You are on page 1of 4

One for Our Motherland

We take one step, two into the bush of today,

Rummaging through cultures of distinct kinds and ways.

From old buildings, museum and paintings, they say;

History evince traces and hints of yesterday.

Systems, affluent traditions, beliefs, vast emotions,

Filipinos convey notions upon various reason and definition,

Yet these wondrous creations keep us together in union.

For they are manifestation of our soul as one.

Even the world has a lot more to discover

Bodies behind the treasured land of glory and wonder.

Let’s hold our race strong as sons and daughters,

And may our motherland, Philippines, live forever.


Panibgong sining, panibagong henerasyon,

Usbong ng kani-kaniyang emosyon

Mapalad ang siyang nakasasaksi

Sa kariktan na dulot ng pinipintikasi.

Yakapin at patuloy mong pag-igtingin,

Pamana ng kahapo'y balikan, sariwain

Sining na siyang naging pundasyon

Ng milyun-milyong hiling na pagbangon.

Gawang sining ay bigyang pagkilala

Pakita mo, damdamin mo sayong sariling pinta

Huwag padaig sa takot' hiya,

Panahon na ng ating panimulang likha.


SINING AY BUHAYIN

Isang mundo na pinapaligiran ng sining

Mga obra na matuturing

Sining na nilabasan ng emosyon at damdamin

At umantig sa ating paningin

Mga ilusyong iginuguhit ng bawat kamay

Sining na naghahatid ng kaligayahan

Nagbibigay kulay

At sumasalamin sa buhay ng bawat bayan

Nawa na ang bawat sining ay palaganapin pa

Dahil ito ay isang mga natatanging likha

Ito ay kayamanan na dapat tangkilikin

Sining ay mas lalo pang buhayin!


Itanghal ang Kultura

Pagbabago’y di maiiwasan

Kailanma’y di matatakasan

Ngunit paano kung ito’y mararanansan

Ng ating lupang sinilangan

Hinding-hindi aalisin

Mga aral na itinanim

Sa ating puso’t damdamin

Ito’y lalo pang lilinangin

Sa kasalukuyang panahon

Sabay-sabay nating iahon

Ipakilala’t tanghaling yaon

Ang kultura ng ating nayon

You might also like