You are on page 1of 1

MAYLEN N.

ALZONA
Pre-Cana Module 1: AT SILA AY MAGIGING ISA
Ang pag-aasawa ay dapat na maging isang habang-buhay na pagsasama. Base sa wakas
ng maraming pelikula, ang pag-aasawa ay isang kanais-nais na tunguhin. Kadalasan, sa dakong
huli ang lalaki at babae ay nagkakasama, nagpapakasal, at namumuhay nang “maligaya habang-
buhay.” Sa mga pelikula, iyan ang karaniwang wakas ng kuwento.Sa totoong buhay, ang kasal
ay, hindi siyang wakas, kundi ang pasimula ng isang bagong buhay na magkasama
sila. Kailangan ang pagtanaw sa hinaharap. Ang pag-aasawa ay dapat na may matibay na mga
pundasyon upang tumagal ito at maging kasiya-siya. Ang isang tao ay hindi maaaring pumasok
sa pag-aasawa na ang iniisip ay ‘Kung hindi ito magtatagumpay, maaari naman akong
makipagdiborsiyo.’ Ang pag-aasawa ay dapat malasin bilang isang habang-buhay na pagsasama.
Dahil ang kasal ay pagpapahayag sa publiko ng pangako ng katapatan sa isang tao—
magpakailanman. Samakatuwid, makabubuting suriing maingat niyaong mga nagbabalak mag-
asawa ang mga paniniwala, tunguhin, saloobin, at disposisyon ng mapapangasawa. Sa
paghahanda para sa kasal, mahalaga ang kabaitan, pagiging maalalahanin, at ang espiritu ng
pakikipagtulungan. Ang mga katangiang iyon ay lalo pang mahalaga pagkatapos ng kasal upang
maging matagumpay ang pag-aasawa. Ang mga bagong kasal ay nagmamahalan, subalit dapat
tandaan na sa araw-araw pagkatapos ng kasal, ang pag-ibig ay “hindi naghahanap ng sarili nitong
kapakanan at laging tatandaan na ang pinakamalapit na kapuwa mo ay ang iyong asawa
sapagkat walang anumang bagay sa lupa ang makapagkakaisa sa dalawang tao na gaya ng pag-
aasawa.At wag kakalimutan na ang panginoon ang nagbuklod sa inyong dalawa.

You might also like