Professional Documents
Culture Documents
The main symptom of kidney disorder is fluid retention or edema. Patients may have puffiness
around the eyes, swelling in the feet and legs and water in the lungs leading to difficulty of breathing
Any change in urination may also indicate kidney problem. This may consist of pain or unusual
sensation during voiding, increased or decreased frequency of urination, difficulty in initiating
urination, frequent urination at night, change in color of urine, blood in the urine or bubbly
appearance of the urine.
Kidney failure results in the retention of various body wastes which cause anorexia, vomiting,
difficulty in sleeping and generalized body weakness. This is often evaluated by measuring serum
creatinine and blood urea nitrogen.
The presence of protein and red blood cells in the urine is also an indication of kidney disorder. In
glomerulonephritis, proteinuria and hematuria are commonly seen because the glomeruli have
become inflamed. Proteinuria is also the earliest manifestation of diabetic nephropathy. Pallor and
weakness are also among the indications of kidney failure due to anemia secondary to low
erythropoietin production by the failing kidneys.
Hypertension is also a major consequence of kidney disorder. Initial evaluation of all newly
diagnosed hypertensive patients should include serum creatinine and electrolyte levels (sodium and
potassium) particularly among young hypertensive subgroup.
Repeated urinary tract infections, back pain or pain in the lower abdomen may indicate the presence
of kidney stones and may also cause blood in the urine.
Hypertension occurs with many cases of kidney diseases. Prolonged hypertension damages the
small arteries in the kidneys. This may start a vicious cycle: damaged kidneys cause more serious
hypertension which in turn brings more damage to the kidneys.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
ABOUT KIDNEY HEALTH (ENGLISH)
Diabetes may also damage the kidneys. It is the leading cause of chronic renal failure in many
countries. Abnormalities in the urinary tract that are congenital or inborn may consequently lead to
poor function, obstruction or infection of the kidneys. Some drugs, herbal medicine, solvents and
insecticides can also harm the kidneys.
The urine itself may look milky or cloudy, even reddish if blood is present. A fever may mean that the
infection has reached the kidneys. Other symptoms of a kidney infection include pain in the back or
side below the ribs, nausea or vomiting.
● lifestyle modification
● weight loss
● exercise
● low salt, low fat diet
● stop smoking
● less alcohol consumption
● cope with stress
● regular intake of antihypertensive medications
Reference:
National Kidney and Transplant Institute (2021). Kidney Health Plus.
https://nkti.gov.ph/index.php/patients-and-visitors/kidney-health-plus
MGA TANONG TUNGKOL SA KALUSUGAN
NG IYONG BATO (FILIPINO)
Tanong: Ano ang mga palatandaan at sintomas ng sakit sa bato (kidney disorder)?
Sagot:
Ang pangunahing sintomas ng sakit sa bato ay pananatili ng likido (fluid retention) o manas
(edema). Ang mga pasyente ay maaaring magkaroon ng pamumugto sa paligid ng mga mata,
pamamaga sa mga paa at binti at tubig sa bagang magdudulot ng hirap sa paghinga.
Ang anumang pagbabago sa pag-ihi ay maaari ring magpahiwatig ng problema sa bato. Kasama
dito ang pananakit o di pangkaraniwang pakiramdam habang umiihi, dagdag o bawas sa dalas ng
pag-ihi, hirap na simulan ang pag-ihi, madalas na pag-ihi sa gabi, pagbabago sa kulay ng ihi, dugo sa
ihi o mabulang anyo ng ihi.
Ang paghina ng bato (kidney failure) ay nagbubunga ng pananatili ng iba't ibang basura ng katawang
nagiging sanhi ng anorexia, pagsusuka, hirap sa pagtulog at pangkalahatang panghihina ng
katawan. Ito ay madalas sinusuri sa pamamagitan ng pagsukat ng serum creatinine at blood urea
nitrogen.
Ang presensya ng protina at pulang selula ng dugo (red blood cells) sa ihi ay isa ring palatandaan ng
pagkakaroon ng sakit sa bato. Sa glomerulonephritis, ang proteinuria at hematuria ay karaniwang
nakikita dahil ang glomeruli ay maga. Ang proteinuria ay isa ring pinakamaagang palatandaan ng
diabetic nephropathy. Ang pamumutla at panghihina ay kasama rin sa mga pahiwatig ng paghina ng
bato dahil sa anemya, ang pumapangalawa sa mababang produksyon ng erythropoietin ng mga
batong may problema.
Ang alta presyon ay isa ring pangunahing kinahihinatnan ng sakit sa bato. Dapat isama sa paunang
pagsusuri ng lahat ng mga pasyenteng napatunayang may alta presyon ang serum creatinine at
mga lebel ng electrolytes (sodium at potassium), partikular sa mga batang hypertensive subgroup.
Ang paulit-ulit na pagkakaroon ng mga impeksyon sa daanan ng ihi (urinary tract), pananakit ng
likod o pananakit ng puson ay maaaring magpahiwatig ng presensya ng mga bato sa bato (kidney
stones) at maaari ring maging sanhi ng pagkakaroon ng dugo sa ihi.
Ang alta presyon ay nararanasan kasabay ng maraming kaso ng mga sakit sa bato. Ang matagalang
alta presyon ay pumipinsala sa maliliit na mga arterya sa mga bato (kidneys). Ito ay maaaring
magsimula ng isang vicious cycle: ang napinsalang mga bato ay nagdudulot ng mas malalang alta
presyong nagiging sanhi naman ng mas malaking pinsala sa mga bato.
Ang dyabetis ay maaari ring makapinsala sa mga bato. Ito ang pangunahing sanhi ng di gumagaling
na paghina ng bato (chronic renal failure) sa maraming bansa. Ang mga abnormalidad sa daanan ng
ihi (urinary tract) sapul pagkabata ay maaaring humantong sa di maayos na paggana ng mga bato,
sagabal o impeksyon sa mga bato. Ang ilang mga gamot, halamang gamot, solvents at mga
pamatay-insekto (insecticides) ay maaari ring makapinsala sa mga bato.
T: Ano ang mga sintomas ng impeksyon sa daanan ng ihi (Urinary Tract Infection (UTI)?
S: Hindi lahat ng may UTI ay may sintomas ngunit halos lahat ay nagpapakita ng ilan sa mga ito.
Kabilang sa mga sintomas ang madalas na udyok ng pag-ihi at isang masakit, nag-aalab na
pakiramdam sa bahagi ng pantog o yuritra (urethra) habang umiihi. Pangkaraniwan lamang na
sumama ang pakiramdam at makaranas ng sakit (pain) kahit di umiihi. Kadalasan, ang mga
kababaihan ay nakararamdam ng di maginhawang presyur sa ibabaw ng pubic bone at ang ilang
mga kalalakihan ay nakararanas ng kapunuan sa tumbong (rectum). Karaniwan sa isang taong may
UTI ang dumaing na sa kabila ng udyok ng pag-ihi, kaunti lamang ang lumalabas na ihi.
Ang mismong ihi ay maaaring magmukhang tulad ng gatas o malabo (cloudy), mamula-mula pa nga
kung may halong dugo. Ang lagnat ay maaaring mangahulugang ang impeksyon ay umabot na sa
mga bato (kidneys). Kabilang sa ibang mga sintomas ng impeksyon sa bato ang pananakit ng likod
o tagiliran sa ibaba ng mga tadyang (ribs), pagduduwal at pagsusuka.
MGA TANONG TUNGKOL SA KALUSUGAN
NG IYONG BATO (FILIPINO)
Sanggunian:
National Kidney and Transplant Institute (2021). Kidney Health Plus.
https://nkti.gov.ph/index.php/patients-and-visitors/kidney-health-plus.