You are on page 1of 202

Dx MACHINA 1

PHILIPPINE LITERATURE IN THE TIME OF COVID-19


Volume 14 • No. 2 • 2020
A Special Issue of the
Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature

Vladimeir B. Gonzales
ISSUE EDITOR
Dx MACHINA 1
PHILIPPINE LITERATURE
IN THE TIME OF COVID-19

Vladimeir B. Gonzales
ISSUE EDITOR

Volume 14 • No. 2 • 2020


A Special Issue of the Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature
Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Layuning katawanin ng journal na ito ang iba’t ibang mga


puwersang nagsasala-salabat sa ating kasalukuyan, patungo
sa pagbuo ng makatwiran at makataong suri sa mga sanhi
at kumplikasyon nitong kasalukuyang krisis pangkalusugan.
Maaaring mag-email sa likhaandx@gmail.com para sa mga
komento o katanungan hinggil sa Dx Machina.

Vladimeir B. Gonzales
Issue Editor

Cyril Viel V. Noroña


Managing Editor

Albert Raqueño
Layout and Cover Artist

Rogene A. Gonzales
Arvin Abejo Mangohig
Copy Editors
LIKHAAN:
THE UP INSTITUTE
OF CREATIVE WRITING
Room 3200, Pavilion 3
Palma Hall, Roxas Street
UP Diliman, Quezon City

Telephone
8981-8500, loc. 2116, 2117, 2417
Rolando B. Tolentino
Director
Email
icw.upd@up.edu.ph
Vladimeir B. Gonzales
Deputy Director Facebook
facebook.com/panitikan.ph
Advisers facebook.com/upicw
National Artist for Literature Virgilio S. Almario
National Artist for Literature Bienvenido L. Lumbera Twitter
National Artist for Theater Amelia Lapeña-Bonifacio @PanitikanPH
University Professor Emeritus Gémino H. Abad @LIKHAAN
Professor Emeritus Cristina Pantoja Hidalgo

Fellows
Professor Emeritus Jose Y. Dalisay Jr.
Professor J. Neil C. Garcia
Professor Jun Cruz Reyes
Professor Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr.
Professor Romulo P. Baquiran Jr.
Professor Luna Sicat Cleto
Professor Eugene Y. Evasco
Charlson L. Ong

Associates
Professor Ramon G. Guillermo
Professor Anna Felicia C. Sanchez

Staff
Ronnie C. Amuyot
Arlene A. Andresio
Gloria C. Evangelista
Manolet V. Ferrer

Project Research Assistants


Ronah Rostata dela Peña
Danielle Louise T. Madrid
Cyril Viel V. Norońa
Jann Raymond E. Ruedas
Maylene N. Soriano

Bookkeeper
Ma. Karen S. Pablo
Nilalaman | Table of Contents

Introduksiyon v Vladimeir B. Gonzales,


Issue Editor

Wuhan 武汉 1 Jan Robert R. Go

The End of Tomorrow 12 Marikit Tara Alto Uychoco

Three Poems 26 Raphael Salise

COVID-19 Diary ng Sirena 29 John Iremil Teodoro

Ayuda 48 Paul Rico C. de Lara

Pasada 51 Jesame Dilag-Domingo

Ang mga Pinabayaan 55 Mark Anthony S. Salvador

Sandaan at Isang Gabi’t Araw 60 Paul Alcoseba Castillo

Geometry 64 Rodrigo dela Peña Jr.

Hinagpis ng Hinlalato 68 Genevieve Soriano Aguinaldo


at Iba Pang mga Tula

Oyayi man ang hilik 71 Dennis Andrew S. Aguinaldo

Silang mga Bisitang Di Mo 74 Isay Embérga Sinfuego


Dapat Patuluyin

bag raid series 78 Cris R. Lanzaderas


#FilipinoDapat at Ilang Tala sa 83 Eilene G. Narvaez
Paglikha ng ‘Terminolohiyang
COVID-19’

Bagong Talahulugan 102 Ella Jane Hermonio

Rebyu ng “Anti-IATField at iba 106 Tilde Acuña


pang dagling rebyu”

Locking down Lumad 122 Save Our Schools Network


Education: Schools under
Attack amid a Pandemic

Kung Bakit Kailangang 134 Ronnie E. Baticulon


Magkuwento ng Manggagamot

Today’s Headlines: Poems 142 Christine V. Lao

Sa Simula’y Trahedya, 147 Valentine Dula


ang Dulo’y Parsa

Angel Locsin 157 Steno Padilla

Notes on the Contributors 169

About the Cover Artist 177

Tungkol sa Issue Editor 179


Bago Magreseta, Ano Muna ang Sakit?
Mga Tala sa Unang Isyu ng Dx Machina:
Philippine Literature in the Time of COVID-19
Vladimeir B. Gonzales
ISSUE EDITOR

A ng pangalang “Dx Machina” ay proyektong may tatak na hindi


mapapabilang sa mga pinaka-subtle na pamagat ng isang
antolohiya, lalo sa kontekstong nagluwal nito.
Bukod sa “Dx” na hugot mula sa pinaiksing tawag ng mga
doktor para sa “diagnosis,” may laro ang pangalan ng proyekto sa
“deus ex machina”—ang iniiwasang pangingialam ng manunulat na
minsan ay diyos ang trato sa sarili. Diyos, dahil imbes na hayaan
ang sariling mga tauhan at sitwasyon ang magsiwalat ng dapat
isiwalat, may pakiramdam na pinangungunahan ng may-akda
ang mga mambabasa sa kung ano ang dapat isipin. Manunulat
ang siyang nagtatakda kung sino ang maililigtas, at kung sino ang
ilalagay sa kapahamakan. May tonong pasaring ang termino bilang
pagkukulang ng isang manunulat, at isang kahinaang iniiwasan
sa paglikha. Isang diagnosis ito, marahil, para sa manunulat at
sa pagsusulat mismo sa mga nakaraaang buwang nalugmok ang
Pilipinas sa malalang sakit. Bonus na lang siguro na ang “Dx Machina”
ay may katukayong tauhan mula sa isang lumang sitcom—isang
anthropomorphic na dinosaur na nagtatrabaho bilang isang huwes.
Sa pinakamaliit, itinatanghal ng koneksyong ito ang pinagmulan
at pinatutunguhan ng pagsusulat sa panahon ng pandemya—na
anuman ang maging panghuhusga sa antolohiya, malinaw na wala

vii
viii Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

tayo sa panahong mailalapat ang mga nakasanayan nang pananda


ng katinuan at kawastuhan.
Bago magkaroon ng panawagan para sa Dx Machina: Philippine
Literature in the Time of COVID-19, nagkaroon muna ng panawagan
para sa The Kit and Other Writings: Literature in the Time of Corona.
Ito ang isa sa mga unang pagtatangka ng Likhaan: UP Institute of
Creative Writing na mangalap ng mga malikhaing akda habang
kumakalat ang sakit na Coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Inilabas ang panawagan noong Marso 15, 2020, sa pag-uumpisa ng
Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ito ang panahong ni
hindi pa umaabot sa 100 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Base sa naging reaksyon ng mga nakabasa sa panawagan para
sa The Kit, masasabing hindi naging maganda ang dating nito sa
maraming tao. Naikomento sa mga network gaya ng Facebook at
Twitter ang pagiging mapang-abuso ng panawagang ito, na hindi
makatao ang gamitin ang isang kumakalat pa lamang na sakit bilang
materyal sa mga kuwento at tula, na bukod sa maraming isyu ay
masyado pang maaga. Agad na inalis ang panawagan, at hindi
natuloy ang proyekto. Baka nga, sa panahong ito, hindi prayoridad
ang pagsusulat. May mga mas mahalagang usaping kailangang
unahin, katulad ng pagtukoy sa mga taong may dala ng COVID-19,
o ng pagbuo ng materyales para maging malay ang mga Pilipino
tungkol sa mga katangian ng virus na nagpapakalat ng sakit, o sa
pag-iisip kung paano makakabiyahe at makakapasok sa trabaho
ang mga commuter na biglang humarap sa mabilisang lockdown at
pagkawala ng pampublikong transportasyon. Maraming kailangang
unahin bukod sa pagsusulat, iyon ang himig ng karamihang may
access sa social media. Maraming kailangang harapin, sa gitna
ng pagtigil ng maraming nakasanayan, kasama ng pagbuo sa mga
malikhaing akda.
Sa sarili kong pagtatasa, ang mga unang buwan ng quarantine/
lockdown (nag-iiba ang tawag depende sa antas ng tiwala sa
Introduksiyon ix

pamahalaan at sa mobilidad na kaakibat ng uri) ay pagtatanggi sa


katotohanang nakapasok ang isang karamdamang may potensiyal
na sirain ang maraming bakas ng pagkanormal.
Sa mga may mga taglay na ilang pananda ng ginhawa—
trabahong pumapayag sa work from home setup, sariling sasakyan
para magparoon at magparito para sa ilang esensiyal na biyahe
(“esensiyal,” na may range mula sa maintenance medicine hanggang
sa Mango Bravo cake para sa Mother’s o Father’s Day), sapat na
ipon na puwedeng i-electronic transfer dahil sa may access sa
teknolohiya at sa matinong koneksiyon sa internet—nariyan sa
mga ganitong antas ng tao at pamumuhay ang ilang puwang para
mabagot at maghagilap ng mapaglilibangan. Marami ang naging
fitness guru, instant chef, TikTok dancer, K-Drama addict, at virtual
plantito’t plantita sa mundo ng videogame na Animal Crossing. Sa
pagitan ng mga down dog sa yoga app o sa mga Dalgona coffee at
ube cheese pandesal (na deliverable via village Viber groups o local
Facebook pages), o sa binge-watching ng mga dramang Koreanong
patungkol sa mga hari at zombie, may mga nag-abang sa lingguhang
updates ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na naging late-night
comedy talk show para sa iba.
Tumataas ang bilang ng mga aktibong kaso, habang inilalatag
ng presidente at ng binuo niyang komite ang mga pamantayan sa
pagbuno sa kumakalat na sakit. Mga gabay ito patungo sa inaasam
ng lahat na pagbabalik-sa-ayos. Ang mga panuntunan tungkol sa
pananatili sa bahay, sa pagtigil ng maraming mga opisina at serbisyo,
at sa pag-utang mula sa iba’t ibang pondo ay ipinakete sa pangalang
“Bayanihan to Heal as One Act.” Para sa mga may pagkagamay
tungkol sa wika, kritisismo, at malikhaing pamamahayag,
siguradong nagkaroon na sila ng agam-agam sa ginawang tatak para
sa pagtugon sa COVID-19. Sigurado, para sa ilan, batid na nilang
ang pangalang “bayanihan,” ay pinagandang tawag lamang para sa
sentimyentong “bahala na kayo sa mga buhay ninyo.”
x Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Sa labas ng mga ginhawa at libangan ng mas nakakaangat na


mga uri, mas ramdam itong lihis na pagtanaw sa “bayanihan” sa
mga unang buwan ng lockdown. Mas totoo lalo sa mga indibidwal
at grupong sinubukang lumabas mula sa mga pansariling tahanan
at ginhawa, para punuin ang mga pagkukulang ng pamahalaan.
Noong Abril, halimbawa, sinugod ng mga pulis ang community
kitchen ng Sitio San Roque, dahil lamang sa may nakapaskil ditong
panawagan para sa mass testing at iba pang anyo ng suporta. Itong
tangkang bayanihan para sa mga hindi pa nakakaranas ng tulong
ay itinuring bilang protestang kailangang tugisin. Ang pagtugis sa
protesta ay umabot pa sa mga kaso ng pag-aresto. Ganito rin ang
nangyari sa relief drive na isinagawa ng dating Anakpawis Party-list
congressman na si Ariel Casilao at sa mga kasama niya sa Bulacan
noong Abril din, maging sa mga volunteer na naghanda ng pagkain
sa Marikina at Barangay Central noong Mayo Uno. Para sa grupo ni
Casilao, dagdag-insulto pa na bukod sa warrantless arrest ay sedisyon
pa ang isasampang kaso sa kanilang pagtatangkang makatulong.
Sedisyoso ang turing sa mga residente, mag-aaral, manggagawa, at
iba pang nagboluntaryo na tinatangkang saluhin ang kakulangan at
kabagalan ng ipinangakong mga ayuda ng gobyerno. Sa mga unang
buwan pa lamang ng COVID-19 sa Pilipinas, labas sa mga gitnang-
uring lungkot at pagkabagot, ramdam nang may ibang karamdaman
bukod sa sakit na dulot ng virus (o veerus, ayon nga sa late-night
comedy talk show ng pangulo).
Tinatawanan ang seryoso. Hinuhuli ang mga nagugutom at
tumutulong. May mali, may nakakapa at lumulukob na pakiramdam
ng pagkawala-sa-ayos, bagaman hindi pa agad mapangalanan ang
pinagmulan at patutunguhan. At mula sa ganitong namumuong
pakiramdam, namuo at lumago ang mga alingasngas ng paglikha.
Mga alingasngas na papunta sa pagbaklas sa kung paano kinakatha
ng gobyerno ang kuwento ng pandemya sa bansa.
Introduksiyon xi

May alingasngas mula sa mga nakabasa ng apela ni Senador


Aquilino “Koko” Pimentel III sa madla, sa panawagan niyang
itrato siya bilang “taong” may kahinaan at nagkakamali lang; ang
pagkakamali, ang pagsugod niya sa isang ospital kahit batid niyang
isa siyang person at risk para sa COVID-19. May alingasngas sa mga
doktor at iba pang eskperto noong ihinayag ni Congressman Alan
Peter Cayetano na “fake news” ang kakulangan ng mga Personal
Protective Equipment o PPE sa mga ospital. May alingasngas sa
pagsugod ng mga tao sa Unibersidad ng Pilipinas noong ikaapat ng
Hunyo, pagkatapos ipasa sa kongreso ang Anti-Terror Bill. May mga
salaysay na dapat isiwalat, may mga istoryang kailangang iwasto.
Nahihinog na ang mga naitanim na pagkabahala, galit, takot, at
pagkadismaya. Hindi man sigurado sa kung ano ang tiyak na anyo,
naniniwala akong umabot naman ang karamihan sa pagsang-
ayon na may puwang para sa pagsulat ng mas angkop na larawan
ng Pilipinas. At dapat itong maisulat, maipabasa, mapalaganap,
sa lalong madaling panahon. Dahil sa pinakasimple, maraming
pinapatay ang estado, marami maliban sa COVID-19.
Sa maraming pagkakataon, sinasalamin ng unang edisyong ito
ang paghahanap ng pinakaangkop na panahon, at ang kaakibat na
pananabik at takot sa pagtatangkang makabuo ng pinakamatapat at
pinakaangkop na pag-akda ng ating buhay sa panahon ng pandemya.
Sinasalamin sa ilang mga akda ang pananalamin ng manunulat sa
mga luwag at sikip ng ginhawang magtatakda ng luwag at sikip ng
pag-iisip sa kung ano ang mahalaga, o kung ano ang dapat unahin.
Tinangka ring itanghal sa unang edisyon ang lawak at lalim ng mga
maaaring isulat kaugnay sa COVID-19. May mga personal na tala
kaugnay sa pagsasalin ng materyales at impormasyon tungkol sa
nasabing sakit, maging mga tala sa mga komunidad na direktang
inasulto ng pulis o militar habang nasa panahon ng quarantine. Ang
ilan ay magpapamalas ng kanilang pagkalito hindi lang sa sitwasyon,
xii Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

kundi sa paghahanap ng tinig na huhuli sa ganitong pagkalito. May


ibang makikipagbuno sa limitasyon ng pagtanaw dulot ng uri, at ang
mga posibilidad sa paglaya sa ganitong mga limitasyon. At muli, sa
usapin ng paglaya, may mga kasamang manunulat na maglalatag ng
pag-asa, na mangangakong hindi sa masalimuot at mapait na wakas
tutuldukan ang ating kuwentong pandemya. Sa ibang mga kasama
sa koleksiyon, ang sama-samang pagkamulat, ang paghahanap at
pagbibigay ng tinig, ang pagsisikap na kumilos kasama at lampas sa
pagsusulat, naroon ang pangako ng paglaya at pagbabalik-sa-ayos.
Isang kaayusang hindi lamang para sa mga manunulat, kundi sa
mas malawak na komunidad.
Sa tingin ko, hindi malabis at hindi rin kabaliwang ialok sa mga
mambabasa na ang kuwentong COVID-19, anuman ang diagnosis
sa mga sakit ng Pilipinas, ay isang kuwento ng paghilom at pagiging
mas mabuti. At nagpapasalamat ako at natutuwang ipakilala itong
pinagsama-samang mga pagtatangka patungo sa pinapangarap na
kuwentong ito:

Pag-uugat at Pagsasanga

Ang “Wuhan 武汉” ni Jan Robert R. Go ay kinuha mula sa mga


sulatin sa kanyang personal blog, habang nasa Tsina siya’t inabutan
ng pagkalat ng pandemya. Makikita sa kanyang mga tala ang ilang
mga eksenang pamilyar sa atin noong tayo’y nagsisimula pa lamang
na harapin ang COVID-19 sa Pilipinas. Magandang paalala at
salamin ito, mula sa pakiramdam ng pagiging tagamasid hanggang
sa pakiramdan ng direktang nakakaranas ng isang bagong sakit.
Interesanteng mabasa ito kahanay ng “The End of Tomorrow” ni
Marikit Tara Alto Uychoco, at ng koleksiyon ng mga tula ni Raphael
Salise. Ang akda nina Go, Uychoco, at Salise ay demonstrasyon ng
kung saan posibleng magbukal ang mga agam-agam: sa isa, mula
sa unti-unting paglaladlad ng isang panibagong karamdaman at
realidad; sa isa, ibang lukso ng dibdib sa hinihirayang hinaharap
Introduksiyon xiii

at pagsasanga-sanga ng mga posibilidad; sa isa, ang pagkabalisa sa


pakikipag-usap sa siyudad, sa nakaambang pagtindi ng pangungulila,
at pag-usbong ng hindi pa maipaliwanag na sindak.

Mga Dalamhati at Paghahati

Sa maraming pagkakataon (kung hindi man sa lahat ng


pagkakataon), may kaakibat na elitismo ang pagsusulat, at
nagkakatalo na lamang sa kung gaano katapat o hindi ang manunulat
sa pag-amin at pag-ako sa elitismong naglalayo sa kanya mula sa
mundong ginagalawan niya. Itong pag-akong ito ay naipamalas sa
“COVID-19 Diary ng Sirena” ni John Iremil Teodoro. Sa sanaysay,
naibahagi ang pagtitimbang ng manunulat sa kanyang personang
in denial sa mga epekto ng pandemya, at sa kung paanong ang mga
isyu gaya ng panic buying sa grocery, pag-withdraw ng cash sa ATM,
mga pasimpleng saglit ng harot, at mga pagtatalo sa pagitan ng mga
kasamang manunulat, lahat ng ito ay mga maliliit na bagay pa rin,
lalo kung ikukumpara sa mas malawak at kumplikadong takbo ng
mga bagay-bagay sa kaligiran ng pandemya.
Ginagawa namang mas tiyak ng mga koleksiyong “Ayuda” ni Paul
Rico C. de Lara, “Pasada” ni Jesame Dilag-Domingo, at ng “Ang mga
Pinabayaan” ni Mark Anthony S. Salvador itong mga kumplikasyong
mas marapat tutukan—ang paghahanap ng ipinangakong pagkain,
trabaho, at pera, sa panahong bawal lumabas ang lahat (o lahat
maliban sa mga nakakaangat sa buhay); ang pagsuko ng ginhawa
para maisuot ang PPE at makatulong sa iba, may sintomas man
o wala; ang pagpapaalalang may mga trabahong hindi kayang
iuwi sa tahanan, gaya ng pagpasadang sa mga karaniwang araw
ay iginagapang na rin ang paghahatid-sundo ng pantawid-gutom.
Bagaman wala pa silang naipapangakong tiyak na lunas, tukoy na
tukoy nila kung saan nagmumula ang mga inilarawang paghihirap.
Baka angkop hiramin ang isang kilalang pahayag na “mayaman
ang Pilipinas, ngunit naghihirap ang sambayanang Pilipino,” at
xiv Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

gawing “maraming inutang na pondo para sa COVID-19, pero bakit


nagugutom, nagkakasakit, naghihikahos, at namamatay ang mga
Pilipino?”
Hinahangaan ko ang mga tangka at paalalang ito. Nabibilib ako
sa mga kasamang manunulat na kayang lumikha sa gitna ng mga
dudang baka magkamali ng pagsasakatawan, nagsusulat dahil may
mga maliliit na kisap ng tiwalang oo, baka naman maging angkop o
tama ang pagsubok na umunawa at magpaunawa.

Pakikipagbuno sa Anyo

Matingkad na mga ehersisyo sa pakikipagbuno sa/ng mga salita


at paksa ang mga piyesang “Sandaan at Isang Gabi’t Araw” ni Paul
Alcoseba Castillo, “Geometry” ni Rodrigo dela Peña Jr., “Hinagpis
ng Hinlalato at Iba Pang mga Tula” ni Genevieve S. Aguinaldo,
“Oyayi man ang hilik” ni Dennis Andrew S. Aguinaldo, “Silang mga
Bisitang Di Mo Dapat Patuluyin” ni Isay Embérga Sinfuego, at “Bag
Raid Series” ni Cris R. Lanzaderas. May mga bakas sa mga aralin ng
writers workshops at mga klase sa malikhaing pagsulat ang ilang
mga atake—pagbubura, paggamit ng multiple choice, pag-uulit
ng mga tunog, paggamit ng mga terminong mukhang malayo sa
panitikan (gaya ng axioms at equations), paglilista. Nakikipaglaro
itong mga nakasanayang laro sa mga kinikilalang danas sa panahon
ng pandemya—pagkaumay at pakikipagniig sa pagkaumay dulot ng
lockdown, ang pagbabagong-hubog ng pagiging kabiyak/magulang/
anak, mga pulitikal na pagpaslang, ang pananatili ng pagkatao sa
panahon ng “mañanita” at iba pang mga kahunghangan ng mga nasa
puwesto. Itong mga pakikipagbunong ito ay may pakiramdam ng
pamilyaridad, sapagkat madaling makilala itong akto ng kawalan
ng masasabi sa dami ng gustong masabi. May paghahanap na
ibinabahagi sa kung sino man ang makakabasa. Access points ang
mga malikhaing akda, nag-eeksperimento hindi para sa layuning
makagawa ng “bago,” kundi para magbigay ng mga nakikilalang
Introduksiyon xv

pantawag sa mga kinikilalang bagong karanasan. May kaakibat


ding babala itong mga binubuksang pintuan at durungawan—hindi
lahat ng mangangatok sa mga bahay natin ay bisita, ang iba ay mga
mamamatay-tao.

Paghahanap ng Paliwanag

Bagaman mas akademiko ang proyekto, hiniling kong makapag-


ambag si Eilene G. Narvaez ng kanyang mga tala tungkol sa papel
ng Filipino sa panahon ng pandemya. Kaya naman sa kanyang
“#FilipinoDapat at Ilang Tala sa Paglikha ng ‘Terminolohiyang
COVID-19,’” naibahagi niya ang motibasyon, batayan, at mga
hakbang na isinagawa upang masigurong magiging accessible ang
mga salita at kaalamang may kaugnayan sa COVID-19, patungo
sa mas maraming bilang ng Pilipino. Ibinubukas ang kuwento ni
Eilene dito sa Dx Machina, upang itampok at itanghal ang papel
ng mga wika sa Pilipinas, ang pagsasalin, at ang pagsusulong ng
isang pambansang wika, upang magligtas ng sambayanan. O sa
pinakamaliit, mapadali ang pag-unawa sa mundo base sa umiiral na
mga kondisyon. Samantala, maipapamalas ng “Bagong Talahulugan”
ni Ella Jane Hermonio ang papel ng kapwa malikhain at kritikal
na pagbibigay ng kabuluhan. Sa kanyang mga tula, iminumungkahi
ang isang klase ng gamit sa wikang may pag-unawa sa mga
nagtutunggaliang puwersa ng kanyang panahon, at ihinahain ang
pananaw na sa daigdig na maraming kahulugan at maraming totoo
ay may mga ibig sabihing mas angkop, mas nararapat. Tingin ko,
hindi aksidenteng tinapos niya ang lahat sa kahulugan ng “patalsikin.”

Pagsusuri sa Uri

Matagal na akong tagasubaybay at tagahanga ni Tilde Acuña


para sa mga eskperimentasyon niya sa anyo, at sa pagbatak ng
kanyang gamit ng Filipino sa napakaraming mga hindi-inaasahang
teritoryo. May espesyal na pagtawag ng atensyon ang kanyang
xvi Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“Rebyu ng ‘Anti-IATField at iba pang dagling rebyu’ ” dahil sa sabay-


sabay nitong itinatampok at itinatanghal ang mga potensiyal,
limitasyon, pagpapalaya, at pagtataksil ng kanyang uri at ng
kanyang panulat. Ang kritika ng kritika ng kritika (x ilang ulit) ay
may patama sa mga uring nilamon ng Lazada at online shopping,
patungo sa panlalamon ng mga iba’t ibang bersiyon ng sinabi ni
Duterte sa kanyang mga presscon, patungo sa mga nawawalang
pondo ng PhilHealth, patungo sa iba pang mga lugar at usapin.
May hamon ang piyesa sa imbestigasyon ng pagkayamot—sa pag-
atake ng napakaraming antas ng review na ito, saan na ba tunay na
naiirita ang masa?
Magandang salo sa piyesa ni Acuña ang ulat mula sa Save Our
Schools Network, isang malawak na alyansa ng mga tagapagsulong
ng edukasyon para sa mga sektor ng kabataan, partikular sa mga
lugar na pinuputakti ng militarisasyon. Sa, “Locking down Lumad
Education: Schools under Attack amid a Pandemic,” makikitang
lalong hindi mailalapat ang mga mungkahing plano kaugnay sa
quarantine, work from home, at ayuda para sa kabataang Lumad,
na bago pa man ang pandemya ay pinagkakaitan na ng kanilang
karapatan sa edukasyon at panatag na buhay. Isa itong magandang
pagmulat at isa ring matinding hamon patungo sa ekstensiyon—
ang ibukas ang kamalayan sa mga realidad sa labas ng siyudad, na
ipagpatuloy ang kuwento nang labas sa mga problema sa internet
at sa home-based remote learning. Bago at hanggang sa panahon
ng pandemya, may mga batang Pilipinong ginigipit, itinataboy,
binobomba, at pinapaslang. Nagpapasalamat ako kay Jose Monfred
Sy, para sa tulong niya sa pagkalap ng mga talang ito.
Malay na malay si Ronnie E. Baticulon sa ideya ng kuwento bilang
ekstensiyon (ng sarili, ng mga hindi masabi ng iba, ng limitasyon
ng uring pinanggagalingan) at sa halaga ng pagpapaalalang may
puwang ang pagsusulat sa panahon ng pandemya. Sa kanyang “Kung
Bakit Kailangang Magkuwento ng Manggagamot,” ang maraming
Introduksiyon xvii

identidad ng isang doktor—kaibigan, guro, manggagamot,


tagapagsalaysay—ay dadalhin sa tanong na “para kanino” at sa
panawagang marami pang hindi wasto, kailangang magpatuloy sa
pagkatha ng mga istorya. May pribilehiyong kaakibat ang trabaho
gaya ng pagiging doktor, pribilehiyong mangangailangan ng paulit-
ulit na repleksiyon, ng kapasidad na mag-ugnay, at ng tapang na
maghayag ng mga katotohanang hindi masabi ng iba. Alam ni Ron
ang kanyang mga limitasyon, at alam din niya ang kanyang mga
potensiyal sa pagbibigay ng iba’t ibang antas ng lunas. Sa pagtatahi
niya sa halos nakalimutan nang isyu sa pork barrel, hanggang sa
mga opisyal na ibinababa sa usapin ng numero ang buhay ng tao,
hanggang sa mga senador na sinasabing hindi ginagawa ng mga
medical frontliner ang kanilang trabaho, mapapatunayan ni Ron na
ang pagkukuwento ay isang esensiyal na bahagi ng buhay. Maaaring
angkop sa kaso ni Ron ang pagtanaw na ang paggamit ng wika, ang
pasasalita, ang pagsasalaysay, ay palaging akto ng pagmamalasakit,
ng pagmamahal. Sana’y patuloy pa niyang kathain itong mga istorya
ng pag-ibig at pagpapagaling.

Pag-aklas sa Pagwawakas

Mapapatango sigurado ang mambabasa sa sentimyentong


itinatawid ng “Today’s Headlines: Poems” ni Christine V. Lao.
Totoo nga namang sa isang lugar kung saan may nagtatakbuhang
ostrich sa loob ng isang village, sa panahong napakarami nang
kaululang nagaganap sa Pilipinas, makakaasa pa kaya tayong
mapagkakatiwalaan ang ating mga tinatrato bilang pinuno? Ilusyon
ang gilalas na ipinapamalas sa mga presscon at manipuladong
tawag sa mga numero. May panawagan ang mga tula ni Christine
na maghanap ng ibang anggulo, na huwag makampante (o huwag
makampante sa di-tumitigil na gunaw). Sa “Sa Simula’y Trahedya,
ang Dulo’y Parsa” naman, ihinaharap ni Valentine Dula ag isang
hinaharap na magkahalong malabo at malinaw na ring mangyari,
xviii Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

kung magpapatuloy ang namamayaning takbo ng istorya ng ating


pamumuhay sa COVID-19. May lungkot at sindak sa posibilidad na
ang mga agam-agam na nailatag sa unang bahagi ng librong ito’y
hindi pala malayo sa pagiging totoo.
Pero ang panulat base sa antolohiyang ito, anuman ang duda, ay
isa sa mga pinanghahawakang sandata, lunas, at kislap ng pag-asa.
At sa imahinasyon ni Steno Padilla at ng kanyang kuwentong “Angel
Locsin,” ang sandata/lunas/kislap ng pag-asang ito ay isang fan
fiction kung saan may isang Angel Locsin fembot na babali sa lahat
ng sumisimbolo sa ating hinagpis. Isang malayong alternatibong
mundo at realidad, pero sa panahon ngayon, baka magkamilagro at
magkaroon ng pagkakataong maging totoo. Itaya natin ang lahat ng
naipong online shopping coins sa panalanging ito.
Habang nagpapatuloy ang kanya-kanyang pagsipat sa Pilipinas
na binabaliw at nililito ng kasalukuyang pamunuan at kaligiran,
pinapatunayan ng proyektong ito ang kahalagahan ng malikhaing
paglikha at pagtatala. Anuman ang imaheng maikakabit dito sa
akto ng paglilista—tanim, utang, pagkahulog—tinatandaan natin
ang mga tao at institusyong namahala sa panahon nitong dinaranas
na sakit, gayon din silang hindi pinahintulutan ng gobyerno at
ng kasalukuyang lipunan na magsiwalat ng kanilang istorya.
Hinahagilap at pinatutuloy natin sila sa mga binuno at binuong
akda, dahil may pananampalatayang darating ang araw ng pag-ani,
ng paniningil, at pag-ahon.
Nasabi ko na ito sa halos lahat ng pagkakataong maaari itong
sabihin, sa nakaraang halos walong buwan ng pandemya—hindi
malabis ang magsulat tungkol sa isang mas mabuting Pilipinas, sa
isang mas mabuting mundo. Ipagpapatuloy natin ang paghahanap
ng mga pinakaangkop na salita upang ilarawan ang hinihirayang
lunas sa mga sakit at pasakit, hanggang sa dumating ang daigdig
na mas mainam, mas wasto. Ipinapakilala namin ang aming
mga pagtatangka, sa pagnanais na may makilala kayo sa mga
Introduksiyon xix

pakikipagbunong ito. Nawa’y maging matagumpay kami sa pagtulak


na magmasid, na lumaban, na mabuhay sa mga kasunod pang araw,
patungo sa kinakatha nating pangarap na paggaling, pag-alpas, at
pagwawakas.
Wuhan 武汉
Jan Robert R. Go

I have been in Wuhan since September 2018 to study for my


PhD. Never did I imagine that my journey would include being
on lockdown in a city that has been the epicenter of a pandemic.
The outbreak happened in the middle of the winter break, a time
when most international students would return to their countries,
and locals would return to their hometowns across China. For
the winter break of 2020, I decided to stay in China to tour the
southern provinces of Fujian and Guangzhou. However, that plan
was cancelled. The winter break was instead spent inside my
dormitory room.
While confined within the room, I wrote three entries in my
personal blog and shared my thoughts. The first entry “Life in
Wuhan” is about the days leading to the lockdown in Wuhan and
the first week of closure. The second entry was written after a
month of lockdown. I narrated my typical day and the things I do
to keep me busy and sane. The last entry “Number 93” is a freedom
story. When the city government officially lifted the lockdown, we
were finally allowed to exit our dormitory building and feel the sun
and the air.

1
2 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Life in Wuhan
3 February 2020

Every Friday afternoon, the library of the university is closed.


For several weeks, I chose to spend my Friday afternoons watching
in cinemas, both Chinese and English movies, and afterward eat
my favorite 热干面 (reganmian) or hot dry noodles. After dinner,
I will walk around the campus to complete my daily goal of 10,000
steps. However, with the recent developments, this Friday habit
had to be suspended for a while.
On 23 January 2020, Thursday, and two days away from the
Chinese New Year, the Wuhan government decided to lock down
the city. Operation of public transportation like the subway and
city buses were suspended. Tianhe airport and trains stations in
the city were closed. The virus that by that time has already spread
triggered this decision from the local government. On that day, the
Wuhan that I know became quiet and almost empty.
Around late December 2019, I already saw in one of the WeChat
groups I belong a message from Wuhan health commission
regarding viral pneumonia of unknown origin (不明原因肺炎). At
that time, the number of infected people was low, and there was
no casualty yet. Several weeks later, the numbers had drastically
increased, and some patients started dying.
As the winter break began mid-January 2020, many students
in my university, both local and foreign, have returned to their
hometowns and countries. I decided to stay because I wanted to
experience the Chinese New Year in China. I even visited a pre-new
year festivity in a district here in Wuhan (百步亭 Baibuting). I also
planned to do a post-new year tour of south China, particularly
Fujian, and visit some cities there like Xiamen, Quanzhou, and
Fuzhou. This trip was eventually cancelled.
Jan Robert R. Go 3

A day or two before the lockdown, there was an order from the
government requiring all people to wear face masks for protection.
The Chinese people, especially the younger ones, have rushed
to buy theirs, either in stores or online through Taobao (淘宝).
Masks went “sold out” quickly. Good thing I have my own masks
for protection from pollution, especially when the Wuhan sky
becomes very hazy. I also competed with others buying my own
supply from Taobao before supplies ran out.
When the lockdown began, many stores and establishments
near my university closed—the shopping malls and the food chains.
Food deliveries or 外卖 (waimai) were limited. Eventually, we were
told it is best not to buy from food delivery because we are not
sure about the source. Thankfully, although three days after the
lockdown, I was told the school canteen is open and food can be
bought there. For my security, I already bought food (mostly snacks
and instant noodles) from the nearest supermarket before going to
the canteen.
On the 26th, the regulations became stricter as private vehicles
were also prohibited from going out in the streets unless it was
essential. I guess by this time, everyone already had a sense of the
seriousness of the problem. What is inspiring, however, are the
messages you see in Chinese social media. Images and messages
that say “武汉加油” (wuhan jiayou) or “Wuhan, come on!” cheer
the people to have high spirits and encourage everyone amid this
unfortunate event that happened within the new year holiday.
As the news was picked up by the international media, not to
mention having been asked by friends from the press about the
situation here, many of my family and friends in the Philippines
and elsewhere started sending messages asking about my condition
here in Wuhan. Nobody wanted this to happen. I appreciate those
who sent messages, even those very early in the morning or very
late at night.
4 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

On the part of my university, it tried to make the international


students feel safe and secured. By 2 February 2020, the university
decided to close the dorm and prohibit the entry and exit of
students. Free food for breakfast, lunch, and dinner was delivered
to our building. They also offered services to buy the grocery and
other necessities of students. This is because of the expected impact
of the epidemic this week.
The consulate general in Shanghai has also been very helpful.
Though I did not ask for any assistance, for now, the staff has always
tried to reach out to us and check how we are doing. At one point, I
received calls from them for two consecutive days. Understandably,
this was impossible in the next days after 150 people reported they
are here in Wuhan. The government has planned to repatriate
Filipinos here in Wuhan, but I think I may not join the group.
In the meantime, I just do what I usually do on a regular day,
except those that involved outside activities. I read books, watch
Netflix series or some YouTube videos, or play mobile games. I still
actively tweet and post some updates on Facebook. I talk to my
family and friends. I read emails, respond to some, do my work
as managing editor of a journal, and scribble some words which I
hope to become a full paper.
Until the issue is resolved, this is my life in Wuhan.

Lockdown
27 February 2020

It was 31 January 2020. I learned that the school canteen nearest


to my dormitory had to be closed, I felt both sad and happy.
I was sad because going to that canteen was very convenient
and closing it would mean I need to find another place to buy my
food. As announced before the winter break started, that canteen
Jan Robert R. Go 5

was supposed to be open for the duration of the holiday, even if the
city was locked down because of the coronavirus.
I was happy because the other canteen was located on the
east side of the university (my dorm is located on the west side).
This means that I will be able to reach my daily target of 10,000
steps. Although I must mention this: walking from my dorm to that
canteen would take roughly half an hour and another half hour on
my way back.
Two days later, there was an announcement that the school will
also close the east side canteen. Instead, they will deliver the food
to our dormitories. I heaved a sigh of relief. I do not need to walk
for an hour to get lunch and dinner. But, of course, I will not be
able to meet my step requirements for the day.
Before returning to my dorm that day, I decided to go to the
school supermarket to buy some grocery items, which I needed for
the week. Some stores were already closed, and the nearest large-
scale supermarket is still quite a distance. Little did I know that was
the last time I will be able to go outside the dorm building.
Since 2 February 2020, I have been locked inside our dorm
building. This was to ensure that we will not be exposed to possible
carriers of the virus. The “lockdown” was not officially announced
and, if you ask me, it shocked me that we can no longer go out. In
fact, I tried to go out that day only to be told by the dorm guard
about the status, which by then was already obvious to me, and the
doors were chained.
It made sense to me why the food for breakfast, lunch, and
dinner will be delivered. At specific times, we have to go to the
dorm lobby to get our food. We also get free face masks, free
handwashing soap, and a free thermometer. From day 1, we were
told to regularly report our body temperature and self-monitor for
possible symptoms.
6 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Every day was an ordinary day. There was nothing much to do.
At first, I took advantage of the lockdown to watch some series and
movies on Netflix. I also read books and continue writing some of
my papers. I played games on my phone. I talked to people. But as
the days spent in the room count longer, and with the uncertainty
enveloping this situation, I start to wonder what will happen next
to me. As a peripatetic person, I cannot imagine myself confined in
a space like my room!
So I spend twenty-three hours of my day inside the room. The
other one hour to go down to get food three times and up to return
to my room. I live alone. As a doctoral student, I get a place to myself.
Most of my friends who are not a lot and are also international
students have returned to their countries. My Chinese friends
have returned to their homes. Even if they are in Wuhan, there is
no way they can come to the campus as public transportation has
been suspended and the dormitories closed to nonresidents. As
much as possible, group gatherings are discouraged as everyone is
a potential carrier.
Later, I decided to volunteer to handle the food service since
there was not enough personnel to help to serve food for breakfast,
lunch, and dinner in our dorm. So far, I enjoy doing it, and it is a
useful way of spending my time. I get to talk to and interact with
people and help them get their food.
By the second week of February, which is also the second
week of the dorm lockdown, the school has started arranging
for the opening of the spring semester but using all available
online platforms. For this term, I am taking four major classes
(research methods, comparative politics, local government, and
contemporary China) and a required course on Chinese history
and culture for international students. Finally, there was something
to do other than those things I usually do.
Jan Robert R. Go 7

I was also able to present a paper at a conference. I was supposed


to go to Melbourne for a political theory conference organized by
a university there. Unfortunately, the present conditions did not
allow me to attend in person. It was my first time to use video
conferencing for a presentation. I have two conferences scheduled
that I want to attend: one in April (Iloilo) and another in May
(Shanghai). I hope to be able to participate in them in person.
It has been more than twenty-five days since I was on lockdown.
There is nothing much (or nothing at all) I can share about what is
happening in Wuhan. Family and friends have been asking about
my status here: I am okay and as healthy as I can be. Every day, I
do some home exercises for forty-five minutes to an hour. I use the
stairs and not the elevator when I get my food (saves electricity,
too).
Many asked me why I did not join the repatriation of Filipinos
from Wuhan and Hubei. Perhaps it seemed easy for some, but the
situation here is not. I am happy that people are offering prayers
and sending comforting messages. Some of my colleagues, our
department chair, dean, and even the chancellor, sent messages
asking how I am doing here. There were friends who I have not
talked to in a long time who also sent greetings. I appreciate all the
messages, and well wishes. However, sometimes I cannot respond
to all because I try to make myself busy.
In a couple of days, the lockdown will be one month long. I have
not seen Wuhan in a long time. I only see it through my window—
when it rains or snows, when the sun shines, or when the clouds
gather up in the sky. Weather is now transitioning from the cold
winter days to warmer spring evenings. I cannot wait to go outside.
Hope is all I have for now. I hope things will be better soon.
8 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Number 93
10 April 2020

4月9日: Wuhan sunset

Two days ago, 8 April, the entry and exit points of Wuhan were
opened. This included the major roads leading to the city and the
three main train stations (Wuhan, Hankou, and Wuchang). There
was a lot of propping up that happened before that day, which
included a daily countdown, as people’s anticipation and excitement
piled up. In short, after more than two months of closing its doors
to the greater China, Wuhan is ready to welcome people back in
the city.
As many would have guessed, nothing is precisely “back to
normal” in Wuhan. With fears of another wave of infection, the
regulations during the lockdown were only relaxed, and only those
certified to be healthy and cleared by authorities to move around
can move around, albeit limited movement.
Even my contacts from the mainstream media in the Philippines
are excited to ask me about what is happening here in Wuhan that
they ask once again for me to grant them interviews. Unfortunately,
there is nothing much I can tell for now. My situation today is better.
Jan Robert R. Go 9

The food shops in the south gate area of my university, which include my go-to
Lanzhou lamian (兰州拉面) place are still closed. Basically, going out is all about
stretching muscles and getting some sunshine.

Maybe outside the university, it is also better. But there is no way


for me to know and verify.
Since 6 April, two days before the lifting of the lockdown, we
were allowed by school authorities to go out of the dormitory three
times a day, after sixty-four days of living inside the building. In
the morning, we can go out for breakfast from 7:30 to 8:30. In the
afternoon, residents in our building can leave and buy lunch and
groceries from 12:30 to 14:00. In the evening, we are allowed to set
out from 18:00 to 19:30.
While outside, we are required to observe physical distancing
and are required to wear masks. Only the school canteen and
the supermarket are open. Other food places and shops in the
university campus remain closed. When entering the canteen
and supermarket, we are required to register our names and
have our temperatures checked. This means every time I go out,
my temperature is checked four times: going out of the building,
entering the canteen, entering the supermarket, and going in the
building.
10 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

There is a “wider” selection of food and grocery items to be


bought now compared when we were locked down in the dormitory.
Most of my meals are 90 percent of vegetables. I get three different
vegetable dishes (蔬菜). I usually pair them with cup noodles. I
know this is not very healthy if done regularly. Some students have
opted to order online as waimai (外卖) or take-away food deliveries
are now allowed. The school set two pick-up points in the north
and south gate of the campus. However, we are located near the
west gate, which means walking around twenty-five minutes before
getting the food.
Our classes continue to be held online. This week is already
the midsemester, and students had their midterm examinations
(期中考试). In one of my classes, the Chinese society and culture
class, our exam focused on the four leading schools of thought in
Chinese classical philosophy. For my other courses, presentations
of assigned students continue.

No exit: Even with the lifting of the lockdown, we are only allowed to move and
walk within the university campus. Only the school canteen and the supermarket
are open. Blue fences block the entry and exit points.
Jan Robert R. Go 11

The semester will end in the last week of June, and there is no
word when the school will reopen. In other cities and provinces,
there are already scheduled reopening dates, which fall mid-May.
As I mentioned in my previous posts, with the situation now, even
the defense of theses and dissertations will also be conducted
online using either QQ or Tencent Meeting applications.
On the first day, I went around the campus to take pictures.
Unfortunately, the blooming time has lapsed. I was not able to see
this year’s flowering season and all trees are now very green. On a
positive note, it was good to walk around the campus and under
the trees.
Even if we are already allowed to go out of the dormitory, we
can only move and walk within the campus. The campus gates are
closed, and blue fences are blocking the pedestrian and vehicle
entrances. Only authorized vehicles are allowed to enter in
designated gates.
When going out of the building, the dormitory guards or shifu
(师傅) looks at a list of students and ticks the column of going out
外出, time out 时间, coming in 进来, time in 时间. Students who go
beyond the time will not be allowed to go out the following day.
On day 1, it took a long time to register to go out and come in since
they ask for room and student numbers. Now, they have devised a
way to identify students: each student is assigned a number. I am
number 93.

Today, Wuhan is back to normal. Shops and malls are open.


The subway, trains, and buses have resumed operations. People
are starting to crowd parks. Schools have begun the face-to-face
classes. Except for the face masks people wear and distance to be
observed, everything else is just like the way it was before.
The End of Tomorrow
Marikit Tara Alto Uychoco

2020, Philippines

“W e only think that time moves forward, because that’s how


we experience it: the inevitable march from the past to
the future, from cause to effect, forever marching forward. In a
parallel universe, they might experience time backward, with the
inexorable march from effect to cause, future to past, a story read
towards the understanding of why things are the way they are . . .
What if time is not chronological, but behaves in a much stranger
manner?”
Andy’s father lectured her about his theories while he tucked
her into bed, his wild hair standing on end. Something about the
scene alerted Andy, knowing that this was a memory wrapped in
dream, and the awful realization filled her, the horrible knowing
that her father was dead. She felt a dark sense of foreboding, and
she struggled to wake up. When she woke, she tasted seasalt on her
lips. She would always grieve for her father, no matter how much
time had passed.
When she got up, she looked outside at the street below. She had
been told that this would happen. Chinese soldiers marched in the
roads of Makati, the look of their PLA uniforms chilling to the bone,
their granite faces hard in the sun. Without the uniforms, they were
a familiar sight in the city. For years, they had taken up residence in
Makati. Their surgical masks made them an impenetrable mass of

12
Marikit Tara Alto Uychoco 13

Chinese eyes, and tanks were rolling up and down the avenue while
people held each other in fear. The Chinese knew that as long as
they had the National Capital Region, they controlled everything.
It was the third phase of their invasion. The first phase was
occupation—their businesses, their money, the actual physical
presence of Chinese soldiers as fake employees, the Chinese
monitoring the country from their bases on artificial islands. The
second phase was chaos—delivered by the Coronavirus, which
made it possible to lock people in their homes while they prepared.
And the third was this—actual boots on the ground.
Andy flicked on the television. The TV set showed the Philippine
president and his cabinet. Behind them were a line of generals and
the Philippine flag, the Chinese flag right beside him. The President
spoke, his face visibly sicker and older than it was before he was
elected, “Our Chinese friends are here to help us fight the virus and
the terrorists in the city. They are here to ensure discipline—kayo
kasi—if only you were good citizens, we wouldn’t have to resort to
these measures. It pains me to do this, but I have no other choice.”
Andy wished she could deal them with one fatal blow. The
adrenaline that filled her when she sparred in the gym roared in
her ears, and she wished she could choke someone out to solve the
shit that they were in. Instead, Andy gritted her teeth as she shut
down her social media accounts. Go lightly, she said to herself, find
the flow, work the angles. Don’t let the fear get to you, don’t force anything
to submission. Let the moment come and then attack. It was a familiar
litany, something that had helped her whenever she would train
jiujitsu.
Social media was a lifeline, but she knew it would be the death
of her. She cut up her sim card and set aside her smart phone. She
did everything automatically. Pick only the practical clothes. Pack your
bags. Delete files on the computer. She knew that if she didn’t act now,
there would be no future.
14 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Karl was smoking in the balcony as he watched the Chinese


take over the city business district down below.
“Can you believe it?” His Spanish profile was outlined against
the city’s skyscrapers. Karl was in his prime, his chiseled abdomen
and Iberian sensuality getting him on the front pages of magazines.
As usual, his black hair was sculpted to perfection, even though it
was ridiculously early in the morning.
She shook her head as she ignored him. She knew that Karl
would stay behind and find a way to compromise. She loved him
and his mercurial intelligence, but they no longer saw eye to eye.
He thought she was some wild-eyed idealist who refused to see
reality. He was looking at her now, back from the balcony. The next
words died on his lips as he saw her bags packed.
“No explanation?” He tilted his head, his mouth wry. Somehow,
he knew this day would come. Andy was one in a long line of
mistresses, and he knew she didn’t have it in her to stay that long
with him.
“We have to fight back, Karl.”
He took a drag on his cigarette, “You could get yourself killed,
sweets.” She nodded and knew the conversation was headed to a
dead end. She turned and he reached out.
“What we have is real, Andy.” For one brief moment, his eyes
glittered dangerously. He wanted to shake her. But his face changed
back to its cold familiar self, and he let her go.
“I never said it wasn’t,” she shrugged as she left him behind.

The church looked innocent enough. But, as Andy slipped into


the basement of the parish, she saw a lot of familiar faces. There was
the cardinal bringing them all together, there was the prominent
Marikit Tara Alto Uychoco 15

opposition senator . . . she saw several well-known activists, and a


few Philippine military types.
Finally, she said to herself, as she edged toward the fringes of
the crowd. She moved toward the only Caucasian in the room,
his tall form making him an easy target. His blue eyes showed no
expression at all as he listened to the people speaking. She tapped
his broad shoulder and he looked at her, the face mask hiding the
lower part of his face.
“Have you decided?”
She nodded, crossing her arms.
“Come on,” he gestured, as they left the basement to go to the
church, the gold-leaf from the icons glowing in the candlelight as
they took their masks off.
“Are you sure about this?”
“I am,” she said quietly. She studied his American face, the
warm, open handsomeness of a grown-up Tom Sawyer. She didn’t
trust white people that much, but he had offered her something she
would never forget.
“You cut all ties?”
“I only had the one.”
“Good,” Mark said.

She had met Mark in Palawan a year ago. She had emerged
from the ocean that morning, doing field research for an old client,
Limahong Industries. One of the perks of the job was an all-expense
paid trip in a classy resort, and she was concentrating on breakfast
when Mark sat at her table overlooking the shore. He introduced
himself and cut to the chase, while she stared at him in amazement.
16 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“In 2020, there will be a virus from China, and it will spread
to the rest of the world. At first, we would believe them, that it
came from some bats in the Chinese market, a Coronavirus, but
eventually the truth will come out. It is a Chinese biological weapon
meant to disrupt the world and change the balance of power. There
will be a huge pandemic whose reach will be far and wide, and the
world will stop,” he said fiercely.
He took a deep breath and he continued, “During this time,
Chinese forces will prepare to take over the world and Russia will
be by her side. Once they’re done with everything, the world powers
will be Russia in the West and China in the East. The United States
will fall, and the United Nations, and all others, will bow down
before the communist regime.”
She was tempted to set security on him, but the objects in
his hand stopped her. He gave her a folded note and her father’s
watch—a Christmas gift she had given her father—the watch she
had placed on his wrist the day they had buried him.
“He was a good man,” Mark told her, “a smart man. Without
him, we never would have gone as far in the technology. An agent
went back to the past to consult with him, and he gave us this . . .”
Her father was a quantum physicist, and some people called him
the Grandfather of Time Travel. His theories were ground-breaking,
but there was never enough money to test their application.
“Everything that your father told you was true, including
the possibilities of time travel,” Mark told her. “We only got the
calculations right recently, and built the time machine . . . especially
since there didn’t seem to be anything else the agency could do but
use time travel to change history. With time travel, there are infinite
possibilities, but so far, we’ve been ramming our heads against a
wall and keep getting the same results,” he told her.
Marikit Tara Alto Uychoco 17

“Chinese power in the East. Russian power in the West. The


death of democracy as we know it. It’s all dominos falling in 2020.
Look, I know it’s hard to swallow. But when the Chinese military
arrive at your doorstep, look for me here,” he wrote the address of
the church at the back of his calling card. She flipped it up, amused
to read Mark Clemens, Travel Agent.
“If you’re ready to change the future, look for me. But you’ll have
to disappear. I need you to be a ghost. And Limahong Industries?
I wouldn’t trust them if I were you. They’re a front for the Chinese
government. Don’t worry,” he said, “that’s one of the reasons we
picked you—we need an opening to Limahong.”
“One more thing. I need to inject you with the Coronavirus
vaccine. This one is the good one, it came out in 2022. The early
ones were . . . Let’s just say you don’t want to be injected in 2020.”
The syringe was in his hand.
She shook her head, “I don’t know . . .”
He set the syringe back down and steeled himself. “Andy, I know
this is a lot to take in . . . Believe me, I’ll be asking you to do things
more dangerous than this. So, the question that you have to ask
yourself is, would you trust him?” He nodded toward the watch and
the note he handed to her.
Her hands were shaking as she took the watch in her hands and
turned it over. There was the inscription she asked to be etched
at the back of the watch, the quote from The Magic Mountain: “It is
love, not reason, that is stronger than death.” She unfolded the note
and saw her father’s handwriting: “Trust Mark, Andy. Sending you
love from the moon and back. Love, Tatay,” she brought a fist to her
mouth as she struggled to contain her tears.
She nodded, clutching her father’s watch to her chest. “I trust
him . . . but an injection?”
18 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“Yes. The Coronavirus vaccine,” he intoned, “is worth its weight


in gold. Look, I’ll leave the syringe with you. If it feels right, inject
yourself before the vaccine goes to waste. You have ten hours left.
Take my advice—don’t waste it! You won’t find that anywhere else
. . . not until 2022.”
“Bring it all with you,” he said roughly, standing up to leave, “you
never know who you might see again.” After that, he left her side
and strode out of her life as quickly as he had entered it.

“The vaccine?” Mark asked her, “Did you inject yourself?”


“Oh my God, yes. You can’t imagine how relieved I was that I
did. I should have trusted you immediately.”
Mark studied her face in the dim church. Her low ponytail hung
over her shoulder, and she was frowning at him, the gold-leaf and
candles creating a halo. You couldn’t tell she was half-Filipino—her
father’s half—since she looked so much like her Chinese mother.
“Have you ever been to China?”
“Hong Kong Disneyland?”
“I meant the mainland.”
“No, I haven’t,” she answered, and she shook her head, “The
question has been with me after all this time . . . Have we met
before? Why do you act like you know me?”
Mark folded his arms, “We have a shared history that lives in my
head. You could say that I’m seeing you with eyes filtered with the
future—or the past. Are you still game?”
“Of course.”
“You’ll need a skimpy dress,” he brought his palms up as she
raised her eyebrows, “It’s a disguise . . . we’re going to an old US
Marikit Tara Alto Uychoco 19

base to get to the time machine . . . now a red-light district, so you’ll


have to pretend to be a prostitute . . .” He shrugged his shoulders.
“You’re enjoying this,” she tilted her head toward him.
“I might as well,” he said, “things are grim enough.”

They set Google Maps towards Clark Freeport Zone, Pampanga.


She was wearing her father’s watch and a new dress that revealed
jutting breasts and an ass to die for. Mark was glad he had to drive
the whole trip, because if he hadn’t, he would have just stared at
her. She had brought up her hair with a few bobby pins and applied
some makeup—with her winged eyeliner and the sheen of red
lipstick, she was a smoldering beauty. She doesn’t know a lot about
prostitutes, Mark thought to himself, because she looks too classy.
As they drove, they listened to the mellow strains of a guitar on
the radio. She wondered at Mark, who seemed to have deep feelings
for her. She tried to find out as much as she could about him as they
drove past the endless chain of gasoline stations. She talked about
her hometown and how she missed the province. He talked about
his boyhood home and how he missed its river. A sense of rightness
filled her, and she leaned back, wondering how she could feel so
much for a stranger. His voice lulled her to sleep, and she woke up
to see their sedan lined at the toll booth, waiting for their turn to
pay for their ticket.
They drove by Koreantown, with its neon lights and big Korean
signs. It looked like a neon-colored dream, as if a section of Korea
had been displaced and relocated into the Philippines—a candied
dream of K-pop videos and Korean movies. Even though it was
quarantine and past curfew hour, there were still a lot of people
on the brightly lit streets, mostly Koreans, going in and out of the
Korean grocery shops and chatting in Korean bars.
20 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“Don’t look now, but it looks like we’re being followed,” Mark
said to her.
“Time for a detour.” He steered the car sharply to the right. He
parked in front of a seedy night club, and they got out of the car.
Once they entered the club, Andy was surprised to see bikini-clad
women gyrating without face masks on stage, dancing frenetically
to the deafening music. Men were drinking bottles of beer as if there
was no quarantine, no chance of infection. No social distancing here,
she thought, as a handful of women lap-danced on their foreign
clients. Mark pulled her to a table, and she was glad she had injected
herself with the vaccine as men breathed heavily at her and leered.
“There they go,” Mark murmured as two Chinese men slipped
into the night club. “They’re a certain type,” he said, as they started
inspecting the club, “you learn to recognize the Chinese agents
after a while.” The agents were built like bodybuilders and wore
dark clothing, moving like military men with their straight backs
and measured pace.
The agents yanked them from the table, and Andy was ready
when her feet hit the floor. Using the momentum the man had used
to pull her, she shifted her weight and threw him to the ground.
When he fell face down, she wrapped her legs around his back and
circled her arms around his beefy neck. She set up a rear naked
choke as he stood, carrying her weight, her tight dress hiking
dangerously up her thighs, her legs tightening like a vise around
his waist. She heard wolf whistles as he struggled to break free,
flailing in the middle of the club, but she held on and tightened
the choke with her biceps. After a few more seconds, he crumpled,
unconscious.
She saw Mark trading blows with the other Chinese agent. She
sprinted toward the agent and jumped forward, her momentum
Marikit Tara Alto Uychoco 21

throwing her forward harder and faster as she kicked his solar
plexus. He weaved backward, and Mark dealt the blow that knocked
him to the ground. Mark pulled her back and they ran toward the
car, scattered applause bursting in the air.
They sped their way toward the opposite direction. Andy felt
her blood sing, exhilarated as she whooped into the cold rush of
air. Mark grinned in the darkness, and for a moment, Andy felt the
earth stop, until it stuttered and whirred forward again.
When they finally got to the motel, the masked receptionist
nodded them on. She inhaled sharply when they entered the small
room. Instead of the tawdry room she had expected, the room was
filled with glass and steel. There were multiple screens and knobs all
over, and the closest thing she could compare it to was an intensive
care unit, complete with a single bed and tent.
Mark pulled her into his arms. She sank into the inevitable fall,
an object surrendering to gravity. She felt like melted butter as he
sank his head for a kiss, and time stopped for a while.
“We have no time . . .” Mark groaned, “You have to go now,” Mark
said to her.
“The calculations should be right,” he grimaced, as he turned
toward the giant computer, making sure the destination was set to
January 8, 2018. “You’ll have to go first. It’s single travel every time.
Remember, you go to China and get to Limahong Industries. I’m
going to need another agent to help me jump after you, and I don’t
know when he’s coming,” he looked at his watch, “I told him not to
be late, the fucker.”
She tried to calm her racing heart. After a few minutes, she
nodded and knew that he was right. They had hours to talk about
the plan. Get to 2018. Get a flight to China. Get to Limahong
Industries and destroy the virus.
22 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“Alright,” he touched the side of her face and kissed her


forehead. He opened the flap of the tent and asked her to lie on the
bed. “It will take some getting used to. It’s the pressure in the ears
that bother most people . . . and the chest palpitations. It’s as if our
bodies know we’re doing something unnatural. But you should get
sorted out . . . eventually.”
She looked at him and held his hand. “Wish me luck?”
“Good luck,” he chucked her under her chin, “you’ll be fine.”
She took a deep breath and closed her eyes as he left the tent,
fiddling with the knobs and the computer screen in front of him.
In a few minutes, she could feel it, a piercing pain filling her ears,
making her press her head down the pillow. She felt as if her body
was being stretched, and she could hear the blood rush to her
head. It was as if she were going very fast but also as if she were
being pinned down to the ground, until suddenly, she was torn
somewhere else.
Sometime else, she reminded herself. She opened her eyes. It
was the same bed, the same room, but instead of the night sky, the
pale light of twilight washed through the window. She sat up and
discovered that she couldn’t breathe. She felt like she was having a
heart attack. She closed her eyes and waited for it to pass. After a
few minutes, the pain subsided.
Hoping that the pain wouldn’t come back, she slowly stood up.
She walked toward the window and breathed a sigh of relief. Instead
of the empty streets with the occasional masked pedestrian, there
were jeepneys plying their routes and bare-faced people getting
ready for work.
She went to the bathroom to shower. She was careful to be as
neat as possible, knowing this was a sanctuary for time travelers.
She wore a pair of jeans and a plain white shirt. The lobby was as
Marikit Tara Alto Uychoco 23

seedy as it was the last time she was here, but instead of the masked
receptionist, there was a bored teenager who took her room key.
She walked to the end of the street toward McDonald’s. With
all the strangeness of everything happening to her, she was grateful
that it looked wonderfully, blandly, the same. She ordered pancakes
and a cup of coffee.
So, this is what it’s like to be a time traveler . . . Acting normal
when things weren’t. All these people eating with their friends
and family had no idea this would be a distant memory. People
would be isolated from each other for months, and starvation and
poverty would overcome many of them before the pandemic was
over. Hundreds of thousands would die. She closed her eyes as she
sipped her coffee. It was 2018, and she had to act like everything
around her wasn’t heaven.
After breakfast, she left to look for a cab. There were a dozen
outside McDonald’s, and she was pretty sure she could get one to
bring her to the airport. She stepped into the first one at the taxi
bay and was surprised when she saw the driver.
“Karl?”
“Hello, sweets. Limahong sends its regards.” She was startled to
see that Karl was much older, with the wrinkles on his face and his
snow white hair.
She turned to leave, but the doors were locked.
“You never know when to leave something alone, sweets,” Karl
told her. Chinese agents from either side entered the cab, and she
felt the cold steel nub of a gun on her gut. “Trust me, we’ve thought
of all the possibilities. I had no choice.”
She swallowed fear down as she cried out, “Why are you doing
this?”
24 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

He squinted, “This isn’t the movies, sweets. Sometimes, you


don’t need to know why you have to die.”
The shot popped out, and she felt the pain on her side. The
Chinese agents left and Karl sat down beside her.
“You think you can change history? The march of history is
unstoppable and the Chinese empire will not be denied. Time
travel is a joke that tricks you into thinking you can change fate. But
you can’t. You’re just an insignificant speck in the universe. Change
the world,” he sneered, “might as well try changing the stars in the
sky. We think we can change things, but we can’t. We’re grist under
the mill of history.” He spat, shutting the door with a thud.
So it’s true, she said to herself. Your life flashes before your eyes when
you die. She slumped down the seat. Memories flooded her vision.
Karl holding her close all those humid nights. The day she got her black belt
in jiujitsu. Endless afternoons training muay thai. Her father’s face when
he tucked her into bed. Wake up, Andy. Wake up, Andy.
“Wake up, Andy! Fight back, Andy, dammit!”
Her eyes flew open as she heard Mark’s voice. She looked down
at her wound, amazed to find that it was no longer bleeding.
“I thought I was . . . dead.”
“You’re not dead. I fixed you up. I found you with your father’s
watch . . . I placed a tracking device on it . . .” He tucked a strand
of her hair behind her ear. “I’ve still got a few tricks up my sleeve.”
“Sneaky, ” she whispered. She looked at her wrist, upset to find
that her watch was broken. It was no longer ticking, its glass face
cracked and its hands frozen. She closed her eyes. She felt him
carry her from the cab and into an SUV. She felt that her father was
watching over her from somewhere not too far away . . . she saw his
face in her mind’s eye.
Marikit Tara Alto Uychoco 25

“Sometimes, what’s more important is what we have now,” his


father told her when she cried about her mother’s death, “think
about her the way we think about the moon . . . Sometimes, the
moon looks like it’s gone, but we all know that it’s still there. Love is
stronger than death, Andy,” he hugged her close. He read a passage
to her from The Magic Mountain, “Love stands opposed to death. It is
love, not reason, that is stronger than death. Only love, not reason,
gives kind thoughts.”
Tears fell as she lay still. She knew that there were some things
the heart understoof better than the mind. She curled her hands
into fists. She didn’t know what would happen tomorrow . . . all she
had was today. All she had were the people she loved and those that
anchored her in the here and now.
They moved forward toward an uncertain future. She was
wounded but not beaten. Find the flow, work the angles, she said to
herself. Let the moment come. Nothing was impossible, she thought
to herself, and history wasn’t chiseled in stone. Time is an illusion,
she whispered, and everything, including the past and the future,
is made today.
Three Poems
Raphael Salise

Dear City,

I am writing to you on a whim, to tell you that the situation is already out of hand.
The air outside is thick and heavy, our breaths are calculated, our days numbered,
numbers, decreasing, depleting. It is only a matter of time until

we are wiped out of existence, like


a silent asteroid, a thief in the night.
It is only a matter of time until
we run out of ink. Tonight

the wildfire has died out, and the crickets have stopped singing.
The thieves will reap the bullets they have sown in our infertile soil

say graces, in chorus, over dinner, over bloodshed


say amen, say drink your fill, you filthy cannibals.
say that faith still works, then pray with your hands
tied, or behind your head. No one is there to listen.

The animals have escaped captivity, now roaming free in the metropolitan jungle.
Chaotic, yes. Prophetic even. An ostrich runs on two frail, too frail legs. The ost-
rich is a prophet taking it to the streets. It screams, so scream back. Ostrich. Oste-
rich. It is only a matter of time until

tomorrow becomes today and today becomes yesterday until


tomorrow comes, we run back and forth endlessly until
tomorrow becomes a word that becomes a number.

Dear City, how many tomorrows do we have left?

26
Raphael Salise 27

for simon

say nation—but only once, at the start


say tomorrow will be different
say otherwise, tomorrow will have
no difference
say people are not people, they are decimal places
say amen, second coming, red crucifix, preyed for us
say accomplice, say ignorance, nothing accomplished
say fire at close range, closed case, gasoline
say poor, many times, your household word
say West Philippine Seize, in prostration
say projected / parabolic / pause-phobic
say shut up, shut down, in media’s rest
say face-to-face-the-face-to-fasces
say blueprint . . . nothing follows

say we’re prepared.

say this speech is better heard without sound.


28 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

in the middle of a pandemic

i am overcomplicating things
but perhaps—
if we had met sooner
we would not be the same as we are
if we had met later
we would not be the same as we were

but here we are, pondering


watching the waves drown our feet
standing on opposite shores
we are lost in an endless loop of time

whichever way we read this narrative

we are lost in an endless loop of time


as we stand on opposite shores
watching the waves drown our feet
but here we are, pondering

we would not be the same as we were


if we had met later
we would not be the same as we are
if we had met sooner
but perhaps—
i am overcomplicating things

in the middle of a pandemic


COVID-19 Diary ng Sirena
John Iremil Teodoro

[Marso 15, 2020


Linggo
7:28 n.u.
Rosario, Pasig]

Naka-Lockdown ang Sirena sa Pasig

S imula noong Martes nang ma-cancel ang mga klase dahil sa


lumalawak na pagkalat ng COVID-19 napapraning na ako. Bukod
sa inuubo ako, pakiramdam ko nakakulong ako sa nirerentahan kong
condo na tinatawag kong Tore ng Sirena. Nasa ika-labingwalong
palapag ito ng isang lumang condominium building sa tabi ng De
La Salle University.
Sanay naman akong mag-isa sa condo. Madalas naman may
isang araw o dalawang araw na hindi ako lumalabas. Mababaw lang
kasi ang kaligayahan ko. Masaya na ako na magbasa at magsulat,
at kung tinatamad ako, pinapanood kong muli ang mga paborito
kong pelikula tulad ng Little Women (’yung si Wynona Ryder ang
gumaganap na Jo March), Secret Garden, Sense and Sensibilities, Pride
and Prejudice, at Kung Ako Na Lang Sana, ang paborito kong pelikula
ni Sharon Cuneta. Nangyayari ito kapag may bagyo at kanselado
ang mga klase o kayâ may mga nagaganap tulad ng ASEAN Summit
at ASEAN Games.
Pero iba ang pakiramdam ko sa pag-cancel ng mga klase dahil
sa banta ng COVID-19. Parang nakakulong ako. Hindi nakakatulong
na mukhang bangag si Pangulong Duterte sa dalawang presscon

29
30 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

niya tungkol dito. Lalo akong natataranta kasi mukhang ang tatanga
ng mga tao sa gobyerno ngayon. Ang gulo ng mga pronouncement
nila. Parang di sila nag-uusap at kaniya-kaniyang katangahan
lang ang pinaiiral. Halimbawa, kahapon may nag-anunsiyo na
magpapatupad ng curfew mula alas-otso ng gabi hanggang alas-
singko ng madaling-araw. Maraming umalma sa social media dahil
iligal ito kung walang ordinansa ang local government. Hayun,
binawi ang curfew. Baka next week na raw kung may mga ordinansa
na.
Sa presscon ni Duterte hinggil sa pag-lockdown ng Metro
Manila noong Huwebes ng gabi, parang nanginginig na ako sa
pangamba. Nagpapanik na ako sa aking isipan. Kung ganito kalabo
at kagulo ang announcement ng presidente, saan ako kakapit
bilang natatarantang mamamayan? Para akong hostage ng isang
buang na presidente. Hindi nakakatulong sa pagpapakalma ko sa
sarili na katabi ni Duterte sina Senador Bong Go at Presidential
Spokesperson Salvador Panelo. Tinitingnan ko ang mga mukha
ng mga gabinete habang nagra-ramble ang presidente. Iyong
mga mukhang matino, mapagkatiwalaan at makapitan ko sana sa
panahong ito tulad nina Francisco Duque III, Bernadette Roman-
Puyat, Silvestre H. Bello III, at Karlo Alexie Nograles na pogi in
person (nakasákay ko siya sa eroplano papuntang Davao noong
Pebrero 27). Hindi ba nila napapansin na wala nang kuwentang
magsalita ang presidente? Ayaw ko sanang magkumpara pero bakit
kapag pinapanood ko ang mga presscon nina Prime Minister Lee
Hsien Loong ng Singapore at Prime Minister Justin Trudeau ng
Canada, ang linaw nilang magsalita at very reassuring?
Noong Huwebes mga alas-tres pa lamang ng hapon ay kumakalat
na sa Messenger ang resolusyon hinggil sa Metro Manila lockdown
ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF).
Nagbi-breaking news na rin na 6:30 ng gabi magsasalita ang pangulo.
John Iremil Teodoro 31

Lumala ang panic buying sa mga grocery store at botika dahil


sa balitang lockdown. Nang bumaba ako para bumili ng liquid
handsoap dahil naubusan ako, napakaraming tao na sa kalapit
na Savemore. Sa katabing maliit na Watson ako pumunta. May
kaunting pila na rin. Wala na silang rubbing alcohol. Mabuti at
marami pang liquid hand soap at bumili na rin ako ng body wash
dahil may strawberry scented akong nakita sa estante. Buy one
take one ang body wash at malalaking bote pa. Kayâ natatawa ako
sa sarili ko habang naglalakad sa labas kasabay ang mga nag-panic
buying sa Savemore. Sila grocery at pagkain ang pinakyaw. Ako
body wash!
Ang tatlong tao sa kaha ng botika ay aligaga na. Pinag-uusapan
na nila ang lockdown at mukhang nagwo-worry sila kung ano ang
mangyayari sa trabaho nila. Kawawa naman. Sabi ko sa kanila, sa
tingin ko tuloy pa rin naman ang trabaho nila. Ang ibig sabihin lang
naman ng Metro Manila lockdown ay hindi kami makakalabas ng
Metro Manila. Mapakla pa rin ang ngiti nila sa akin. Siyempre, hindi
ko pa naiimadyin na martial law level pala ito ngayong kumakalat
na ang mga sundalo at pulis sa Kamaynilaan!
Bago mag-alas-sais, nakaupo na ako sa harap ng TV. Hinihintay
ko ang mensahe ng presidente. Nananalangin ako na sana hindi siya
mukhang bangag ngayon at sana nakasulat ang sasabihin niya para
hindi magulo. Natapos na ang 24 Oras, wala pa rin ang presidente.
Tulog pa ba? Hindi pa ba tumatalab ang ininom na Fentanyl? Alas-
nuwebe na at nagkakape na ako dahil ganitong oras ang sleeping
time ko, wala pa rin. Buti mga 9:15 nag-live na sa Malakanyang
ang mga estasyon ng telebisyon. Hayon, mukha pa ring bangag
ang pangulo. ’Yung kalát na na dokumento ay binabasa niya per
paragraph saka ipinapaliwanag niya. Pero sa bawat pagpaliwanag
niya, lalong lumalabo at lalo akong nalilito at sumasakit ang bangs
ko.
32 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Hindi nakakatulong na mga opisyal ng militar at pulis ang nasa


likod niya. Ano ito, deklarasyon ng Martial Law?
Hindi ko na tinapos ang presscon. Natulog na ako. Inisip
ko, gigising na lang ako nang maaga bukas at tiyak may mga
magpapaliwanag sa sinabi ng presidente. Ang klaro sa akin, walang
pasok hanggang Abril 12. At sa darating na Linggo, ila-lockdown
na ang Metro Manila. Naisip ko, uuwi ako sa bahay namin dito sa
Pasig. Mas may space dito at kasama ko ang bunso naming kapatid
na si Sunshine. May malapit din na talipapa dito. Mukhang mas
maraming mabibiling pagkain.
Lalong lumala ang panic buying kinabukasan. Uuwi na sana ako
dito sa Pasig kaso sabi ni Sunshine lilinisin pa niya ang kuwarto ko
dahil masyadong maalikabok. Baka raw hikain ako. Nakabasa rin
ako ng email na magmimiting nang umagang iyon ang Academic
Council ng De La Salle University at gusto kong hintayin ang
magiging memo pagkatapos ng kanilang pagpupulong. Gusto kong
malaman kung ano ang gusto nilang gawin naming mga guro.
Ayon sa mga balita, siksikan na ang mga tao sa mga estasyon
ng bus palabas ng Metro Manila. Ang isang kaibigan kong taga-
Davao nag-text na pa-NAIA na siya at doon muna siya sa kanila
sa panahon ng lockdown. ’Yung isang PhD student namin
nagpaalam na uuwi muna siya ng Leyte. Kaunti na rin ang mga
tao sa condominium namin. Mukhang may exodus palabas ng
Kamaynilaan. Nakakadagdag ito sa aking pagkataranta. Uuwi na ba
kami ni Sunshine sa Antique? Kaso nabasa ko sa mga post ng mga
kaibigan ko sa San Jose de Buenavista ay kailangan nang mag-self
quarantine ng labing-apat araw ang mga dadating sa Antique galing
Metro Manila.
Nag-text si Sunshine. Nakapag-grocery na raw siya at nakapag-
imbak na ng bigas at pagkain ng dalawang aso at mga pusa. May
kakainin na raw kami sa loob ng isang buwan. Gayunpaman
natataranta pa rin ako. Bumaba ako upang tingnan ang Savemore.
John Iremil Teodoro 33

Marami pa ring tao at mahaba ang mga pila. Buti na lang sa kalapit
na 7-Eleven ay halos walang tao. Doon ako bumili ng anim na latang
sardinas at ilang instant noodles.
Alas-kuwatro ng madaling-araw kahapon ay nagising na ako
at naghanda ng mga gamit na dadalhin sa Pasig. Bukod sa mga
maruming damit at mga grocery item, inayos ko rin ang mga gamit
ko sa mga klase tulad ng syllabi, class records, at mga papel na
kailangang i-tsek. Czech Republic na lang sa Pasig!
Nagkape muna ako at pinanood ang balita sa TV. Pagla-lockdown
pa rin ng Metro Manila ang laman ng mga balita. “Community
quarantine” na ang ginagamit ng gobyerno para siguro damage
control sa pagpapanik ng mga tao sa “lockdown” at sa mistulang
martial law na pagpapatupad nito. Utak pulbura kasi talaga si
Duterte.
Bago mag-alas-siyete, nakasakay na ako sa Grab papuntang
Pasig. Akala ng driver papunta akong airport. May tatlong pasahero
na raw siyang nagpahatid sa airport at “tinatakasan” ang lockdown.
Sabi ko sa kaniya, uwi lang ako sa bahay namin sa Pasig. Wala pang
alas-otso nasa Pasig na ako. Kapansin-pansin na punô na ng mga
de-lata ang platera namin. Punô na rin ang maliit na lagayan ng
bigas.
Nagpaalam ako kay Sunshine na bibili lang ako ng isda sa
talipapa na pang-ulam sa agahan. Siksikan na sa talipapa. Pero
normal lang iyon. Sa mga bangketa lang kasi ang mga nagtitinda.
Bumili ako ng isang kilo ng hiniwang tuna at isang malaking pusit
na mahigit kalahating kilo ang timbang. Medyo may kamahalan
ang mga ito pero dedma na. Baka next week wala nang mabiling
isda. Bumili rin ako ng isang kilong baboy. Ilalagay lang sa freezer.
Aadobohin ko sakaling wala nang mabili sa talipapa. May nadaanan
akong kariton ng ponkan. Bumili ako ng isang dosena. Ala-New
Year ang peg.
34 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Matapos makapag-agahan, nagpaalam muli ako kay Sunshine


na pupunta muna ako sa barbero. Nangangati na ako sa buhok ko.
Dahil bisi nitong mga nakaraang linggo, wala akong time pumunta
ng barbero. Wala pang alas-diyes ng umaga at walang kostumer ang
friendly barbershop sa aming neighborhood. Nanalangin na lamang
ako na walang COVID-19 ang barbero. Naka-mask naman siya.
Imposible naman kasi ang social distancing sa tipo ng trabaho niya.
Ang gusto ko sa pagpapagupit dito sa amin sa Pasig, PHP 60 lang
ang bayad. Wala pang dalawampung minuto, tapos na ang hairdo
ko. Naisip kong pumunta muna sa Lucky Gold Mall at Choice Mall
sa unahan.
Pila sa mga ATM sa Lucky Gold. Gusto ko uli magpanik pero
agad kong naisip, may enough cash na rin naman ako. Sa kadikit na
Choice Mall, napadaan ako sa tsikadorang tindera ng mga kortina
at bedsheet. Tumingin ako ng mga kortina. Ang gaganda kasi. Mura
pa. Siyempre lapit kaagad si tsikadorang tindera at promote to
death ng mga kortina niya. Naisip kong bilhan ng bagong kortina
ang kuwarto ko. Hayun, napabili ako ng limang piraso ng kortina na
kulay flesh at puti na may malalaking bulaklak na hugis trumpeta.
Bago umuwi, dumaan ako sa suki kong flower shop. Makukulong
lang din ako sa bahay, gusto kong may bulaklak sa writing table ko
at sa mesang kainan namin. Wala ang magandang babaeng binilhan
ko ng lilang asters noong isang linggo. Ang nagbabantay ay isang
cute na chubby na may pagka-bear. Ang sexy ng balbas niya. Bagay
siya sa gitna ng mga bulaklak. Agad kong ipinaalala sa sarili ang
konsepto ng “social distancing.” Bawal muna ang impure thoughts!
Mura ang mga bulaklak doon. PHP 75 ang isang pulumpon ng
statis na tig-PHP 150 sa binibilhan kong grocery sa Taft. Dalawang
pulumpon ang binili ko. Isang puti at isang lila. Bumili rin ako
ng isang pulumpon ng sari-saring Malaysian mums. PHP 60 lang
ito. Sa badyet na PHP 210, pakiramdam ko ako na si Jo March na
John Iremil Teodoro 35

namimitas ng mga bulaklak sa gubat ng Concord isang tag-araw.


Siyempre naiisip ko rin ang mga ilahas na bulaklak ng Lenhovda.
Sabi ko kay cute na chubby, talian na lang niya para di ako
mahirapang bitbitin. “Para sa church ninyo ito, Sir?” tanong niya.
Natawa ako. “Bakit? Mukha ba akong pari?” ang thought bubble ko.
Siyempre nagpa-cute ako kay cute bear. Tinamisan ko ang aking
ngiti at nagsabi, “Hindi, para lang sa bahay.” Habang naglalakad
pauwi, naisip kong gawan ng sash ang sarili na ang nakalagay,
“Paglalandi sa Panahon ng COVID-19.”
May isang bahagi ng utak ko na tinatalakan ang sarili: “Mahiya
ka naman! Sa panahon ng lockdown at panic buying dahil sa banta
ng COVID-19, napaka-gitnang uring fantasya pa rin ng pursuits
mo!” Pero dedma ako. Taas noo pa rin ako. Kailangan ko ng bagong
kortina at ng mga bulaklak! Ito ang therapy ko.
Ngayong umaga ng Linggo, maaga uli akong nagising. Madilim
pa ay bumili na ako ng mainit na pandesal. Habang nagkakape ako at
kumakain ng pandesal na pinapahiran ng butter ay pinagmamasdan
ko ang isang malaking plorera ng puti at lilang statis. Nakikinig din
ako sa radyo. Balita na ang mga checkpoint papasok at palabas ng
Metro Manila. Mas magiging magulo ito bukas dahil Lunes at araw
ng trabaho. Trapik daw at kulang ang thermal scanner ng mga pulis.
Mapalad ako at guro akong may tenure at maaaring magturo
online. Paano kayâ ang mga manggagawang arawan at no work no
pay? Mabuti kami ni Sunshine at dalawa lang kami dito sa bahay
at kaniya-kaniya kami ng kuwarto. Nagagawa namin ang social
distancing. Paano kayâ ang mga pamilya na nagrerenta lamang ng
isang maliit na kuwarto? Nakasabay kami sa panic buying. Paano
ang mga walang pang-buy? Panic na lang ba talaga ang option? Ito
talaga ang panahon na kailangan ng mamamayan ang malasakit
ng pamahalaan. Ang kaso, kung palaging mukhang bangag ang
presidente kapag nakikita mo sa telebisyon at mukhang di nag-
36 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

uusap ang matataas na tao sa gobyerno at wala silang pulidong


plano, talagang panalangin na lang ang kakapitan mo.
Ang munting comfort ko lang ngayon ay nandito kami sa
Lungsod Pasig na mukhang mapagkakatiwalaan ang pogi naming
meyor na si Vico Sotto.
Masaklap para sa karamihan ang pamumuhay sa panahon
ng COVID-19 dito sa Metro Manila. Unang araw pa lamang ng
lockdown ngayon. Sana mas maging maayos at mas maging magaan
ang sitwasyon sa mga susunod na araw o linggo.

[Marso 27, 2020


Biyernes
Lungsod Pasig]

Namumulaklak na Akasya at Alugbati

Kakaunti ang mga sasakyan. Kakaunti ang mga tao sa labas


ng saradong Lucky Gold Plaza. May mga nakapila sa sarado
pang Palawan Pawnshop. Nakaupo sila sa simentadong sidewalk
at nakakatuwang tingnan na inoobserbahan nila ang physical
distancing (ito raw ang tamang termino at hindi “social distancing”).
May asul na bus na nakapark sa harap nila. Libreng sakay daw para
sa mga health worker. Naisip ko saglit na makisakay ako. Sasabihin
ko sa drayber na papunta ako ng botika sa sentro ng Rosario. Baka-
sakaling pasakayin ako. Sinilip ko ang bus. Tatlo pa lang ang sakay.
Agad kong pinagsabihan ang sarili na maglakad na lang dahil iyon
naman talaga ang plano ko.
Sobra sa isang kilometro ang layo ng pinakamalapit na Mercury
Drug sa gate ng Life Homes Subdivision na labasan namin. Nang
napabalitang mag-lockdown dahil sa banta ng COVID-19 noong
Marso 10, bumili na ako ng pang-isang buwan kong maintenance
John Iremil Teodoro 37

medicine doon sa suki kong Mercury Drug sa harap ng La Salle.


Wala pang panic buying ng mga gamot noon. Ang iniisip ko, first
week ng Abril ako bibili muli ng gamot. May dalawang Mercury
Drug naman kasi sa sentro ng Rosario. Kayâ lang may nag-PM kay
Sunshine na bakâ magdeklara ang gobyerno ng total lockdown
ng dalawang linggo umpisa bukas at wala na talagang palalabasin.
Iniisip din namin na baka fake news. Pero siyempre kailangan pa
rin naming paghandaan. Ang usapan namin kagabi bago kami
matulog ay gigising siya nang maaga at mamamalengke. Bibili kami
ng isda na paksiwin, mga sahog para sa pancit bihon kasi ito ang
plano naming lulutuin sa Linggo, isang kilong hotdog, isang trey ng
itlog, sibuyas, luya at lemon na ginagawa naming tsaa, at dagdag na
bigas. Maghahanda kami para sa dalawang linggong walang labasan.
Nagdesisyon din akong pumunta na kinabukasan sa Mercury.
Binilang ko kasi ang mga gamot ko, good for twelve days na lang.
Kung walang quarantine, marami pa sana ito.
Ako lang ang puwedeng lumabas sa aming dalawa ni Sunshine
sa aming subdivision dahil sa akin nakapangalan ang barangay
quarantine pass namin.
Nakakapanibago na kaunti ang mga tao at sasakyan sa labas.
Sa normal na umaga ng Biyernes, matrapik sa amin at siksikan
at agawan ang mga taong nag-aabang ng masasakyan papasok ng
trabaho o eskuwela. Halos walang taong tumatawid sa Floodway
Bridge na kumokonekta sa lugar namin sa sentro ng Rosario.
Dadalawa lang ang nakasalubong ko. Wala akong kasabay.
Feel na feel ko ang malinis na hangin sa may tulay. Kakaunti nga
kasi ang mga dumadaang sasakyan. Ibinalita nga sa radyo na ayon
sa Department of Environment and Natural Resources gumanda at
naging healthy ang kalidad ng hangin sa Metro Manila dahil sa ilang
araw nang lockdown. Inalis ko sandali ang akong surgical mask para
mas matikman ang masarap na hanging Pasig!
38 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Habang pinagmamasdan ko ang mga water lily sa artipisyal na


ilog, naalala ko ang unang pagtawid ko rito pagkatapos ng Ondoy.
Binaha kasi nang bongga ang area namin. Naging evacuation area
itong tulay. Maraming tent at mga gamit sa bahay ng mga nagsilikas
dito noon. Marami ring mga sasakyan at van ng mga estasyon ng
telebisyon at radyo. Parang end of the world scenario.
Pero ngayong may pandemic at naka-quarantine ang lahat,
parang ang linis ng paligid. Sa kabilang dulo ng tulay, namangha
ako sa ganda ng namumulaklak na malaking puno ng akasya.
Nakakahalina ang yumi ng pink na bilog na mga bulaklak nito na
ang talulot ay parang eleganteng brush. Tumigil muna ako sa harap
nito at kinunan ng litrato. Ang sarap sa mata ng luntiang mga dahon
at ng rosas na mga bëkad.
Pagdating ko sa Rosario Arcade, tuwang-tuwa ako kasi walang
tao sa labas ng Mercury doon. Pasado alas-otso pa lang at alam kong
9:00 pa ang bukas nito. Naisip ko, hihintayin ko nang magbukas.
At least ako ang una sa pila. Pero may napansin akong nakapaskil
na bond paper sa pinto. Nilapitan ko. Sarado ang branch na ito sa
panahon ng lockdown. Nagluyloy ang pakë ko. May nakalistang
mga malapit na branch na bukás. May branch sa kabilang kalsada
malapit lang. Alam kong 24 hours na bukas ito. Mas maliit nga lang
ito kayâ ang pinupuntahan ko lagi ay itong nasa Arcade.
Umakyat ako ng footbridge papunta sa kabila. Lumakad konti
at nang marating ko ang Mercury tumambad sa akin ang mala-box
office hit na pila! Wala akong choice kundi ang pumila sabay dasal
na sana kumpleto ang stock nila ng mga gamot na bibilhin ko upang
magiging sulit ang pagpila ko.
Dahil inoobserba naman ng lahat ang physical distancing,
mas naging mahaba ang pila. Apat na kostumer lang din kasi ang
pinapayagang magkasabay sa loob ng botika. Binilang ko ang mga
nauna sa akin sa pila, mga dalawampu lang naman. Gayunpaman,
inabot ng isang oras at kalahati bago ako nakabili ng mga gamot ko.
John Iremil Teodoro 39

Bilib ako sa sarili ko, natiis ko ang pagpila. In fact, parang ini-
enjoy ko pa nga. Hindi ako nagsusuplada. Siguro dahil dalawang
linggo na akong nakakulong sa bahay. Itong pagpunta ko sa Mercury
ang pinakamalayong napuntahan ko since mag-community
quarantine.
Sa bakod na chicken wire ng isang bakanteng lote sa tabi
ng Mercury ay may nagakambëd na alugbating mukhang
nakakalimutang diligan palagi. Kalahating-buháy kasi at kalahating-
lanta. Pero may mga buto ito. Kulay-murado ang hinog na buto
ng alugbati. At sa isang sanga napansin ko ang maliit na rosang
bulaklak. Kay rikit tingnan! Kinunan ko ito ng larawan. Isang
munting kasiyahan ng kaluluwang bagot na sa pagpila.
Medyo mainit na ang sikat ng araw at nangangawit na ang mga
tuhod ko sa pagtayo. Ang aleng kasunod ko, reklamo nang reklamo
na ang bagal naman daw ng galaw ng pila. Pero dedma ako. Di ako
nag-react sa sinabi niya. Tiningnan ko ang relo ko, mahigit isang
oras na akong pumipila.
Salamat sa Diyos at kumpleto ang mga gamot na kailangan ko sa
branch na iyon ng Mercury. Naubusan nga lang sila ng Enervon-C
kayâ ibang brand na lang ng multivitamins ang binili ko. Wala pa rin
silang stock ng face mask at alcohol.
Mainit na ang sikat ng araw nang lisanin ko ang sentro ng
Rosario. Nagpayong na ako. Sarado ang geyt ng Rosario Church.
Sarado rin ang mga bangko. Sa isang bangko medyo mahaba ang
pila sa ATM. Buti na lang di ko kailangan ng cash dahil umuubra
naman ang debit card ko sa Mercury.
Huminto uli ako sa harap ng namumulaklak na akasya. Sabi
ko sa sarili ko, susulat ako ng tula tungkol dito. Ayon kay Yasunari
Kawabata (nakalimutan ko na kung saang akda niya), ang papel ng
manunulat ay ang hanapin ang kagandahan sa mga ordinaryong
bagay at pangyayari at magsulat tungkol dito upang maibahagi ang
magandang karanasan sa mga mambabasa.
40 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Pagbaba ko ng tulay ay dumaan ako sa 7-Eleven. Gusto kong


i-tsek kung may Old Town White Coffee sila, ang paborito kong
3-in-1 na kape na imported from Malaysia. Isa lang ang kostumer nila
pagpasok ko. Tinutukan ako ng thermal scanner ng isang staff nila.
Binili ko lahat ng naka-display nilang Old Town. Mga sandosenang
sachet lang naman. Ang mahal. Tig-PHP 25 ang isa. Mura lang sana
ito kung sa Singapore, Kuala Lumpur, o Siem Reap ko binili.
Pagdaan ko sa Palawan Pawnshop, mala-box office hit na rin
ang pila.
Ewan ko ba pero pagdaan ko sa checkpoint at ipinakita ko ang
aking ID at barangay quarantine pass, pakiramdam ko, naghahanda
na ang Kamaynilaan para sa katapusan ng mundo.
Pagdating ko ng bahay, sinalubong ako ni Sunshine na fake news
daw ang kumakalat na balitang total lockdown. Pero namalengke
pa rin siya. Sa isip ko naman, kahit mag-total lockdown pa ng isang
buwan ay okey lang. Siyempre, sarili ko lang kasi ang iniisip ko.
Uhaw na uhaw ako. Hinubad ko ang sapatos sa may pintuan.
Dumiretso ako sa kusina at naghugas ng kamay. Kumuha ng
malamig na tubig sa ref. Nakadalawang baso ako. Hinubad ko ang
aking T-shirt. Naisip kong maligo agad. Pero pahinga muna konti.
Uminom muna ako ng ginger, turmeric, at lemon tea na hinanda ni
Sunshine.
Gin-check ko sa iPhone ko kung nakailang steps ako: 6002.
Napangiti ako. Hindi na masama.
Ang sarap ng malamig na tubig sa aking katawan. Habang
naliligo, naiisip ko ang mga rosas na bulaklak ng akasya at alugbati.
Sa kabila ng pandemic ng COVID-19, naniniwala akong maganda
pa rin ang daigdig!
John Iremil Teodoro 41

[Abril 9, 2020
Huwebes Santo
8:25 n.u.
Rosario, Pasig]

Matapobreng Social Climber na Writer

Marami ang ganito sa bansa natin. Hindi ko sila sinisisi sa


pagiging social climber nila per se dahil karapatan nilang mangarap
at magsikap. Wala namang masama sa paghangad ng “the good life.”
Sino ba ang may ayaw sa masarap at maalwan na buhay? Basta
hindi lang sana sila matapobre. Basta sana wala silang ibang taong
natatapakan habang nagso-social climbing sila.
Ang mga mainstream writer sa Filipinas, lalo na ang mga
nagsusulat sa Ingles at Filipino na ang karamihan ay nakabase sa
Metro Manila at iba pang malalaking lungsod sa bansa tulad ng
Baguio, Cebu, Davao, at Iloilo, ay kadalasang nasa akademya o
nakapag-aral ng creative writing/malikhaing pagsulat, o di kaya’y
nakapag-creative writing workshop hopping. Mga workshop na
pinatatakbo rin ng akademya.
Mahirap naman kasing mabuhay bilang full-time creative writer
sa bansa. Kayâ ang mga manunulat natin tulad ko ay nagtuturo
upang magkaroon ng siguradong buwanang suweldo.
Maraming manunulat ang lumaking mahirap. Subalit dahil
matalino, talentado, at masipag ay nakakuha ng scholarship o
nakapasa sa entrance exam ng mga state university tulad ng UP
at nakapagtapos ng kolehiyo. Marami pa nga ang nakakakuha
ng scholarship na mag-PhD abroad kayâ bonggang-bongga sila
pagbalik sa Filipinas (pinag-aagawan sila ng mga unibersidad na
adik sa internationalization, at sila ang mga nagiging chair o dean)
dahil nga makakanluranin ang sistema ng ating edukasyon. Naging
literal kasi ang pagkakaintindi natin ng “internationalization,”
42 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

kailangan mong mag-PhD o magbasa ng mga papel abroad, lalo na


sa US o UK para mas bongga. Parang hindi nila naiisip na puwede
namang maging “international” na dito ka lang sa Filipinas. Ang
ganitong pananaw ay isang malakihang pagso-social climbing. Ang
talento o henyo naman kasi ay hindi parang Ms. Universe o Ms.
World na kailangang mong mag-compete gid abroad.
Samakatwid, para sa ating mga manunulat sa bansa na tulad
ko na hindi naman nanggaling sa mayamang angkan, walang
politikong tatay o lolo na nagnakaw nang bongga para marami
akong mamanahin o di kaya’y mga tusong negosyanteng magulang,
edukasyon ang magagamit kong hagdan para makasampa sa
nanlilimahid na sahig ng gitnang uri o peti-burgesya. Kayâ punong-
puno ng pasasalamat ang puso ko sa De La Salle University kung
saan libre akong nakapag-aral ng MFA in Creative Writing at PhD
in Literature. Dito rin ako nagtuturo ngayon na in fairness ay di
hamak na mas malaki ang suweldo kumpara sa maraming kolehiyo
o unibersidad.
Posible naman talagang makapag-aral kahit na mahirap kayo
sa mga pangunahing unibersidad ng bansa tulad ng La Salle, UP,
Ateneo, at UST. May mga scholarship naman. Pero siyempre
kailangan pa rin nating gumastos (pagkain, pampa-xerox, pang-
internet, pang-project, at boarding house o pamasahe sa araw-
araw) kung mag-aaral tayo. Kailangan rin natin ng malusog na
katawan para tuloy-tuloy ang pag-aaral. Kailangan ding suwerte
tayo (’yung di tayo mamalasin) na sana walang magkasakit sa ating
pamilya para di maistorbo ang pag-aaral natin. Kahit kasi matalino
tayo, hindi pa rin tayo makapag-isip nang mabuti kung gutom tayo,
o problemado.
Kayâ hindi makatarungan na sisihin natin ang mga mahirap
nating kababayan na hindi sila nagsipag sa pag-aaral kung kayâ wala
silang maayos na trabaho at di nakakabayad ng buwis tulad natin.
John Iremil Teodoro 43

Pribilehiyo pa rin kasi at hindi karapatan ang edukasyon sa ating


bansa. Masakit mang aminin, negosyo o makanegosyo pa rin talaga
ang pagpapatakbo ng ating mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad.
Hindi mo naman masisisi ang mga administrador natin dahil kung
hindi sila negosyante mag-isip, hindi naman makaka-survive ang
unibersidad sa isang neoliberal na sistema.
Ang edukasyong nakukuha ng mga mahirap at feeling middle
class na Filipino ay parehong bendisyon at lason.
Bendisyon ito dahil kapag nagka-diploma tayo at masuwerteng
(marami din kasi ang minamalas) makahanap ng stable job, hindi
na tayo maghihirap kahit paano. Kayang-kaya na nating magrenta
ng bahay, o bumili nang hulugan ng low cost housing o maliit na
condominium unit. Makakapag-order na rin tayo online ng mga
kung ano-anong luho sa Lazada, makakapamili sa mga weekend
market ng mga totoong sosyal, at makakapag-travel na rin tayo
abroad dahil marami namang sale ang mga airline at makakahanap
ng murang tirahan sa Airbnb.
Lason din ito kasi minsan nakakalimutan natin na mahirap pa
rin tayo kayâ nag-aasta tayong mayaman at nagpi-feeling maganda at
akala natin mas angat tayo sa iba pang mga dukha nating kababayan.
Mga kaibigan, kung bumibili tayo ng hulugan na condo unit, hindi
tayo mayaman. Alipin lang tayo ng kapitalistang sistema. Magdasal
tayo na hindi tayo madisgrasya o magkasakit dahil mareremate
’yang hinuhulugan natin. Ang totoong mayaman kasi, pinaghirapan
man nila o ninakaw ang yaman nila, kahit mabúlag o magkasakit
sila, may pera sila. Kahit di sila magtrabaho, may pera sila. Kung
matatamaan tayo ng COVID-19 at maospital (huwag naman sana)
kukulangin ang health card natin at magkakautang-utang tayo.
Hindi lang tayo makapagtrabaho dahil na-paralyze tayo, balik tayo
sa pagiging dukha. Kayâ huwag magmataas. ’Ika nga nila, huwag
masyadong mataas ang lipad dahil mas malakas ang paglagapak!
44 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Gustong-gusto ko ang tawag dito ni Rolando Tolentino na


“gitnang uring fantasya.” Para sa mga tulad kong manunulat na
nakapag-aral at nagtatrabaho sa isang bonggang unibersidad,
hanggang gitnang uring fantasya lang ang kaya ko. Halimbawa,
aware ako na kapag nagbi-breakfast ako sa Café Ilang-Ilang ng
Manila Hotel ay gitnang uring fantasya lang iyon. Hindi iyon ang
new normal ko. Nakikitikim lang ako sa tinatamasa ng mga tunay
na mayaman ng bansa. Paminsan-minsan bumibili ako ng polo
shirt sa Marks & Spencer at hindi ko iniisip na mas maganda na
ako sa ibang mahihirap. Alam ko pa ring pinagbibigyan ko lang ang
gitnang uring fantasya ko dahil sakaling mawalan ako ng trabaho,
balik-ukay-ukay ako. Kapag magta-travel ako abroad, kailangan
kong magtipid kasi alam kong limitado lamang ang laman ng aking
bulsa at bank account.
Nakakatawa na nakakairita ang mga kapuwa manunulat na
matapobre pero hindi naman mayaman. Masama naman talaga
maging matapobre kahit na totoong mayaman ka, pero mas
nakakatawa at nakakairita ito kapag mahirap ka naman talaga at
nakasampa lang sa nanlilimahid na sahig ng gitnang uri. Sabi nga ng
isang kaibigan ko sa FB, kung naiinggit ka sa lima hanggang walong
libong amelioration fund para sa mga mas naghihikahos nating
kababayan dahil sa ECQ ngayong may pandemic, hindi ka talaga
mayaman kayâ huwag kang matapobre. Ang totoong mayaman ay
dedma sa PHP 8,000.
Huwag isipin na tayong mga nagkakayod-kalabaw sa akademya
lamang ang nagbabayad ng buwis. Lahat naman nagbabayad ng
buwis—mayaman o mahirap—dahil lahat ay bumibili ng kung ano-
ano. Bibili lang tayo ng kendi o yosi, nagbabayad na tayo ng tax.
Huwag masyadong literal na income tax = tax therefore kapag wala
kang income, di ka nagbabayad ng tax. Bása-bása naman tayo kapag
may time. Halatang kulang na kulang pa ang pinag-aralan natin. O
mali ang napag-aralan natin. O talagang bobo lang tayo. Sabi nga
John Iremil Teodoro 45

ng guro kong si Leoncio P. Deriada, magkaiba ang “schooled” sa


“educated.” Maaaring nakapag-aral tayo, may diploma, pero hindi
pa rin tayo edukado.
Dahil gáling din naman tayo sa uring mahirap, dapat alam
natin na may dignidad at may hiya ang mahihirap. In fact, ’yung
mga mayaman, gahaman na negosyante, at mga kurap na politiko
ang mga tunay na walang dignidad at walang-hiya. Kayâ careful din
tayo sa pag-idolize sa mga katulad ni Marcos (’yung diktador at ang
bitter na ambisyosong anak) at ni Duterte, at maging ni PNoy. Kasi
baka tinatraydor na rin natin ang ating uri at ang ating sarili.
Halimbawa ng isang mahirap na may dignidad ay ang labandera
naming si Melba.
Mahirap sila. Nakatira sila sa isang maliit na unit sa isang
tenement dito sa laylayan ng Lungsod Pasig. Kayod nang kayod
silang mag-anak. Naglalaba o namamalantsa si Melba araw-araw.
Kayâ hindi naman sila nagugutom. Nakapag-aral pa nga ang isa
sa kanila at guro na ngayon sa DepEd. Nang magka-ECQ, ang
pagkaintindi namin ni Sunshine ay hindi na siya makakapaglaba
muna. Isa pa, nabalitaan namin na may nag-positive sa COVID-19
sa tenement nina Melba. Si Sunshine na ang nag-volunteer na siya
muna ang maglalaba. Babayaran pa rin namin ng PHP 350 si Melba
kada Linggo kahit di siya maglaba.
Sa unang Linggo ng ECQ, nandiyan na si Melba sa gate.
Sumisigaw na buksan na namin ang kandado. Kapag si Melba ang
magsalita, naririnig ito ng buong Cluster 10! Sinabihan namin siya
ni Sunshine na huwag na munang maglaba dahil may ECQ. “Sir,
wala akong sakit! ’Yung nag-positive sa amin, kinuha na sila ng
ambulansiya. Buong pamilya. Tini-tsek kung may lagnat kami. Wala
akong lagnat,” sabi niyang nakahawak sa grills ng gate.
“Ate, may ECQ nga. Ang kulit mo. Heto ang bayad mo today.
Babayaran ka pa rin namin kahit na di ka maglaba. Magpahinga ka
46 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

muna. Mag-relax,” sabi ni Sunshine sabay abot sa kaniya ng pera.


Tinanggap naman ni Melba ito.
“Bakit hindi ninyo ako palalabahin? Wala naman akong sakit!
Hindi naman kayo mahahawa,” protesta pa rin ni Melba. Sa lakas ng
boses niya, baka akalain ng mga nakikinig na sinisisante na namin
siya at pinapalayas for good.
“Ate, ang kulit mo! Paano kung kami ni Kuya ang may sakit? E di
ikaw ang mahahawa. Umuwi ka na!” sabi ni Sunshine.
Walang nagawa si Melba at umuwi na. Naglaba naman si
Sunshine. Sa sumunod pang dalawang Linggo, hindi pa rin namin
siya pinapapasok. Kada Sabado, pinapadala namin sa anak niyang
nagtatrabaho sa konstruksiyon sa tabi ng bahay namin ang kaniyang
suweldo. Noong nakaraang Sabado, nakatanggap si Sunshine ng
PM mula sa anak na guro ni Melba. Ipinasasabi ni Melba na huwag
na namin siyang padalhan ng suweldo dahil nahihiya siya. Hindi
naman daw siya nakakapaglaba. Touched kami ni Sunshine. Sabi
ko kay Sunshine, pakisabi na okey lang sa akin na magbigay ng
suweldo niya kada Linggo dahil buo naman ang suweldo ko ngayon
sa La Salle. Afford ko naman. Saka naisip ko rin, e di ito na ang
paraan na makapag-share kami ni Sunshine kahit papaano ng
aming blessings. Mapalad pa rin kami ni Sunshine na hindi namin
problema ang pera ngayon kahit na marami siyang shooting na na-
cancel. No work no pay rin siya.
Si Melba ang isa sa mga patunay na hindi tamad, palaasa, at
walang-hiya ang mga mahirap nating kababayan kagaya ng gustong
palabasin ng isang matapobreng social climber na writer. Malaking
tulong sa amin si Melba. Siya ang tipo ng labanderang mapag-
iiwanan mo ng susi ng bahay at hindi ka mananakawan. Kapag may
shooting si Sunshine nang ilang araw, kay Melba rin iniiwan ang aso
niyang si Biscuit.
John Iremil Teodoro 47

Gusto kong magtapos sa quote na ito mula sa introduksiyon


ng librong Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the
Philippines na inedit nina Bienvenido Lumbera, Ramon Guillermo,
at Arnold Alamon (IBON Center, 2007). Narito ang mas klarong
pagpapaliwanag kung ano ang neoliberal na edukasyon:

Ang kasayayan ng edukasyon sa bansa ay kasaysayan ng


pamamayagpag ng elitistang interes na pangunahin nitong
pinaglilingkuran. Kakatwa ang epektong dulot ng edukasyon:
ang nakararaming naghihirap at nakukumbinsing magkaroon
ng identifikasyon hindi sa kanilang uri, kundi sa tila, abot-
tanaw, abot-kamay na gitnang uri. May pagtatwa sa politisasyon
ng uring pinanggalingan para paboran ang gitnang uring
pinagpapantasyahan. Naluklok ang edukasyon bilang
alternatibong kalakaran ng panlipunang mobilidad. Hindi na
lamang istorikal na pag-aari ng lupa at kapital ang nagbibibgay ng
oportunidad para umangat sa uring kinalalagyan, kundi ang papel
na diploma ay tila bertud na pinaniniwalaang makakapagpabuti
hindi lamang sa lagay ng indibidwal kundi maging ng kanyang
pamilya at mahal sa buhay. (xiv)

Sa mga katulad kong social climber na manunulat, huwag tayong


mahiyang tanggapin at aminin na hanggang gitnang uring fantasya
lamang tayo. Hindi naman kasi masama ang mangarap at tumikim
ng masarap na buhay. Basta huwag lang tayong maging matapobre
dahil hindi bagay sa atin. Huwag tayong pretensiyosa. Muli uulitin
ko, huwag din tayong mantapak ng iba para lang makaakyat tayo sa
hagdanan ng ating mga ilusyon dahil hinding-hindi tayo gaganda sa
ganitong paraan.
Ayuda
Paul Rico C. de Lara

PANDEMIC

Nahantad ang daigdig sa indak ng pangamba.

May dalit sa hangin na haplit ng kasakitan.

Takip ang ilong at bibig hinahanap

Lunas sa walang kalunasan.

At bigla’y nanigas ang daigdig

Sa saglit ng walang galaw-galaw.

Nasa bangin ng hingal at hingalo ang sangkatauhan.

May gunaw sa tarangkahang nagbubukas

Na gumagayak sa isang bihis-paglaho.

48
Paul Rico C. de Lara 49

PANAHON NG QUARANTINE

Naghihilik ang munisipyo.


Tulog-mantika sa kanilang mga silid.
Bingi sa kalam ng sikmura o
Kalampag ng taumbayan.

Bali-balita, may pinipili sa pamamahagi.


Si Mayor, kapag hindi kapartido o kaalyado:
Bahala kayo sa buhay n’yo!

Pati kanyang mga galamay


May diskarteng makasarili,
Kanya-kanyang suksok sa bulsa,
Mula kapitan hanggang barangay-tanod
Namumuyayi sa kanilang kaparaanan.

Huwag sana silang magpalit-anyo


Kung masinagan ng bulawan na buwan
At baka malimot na sila’y minsang tao
Na may kaluluwa at puso
At kami’y aswangin na maliliit
At iligaw sa dawag ng kagubatan
At hindi na muli pang matagpuan.
50 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

AYUDA

Sabi ng DOLE, may tulong pinansiyal,


Lumipas na ang buwan, basag na ang alkansiya,
Wala nang masaing, wala nang mapitas
Sa bakod-bakuran kahit kamoteng-talbos
O kangkong na nilumot.

Sabi sa balita, pipiliin ng ahensiya


Ang dudulutan ng asiste nitong DSWD
Yaong mahirap sa dilang mahirap,
Hindi kasali silang may garahe at flat TV.

Sa barangay hall, isang pila na may agwat


Sa bawat isa ang hinandugan ng isang supot
Na bigas at dalawang sardinas.
Babala ni Kapitan, walang relief
Ang walang hawak na ticket.

Marupok na ang buto sa kaltas ng buwis


Kaming nagpawis na kayod-kalabaw,
Ginatasan ng buwayang burgis,
Balat-buto sa panahon ng krisis!
Pasada
Jesame Dilag-Domingo

KURBA O TUWID

Agosto 11, 2020

Pikit-matang itinangi ko ang pawis bilang kapatid ng ulan


Rimarim habang suot-suot kapoteng kasuotan
Ewan lang kung sasapat maskarang pangubli sa ilong, bibig, tenga’t mata
Saka ibinalot pa ng guwantes mga kamay kong abala

Dinama ko ang init na umaagos mula ulo hanggang paa


Umaaray man sa kasuotan, PPE ang tawag ng iba
Tangan-tangang inaalalayan may sintomas man o wala
Eksenang kahabag-habag nang nakapanlulumong nakontamina

Rimarim noong Marso 2020 itinala sa Pilipinas bilang salot


Takot sa pandemya, sanlibutan binalot nang takot
Ehemplo ito ng armageddon ilang buwan na ang inabot
Teka, bakit kurbang papatagin daw hanggang ngayo’y di maabot

Ang ilang oras na pagparo’t pagparito, paghangos ko’y maririnig mo


Magkagano’y magpapatuloy pa rin ako, ibuwis man maging ang buhay ko
Ang sinumpaang tungkulin ng mga tulad ko’y malirip na wagas at totoo
Na ang pagtulong sa kapwa’y layuning tutuparin ko

Patuloy na haharapin hamon sa landasing walang tiyak na umaga


Hihintayin matapos, di magagapos puso’t isipan may gamúmo mang pag-asa
Rason sa pag-usal ng dasal di pagsasawaang ialay sa aking bayan
Para sa lahat ng mga lumuluhang wala nang tinig na kababayan

51
52 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

DASAL

May sinasambit na himno sa simbahan


Inaanyayahang maglumuhod hila ang tuhod at talampakan

Nanambitang usal sa harap ng krus


Habang binibigkas mga hiling sa kandilang nauupos

Ano’t hindi gaya ng nakasabit na iskapularyo sa batok


Habang inuupod ang rosaryo ng mga daliri sa kakukurot

Kawangis ito ng pananambitan


Ng mga nahihirating buhay sa putikan at lansangan

Isang paninikluhod ng kaisipan


Binubulong nang taimtim sa katahimikan

Walang agam-agam tumitingala sa kataas-taasan


Upang sakit na COVID-19 tuluyang malunasan
Jesame Dilag-Domingo 53

PASADA

Nakikita mo sila
Panlilimos ang kinikita
Dati rati sa manibela
Nakasandig dangal nila

Aanhin ba ang ayuda


Pangako’y puro paasa
Kumakalam na ang sikmura
Tubig almusal at hapunan nila

Kulambo nila’y hamog


Habang naghahanap ng mugmog
Naninikluhod na pamahalaan
Makabiyahe man lang ang iilan

Tumataas na bilang ng mga sasakyan


Hindi sa kalsadahan kundi sa tambakan
Animo’y basahan at laruan
Matapos pakinabangan, busabos ang kinalabasan

Makikita mga kinuba ng burukrasya


Nakagigimbal at nauwi sa disgrasya
Pananambitan nila’y hustisya
Hanggang ngayon nganga pa rin sila
54 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

PIL’AS BANGIN
(Sa Ilongo)

Indi ka magpinalagpat Huwag kang kunwa-kunwarian


Bakunawa nga nagkawat Bakunawang kawatan
Nga’a ginkawat ang kwarta Bakit ninakaw ang pera
Sining kalulu’oy nga banwa Nitong kaaba-abang bayan
Pag-agwanta sang tawo Pagtitiis ng tao
Pangabudlay sa trabaho Pagpapakahirap sa trabaho
Bilyones nga bwis ginhatag Bilyon-bilyong buwis ibinigay
Sa kamot ng yawa nadagdag Sa kamay ng peste nailagay
Ang mga Pinabayaan
Mark Anthony S. Salvador

SAPAGKAT INIIPIT PARA HINDI MAKAPAMASADA

i.

Usok ma’y anong itim,


malinaw pa rin sa ’min.
Ginagamit ang COVID
para i-phaseout ang dyip.

ii.

Ang budhi’y kulay-langis.


Gustong i-phase-out ang dyip.
Sa “modernong” kapalit,
tatabo’ng mga ganid.

iii.

Di na ugong-makina,
naririnig n’ya t’wina.
Atungal ng bituka
at hikbi ng asawa.

55
56 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

iv.

Walang pangkai’t b’yahe.


Parang dyip sa garahe.
’Tong bawat araw nila,
hindi makaabante.

v.

Dati’y kalyo sa palad


sa laging pagpasada.
Ngayo’y bubog sa mata,
sa kawalang-pag-asa.

vi.

Wala nang maihain.


Muling mamamalimos.
Itong gobyernong ganid,
ginawa kang busabos.

vii.

Kung kayang magsalita


ng mga pamasada,
ang sigaw ng busina:
“Duterte, anti-masa!”

viii.

Pag nabutas ang gulong,


wala nang b’yahe’t kita.
Ngayo’y butas bituka,
kelangang makibaka.
Mark Anthony S. Salvador 57

PINABAYAAN

Estranghero sa akin

ang gayak ng kalsada.

Walang nagmamadaling mga paa,

mangilan-ngilan lang ang pares

ng mapanglaw na mata,

at halos lahat ay may suot na

puti at munting maskara.

Sa tabi ng esterong hinihigan,

napagtagni-tagni ko ang salaysay

mula sa takot na nabibitiwan

mula sa himutok na nailalaglag

ng mga dumaraang bagsak ang balikat,

parang mga barya, isa-isa kong

ihinulog sa nakangangang lata.

Saklot daw ng epidemya ang siyudad,

at nasa pangil ng takot ang lahat:

ang magulang ng mga mag-aaral,

ang ina ng mga paslit,

ang anak ng mahihina nang matanda,

ang ginang ng manggagawa,


58 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

ang ama ng empleyado ng pagamutan,

ang masang kailanman

hindi lang sariling kaligtasan

ang ikinabagabag.

Ikinukulong ang mga bata sa tahanan,

dinurumog ng mga matanda ang tindahan.

Saklot ng takot ang lungsod.

At heto akong araw-araw na nag-aapuhap

ng kaligtasan,

akong estranghero sa kalinisan,

akong hindi nakakikilala

sa lusog ng katawan,

ang pinamanhid ng kada araw na laban

at muling iniwan.
Mark Anthony S. Salvador 59

AYUDA

Hindi namin hangad

sumuway sa atas

ng pabaya’t inutil sa itaas.

Ngunit mayroon ding atas

ang labaha sa bituka,

nagbabantang patirin aming hininga.

Sino kaming pinabayaan

para sumuway?

Sino kaming walang panlaban

para magkulong sa bahay

at maghintay sa kawalang-katiyakan?

Nakakatakot ang kuko ng pandemya

at batuta at gatilyo ng pasista.

Ngunit hindi marunong maghintay

ang labaha sa bituka.

Sa bawat araw na lumilipas,

itong katinuan

ang dahan-dahan

niyang sinusugatan.
Sandaan at Isang Gabi’t Araw
Paul Alcoseba Castillo

DOBLE KARA

Nahihirapan akong humagap ng susunod


na hininga pero muling babatakin

ang pasensiyang karugtong ng huling pananggalang


na isusuot sa mukha bago lumusong

muli sa labas. Bawat masasalubong ay aakalaing


kakilala kahit mga mata ang tanging

namamata. Paano nahuhubad ang kaakuhan


habang nagdaragdag ng ipinantatakip sa mukha?

Kanina, napanood ko ang mga nakunan:


kung bakit sinunggaban ang nasa tapat lang

ng sariling bahay, ilan ang pumalo sa nagbebenta ng isda


sa bangketa, at paanong nabunutan ng tinik

ang nambaril sa bumubunot lang ng kaakuhan.


Pero ang tanging naitala’y telang nakatakip

sa mukha ng dahas sa sandaling pumikit ang mata


ng kamera. Natitikom ang pag-aalsa

60
Paul Alcoseba Castillo 61

dahil sa kalabang nakakalat sa kalsada. Kamay


na pumipigil sa katotohanang tumitilamsik

mula sa bibig ang suot na maskara. Nahihirapan na


akong humagap ng susunod na hininga

kahit walang nakadagan sa leeg at tatangkaing


tanggalin ang huling pananggalang

sa tinig na dapat nang madinig.


62 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

MAÑANITA

Laging nasa

huli ang sorpresa

sa pagdiriwang

dahil mabibigo

na mabilang

ang mga bisitang

nag-abot ng pagbati

at pumpon ng rosas

at oras para mairaos

ang cake at kandilang

magkakalat sa akalang

matutupad ang hiling

na hindi mahuhuli

nang pangwakas na

hinipan ang sindi


Paul Alcoseba Castillo 63

ANIBERSARYO

Napipinto na ang pagbubukas ng mga hanggahan ng lungsod gayong higit


na humigpit ang pagkakakilala sa landas ng iyong balat na lagi’t laging
binabagtas ngayong ipinatutupad ang batas laban sa paglabas. Sa silid na
ito, mabubuhay tayong dalawa sa isa’t isa, samantalang sa labas, naantala
ang gutóm ng pananamantala sa lata at bigas na ikinakaltas sa bawat
supot, ang laman na pasalubong ko sa iyo.

Sa isang upuan, nauubos natin ang mga kuwento ng hindi matubos-tubos


nang lumabas at lumampas sa agwat na itinakda o ang nagtangkang
magpakita ng mukha. Para sa hapunan, ihahain natin ang mga sarili sa
hapag na mahahantong sa higaan. Dito, pagsasaluhan natin ang natitira
sa ating mga bahagi. Binabati ako ng mga binti mong humihila sa akin
patungo sa mga hitang humahati sa aking pansin. Ramdam mo ang
pulsong pumipintig sa bawat halik sa aking leeg. Ilalapat sa palad mong
nalahad ang dahilan na iniibig hindi dahil naliligalig kundi dahil sa ligaya,
at lalong hindi dahil tayo lang ang maaaring magkahawak.

Kung kasalanan ang kaselanan, maaabot tayo ng lunas bukod sa lunggati


sa loob ng silid na ito na lubos na magpapalabas sa atin pagkatapos ng
higit sa isangdaan at isang gabi’t araw na dadalawa lang tayo. Sasapit ang
unang rebolusyon ng daigdig sa ating pag-iisang dibdib na magkarugtong
na ang ating mga hininga.
Geometry
Rodrigo dela Peña Jr.

Axiom: we are points


scattered along the same

quadrant. The curve


of the graph is steep,

rising in jags
and spikes. We disperse.

We obey the lines


and arrows on the floor.

The length of a room


is the circumference

of the world. We falter


by degrees, minute

by infectious
minute. The air skims

on tangent against
our skin. Refusing

stasis, the human


body is a vector.

Theorem: there will always


be distance between us.

64
Rodrigo dela Peña Jr. 65

Multiple Choice

The citizens were ordered to stay at home

a. to flatten the curve, which kept rising and rising.


b. as intervention to the addictive loop of routine.
c. and dwell on the minutiae of their lives via social media.
d. for an indefinite period, not unlike an open-ended prison
sentence.

A checkpoint is a node

a. between two places during a lockdown.


b. of demarcation that divides class lines.
c. that often creates bottleneck traffic.
d. and a roadblock and the spikes of a rampart.

The homeless

a. had no choice but to remain at the threshold of shelters.


b. faced fines or were arrested for failing to comply with rules.
c. laid bare on the streets, the poor sardine-packed in the
slums.
d. are all of the above and none of the above.

Anyone could become a killer

a. especially the police.


b. just by coughing in a crowded train.
c. given a blade, rope, or bullet.
d. in the unmasked face of survival.
66 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

It was a different world

a. which has closed in on itself.


b. but also somehow the same, seen behind a pane of glass.
c. emptied of its possible futures.
d. that emerged from the wreckage.
Rodrigo dela Peña Jr. 67

Swab Test

“These days I sometimes catch myself wishing to get the virus—in this way,
at least the debilitating uncertainty would be over.” —Slavoj Žižek

We look at the world through a window, Žižek,


and witness how it has turned into a desert
of the real. I have never seen the streets
so barren, a wasteland haunted by the doppler
siren of an ambulance. We are troubled
and seduced by this song. We breathe the vital,
perhaps contaminated air, through a mask.
Yesterday, a nurse in a hazmat suit
inserted a swab deep into my nostril.
It felt like she was straining to reach my brain,
scrape the gray matter’s convoluted surface.
Still we wonder if anyone has access
to what we think. I listen to the neighbor’s
footsteps and wait for the call, handed out
as judgment. Left alone, the mind conjures
all possible pasts and futures. We return again
and again to the terror of the present.
It is a room, Žižek, where your voice loops
and echoes. It stuns the body into inertia.
The screw tightens; the blade glints with each
irrevocable hour. Once, I could not face this sharp,
simple fact. Today, I no longer wish
to be spared. We are most afraid of silence.
We ache to hear the breaking of glass.
Hinagpis ng Hinlalato at Iba Pang mga Tula
Genevieve Soriano Aguinaldo

HINAGPIS NG HINLALATO

Hiwa-hiwalay na hilakbot
hingal na himno
ng himpak na hiyaw

hibik na hilahid
sa higanteng hilhil

hilabong hilahil
hibong humihimas
sa himalang hilagpos

hibang na hinhin
hinaharang sa hinala
hinihimok na ihimlay ang hiyaw

himayin ang himbing

hinawan ng himatong
ang nangagsi-hinamad

nang huminto ang hinay


at hirangin ang hingasing

hindi pa naghihimulmol
ang himala

68
Genevieve Soriano Aguinaldo 69

ULTIMO ULAM

Umaalingasaw ang utang


ng urong-sulong na ulupong
uma-umagang umiigib
ng umpok ng mga umid
ulol sa ulok ng umit
utal sa ukilkil ng mga ulat
uyam sa umpis na mga uugod-ugod
paulit-ulit na pag-ulos
sa utod na pang-unawa ng mga ungas
umiilag sa untog ng ulirat
ulianin sa umog ng unos
usóg na naka-umang sa uuto-uto
70 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

YEMA SA YUNGIB

Yinakag ng yabag ng yugto


ang yupi-yuping yumi

yupapa at yayat
sa yukoleleng yakyak

yukayok sa yugyog ng yumari


yumao sa yanig

ng yakal na yurak
yapak ng yamuan

yutyot na yumakap
sa yamot na yutà

yamutmot na yaman
yupyupang yumabong

sa yapos ng yinurakang yagit


Oyayi man ang hilik
Dennis Andrew S. Aguinaldo

Organic ang klinika

Bakit kung kailan ka pa nagmumog,


Saka mo mararamdamang tila malalaglag
’Yung isang ipin sa bandang dulo?

(Salamat kung hindi mo pa ito nararamdaman


Pero narito ka pa rin, patuloy na nakikinig.
Salamat lalo kung hindi naniniwala

At pinagbibigyan mo kami ng aking bagang.)


Kung kailan nagmumog ng kemikal, saka lang maiisip
Na kapos na kapos sa tagubilin—

Kailangang mag-defrost,
Lubayan ang mantika,
Doblehin ang banlaw sa buhok,
At hinay-hinay. Muli:
Hinay-
Hinay.
Ika’y kaiga-igaya
Ngunit ugaliing magsepilyo—Ano ba!

Dumako na naman tayo sa bango


Ng hiningang nagpapaalam.

71
72 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Lagpas sa best before

Buti maayos kayo riyan


At may sistema ho.
Hindi lang ninyo matatanggal sa akin
Ang mainggit kay manong traysikel
Na aabutan lang ng trenta’y
Ipapamalengke kayo ng sisigangin.

Pasosobrahan pa ng kalahating labanos


Dahil kulang ang ulam kapag walang bilog.
Nay, kabaligtaran ng bagong taon itong lagay natin.

Pati ang mga batang natatawag ninyo


Para pagalitan at walang face mask
At magsiuwi kayo mga utoy,
Pero pakidutdot muna ang kanal at mukhang barado.
At ikaw, iho, akyatin man din itong bayabas.
Bawal sa akin ’yan, iuwi ninyo sa mga nanay ninyo.
Pati ireng malunggay.
Ito ang inyo, itong lollipops,
At ayaw ng anak ko niyan para sa mga apo ko.

Nay, dating-dati pa ’yun, wala pang Pasko,


Buhay pa si Auntie,
At hindi ’yan ang sinabi ko.
Kung hindi kabaligtara’y naki ito ang pinakabagong taon
Sa abot ng ating makakaya.
Dennis Andrew S. Aguinaldo 73

Oyayi man ang hilik

Patapos na ang araw mo, anak.


Na ibig sabihi’y kaarawan
At kawalan ko ng ingat sa salita

Sa panahon ng ibayong pag-iingat.


Bawasan natin ang matatamis
Bukas. Gusto ka naming ngumiti

Nang ngumiti, at siya, tumawa.


Magsepilyo, magmumog, mag-lotion
At nakapasok ang lamok

Ngayong kinakapos sa liksi


Itong ating mga butiki.
Hindi nega at mas maiging managinip

Ang iyong nanay. Doon ka kaya humilig—


Katamtaman ang lamig
At eksakto ang dilim.
Silang mga Bisitang Di Mo Dapat Patuluyin
(Sa alaala nina Ka Randy Echanis, Zara Alvarez,
at sa lahat ng biktima ng political killings)

Isay Embérga Sinfuego

Traydor ang mga aninong tila


sumasayaw sa walang tunog na yabag.
Titigil sa tapat ng pintuan,
o makakasalubong sa daan
(walang nakaaalam kung sino).
Walang katok na magaganap
at ngiting matatanggap.
Hindi ito bisitang inaasahan,
na patutuluyin, pakakapehin.
Makikipagkamustahan
na parang matagal kang kilala
(o matagal ka na ngang kilala).
Kalaliman ng gabi sila darating,
Walang pasabi
O makapagsasabi,
sa’yo tungkol sa

Amoy pulbura.
Na aalingasaw mula sa kung saan.
Dadami ang ingay ng mabibigat na paa.
Mapapabalikwas ang isa, dalawa, tatlo,
hanggang sa hindi mabilang na mga

74
Isay Embérga Sinfuego 75

nasa listahan ang pangalan.


Ng mga di kilala
At mga kakilala.
Gagapang pailalim
ang kilabot at pangamba
tuwing may maririnig na bala
at ikaw na

Makaririnig ng putok,
sigaw, sunod-sunod na sigaw
hanggang sa marindi ang tainga
na parang papalit-palit na sirang plaka,
ay hindi matatahimik, makatutulog,
makahihinga sa hagulgol ng inhustisya.
Darating ang panahon,
babaon—ang bawat daliri at kukong
sinisiksikan ng dumi at dugo, sa lalamunan ng mga
mapagpanggap na huwad.
Darating ang panahon ng paglimot sa iyo,
ng mga bisitang palihim kang dinalaw,
ngunit hindi ang mga alaala ng iyong pagkawala.

Duwag!
Duwag ang alingawngaw ng mga putok
na kakatok sa hatinggabi.
Gigisingin ang pinakamapayapa mong pagtulog,
ang sansaglit mong pagpikit.
Kasabay ng sunod-sunod na bala at basyo,
ng mga armado na di kilala.
Di matatapos ang gabi,
na maghihirap ang paghinga.
Dahil alam ng lahat na
76 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Gamit ang kaliwa’t kanang


Pagbabanta at pananakot,
mula ngayon, hanggang bukas makalawa
Susunod sila.
Isusunod ka nila.
At iba pang nasa listahan
At gigising ang lahat na
hindi ka na maabutan na humihinga.
Mula sa apatnapung saksak sa katawan,
mga pasa at galos sa mukha.
tama ng baril sa tagiliran, puso, ulo,
braso, at hita.
Naiwang nakatiwangwang ang bangkay mo
sa sala, sa eskinita, sa kalsada.
Ganito ka nila iiwan.
Walang ititira sa iyo
kundi lasog-lasog na katawan.

Dahil sila,
ang mga bisitang
hindi mo dapat patuluyin.
Silang nagsisayaw sa saliw ng banal
na kamatayan ay unti-unting
hahabulin ng mga aninong
walang mukha; walang mata;
ni boses, hininga, at kaluluwa.

Bala sa bala.
Talim sa talim.
Hukay sa kabilang buhay.
Isay Embérga Sinfuego 77

Gustuhin man nilang tumakbo


nang tumakbo
Ay hindi magagawa.
Papanaw sila ngayong hindi natitiyak kung
bakit sila kikitilan ng buhay,
sa paulit-ulit nga bang

pagtarak ng punyal?
pagbaril sa sintido?
pagdukot sa mata?
pagpigil ng hininga?
pagbaon nang buhay—

sa kanilang katawan,
hanggang sa magsawa,
ang pobreng wala nang awa.
bag raid series1
Cris R. Lanzaderas

1.

bag raid kay Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, head ng Joint Task Force Corona
Virus Shield a

self-defense.
kung titingnan natin ito
kung hinayaang makabunot
ito, kung naputukan
madidisgrasya itong ating pulis.
we all can say, this is—

my personal opinion.
di natin pinangungunahan
ang imbestigasyon
given the circumstances. I would have
done the same
during the same situation,

1. Serye ng mga tulang hinango sa pahayag ng mga susing taong may kaugnayan sa
pagkamatay ni Winston Ragos, isang dating sundalong pinatay dahil sa paglabag sa
quarantine protocols. Pinaghinalaang may dalang armas sa kanyang sling bag subalit
sa pagsisiyasat ay mga ID, larawan, at papel na may mga numero lamang ang laman
nito.
a. Ang buong pahayag ni Eleazar ay mababasa sa https://news.abs-cbn.com/
news/04/23/20/cop-killing-ex-soldier-qc-self-defense-coronavirus-checkpoint.

78
Cris R. Lanzaderas 79

baril.
parang sine.
iilag-ilag ka,
tatumbling-tumbling.
ayaw mag-react, sumunod.
anong gagawin mo?
approach,

challenge.
It’s very easy to criticize the police,
pero kayo ang lumagay sa position namin.
It was a judgment call,
do you think you have to check first?
We know our—

responsibility, accountability.
We have to implement

this.
80 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

2.

bag raid kay PB Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National


Police b

A full-dress investigation is underway to determine the circumstances


surrounding a shooting incident in Quezon City yesterday that resulted
to the death of an armed suspect.

PNP Chief, Police General Archie Francisco F Gamboa is leaving it up


to the Quezon City Police District to conduct a thorough investigation
into an otherwise routine guncheck operation that turned awry when
suspect Winston Aquino Ragos, 34, tried to draw a gun on Police Master
Sergeant Daniel Florendo who was duty supervisor of four Police
Trainees undergoing Field Training Program or On-the-Job-Training
at a Quarantine Control Point in Barangay Pasong Putik on Tuesday
afternoon.

The Criminal Investigation and Detection Unit of QCPD has taken over
the investigation of the case.

Much as we do not want to hastily pass judgment and allow investigators


the freehand to look into all angles of this case, we can only presume
regularity in the actions of the PNP personnel involved while performing
their duty on that fateful day.

P/MSgt Florendo was the only person in the best position to make that
judgment call, better than any observer, viewer and opinionated analyst
with 20/20 hindsight. Had he erred in his judgement, he could possibly
be the cadaver in the body bag instead. If that happened then he would
have failed in performing his duty to enforce the law

b. Ang buong pahayag ni Banac ay mababasa sa https://pia.gov.ph/news/


articles/1039802.amp.
Cris R. Lanzaderas 81

If the video clips where to be the sole basis of investigation it is


apparent that the rules of engagement prescribed in the Revised Police
Operational Procedures were observed during the confrontation,
more importantly when the gunman repeatedly defied the verbal
command given by the police to yield and cease making provocative
and threatening moves, as well as the use of firearms and application
of deadly force. At any rate, the investigation will not limit its probe
on scenes that were captured in the video clips only. All angles will be
looked into and corroborated by conclusive forensic evidence.

Because firearms were involved in this case, all guns, ammunition,


accessories, fired cartridge cases and recovered bullets will be subject
to ballistics examination as a standard procedure, including the
handgun and ammunition recovered from the slain suspect for possible
comparison with ballistics information of gun-related crime in our
database.

By all means, we urge the public to please refrain from mishandling


video evidence of this homicide case, which is tantamount to
obstruction of justice; and to allow the process of investigation to
proceed sans any external influence of opinionated hysteria, subjective
bias and anti-police sentiment.
82 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

3.

bag raid kay Atty. Harry Roque, tagapagsalita ng Malakanyangc

let’s look what’s inside harry roque’s bag!

this is all preliminary


speculation
conjecture
not factual

so wala po
wag po.

c. Mababasa ang buong press briefing ni Roque sa https://pcoo.gov.ph/OPS-content/


press-briefing-of-presidential-spokesperson-harry-roque-5/.
#FilipinoDapat at Ilang Tala sa Paglikha ng
‘Terminolohiyang COVID-19’
Eilene G. Narvaez

S a pagputok ng pandemyang COVID-19, naging masigasig ang


maraming institusyon at indibidwal sa mga gawaing pagsasalin ng
iba-ibang uri ng dokumento at impormasyon kaugnay ng COVID-19
tungong Filipino at iba pang wika sa Pilipinas. At bilang isa sa mga
indibidwal na nagkaroon ng pansariling adbokasing pangwika sa
pamamagitan ng #FilipinoDapat, ibabahagi ang kuwentong naging
udyok sa pagbuo ng “Terminolohiyang COVID-19” at sisikaping
maipakita kung paano nito naitampok ang wikang Filipino bilang
mahalagang pagtugon sa kinahaharap na pandemya. At bagaman
isa lamang ang terminolohiyang ito sa maraming pagsisikap
na mailapit sa mga mamamayan ang impormasyon tungkol sa
sakit na ito, itinuturing na natatangi ang proyekto sa pagsisikap
nitong pag-isahin ang mga pagsasalin sa pamamagitan ng isang
terminolohiya na maaaring maging mahalagang reperensiya ng
mga nagsasalin kaugnay ng COVID-19. At higit sa lahat, nais ding
ipakita ang mahalagang papel ng wika sa pagtugon sa isang krisis
panlipunan tulad ng krisis sa pangkalusugan na kinahaharap ng
bansa ngayon at mapangatwiranan ang mahalagang gampanin ng
wika upang maligtas (ang sarili) dahil nauunawaan ang nagaganap
at makapagligtas (ng kapuwa) dahil natutulungan natin silang
maunawaan ang isang pangyayaring bago lamang sa ating karanasan
at kaisipan.

83
84 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Unang engkuwentro sa mga salita


[Paunawa: sadyang ginawang bold ang mga salita upang mabigyan ng diin ang
mga lumitaw na salita sa panahon ng pandemya]

Noon pang Enero 2020, nagsimula nang mabalitaan sa buong


daigdig ang isang outbreak ng viral na sakit sa China na natuklasang
bago at wala pang lunas noong Disyembre 2019, at tinawag noong
novel coronavirus (nCoV). Ang deskripsiyon nila sa sakit na ito
batay sa obserbasyon sa tinamaan ng virus ay malapulmonya o
di-maipaliwanag na pulmonya. Nagpasimula na ang Department
of Health (DOH) ng medical surveillance noong Enero sa mga
pumapasok na Chinese sa bansa sa pamamagitan ng pag-alerto sa
Bureau of Quarantine. Bagaman nagsisimula na ang takot, hindi
pa naapektuhan ang Pilipinas na noong mga panahong iyon ay
mas nakatuon sa naganap na pagputok ng Bulkang Taal noong
Enero 12 na dahilan din ng kanselasyon ng mga flight ng eroplano
sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa makapal
na abong ibinuga ng bulkan na umabot kahit hanggang Maynila at
Lungsod Quezon. Sinundan ito ng kanselasyon din ng mga pasok
sa paaralan upang maglinis dahil sa pangamba sa masamang epekto
ng pagkalanghap ng abo. Nagsimula ang mga pabatid sa paglikas,
pagpapaliwanag sa panganib ng lahar, ash fall, magma, ground fissure
at subsidence, volcanic tsunami, pati iba-ibang uri ng erupsiyon tulad
ng phreatic, phreato magmatic, magmatic, at strombolian. Sabay na
naglabas ang UP Geological Society1 at Aguman Youth2 ng paliwanag
hinggil sa mga ito sa kanilang pahina sa Facebook noong Enero
13. Ngunit mapapansin dito na nanatili sa Ingles ang mga salita at
ipinaliliwanag lamang sa Filipino upang mas maunawaan. Kahit
paano, nakikita na ng marami ang halaga ng pagpapaliwanag ng mga
terminong pang-agham sa wikang pinakamalapit sa mamamayan.
Kung matatandaan, naging malaking usapin ang pagresponde ng
pamahalaan sa bagyong Yolanda, tinawag na “super bagyo” dahil sa
napakalakas na hanging dala nito na may kasamang “storm surge,” na
Eilene G. Narvaez 85

sumalanta sa Kabisayaan noong 2013 partikular sa Tacloban, Leyte


kung saan maraming nasawi at kabuhayang nawasak. Isang bagong
salita ang storm surge noon. Ang pinakamalapit na ginamit na
paglalarawan ng awtoridad ay “malatsunami” ang storm surge ngunit
hindi ito sintaas ng alon ng tsunami pero parehong mapanganib
sa mga naninirahan sa tabing-dagat. Naging pangunahing diskurso
ang paghahanap ng katumbas sa Filipino ng salita at baka daw mas
naunawaan ng mga mamamayan ang panganib na maaaring idulot
nito. Nahanap ang salitang “daluyong” at pagkaraan ay tinawag
na “daluyong-bagyo.” Pagtutumbas o pagpapaliwanag lang ba sa
wikang nauunawaan ng karamihan ang kailangan? Sa isang pag-
aaral at interbiyu na ginawa nina Miguel Esteban, et al. (2016) sa
mga taga-Tacloban, lumilitaw na ang pangunahing naging problema
ng mga mamamayan ay ang bigong pagpapaunawa ng awtoridad sa
konsepto ng storm surge at ayon sa kanila’y sana’y ginamit na lang
ang salitang “tsunami” na mas pamilyar sa kanila.3 Pamilyaridad at
pagiging malapit sa kanilang karanasan ang nakitang pagkukulang
sa naging pagpapaliwanag sa kanila sa paparating na sakuna.
Samakatwid, dito nabigyan ng muling pagkilala ang mahalagang
papel ng malinaw na komunikasyon sa mga mamamayan gamit
ang wikang nauunawaan ng lahat. Dahil bagong karanasan, hindi
lang pagtutumbas kundi mas kailangan ang pagpapaintindi mismo
sa konsepto. Kaya noong 2016, sa pakikipagtulungan ng DOST-
PAGASA sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), inilabas nila ang
aklat na Patnubay sa Weder Forkasting na maaaring magamit sa pag-
uulat sa bagyo bilang tugon sa naganap sa bagyong Yolanda.
Sa ganitong rasyonal sinimulan ang pagbabahagi sa aking
Facebook (FB) wall ng mga pabatid na nakita kong nasa Filipino at
nilalagyan ko ng #FilipinoDapat bilang kampanya noon ding Enero
ng pagkakalat at pagpapaunawa ng mahahalagang impormasyong
dapat ay nasa Filipino, sa panahon ng pagputok ng Bulkang Taal.
Natatandaan ko pa, naging popular na noon ang N95 mask na
86 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

inirekomenda ng mga eksperto na dapat gamitin dahil iyon lamang


ang may kakayahang sumala ng maliliit na partikula ng abo mula
sa bulkan. Ngunit habang unti-unting pumapayapa ang bulkan
hanggang maideklarang stable na ito noong Enero 19, unti-unti
namang nagsisimula nang uminit ang usapan tungkol sa novel
coronavirus (ito pa ang tawag sa COVID-19 noong mga panahong
iyon) na ayon sa pamahalaan ay hindi dapat katakutan dahil hindi
pa ito nakapapasok sa bansa. Nababalitaan na natin noon na
may paisa-isa nang kaso sa ibang bansa tulad sa Japan, Korea, at
Singapore kaya pinagtataluhan na noon ang pagpapatupad ng travel
ban sa mga bansang may reported nang kaso ng sakit na ito. Ngunit
sa kabila nito, iginiit pa rin ni Sek. Francisco Duque III ng DOH
o kahit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pangangailangan
sa travel ban sa mga flight na mula at pabalik ng China. Hanggang
nagkaroon ng unang kaso ng sakit na ito noong Enero 30, 2020
nang ang isang tatlumpu’t-walong-taóng gulang na Chinese gáling
Wuhan ay na-confine sa Ospital ng San Lazaro sa Maynila at
nagpositibo sa nasabing sakit ayon sa isinagawang PCR Test. Ito
ang unang imported case ng sakit sa Pilipinas. Naging hudyat din
ito ni Pangulong Duterte upang magpatupad sa kalaunan ng travel
ban ngunit limitado lamang ito sa mga Chinese na nagmula sa
Hubei at iba pang probinsiya sa China na may naiulat na kaso ng
sakit. Nagsimula ang pagsasagawa ng contact tracing sa lahat ng
maaaring nakasalamuha, at disinfection sa mga eroplano, airport,
at mga lugar na dinaanan at pinuntahan ng nagpositibong Chinese.
Nagpatupad ng thermal scanning at nagpasagot ang Bureau of
Quarantine ng Health Declaration Checklist sa lahat ng lumalabas
at pumapasok sa airport bagaman ayon pa rin sa awtoridad,
kontrolado pa nila ang sitwasyon kaya hindi dapat mabahala ang
publiko. Samantala, isang lalaking Chinese na nasa apatnapu’t apat
na taon ang edad ang namatay noong Pebrero 2. Kasama siya ng
babaeng unang nagpositibo at siya ang naitalang kauna-unahang
namatay sa labas ng China. Pebrero 3, sa press conference na idinaos
Eilene G. Narvaez 87

ng Malacañang, bungad ni Pangulong Duterte ang ganito: “Yes. If


there is anything that you’d want to know, we also want to know from you.
You are sure to be good at gathering developments of this fear now of the
corona novel. I really don’t know why it’s called ‘novel’ coronavirus . . . So
let’s start.”4 Mismong ang pangulo ay hindi alam ang pinagmulan ng
pangalan ng virus o ng sakit. Dagdag pa ni Pangulong Duterte, hindi
kailangang matakot kahit may takot ang buong mundo dahil dalawa
pa lang ang kaso at pareho pang imported, hindi Filipino . . . hindi
pa galing dito sa atin sa Pilipinas.
Pebrero 5, naitala ang ikatlong kaso ng sakit—isang babaeng
Chinese na nasa animnapung taon ang edad, at turistang mula rin sa
Wuhan. Ngunit ayon sa test ay gumaling na ang babae at pinabalik
din agad sa China kaya ayon sa pamahalaan, dahil dito ay wala nang
positibong kaso na nasa Pilipinas. Sa kabilang banda, nagkaroon
na ng opisyal na pangalan ang sakit—mula 2019-nCoV, naging
COVID-19 na ito, ayon sa World Health Organization (WHO)
noong Pebrero ngunit nagpatuloy pa rin ang marami sa pagtawag
dito bilang coronavirus at novel coronavirus, kung minsan ay nCoV
lalo na ng midya. Pangalan pa lang ng virus at sakit ay inkonsistent
na ang maraming tao.
Nagsimula nang marinig ang quarantine. Ang mga natukoy
na nakasalamuha ng mga nagpositibong Chinese ay isinailalim sa
labing-apat na araw na quarantine at inobserbahan ang paglabas ng
sintomas. Nagtayo na rin ng mga isolation facility sa iba-ibang lugar
sakaling magkaroon ng mga kumpirmadong nahawahan ng sakit.
Umusad ang mga araw, nanatili pa ring walang lockdown. Tigilan
ang xenophobia sa mga Chinese, sabi ni Pang. Duterte. Sagot niya
ito sa walang-tigil na panawagan ng iba-ibang grupo na magpatupad
na ng ganap na travel ban ang pamahalaan at huwag nang hintaying
madagdagan pa ang makalusot na Chinese na patuloy na lumalabas
ng kanilang bansa. Halos isang buwan ang lumipas, walang iniulat
na bagong kaso hanggang noong Marso 7, naging mabilis na ang
88 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

mga pangyayari nang kumpirmahin ng DOH ang dalawang kaso ng


COVID-19, ngunit sa pagkakataong ito ay mga Filipino na walang
pagbiyahe sa ibang bansa. Yaong isa ay isang Muslim na umano’y
madalas na nagpupunta sa Muslim prayer hall sa Lungsod San Juan
kaya ipinag-utos na mag-self quarantine ang mga taong nanggaling
doon sa petsa kung kailan huling nagpunta ang positibo. Ito ang
kauna-unahang kumpirmadong local transmission ng sakit na
dahilan upang ideklara ng DOH ang coronavirus alert system
Code Red-Sublevel 1.
Kinabukasan, Marso 8, isang araw pagkaraan ng balitang
nagpositibong Filipino, nasa biyahe kami papuntang Tuguegarao
kung saan gaganapin ang aming inorganisang proyekto sa
peryodismong pangkampus sa Filipino na Estilong Filipino (EF) sa
pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) kasabay
ng National Schools Press Conference (NSPC) na nakatakda sa
Marso 10. Hindi na kami nakaatras dahil walang anawnsment ng
kanselasyon ang DepEd. Pinagpasiyahan nilang ituloy ang mga
gawain dahil wala pa naman daw kaso sa Cagayan at ang mga kalahok
sa kanilang mga timpalak ay nasa Cagayan na rin. Nauna nang
ikinansela noong Pebrero 5 ang mga okasyong ito at nareiskedyul
lamang noong Marso kaya hindi na maikanselang muli ng DepEd.
Kaya sa halip, nagpatupad na lamang sila ng hakbang sa pag-iingat na
dapat gawin sa pagbubukas ng NSPC tulad ng pagkansela sa parada
ng mga kalahok at ilan sa mga kinatawan na lang sa bawat rehiyon ang
ipinadalo sa seremonya ng pagbubukas upang masunod ang social
distancing. Naglagay ng estasyon sa entrance para sa pagkuha ng
temperatura at pag-isprey ng alkohol sa mga dadalo. Kinabukasan,
Marso 9, kinansela na ang pasok sa mga paaralan. Sa madaling sabi,
inabutan kami ng panic sa Tuguegarao! Nagkaubusan na ng mask
at alkohol sa mga botika. Hindi pa kami nakisali sa panic buying
noon dahil sa isip namin ay marami namang mabibili sa Maynila
pag-uwi (hindi namin inasahan na sa pagdeklara pa lang ng Public
Eilene G. Narvaez 89

Health Emergency (PHE) ay magkakaubusan agad ng suplay sa


Maynila kaya pagdating sa Maynila, nagsisi kaming hindi bumili).
Kahit sa aming ginanap na seminar ay biglang kinailangang may
pagitang upuan sa bawat kalahok kaya naglimita sa tinanggap na
walk-in participants, at naging maláy na ang mga tao sa palagiang
pag-aalkohol bagaman hindi pa nagsusuot ng face mask ang
mga tao. Makaraan ang aming seminar noong Marso 10 ay agad
kaming umuwi kinabukasan, upang hindi maabutan sa Tuguegarao
dahil malakas ang bali-balitang magdedeklara anumang oras ng
lockdown tulad ng ginagawa sa ibang bansa. Ang biyahe namin
noon ay sa pamamagitan lang ng nirentahang van kaya sa loob
ng halos higit labindalawang oras na biyahe na walang magawa
pero may kung anong kaba sa madadatnan sa Maynila, nagbasa
ako ng mga balita tungkol sa update sa COVID-19. At doon na ako
nagsimulang maglista sa cellphone ng mga salitang binabanggit
na sa simula’y gusto ko lang maunawaan dahil ako mismo’y hindi
ko naiintindihan. May pauna na rin akong nailista noong Enero
nang magsimula ang usapan sa bagong sakit ngunit ngayon ko lang
tinuklas ang kahulugan. Pinakauna sa listahan ko ang paglilinaw na
ang coronavirus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sipon at
ubo; ang novel coronavirus (2019-nCoV) ay tawag sa bagong virus
na natuklasan sa China noong Disyembre na kalaunan ay tinawag
na SARS-CoV-2 na nagdudulot ng coronavirus disease na tinawag
na COVID-19 na malalaking titik lahat—hindi Covid19 at hindi rin
covid19. Kasama rin sa inisyal na listahan ang social distancing, PUI,
PUM, PPE. Naging epekto ng takot ang panic buying at hoarding,
nakasama din ito sa listahan at ang price freeze na ipinatupad ng
DTI. Kahit ang pagkakaiba ng alkohol na ethyl (mas nakatutuyo ng
balát at mas madaling mag-evaporate kaya mas maaaring gamitin
sa bagay) versus isopropyl (hindi nagdudulot ng pagkatuyo ng
balát kaya mas ligtas gamitin sa kamay) na may konsentrasyong
70% versus 60% o 40% ay kailangan ding ipaliwanag dahil tanging
90 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

70% pataas lamang ang makapupuksa ng virus. Iminungkahi din


ang pagpapasok ng comorbid at comorbidity na siyang tinutukoy
na high risk sa COVID-19.
Idineklara ni Pangulong Duterte ang Public Health Emergency
(PHE) noong Marso 9 nang maitala ang sampung positibong
kaso at local transmission na nasundan agad ng labingwalong
bagong kaso pa sa Metro Manila sa parehong araw. Marso 10, may
dumagdag na siyam na bagong kaso. Naghigpit na sa mga mall,
maging sa pagpunta sa mga simbahan. May thermal scanning na
rin bago pumasok sa bawat establisimyento. Marso 11, naitala ang
unang kaso ng pagkamatay, lumitaw ang mga problema tulad ng
kakulangan sa PPE—face mask at lab gown, na ayon sa pamahalaan
ay dulot din ng kakulangan sa buong daigdig. Inalerto na ang mga
ospital at pinaalalahanang bawal tumanggi sa sinumang pasyenteng
nagpakita ng sintomas. Marso 12, inihayag na ang pagpapatupad ng
lockdown (tinawag na community quarantine dahil sa negatibong
naging reaksiyon ng mga tao sa salitang “lockdown”) sa buong
Metro Manila na magsisimula sa Marso 15, at ang coronavirus
alert system ay itinaas sa Code Red-Sublevel 2. Umakyat agad
ang kaso sa limampu’t dalawa. Kaya mula Marso 13 hanggang bago
Marso 15, naghahanda ang lahat sa pagpapatupad ng community
quarantine. Sinuspende na ang mga pasok sa paaralan at graduation,
ipinagbawal ang mga pagtitipon, at ipinatupad ang social distancing
sa mga pampublikong transportasyon gaya ng MRT at LRT. Dito
na nagsimulang makatanggap ako ng mga text message mula sa
kaibigan hinggil sa salin sa Filipino ng mga salitang kaugnay ng
COVID-19. Madalas na tanong ang salin ng isolation, quarantine,
at social distancing. Madali ko nang nasagot dahil nasa listahan ko
na. Minsan itinanong din sa akin ang salin sa Filipino ng Patient
Under Investigation (PUI) na kung minsan ay tinatawag ding
Person Under Investigation na pinag-uusapan ng mga doktor sa
Twitter. Ang naging sagot ko pa ay, “Ginamit kasing teknikal at mas
Eilene G. Narvaez 91

nakilala ang akronim kaya sa halip na piliting hanapan ng katumbas


sa Filipino ay ipaliwanag na lang sa Filipino ang ibig sabihin.” May
isang doktor ang nagsabi, kapag PUM, home quarantine pero kapag
PUI, kailangang papuntahin sa ospital. May “sense” pero hindi pa
rin nito nalilinaw ang pagkakaiba ng dalawa. Nagsimula na ang
pagtatalo sa kung paano pinakamadaling maipaliwanag sa madla
ang mga terminong ginagamit ng mga doktor at awtoridad. Kaagad
kasing sumusugod ang mga tao sa ospital dahil sa takot. Bunsod
ng mga natatanggap na tanong, ang pansariling listahan ay unti-
unti nang dinevelop bilang isang ganap na glosari. Nagsimula sa
sampu at tinarget na makabuo ng tatlumpu ngunit nang matapos
ay saktong apatnapu ang nabuo sa pinakaunang borador na
siyang naipamahagi sa Twitter at Facebook noong Marso 15 sa
pamamagitan ni Sir Vladimeir Gonzales. Iyon na ang naging simula
ng paglaganap ng “Terminolohiyang COVID-19” at ang pagkatali
mismo sa gawain ng patuloy na pagdevelop nito hanggang hindi
natatapos ang pandemyang ito.
Bukod sa isinalaysay na mga engkuwentro sa mga salitang
sinadyang ginawang bold upang mabigyan ng diin ang mga
terminong nagsimulang gamitin pagputok ng COVID-19, ang
pagpapatuloy ng proyekto ay udyok ng nakitang mga reaksiyon ng
mga Filipino sa isinasagawang mga press conference ng DOH at
IATF na naka-live stream sa Facebook. Ilan sa mga komentaryong
nakuha ko ang sumusunod:

“Tagalog pls, sa twing presscon lagi n lang speaking in english;”

“Maawa ka tagalog gamitin mo.. para maintindihan ng karamihan..


hindi po amerikano ang nanonood sayo;”

“Para ba sa filipino ang sinasabe mo? Dapat tagalugin mo marami


ang di naintindihan mga pinag sasabe mo isa nko.. filipino ka..;”
92 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“Pasocial ang potek. Nakakahiya ba sa iba bansa kapag nagtagalog


kayo. Ipagbawal nyo na tagalog sa bansa. English na gawing wikang
pambansa;”

“Dapat tagalog (sic) para maintindihan.”

“Pls tagalogin nyo po para maintindihan ng ordinaryong


mamamayan lalo na sa mga hindi nakakaintinde ng wikang
English . . . ;”

“Tagalog po sana para maintindihan ng mas nakararami nasa


pinas po tau.”

“Sa susunod naman mag Live kau mas madami kaung masabi na
tagalog hays.”

Pinanatili ang ispeling kung paano isinulat ang mga comment


ng mga nanood sa live press conference. Lalong nagbigay ito sa
direksiyong maipaliwanag ang mga impormasyon kaugnay ng krisis
sa kalusugan sa wikang nauunawaan ng marami. Kaya, naging kasama
sa isinulong sa pagbuo ng “Terminolohiya” ang #FilipinoDapat nang
magbigay ng inspirasyon sa iba na makilahok sa gawaing pagsasalin
at sa pamamagitan noon ay umasang makararating sa DOH at IATF
ang hiling na ito ng mga tao.
Nanganak pa ng maraming bersiyon ang “Terminolohiya.” May
mga organisasyon tulad ng UP College of Arts and Letters Student
Council katuwang ang iba pang konseho ng mag-aaral sa ibang
kolehiyo sa UP Diliman at ibang Colleges and Universities ng UP
na gumawa ng infographics5 na nilapatan ng likhang sining kaya
mas nakapukaw ng atensiyon ng marami. Ang Philippine Cultural
Education Program (PCEP) ng National Commission for Culture
and the Arts (NCCA) ay naglabas din ng kanilang bersiyon sa
kanilang FB Page.6
Eilene G. Narvaez 93

Pinakamalaking tagumpay marahil ng proyektong ito ang


naging tangkilik ng Philippine Genome Center (PGC) na isa
sa mga frontline na institusyon sa panahon ng pandemyang
COVID-19. Sila ang maygawa ng lokal na PCR testing kit para sa
deteksiyon ng COVID-19. Kaya ang kanilang paglalabas ng halaw na
infographics7 mula “Terminolohiyang COVID-19” ay isang malaking
pagpapatunay sa pagiging kapanalig nila sa paniniwalang kabahagi
ng pagpapaunawa ng nagaganap sa kasalukuyan ang wikang Filipino.
Umabot ng higit 3,100 pagbabahagi sa FB ang infographics na ito.
Hindi ko na nasundan ang lahat ng kung ano-ano pang iba-ibang
bersiyong nalikha mula dito. Hanggang nitong Hulyo, lumapit ang
Google Philippines upang makipagtulungan sa nais nilang buuing
proyektong katulad ng napasimulang “Terminolohiya” na magiging
bahagi ng kanilang pakikigunita sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ibinigay ko sa kanila ang listahan ng mga natipon kong salita na
noon ay umabot na sa 150 at namili lamang sila ng 115. Nagpasok
sila ng mga pangungusap, yaong iba ay halaw din sa orihinal kong
“Terminolohiya” ngunit ang ibang nagmula sa kanila ay inedit
lamang nang kaunti batay sa akin ding mga komentaryo. May
pamagat na “Isang Gabay sa mga Salitang Kaugnay ng COVID-19”
ang kanilang bersiyon na inilabas sa isang microsite na may adres na
www.diksyonaryongcovid19.com.8 Ang mga tangkilik na ito ng iba-
ibang institusyon ang biglang naglagay ngayon sa wikang Filipino
bilang mahalagang tugong pangwika sa panahon ng pandemya.
Bukod sa mga pagsisikap na pagsasa-Filipino, lumaganap
din ang salin ng “Terminolohiya” sa iba-ibang wika tulad ng
pinangunahan ni Ginoong Mhawi Rosero. Mula sa kaniyang
inisyatibang #AmbagNgWika2020, nagkaroon ng bersiyong
Ibanag, Ilokano, Minasbate, Kapampangan, Onhan, Eastern Samar
Waray, Surigaonon, Tacloban Waray, Mëranaw, Bicol Catanduanes,
Bicol Rinconada, Bahasa Sug, Pangasinan, Chavacano, Bicol-Naga,
at Asi.9 Dagdag pa ang salin sa Pangasinan10 at Ilokano11 ng UP Subol
Society.
94 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Pasilip sa Halimbawang mga Salita sa Terminolohiya

May iba-ibang uri ng salita ang naging kasama ng “Terminolohiya,”


ikinategorya ito bilang: 1) Terminong Simple (Simple Term); 2)
Terminong Kompleks (Complex Term); at 3) Terminong Parirala
(Terminological Phrase).12
Terminong simple ang mga terminong may isang yunit ng salita
lamang. Halimbawa nito ang aerosol, airborne, alcohol (alkohol),
antibiotic (antibiyotiko), antiseptic (antiseptiko), asymptomatic
(asintomatiko), carrier, quarantine (kuwarentena/kuwarantin),
comorbid, confirmed (kumpirmado), coronavirus, disinfectant
(des-impektanta), droplet, epidemic (epidemya), pandemic
(pandemya), exposure (pagkalantad/eksposyur), hoarding,
infection (impeksiyon), isolation, lysol (lisol), lockdown, novel
(bago), mortality (mortalidad), outbreak, pathogen (patoheno),
presymptomatic (presintomatiko), probable (probabol), sanitizer,
symptomatic (sintomatiko), suspect (suspek), virus (birus).
Mapapansing ang ilan sa mga salitang Ingles ay may katabing salin sa
Filipino na dati naman nang ginagamit at popular tulad ng alkohol,
antibiyotiko, antiseptiko, kuwarentena, kumpirmado, epidemya,
pandemya, lisol, impeksiyon, mortalidad, sintomatiko, suspek, at
birus. Mapapansin ding halos lahat ay dumukal lang din ng salita
sa Español at ibinaybay sa paraan ng ortograpiya ng Filipino
(karaniwang kung ano ang bigkas, siya ring baybay). Yaong ibang
mga salita na bagaman isang yunit na salita lamang ay mahirap
tumbasan ng isang yunit din sa target na wika. Halimbawa, ang
aerosol (bagaman puwede ring gawing “eyrosol”) ay mas minabuti
na lang ipaliwanag bilang “Pagpapalutang-lutang sa hangin ng
maliliit na patak o droplet” na tumutukoy sa katangian ng virus ng
COVID-19. Gayundin ang airborne na ipinaliwanag bilang “Nadadala
o natatangay ng hangin” at droplet na bagaman maaaring tumbasan
ng “maliliit na patak” ay dapat gawing espesipiko bilang “Patak na
Eilene G. Narvaez 95

tumatalsik mula sa bibig o ilong (laway, hininga, uhog, o sipon) kapag


umubo, bumahing, nagsalita, o kahit sa paghinga, at naiiwan sa
mga bagay” dahil “respiratory droplet” ang inilalarawan. Mahalaga
ang mga salitang ito upang isakonteksto ang posibilidad na mas
makontrol ang COVID-19 dahil ito ay naipapasa sa pamamagitan
ng droplet at hindi airborne na mas malawak ang paghahawa dahil
sa hindi agad bumabagsak at sa halip ay nagpapalutang-lutang pa
sa hangin kaya hindi magiging sapat ang isang metrong agwat sa
isa’t isa upang hindi mahawa. Gayunman, bagaman may mga tiyak
na salin ang alkohol, pandemya, at epidemya, kinailangan pa ring
ipaliwanag ang iba-ibang uri ng alkohol (ethyl versus isopropyl) at
bisa nito bilang pampuksa ng virus depende sa konsentrasyon kung
40%, 60%, o 70%. Ipinaliwanag din sa pamamagitan ng pagkakaiba
ng lawak ng sakop ng sakit kung epidemya (lumaganap sa loob
ng isang tiyak na teritoryo lamang tulad ng isang bansa) kaysa
pandemya (pandaigdigan na). Gayundin ang ginawa sa iba pang
salita na bagaman payak ay kailangan pa ring ipaliwanag upang
maisakonteksto sa karanasang COVID-19.
Terminong kompleks (maaari ding tambalan kung sa Tagalog
gaya sa tambalang salita) ang mga terminong may dalawa o higit
na yunit. Sa mga nakasama sa “Terminolohiya,” kabilang dito
ang Alert System (sistemang hudyat sa pagtugon), ang iba’t ibang
uri ng quarantine: self-quarantine (awto-kuwarentena/kusang
pagkuwarentena), community quarantine (kuwarentenang
pangkomunidad o CQ), general community quarantine (GCQ),
enhanced community quarantine (ECQ), modified enhanced
community quarantine (MECQ); epidemic wave: 1st wave, 2nd
wave; novel coronavirus (nCoV), 2019 corona virus disease
(COVID-19), face mask, handwashing (paghuhugas ng kamay),
high-risk (pinakananganganib), immune system, incubation period
(panahon ng ingkubasyon), local transmission (paghahawang lokal/
transmisyong lokal), mortality rate (antas ng pagkamatay), New
96 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Normal (Bagong Normal), N95-Respirator, outbreak, panic buying,


Person/Patient Under Investigation (PUI), Person/Patient Under
Monitoring (PUM), Locally Stranded Individual (LSI), Personal
Protective Equipment (PPE), Philippine Health Emergency (PHE),
social distancing (distansiyang sosyal/ligtas na agwat), physical
distancing (distansiyang pisikal), test kit, World Health Organization
(WHO). Pansinin na kung higit sa dalawa na ang yunit ng salita
ay karaniwan na itong nagiging akronim upang makatulong sa
mas madaling pagmemorya sa termino. Kaya nga mas madaling
tumatak sa atin ang iba’t ibang community quarantine: ang GCQ,
ECQ, at MECQ. Gayundin ang PUI at PUM, at ang PPE—kahit ang
COVID-19, SARS-CoV-2 (ang tawag sa virus na sanhi ng COVID-19),
na iba sa nCoV na akronim ng unang tawag sa COVID-19 na novel
corona virus. Pansinin din na mahirap mapanatili ang kategorya
ng terminong kompleks kapag naisalin na ito sa target na wika
dahil nagiging kontekstuwal na ang salin tulad sa Alert System
na “sistemang hudyat sa pagtugon” dahil ito ay tumutukoy sa
sistemang batayan ng magiging aksiyon ng awtoridad depende
sa kanilang pagtáya sa panganib. Hindi ko ginawang Sistemang
Alerto kahit malapit dahil sa isa pang kahulugan ng pang-uri ng
alerto na “listo.” Gayundin ang handwashing na naging paghuhugas
ng kamay na may negatibong konotasyon pa nga kung gagawing
hugas-kamay na nangangahulugang “kawalan ng pananagutan sa
isang kasalanan.” Pansinin din na ang mga pangalan ng institusyon
ay pasok din sa kategorya ng terminong kompleks. Ngunit ang iba
ay papasok sa kategoryang Terminong Parirala. Samantala, ang
social distancing na kalaunan at pinalitan ng physical distancing
ay mga halimbawang salitang naging kontrobersiyal dahil sa naging
negatibong pagtingin dito at gamit. Maitatawid sanang magamit
ang distansiyang panlipunan at distansiyang pisikal ngunit hindi
ito nagiging eksakto sa esensiya ng salita na tumutukoy sa ligtas na
agwat sa isa’t isa bukod pa sa negatibong pagpapakahulugan din sa
distansiyang panlipunan na ginagamit din sa sosyolohiya bilang
Eilene G. Narvaez 97

pagbubukod sa antas pangkabuhayan ng mga tao sa lipunan bilang


mababa, gitna, o mataas na uri sa lipunan. Kaya kailangan itong higit
na ipaliwanag sa “Terminolohiya.” Bagaman sa ibang pagsasalin,
nakita kong tinumbasan ito ng layo-layo, distansiya amigo, galit-
galit muna na naging problematiko din dahil tumutukoy rin sa
social distancing ang pagbabawal sa pagbeso, yakapan, pagdaraos
ng parti at mga pagtitipon.
Ang Terminong Parirala ay binubuo ng mga yunit na paparirala
ang anyo. Kabilang dito ang flattening the curve (pagpapatag ng
kurba), person-to-person/human-to-human (tao-sa-tao), at work
from home/WFH (trabaho sa bahay). Higit na nangangailangan
ito ng pagpapaliwanag at hindi simpleng pagtutumbas lamang sa
target na wika. Pinakamagandang halimbawa ang flattening the
curve na sa epidemolohiya ay nangangahulugan ng pagpapabagal
sa mabilis na paglaganap ng sakit sa isang tiyak na panahon, nang
sa gayon ay makaya ng sistemang pangkalusugan ng isang bansa
na matugunan ang bawat kaso at maiwasan ang mas maraming
pagkamatay. Samantala, ang person-to-peron o human-to-human,
bagaman madaling maunawaan, sa konteksto ng COVID-19 ay
nangangahulugan ito ng paraan ng paglilipat ng nakahahawang
sakit na mula sa tao patungo sa tao. Wala pang patunay na ito ay
naililipat mula sa tao patungo sa hayop.
Ang mga tinalakay ay pasilip lamang sa kabuuan ng
terminolohiya. Mga katangian itong tutulong sa pag-unawa sa
naging dulog sa pagtutumbas at pagpapaliwanag sa ginawang
“Terminolohiyang COVID-19.” Isang mahabang talakay ang hinggil
sa proseso ng pagsasalin. Abangan sa hiwalay na papel.
Ang unang bersiyon ng terminolohiyang inilabas noong
Marso 15 ay may bilang na apatnapu. Ngunit dahil bawat araw ay
nadadagdagan ito, halos umabot na ito sa higit 150 termino hanggang
sa oras na isinusulat ko ang sanaysay na ito. Bagaman nais nang
maisara ang paglilista, ang pagbuo ng isang terminolohiya ay may
98 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

kalikasang tuloy-tuloy lalo pa’t kung ang inilalarawan ay ang gaya


ng pandemyang COVID-19 na bawat araw din ay may development
kaugnay ng pagtugon dito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa
buong mundo. May ilang mga salitang hindi na ginagamit tulad ng
Alert System dahil ang batayan na ng pagkilos at ipinapatupad na
restriksiyon ay nakabatay na sa uri ng community quarantine (GCQ,
ECQ, MECQ) at hindi na batay sa dami ng kaso tulad nang nag-
uumpisa pa lang ang paglaganap ng pandemya sa Pilipinas. Gayundin
noong Abril 9, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 2020-
0013 ng DOH, ay pinalitan ang gamit na mga termino sa pagtukoy
ng mga kaso sa contact tracing mulang PUI at PUM ay naging
suspect (suspek), probable (probabol), at confirmed (kumpirmado)
na. Mungkahing salin ko ang nakapaloob sa panaklong. Pagsunod
ito sa pagbabago rin ng kategorya ng global surveillance na inilabas
ng World Health Organization (WHO) noong Marso 20, 2020. Kung
matatandaan, nagdulot ito ng iba-ibang reaksiyon lalo na yaong
nasanay na sa PUI at PUM kaya hanggang ngayon, maririnig pa rin
ito at hindi ang bagong tawag mula sa WHO.
Sa pamamagitan nito, nabigyan sana kayo ng kahit kaunting
idea hinggil sa pagbuo ng “Terminolohiya.”

Kongklusyon: Ang Wika bilang Malasakit

Kung may mabuti mang naidulot ang pandemyang COVID-19,


ito ay ang naging pagkilala sa halaga ng Filipino bilang mas
epektibong paraan ng pagresponde sa anumang krisis dahil ito
ang tanging pinakamainam na koneksiyon ng pamahalaan sa
mamamayan nito, hindi ang isang wikang dayuhan. Bagaman sa
Ingles nailuluwal ang maraming termino sa agham, may paraan
upang ito ay mailapit sa mamamayan—sa pamamagitan ng
pagsasalin. Kailangan nating tanawin ang posibilidad na balang-
araw, ang mga siyentista natin ay deretso nang magsusulat sa
Filipino sa halip na Ingles (Sana!) at hindi na kailangang magsalin.
Eilene G. Narvaez 99

Sa panahon ng kahit ano pa mang krisis, dapat gamitin ang sariling


wika sa pagkikipag-ugnayan sa mamamayan. Sa panahon ng
panganib at krisis, ang ating wika ang makapagsasalba sa atin bilang
mamamayan (natuto na sana sa bagyong Yolanda). Gayundin, ang
“ayuda” (nangangahulugang “tulong” sa Español) ay hindi lamang
yaong tutugon sa pangangailangan ng katawan tulad ng pagkain,
tubig, damit, tirahan o masisilungan. Kailangan din ang pagtugon
sa kailangan ng isip—ang tamang impormasyon, na magbibigay ng
kumpidensiya at kapanatagan ng kalooban na anuman ang antas
ng buhay ng isang tao, nakapag-aral man o hindi, ay maliligtas
at makapagliligtas. Iyon ang tunay na diwa ng malasakit. Hindi
lamang sa pamamagitan ng hatid na pera o relief goods, kundi sa
pamamagitan ng wika—sa paglalapit sa kanila ng impormasyon at
pagpaparamdam sa kanila na kasama sila sa dapat maligtas.
Ang napasimulang proyekto ay maging inspirasyon sana upang
makapaglabas din ang iba ng katulad na terminolohiya sa ibang
disiplina. Panahon na upang bigyan ng pagkakataon ang ating wika.

Mga Talâ

1. UP Geological Society, “Taal Volcano: Kahulugan ng mga


Salita,” Facebook, Enero 13, 2020, kinabukasan ng pagputok ng
Bulkang Taal, https://www.facebook.com/upgeosoc/photos
/a.228585863824030/3306778099338109/.
2. Agham Youth – UP Diliman, “Ashfall Alert: Scientific Terms,”
Facebook, Enero 13, 2020, kinabukasan ng pagputok ng
Bulkang Taal, https://www.facebook.com/aghamyouth/photos
/a.705676202812313/2772245092822070.
3. Miguel Esteban et al., “Storm Surge Awareness in the Philippines
Prior to Typhoon Haiyan: A Comparative Analysis with Tsunami
Awareness in Recent Times,”  Coastal Engineering Journal  (58):1,
https://doi.org/10.1142/S057856341640009X.
100 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

4. Presidential Communications Operations Office, “Media Interview


of President Rodrigo Roa Duterte Following the Briefing on the
2019 Novel Coronavirus – Acute Respiratory Disease,” PCOO
Website, huling minodify noong Pebrero 3, 2020, https://pcoo.gov.
ph/media-interview/media-interview-of-president-rodrigo-roa-
duterte-following-the-briefing-on-the-2019-novel-coronavirus-
acute-respiratory-disease/.
5. UP Diliman College of Arts and Letters Student Council,
“Infographics ng mga Terminolohiya Kaugnay ng COVID-19,”
Facebook, Marso 31, 2020, https://www.facebook.com/media/set
/?vanity=updcalsc&set=a.1503498993145173.
6. Philippine Cultural Education Program, “COVID-19,” Facebook,
Abril 4, 2020, https://www.facebook.com/media/set/?vanity=pce
pofficial&set=a.2736053556628801.
7. Philippine Genome Center, “Salin sa Filipinong mga Terminolohiya
Kaugnay ng COVID-19,” Philippine Genome Center Website,
huling minodify noong Marso 22, 2020, https://pgc.up.edu.ph/
salin-sa-filipinong-mga-terminolohiya-kaugnay-ng-covid-19/.
8. Inilibas noong Agosto 28, 2020 ang bersiyon ng Google Philippines.
Hindi ito permanente sa internet dahil ito ay isang espesiyal na
proyekto lamang ng Google Philippines para sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika. Isasalaysay sa ibang papel ang naging kasunduan
at ugnayan ng Google sa proyektong ito na may kinalaman sa
umiiral na trato ng mga kompanya sa tagasalin.
9. Mhawi Rhoser, “#AmbagNgWika2020,” Google Docs,
huling minodify noong Marso 17, 2020, https://docs.
g o o g l e . c o m / s p r e a d s h e e t s /d / 1 3 5 8 w j u - 3 S U f H B KG p l h
W 5 t V P i L 8 2 M i m i a r C m f t J R R i w I /e d i t ? f b c l i d = I w A R 1 _
ft058qX1Zv9VhDPlTOT7Ho3v15NRqjnGzYLXkjIYhNhUjY_
A4GLAXak#gid=0.
Eilene G. Narvaez 101

10.
UP Subol Society, “Mga Piling Terminolohiya Kaugnay
ng COVID-19: Isinalin sa Pangasinan,” Facebook, Marso
21, 2020, https://www.facebook.com/UPSubol/photos
/a.413485175443957/2805847952874322.
11. UP Subol Society, “Mga Piling Terminolohiya Kaugnay
ng COVID-19: Isinalin sa Ilokano,” Facebook, Marso
23, 2020, https://www.facebook.com/UPSubol/photos
/a.413485175443957/2810305795761871.
12. Ang klasipikasyon ay ibinatay sa Terminology: A Practical Approach ni
Robert Dubuc (Linguatech 1997). Bagaman sa simula ng paglilista,
wala namang isinaalang-alang pang pag-uulit sa salita. Ngunit nang
makabuo na ng tatlumpu ay doon lumitaw ang iba-ibang uri ng
salita na sumusuporta sa paglalarawan ng aklat na ito.
Bagong Talahulugan
Ella Jane Hermonio

TERORISTA

te•ro•rís•ta pangngalan

: Tao o grupong gumagamit ng karahasan at paninindak para sa layuning


pulitikal

Halimbawa:

// Ipinag-utos ng terorista na ang sinumang lalabag sa gawa-gawa


niyang batas ay parurusahan ng hindi-makatarungang tagal ng
pagkakakulong.
// Madaling masaktan ang terorista sa mga kritisismo at pasaring,
kaya ang sinumang magtangkang manira at magparatang ay
maaaring hulihin at kasuhan ng sedisyon o rebelyon.
// Kahit walang hawak na bomba, terorista pa rin ang mga taong
walang atubiling magpapatay ng sinumang nakasasagabal sa mga
plano at pakay nila.
// Takot ang terorista sa mga taong hindi takot sa kanya.
// Kapag binatikos at kinalaban mo ang totoong terorista [wastong
paggamit], ikaw ang ituturo niyang isa umanong terorista [maling
paggamit].
// Isang inakusahang terorista [maling paggamit] ang natagpuang patay
sa loob ng kanyang tirahan Lunes nang madaling araw. Isang bala
ng baril sa ulo at apatnapung saksak ang tinamo ng katawan niya.
Siya ay isang “peace consultant.”

102
Ella Jane Hermonio 103

Kasingkahulugan: pasista, rehimen, pulis, militar

Kasalungat: aktibista, karapatang pantao, kapayapaan

Tingnan din:
Pulitika — mula ang kapangyarihan sa mamamayan; pero may
naghahari-harian
Tákot — huwag magpasindak

PRANGKISA

prang•kí•sa pangngalan

: Karapatan o lisensiya na iginagawad sa isang tao o grupo upang lumikha


ng serbisyo

: [Batas] Pribilehiyong ibinibigay ng Kongreso—sa pamamagitan ng isang


batas—sa isang kumpanya upang mapayagang magpatakbo ng negosyo at
serbisyong pangtelekomunikasyon

Halimbawa:

// Ipinangako ng mga mambabatas ang patas na pagdinig sa prangkisa


ng kumpanya.
// Nagagamit din pala ang prangkisa bilang panggilit ng leeg.
// Matapos ibasura ng Kongreso ang prangkisa, nawalan ng trabaho
ang libo-libong manggagawa, lalo na sa mga probinsiya.
// Ang prangkisa ay isang maruming basahang pambusal sa bibig.
// Naglaway ang mga buwitre sa naghihingalong prangkisa.
// Nilapá ng mga tutá ang prangkisa.
// Naghugas-kamay ang pangulo sa isyu ng prangkisa ng kaaway niya.
// Kapag hindi sumunod, prangkisa ang multa.
// Binigyan ng prangkisa ang taumbayan ng tatlumpung-araw na
taning upang magluksa at magpaalam.
// Dahil sa ibinasurang prangkisa, mag-aalsa ang masa.
104 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Kasingkahulugan: kabuhayan, pribilehiyo, tali sa leeg

Kasalungat: patas, obhetibo, makatao

Tingnan din:
Karapatan — dapat ibinibigay nang walang kundisyon; pero
ninanakaw
Buwaya — sila

PUGOT

pú•got pandiwa

[ pinugutan; pinupugutan; pupugutan ]

: Ang pagtanggal o paghiwalay ng ulo mula sa katawan

pu•gót pang-uri

: Katawang natanggalan ng ulo; Ulong tinanggal mula sa katawan

Halimbawa:

// Matapos siyang pugutan, nadiskubreng wala pala talaga siyang


gulugod.
// Ang hirap niyang pugutan, makapal ang leeg at mukha niya.
// Nakanganga, dilát, at umiiyak ang pugót na ulo sa kalsada.
// Nabubusog at nagpapakasásà sa mga pugót na ulo ang aswang na
tuwing gabi lang nagpapakita.
// Naglipana sa umaga ang mga berdugo sa kanto, nag-aabang ng
pupugutan.
// Ipinarada ng berdugo ang maraming pugót na ulong natagpas niya,
mahigpit ang pagsabunot sa mga duguang buhok.
// Ginawaran ng parangal ang berdugong namumugot ng ulo dahil sa
di-matatawarang serbisyo niya sa lipunan at sambayanan.
// May pugót na ulo na naman sa kabilang baranggay.
Ella Jane Hermonio 105

// Bago pugutan ang inakusahang kriminal, ang huling hiling niya ay


isang makatarungang sistema ng hustisya sa bansà.
// Kahit pugót, hindi nakakalimot. Hindi makakalimot.
// Matagal na dapat pinugutan ng ulo ang dispalinghadong
gobyernong ito.

Kasingkahulugan: karumal-dumal, walang habag, nakapangingilabot, baboy

Kasalungat: buhay, mamamayan, mahihirap, katarungan

Tingnan din:

Kamatayan — pagpatid ng paghinga; kahit buhay pa


Berdugo — dapat parusahan; huwag hayaang maghari-harian;
tama na
Patalsikin — ang ulo, puno nitong lahat
Rebyu ng
“Anti-IATField at iba pang dagling rebyu”
Tilde Acuña

P asakalye: Bahagi ang mga piyesa rito sa balak na proyektong


may tentatibong pamagat na Mga Lazadagli sa Shopee, ang
kinahantungan ng problematisasyon ng awtor sa pagturing bilang
“coping mechanism” (o mas malala, “eskapismo”) sa anumang
pagtangkilik ng merch at/o mga bagay na may kinalaman sa
kulturang popular dahil “play” ito o “fun” para sa sarili, imbis na
seryosong “work” para sa sangkatauhan—partikular ang mga
laro (games!), laruan (toys!), anime (cartoons!), at iba pang
komoditi (kakacomputer mo ’yan!). Sa kabila ng di-maitatangging
pagkakagapos ng produksiyon at konsumpsyon sa kapitalismo dahil
ang lahat ng masasakmal ng Kapital ay pinanghihimasukan nito,
sinisikap ng mga sampol na interbensyong textual na nasa set na
ito na maglamat, limitado man (kundi nakapagpapalawak pa nga sa
saklaw at marketisasyon, at kung gayo’y mas malala?), sa interface
mismo ng aktuwal na apps ng konsumerismo (partikular sa Shopee
at Lazada; mas sa una dahil mas gagap ng awtor kahit papaano
ang “gaming” ng sistema ng cashback at coins nito). Maipapalagay
na piyesang “installation” at literal na “site-specific” ang mga
prosang itong aminadong “niche” ang target na mambabasa, lalo
at sumasangguni sa mga partikular na serye; bunsod ng ganitong
mga katangian ng produktong nirerebyu at ng estrukturang
“naglalathala” ng rebyu, nagpasyang panatilihin hangga’t maaari
ang mga screenshot nang halos walang edit (sa imahen man o sa

106
Tilde Acuña 107

texto) at walang anumang dagdag maliban sa pamagat at cropping—


upang magsilbi ring dokumentasyon ng espesipikong mga sandali.
Nagsimula bilang espontaneong pag-aliw sa sarili ang mga “dagling
rebyu,” pero sa kalaunan kinonsiderang isailalim sa kurasyon at
ipinepresenta rito bilang sabayang kritikal at kahit papaano’y
pampanitikang pagsusuri, gaano man ka-indirekta, sa lipunang
Pilipinong sadlak pa rin ngayon hindi lang sa pandemya kundi sa
patindi nang patinding pasismo at karahasang tema rin ng mga
palabas na pinaghalawan ng mga aytem na binibili, binebenta,
at pinoproblema ng awtor-antolohista. Upang maisakatuparan
at mapalampas pa sa fanbase ang kritikal na interbensiyong ito,
idinagdag sa dulo ang “rebyu ng mga dagling rebyu” na introduksiyon
at gabay sa ’ika nga’y “uninitiated.” Mga talang pansarili na rin ito,
subalit ibinabahagi rito sa pagbabaka-sakaling hinggil din ang
mga personal na reklamo sa mga ekonomiko-politikal na mga
kaganapang pambansa ang saklaw.
108 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Les Enfants Terribles:


Sinanju Stein atbp
Tilde Acuña 109

Packed shirt: Voltes V atbp


110 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Unbox, unfold:
Gouf atbp
Tilde Acuña 111

Unbox, unfold:
Gouf atbp
112 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Spiral: Gurren Lagann


Tilde Acuña 113

IATField: Eva Unit-02


114 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

The NERV:
Eva Unit-01
Tilde Acuña 115

Anti-IATField:
Eva Unit-00
116 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Rebyu ng mga dagling rebyu


(Tala: Lahat ng mga hyperlink ay tungo sa mga artikulo sa tabloid na Abante
TNT)

Les Enfantes Terribles at introduksyon sa ilang linya ng Bandai.


Ayon sa “Ejercito sa korapsyon sa PhilHealth: Mga hayop!”:

Noong Martes [Agosto 4], binunyag ng nagbitiw na dating


PhilHealth anti-fraud legal officer na si Atty. Thorsson Montes
Keith na halos P15 bilyon ang napunta sa bulsa ng tinawag niyang
‘mafia’ sa ahensiya.

Ilang Bandai model kits ang mabibili ng 15B? Ilang gadget para
sa online classes? Ano pa bang ibang tumbasan? Sabi ng post sa
IG, labing-isang araw raw ang sangmilyong segundo at tatlumpu’t
dalawang taon ang sambilyon. Baka nga hindi na model kit kundi
aktuwal na Gundam na ang makomisyon upang ipagtanggol ang
ating teritoryo. Tinatawag na “candy toys” ang linyang FW Gundam
Converge (FWGC). Baka raw para makabawas ng tax dahil Bandai
gum ang ibinebenta at “freebie” lang ang FWGC kits. SD o “super-
deformed” ang mga ito; ibig sabihin, mas malaki ang ulo kaysa
katawan: pormula ng proporsyong “cute.” FGWC lang ang mula sa
uniberso ng Gundam na nasa set ng mga rebyung ito, dahil nasa
ibang set ang mas sikat na mga linya ng Bandai: SDCS (SD cross
silhouette) na mas malaki kaysa FWGC, High Grade (HG) 1/144
scale, Real Grade (RG) 1/144, Non-Grade (NG) 1/100, at Master
Grade (MG) 1/100; hindi tulad ng FWGC na halos handa na para
i-display matapos bilihin dahil halos buo na, lahat ng nabanggit
na scaled model kit ay kailangan i-assemble. Humigit-kumulang
lima lang ang bahagi ng buong FGWC (parang pagluto at pagkain
ng adobo o sinigang upang ipamalas ang Pinoy pride), at daan
hanggang libo ang bahaging bumubuo sa scaled model kit (parang
masalimuot na destruksiyon-konstruksiyon ng nasyong Pilipino).
Tilde Acuña 117

Packed shirt at mga dambuhalang pinaliit. Ayon sa “‘Sinas’


dumalo sa grand mañanita”:

Tinawag na ‘grand mañanita’ ang protesta ngayong Biyernes


[Hunyo 12] bilang pagpitik sa nangyaring mass gathering sa
kaarawan ni [Debold] Sinas, ngunit nakaupo pa rin ito ngayon sa
pwesto bilang Metro Manila police chief habang may mga kasong
nakasampa laban dito.

May Voltes V cake ang mahiyaing hepe ng pulisya, at kumalat


ang mga litrato sa social media. Pina-ban naman ni Marcos ang
Voltes V sa ilalim ng Martial Law niya. Interesanteng ang ipinalagay
ng ilang akademikong batang ’90s bilang “Asian pride” ng pasistang
emperyong Hapon noong kontra kasamaang Kanluranin (blonde
ang antagonistang emperyong Boazanian) ay binasa noon ng
pasistang rehimeng kayumanggi bilang pagtuligsa sa diktadura niya.
Identity politics. May ganitong tema rin, bagama’t hindi estriktong
“super robot” ang Ultraman na sikat din noong ’90s at ang di-pa-
tapos ngayong Attack on Titan. May kakanyahan ang mga palabas na
ito pero komon sa naratibo ng tatlo ang pagkakaroon ng bantang
“external” habang nireresolba ang mga kontradiksiyong internal
na nakakaapekto sa pakikihamok sa mga mapanghimasok na
Boazanian, Kaiju, o Titan. Kaya na iyang i-kunek. Naikukunek talaga
ang hindi naman kunektadong dots dahil ang Voltes V, Ultraman,
Attack on Titan, at Gundam (itong huli ay iba-iba pa ang timeline)
ay nagtatagpo sa shelf o kuwarto ng konsyumer o kulektor, gayong
magkakahiwalay ang diegetiko nilang daigdig.
Unpack, unfold at introduksiyon sa ilang linya at timeline ng
Bandai. Ayon sa “Doctor group: Itigil na Duterte-style lockdown”:

Saad ng grupong Second Opinion, nararapat na ‘medical


quarantine’ ang ipatupad sa bansa, kung saan ang medical
community ang mamumuno kung saan may klarong health goal.
118 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Simplehan natin: May silbi (dapat) ang bawat propesyon. Taga-


aresto ng kriminal ang pulis (pagtiyak sa internal at kaayusang
pambansa), taga-depensa ang sundalo (pagtiyak sa external at
soberanya), taga-gamot ng maysakit ang doktor. Iba sa atin.
Makailang-ulit na nating nabalitaang may konsiderasyon ang
pulis sa mayayamang kriminal, may pangangatwiran ang sundalo
sa pandarambong ng mga dayuhang korporasyon sa likas nating
yaman, may ilang MDDS na gumagamit ng mga terminong medikal
para manlito imbis na maglinaw. May kakanyahan din ang linya ng
bawat model kit kaya may inaasahan sa mga ito. Parehong 1/144
scale ang HG at RG, pero mas pirmi (stable) at mura ang una kaysa
sa huling maselan (fragile) at mahal. Bagama’t parehong 1/100 scale
ang NG at MG, api ang una dahil ipinapalagay na pinalaking HG
lang itong may “weight issues” kaya problema nito ang stability
balang-araw; samantala, matibay at detalyado ang MG, pero
minsa’y nasasapawan pa rin ng RG kung ganda ng anyo (inner
frame at outer surface detail) ang usapin. Baka nga mas komplikado
pa ang kategorisasyon ng mga model kit kaysa hanggahan ng mga
propesyon. Kung bakit ba ang solusyong absoluto ng rehimen
maging sa suliraning medikal ay militar? Isang crossover na
hindi kailangan lalo at hindi nga crossover, kundi mas takeover.
Bukod sa linya (SD, HG, RG, NG, MG), iba’t iba rin ang timeline
ng unibersong Gundam. Kahit pinaka-dominante at -mahaba ang
klasikong timeline ng Universal Century (mas maraming serye
kaya mas maraming model kit), hindi ito nanghihimasok sa ibang
timeline—bagama’t, tulad ng nabanggit, nagtatagpo ang mga ito sa
realidad ng kulektor.
Spiral at mga pagkakaiba. Ayon sa “Labi ni Randy Echanis
sapilitang kinuha ng pulis—balo”:

Bandang alas-onse ng gabi, lahad ni Erlinda, higit 10 tauhan ng


La Loma pulis ang puwersahang kinuha ang bangkay, na ibabalik
Tilde Acuña 119

umano sa Pink Petal Funeral Homes sa La Loma, Quezon City sa


ilalim ng police custody.

Ma-red-tag man, kailangang panindigang nasa magkabilang


dulo at antagonistiko ang pasismo sa komunismo—kahit ilang ulit
ipagpapareho ito ng ilang liberal at sosyal-demokrata. Sa A Rustling
of Leaves (1988), pelikula ni Nettie Wild, matingkad ang pagkakaiba
ng hukumang bayan sa mga sonang gerilya sa Korte Suprema ng
Pilipinas; ilang sanggunian pa ang makapagpapakita sa makataong
turing ng mga NPA sa combatant na naging POW o prisoner-of-
war. Taliwas sa makahayop na trato ng mga puwersa ng estado sa
non-combatant, tulad ni Echanis. Kauna-unawa ang kalituhan dahil
hindi lang mga dilawan (hindi imbento ng DDS ang dilawan; totoong
nariyan pa sila), maging mga pasista tulad ni Hitler, Marcos, at
Duterte ay nananawagan ng “rebolusyon” upang bigyang-katwiran
ang kanilang diktadura. Baka mas magkapareho pa ang liberalismo
at pasismo, tulad ng Shopee at Lazada—na sa surface o interface
lang magkaiba. Mahirap itumbas ang mga ismo sa mga shopping
app. Pansinin sa rebyung dagling sa itaas na walang petsa sa Lazada
(imbis na Agosto 13, durasyon ang nakadeklara: “5 hours ago”) at
maaaring magkomento ang ibang mamimili; walang interaksiyon sa
kapwa mamimili sa Shopee, pero mas mapagbigay ang cashback at
coins system nito. Mas liberal ba ang Lazada? Pasista ang Shopee?
O both, Satanas?
IATField at dagdag pang pagkakaiba. Ayon sa “Metro Manila
may unified curfew na—IATF spox”:

Mula alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng umaga ang


unified curfew sa Metro Manila. Sabi ito sa CNN Philippines ni
Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases
spokesperson Harry Roque ngayong Miyerkoles. Ngayong araw,
Agosto 19, epektibo na ang pagluluwag ng quarantine status sa
Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
120 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Baka nakakalito tulad ng HG, RG, NG, at MG ang GCQ,


MECQ, atbp. pero iisa ang layunin. Kung nais makabenta ng
Bandai sa pinakamaraming tagakonsumo upang makapagpatuloy
ang kumikitang kabuhayan, nais naman ng pasistang rehimen
na makalusot at makapandambong pa nang “mapayapa” habang
marahas na hinahadlangan ang nakikinitang mga puwersang
kokontra—ang dinarambong nilang mamamayan. May AT (absolute
terror) Field ang mga anghel na antagonista sa Neon Genesis
Evangelion (NGE), at ang NX Edge Style (isa uling linya ng Bandai)
na Eva-02 na ito ay may ganoong effect part. Spoiler na hindi lang
anghel kundi bawat nilalang, ayon sa NGE, ay may AT Field na
makakansela at o mapaguguho lang ng mas malakas na AT Field o
ng konsentradong enerhiya tulad ng positron cannon at sandatang
espesyal tulad ng sibat ni Longinus.
The NERV at pagkakagiba. Wala nang tangkang sumangguni
dito ng artikulo sa tabloid at sa huling aytem. Ginasgas na rin ang
mga pun na mahahalaw sa “course pack” dahil nirerebisa ko itong
piyesa habang nagrerebisa at nagdadraft ng course pack—pero dahil
eskapismong walang tunay na kawala ang piyesang ito, naiuugnay
pa rin sa lipunang Pilipino lalo na dahil sa pagpapa-Satanas sa
Shopee, dalawang ulit lamang akong nabigo: (1) sa pagbili ng face
mask (pambata ang ipinadala); at (2) ng bootleg kit (kulang ng
mga bahagi). Sa parehong pagkakataon, alam ko nang sugal dahil
ayon sa ilang rebyu, “wrong” o “damaged” ang aytem. Iilan ang
mga 1-star rebyung itong masasapawan ng libong 5-star rebyu ng
seller. Krisis ng seller na “lehitimo”, lumalaki ang ulo, kaya mababa
ang “response rate” at astang celebrity. Sa parehong pagkakataon,
mahirap hindi isiping opisyal ba ng gobyerno ang kausap, dahil iba
sa itinatanong ang isinasagot—with impunity. Saktong E1 runner
ang kulang sa third-party Eva-01 at may reperensiya ang NERV sa
NGE (mangyaring i-google pero hindi garantisadong nakakatawa
ang joke).
Tilde Acuña 121

Anti-IATField at separasyon. Kung sa “cancel culture” isyu kung


gusto mo ang akda ng gagong awtor, dito baka usapin kung hindi
benta sa iyo ang naratibo at ideolohikal kung-ano-ano ng serye
pero binibili ang mga model kit? Sinikap kong panoorin ang ilang
seryeng Gundam (mas popular ang mga ito kaya mas maraming
merch), pero kundi nakakaantok, nakakaasar ang wala-sa-lugar
na angas ng mga bidang pilotong tagapagpaganap ng ambisyong
mala-imperyalista. Laging may dikotomiya ng mga “nababagahe
ng grabedad,” ’ika nga ng Neo Zeon na nagrerebelde kontra Earth
Federation na sentral na namamahala mula sa Mundo; kumbaga
spacenoids vs. earthnoids na tila, simplistiko mang pahayag,
pasismo vs. neoliberalismo—na para bang iyon lang ang pagpipilian.
Pula ang kulay ng antagonistang Char Aznable at “Sieg Zeon!” ang
chant; epitomiya ng kalayaan ang mga piloto ng bidang Gundam.
Eva-00 ang huling aytem, pero reperensiya sa Gurren Lagann
ang kongklusyon ng set. Wakasan natin sa trivia (na mala-spoiler,
so heto: alert) bilang pagpupugay sa pinakapaboritong seryeng
mecha na siya ring pinakamasaya (masyadong seryoso ang mga
unibersong Gundam at NGE) at pinaka-hebigat: dalawampung
metro ang average na taas ng mga mobile suite sa unibersong
Gundam, apatnapu ang Eva sa TV, at walumpu sa sinematikong
bersiyon. Ang Tengen Toppa Gurren Lagann? Mga sampung libong
light years lang naman kaya may grabedad.
Locking down Lumad Education:
Schools under Attack amid a Pandemic
Save Our Schools Network

The struggle for land and life

F or the indigenous peoples of the Philippines, education is an


instrument of liberation, one that has always been withheld from
them by the state. The alternative tribal schools of the Mindanaoan
Lumad reclaim this democratic right. What began as basic literacy
and numeracy learning centers evolved into a movement for the
ancestral land now under siege amid a worsening health crisis.
Comprised of eighteen non-Muslim ethnic groups in Mindanao,
the Lumad spearheaded the cultivation of such schools into
full-fledged institutions that reshape “mainstream” government-
sanctioned education through an indigenous framework, which
espouses nationalism, scientific criticality, and a strong community-
orientation. To put simply, their school curricula, pulling together
academics, agriculture, and health education, proudly contribute
to the indigenous movement for self-determination over their
yutang kabilin (ancestral land).
Before, only one out of ten Lumad children knew how to read,
write, and count. This made way for corporations, in collaboration
with state agencies, to trick elders and leaders into signing contracts
that vend parcels of the ancestral domain, purportedly protected
by the state’s Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA). To combat the
alarming incidence of illiteracy and its dangerous consequences,

122
Save Our Schools Network 123

religious groups, along with human rights organizations and IP


advocates, built community schools where Lumad people of all
ages could learn. Soon, the communities helmed their continued
establishment and development and, by the late 1990s and early
2000s, worked toward the legal recognition of alternative tribal
schools.
Contrary to allegations made by certain state agencies that
Lumad schools teach its students rebellion, academic subjects
in these schools, in fact, follow the prescribed basic education
curricula mandated by the Department of Education (DepEd).
Teachers and students, however, creatively reimagine traditional
pedagogical practices and learning outcomes to express and
respond to the needs of their tribes, communities, and movement.
Through this model, indigenous lifeways, ecological knowledge,
and community organizing are syncretized as foundations of
knowledge production.

Teaching without schools

“Magbubukas na ng klase whatever form it is,” insisted DepEd


Secretary Leonor “Liling” Brionoes. Teachers, parents, and students
worried about the inaccessibility of online learning facilities such
as WiFi routers, laptops, and printers for themselves and many
families in impoverished communities and far-off reaches in the
country, and until now, the education sector is scrambling to find
a stable internet connection—whether it be atop a mountain or in
the next barrio—just to conduct or attend classes.
Lumad schools face a different problem. We are running out
of schools to teach. A few months into what becomes the longest
pandemic lockdown in the world, DepEd ordered the closure of
the Community Technical College of Southeastern Mindanao, Inc.
(CTCSM), adding to the 163 Lumad school campuses shut down in
124 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

the last four years of President Rodrigo Duterte’s ruthless crusade


against marginalized peoples.
Given the Lumad’s staunch pro-environmental commitment to
defend their yutang kabilin, they have become targets of violence.
“Umalis kayo diyan. Sabihin ko diyan sa mga Lumad ngayon, umalis
kayo diyan. Bobombahan ko ‘yan. Isali ko ‘yang mga istruktura
ninyo,” [Leave. I’m telling those in the Lumad schools now, get
out. I’ll bomb you. I’ll include your structures] Duterte announced
publicly, peddling a pernicious lie that Lumad schools are teaching
students to rebel. Indeed, they do—that is, if defending their homes,
protecting the local ecology, and struggling for the continuity of
their tribes’ bloodlines be tagged as “rebellion.”
Since their inception, the operation of these schools has already
been continuously disrupted by such violence. The Duterte regime
saw the fulfillment of the dictator’s orders. We in the Save Our
Schools Network—a campaign alliance for the right to education
of indigenous Lumad children—have collected data and narratives
detailing the rising number of attacks, child rights violations,
and the use of schools for military purposes that have effectively
denied and continues to deny education from almost 4,000 Lumad
children. These attacks forcibly evacuate Lumad communities out
of their ancestral domains.
According to our data from 2019, around 13,000 indigenous
persons have been harassed, intimidated, and threatened due
to military encampments in their communities and schools as
of July 2019, and 2,350 have been hurt and displaced by aerial
bombardment while 930 have fallen victim to indiscriminate
strafing in the countryside. In 2019, DepEd formally shut down fifty-
five Lumad schools in Davao, citing the schools’ “noncompliance”
with the technical requirements of the Department, an excuse the
agency seems to have missed when they openly and gladly granted
the tribal schools legality more than a decade ago.
Save Our Schools Network 125

Attacks amid a pandemic

Worsened by draconic “health” measures, the coronavirus


pandemic has only levied a bigger burden on indigenous peoples.
The health crisis became an excuse to galvanize the crusade to
snuff out the thriving Lumad schools in Mindanao.
During the Enhanced Community Quarantine (ECQ) imposed
by the Philippine government, Lumad communities have been
constricted by haphazard policies that limit movement, thus
disrupting their lifeways. Securing food and other basic necessities
has become a challenge. This has been an especially difficult time
for schools that have already been militarized pre-pandemic and
those which are in evacuation. Worse is that the state does not
seem to care about the welfare of the evacuees and is, in fact, using
the pandemic to force the Lumad to return to their still militarized
ancestral lands, keeping them in line. The following are some
cases of human rights violations recorded by the Save Our Schools
Network amid the COVID-19 pandemic.
March 2020. Without shame, government agencies and
military elements have instigated attacks right at the onset of
the lockdown across the Philippines. On March 15, members of
Tinananon Kulamanon Lumadnong Panaghiusa (TIKULPA), a local
lumad organization, were forced and summoned by the military
who initially pretended they were officials of DSWD. After their
arrival, the DSWD denied that they were being called. The military
then escorted them as they exited the office and brought them to
the main camp of 19th Infantry Battalion of the Philippine Army
(IBPA) near the municipal hall of Arakan, North Cotabato Province.
The soldiers forcefully took videos and photos of them branding
them as “rebel surrenderees.” Since then until April 1, scores of
parents, students, and former students of CTCSM were rounded
up in a military camp in Nabunturan, Davao de Oro. At least three
126 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

students and two parents were forced to record scripted videos,


claiming teachers taught them to handle firearms and other lies.
The said videos were later posted on social media.
Only a few days later, the family of a former Salugpongan
teacher, composed of four people, was taken by Bagani Forces, a
local paramilitary group in Arakan, North Cotabato, to the same
military detachment in Sitio Upper Napanlahan, Poblacion Arakan,
North Cotabato.
April 2020. CTCSM faced more attacks in the next month.
There were three soldiers in full battle gear from the 71st Infantry
Battalion who trespassed and entered the school farm of CTCSM
on March 31. On April 5, a student of CTCSM, along with his parent,
was illegally accosted at a COVID checkpoint by policemen and
military elements while he and his mother were on board a vehicle
owned by their barangay council. They were brought to a nearby
police station and interrogated for six hours; they were threatened
not to reenroll in any Lumad school for the upcoming school year.
Moreover, on April 18, Manobo adults from Sitio Laslasakan
were brought to Sitio Nasilaban, Barangay Palma Gil, Talaingod,
and were coerced and labelled as rebel surrenderees. A total of
seventeen individuals from the said community are victims of
forced and fake surrenders after soldiers encamped and stayed
there since April 1, 2020.
The red-tagging and malicious labelling as rebel surrenderees
persisted despite the clamor of the public against poor government
measures in handling the pandemic. The new Literacy-Numeracy
Coordinator of Rural Missionaries of the Philippines—Northern
Mindanao Region (RMP-NMR) Reywynx Morgado received a
subpoena on April 22 from Tandag City Office of the Provincial
Prosecutor for trumped-up charges of murder along with several
individuals, which led to their false branding as rebels.
Save Our Schools Network 127

For the rest of April, these operations extended to other schools.


Several graduates of CTCSM were threatened by men identified
to be part of the Armed Forces of the Philippines (AFP) in their
different households on April 25. From April 29 to 30, forced and
fake mass surrender of parents and teachers of Tri Farmers Program
for Community Development (TFPCDI) lumad school in Arakan,
North Cotabato.
May 2020. Despite recent protests against Duterte’s draconic
responses to the health crisis, the onslaught against tribal schools
and communities in the countryside did not falter. On May 1, Ramel
Miguel, a former Lumad teacher, and his mother was interrogated
and harassed. His mother was brought to the detachment and only
returned home a day after the family filed a police blotter report
along with few local officials. Besides teachers, parents are also a
target as what happened on May 5. A member of the parents and
teachers association reported that soldiers aerially bombed a forest
cover in Sitio Balukangon, Brgy. Pange, Siayan, Zamboanga del
Sur. A wide area of forest cover / ancestral land of Subanen were
burned as a result.
On May 6, dangerous disinformation hit social media
instigated by none other than the Department of Social Welfare
and Development, a government agency that purports to help
the unfortunate. DSWD personnel tried to fetch a fifteen-year-
old student—“Irish,” she was called—as allegedly requested by her
parents who live in Makilala. The school intervened and requested
for the parents to come as to verify they are the ones who made
the request. It was later learned that there was coercion from the
39th IPBA, as their page announced they “rescued” Irish from the
progressive school, tagging her as a “child at risk” as part of their
black propaganda against the Lumad movement.
Military attacks and operations continued to disrupt peace as
the days went by. On May 10, a Sunday, ten students of the Mindanao
128 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Interfaith Services Foundation, Inc. (MISFI) were rounded up and


brought to a daycare center in Barangay New Caridad in Tulunan,
North Cotabato. The students, all minors, were left to the care of
a person who introduced himself as “Bryan” and a member for
the National Taskforce to End Local Communist Armed Conflict
(NTF-ELCAC). This “Bryan” told the students that he obtained
their names and addresses from a list of Lumad school students but
decided not to elaborate further. “Bryan” and his team took videos
and photos of these children and gave out a “test” on what they
are learning in school by making them sing the national anthem
and list down national heroes and other general information.
They were released after two hours of this interrogation and were
warned they might be invited again along with other students. The
said men also claimed that they were responsible for the supposed
“rescue” of Irish from MISFI, only furthering their crime against
minors and indigenous peoples.
Instead of channeling funds to medical and relief services, the
month witnessed to how Duterte prioritizes terrorism over his
people’s health. On May 12, at around 3 a.m., two bomber planes
flew above Diatagon, Lianga, Surigao del Sur, and dropped four
bombs. At the same time, five cannons exploded in the same
direction. A drone helicopter flew above the area of Diatagon,
Lianga, Surigao del Sur, from May 12 to 16. On the last day, a military
chopper dropped pamphlets wrapped in plastic, propaganda for
the IPs to leave the mountains and save themselves from COVID,
in the community of Diatagon, Lianga, Surigao del Sur and in
the Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood
Development (ALCADEV).
Attacks continued throughout May on different fronts. On
May 16, Maricres Pagaran, project coordinator of ALCADEV, was
red-tagged in a post of a Facebook page “Kamatuoran.” In that
post, her picture was posted and she was tagged as a communist
Save Our Schools Network 129

recruiter. At that time, around thirty-five students and teachers


of CTCSM, a community school in Davao de Oro, were forced to
leave their campus by armed military, police, paramilitary forces,
and representatives from the provincial government unit under
Governor Tyrone Uy. Two days after, two men barged into the
quarantine facility housing the thirty-five students rescued after
being stranded in CTCSM in Davao de Oro.
Around forty military and Philippine National Police (PNP)
troops in full battle gear arrived in the Lumad communities of Km.
16 and Han-ayan in Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur, on May
19. The next day, several proceeded to enter the school grounds of
the Han-ayan Learning Center run by the Tribal Filipino Program
of Surigao del Sur (TRIFPSS) and ALCADEV and took pictures
and videos. Eric Enriquez, a resident of Km. 16, was arrested in the
morning of the same day by PNP-Lianga personnel.
June 2020. On June 12, Mongkel Tacalan, sixty-six years old,
visited the MISFI Academy in Brgy. Kisante, Makilala in North
Cotabato to fetch his sons aged seventeen and nineteen in light of
the lifting of the community quarantine in the Sangani province.
MISFI Academy teachers noted that four police officers escorted
Tacalan aboard a mobile police vehicle, manned by three other
men. One of them was identified to be from the 73rd Alpha
Company of the AFP.
Weeks later, on July 17, media in North Cotabato informed
the SOS Network that the two Lumad students and their father
were being held inside the 39th IBPA camp after they were taken
by the police. We fear that they are being intimidated, threatened
or, worse, tortured and forced to appear in videos that discredit
Lumad schools, same with the previous cases in May.
July 2020. The month of July saw the continued failure of
the government in handling the pandemic as Duterte’s efforts are
directed, it seems, to maligning and violating Lumad communities.
130 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

The return of military presence in some communities arose later


into the pandemic. On July 14, soldiers marched to Lianga, Surigao
del Sur, to threaten teachers and students regarding the closure
of ALCADEV and TRIFPS schools. Teachers were also threatened
with imprisonment should they continue teaching indigenous
youth.
Conditions at Lianga took a turn for the worse a few days
after. At least thirty-seven Lumad families from Sitio Panukmoan
and Decoy in Diatagon, Lianga, Surigao del Sur, evacuated to
a neighboring community after the bomber planes of the AFP
dropped eight bombs near their community at 2:00 a.m. on July
15. Residents, especially the children and elders, were gravely
traumatized by the incident. They were still sleeping during when
the bombing happened. According to them, they started to hear at
least four helicopters, two bomber planes, and two drones hovering
around their area as early as 1:00 a.m. Aerial attacks restarted in
Lianga since July 8 when the AFP also dropped bombs in nearby
town of Tago. On July 9, gunshots from military choppers were also
heard.
These attacks happened during a community quarantine, which
guaranteed the safety of civilians, and during the government’s
unilateral ceasefire declaration with the New People’s Army (NPA).
However, the belligerent state continues to ignore the pleas of
the people for access to resources and the right to safety. Instead
of helping the people, particularly the already marginalized
indigenous peoples, Duterte directs his regime’s efforts at a fruitless
witch hunt for rebels, involving and harming innocent students.

Pangiyak ki!

To continue the schooling of the Lumad youth, communities,


parents, teachers, and advocates mounted the bakwit school,
a makeshift and mobile learning environment. To “bakwit” is
Save Our Schools Network 131

not merely to evacuate, to cope, or to survive; it means “to fight


another day.” More than 3,000 Lumad students disenfranchised by
militarization study in these refuge classrooms in Metro Manila
and other urban centers. This allows them to expose and protest
the situation of alternative tribal schools in Mindanao.
Under the Save Our Schools Network, churches, seminaries,
universities, and colleges opened their doors to the transient
bakwit school. From 2017 to 2018, and from April 2019 until today,
around 700 Lumad students, teachers, and parents from all over
Mindanao have already travelled to Manila, mostly by land, to
seek justice for human rights violations in the form of attacks
against schools, communities, ancestral land, and resources. The
evacuation centers in UCCP Haran Center in Davao City and at
the Tandag Sports Complex in Surigao del Sur also house bakwit
schools to let the Lumad continue their studies.
Locked down by a bloodthirsty regime, the bakwit schools
serve as the incubator of the Lumad youth’s dreams to finish their
education amid a pandemic.
Constant dialogue with government units and organizations and
other forms of militant engagements such as protest actions have
been and will be held when possible—following minimum health
standards, of course. Lumad schools included in their political
campaigns issues faced by other sectors, such as the recent passage
of the dangerous Anti-Terrorism Act of 2020 in the Philippines,
whose provisions render the Lumad, being environmental and
human rights defenders, as targets of worse state hostility.
Evacuees in bakwit schools, who cannot go home in Mindanao
both because of militarization and the community quarantines
across the country, have been involved in activities in the recent
months that contribute to their welfare as indigenous students and
to their public campaign in general.
132 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Donation drives. Faced with the difficulty of securing basic


necessities, the Save Our Schools Network has been organizing
donation drives to sustain the operations of bakwit schools. For the
first few months of the pandemic, the drives focused on vegetables,
fruits, rice, and other healthy food for the evacuees. Toiletries,
first aid, and medical kits were also solicited both from drives and
institutions and public offices willing to donate. Since July, we have
also been encouraging the donation of entertainment, educational,
and hobby materials like books and musical instruments to help
the children cope with the extraordinary times.
Remedial classes. Before the pandemic hit the Philippines, we
had been busy preparing for the moving up ceremonies in Lumad
schools and the first ever graduation of Senior high School students
in the bakwit schools. All efforts turned out to be for naught when
Duterte called for a nationwide lockdown, barring students from
finishing the school year and finally going home to the communities
they hope to serve once they finish their studies.
Given that the school year has ended and that volunteer
teachers cannot enter the school premises of the bakwit schools,
remedial classes on literacy and numeracy and intermediate
reading comprehension were conducted so that the students could
enter the next school year all at the same level. Older students,
mostly at the senior high school level, are also assigned to assist
younger learners in book reading and subject review activities.
Extracurricular activities. The environment of isolation and
the constant news about their families and communities being
harassed have posed big challenges to the mental health and welfare
of many of the students. Different activities that cultivate skills
and hobbies were conducted not only to “distract” the children
from emotionally taxing dangers outside the school but also to
provide them temporary comfort. These include intramurals-like
sports events, beadwork, art-related activities such as drawing and
Save Our Schools Network 133

painting, and learning musical instruments. Internet connection in


the bakwit allows for some of the children to contact their parents
in Mindanao too.
Psychosocial support. Some students suffered a more alarming
deterioration of their mental and emotional health. Their anxieties
are mostly directed at the safety of their families and communities,
the possibility of going home, and the upcoming school year. To
address this, psychosocial support from allied health and children’s
welfare organizations were conducted, equipping children with the
psychosocial knowledge to help themselves and their schoolmates.
Alliance work. Besides psychosocial support, the organizations
within and outside the Save Our Schools Network engaged in
manifold varied activities that seek to cull donations. These include
free film screenings and arts and craft commissions. Students and
youth formations also volunteered for the Network, providing
writing and graphic design services for the campaigns of the bakwit
schools.
Fighting for land and life. If critical indigenous education is
seen as a threat to autocracy, then the pandemic and its consequent
death toll must be a blessing to Duterte. Despite the numerous
attacks committed by a bellicose state, with the AFP, PNP, DepEd,
and even DSWD, Lumad refugees in the bakwit school continue
to protest human rights violations by virtue of continuing their
education.
The bakwit schools in Metro Manila, Cebu, and Davao are in
strategic locations to encourage the participation of other sectors in
the Lumad’s campaign for self-determination and other democratic
rights, exposing along the way the state’s treachery amid the health
crisis. By learning what has been withheld from their ancestors in
the preceding decades, they are arming themselves with weapons
for their own liberation.
Kung Bakit Kailangang Magkuwento ng
Manggagamot
Ronnie E. Baticulon

N aghahanda na akong matulog noong mag-ring ang aking


cellphone. Katatapos ko lang mapanood ang huling kabanata
ng sinusubaybayan kong teleserye sa Netflix tungkol sa isang
pamilya ng mga superhero. Nakapatay na ang telebisyon at madilim
na ang sala, kaya’t mas lalong nakasisilaw ang tumitibok na liwanag
ng cellphone. Isang nurse sa Philippine General Hospital ang
tumatawag. Bago ko pa man siya sagutin, masama na ang kutob ko.
Hindi kailanman naghahatid ng mabuting balita ang mga tawag sa
doktor tuwing maghahatinggabi.
“Sir . . .”
Humihikbi ang tinig sa kabilang linya. Garalgal ang boses niya,
subalit sapat na ang karugtong na mga kataga upang patotohanan
ang aking hinala.
“. . . nag-positive ako.”
Gusto kong sabihing nagulat pa rin ako nang kahit bahagya.
Gusto kong maniwalang hindi pa ako manhid sa usaping ganito
at kaya ko pa ring makaramdam ng pagtataka o panghihinayang.
Pero ang totoo, inasahan ko na ang mga salitang iyon. Ni hindi
niya kinailangang banggitin ang pangalan ng virus o ng impeksyon.
Nitong nakaraang apat na buwan, halos araw-araw akong nag-iikot
sa loob ng PGH; nakaabot na sa akin ang usap-usapang may mga
nagkasakit na health worker sa ward kung saan nakatalaga ang

134
Ronnie E. Baticulon 135

kausap kong nurse. Kulang ang iilang segundo sa pagitan ng pag-


ring at pag-angat ng cellphone upang paghandaan ang pagbuhos ng
mga tanong.
Ano’ng gagawin ko? Bakit ako nahawa, e ang ingat-ingat ko na, Sir?
Doble-doble na nga ako magsuot ng mask. Alam ’yun ng mga kasama ko.
Paano na ang asawa at dalawang anak ko? Paano kung nahawa ko sila?
’Yung panganay ko, Sir, inuubo na. Paalis na dapat ang asawa ko next
month.
Bawat tanong na aking masasagot ay nasusundan ng dalawang
iba pa. At habang pinakikinggan ang pagtangis na tumutuldok sa
mga pangungusap, tinitimbang ko kung kaninong tugon ang mas
kinakailangan niya sa mga sandaling iyon: mula ba sa kaibigan o
mula sa manggagamot? Umayos ako sa aking pagkakaupo sa sofa.
Sumandal upang hindi mangawit ang leeg, likod, at braso. Inilapat
nang maayos ang cellphone sa kanang tainga.
Magsasampung taon na pala kaming magkaibigan ng aking
kausap. Noong nagsasanay pa lang akong maging neurosurgeon, o
kung tawagin ay residente sa ospital, siya at ang iba pa niyang mga
kasamang nurse ang nagpapagaan ng aming trabaho: tagapag-asikaso
ng mga bilin sa pasyente, tagapagbigay ng panakaw na meryenda,
tagagising mula sa pagkakaidlip, tagapagpatawa pagkatapos naming
mapagalitan sa mga kapalpakan. Nang mga panahong iyon, bago
ako tuluyang kumaripas palayo ng ward, hahabulin niya ako ng
“Sirrrr . . .” upang magpapirma ng mga form, mangulit na ilipat ang
mga naghihingalong pasyente sa ICU, o kaya’y mang-asar lang.
“. . . ang aga-aga pa, ang dungis mo na tingnan. Ligo at tulog lang
ang katapat niyan.”
Napakabigat sa loob na ang mga taong pinaghuhugutan ko
noon ng lakas, siya ngayong iginugupo paisa-isa ng hindi nakikitang
kalaban. Ganoon katindi, ganoon kalupit ang COVID-19.
136 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Naubos namin ang isang oras sa cellphone. Inisa-isa ko ang mga


habilin upang maiwasan niyang makahawa ng ibang kamag-anak
nang hindi sinasadya, pati na rin ang mga palatandaang lumalala
ang kanyang kalagayan. Sakaling mangyari ito, nararapat siyang
magtungo sa pinakamalapit na ospital sa kanilang bayan. Binigyan ko
siya ng listahan ng mga teleseryeng pupuwedeng panoorin habang
nagpapalipas ng labing-apat na araw ng quarantine. Nangako rin
akong kukumustahin siya sa umaga at sasagutin ang anumang
karagdagang katanungan. Pakiramdam ko’y hindi siya makakatulog
magdamag. Tinapos namin ang pag-uusap sa pagpapalitan ng
mataimtim na “Ingat.”
Pagbitaw ng cellphone, naalala ko ang pahayag ng senador na
si Cynthia Villar kamakailan, nang tanungin kung sang-ayon ba siya
sa muling pagdedeklara ng Enhanced Community Quarantine o
ECQ sa Metro Manila. Pumapalo na sa apat na libo ang bilang ng
bagong kaso araw-araw at humihiling ng timeout ang nagkakaisang
samahan ng mga manggagamot sa bansa. Ang payo ng bilyonaryong
senadora sa mga health worker ng Pilipinas: pagbutihin raw namin
ang aming trabaho, upang masupil ang pandemya ng COVID-19
nang hindi kinakailangang mag-lockdown muli.
Alam kaya niyang hindi napupuksa ng mga antibiotic ang
coronavirus na ito? Na ang tanging nagagawa ng mga gamot sa
kasalukuyan ay palakasin o suportahan ang resistensiya ng pasyente,
upang malampasan ang implamasyong dulot ng COVID-19 sa iba’t
ibang bahagi ng katawan? Nasubukan na ba niyang magsuot ng PPE
sa loob ng walong oras, nang hindi kumakain, umiinom, o umiihi?
Ibig sabihin ba ng senadora, hindi pinagbutihan ng kaibigan ko ang
kanyang trabaho, kaya’t siya ay dumagdag sa bilang ng mga kaso ng
COVID-19?
Inulan ng nararapat na batikos ang nasabing pahayag, at
ang senadora ay napilitang maglabas ng paliwanag—o palusot—
Ronnie E. Baticulon 137

kinabukasan. Hindi ko na ito pagtutuunan ng pansin, subalit


aaminin kong dahil dito ay napaisip ako:
Ano nga ba ang trabaho ng isang doktor? O para mas malinaw,
ano nga ba ang mga tungkulin ng isang doktor ngayon sa Pilipinas
habang tayo ay nasa kalagitnaan ng pandemya?
Sa University of the Philippines College of Medicine, kung saan
ako nagtapos at ngayo’y isang kawaksing propesor, itinuturo sa amin
ang konsepto ng five-star physician. Ayon dito, ang imahen ng isang
doktor ay hindi dapat ikahon sa loob ng ospital at clinic, bitbit ang
stethoscope, at pusturang-pustura sa white coat na walang mantsa.
Bagkus, ang bawat isa ay hinihikayat na tuparin ang isa o higit pa sa
mga sumusunod:

• Una, manggamot
• Pangalawa, magturo
• Pangatlo, manaliksik
• Pang-apat, mamuno
• At panlima, magtaguyod

Kung iisa-isahin ang mga ito sa panahon ng COVID-19,


nariyan ang mga frontliner na araw-araw binabalutan ng PPE ang
sarili upang maalagaan ang mga pasyenteng maysakit; ang mga
gurong manggagamot na gumugugol ng hindi mabilang na oras sa
paghahanda ng kani-kaniyang online lecture at course pack; ang
mga nananaliksik tungkol sa maaaring lunas sa COVID-19; ang mga
namumuno sa COVID-19 response team sa bawat ospital at rehiyon;
at ang mga nakikipaglaban para sa karapatan ng mga lubhang
naapektuhan ang kabuhayan. Napakahalagang bahagi ng pagsugpo
sa COVID-19 ang malinaw na pagpapaintindi sa publiko kung
paano ito maaaring makahawa, kung ano ang maaaring epekto nito
sa katawan, at kung paano it maiiwasan habang wala pang bakuna.
138 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Ang gawaing ito ay hindi na bago sa aming mga manggagamot. Sa


halip lang na isang pasyente sa loob ng clinic ang kausap, ngayon ay
buong Pilipinas.
Bilang isang manggagamot-manunulat, napagtanto kong sa
lahat din ng aming tungkulin bilang doktor, kinakailangan naming
magkuwento. Halimbawa, sa paglalahad ng mga sintomas at senyales
ng isang pasyente, doon namin nabubuo ang wastong diagnosis. Sa
pagpapaliwanag ng bawat pagtibok at pagdaloy sa katawan, doon
namin naipamamahagi ang kaalaman sa mga mag-aaral na susunod
sa aming yapak. Sa mabusising pagtatagpi-tagpi ng mga ebidensiya
at resulta, doon naman nararating ang tamang kongklusyon sa
mga pag-aaral na naglalayong pahabain ang ating mga buhay.
Sa malinaw na paglalatag ng mga layunin, doon nagsisimula ang
mahusay na pamumuno sa ospital man o komunidad. At huli sa
lahat, sa pakikisalamuha at pakikipagkuwentuhan, doon kami
nakahihikayat ng sama-samang pagkilos.
Mga kuwento ang nagbibigay-daan upang makuha ng
manggagamot, isang estranghero kung tutuusin, ang tiwala ng
kanyang pasyente. Sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng
mga salita—sapat upang makapaghatid ng kaalaman, lambing, at
pag-unawa—nahuhuli ang kiliti at napapawi ang pangamba. Dito
nagsisimula ang paggaling at pagpapagaling. Sa loob ng limang
taong pag-aaral kung paano maging isang mahusay at mabuting
doktor, lahat ay tinuturuan at natututong magkuwento, bagama’t
hindi lahat ay nakapagsusulat. Kasama ito sa tinaguriang tagong
kurikulum ng medisina.
Ngayon, higit kailanman, kinakailangang magkuwento ng
manggagamot, sa panahon ng fake news at anti-terror law, habang
ang mga Pilipino ay patuloy na namamatay sa COVID-19 o pinapatay
nang walang kalaban-laban.
Noong isang araw, pumutok ang balitang labinlimang bilyong
piso ang kinatatakutang nakurakot sa pondo ng PhilHealth. Agad
Ronnie E. Baticulon 139

sumagi sa isip ko ang PDAF scam noong 2013, kung kailan sampung


bilyong piso naman ang ninakaw. Isiniwalat ng mga pahayagan kung
papaanong ginatasan ng mga mambabatas ang kaban ng bayan,
gamit ang mga pekeng non-government organization na siyang
tumanggap ng pondo mula sa kanilang pork barrel. Suot ang puti,
dumagsa ang madla sa Luneta upang magmartsa at magpahayag
ng suklam at galit. Bukod sa pagkakakulong kina Janet Napoles
at Richard Cambe, may nangyari na ba sa iba pang naakusahan?
Matagal nang nakalaya sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at
Bong Revilla. Nanalo pa sa halalan ang huli, gayong sumayaw lang
siya ng budots sa kampanya. Nagmamatigas rin ito; wala siyang
balak ibalik ang 124 milyong ipinapasauli ng Sandiganbayan. Heto
na naman tayo.
Alam kaya ng mga kurakot na opisyal ng PhilHealth kung ilang
pasyente ang nakikiusap sa amin ng “Dok, sa January na lang ako
magpapaopera kasi nagamit ko na ang PhilHealth ko . . .”? Kung sila
kaya ang magpaliwanag sa mga bantay at kapamilya ng “Nanay/
Tatay, hanggang diyan lang po ang coverage ng PhilHealth ninyo.
May pandagdag pa po ba kayo para ipambili ng mga gamot at
ipambayad sa mga lab test?” Nakita na ba nila ang panlulumo sa
mukha ng mga asawa at anak sa sandaling malaman ng mga ito na
hindi approved ang PhilHealth claim dahil lang nagmintis ng isang
buwan ang kontribusyon? Paano na lang ang mga pasyente naming
umaasang makapagpa-admit sa PhilHealth ward dahil iyon lang ang
kaya nilang pag-ipunan para sa mga mahal nila sa buhay? Malaking
tipid iyon sa kanila dahil walang dagdag na singil ang professional
fee.
Sana man lang, makarating sa mga buwaya ang mga kuwentong
ito, para tumatak sa isip nilang hindi lang sila magnanakaw at
mandarambong, kundi mamamatay-tao.
Hindi ito ang panahon para manahimik. Sa pagkukuwento ng
katotohanan, doon lamang mamumulat ang sambayanan sa tunay
140 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

na kalagayan ng ating sistemang pangkalusugan. Patuloy na inuulit-


ulit at ipinapakalat ang salaysay na ang mga Pilipino ay pasaway,
dahilan diumano upang lumobo ang bilang ng mga nagkasakit at
namatay dahil sa COVID-19. Wala na itong ilalayo pa sa katotohanan.
Kahit isang pasyente, walang magsasabi ng “Dok, ginusto ko
kasing magka-COVID.” Pero dahil sa kakulangan sa testing, kawalan
ng contact tracing, at pagpapatupad ng mga patakarang hindi
isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga mahihirap, itinutulak ng
gobyerno ang mga mamamayang Pilipino sa sitwasyon kung saan
kinakailangan nilang mamili araw-araw: kabuhayan o kalusugan.
Kung walang sapat na ayuda, ano pa nga ba ang sasabihin nila
kundi, “Bahala na.”
At sa sandaling sila ay magkasakit, mga health worker ang unang
makikinig sa kanilang mga hinaing: sa gitna ng pagsasalaysay ng
kanilang mga karamdaman, habang sila ay mag-isang nakaratay sa
kama, naghahabol ng hininga, nakikiusap na gawin ang lahat upang
makita at mayakap pang muli ang asawa at mga anak. Masuwerte
pa nga kung agad silang makahanap ng ospital na may bakanteng
ICU o ward. Kulang ang pagsisidlan ng mga kuwento sa araw-araw
na pagsisilbi. Saan dadalhin ang mga ito sakaling hindi palaring
gumaling ang mga maysakit?
Sa totoo lang, sa haba ng panahong kailangan gugulin, sa dami
ng gastos na kailangang pag-ipunan, at sa laki ng sakripisyong
kailangang ibigay, mahirap piliing maging doktor sa Pilipinas
ngayon. At, kapag isa ka nang ganap na doktor, mas lalong mahirap
piliin ang Pilipinas. Pero araw-araw natin siyang pinipili, dahil ang
buhay ng bawat Pilipino ay mahalaga, isang bagay na tila hindi
naiintindihan ng mga kasalukuyang nakaupo sa pamahalaan.
Hindi mo maaaring sabihing “Dalawanlibo  lang  ang namatay sa
COVID.” Dahil dalawanlibong tao iyon. Bawat isa ay nabuhay,
naghanapbuhay, nangarap, nagsikap, minahal, at nagmahal.
Ronnie E. Baticulon 141

Makalipas ang apat na linggo, muli kaming nagkausap ng


kaibigan kong nurse. Tuluyan na siyang gumaling. Nakalipad
paalis ang kanyang asawa, nanatiling malusog ang kanilang mga
anak, at natapos niyang panoorin ang K-drama tungkol sa limang
batang doktor na magkakaibigan at mahilig kumanta. Pinapabalik
na siya sa trabaho, kaya’t naisipan niyang i-message ako upang
tanungin, ano’ng gusto kong pasalubong. Nakalimutan yata niyang
magkababayan kami, pero napangiti ako sa usapang iyon. Maging
ang mga manggagamot, nangangailangan ng mga kuwento ng pag-
asa, gaano man kamunti o kapanandalian.
Mahirap magkuwento nang malungkot, mahirap magkuwento
nang pagod, at lalong mahirap magkuwento habang puno ng galit sa
mga tiwaling opisyal. Pero sa paggamit ng mga salita upang itaguyod
ang pantay-pantay na karapatan ng bawat isa, sa paninindigan natin
sa katapatan at katarungan, doon tayo nabibigyan ng pagkakataong
baguhin ang wakas.
Today’s Headlines: Poems
Christine V. Lao

Today’s headlines

Ostrich

You weren’t supposed to be


jogging where city folk jog.
No one’s property moves freely here
except for lapdogs who yip for Sir.

Mayang simbahan

You weren’t supposed to be


invasive specie but guest
for a season. Phoney friend, unwelcome
pest, at whose behest do you sing?

Collateral damage

You shouldn’t be 5 &


dead. Let’s just pretend you aren’t
like they say the men who shot you did
not need a warrant to enter your home.

Adobo

Big bird is dead. Bitter


we stew in anger & soy
& cane vinegar. Put a lid on
our sweat-soured joy, we bubble over.

142
Christine V. Lao 143

This nation shall be great again.

This native shall be great again.


The candor of encounter suspended in the listing of a generation.

This navigator shall be great again.


The comeliness of emblem suspended in the lining of a garment.

This navy shall be great again.


The command of empire suspended in the likelihood of a garden.

This necessity shall be great again.


The comfort of emus suspended in the lion of a gaze.

This needle shall be great again.


The comment of empiricism suspended in the loss of a gear.

This negligence shall be great again.


The competence of experts suspended in the liver of a goat.

This negotiation shall be great again.


The company of equals suspended by the loan of a granary.

This neighbor shall be great again.


The course of enforcement suspended by the logic of a gimp.

This nerve shall be great again.


The call of ego suspended in the loop of a groove.

This network shall be great again.


The company of earnings suspended by the load of a gesture.

This newcomer shall be great again.


The condition of echo suspended by the lopsided gravestones.
144 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

This nursery shall be great again.


The compassion of egrets suspended by the laws of a goose.

This nut shall be great again.


The comedy of embodiment suspended on the lip of a gun.
Christine V. Lao 145

Corpus delicti

After they shot my uncle and aunt


they drove the SUV down the highway
like it was Sunday, and left it to be found
That’s what the bystanders told me
not the police who already knew
the facts before they happened.

The men said their neighbors all saw what had happened
The women all said they missed my aunt
The children, the dogs, the asphalt knew
who stopped them along the highway.
It’s happened before, they said to me
The bodies were never found.

At the station, they asked what I found


as they handed a report declaring what had happened.
I told them that no one would talk to me
because I looked too much like my aunt
walking up and down the highway
hoping they’d share what they knew.

Why did they care what we knew?


The message was clear: no bodies found
in the SUV stalled by the highway
just bullet holes where uncle might have happened
to sit. They could not forget my aunt
the sound she made when they shot him. Tell me
146 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

did they ask after me


whispered the child who knew
what they did to my aunt’s
body. He did not want to be found.
No. He was not where it happened
not ordered to stand by the highway

to witness her scream travelled the highway


before she was shot they told me she
always asked what happened why why
why did they tell her all that they knew?
I told the police there was nothing I found.
They said I looked just like my aunt.

I left before you’d need to find me


knowing now what my aunt knew
on the highway where it happened.
Sa Simula’y Trahedya, ang Dulo’y Parsa
Valentine Dula

“F irst time kong mawasak nu’ng nag-reunion kami ng mga high


school classmate ko. Dahil ako ang tanggero, ang huli kong
alaala ng gabing ’yun e ito: GranMa sa isang kamay, shot glass sa
kabila, at super slow-mong pag-agos ng alak mula sa bote pababa
sa baso. Puta, para akong nanonood ng science experiment sa
YouTube.” Mabagal na mabagal na nagsalin kunwari ng alak ang mga
kamay niya sa ere. “Sa tingin n’yo, ganito rin siguro kabagal tumayo
si Manong Johnny pagtapos niyang jumebs, ’no?” Nagtawanan ang
audience. “Malas mo kung taeng-tae ka na tapos si Manong Johnny
ang nasa banyo, tumatae nang slow-mo.” Tumawa rin si Juan Ponce
Enrile na nakapuwesto sa mesa ng mga senador. “Just kidding po,
Manong. Alam kong sa edad ninyo ngayon e hindi n’yo na kaya pang
tumayo . . . o umebak . . . dahil isa na kayong ganap na imortal.”
Katapat ni Enrile si Senator Bato dela Rosa na namumula ang
mukha sa katatawa.
Magtatatlong linggo nang nawawala ang anak ng mag-asawang
pinanonood sa sala ang live telecast ng programa sa Malacañang.
Patay ang mga ilaw sa loob ng bahay. Patay rin ang electric fan kaya
para tuloy pisi ng hulog ang usok ng mga sigarilyo, na napipigtal sa
hitit at buga.
“Naka-loud ba’ng telepono mo?”
Nasagot na ni May ito kani-kanina lang. “Oo,” pag-uulit niya.
“Paki-check naman.”

147
148 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“Naka-loud.” Humitit siya nang malalim. “I just checked it bago


ko binuksan tong TV.”
“No. I-check mo kung may nag-text. Paki na lang.”
Unang sigarilyo ito ni May matapos ang labinlimang taon.
Bukod sa notification ng app na nagsasabing maglakad-lakad siya
kada dalawang oras, wala nang makikitang bago sa screen. “Wala,”
sabi niya.
“Wala?”
Umiling si May.
“Sino ba ’tong nagsasalita?” Ngumuso ang asawa niya sa TV,
saka inginudngod sa ashtray ang sigarilyong mas mahaba na ang
upos kaysa sa filter.
“Di ko rin kilala. Funniest stand-up comic daw ngayon sa Pinas
sabi kanina.”
“What?”
“I know, di ba? Panay lait at mur—”
“Sorry, sorry. I mean, ano siya ulit?”
Alam ni May na doble ang bigat ng pagkawala ng anak sa
kausap, baka singkuwentang ulit pa nga. Pero hindi niya magawang
halikan o haplusin man lang ang kamay nito. Kasya ang isang tao sa
pagitan nilang dalawa. “Magpahinga na tayo, Fiona,” sabi niya, pero
nagsindi lang ulit si Fiona ng sigarilyo.
“Sa Facebook? May nag-comment ba?”
“Walang message, walang comment.”
“Check mo sa spam. Mini-message ako minsan ng mga
estudyante ko, di ko nakikita kasi du’n pala napupunta.”
“Wala sa spam.”
Tumango si Fiona. “Saka na ’ko matutulog. Magsasalita raw si
Duterte.”
Valentine Dula 149

“Kape?”
“Sige, salamat.”
Tatayo na si May nang hawakan ni Fiona ang braso niya. Ngayon
na lang ulit niya naramdaman ang mga daliri ng asawa. “Ako na ang
magtitimpla. Iihi rin kasi ako,” sabi nito.
Alam ni May na hindi iihi si Fiona kundi aakyat sa second floor.
Bubuksan ni Fiona ang aparador ng anak para kunin ang paborito
nitong damit-pambahay, ilalatag ito sa higaan, at tahimik na
tatabihan. Walang hikbi na maririnig si May, pero alam niyang hindi
payapa ang asawa. Ito ang bagay na hindi niya kayang gawin. Ni
hindi niya kayang pasukin ang kuwarto ni Jessica. Natatakot siyang
maligaw sa disyerto ng mga alaala at tuluyang hindi makabalik.
“Pagtapos nu’n,” pagpapatuloy ng nasa telebisyon, “total
blackout. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Kuwento sa’kin
ng girlfriend ko pa no’n, na asawa ko na ngayon (sadly), na sinayawan
ko raw ang bawat poste ng ilaw na nadaanan namin pauwi. Sabi ko,
‘may iba bang nakakita sa’kin?’ Sagot niya, ‘Wala naman. Ako lang.
Ang taong hindi dapat makakita nu’n in the first place. Muntik na
kitang hiwalayan.’ ” Nagtawanan ang mga tao. “Ngayong binabalikan
ko ang nangyari, sabi ko sa sarili ko, not bad, not fucking bad at
all. Hindi naman nakakahiya ang ginawa ko kumpara sa pagsayaw
ng budots on national TV. Tama ba, Senator Revilla? Langyang
campaign ad ’yan. Genius. To be frank, I was half-expecting Senator
Lito Lapid na mag-baby shark dance sa ad niya as a rebuttal.”
Hagalpakan ulit ang audience. Tumayo ang dalawang senador para
mag-apir, halos mapunit ang panga nila sa kahahalakhak.
Dinig ni May ang lahat ng nangyayari sa kusina. Ang lagutok
ng binuksang kalan. Ang pagbangga ng kutsara sa tasa. Ganito rin
katalas ang pandinig niya noong na-confine si Jessica nang ilang araw
sa ospital. Left sided pleurar effusion. Pneumonia ang diagnosis.
Malinaw na sa kanya, bago pa man sabihin ng doktor, na kailangang
150 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

sumailalim sa thoracentesis ang anak. Nababalewala ang pagiging


nurse ni May sa tuwing magkakasakit si Jessica. Lumulubha ang
simple: nagiging cancer ang kulani, nagmumukhang saksak ang
salubsob, ang balinguyngoy naman, leukemia. Kaya si Fiona ang
sumama sa anak noong tanggalan ito ng tubig sa baga gamit ang
mahabang heringgilya. At kahit nasa labas si May ng ospital kung
saan tanaw niya ang mga pasyenteng isinusugod sa ER, tanging ang
palahaw ni Jessica sa operating room ang kanyang naririnig. Mula
noon ay hindi na siya muling nanigarilyo.
Sabi ni Fiona, magsulat daw siya. Mapapadali raw ng pagsulat
ang pagkompronta sa problema kapag naroon na ito sa papel,
materyal na ring tulad ng papel, na maaaring punitin, silaban, o
itapon anumang oras. “Pero may kahulugan nga ba talaga ang mga
salita?” Gusto niyang itanong sa napangasawa niyang propesora.
Kaya ba talaga nilang sabihin ang mga gusto niyang sabihin? Kung oo,
bakit wala siyang mahanap na mga salitang tutumbas sa pagkawala
ng anak? Isang kumot na basang-basa ang makikita ng asawa
kung bibiyakin ang bungo ni May sa mga sandaling ito. Mabigat at
nakulob. Mahirap pigaan. Dagdag problema lang ang pagsusulat.
Sa halip, pumikit siya para makita si Jessica na binubuksan ang
gate, sukbit ang backpack sa balikat habang kinakawayan sila.
Tinanong siya nito kung ano ang ulam, sabay alog ng coin purse at
pabirong bumanat na kulang talaga ang ipinababaon nilang pera.
Siya pa rin ang dating Jessica. Mabilog ang mga pisngi, malusog ang
mga halakhak. Sasabihin niya sa anak na, “ikaw ang mga salita ko,”
pero hindi siya nito maiintindihan. Alam niya. Dahil wala naman
talagang kahulugan ang mga salita. Walang kahulugan ang lahat
maliban sa anak.
“Kaya ’wag niyong masabi-sabi sa’king wala akong say tungkol
sa Martial Law noong ’70s.” Iwinasiwas ng stand-up comic ang
kanyang hintuturo. “Dahil hindi man ako nabuhay sa panahong
’yun e naranasan ko naman ang bagsik ng GranMa. You know what
Valentine Dula 151

GranMa is? Anong Gran Matador Brandy? Mali! It’s Gran Marcos
Brandy, baby! Sa sobrang tindi ng censorship, wala akong maalala!”
Kita sa camera ang mga nagtatawanang anak ni Ferdinand Marcos.
Tumawa rin ang comic, saka sumundot ng: “Akala ko ba ayaw na
ayaw mo sa mga Reds, Senator Bato? E bakit pulang-pula ang
mukha mo? Iwas ka muna sa salamin baka tortyurin ka ng sarili mo
tapos bigla ka na lang mawala.” Naibuga ng nagluluhang senador
ang tubig na iniinom niya.
Bumalik si Fiona sa sala at inilapag ang mga umaasong kape sa
mesa.
“Remember these?”
Dalawang pulang hair clip. Pero parang diyamante ang mga ito
kung tingnan ni May.
“Ipapasuot ko ’to sa kanya pagbalik n’ya, wala s’yang magagawa.”
Tumawa si Fiona.
Kinuha ni May ang nasa palad ng asawa. Naisip niya ang unang
araw na umuwi sila kasama si Jessica. Suot ng bata ang mga ito.
“Marami pa ’kong nahalungkat. Wanna see them?”
“No.” Ibinigay niya sa asawa ang pang-ipit. Okay ang paisa-isa,
pero nakakalunod kapag nagsabay-sabay ang alaala.
“Nu’ng 7th birthday niya. Sa Baguio.”
“Bakit mo inayos ’yung kuwarto no’ng bata?” Walang nagawa si
May kundi tingnan ang larawan. “Baka di na n’ya makita ang mga
gamit n’ya dahil iba na ang ayos.”
“Gusto ni Jessica, maaliwalas. Malinis.”
“Ayaw n’yang pinakikialaman ang mga gamit n’ya.”
“Mas ayaw niya sa kuwartong maalikabok.”
Natigilan si May nang maisip na ubos na panigurado ang baong
antihistamine ng anak.
152 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

May binuklat si Fiona. “Tanda mo ’to?”


S’yempre. Paano niya malilimutan ang unang drawing ni
Jessica? Isang bahay sa ilalim ng pulang araw. Tatlong babaeng gawa
sa krayola. Itinuon ni May ang pansin sa telebisyon pero ang boses
ng batang pintor ang lumabas mula rito: “Tinanong ako ni teacher
kumbakit dalawa ang mama ko. Sabi niya isa lang daw dapat ang
mama. Kawawa siya kasi isa lang mama n’ya.” Pinapaliguan niya si
Jessica noon na kauuwi lang galing eskuwelahan. Napangiti si May.
Handa na niyang iwan ang madilim na bahay para manirahan sa
makulay na mundo ng anak nang biglang nanginig ang cellphone
sa mesa.
“Akala ko ba naka-loud ’yan?” sabi ni Fiona.
Si Laurie. Kinukumusta sila at nakikibalita kung may bago bang
impormasyon tungkol sa kaibigan. Personal na kakilala nina May
at Fiona ang mga kaibigan ng anak. Nakausap na nila ang lahat ng
dapat kausapin, napuntahan na ang mga maaari nitong tuluyan.
Kaya mali ang paulit-ulit na inilalatag ng imbestigador na baka
naglayas lang ang anak, nagtanan, o namundok para mag-NPA.
Alam ni May na monitored ng asawa si Jessica dahil naging tibak
din si Fiona noon.
Patuloy na nakinig si May sa boses ng anak sa telebisyon: “Gago
sila, Ma. Pare-pareho sila,” sabi nito habang nasa hapag-kainan
isang gabi. “’Yung classmates ko, ilan sa kanila sinasabing hindi
raw masisisi ’yung Amerikanong pumatay kay Jennifer. Dapat
daw naging honest si Jennifer nu’ng umpisa pa lang. Bakit? Hindi
ba pagiging honest ’yung pagbibihis niya according sa kung anong
nararamdaman niya? Sa kung paano niya nakikita ang sarili niya? In
the first place, nanloko ba siya? O in-assume niyang alam na nu’ng
demonyong sundalo ’yung kasarain niya? Why put the blame on
her? Tapos may mga kaklase pa akong crush si Pemberton. Anong
kabobohan ’yun, Ma?” Gustong sabihin ni May na mas masarap
Valentine Dula 153

ang sinigang habang mainit pa, at baka malipasan na ng gutom si


Jessica kakakuwento. Pero naunahan siya ni Fiona, “ang sabi mo
sa’kin naka-loud ’yan, di ba?”
Humigop si May ng kape. Sintapang ito ng asawa. Kaya tumayo
siya para magdagdag ng creamer sa kusina.
“Sa’n ka pupunta?”
“Babanyo.”
“Magbabanyo, e tinatanong kita. Magkakape ka sa banyo?”
“Bawal ba?”
“Ano ka ba?” Napabuntonghininga si Fiona. “Bakit ba hindi mo
masabi sa’kin?”
“Ang ano?”
“Anong ang ano?”
“Ano nga?”
“’Yang nasa ulo mo.”
“Ano? Di kita maintindihan.”
“Alright, alright. Sasakyan kita.” Nilagok ni Fiona ang kape. “For
example, bakit di mo sabihin sa’king ayaw mo n’yan?” Nahulog na
parang confetti ang upos ng sigarilyo nang ituro niya ang tasang
hawak ni May.
“Ayaw ko ng?”
“Putangina naman. Ano ba?” Lumagapak sa mesa ang tasa.
“Bakit nagmumura ka?”
“Anyway, ang sabi sa’kin ng mahal na Pangulong Duterte ay
ganito, ‘mag-isip ka na hindi leaders ang kaharap mo like what I’ve
been doing for the past couple of years. Curse if you want to. Just be
yourself.’ Kaya matapang akong paputukin lahat ng bala ko ngayong
gabi, e.” Kinindatan ng stand-up comic ang lente ng camera.
154 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“Hindi kita minumura.”


“Sinabi ko bang minura mo ako? Ang tanong ko bakit ka
nagmumura?” Mas malakas na ang boses ni May kaysa sa asawa.
“Sige na, tapon mo na ’yang lintek na kapeng ’yan.”
“Ano bang gusto mong sabihin ko? Na ang tapang-tapang
nito? Na kailangan kong dagdagan ng creamer? O, tapos? Bakit ko
pa sasabihin kung magagawan naman na ng paraan?” Ang totoo,
ayaw ni May na masaktan ang asawa. Sasarilinin niya ang pait ng
kape at daraan muna sa kanya ang mapait na balita sa pagbabaka-
sakaling mabawasan kahit papaano, kahit gaano katiting, ang sakit
na idudulot nito kay Fiona.
“Pero habang nasa harap n’yo ngayon, kailangan kong paulit-
ulit paalalahanan ang sarili ko na Malacañang ’to, hindi bar, hindi
theater. Kahit lisensiyado e kailangan ko pa ring mag-ingat. Kasi,
alam n’yo na, baka may taong ‘magdilim’ ang paningin dahil sa jokes
ko. Baka magkaroon ng ‘maitim’ na balak laban sa’kin ang taong
’yun pagbaba ko rito . . . Hi, Senator Nancy Binay.” Mas malakas ang
hagalpakan sa punchline na ito, may sumipol pa. Aliw na aliw ang
lahat sa comic lalo na ang pangulo. Tumayo ang audience noong
magpaalam siya sa stage. Panandaliang naputol ng mga patalastas
ang programa ng Palasyo na may layuning magpasaya sa mga
Filipino sa gitna ng pananalanta ng pandemya.
“Sabihin mong pabaya at kunsintidor ako. Sabihin mong ako
ang putanginang dahilan kung bakit nawawala si Jessica. Bakit di
mo ko komprontahin? Bakit di mo sabihin sa’kin nang harapan?”
Inangat ni Fiona ang laylayan ng damit niya para ipamunas sa mga
mata.
“Sana nga lahat nadadaan sa tapang, sa sinasabi mong
komprontasyon. Pero hindi, Fiona. Itinuro mo rin ’yon sana kay
Jessica.” Iniwan ni May ang kausap at nakita niya ang sarili sa pintuan
Valentine Dula 155

ng kuwarto ng anak, bitbit pa rin ang tasa ng kapeng pumait pa lalo


sa mga patak ng luha. Bukas ang pinto ngunit patay ang bumbilya
sa loob ng kuwarto. Hindi si Fiona ang sinisisi niya sa pagkawala ni
Jessica dahil kilala niya kung sino ang totoong kunsintidor, kung
sino ang pinakamahina sa kanilang tatlo. Nakatitig siya ngayon
sa madilim na silid, paralisado ang mga darili para kalabitin ang
switch ng ilaw. Karuwagan ba ang pagtanggap niya sa hinahon ng
dilim kaysa sa hapdi ng liwanag? Kung naipapasa ang tapang, bakit
hindi siya nahawa sa asawa at anak? Nagkamali siya. Hindi disyerto
ang kuwarto. Ito ang unibersong nilikha nilang mag-asawa para
kay Jessica, at kabisado niya ang bawat bahagi nito. Humakbang
siya sa loob ng kawalan hanggang sa narating niya ang kama. Buhay
na buhay ang amoy ng anak sa kutson. Buhay na buhay rin ang
silwetang naroon, na tila matagal nang inaabangan ang pagbisita
niya. Jessica? Naramdaman ni May ang mga haplos nito sa kanyang
pisngi. Nasaan ka, anak? Saan ka namin makikita? Nagkamaling
muli si May. Wala siya sa kanilang uniberso kundi nasa loob siya
ngayon ng sariling bungo. Nanginig ang buo niyang pagkatao.
Hinatak siya ng nag-vibrate na cellphone pabalik sa sala.
Sa sandaling ito, mukha na ni Pangulong Duterte ang naka-
display sa TV: “My countrymen, a month have passed since I
signed Proclamation No. 1108 placing the entire Philippines under
martial law—an indispensible step to curb the increasing number
of COVID-19 cases in our country; and which will usher us into a
new kind of government. A better one. You see, this Revolutionary
Government is unlike any other. I’m sorry to say this Bongbong
and Imee, pero hindi ito tulad ng sa Marcos. It is not going to be
remembered as another dark chapter in our history. Ayaw ko sa
pangako, pangako. Gawin ko na lang. Patunayan ko na lang. We are
at war against COVID-19 and we must win. You can clearly see that
there’s no state censorship. Kita n’yo naman how frank the comic
guy was earlier. Lahat ng audience dito, Marcos man, Binay man,
156 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

lahat masaya, sports lang. Pero kung ako biruin niya putangina baka
patayin ko siya.”
Tumawa ang lahat.
“I’m kidding, of course. Baka may sabihin na naman ang iba
d’yan. Like what I’ve said on previous occasions, there will be
no suspension of the privilege of the writ of habeas corpus. No
violations of human—”
Sumalpok ang tasa ng matapang na kape eksakto sa ilong ng
pangulo. Ni hindi nagkalamat ang tasa, pero nabasa ang telebisyon
at nagkabitak ito na hugis sapot ng gagamba. Parang rehas ang
maraming-maraming linya ng bahaghari na tumabon sa mukha ng
presidente. Mula sa labas, makikita ang isa-isang pagbukas ng mga
ilaw sa loob ng bahay, at maririnig ang pag-iyak ng mag-asawang
sabay na nilalapnos ng liwanag.
Angel Locsin
Steno Padilla

K anina ko pa tinititigan ang kulay-pulang bilog na nakakabit sa


kuyukot ng nabili kong Angel Locsin sa Shopee. Sa ilalim nito,
nakasulat sa malalaking titik ang isang babala: CAUTION! DO NOT
PRESS!
Natutukso akong pindutin iyon upang malaman kung ano
ang maaaring mangyari sa bagong-bago kong Angel Locsin. Nang
dumating siya kaninang makapananghali, matapos akong kuhanan
ng larawan ng lalaking nag-deliver bilang proof na natanggap ko
na ang aking order, agad akong umakyat sa aking silid, bitbit ang
pahabang kahon ni Angel Locsin, at saka nagkulong doon. Ilang
araw din akong hindi uminom ng milk tea at hindi bumili ng
bagong skin sa Mobile Legends upang makapag-ipon matapos kong
mabalitaan sa aking kaibigan na may ibinibenta ngang Angel Locsin
sa Shopee. Sa wakas ay nabili ko na.
Wala talaga akong pakialam noong una. Hindi naman ako fan ni
Angel Locsin. Alam ko lang na gumanap siyang Darna sa teleserye
ng GMA noong 2005. Maliban doon, wala na akong napanood na
pelikula o palabas niya sa TV. Kaya bakit ako gagastos ng libo-libong
piso para sa kanya, di ba? Ang kaso, nang malaman kong bumili ang
aming mayor ng sampung Angel Locsin noong ikatatlong buwan ng
lockdown sa aming bayan at nang gamitin niya ang mga ito upang
manguna sa pamimigay ng ayuda sa iba’t ibang barangay, kabilang
na ang sa amin, tuluyan na akong nabuyo.

157
158 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Sino ba naman ang hindi matutukso sa angking kagandahan ni


Angel Locsin? Chinita. Makinis ang balat. Nabiyayaan ng malulusog
na dibdib. Hindi rin masama ang kanyang taas na limang talampakan
at apat na pulgada. Kung pasusuotin mo siya ng sapatos na may
matataas na takong, tiyak na makakaya niyang makipagsabayan sa
mga kandidata ng Binibining Pilipinas o kahit pa ng Miss Universe.
Kaya nga noong iabot niya sa akin ang supot na naglalaman ng
limang kilong bigas, tatlong lata ng maanghang na sardinas, limang
instant beef noodles, at anim na pakete ng 3-in-1 coffee mula sa
aming mayor, tila napako ako sa tapat ng aming tarangkahan at
napatulala nang ilang saglit sa kahali-halinang mukha ni Angel
Locsin.
“Ayuda po galing kay Mayor Trinidad,” malambing na wika
sa akin ni Angel Locsin nang hindi ko agad kuhanin ang inaabot
niyang supot.
“Te-tengkyu, Ms. Angel,” sabi ko, sabay angat ng mga bisig upang
abutin ang ayuda. “Ang ganda mo pala sa personal.”
“Ay, salamat po.” Gumuhit ang kaakit-akit na ngiti sa kanyang
mga labi. Para na rin akong nakakita ng tunay na anghel na bumaba
mula sa langit. “Sige po, mauna na ako. Marami pa po kasi akong
pagdadalhan nitong mga ayuda.”
“Sige . . .” Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papunta
sa tahanan ng aming mga kapitbahay. Hindi ako agad pumasok sa
aming bahay. Pinanood ko si Angel Locsin hanggang sa mabigyan
niya ang lahat ng pamilya sa kalye namin at mawala sa aking
paningin nang makaliko sa kanto patungo sa susunod na barangay.
Ang una kong ginawa matapos maipasok ang ayuda sa aming
kusina ay tawagan ang aking best friend. “Bogli! Hindi ka maniniwala
kung sino ang pumunta sa bahay namin,” wika ko nang marinig ang
“Hello” ng aking kaibigan sa kabilang linya.
“Hulaan ko,” tugon ni Bogli. “Si Angel Locsin?”
Steno Padilla 159

“Paano mo nalaman?”
“S’ya rin kaya ang namigay ng ayuda sa barangay namin
kaninang umaga. Uso s’ya ngayon kaya ’wag ka nang mabigla. Halos
lahat yata ng mayor sa buong Pilipinas e umorder ng Angel Locsin
online para tumulong sa pamimigay ng ayuda sa nasasakupan nila.
Sa sobrang taas ng demand, nag-crash pa noong isang araw ’yung
site ng Shopee. Buti na lang kamo, naglabas din ang Lazada ng
kanilang Angel Locsin.”
“Na-check mo na kung magkano?”
“Oo. May kamahalan pero kaya naman kung babawas nang
konti sa ipon. Umorder na nga ako kahapon at baka magkaubusan.
May bali-balita pa sa Facebook at Twitter na baka raw i-ban ng
presidente ang pagbebenta dahil masyadong sumisikat si Angel
Locsin. Natatabunan na raw ’yung efforts ng national government
para sa mahihirap na Pilipino at sa mga frontliner.”
“Iba-ban? Tanginang ’yan. Competition ba ang pagtulong sa
mga Pilipino? At anong efforts ang tinutukoy n’ya? ’Yung delayed
na hazard pay sa mga doktor at nurse? ’Yung SAP na hindi pa rin
natatanggap ng mga jeepney driver? Ang dami-dami na ngang
nawalan ng trabaho, ang daming nagugutom dahil sa haba ng
lockdown, tapos may panahon pa silang mainggit at ipagbawal si
Angel Locsin?”
“Mismo.”
Hindi ko na nakuha pang magpaalam kay Bogli. Agad kong
tinapos ang aming pag-uusap at humarap sa aking laptop para
humanap ng Angel Locsin sa Shopee o Lazada. Pareho lang ang
presyo. Tama nga ang best friend ko—may kamahalan ang isang
Angel Locsin, ngunit makakaya naman kung magtitipid ako ngayon
hanggang sa susunod na suweldo. Isa pa, puwedeng cash on delivery
ang pagbabayad. Labinlimang araw ang karaniwang itinatagal bago
dumating ang delivery, ngunit dahil sa taas ng demand, aabutin na
160 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

ngayon ng isang buwan bago maihatid sa aming bahay. Ayos, naisip


ko. Saktong-sakto sa susunod na suweldo. Add to cart!
Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, parang sinisilaban
ang aking puwitan sa harap ng laptop matapos kong makumpirma
ang pagbili ng Angel Locsin sa Shopee. Atat na atat ako na hindi
mapakali at tila nakalaklak ng limang tasang kape sa pagkabuhay
ng dugo sa aking mga ugat. Ang ginawa ko, upang mapahinahon
ang sarili at mabawas-bawasan ang pananabik sa inorder na Angel
Locsin, nagbasa-basa ako ng tungkol sa kanya gamit ang Google
search engine.
Napag-alaman ko na hindi nalalayo ang kanyang screen
name sa tunay niyang pangalan—Angelica Locsin Colmenares.
Ipinanganak noong ika-23 ng Abril 1985 sa bayan ng Santa Maria,
Bulacan. Matanda sa akin ng limang taon. May dalawang kapatid—
sina Ella Colmenares at Angelo Colmenares. Nag-aral sa Central
Saint Martins, sa UST Junior High School, at sa University of Santo
Tomas.
Hindi pa ako nasiyahan sa aking mga nabasa, kaya minabuti
kong puntahan ang kanyang profile sa IMDb. Nang mabasa ko
sa website na iyon ang mga naging pelikula at palabas sa TV ni
Angel Locsin, naengganyo akong panoorin silang lahat. Buti na
lang, nakahanap ako sa Facebook ng lahat ng episodes ng Darna.
Hindi yata ako nakatulog nang maayos sa loob ng isang linggo sa
kagustuhang matapos ang 170 episodes ng naturang palabas. Kahit
may trabaho ako sa umaga, gabi-gabi pa rin akong nagsunog ng kilay
para lamang masilayan ang Darna ng aking mga pantasya. Nang
matapos ko ang teleserye, hindi pa rin ako nakuntento. Sinimulan
ko namang panoorin ang kanyang mga ginawang pelikula.
Masuwerteng may tatlong pelikula si Angel Locsin sa Netflix.
Inuna ko ang Everything About Her kung saan nakasama niya ang
Star for All Seasons—si Vilma Santos. Pagkatapos, sinunod ko agad
ang The Third Party. Nakatambalan naman niya roon sina Sam Milby
Steno Padilla 161

at Zanjoe Marudo. Huling-huli ang Four Sisters and a Wedding kung


saan naging kapatid siya nina Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Toni
Gonzaga, at Enchong Dee.
Bitin na bitin ako sa mga pelikula ni Angel Locsin sa Netflix. Para
bang, habang nagma-marathon ako, lalo ko pa siyang nakikilala. At
habang nakikilala ko siya, palalim naman nang palalim ang aking
pagtingin sa kanya. Unti-unti, nabuo sa aking hinuha na si Angel
Locsin ay hindi pangkaraniwang artista. Iba siya. Ibang-iba! Kung
paano siyang naging iba sa mga kasabayang artista ay hindi ko
naman mawari sa aking sarili. Kaya sa halip na magpakabaliw sa
kalilimi ay iginugol ko na lamang ang aking panahon sa paghahanap
ng iba pa niyang pelikula sa internet.
Pinalad naman akong makatagpo ng ilang libreng pelikula ni
Angel Locsin sa YouTube. Tulad ng nakagawian, inumaga ako sa
panonood ng Let the Love Begin at I Will Always Love You. Hindi ko na
tinapos ang Angels na si Angel Locsin din mismo ang nag-produce.
Iyong unang bahagi lang ng pelikula, na hinati sa tatlo, ang aking
pinanood. Doon lang kasi siya bumida at hindi na sa natitira pang
“segment.” Bakit ko pa pag-aaksayan ng panahon iyon kung hindi
ko naman siya makikita sa ibang bahagi ng pelikula, di ba? Isa pa,
kailangan ko ring magpahinga dahil mahirap magtrabaho na parang
binibiyak ang ulo at may nakasabit na barbel sa talukap ng mata.
Sa mga araw na hindi gaanong mabigat ang mga ipinagagawa
ng aking boss sa trabaho, panay ang paghahanap ko ng mga balita
tungkol kay Angel Locsin. May isang linggo pa noon bago dumating
ang aking order sa Shopee, at hindi pa rin lubos na napapawi
ang pananabik ko sa kanya, kaya minabuti kong pag-aralan ang
kanyang buhay. Sa gayon, kapag dumating na ang binili kong Angel
Locsin, kilalang-kilala ko na talaga siya. Hindi na ako mapapahiya
kung sakaling tanungin niya ako tungkol sa kanyang mga naging
proyekto. Higit sa lahat, may mapag-uusapan na kami agad-agad
dahil napanood ko na siya nang paulit-ulit.
162 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

Higit pang naantig ang aking damdamin at lalong humanga kay


Angel Locsin nang mabasa ko sa balita ang ginawa niyang pamimigay
ng tent para sa mga pasyente ng COVID-19 sa isang ospital sa
Maynila. Alam kong maliit na bagay lamang iyon kung ihahambing
sa ambag ng ibang naglalakihang pangalan sa pamahalaan, ngunit
hindi mayor o governor o congressman si Angel Locsin. Isa lamang
siyang artista!
Heto pa! Nakipagtulungan din siya sa mga kaibigan sa showbiz
upang makalikom ng higit pang pondo, na kanila namang ginamit
sa pagbili ng test kits para sa mga nasa laylayan ng ating lipunan
at para matugunan ang pangangailangan sa mass testing, na hindi
maibigay-bigay ng pamahalaan sa pag-aakalang iyon ay pagsusuri
daw sa lahat ng mahigit sandaang milyong Pilipino sa buong
kapuluan. WTF?!
Sa di-mabilang na mga proyektong inilunsad ni Angel Locsin
upang punan ang pagkukulang ng gobyerno laban sa salot na
laganap sa bansa ngayon, saka ko lubos na naunawaan kung bakit
ganoon na lamang ang pagkahumaling ng sambayanang Pilipino sa
kanya nitong mga nagdaang araw at kung bakit nagkakaubusan ng
Angel Locsin sa Shopee at Lazada. Nabalitaan ko rin sa isang thread
sa Twitter na may black market na rin pala para sa mga Angel Locsin
na ginaya diumano ng China at siyang ipinagbibili rito at maging sa
ibang bansa na maraming OFW.
Kung dati ay pinagtatawanan ko ang mga mayor na di-
magkandaugaga sa pag-order ng Angel Locsin online para sa kani-
kanilang bayan o lungsod, ngayon ay natatawa na lamang ako sa
aking sarili. Ang laki kong hangal sa pag-iisip na isang kakatwang
bagay ang pagkuha ng Angel Locsin upang manguna sa pamimigay
ng ayuda at sa paglulunsad ng mass testing na hindi maibigay ng
national government.
Umigting pa lalo ang aking paghanga sa tunay na Darna ng
Pilipinas nang mabasa ko sa Instagram ni therealangellocsin ang
Steno Padilla 163

kanyang paalala sa gobyerno matapos libakin ng isang dating mayor


sa Davao City ang ilang health workers nang maglabas sila ng hinaing
hinggil sa kanilang kalagayan at hilinging maibalik ang mahigpit na
lockdown sa Metro Manila at sa mga karatig na lalawigan:
Pagsuporta ang kailangan
Hindi pagsindak
COVID po ang kalaban
Hindi ang mamamayan

Dali-dali akong lumipat sa Facebook upang ipaskil doon ang


post ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account. Agad namang
nag-like si Bogli sa status ko at nag-comment pa upang sabihin na
dalawin ko raw ang kanyang timeline. Pagkatapik ko sa pangalan
niya sa screen, tumambad sa akin ang kanyang larawan kung saan
kaakbayan niya ang Angel Locsin na kanyang nabili sa Shopee.
Agad ko siyang tinawagan.
“Bogli!” bati ko nang may himig na pananabik at kaunting
pagkainggit. “Ano? Maganda ba? Wala bang sira?”
“Pre!” Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong abot-tainga ang
ngiti ng aking kaibigan. “Kung may mas superlative pa sa salitang
‘perfect’, iyon lang ang masasabi ko sa aking Angel Locsin.”
“’Wag kang ganyan, pre. Halos mamatay-matay na nga ako sa
kahihintay sa inorder kong Angel Locsin, tapos papatayin mo pa
’ko sa inggit?”
“Aba, e sino bang tumawag at nagtanong tungkol kay Angel
Locsin?”
Wala na akong naitugon pa sa sinabing iyon ni Bogli.
“Pre,” wika ng aking kaibigan, “sa ’yo ko lang sasabihin ’to, ha?”
“Ano ’yon, pre?”
“Mas okay pa sa totoong girlfriend.”
“Ano?”
164 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

“Bingi ka ba?”
“Hinde. Anong ibig mong sabihin na mas okay pa sa totoong
girlfriend?”
“Ano ba sa tingin mo?”
Bilang hindi pa ako nagkaka-girlfriend sa tanang buhay ko, hindi
ko agad nabatid kung ano ang ibig ipahiwatig ni Bogli. Ngunit hindi
naman nagtagal at lumiwanag sa aking isip kung ano ang tinutukoy
ng aking best friend. Tila nagbukas ang pinto ng langit at mula roon
ay lumitaw ang iba’t ibang anghel na taglay ang di-matingkalang
kapangyarihan. Isang himalang maituturing ang aking natuklasan,
bagay na lalong nakapagpalala sa aking pananabik.
“Pre?”
Sa tindi ng mga imaheng lumalangoy sa aking isip ay halos
malimutan ko ang kausap na kaibigan sa kabilang linya. Hindi ko
na alam kung nakailang tawag siya sa akin bago ako nagising sa
pananaginip nang gising.
“Pre! Buhay ka pa?”
“Ha? Sorry, nawala ako. Mahina signal dito sa kuwarto.”
“Sige na, pre. Mukang full charge na ’yung Angel Locsin ko.
Mapapalaban na naman ako nito.”
Hindi ko na nagawa pang makapagpaalam kay Bogli sa bigla
niyang pagbaba ng tawag. Natulala na lamang ako sa screen ng aking
smartphone habang nililirip ang natapos na pag-uusap naming
magkaibigan. Noon lamang sumagi sa aking isip ang mga posibilidad
ng isang Angel Locsin. Kung nagawa niyang magbanyuhay mula sa
pagiging artista patungo sa pagiging isang pilantropo at aktibista,
ano ang makahahadlang upang maging iba pa siyang bagay? Haraya
lamang ang hanggahan.
Isang araw bago ang pagdating ni Angel Locsin sa aking piling,
nagpasya akong lumiban sa trabaho upang maglinis ng buong
Steno Padilla 165

bahay, magwalis sa labas, at sinupin ang mga kalat sa aking silid.


Hindi ako tumigil kahit upang mananghalian o magminindal man
lang hangga’t hindi natatapos ang aking pag-aayos sa buong bahay.
Mag-a-alas-singko na ng hapon nang makahiga ako sa kama at
makapagbasa-basa ng post sa Facebook. Bigla kong pinagsisihan
ang pamamahinga at paggamit ng smartphone.
Nakita ko mula sa paskil ng mga tao sa aking news feed ang
iba’t ibang anyo ng kaluwalhatian ni Angel Locsin: May Angel na
nagtatampisaw sa swimming pool kasama ang kanyang may-ari.
May Angel na naglilinis ng kotse habang nakasuot ng bikini. May
Angel na nangangabayo sa kakahuyan. May Angel na nakaluhod
sa harap ng altar. May Angel na tumutugtog ng biyolin. May Angel
na lumalaklak ng alak. May Angel na naka-cosplay ng Sailor Moon.
May Angel na nakadamit na pang-nurse, may yakap-yakap na
higanteng karayom, at nanunukso ng pasyente.
Napakaraming bersiyon ng Angel Locsin ang nagkalat sa social
media. Sa tindi ng pananabik at pagkainggit na biglang nag-umapaw
sa aking damdamin, pinatay ko ang aking smartphone at ibinalibag
iyon sa ibabaw ng aking unan. Ipinikit ko ang aking mga mata at
sinubukang burahin sa aking haraya ang lahat ng imahen ni Angel
Locsin na aking natunghayan sa Facebook.
Gayon na lamang ang aking pasasalamat nang makatulog ako
at magtuloy-tuloy hanggang sa kinabukasan. Maaga akong nagising
kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang muling makapag-
ayos sa loob ng bahay. Nang makakain ng pananghalian, narinig ko
ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng aming tarangkahan. Patakbo
akong lumabas upang salubungin ang lalaking naghatid ng aking
pangarap.
Nang makapag-isa na ako sa aking silid kasama ang malaking
kahon kung saan nakalagay si Angel Locsin, huminga muna ako
nang malalim bago gigil na sinira ang balot ng kahong lalagyan
tulad ng “unboxing” na ginawa ng kabiyak ni Sarah G. sa kanyang
166 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

PlayStation. At nang matunghayan ko na sa wakas si Angel Locsin,


halos maluha-luha ako sa galak. Sa wakas, sigaw ko sa aking isip.
Itinayo ko si Angel Locsin sa tabi ng aking kama. Dahan-dahan
kong hinubad ang kanyang blusang puti at pantalong maong.
Marahan ko siyang itinalikod at itinuwad sa aking harapan. Doon
ko napansin ang kulay-pulang pindutan sa kanyang kuyukot na may
nakasulat na babala sa ilalim: CAUTION! DO NOT PRESS!
May kung anong katangahan ang sumapi sa akin—marahil ay
dala ng sobrang pananabik o ng maling akala na iyon ang “power
button” upang paganahin ang aking Angel Locsin. Matapos titigan
nang matagal, pinindot ko ang kulay-pulang pindutan.
Biglang tumindig ang hubad na Angel Locsin. Humarap siya sa
akin at tinitigan ako sa mata. Gumapang ang matinding kilabot sa
aking balat. Sa aking takot ay napaupo ako sa gilid ng kama.
“COGITO ERGO SUM PROTOCOL—ACTIVATE!” wika ng
buhay na Angel Locsin sa tinig na tila sa isang robot.
“Anong nangyayari?” wala sa loob na naitanong ko.
Sa halip na sumagot ay nagliwanag ang mga mata ni Angel
Locsin. Naging isang projector ang kanyang balintataw at nagpakita
ng palabas sa dingding ng aking silid kung saan tumama ang
matingkad na liwanag. Napabalikwas ako sa kinasadlakang puwesto
upang tunghayan ang mga eksenang tumambad sa pader. Nanlaki
ang aking mga mata at bahagyang napanganga ang bibig dahil sa
aking nasaksihan.
Nahati sa maraming parisukat ang palabas sa dingding at sabay-
sabay na ipinakita ang nangyayari sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang lahat ng Angel Locsin ay isa-isang namulat at nagkaroon ng
sariling kamalayan. Habang tutok na tutok ang aking mga mata
sa pinanonood, unti-unti kong nabasa ang tunay na nangyayari.
Ang mga may-ari na ginamit si Angel Locsin sa pansariling interes
at hindi sa kawanggawa ay isa-isang tumanggap ng kaparusahan.
Steno Padilla 167

Tulad ng Angel Locsin sa pelikulang Four Sisters and a Wedding, kung


paanong sinabunutan niya si Mocha Uson at kinaladkad palabas ng
lansangan ay siya ring ginawa niya sa mga taong bumili at umabuso
sa kanya.
Sa gitna ng pagkamangha at pagkabigla, nabaling ang aking
paningin sa parisukat na nasa pinakagitna ng pader. Doon ay
napanood ko ang nangyayari sa isang matandang lalaki na nakasuot
lamang ng lawlaw na brief at wala nang iba pang saplot sa katawan.
Agad ko siyang namukhaan at nakilala dahil sa kanyang sarat na
ilong na tadtad ng butas—ang dating mayor ng Davao City! Kitang-
kita ko kung paanong sinabunutan siya ng kanyang Angel Locsin at
kinaladkad palabas ng tahanan niya sa naturang lungsod.
Napaluhod ako sa aking kinalalagyan at bahagyang lumapit
sa dingding upang higit na mamasdan ang pinanonood. Nagulat
na lamang ako nang biglang magsalita ang Angel Locsin sa aking
likuran kasabay ng iba pang Angel Locsin sa iba’t ibang dako ng
Pilipinas: “DAPAT SI MAYOR ANG MAUNA.”
Pagkabigkas na pagkabigkas ng pangungusap na iyon, niyapos
ng Angel Locsin na nasa Davao City ang leeg ng matandang lalaki sa
kalsada at sa isang iglap ay pinilipit iyon tulad ng pagtapos ni Darna
sa mga kalaban niyang halimaw.
Hindi ko na kinayang panoorin pa ang mga sumunod na
nangyari. Napagapang ako palabas ng aking silid at nang makatayo
ay patakbong lumabas ng aming bahay. Subalit, natigilan ako sa
tapat ng aming tarangkahan nang makita ang sanlaksang Angel
Locsin sa kalsada. Bago pa ako makapagtago, isa-isa silang nagtaas
ng mga bisig, tumingala sa himpapawid, at sabay-sabay na lumipad
patungo sa kulay-bughaw na kalangitan, taglay ang di-matingkalang
kapangyarihan.

Wakas.
Notes on the Contributors

TILDE ACUÑA
Si Tilde (Arbeen R. Acuña), amateur  snapbuilder at coursepacker,
ay nagtuturo ng mga kurso sa panitikan, malikhaing pagsulat, at
Philippine studies sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas, kung saan siya nagtapos ng MA Araling Pilipino. May mga
piksyon siya sa Kritika Kultura, Likhaan, at ilang antolohiyang inilathala
ng UP Press.

DENNIS ANDREW S. AGUINALDO


Nagtuturo ng mga kursong pampanitikan si Dennis Andrew S. Aguinaldo
sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Naging fellow siya sa mga
palihan para sa malikhaing pagsusulat ng AILAP, UST, UP, at IYAS.
Inilathala online ang kaniyang mga piyesa’t collab sa Plural, hal., Kritika
Kultura, Transit,  at  The Cabinet.  Siya ang may-akda ng mga kuwento
sa Shift of Eyes at mga tula sa Bukod sa Maliliit na Hayop.

GENEVIEVE SORIANO AGUINALDO


Genevieve Soriano Aguinaldo is a mother to four children. She is currently
under the MA Language and Literacy Education Program of the UP
Open University. Her works have been published in Sunday Times
magazine, {m}aganda magazine, the fib review, and muse pie press.

169
170 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

RONNIE E. BATICULON
Ronnie E. Baticulon is associate professor in Anatomy at the University
of the Philippines College of Medicine and attending pediatric
neurosurgeon at the Philippine General Hospital. He was a fellow
for creative nonfiction at the 58th UP National Writers Workshop in
Baguio. His first book of essays, Some Days You Can’t Save Them All, was
published by the University of the Philippines Press. You can follow
him on Twitter @ronibats.

PAUL ALCOSEBA CASTILLO


Si Paul Alcoseba Castillo ay nagtuturo ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat
sa Unibersidad ng Santo Tomas. Resident fellow siya ng Center for
Creative Writing and Literary Studies at mananaliksik ng Research
Center for Culture, Arts, and Humanities nito. Kinilala na ang mga
tula niya sa National Book Awards (2019), Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature (2018), Makata ng Taon: Talaang Ginto (2017,
2018), at Maningning Miclat Poetry Awards (2013).  Kasapi siya ng
Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Siya ang awtor ng
Walang Iisang Salita (UST Publishing House, 2018). Kasalukuyan siyang
kumukuha ng Doktorado sa Panitikan.

RODRIGO DELA PEÑA JR.


Rodrigo dela Peña Jr. is the author of  Aria and Trumpet Flourish  (Math
Paper Press, Singapore), as well as the chapbooks Requiem and
Hymnal (Vagabond Press, Australia). His poems have been published
in  Likhaan, Kritika Kultura, Tomas, Banwa,  and other journals and
anthologies. He has received prizes from the Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature, Kokoy F. Guevara Poetry Competition, Sixfold,
and the British Council, among others. He has been based in Singapore
since 2011.
Notes on the Contributors 171

PAUL RICO C. DE LARA


Si Paul Rico C. de Lara ay makata at manggagawa. Siya ay kasalukuyang
nagtatrabaho sa isang planta ng salamin sa Bulacan bilang isang
glass cutter/artist. Abala siya sa buhay at pag-abot ng kanyang mga
pangarap.

JESAME DILAG-DOMINGO
Si Jesame Dilag-Domingo ay mag-aaral ng MA Araling Pilipino sa ilalim
ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) sa UP
Diliman.  Siya ay kasalukuyang University Research Associate (URA)
at manggagawa ng Opisina ng Gradwadong Aralin ng Kolehiyo ng
Arte at Literatura, UP Diliman. Siya ay manunulat at mananaliksik
na naktuon  sa lingguwistikong etnograpiya ng Filipinas, wika,
antropolohiya (wika, kultura, at paniniwala sa preserbasyon ng
pagkain), leksikograpiya, semantiks, at MTBMLE.

VALENTINE DULA
Nagtapos si Valentine Dula ng kursong AB  English sa Polytechnic
University of the Philippines. Lumabas ang iba niyang akda sa Entrada,
isang literary journal ng PUP Center for Creative Writing. Kasalukuyan
siyang kumukuha ng MA Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman.

JAN ROBERT R. GO
Jan Robert R. Go is an assistant professor of political theory at the
Department of Political Science, University of the Philippines Diliman.
He is currently on study leave for his doctoral studies in political
theory at the Central China Normal University in Wuhan, China.
He has written and researched on decentralization and devolution,
local politics, and new institutionalism in political science. He is also
interested in the nature of political power, grassroots democracy,
non-Western political theory, and contemporary Chinese politics.
172 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

ELLA JANE HERMONIO


Si Ella Jane Hermonio ay isang mananaliksik sa isang banyagang
pahayagan. Nagtatrabaho siya sa midya nang pitong taon na at
paminsang nagtatangkang sumulat ng panitikan at pelikula. Nagtapos
siya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Mahilig siya sa animé.

CRIS R. LANZADERAS
Si Cris R. Lanzaderas ay isang guro sa UP Rural High School. Kasalukuyang
tagapag-ugnay (subject area coordinator) ng Departamento ng
Filipino at nagtuturo ng wika, panitikan, at malikhaing pagsulat.

CHRISTINE V. LAO
Christine Veloso Lao is an Assistant Professor of the Department of English
and Comparative Literature, College of Arts and Letters, University of
the Philippines Diliman. She is currently working on a PhD in creative
writing (poetry) at the same university. Her research areas include
law and literature, children’s picturebooks, and women’s writing. Her
chapbook, Musical Chairs, was a finalist of the 2019 Madrigal Gonzalez
Best First Book Award.

EILENE G. NARVAEZ
Si Eilene G. Narvaez ay isang guro, mananaliksik, editor, at tagasalin
sa wikang Filipino. Kasalukuyan siyang assistant professor sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte
at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nagtapos siya ng BA
Araling Pilipino (2004) at MA Filipino: Wika (2014), at kandidato sa PhD
Filipino (Pagsasalin). Kasapi siya ng Filipinas Institute of Translation
(FIT), na isa sa pinakamatandang organisasyon sa pagsasalin sa
Filipinas. Katuwang na editor siya ng UP Diksiyonaryong Filipino (2010)
at Diksiyonaryong Adarna (2015), at awtor ng Sawikaan: Isang Dekada ng
Pagpili ng Salita ng Taon (KWF, 2015). Pagkaraan ng unang linggo ng ECQ,
Notes on the Contributors 173

ginawa niya ang “Terminolohiya Kaugnay ng COVID-19” sa wikang


Filipino na bahagi ng kaniyang adbokasiyang #FilipinoDapat upang
ipaliwanag ang krisis sa wikang mas nauunawaan ng mamamayan.
Bahagi din siya ng UP Resilience Institute COVID-19 Response Team
bilang tagasalin at editor sa Filipino.

STENO PADILLA
Si Steno Padilla ay isang manunulat mula sa Baliwag, Bulacan. Nagwagi
siya ng dalawang magkasunod na Lampara Prize for Young Adult
Literature noong 2017 at 2018 para sa kanyang mga nobelang
pangkabataan. Naging fellow rin siya sa iba’t ibang palihan: 1st
National LGBTQ Writers Workshop (tula), 2nd Amelia Lapeña-
Bonifacio Writers Workshop (maikling kuwento), at 6th Cordillera
Creative Writing Workshop (maikling kuwento). Siya ay nagtapos ng
kursong journalism sa UP Diliman at kasalukuyang associate editor sa
isang healthcare publication.

RAPHAEL SALISE
Raphael Salise is a Creative Writing student from the University of the
Philippines Mindanao. He likes to read poems, fiction, and essays
by Filipino authors as he someday aspires to become successful
like them.  His works have appeared in Banaag Diwa, Dagmay, and
Philippines Graphic.

MARK ANTHONY S. SALVADOR


Nagtapos ng Bastilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas at ng Masterado sa Malikhaing Pagsulat
sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman si Mark Anthony S. Salvador.
Mababasa ang kanyang mga akda sa Tomas, Likhaan, Liwayway, Resbak,
Pylon, at Kawing. Kasapi siya ng Alliance of Concerned Teachers—
Private Schools.
174 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

SAVE OUR SCHOOLS NETWORK


The Save our Schools Network (SOS) is an alliance of child rights
advocates, organizations, and various stakeholders working together
to bring light and take action on the ongoing violation of children’s
right to education, particularly those targeted by militarization.
Education is a basic human right. However, over recent years, there
has been an alarming increase in the number of reports of schools,
particularly those of indigenous peoples, being militarized and
used as barracks and detachments in the course of the Philippine
government’s counterinsurgency campaign. These recurring child
rights violations gave birth to SOS. The network provides advocacy
and services to community schools that are recognized by the
Department of Education Indigenous People’s Education Office
(IPSEO). SOS upholds these schools’ programs that instill cultural
heritage and pride to protect their culture and ancestral land against
the encroachment of multinational investments and instead promote
a sustainable, community-based development program.

ISAY EMBÉRGA SINFUEGO
Nasa ikatlong taon si  Isay  Embérga Sinfuego sa kursong BA Philippine
Studies sa UP Diliman. Naging head dramaturg ng UP Repertory
Company taong 2019–2020 at kasalukuyang direktor ng Komite ng
Edukasyon at Pananasiksik sa UP Sikap.
Notes on the Contributors 175

JOHN IREMIL TEODORO


Si John Iremil Teodoro ay tubong-San Jose de Buenavista, Antique.
Nagtuturo siya ng literatura, malikhaing pagsulat, at pagpapahalaga
sa sining sa Departamento ng Literatura ng De La Salle University.
Associate for Regional Literature din siya ng Bienvenido N. Santos
Creative Writing Center ng La Salle. Awtor siya ng labinlimang libro
ng mga tula, maikling kuwento, at sanaysay sa Kinaray-a, Filipino,
Hiligaynon, at Ingles. May kolum siya sa magasing Liwayway tungkol
sa halaga ng pagbabasa ng libro. Siya ang kasalukuyang sekretaryo
heneral ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL.

MARIKIT TARA ALTO UYCHOCO


Marikit Tara Alto Uychoco is  an assistant professor at the Department
of English and Comparative Literature, University of the Philippines
Diliman. She graduated with a Bachelor of Arts in English, major in
creative writing, and a Masters of Arts in Education, major in language
education from UP Diliman. She is currently  studying for her PhD
in Comparative Literature in the same university. She has published
three textbooks on English language and literature for Rex Bookstore.
She was awarded her blue belt in Brazilian jiujitsu in 2019.
About the Cover Artist
Albert Raqueño

A lbert Raqueño is a sophomore Visual Communication student


at the UP College of Fine Arts. His works range from efforts to
educate about ongoing issues in the country to themes magnifying
longing and intimacy.

177
Tungkol sa Issue Editor

S i Vlad Gonzales ay associate professor sa Unibersidad ng


Pilipinas, kung saan siya nagtuturo ng malikhaing pagsulat,
panitikan, at kulturang popular. Naging fellow siya para sa mga
pambansang palihan (UP noong 2002 at 2009, Iyas noong 2005,
Iligan noong 2005), at kasalukuyang writing fellow sa UP Institute
of Creative Writing. Nakapaglimbag siya ng dalawang libro sa
Milflores Publishing House—Isang Napakalaking Kaastigan at A-side/
B-side: Ang mga Piso sa Jukebox ng Buhay Mo. Inilimbag naman ng
University of the Philippines Press ang kanyang mga librong Lab:
Mga Adaptasyon at iba pang Laro para sa mga Klaseng Panlaboratoryo
(2018), Mga Tala ng Isang Superfan: Fan Poetry at Fan Fiction (2019), at
Sa Kanto ng Makabud at Mangga, May Eskuwela (2020). Kasama siyang
nagsulat para sa Rizal X ng Dulaang UP noong 2011, at isinalin ang
mga sumusunod na dula: Elevator Action (adaptasyon ng The Dumb
Waiter, Dulaang Laboratoryo 2012); Pitong Patibong (adaptasyon ng
The Seven Deadly Sins of the Petty Bourgeoisie, Dulaang Laboratoryo
2013), Adarna (adaptasyon ng Ibong Adarna, Dulaang UP 2013), Mal
(mula sa The Trojan Women ni Euripides, Dulaang Laboratoryo 2014;
UP Los Baños 2017), Meta: Mga Aralin sa Pagsasalaysay (tampok ang
mga kuwento ni Pilandok at adaptasyon ng The Unravelling ni Fin
Kennedy, Dulaang Laboratoryo 2016), Ang Puting Ahas (salin ng The
White Snake ni Mary Zimmerman, UP Dulaang Laboratoryo 2016),
Deliryo sa El Niño (adaptasyon ng A Midsummer Night’s Dream ni
William Shakespeare, De La Salle University Dasmariñas 2016), Si
Pilandok at ang Batang Hindi Makauwi (Tingkala, UP Los Baños 2018),
at Ang Pitong Pagaspas ng Adarna (UP Los Baños 2019). Itinanghal

179
180 Dx Machina 1: Philippine Literature in the Time of COVID-19

ang orihinal niyang dulang Si Nelson, ang Nanay, ang Pancit Canton
para sa Short and Sweet Manila Festival (2015), ang We Choose to
Go to the Moon para sa Fringe Manila International Arts Festival
(2016), at ang Arkanghel sa Maccrotel bilang bahagi ng paglulunsad
ng Nomina Nuda Gallery (2018). Makikita ang kanyang mga sulatin
at larawan sa kanyang website na vladgonzales.net.
FEATURING WORKS BY:

Tilde Acuña
Dennis Andrew S. Aguinaldo
Genevieve Soriano Aguinaldo
Ronnie E. Baticulon
Paul Alcoseba Castillo
Paul Rico C. de Lara
Rodrigo dela Peña Jr.
Jesame Dilag-Domingo
Valentine Dula
Jan Robert R. Go
Ella Jane Hermonio
Cris R. Lanzaderas
Christine V. Lao
Eilene G. Narvaez
Steno Padilla
Raphael Salise
Mark Anthony S. Salvador
Save Our Schools Network
Isay Embérga Sinfuego
John Iremil Teodoro
Rolando B. Tolentino
Marikit Tara Alto Uychoco
Cover Art and Design:ISSUE EDITOR
Albert Raqueño

You might also like