pero bakit pakiramdam ko ay may kulang
pa rin sa buong pagkatao ko?

Right now, I am both happy and very sad. Everything I feel is a contradiction of my
own feelings, thoughts, and emotions. Huli kong naramdaman ito ay noong mga
panahong naging mahina ako at hinayaan kong maapektuhan ako ng lahat ng ito kaya
natatakot ako.

Natatakot ako na baka malunod na naman ako sa madilim na karagatan kung saan walang
ibang sasagip sa akin kun'di ang sarili ko. Isang madilim na karagatang puno ng
pait, sakit, at kalungkutan at patuloy kang malulunod kung hindi mo susubukang
umahon hangga't kaya mo.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sinalubong ako ng maligamgam na
hangin sa labas pagkababa ko sa van na sinakyan namin mula airport patungong
restricted area. Halos ipikit ko muli ang aking mga mata dahil sa pagkasilaw sa
mataas na sikat ng haring araw. It was difficult to see clearly because of the
thick smoke and dust. Kabi-kabila ang sunog at kahit saan ka lumingon ay wala kang
ibang makikita kun'di ang mga wasak na tahanan at gusali. Nagkalat ang mga bubog at
semento sa sahig pati na ang appliances ng mga bahay.

I can almost hear the distant noises of gun shots and several explosions. Agad
kaming nag-evacuate sa isang ligtas na lugar habang binabantayan at pinoprotektahan
kami ng mga armadong sundalong ipinadala upang sunduin ang medical team namin mula
sa airport.

Nang makarating ay nagbihis na agad kami ng protective suits at nagbitbit ng mga


equipments na kakailanganin para sa pagrerescue ng mga nasalanta at naipit sa
kasalukuyang giyera.

Our medical team is composed of paramedics, emergency medicine-related physicians,


trauma surgeons, and well-trained nurses. Bago kami sumabak dito, nagkaroon muna
kami ng seminars and week-long classes. We also did a lot of field exercise-based
training programs, leadership training, rescue training, and many other important
training programs for a couple of months.

"What do we have here?" tanong ko agad matapos makalapit sa isang paramedic na


tinawag ako upang humingi ng tulong sa akin.
"Patient has a depressed skull fracture and most probably an intracranial bleed. He
has a damaged and stiffed leg because he's been stuck under this huge boulder for
about an hour already. Gising pa ang pasyente kanina at nakakausap pa ngunit ngayon
ay nawalan na siya ng malay. Pulse and heart rate is a bit slow and unsteady. His
pupils are dilating and he's seizing. He's also showing signs of increased
pressure," report niya sa akin.

Itinutok ko sa kanyang dibdib ang stethoscope at pinakinggan ang kanyang paghinga


at tibok ng puso. Pagkatapos ay sinulyapan ko ang malaking batong nakadagan sa
ibabang bahagi ng kanyang katawan. "Matatagalan pa ba bago maiangat ng mga rescuer
ang mga gumuhong bato?" tanong ko.

"Kanina pa po nila ito ginagawan ng paraan, Dr. Carvajal. Nagtatawag na rin po sila
ng ibang rescuer para tumulong sa pag-angat nitong bato."

Tumango ako at pumwesto na sa tabi ng katawan ng pasyente. "We don't have much time
left. We can't extricate him at his current state. I need to do some burr holes on
his head to relieve some pressure in his brain. Kailangan din siyang maisugod sa
pinakamalapit at available na ospital. Available ba ang helicopter?" tanong ko sa
isa pa niyang kasamang paramedic.

"Yes, Doc."

"Tell them to prepare and alert the nearest hospital about this patient, STAT. I
just need a little time," I commanded.

"Noted, Doc. P-Pero... how can you do burr holes? Wala po tayong neurosurgical
drill," halatang natatarantang sabi isa kong kasamang doktor.

Saglit akong napaisip sa sinabi niya at pinasadahan ng tingin ang magulong paligid.
"Mayroon ba kayong drill d'yan?" tanong ko sa mga nag-aangat ng batong nakadagan sa
pasyente.

"Dr. Carvajal, what are you planning?" gulat na tanong ng kasama kong baguhang
trauma surgeon.

"Para saan po, doktora?" nalilitong tugon sa akin ng manggagawa.

"Kailangan ko lang ho para mailigtas itong pasyente," mahinahong sagot ko.

Nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi ko. Nang makitang walang bakas ng
pagbibiro sa aking mukha ay agad silang nagsikilos upang maghanap at ibigay sa akin
ang kailangan ko. Nang makahanap ng isang drill ay inabot ko iyon agad sa kasamang
nurse at inutusan siyang i-sterilize iyon nang maigi upang makaiwas sa infection.
Itinali ko nang mataas ang buhok ko at inirolyo pataas ang manggas ng aking suot.
Nagsuot ako ng panibagong pares ng surgical gloves at disposable surgical gown.
Habang abala sila sa paglilinis ng drill ay sinimulan kong i-prepare at linisin ang
bahagi ng ulo ng pasyente na kailangan kong butasan.

"Sigurado ka ba rito sa gagawin mo, Dr. Carvajal?" nag-aalalang tanong sa akin ng


isang doktor.

Sinulyapan ko siya at pinagtaasan ng isang kilay. "Gusto niyo bang sagipin ang
buhay ng pasyenteng ito?"

Nag-aalinlangan silang tumango lahat. "O-Oo naman po..."

"Then you have to trust me. I want to save his life, too. Mas mabuti na ito kaysa
panoorin na lang siyang mamatay rito. Pumunta tayong lahat dito upang sumagip ng
mga buhay lalo na't nasa gitna sila ng krisis ngayon. We've studied, prepared, and
trained for all kinds of situations," seryosong sabi ko bago ibinalik ang tingin sa
walang malay na pasyente. "At isa pa... I've already done this a couple of times
before during my residency in US."

Lumiwanag agad ang kanilang mga mukha bago marahang tumango sa akin. Ngumiti rin
ako sa kanila at muling ibinalik ang buong atensyon sa pasyente. I cleansed the
area with an iodine solution before proceeding.

"Scalpel, please."

Tinantiya ko muna kung saan ko itatapat ang scalpel. Nang masiguradong nasa tamang
posisyon na ay itinutok ko na roon ang talim. I carefully and precisely made a
vertical scalp incision down to his skull. Ibinalik ko agad sa nurse ang scalpel
matapos makitang punong-puno ng dugo ang loob ng hiwa. Muli kong inilahad ang aking
kamay. "Give me the sterilized drill now," kalmadong sabi ko.

Napansin ko ang bahagyang panginginig ng kamay ng nurse habang inaabot sa akin ang
hand drill. I calmly drilled a hole in the middle of the incision until I reached
the temporal bone. Pagkatapos ay itinapat kong muli ang drill sa ikalawang bahagi
kung saan ko bubutasan. Matapos kong magawa nang maayos ang pangalawang butas ay
pinatay ko muna ang hand drill.

"D-Doc, ano pong sunod nating gagawin?" tanong sa akin ng paramedic.

Inignora ko ang kanyang tanong at muling kinuha ang drill sa nurse upang mas
palakihin ang ginawang butas. Dahil wala kaming suction ngayon, wala akong ibang
choice kun'di gamitin ang aking daliri sa pagtanggal ng mga nakabarang buo-buong
dugo. Halos sabay-sabay silang napasinghap dahil sa ginawa ko. Nang matapos ay
sinilip ko muna ang loob ng butas at pinagmasdan ang kondisyon sa loob. Nakahinga
ako nang maluwag nang makitang regular na ang contraction sa kanyang dura mater.

"Okay, he's good. He needs a lot of gauze," utos ko bago tumayo at hinayaan silang
magtake over sa pagd-dress ng ginawang incision at holes. "Pack it to minimize the
bleeding."

Nagpalakpakan ang lahat ng nakapanood sa ginawa naming pagsagip ng buhay ng


pasyente. Palihim akong napangiti habang kinakalas ang suot na surgical gloves at
scrub cap. Mabuti na lang dahil kasabayan lang naming matapos ang pag-angat nila sa
malaking batong nakadagan sa pasyente. Inilipat na nila ang lalaki sa isang
stretcher at inihatid na namin siya sa helipad.

"Kumusta si Franco?! Nasaan siya? Maayos na ba ang kalagayan niya?"

Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahang nilingon ang nagsalita. Nabitin sa ere


ang aking paghinga habang pinagmamasdan mula sa hindi kalayuan ang isang lalaking
nakasuot ng uniporme ng hukbong sandatahan ng Pilipinas. Inilipat niya sa akin ang
tingin at dahan-dahang napaawang ang kanyang bibig.

Ibinalik ko agad ang tingin sa harapan at mabagal na bumuntong-hininga. Ironic,


isn't it? Pumunta ako sa kabilang dulo ng Pilipinas upang maiwasan siya ngunit muli
na namang pinagtagpo ang aming landas sa gitna ng kaguluhan dito.

        Kapitulo XXIX - Truth [My Sweet Surrender]

            Pinanatili ko lang ang tingin sa pasyenteng maingat na itinutulak


ngayon palapit sa helicopter. Bahagyang bumigat ang bawat paghinga ko nang
maramdamang tumabi si Caleb sa akin.

"Dra. Carvajal, sasamahan mo ba ang pasyente?" tanong ng isang paramedic sa akin.

Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumunog ang aking dalang two-way radio. "Dra.
Carvajal, are you there?"

I cleared my throat before speaking. "Received. What do you have there?"

"Doc, we have an emergency case here. We have a trauma patient. His vitals are
currently stable. He suffered from some abrasions and he's complaining about wrist
pains. Na-check na po namin kung may nararamdaman ba siyang sensation sa kamay pero
hindi niya raw maigalaw ang kanyang hinlalaki."

Saglit akong napaisip. "Baka naipit ang median nerve niya. Use a pad splinter on
his arm for now. Dalhin niyo muna sa rescue tent at hintayin niyo ako riyan."

"Copy, Doc."

Ibinaba ko muna ang radyo upang tumulong sa pagsakay ng pasyente sa helicopter.


Natigilan ako nang magtama ang daliri namin ni Caleb dahil sa paghawak sa parehong
bahagi ng stretcher. Agad kong binawi ang aking kamay at hinayaan na lang sila.
Akmang kakausapin niya na ako nang biglang sabay na tumunog ang aming mga radyo.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at agad inilapit ang bibig sa radyo. "Yes? This is
Dr. Carvajal."

"Doc, we have a critical case here. We have a patient with a meter-long pole and a
block of concrete at its end punctured through his abdomen. It's penetrating from
his lower back to his upper abdomen."

Marahan kong hinilot ang aking sentido. "What about his vital signs?"

"Uh... his blood pressure is normal and his pulse rate is up to 130. Wala rin pong
massive bleeding dahil napipigilan ito ng bakal."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. "Good. Just keep his bleeding in
check for now. As much as possible, minimize the movement of the pole to prevent
massive bleeding. Kaya niyo bang dalhin sa rescue tent ang pasyente?"

"Kaya naman po siguro, Doc."

"Okay. Magtawag muna kayo ng ibang trauma surgeon na available d'yan. Papunta na
ako," pinal na sabi ko.

Pagkababa ko ng radyo ay hindi ko napigilan ang pagsulyap kay Caleb na seryoso pa


rin sa pagsagot sa kanyang kausap.

"Alright. I'll be there in two minutes," seryosong sabi niya.

Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang kanyang suot na uniporme. Kumikinang ang
tatlong pilak na tatsulok sa ibabaw ng kanyang balikat. I also noticed that he grew
a bit taller and his body looked more lean than it was before. Medyo humaba na rin
ang kanyang buhok simula noong huling pagkikita namin sa ospital. Nang lumipat ang
tingin niya sa gawi ko ay napatuwid agad ako nang pagkakatayo at nagsimula nang
maglakad palabas ng rooftop.

"Capt. Avanzado, sasamahan mo ba sa ospital itong si 1st Lieutenant Gatchalian?"


rinig kong tanong ng isang kasamahan niya.

"Hindi na. May na-receive kasi akong report tungkol sa nahuling grupo ng terorista
malapit dito sa area. Balitaan niyo na lang ako mamaya sa kalagayan ni Franco,"
rinig kong sagot niya bago ko maisara ang pinto.

Mabilis kong tinakbo ang hagdan pababa at lumabas ng building. Naramdaman ko ang
presensya ni Caleb sa likuran ko habang naglalakad palabas ng building. Magkasabay
lang din kaming naglakad sa daan dahil iisa lang naman ang direksyon ng aming
pupuntahan. Nanatili kaming tahimik at paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang
sumusulyap sa akin. Bago kami tuluyang maghiwalay ng daraanan ay huminto ako at
hinarap siya.

Ngumiti ako nang sinsero sa kanya bago bahagyang iniyuko ang aking ulo. "Capt.
Caleb Avanzado," I formally acknowledged him.

The corners of his alluring mouth slowly rose. Tumuwid siya nang pagkakatayo at
inangat ang kanyang kanang kamay upang sumaludo sa akin. "Dra. Georgianna
Carvajal."

Mas lumawak ang ngiti ko dahil sa ginawa niya. Dahan-dahan akong tumalikod at
nagpatuloy na sa paglalakad. Naramdaman ko ang bahagyang paggaan ng nakadagan sa
aking dibdib habang naglalakad patungo sa rescue tent namin.

For several months of staying in Mindanao, halos bilang lang ng aking daliri kung
ilang beses kami nagkikita o nagkakasalubong sa iisang lugar ni Caleb. Parehas kasi
kaming naging abala sa aming mga tungkulin. Ilang beses na rin kaming nagpapalipat-
lipat ng tinutuluyan dahil habang nagtatagal kami sa iisang lugar ay mas nagiging
delikado at dumadami ang panganib.

Sa ilang beses naming pagkikita o pagsasalubong sa iisang lugar ni Caleb, we barely


had an interaction or a decent conversation. Dahil kapitan siya ng grupo ng mga
sundalo, madalas siyang nasa front lines upang magcommand kaya bihira lang talaga
namin siyang makita. The battle here in Mindanao became fiercer as days passed by.
Hindi naman kami gaanong nangangamba dahil marami namang pumoprotekta at
nagbabantay sa amin.

Ilang linggo bago matapos ang pags-stay namin doon ay muli kaming nagkaroon ng
pagkakataon ni Caleb upang magkausap nang maayos.

"How have you been?" pormal na tanong niya sa akin.

Pinanood ko ang pagsandal niya sa pader ng lumang bahay kung saan namin
napagdesisyunang magkita at mag-usap. I shifted my weight a bit and looked away.
Before I volunteered for this medical mission, I've already promised myself that I
would be ready to hear his side of story anytime. Ngayong nakahanap na kami ng
tamang pagkakataon upang magkausap ay parang gusto ko na yatang umatras.

"I-I'm good... how about you?" tanong ko gamit ang maliit na boses.

Bumagsak ang tingin niya sa sahig at bahagyang gumalaw ang kanyang Adam's apple.
"I'm good, too. Just a little busy..." simpleng sagot niya bago ipinasok ang
dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang cargo pants.

I slowly nodded and pursed my lips. "Ako rin..."

An awkward silence enveloped us which made me feel more uneasy. Nagpasya akong
maglakad papalapit sa bintana sa kanyang tabi upang pagmasdan ang dumidilim na
kalangitan. Napabuntong-hininga ako habang pinapasadahan ng tingin ang magulong
sitwasyon sa labas. Kakalubog lang ng araw kaya may kaunting liwanag pa sa labas
ngunit nagsisimula nang lumitaw ang mga bituin sa kalangitan.

"How strange it is to dream of you even though I'm wide awake right now..." he said
huskily.

Dahan-dahang lumipat sa kanya ang tingin ko. My heart pounded in anticipation when
he slowly filled the distance between us. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa
nakaawang niyang labi nang basain niya ito. My tired eyes slowly drifted up to his
and then it was over. His lips immediately caught mine in an intense kiss. He
grabbed my waist and pulled me closer to his body. I felt the wall against my back
as he pressed my body against it. Itinaas ko ang aking kamay upang itulak siya
ngunit lalo lang akong nanlambot.

"Caleb..." I mumbled in between his kisses.

He slowly pulled away and we both gasped for air. He gently caressed my face and
rested his forehead on mine. "Missing you is the hardest thing I've got to deal
every day, Georgianna..." he said in a raspy voice.

Nangilid ang luha ko nang muli niyang idampi ang kanyang labi sa akin. He planted
soft kisses on my lips which made my heart hurt even more. Ipinilig ko ang aking
ulo at sinubukang itulak palayo ang kanyang dibdib. "Stop..." I muttered. Sunud-
sunod na pumatak ang mga luha ko nang pinilit kong kumawala sa kanya.

Nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha habang nagmamadali akong maglakad
palabas ng abandonadong bahay. Napahinto at napabalik agad ako nang hilahin niya
ang braso ko. "Georgianna, I'm sorry—"

Marahas kong kinalas ang pagkakahawak niya sa akin. "'Yan ka na naman, Caleb, eh!
Dadaan-daanin mo na naman ako sa mga sorry mo! Palibhasa kasi alam na alam mo kung
paano ako kunin! Alam na alam mo kung gaano ako kahina pagdating sa'yo!"

Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa sinabi ko. "Gella..."

"You walked into my life and I started defying all my logic and reasoning. Caleb,
matalino akong tao, eh! Ewan ko ba kung bakit pagdating sa'yo ang bobo ko!"
napapailing na sabi ko.

Bumagsak ang tingin niya sa sahig. He shifted his weight a bit and swallowed hard.
Sinubukan niyang hulihin ang siko ko ngunit umiwas agad ako at umatras. "D'yan ka
lang! Huwag kang lalapit!" banta ko sa kanya.

Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata. He slowly shut his bloodshot eyes and
pursed his lips tightly. Nang tumingala siya ay napansin ko ang bahagyang pag-
igting ng kanyang panga. "Alright..." napapaos na sabi niya.
Binalot kami ng mahabang katahimikan. Sinubukan ko munang pakalmahin ang sarili ko
bago muling magsalita. "Kaya lang ako pumayag na makipag-usap sa'yo dahil may gusto
akong malaman..." seryosong sabi ko.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakitaan ko iyon ng kaunting pag-asa. "What
is it?" mahinahong tanong niya.

"Noong araw na umuwi ka bago tayo maghiwalay..." I trailed off and watched how his
expression slowly changed. "Sino ang una mong sinabihan bukod sa mga magulang mo?"

"Ikaw," diretsong sagot niya.

I chuckled without humor. "Liar..." mariing sabi ko.

Napakurap-kurap siya dahil sa sinabi ko. "But I'm telling the truth—"

"Bakit kasama mo noong araw na iyon si Allena? Bakit... hindi mo sinagot ang text
ko?" nagpipigil ng galit kong sinabi.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha dahil sa mga ibinato kong tanong. Pinanood ko ang
pagbigat ng kanyang paghinga na tila ba alam niya na kung ano ang tinutukoy ko. His
jaw clenched a bit.

"Pinapunta ako nila Mama sa restaurant na iyon dahil may hinanda silang celebration
para sa graduation at pag-uwi ko. I didn't know it was Allena's plan. Hindi ko agad
sinabi sa'yo na nakauwi na ako dahil plano ko sanang surpresahin ka noong araw na
iyon," paliwanag niya.

Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata bago umiling. "Liar..." My voice
trembled.

Sinubukan akong lapitan ni Caleb ngunit patuloy lang akong humakbang palayo sa
kanya. "I'm telling the truth, Georgianna..." marahang sabi niya. "Plano ko
talagang surpresahin ka noon pero pinuntahan ko muna sila Mama. I didn't know
Allena would be there, too—"

Umahon muli ang galit sa aking dibdib. "Sige nga... bakit kayo naghalikan ni Allena
kung gano'n?"

Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib nang muling maalala ang naabutang
eksena noong araw na iyon. Napaawang ang kanyang bibig dahil sa gulat at napansin
ko ang bahagyang pamumutla ng kanyang mukha.

I smirked. "Bakit? Hindi mo ba inaakalang nakita ko ang panggagago niyo sa akin?"


sarkastikong tanong ko.
Hinilamos niya ang kanyang palad sa mukha bago sinuntok ang pader sa kanyang gilid.
My lips trembled when I saw the anger and pain in his eyes. Mas lalong nanikip ang
aking dibdib nang makita ang pagtulo ng kanyang luha nang ibalik niya ang tingin sa
akin.

"I'm really sorry, Gella. Hindi ko alam na—"

"Bakit? Kung hindi ko ba nakita ay may balak kang sabihin sa akin, Caleb? Kung
hindi ko ba nakita ay hindi ko malalaman kung gaano ka..." I trailed off and just
shook my head. I looked at him with disgust and rage.

I felt the familiar excruciating pain in my heart. Mayroong bahagi sa akin na ayaw
nang makinig sa kanyang paliwanag ngunit may bahagi rin sa akin na gusto nang
palayain ang sarili ko mula sa nakaraan.

He shook his head and heavily sighed. "Allena initiated the kiss. Inamin niya sa
akin kung gaano siya nagsisisi na nakipaghiwalay siya sa akin noon. Gusto niyang
ipilit ang sarili niya sa akin upang kumbinsihin akong iwan ka at balikan siya," he
explained.

My throat went dry. Muling nanlabo ang aking paningin dahil sa panibagong luha.
Naramdaman ko ang pagtarak ng kanyang mga binitiwang salita sa aking puso. I have
known him for years and this is the first time I saw him so devastated and hurt.

"Hindi ko alam kung anong naisip niya sa oras na iyon noong bigla niya akong
hinalikan. But believe me, Gella... hindi ko ginusto iyon. Hindi ko alam kung
hanggang saan ang nakita mo noong araw na iyon pero sinubukan ko siyang itulak
palayo. I respected her a lot before because we've been friends since childhood
pero noong pagkakataong iyon..." he trailed off and shook his head in
disappointment. "Binigyan niya na naman ako ng panibagong dahilan upang magbago ang
tingin ko sa kanya."

Marahan kong pinalis ang aking mga luha habang pinagmamasdan siya. Hinayaan ko
siyang magpaliwanag upang tuluyan nang masagot ang lahat ng aking katanungan at
tuluyan na ring humilom ang mga sugat na matagal nang naka-marka sa aking puso.

"Allena was my first girlfriend. We were childhood friends before she officially
became my girlfriend. Close na ang pamilya namin sa kanila simula noong bata pa
lang kami..." Bumuntong-hininga siya. "We've been in a relationship for more than
four years but we broke up because I found out that she was cheating on me with my
best friend. Magkakasama na kaming tatlo simula pagkabata kaya hindi ko rin
inasahang magagawa nila akong lokohin sa likod ko."

Lumambot ang ekspresyon ng aking mukha habang nakikinig sa kwento niya. Nakitaan ko
ng poot at galit ang kanyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa nakakuyom niyang
kamao. Wala sa sarili kong inabot iyon at inangat. Unti-unting kumalas ang
pagkakakuyom nito nang magtama ang tingin naming dalawa.
In that moment, I realized he's not just an ex for me. He is something that never
stopped and never left my heart from the beginning. He was the best and sometimes
the worst thing in my life. He was everything in between. He never goes completely
and he never left my mind. Maybe there's something inside me that will always make
me go back to him.

"Bakit... Bakit bigla ka na namang umalis five months ago?" halos pabulong na
tanong ko sa kanya.

"The day when I saw you talking with Yvanovich, muling bumalik ang galit na matagal
ko nang ibinaon sa limot..." napapaos na sabi niya. "Handa akong tanggapin kung may
iba ka nang mahal at may iba nang nagmamay-ari sa puso mo, Georgianna, pero please
lang... huwag kay Yvanovich. He doesn't deserve you. You don't deserve a jerk like
him."

Nabitin sa ere ang aking paghinga nang may mapagtanto sa huli niyang sinabi. "Si
Dr. Alcaraz ba yung kaibigang tinutukoy mo?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Marahan siyang tumango at nag-iwas ng tingin. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Kaya
naman pala ganoon ang kanyang reaksyon noong nagkita sila ni Yvo sa ospital. Siya
pala ang tinutukoy niyang dahilan kung bakit sila naghiwalay noon ni Allena.

Ngumiti siya nang malungkot sa akin. "Please believe me, Georgianna... matagal na
akong walang nararamdaman para kay Allena. Matagal na kaming tapos at wala na akong
balak dugtungan pa iyon," aniya bago hinawakan at inangat ang kamay ko. Inilapit
niya iyon sa kanyang labi at marahang hinagkan ang likod ng aking palad.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Ibinaba niya ang kamay ko at
marahang hinawakan ang aking pisngi. He caressed my face and looked at me with eyes
full of pain and longing.

"I always think of you before I fall asleep. Iniisip ko palagi kung ano bang nagawa
ko noon para umalis ka at iwan ako nang walang paalam. I always think of all the
words you've said and the way you looked at that day. You're all I think about,
Georgianna. It has always been you from the start..."

Umalog ang aking balikat dahil sa labis na pag-iyak. Marahan niyang pinalis ang mga
luha sa aking pisngi.

"You left me after everything we've been through together. You made it look like it
was so damn easy to leave me. You walked away far too easily as if you never really
loved me. You left me like I was never a reason to stay," he lamented.

"I'm sorry..." I croaked. "I'm really sorry..."

Napapikit ako nang marahan niyang hagkan ang aking noo. "Mahal pa rin kita,
Georgianna Isabella... After all these years, I'm still in love with you."
Bumagsak ang tingin ko sa sahig kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. My heart
pounded in a mixture of pain and longing.

"I always say I'm done with you but I know I never am and I don't think I'll ever
be. I always hope you regret giving up on us, but I know you weren't," he conceded.
Marahan niyang inangat ang baba ko at hinuli ang aking tingin. "Now, tell me...
minahal mo ba talaga ako, Georgianna?"

My lips trembled when I opened my mouth to speak. "I did, Caleb... Minahal kita. I
loved you so much I couldn't breathe. You consumed my mind and my entire being. But
believe me when I say that it wasn't easy being so in love with you. It wasn't easy
loving you and not being able to see you every day. I know I have no other choice
but to wait for you to come home and that is how it should be, but that doesn't
make it easier to bear for me."

Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata. "I know... I'm sorry, baby. Please give
me another chance to make it up to you this time."

Ngumiti ako nang malungkot bago umiling at pagod siyang tiningnan. "Kalimutan mo na
ako, Caleb..." sabi ko taliwas sa tunay kong nararamdaman.

Sunud-sunod na gumalaw ang kanyang Adam's apple habang umiiling. Muling nangilid
ang mga luha sa kanyang mga mata kaya muling nanikip ang dibdib ko.

"But what if I never forget you? What if I can never fall for anyone else because
they weren't you?" tanong niya.

I looked up towards the ceiling to prevent my tears from streaming down my face.
"Mahal pa rin kita pero natatakot na ako, Caleb. I don't wanna go through my worst
again." My voice cracked.

Pinalis niya ang mga luha ko bago ngumiti. "Just be with me, Georgianna. We'll just
figure out how to deal with the other details later."

Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Bumagsak ang tingin niya sa aking
mga labi. He slowly brushed his lips against mine and conquered it like it was his
own territory. It was slow and soft– comforting in ways that words would never be.
My arms slowly reached up and tangled around his neck. He ran his hands over my
tiny back like how he ran his hands over my past– lingering over the dents and worn
edges of my heart. Heat spread profusely across my body. It was as if his kisses
were my only salvation and my torment.

We were both catching our breaths when we pulled away. He rested his forehead on
mine and kissed the tip of my nose. I stared at his alluring face being illuminated
and properly highlighted by the moon light. I let my fingers slowly trace his
pointed nose and the cupid's bow of his lips.
Nang ibalik ko ang tingin sa kanyang mga mata ay nakaramdam ako ng mainit na haplos
sa aking puso. I saw the longing in his eyes which probably reflected mine.
Nangungusap ang kanyang mga mata at kahit walang salitang lumalabas sa aming mga
bibig ay tila ba naiintindihan namin ang isa't isa. Parehas kaming napatingin sa
kabilugan ng buwan sa kalangitan. A smile slowly crept into my lips when a thought
crossed my mind.

Just like the moon, we must go through phases of emptiness just to be full again.

Habang naglalakad kami pabalik sa aming tent ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Nagkatinginan muna kami ni Caleb at parehong napangiti. Tinanguan niya ako at
dahan-dahang pinakawalan ang aking kamay upang hayaan akong sagutin ang tawag.

"Hello, Raf? Bakit ka napatawag? Miss mo na ako?" nangingiting tanong ko.

Sinulyapan ko si Caleb at nakitaan ko ng multo ng ngiti ang kanyang labi. Napanguso


ako nang ipagsalikop niyang muli ang aming mga kamay. I bit my lower lip to
suppress a giggle.

"Gella, may emergency dito! Kailangan mong umuwi ngayon!" natatarantang sabi ni
Rafael.

Napawi agad ang ngiti ko at napakunot ang aking noo. "Huh? Bakit? May nangyari ba
sa mga pasyente ko? Sino sa kanila?"

"Isinugod sa ospital ang Daddy mo ngayon dahil inatake sa puso! Kritikal ang
kondisyon niya ngayon at hinahanap ka niya!"

Naramdaman ko ang panlalambot ng aking mga tuhod dahil sa narinig. Nang ibaba ko na
ang tawag ay natulala na lang ako sa kawalan. Nabalik lang ako sa reyalidad nang
maramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak ng kamay ni Caleb sa akin. "What's wrong?"
nag-aalalang tanong niya.

Nangilid ang mga luha ko nang ilipat ko ang tingin sa kanya. "S-Si Daddy..."

Tila nakuha niya agad ang ibig kong sabihin kaya agad niya akong hinigit patungo sa
ibang direksyon. Wala sa sarili akong sumunod sa kanya. Nagulat ako nang hilahin
niya ako paakyat sa isang building at huminto kami nang makarating sa rooftop.

"Captain Avanzado." Sumaludo sa kanya ang mga sundalong naroon sa helipad.


Sinulyapan nila ako at bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha. "Ano pong
ginagawa niyo rito, Doc?"

Hinigpitan ni Caleb ang pagkakahawak sa aking kamay. "Ihatid niyo muna pabalik ng
Maynila si Dra. Carvajal," utos niya.
Napaawang ang bibig ko sa gulat. "C-Caleb..." pigil ko sa kanya.

"Sir, yes, Sir!" tugon ng mga nagbabantay sa helicopter.

"Pero, Caleb..."

Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang pisngi ko. Nagulat ako nang bigla
niyang ilipat sa akin ang suot niyang dogtag necklace. "Stop worrying too much.
Your father needs you. We'll see each other again soon, okay?"

I slowly nodded and smiled through my tears. "I'll be waiting for you..." napapaos
na sabi ko.

Marahan niyang tinapik ang ibabaw ng ulo ko bago ako pinakawalan at hinatid papasok
sa helicopter. Buong biyahe pauwi sa Maynila ay tulala lang ako. Hindi ko na
namalayang nakarating na pala kami agad sa aming destinasyon pagkalipas ng ilang
oras na biyahe.

        Kapitulo XXX - Last Chapter [My Sweet Surrender]

            Pagkapasok ko pa lang sa ospital ay dumiretso na agad ako sa front desk


upang tanungin kung saan ang room ni Daddy. Gulat na gulat ang receptionist nang
makita ako. Napaangat din ng tingin sa akin ang katabi niyang nurse.

"Anong room ni Arnaldo Carvajal?"

"Dra. Carvajal, nakauwi ka na pala! Akala ko ay next month pa—" salubong sa akin ng
nurse na nakatambay sa front desk.

"Room 2364 po, Doc," pagputol ng receptionist sa sinasabi ng kanyang katabi.


Pasimple niya itong pinandilatan ng mata bago nahihiyang ngumiti sa akin.

"Thank you," sabi ko bago agad naglakad patungo sa elevator.

"Ang daldal mo talagang gaga ka! Kita mo nang nagmamadali 'yong tao, nakiki-chismis
ka pa!" rinig kong saway ng receptionist sa kanyang kasama.

Pagkabukas pa lang ng elevator sa tamang palapag ay naglakad na agad ako palabas.


Hindi na ako nagulat nang makasalubong si Allena sa hallway. Bumalatay ang gulat sa
kanyang mukha nang makita ako na agad namang napalitan ng galit. Hindi ko siya
pinansin at nilagpasan na lang upang hanapin ang hospital room ni Daddy.

"Anong ginagawa mo rito?" pigil niya sa akin ngunit hindi ko siya pinukulan ng
pansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Marahas niyang hinigit ang braso ko at pilit akong hinila paharap sa kanya. "Akala
mo ba ay hindi ko nalalaman ang panglalandi mo sa fiancé ko?"

Pagod ko siyang tiningnan at hinarap. "Ano na naman, Allena?" I drawled.

Humalukipkip siya at taas-noo akong tiningnan. "Just so you know, Georgianna,


naging kami ni Caleb noong nawala ka. Nagkabalikan kami at nagpropose siya sa akin
two years ago," she said confidently before showing off her engagement ring on his
ring finger. "We've been engaged for more than two years and our wedding is already
planned."

Kumunot ang noo ko at pinagmasdang mabuti ang suot niyang pamilyar na singsing.
Teka... bakit parang nakita ko na ito dati?

Palihim akong napangiti nang maalala kung saan ko ito huling nakita. "Ah, talaga?
Ang tagal niyo namang magpakasal."

Nanlisik ang kanyang mga mata dahil sa galit. "Malandi ka talaga, ano? Pati fiancé
ng kapatid mo ay inaagaw mo!"

I mentally rolled my eyes. "Nasa bingit na ng kamatayan ang tatay mo pero ito pa
rin talaga ang ipinuputok ng butsi mo, Allena? Wala ka na ba talagang kaunting
kahihiyan at respeto sa katawan?" may bahid sarkasmong sabi ko.

Suminghap siya at napatiim-bagang. "I don't care! I just want you to get the hell
out of my sight again! Bakit ka pa ba bumalik?! Sana nanatili ka na lang sa
America! Mapayapa na ang buhay namin dito noong nawala ka! Bumalik ka lang talaga
dito para kunin ulit ang lahat sa akin!"

Hindi ko na napigilan ang paghalakhak. "Wow, aware ka pala?"

Nalilito niya akong tiningnan. "W-What?"

I smiled at her sweetly. "Aware ka pala na wala ka talagang pag-aari dahil akin
naman talaga lahat ng nasa iyo ngayon."

She gritted her teeth and clenched her fists. Namula lalo ang kanyang mukha dahil
sa galit. "Hindi totoo 'yan!"

Humakbang ako papalapit sa kanya at inilapit ang mukha ko sa kanya. Bahagya siyang
napaatras at nakitaan ko ng kaba at takot ang kanyang mata. "Sinong niloloko mo,
Allena? Sa tingin mo ba ay papaniwalaan ko pa ang lahat ng sinasabi mo sa akin
ngayon? Hell no."

Sinubukan niya akong itulak ngunit nasalo ko agad ang kamay niya. Inilapit ko ang
kanyang kamay at natatawang pinagmasdan ang singsing na suot niya. Marahas niyang
binawi ang kanyang kamay kaya mas lalo akong napangisi.

I raised a brow. "Akala mo ba sa simpleng pagpapakita mo sa akin ng singsing na


'yan ay mapapaniwala mo na ako?" I chuckled without humor. "Bakit ako maniniwala,
eh engagement ring 'yan ng Mommy ko noong nagpropose sa kanya si Daddy?"

Siguro kung ako 'yong dating Georgianna Isabella, mapapaniwala niya na naman ako. O
baka kung ibang singsing ang ginamit niya ay baka mapaniwala niya pa ako. But I
knew better now. I already know how desperate and manipulative she is. And I
already know the difference between my intuition guiding me and my trauma
misleading me. Napagtanto ko nang wala akong mapapala kung isasarado kong muli ang
isip ko dahil hindi naman lahat ng nakikita at naririnig natin ay totoo.

Agad siyang namutla dahil sa sinabi ko. Nangilid ang kanyang mga luha habang pilit
pa ring itinatago sa akin ang kamay niya sa kanyang likod. "I-I don't know what
you're talking about—"

"Sorry, pero hindi na ako 'yong dating Georgianna na kaya mong malinlang, Allena.
I've already realized I'm way better than you, so why would I stoop down at your
level, right?" Nagkibit-balikat ako.

Natahimik siya agad dahil sa sinabi ko. Napansin ko ang panginginig ng kanyang labi
habang nagpipigil umiyak. Gusto ko tuloy mapairap dahil sa pag-iinarte niya.

Humalukipkip ako at pinaglaruan na lang ang suot kong dogtag necklace gamit ang
aking daliri. Pinanood ko ang pagbabago ng timpla ng kanyang mukha nang lumipat ang
tingin niya sa aking suot na kuwintas.

"Engaged kayo ni Caleb? Really? Eh, bakit nagmamakaawa 'yong fiancé mong balikan ko
siya noong nagkita kami sa Mindanao? Pagsabihan mo naman... hindi yata maka-move on
sa akin," sarkastikong sabi ko. I chuckled before turning my back against her.

Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod at yumakap sa binti ko. "G-Georgianna
please... Kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang si Caleb! Hinding-hindi na kita
guguluhin pa basta pakawalan mo lang si Caleb! Handa akong ibalik ang lahat sa'yo
at hindi na namin guguluhin pa ang pamilya niyo, p-pangako!" nagmamakaawang sabi
niya habang nakatingala sa akin.

"Hindi ko in-expect na magiging ganito ka pala ka-desperada para lang sa isang


lalaki, Allena. To think you would give up everything you've worked hard to take
away from my family just for Caleb..." I trailed off. Napailing na lang ako at
natawa.

Mas lalong lumakas ang hagulgol niya. Napapikit ako nang mariin dahil sa
nararamdamang hiya nang mapansing pinagtitinginan na kami ng ilang hospital staffs
na dumaraan.
"Georgianna, please..." she begged. "Oo na, desperada na ako! Pero masisisi mo ba
ako? Si Caleb lang ang lalaking minahal ko kaya handa akong magmakaawa sa iyo...
Pakawalan mo na si Caleb para sa 'kin, Georgianna! I-Ibabalik ko na ang lahat sa
iyo!"

Bumuntong-hininga ako at bahagyang yumuko upang alalayan siya patayo. "Kaya ko


namang pakawalan si Caleb..." mahinahong sabi ko.

Lumiwanag agad ang kanyang mukha at nakitaan ko iyon ng kaunting pag-asa. "T-
Talaga?" napapaos na sabi niya.

Ngumiti ako. "Pero hinding-hindi ko siya ibibigay sa isang manipulative at cheater


na katulad mo," napapailing na sabi ko nang muling maalala ang ginawa niyang
panloloko noon kay Caleb. "Kung papalayain ko man si Caleb, iyon ay para mapunta
siya sa tamang tao. Sa taong kaya siyang panindigan at mahalin nang higit pa sa
kaya niyang ibigay. Sa taong papahalagahan siya at hindi ikaw iyon, Allena.
Hinding-hindi ko siya ibibigay sa taong katulad mo."

Hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin at iniwan na siya roon. Narinig
ko pa ang ilang ulit niyang pagtawag sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya
nilingon pa. Nagpatuloy na ako sa paghahanap sa silid ni Daddy. Nang makarating sa
tapat ng kanyang silid ay umahon ang kaba at takot sa aking dibdib. Huminga muna
ako nang malalim bago kumatok at pumasok.

Napahinto ako sa may pintuan habang pinagmamasdan ang kalagayan ni Daddy habang
nakahiga sa kanyang hospital bef. It's been years since I last saw him. Ibang-iba
na ang kanyang hitsura ngayon at kitang-kita mo ang hirap na kanyang pinagdaanan sa
mga nagdaang taon. Bahagya na ring namumuti ang kanyang buhok dahil sa katandaan.
Maraming nakakabit sa kanyang makina at mayroon din siyang katabing malaking oxygen
tank.

Tears immediately pooled in my eyes as I walked closer to him. Tahimik akong naupo
sa isang monoblock chair na nasa tabi ng kanyang kama bago marahang ipinatong ang
aking kamay sa kanyang kamay na may nakakabit na dextrose.

Pinanood ko ang dahan-dahang pagbukas ng kanyang mga mata at ang pagbaling ng


kanyang tingin sa akin. Agad lumiwanag ang kanyang mukha habang pinagmamasdan ako
na tila ba hindi totoong nandito ako sa kanyang tabi ngayon. Kahit nanunuyo ang mga
labi ay sinubukan niya pa ring ngumiti.

"Georgianna, anak..." halos pabulong na sambit niya.

Nanginig ang aking balikat dahil sa pag-iyak. "Daddy, nandito na po ako..." sabi ko
bago idinikit ang kanyang kamay sa aking pisngi.

Nangilid ang kanyang luha habang pinagmamasdan ako gamit ang mga matang puno ng
pangungulila at labis na pagsisisi. "I-I'm sorry for everything, anak... Sana ay
mapatawad mo pa ako sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo bilang ama..."
Mabilis akong umiling at ngumiti sa kanya. Pinalis ko ang mga luhang pumapatak mula
sa kanyang mga mata. "Matagal na kitang napatawad, Daddy. Magfocus ka na lang muna
sa pagpapagaling at pagpapalakas mo, okay? Babawi na lang tayo pagkalabas mo rito.
Please, Daddy..."

"I'm really sorry, anak... Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa lahat ng
pagkakamali at pagkukulang ko sa inyo ng kapatid at Mommy mo," umiiyak na aniya.

I shook my head and wiped away my tears. "I'm sorry rin po, Daddy... I'm sorry kung
nagalit ako sa'yo noon dahil sa ginawa mo. I'm sorry for pushing you away just to
cover up my pain. I was naive and insensitive that time."

Umiling siya. "Shh, anak... hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. I have
wronged you for so long and I don't think I deserve your apology and forgiveness."

Ngumiti ako nang malungkot sa kanya habang patuloy na pinapalis ang aking mga luha.
Hinawakan niya rin ang kamay ko at marahan itong pinisil. Nakatitig siya ngayon sa
kawalan habang patuloy pa ring tumutulo ang kanyang mga luha.

"Gabriella and I were just married for convenience at first. Dahil papalubog na ang
kumpanya ng pamilya namin, nag-offer ang mga magulang niya na ikasal kami upang
masagip ang aming kumpanya. Dahil sa kagustuhan ng mga magulang kong makaahon kami,
pumayag sila sa kasunduan at doon nabuo ang A&G Engineering company. A&G stands for
Arnaldo and Gabriella," kuwento ni Daddy.

Tahimik lang akong nakinig sa kanyang kuwento. Alam ko na noon pa man na


ipinagkasundo lang sila Mommy at Daddy pero hindi ko alam ang tunay na kuwento sa
likod nito. This is my first time hearing this story from his point of view.

Ngumiti siya. "Noon pa man, mas mahal na talaga ako ng Mommy mo. Bago pa lang kami
ikasal, mahal na ako ni Gabriella. Maaaring gusto lang talaga niyang tulungan ang
pamilya kong makaahon noon kaya nila in-offer sa akin ang pagpapakasal at
pagmemerge ng aming mga kumpanya. Pero kalaunan ay naisip ko ring maaaring
nagbenefit din ang Mommy mo sa kasal namin." He chuckled a bit.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa paligid at ang tanging tunog lang na aming
naririnig ay ang ugong ng air conditioner at ng mga makinang nakakabit sa kanya.

"Bago pa kami ikasal, mayroon na akong kasintahan at alam iyon ni Gabriella. Noong
nalaman ni Arlene ang tungkol sa kasal namin ni Gabriella, nagalit siya at
nagbantang magpapakamatay." Napasinghap ako dahil sa panibagong nalaman. Ang kabit
ni Daddy ngayon ay ang kasintahan niya noon bago pa sila ikasal ni Mommy?

"Sa loob ng ilang taon naming pagsasama ni Gabriella bilang mag-asawa, palagi akong
wala sa bahay at patagong nakikipagkita kay Arlene," aniya bago saglit na huminto
sa pagsasalita upang huminga nang malalim. "Palagi niya kasi akong pinagbabantaang
magpapakamatay siya at isasama niya sa kamatayan ang anak kong dinadala niya noon
sa kanyang sinapupunan kapag hindi ko siya pinanagutan."
Bumuntong-hininga siya. "Mula noon pa man, mapagpatawad na talaga ang Mommy mo
kahit paulit-ulit ko siyang sinasaktan. Matagal niya nang alam ang tungkol sa
sikretong pakikipagkita ko kay Arlene ngunit hindi niya ako kailanman kinumpronta
tungkol doon dahil sa labis niyang pagmamahal sa akin. Noong nalaman kong
ipinagbubuntis ka pala ng Mommy mo, tinigilan ko na rin ang pakikipagkita kay
Arlene at sinubukang ibigay ang buong atensyon ko sa inyong mag-ina upang makabawi
sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko. Wala na rin akong naging balita kay
Arlene matapos noong huli naming pag-uusap sa telepono."

"Sa paglipas ng mga taon, natutunan ko na ring mahalin ang Mommy mo. Naging
mapayapa ang pamumuhay natin at naging maayos din ang takbo ng kumpanya natin kahit
na tumigil muna sa pagt-trabaho ang Mommy mo dahil ipinagbubuntis niya ang kapatid
mo," pagpapatuloy niya bago bumuntong-hininga. "Isang gabi, nagpakita muli si
Arlene sa akin bitbit ang kanyang anak na si Allena. Ipinakilala niya sa akin ito
bilang anak ko at muli akong pinagbantaan na magpapakamatay sila ng kanyang anak
kapag hindi ko siya binalikan."

I looked up at the ceiling in an effort to prevent my tears from falling. Ipinikit


ko ang aking mga mata habang muling inaalala ang eksenang iyon na nasaksihan ko
noong apat na taong gulang pa lang ako. Tulog noon si Mommy at walang kaalam-alam
na may pumuntang babae sa aming bahay.

"Kapag hindi mo pinanagutan ang anak natin, magpapakamatay talaga ako! Isasama ko
rin itong anak mo!" nanggagalaiting sabi ng babae kay Daddy.

Sinubukan siyang pakalmahin ni Daddy. Pupungas-pungas akong naglakad papalapit kay


Daddy at hinila ang laylayan ng kanyang damit. "Daddy, sino po sila?"

Gulat siyang napatingin sa akin at agad niya akong itinago sa kanyang likod.
Natakot ako nang bigla akong tingnan nang matalim ng kausap niyang babae.

"Sino siya, Arnaldo?" nagpipigil ng galit niyang tanong.

"Arlene—"

"Sino ang batang 'yan?!"

"Daddy..." umiiyak na tawag ko sa aking ama.

"A-Anak namin ni Gabriella..." sagot ni Daddy bago marahang hinaplos ang buhok ko
upang subukang patahanin.

Kinuwelyuhan niya si Daddy. "Mahal mo ako, 'di ba?! Hindi mo naman talaga minahal
si Gabriella, hindi ba? Bumalik ka na sa akin, Arnaldo! Kapag hindi mo ako
binalikan, magpapakamatay talaga ako! Hinding-hindi mo na rin makikita pa 'tong
anak mo kahit kailan!" banta niya.
"Iniwan ko kayo ng Mommy mo upang matahimik na si Arlene at hindi na kayo muling
gambalain pa. Ayokong may mangyaring masama sa inyo dahil sa kasakiman niya pero
alam kong mali pa rin ang ginawa ko kahit saang anggulo man ito tingnan..."

I opened my eyes and watched my father cry so hard while lying on his hospital bed.
"Daddy..." umiiyak na sabi ko bago umupo sa kanyang tabi at niyakap siya.

"Habang nasa puder ako ni Arlene, napagtanto ko kung gaano ko kamahal si Gabriella
at labis kong pinagsisihan ang desisyon kong iwan kayo. Ilang beses ko nang
sinubukang umalis at lumayas ngunit hindi ako hinayaan ni Arlene. Paulit-ulit niya
akong pinagbantaan na kapag iniwan ko sila ay gagawin niya ang lahat upang hindi mo
maabot ang mga pangarap mo, anak. Umaabot din sa puntong ikinakandado niya ako sa
silid namin at hindi pinapakain ng isang buong araw. Mas lalo akong nalulong sa
tabako at alak sa mga panahong nangungulila ako sa inyo ni Skylen at ng Mommy mo.
Ilang beses din akong patagong nagpupunta sa ospital upang magpacheck up at
nabanggit sa akin ng doktor ko ang tungkol sa aortic aneurysm ko," paliwanag niya.

Napayuko ako at inilubog ang aking mukha sa mga palad. "I'm sorry, Daddy... I'm
really sorry... I didn't know," humihikbing sabi ko. "I'm sorry kung nagalit ako
sa'yo noon kahit hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan mo."

Narinig ko ang mahaba niyang pagbuntong-hininga. "Huli na rin noong nalaman ko na


hindi ko pala tunay na anak si Allena dahil matagal nang namatay ang anak ko kay
Arlene. Anak pala siya ng kapatid ni Arlene at ginamit niya lang ito upang paikutin
at manipulahin ako. Kinumpronta ko sila tungkol doon kahapon at inamin nila sa akin
na matagal na nila akong niloloko. Hindi ko nakayanan ang aking mga nalaman kaya
isinugod ako rito sa ospital..."

Umahon muli ang galit sa aking dibdib. All this time, they were manipulating and
abusing my father behind closed doors? All these years they made us believe that he
never wanted to come back to us? Sisiguraduhin ko talagang pagbabayaran nila ang
lahat ng ginawa nila! Hinding-hindi ko hahayaang makatakas sila sa mga kasalanan
nila!

Dahan-dahang inangat ni Daddy ang nanginginig niyang kamay at hinawakan ang pisngi
ko upang palisin ang mga luha ko. "Araw-araw kong pinagsisisihan ang desisyon kong
talikuran at iwan kayo, anak. Araw-araw kong hinihiling na dumating ang araw na
mapatawad niyo ako sa mga nagawa ko sa inyo. Araw-araw kong hinihiling na sana
dumating pa ang araw na muli tayong magkasama upang makabawi ako sa mga pagkukulang
ko..."

Lumambot ang ekspresyon ng aking mukha at muling nanginig ang aking mga labi dahil
sa pag-iyak. "I'm sorry, Daddy..." I croaked.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at patakbong pumasok doon ang umiiyak na
si Mommy. Kasunod niya si Skylen na namumula rin ang mata at nangingilid ang mga
luha.
"G-Gabriella..." umiiyak na tawag sa kanya ni Daddy bago bumaling sa isa pa niyang
anak. "Skylen, anak..."

"Narinig ko ang lahat, Arnaldo..." humihikbing sabi ni Mommy.

Niyakap din ni Skylen si Mommy habang nakayakap siya kay Daddy. Napangiti ako
habang pinapanood sila. Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang aking mga luha.

Nang bumitiw sa yakap si Skylen ay bumaling siya sa akin bago hinagkan ang aking
noo at niyakap. Pinanood namin si Mommy at Daddy na parehong pinagmamasdan ang
isa't isa gamit ang mga matang puno ng pangungulila.

Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy habang tumatangis. "I have loved you for so
long, Arnaldo... I have loved you from the start and it will always be you until
the very end. Kahit iniwan mo ako noon ay mahal na mahal pa rin kita. Inaamin kong
nabulag ako noon sa galit ko sa'yo at sa kabit mo pero hindi pa rin nagbabago at
nababawasan ang pagmamahal ko para sa'yo..."

He smiled through his tears. "I'm sorry for leaving you behind, Gabriella... I'm
sorry for leaving you alone. Patawad kung umalis ako noon at patawad kung hindi ko
nagawang bumalik," halos pabulong na sabi ni Daddy.

Tinutop ko ang aking bibig at inilubog ang aking mukha sa dibdib ng aking kapatid
upang pigilan ang paglakas ng aking hagulgol. Marahan niyang hinaplos ang aking
likod at hinayaan akong umiyak sa kanya.

"Gusto ko lang malaman mo bago ako mawala... na minahal kita. Minahal kita sa loob
ng ilang taon nating pagsasama noon bilang mag-asawa. Minahal kita dahil nakita ko
kung gaano ka kabuting tao at ina sa mga anak natin. Minahal kita dahil nakita ko
kung gaano kabusilak ang pagmamahal mo para sa akin at para sa mga anak natin.
Minahal kita noon at ikaw pa rin hanggang ngayon, Gabriella Isabel Carvajal..."

Sunud-sunod na umiling si Mommy at marahang hinagkan ang noo ni Daddy. "Hindi ka pa


mawawala, Arnaldo. Huwag mong sabihin 'yan..."

Daddy glanced at us and smiled through his tears. "Patawad kung iniwan ko kayo,
Georgianna at Skylen. Patawad kung hindi ko nagawang maiparamdam sa inyo ang
pagiging ama ko. Patawad kung wala ako sa tabi niyo sa bawat pagkabigo at tagumpay
niyong dalawa."

Napahagulgol ako habang tumatango. Lumapit ako sa kanya at umupo muli sa kanyang
tabi bago hinaplos ang kanyang namumuting buhok. "I love you, Daddy... I'm really
sorry for everything..." napapaos na sabi ko.

Mas lumawak ang kanyang ngiti at muling nangilid ang panibagong luha. "Mahal na
mahal din kita, anak. Mahal na mahal ko kayo ni Skylen at ng Mommy niyo," aniya
bago sumulyap kay Mommy at hinaplos ang kanyang kamay.
Hinagkan ko ang kanyang noo. Nakita ko ang paghihirap niya sa paghinga kaya bahagya
akong na-alarma. Tumunog din ang makina dahil sa biglaang pagtaas at pagbilis ng
kanyang heart rate.

"Ventricular Tachycardia..." pabulong na sabi ko bago agad pinindot ang button sa


itaas ng kanyang kama.

Akmang tatayo na sana ako upang lumabas nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Nabitin sa ere ang paghinga ko habang pinagmamasdang nahihirapan ang aking ama.

"M-May huling hiling lang sana ako sa'yo, anak," halatang nahihirapang sabi niya.

Dahan-dahan akong napaupo muli at hinawakan ang kanyang kamay. "A-Ano po 'yon,
Daddy?"

Ngumiti siya nang malungkot sa akin. "Puwede ka bang makitang suot ang white coat
mo?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Marahan akong tumango at pilit na


ngumiti bago nagmamadaling tumakbo palabas ng silid at pumunta sa locker room upang
kunin ang white coat ko. Habang nakasakay sa elevator pababa ay hindi ako mapakali.
Bahagya akong nagsisi dahil hindi ako naghagdan upang mas mabilis na makarating sa
tamang palapag.

Nagmamadali kong kinuha sa locker ko ang extra white coat kong iniwan dito bago
tinakbo ang hagdan upang mas mabilis na makarating sa tamang palapag. Nang marating
ay walang pag-aalinlangan kong tinakbo ang hallway patungo sa silid ni Daddy.
Napahinto ako nang makitang dinudumog ng mga nurse at doctor ang kanyang silid.

"Code blue!"

Napahawak ako sa pader dahil sa panlalambot ng aking tuhod. Pinilit kong maglakad
papasok ng silid at naabutan silang sinusubukang i-revive si Daddy. Tila bumagal
ang ikot ng aking mundo at naglaho ang lahat ng ingay sa buong paligid. Muli lang
akong nabalik sa reyalidad nang marinig ang malakas na hagulgol ni Mommy.

"Arnaldo!"

"Time of death: 1:54 PM," anunsyo ng doktor bago malungkot na sumulyap sa akin.

Sunud-sunod na pumatak ang mga luha ko habang patuloy na umiiling. Hinawi ko ang
lahat ng nakaharang sa aking daan at agad lumapit kay Daddy. Inagaw ko sa kanila
ang defibrillator at wala sa sariling sinubukan siyang i-revive ngunit wala pa rin
itong response.
"Dra. Carvajal..." tawag sa akin ng isang nurse.

"Gella, tama na..." Sinubukan din akong awatin ni Tati ngunit hinawi ko siya agad
at nagperform muli ng CPR kay Daddy.

"Hindi puwede! Ipapakita ko pa kay Daddy itong white coat ko!" umiiyak na sabi ko.
Muli kong kinuha ang defibrillator at ilang ulit siyang sinubukang i-revive. "Come
on, Daddy... Wake up, please. Huwag muna, please, sandali lang..."

"Ate, tama na..." marahang pigil sa akin ni Skylen habang patalikod akong niyayakap
at hinihila palayo.

Napaluhod ako sa gilid ng kama ni Daddy at humagulgol. Naramdaman ko ang pagyakap


sa akin ni Mommy na mas lalong nagpaiyak sa akin.

Almost six months later...

"We have received an alert about an accident near the hospital," anunsyo ng aming
Chief of Surgery. "I need your full cooperation in the emergency room. Prepare
yourselves."

Ibinaba ko ang binabasang charts at naglakad papalapit kay Chief. "Anong nangyari,
Chief?"

Inilipat niya ang tingin sa akin at bumuntong-hininga. "I need you to prepare
yourself, Dr. Carvajal. Ikaw lang ang available na attending surgeon ng emergency
medicine ngayon at maaaring marami kang trabahong kailangang asikasuhin pagdating
ng mga pasyente."

I nodded and immediately went back to work. Itinali ko nang maayos ang aking buhok
at ipinasok ang ballpen ko sa bulsa ng aking white coat. Ilang minuto lang ay
narinig ko na ang maiingay na sirena ng ambulansya.

"Dr. Garcillano, anong balita sa mga darating na pasyente?" tanong ko kay Rafael.

Sinimangutan niya ako dahil sa pormal na tawag ko sa pangalan niya. "Mabuti na lang
dahil karamihan sa mga paparating na pasyente ay minor injuries lang ang natamo
pero may ilan ding nakatamo ng matinding injuries."

Tumango ako. "Ano raw bang nangyari?"

"May nagkabanggaan daw na van at kotse malapit dito," sagot niya.

Magtatanong pa sana ako ngunit nagsitigil na ang mga ambulansya sa aming harapan
kaya kumilos na agad kami. Chineck ko ang mga pasyente at ipinasa sa mga resident
at interns ang non-emergent cases. Lumapit ako sa isang emergent case at tinanong
ang paramedic.

"Patient's right pupil is not dilated anymore. He has a normal blood pressure but
his
pulse is still up in the 130s."

I nodded. "Okay, what's his neurological status?"

"Glasgow Coma Scale is 8."

Bumaling ako sa isang resident na nakabuntot sa akin. "Page the neurosurgery


department and immediately book an OR," sabi ko.

"Noted, Doc."

Nang makitang wala nang paparating na pasyente ay nagpasya na akong pumasok ngunit
agad akong natigilan nang makarinig ng panibagong sirena ng ambulansyang
paparating.

Nang tumigil ang ambulansya sa aking harapan ay agad kong tinanong ang paramedic.
"Info about the patient, please."

Bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "D-Doc, wala pong pangalan at kahit
anong info tungkol sa pasyente," sagot niya.

Kumunot agad ang noo ko. "A-Ano? Paano nangyari iyon? Nasaan na ba ang pasyente?"

Nabitin sa ere ang paghinga ko nang makita si Caleb na duguan at walang malay
habang nakahiga sa stretcher. Nakasuot lang siya ng isang plain army green shirt at
military pants. Nagkalat ang dugo sa kanyang damit partikular na sa kanyang kanang
balikat. Wala siyang bitbit na kahit anong bag at identification card dahil mukhang
kakagaling niya lang mula sa Mindanao. Nanginig ang mga labi ko at agad na dumalo
sa kanya.

"T-Tumawag agad kayo ng OR!" utos ko kay Zaria nang mamataan siyang kakalabas lang
ng emergency room. Agad kong itinulak papasok ang ambulance stretcher at hinawi ang
daan.

"Doc, kilala mo ba ang pasyente?" tanong ng paramedic sa akin.

Walang pag-aalinlangan kong hinubad ang suot kong dogtag necklace at ibinigay sa
kanya. Nakuha niya agad ang ibig kong sabihin. Nahinto lang ako sa pagpasok sa
operating room nang harangan ako ni Tati. "Tati, huwag muna ngayon, please,"
napapagod na sabi ko.
"Tinawag ko na si Dr. Dela Torre. Siya na ang bahala kay Caleb. Lumabas ka na muna
sa OR at kumalma, Gella. Marami ka pang ibang pasyente..." nag-aalalang sabi niya
sa akin. "Magiging okay lang si Caleb. Kumalma ka muna, okay?"

Suminghap ako at napasandal sa pader sa aking tabi. Inalalayan ako ni Tati palabas
ng operating room at dinala muna ako sa cafeteria. Uminom ako ng isang basong tubig
at ipinatong ang aking noo sa ibabaw ng aking brasong nakapatong sa lamesa.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang dahil sa kulbit ni


Tati sa akin. "Gella, gising na raw si Caleb!" masayang balita niya sa akin.

Walang pag-aalinlangan akong tumayo at tumakbo palabas ng cafeteria. Sinabi niya sa


akin kung saang room kaya nagmamadali akong tumungo roon. Pagbukas ko ng pinto ay
naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang higaan at nakatingin sa labas ng bintana.

Nang tumingin siya sa akin ay nangilid agad ang mga luha ko. Tinakbo ko ang aming
distansya at agad siyang sinalubong ng yakap. Mabilis pa rin ang kabog ng aking
dibdib dahil sa kaba at takot. Napabitiw ako nang bigla siyang dumaing dahil sa
kanyang sugat.

"S-Sorry..." sabi ko gamit ang maliit na boses bago bahagyang lumayo.

He playfully smiled at me. "Ganito mo ba ako ka-miss?" he teased me.

Sinimangutan ko siya at tinampal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. He


heartily laughed before grabbing my waist and pulling me closer to him. Napaupo
tuloy ako sa kanyang tabi.

Ngumuso ako. "Bakit ka umuwi? Miss mo na fiancée mo?" sarkastikong sabi ko.

Nakitaan ko ng magkahalong gulat at pagkalito ang kanyang mukha. "Sinong fiancée?"

Napairap ako. "E'di 'yong magaling mong ex-girlfriend! Pinagmamalaki pa sa akin na


nagkabalikan daw kayo noong nawala ako at engaged na kayo ngayon!" may bahid
sarkasmong sabi ko.

He chuckled softly. "Naniwala ka naman?"

I pouted even more. "Kumusta ang sugat mo? Anong sabi ng doktor? Wala ka na bang
ibang sugat?" pag-iiba ko sa usapan. Pilit akong naghanap ng ibang sugat sa kanyang
katawan.

Nangingiti niya akong pinanood. Natigilan ako nang bigla niyang kurutin ang pisngi
ko at hawakan ang magkabilang kamay ko. Hinagkan niya ang likod ng palad ko bago
ibinaba iyon. Pinaglaruan niya ang aking mga daliri habang pinagmamasdan ako na
tila ba kinakabisado ang bawat detalye ng aking mukha. Mas lalong pumungay ang
kanyang mga mata at nakitaan ko iyon ng magkahalong pagkamangha at pangungulila.

"Wala na po, Doktora. Huwag ka nang mag-alala dahil ayos na ang pakiramdam ng
fiancé mo," aniya.

Napanguso ako at napairap. "Anong fiancé ka d'yan? Kailan pa tayo naging engaged?"

A ghost of a smile played on his lips. "Ngayon," simpleng sabi niya.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Hindi ka pa nga nagpo-propose!" singhal ko sa


kanya.

Saglit niyang sinulyapan ang kamay kong kanina niya pa hawak bago ngumiti nang
matamis sa akin. "Weh? Eh, bakit may singsing ka na?"

Nalilito ko siyang tiningnan. Nang ibaba ko ang tingin sa mga daliri ko ay namilog
agad ang mga mata ko. Dalawang beses kong binalikan ng tingin ang aking daliri.
Napatayo ako sa pagkakaupo at habang inaangat ko ang aking kamay ay nanginginig
ito. Pinagmasdan kong mabuti ang singsing na hindi ko namalayang naisuot niya na
pala sa aking daliri.

The simplicity and elegance of the rose gold round diamond chevron engagement ring
captivated my eyes. Nangilid ang aking mga luha habang pinapasadahan ng daliri ang
maliliit na bato sa ibaba ng malaking bilog na diyamante sa gitna. Kumikinang ang
mga bato nito sa tuwing natatamaan ng ilaw o ng sinag ng araw.

Nang ibalik ko ang tingin kay Caleb ay naabutan ko siyang nakangiti habang
pinapanood ang reaksyon ko. Marahan niyang hinila ang aking baywang upang mapaupo
ulit ako sa kanyang tabi at hinagkan ang aking pisngi.

"Bago pa ako bumalik dito, pinaghandaan ko na kung paano kita mapapapayag na


pakasalan ako. Naisip ko kasing baka mayroon na namang gumawa ng paraan para masira
at mapaghiwalay ulit tayo. Maybe this accident is a blessing in disguise—"
Napahinto siya agad sa pagsasalita at napahalakhak nang hampasin ko siya sa kanyang
braso.

"Siraulo ka talaga, Caleb Atticus Avanzado!" inis na sabi ko.

"Sa susunod na makita kong umiiyak ka, gusto ko nasa harap na tayo ng altar..."
Marahan niyang pinalis ang mga luhang kumakawala sa aking mata habang nakangiti.
"Will you marry me, Dra. Georgianna Isabella Carvajal?"

Kumawala ang isang hikbi sa akin kaya hinampas ko siya ulit sa braso. "Nakakainis
ka!"
He chuckled a bit. "Bakit na naman? Wala naman akong ginagawa, ah?"

"Syempre pakakasalan kita! Sinuotan mo na ako ng singsing, 'di ba? Bakit ka pa


nagtatanong?" nakangusong sabi ko.

Hindi na niya napigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ko. Pinisil niya ang tungki ng
ilong ko kaya tinampal kong muli ang kamay niya. The corners of my lips slowly rose
as I watched him laugh so hard. Wala sa sarili kong inilapit ang aking mukha at
idinampi ang mga labi sa kanya. I slowly pulled away and rested my forehead on his.
I smiled through my tears as he gently kissed the tip of my nose and planted soft
kisses on my lips.

Looking back at everything we've been through, I realized that maybe our past were
meant to be broken so that when we meet again, we'd fit each other perfectly until
no one could ever tear us apart again.

Losing him was indeed an eye opener for me. It was the only way I was able to get
myself back because I didn't realize I have been depending on him for so long to
the point that I didn't want to depend on myself anymore. Losing him made me
realize I could stand up on my own without depending on anyone else. And losing him
made me realize he was my greatest weakness and my source of strength at the same
time.

I know there's a reason why we drifted apart. A reason why we both kept holding on
after that. A reason why we had to go through the worst until we could be the best
for each other. And a reason why we fell apart and found each other's arms again.

Sometimes, the difference does not come from the times you decided to fight, but
from the moment you decided to surrender. You just have to let time to turn the
pages on its own and allow the pain to heal on its own.

Not all storms come to disrupt our lives– some come to clear our paths. Maaaring
kung hindi kami naghiwalay at sumuko sa isa't isa noon, we won't become who we are
right now. Maybe we really needed to fall apart and go separate ways to focus on
ourselves first and be better for each other before we fall back to each other
again.

With him, I feel complete. If surrendering means being with him for the rest of my
life, then he would be my sweet surrender.

        End: Epilogue [My Sweet Surrender]

            "Huling time out para sa Grade 12 Humanities and Social Sciences


strand," the announcer said.

"Go, HUMSS! Go, Caleb!"

"Akin ka na lang, Avanzado!"


"Caleb lang malakas!"

Tinukso ako ng teammates ko dahil sa tilian ng mga nanonood ngayon sa basketball


championship game namin sa Intrams. Kalaban namin ngayon ang Basic Education
Department na karamihan ay Grade 9 and Grade 10 students ang nasa line up. Kami
naman ang representatives ng Senior High School department dahil natalo namin ang
ibang strands at ang mga Grade 11.

Noong semi-finals ay hindi namin inaasahang matatalo nila ang College Department
ngunit ngayon ay napagtanto kong magagaling nga talaga ang players ngayon ng Junior
High. Napailing na lang ako at lumagok mula sa water bottle na inabot sa akin ng
aming manager.

"Ganoon pa rin ang plano. Mas higpitan niyo pa ang depensa niyo para hindi na
makahabol pa ang kabilang team. Tandaan niyo, dalawa lang ang lamang niyo kaya
bantayan niyong maigi ang labas dahil baka may mag-tres sa mga huling segundo,"
seryosong sabi ni Coach habang ipinapakita sa amin ang gagawing depensa. "Huwag
niyo pa ring pabayaan ang depensa sa loob upang hindi na umabot pa ito sa
overtime."

"Yes, Coach."

"Avanzado, ikaw na ang bahala sa opensa niyo. Bantayan mong mabuti itong si
Valderrama dahil sigurado akong gagawa iyon ng paraan upang makahabol sila ngayong
huling minuto."

"Okay, Coach," sagot ko.

Nagpaliwanag pa si Coach ng ilang mga plano namin para sa opensa at depensa.


Tahimik lang kaming nakikinig sa mga sinasabi niya habang hindi pa natatapos ang
time out. Nang tumunog na ang buzzer ay nagform muna kami ng circle bago bumalik sa
court.

"Avanzado, kahit isang tingin lang dito!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nagtilian agad ang grupo ng mga babae. Nahagip
ng paningin ko ang isang babaeng nakaupo sa katabi nilang bench at mukhang hindi
interesado sa laro. Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansing siya lang ang
walang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid dahil abala siya sa pagbabasa ng
isang makapal na Science book.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang bigla akong akbayan ng teammate kong si Franco.
"Pare, nandito yung ex mo, oh!"

Sinamaan ko agad siya ng tingin at tinanggal ang kanyang pagkakaakbay sa akin bago
nauna nang bumalik sa court. Naghiyawan muli ang mga manonood nang pumito na ang
referee at ipinasa na ng kabilang team ang bola sa kakampi nila.

"Back to the ball game! Current score: 81 to 79 in favor of the Senior High School
Department."

Muli kong sinulyapan ang nakita kong babae at nakitang nananatili pa rin ang
kanyang tingin sa reviewer. Napailing na lang ako at nagfocus nang muli sa laro.

"Nasa possession pa rin ng Basic Ed. department ang bola. Ipinasa na sa point
guard! At nagkaroon ng 1-on-1 mula kay Valderrama at Avanzado. Ano kaya ang sunod
na gagawin ni Valderrama para makalagpas sa kamay ng team captain ng HUMSS–"

Nagtama ang tingin namin ni Valderrama at nahinuha ko agad kung saang direksyon
siya pupunta kaya agad ko siyang hinarangan ngunit mabilis siyang umatras at
pumwesto upang magshoot ng 3 points.

"— Ops! Nasupalpal ni Avanzado ang bola sa kamay ni Valderrama at ngayon ay


tumatakbo sa kabilang court para sa isang fast break! Last 10 seconds!"

Mabilis na nakahabol sa akin si Valderrama upang dumepensa ngunit bigla akong


tumigil at umatras bago nagfadeaway. Kasunod na narinig namin ay ang mahaba at
malakas na pagtunog ng buzzer at ang malakas na tilian ng mga nanonood sa
gymnasium.

"Final score is 83 to 79! Senior High School - HUMSS strand wins!" the announcer
said.

Wala sa sariling hinanap ng paningin ko ang babaeng nakaupo sa bench kanina ngunit
wala na siya roon. Agad lumipat ang tingin ko sa kabilang team at natagpuan siyang
nakikipag-usap ngayon kay Valderrama.

"Naks, buzzer beater!" puri sa akin ni Franco.

I just shrugged and went to my teammates. Nakipagkamay kami sa aming kalaban at


nagpasalamat din sa kanilang coach at sa mga referee. Muling bumalik ang tingin ko
sa babaeng kausap ni Valderrama na ngayon ay naglalakad na palabas ng gymnasium
habang yakap ang kanyang makapal na libro at nakikipag-usap sa mga kaibigang babae.

Simula noon ay palagi ko na siyang napapansin at nakikitang nag-aaral sa iba't


ibang bahagi ng school. Isa sa pinakamadalas niyang puntahan ay ang library.
Hanggang sa tumuntong ako sa ikalawang taon ko sa kolehiyo ay madalas ko pa rin
siyang nakikita dahil doon din siya nag-senior high school.

"Crush mo?" tanong sa akin ni Franco bago nginuso ang babaeng tinitingnan ko.

"Hindi," tanggi ko agad.


Pabiro niya akong sinuntok sa braso. "Hindi raw, eh Grade 12 pa lang tayo ay palagi
mo nang sinusundan 'yan! Akala mo ba ay hindi ko nahahalata?"

Pinukulan ko siya ng masamang tingin. "Alam mo naman pala, bakit nagtatanong ka


pa?" sarkastikong sabi ko.

He chuckled. "Bakit hindi mo lapitan? Ang dami-daming nagkakagusto sa'yo dito, kaya
bakit ka matatakot?!"

Umiling ako. "Ayoko. Baka may boyfriend na," simpleng sabi ko.

"Sino naman?" natatawang tanong ni Franco.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Si Valderrama siguro? Palagi ko silang nakikitang


magkasama, eh."

He looked at me with disbelief. "Luh, kailan ka pa naging judgmental? Kapag


palaging kasama, boyfriend na agad?"

Sumandal ako sa barandilya at pinagmasdan siya mula sa malayo. "Ewan ko, sa tingin
ko lang naman. Halata kasing may gusto si Valderrama sa kanya."

"Teka nga... Alam mo na ba ang pangalan niya?" nagtatakang tanong niya.

I sighed. "Hindi pa..."

"Ang hina mo naman!" Napakamot siya sa likod ng kanyang ulo at napailing. "Kilala
ko 'yan! Ang alam ko kaklase 'yan ng tropa kong si Emil."

Napatuwid agad ako nang pagkakatayo at ibinigay ang buong atensyon kay Franco.
"Talaga? Anong pangalan?"

He smirked at my reaction. "Georgianna Carvajal. Grade 11 STEM student," aniya.

Marahan akong tumango bago humarap at humilig sa barandilya. Pinagmasdan ko siya


mula rito sa ikatlong palapag habang naglalakad siya sa hallway ng ikalawang
palapag ng college building. Pinanood ko siyang maghabilin ng bag sa baggage
counter at pumasok sa library bitbit ang tatlong makakapal na libro.

"Sino ba si Emil?" kuryosong tanong ko kay Franco.

Napahalakhak siya dahil sa tanong ko. "Bakit? Magpapalakad ka sa kanya?" he teased


me.

Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Tinatanong ko lang!" depensa ko sa sarili.

Tatawa-tawa siyang umiling. "Sus, kunwari ka pa!" aniya. "Kalaban natin siya noon
sa huling championship natin noong senior high."

Ah, so teammates sila ni Valderrama? Ibig sabihin ay maaaring close din siya kay
Georgianna...

I slowly nodded. "Ano pang ibang alam mo tungkol kay Georgianna?"

Nanunukso niya akong tiningnan. "Ay pucha, tinamaan nga yata 'to!" natatawang
aniya. "Ang alam ko magdodoktor 'yon, eh. Baka mahilig manood ng mga Kdrama 'yan!"

I narrowed my eyes and looked at him suspiciously. "Bakit nga pala ang dami mong
alam tungkol sa kanya? Type mo siguro, 'no?"

Nagtaas siya ng dalawang kamay at agad umiling. "Hindi, promise! Ka-tropa ko kasi
si Emil at Archi kaya marami akong alam. Pero hanggang doon lang naman ang alam
ko."

Nanatili ang pagdududa sa aking tingin. "Ano pang ibang alam mo?"

"Wala na talaga, promise!" Tatawa-tawa akong inakbayan ni Franco at maghapong


tinukso. Hanggang sa paglipas ng mga taon ay nanatili pa rin akong nakatingin sa
kanya mula sa malayo. Sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataong makalapit sa kanya
ay pinapangunahan ako palagi ng kaba at takot ko.

Napapansin kong palagi niya ngang kausap si Emil at Archimedes Valderrama. Nang
nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo ay doon lang ako nagkaroon ng pagkakataong
makipagkaibigan kay Emil. Nakasama ko kasi siya noon sa isang minor subject at
sinadya ko talagang tumabi sa kanya. Sakto namang nagkaroon kami ng surprise quiz
at nagkataong wala siyang dalang ballpen.

I cleared my throat and handed him my extra ballpen. Lumipat agad ang tingin niya
sa akin at sa ballpen na inilahad ko. "Salamat, pare."

Tumango lang ako at kumuha na ng panibagong ballpen. Nagpanggap akong walang


pakielam sa nangyari at nagfocus na lang sa quiz. Pagtapos ng aming quiz ay
nagkakuwentuhan kami tungkol sa basketball dahil nabanggit niya sa akin na naaalala
niya raw ako at nakalaban niya kami noon. Simula noon ay madalas na kaming
naglalaro tuwing weekends at free time namin.

"Tuloy ba tayo mamaya?" tanong ko sa kanya.


Bago pa niya masagot ang tanong ko ay may tumawag sa kanyang cellphone. Sinagot
niya ito agad. "Hello, Gella?"

Nagpanggap akong abala sa pag-aayos ng gamit ko sa backpack ngunit ang tainga ko'y
tila may sariling isip at naroon ang atensyon sa kanyang kausap. Gella? Si
Georgianna ba iyong kausap niya?

"A-Ah, oo nga pala! Saglit lang, nasa klase pa kasi ako... Mamaya na lang tayo mag-
usap," nagmamadaling sabi niya bago ibinaba ang tawag.

Agad siyang bumaling sa akin. "Pare, hindi muna yata tayo matutuloy mamaya. Kinuha
nga pala akong volunteer ng dati kong schoolmate para sa blood-letting activity
nila," sabi ni Emil.

"Luh, KJ mo naman, p're! 'Wag ka nang sumama doon! Sabihin mo busy ka!
Maiintindihan ka naman no'n ni Gella!" sabi ng katropa niyang si Michael na kasabay
namin.

Palihim akong napangiti at nagdiwang. "Gusto mo bang ako na lang ang magsubstitute
sa'yo?" I tried my best to hide the excitement in my voice.

Gulat silang napatingin sa akin. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Emil dahil sa
sinabi ko. "T-Talaga? Pero teka... magkakilala ba kayo ni Georgianna?"

Muntik na akong mapasinghap dahil sa sinabi niya. "Hindi, pero... kailangan niya
lang naman ng donor, 'di ba? At saka, required din naman sa kurso namin ang mag-
donate ng dugo every blood donation activity."

"Sige, p're! Maraming salamat, ah? Ipapakilala na lang kita kay Georgianna!
Sasabihin ko sa kanya na ikaw 'yong substitute donor," sabi ni Emil.

"Sama ka ulit sa amin next game!" si Michael.

Tumango ako. "Sige, 'pag hindi ako busy."

Pagkadismiss pa lang ng klase namin ay nagmamadali na akong lumabas ng silid upang


pumunta sa auditorium kung saan gaganapin ang blood-letting activity. Ilang beses
ko pang pinag-isipan kung papasok na ba ako sa loob o hindi ngunit naglaho lahat ng
iniisip ko nang mamataan si Georgianna pababa sa hagdan. Agad nanlamig ang mga
kamay ko dahil sa kaba. Pinanood ko siyang pumasok sa auditorium kasunod ang mga
kaklase niya.

Huminga muna ako nang malalim bago nagpasyang pumila na para sa registration.
Matapos kong magparegister ay umamba na akong papasok sa silid ngunit biglang
bumukas ang pinto at lumabas siya habang may kausap sa telepono.
"Sagutin mo na, please!" napapagod niyang sinabi. Bakas ang frustration sa kanyang
mukha habang padabog na naglalakad palabas.

Huminga muna ako nang malalim at nag-ipon ng lakas ng loob bago lumapit sa kanya.
"Uh, excuse me, Miss? Dito ba yung sa blood donation?" unang subok ko upang
kausapin siya.

Naramdaman ko ang paghinto ng pagtibok ng aking puso nang magtama ang aming tingin.
I immediately shifted my weight a bit. She looked at me with disbelief. Itinuro
niya ang malaking tarpaulin sa kanyang likuran habang nananatili ang nalilito
niyang tingin sa akin.

"Hindi ka ba marunong magbasa?" may bahid sarkasmong tanong niya.

Bago pa ako makasagot ay nilagpasan niya na ako at bumalik na sa pakikipag-usap sa


kanyang telepono. Itinikom ko ang kanina pa pala nakaawang na bibig at napasinghap
na lamang. I looked at her with disbelief. Napansin ko na noon na mukha siyang
suplada at masungit sa malayo pero hindi ko naman akalaing mas masungit pala siya
sa malapitan!

"Good morning, Manang Rosa! Tutulong po ako ngayon dito," magalang na sabi ko.

Nakangiti siyang tumango at hinayaan akong gawin ang gusto ko. Habang tumutulong sa
paghahatid ng mga pagkain sa mga kumakain sa canteen ay nahagip ng paningin ko ang
pagpasok ni Georgianna. When she walked into the room, my whole world slowed down.
It was just like a cliché movie scene or a chapter from a romance book. Her long
and wavy natural brown hair fell from his shoulders to her back when she flipped
it.

She sat on a table and shut her tired eyes while waiting for her order. Agad kong
kinumpleto ang kanyang order at dinala iyon sa kanyang lamesa. Dahan-dahan niyang
iminulat ang kanyang mga mata at inangat iyon sa akin.

I felt my heart skipped a beat when her eyes met mine. For a brief moment, I saw
her burning passion. It turned her eyes into brightest orbs of the brightest flame.
All my life, I have never met someone as passionate as her. Simula noon pa man,
nakita ko na ang pagpupursigi niya sa pag-abot sa kanyang mga pangarap. Her passion
made her even more beautiful than she already is.

Habang pinapanood ko siyang lumabas sa canteen ay hinubad ko ang suot kong apron at
ibinalik iyon kay Manang Rosa. Nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na ako upang
pumasok na sa aking sunod na klase. Pagkalabas ko mula sa canteen ay nakasalubong
ko si Allena. Tinanguan ko siya at nilagpasan ngunit napahinto ako nang harangan
niya ang aking daraanan.

"Caleb..."
Sinulyapan ko siya. "Ano?"

Ngumiti siya nang matamis sa akin at inilahad sa akin ang isang baso ng mainit na
kape. Bahagyang kumunot ang aking noo. "Para sa'yo..." nahihiyang sabi niya.

I sighed heavily. "Salamat, pero nagkape na ako kanina, Allena. Sa'yo na lang
'yan..." mahinahong sabi ko.

Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mga mata nang lagpasan ko siya upang
takbuhin ang daan papasok sa building.

Simula noong nagkausap kami ni Georgianna, hindi ko na pinalagpas ang bawat


pagkakataon upang makasama siya. I've already wasted four damn years before I could
finally get a chance to get close to her. Katulad nga palaging sinasabi sa akin ni
Franco, walang mangyayari kung palagi na lang akong magpapadala sa katorpehan ko.

Nang sumapit ang midterms at finals namin ay naging busy ako dahil sa kabi-kabilang
requirements. Mataas pa naman ang expectations sa akin ng mga propesor ko dahil
anak ako ng isang alumni na ngayon ay isa nang kilalang military doctor. Pagkatapos
ng graduation ay agad akong nagpasa ng application form para sa military academy at
nag-asikaso ng requirements. Nagfocus din ako sa pagt-training upang mas lumakas
ang aking katawan lalo na't alam kong marami pa akong kailangang pagdaanan sa loob
ng military academy.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ni Georgianna.

Ipinasok ko ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko habang diretsong


nakatingin sa kanya. "To see you, of course..."

Tinitigan niya ako nang matalim. "Puwede ba, Caleb? Huwag mo nga akong pinaglolo-
loko!"

Halatang nagulat din siya sa kanyang sinabi. Bahagyang kumunot ang noo ko habang
pinapanood ang reaksyon niya. What's running on her mind?

"Hindi kita niloloko," I calmly said.

Umiling siya at agad nag-martsa paalis. Agad ko siyang hinabol ngunit mas binilisan
niya pa ang kanyang paglalakad.

"Gella..."

"Ano ba?!" iritadong sabi niya.

Hinablot ko agad ang pala-pulsuhan niya nang maabutan ko siya kaya napahinto siya
sa paglalakad at napaharap sa akin. Hinuli ko ang kanyang tingin kahit pilit niya
itong iniiwas sa akin. Bakas pa rin ang matinding iritasyon sa kanyang mukha.

"What are you talking about?" mahinahong tanong ko sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa nakaawang at nanginginig niyang mga labi na tila ba may
gustong sabihin ngunit pinipigilan niya lang itong kumawala. Sinubukan niyang
bawiin ang pala-pulsuhan niya mula sa pagkakahawak ko ngunit hindi ko siya
hinayaan.

"I won't let you go until you tell me what's wrong, Gella..." marahang sabi ko.

Pinukulan niya ako ng matalim na tingin. "'Yan ka na naman, eh! Nililito mo na


naman ako sa mga kilos at salita mo! Why are you making me so confused, Caleb? Ano
ba talaga ang pakay mo sa akin? Hindi na kita maintindihan!"

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko dahil sa sinabi niya. I immediately


shifted my weight. "Am I... confusing you?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Nanatili siyang walang kibo sa tanong ko. I slightly tilted my head upwards. Maybe
she's right. Now that I think of it, maybe I was only giving her subtle hints
without voicing out my true feelings to her. Siguro kaya siya nalilito ay dahil
hindi ko pa kailanman nasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Ayaw pa naman ng mga
babae 'yong paligoy-ligoy at mahirap intindihin.

Bahagya akong tumingala upang pakalmahin ang sarili. Iminulat ko ang aking mga mata
at idinirekta iyon sa kanya. "I like you, Georgianna Isabella..." napapaos na sabi
ko.

Her ice cold eyes suddenly showed indescribable emotions which made my heart pound
in anticipation. Naputol ang aming titigan nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Ayaw ko sanang sagutin iyon ngunit nakita kong mula iyon sa pinag-applyan kong
military academy.

Ngumiti ako kay Georgianna bago marahang tinapik ang ibabaw ng kanyang ulo.
Itinikom niya ang kanina pa niya nakaawang na bibig at mas lalong pumula ang
kanyang mukha.

I chuckled a bit. "I'll be back after I take this call. Wait for me here, okay?"

Marahan siyang tumango at pinanood akong lumayo nang kaunti upang sagutin ang
tawag. "Hello? Sir, napatawag po kayo?"

"Good afternoon! May I talk to Caleb Atticus Avanzado?"

I cleared my throat. "Ako po iyon. Bakit po kayo napatawag?"


"Mr. Avanzado, I just called to inform you that your application for the military
academy has been approved. Maaari kang pumunta rito sa academy para sa interview.
Also, you should prepare yourself for an assessment that will take place before you
officially enter the academy."

Hindi ko na napigilan ang pagngiti. "Thank you for your consideration, Sir!"

Nang ibaba ko ang tawag ay agad kong nilingon si Gella upang ibalita sa kanya ang
tungkol sa pagkakatanggap ko sa military ngunit napawi agad ang ngiti ko nang
makitang wala na siya sa kanyang kinatatayuan kanina. Naramdaman ko ang pag-akyat
ng pait sa lalamunan ko. I felt a slight pain in my heart. Should I take this as a
hint that she doesn't like me at all and I don't stand a chance?

Napangiti ako nang malungkot at ibinagsak ang tingin sa sahig. So this is the
feeling of rejection, huh? Noon ay gusto kong malaman ang pakiramdam nito ngunit
ngayong naranasan ko na ay nagsisisi na akong ginusto kong alamin ito.

"Commence exercise! One, two, three... One! One, two, three... Two!"

Sa nakalipas na tatlong buwan ay nagfocus ako sa summer training camp sa military


na isinagawa para sa mga gustong sumubok ng training sa hukbong sandatahan ng
Pilipinas. I also underwent the Candidate Fitness Assessment before I became
officially enlisted to military academy.

Noong pumasok na ako sa military academy, naputol ang komunikasyon ko sa labas


dahil istrikto ang mga pamantayan sa loob ng paaralan. May nakatalagang schedule
kami para sa aming pang-araw araw na gawain at kahit hindi ka sanay sa gano'ng
pamumuhay ay kailangan mo talagang magsimulang sanayin ang sarili mo. Halos araw-
araw ay may pisikal na pagsasanay kami at nagkaklase rin kami sa silid-aralan.
Overall, it was physically taxing but it was definitely worth it because I know I
wasn't just training for myself but for the service of the Filipino people.

Sa isang taong nagdaan, sinubukan kong kalimutan si Georgianna ngunit kahit anong
gawin ko ay hindi siya mawala-wala sa aking isipan. The more I tried to forget her,
the more I became more drawn to her. I just couldn't forget the way how her eyes
sparkle everytime our eyes met. I just couldn't forget how beautiful she was
everytime she smiled and laughed. It's really hard to wait around for something you
know might never happen but it's harder to give up when you know it's everything
you want.

Pagkalabas ko sa kampo upang magbakasyon nang ilang linggo ay agad akong tumungo sa
paaralan ni Georgianna. I wanted to see her so bad. I wanted to hear her voice
again. I wanted to tell her how much I missed her. I wanted to tell her how much I
love her and that she deserves all the love this world can give.

"Oh, Caleb! Napadalaw ka yata?"


Tuluyan na akong pumasok sa silid at agad nagmano sa ninang ko. "Patambay muna ako
rito, Ninang..." nahihiyang sabi ko bago umupo sa isang swivel chair sa kanyang
tabi.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Bakit? May hinihintay ka ba?"

Inabala ko ang sarili sa pagbubuklat ng folders sa kanyang lamesa. "Marami po bang


nag-apply na dean's lister ngayong taon?" pag-iwas ko sa usapan.

Bago pa siya makasagot ay biglang bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ng isang
magandang babaeng nakasuot ng puting uniporme. My lips parted when I saw her lovely
smile before she walked inside the room. I watched her as she stride confidently
inside the room. Nang huminto siya sa harapan ng lamesa ay nagtama ang tingin
naming dalawa. My throat ran dry and I was immediately lost for words.

Her medium-length, natural brown wavy hair resting above her shoulders were so
smooth and silky as if it was tailored from the highest quality of fabric. She
immediately looked away and sat down on the chair in front of me.

Nang lumabas siya sa silid ay agad ko siyang sinundan. My lips parted when her eyes
suddenly welled up with tears. Sinubukan kong iangat ang kanyang baba at hulihin
ang kanyang tingin. "Hey... why are you crying? May nasabi ba akong mali? I'm
sorry..."

"Caleb, I'm sorry," she croaked. "I-I'm really, really sorry..."

I gently pulled her into a hug and let her cry her heart out. "I'm sorry for being
mean and I'm sorry for pushing you away," she sobbed. "I... I was scared. Natakot
akong baka sa oras na hayaan kitang mapalapit sa akin ay iwan mo ulit ako. Natakot
akong baka kapag hinayaan kitang mapalapit sa akin ay mahulog ako. Natakot akong
baka kapag hinawakan kita ay bitiwan mo ako. Natatakot din akong buksan ang sarili
ko para sa ibang tao because I'm afraid they'll end up seeing me the way I see
myself."

Nanatili akong tahimik upang hayaan siyang umiyak at ilabas ang lahat ng kanyang
nararamdaman. Nagulat ako nang biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha.
Napakurap-kurap ako sa gulat nang maramdaman ang lamig ng tingin niya sa akin.
Nalilito ko siyang tiningnan.

"I'm sorry for talking too much. Naiintindihan ko naman kung hindi mo na ako gusto
matapos ang lahat. I just really want to apologize to you so that I won't have any
regrets anymore." Pilit siyang ngumiti bago umambang aalis na ngunit agad kong
hinawakan ang kanyang kamay at muli siyang hinila papalapit sa akin.

Nagtama ang aming tingin nang i-angat niyang muli ang tingin sa akin. Her eyes
showed her soul, but sometimes it's hard for me to comprehend her train of
thoughts. She can be very unpredictable and impulsive sometimes. But that's what
makes me want to understand her more.
When will you ever understand, Georgianna? I want you on your good days and on your
bad ones. You're the one I want to come home to after a rough day at work. You're
the one I want to roll over to in the middle of the night and wake up next to
everyday. You're the one I want to love and hold when times get tougher. And you're
the one I want to be with when everything in the world comes crashing down.

"Mahal kita, Georgianna Isabella..." I sincerely said while looking at her straight
in the eyes.

I wiped away her tears and gently kissed her eyelids and the tip of her nose.
Bumaba ang tingin ko sa nakaawang niyang labi at naramdaman ang paninikip ng dibdib
ko. I forcefully shut my eyes in an effort to control my emotions and gently kissed
her forehead instead.

Nang magtama ang aming tingin ay hindi ko na napigilan ang pagkawala ng isang ngiti
sa aking labi. "Please allow me to court you, Ms. Carvajal. Hayaan mo akong
iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko at patunayan na karapat-dapat ako para sa iyo..."

Habang nagda-drive pauwi sa bahay ay may nadaanan akong matandang babae na may
bitbit na mga palumpon ng bulaklak. Agad kong itinabi ang sasakyan sa kalsada at
lumapit sa kanya. Kahit nahihirapang maglakad ay uugod-ugod siyang naglakad
papalapit sa akin upang alukin ako.

"Hijo, gusto mo bang bumili ng bulaklak para sa iyong kasintahan?" nakangiting alok
niya.

Ngumiti rin ako pabalik at pinagmasdan ang bitbit niyang iba't ibang uri ng
bulaklak. "Magkano po ba ito lahat? Bibilhin ko na po para makauwi na ho kayo..."
sabi ko bago inilabas ang aking wallet at kumuha ng pera.

"Naku! Maraming salamat, hijo! Isa kang hulog ng langit!" naiiyak na sabi niya.

Nahihiya akong ngumiti bago inabot sa kanya ang bayad. Inilahad niya sa akin ang
tatlong bouquet ng iba't ibang klase ng bulaklak. Bumaba ang tingin ko sa card na
nakalagay sa bulaklak bago tumingin sa matandang babae. "'Nay, mayroon po ba kayong
flower shop na pinagkukunan nitong mga inilalako mo?"

Agad siyang tumango. "Oo, hijo! Anak ko ang may-ari ng flower shop na pinagkukunan
ko nito..."

Namamangha akong tumango. "Maaari niyo po ba akong samahan doon ngayon?"

Lumiwanag ang mukha ng matanda at nagagalak akong inihatid sa flower shop na


matatagpuan lang sa kabilang kanto. Kinausap ko ang may-ari ng flower shop at nag-
inquire tungkol sa mga bulaklak nang makaisip ng paraan upang mapangiti araw-araw
si Georgianna. Halata ang tuwa sa mukha ng mag-ina bago ako umalis sa flowershop at
bumiyahe pauwi sa bahay.
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng kapatid kong si Maddison. Agad
niyang hinablot mula sa aking kamay ang mga palumpon ng bulaklak. "Wow, ang sweet
mo naman sa akin! Nagdala ka pa talaga ng bulaklak!"

Bumuntong-hininga ako at hinayaan siyang kunin ang mga bouquet mula sa aking kamay.
"Welcome..." I drawled.

Tinusok niya ang kanyang daliri sa aking tagiliran. "Para kanino 'to, huh? May
nililigawan ka na, 'no?!"

"Para sa'yo nga 'yan, Maddie. Ang dami mong tanong..." sabi ko bago kinuha ang
isang palumpon mula sa kanyang kamay. "Ibibigay ko itong isa kay Mama..."

She narrowed her eyes at me. "Luh? Bakit mo naman ako bibigyan ng bulaklak? May
kailangan ka sa akin, 'no?!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ako, ikaw? 'Wag mo nga 'kong itulad sa'yo!"

Iritado niya akong hinampas sa braso kaya natawa ako. Umakyat na ako sa itaas na
palapag at kumatok sa silid nila Mama. Pinagbuksan niya ako ng pinto at gulat
siyang napatingin sa inilahad kong bouquet ng rosas.

"Para saan 'to? May kasalanan ka ba sa akin? O may kailangan ka?" nagdududang
tanong niya.

"Mama naman..."

Magiliw siyang tumawa bago tinanggap ang bulaklak at humalik sa pisngi ko. "Joke
lang naman! Ang sweet naman ng anak ko!"

The next days felt so unreal for me. Sa lahat ng mga naging bakasyon ko, ito ang
masasabi kong pinakasulit sa lahat. I get to be with Georgianna almost every day.
Sa umaga ay sinasamahan ko ang aking kapatid at nanay sa kung saan nila gustong
pumunta at binibisita ko naman sa ospital si Papa pagkatapos.

Pagsapit naman ng hapon ay dumidiretso ako sa school ni Georgianna upang sunduin


siya at samahang magreview sa café kung saan siya nagt-trabaho dati. Napapansin ko
rin ang madalas niyang pagngiti at pagtawa kaya pakiramdam ko ay sulit lahat ng
ginagawa ko upang mapasaya siya.

"May dala ka bang earphones? O kahit airpods? I forgot mine at home," nahihiyang
sabi niya.

Agad kong kinuha ang airpods ko sa bulsa at inilahad iyon sa kanya. "Am I
distracting you?" I asked in a concerned tone.

She just ignored my question and busied herself on her phone. My heart skipped a
beat when she slowly leaned closer to me and put something in my ears. Bumaba ang
tingin ko sa mapupula niyang labi at pilit na inangat ang tingin sa kanyang mata.

She smiled sweetly at me. "You can choose any song you want... Maingay kasi akong
magreview kaya makinig ka na lang muna sa music. Baka marindi ka sa akin,"
suhestiyon niya bago inilahad sa akin ang kanyang phone.

Hindi pa rin ako nakakabawi sa kanyang ginawa kanina ay ibinalik niya na ang tingin
sa reviewer niya at nagsimula na muling magkabisado. I pursed my lips and
suppressed a smile. Pinatay ko ang music ngunit pinanatili ang airpods sa aking
tainga at nagpanggap na hindi ko siya naririnig.

"Total Protein... Causes of increases: dehydration and inflammation. Causes of


decreases: bleeding, liver disease, intestinal disease, and congestive heart
failure. Teka... parang may kulang akong isa?" aniya sa sarili.

Pinigilan ko ang pagngiti at pinanatili ang tingin sa labas. Girls with make up
looks good, but girls with goals and passion looks best for me.

I watched her study with eyes full of burning passion and drive to fulfill her
dreams one day. Her eyes gleamed with pure joy like she was enjoying what she was
doing.

I knew from that moment that I want to have her for myself. I want to be the man
she would end up with. I want to be better to fully deserve her. I want to give her
the life she wants. I want her to live her dream and be happy. And I want to be
with her when she finally reached her goals in life.

"Hindi ka ba magpi-picture?" nakangusong tanong ni Georgianna.

I cocked my head to one side and looked at her playfully. "I'll just enjoy the
view..." simpleng sabi ko.

Napangiti ako nang simangutan niya ako. Kung alam mo lang, Georgianna... mas
maganda ka pa sa lahat ng nakikita kong tanawin ngayon. At isa pa, mas nag-eenjoy
akong panoorin ka. I can always go back to this place to see the view but I can
never turn back the time and go back to this exact same moment with you.

Hinigit niya ang braso ko at ipinosisyon ako sa gitna ng kumpol ng cabbage flowers.
"Magpose ka d'yan dali! Pipicture-an kita," excited na sabi niya bago itinutok sa
akin ang DSLR camera niya.

I watched how the cold breeze blew her hair and the sunlight highlighted her facial
features. I looked at her with pure adoration and realized how blessed I am just to
be here with her.

"Picture-an mo rin ako!" masayang sabi niya bago inilahad sa akin ang kanyang
camera.

Humarap siya sa pagsikat ng araw at agad ko namang pinindot ang camera. My lips
parted in adoration when she slowly turned to look at me while smiling. Her beauty
surpasses all the wonders I have seen in this world. She is painted with the most
fluorescent colors using the most beautiful pallet in this world. Everytime she
smiles, rays of colors from every end of the spectrum go running in all directions.
It was indeed a breathtaking view.

"Just so you know, I still don't like you for my sister," seryosong sabi sa akin ni
Skylen nang bumisita ako sa kanilang bahay. "Pero dahil nakikita kong masaya ang
Ate ko sa iyo, hahayaan muna kita sa ngayon. Pero tandaan mo... sa oras na malaman
kong sinaktan mo ang kapatid ko, hinding-hindi ko na hahayaan pang makalapit ka sa
kanya kahit isang metro."

I slowly nodded and pursed my lips. Like hell I could afford to hurt her. Ang
makita siyang umiyak dahil sinaktan ko siya ay ang pinakahuling pangyayaring gusto
kong masaksihan. I want to see her cry with tears of joy in her eyes instead.

Noong huling taon ko sa military academy, maaga akong nakalabas sa kampo pagkatapos
ng awarding ceremony. Nang makauwi sa bahay ay agad akong nag-isip ng paraan kung
paano surpresahin ang girlfriend ko dahil hindi niya alam na ngayon na pala ang uwi
ko. I went straight to the same flower shop I used to buy flowers from and
immediately headed to her school. I stopped midway when I received a call from my
mother.

"Nasaan ka ngayon, anak?"

"Bakit po, 'Ma? May dadaanan lang po ako..." sagot ko.

I heard her sigh from the other line. "Pumunta ka muna ngayon dito sa mall.
Magcelebrate tayo ng Papa at kapatid mo para sa pag-uwi at graduation mo," aniya
mula sa kabilang linya. "Nandito kami ngayon sa paboritong restaurant ng Papa mo."

Mahaba akong napabuntong-hininga at sinulyapan ang bouquet ng sunflowers na


nakapatong sa passenger seat. Agad akong nag-U turn pabalik at tumungo muna papunta
sa mall. Nang makarating doon ay agad akong pumasok at hinanap ang restaurant na
tinutukoy ni Mama.

Nang makita sila ay napangiti ako ngunit agad itong napawi nang makita kung sino
ang isa pang naririto. Bumeso muna ako kay Mama at kay Maddie bago nagmano kay
Papa. Ibinalik ko ang tingin kay Allena na ngayon ay nakangiti nang matamis sa
akin. Inilahad niya ang isang malaking box na naka-gift wrap. "Congratulations, 2nd
Lieutenant Avanzado!" she greeted me.
"Thank you..." Tipid akong ngumiti at tinanggap ang inilahad niyang regalo. "Mag-
usap muna tayo saglit sa labas, Allena," mariing bulong ko bago akmang hihilahin na
ang kanyang braso ngunit pasimple niya itong iniwas sa akin at ngumiti kila Mama at
Papa.

"Why don't you invite your girlfriend, hijo?" tanong sa akin ni Papa nang makaupo
kami.

"Oo nga! Gusto ko nang makilala ang girlfriend mo, Caleb! Masyado na akong nahuhuli
sa balita!" pagsang-ayon ni Maddie.

"Ah, nasa school pa po kasi si—"

"Girlfriend? Sinong girlfriend?" pagsingit ni Allena sa usapan.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Kumunot agad ang noo ko sa reaksyon niya. "Ah, si
Georgianna, hija... Hindi pa ba nababanggit sa iyo nitong si Caleb?" tanong ni Mama
sa kanya.

Pinukulan niya ako ng matalim na tingin. "Ah, ito po siguro 'yong pag-uusapan
naming dalawa. Caleb, shall we talk about it now?"

"Oh, sure! You two can talk first. Mukhang importante yata ang pag-uusapan niyo,"
nag-aalinlangang sabi ni Mama.

I sighed heavily. "Please excuse us first, Mama and Papa. Mag-uusap lang po muna
kami sa labas ni Allena," sabi ko bago hinawakan sa braso si Allena at hinila
palabas.

"Bitiwan mo nga ako, Caleb!" aniya bago marahas na binawi ang kanyang braso nang
makalabas kami.

"What are you doing, Allena?"

She looked confused. "Ano? Wala naman akong ginagawa, ah—"

"Anong ginagawa mo dito?" mariing putol ko sa kanya.

"What? I just helped Tita Helena! We planned this for you! At saka, para naman
akong iba sa pamilya mo? We've known each other since childhood, Caleb. Naging
girlfriend mo rin ako!Your family knows me too well—"

"But that was more than seven years ago! We already broke up and you already broke
our friendship since then, Allena! Ano itong ginagawa mo? Hindi mo na dapat
ginagawa para sa akin ito!" nauubos ang pasensyang sabi ko.
"Bakit si Gella pa ang ipinalit mo sa akin, Caleb?" puno ng emosyon niyang sinabi.

Napasinghap ako. "Bakit naman hindi?"

Pagalit niyang hinampas ang dibdib ko. "Bakit siya pa?! Sa dinami-dami ng babae sa
mundo at sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa sa iyo, bakit si Georgianna
Carvajal pa?!" nanggagalaiting sigaw niya. "Buong buhay ko ay kakumpitensya ko na
siya sa lahat! Pati ba naman sa'yo ay kaagaw ko pa rin siya?!"

Napatiim-bagang ako dahil sa sinabi niya. "Ano naman ngayon sa iyo?"

Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Allena sa labi. Nang bumitiw siya ay
hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Bakit hindi na lang ako ulit? Bakit
hindi na lang tayo ulit? Ako na lang ulit, Caleb! Mahal pa rin kita at
pinagsisisihan ko na ang lahat ng ginawa ko noon..." madamdaming sabi niya.

Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa at mga sinabi niya ay bigla niya ulit akong
hinalikan nang mas mapusok. Dahil sa gulat ay bigla ko siyang naitulak papalayo.
Napabagsak siya sa sahig at sunod kong narinig ay ang sigaw ni Mama.

"Allena, hija! Are you okay?" si Mama.

Sinugod ako ni Papa at agad akong kinuwelyuhan. "Kailan ka pa natutong manakit ng


babae?! Iyan ba ang natutunan mo sa military?!" galit na sermon ni Papa sa akin.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig at itinikom na lang ang aking bibig. Inalalayan ni
Mama patayo si Allena. Galit na galit pa rin si Papa dahil sa ginawa ko kaya
inutusan niya akong ihatid pauwi si Allena. Nanatili lang kaming tahimik buong
biyahe. Patuloy pa rin siya sa kanyang pag-iyak hanggang sa makarating kami sa
tapat ng kanilang bahay. Pinagbuksan ko siya ng pinto at nanatili akong walang imik
sa kanya hanggang sa bumaba siya sa sasakyan.

Bago pa ako makapasok sa driver's seat ay hinawakan niya ang braso ko. "Iwan mo na
si Georgianna, Caleb! Bumalik ka na sa akin, please? I know I'm the one who broke
your trust before, pero matagal na iyon! Nagbago na ako! Pinagsisisihan ko na ang
lahat! It was just a mistake—"

Iritado ko siyang nilingon at kinalas ang pagkakahawak niya sa aking braso. "Will
you please shut up, Allena? Naririnig mo ba ang sarili mo? I didn't know you can be
this desperate! Hindi na ikaw ang dating Allena na nakilala at minahal ko."

Humagulgol siya at sinubukang hulihin ang kamay ko ngunit iniwas ko iyon sa kanya.
Galit niya akong tiningnan. "Hindi ako naniniwalang mahal mo talaga si Georgianna!
Alam kong ginagamit mo lang siya para saktan ako at pagsisihan ko ang ginawa ko
noon sa'yo—"
Mariin ko siyang tinitigan upang patahimikin siya. "Mahal ko si Georgianna
Isabella. Mahal ko ang girlfriend ko. Hindi ko alam kung anong rason mo para gawin
iyon kanina pero pakiusap, huwag mo nang ulitin iyon at itigil mo na rin itong
kahibangan mo. Itigil mo na ang pakikipagkumpitensya sa girlfriend ko dahil alam
nating hinding-hindi ka mananalo," pinal na sabi ko bago sumakay na sa sasakyan at
mabilis itong pinaandar patungo sa condo ni Gella.

Naghintay ako ng ilang minuto roon ngunit walang sumasagot kaya nagpasya akong
hanapin na lang siya sa bahay nila. Sinubukan ko rin siyang tawagan at padalhan ng
maraming texts ngunit nakapatay ang cellphone niya.

"Anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ng kapatid niyang si Skylen nang pagbuksan
niya ako ng gate.

"Nandiyan ba ang ate mo?" diretsong tanong ko.

"Nasa trabaho," malamig na sabi niya.

Sinulyapan ko ang golden Wildtrak na naka-park sa garahe nila. "Hindi niya ba dala
ang kotse niya?"

Naramdaman ko ang iritasyon niya habang nakatingin sa akin. "Hinatid ko," tipid na
sagot niya.

Kahit alam kong hindi totoo ang sinabi ng kanyang kapatid ay naramdaman kong hindi
ko dapat ipagpilitan iyon ngayon. "Sige... Pakisabi na lang sa kanya na dumaan ako
rito at saka, sagutin niya na rin ang mga tawag ko dahil nag-aalala ako..."

Pinalamig ko muna ang sitwasyon at binigyan ko muna siya ng oras upang magpalamig
at makapag-isip isip. Patuloy kong inisip kung ano nga ba ang nagawa kong mali at
kung bakit biglang lumayo ang loob niya sa akin. Sa tuwing naiisip ko ang ginawa ni
Allena noong araw na iyon ay hindi ko maiwasang isiping maaaring may ginawa o
sinabi rin sa kanya si Allena upang masira kaming dalawa.

Nang sumapit ang araw ng unang anibersaryo namin ay nakita ko siya sa ospital.
Lalapitan ko na sana siya roon ngunit agad akong hinarang ni Skylen. Agad akong
napaatras at gulat na napatingin sa kanya. Iginiya niya ako palabas ng ospital.

Nagulat ako nang bigla niya akong itulak sa pader at kinuwelyuhan. "Anong ginagawa
mo rito?! Hindi mo ba talaga nakikitang ayaw kang makita ng kapatid ko?!"

Saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya. Nang makabawi ay agad akong nagsalita.
"Kailangan naming mag-usap—"

"Ayaw ka nga niyang makausap! Bakit ba hindi mo na lang tanggapin iyon?!"


Suminghap ako. "This is a matter between us, Skylen. Huwag kang makialam—"

Hinigpitan niya ang pagkakakuwelyo niya sa akin. Anger was evident in his eyes.
"Kapatid ko ang pinag-uusapan natin dito, Kuya Caleb! Hindi kung sinu-sino lang!
Mas kilala ko siya kaysa sa'yo!"

Natahimik agad ako sa kanyang sinabi. Abot-abot pa rin ang kanyang paghinga dahil
sa galit. Maya maya'y bumitiw na siya at ipinikit nang mariin ang mata. His jaw
clenched as he tried to slow down his breathing.

"I never liked you for my sister at the first place... Tama pala talaga ang hinala
ko," malamig na aniya bago matalim akong tiningnan. "Huwag na huwag mo nang
lalapitan at guguluhin pang muli ang kapatid ko kung ayaw mong ako ang makaharap
mo." Hindi niya na ako hinayaan pang magsalita at agad naglakad papasok sa ospital.

Naging mahirap para sa akin ang mga sumunod na buwan. Isa ito sa pinakamahabang
bakasyon ko simula noong pumasok ako sa military at marami pa sana akong plano para
sa aming dalawa ni Gella. On the last week of my long vacation before I go, I
accidentally bumped into Georgianna at the lobby of the hospital where my father
asked me to come to.

Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang malaking pagbabago sa kanyang


pisikal na anyo. Napansin ko ang pamamayat niya partikular na sa kanyang mukha. Her
lively eyes every time our eyes met before became dull and exhausted. Nanuyo ang
lalamunan ko at naubusan ako ng mga salita. I wanted to hug her tightly and take
away all her pain. Kung maaari lang sanang akuin ang lahat ng bigat na kanyang
nararamdaman ngayon ay ginawa ko na. It really hurts seeing her like this.

Ang matalim niyang tingin sa akin ay dumurog lalo sa puso ko. "Puwede ba, Caleb?
Nawala ka nga ng isang taon na wala akong natatanggap na balita mula sa'yo, pero
itong ilang buwan lang akong hindi nakapagparamdam sa'yo ay nagagalit ka na?" may
bahid sarkasmong sabi niya.

Her words immediately pierced through my heart. "I'm sorry..." napapaos na sinabi
ko. "May problema ba? Kailangan mo ba ng tulong? I can help you if you want—"

"I don't need your help, Caleb. I don't need anyone's help," mariing sabi niya.

Huminga ako nang malalim. "Baby, please tell me what's bothering you... We can fix
this. Ayokong nag-aaway tayo. Let's talk about this, okay?"

Nang makita ang pangingilid ng kanyang luha ay parang pinipiga ang puso ko. "Ayoko
na, Caleb. Pagod na pagod na akong maghintay sa'yo. Let's just end this..." sabi
niya.

I looked at her with disbelief. My heart felt an excruciating pain travelling down
my spine. "Georgianna, please... Alam kong nasasabi mo lang 'yan dahil pagod ka.
Please rest for a while, okay? We'll talk about this tomorrow—"

She stared at me with ice cold eyes. "Alam mo kung anong na-realize ko noong mga
panahong wala ka? Naisip ko na baka temporary lang pala ito. Na baka temporary lang
pala itong nararamdaman ko. Na baka nabigla lang ako noong sinagot kita. Because it
was just the same for me... I see no difference when you were courting me and when
we're in a relationship," walang emosyong sabi niya.

"Georgianna..." Naramdaman ko ang paninikip lalo ng dibdib ko at ang pagkawala ng


ilang luha mula sa mata ko.

"Na-realize ko na sa una lang pala talaga masaya. Sa una lang talaga may thrill at
excitement. Siguro dahil sa una lang naman talaga tayo palagi dahil walang gitna at
huli. Pakiramdam ko walang patutunguhan 'tong relasyon na 'to..." she added.

Her words struck like lightning through my heart but seeing her cry in front of me
with eyes full of pain and exhaustion hurted me even more.

"Mas mahaba pa 'yong mga oras na ginugugol ko sa paghihintay sa pagbabalik mo kaysa


mga panahong nandito ka sa tabi ko. Pagod na akong maghintay sa bawat pagbabalik
mo, Caleb! Pagod na akong panoorin ang pag-alis mo! Hindi mo alam 'yong
nararamdaman ko kasi hindi naman ikaw 'yong naiiwan dito!"

Inangat ko ang aking kamay upang subukan siyang hawakan ngunit pinigilan ko ang
sarili ko. Ikinuyom ko na lang ang kamao at napalunok nang sunud-sunod habang
nakapikit ang mga mata. Nang ibalik ko sa kanya ang tingin ay mas lalo lang nanikip
ang dibdib ko. "I'll come back for you and we'll talk about this again..." I half-
heartedly said.

"Wala ka nang babalikan," pinal na sabi niya bago ako nilagpasan at dire-diretsong
naglakad palabas ng lobby ng ospital.

Habang pinapanood ang kanyang pag-alis ay parang pinipiga ang puso ko. Kahit gusto
siyang habulin ay pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong kailangan niya muna ng
espasyo upang pahilumin ang mga sugat sa kanyang puso at lumiwanag muli ang kanyang
isip. I want to respect her decision and give her some time to think but that
doesn't mean I would give up on her easily.

Mabibigat ang bawat hakbang ko papunta sa opisina ni Papa dito sa ospital. Nang
pumasok ako ay agad siyang napatingin sa akin. Napawi agad ang kanyang ngiti nang
makita ang ekspresyon sa mukha ko. "Anong problema, anak?" nag-aalalang tanong niya
nang makalapit ako.

Inangat ko ang tingin sa kanya. "Papa, gusto ko munang i-delay ang pagsisilbi ko sa
bansa..." halos pabulong na wika ko.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha. "May I know the reason behind this?"
Bumagsak ang tingin ko sa sahig. "Kailangan kong makausap si Gella..." wala sa
sariling sabi ko.

Nagulat ako nang biglang hampasin ni Papa ang kanyang lamesa. "Naririnig mo ba ang
sarili mo, Caleb Atticus? Uunahin mo pa talaga 'yan kaysa sa tungkulin mo?
Nakalimutan mo na ba ang sinumpaan mo?!"

"Pero, Papa—"

"Walang sundalong inuuna ang pag-ibig kaysa tungkulin! Ang una nating minahal ay
ang paglilingkod sa Inang bayan! Itatak mo 'yan sa kokote mo!"

Napayuko ako at mabagal na napabuntong-hininga. Hindi ko na muling ibinuka ang


aking bibig dahil alam kong tama ang sinasabi ni Papa.

"Hindi ko kasalanan kung hindi ka marunong magbasa at magpahalaga ng isang babae!


Kung gagawin mo lang itong dahilan upang tumakas sa tungkulin mo, p'wes hindi kita
hahayaang gawin ang gusto mo!"

His words echoed inside my head as I drive my way to the military camp. Kahit
mabigat ang aking puso ay isinuko ko ang pagkakataong makausap si Georgianna upang
unahin muna ang tawag ng aking tungkulin.

"We can give our lives in order for others to live. 'Yan ang palagi niyong
tatandaan bilang bahagi ng hukbong sandatahan ng Pilipinas." Isa ito sa
pinakatumatak sa aking isip habang naglilingkod para sa bayan.

Pagkabalik ko pagkalipas ng halos dalawang taong pagkawala ay dumiretso agad ako sa


tinutuluyang condo ni Georgianna. Nagulat ako nang makitang ibang tao na ang
naninirahan doon.

Humithit siya sa kanyang sigarilyo habang pinapasadahan ng tingin ang suot kong
uniporme. "Hinahanap mo ba 'yong dating may-ari ng unit na 'to?" tanong sa akin ng
bagong naninirahan sa condo unit ni Georgianna.

Tumango ako. "Nasaan na po siya ngayon?"

"Ibinenta niya na itong unit niya dahil umalis na siya sa Pilipinas upang
magmigrate sa ibang bansa..."

Her words kept ringing on my ears as I drive my way to the hospital where she's
working. Wala sa sarili akong naglakad papasok sa lobby at hinanap ang kaibigan
niyang si Tatiana. Nang makita ako ay bakas ang gulat sa kanyang mukha.

"Caleb? Anong ginagawa mo rito?"


Napalunok ako. "Totoo ba?" halos pabulong na tanong ko.

Nalilito niya akong tiningnan. "Ang ano?"

"Totoo bang umalis na si Georgianna?" napapaos na tanong ko.

Umawang ang kanyang bibig at nakitaan ko ng lungkot ang kanyang mukha. Bahagya
akong yumuko at ibinagsak ang tingin sa sahig. I clenched my jaw and pursed my lips
tightly. "Huwag mo nang sagutin," malamig na sabi ko bago umalis at iniwan siya
roon.

Narinig ko pang muli ang ilang ulit niyang pagtawag sa pangalan ko ngunit hindi ko
na siya nilingon pang muli. Tears formed in my eyes as I drive my way to Atok,
Benguet.

Pagkarating doon ay dumiretso ako sa flower farm at pinuntahan ang mga lugar kung
saan kami pumunta noon. Tumingala ako sa kalangitan nang maramdaman ang pagpatak ng
ulan sa aking mukha. Unti-unti itong lumakas ngunit nanatili lang ako sa aking
kinatatayuan. Hinayaan kong dumaloy ang ulan pababa sa aking mukha at katawan
kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.

Never in my life have I thought I would surrender myself entirely for someone just
to make them stay and be with me. Never in my life have I thought I could love
someone completely as much as I love her. Kailanman ay hindi ako nakaramdam ng
matinding insecurities at panghihina ng loob dahil lang sa isang babae. But
whenever I'm with her, I feel like I need to do more and strive to be better to
deserve her. I started taking everything seriously, including my future, when I met
her. And from that moment, I knew I'd be willing to give her a gun pointed through
my heart while hoping she wouldn't pull the trigger.

Noong mga panahong nawala siya, ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pagsasanay at
paglilingkod sa bayan. I vent all my frustrations and loneliness on training and
work and forced my way through the higher ranks. I became the captain of a company
of soldiers in a short period of time. I was the fastest one to be promoted to a
higher rank next to my father.

Every time I go home after a life-threatening mission, I can't help but think of
her. I always think of her in every battle I face, hoping she would come back
everytime I survive a deadly war.    Inaamin kong nagalit ako sa pag-alis niya. I
hated her for giving up on us easily. I hated her for leaving me. I hated her for
hurting me. I hated how we drifted apart. I hated her for making me a fool because
I still love her despite of everything she had put me through.

Sa paglipas ng mga taon, napalitan ang lahat ng galit ko ng pangungulila,


pagtatanong, pagsisisi, kalungkutan, at pait. I cried my heart out and begged to
God to give me another chance to be able to see her again. Hindi na bale kung wala
na siyang natitirang pagmamahal sa akin, basta makita ko lang siya at maiparamdam
sa kanyang pinagsisisihan ko ang ginawa kong pananakit sa kanya. It was the most
painful type of loss because I don't think I will ever meet someone that could
compare to her.

Paglipas ng ilang taon, natupad ang matagal ko nang hinihiling. I saw her after
almost five years in a mass casualty incident. Habang hinahatid ko ang kapatid kong
si Maddie sa ospital ay aksidente kaming nadamay sa pagbagsak ng bagon ng tren mula
sa itaas na kalsada.

In her eyes, I saw the same burning passion that stole my heart before, if not,
even more fiercer than it ever was. I saw pure strength and dedication. I knew all
her hardworks have finally paid off. As I watched her walking out of the operating
room while wearing her dream coat, my heart pounded in a mixture of pain and joy. I
knew she would be able to reach her dreams... even without me. Masaya akong naabot
niya na ang kanyang pangarap ngunit masakit ding isipin na kasama niya sana ako sa
pag-abot nito kung iningatan ko siya noong kami pa.

"Back off, p're," mariing sabi sa akin ni Yvanovich. Hindi ko namalayang sinundan
niya pala ako palabas ng ospital noong araw na magpapaalam sana ako kay Georgianna
dahil pupunta na ako sa Mindanao para sa isang misyon.

Hinarap ko siya at nilabanan ang intensidad ng tingin niya sa akin. I smiled


without humor. "Back off? And why the hell would I do that?"

Taas-noo niya akong tiningnan. "Sa akin na si Georgianna."

Umusbong ang galit sa aking sistema. I scoffed out of disbelief. "How ironic.
You're telling me to back off now pero noong g-in-irlfriend mo si Allena habang
kami pa noon ay wala ka man lang ibang sinabi."

Panandaliang dumaan ang guilt sa kanyang mata. "Ilang taon na ang nakakalipas,
pare, hindi ka pa rin ba nakakamove on–"

Tinulak ko siya nang malakas kaya napaatras siya sa kanyang kinatatayuan. "Huwag mo
'kong matawag-tawag na 'pare' dahil hindi na kita kaibigan! Matagal na akong
nakamove on kay Allena, pero sa panggagago mo sa akin? No way," mariing sinabi ko.

He smirked. "Wala akong pakielam kung galit ka pa rin sa akin at matagal ko na ring
tanggap na wala nang pag-asang maibalik pa ang pagkakaibigan natin, Caleb. Pero
ibang usapan na si Gella—"

Kinuwelyuhan ko siya. "Don't you dare mention her name with that filthy mouth of
yours! You don't deserve someone like her. Hinding-hindi ko hahayaang guluhin mo
ang buhay ng babaeng mahal ko," nagpipigil ng galit kong sinabi. "I'm warning you,
Alcaraz... Hindi ako mabuting tao. Ako ang makakaharap mo sa oras na malaman kong
sinubukan mo ring gaguhin si Georgianna Isabella."

Noong pauwi na ako galing sa giyera sa Mindanao ay wala pag-aatubili akong


dumiretso sa ospital na pinagt-trabahuan ni Gella. Bago pa ako makarating sa
ospital ay may nadaanan akong gulo at kinailangan kong sagipin ang buhay ng isang
civillian. Sa huli ay nahuli ng mga pulis ang lalaking namaril at nagtangkang
nakawan at patayin ang babaeng may dalang malaking halaga ng pera.

"Sir, ano pong pangalan nila?" nag-aalalang tanong ng lalaking paramedic sa akin
bago ako isinakay sa ambulansya matapos tamaan ng ilang bala ng baril upang
maprotektahan ang babae.

Kahit bahagyang masakit ang tama ng bala sa aking braso ay pinilit kong bumangon
mula sa stretcher. "Puwede mo ba akong tulungan?" nahihirapang sabi ko.

Nalilito niya akong tiningnan. "H-Huh? Ano pong maitutulong ko?"

Palihim akong napangiti nang may maisip na plano. "Pagkarating ko sa ospital,


sabihin mo sa doktor na wala kang nakalap na impormasyon tungkol sa akin dahil wala
akong dalang kahit anong ID."

"Iyon lang po ba? Sigurado po ba kayo?"

Tumango ako. "At saka... gusto ko isa si Dra. Carvajal sa makakakita sa akin mamaya
pagdating natin sa ospital."

I smiled inwardly before lying down. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpanggap
na walang malay hanggang sa makarating sa ospital. Itinago ko sa bulsa ang dalang
maliit na box kung saan nakalagay ang singsing na ibibigay ko sa kanya. Maaaring
magalit si Georgianna kapag nalaman niya itong ginawa ko pero bahala na. For safety
precautions lang naman in case na ipagtabuyan niya ulit ako at itulak papalayo.
Ipapaliwanag ko na lang sa kanya ito kapag hindi na siya galit.

"I wanna be with you through the tough times and the good ones. I want to love you
in your weakest moments to your strongest ones. I'm going to love you when you're
happy and love you even more when you're sad. I want to love each and every piece
of you," nangingiting sabi ko bago itinutok sa kanyang daliri ang wedding ring.
"Georgianna Isabella, this ring is my sacred gift, with my promise that I will
always love you, cherish you, and honor you all the days of my life. And with this
ring, I thee wed."

Her alluring mouth curved into a sweet smile as her eyes welled up with tears of
joy. Pinalis niya ang ilang luhang kumawala sa kanyang mata bago kinuha ang isa
pang singsing at itinutok iyon sa aking daliri.

"I may not be able to tell you this every day but... I just want you to know that
you mean the world to me, Caleb Atticus Avanzado. On the day you walked into my
life, my heart started beating differently and my life changed into something
beautiful and meaningful. I may not be the first woman in your life, but I want to
be the last woman you ever loved," she said with tears of joy in her eyes before
putting the ring in my finger.
Nangilid ang mga luha ko habang pinapakinggan ang mga salitang binitiwan niya.
Marahan kong pinalis ang mga takas na luha sa kanyang pisngi.

"And by the power vested in me, I now pronounce you as husband and wife. You may
now kiss the bride," nangingiting sabi ng pari.

I carefully lifted the veil covering her beautiful face. Sumilay ang isang matamis
na ngiti sa kanyang labi. I gently grabbed her waist and pulled her close to me.
Her soft chuckle seemed like a melody of a song I would never ever get tired
listening to. I gently brushed my lips against hers as joyful tears escaped my
eyes.

Ang paglilingkod sa Inang bayan ang una kong minahal at siya ang huling babaeng
nais kong paglingkuran nang buong puso hanggang sa aking huling hininga.

If surrendering means spending the rest of my life with her, then she would be my
sweet surrender.

        Letter of Appreciation [My Sweet Surrender]

            Dear beloved readers,

Hi, this is itsartemiswp! I would like to take this opportunity to thank each and
everyone of you who've made it to the end of My Sweet Surrender. This is the first
book from the MED series and also my first time writing a medicine-related
fiction/medical drama. Kung napansin niyo man po noong Beginning pa lang ay nag-
uumapaw na ang medical jargons/terminologies. Hindi po ito based on my experience
dahil nasa second year pa lang ako ng pre-med ko pero may ilan din naman po akong
inilagay roon na nanggaling mismo sa mga naging karanasan ko sa kolehiyo.

Isa ito sa mga akda kung saan mas naging malaya at kumportable akong magsulat. Kung
mayroon man kayong natutunang aral sa istoryang ito, gusto ko lang malaman niyo na
marami rin akong napulot na aral habang nasa proseso ako ng pagsusulat nito.
Georgianna Isabella Carvajal is very close to my heart because we have a lot of
similarities. Kung nakilala niyo siya at kung nakakonekta man siya sa inyong mga
puso, para niyo na rin akong nakilala at nakasama sa personal.

Sa lahat ng mga sumuporta, sa mga matiyagang naghintay sa updates ko, sa mga


nagbigay ng kaunting oras upang magbigay ng comments at votes, at syempre sa mga
silent readers ko... maraming salamat po sa inyong lahat! Kung hindi po dahil sa
inyo ay hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na isulat at ipagpatuloy ang
istoryang ito.

I dedicate this story to my beloved Artemians who supported me from the start until
now and to all those people who always believed in me and my potential as a writer.
I love you all so much!

At ikaw na umabot hanggang dito, this is for you. From the bottom of my heart,
thank you very much. ❤️
Kung may questions, suggestions, feed backs, or clarifications man kayo, feel free
to comment below or message me privately kung nahihiya man kayo. I'm also open for
constructive criticisms to help me improve my writing.

Natupad na ni Dr. Georgianna Isabella Carvajal-Avanzado ang pangarap niya, sana


ikaw rin balang araw. :)

"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams." – Eleanor
Roosevelt

Once again, thank you very much! I heART you all ❤️ See you on my next one!

Love,
itsartemiswp

       

You might also like