You are on page 1of 2

Victory and Humanity

“ Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya,sa pagkadalisay at pagkadakila, Gaya ng pag-ibig sa

tinubuang lupa,?Aling pag-ibig pa?Wala na nga,wala. Ito’y mga katagang hango sa tulang akda ng ating

bayaning si Gat.Andres Bonifacio.

Tayo’y magbalik tanaw sa ating kasaysayan, balikan ang nakaraang sumasalamin sa pusong

matapang at mapagkalinga ng ating lahing kayumanggi. Sa pagtuntong ng mga Espanyol sa lupang ating

kinagisnan, hindi nagpasakop ipinakita ang kabayanihan. Ang bayaning si Lapu-lapu, unang

makabansang Pilipinong nagpakita ng pagmamahal sa kalayaan. Limangdaan taon na rin ang kaybilis na

lumipas, subalit kabayanihan niya’y nakatala sa aklat ng ating kasaysayan. Gamit ang tabak at mga

palaso, tinalo si Ferdinand Magellan kasama ang kanyang mga grupo. Nag-aalab niyang damdamin sa

kasarinlan ay nagliliyab naging matibay na kalasag upang tagumpay mula sa mananakop ay malasap.

Sinimulan ni Lapu-lapu sinundan nina Rizal, Bonifacio, Luna, del Pilar, Silang at iba pa. Mga

bayaning sumisimbolo ng katapangan ng lahing Pilipino. Pag-uugaling makabayang marapat natin

ipagmalaki sa buong mundo.

Hindi ba’t kaysarap na isilang at mapabilang sa lahing may dugong kapara nang bato ang tigas

ng loob sa paghahangad na magtagumpay sa anumang uri ng larangan subalit pusong kasinglambot ng

mamon sa pagkamahabahin sa sinumang nangangailangan.

Victory and Humanity mga salitang pumukaw sa musmos kong kaisipan.

Sa kasalukuyang sitwasyon na atin kinakaharap, sa patuloy na paglaban sa pandemyang Covid-19 .Mga

Pilipino paano nga ba natin masusupil ang problemang ito na ating patuloy na nararanasan. Kasabay ang

kahirapang tila iginugupo ang mga kababayan nating nawalan ng hanapbuhay?


Ang mga tanong na aking nabanggit, ang namahay sa aking kaisipan. Paano nga ba? Daglian

akong nag-isip at sa aking balintataw ay sumambulat ang isang pag-asang walang hamon ang lahing

kayumangging hindi napagtagumpayan. Hindi ba’t tatlong mananakop na ang ating tinalo, dahilan kung

bakit nakamit natin kasarinlan. Walang unos tayong hindi nalampasan, bagyo man,baha, pagputok ng

bulkan o lindol ang sa atin ang pilit nagpapabagsak. Subalit patuloy tayong bumabangon, mas tumitibay

at lumalakas. Ang pagbabayanihang sumasagisag sa pagdamay sa kapwang nangangailangan ay patuloy

pa rin nananalaytay. Kailanman hindi ito mawawala patuloy na sa atin ay gagabay. Sa bawat pagdarahop

ng ilan, may tulong na nakalaan mula sa iba natin kalahing nakakaangat ang estado sa lipunan.

Limangdaan taon na ang nakaraan, subalit patuloy pa rin namamayani sa puso ng bawat

salinlahing Pilipino ang aral ng kabayanihang ipinakita sa labanan sa Mactan. Pilipino tayo, walang

adhikaing makabayan ang hindi natin makakamtan gaya ng linya sa awitin ni Bamboo “ Pinoy Ako! Buo

aking Loob, may agimat ang dugo ko”. Patuloy tayong lalaban sa hamon ng buhay ng magkakasama at

sabay-sabay na sisigaw habang hininintay ang bagong umagang “ Victory and Humanity”.

You might also like