You are on page 1of 1

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan Petsa Marka

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


Kakayahan: Naitutukoy ang uri pangungusap ayon sa gamit

Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga


sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam),
PU (pautos), at PK (pakiusap).

1. Dito tayo sasakay ng dyip.


2. Dadaan po ba kayo sa palengke?
3. Hoy, bawal sumingit sa pila!
4. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.
5. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.
6. May bakanteng upuan pa ba?
7. Huwag kang sumabit sa dyip.
8. Walong piso ang pasahe.
9. Pakiabot po ang bayad ko.
10. Kunin mo ang sukli.
11. May bababa ba sa highway?
12. Pakibaba po kami sa palengke.
13. Para po!
14. Naku, bawal tumigil ang dyip diyan!
15. Sundin mo ang mga batas trapiko.

© 2015 Pia Noche samutsamot.com

You might also like