You are on page 1of 4

Intuduksyon

Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas; ginagamit ito sa pagkakaroon ng mabisang


komunikasyon sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Napakahalaga ng wikang ito sapagkat ito ang
pinakapangunahing instrumento ng mga   Pilipino na maipahayag ang ating damdamin, saloobin,
kaisipan, opinyon at iba pa. Ang pagkatuto ng Wikang Filipino ay isa rin sa instrumento upang
magkaintindihan at makakalap ng mga impormasyon tungo sa maunlad na pagkakaisa.
   Hindi lahat ng Pilipino ay may kakayahang gamitin ito sa mas malalim na paraan pero maaari pa
rin makasalamuha ang ating kapwa Pilipino dahil tayo ay nasa modernong panahon, marami nang
teknolohiya tulad ng telebisyon, radyo at mga  social networking sites na maaaring maging instrument
para sa mas madaliang pag-unawa sa wikang ito.
Si Carroll (1984) ay nagpapahayag na ang Wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan.
Ang suliraning ito gaya ng kawalang kakayanan ng mga modernong Pilipino na makapagsaad
ng pangungusap sa isang payak at purong wikang Pilipino ay kapansing pansin. Madalas, nahihirapan na
ang karamihan na maipahayag ang kanilang mga saloobin at opinion, damdamin at adhikain sa isang
purong wikang tagalog o wikang Filipino.
Layunin
 Ang layunin ng kilos saliksik na ito ay upang malinawan ang bawat Pilipino na ang Wikang Filipino
na ating kinagisnan ay patuloy na gamitin sa pag-aaral maging sa anomang aspeto ng ating
pamumuhay. Pinapakita dito ang tunay na halaga ng ating sariling Wika at mga uri nito. At upang
mas mapagyabong ang ating kinalakihan. Ang layunin din nito ay upang maging mulat ang bawat
Pilipino tungkol sa pag papahalaga ng ating sariling wika sapagkat ito ay silbing salamin ng ating
pagkatao bilang isang Pilipino.

 Sa pamamagitan ng saliksik na ito, mas mauunawaan na ang kakayanan sa paggamit ng wikang


Pilipino sa anumang larangan tulad ng pagsasalikisik, paggawa ng kani-kaniyang mga adhikaing gawain tulad
ng liham, sermon sa pangangaral, paggawa ng limbag o batas, atbp ay nagsisimula sa simpleng pagkatuto ng
kayarian ng pangungusap at mga kaayusan nito. Hinggil dito, layunin ng saliksik na ito na maitaas ang antas
ng kasanayan ng mga Pilipino sa nasabing larangan sa pamamagitan ng paggamit ng purong wikang Filipino
sa mganabanggit.

Disenyo

 Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa eksperimental na pamamaraan ng pananaliksik kung saan
nilalayon na malaman ang epekto ng paggamit ng modyul sa kakayanan sa paggamit ng purong wikang
Tagalog/Filipino sa iba’t ibang larangan na kinapapalooban ng mga sektor ng lipunan gaya ng pamilya,
paaralan, simbahan, at pamahalaan.

Metodolohiya
 Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa bayan ng Victoria kung saan nangalap ng mga datos na
kakailanganin sa pananaliksik gamit ang limampung (50) respondent, sampu (10) mula sa iba’t
ibang sektor ng lipunan: simbahan, magulang, mag-aaral, guro, at pamahalaan. Matapos nito ay
sinuri ng mga mananaliksik ang mga naging tugon ng mga respondent sa serbey-kwestyoner. Mula
rito, ay gumawa ng modyul sa kayarian ng pangungusap at kaayusan nito ang mga mananaliksik
bilang instrument upang maiangat ang kakayanan ng mga respondente sa paggamit ng purong
wikang tagalaog/Filipino. Nagbigay din ng pretest sa mga respondete upang malaman ang kanilang
panimulang kakayanan bago turuan at gamitan ng modyul. Pagkatapos nito, ay nagbigay ng post-
test upang masukat ang natutunan ng mga respondent mula sa modyul na naglalayong mapaunlad
ang paggamit ng purong Tagalog/wikang Filipino sa pagbuo ng pangungusap na mainam na
kasanayan sa paggawa ng mga gawaing kailangan sa bawat sektor g lipunan.
 Ang mga nakalap na datos mula sa pre-test at post-test ay tinuos, sinuri at binigyang
interpretasyon sa tulong ng isang dalubhasa sa Istatistika.
Problema
 Hindi lahat ng Pilipino ay may kakayahang gamitin ang Tagalog sa mas malalim na paraan.
 Kawalang kakayanan ng mga Modernong Pilipino na makapagsaad ng pangungusap sa isang payak
at purong wikang Filipino
Paglalahad ng suliranin
Gayundin, ang saliksik na ito ay isinagawa upang pag-aralam kung ang kaalaman patungkol sa
wikang Filipino ay sapat at may malaking epekto sa kasanayan ng mamamayan sa paggamit ng wikang
ito sa isang purong tagalog na pangungusap upang makabuo ng liham, saliksik, atbp. Nagnanais ang
pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod:
 1. Ano ang antas ng kaalaman nang mga respondents sa wikang Filipino saggawa ng pangungusap
sa purong wikang Filipino base sa resulta ng isinagawang pre-test sa kasanayan sa pagkaalam ng
kaayusan ng pangungusap at kayarian nito.
 2. Ano ang antas ng kaalaman nang mga respondents sa wikang Filipino saggawa ng pangungusap
sa purong wikang Filipino base sa resulta ng isinagawang post-test sa kasanayan sa pagkaalam ng
kaayusan ng pangungusap at kayarian nito.
 3. May malaking epekto ba ang modyul sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga respondents sa
pagbuo ng purong tagalog na pangungusap ayon sa nakatakdang pamantayan base sa resulta ng
pre-test at post-test?
Plano ng aksiyon
Bubuo o gagawa ng modyul sa kayarian ng pangungusap at kaayusan nito ang mga mananaliksik
bilang instrumento upang maiangat ang kakayanan ng mga respondente sa paggamit ng purong wikang
tagalaog/Filipino. Magbibigay din ng pre-test sa mga respondete upang malaman ang kanilang
panimulang kakayanan bago turuan at gamitan ng modyul. Pagkatapos nito, ay magbibigay naman ng
post-test upang masukat ang natutunan ng mga respondente mula sa modyul na naglalayong
mapaunlad ang paggamit ng purong Tagalog/wikang Filipino sa pagbuo ng pangungusap na mainam na
kasanayan sa paggawa ng mga gawaing kailangan sa bawat sektor ng lipunan.
Interbensyon
 Gumawa ng sariling modyul sa kayarian ng pangungusap at kaayusan nito na kinapapalooban ng
mga paksa, pagsaanay at pagsusulit ( pre-test, post-test) upang maitaas angantas ng kakayanan ng
mga respondent sa paggamit ng purong Wikang Filipino.
 Sinuri ang resulta at mula roon ay gumawa ng konklusyon at rekomendasyon.
Resulta o natuklasan
 Batay sa mga inilahad na dtos, ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod:

 Ang antas ng kaalaman ng mga respondente sa wikang Filipino sa pagggawa ng pangungusap sa purong
wikang Filipino base sa resulta ng isinagawang pre-test sa kasanayan sa pagkaalam ng kaayusan ng
pangungusap at kayarian nito ay may nalikom na datos, na ang natuos na mean ay 10.64 na may standard
deviation na 4.36 na may intrepretasyon na mababa.

 Ang antas ng kaalaman nang mga respondente sa wikang Filipino sa paggawa ng pangungusap sa purong
wikang Filipino base sa resulta ng isinagawang post-test sa kasanayan sa pagkaalam ng kaayusan ng
pangungusap at kayarian nito ay may nalikom na datos, na ang natuos na mean ay 18.86 na may standard
deviation na 3.62 na may intrepretasyon na mataas.

 May malaking epekto ang ginawang modyul sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga respondente sa
paggamit ng purong tagalog p wikang Filipino batay sa natuos na datos na may halagang 48.43 na may T-
value na 1.68 na may interpretasyon na may kahalagahan (significant).

Konklusyon
 Sa kadahilanang mas mataas ang natuos na halaga o “computed value” kaysa “tabular value”, ang
itopsis na nagsasabing hindi epektibo ang modyul na ginamit upang mapataas ang antas ng
kakayanan ng mga respondente sa paggamit ng purong wikang Filipino ay pinasusubalian.
Rekomendasyon
 Batay sa nakalap na mga datos at natuklasan ng mga mananaliksik, ang rekomendasyon ng pag-aaral na ito
ay ang mga sumusunod:

 Nararapat na palawigin at palawakin pa ang pananaliksik tungkol sa suliraning kinakaharap ng mga Pilipino
sa Wikang Filipino gamit ang mga iba pang mga salik na maaring makapagbibigay ng epektibo at mahusay na
solusyon sa iba’t ibang suliranin.

 Paggawa ng iba pang modyul na makakatulong sa mga Pilipino upang mas lalo pang maiangat ang antas ng
kakayanan at kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng paggamit ng Wikang Filipino. 

 Palagiang gamitin ang wikang Filipino upang hindi ito malimutan at ito ay mas lalo pang mapagyaman ang
gamit ng wikang Filipino sa bawat sektor ng lipunan.
 Inaasahan ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng pananaliksik na ito upang mabigyan ng kaukulang aksyon
ang mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. 

  

You might also like

  • Piprint Ko Na
    Piprint Ko Na
    Document6 pages
    Piprint Ko Na
    Banca Banca Integrated National High School
    No ratings yet
  • I - Identipikasy
    I - Identipikasy
    Document2 pages
    I - Identipikasy
    Banca Banca Integrated National High School
    No ratings yet
  • Yuson, Vincent
    Yuson, Vincent
    Document1 page
    Yuson, Vincent
    Banca Banca Integrated National High School
    No ratings yet
  • Piprint Ko Na
    Piprint Ko Na
    Document6 pages
    Piprint Ko Na
    Banca Banca Integrated National High School
    No ratings yet
  • Kasunduan Form
    Kasunduan Form
    Document3 pages
    Kasunduan Form
    Banca Banca Integrated National High School
    100% (1)