You are on page 1of 1

Magandang araw po!

Bilang isang kabataang malay sa iba’t ibang kultura/kaugalian mula sa Asya,masasabi kong
napakahalaga ang pagbibigay ng respeto at pagyakap sa kultura ng isang bansa.
Ang sinaunang kabihasnan ng Tsino ay hango sa mga turo ng pilosopong si Confucius. Subalit
maliban sa pilosopiya ng Confucianism, ang mataas na pagtingin ng mga Tsino sa kanilang
sarili ay bunga rin ng kanilang hindi matatawarang ambag sa daigdig sa larangan ng
pilosopiya, kaisipan at imbensyon.
Ako bilang mag-aaral na Pilipino, mapapanatili ko ang mga kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng maraming pananaliksik at pagpapaunlad nito tulad ng kultura ng mga
kababayan nating katutubo. Pagrespeto sa kanilang paniniwala at pagtataguyod ng kanilang
kultura.
Ang pagtanggap ng sariling kakayanan ay mahalaga sa pag-unlad ng ating buhay.
Ang pagsali sa mga palaro lalo na sa larangan ng basketball ay isang paraan upang maipakita
ko ang pagpapahalaga sa aking kakayanan at mapapaunlad ko pa ito sa pamamagitan ng
palaging pag eensayo.
Si Hashnu ay isang ordinaryong tao na may pambihirang talento subalit hindi nakuntento.
Naghangad ng mas mataas at dumanas ng ibat’ibang pangyayari na makakapagpatanto sa
kanya na sya ay mahalaga at mayroong angking kakayanan na wala ang iba.
Nagpapatunay lamang ito na tayong mga tao ay hindi marunong makuntento sa kung ano
ang ipinagkaloob sa atin. Madali tayong maiingit sa mga bagay at katangiang mayroon ang
iba na kung tutuusin ay hindi dapat. Makuntento tayo sa kung ano ang mayroon sa ating
pagkatao, sa ating talento at paunlarin at pagyamanin natin nating ang ating anking
kagalingan.
Maraming Salamat po.

You might also like