You are on page 1of 3

Christmas - and standing on one's head

By Horacio de la Costa, S.J.

(These are excerpts from a homily delivered by the late Fr. Horacio de la Costa, SJ, at the old
Ateneo de Manila College of Law chapel in the mid-1950s)

Christmas is when we celebrate the unexpected; it is the festival of surprise.

This is the night when shepherds wake to the songs of angels; when the earth has a star for a
satellite; when wise men go on a fool's errand, bringing gifts to a Prince they have not seen, in a
country they did not know.

This is the night when one small donkey bears on its back the weight of the world's desire, and
an ox plays host to the Lord of heaven.

This is the night when we are told to seek our King, not in a palace, but in a stable.

Although we have stood here, year after year, as our fathers before us, the wonder has not
faded, nor will it ever fade; the wonder of that moment, when we push open the little door, and
enter, and entering find in the arms of a Mother, who is a Virgin, a baby who is God.

Chesterton said it for all of us: "The way to view Christmas properly is to stand on one's head."
Was there ever a house more topsy-turvy than the House of Christmas, the cave where Christ
was born?

For here, suddenly, in the very heart of earth, is heaven; down is up and up is down; the angels
and the stars look down on God who made them and God looks up at the things He made.

There is no room in an inn for Him who made room and to spare, for the Milky Way. And where
God is homeless, all men are at home.

We were promised a Savior. But we never dreamed that God, Himself would come to save us.
We knew that He loved us. But we never dared to think that He loved us so much. As to become
like us.

But that is the way God gives. His gifts are never quite what we expect, but always something
better than we hoped for.

We can only dream of things too good to be true; God has a habit of giving things too good to be
false.

That is why our faith is a faith in the unexpected, a religion of surprise.

Now more than ever, living in times so troubled, facing a future so uncertain, we need such
faith.  We need it for ourselves and we need it to give to others.

We must remind the world that if Christmas comes in the depth of winter, it is that there may be
an Easter in the spring.
Pasko – at ang Pagtayo nang Pabaliktad
ni Horacio de la Costa, S.J.

(Ang mga sumusunod ay mga sipi mula sa isang homilyang binigkas ng yumaong Padre Horacio

dela Costa, SJ, sa lumang kapilya ng Ateneo de Manila College of Law, noong dekada-singkwenta)

Ang Pasko ay pistang puno ng sorpresa, dahil panahon ito ng pagdiriwang ng mga bagay na iba

mula sa ating mga nakasanayan at nakagawian.

Panahon ito ng mga balintuna: gumigising sa gabing ito ang mga pastol sa kanta’t himig ng mga

anghel; nagkakaroon sa gabing ito ng isang talang umiinog sa mundo; naglalayag sa gabing ito

ang mga mago tungo sa isang bansang hindi nila alam, upang makapagdala ng mga regalo para

sa isang Prinsipeng hindi pa nila nakikita o nakikilala.

Sa gabing ito, dala-dala ng mumunting asno sa kanyang likuran ang Tagapagligtas na matagal

nang hinihintay ng sanlibutan, at, sa kulungan ng mga hayop, isang kapong baka ang nagsilbing

unang saksi sa kapanganakan ng naturang Tagapagligtas.

Sa gabing ito ng Pasko, inaanyayahan tayong hanapin ang Hari natin; at matatagpuan natin Siya

hindi sa isang palasyo, kundi sa isang sabsaban sa kulungan ng mga hayop.

Hindi kailanman mawawala ang pagkamangha sa ating mga mata sa tuwing masasaksihan natin

ang hiwagang dulot ng pagbukas ng pintong maliit, upang makita ang Diyos nating isang sanggol

pa lamang sa mga bisig ng kanyang Inang Birhen.

Nasabi na nga ni Chesterton: “Ang pagtayo nang patiwarik o pabaliktad ang tanging paraan

upang maayos na matingnan at maintindihan ang Pasko.” Hindi nga ba’t wala nang mas

nakagugulat pa kaysa sa mga salungat na ideyang dala ng Pasko—sa Tahanan ng Pasko at sa

kweba kung saan ipinanganak ang Panginoon?


Sapagkat sa oras na ito, nagkakaroon ng langit sa kaibuturan ng lupa; balintuwad ang lahat; ang

mga anghel at tala ang tinitingala ngayon ng mismong Diyos na lumikha sa kanila, sapagkat,

tulad natin, sa lupa na Siya nabubuhay.

Hindi man lamang nabigyan ng lugar na matutuluyan ang Siyang nagbigay sa atin ng matitirhan

sa gitna ng isang malaking kawalan; bagkus, hinayaan natin Siyang ipanganak sa isang sabsaban

lamang. Tahanang katiwala Niya sa atin ang mundong ito, at hindi man lamang natin nagawang

bigyan ng magandang matutuluyan ang Siya mismong nagbigay ng tirahang ito.

Oo nga’t alam nating ipinangako ng Diyos ang isang Tagapagligtas, ngunit hindi natin lubos

akalain na magagawa Niyang isugo ang bugtong na anak Niya upang makipamuhay sa piling

natin—lahat ng ito, bunga ng nag-uumapaw na pagmamahal Niya para sa sangkatauhan.

Sa ganitong paraan nagbibigay ang Diyos. Palaging higit pa sa ating kailangan ang mga

ipinadadala Niya, bagaman hindi natin inaasahan o naiintindihan ang mga ito.

Inaasam natin ang mga bagay na mahirap paniwalaan, gayong ang mga tunay na bagay ang

dapat nating asamin; at ganito ang palaging ibinibigay sa atin ng Diyos: mga bagay na nararapat

nating tanggapin, mga bagay na talagang kailangan sa buhay natin.

Ito ang dahilan kung bakit paniniwala sa mga hindi natin inaasam o inaasahan ang

pananampalataya natin; sapagkat naniniwala sa mga sorpresa—sa mga himala at balintuna—

ang relihiyon nating ito.

Ngayong namumuhay tayo sa panahong puno ng kaguluhan, at ngayong kaharap natin ang isang

kinabukasang puno ng katanungan at ‘di kasiguraduhan, lalo tayong inaanyayahang panindigan

ang mga paniniwala ng pananampalataya natin. Kailangan natin ang tiwalang ito sa mga ‘di

inaasahan, hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi, higit sa lahat, para sa iba.

Di nga ba’t kaya mayroong Pasko sa kabila ng taglamig ay upang paalalahanan tayong mayroong

Pasko ng Pagkabuhay na naghihintay sa tagsibol?

You might also like