You are on page 1of 4

Dalawang Bahagi ng Layunin

Una, ang personal o ekspresibo kung saan ang layunin


ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang mga
halimbawa nito ay ang mga sanaysay, maikling kuwento,
tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan.
Ikalawa, ang panlipunan o sosyal kung saan ang
layunin ng pagsulat ay ang makipag – ugnayan sa ibang tao
sa lipunang ginagalawan. Ang halimbawa nito ay ang mga
pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik,
sulating panteknikal, tesis, disertasyon at iba pa.
Pangkalahatang kahalagahan o mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat ayon
kina Julian at Lontoc (2016) sa kanilang aklat na Filipino sa Piling Larangan.

1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng


obhetibong paraan

2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang


imbestigasyon o pananaliksik

3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging


obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon

4. Mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap


ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat

5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng


pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan

6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap

7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsusulat

You might also like