You are on page 1of 2

Pangalan: Daisy Jean A.

Matic-an

AKADEMIKONG PROMPTS (UNANG BAHAGI)

1.  Ang mga salik na dapat mong isaalang-alang upang maging matagumpay sa


iyong pagtuturo sa Filipino.

Sagot:

Ang pagkakaroon ng isang mabisa at epektibong pagtuturo sa Filipino ay


nag-uugat sa kagustuhang matuto sa pagbabago nito. Sa pagdaan ng panahon
nagbabago at umuunlad ang istruktura nito kaya’t napakahalagang maging
bukas ka sa anumang pagbabagong naganap dahil ito ang simula upang maging
matagumpay sa hangaring makapagturo ng maayos sa Filipino.

2. Ano ang iyong pananaw ukol sa epekto ng social media sa tamang paggamit at
pagkatuto ng wikang Filipino.

Sagot:

Ang midya ay katulad din ng wika, lumalago sa pagdaan ng panahon. Isa


sa naging talamak ngayon hindi lamang sa mga kabataan ngunit pati na rin sa
mga matatanda ay ang paggamit ng social media. Dahil dito ay naaapektuhan
ang pang-araw-araw na buhay ng bawat indibidwal, hindi lamang sa kaugalian
kundi pati na rin sa kabuoan ng kanilang sangkatauhan. Isa sa may mataas na
salik na nakikita kong mas naapektuhan ay ang pamamaraan ng mga kabataan
sa pakikipagkomunikasyon o paggamit ng wika social media. Mapapansing may
kamalian sa kanilang pagbaybay at gramatika. Kaya’t naaapektuhan rin ang
kanilang pagkatuto ng wikang Filipino. Dahil sa hindi na nga ginagamit,
napababayan kung kaya’t wala na rin silang natutunan. Kung mayroon man ay
madalang na lamang.

Lubos kung pinapaniwalaan na ang lahat ng sobra ay nakasasama. At


kung may moderasyon man sa paggamit nito ay mas mainam para ang layuning
nais matamo ay kanilang magampanan.

3. Kung sa inyong talakayan sa klase ay mapansin mong may mga mag- aaral na
nagkakamali sa paggamit ng istruktura ng wika sa kanilang pahayag, ano ang
iyong gagawin?

Sagot:

Isa sa gawaing ginagampanan ng isang guro ay magabayan ang


pagkatuto ng bawat mag-aaral. Sa sitwasyong kagaya nito, gagabayan ko ang
pagsagot niya hanggang sa maitama niya ang kanyang sagot. Maaari ding, magbibigay
ako ng halimbawa sa klase na katulad sa ibinigay ng mag-aaral. At hahayaan ko siyang
itama yong pagkakamali niya.

4. Ipaliwanag ang iyong pananaw ukol sa pag-alis ng Filipino na asignatura sa


Tersarya.

Sagot:

Isa sa mga di malilimutang pahayag ng ating pambansang bayani na si Gat.


Jose P. Rizal ay nang winika niya ang pahayag na , “Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang
sa atin ay nagpala. “ Pahayag na di lamang tumatak sa isa o dalawang tao kundi sa
lahat ng sambayanang Pilipino. Ang wika rin ay ang pagkakilanlan ng isang kultura. Dito
masasalamin ang ating pagiging makabayan at simbolo na tayo ay isang Pilipino. Sa
madaling sabi, ang wikang Filipino ay ang pagkakilanlan ng ating pagiging Pilipino.

Isa sa naging usapin sa kasalukuyan ay hinggil sa pag-alis ng asignaturang


Filipino sa tersarya. Bilang isa sa tagapagtanggol ng ating wika nais kong ipabatid ang
aking sariling pananaw hinggil dito. Dahil sa ang wika ay dinamiko, nagbabago at
lumalago ngunit nawawala kapag di na ginagamit ito ay ang

You might also like