You are on page 1of 280

Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine

by DianeJeremiah

Remooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl.
She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler.
But her cousins and her sister says otherwise.

Pero mali pala siya, akala niya kaya niyang pigilan ang sarili at wag magkagusto sa
kapareho niyang babae. But she met, Chyler. At ngayon nga ay lantaran niyang
ipinapakita na gusto niya ito.

Si Chyler dela Rosa isang magiting na alagad ng batas. Pangarap niyang maging isang
Detective one day. Ilag siya sa mga katulad ni Jazmine. At kahit pa siguro anong
gawin ni Jazmine na pagpapa-cute sa kanya at pagpapansin, hindi niya pinapatulan.

Isang magiting na pulis at isang socialite, happy go lucky, play girl? May mabubuo
kayang magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa?

=================

Author's Note

Ni hao!

Welcome to my seventh story entitled Montalban Cousins: New Generation Series -


Jazmine.

Yes you're right, turn naman ngayon ni Remooji Jazmine "Jaz" Montalban na
magpakilig, magpaiyak at magpatawa sa inyong lahat :) Let me refresh you guys, si
Jazmine ay anak nina Alexandra at Arabella Montalban.

And I just want to say thank you for supporting Hailey's love story I hope nag-
eenjoy kayo sa pagbabasa sa love story nila ni Stephanie. So sana po suportahan
niyo pa rin yung ibang love stories ng mga pinsan niya, like Jazmine for example.

And please be reminded that this is a girl to girl love story. Kung hindi po ninyo
bet ang ganitong stories, better po hanap na lang kayo ng iba. Please feel free to
leave your comments and keep on voting ^-^ No harsh words allowed haha :) Paumanhin
po sa mga typos ;)

Thank you and God bless!


DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or


incidents, are all fictitious and a product of the author's playful imagination.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely
coincidental.

NO PART of this book shall be reproduced or transmitted in any form or by any


means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any
information storage and retrieval system without a written permission from the
author, unless permitted by law.

All Rights Reserved.

diane jeremiah :) 💘💘💘

=================

Chapter 1 PO2 Chyler dela Rosa

"You give me feeling I can't put into words."

Chyler POV

"Dela Rosa!" Pukaw sa akin ni Erick habang nagbabasa ako ng mga cases sa lamesa ko.

"O?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad siya papalapit sa lamesang ginagamit ko


at sinara yung folder na binabasa ko.

"Pahiram nga ng stapler mo." Sabi niya sa akin na may hawak na papel.
"Tsk." Palatak ko. "Stapler lang pala. Kung makatawag ka daig mo pa yung babaeng
manyak diyan sa kanto."

Natatawa naman siyang inilahad yung kamay niya para dun sa stapler na hinihiram.

"Oo na ikaw na ang malakas sa chicks. Ang hot mo kasing babae ka! Ang daming patay
na patay maikama ka lang." Sabi pa niya na nakangisi.

"Gago nasa police station ka ganyan pinagsasabi mo. Gusto mo bang ikulong kita
ngayon?" Biro ko naman sa kanya saka iniabot ko na sa kanya yung stapler.

"Huu! Wag ka na ngang pa-humble diyan!" Ngumisi pa siya sa akin saka naglakad na
pabalik sa table niya na pangatlo sa may pintuan at pangalawa sa kinaroroonan ng
table ko.

May mga kanya kanya kasi kaming table dito sa opisina sa loob ng Makati City Police
Station 9.

Tawag talaga namin dito sa isa't isa, yung apelyedo. Pero kami ni Erick, first name
basis. Matagal na kaming magkaibigan simula pa sa academy hanggang sa sumabak kami
at naging magka-kampo. Police Officer 3 ang ranggo niya habang ako ay Police
Officer 2 pa lang. Mas madami kasi siyang assignment na nakukuha kaysa sa akin.
Minsan nga iniisip ko kung meron bang diskriminasyon dito.

"Chyler." (Kay-ler)

Muli niyang tawag sa akin at napatingin ako sa kanya habang nag i stapler ng mga
papeles niya. "Punta ka mamyang gabi ha?"

"Anong meron mamyang gabi?" Clueless na tanong ko sa kanya.

Napalatak siya bago nag angat ng tingin sa akin. "Anak ng ---" Di na niya itinuloy
yung mura niya. "Nakalimutan mo na agad kakasabi ko pa lang sayo kahapon?" Di
makapaniwalang sabi niya sa akin.

"Ay oo nga pala." Natampal ko ang sarili kong noo ng maalala ko yung sinasabi niya.
"Birthday pala ni mareng Sonya mamyang gabi."

Napaismid siya sa akin. "Buti naman naalala mo. Sasamain ka talaga sa akin kapag di
ka pumunta. Magdadada na naman yung kumare mong yun pag di ka nakita."

Inaanak ko kasi yung panganay nilang si Jimboy na tatlong taong gulang na ngayon.

"Oo na oo na. Pupunta na ako mamya." Sabay wagayway ng kamay ko para i-dismiss yung
isyu. "Para ka namang babae kung tumalak diyan."

"Gago ka talaga!" Natatawang bulalas niya at isinauli na yung stapler ko.

Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa sa mga kaso na hawak ko. Meron yung nawawalang
anak, nilooban ang bahay, nasaksak ng kapitbahay, at kung ano pa yun.

Pero sa totoo lang, pangarap kong maging isang Detective. Simula ng bata pa kasi
ako gustung-gusto ko ng maging detective. Yung tatay ko isa ding pulis nun. Pero
napag-initan ng nahuli niya ang isa sa mga drug lord dito sa Makati. Pinagbabaril
ang sasakyan niya at kasama pa niya nun ang aking ina. Naiwan kami ni Vince na
dalawa. Yung 19 years old na nakakabata kong kapatid na lalake.

May naiwan

namang kaunting kayamanan ang aming mga magulang at yun ang ginamit ko para
makapagtapos ng pag-aaral. Kaya ngayon si Vince naman pinapag-aral ko... sa high
school. Tama, high school pa lang siya. Paano ilang beses na ba siyang nakick out
at napahinto sa pag aaral? Nabarkada kasi siya.

Naturingan nga akong matino at magiting na pulis, pero yung sarili kong kapatid di
ko madisiplina. Pero gayun pa man, mahal na mahal ko siya dahil kami na lang ngayon
ang magka-pamilya. May mga kamag anak pa kami pero nasa Bicol na sila nakatira.
Paminsan minsan dumadalaw kami dung magkapatid.

Kinahapunan, lumabas na ako ng police station at umuwi na ng bahay. Dala dala ang
luma kong kotse, na ilang taon ko din hinulugan sa kapatid ni Erick. Pagdating ko
sa apartment na inuupuhan ko, isa iyong two storey na lumang bahay. Mura lang naman
ang upa dito kaya pinatos ko na. May tatlong kuwarto sa taas, ngunit yung isa
napagdesisyonan kong i-convert yun sa mini study room para kapag nag uuwi ako ng
pinag-aaralan kong kaso, dun ako magtatrabaho. Ganun ako kade-dedicated sa trabaho
ko.
Pagkatapos ko magluto para may madatnang pagkain si Vince, ay agad na akong
nagtungo sa banyo sa taas sa may kuwarto ko dahil may sarili iyong banyo para
maligo. Nagbihis na ako pagkatapos ng casual na gray sleeveless shirt at saka black
jeans. Isinukbit ko sa may sapatos ko yung swiss knife for protection kung sakali
at saka sinuklay ang maikli kong buhok na medyo brown. Nagpabango na ako at kinuha

na yung itim na jacket ko.

Nang matiyak na okay na yung itsura ko sa may salamin ay napangiti ako.

"Pogi ko talaga." Palatak ko saka ngumiti.

Yes I am a lesbian pero di ako butch. Boyish lang talaga ako kumilos dahil na din
sa propesyon ko. Pero alam ko pa rin sa sarili ko na babae ako at babae din ang
hanap ko.

Pero tym pers muna ako sa love life ngayon. Medyo di pa move on sa nangyare sa akin
kahit limang taon na ang nakakalipas. Masakit pa din eh.

Iniwan lang naman ako ng tatlong taon ko ng girlfriend at nagpakasal sa iba. Saklap
'no?

Akala ko kami na ni Ann ang magkakasama habang buhay, pero mali pala ako. Iniwan
niya ako at ipinagpalit sa lalaking may kaya sa buhay.

Nagsasama na kami nun, pero di dito sa apartment na 'to. Sa bahay namin sa Bicol,
pero nang nalipat ako dito para magtrabaho, nagkahiwalay kami dahil nandun din yung
trabaho niya. Pagdalaw ko dun isang araw, nalaman ko na lang na ikinasal na pala
siya. Kaya pala ilang araw na siyang walang gana nun na makipag usap sa akin. Sana
man lang nasabi niya ng mas maaga para naihanda ko yung sarili ko. Pero wala eh.

Kaya wag na muna yang girlfriend girlfriend na yan. Madami din naman akong flings
pero hanggang dun na lang muna. Wala munang pag-i pag-ibig na yan.

Kaya naman ilag ako sa mga socialites na babae dahil ganun si Ann nun. Oo may kaya
din sila, ang pamilya niya. Ayaw nga nun sa akin ng tatay niya dahil isa daw akong
immoral na babae. Madami din akong natanggap na maaanghang na salita mula sa

tatay niya ng nagsama kami sa iisang bubong ni Ann. Pero nanahimik lang ako at di
siya pinatulan dahil nga mahal na mahal ko yung anak nila.

Alas siyete na ng gabi ng makarating ako kina Erick, dumaan pa kasi ako ng
Goldilocks para bumili ng cake nakakahiya naman sa kumare ko.

"Chyler!" Masayang bati sa akin ni Sonya ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Happy birthday, mare. Heto pala cake, pagpasensyahan mo na." Sabay abot ko sa
kanya sa pabilog na cake na hawak ko at nakalagay sa box.

"Nag-abala ka pa, mare. Pero salamat, Chyler." Sabi niya. "Pasok ka."

Niluwagan niya ang bukas ng pinto at pumasok na ako sa loob. Nandun na pala yung
iba naming mga kasamahan sa presinto. Nakangiting bumati sila sa akin at ako din sa
kanila. Kumain muna kami ng hapunan bago nagsimulang mag inuman. Red horse lang
naman yung sa akin dahil hindi naman talaga ako yung mahilig uminom. Pabeer beer
lang ako habang nakaharap sa mga kasamahan ko.

Masaya kaming nagkakatuwaan ng biglang humirit ng joke itong si Jimboy. Ang bata
bata pa pero ang bibo. Ang talino din para nang matanda kung magsalita.

"Kaya ikaw, Chyler." Baling sa akin ni Raymond, mas matanda siya sa akin ng apat na
taon. I'm 26 turning 27 three months from now. "Mag-asawa ka na at anakan mo na din
agad agad." Sabay tawa.

"Loko loko talaga kayo ako na naman ang nakita ninyo!" Natatawang saway ko sa
kanila bago tumungga ng beer.

"Mas habulin ka pa yata ng mga chicks kaysa sa mga lalake diyan sa tabi tabi!" Sabi

pa ni John na mas matanda naman sa akin ng tatlong taon.

"Yan tayo eh." Saka mayabang na nagkibit balikat.

Masaya ako dahil pagdating sa mga kaibigan ko ay pantay pantay ang tingin nila sa
akin. Pero gayun pa man, nirerespeto pa din nila ako at ganun din naman ako sa
kanila.
"Pero seryoso, mare." Bulong sa akin ni Sonya na nasa tabi ko. "Forget the past."
Makahulugang sabi niya. "Move on na tayo. Matagal na din namang nangyare yun."

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Mahirap kalimutan ang nakaraan lalo na kung
napakaraming memories at sugat ang iniwan nito sayo.

Hindi naman ako nagmamadaling lumagay sa tahimik. Nag eenjoy pa naman ako sa single
life ko. Isa pa, wala pa akong nagugustuhan. Sarado pa kasi yung puso ko. Wala pang
nakakapag bukas ulit nito.

Alas diyes na ng gabi ng magpasya akong umuwi. Nagpaalam na ako sa kanila dahil
baka wala na naman si Vince sa bahay. Baka di na naman yun umuwi at nakitulog na
naman sa mga barkada niya.

Mabagal lang pagpapatakbo ko dahil medyo may inom ako. Tatlong bote lang naman ng
red horse nainom ko, kaya di pa naman ako lasing dun.

Nakita kong may nakahintong sasakyan sa gilid ng madilim na parteng iyon ng kalsada
kung saan yung daang pauwi na sa bahay. Isang matangkad na babae ang nakita kong
nakatayo dun sa gilid ng hood at di malaman ang gagawin.

Halata itong mayaman sa suot na damit. Naka flirty mini skirt pa. Tiyak
pagkakainteresan ito kung sakali. Huminto ako sa bandang harapan ng kotse niya at
bumaba.

"Miss okay ka lang?" Tanong

ko sa kanya.

Bumaling yung tingin niya sa akin. Shocks ang ganda ng mga mata niyang kulay asul.
Foreigner pa yata ito.

"Who are you?" Matagal bago siya nakapagsalita at napatitig lang sa akin.

Kinuha ko yung badge ko at ipinakita sa kanya. "My name is Chyler and I'm a police
officer." Pakilala ko sa sarili ko para di siya matakot sa akin.
Mas lalo pa siyang gumanda sa malapitan. Ang tangkad na nga niya nakasuot pa siya
ng heels. Siguro nasa 5'11 siya pwera yung heels. Mas matangkad ako ng konti sa
kanya pero dahil naka heels siya, magkapantay na kami.

"What happened?" Tanong ko na lumapit sa kanya at tumingin sa magarang kotse niya.

"N-nasiraan yata ako."

Peste, marunong pala itong magtagalog eh! Tsk muntik na akong ma nose bleed!

"Titingnan ko ha?" Paalam ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at dun ko lang
napansin na titig na titig siya sa mukha ko.

Inangat ko yung takip ng hood ng kotse niya. Napaubo ako ng usok ang sumalubong sa
akin. Parang alam ko na kung bakit ito tumirik. Nag over heat!

"Miss, nag over heat 'tong kotse mo." Sabi ko na nagpapaypay pa ng mukha.

"G-ganun ba? Wala kasi akong alam sa pagta troubleshoot ng kotse eh." Sabi niya sa
akin. Ang lamya ng boses. Parang palaging naglalambing. "By the way I'm Jazmine."

Inilahad niya yung kamay niya sa akin saka ngumiti. Ang gitna ng labi nito ay medyo
may biyak ng konti na siyang mas lalong nagpaganda sa mukha niya. Medyo alon din
ang lagpas balikat na dirty blonde

niyang buhok.

"Nice to meet you, Jazmine." Tipid akong ngumiti sa kanya sabay abot din sa kamay
ko. Ang lambot naman ng kamay niya nakakahiya dun sa akin medyo magaspang. Pero who
cares ba?

Agad kong binawi yung kamay ko at itinuon ang atensyon sa kotse niya. Chineck ko
yung makina baka may nasira sa pag ooverheat nung kotse niya pero parang wala
naman.
Tinanong ko siya kung may dala siyang tubig. Umiling lang siya. Bumalik ako sa
kotse ko, buti na lang may dala akong tubig. Mga three liters din yun.

"Paki start mo nga." Sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang tumalima. Hindi umandar sa una at pangalawang attempt niya.

"Sige lang. Re start mo ulit." Sabi ko sa kanya.

Ginawa naman niya at mamatay matay pa ito ngunit nabuhay din yung makina ng kotse.

Masaya siyang bumaba ng kotse at nagpasalamat sa akin. "Thank you so much Chyler."
Sabi niya sa akin na todo ngiti pa.

Tumango ako ng bahagya sa kanya. "Walang anuman." Saka babalik na sana ako sa kotse
ko ng tinawag niya ang pangalan ko.

"Saang police station ka pala naka destino?" Curious na tanong niya.

"Ah sa may station 9." Sagot ko.

"P-pwede bang makuha number mo?" Tanong pa niya.

"Pasensya na hindi ko kasi ibinibigay number ko kasi kapag kinuha mo yun, wala na
akong number." Joke yun ha.

"Ha?" Parang naguluhan siya sa akin at nag-isip. Tumawa siya ng mahina ng


mapagtanto yung sinabi ko. Pati pagtawa niya may poise! "Funny."

"Mauna ka ng sumakay at umuwi ka na. Madilim sa parteng ito madaming nagkalat na


masasamang loob sa paligid." Paalala ko sa kanya.
Nagdadalawang isip na naglakad siya at bumalik sa kotse niya. Binuksan niya iyon at
bago siya pumasok ay nakangiti muna siyang nagpaalam sa akin.

"Bye, Chyler. Good night and see you again." Sabi niya. "Soon." Saka tuluyan ng
pumasok sa kotse niya.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob ng kotse ko at nag drive
na din pauwi.

Iiling iling ako sa babaeng iyon na ang pangalan ay Jazmine. Maganda siya oo pero
halatang sosyal. Ilag ako sa mga ganung babae.

(Chyler & Jaz on media ^-^)

=================

Chapter 2 The Stalker

"Nothing hurts more than realizing she meant everything to you and you meant
nothing to her."

Chyler POV

"Maraming maraming salamat po PO2 Dela Rosa sa pagkakahanap mo po sa aming nag-


iisang anak." Umiiyak na paulit ulit sa pagpapasalamat sa akin ni Mrs. Baltazar
dito sa loob ng presinto dahil sa pagkakahanap ko sa kanilang ilang araw ng
nawawalang anak.

"Wala pong anuman yun, ma'am. Ginagawa ko lang po yung trabaho ko." Magalang na
sabi ko sa kanilang mag-asawa yakap yakap ang kanilang kinse anyos na anak na
babae.

May iniabot siya sa akin na nakalagay sa isang sobre. Kahit na di ko yun nakikita,
alam kong pera ang laman nun. May kaya kasi sila Mrs. Baltazar.

"Tanggapin mo 'to bilang pasasalamat naming mag-asawa sayo." Sabi niya sa akin.
"Ay hindi po ako tumatanggap ng ganyan." Tanggi ko at itinago ko pa sa likod yung
dalawang kamay ko. "Bawal ho sa amin."

"Sige na hija." Kumbinsi sa akin ni Mr. Baltazar.

"Hindi po talaga puwede." Matigas na tanggi ko. Para na kasing suhol yun.

Hindi na nila iyon ipinilit pa sa akin. Natagpuan ko yung anak nila sa bahay ng
boyfriend nito na hindi kilala ng kanyang mga magulang. Mula sa asset ko, si Mang
Berting na isang maglalako ng kendi sa gilid ng kalsada, nalaman ko na lumayas ito
dahil sa pagiging istrikto ng mga magulang.

Naiintindihan ko naman ang mag-asawang Baltazar dahil nag iisa nila siyang anak.
Wag lang naman sa puntong nasasakal na yung anak nila sa sobrang pagka strict.

Ilang sandali pa'y umuwi na din

ang mga ito kasama ang kanilang anak.

"Case solved." Nakahinga ng maluwag na sambit ko at saka tinatakan yung harap ng


folder ng Case Solved at maingat na iyong inilagay sa filing cabinet sa likuran ng
table ko.

"Dela Rosa." Tawag sa akin nung isa kong kasamahan sa presinto.

"O?" Takang tanong ko sa kanya.

"May naghahanap sayo." Sabay taas baba nung mga kilay niya sa akin. Saka siya
sumenyas ng chicks.

"Sino?" Kunot-noong tanong ko dito.

"Hi!" Biglang sumulpot sa likuran niya yung matangkad na babaeng pamilyar sa akin.
Yung tinulungan ko isang gabi. Ano na ba pangalan niya?
Lahat yata ng mga kasamahan kong pulis sa kanya na natuon ang atensyon at
nakanganga pa, kulang na lang tumulo yung mga laway nila. Lalo na't ang sexy nito
sa suot na dress na hanggang kalahating hita lang yata niya. Nagsusway sway pa yung
balakang niya sa paglalakad. Para siyang modelo sa dating nito. May dala pa siyang
box na di naman kalakihan.

"Anong ginagawa mo dito?" Pormal ang mukhang tanong ko sa kanya ng makalapit siya
sa harap ng table ko.

"Miss upuan o." Tatlong pulis na kasamahan ko ang nagbigay sa kanya ng upuan.

Iiling iling akong napapalatak sa kanila. Parang ngayon lang sila nakakita ng
bebot. Sabagay, ngayon lang naman kasi may dumalaw dito na kasing ganda, tangkad,
at sexy ni... ano na nga ulit yung pangalan niya?

"Thank you." Malambing ang boses na sabi niya sa mga ito at umupo sa harap ng table
ko. Ang ganda pa ng ngiti nito at parang model sa isang toothpaste commercial sa
sobrang puti ng mga pantay pantay

na ipin.

"W-walang anuman." Sabay na sabay pang sagot nung tatlo na halos lumuwa na ang mga
mata sa kakatitig sa legs niya habang nakatayo sa likod lang nung babae.

Tiningnan ko naman silang tatlo ng may pagbabanta saka sinenyasang umalis na at


bumalik sa kani-kanilang trabaho. Kakamot kamot naman silang umalis at bumalik sa
kanilang mga lamesa pero nasa amin pa din yung atensyon nila.

"Kumusta ka na?" Nakangiting tanong nito sa akin.

"Okay lang naman." Casual na sagot ko. At tumingin sa kanya na parang nun ko lang
siya nakita.

"Oh!" Sambit niya na parang may naalala. "It's me Jazmine. Yung tinulungan mo sa
gilid ng daan?"

Ay oo nga pala Jazmine ang pangalan niya.


"Anong kailangan mo sa akin?" Pormal pa ring tanong ko sa kanya.

Pero ngumiti pa din siya sa akin. "I baked some cupcakes for you." Sabay lagay sa
ibabaw ng lamesa ko yung box na dala dala niya.

Di ko maiwasang tumaas yung kilay ko sa narinig. Bakit naman siya mag-aabalang mag
baked ng cupcakes para sa akin?

"As a token sa pagtulong mo sa akin." Para namang nabasa niya yung nasa isip ko.

"Sorry, Jazmine pero bawal kaming tumanggap ng anumang token dito sa opisina."
Sagot ko sa kanya.

"Hindi naman ito involved sa trabaho mo eh." Parang ayaw na niya atang bumaling ng
tingin sa iba at sa mukha ko lang talaga siya nakatingin. "Masarap yan." Sabi pa
niya at ang tinutukoy ay yung ginawa niyang cupcakes.

Lumapit naman sa amin si Erick. "Tsk ako muna titikim niyan." Saka tatanggalin na
sana niya yung magandang pagkaka-ribbon niya pero tinampal ni Jazmine yung kamay
niya.

"Hey!" Mataray na sabi

niya kay Erick. "This isn't for you."

Lihim akong napangiti sa pagkakasupalpal ni Erick. "Hey." Panggagaya naman ni Erick


sa kanya. "Kailangan ako unang tumikim nito baka may gayuma." Saka binuksan na yun.
"Di ba Chyler?"

"Yup." Pigil ang ngiting sagot ko kay Erick.

Nakita kong napaismid sa kanya si Jazmine at di na nagreklamo pa ng kumuha si Erick


nung gawa niya.

"Mukhang masarap ah." Sabi ni Erick saka kumagat na sa cupcake at kunwari pang
pumikit ito para namnamin yung lasa. "Masarap nga Chyler." Sabi niya kapagkuwan.

"See?" Proud namang sambit ni Jazmine na nakangiti sa akin.

"Si chief paparating." Hayag ni John na humahangos na umupo sa table niya at


kunwaring busy nagtatrabaho.

Umayos naman kaming lahat at mabilis ding bumalik si Erick sa table niya at sinubo
ng buo yung cupcake sa bibig niya.

Ilang sandali pa'y iniluwa nito si chief. Isang matangkad na lalake na nasa edad
singkwenta mahigit at medyo malaki ang tiyan.

Tumayo kaming lahat at sumaludo sa kanya bilang pagbati. Malapit sa may table ko
yung pintuan ng opisina niya eh. Sumaludo din ito at saka nagsiupuan na kaming
lahat.

"Tito Ramon!" Masayang bati ni Jazmine sa kanya at tumayo pa upang salubungin siya
ng yakap.

Nagkatinginan kami ni Erick.

"O Jazmine hija!" Medyo nagulat pa ito ng makita siya. "What brought you here?"
Niyakap din niya si Jazmine.

"Dinalaw ko lang po si Chyler." Sagot ni Jazmine ng kumalas ito ng yakap at sabay


pa silang nagbaling ng tingin sa akin.

"I didn't know na magkakilala pala kayo ni dela Rosa?" Saad ni chief ng

makalapit sila sa table ko.

"Tinulungan po niya kasi ako isang gabi kaya bilang pasasalamat ko binigyan ko siya
ng ginawa kong cupcakes." Masayang sabi niya pero sa akin nakatingin. "Hanga ako sa
kapulisan mo tito. Mababait silang lahat."
Ewan ko pero parang nagpapalapad yata ito ng papel di ko alam kung kanino.

Nagkibit balikat lang siya na nakangiti. "Kumusta ang mga magulang mo?"

"Okay naman po sina mommy, tito." Tugon ni Jazmine.

"Maybe one of these days madalaw ko sila sa hacienda niyo." Sabi niya.

Hacienda? Parang nagulat pa ako. So tama ako? Sobrang yaman ng babaeng 'to?

"Ay sige po tito sasabihin ko sa kanila." Sabi ni Jazmine.

Nagpaalam si chief na papasok muna sa opisina niya at maiwan muna siya sa akin.

"Dela Rosa, be nice to her." Sabi sa akin ni chief.

Bakit pakiramdam ko may kalakip na pagbabanta yung sinabi niya sa akin? Napalunok
na lang ako saka pilit ang ngiting sumagot ng yes sir.

"So..." Sabay upo sa kinauupuan kaninang sambit ni Jazmine. "Dela Rosa pala ang
last name mo."

"Oo." Sagot ko sa kanya.

"Bagay na bagay sayo yung pangalan mo, Chyler dela Rosa." Nakangiting sabi niya.
Bakit parang nang-aakit yung mga mata niya? "Lean and tough." Saka hinagod ako ng
tingin. "Strong and yet nandun pa rin yung feminine side." Dagdag pa niyang sabi.

"Thanks." Tipid na sagot ko sa kanya.

"By the way, my full name is, Remooji Jazmine Montalban. But you can call me
Jazmine or simply Jaz." Saad niya.
Montalban?

Matagal

ko ng naririnig ang apelyedong iyan at alam ko kung gaano sila kayaman at kasikat
sa business world. Di ba nga may eskwelahan pa sila? Speaking... di ba ito nag-
aaral o tapos na siya?

"Ilang taon ka na?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Nineteen." Nakangiting sagot niya.

Ang bata pa niya!

"Wala ka bang pasok?" Takang tanong ko sa kanya.

"Mamyang hapon pa pasok ko sa school." Sagot niya sa akin. "How about you?" Balik
niyang tanong. "Ilang taon ka na Chyler?"

"Twenty six." Sagot ko. "Ka age mo pala yung nakakabatang kapatid ko."

"Talaga?" She mumbles.

Tumango lang ako sa kanya. Wala akong balak ikwento sa kanya ang buhay ko.

"Pwede ko na bang malaman cellphone number mo?" Kapagkuway tanong niya sa akin.

Narinig ko yung palatak ni Erick at napatingin ako sa kanya. Sumenyas siya na


parang grab it. Saka kunwari pang napakagat labi. Baliw talaga ito ang halay!

"Bakit mo ba gustong malaman number ko?" Balik na tanong ko sa kanya.


"Gusto kita." Dirediretsong sabi niya sa akin.

Bigla akong napaubo. Kung umiinom lang ako ng tubig ng mga sandaling iyon naibuga
ko na sa magandang mukha niya.

"Ano?!" Napalakas na tanong ko sa kanya.

"Isn't it obvious that I like you?" Saad niya. "A lot?"

Natawa ako ng mahina. "Alam mo bata..."

"I'm not a kid." Kontra niya.

"For me you are." Sabi ko naman sa kanya at sumimangot siya sa sinabi ko.

"Gusto mo bang patunayan ko sayo na hindi na ako bata?" May pagbabanta sa mga mata
niya.

"No need." Sabi ko na lang sa kanya may hindi ako magandang nararamdaman sa sinabi
niya eh. "At baka nagkakamali

ka lang."

"Mukha bang di ko alam ang tama sa mali?" Sabi niya sa akin.

"Di naman sa ganun ---"

"So ibibigay mo na number mo sa akin?" Tanong niya. "Or gusto mong sa iba ko na
lang yun kunin?" Dagdag pa niya.

Narinig ko yung impit na tawa ng mga kasamahan ko. Mga kulokoy na 'to lihim pa lang
nakikinig sa pag-uusap namin ni Jazmine.
"Akin na yang cellphone mo." Sabay lahad sa kamay ko.

Nakangiting inilabas niya yung mamahalin niyang cellphone mula sa shoulder bag niya
at ibinigay sa akin.

Ano ako? Shunga? Number ni Erick yung iniligay ko sa cellphone niya.

Pero mukhang mas matalino siya sa akin dahil pinag-ring pala niya at narinig na
lang namin na tumutunog yung phone ni Erick. Napangisi si Jazmine sa akin saka
muling inilahad yung cellphone.

"Ibibigay mo ba sa akin yung number mo or isusumbong kita kay tito Ramon?" Nam
black mail pa!

I gritted my teeth. Grabe. Naiinis ako sa kanya. Ang kulit kulit!

Asar na ibinigay ko na sa kanya yung number ko. Pinag ring niya ulit iyon to make
sure number ko nga yung binigay ko. Nang matiyak na akin na nga yun, napangiti na
siya saka tumayo na.

"Thanks, Chyler." Nakangiting sabi niya sa akin habang ako di na maipinta yung
itsura ko. "I'll see you again... soon." Saka nag flying kiss pa at naglakad na
palabas ng presinto.

Pagkalabas niya, agad akong kinantiyawan ng mga kasamahan ko. Kesyo daw ang lakas
ko sa mga chicks. Ang ganda daw nung bago kong tagahanga. Ang swerte ko daw dun.

Naiiling na lang ako sa kanila. Tsk. Wala na naman silang magawa kundi tuksuhin
ako.

Sa inis ko kay Jazmine, umabot iyon hanggang hapon. May gagawin pa naman kaming
raid mamyang gabi sa isang sikat na bar dito sa Makati. May illegal na transaksiyon
kasi yung may ari sa likod ng bar na ito.

Pumasok na kami ni Erick sa loob ng bar at kunwaring customer kami. Ang dami ng tao
alas otso pa lang ng gabi. Nagkatinginan kami ng iba pa naming mga kasama ng gabing
iyon. Naka undercover kami ngayon.

Nag-order na kami ng maiinom ni Erick. Habang umiinom kami ay malikot ang mga mata
namin at alerto ang aming pakiramdam. Kailangan na walang sinuman ang mag-akala na
may raid na magaganap.

"Hi." Aniya ng isang boses babae na lumapit sa likuran ko.

Siya na naman?!

Napapikit ako sa sobrang pagkadismaya. "Anong ginagawa mo dito?" Di ko naitago yung


inis sa boses ko.

Tumabi si Jazmine sa akin. "I heard kasi na pupunta ka sa bar."

Maang na napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang na nakayuko si Erick sa kinauupuan


niya. Tinitigan ko siya ng may babala. Kunwari namang inosente siya at walang
ginagawang masama.

At itong babaeng 'to, mukhang di ako titigilan.

-Chyler & Jazmine on media 😊

=================

Chapter 3 My Subject

"I just want to be perfectly clear, you amaze me whenever you're near."

Jaz POV
Nang malaman kong papunta sa bar si Chyler ay agad akong nagbihis at tumungo dun.
Thanks to her friend Erick. Pagkakamali niya, ibinigay niya sa akin yung number ng
best friend niya. And very supportive naman si Erick kaya agad ako nakakuha ng info
from him.

"Sagot ko na inumin niyong dalawa." Nakangiting sabi ko but particularly kay


Chyler.

Ang lakas talaga ng dating niya sa akin. Just her mere stance send shiver down to
my spine. Kaya naman agad ko sinabi sa kanya na gusto ko siya. Bakit ka pa
magpapaligoy-ligoy di ba?

Panay ang lingon nito sa paligid at mukhang di ako pinapakinggan at pinapansin.


Para itong may hinahanap sa loob ng bar.

Ang ganda ng mga mata nitong kulay brown, ang matangos na ilong niya, ang manipis
nitong labi na parang ang sarap halikan. Maputi siya to think na isa siyang pulis.
Mostly kasi nakikita kong pulis ay moreno, please don't get me wrong.

I don't know and I still don't understand why ang lakas ng tama ko sa kanya.
Gustung-gusto ko siya makuha. I don't care if ang labas ko ngayon sa kanya ay isang
stalker. But she's aloof too and hard to get. Lantaran niyang ipinapakita sa akin
na wala akong epekto sa kanya. Somehow it insults my ego, but on the other hand, it
challenges me more.

Napapitlag siya ng ipinatong ko yung kamay ko sa kamay niya na nasa lamesa. Ang
bilis niyang binawi ang kanyang kamay at walang emosyong tumingin siya sa akin.
Pero sorry, sa aming magpipinsan ako ang pinaka persistent.

So... I placed my hand on her right leg since nasa gitna nila ako ni Erick. And it
looks like it annoys her more. Matiim siyang tumingin sa akin saka sa kamay ko na
nasa ibabaw ng legs niya. I smiled at her.

Nagbuga siya ng hangin. Hinawakan niya ako sa braso at saglit na nagpaalam kay
Erick, na tumango lang sa kanya. Hinila niya ako sa hallway kung saan papunta na
yun sa cr ng bar walang tao dun at hindi rin gaano dinig yung malakas na tugtog.

"Ano ba talaga ang gusto mo ha?" Kompronta niya agad sa akin ng nandun na kami at
nakatayo na siya sa harapan ko.

"Ikaw." Agad na sagot ko sa kanya.

Sinandal niya ako sa pader using her two hands on my shoulders. "Hoy bata, wag na
wag mo ako pinaglalaruan ha?" Asar na sabi niya sa akin.

Nalukot ang mukha ko ng marinig ko yung word na bata. Parang ilang taon lang naman
yung pagitan namin. And I don't care about our age gap.

"I'm not a kid anymore, Chyler." I rolled my eyes. "Actually, I know how to make a
baby already." Saka ko pinaglaruan yung collar ng suot niyang dark brown leather
jacket.

Hinuli niya yung kamay ko. "Kung maaari lang, umuwi ka na Jazmine." Madiing sabi
niya at hawak hawak pa din niya yung kamay ko.
I can smell her hot breath. Ang bango naman ng hininga niya. "Ayoko." Sagot ko sa
kanya.

Naningkit yung mga mata niya sa akin. "Bahala ka. Pero sana wag mo ako ginugulo."

"Hindi naman kita ginugulo ah." Depensa ko.

"Pwede ba bata, wag na nga tayo maglokohan dito!" Ang diin ng pagkakasabi niya.

Naiinis na ako sa kakatawag niya sa akin ng bata. I grabbed her head and

kissed her hard. Tingnan natin kung tatawagin pa ba niya akong bata ngayon.

I moved my lips on hers. Halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko dahil nanigas
siya at hindi gumagalaw. I tried to deepen more the kiss pero parang natauhan na
siya sa ginawa ko at nilayo na niya yung mukha niya sa akin.

Mas lalo yatang nagdilim yung mukha niya sa ginawa ko. "Go home, Jazmine." Isa
iyong utos.

"Bakit ba?" Angal ko sa kanya. "Gusto pa kitang makasama."

She closed her eyes halatang nagpipigil na wag ako masigawan. Muli siyang nagmulat
at kita ko nang kontrolado na niya ang kanyang emosyon.

"Look," Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. Nakikiliti ako sa mainit na
hininga niya. "We're on a mission here. Anytime soon may mangyayareng gulo kaya
sige na please lang. Umuwi ka na." Mahina lang pagkakasabi niya nun na parang takot
siyang may makarinig na iba.

Napaawang yung bibig ko sa sinabi niya at kinabahan ako, hindi para sa sarili ko
kundi para sa kanya.

"W-what?" Nababahalang sambit ko. "No, I just can't leave you here." Sabi ko.

Sasagot sana siya ng bigla siyang natigilan. May idiniin siya sa kanyang tenga. Isa
pala iyong earpiece.

"Ten nine, ten nine." Mahinang sagot niya. "Yes this is code red." Sagot niya. "Ten
one. Please repeat."

I know some police codes but not that much. Mukhang binibigyan na siya ng signal ng
kanyang mga kasamahan at mas lalo akong kinabahan.

"Ten o'clock." Sagot niya.

Isang malakas na putok ang umalingaw-ngaw sa loob at napayuko kaming dalawa.

"Peste!" Narinig kong mura niya at aalis na sana at iiwan na ako pero pinigilan ko
siya sa

braso.

"Chyler, stay here." Sabi ko sa kanya.

Iwinaksi niya yung kamay ko at saka inilabas yung baril niya na nakasukbit sa suot
niyang boots saka iyon ikinasa.

"Dito ka lang." Utos niya sa akin.


"Pero ---"

Di ko na iyon naituloy pa dahil dali-dali na siyang tumayo at payukong lumabas ng


hallway. Naririnig ko na dito yung mga putukan sa labas at saka yung hiyawan ng mga
tao. Sunod-sunod na putok ang narinig ko at napatakip ako ng tenga.

God, ano ba 'tong napasok ko? Usal ko sa loob loob ko.

Nakarinig ako ng isang sigaw at nanlaki yung mga mata ko. Inisip ko agad si Chyler.
Payuko akong lumabas sa pinagtataguan ko at naglakas loob na lumabas para hanapin
si Chyler. Nagtago ako sa mga nakatumbang mga lamesa. Naglakad pa ako pasulong kung
saan wala na akong naririnig na putok ng baril.

Isang malakas na hatak ang gumulat sa akin.

"Shit!" Galit na mura ni Chyler.

Agad ko siyang niyakap ng makita ko siyang okay at walang tama ng baril. Mukha pa
nga siyang nabigla sa ginawa ko.

"Are you okay?" Tarantang tanong ko sa kanya at kinapa yung katawan niya kung may
tama ba siya ng baril. "Wala ka bang natamong sugat?"

"Hey, hey. Stop!" Asar na sambit niya saka hinawakan yung kamay ko sa pagkapa sa
katawan niya kung may tama ba siya ng baril o sugat.

Sasagot sana ako ng biglang may magpaputok sa direksyon namin. Agad niya akong
hinila sa may pader at nagtago dun. Nakahanda yung baril niya habang hawak hawak
ako ng kaliwang kamay niya.

"Putek!" Mura niya ng sunod sunod kaming pinapaputukan.

Nang tumigil sa pagpapaputok

yung kalaban niya ay sumilip siya saka siya naman ang nagpaputok ng baril.
Nakakabingi yung lakas ng mga putukan. Nagpaputok siya ng tatlong beses. At may
narinig akong parang natamaan.

Tumaas baba yung dibdib niya ng bumaling siya sa akin. "Kapag sinabi kong stay put,
I mean it. Kaya kung pwede, kung pupwede lang, dito ka lang utang na loob." Galit
na sabi niya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya. Alam kong mapanganib kapag sumama pa ako sa kanya.
"Ingat ka. Papakasalan mo pa ako." Sabi ko sa kanya.

"Ano?" Naguluhang sambit niya sa akin.

I cupped her face and kiss her lips again. "Just take care." Sabi ko.

Naiiling na umatras siya. "Mag-uusap tayo mamaya." Sabi niya sa akin bago tuluyang
nawala sa dilim.

Natamaan kasi ng bala yung mga ilaw sa loob ng bar at medyo madilim na. Halos di mo
na din maaninag dahil sa usok. Ilang sandali pa'y narinig ko na yung huni ng police
siren at ambulance. Wala na din akong naririnig na putukan sa labas. Ilang minuto
pa akong nanatili dun at baka sakaling balikan ako ni Chyler.

"Jazmine." Tawag sa akin ng isang lalake. Si Erick pala iyon.


"Hey, where is Chyler?" Tanong ko sa kanya.

"Nauna na sa presinto. Dala-dala yung mga kriminal na nahuli namin." Sagot niya sa
akin.

Iniwan niya ako dito? Akala ko ba mag-uusap kami?

Kinabukasan, laman ng newspaper yung nangyaring raid sa may bar. Nahuli na yung
may-ari nun at sinabi pa dito na may ginagawang anumalya sa likod ng bar na iyon.
Parang front act lang yung bar. Dun pala ang bagsakan ng mga coccaine at ecstasy na
binibenta sa mga customers

nila na kunwaring nagpupunta sa bar. Actually, kagabi lang ako nakapasok sa bar na
iyon. Mas cheap kasi yun compare sa mga pinupuntahan naming magpipinsan at ng mga
friends ko.

"Di ba dito ka nagpunta kagabi, ate Jaz?" Sabi ni Taylor sa akin ng nasa may dining
table kami at kumakain ng agahan. Katapat ko siya ng upuan.

Sinipa ko siya sa paa at saka pinanlakihan ng mga mata. Baka marinig siya ni mommy.

"What was that?" Angil niya sa akin.

"Hey you two, behave." Saway sa amin ni mommy Ara na paupo sa may tabi ko. "Nasa
harap kayo ng pagkain."

Wala si mama Alex dahil nagpunta siya sa Batangas para bisitahin yung hacienda
namin dun. Mas naglalagi siya ngayon dun lalo na ngayong mga nagdaang araw dahil
malapit ng anihin yung mga bunga ng mangga namin.

Si mommy Ara naman, dito na siya sa bahay. Yung shop niya sa Laguna, pinapa-manage
niya sa katiwala niya at paminsan-minsan na lang na dumadalaw dun para bisitahin na
din si lola.

Sinimangotan ako ni Taz, at ako naman dumila sa kanya saka ngumisi.

"May na raid pala na bar kagabi." Panimula ni mommy habang kumakain na kami. "Kaya
kayong dalawa, wag kayong masyado nagpupunta sa mga bar at dapat kilalanin niyo
muna kung safe ba yung pupuntahan niyo."

"Si ate mom --- Aray!" Hindi na naituloy ni Taz yung sinasabi dahil muli ko siyang
sinipa sa ilalim ng lamesa. Muli ko na naman siyang pinandilatan ng mata.

"What is it, Taylor?" Dudang tanong ni mommy sa kanya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Tiningnan ko siya na parang sinasabi kong, tell mom
my whereabouts and I'll tell yours.

"Wala po mommy."

Sagot niya saka ngumisi kay mommy.

"Kapag may nalaman akong kalokohang ginagawa ninyong dalawa, isusumbong ko kayo sa
mama niyo." Sabi niya sa amin. "Ikaw, Taylor." Baling niya sa kapatid ko. "Magtino
ka ng konti kung hindi tatanggalan ka ng mama mo ng allowance sa buong linggo."
Natawa ako ng mahina sa kapatid ko. "At ikaw naman Remooji (Ree-mu-jay)," Baling
naman sa akin ni mommy. "Nagpunta ka daw sa police station kahapon, sabi ng tito
Ramon mo nung tumawag siya sa akin."

Si tito Ramon kasi, asawa siya ni tita Athena, yung isa sa bestfriend ni mommy sa
Laguna. Mas matanda nga lang si tito Ramon ng ten years kay tita Athena. Pero hindi
naman naging hadlang yung age gap nila para ma-fall sa isa't isa. That's why I
don't care our seven years age gap ni Chyler.

So what? Mas gusto ko nga yun kasi mas mature na siya mag-isip at kumilos. Hindi na
isip bata.

"May dinalaw lang po akong kaibigan dun mom." Sagot ko naman.

"Kaibigan? Sino naman yan?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Pulis mommy." Agad na sagot ni Taz.

"Pulis?" Bulalas ni mommy. "Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigang pulis?" Takang


tanong niya sa akin.

"Nakilala ko si Chyler mom nung isang gabing nasiraan ako ng kotse at tinulungan
niya ako." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Naiiling si mommy sa akin. "So is he good looking?"

Lumapad yung ngiti ko nung sinabi niya yung he. "Mom, babae po si Chyler."

Napatigil siya sa pagsubo saka amused na tumingin sa akin. "Oh, really?"

Bakit ba pakiramdam ko parang nasiyahan siya nung sinabi kong babae si Chyler?

"And yes, she is good looking. Malakas yung dating ng personality niya and she's a
good, decent, police woman." Pagmamalaki ko.

"Hmm..." Sambit niya. "Parang gusto kong makilala yung Chyler na yun." Curious na
sabi ni mommy.

"Ako din, mommy." Sabad naman ni Taylor saka ngumisi sa akin ng makahulugan.

Tiningnan ko nga siya ng masama. Subukan lang niyang may gawing kababalaghan kay
Chyler malalagot talaga siya sa akin. Mukhang nakuha naman niya yung ibig kong
sabihin sa mga titig ko sa kanya at mas lalo pa siyang ngumisi sa akin.

(Jazmine on media)

=================

Chapter 4 David Omar Gala


"Maybe I'm too late to be your first. But right now, I'm preparing myself to be
your last."

Jaz POV

Busy ako sa pagbe-bake ng cookies na ibibigay ko sana kay Chyler, umaga ng Sabado.
Mahilig kasi ako magbake. And naisipan kong dalhan siya mamya sa presinto ng
merienda.

"RJ!"

Bigla akong napalingon sa boses lalake na iyon. Iisang tao lang naman ang tumatawag
sa akin ng ganun.

"David!" Masayang sambit ko saka tumakbo para yakapin siya.

Tuwang tuwa naman na niyakap niya ako ng mahigpit saka isinayaw pa in the air.

"I miss you princess!" Sabi niya saka ako ibinaba pero yakap pa din niya ako sa
beywang.

"I miss you too." Sambit ko naman.

Wala pa rin kupas ang kaguwapuhang taglay niya. Ang tangkad din niya sa height na
6'3". Varsity player nga siya sa larong basketball sa kasalukuyang university na
pinapasukan niya sa Oklahoma City. Anak siya ni tita Sofia, yung isa sa mga
bestfriends ni mommy noong college. Kababata ko siya, para ko na siyang kapatid.

"How are you?" Nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa mukha ko.

"I'm good." Masiglang sagot ko sa kanya at kumalas na ako sa yakap niya.

Iginaya ko siya sa may maliit na lamesa sa may bandang gilid at sinenyasan yung
kasambahay na bigyan kami ng inumin.

"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Kahapon lang." Sumulyap siya sa may center island at
tiningnan yung ginagawa ko dun. "Mukhang nagbe-bake ka na naman."

"Ay oo kuya David!" Si Taylor ang sumagot sa kanya na kakapasok lang

sa kusina at nagtungo dun sa ginagawa ko. "May pinagbe-bake siya eh." Makahulugang
sabi niya kay David saka kumuha ng luto ng cookies.

Agad naman akong tumayo para sawayin siya. "Taz!" Sabay agaw sa tray kung saan
nakalagay yung mga gawa ko ng cookies. "Hindi ito para sayo ha?!"
"Para tinikman ko lang eh." Tugon niya sa akin.

"Para kanino naman yan?" Curious na tanong ni David at tumayo pa talaga.

"Para sa nililig---"

"Ah wala!" Nakangising sabi ko habang tinakpan ko ng cookies yung bunganga ni


Taylor.

"Ate, ano ba?!" Reklamo sa akin ni Taz.

"Tumahimik ka!" Pinandilatan ko siya ng mata.

"You have boyfriend already?" Tanong sa akin ni David.

All he knows is I'm straight and that there's ni chance that I will fall to a girl.
But I did... I mean, I like Chyler not yet love though.

Umiling ako sa kanya. "No, I don't have."

"Pero malapit na siyang magka-girlfriend." Sabad na naman ni Taz.

Asar na tinapunan ko na siya ng tingin pero bago pa ako nakapagsalita laban sa


kanya, dumakot siya ng cookies saka mabilis na lumabas ng kusina.

"She's so cute." Natatawang sambit ni David sa tabi ko habang nakasandal siya sa


may center table.

"No." Agad na kontra ko sa kanya. "She's annoying."

"Wala pa rin kayong ipinagbagong dalawa." Iiling iling na saad niya. "Mahilig pa
din kayong mag-asaran. But the good thing is, wala naman sa inyo ang pikon."

Ganun lang talaga kami ni Taz, pero siya talaga ang bestfriend ko. Minsan sa kanya
ako nagsasabi kapag nahihiya ako mag-confess kina mommy. Kahit makulit

siya most of the time, mahal na mahal ko ang kapatid ko.

"You're right." Sang ayon ko sa kanya.

"So..." He mumbles. "Para kanino yung cookies?"

I rolled my eyes. Isa din tong makulit eh. At hindi yan titigil hangga't di ako
nagsasabi sa kanya.

"Alright." Walang nagawang sabi ko at naglakad sa may dining table at naupo dun.
Sumunod naman siya sa akin at naupo siya sa tabi ko. "There's this woman that I've
met..."

"Woman?" Nabiglang sambit niya. "I thought you're straight as a flag pole?"

"I thought so..." I trailed off.

"She must be a good looking woman then." Nakangiting sabi niya.

I smiled at the thought of Chyler's face. "Yes, she is." May pagmamalaking sabi ko.
"And she's kind, and great, and wonderful, and ---"
"Okay." Natatawang sabi niya. "That makes me more eager and excited to meet this
person you're in love with."

Hindi ko na lang siya itinama. Hinayaan ko na lang siyang isipin niya na in love na
nga ako kay Chyler.

"So what's her name?" Curious na tanong niya sa akin.

"Chyler." Nakangiting sagot ko.

"Chyler?" He repeated.

I nodded twice. "Yes." I replied back. "And she's a police woman."

"Policewoman?!" Nabiglang sambit niya.

"Uhum." I mumble.

"You're in love with a woman, her name is Chyler and she is a police woman." He
said in disbelief. "Wow, Jaz. Just wow." Di makapaniwalang sambit niya.

"So?" Wika ko. "What's wrong with being in love with a police woman?"

"Don't get me wrong okay." Nagpapaunawang sabi niya. "Pero hindi maganda yung mga
nababalitaan kong reputation ng mga pulis ---"

"Ibahin

mo siya, David." Agad na depensa ko kay Chyler. "She's not like that. She's
different from what you're talking about."

"Hindi ko naman sila nilalahat, what I'm trying to say is, you're still young ---"

"David, I'm not a kid anymore." Naiinis na talaga ako sa isyung bata pa ako. "I'm
on my legal age to decide whoever I want to and why I want them."

"Okay, okay." Sukong sabi niya. "That's not what I mean. Of course you have all the
right to choose whoever you want to be with. What I really want to say is... I'm
always here for you." Saka niya ipinatong yung kamay niya sa kamay kong nasa ibabaw
ng lamesa.

Ngumiti na lang ako sa kanya. "I miss you, Da-o." I used to call him Da-o when we
were kids, short for David Omar.

He chuckles. "I miss you too, RJ." At siya lang ang tumatawag sa akin ng ganun.

Nagkatitigan kami saka nagkatawanan sa isa't isa. Just like old days.

David stayed until lunch time. Inaya na siya ni mommy na kumain sa bahay. Darating
na din pala mamyang hapon si mama Alex since pupunta kaming lahat bukas sa bahay
nila tita Abby para dun magla-lunch. And I've heard, ipapakilala na ni Hailey si
Stef sa family namin as her girlfriend.

Pagkaayos ko ng cookies sa lalagyanan, ay nagpaalam ako kay mommy na dadalawin si


Chyler sa presinto. Agad naman siyang pumayag, pero sinabing mag-iingat lang ako.

Pagka park ko ng sasakyan ko, tiningnan ko muna yung itsura ko sa rearview mirror
kung ayos lang ba yung itsura ko. After kasi ng nangyare nun sa bar, di na kami
ulit nagkita ni Chyler. Tinetext ko siya pero never siya nagreply sa akin. I tried
to call her too, pero hindi niya iyon kailan man sinagot.

Naiinis man ako sa lantarang pagtanggi niya sa akin, di pa rin ako sumusuko. I
really like Chyler. Gusto ko siyang makuha, gusto ko siyang maging girlfriend.

Nang masigurong maayos na ako pagkatapos ko mag retouch ng lipstick ko at light


make up, lumabas na ako ng kotse bitbit yung naka box na cookies.

Panay ang bati sa akin ng mga kasamahang pulis ni Chyler habang naglalakad ako
papasok ng presinto sa may nagsisilbing opisina ng mga pulis sa loob.

Mabilis kong napansin na wala sa table niya si Chyler at agad naman akong nakadama
ng pagkadismaya. Namiss ko kaya siya. Ilang araw ko din siyang di nakita.

"O, Jazmine." Bati sa akin ni Erick ng makita ako.

"Hi, Erick." Bati ko din sa kanya. "Si Chyler?" Tanong ko sabay turo sa table niya.

"Ay rumesponde kani-kanina lang." Tugon niya sa akin.

"Ha?" Bigla na naman akong kinabahan para sa kanya. Para kasing kapag sinabi ng
rumesponde eh barilan na agad yung nasa isipan ko. Paranoid pa naman ako.

"Wag ka mag-alala, di yun barilan." Para namang nabasa niya yung nasa isipan ko.

Sinabi niya sa akin kung saan nagtungo si Chyler at pinuntahan ko siya, kahit pa
panay ang pigil sa akin ni Erick na wag ako pupunta dun dahil tiyak na magagalit si
Chyler.

Pagdating ko dun sa lugar na sinabi ni Erick, ang daming tao na nakapalibot at


nakatayo dun malapit sa may tulay.

"Ayoko ng mabuhay kung hindi rin lang ako babalikan ng asawa ko!" Sigaw ng isang
lalake na nasa gilid ng tulay at halatang magpapakamatay.

Nag-excuse ako sa mga tao

dun. At dahil sa matangkad ako, agad kong nakita si Chyler sa may likod ng bukas na
pintuan ng police car at may hawak na mega phone.

"Isipin mo ang mga anak mo, Romero." Narinig kong sabi sa kanya ni Chyler.

Hindi niya ako namalayang lumapit sa kanya at sumandal sa kotse sa bandang likuran
lang niya mismo. Agad naman akong nakita nung mga kasamahan niyang pulis na nandun
at ngumiti lang sa akin.

"Wala ng silbi ang buhay ko!" Ganting sigaw ng lalake.

Pinatay ni Chyler yung megaphone.

"Anak ng teteng naman 'to o!" Palatak niya sa mahinang boses pero dinig na dinig
ko.

Naisuklay niya sa maikling buhok yung kamay at napalingon siya sa likuran niya para
sana pumalatak na naman ngunit di niya iyon naituloy dahil nakita na niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?!" Bulalas niya.


"Sinusundan ka." Diretsahang sabi ko na parang wala lang yung ginawa kong pagsunod
sa kanya. "Miss na kita eh."

"Peste." Bulong niya. "Alam mo bang di pwede yang ginagawa mo?" Inis na sabi niya
sa akin. Nagkibit lang ako ng balikat saka nilabas sa bulsa ko yung dala kong
lollipop at binuksan iyon.

"Gusto mo?" Tanong ko kay Chyler na di na maipinta yung itsura niya.

"Dun ka nga!" Angil niya sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanya saka sinubo na yung lollipop, strawberry flavor.

Inirapan niya ako saka ibinalik na yung attention sa lalaking tinawag niyang
Romero.

"Romero, mag-isip ka!" Sigaw niya at halata na sa boses niya ang inis. "Marami pa
naman diyang iba. Mas maganda pa sa asawa mong nanloko sayo!"

"Wala!" Sigaw naman nung lalake. "Siya lang ang maganda sa mundo!" Sigaw pa niya.

"Nagkakamali

ka!" Sigaw naman ni Chyler. Hinablot niya ako sa braso saka ipinakita kay Romero.
"Itong babaeng nasa tabi ko ngayon, handa kang i-date!"

"What?!" Bulalas ko at bigla kong tinanggal sa bibig yung kinakaing lollipop. "No
way!"

"Talaga?" Para namang nagningning yung mga mata nung lalake.

"Chyler ha?" Banta ko sa kanya.

"Sumakay ka na lang." Bulong niya sa akin ng inilayo sa bibig yung megaphone.

"No way, Chyler!" Protesta ko sa kanya. "Sayo lang ako papayag makipag date!"
Tanggi ko sa kanya.

"Hindi naman yata totoo yung pinagsasabi mo eh!" Sigaw nung lalake kay Chyler.

"Totoo!" Ganting sigaw niya sa lalake.

"Chyler ---" Protesta ko pero pinutol niya agad yung sasabihin ko sana.

"Pumayag ka na." Bulong niya sa akin habang hawak hawak pa din ako sa braso.

"Yuck, hinding hindi ako makikipag date sa madungis at pangit na yan." Nandidiring
sambit ko.

"Pumayag ka na sabi eh!" Madiing sabi ni Chyler. "Para matapos na 'to."

"Hindi. Ayoko." Matigas na tanggi ko sa kanya. "Sabi ko naman sayo na, ikaw lang
ang gusto ko maka date."

"Anak ng teteng." Palatak na naman niya. "Oo na sasama ako sa date niyong dalawa
nitong punggok na 'to." Napilitang sabi niya sa akin.

"Kasama siya?" Sabay turo kay Romero na nakahanda ng tumalon sa tulay.


"Para nga hindi na niya ituloy ang pagpapakamatay." Dahilan niya sa akin.

"Sinungaling kang babae ka!" Galit ng sigaw nung lalake kay Chyler.

"Hindi ako nagsisinungaling, nagsasabi ako ng totoo!" Sabi ni Chyler sa kanya. Muli
niyang inilayo yung mega phone. "Pumayag ka na kasi." Halata ng inis na inis ito.

Damn. Mapapasabak yata ako nito. Pero kasama naman daw siya eh.

"Oo na oo na, sige na." Sabay kamot sa ulo na sabi ko sa kanya.

"Narinig mo yun?!" Sigaw ni Chyler sa lalake. "Pumapayag na daw siyang makipag date
sayo!"

I rolled my eyes at saka isinubo ko ulit yung lollipop na kinakain ko.

"Talaga? Walang halong kasinungalingan yan ha?" Nagniningning pa yata ang mga mata
nito nung humarap sa amin.

"Oo!" Tugon niya na nakangiti pa.

Humanda ka talaga sa akin Chyler ka. Kapag di pa kita talaga nakuha hay naku,
kailangan ko na ng plan B.

Saad ko sa loob loob ko as I gave Chyler a devilish smile. Hindi naman siya sa akin
nakatingin eh kaya di niya iyon nakita.

(David on media. Pogi po ba? ^-^)

=================

Chapter 5 What A Night!

"If you really love that person, learn to wait. Maybe you are not meant to be
together for today, but meant to be in the future."

Jaz POV

I texted Chyler that I'm on my way to our meeting place, but as usual, wala na
naman siyang reply sa akin. Gabi ng Linggo.

Damn! What should I do with you? Napasimangot na bulong ko sa sarili ko. Wala ba
talaga akong epekto sa kanya? Or maybe she's just pretending?

Napangisi ako sa last na naisip ko. Yeah, maybe she's just pretending she don't
feel anything towards me. And hey! Ako na mismo itong lumalapit o. As they say,
palay na ang lumalapit sa manok.

Hindi ko alam kung saan yung place na kakainan namin because I've never been there.
So surprise me.
"You have arrived at your destination." Sabi ng GPS ng kotse ko.

Tiningnan ko yung place. Ang laki ng pangalan nung kainan na, Aling Tinay's
Karinderia.

"What?" Bulalas ko at di makapaniwalang tiningnan ko yung GPS ng kotse ko. Tama


naman yung sinabing lugar. "Are you kidding me?" Dismayadong dismayadong sambit ko
sa sarili ko.

Naka dress ako ng bongga at nagpaganda para kay Chyler tapos dito lang pala ako
dadalhin kasama nung madungis na Romero na yun?

My God! Good heavens have mercy on me!

"O ba't ang tagal mo?" Parang bagot na bagot na sabi ni Chyler sa akin ng makababa
ako ng kotse.

Seriously? Di man lang niya pinansin yung kagandahan ko? Tapos di man lang ba niya
naisip na hindi ako bagay sa lugar na 'to?

"I want to back out." Ganting sagot ko sa kanya at pormal ang mukha.

Nanlaki

yung mata niya sa akin. "Nahihibang ka na ba?!" Bulalas niya sa akin. "Nasa loob na
yung ka date mo!"

"Seriously, Chyler?" Napipika ng sambit ko.

Mukhang na pick up naman agad nito yung foul mood ko. Lumapit siya sa akin.

"Halika na sa loob." Malumanay ng sabi niya sa akin. Sinipat ako ng tingin. At


last! "Tiyaka sayang naman yang outfit mo ngayong gabi." Saad niya. "Saan ba ang
party?" Sabay impit na tumawa.

Sa inis ko sa kanya, naglakad ako pabalik sa kotse ko at bubuksan na sana yung


driver's side ng sinara niya yun gamit yung kaliwang kamay.

"Nagbibiro lang ako, 'to naman." Sabi niya sa akin.

Humalukipkip ako. Ang lapit lang pala ng katawan niya sa akin at amoy ko yung
swabeng pabango niya. Naka black jeans lang siya saka boots at tinirnuhan ng
manipis na puting t-shirt na naka tuck in saka tinakpan ng black leather jacket.

Palihim ko kaya siyang pinasadahan ng tingin. Ang flat ng tiyan. Ngani ngani ko
nang itaas yung damit niya at tingnan kong may abs ba siya.

"Wag ka masydo tumitig baka mabusog ka agad." Biro niya sa akin.

See? Marunong pala siyang magbiro eh.

"Marunong ka naman palang magbiro. Akala ko puro putukan lang alam mo." Puna ko.

Ngumiti siya sa akin. At slight na napaawang yung bibig ko. Laglag panty naman yung
ngiti niya. Napakagat labi tuloy ako.

"Halika na sa loob, nakakahiya kay Romero kanina pa yatang alas singko naghihintay
sayo." Aya niya sa akin.
"Sa kanya ka pa talaga nahiya ha?" Tuya ko. "At sino ba kasing may sabi sa kanya
antayin ako ng ganun kaaga eh ang usapan naman natin ay

seven thirty?"

"Hayaan mo na, excited yung taong maka-date ka eh." Sabi niya sa akin.

"Eh ikaw nga kasi ang gusto ko maka-date!" Pilit ko pa sa kanya.

Tawanan ba ako. "Hoy, bata! May gatas ka pa sa labi ha?"

Hayan na naman kami sa bata bata na yan! Nakakaasar na talaga!

"Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi na ako bata?" I said as I uncrosses my
arms. "Gusto mo halikan ulit kita diyan at patunayan sayong hindi na ako bata?"
Nanghahamong sabi ko.

"Tsk." Palatak niya. "Lika na nga!"

Para akong nakuryente ng hinawakan niya yung kamay ko at magkaholding hands kaming
pumasok sa loob. Hindi na ako nakapagpumiglas pa.

"Hi, Jazmine." Ngiting ngiting bati ni Romero sa akin na nasobrahan yata sa gel
yung buhok niya at amoy ko pa yung di kaaya ayang amoy nun ng lumapit sa akin at
bigyan ako ng isang bungkos ng... gumamela???

Pigil naman ang ngiti ni Chyler sa tabi ko. Ipinaghila pa ako ni Romero ng upuan at
saka umupo sa katapat ko.

Nakita ko si Chyler na nagpunta sa kabilang table.

"Chyler, halika dito." Tawag ko sa kanya.

"Date niyo yang dalawa." Sabay kampay nung isang kamay.

"Isa, Chyler aalis na ako talaga!" Banta ko sa kanya.

"Boss, halika na dito sa table namin." Para naman nabahala si Romero na umalis ako.

Tototohanin ko talaga yung sinabi ko kapag hinayaan niya ako sa pangit na punggok
na 'to.

Walang nagawang hinila niya yung plastic monoblock na kinauupuan at naki-join sa


lamesa namin.

Sa totoo lang, pang dalawahan lang talaga yung table na hugis parisukat. Pero hindi
ko

hahayaang masolo ako ng pangit na 'to.

Pansin ko din na pinagtitinginan pala ako ng mga tao dun. Halata naman kasing di
ako bagay sa lugar na iyon.

May isang babaeng sa tingin ko ay waitress na lumapit sa amin at kinuha yung orders
namin.

"Anong gusto mo kainin, Jazmine?" Malambing na tanong sa akin ni Romero.


Nandidiri ako sa paglalambing niya. Eewww!

"Chyler, ikaw na bahala mag-order para sa akin." Sabi ko sa katabi ko.

"Bakit ako?" Angal niya. "Hindi naman ako ang ka date mo."

"Eh malay ko ba sa mga pagkain nila dito?!" Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to.

Hmp! Konting konti na lang talaga Chyler, mamahalin na kita!

Kakamot kamot ng ulong nag-order siya ng pagkain para sa akin. Hindi ko alam yung
mga dish na inorder niya para sa akin.

"Ilang taon ka na, Jazmine?" Gustong gusto kong burahin yung ngiti ni Romero sa
puro tighiyawat niyang mukha. Tingin ko tuloy sa kanya tuko.

"Twelve." Pilit na sagot ko.

Nanlaki yung mga mata niya. "Seryoso?!" Bulalas niya.

Stupid!

Pigil naman yung tawa ni Chyler at nagtakip pa ng kamay sa bibig.

"Do you find it amusing, dela Rosa?" Asar na sabi ko sa kanya.

Kasalanan niya 'tong lahat eh. Pinasubo niya ako sa lalakeng tuko ba 'to.

"Wag ka mag alala Romero." Sabi ni Chyler. "May permit na yan sa DOLE." Sakay niya.

Napakamot sa ulo si Romero. "Di nga bosing?" Tanong niya sa kanya. "Dose lang
talaga siya?" Sabay turo pa sa akin.

"Naniwala ka naman!" Sabi ni Chyler. "Matanda na yang si Jazmine!"

Kung makatanda naman 'to. Halikan ko kaya

siya sa harap ni Romero?

Dumating na yung inorder nilang pagkain. Anong mga klaseng pagkain ang mga 'to?
Nawiwindang na talaga ako.

"Hayan, my favorite." Takam na takam na sabi ni Chyler ng inilapag sa harapan niya


yung isang platito ng ulam.

"Ano yan?" Na curious tuloy akong itanong sa kanya.

Aaralin ko lutuin yan. Sabi ko sa loob loob ko.

"Sisig." Sagot ni Chyler at kumuha siya ng ulam at nilagay sa plato niya. "Hmm...
sarap." Halata ngang paborito niya yung ulam.

Nagsimula na ding kumain si Romero. Sarap na sarap naman si Chyler sa ulam niya.

"Ba't di ka pa kumakain?" Takang tanong niya sa akin ng mapansing wala pang karga
yung plato ko.

"I'm not hungry." Tugon ko saka nangalumbaba sa lamesa saka pinagmasdan siyang
maganang kumakain.
Para namang nailang ito sa akin. "Kumain ka na nga diyan."

Hindi ako tumalima. Ayoko nga kumain baka kung anu-ano lang mga yun. Kung si Taz pa
yan, game, pero ako hindi. Maarte na kung maarte.

Para namang sarap na sarap si Chyler kumain. Para pa itong lalake. Pero di naman
nakabawas sa points niya sa akin. Si Romero? Well, never mind him. Kunwari na lang
di siya nag eexist at kami lang ni Chyler ang nandito ngayon.

"Kumain ka na." Sabi pa ni Chyler. Umiling lang akong nakangiti sa kanya. Mas
masarap yata siya pagmasdan kaysa sa mga pagkaing nakahain sa harapan ko.

Kumutsara siya ng kinakain niya. Nilagyan niya ng konting kanin at ulam. And to my
surprise, iniumang niya sa bibig ko yun.

"O?" Parang wala lang sa kanya na sabi niya sa akin.

"S-susubuan mo ako?" Di makapaniwalang

sabi ko.

Ngayon lang naman kasi siya parang nagpaka sweet sa akin. Tapos kutsara pa niya
yung gagamitin niya, eeeeh para na kaming nag lips to lips.

"Uhum." Sagot niya kasi may nginunguya pa siya eh.

Tinanggap ko yung pagkaing isinusubo niya sa akin saka yun nginuya. Masarap naman
yung ulam niya medyo maanghang pa dahil may nakita ako kaninang sili dun.

"Baboy ba yan?" I asked dahil parang nalasahan ko yung lasang baboy ng malunok ko
yung pagkain.

Tumango siya saka sumubo ulit. "Tenga at dila ng baboy." Sagot niya sa akin.

"What?!" Parang biglang hinalukay yung tiyan ko. Nasusuka ako!

Tumango siya sa akin at natigil sa pagnguya ng kinakain ng makita yung itsura ko.

"Ngayon ka lang ba nakakain ng ganito?" Tanong niya sa akin.

Tinakpan ko yung bibig ko dahil nasusuka na ako. "Where's the restroom?" Hirap na
tanong ko.

"Doon." Sabay na turo ni Chyler at Romero sa magkaibang direksyon.

Tumayo na ako agad at nagpunta sa labas. Sa gilid ako ng resto nagpunta sa may mga
halamanan dun at dun nagsusuka. Maluha luha na ako sa sobrang pagsusuka.

What kind of dish is that?!

Patuloy lang ako sa pagsusuka. Gusto ko ilabas yung kinain ko. Nang biglang may
humagod sa likod ko. Pero di ko magawang tingnan.

"Pasensya ka na." Malaumanay na sabi ni Chyler sa akin.

Dumiretso ako ng tayo habang napikit ako. I'm trying to calm myself.

"Heto."
Tiningnan ko yung iniaabot niya sa akin. Isang puting panyo na maayos ang
pagkakatupi at isang basong tubig lahat hawak niya sa isang kamay habang yung isa

hagod hagod pa ako sa likod.

Kinuha ko yung panyo at saka maingat na pinunasan yung mga mata kong naluluha luha.
At yung bibig ko saka ko ibinalik sa kanya yung panyo. I also took the water from
her and halos makalahati ko yun. Gumaan naman na yung pakiramdam ko pagkatapos.

Tumigil na siya sa paghagod sa likod ko. May dinukot siya sa bulsa ng kanyang
leather jacket sa bandang left side ng kanyang dibdib. Isa pala iyong lollipop.

"Kainin mo 'to para mawala yung umay mo." Nakita ko din kahit papaano na may
concern siya sa akin.

Tiningnan ko muna kung anong lollipop na naman yung iniaabot niya sa akin. Hindi ko
kasi yun brand. Saka yung kulay iba hindi yata strawberry flavor.

"Milkita yan. Binili ko dun o." Sabay turo sa sari-sari store sa gilid ng
karinderiang kinainan nila.

Sige na nga. Dahil si Chyler ang nagbigay. "Anong flavor yan?" Sinigurado ko na
kasi baka kung ano na naman yun eh.

"Ewan, milk naman nakalagay dito." Pinakita pa niya sa akin.

Huminga ako ng malalim saka iyon kinuha sa kanya. Nahirapan akong balatan yun.
Kinuha niya yung lollipop mula sa kamay ko tsaka siya na ang nagtanggal nung balat
saka binigay sa akin. Kahit simpleng gesture lang niya pero kinikilig ako. Paano
naman kasi panay tanggi ang ginagawa niya sa akin pero ngayon heto o. Pinagbalatan
niya ako ng lollipop.

Pinagbalatan lang kinikilig na? Ang babaw 'te! Napairap tuloy ako sa mahadera kong
utak.

Ninamnam ko yung lollipop. Masarap siya. Milk nga yung flavor na parang may pandan
pa yata.

"How did you know I like lollipop?" Tanong ko sa kanya habang hawak hawak ng isang
kamay ko yung lollipop.

Nagkibit siya ng balikat. "Nakita ko kahapon kumakain ka ng lollipop. Pero wala


silang panindang strawberry flavor dun." Sabi niya sa akin at inilagay sa
magkabilang bulsa ng jeans sa likod ang mga kamay.

Ang astig niya talagang tingnan. Ang lakas ng personality niya. Para niya akong
nilalamon.

At least she notice those small details of you. Sabi ng aking isipan.

Naglakad na kami pabalik dun pero tumigil kami sa tapat ng kotse ko.

"Umuwi ka na. May pasok ka pa bukas." Sabi niya sa akin. "Ako na lang bahala kay
Romero."

"But I still want to be with you." Sabi ko sa kanya.

Napangisi siya saka ginulo yung buhok ko. Asar na tinabig ko yung kamay niya saka
inayos yung buhok ko.

"Sige na." Giit niya sa akin.

Napalabi ako. "Basta kapag tinawagan kita mamya sagutin mo ha?"

"Pag iisipan ko pa." Sagot niya sa akin.

"Chyler naman eh." Para ng batang reklamo ko sa kanya. "Hindi mo sinasagot mga
tawag ko at pati na din mga text messages ko sayo."

Napakamot siya sa ulo. "Oo na sige na. Umuwi ka na at magpahinga ka na." Napilitang
sang ayon niya.

"I'll hold on to your words, Dela Rosa." Sabi ko sa kanya at dinuro siya ng
lollipop.

Naiiling iling na lang siya sa akin. Umikot na ako sa may driver's side at binuksan
ko iyon.

"I really like you, Chy." Sabi ko sabay kindat sa kanya bago ako pumasok sa loob ng
kotse.

Subo-subo yung lollipop na binigay niya sa akin, nagdrive na ako pauwi ng bahay.

What a night! Nangingiti na sabi ko sa sarili ko.

=================

Chapter 6 What Should I Do With You?

"Constructive criticism is acceptable, but accusing the person of something she


didn't commit is different and is a crime." - diane jeremiah 😊

Chyler POV

Nasa conference room kaming lahat para pag-usapan yung lumalaganap na krimen na
mismong mga alagad daw ng batas ang may salarin.

Ang sakit lang isipin na inaalagaan mo yung propesyon mo ng mabuti, pinag-iigihan


at ginagawa lahat ng makakaya para magampanan ang trabaho mo, tapos may mga ilang
tao lang na sisira nun? Nang ganun ganun lang?

At hindi maiiwasang isipin ng mga tao, lalo na ang mga makikitid ang utak, na lahat
ng pulis ang ganun. Na kayang gumawa ng krimen. Yung mga naturingang magprotekta sa
mga mamamayan sila pa ang gumagawa ng katiwalian.

Pero sana naman isipin din nila na hindi lahat ng pulis ay ganun nga. May mga
katulad ko din na malinis ang trabaho. Na walang ginagawang katiwalaan sa serbisyo.

Kailangan naming paigtingin ang pagroronda at yung presensya ng mga mahuhusay na


pulis sa mga kalsada sa tulong na din ng mga tanod ng mga barangay na aming
nasasakupan para maiwasan ang mga ganitong insidente at mahuli na ang mga may sala.

"Ba't ganyan ang itsura mo?" Puna sa akin ni Erick ng nasa labas na kami at
nagmamatiyag.

Naksandal ako sa police car at siya naman nakaupo sa may malaking bato sa gilid ng
kalsada.

"Naaalibadbaran ako sa mga taong wala ng ibang ginawa kundi mamerwisyo." Asar na
tugon ko sa kanya.

"Akala ko dahil na naman kay Jazmine." Napangising sabi niya sa akin at nanunukso
yung mga mata niyang nakatingin.

"Tsk."

Palatak ko. "Pwede ba Erick. Wala akong balak patulan ang batang yun." Nakasimangot
na sabi ko.

"Bata?" Ulit niya. "Bulag ka ba ha, Chyler? Ang laking bulas ni Jazmine para
sabihin mong bata? And yung ninteen years old bata pa ba yun sa tingin mo?" Saad
niya.

Pumalatak na naman ako saka iiling iling na nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.
Pagabi na.

"Isa pa, ang ganda ganda niya. Diyosa kung tutuusin, choosy ka pa?" Di
makapaniwalang sabi niya sa akin.

"Wala akong interes." Bagot na tugon ko.

"Hoy, tumatanda ka na baka akala mo!" Kailan ba talagang ipamukha yun sa akin?
"Kung para sa akin, okay na si Jazmine, Chy."

"Hayaan mo sa susunod na magkita kami sasabihin kong okay siya sayo. At isusumbong
din kita kay Sonya." Saad ko saka inirapan siya.

"Ay gago!" Mura niya. "Hindi yun ang ibig kong sabihin. Pwede na siya sayo."
Napailing siya sa akin.

"Erick, ang mga katulad niya, di ka seseryusohin. Paglalaruan ka lang niya." Saad
ko. "Bored lang yun kaya ako nakita niyang pagtripan."

"Ba't di mo subukan para malaman mo yung totoo?" Sabi niya sa akin na para bang
yung gagawin ko ay titikim lang sa isang putahe at kung di ko magustuhan, pwede ko
yun itapon.

"Tapos ano? Magsisisi ako sa huli?" Kontra ko sa kanya. "Wag na uy! Marunong pa
naman ako mag isip. Nasa tamang wisyo pa naman ako."

"Ang arte mo!" Sabi niya. "Ang dami mong alam."

"Erick, alam mo naman kung anong pinagdaanan ko simula nung iniwan ako ni ---" Pati
pangalan niya hirap kong banggitin. "Halos mapariwara yung buhay ko."

May kirot pa rin sa dibdib

na sabi ko. Hindi basta basta yung pinagdaanan ko simula ng iniwan na lang ako
basta basta ni Ann. Para niyang winasak yung buhay ko. Kung ikokompara ko yung
nangyare sa akin? Para iyong building na gawa sa Lego tapos isang piraso lang yung
natanggal pero ang resulta gumuho lahat. Ganun na ganun.

Minahal ko kasi siya ng lubusan. Ibinigay ko sa kanya lahat lahat ng pagmamahal na


kaya kong ibigay. Tapos ginago lang niya ako. Ginawa ko naman lahat pero bakit niya
nagawa pa rin yun sa akin? Am I not enough for her?

Para akong nagising sa malalim na pagtulog ng may tumama na matigas na bagay sa ulo
ko.

"Aray." Automatikong napasapo ako sa natamaang parte ng ulo ko.

"Lumilipad na naman kasi yang isipan mo." Sino pa ba ang salarin kundi si Erick na
wala ng ginawa kundi pagdiskitahan yung buhay pag-ibig ko.

"Pag ako nagkabukol sa ginawa mo ipapa-salvage kita!" Pinandilatan ko siya ng mata.

"Baka sakali kasing matauhan ka!" Sigaw niya.

"Ikaw, Erick." Sambit ko. "Umamin ka nga sa akin." Pambibitin ko. "Bakla ka ba?"

Pinulot niya yung isang malaking bato sa tabi niya at akmang ibabato sa akin pero
alam ko naman niya na hindi niya yun gagawin.

"Baliw ka talagang Chyler ka!" Depensa niya.

Natatawang nakatingin lang ako sa kanya. "Daig mo pa yung babae kung dumada eh!"

"Kaibigan kita kaya concern ako sayo at sa future mo." Ganting sagot naman niya.

"Ah tapos sa tingin mo si Jazmine ang para sa akin?" May kalakip na tuya na tinuran
ko.

"Wala naman akong sinasabing siya na nga ang para sayo." Sagot niya. "Ang sa akin
lang naman, subukan mo

lang. Malay mo mag work."

Umiling ako sa kanya. "Hindi. Pasensya na Erick pero ilag ako sa mga katulad ni
Jazmine. Kung iba lang sigurong babae yun na hindi socialite at party goer,
papatulan ko pa."

"Hoo!" Kontra niya. "Baka mamya kainin mo din lang yung mga sinasabi mo."

Baliw talaga ang lalaking 'to. Sakto namang tumunog yung cellphone ko. Napamura ako
ng mahina ng makita ko yun. Sino pa ba? Eh di si Jazmine kulit!

Muli ko na naman yun hindi pinansin at ibinato ko na lang sa loob ng kotse sa may
upuan yung cellphone ko at hinayaan lang yung tunog ng tunog.

Kung hindi niya ako kinukulit sa tawag, tinatadtad niya ako ng sangkaterbang text
messages. Pero di ko na lang yun pinapansin. Isang beses ko lang sinagot yung tawag
niya dahil kahit papaano nag aalala ako sa kanya nung gabi ng Linggo dahil
nagsusuka siya sa kinaing sisig.

Aminado naman ako na sobrang ganda ni Jazmine, ang sexy pa. Wala ka maipipintas sa
mukha niyang makinis. At magaling din siyang mag-bake in fairness sa kaartehan
niyang yun. Masarap yung binigay niyang cupcakes at cookies na si Erick at yung iba
ko pang mga kasamahan ang nakarami ng kain.
Kung tutuusin, swerte yung magugustuhan at makakatuluyan ni Jazmine pero... sadyang
ilag lang talaga ako sa mga kagaya niya. May experience na ako eh. Masakit maiwan
lalo na kapag yung biglaan. Parang mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung saan
ka ba nagkulang?

"Hindi mo na naman yun sasagutin." Napahingang sabi ni Erick sa akin.

"Hayaan mo siya. Pasasaan pa't magsasawa din yun." Waksi ko sa usapan namin tungkol
kay Jazmine.

"Haist...

Chyler." Sambit niya. "Si Chyler na habulin ng mga chicks dahil ganda niya'y
mabagsik, bow." Patulang sabi niya.

Biglang may rumadyo sa amin kaya agad na kaming umalis na post namin at rumesponde.

Halos hating gabi ng makarating ako sa bahay. Pagod na pagod na nagtungo ako sa
kusina sa may fridge at kumuha dun ng isang bote ng red horse saka binuksan. Para
akong zombie na naglakad pabalik sa sala at pabagsak na umupo sa mahabang sofa.
Kinuha ko yung remote at binuksan yung tv. Pinatong ko pa sa center table yung mga
paa ko saka sumandal sa upuan. Panay naman ang lipat ko ng channels dahil wala
akong magustuhan na palabas.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa habang nakabukas pa yung tv


dahil sa sobrang pagod.

Nagising ako sa mahinang tapik sa balikat ko.

"Ate, gising na." Boses iyon ng kapatid ko na si Vince.

"Hmm..." I groaned.

"Ate gising na." Yugyog na niya sa balikat ko.

Antok na antok na pilit akong nagmulat ng mga mata at namulatan ko si Vince.

"Wala ka bang pasok ate?" Tanong niya sa akin.

"Wala. Day off ko." Pupungas pungas na sagot ko.

"Hating gabi na yata nung umuwi ka eh." Sabi niya sa akin at kinuha na yung walang
lamang bote ng beer na ininom ko kagabi at saka dinala sa kusina.

Pinilit kong bumangon mula sa pagkakaupo ko sa sofa at dun na talaga ako nakatulog.
Ang sakit ng balakang ko tuloy at yung likod ko nangawit yata. Nag-stretch ako para
naman kahit papaano mabuhay yung katawang lupa ko na antok pa.

"Kain na." Aya sa akin ni Vince habang naghahain na nga sa maliit na dining table
namin.

"Anong oras ka umuwi kagabi?"

Tanong ko sa kanya at nagpunta sa banyo dun para maghilamos at mag toothbrush.

"Maaga ako umuwi kagabi ate." Sagot niya sa akin mula sa nakabukas na pintuan.

Tinanggal ko yung toothbrush sa bibig ko. "Mabuti naman kung ganun. Baka kung anong
mga kalokohan ang pinaggagawa mo ha Vince?" Saka ako muling nagpatuloy na
nagtoothbrush.

"W-wala po ate." Sagot niya sa akin.

Sagot pa lang, alam ko ng nagsisinungaling siya sa akin. Isa akong pulis kaya naman
kahit papaano na train kami nun sa kampo kung paano ma de-determine yung tao kung
nagsisinungaling ba siya sayo o hindi.

"Tinuan mo lang ha?" Paalala ko sa kanya ng lumabas na ako at humila ng upuan sa


tapat niya.

"Magbabago na ako, ate." Sabi niya na may tipid na ngiti.

May pagdududang tumingin ako sa kanya ng patagilid. May pinagtatakpan siya at yun
ang kailangan kong alamin.

"Mabuti naman kung ganun." Kunwaring sakay ko na lang sa kanya.

Kumain kami ng agahan na wala ng imikan. Pagkatapos ko maligo ng umagang iyon ay


kinuha ko na yung susi ng kotse ko saka nag drive papuntang grocery store.

Inabot din ako ng isang oras dun sa loob, bukod sa nakalimutan ko yung mga sinulat
ko na bibilhin kanina, ang haba pa ng pila sa may counter.

Lumabas na agad ako ng grocery store at nagtungo na sa kotse ko para dalhin yung
tatlong supot ng grocery bags na kinalalagyan ng mga pinamili ko.

Nag drive ako papunta sa mall. Balak ko bumili ng bagong boots o di kaya leather
jacket. Pagka-park ko ng kotse ay agad na akong nagpunta sa loob ng mall at
tumingin tingin sa mga damit dun.

"Chyler?" Aniya ng isang boses

babae.

Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Pamilyar sa akin ang itsura niya pero di ko na
matandaan kung ano na ba yung pangalan niya.

"Oh, hi!" Kunwari na lang na bati ko. Sino na nga siya ulit?

Agad siyang yumakap sa akin. "I miss you." Saka siya kumalas sa akin. Ang lapad ng
ngiti niya. "Hindi ka na nagpupunta sa bar."

"Sorry, Glenda ---"

"Sarah." Pagtatama niya.

"O-oo, Sarah." Wew! "Medyo busy ako eh." Pilit ang ngiting dahilan ko sa kanya.

"Namimiss na kaya kita." Malanding sabi niya.

Sa itsura pa lang niya alam mo ng isa siyang ehem... nagtatrabaho sa night club.
Alam niyo na yun.

"Chyler, you're here!" Sabi na naman ng isang boses babae at kahit di ko siya
lingonin kilalang kilala ko kung sino nagmamay ari ng malamyang boses na yun. Si
Jazmine who else?
"Ah... oo!" Great. Dalawang bebot.

Tiningnan niya yung kausap kong si Sarah. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa
akin at may hawak hawak pa siyang isusukat yata na damit.

"Ah kuwan... ano... kasi..." Ano bang gagawin ko para tantanan ako nitong diyosa na
'to? "Kasama ko si... uhm... si Sarah!" Saka inakbayan si Sarah na halatang nagulat
sa ginawa ko. "Oo si Sarah. Namamasyal kaming dalawa."

Tumaas yung kilay niya kay Sarah. "Talaga?"

"Oo ano... si Sarah girlfriend ko." Sana makalusot.

"Talaga?" Bulalas ni Sarah. Patay kang Chyler ka, di na orient yang kasama mo!
"Sinasagot mo na ako? Tayo na ngayon?"

"Ha ah eh kuwan." Agad kong tinanggal yung pagkakaakbay ko sa kanya saka lumayo ng
konti. Hinablot ko yung isang damit na naka hanger dun sa likod ko. "Magsusukat
pala ako ng damit."

Nagmamadaling tinungo ko yung fitting room. Agad kong pinakawalan yung hininga na
kanina ko pa pala pinipigilan.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto ng masikip ba kuwartong iyon at walang
sabi sabing pumasok si Jazmine.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatapang tapangan na sabi ko sa kanya. "Lumabas ka


nga!"

"Girlfriend pala huh?" Patuyang sabi niya sa akin.

Nakita ko yung determinasyon niya sa kanyang mga mata na makuha ako sa kahit anong
paraan pa yan.

=================

Chapter 7 Desperate

"If you love someone that much, you don't give up on her."

Jaz POV

"Girlfriend pala, huh?" Patuyang sabi ko kay Chyler ng agad ko siyang sinundan sa
fitting room.

Yung pagkabigla sa mukha niya agad niyang pinalitan ng pagsusungit.

"Pwede ba Jazmine, lubay-lubayan mo ako?" Naiiritang sabi niya sa akin.


"Bakit ka nagsinungaling sa akin?" Kompronta ko sa kanya na animo'y girlfriend ko
na siya.

"Dahil gusto kong tantanan mo na ako." Giit niya sa akin.

"Sorry Chyler, pero hindi ako ganun kadali sumusuko." Determinadong sabi ko.

Napapikit siya saka agad din nagmulat at nagkamot ng sentido. "Ano ba talaga ang
gusto mo Jazmine para tantanan mo na ako?" Naiiritang wika niya.

"Ikaw nga ang gusto ko. Titigilan kitang kulitin kapag tayo na." Saad ko.

Natawa siya ng mapakla sa narinig. "Alam mong imposibleng mangyare yang sinasabi
mo."

"At imposible ding mangyare yung gusto mo." Giit ko din sa kanya.

Nakipagsukatan siya sa akin ng tingin. Walang may gustong magpatalo sa amin. Nang
biglang may kumatok sa pinto.

"What?!" Sabay pa naming sigaw dun sa kumatok at binuksan yung pinto.

Yung saleslady pala yun ng store. Parang natakot siya sa titig namin sa kanya ni
Chyler dahil she interrupted our staring contest.

"Ah eh..." Kinakabahang sambit niya. "B-bawal po kasi yung dalawang tao sa iisang
fitting room."

"Lumabas ka na." Taboy niya sa akin.

"Ayoko nga. Nag-uusap pa tayo." Tanggi ko naman.

"Magsusukat ako ng damit kaya dun ka muna sa labas kung pupwede?" Pagbibigay diin
niya.

"Ah... ma'am."

Nanginginig pa yata ang boses nung saleslady ng tinawag ako. "Labas po muna tayo."
Magalang niyang sabi.

"O?" Untag sa akin ni Chyler. "Labas na."

"Talaga bang magsusukat ka ng damit?" May pagdududang tanong ko sa kanya.

"Oo." Siguradong sigurado sa sariling sagot niya.

Tumaas naman yung kilay ko saka bumaba yung tingin ko sa hawak hawak niyang
negligee.

"Di ko alam ganyan pala sinusuot mo sa pagtulog." May pilyang ngiti na sabi ko sa
kanya.

Kumunot noo siya saka mabilis na itinaas yung hawak na damit. Napangisi ako ng
marinig ko siyang napamura ng mahina ng mapansin kung ano yung hawak niyang damit.
Isa iyong black negligee.

"Ano naman sayo kung g-gusto ko magsuot ng ganito?" Alam ko namang nagtatapang
tapangan lang siya ng sinabi niya iyon.
"Don't fool me, Chyler." Saad ko sa kanya. "Don't me."

"Ang dami mo pang satsat labas na!" Halata na yung pagkayamot sa mukha niya dahil
nalukot na ito. "Isa pa, may balak ako bigyan ng ganitong damit." Dahilan pa niya
sa akin.

"At sino naman yun?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Wala ka na dun!" Sagot niya sa akin. "Labas na!" Saka ako mahinang itinulak sa
pinto kasama nung saleslady at ng makalabas ako agad agad niya iyong isinara saka
ni-lock yung pinto ng fitting room.

Kinatok ko naman yun. "Chyler, hihintayin kita dito sa labas. Mag-uusap pa tayo."

"Bahala ka!" Yun lang ang narinig kung sagot niya.

Napangiti na ako saka tumingin tingin muna ng mga damit habang pasulyap sulyap ako
sa pintuan kung saan pumasok si Chyler kanina.

"Ma'am ano po ang hanap nila?" Magalang na

tanong sa akin ng saleslady na nasa tabi ko na pala.

"Tumitingin tingin pa lang ako." Sagot ko na lang sa kanya para iwan na niya ako
mag isa.

Ilang minuto pa ang nakalipas pero wala pang Chyler na lumalabas mula sa fitting
room. May kutob na ako kaya naman mabilis akong naglakad papunta dun. At tama nga
ang hinala ko dahil ng itinulak ko yung pinto, wala na akong naabutang Chyler dun
sa loob.

Nagpalinga linga ako ngunit wala na siya sa loob ng store. Pumalatak ako, natakasan
na naman ako ng isang yun.

------------------------

Bored na bored na nakaupo ako loob ng classroom at busy nagdidiscuss yung prof
namin sa subject na Management. Kung pupwede lang hihilahin ko na yung oras para
uwian na naman.

Tumingin ako sa katabi kong si Hailey na di rin naman nakikinig at kung ano ano
lang dino-drawing sa notebook na nasa lamesa niya. Mukhang bored na bored na din
siya.

Sinundot ko ng ballpen yung braso niya. Nagtatakang tumingin naman siya sa akin.

"Nag aaway ba kayo ni Stef?" Pabulong na tanong ko sa kanya. Pansin ko kasi di siya
umaalis sa tabi ko eh. Dati rati nasa tabi siya palagi ng girlfriend niya.

Napasimangot siya. "Yup."

What I like about Hailey is, she don't deny her real feelings. Ipapakita niya sayo,
kung galit siya, in love siya, malungkot o di kaya naman masaya. Unlike me, I'm a
control freak. Marunong ako magtago ng tunay na nararamdaman o yung pinagdadaanan.
I want to keep it to myself.

Pero pagdating kay Chyler, mukhang mahihirapan ako talaga sa kanya. Ilang linggo na
ang nakakalipas wala pa ring progress yung panliligaw ko sa kanya. Haist.
"Why?"

Usisa ko pa.

Nasa bandang likod naman kami kaya di kami masyado pansin ng prof. Isa pa, sanay na
siya sa aming dalawa ni Hailey. Na hindi nakikinig.

Nagkibit balikat lang siya saka bumalik sa pagdo-draw sa notebook. Di naman siya
marunong mag drawing sa totoo lang. Manok nga lang di pa niya maiguhit ng tama eh.

Pero matalino si Hailey. Tamad lang katulad ko mag-aral. Isa pa, wala namang bobo
sa pamilya namin. Tamad mag-aral? Ah kami yung tatlo nila Hailey at si Taz. Si
Ashley lang talaga ang pinaka-masunurin sa aming apat.

"I think I need you and Taylor's help." Kapagkuwa'y sabi ko at bigla siyang
napabaling sa akin ng tingin.

"To what?" Kunot noong tanong niya.

"Chyler." Tipid na sagot ko.

Unti-unting sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi niya. "Don't tell me ---"

"Shut up." Ayoko marinig yung kasunod na sasabihin niya.

Mas lalo tuloy siyang napangiti. "What kind of help?" Makahulugan niyang tanong sa
akin.

Si Taz at Hailey ang nagsisilbing taga-pagtanggol ko. Lalong lalo na kapag ganung
may nanloko sa akin o di kaya nambastos, silang dalawa ang rumeresbak... agad agad.

But this time, ibang resbak ang kailangan ko sa kanila ni Taz.

"I want Chyler, you know that." Panimula ko. "I really like her."

"So gusto mo kaming gumawa ng paraan ni Taz para magustuhan ka din niya?" She
concluded.

Napaisip ako dun. "She already likes me. But she keep on denying it to herself."
Napataas yung kilay niya sa sinabi ko. "Just... just do something okay?"

She smirked, Hailey's signature.

"Bahala

na kayo ni Taz mag-isip kung papaano." Sabi ko pa sa kanya.

"Sure." Tugon niya sa akin. "It will be fun." She promised.

Pagsapit ng gabi, nasa dining table na kaming lahat. Pati si mama Alex nandito siya
at as usual ang sweet sweet na naman nila ni mommy.

"Taylor." Tawag sa kanya ni mama Alex.

"Ma." Nag-angat naman siya ng tingin mula sa kinakain.

"Sumama ka sa akin sa Sabado sa Batangas ha?" Maawtoridad na sabi niya kay Taz at
lihim akong natawa sa reaksyon ng aking kapatid. "Wala silang kasamang magbubuhat
ng mga mangga na maaani."

"Ma, ba't ako?" Reklamo niya agad. "Hindi naman ako kargador." Sabay kamot sa ulo
na sabi niya.

"Mas malakas ka kasi magbuhat." Dahilan ni mama.

"Si ate na lang." Turo niya sa akin.

"Bakit ako?" Agad naman na kontra ko sa kanya.

"Hayaan mo na yang ate mo." Sabi naman ni mama sa kanya. "May fencing lesson siya
sa Sabado."

"Magaling naman na siya dun eh." Nakalabing sabi ni Taz.

Magsasalita pa sana si mama ng lumapit sa kanya yung isang kasambahay namin.

"Ma'am Alex, may package daw po sa labas sabi ni Toto." Si Mang Toto ay isa sa mga
guard namin dito sa bahay.

Bumili kasi sila mama ng bahay nung isang buwan lang. Masikip na kasi para sa amin
yung condo at mas practical daw kapag bahay na lang since dito naman kami sa Makati
naglalagi na dahil nga sa schooling namin ni Taz.

"Sabihin mo kay Toto dalhin na lang sa loob kung nainspeksiyon na niya." Sabi ni
mama at agad namang tumalima yung kasambahay namin.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa may living room at dun

namin nakita yung maliit na box.

"Para sayo pala 'to Jazmine eh." Sabi ni mommy Ara ng makita yung card sa labas ng
kulay pink na box na may ribbon pa.

"Kanino galing mommy?" Tanong ko sa kanya at kinuha yun ng iniabot sa akin ni


mommy.

"Walang nakalagay eh." Kibit balikat na sabi niya.

"Baka galing na naman kay David. Isang box na naman ng lollipop." Sabay impit na
tumawa na sabi ni Taz, inirapan ko lang naman siya habang nakadekuwatro siyang
nakaupo sa may single sofa.

Tinanggal ko yung ribbon saka binuksan yung kahon.

"Ay!!!" Tili ko ng makita yung laman saka inihagis yung box sa sahig.

Takot na takot akong tumakbo kay mama Alex. Nanginginig pa yata yung katawan ko.

"Bakit?" Gulat na gulat na tanong nilang lahat sa akin.

"Mama." Umiiyak na ako habang mahigpit na nakayakap kay mama Alex sa sobrang takot
ko sa nakita ko.

Nilapitan no Taylor yung box at napa- eww siya sa nakita. Ipinakita niya yun kina
mama at para pang nasusuka si mommy ng makita kung ano yung laman.

May kinuhang papel si Taz sa loob ng box na may bahid na ng dugo.


"Ipatapon mo na yung box, Taylor." Utos ni mama sa kanya at saka iniupo ako kasama
siya sa may mahabang sofa. "Tahan na wala na." Alo sa akin ni maka habang mahigpit
pa rin akong nakayakap sa kanya.

Niyakap na din ako ni mommy saka hinagod hagod yung likod ko. Nabawasan ng konti
yung takot na nararamdaman ko dahil alam kong poprotektahan nila akong dalawa,
kasama na si Taz.

"Ma," Tawag ni Taz sa kanya. "May kasamang sulat." Saka iyon iniabot kay mama.

"Sa susunod, ikaw na ang laman ng box

Remooji Jazmine."

Nagbabaga ang mga mata ni mama na kinuyomos gamit ang isang kamay yung sulat at
naramdaman ko pa yung panginginig ng katawan niya sa sobrang galit sa kung sinuman
ang nagbigay nun sa akin.

"Alex..." Takot at kinakabahang tawag sa kanya ni mommy.

"Magbabayad ang sinumang may gawa nito." Para iyong batas na sambit ni mama Alex.
Tumigil na ako sa pag-iyak pero nakayakap pa din ako kay mama. "Don't worry, Jaz.
Walang sinumang makakapanakit sayo." Pangako sa akin ni mama.

"Sino naman kaya ang may gawa nun?" Tanong ni mommy na hagod hagod pa din yung
likod ko.

"Babaliktarin ko ang mundo malaman ko lang kung sino may pakana nito." Matigas na
tugon ni mama.

"Wala ka bang alam na may galit sayo anak?" Tanong pa ni mommy sa akin.

"W-wala naman po akong alam or kilala na galit sa akin mommy para padalhan ako ng
ganun." Shaky pa rin yung boses ko.

"That's already a death threat." Singit ni Taz na nakaupo na sa dating kinauupuan.


Seryoso na din ang mukha niya.

"Alex, siguro kailangan nating mag hire ng additional security dito sa bahay at
para sa mga bata." Suggestion ni mommy.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni mama bago siya sumagot. "I
guess, you're right." May pag-aalala sa boses niya.

"Kaya ko naman po yung sarili ko. Siguro si ate Jaz na lang po ang may kailangan ng
bodyguard." Saad ni Taz.

"Kakausapin ko yung mga kaibigan ko baka may kilala sila. Ayoko kumuha ng kung sino
sino lang at alam mo namang may trust issues ako." Sabi ni mama kay mommy Ara.

"May kilala po ako na mapagkakatiwalaan natin, mama." Tugon ni Taz at napatingin


kaming tatlo sa kanya.

"Sino?" Tanong ni mama sa kanya.

"Si PO2 Chyler dela Rosa." Siguradong sigurado sa sariling sabi niya.

I looked at her side ways. Parang may naaamoy ako dun sa nangyare kanina ah. Maybe
I'll confront her later.

"Di ba yung kaibigan mong pulis yun, Jazmine?" Tanong sa akin ni mommy.

"Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigang pulis?" Takang tanong ni mama sa akin.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at ikwinento ko sa kanya kung paano kami


nagkakilala ni Chyler.

"Mapagkakatiwalaan ba yan?" May pagdududang tanong ni mama. "Alam naman natin kung
ano yung mga issues tungkol sa kapulisan ngayon."

"Iba po si Chyler, ma." Tugon ko. "Mapagkakatiwalaan po siya at maaasahan. Malinis


po ang pagkatao niya."

Saglit na nag-isip si mama. "Sige, kakausapin namin ng mommy mo ang tito Ramon mo
at hilingin sa kanya na gawing bodyguard mo si Chyler."

"Ako na din po bahalang magpapa-imbestiga kung sino nagpadala nung patay na daga
kay ate, mama." Presenta ni Taylor. "Tatawagan ko na po si Jacob." Saka idinial na
sa cellphone yung number ni Jacob.

Si Jacob ang Private Investigator ng pamilya Montalban. Nakakabatang katid siya ni


Emmit na dating PI ng pamilya. Maaasahan at magkakatiwalaan si Jacob.

Pero, may duda ako sa nangyare. Parang may alam na ako kung sino ang totoong may
sala. At medyo napapangiti na ako ng palihim dahil mukhang magtatagumpay sila.

=================

Chapter 8 New Mission

"The best way to get to a woman's heart... is to give her yours."

Chyler POV

Pasipol sipol pa ako habang naglalakad papasok sa presinto. Yung lakad ko para nang
sumasayaw sayaw. Masaya ako ngayon eh.

It's going to be a great day! Yahoo!!!

"Gandang umaga!" Masiglang bati ko sa mga kasamahan ko.

"Magandang umaga din, dela Rosa!" Bati din nila sa akin.

"Uy!" Nakangising sambit ni Erick ng makita ako. "Mukhang maganda ang gising natin
ngayon ah?" Puna niya sa akih habang paupo ako sa likod ng lamesa ko.

"Tsk. Syempre naman!" Mayabang pang sabi ko.

"Chikababe ba dahilan niyan?" Malisyosong hula niya saka tinaas baba pa yung mga
kilay sa akin.
"Sira ulo!" Natatawa namang saway ko. Pwede rin. "Bukod sa natakasan ko si Jazmine
nung isang araw, hindi din niya ako kinulit buong maghapon kahapon." Masayang
balita ko.

Mukha namang nalungkot si Erick. "Ay sumuko na ang aking prinsesa?"

"Ay sana nga!" Sabi ko saka binuklat na yung folder ng kaso nung isang pulis daw
umano na nagpaputok ng baril at may aksidenteng natamaang residente dito din lang
sa San Ramon.

Pumalatak si Erick saka umiling iling. "Wala ka na talagang pag-asa, Chy. Tatandang
dalaga ka na!"

"Wag ka nga diyan!" Saway ko sa kanya.

"Sabagay, hindi ka naman mamamatay na dakilang birhen." Dagdag pa niya na nagpatawa


sa akin. "Buti na lang kahit papaano natikman mo ang sarap ng luto ng Diyos."
Idiniin pa talaga yung word na sarap.

Kumuha ako ng paper clip at saka bintao siya sa ilong. Sapol! Sharp shooter

yata 'to!

"Patingin ka nga sa Psychiatrist ng opisina Erick, baka may tama ka na sa pag-


iisip." Ganting biro ko naman sa kanya.

"Sayang talaga si Jazmine. Kung malaki na sana si Jimboy ipagkakasundo ko siya kay
Jazmine." Sabi niya.

Napapangiting iiling iling na lang ako sa kanya. Gustong gusto niya talaga si
Jazmine para sa akin. Boto daw siya kung si Jazmine ang mapapangasawa ko.

Agad kaming tumayo at sumaludo kay chief ng dumating siya sa opisina. Sumaludo din
siya sa amin bilang sagot.

"Dela Rosa," Tawag niya sa akin ng saglit siyang tumigil sa table ko.

"Chief." Agad naman akong tumayo ng diretso.

"Sumunod ka sa opisina ko." Maawtoridad na sabi niya at saka pumasok na sa opisina


niya.

Nagtataka namang nagkatinginan kaming mga nandun. Iilan lang naman ang dahilan kung
bakit ka kakausapin sa loob ng opisina ni chief. Either, may bago kang misyon at
isa iyong high profiled case, suspende ka sa trabaho o tanggal ka na sa serbisyo.

Napalunok ako habang naglalakad papunta sa may pintuan ni chief. Sa totoo lang,
minsan lang ako nakapasok sa opisina niya. Nung bago pa lang ako dito. Kung may
bago man akong misyon, sa may conference ko yun nalalaman dahil lahat kaming
involved, pinapatawag na lang dun.

Huminga muna ako ng malalim. Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang katiwalian
at labag sa propesyon ko bilang isang pulis, kaya malabo naman sigurong
masususpende ako o matatanggal na sa serbisyo.

Kumatok muna ako at nang marinig ko yung come in ni chief, maingat kong pinihit
yung door knob at saka pumasok.
"Sir." Sumaludo

ulit ako sa harap niya.

Sumaludo din siya sa akin habang nakaupo at seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

"Take your seat." Utos niya at agad naman akong sumunod.

Umupo ako sa bandang kanan niya at tahimik na naghintay kung ano ang sasabihin niya
sa akin.

"Tinawag kita, dela Rosa, dahil may ibibigay ako sayong misyon." Pauna niya at
nakaramdam ako ng excitement ng marinig iyon.

Pagkakataon ko na ito at baka sakaling ma-appoint akong detective. Aniya ko sa loob


loob ko.

"May banta sa sekyuridad ng anak ng isa sa malapit na kaibigan ng pamilya ko at


nangangailangan sila ng karagdagang proteksyon." Saad niya. "Kilala ang angkan nila
at hindi sila basta basta kung sino lang. Mapili din sila sa kung sino lang ang
pinagkakatiwalaan nila." Dagdag pa niya. "Kilala mo ang anak nila at ayun sa kaniya
ay kaibigan mo daw siya."

"Pwede ko po ba malaman chief kung sino yung tinutukoy ninyo?" Parang may kutob na
ako kung sino yung sinasabi niya.

"Si Jazmine." Sabi na eh. "Anak nina Alexandra at Arabella Montalban na malapit sa
pamilya ko."

"Chief, bakit po ako?" Pwede iba na lang? Tsk.

"Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi sila basta basta nagtitiwala lang sa kung sinu-
sino lang, dela Rosa." Paliwanag niya. "At ikaw land daw ang pwede pagkatiwalaan ng
anak nila na siyang may death threat."

"Death threat?" Si Jazmine may death threat? Bakit naman? Ano naman ang dahilan ng
kung sinuman para gustuhin siyang patayin?

Nabigla talaga ako dahil wala naman sa itsura niya at pati na rin sa pag-uugali
niya yung may mabigat na pagkakasala

sa iba para pagtangkaan siyang patayin.

"Oo." Tugon niya.

"Bakit di po nila paimbestigahan?" Tanong ko.

"They have their private investigations. Ayaw nila munang ipaalam ito sa publiko
for reasons na ayaw nilang mag-panic ang buong angkan ng Montalban and I'm hoping
you'll keep this too." Sagot niya.

"Chief, mukhang hindi po ako ---"

"I'm assigning you formally to this mission, PO2 dela Rosa." Maawtoridad na sabi
niya sa akin.

Peste. Anong klaseng misyon to? Maging bodyguard ni Jazmine? Pilit ko nga siyang
iniiwasan tapos... Buwisit!
"Dela Rosa?" Untag sa akin ni chief.

No choice. Wala akong karapatang tumanggi sa misyon na ibinibigay sa akin. Kung


hindi, baka matanggal pa ako sa serbisyo.

"Yes, chief." Sagot ko sabay upo ng diretso.

"Good." Pormal na sabi niya. "Magsisimula ka na bukas." Pinal na sabi niya sa akin.

-------------------------

Kaya naman parang bagot na bagot akong nagmamaneho papunta sa bahay nila Jazmine
dahil nga magsisimula na ako sa misyon ko.

Pag minamalas ka nga naman oo. Himutok ko. Hanggang ngayon di ko pa rin tanggap
yung misyon kong ito. Labas ko'y parang babysitter.

Hindi na ako nabigla sa rangya ng bahay nila ng makarating ako dun at papasukin ng
guwardiya sa malaking bakuran nila. Mapagmatiyag at mapanuri ang aking pakiramdam
habang bumababa ng kotse ko. Parang nahiya pa akong ihanay yung kotse ko sa mga
nagmamahalan at nagkikintabang mga sasakyan na naroon.

Hindi ako naka-uniporme ngayon dahil private mission ko daw ito sabi ni chief. Ang
sabi na nga lang sa

opisina mag-a undercover ako kunwari. Natuwa naman si Erick dahil sa wakas
nagkaroon daw ako ng big break.

Huh, kung alam lang niya kung ano yung pinagsasabi niyang big break na 'to.

"So I guess you're PO2 Chyler dela Rosa?" Aniya ng isang malamig na boses.

Napabaling ang tingin ko sa may hagdan kung saan bumababa at palapit na sa akin ang
isang matangkad na babae na marahil ay nasa edad forty pataas at halata pa rin ang
angkin nitong ganda.

Agad akong tumayo. "Yes, ma'am." Seryoso ang mukhang sagot ko.

Ngayon ko lang naramdaman yung lakas ng epekto ng presensya niya. Nakatayo palang
siya sa harap ko'y para na akong naiintimidate sa kanya. Magkasing tangkad lang
kami. Sa taas kong 6'1" pakiramdam ko nanliliit ako sa kanya.

"Alexandra Montalban." Pakilala niya sa sarili sabay lahad sa kanyang kamay.

"Ikinagagalak ko ho kayong makilala, Mrs. ---"

"Please just call me tita Alex." Sabi niya sa akin ng nakipagkamay dun ako sa
kanya.

"Alex." Yun lang. Parang ang sagwa nung tita. Parang di naman kasi siya ganun
katanda sa paningin ko.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako or nakita ko talaga siyang ngumisi.

"Have a seat." Sabi niya at umupo sa pang isahang sofa dun sa may living room nila
habang ako naman ay umupong muli sa kinauupuan ko kanina.

She brief me about what's going on. At di ko maiwasang mag-isip na parang may mali.
Ang lakas ng pakiramdam ko na parang may hindi tama. At yun ang aalamin ko.

"Maya-maya lang ay bababa na yung dalawang anak ko." Sabi niya sa akin. "Nasa taas
naman ang aking asawa at naliligo."

"Chyler!" Masayang sabi ng isang boses na walang ibang nagmamay-ari kundi si


Jazmine.

Heto na po ang kalbaryo ko.

Pilit ang ngiti ng bumaling ako ng tingin sa kanya. Ang sexy naman niya sa uniform
niya ngayon na ang sobrang ikli. Allowed ba yun sa school na pinapasukan niya?

Patakbo siyang lumapit sa akin ng tumayo ako at agad niya akong hinalikan sa pisngi
saka niyakap.

"Thank you for accepting the mission." Nakangiting sabi niya ng kumalas siya ng
yakap saka ikinawit yung kamay niya sa braso ko.

Kung sa ibang pagkakataon lang siguro nangyare ito, agad na akong lumayo sa kanya.

Pilit pa rin ang ngiting iginawad ko sa kanya. "Kailangan eh." Bigay diin ko.

Siya namang magkasabay na bumaba ang dalawa pang babae. Na sa tingin ko ay asawa ni
Alex yung mas matanda at kapatid pa ni Jazmine yung isang kamukha ni Alex.

"I want you to meet my wife, Arabella and my other daughter, Taylor Zandra."
Pakilala ni Alex sa mag ina pa niya.

"O so ikaw pala si Chyler." Nakangiting sabi ni Arabella sabay lahad sa kamay niya
sa akin, at hindi yata kumupas ang angking kagandahan. Napapatanga ka na lang sa
kanya.

"Kinagagalak kitang makilala Mrs. Montalban." Kung si Alex parang okay lang tawagin
sa pangalang niya, ito naman, mahihiya ka na lang.

"Just call me, Taz." Pakilala naman nung kapatid ni Jazmine na parang boyish ang
dating pero ang haba naman ng kulay brown at medyo kulot niyang buhok.

"Nice to meet you, Taz." Sabay abot sa kamay niya. At bago pa niya iyon binitawan
ay pinisil pa niya ito na parang nagbabanta.

Unang

tingin ko pa lang sa kanya alam ko ng may tinatago itong kapilyahan sa katawan.


Ngunit ang ganda ng mga mata niyang kulay berde na animo'y nakikipag-usap sayo.
Bumagay din sa kanya yung medyo makapal na kilay niya.

Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Jazmine, kay Arabella. At si Taz naman ay
di maipagkakailang kay Alexandra naman nagmana.

Inaya nila akong samahan silang mag-agahan at magalang ko naman silang pinagbigyan.

"Dala mo na ba ang mga gamit mo?" Tanong sa akin ni Alex.

Nagtatakang nag-angat naman ako ng paningin sa kanya sa may kabisera.


"Gamit?" Naguguluhang tanong ko.

"Oo." Sagot niya sa akin. "Hindi ba nasabi sayo ni Ramon na dito ka maglalagi sa
bahay habang binabantayan mo ang aking anak na si Jazmine?"

"Wala siyang nababanggit sa akin." Tugon ko naman.

"Oh." Bigkas niya at nagkatinginan silang mag-asawa. "Kailangan dito ka sa bahay


maglagi." Sabi niya sa akin. "Hindi kasi ako palagi nandito sa bahay at pati na din
ang aking asawa dahil may mga negosyo ako sa Batangas na kailangan din ng aking
atensyon."

Shit. Daig ko pa ang yaya nito.

"Sige, Alex." Sambit ko. "Kukunin ko na lang mamaya yung mga gamit ko." May choice
ba ako? Wala naman di ba?

May sarili palang kotse si Taz at hindi na nakisabay sa amin. Ako naman ang nag-
drive nung kotse ni Jazmine na sinabi ni Alex na kung pupwede daw hindi ko dapat
inaalis ang paningin ko kay Jazmine.

"Bakit Alex lang ang tawag mo kay mama?" Tanong niya habang binabaybay namin ang
daan patungo sa eskwelahan niya.

"Gusto niya patawag ng tita pero parang napakabata pa naman niya para matawag na
ganun kaya Alex na lang." Tugon ko sa kanya.

"Ang saya ko." Sabay kawit na naman sa braso niya sa akin.

Agad ko naman iyon iwinaksi. "Please lang Jazmine. Nandito akk ngayon dahil trabaho
ko 'to at di ako pwedeng tumanggi." Saad ko sa kanya. "Kaya kung pupwede lang wag
mo muna ako nilalandi."

"Sobra naman 'to!" Reklamo niya. "Kung makalandi ka naman diyan."

"Sino ba sa tingin mo ang may lakas ng loob para pagbantaan ang buhay mo?" Pag-iiba
ko ng usapan.

Bigla siyang natahimik saka bumaling ang tingin sa labas ng bintana.

"I..." Parang malungkot yung boses niya. "I don't know."

Magtatanong pa sana ako kaya lang siguro sa ibang pagkakataon na lang dahil nandito
na kami sa unibersidad na pag-aari din ng kanyang pamilya.

Panay ang baling ng tingin sa amin ng mga estudyante at yung iba yata ay professors
sa school na iyon habang naglalakad kami ni Jazmine papunta sa klase niya.
Kailangan ko siyang samahan sa bawat klase niya. At siguro habang nasa loob siya ng
kanyang klase, pwede ako gumawa ng sarili kong pag-iimbestiga.

Ako yata ang future Detective Chyler dela Rosa.


(Hello po, baka di po ako makapag update bukas dahil sasamahan ko po ang aking
esposa 😂 sa kanila sa Bulacan. Ingat po lagi & God bless😊)

=================

Chapter 9 Someone Like You

"There are a lot of people who call you by your name. But there is only one person
who can make it sound so damn special."

Chyler POV

Thank you, Lord.

Bulong ko sa sarili ko ng sa wakas ay nailabas ko na din yung sama ng loob ko.


Kanina pa akong wiwing wiwi eh. Kung saan saan kasi nagpupupunta itong si Jazmine
pagkatapos ng klase. Ilang tindahan na ba ng damit ang pinuntahan namin ngunit wala
naman siyang binibili kesyo wala daw siyang magustuhan?

At ngayon nga, dito sa store na pag-aari ng tita niyang si Abegail Montalban kami
bumagsak at heto na nga po ang sinasabi ko, mukha na akong kargador sa pier sa dami
ng pinabili niyang damit. Sa totoo lang, may balak ba siyang magtinda din ng mga
damit?

At heto pa ang matindi, hindi yata bababa sa three thousand pesos ang isa sa mga
damit na binili niya! Jusko naman!

Paglabas ko ng cr ay nakita ko ang pigura ng isang matangkad na babae, na ang sexy


sexy sa napakaikling skirt na gamit niyang uniform sa school at ang siste, may
nakasubong lollipop na naman sa bibig!

Sa totoo lang, hindi naman masagwang tingnan siyang nakasubo ng lollipop. Ang cute
nga niya eh. Para siyang isang bida sa mga palabas na anime na uso yata ngayon.

Kung naiba lang siguro ang sitwasyon ko o di kaya naman yung nakaraan ko, maaakit
ako kay Jazmine. Para kasi siyang nang-aakit sa itsura niya lalo na ngayon may
subo-subo pa.

"Ang tagal mo naman sa loob." Reklamo niya ng mapansing nakatayo na ako sa tabi
niya.

"Sino ba kasi may sabi sayong sundan mo ako dito sa cr?" Ganting

sabi ko naman sa kanya.

Nag pout siya. Cute. "Natatakot ako eh."

Mataman ko siyang tinitigan. Ayoko sanang mag-isip o magduda, pero di ko maiwasang


mag-isip ng di maganda. Lalo na't ang lakas ng kutob kong may mali sa sitwasyon eh.
But I'm giving her some benefit of the doubt.

"Tapos ka na bang mamili?" Tanong ko na lang sa kanya. "Dadaan pa ako sa bahay para
kumuha ng damit ko."

"Tapos na." Sagot niya saka isinubong muli yung lollipop na kinakain kanina.

"Hindi ka ba natatakot na masira yang ipin mo sa kakakain niyan?" Puna ko. Ang
hilig niya kasi kumain nun.

"Nope." Tugon niya. "Regular naman ako nagpapa-dental check up."

Obvious naman. Ang puti kasi ng mga ipin niyang pantay pantay.

"Tayo na." Aya ko sa kanya at nauna na akong naglakad palabas ng store. Sumunod na
lang siyang naglakad din.

"Jazmine?" Aniya sa kanya ng isang guwapo at matangkad na lalake ng nasa parking


lot na kami.

"Yes?" Mataray na tugon niya.

Ngumiti sa kanya yung lalake. "It's me, Toby." Kumunot noo naman si Jazmine. "Toby
Salcedo. Kaklase mo nung high school."

"Oh." Bigkas ni Jazmine when realization hit her. "Toby!" Nakangiting sabi niya.
"It's good to see you. I thought you migrated in US already."

"Yeah." Lumawak pa yata yung ngiti nung Toby na yun. "How are you?"

May balak pa yata silang magkuwentuhan sa gitna ng parking lot. Bulong ko sa sarili
ko at nakahalukipkip na napasandal na lang ako sa kotse ni Jazmine.

"I'm fine." Nakangiti ding tumango tango si Jaz sa kanya. Para pa ngang di na niya
maalala na may kasama siya eh.

Nalukot tuloy yung mukha ko.

"Bisitahin mo naman yung bar na pinatayo namin ng mga friends ko." Aya ni Toby sa
kanya.

"Sure." Agad na sagot naman nung isa. "Saan ba yun?"

May sinabing address si Toby at kinuha din niya yung number ni Jazmine.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Di ko na napigilang sumingit sa pag uusap nilang dalawa.

Napatingin sa akin si Jazmine at saka si Toby na parang nun lang talaga ako
napansin.

Seriously? Sa laki kong 'to?

"Ah..." Saka nagbaling si Jazmine kay Toby. "Sige Toby. Alis na kami."

"Okay." He replied back. "See you tonight then, Jazmine."

Nakangiting tumango naman sa kanya si Jazmine at nagpatiuna na akong pumasok sa


sasakyan. Di na ako nag-abala pang pagbuksan siya ng pinto.
Pinaandar ko na yung sasakyan at umalis na dun. Dadaanan ko na muna yung mga damit
ko. Bakit pa kasi kailangan dun pa ako maglagi. Tsk.

"Bakit ka nakasimangot diyan?" Puna sa akin ni Jazmine.

"Wala." Walang ganang sagot ko sa kanya ng di man lang nag-abalang sulyapan siya.
Wala ako sa mood.

"Dahil ba kay Toby?" May himig panunukso yung boses niya.

Maang naman na napasulyap ako sa kanya. "Ano namang kinalaman nun sa mood ko?"

"Nagseselos ka sa kanya." Sigurado sa sariling pahayag niya.

Natawa naman ako. "Bakit naman ako magseselos ha, aber?"

"Aminin mo na kasi na gusto mo din ako." Mayabang pang saad niya.

Natatawa na lang ako na iiling-iling. Di ko na lang siya sinagot para di na humaba


pa yung usapan.

"Come on, Chyler." Pero siya yata yung gising na gising at sinalo niya lahat

ng kakulitan nung sumabog iyon sa kalangitan. "Don't be shy."

"Wala akong dapat aminin sayo, Jazmine." Iiling iling na sabi ko habang
nagmamaneho.

"Hay..." Sabay buga ng hangin. "Sa akin ka din naman babagsak eh."

"Dapat na ba akong matakot ngayon diyan sa sinabi mo?" Ganti ko sa kanya.

"Tell me, Chyler." Umayos pa siya ng upo para humarap sa akin. Mas lalo tuloy
tumaas pa yung maikling suot niyang skirt. Kulang na lang ipasilip niya sa akin
yung suot niyang panty. "Ano ba ang hinahanap mo sa isang babae?"

"Wala." Tipid na naman na sagot ko.

Napakunot noo siya. "Wala?" Takang tanong niya sa akin. "Imposible namang wala."

"Wala kasi di naman ako naghahanap." Pahayag ko.

"Pero lesbian ka di ba?" Tumango lang ako sa kanya. "Nagka-girlfriend ka na naman


siguro."

"Linawin mo yung tanong." Sabi ko.

"Ha?" Para namang siyang naguluhan sa akin.

"Girlfriend na sineryoso o girlfriend na hanggang sa kama lang." Parang wala lang


na sabi ko.

Di siya agad nakapagsalita. Nang sinulyapan ko siya saglit, mataman pala siyang
nakatitig sa akin.

"Di ko alam na ganun ka pala." Seryosong sabi niya sa akin.

"Na?" Balik na tanong ko.


"Na may naggi-girlfriend ka para maikama lang." Bigay diin niya.

Napangisi naman ako. "Yan na yata uso ngayon." Sabi ko. "Wala ng stick to one."

"Mali ka." Kontra niya. "Ibahin mo ako, Chyler."

"Tsk. Wag mo nga ako paglaruan." Sambit ko.

"Sino ba sa atin ang naglalaro lang?" Agad na sagot niya. "To be honest with you,
ngayon lang ako nagkagusto sa babae. Because I keep on telling

myself that I'm straight. That I'm different from my parents, my sister and my
cousins. And then, all of a sudden, I met you. And you changed everything I
believed before."

Aminin ko, medyo nag-iba yung tingin ko sa sinabi niya sa akin. Pero malay ko ba
kung ini-echoss echoss lang niya ako ngayon.

Your instinct tells you otherwise, Chyler. Sabi ng konsensya ko.

"Alam mo Jazmine." Panimula ko sa malumanay na boses. "Nagsisimula ka pa lang mag-


explore sa bagong parte ng buhay mo na natuklasan mo. Marami pang pwedeng mangyare
at madami ka pang makikilala. Magbabago pa yang pagkagusto mo sa akin. Kaya wag ka
mag-focus sa nararamdaman mo ngayon para sa akin kung totoo man yan."

"Yeah, you're right." She agreed. "Madami pa akong makikilalang iba. But they're
not you, Chyler. So stop telling me that."

Hindi na lang ako umimik pa. Hahaba lang ng hahaba yung usapan. At baka mas lalo ko
pa siyang masaktan at mainsulto kung sakali.

"Dito ka muna." Sabi ko sa kanya at di na nag-abala pang ayain siya sa loob ng


bahay.

Mabilis na akong umibis ng sasakyan at nagtungo sa loob ng bahay diretso sa kuwarto


ko. Tatawagan ko na lang mamaya si Vince na pansamantalang di muna ako makakauwi
dahil sa misyon ko.

Kinuha ko yung malaking backpack ko na kulay itim na madalas ko ginagamit kapag


ganung may misyon ako at inilapag yun sa kama. Kumuha ako ng ilang damit at
kakailanganin ko. Kumuha na rin ako ng extrang bala ng baril at inilagay sa secret
pocket ng bag. Pumasok ako sa banyo para kumuha dun sa kabinet ng bagong
toothbrush.

Nagulat naman ako dahil paglabas

ko ng banyo ay nakaupo na si Jazmine sa kama ko at abalang nakatingin sa picture ko


sa may lamesita sa tabi ng kama.

"Di ba sabi ko hintayin mo na lang ako sa kotse?" Sabi ko sa kanya.

Pero unusual yung pakiramdam ko dahil hindi ko ramdam na para siyang nag invade ng
privacy. Siya palang kasi ang ibang tao na nakapasok dito sa kuwarto ko. Dahil nga
ayoko ng may nakikialam sa mga gamit ko. At ayoko yung makita nila yung ako. Ganun
kasi pakiramdam ko kapag may ibang papasok dito sa loob ng kuwarto ko, this is my
private place.

"Ang cute mo naman dito." Parang wala siyang narinig na sermon sa akin. "Sila ba
mga magulang mo?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Wala na talaga akong magagawa pa sa kakulitang taglay niya.

"Oo." Sagot ko saka ipinagpatuloy na yung paghahanda ko ng gamit.

"At siya yung younger brother mo?" Tukoy niya sa picture ni Vince.

"Yup. Ka age mo siya." I replied.

"Nasabi mo nga sa akin minsan." Sabi niya saka ibinalik yung picture frame kung
saan din niya iyon kinuha.

Iginala niya yung paningin niya sa kuwarto ko, and for the first time, di ako
nailang kung maayos ba yun o hindi. Bahala na lang siyang humusga.

"Wag ka na magdala ng towel." Sabi niya ng makita yung hawak kong tuwalya. "Meron
naman dun. Just bring some clothes."

Nagkibit balikat na lang ako at ibinalik ko na lang sa drawer yung tuwalyang hawak
ko kanina.

"Tayo na." Sabi ko sa kanya at isinukbit na sa kaliwang balikat ko yung bag.

Tumayo na siya. "I like your room." Narinig kong sabi niya ng nai-lock ko na yung
kuwarto ko ng makalabas

na kami.

"Ano namang maganda dun at nagustuhan mo? For sure maliit lang yun kumpara sa
kuwarto mo." Tugon ko habang pababa na kami ng hagdan.

She smile at me playfully. "Gusto mo makita kuwarto ko?"

"Wala akong sinabing gusto ko makita yung kuwarto mo." Agad na sabi ko.

"Kung gusto mo dun ka na matulog sa kuwarto ko para tabi tayo." Suhestyon niya.

"Pwede ba Jazmine?" Di na natutuwang sabi ko. "Tigil-tigilan mo ako ha?"

"Tsk." Palatak niya na di nagpaapekto sa mood ko. "Ang init naman ng ulo mo."

Sinara ko na yung pinto at tsaka ni-lock na yun. May susi naman si Vince. Sinara ko
din yung kinakalawang ng gate.

"Ilan ang babaeng sineryoso mo?" Tanong niya sa akin ng nakapasok na kami sa loob
ng kotse niya.

Pinaandar ko na yung sasakyan. "Isa lang." Sagot ko. "At wala akong balak siyang
ikwento sayo." Yun lang sinabi ko at pinasibad na yung sasakyan pauwi sa bahay
nila. Di na rin naman siya ulit nag-usisa.

Wala pala sina Alex at Arabella ngayong gabi dahil nagpunta daw sila sa hacienda
nila sa Batangas. Nakauwi na din ang kapatid niyang si Taylor ng makarating kami sa
bahay nila. Tango lang ang isinagot niya sa akin ng batiin ko siya.

Kinagabihan, tatatlo lang kaming tahimik na kumain ng dinner. Yung kuwarto ko pala
malapit sa kuwarto ni Jazmine. Pagkatapos naming kumain, nagkanya-kanya na kami ng
tinunguhan. Si Jazmine nagtungo na sa kuwarto niya at si Taylor naman sa movie
room. Meron pala silang ganun dito, iba na talaga ang mayaman. At ako naman
nagtungo sa labas at ikinabesa ko yung bahay at yung paligid niya.

Nahagip ng mga mata ko si Jazmine na nakabihis at halatang may pupuntahang party


base na rin sa suot niya.

"Hep!" Hinarangan ko yung daraanan niya. "Saan ka pupunta?"

She rolled her eyes. "Di ba narinig mo naman kanina na pupunta ako sa bar nina
Toby?"

"Walang aalis." Sabi ko.

"Naka-oo na ako kanina, Chyler." Nakapameywang na sabi niya.

"Sasama ako." Maawtoridad na sabi ko. Dapat lang naman talaga na samahan ko yung
subject ng misyon ko.

"Dapat lang naman talaga na samahan mo ako." Nakangising sabi niya.

Tsk. Bakit ganun? Pakiramdam ko may binabalak siyang di maganda?

=================

Chapter 10 Giving Up?

"If I stole your heart and you stole mine, wouldn't that be a perfect crime?"

Jaz POV

Naiinis na talaga ako kay Chyler. What's wrong with her? Bakit di niya ako
magustuhan? Ilang beses na ba niya akong inayawan at ininsulto?

And what's wrong with you? Aniya ng aking isipan. Ang dami naman kasi diyang iba,
ipinagpipilitan mo yang sarili mo sa kanya.

Yeah, my mind is right. So let the party begin!

"Dito ka na lang." Medyo malakas yung pagkakasabi ko nun sa kanya dahil maingay na
sa loob ng bar.

Akala ko naman narinig niya ako dahil palinga-linga siya sa paligid. Maglalakad na
lang sana ako palayo sa kanya ng hinawakan niya ako sa braso.

"Saan ka pupunta?" She asked.

"Hahanapin ko lang si Toby." Sabi ko naman. "Dito ka na lang. Order ka na lang ng


gusto mo, ako na bahala sa bill." At hahakbang na sana ako palayo sa kanya ng
pigilan niya ulit ako.

Mas lalo yata niyang hinigpitan pa yung hawak niya sa braso ko. "No. I'll come with
you. Kahit saan ka pa pumunta, sasama ako." Matigas na sabi niya.

Ang sarap sanang pakinggan nung sinabi niya if she really mean it. Pero parte pala
ito ng misyon niya.
"Bahala ka." Tugon ko na lang at naglakad na pasulong sa may VIP room.

"Jazmine!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses.

"Toby." Nakangiting sabi ko.

Actually, ngayon ko lang naalala. Toby and I had a thing when we were in high
school. Pero di naman ako seryoso nun sa kanya. It was just for fun kaya di na yun
nagtagal.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "I'm glad you came."

"Of

course, I will." Sagot ko. Pag bar talaga eh, di ko tinatanggihan. "Is it okay I
brought company?"

Nun siya napasulyap sa likod ko. Kay Chyler. "It's okay." Nakangiting sabi niya.
"Let's have a seat."

Hinawakan niya ako sa braso at inalalayang makaupo sa may lounge chair. Naupo din
sa tabi ko si Chyler na nag-iwan ng space between us pero di ko na lang yun
binigyan ng pansin.

Ipinakilala ako ni Toby sa mga kaibigan niya at kasosyo sa bar na may kaniya-
kaniyang date ng gabing iyon. Nag order na din si Toby ng drinks namin kasama si
Chyler na beer lang ang piniling inumin.

Nabigla pa ako ng dumukwang si Toby at bumulong sa akin. "Ano mo ba siya? Ba't


parang lagi mo siyang kasama?"

Nagbaling ako ng tingin sa kanya and my mistake dahil ang lapit pala talaga ng
mukha niya sa akin at muntik ng magkabungguan yung mga labi namin.

"Bodyguard ko." Yun lang ang isinagot ko.

"Bodyguard?" Kunot noong tanong ni Toby.

"Long story." Sabi ko na lang sa kanya.

Hindi pa rin niya inilalayo yung mukha niya sa akin. He touched my face.

"Ah... Toby?" Naiilang na sambit ko.

Dim lang naman ang ilaw dun at medyo maingay dahil sa background music.

He kissed my lips. Yung kamay niyang nasa pisngi ko nasa batok ko na ngayon at
nilapit pa yung mukha niya sa akin. He has soft lips.

Kailan ba yung huli akong nahalikan ng isang lalake? When I met Chyler. Maybe,
she's right. It's just a phase.

I placed my right hand on Toby's shoulder and let him kissed me and I reciprocate.
I even closed my eyes trying to feel him... but I can't.

He is not

Chyler. And I really hate to admit na si Chyler na lang talaga ang gusto ko ngayon
at wala ng iba pa. I want her so bad.
"Toby..." Ako na ang pumutol sa halik.

"Why?" Mapungay ang mga matang tanong niya sa akin habang hawak pa din ako sa
batok.

Sumulyap ako sa tabi ko pero wala dun si Chyler. Nagpalinga linga ako para hanapin
siya sa loob ng kuwartong iyon pero wala na siya.

"I think I have to go to the powder room." Paalam ko na lang sa kanya.

I took my purse and stood up. Hindi ko na hinintay yung sagot niya at lumabas na ng
VIP room. Isang bungkos ng taong sumasayaw sa gitna ng dance floor ang sumalubong
sa paningin ko. Ang ingay nung tugtog.

"Excuse me." I tried to passed through the crowd.

Anong oras na ba? Ang dami na kasing tao sa loob ng bar. Di ko mahanap si Chyler
kaga lumabas na ako ng bar. Wala naman siya dito sa parking lot. Nilabas ko yung
phone ko at dinial yung number niya. She's not picking it up.

"Chyler, answer your goddamn phone!" Iritableng bulong ko ng dinial ko ulit yung
number niya.

Biglang may umilaw. Yung kotse ko. I rolled my eyes and went to my car. Binuksan ko
yung passenger side at pumasok dun.

"Bakit bigla bigla ka na lang umalis dun?" Agad na tanong ko sa kanya ng makaupo na
ako paharap sa kanya.

Seryoso lang ang mukhang nakatingin siya sa harap ng kotse. Di naman iyon nakaandar
kaya naman ang dilim sa loob ng sasakyan at yung nagsisilbing ilaw lang ay yung sa
may poste.

"Chyler, I'm talking to you!" Medyo naiinis ng sabi ko.

"Hindi ko misyong bantayan kang makipaglandian." Walang emosyong

sabi niya sa akin ng hindi man lang ako nililingon.

"What?!" I exclaimed.

"Kung gusto mong bumalik sa loob, bumalik ka. Tawagan mo na lang ako kung may
napapansin kang unusual sa paligid mo." Saad niya at sumandal sa kinauupuan saka
pumikit.

Nasasaktan ako kasi lantaran niyang ipinapakita at ipinapadama na wala siyang


concern sa akin. Di ba bantay ko siya? Bakit niya ako iniiwan?

"What's wrong with you?!" Di ko napigilang ibulalas yun sa kanya. "Ano bang ayaw mo
sa akin?" May himig hinanakit na tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Basta nakapikit lang siyang nakasandal dun at nagtutulog-
tulugan at parang wala siyang naririnig. That's what I hate the most from Chyler.

"Chyler?!" Untag ko sa kanya. "Chyler!" Sigaw ko.

"Umuwi na tayo." Walang emosyong sabi niya at pinaandar na niya yung sasakyan saka
pinasibad na iyon palayo sa bar.
Pagdating sa bahay, pabalang na bumaba siya ng kotse pagka-park niya yung sasakyan
sa may garahe. Bumaba na din ako at mabilis ang mga hakbang na sinundan ko siya. At
bago pa niya maisara yung kuwarto niya ay mabilis akong pumasok dun.

"Matulog ka na, Jazmine." She told me in a controlled voice. "May pasok ka pa


bukas."

"No." Matigas na tanggi ko. "Let's talk."

"Ano naman ang pag-uusapan natin?" Patay malisyang tanong niya sa akin.

"Ano ba ang ayaw mo sa akin?"

Napatawa siya ng mapakla. "Wag mo ng alamin pa."

Naiinis na talaga ako sa kanya. Pikang-pika na ako. Itinulak ko siya ng ubod ng


lakas at napahiga siya sa kama. Nanlaki yung mga mata niya sa ginawa ko at halatang
nagulat siya.

"O baka

naman mas gusto mo ng aggressive na babae?" Namumula na ako sa inis, alam ko yun,
ng pumaibabaw ako sa kanya.

"Jazmi---"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tinakpan na ng bibig ko yung labi niya.
Hindi siya agad nakapag-react kaya naman malaya ko siyang nahalikan ng madiin.
Actually, I don't know how two women do it, all I know is to kiss. I really don't
have any experience with... sex.

"Jaz---" Pilit niya akong itinutulak when reality hit her already but I didn't let
her. I kissed her hard instead.

I needed to breath, so I had to cut the kiss. I looked at her flushed face. Kapwa
namin habol yung hininga namin.

"Stop it, Jazmine." Mahinang sabi niya sa akin. "You don't have to do this."
Bumangon siya sa kama at nadamay ako.

Naupo ako sa tabi niya. I feel so damn stupid right now. I hate myself, and I hate
Chyler for rejecting me.

"Ano bang mali sa akin at hindi mo ako magustuhan?" I asked in a low voice. "Do I
look so ugly to you?"

"No." She replied. She raked her hands through her short hair. She cursed,
something I didn't understand.

"Then ano ang hindi mo gusto sa akin?!" Sigaw ko sa kanya.

"Lahat!" She outburst.

My eyes winced and when she saw the tears started to streamed down my face, nakita
ko yung pagsisisi sa mga mata niya.

"Look, Jazmine..." Alo niya sa akin. "I just can't..." Hindi niya maituloy-tuloy.
She tried to touch me pero bigla ding nagbago ang isip niya at kinuyom na lang niya
iyon saka parang naiinis sa sarili na tumayo siya.

I never felt this pain entire my life. Masakit dahil hindi ka gusto

ng taong gustung-gusto mo. I stood up. I have to redeem myself from this. I wiped
away my tears and let out a deep breath. Nag-aalalang tumingin si Chyler sa akin.

"Jazmine..."

"Save it." I cut her off. She sighed. "This isn't the end, Chyler." I told her.
"Trust me."

Pagkasabi ko nun ay agad na akong naglakad palabas ng kuwarto niya papunta sa


kuwarto ko.

--------------------

Kinabukasan, maaga ako umalis ng bahay para matakasan ko si Chyler. Nag-drive ako
papuntang presinto, gusto ko makausap si Erick. Gusto kong intindihin si Chyler
kung bakit siya ganun sa akin. I want to understand where she's coming from.

"O, Jazmine!" Masayang bati ni Erick sa akin ng makita niya ako sa presinto.

"Hi, Erick!" Nakangiting bati ko sa kanya.

"Wala si Chyler." Sabi niya sa akin. "Nasa misyon niya." Pabulong lang yung
pagkakasabi niya sa akin nung huling tinuran niya.

"Ikaw talaga ang sadya ko, Erick." Sabi ko sa kanya na nakaupo na sa harap ng table
niya.

"Ha?" Sambit niya. "Wag mong sabihin sa akin na nagbago na yung gusto mo. Na ako na
at hindi na si Chyler."

Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. "Sira!"

"Seriously, akala ko sinukuan mo na yung kaibigan kong yun." Medyo may himig
lungkot na sabi niya sa akin.

"Actually... gusto ko sanang malaman yung nakaraan niya tungkol dun sa kaisa-isang
babaeng sineryoso niya." I said.

Mataman siyang tumingin sa akin. "Alam mo, Jazmine..."

"Please, Erick. I want to know para maintindihan ko yung kaibigan mo. She keep on
rejecting me." Pakiusap ko sa kanya.

He sighed. Tumayo siya sa kinauupuan niya. "Halika." Aya niya sa akin. "Sa labas
tayo mag-usap."

Agad akong sumunod sa kanya at dinala niya ako sa may kotse niya at pinapasok ako
sa loob. Dun daw kami mag-uusap. Lahat kasi yata ng sulok ng presinto may tao eh,
kaya walang privacy.

"Ano ba ang gusto mong malaman?" Tanong niya sa akin.

"Her past." Kung tutuusin, kayang kaya ko naman yun paimbestigahan kay Jacob, pero
mas pinili kong ako mismo ang magga-gather ng infos about Chyler's past.
"About kay Ann?" He asked at kumunot yung noo ko sa sinabi niya. "Si Ann yung
naging girlfriend niya for three years." Panimula niya. "Minahal siya ni Chyler ng
higit pa sa buhay niya. Nagsama sila sa iisang bubong sa bayan nila sa Bicol kahit
pa tutol ang ama ni Ann kay Chyler." Mataman lang akong nakikinig sa kanya. "Pero
nang madestino si Chyler dito sa Makati, kailangan niyang tumira dito at naiwan si
Ann sa Bicol dahil andun yung trabaho niya."

"Bakit sila naghiwalay?" Curious na tanong ko.

"Nagpakasal si Ann sa isang lalake. At ang siste, hindi man lang siya muna
nakipaghiwalay kay Chyler bago nangyare yun." Kwento niya.

"God..." Mahinang usal ko. Kahit hindi ako mismo yung nakaranas nun, parang ramdam
ko kung gaano yun kasakit kay Chyler.

"Kaya siguro pilit ka niyang itinutulak palayo dahil sa pareho kayong socialites ni
Ann." Sabi pa ni Erick sa akin. "May mga qualities kasi kayo na magkapareho ni Ann
kaya siguro ganun si Chyler sayo."

"She still loves her..." Masakit pala malaman na yung gusto mo may mahal na iba.

"Hindi ko din alam, Jazmine." Honest na sagot ni Erick sa akin. "Hanggang ngayon
kasi, kahit limang taon na ang nakakaraan, parang masakit pa rin sa kanya yung
nangyare."

Now I know...

"Pero Jazmine," Tawag niya sa pansin ko. "Wag mo sanang sukuan si Chyler." Pakiusap
niya sa akin.

To be honest? The pain of being rejected is starting to kick in...

=================

Chapter 11 Letting It Go

"My name sounds even cuter with your last name added to it."

Jaz POV

"Nagsimula na ba yung laro?" Tanong ko kay Ashley sa kabilang line na agad ko


idinial yung number niya pagkababa ko ng kotse.

Pagkagaling ko kasi sa presinto para kausapin si Erick, dumiretso na ako dito sa


school dahil nga may laban ang kuponan ni Hailey ngayon against our rival school,
St. Mary's University.

"Oo. Kakatapos lang ng first quarter." Sagot ni Ash. Ang ingay ng kinaroroonan
niya. "Nasan ka na ba?"

"Kadarating ko lang dito sa school." Sagot ko sa kanya habang naglalakad na.


"Lamang sila Hailey ng four points." Balita ni Ash.

Di na ako nagtataka. Hailey is great in playing basketball. Silang dalawa ni Taz.

"At mukhang naiinis na si Skylo sa kanya." Dagdag pa niyang balita.

Nagsalubong bigla yung kilay ko sa narinig. "Subukan lang niyang saktan si Hailey,
sasaksakin ko siya."

Si Skylo ang star player ng St. Mary's sa larong basketball at minsan din ay may
pagka-dirty siya maglaro. Physical pa siya most of the time.

Pero subukan lang niyang saktan yung pinsan ko makakatikim talaga siya sa akin.

"Easy, Jaz." Sabi naman ni Ash sa kabila na narinig ko pang tumawa ng mahina. "Para
namang di mo kilala si Hailey."

"Wag lang magkakamali yang Skylo na yan, ilalampaso ko pagmumukha niya." Naiinis
kaya ako sa tomboy na yun. Akala mo kung sinong magaling eh. Ang yabang!

"Di ko pa nakita si Stef." Pag-iiba niya sa usapan.

"Tiyak naman na nandiyan din siya sa loob at nagche-cheer sa girlfriend

niya." Saad ko naman.

"Yeah, you're right." Sang-ayon naman niya. "Para sana tabi na tayo mag cheer para
kay Hailey."

"Hay naku, Ashley. Wag mo ng tabihan pa si Stef. Please lang kung ayaw mo ng gulo."
Sabi ko sa kanya.

"Ha?" Mangha namang tanong niya. "Bakit naman?"

Sasagot na sana ako ng may biglang humablot sa braso ko. Si Chyler na hindi
maipinta ang mukha!

"Saan ka ba nagpupupunta?" Halata sa boses niya ang inip at inis.

"Is that Chyler?" Tanong ni Ash sa kabila.

Di ko sinagot si Chyler pero mataman lang akong nakatingin sa kanya.

"Yeah." Tugon ko kay Ashley.

"Kanina ka pa pala niya hinahanap. Di na maipinta yung mukha niya kanina para na
siyang makakapatay ng tao." May himig panunuksong sabi ni Ashley.

"See you in a bit, Ash." Sabi ko sa kanya ar ng mag-okay na siya ay agad ko ng


ibinaba yung tawag. Hinarap ko naman si Chyler na di na maitago ang sobrang
pagkaaburido sa mukha niya.

"Saan ka ba nagpunta?" Hawak hawak pa din niya ako sa braso.

"Ang pagkakaalam ko, bodyguard kita, hindi guardian." Ganting sagot ko.

Ayokong ipakita sa kanya na nasaktan ako sa nalaman ko mula sa nakaraan niya. Sa


kaalamang mahal pa rin niya yung ex niyang nanloko at nang-iwan sa kanya.
"That's the point!" Sigaw niya. "Bantay mo ako, at kung may mangyare sayong masama,
sagutin kita." Namumula na yung pisngi niya sa sobrang inis at binitawan na din
niya yung braso ko.

"Don't worry Chyler. I will never hold you liable if ever." Pormal ang mukhang sabi
ko saka nag arm crossed pa.

She laugh sarcastically.

"Alam mong di yan totoo, Jazmine." Saad niya. "Whether I like it or not, sagutin
kita."

"Will you stop bragging me?!" Di ko na napigilan yung inis ko sa kanya.

Naningkit yung mga mata niya sa akin. "At pwede bang wag na wag mo na ulit akong
tatakasan pa?" Ganti niya.

"Chyler, you don't have to ---"

"Yes I have to, Jazmine!" Putol niya sa sinasabi ko. "Dahil trabaho ko 'to."

Yeah, hanggang dun lang talaga yung concern niya sa akin. Dahil sa trabaho niya ang
bantayan ako.

"Jazmine, please just cooperate with me." Malumanay na ang boses niya ng nagsalita
siya. "It's for your own safety."

Siguro nga tama na 'tong pagpapanggap na ito. Siguro din kailangan ko kunang
ipahinga yung puso ko. Isa pa, mahal pa rin niya si Ann. No used in showing Chyler
how much I like her when she's still blinded by her past. She needed time to heal.

"Wala na ba talagang pag-asa na maging tayo?" I asked seriously.

Natigilan siya sa tanong ko at hindi siya nakasagot. She sighed and looked away.

"Chyler, you need to let go of your past." Sabi ko pa sa kanya. "Pakawalan mo na si


Ann---"

"Sino ka para pagsabihan ako niyan?" Matalim ang mga matang tumitig sa akin. "Hindi
mo alam ang sinasabi mo, Jazmine."

Nakita ko sa mga mata niya yung sakit. Nandun pa rin yung hapdi ng nakaraan niya.

"Chy..." Tawag ko sa pangalan niya ng buong simpatya.

"Hindi mo alam Jazmine, kung gaano kasakit iwan at ipagpalit sa iba ng taong
minahal mo ng mas higit pa sa buhay mo." Ang bigat ng mga salitang binitawan niya.
"At pagkatapos nun ano? Ni ha ni ho, o kahit simpleng

sorry man lang sana, wala!" Nakita kong nanginginig yung kamay niyang nakakuyom sa
kanyang gilid.

Hinayaan ko munang humupa yung emosyon niya bago ako nagsalita. Kaya naman isang
mahabang katahimikan ang namayani sa amin sa gitna ng parking lot. Buti na lang at
malilim sa lugar na iyon kung hindi sunog yung balat namin sa napakainit na sikat
ng araw.

"Don't worry, Chyler." Basag ko sa nakakabinging katahimikan. "Hindi na kita ulit


gagambalain pa." Buong lakas ko iyon sinabi sa kanya na hindi umiiyak or sounds
like malungkot na malungkot. I uttered those words with so much control.

"May misyon pa akong dapat gawin, Jazmine. At kung pwede sana ayokong mahaluhan ito
ng personal." Pormal na sabi niya.

"You are releived from your mission, dela Rosa." Pahayag ko.

"Sorry pero hindi ako tumatanggap ng utos mula sayo." Matigas na sabi niya.

"Then I'll call tito Ramon and tell him to take you out from this mission." Saad
ko.

"Wag na wag mo yang gagawin, Jazmine." Pigil niya sa akin. "Made-demerit ako."

"Hindi yun mangyayare, Chy." Mahinang sabi ko.

"Please stop saying things like you really know how it flows." She said curtly.

"Hindi totoong may pagbabanta sa buhay ko." Pagtatapat ko sa kanya.

"Ano?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

"It was just a bluff." I said. "I mean, it was just an act." Hindi siya nagsasalita
at mataman lang siyang nakatingin sa akin. "I'm sorry, Chyler. Ginawa ko 'to para
mapalapit ka sa akin."

"Anong klaseng laro ba 'to Jazmine at pati propesyon ko idinamay mo?" Hindi
makapaniwalang sabi niya.

"Ako

na lang bahalang magpapaliwanag kay tito." Walang kaemo-emosyong sabi ko though


deep inside I'm alreadyin pain.

Napamura siya ng mahina. "Pinaglaruan mo lang ako ganun?!" Ramdam ko yung hinanakit
sa mga sinabi niya.

"No, it wasn't like that." Parang wala lang na sabi ko.

"No?!" Bulalas niya. "Eh anong tawag mo dito sa ginawa mo sa akin? Pinaglaruan mo
ako, Jazmine!"

Hindi ko siya sinagot. Kunwaring bored na nagbaling ako ng tingin sa iba.

"Sa tingin ko naman wala akong nagawang masama sayo para paglaruan mo ako ng
ganito." Kontrolado na niya ang boses niya ng sumunod na nagsalita. "Wala ka na
bang ibang mapagtripan?" Narinig ko sa boses niya na nasaktan siya sa ginawa ko
kaya naman muli akong nagbaling ng tingin sa kanya.

"I'm really sorry, Chyler." Sincere na sabi ko.

"Ngayon sabihin mo sa akin na iba ka kay Ann." Pagkasabi niya yun ay tumalikod na
siya at mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kanyang kotse. Pinasibad niya
iyon palayo.

Dun ko lang pinakawalan yung hininga kong kanina pa kumakawala. Madiin kong
ipinikit yung mga mata ko para pigilan sa pagdaloy yung emosyon ko.
Nang masiguro kong okay na ako tingnan, naglakad na ako papunta sa gymnasium para
suportahan si Hailey sa laro niya. Nag-give way naman sila sa akin ng makitang ako
yung dadaan dun sa crowd. Agad kong namataan si Ashley na nasa malapit sa
kinaroroonan ng team nila Hailey.

Second quarter pa lang pala at tabla ang laban. Naglakad na ako papunta da
kinaroroonan ni Ash.

"O, ba't ang tagal mo?" Takang tanong niya sa akin. "Nasan na yung bodyguard mo?"

"Wala

na." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Ha? Bakit?" Manghang tanong niya. "Pinagtapat mo na sa kanya yung totoo?"

Yes, alam ni Ash yung pakana nina Hailey at Taz na kunwaring banta sa buhay ko.
Except of course, ng mga magulang namin.

"Yeah." Tipid na sagot ko.

Tinapik niya yung balikat ko. "Give her time." Nakakaintinding sabi ni Ash sa akin.
"Pasasaan ba't sayo din siya babagsak." Napangiti ako sa sinabi niya. "Isa kang
Montalban, di ba?" Nakangising sabi niya.

"I love you, Ash." Saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"I love you too, cous." Ganti din niya at niyakap din ako ng mahigpit sabay himas
sa likod ko.

I really needed a hug.

Maingay na ipinagpatuloy namin ni Ash ang panonood sa laban ng MGU against St.
Mary's. Hayun nakita ko na si Skylo. Ang yabang yabang ng dating. Kilala ko siya
kasi nakalaban ko na siya minsan sa isang fencing competition.

Nahagip ng paningin ko sa kabilang bleacher si Stef kasama yung kaibigan niyang


Spencer yata ang pangalan.

"I saw Stephanie already." Bulong ko kay Ash.

"Asan?" Nagpalinga-linga naman siya.

"Sa kabilang bleachers." Turo ko sa kanya.

Nakakatuwa naman si Stef, panay ang sigaw nila nung kaibigan niya kapag nakaka-
score si Hailey. Pareho pa sila ng damit na kulay red at may naka-print sa harapan
in white font color. Hailey at tsaka Best lang kasi yung nababasa ko dito eh.

Natawa naman si Ashley sa kaniya. "Ang swerte ni Hailey 'no?" Sambit no Ash sa tabi
ko at kay Stef siya nakatingin na pumapalakpak pa.

"Yeah." Sagot ko naman.

Ang swerte nga

naman ng pinsan naming iyon sa love life niya with Stephanie. Pansin din namin yung
malaking pagbabago ni Hailey simula ng makilala niya si Stef.
See? Marunong na siyang makisama, at ngayon nga ay lamang na sila ng tatlong puntos
laban sa SMU Thunders.

"Nakakainggit." Nakangiting sabi ko.

Biglang sumagi sa isipan ko si Chyler at kung saan na siya nagpunta pagkatapos


naming magsagutan kanina.

"Alam mo bang magbabakasyon silang dalawa kapag naipanalo ito ni Hailey?" Singit ni
Ash sa pag-iisip ko na naman kay Chyler.

"Talaga?" I muttered. "No wonder, nagdo-double effort na si Hailey para siguradong


masolo si Stef."

Natawa naman si Ash sa sinabi ko. "Lagot yang Skylo ba yan kay Hailey."

"Huh!" I exclaimed. "Hindi siya makakaporma kay Hailey." Siguradong sambit ko.

Nag-fake na nagshoot si Skylo pero di yun kinagat ni Hailey na siyang may bantay sa
kanya. Nakuha tuloy ng MGU yung possession at agad na nai-shoot nung isa sa mga
players nila.

"May candy ka ba diyan?" Tanong sa akin ni Ash kapagkuwan.

"Wala, bakit?" Takang tanong ko naman. Di naman kasi siya mahilig mag candy.

"Nakakaumay yung laro ng St. Mary's." Mayabang na sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Binuksan ko yung bag ko saka binigyan siya ng
lollipop na palagi kong dala.

"Ayoko niyan." Tanggi niya na nalukot pa yung mukha niya ng makita iyon.

"Eh di wag." Ako na ang nagbukas nun at tsaka kinain.

May nagdaan naman na nagtitinda ng mga drinks. Galing yun sa cafeteria for sure
kasi di naman nagpapapasok ang school sa mga vendors galing sa labas.

"Kuya!" Tawag sa kanya ni Ash at lumingon naman saka lumapit. "May paninda po ba
kayong Chuckie?"

Pigil ang ngiting tumingin ako kay Ashley. Yun lang yung pinakaisip batang nakita
ko kay Ash simula nung mga bata pa kami. Ang pag-inom ng Chuckie. Pero wag lang
niya iyon ipapakita kay tita Camille dahil malalagot siya.

"Meron po." Sagot nung nagtitinda.

"Magkanu po?" Tanong ni Ashley.

"Trenta po." Magalang na sagot ni kuyang nagtitinda.

Inabot ni Ash sa kanya yung P100.00.

"Sayo na po yung sukli." Nakangiting sabi ni Ashley ng nakuha na niya yung


chocolate drink at tsaka tinusok ng straw. Nagpasalamat naman sa kanya yung
nagtitinda at umalis na.

Nagkatinginan kaming dalawa saka nagkatawanan. Paano po kasi para kaming bata na
nanonood ng laro nina Hailey. Ako may subong lollipop at siya may sipsip na straw
at umiinom ng Chuckie.

=================

Chapter 12 Promotion

"She will chase you around for a while; but there's going to be a day when she's
gonna stop running in circles around you. She's going to get over you and at that
very moment you're going to wish you had her catch you."

Chyler POV

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng magkasagutan kami ni Jazmine sa loob ng


unibersidad na pinapasukan niya. At nang araw ding iyon ako umalis sa bahay nila.
Kinabukasan naman nun ay na-relieved na ako sa misyon ko at nakabalik na sa
trabaho.

Naramdaman ko na lang na parang may tumama sa pisngi ko. Nang tingnan ko kung ano
yun ng mahulog iyon sa may hita ko, isa lang palang red paper clip.

Awtomatikong nagbaling ako ng tingin kay Erick na siya lang naman ang salarin.

"Kanina ka pa diyan nakatulala." Puna niya sa akin.

"Hindi ako nakatulala." Kunwari ko saka ibinalik yung atensyon ko sa hawak hawak
kong folder.

"Eh anong tawag mo diyan?" Sabi niya.

"Nagbabasa." Kunwari namang mangha akong napatitig sa kanya. "Next case ma


hahawakan ko."

"Lokohin mong lelong mong panot!" Saad niya sa akin. "Halos trenta minutos ka ng
nakatanga lang diyan sa hawak mo. Tulala na ang tawag dun, hindi pagbabasa!" Tuluy-
tuloy na sabi niya.

"Wala na akong lolo!" Ganti ko naman sa kanya at di pinansin yung huli niyang
sinabi.

"Seriously, Chyler?" Bigkas niya. "Sa akin ka pa talaga magsisinungaling?" Sabay


turo sa sarili niya.

No used in hiding things from Erick. Kilalang kilala niya ako. Para na kaming
magkapatid nito. At minsan, mas daig pa namin ang magkakambal. Ramdam kasi namin
minsan kung

may problema ang bawat isa.

"Ano ba talaga ang nangyare sa misyon mo?" Takang tanong niya. "At ganyan na lang
ang resulta nun sayo?"

"Solved naman na yun." Pilit ang siglang dahilan ko sa kanya.


Hindi ko alam pero di ko masabi-sabi kahit kay Erick yung ginawa ni Jazmine na
pagpapanggap na mayrong banta sa buhay niya para lang mapalapit ako sa kanya.

Magsasalita pa sana siya ng bigla kaming tawagin lahat ni chief sa conference room.
Nakaupo kaming lahat dun sa may pahabang lamesa at nasa kabisera siya nakaupo.

Kaya pala niya kami ipinatawag para ibigay ang bagong assignments ng bawat isa sa
amin at yung tungkol na din sa mga nababalitang diumano'y mga nagpapanggap na pulis
at gumagawa ng krimen.

Nagtaka naman ako dahil ako lang ang walang assignment na naibigay. Pati si Erick
ay napatingin sa akin at bakas din sa mukha niya ang pagtataka.

Ibig bang sabihin nito ay tanggal na ako sa serbisyo? Pero wala naman akong alam na
nagawa ko para masuspende or what?

"Dela Rosa?" Parang may tumatawag sa akin.

"Hoy." Siniko ako ni Erick.

"Ha?" Parang nagising naman ako dahil dun.

"Kinakausap ka ni chief." Mahinang sabi niya sa akin.

"C-chief." Baling ko naman ng pansin sa kanya. "Ano po yun, Sir?"

"Nagtataka ka siguro kung bakit hindi kita binigyan ng bagong assignment?" Saad
niya.

"Yes, chief." Agad na sagot ko. Eh sa yun ang totoo!

Napangiti naman siya ng tipid. "Hindi kita binigyan ng bagong assignment dahil
itinatalaga kitang Detective ng Station 9."

Namilog yung mga mata ko at napanganga na lang. Yung word

na detective lang kasi yung tumatak sa isipan ko yung iba di ko na naintindihan pa.

Nagpalakpakan naman ang mga kasamahan ko dito sa station 9. May sumuntok pa ng


mahina sa akin sa braso.

"Dela Rosa nakikinig ka ba sa akin?" Untag sa akin ni chief.

"O-opo, chief." Di pa rin makapaniwalang sambit ko.

"Maagang pa birthday sayo 'to, Chy!" Masayang masayang sabi sa akin ni Erick.

Nag bro hug kaming dalawa. Sino naman ang hindi sasaya kung bigla bigla na lang
makukuha mo na ang matagal mong pinapangarap?

"Maraming salamat, chief." Ang lapad ng ngiti ko. "Aasahan niyo pong pagbubutihin
ko pa ang trabaho ko."

"Makakaasa ako, Detective." Saka siya sumaludo sa akin.

Nakangiting sumaludo din ako sa kanya. At pagkatapos nga nun ay tumayo na siya at
lumabas na ng conference.
"Hoo!" Sigaw nilang lahat.

"Paninom na yan!"

"Celebrate tayo, Dela Rosa!"

Kaniya kaniya sila ng sabi. Masaya ko naman silang tinanguan at tsaka nagpasalamat
sa mga pagbating iginawad nila sa akin.

Sabi nga nila, there's always a rainbow after the rain.

Ang masaklap lang, wala man lang akong mapag-alayan ng promotion na natanggap ko.
Dahil pag-uwi ko sa apartment, wala na naman si Vince. Mag-isa na naman ako.

Great.

Kinabukasan, naglipat na ako ng mga gamit dahil may sarili na akong opisina.
Masayang masaya ako na iginala yung paningin ko sa di naman kalakihang opisina na
iyon.

Ito na ang simula ng pagtupad ko sa mga pangarap ko. Isa na akong Detective!

May di naman kalakihang couch sa gilid at may dalawang upuan na gawa sa kahoy sa
harap

ng di naman kalakihang lamesa ko. May mahaba at hanggang beywang lang ang taas na
treasher sa bandang likod ko kung saan nilagay ko yung ibang gamit ko sa ibabaw.

Umupo ako sa swivel chair sa likod ng lamesa ko sabay hinga ng malalim.

Sana nakikita mo kung gaano ako kasaya ngayon, itay. Bulong ko na may kaunting
lungkot.

Bigla namang may kumatok sa pintuan ko. Si John. Kita ko naman kasi half glass yung
pintuan ko.

"Pasok." Sabi ko.

"Ganda ng opisina natin ah." May panunukso yung boses niya. "May naghahanap pala
sayo sa labas, detective."

Natawa naman ako ng mahina sabay tayo. "Sino daw?"

"Mrs. Alexandra Montalban." Tugon niya.

Si Alex? Ano naman ginagawa niya dito sa presinto?

Takang tanong ko sa sarili ko. For sure alam na niya yung kalokohang ginawa ng anak
niya.

"Sige. Lalabas na ako." Pagkasabi ko nun ay sabay na kami ni John na lumabas ng


opisina ko.

Sinabi niya sa akin na nasa labas daw si Alex. Agad ko namang tinungo ang pintuan
palabas ng presinto. Hinanap ko si Alex pero wala naman sa harap. Naglakad ako
papunta sa may ilalim ng acacia tree sa may bandang gilid ng presinto at hayun nga
siya. Nakatayo patalikod sa akin at may hawak hawak na folder sa kaliwang kamay.

Nakalugay ang mahaba at kulay brown na buhok niya at nakasuot siya ng black jeans
at long sleeve blue checkered na polo at nakatupi hanggang sa siko niya. Naka boots
din siya.

"Alex?" Tawag ko sa kanya ng makalapit ako sa likuran niya.

Lumingon siya sa akin. "Chyler." Bigkas niya sa pangalan ko.

"Anong gin---"

Hindi

ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla biglang may dumapo na kamao sa panga
ko at napaupo ako sa lupa. Sinuntok ako ni Alexandra Montalban! Shit, ang lakas
niyang sumuntok!

Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya at nakita ko yung kulay berde niyang mga
mata na matiim na nakatitig din sa akin.

"Tumayo ka diyan." Maawtoridad na utos niya sa akin. "May pag-uusapan tayo." Utos
niya sa akin at nagpatiuna ng naglakad papunta sa kotse niya.

Dahan dahan akong tumayo at naramdaman kong parang may mainit na bagay na dumaloy
sa gilid ng labi ko. Nang hawakan ko yun, dugo pala.

"Peste." Mahinang palatak ko habang pinupunasan ng hinlalaki ko yung dugo sa gilid


ng nagsisimula ng humapding labi ko.

Sinundan ko si Alex sa may kotse niya. Pinapasok ako sa loob at tsaka nagmaneho
siya paalis ng presinto. Tsk, leaving my post without proper authorization is a
crime.

Pero sino ba ang makakatanggi sa isang Montalban na kagaya ni Alexandra?

Seryoso ang mukha niya habang nagmamaneho. Dinala niya ako sa isang coffee shop.
Inutusan niya akong bumaba at sundan siya sa loob. Yeah, inutusan.

Iiling iling na lang akong sumunod sa kanya sa loob. Nag order siya ng kape na
hindi man lang tinatanong kong anong gusto ko o nagkakape ba ako. Basta she took
control of everything.

"Bakit mo ako sinuntok?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya.

"That's for my daughter." Matipid na sagot niya.

"What?!" Di makapaniwalang bulalas ko sa kanya.

"For breaking her heart." She said without paused as her deep green eyes sets on me
with fierce.

My eyes winced

as I started to feel uncomfortable underneath her gazes. Parang anumang oras


susuntukin niya ulit ako.

"Alam mo naman na siguro kung ano ang ginawa niya." Tanging nasabi ko na lang sa
kanya.

"Yes." Para bang kapag nagsasalita siya kailangan mo talagang makinig kung hindi
bibitayin ka. "Pero di ko naman iyon kinunsinti." Saad niya at natigil lang siya sa
pagsasalita ng dumating na yung inorder niyang kape.

Kapeng barako pala iyon. Nakalimutan kong taga Batangas pala siya at kilala ang
lugar sa masarap na kapeng barako nila.

She took a sipped of her coffee. "She had a fair share of punishment from me, don't
worry."

Basag niya sa sandaling katahimikan sa pagitan namin. Napaisip tuloy ako kung ano
yung punishment ni Jazmine sa ginawa niyang pagkukunwari.

"Yun lang ba ang dahilan kung bakit gusto mo akong makausap?" Lakas loob na tanong
ko sa kanya kapagkuwan.

"No." Tipid na naman na sagot niya saka tinulak sa harapan ko yung folder na nasa
ibabaw ng lamesa. "Take a look."

Kunot noong tumingin ako sa folder at sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin as she
crosses her arms across her chest.

Walang nagawang kinuha ko yun at tsaka binuklat. Isa iyong incident report mula sa
isang private investigator. Hindi naman nakasaad dun yung pangalan ng kung sinumang
PI, at malamang na sa pamilya Montalban lang ito nagrereport.

Binasa ko yung laman nung report. Ayun dito, thief/robbery, trespassing resulting
to damage of properties at sinabi pa ditong dahil dun ay may nasaktan pang tauhan
nila sa hacienda Montalban sa Padre Garcia, Batangas.

Sinasabi din sa report na ilang beses

na din itong nangyare sa pagitan ng mga araw na binaggit din dito. May mga
nakasulat na din dun na pangalan at larawan ng mga may gawa nun. Gulat na napaangat
ako ng tingin kay Alex na mataman lang na nakatingin sa akin.

"K-kasama si Vince?" Ramdam ko yung pamumutla ng mukha ko dahil dun.

Kaya ba ilang araw ng di siya umuuwi sa apartment? Hindi ako makapaniwala na


magagawa iyon ng kapatid ko. Pero nandito na yung ebidensya. Kasama siya sa mga
larawan ng mga salarin.

Tumango siya sa akin saka humigop muli sa kanyang kape. "Kaya ko ipinakita yan sayo
dahil nalaman kong kapatid mo pala siya."

"Alex..." Parang nakikiusap yung tono ko.

"Hindi ko pa yan pinapakita sa kung sinuman at wala pang nakakaalam bukod sa amin
ng PI ko sa kung ano yung resulta ng imbestigasyon." Saad niya.

Dapat ba akong magpasalamat?

"Alex, ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng kapatid ko. Pakiusap, wag mo sana
siyang ipakulong." Kahit naman na ganun siya mahal na mahal ko yung kapatid ko at
di ko siya kayang makitang nakakulong.

"Alagad ka ng batas, Chyler." Tugon niya sa akin. "Alam mong lahat ng pagkakasala
ay may karampatang parusa."

"Alex, kahit ano gagawin ko." Ayoko siyang makulong. Siguro kakausapin ko na lang
siya at pabalikin sa Bicol tutal mas gusto naman niya dun talaga kaysa dito sa
Makati.

Mataman niya akong pinagmasdan. "Handa na akong kasuhan ang kapatid mo at yung mga
kasamahan niya."

"Alex, nakikiusap ako sayo." Kung kailangan kong lumuhod sa harap niya gagawin ko.

"Marry my daughter, Chyler and I'll spare your brother from this." Maawtoridad na
sabi niya.

"W-what?" Halos di yun lumabas sa bibig ko sa sobrang gulat. Daig ko oa ang


tinakasan ng dugo. Mas nakakagulat yata yun kaysa sa balitang kasangkot ang kapatid
ko sa ginawang kalokohan ng mga barkada niya.

"Pakasalan mo si Jazmine at hindi na ako kikibo pa sa nangyare sa hacienda ko."


Ulit niya sa sinabi niya kanina.

Napanganga na lang ako sa kanya sa sobrang gulat ko at halos di na ako kumukurap


pa. Pakiramdam ko hindi na ako humihinga ng mga oras na iyon at nakatanga lang na
nakatitig sa seryosong mukha ni Alexandra Montalban. Hindi ako makapaniwala sa
hinihingi niyang kapalit para hindi na niya ituloy ang kaso laban sa kapatid ko.

Anong nakain niya at gusto niyang pakasalan ko ang anak noyang si Jazmine?

(Goodmorning😊 Gulat kayo 'no? Hehe 😆😆😆)

=================

Chapter 13 For Life

"She needs someone who can protect her, who can be with her in times of trouble.
And I saw that person in you." --- Alexandra M.

Chyler POV

"Alex, seryoso ka ba?" Tanong ko sabay tawa ng mahina ngunit may kaba.

"Mukha ba akong nagbibiro, Chyler?" Seryoso ang mukhang sagot niya at nakatingin
lang sa akin ng diretso.

"Pero..." I uttered in disbelief. "B-bakit?" Ang laki ng katanungan kong iyon sa


aking isipan. "Bakit gusto mong pakasalan ko si Jazmine?"

She sipped her coffee and then looked away. Naging mailap ang kanyang mga mata. Si
Alexandra Montalban na yata ang pinakamahirap basahin na nakilala ko sa buong buhay
ko. She's mysterious. Parang gusto mong alamin kung anuman yung tumatakbo sa isipan
niya.
Ngayon malaya ko siyang napagmamasdan, mas lumulutang yung ganda niya at yung mga
strong features niya parang nagmamayabang sa katawan niya though wala kang
mararamdamang sense of arrogance sa kanya.

"I'm not getting any younger, Chyler." Narinig kong sabi niya. "I want someone who
can protect my daughters. Well, especially Jazmine." Dagdag niya. "I know Taylor
can protect herself but Jazmine is the fragile one." Nagbaling siya ng tingin sa
akin. "She's like her mom. She needs someone who can protect her, who can be with
her in times of troubles. And I saw that person in you."

"Alam mo namang hindi kami." Tugon ko sa kanya as I emphasized the last word.

Mataman niya akong pinagmasdan. Nakakailang ang mga mata niyang napaka intense kung
tumitig.

"I know you Chyler." Parang kilalang kilala niya ako

kung sabihin niya ang mga yun. "I've reseach about you. Sorry for that."

"A-ano?" Confused na tanong ko.

"I know where you're coming from. I understand that part." Hindi ko talaga masundan
ang ibig niyang sabihin. "About your past." She explained.

"You know nothing about my past, Alex." Napailing ako sa kanya saka nagbaling ng
tingin sa iba.

"You're still living in your past." Sabi niya at muli akong napabaling sa kanya ng
tingin. "Well, di ko yun pakikialaman. Basta ang sa akin lang ay yung ngayon."

Napatitig siya sa akin at ako din sa kanya. Para kaming nagsusukatan ng tingin.
Siguro somewhere, makakasundo ko si Alex dahil may mga qualities siyang ipinapakita
na parang ako minsan.

Pero mukhang talo ako sa kanya. Sabagay, sino bang makakatalo sa kanya? Wala naman
yata di ba?

Huminga ako ng malalim. "Can I think this over?" Ayoko kasi ng nagpapadalus-dalus.

Umayos siya ng upo saka sinenyasan na niya yung waitress for our bill.

"I already expect that." Sabi niya saka naglabas ng card mula sa wallet niya at
ibinigay iyon sa waitress. "So I'm giving you forty-eight hours to think it over."

"What?" Bulalas ko. "Forty-eight hours lang?" That's only two days, for God sake!

"Busy akong tao, Chyler." Saad niya. "Mahalaga sa akin ang bawat sandali."

"I can't believe this!" I muttered in disbelief.

Tumayo na siya ng ibinalik na sa kanya yung card. "Well, your brother's future is
in your hands."

Pagkasabi niya nun ay sinenyasan niya ako gamit ang kanyang ulo na aalis na kami at
saka tumalikod na siya. Iiling

iling akong tumayo at sumunod na lang sa kanya.

Ganito din kaya siya ka authocratic sa asawa niyang si Arabella? Napaisip na lang
ako.

Hinatid na niya ako sa presinto at kapwa kami walang kibo habang nasa biyahe.

"Just give me a ring if you already have decided." Sabi ni Alex ng huminto siya sa
harap ng presinto.

"Pwede ba akong magtanong?" I said.

"Sure." Tipid niyang sagot.

"Alam ba 'to ni Jazmine?" Pasensya na pero pinagdududahan ko pa rin siya hanggang


ngayon.

"No." Agad na sagot niya. "At kung papayag ka man na pakasalan ang anak ko, ikaw
mismo ang kukumbinsi sa kanya na pakasalan ka."

Ano daw?

Para pa akong nawiwindang sa mga nangyayare. Naglakad ako papasok ng presinto na


parang wala sa sarili pagkatapos kong bumaba sa kotse ni Alexandra.

"Chyler?" Untag sa akin ni Erick na nasa harapan ko na pala. "Chyler?" Muli niyang
tawag sa akin.

"Ha?" Parang naguluhan pa ako ng makita ko siya.

"Tinatanong kita kung anong nangyare diyan sa gilid ng labi mo." Kunot noong saad
niya.

Awtomatikong napahawak ako sa gilid ng labi ko at napangiwi pa ako ng maramdaman ko


yung sakit nun. Parang dun naman ako natauhan at nagbalik ang isip ko sa
kasalukuyan.

"Sinuntok ako ni Alexandra." Paliwanag ko habang nagpatuloy ng naglakad papunta sa


opisina ko na hindi pa pala tapos ayusin yung mga gamit ko dun.

"Yung mama ni Jazmine?" Di makapaniwalang tanong sa akin ni Erick na nakasunod lang


sa akin.

"Yup." Tugon ko sa kanya.

Narinig ko siyang pumalatak. "Hayan kasi, ang swerte mo na nga kay Jazmine eh

inaayawan mo pa?"

"Kung ikaw din kaya ang suntukin ko diyan?" Sabay taas ng kamao ko sa kanya.

"Balik na ako sa trabaho, may gagawin pa pala ako." He told me sheepishly.

Napaismid ako sa kanya saka pumasok na ako sa loob ng opisina ko. At habang nag-
aayos ako ng mga gamit, minsan napapatigil ako at napapatanga na lang dahil sa mga
nangyayare sa akin ngayon.

Simula kasi ng makilala ko si Jazmine, parang hindi na normal yung buhay ko. Ginulo
niya ang nananahimik kong mundo. Maayos naman ako dati sa pagkakaalam ko.

Napahilamos yunh dalawang palad ko sa mukha ko. Shit! Napamura pa ako sa isip ko.
Pagsapit ng gabi, hinintay ko talagang makauwi si Vince. Tinawagan ko siya kanina
at sinabi naman niyang uuwi na siya ngayon sa apartment. Nasa sala ako sa harap ng
tv ng dumating siya.

"Usap nga tayo." Sabi ko sa kanya ng aakyat na sana siya sa taas para matulog.

Agad naman siyang tumalima at umupo sa pang isahang sofa at saka tumingin sa akin.

Huminga muna ako ng malalim para kontrolin yung emosyon ko. "Vince, magtapat ka nga
sa akin." Panimula ko. "Kailan ka pa natutong magnakaw?"

Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Namutla kasi yung mukha niya at halatang guilty.

"A-ate..." Nakokonsensyang sambit niya.

"Vince, kulang ba yung naibibigay kong pera sayo para gawin ito?" Di ko napigilang
pagtaasan siya ng boses.

"Pinilit lang ako ng mga barkada ko ate." Paliwanag niya. "Initiation daw nila yun
para masali ako sa grupo."

"At pwede bang layuan mo na yang mga barkada mong iyan!" Galit na sabi ko. "Wala
naman silang naidudulot

sayo na maganda!"

Naiiyak na siya. Ngayon ko lang napansin ang malaking pagbabago sa itsura niya.
Nanlalalim ang kanyang mga mata, tinutubuan na rin ng balbas ang kanyang mukha.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo." Matigas na bigkas ko. "Nagda-drugs ka ba?"

"Hindi ate. Hindi." Matigas na tanggi niya sa akin at napailing iling pa ng sunud
sunod. "Pangako ate, hindi ako nagda-drugs kahit ipa-test mo pa ako ngayon."

Mataman ko siyang pinagmasdan at nakita ko naman sa kanyang mukha na nagsasabi siya


ng totoo sa akin.

Napapikit ako. Sumasakit na yung ulo ko sa kakaisip. Kanina pang umaga gulung gulo
yung utak ko sa kung ano ang dapat kong gawin.

"M-makukulong ba ako ate?" Nangingilid ang mga luhang tanong niya sa akin at
napamulat ako ng mata. "Ate pinagsisisihan ko na ang lahat ng yun. Hindi na ako
uulit ate. Gusto ko ng magbago."

"Vince..."

Lumuhod siya sa harapan ko. "Ate pakiusap ayokong makulong. Pangako ko hindi na ako
uulit. Hindi ko yun ginustong gawin ate. Pakiusap ayokong makulong." Umiiyak na
sabi niya.

Malungkot na niyakap ko siya. Kami na lang ang natitirang magkakampi dito sa


mundong ibabaw simula ng mawala sa amin ang aming mga magulang. At mula nga nun,
inako ko na ang pagiging tatay/nanay sa kapatid ko. Ginawa ko naman ang lahat para
mapalaki siya ng maayos. Pero minsan yung mga tao sa paligid lang talaga ang
nakakaimpluwensya sa kanya.

"Ate, please." Patuloy na pakiusap niya sa akin.


Kumalas ako ng yakap sa kanya. "Hindi ko naman yun hahayaan." Malungkot na sabi ko.
"Pero Vince, papauwiin na kita sa Bicol."

"Opo ate." Agad na payag

niya. Pinunasan niya yung luha niya saka umupo na sa tabi ko. "Pangako ate,
magbabagong buhay na ako. Mas gusto ko talaga sa Bicol."

"Pero mangako ka na mag-aaral ka na ng mabuti." Saad ko at tumango naman siya agad


sa akin. "Vince, hindi sa lahat ng oras nandito ako para sayo. Hindi natin alam
kung anong mangyayare bukas o makalawa. Hindi ko hawak ang buhay ko, Vince. Lalo na
sa propesyon ko. Alam mo yan." Paliwanag ko sa kanya.

"Wag ka naman magsalita ng ganyan, ate." Tugon niya. "Wala na nga sina inay at
itay, pati ikaw ba iiwan mo din ako?"

Ginulo ko yung medyo humahaba na niyang buhok at saka napangiti. Para kasi siyang
bata ng mga oras na iyon. "Pagupit ka na, mamang mama na ang dating mo."

Napangiti na siya sa akin. "Mama na naman talaga ako eh."

"Mukha nga." At nanlaki yung mga mata ko ng may maisip. "Baka mamya malaman ko na
lang na may nabuntis ka ha?"

"Wala ate!" Agad na kontra niya.

"Buti naman. Mag-aral ka muna." Saka ako napalatak. "Tanda mo na high school ka pa
lang!"

Napakamot siya sa ulo. "Mag-aaral na talaga ako ng mabuti ate." Tinaas pa niya yung
kanang kamay niya. "Pangako yan sayo."

"Dapat lang!" Pabiro ko siyang sinuntok sa braso.

"Nahihiya na ako kay PO2 Chyler dela Rosa eh." Kakamot kamot ng ulong kunwari pang
nahihiyang sabi niya.

Napangiti naman ako. "Detective na kaya ako." Medyo mayabang na sabi ko.

Nanlaki yung mga mata niyang tumingin sa akin. "Talaga ate?" Di makapaniwalang sabi
niya at tumango naman ako sa kanya. "Wow! Congrats! Natupad mo na yung pangarap
mong maging isang detective!" Masayang sabi niya

saka niyakap ulit ako.

"Ako pa?" Natutuwang sabi ko.

Kumalas na siya ng yakap. "Ate magbabago na talaga ako. Promise." Seryosong sabi
niya sa akin.

Tinampal tampal ko naman yung pisngi niya. "Aasahan ko yan. At Vince, ayokong
sinasabi mo lang yan sa akin." Paalala ko sa kanya. "Gawin mo."

Nakangiting tumango tango naman siya sa akin. "Oo, ate. Gagawin ko."

Pagkatapos naming mag-usap ni Vince ay umakyat na siya sa kuwarto niya. Nang


masiguro kong nakapasok na siya dun ay agad kong inilabas yung cellphone po.

Dalawang beses ko ng idinial ang number niya pero di pa rin siya sumasagot. At sa
pangatlong pagkakataon, muli ko siyang tinawagan.

"Hello?" She uttered in a sleepy voice.

Napatingin naman ako sa wall clock. Alas onse na pala ng gabi, napapikit ako at
napamura sa isip ko dahil tiyak na nagising ko siya.

"Alex, pumapayag na ako sa gusto mo." Sabi ko sa kanya.

"Good." May naulinigan akong nagsalita sa tabi niya. "Go back to sleep." Narinig
kong sabi niya marahil kay Arabella.

"Who's that?" Tanong ni Arabella sa kanya sa inaantok na boses na dinig ko mula sa


kabilang linya.

"Just a friend." Tugon sa kanya ni Alex. "Go back to sleep babe."

Ang lambing pala ng boses ni Alex kapag si Arabella na ang kausap. Di ko mapigilang
mapangiti dahil sa isiping iyon. Kanina kasi akala mong walang makakabali sa
sinasabi niya, pero pagdating pala kay Arabella, tumitiklop siya.

"I'm sorry about that." Sabi niya sa akin.

"Okay lang." Tugon ko sa kanya.

"So, ano pala yung sinasabi mo kanina?" Naulinigan ko yung parang pagbukas ng
pinto.

"Pumapayag na akong pakasalan ang anak mong si Jazmine." Ulit ko sa sinabi ko


kanina. "Pero may mga kondisyon ako para sa amin ni Jazmine, lalo na kong pumayag
siyang pakasal din sa akin."

"Like?" She asked on the other line.

"Kukunin niya ang apelyedo ko." I replied.

She chuckles. "Of course, you dumbass."

Did she just call me ---? Damn!

"At ako ang masusunod sa aming dalawa." Dagdag ko.

"I think, sa kanya mo sabihin ang bagay na yan. Hindi sa akin." Bakit pakiramdam ko
nakangiti siya ngayon?

"At kung pupwede sana, wag mo papakialaman ang pagsasama namin kung sakali." Saad
ko.

"That's the sacred rule between you two." Tugon niya. "At asahan mong hindi kami
makikialam, not unless, sasaktan mong anak ko. Ibang usapan na iyon, Chyler." May
kalakip na pagbabanta sa boses niya.

"Makakaasa ba ako sa salita mo?" Tanong ko sa kanya kapagkuwan.

"Yes of course." Tugon niya. "Kapag isang Montalban ang nagbitiw sayo ng pangako,
aasahan mong tutupad siya. Unless ikaw mismo ang sisira nun." Sabi niya and that
moment I believe her.

"Okay." Sabay hinga ng malalim na sabi ko. "Kakausapin ko si Jazmine bukas." May
kalakip iyon na pagpapaalam sa kanyang kakausapin ko anh kanyang anak.

"Sure, Detective." Tugon niya sa akin at kahit di ko siya nakikita, alam kong
nakangiti siya ngayon.

Si Jazmine na lang ang kailangan kong kumbinsihin. Naisip ko.

Simula ng magkasagutan kami di na ulit kami nagkita o nagkausap man lang.

I hope she will say 'yes' to my proposal.

=================

Chapter 14 I Don't Want Another Goodbye

"I don't want someone to just be in my life, but someone who will actually stay in
it, that way I won't have to worry about another goodbye." - Detective Chyler dela
Rosa

Jaz POV

"Mang Toto, balikan mo na lang po ako dito maya-maya." Sabi ko sa guard/driver


namin ng maihatid ako dito sa site ng pinapagawa naming coffee shop ng mga pinsan
ko. "Tatawagan na lang po kita."

"Sige po ma'am Jazmine." Tugon naman niya sa akin.

Bumaba na ako ng kotse at nilibot ang paningin sa pinipinturahan ng building.

May ngiti sa labi ko habang nakamasid sa mga manggagawa. Ako lang ngayon ang
nandito dahil busy lahat ng mga pinsan ko at pati na din si Taz.

Si Ash may practice ng volleyball, si Hailey kasama si Stef and God knows where
they are right now, maybe sa bahay nila Stephanie. At si Taz naman, sinamahan ni
mommy na magpasukat ng gown, yes gown, na isusuot niya sa debut niya two weeks from
now.

Napapangiti pa din ako sa tuwing maaalala ko yung punishment namin ni Taz dahil sa
pag-amin ko kay mama Alex na nagkunwari lang ako tungkol sa death threat sa akin.
Well, technically, it wasn't my idea kaya nadamay si Taz.

Naaalala ko pa yung sinabi ni mama sa amin ni Taz...

"Ikaw, Taylor." Sabi ni mama kay Taylor ng nasa study room kaming lahat.

Katabi ko si Taz at nasa tabi naman ni mama si mommy Ara na kinakalma siya dahil sa
galit niya sa ginawa naming magkapatid.

"Bilang parusa mo, babawasan ko ang allowance mo for two weeks, wala munang aalis
ng hindi ako o mama mo ang kasama

mo, walang gagamit ng kotse at kung papasok sa school, ihahatid kayo ng isa sa mga
guard natin." Mahabang sabi ni mama sa nakatungo lang na si Taz. "At magsusuot ka
ng gown sa birthday mo."

Gulat na napaangat ng tingin si Taz kay mama. Ako naman ay pinigilan kong wag
matawa dun sa huling tinuran ni mama. Si Taz magsusuot ng gown? Tsk tsk tsk end of
the world na ba?

"Ma!" Agad na protesta niya. "Ayoko magsuot ng gown! Alam mo naman yun eh." Reklamo
ni Taz.

"Pag sinabi kong magsusuot ka ng gown, magsusuot ka Taylor Zandra." Matigas na sabi
ni mama sa kanya. "Isa yan sa parusa mo sa kalokohang ginawa mo."

"Ma naman!" Mangiyak-ngiyak na reklamo niya. Mama Alex just gave her a warning
look. Nagpapaawa namang tumingin si Taz kay mommy Ara. "Mommy?"

"Sundin mo na lang mama mo." Malumanay naman na sabi ni mommy sa kanya.

"At ikaw Remooji Jazmine, wag ka ngingiti ngiti diyan." Baling sa akin ni mama
Alex. Biglang nawala yung ngiti ko at kinabahan ako sa kung anong magiging parusa
ko. "Walang gagamit ng kotse ng hindi kasama ang isa sa mga guard natin, wala
munang aalis ng bahay o pupunta sa bar to meet your friends or even your cousins."
Yung night life lang sapat na yung kaparusahan sa akin eh. "At wala munang kakain
ng lollipop."

Nanlaki yung mga mata ko kay mama sa huling sinabi niya. "Ma naman pati ba yung
pagkain ko ng lollipop kasali sa parusa ko?"

Nakangiting nilabas ni Taz yung dila niya sa akin. Inirapan ko lang naman siya.

"Tama lang yun na parusa sayo dahil sa ginawa niyong magkapatid na kalokohan."

Tugon naman ni mama.

"Mommy please?" Baling ko kay mommy. "Wag naman yun." Mangiyak-ngiyak na pakiusap
ko.

Nagbaling naman si mommy kay mama. "Alex, pwede naman sigurong ---"

"Ara, wag mong kunsintihin yang dalawang batang yan ha?" Seryosong sabi ni mama sa
kanya.

"Hindi ko naman sila kinukunsinti." Paliwanag naman ni mommy.

Sa totoo lang, never pa sila nag-away sa harap namin ni Taz. Never pa namin silang
nakitang nagsagutan sa harapan naming magkapatid. Pero minsan ramdam namin at
napapansin namin kung may hindi sila pagkakaintindihang dalawa dahil di sila
nagpapansinan at di sila nag-uusap. Pero di naman yun nagtatagal. Bibigyan ni mama
si mommy Ara ng bulaklak, okay na ulit sila. Ang sweet sweet nga nila sa isa't isa
eh.

"Kung ano yung sinabi ko, yun ang masusunod. At kapag nalaman ko na hindi kayo
sumunod sa napag usapan natin dito sa loob ng kuwartong 'to, higit pa diyan ang
ipapataw ko sa inyong parusa." Maawtoridad na sabi ni mama. "Nagkakaintindihan ba
tayo?" Tanong niya sa aming magkapatid.

Tahimik at nakayuko lang ang ulo namin ni Taz na tumango kay mama Alex.

"Sagot." Utos pa niya.


"Opo, ma." Sabay na sagot namin ni Taz.

Hindi agad nakapagsalita si mama. Walang magawang nakatingin lang din sa amin si
mommy. Pagdating kasi sa pagdidisiplina sa amin ni Taz, si mama ang mas istrikto.
Siya ang nagdedesisyon sa kung anong parusa namin kapag may sinuway kaming utos
niya o may ginawa kaming kalokohang magkapatid.

"Sige na." Malumanay na ang boses ni mama ng muli siyang magsalita.

"Pumunta na kayo sa mga kuwarto niyo."

Sabay pa kaming tumayo ni Taz at naglakad papunta sa pintuan.

"Jazmine." Tawag sa akin ni mama bago ako makalabas ng study room.

"Ma." Lumingon naman ako sa kanya na parang maamong tupa.

"We'll talk later." Sabi niya sa akin.

"Okay, ma." Tugon ko na lang sa kanya. Tumango siya sa akin senyales na pwede na
akong lumabas ng kuwarto.

"Ikaw kasi eh!" Sisi sa akin ni Taz ng makalabas na kami ng tuluyan sa study room.

"Sino ba nakaisip ng idea na yun, ha?" Ganti ko naman sa kanya.

"Tsk, yung ibang punishments ko matatanggap ko pa. Pero yung magsuot ng gown, naman
ate!" Reklamo niya sa akin. "Nakakahiya!"

Natawa ako ng ma-imagine ko yung itsura ni Taz na nakasuot ng gown. Well, hindi
naman masagwa, kaya lang ang boyish kasi ng mga galaw ni Taz. Ni hindi nga siya
nagsusuot ng uniform na skirt sa school nila eh. Parang si Hailey lang siya minsan.

"I can imagine you wearing a ball gown, Taz." Tatawa tawang sabi ko.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Kung makatawa ka diyan!" Sita niya sa akin. "Eh
ikaw? Ano? Mada-diet sa lollipop!" Tuya niya sa akin.

Sumimangot lang ako sa kanya. "I'm going to miss it." Malungkot na sambit ko.

Hindi na lang kumibo si Taylor at pumasok na lang sa kuwarto niya.

Nang gabing iyon, kinatok ako ni mama sa kuwarto ko para makausap. She asked me
about Chyler and my feelings for her. Alam naman kasi niyang never pa ako
nagkagusto sa kapareho ko ding babae kaya naiintindihan daw niya yung nararamdaman
kong

pagkabigo. And I cried like a baby in my mama Alex's shoulder.

Pero di pa rin daw iyon rason para bawiin niya yung huling punishment ko.

Kaya naman ngayon, hatid sundo ako ni Mang Toto. Miss ko na yung kotse ko, at higit
sa lahat... errr yung lollipop ko.

Haist... pero mas miss ko talaga si Chyler. Kumusta na kaya siya?

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung nag-away kami at sinabi ko sa kanya ang
katotohanan. Alam kong mas lalo siyang nagalit sa akin dahil dun at alam ko ding
mas lalo ng nawalan akp ng pag-asa sa kanya.

Nasa pagmumuni muni ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. Tamad na tamad na
tiningnan ko kung sino yun. Si Hailey lang pala. It's Sunday morning, kakatapos
lang namin actually magsimba. Wala kaming weekly reunion ngayon dahil parehong wala
si tita Danielle at si tita Abby.

"Why?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Wala man lang hello muna?" Sabi niya sa kabilang linya. "I bet you're still a
little sour about your punishments?"

I rolled my eyes. "Yeah." Naka pout na sagot ko habang nakamasid sa mga nagpipinta.

"Where are you?" She asked.

"Dito sa site." I replied.

"Ah... akala ko nasa bahay ka." She said back. "Si tita Alex?"

"Nasa bahay kaninang umalis ako." Tugon ko sa kanya. "Why?"

"Hiramin ko sana yung private chopper niya. Gagamitin namin ni Stef papuntang El
Nido." Saad ni Hailey.

Napangisi ako sa sinabi niyang iyon. "Balak mo talagang solohin si Stephanie."


Makahulugang sabi ko.

"Tsk, sinabi mo pa." Saka siya tumawa sa kabilang linya. "Hindi ko kasi matawagan
si tita Alex. Pwede ikaw

na lang bahala magsabi? And then follow up ko na lang kung sakali? Sa Friday ng
hapon ko yun sana hihiramin."

Did I mention that Hailey knows how to fly a chopper? Well, isa iyon sa mga bagay
na kaya niyang gawin.

"Alright. I'll tell her when I get home." Sabi ko naman.

"Thanks cous!" Masayang sabi niya.

Nagpaalam na siya sa akin at sinabing pagbutihin ko daw pagbabantay sa mga


manggagawa namin. Baliw lang talaga ang babaeng yun.

Ako kasi ang bahala sa design and interior decorations nung coffee shop namin dahil
mahilig ako sa arts din. And my summer class ako dati sa arts.

Tumunog ulit yung phone ko. Agad ko yun sinagot ng di man lang tinitingnan kong
sino yung tumatawag.

"What?" Agad na bungad ko sa pag-aakalang si Hailey pa rin yun.

"Hi." Pero ibang boses yung narinig ko.

Maang na inilayo ko yung phone sa tenga ko at tiningnan kung sino yung caller. It's
Chyler!

"H-hello, I'm sorry about that I thought it's Hailey." Hingi ko ng paumanhin.
"It's okay. No harm done." Sagot naman niya sa akin.

Mabait yata siya ngayon sa akin?

"Why'd you call?" Takang tanong ko sa kanya.

"Uhm... can we... uhm... can we talk?" Hesitant na sabi niya.

Kumunot noo ako. "Sure."

"Where are you?" She asked. "Nandiyan ka ba sa bahay niyo?"

"Nope. Nandito ako sa site ng pinapatayo naming coffee shop." Sagot ko.

"Sige puntahan na lang kita diyan. Just text me the address." Sabi niya sa akin.

"Okay." Nagtataka pa rin ako hanggang sa maibaba ko na yung tawag at tinext ko nga
kay Chyler yung address.

Hindi

siya nagreply pero pagkaraan lang ng ilang minuto huminto na yung kotse niya sa
gilid ng kalsada. Nagtataka na talaga ako kung bakit bigla bigla siyang tumawag sa
akin at gusto ako makausap.

Bumaba siya ng kotse wearing that all black signature attire niya at naka shades ng
black. Nakagat ko tuloy yung ibabang labi ko. I missed her. Gusto ko tuloy siyang
takbuhin at yakapin ng mahigpit.

"Hi." Bati niya sa akin na may kasamang tipid na ngiti sa labi ng makalapit na
siya.

Pati pabango niya yata namiss ko eh. "Hello." Tugon ko naman sa kanya. "What
brought you here?"

Huminga muna siya ng malalim saka nagpalinga-linga. "Pwede bang dun tayo. Medyo
crowded dito." Tukoy niya dun sa upuang gawa sa semento sa ilalim ng puno.

Tumango lang ako sa kanya at sabay na kaming naglakad patungo dun. Hinayaan muna
niya akong maunang umupo bago siya tumabi sa akin.

"Chyler, I'm sorry about what happened before." I begun.

Ngumiti lang siya sa akin ng tipid. "Let's just forget about that."

"Chy..." I whispered. I really do miss her.

Tinanggal niya yung shades niya at saka tumingin sa akin ng diretso. I love her
eyes.

"I guess I owe you an apology too." Mahinang sabi niya. "I'm sorry for being rude
most of the time." Huminga muna siya ng malalim. Ngayon ko lang talaga siya
nakitang ganito kaseryoso. "Siguro nagiging careful na kasi ako ngayon." She said
without breaking the eye contact. "I just don't want another goodbye, Jazmine."

I placed my hand in her lap. "I understand." Malungkot na sambit ko.

"And there's something I have to tell you." Nagtatanong ang mga matang tumitig ako
sa kanya. "Pinuntahan ako ng mama mo sa presinto kahapon at ay sinabi siya sa
akin."

Clueless na nakatingin lang ako sa kanya. "Anong sinabi sayo ni mama?"

Kweninto niya na may nangyare daw na nakawan sa hacienda at may mga nasira silang
ariarian, at may nasaktan pa nga daw silang tauhan namin.

"At isa sa mga yun yung kapatid ko." Malungkot na sabi niya. "It wasn't his free
will. Though I'm not here to explain his side."

"So... ipapakulong ni mama yung kapatid mo?" Full of symphaty na tanong ko sa


kanya.

Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko. She took my hand and looked at me again.

"No." She replied. "Not unless you'll marry me."

Napaawang yung labi ko at nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw?

Marry me.

Marry me.

Marry me.

Nag-buffering yata yung utak ko.

"What?!" Late pa yata yung reaksyon ko.

=================

Chapter 15 Please, Marry Me

"Utang na loob Jazmine, pakasalan mo ako!" --- Chyler

Jaz POV

"Chyler, hindi ko alam na marunong ka palang mag joke." Sabay kinakabahang tumawa
sa sinabi sa akin ni Chyler.

Ikaw ba naman biglang ayain ng kasal ng taong paulit ulit na umayaw sayo?

"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso ang mukhang tanong niya sa akin.

Yung alanganing ngiti ko, naging ngiwi ng mapagtantong seryoso nga siya sa sinabi
niya sa akin. Hanggang sa napatanga na lang ako.

"Pero..." Napaisip na sambit ko. "Bakit naman yun gagawin ni mama?" Confused na
tanong ko.

Ang laki ng katanungan kong yun sa isipan ko. Bakit niya ako ipapakasal kay Chyler
gayung alam niyang hindi ako gusto nung huli?

"Siguro mas maganda kung kausapin mo siya, Jazmine." Suhestiyon niya sa akin. "Baka
sakaling magbago pa ang isip niya at ibahin na lang yung kondisyong gusto niya."

Hindi ako agad nakakibo. Pinag-iisipan ko yung ipinagtapat sa akin ni Chyler.

Pero bakit iyon gagawin ni mama? Isa pa, I just turned ninteen for Pete's sake!

"Maybe you're right." Sabi ko. "I need to talk to mama Alex."

Tumayo na siya. "Mabuti pa nga." Saka muling isinuot yung shades niya. "Tayo na."

Pagkasabi nun ay agad na siyang naglakad papunta sa kotse niya ng di man lang ako
inantay. Ako naman napatayo na lang din agad at sumunod sa kanya.

"Chyler, wait!" Tawag ko sa kanya ng pasakay na siya ng kotse niya pero parang di
niya ako narinig.

Pinaandar na niya yun at napatakbo ako palapit sa kanya. Uusad na sana siya ng
humarang ako sa harapan ng kotse.

Bigla

siyang nagbaba ng bintana at sumilip dun sabay tanggal ng shades niya.

"May balak ka bang magpakamatay?!" Angil niya sa akin.

"Tinatawag kita di ka naman kasi nakikinig sa akin." Napalabing sabi ko at naglakad


na papunta sa passenger side.

"Pwede bang wag mo ng uulitin yun!" Patuloy na angil niya sa akin.

Kinatok ko yung bintana dahil naka-lock yung pinto ng kotse niya ng bubuksan ko
sana iyon para makapasok. Nang marinig ko yung pag-click nung lock, mabilis na
akong pumasok sa loob ng kotse at nag-seatbelt.

"Nasan yung kotse mo?" Maang na tanong niya sa akin na nakamasid lang sa pagkakabit
ko ng seatbelt.

"Grounded ako for one week." Tugon ko sa kanya. Kumunot yung noo niya. "Dahil sa
ginawa kong pagpapanggap sayo." Sagot ko dun sa katanungang tiyak na naglalaro sa
isipan niya.

"Yun lang ang parusa mo?" Manghang tanong niya sa akin.

"No." Naka-pout na sagot ko. "No night life and no lollipop for me for a week."

"Impossible." Napailing-iling na sambit niya at nagpatuloy ng nagmaneho paalis sa


site. "And Jazmine, please lang, wag mo ng uulitin yung ginawa mo kanina." Sabi
niya. "Paano kung mabilis ako nagpatakbo kanina? Di nasagasahan pa kita?"

"Kasalanan ko ba kung may pagka-bingi ka pala?" Nakasimangot na sagot ko sa kanya.

"Anong sinabi mo?" Kunot noong tanong niya.


Bingi talaga!

"Wala." Tugon ko. "Dalian mo na lang mag-drive para maabutan natin si mama sa
bahay." Dagdag ko na lang.

"Lahat ba ng mga Montalban ganyan?" Di makapaniwalang tanong niya sa akin.

"What do you mean?" Clueless na tanong

ko din.

"Bossy." Tipid na sagot niya, di ko makita yung expression ng mga mata niya dahil
naka shades na siya ulit.

"Maybe." Tugon ko sa kanya.

She doesn't have any idea at all. Mas grabe pa kaya si Hailey o di kaya si Taz.
Napaka sa napaka bossy.

"Sana lang mapakiusapan mo yung mama mo. I know you don't like the idea of marrying
me too." Kapagkuwa'y sabi niya habang nakatuon lang yung pansin niya sa kalsada.

Too? So ayaw niya talaga akong pakasalan pero kailangan niyang gawin?

Ouch naman Chyler! Sipain ko na kaya o di kaya iuntog ko baka sakaling magka-
amnesia tapos makalimutan niya yung past niya and then kapag nagising siya, ako na
lang ang makikita niya. Magugustuhan na niya ako nun.

Are you sure? Aniya ng aking isipan.

Sure na sure! Sa ganda kong 'to? Mayabang na sagot ko naman sa loob loob ko.

"Hey, Jazmine?" Untag sa akin ni Chyler. "Jazmine?"

"Huh?" Parang natauhan naman ako bigla. "Were you saying something?"

"Ang sabi ko, gusto mo ba akong pakasalan kung sakali." She repeated.

Wala talaga siyang kasweet sweet sa katawan! Hmp!

"I like you, Chyler." Tugon ko sa kanya. Safe. "I like you alot. Pero ibang usapan
na kasi yung kasal eh." That's true.

Napabuntong hininga siya pero di na muling kumibo pa. Halata yung depression sa
itsura niya ngayon na bagsak ang mga balikat na akala mo natalo sa lotto.

"Chy..." Puno ng simpatyang tawag ko sa pangalan niya.

She sighed again. "Sana lang mapakiusapan mo ang mama mo."

Hindi na din lang ako kumibo. But I have this feeling

na mukhang mahirap yun kasi kilala ko si mama. Once ma nagdesisyon na yun di mo na


mababali pa, unless it's a matter of life and death na.

Pagdating namin sa bahay, sabay kaming umibis ng kotse ni Chyler at naglakad


papasok sa loob na nagtanggal na ulit ng shades at nilagay sa harapan ng kwelyo.

"Si mama Alex?" Tanong ko dun sa isa naming kasambahay.


"Nasa study room pa po." Magalang na tugon niya sa akin. Maglalakad na sana kami
paakyat ng muli itong nagsalita. "Eh ma'am Jazmine, wag na wag daw po siya
istorbohin."

Nagkatinginan kami ni Chyler na nasa likod ko lang. "Ako ng bahala kay mama." Sabi
ko dun sa kasambahay namin at nagpatuloy na sa pag-akyat sa hagdan. Naksunod lang
naman sa akin si Chyler.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto ng study room. Nakakatatlong
katok na ako pero walang sumasagot sa loob. Lakas loob ko yung pinihit saka pumasok
sa loob kasama si Chyler.

"How many times do I have to tell you not to disturb me?" Mama Alex uttered in a
stern voice. Di man lang siya nag-abalang mag angat ng tingin habang busy sa
sinusulat dun sa may study table. Ang dami namang documents sa harap niya.

"Ma..." Bigkas ko at dun siya nag-angat ng tingin.

"O?" Parang di na siya nagulat na nakitang magkasama kami ni Chyler.

"Ma, tungkol dun sa kondisyon mo kay Chyler." Di na ako nagpaligoy ligoy pa dahil
mama hates it. "Bakit naman po ganun na kailangan pa niya akong pakasalan para wag
mo ng ituloy yung kaso laban sa kapatid niya?"

Parang walang anumang nagpatuloy na siya sa pagsusulat. "Yun ang gusto ko eh."

Napanganga

ako sa sagot niya. "What?!" Di makapaniwalang bulalas ko.

"Hindi na yun mababago pa. Kung ano yung sinabi kong kondisyon, yun na yun. You
know me, Jazmine." Sagot niya na nagpatuloy lang sa pagsusulat.

"But why?" I asked as I spread my arms in front of her.

Dun siya nag-angat ng ulo at seryosong tumingin sa akin ng diretso. "You'll


understand why... soon."

Mas lalo yata akong naguluhan sa sagot niya sa akin. "Ma..." Mahinang sambit ko.

Nagbaling siya ng tingin kay Chyler. "Hey, detective. Let me remind you about your
deadline." Sabi niya.

"Alex ---"

"Tapos na ang usapan natin." Pinal na sabi ni mama sa aming dalawa saka nagpatuloy
na sa ginagawa.

"Ma naman..." Reklamo ko sa kanya. "Does mom knows about this?" I asked.

"Yes, I told her last night." Sagot niya.

"And she just let you do this?" I uttered in disbelief.

"She completely understood my decision." She answered. "She knows I'm just doing
this for you and for your future."

"Pero ma..." I trailed off.


"Kung wala na kayong ibang sasabihin pa, lumabas na kayong dalawa at madami pa
akong ginagawa." Putol niya sa pagrereklamo ko. "Pakisara yung pinto paglabas
niyo." Dagdag pa niya.

Hopeless na napatingin ako kay Chyler na bagsak din ang mga balikat. I let out a
deep breath saka lulugo lugong tinungo na ang pintuan.

"Hindi na talaga mababago yung gusto niyang mangyare." Sabi ni Chyler.

Hindi ako kumibo at napapaisip pa din ako kung bakit ganun ang naging desisyon ni
mama. Wala sa sariling naglakad lang ako katabi si Chyler pababa ng hagdan.

"Jazmine..." Tawag sa akin ni Chyler ng nasa

labas na kami ng bahay.

Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ako sa braso. Wala sa loob na napatingin


ako sa kamay niyang nakahawak sa akin, saka ako nag-angat ng tingin sa mukha niya.

"Please, marry me Jazmine." Pakiusap niya sa akin. "I promise, di ko ipipilit sayo
ang anumang karapatan ko bilang asawa mo if ever. I just really need you to marry
me for my brother's sake." Pati ang mga mata niya ay nakikiusap sa akin.

"Chyler..." Confused na sambit ko sa pangalan niya.

"And if ever man na gusto mo akong hiwalayan pagkatapos, di kita pipigilan. Please
Jazmine, marry me." Kulang na lang talaga lumuhod siya sa harapan ko.

"P-pwede bang pag-isipan ko muna 'to?" Naguguluhang sambit ko.

She sighed again for the nth time at binitawan na niya yung kamay ko. "Binigyan
lang ako ng mama mo ng forty eight hours mula kahapon para kumbinsihin ka."
Malungkot na sabi niya.

"Forty eight hours?!" Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.

So wala pala akong chance mag-isip man lang?

Tumango siya sa akin. "Kaya sana bago yung taning na ibinigay sa akin ng mama mo,
may sagot ka na sa akin para naman alam ko yung susunod na hakbang na gagawin ko."
Malungkot na sabi niya.

I don't want to see her like this. Hindi ako sanay. Mas sanay akong nakikita siyang
matapang, lumalaban... masungit.

"I'll think it over." Naguguluhan pa ring sabi ko na lang sa kanya.

Tumango na lang siya sa akin at naglakad ng mabagal papunta sa sasakyan niyang


nakaparada sa may drive way. Tahimik na nakamasid lang ako sa bawat kilos niya.
Hinawakan niya yung handle

ng pintuan ng kotse at biglang napatigil. She throw her head up high na para bang
nagpipigil. Bigla siyang pumihit paharap at mabilis ang mga hakbang na tinungo niya
ako na nakatayo lang dun malapit sa entrance papasok sa loob ng bahay.

"Utang na loob Jazmine, pakasalan mo ako!" Desperate na sabi niya sa akin at


hinawakan pa ako sa magkabilang braso.
Pero bago pa ako makasagot, dumating na yung kotse na sinasakyan nila mommy at Taz
galing sa pagsusukat ng gown na gagamitin niya sa debut niya.

"What are you doing here?" Maangas na tanong ni Taz kay Chyler ng makababa siya ng
sasakyan.

Naguguluhan namang napatingin sa kanya si Chyler na para bang iniisip kung may
atraso ba siya kay Taz.

"Hey, take your hands off of my sister!" Susugod na sana si Taz pero humarang si
mommy sa kanya.

"Taylor, stop!" Saway sa kanya ni mommy.

"Mom, she broke Remooji's heart!" Katwiran ni Taz kay mommy na itinuro pa si
Chyler.

Aray naman! Kailangan ba talagang i-emphasize niya yung nabigo ako dahil sa
pagtanggi sa akin dati ni Chyler? Eh kung si Taz kaya ang sabunutan ko?

"Hey, tama na yan." Awat sa kanya ni mommy.

"Look," Pagpapakalma sa kanya ni Chyler na binitiwan na niya ako. "I didn't mean to
hurt your sister. I'm here right now ---"

"You didn't mean to?!" Nakahanda na si Taz na suntukin si Chyler.

"Taylor Zandra!" Saway sa kanya ni mommy.

Tumigil na si Taz pero ang sama pa rin ng tingin niya kay Chyler. Na parang once na
binitawan siya ni mommy, susugurin niya ng suntok si Chyler.

"Tama na, Taz." Pagpapakalma ko sa kanya ng mahanap ko na yung sarili kong


magsalita. "I'm fine now."

"Siguraduhin mo lang ate dahil sasamain talaga sa akin yang pulis na yan." Angil ni
Taz at kay Chyler pa rin talaga nakatingin.

Tahimik lang naman si Chyler sa tabi ko at di na lang pinapatulan si Taz sa pag-


aalburuto nito sa kanya.

"I'm marrying her, Taz."

Gulat na gulat si Taz na bumaling ng tingin sa akin at napaawang yung bibig niya.
Nabigla din si Chyler sa sinabi ko.

"Are you sure?" Bigla siyang nabuhayan ng loob na muli akong hinawakan sa braso.

"Just promise me one thing, Chy." I said.

"Ano yun?" Nakangiti ng sambit niya.

"Be a good wife." I told her.

"I promise." Masayang sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit. "Pangako, Jazmine."
Ulit pa niya at mas lalo pang hinigpitan yung yakap niya sa akin.

My mom smiled at me though tears started to form from her beautiful blue eyes.
Natahimik na lang din si Taz sa tabi ni mommy at nakatitig sa akin na para bang
sinasabi niya na hindi siya makapaniwala sa mga nangyayare. Halata yung pagkalito
sa mga mata niyang kulay berde.

I have decided, I'll marry Chyler. And maybe... just maybe, she'll learn to like me
too.

(Astig Chyler on media ^-^)

=================

Chapter 16 Future Plans

"I want someone who is afraid of losing me. Someone who will get jealous and a
little selfish to share me with others. I want someone who is clingy sometimes.
Someone who will whisper to my ears and say, hey, you're mine."

Chyler POV

Simula ng pumayag si Jazmine pakasal sa akin, tatlong araw na ang nakakalipas,


gabi-gabi ko na siyang dinadalaw sa bahay nila para pag-usapan ang mga dapat pang
pag-usapan lalo na yung tungkol sa kasal namin.

Isang simpleng kasalan lang naman ang magaganap, na agad namang pinayagan ni
Alexandra. At bukas na nga ng hapon yung kasal namin sa harap ng judge na lolo nila
Jazmine. Invited ang kanyang mga tita, kasama na din ang kanyang mga pinsan.

On my part? Wala namang makakarating sa kanila though sinabihan ko na sila tita sa


Bicol. Nandun na din kasi si Vince. Okay lang naman at sinabi kong sa proper
wedding na lang sila magpunta kung sakali man.

Pero at least, kasama sina Erick at yung mag ina niya. Sila na din kasi ang pamilya
ko dito sa Makati.

"Ide-deposito ko na lang sa account mo sa bangko yung pinagbentahan ng lupa mo dito


sa Bicol." Aniya ni Tita Anet sa akin sa kabilang linya ng tinawagan ko siya.

"Sige po, tita." Tugon ko naman sa kanya.

Pinabenta ko na kasi yung namana kong lupa dun sa Bicol para may pandagdag ako sa
pambili ng kahit simpleng bahay lang para sa amin ni Jazmine. Nakakahiya naman kasi
sa kanya kung sa apartment ko siya ititira.

Actually, yung lupa kong iyon sa Bicol ay pagpapatuyaan ko sana noon ng bahay namin
ni Ann, at yung iba naman ay ipapasaka ko sana.

Pero wala na eh. Isa pa, nandito na din naman sa Makati yung trabaho ko. May namana
din namang lupa si Vince mula sa mga magulang namin. Yung family house namin dun,
naiwan sa aming magkapatid. Pero since nandun si Vince, siya ngayon ang nakatira
dun.

Kahit papaano naman ay may naiwan sa aming mga ari-arian ng yumao naming mga
magulang. May kaya din naman kasi ang pamilya ng aking ama na nag-iisang anak lang.

"Pasensya ka na anak kung di ako makabiyahe ha?" Hingi ng paumanhin ni tita.


"Naging sakitin na kasi ang tiyuhin mo simula ng maaksidente."

Tukoy nito kay tito Damian na naaksidente nun sa sinasakyang pick up truck. Nabali
yung tuhod niya at hanggang ngayon nga ay di pa maayos maglakad hanggang sa naging
masakitin na ito simula nun.

"Okay lang po yun, tita." Sagot ko naman sa kanya. Si tita Anet na ang nagsilbing
pangalawang ina namin.

Nakakatandang kapatid siya ng aking ina at walang anak kaya naman magaan ang loob
niya sa amin at itinuring kami ni Vince na parang tunay na anak.

"Uwi ka din minsan dito at dalhin mo yung asawa mo para makilala din namin ha?"
Saad niya.

"Sige po, tita. Mamamasyal kami diyan kapag nakahanap ng pagkakataon." Tugon ko sa
kanya.

Hindi pa ako nauuwi dun limang taon na ang nakakalipas... simula nung nagpakasal na
sa iba si Ann.

Ilang saglit pa kaming nagkausap ni tita bago kami masayang nagpaalam na sa isa't
isa. Tamang tama naman na kakalabas lang ni Jazmine sa university.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya sa akin.

"Di naman." Sagot ko sa kanya.

Pero sa totoo lang, fifteen minutes na akong nandito. Magha-house

hunting kasi kaming dalawa. Maaga naman natapos yung panghapong klase niya kaya
sinamantala na namin yung pagkakataon para maghanap ng bahay na titirhan namin
pagkatapos ng kasal.

"Let's go?" Aya niya sa akin.

Tumango ako sa kanya saka siya pinagbuksan ng pinto ng kotse ko since grounded pa
rin siya at di pa siya pwedeng gumamit ng kotse niya.

Una naming pinuntahan yung ni-refer sa akin ni John. Isa iyong bungalow house, two
rooms lang pero may sariling banyo yung kuwarto. Ang di ko lang nagustuhan eh
maliit yung garahe, di naman na yun pwede ma-renovate kung sakali.

"Ayaw mo?" She asked nang mapansin niya yung facial expression ko.
"Yeah." Bulong kong sagot sa kanya.

Umalis kami dun at tumingin ng iba. Yung sunod na pinuntahan naman namin, medyo
malayo na sa trabaho ko at sa school niya, kaya tinanggal na namin yun sa
pagpipilian namin. Nakaapat na yata kami ng pinuntahan at medyo pagabi na.

"Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko sa kanya.

"No." She answered. "Puntahan na natin yung isa pa."

"Okay." Sagot ko na lang sa kanya.

Pinuntahan nga namin yung isa pang nasa listahan, fully furnished na yung bahay.
Maganda yung ayos ng two storey house na ito na napipinturahan ng puti. Medyo
malawak naman yung lawn, may front porch, kasya ang kahit tatlo pang kotse sa may
garahe sa bandang kaliwa ng bahay. May isang kuwarto sa baba, tapos tatlo sa taas
na may balcony pa at kita yung malawak na parte ng likod bahay na magubat na dahil
na rin siguro sa hindi natitirhan yun.

"Yung may-ari nito dati, kaka-migrate lang sa US." Sabi nung nagbebenta

nung bahay na kapatid daw nung may-ari. "Tahimik naman po yung lugar kahit
ipagtanong niyo po sa malapit na police station."

Humarap ako sa may katabaang babae, yung kasama nitong lalake naman panay ang
tingin sa legs ni Jazmine na exposed dun sa suot na maikling skirt uniform. Lahat
yata ng puntahan namin dun nakatingin.

Nandito kasi kami ngayon sa may balcony at parang nilalanghap pa ni Jazmine yung
sariwang hangin na masuyong dumadampi sa mga balat namin.

"I like it here." Nakangiting sabi sa akin ni Jazmine na nakasandal sa may railing
paharap sa malawak na likod bahay.

Ngumiti din ako sa kanya dahil pareho kami ng iniisip. "Kunin na natin?" I asked
her.

Tumango siya sa akin. "Wait, gusto mo din ba dito?"

"Oo." Bukod sa maganda na, medyo malapit pa 'to sa school niya. Fifteen minutes
away lang, at siguro mga twenty to twenty five minutes away sa akin. "Medyo malayo
na 'to sa site ng pinapatayo niyong coffee shop." Naalala kong sabi. "Okay lang ba
sayo?"

"Oo naman." Masayang sabi niya sa akin.

Bumaling ulit ako ng tingin dun sa babae. "Kukunin na ho namin 'to."

Ang lawak nung ngiti niya. Kinuha niya dun sa lalake yung papel at ballpen at tsaka
isinulat dun yung pangalan ko at yung contact details.

"Ifa-finalize na namin yung Deed of Sale ngayon para bukas pwede niyo na siyang
pirmahan." Sabi nung babae.

Umoo naman ako sa kanya at saka nagpaalam na kaming aalis na. Dahil gabi na din
naman, inaya ko na siyang kumain sa isang restaurant. Tinanggal ko yung suot kong
jacket at tsaka sinabing itali yun ni Jazmine sa beywang niya.

"Why?"
Kunot noong tanong niya sa akin ng makababa ng kotse.

"Ang ikli ng suot mo, pinagpipiyestahan ka ng mga manyak." Sabi ko sa kanya.

Nakakabastos lang kasi kung paano siya nila tingnan kulang na lang lumabas yung
dila nila saka tumulo ang laway nila.

"It's okay." Sagot naman niya na may kasamang ngiti. "Sanay na ako."

"Kung ikaw sanay na, ako hindi." Sagot ko naman sa kanya. "Baka makabaril ako ng
tao ng wala sa oras."

Ako na ang nagtali nung magkabilang sleeve ng jacket ko sa beywang niya. Inaya ko
na siya sa loob ng resto pagkatapos pero nanatili lang siyang nakatayo dun at
parang baliw lang na nakangiti.

"Lika na." Ulit kung aya sa kanya.

"Ang possessive mo pala." Sabay kagat ng lower lip na sabi niya sa akin.

"Possessive?" Maang na ulit ko. "Hindi naman." Tugon ko. "Halika na nagugutom na
din ako." Saka ko siya hinawakan sa siko para maglakad na papunta sa loob ng resto.

Habang kumakain kami, pansin kong di nawawala yung ngiti niya sa kanyang labi.

"Kanina ka pa mukhang masaya diyan ah." Puna ko. "Care to share?"

Ang graceful niya gumalaw at tsaka kumain. Poised na poised, parang kontrolado
lahat ng galaw niya.

"Parang first date na natin kasi 'to." Sagot niya sa akin.

Hindi ako nakasagot agad sa sinabi niya. Napangiti ako ng maalala ko yung date nila
nun ni Romero.

"Eh ikaw bakit ka nangingiti diyan?" Puna din niya sa akin.

"Wala." Pigil ang ngiting sagot ko sa kanya.

"Chyler, I know you remember something funny." Pangungulit niya.

Oo nga pala, si Jazmine yan. Yung pinakamakulit na nakilala ko.

"Naalala ko

lang yung date niyo noon ni Romero." Saad ko na di na napigilan yung kumawalang
ngiti ko.

Bigla siyang napaismid dahil dun. "It's your fault."

Natawa ako ng mahina dun. "Ano naman ang kasalanan ko dun?"

"You set me up." Nakasimangot na sabi pa niya.

Natawa na ako sa itsura niya. Di pa rin ba siya maka-move on dun sa naging date
nila?

"Lanta na ba yung gumamela?" Natatawang tanong ko sa kanya.


"Anong gumamela?" Clueless na tanong niya.

"Yung binigay niya sayo nun sa date niyo." Binibigyang diin ko talaga yung word na
date.

"Hindi ko naman yun tinanggap eh." Mas lalo pang nalukot yung mukha niya.

Di ko na napigilan yung tawa ko. "Mas cute ka pala kapag nakasimangot ka." Tukso ko
sa kanya.

"So mas gusto mo akong nakasimangot ganun?" Medyo mataray na sambit niya.

"Hindi naman." Pigil ang tawang sabi ko.

"Hmp." Irap niya sa akin. "Wag mo na nga ipaalala sa akin yung Romero na yun
naaalibadbaran ako."

"Okay." Sagot ko na lang saka pigil ko pa rin ang sariling wag tumawa lalo na nung
maalala ko nung kumain siya ng sisig na di niya alam na tenga at dila yun ng baboy.

"Chyler." May himig pananaway yung tono ng boses niya.

"What?" I almost laugh the word out.

"Stop it." Mukhang naaasar na talaga siya.

Pilit ko namang pinaseryoso yung mukha ko pero halata namang nagpipigil lang akong
wag matawa.

"Ano bang ginagawa ko?" Nagmamaang-maangan na tanong ko sa kanya.

"Chyler I'm warning you." Nag pout na siya saka ipinagpatuloy na ang paghihiwa sa
karneng ulam niya.

Ang cute lang eh.

Di ko na napigilan yung tawa ko. Panay naman ang saway niya sa akin.

Hanggang sa matapos na kaming kumain pero nakasimangot pa din siya sa akin.

"Baka naman hanggang bukas na yang simangot mo?" Tukso ko sa kanya.

"Eh di kasalanan mo kung pangit ako sa araw ng kasal natin." Nakahalukipkip na sabi
niya ng binabaybay na namin ang daan pauwi sa bahay nila.

Hindi na lang ako sumagot, pero nakangiting iiling iling na lang ako sa kanya.
Hindi ko na ipinasok sa loob ng bakuran nila yung kotse dahil gabi na at kailangan
na din niyang magpahinga. Tsaka baka makita na naman ako nung kapatid niyang si
Taz. Mainit dugo nun sa akin eh.

Tinanggal na niya yung jacket sa pagkakatali sa beywang niya at tsaka ibinalik sa


akin. Kunwari namang inamoy ko yun. Nakasimangot pa rin kasi siya.

"Ang baho na nung jacket ko." Kunwaring palatak ko.

Nanlaki yung mga mata niya sa akin. "Uy hindi naman!" Giit niya ng inagaw niya sa
akin yun saka inamoy. "Amoy ikaw 'to eh."
"Oo na!" Bigkas ko sa kanya. "Hindi na kita ihahatid sa loob baka wala na akong
mukha paglabas ko." Biro ko sa kanya.

Natawa na siya dun. Nun ko lang nalaman, pati pala pagtawa niya poised na poised.
Shite.

"Wag mo na lang intindihin si Taz, galit yun sayo eh." Sabi niya sa akin.

"Oo nga eh. Parang laging nakaangil sa akin." Dagdag ko naman.

"See you tomorrow then?" Sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid saka tumango. "Sure."

"Good night, Chy." Bakit ba ang sweet ng pagkakabigkas niya nung nickname ko?

"Good night, Jazmine." Tugon ko din.

Binuksan na niya yung pintuan ng kotse pero hindi siya agad bumaba.

"I forgot something." Sabi niya.

Itatanong ko sana kung ano yun pero nahawakan na niya ako sa mukha saka hinalikan
sa labi. Di naman na yun nagtagal at bumaba na din siya ng kotse.

"Ingat sa pag-uwi." Sabi pa niya bago isinara yung pintuan ng kotse.

Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob ng malaking gawa sa bakal na rehas na


gate nila bago ako umuwi na rin.

Simula bukas, di na ako uuwi sa empty house. Dahil simula bukas, magbabago na ang
buhay ko. Isipin ko pa lang yun parang naninibago na ako.

Bitbit ang jacket sa isang kamay ko, pumasok na ako sa loob ng apartment.
Pansamantalang dito muna kami ni Jazmine bukas ng gabi since di naman kami
makakapag lipat bahay agad agad pagkatapos ng kasal.

"Surprise!"

Nagulat naman ako dahil pagbukas ko ng ilaw, nandun sila Erick at ang pamilya niya
tapos yung ibang mga kaibigan namin at mga asawa nila.

"Ano 'to?" Nasusurpresang tanong ko sa kanila.

Lumapit sa akin si Sonya at ikinawit yung braso niya sa braso ko. Inakay niya ako
papunta sa mga kasamahan namin.

"A simple bridal shower." Nakangiting sabi niya sa akin. "And kick off party na din
para sa birthday mo bukas." Dagdag pa niya.

Natampal ko yung noo ko. Birthday ko na pala bukas. Tsk, sariling birthday ko
nakakalimutan ko.

"Salamat." Nakangiting sabi ko sa kanilang lahat.

Nakaka-touch naman 'tong ginawa nilang sorpresa para sa akin. Naghanda pa talaga
sila.

"Nabingwit na ng isang diyosa ang kakosa natin!" Sigaw ni Erick saka itinaas sa ere
ang hawak na bote ng San Mig Light.

"Yohoo!" Sagot naman nung mga kaibigan namin at nakipag-cheers.

Nakangiting iiling iling na lang ako sa kanila.

(4 days na lang birthday ko na! Yohoo!!! Hehe 😆😆😆 Ano gift mo sa akin? 😇😇😇)

=================

Chapter 17 First Night Together

"I will always have this impossible little hope that you'll suddenly wake up one
day and realize we're meant to be together."

Jaz POV

"Nervous?"

Nagbaling ako ng tingin kay mommy Ara sa tabi ko ng magsalita siya.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "A little." Composed na sagot ko though deep inside
magsa-sommersault na yata yung bituka ko sa kaba, excitement... halo halo na.

"We're here." Anunsiyo ni mama Alex na siyang nagda-drive ng kotse, katabi si Taz
sa may passenger's seat. Kami naman ni mommy dito sa likod.

"It's okay, Remooji." Hinawakan ni mommy yung nanlalamig na kamay ko. "Everything's
gonna be fine." She smiled at me.

Huminga ako ng malalim saka ngumiti na sa kanya at tumango bilang pagsang-ayon.

Magkabilaang binuksan ni Taz at ni mama Alex ang pintuan sa backseat para sa amin
ni mommy.

Inalalayan ako ni mama na bumaba at si Taz naman inalalayan si mommy dun sa kabila.

"Time flies too fast, my princess." Sabi ni mama sa akin at pinagmasdan ako ng
makababa ako ng kotse. "You've turned into a beautiful young lady." Ang lamlam ng
mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Ma..." Mahinang tawag ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim saka ngumiti sa akin. Akala ko ako lang ang kinakabahan,
pati din naman pala si mama. Pero pilit lang niya iyon itinatago.

"I love you so much, baby girl. Don't ever think for a second I've loved you less."
Saka niya ako niyakap ng mahigpit.
Gusto kong maiyak ng mga sandaling iyon pero pinigilan ko. Niyakap ko din ng
mahigpit si mama. Nakangiting nakatanaw lang sa amin si Taz at

si mommy.

"I love you too, mama." Ganting sabi ko na medyo nag-crack pa yung boses ko.

Kumalas na siya sa akin. "I know Chyler will be a good wife to you." Saad niya at
mataman ko siyang pinagmasdan. "Kayang kaya ka niyang protektahan at alagaan.
Kayang kaya ka din niyang ipagtanggol."

I know she's just doing what she thinks is best for me and for my future. Though I
still don't understand why she wanted me to marry Chyler.

"Let's go." Singit ni mommy sa amin.

Inilahad ni mama Alex ang kanyang braso sa akin. Nakangiting ikinawit ko naman dun
yung kamay ko at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng restaurant kung saan
gaganapin yung simpleng kasal namin ni Chyler. Dito namin pinili para diretso na sa
dinner after.

Nandun na pala sina tita Abby at tita Dani kasama ang pamilya nila. Nandun na rin
sina Erick at ang magandang asawa niya at yung anak nila. Nakita ko na din si
Chyler na kausap nung dalawa kong tita. Agad siyang tumayo ng makita kami at
magalang na nag-excuse sa mga kausap.

Nakangiti ng tipid na nakipag-kamay siya kay mama at humalik naman sa pisngi ni


mommy Ara. Ngumiti lang siya ng tipid kay Taz na tumango lang sa kanya.

"Hi." Bati niya sa akin.

She's wearing her uniform na parang tradisyon na yata ng mga pulis o sundalo na
isuot kapag ikakasal sila. Me? I just wore a simple white little dress na si mommy
pa ang nagbigay sa akin.

"Hello." Kinakabahan pa rin ako.

Tumingin si Chyler kay mama. "May I?" Inilahad ni Chyler yung braso niya para sa
akin.

"Sure, Chyler." Tugon ni mama sa kanya saka siya tumingin sa akin na parang
binibigyan niya

ako ng permiso na sumama kay Chyler.

Tinanggal ko sa pagkakawit nung kamay ko sa braso ni mama Alex at hinawakan ko si


Chyler sa braso. Nagtungo na kami sa kinaroroonan ng iba pa naming mga kasama at
humalik ako sa mga tita ko. Niyakap din ako ni Hailey at Ashley.

"Ba't di mo isinama si Stef?" Tanong ko kay Hailey.

"Exclusively family lang daw sabi ni mommy sa akin eh." Sagot naman niya.

Tumango-tango na lang ako bilang sagot. Nandun na din pala si lolo Arnel na siyang
magkakasal sa amin ni Chyler. Naikwento pala sa akin ni Ash na si lolo Arnel daw
ang unang nagkasal kina tita Danielle at tita Camille. Biyudo na si lolo, tatlong
taon ng patay ang asawa niya dahil sa isang aksidente.
Isang tahimik at simpleng seremonyas lang ang naging kasal namin ni Chyler. We
exchange short vows and yun na. Isinuot na namin yung singsing na nagpapatunay ng
pag-iisang dibdib namin. Pagkataposng ilang sandali, idineklara na ni lolo Arnel na
kasal na kami ni Chyler.

"You may kiss now." Sabi ni lolo na may pilyang ngiti at nanunuksong mga mata.

Nakangiti ng tipid sa akin si Chyler at saka hesitant na hinalikan ako sa labi.


Smack lang yun baka mahiya pa yung one second dun sa sobrang bilis.

Mukhang masaya naman ang lahat para sa amin ni Chyler. Binati nila kaming lahat.
Nakilala ko na din yung asawa ni Erick na Sonya ang pangalan at yung anak nilang si
Jimboy na inaanak pala ni Chyler.

"Kung may problema ka o gusto mo ng makakausap, dito lang ako." Bulong sa akin ni
Sonya.

Ngumiti naman ako sa kanya. Mabait siya. "Sure." Sagot ko naman sa kanya.

Para namang matagal ng nakasama ng pamilya Montalban

si Chyler at agad nakagaanan ng loob. Pwera lang kay Taz at kay Hailey na medyo
reserved pa din kay Chyler. Nakausap ko na naman yung dalawa na kung pwede wag
nilang gagalawin si Chy. Nangako naman sila sa akin kaya panatag na ang loob ko.

"Kailangan niyo ba ng tulong sa paglilipat bahay bukas?" Tanong sa amin ni tita ni


Danielle.

"Opo tita kung pwede sana." Ako na ang sumagot.

Hindi rin naman biro maglipat bahay saka ang dami-dami kong gamit sa bahay namin.

"Andiyan sina Hailey, patulong kayo sa kanila." Sabi naman ni tita Ana.

"Sure, no prob." Nakangising sagot naman ni Hailey. "Tutulong kami, di ba Ash?


Taylor?" Baling niya sa mga nabanggit.

Tumango-tango naman yung dalawa saka sabay na sumagot ng sure.

Pagkaraan ng ilang oras ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Inihatid kami nila mama
sa may kotse ni Chyler.

"Aasahan ko ang pangako mo sa akin, Chyler." Saad ni mama sa kanya na nakahawak sa


likod ng beywang ni mommy. Tahimik lang naman si Taz sa tabi nila.

"Of course, Alex." Tugon naman ni Chyler na mas sanay daw tawagin si mama sa
pangalan.

Nagkamay silang dalawa at niyakap naman kami ni mommy. "I'm going to miss you."
Sabi niya pa niya sa akin.

"Mom, para namang aalis ako ng bansa niyan." Pabirong sabi ko sa kanya dahil
nangingilid na yung luha niya.

I'm going to miss my old life...

"Taylor." Inilahad ni Chyler yung kamay niya kay Taz at nakatingin kaming lahat sa
kanya.
"Wag na wag mong sasaktan ulit yang ate ko ha?" Paalala ni Taz kay Chy. "Mahal na
mahal namin yan kaya ingatan mo. Kung hindi,

lagot ka sa akin." Saka inabot yung kamay at nakipag hand shake kay Chyler.

Na-touch naman ako sa sinabi ni Taz.

"Taz..." Naiiyak na sambit ko at niyakap siya. At habang yakap yakap ko siya ay


binatukan ko siya.

"Aray naman!" Reklamo niya sa akin ng kumalas ako sa kanya ng yakap. Natatawa lang
naman sina mama sa aming magkapatid.

"Mamimiss kitang batukan eh." Natatawang sabi ko sabay punas sa gilid ng mga mata
ko. Ayokong umiyak ngayon.

"Tsk, akala ko yakap lang." Bubulong bulong na sabi niya habang sapo pa yung
binatukan ko kanikanina lang.

"Payakap nga ulit." Biro ko sa kanya.

"Naku wag na!" Tanggi niya na bahagyang lumayo sa akin. "Baka may gawin ka na
namang masama sa akin."

Nagkatawanan na lang kaming lahat. Muli ay yumakap ako kina mama at mommy ng
mahigpit bago ako pumasok sa kotse ni Chyler. Kumaway pa ako sa kanila habang sakay
na ako ng kotse at nagsimula na kaming umalis dun.

"Dalawin mo sila ng madalas para di ka nila mamiss masyado at para di ka din


malungkot." Sabi sa akin ni Chyler ng tinaas ko na ulit yung bintana.

"Okay lang ba yun sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman." Mabilis na tugon niya. "Pamilya mo pa din naman sila kahit may asawa ka
na." Dagdag pa niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid. "Pwede din bang every weekend dun tayo kina mama
matulog?"

Hindi siya agad nakasagot, parang nag-iisip pa siya. "Pwede paminsan minsan, hindi
every weekend." Saad niya.

"Okay." Tugon ko sa kanya.

Siguro nga okay na din yun. Tsaka kailangan kong masanay na nakabukod na sa kanila
lalo na ngayon

may asawa na ako.

"Pasensya ka na kung dito muna tayo sa apartment umuwi ngayon." Paumanhin niya
habang bitbit sa isang kamay yung maleta ko na naglalaman ng ibang damit at gamit
ko na kinuha ko na kaninang umalis kami sa bahay at nagtungo sa resto.

"Okay lang. Lilipat naman na tayo bukas sa bagong bahay natin." Sagot ko naman.

Sabay na kaming nagtungo sa taas ng kuwarto niya at inilapag sa sahig yung maleta
ko.

"Hayun yung banyo." Turo niya dun sa kulay puti na pinto dun sa loob ng kuwarto
niya. "Mauna na ako sayo maligo." Saad niya at tumango lang sa kanya.

Mag-aayos pa naman ako ng gamit. Nagtungo na siya sa banyo pagkatapos niyang kumuha
ng damit sa loob ng kulay brown na closet niya.

Pero nang buksan ko yung maleta ko, naisip ko na wag ko na lang tanggalin sa loob
yung mga gamit dahil lilipat din naman kami bukas. Aabsent na lang ako bukas at
pati si Chy nag file din yata ng leave sa presinto nila. Kumuha lang ako ng
nighties tsaka underwear pamalit. Nilabas ko din yung mga lotion ko at iba ina-
apply ko sa katawan bago matulog.

"Tapos na ako." Narinig kong sabi ni Chyler ng makalabas siya ng banyo makaraan ang
ilang sandali habang nagpupunas siya ng hanggang tenga niyang buhok.

Naka-sleeveless white sando lang siya tapos naka-boxer shorts. Ang ganda ng hubog
ng biceps niya at ng shoulders niya na halatang alaga niya sa workout. Bumaba pa
yung mga mata ko sa maputi niyang legs at napansin ko ang mapinong balbon niya dun.

Boyish nga siya parang si Taz. Di nagwa-wax ng balbon sa legs. Pero ang gandang
tingnan nung legs niyang mabalbon.

"Ehem."

Pukaw niya sa akin.

Bigla naman nag-init yung pisngi ko ng mapagtantong ang tagal ko palang nakatingin
sa legs niya.

"Maligo ka na." Sabi niya sa akin. "May tuwalya dun sa loob." Sabay turo ng
hinlalaki niya sa loob ng banyo.

Kinuha ko na yung pouch na naglalaman ng shampoo, sabon at iba pang gamit ko sa


pagligo saka pumasok na sa loob ng banyo.

Habang naliligo ako, hindi ko maiwasang isipin kung anong mangyayare paglabas ko ng
banyo.

Excited ka 'te? Aniya ng aking isipan habang nagsasabon ako ng katawan.

Hindi ko alam. Para akong kinakabahan na ewan. Kahit naman flirt ako sa mga lalake
dati di ibig sabihin nun hindi na ako virgin. Hanggang halik nga lang sila sa labi
eh. And to be honest, wala pang nakakahalik sa akin ng torrid. And to think na wala
akong experience or alam sa kung anong ginagawa ng dalawang babae sa errr kama.

Yeah, I am so naive and ignorant about this. Great.

Nagtapis na ako ng tuwalya palabas ng banyo. Naabutan ko si Chyler na nag-aayos ng


kama, pinalitan pala niya yun ng bagong bedsheet tsaka punda.

Nag-angat siya ng tingin sa akin saka pinasadahan ako ng tingin di nakaligtas sa


pansin ko yung paghangang pilit niyang sinusupil sa kanyang mga mata. Tumutulo pa
yung tubig sa buhok ko. Wala kasi akong nakitang extra towel niya dun.

Bigla siyang napatuwid ng tayo at nag-iwas ng tingin. "S-sa..." She cleared her
throat. "Sa baba muna ako."

Paalam niya sa akin na di man lang makatingin sa akin ng diretso. Di man lang niya
hinintay yung sagot ko at nagmamadali ng lumabas ng kuwarto.
Nangyare sa kanya?

Hanggang sa tapos na ako magpatuyo ng buhok, maglagay ng lotion sa katawan,


magbihis at nahiga na sa kama, pero walang Chyler na bumabalik sa kuwarto.

Lumabas ako para tingnan siya. Nakita kong nakabukas yung tv at nakalagay sa may
cartoon network. Nakahiga pala siya sa may sofa.

Hindi ko alam kung maiinsulto ako o matatawa dahil nakatulog siya dun sa mahabang
sofa. To think na first night together namin 'to bilang mag-asawa tapos tinulugan
niya ako?

(MERRY CHRISTMAS po sa inyong lahat!!! - diane jeremiah 😇)

=================

Chapter 18 New Home, New Life

"Sometimes I look at you and wonder how can you be so cute all the time."

Chyler POV

Ang init ng sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana dito sa sala ang gumising sa
akin kinabukasan. Nakatulog na naman pala ako dito sa sofa. Pinilit kung bumangon
saka naghikab at nag unat ng mga kamay. Ngayon ko lang napansin yung sumasakit na
likod ko. Nangawit siguro sa pagkakahiga ko dito sa sofa.

Dito na naman ba ako nakatulog kagabi? Sabi ko sa sarili ko.

Tumayo na ako at muli na namang naghikab. Antok na antok pa ako pero kailangan ko
ng bumangon. Pupungas-pungas akong umakyat ng hagdan at halos nakapikit pa yung mga
mata ko na nagtungo sa banyo sa loob ng kuwarto ko.

Kinuha ko yung toothbrush ko saka nilagyan iyon ng toothpaste. Nag-angat ako ng


tingin sa may salamin at literal na nanlaki yung mga mata ko ng may makita ako dun
na reflection ng isang magandang babae.

"Aah!" Gulat na bulalas ko saka nanlalaki ang mga matang pumihit ako paharap kay
Jazmine na nakatapis lang ng tuwalya at halatang kakatapos lang maligo.

"Para ka namang nakakita ng multo?" Saad niya sabay irap sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang sambit ko. Paano siya nakapasok dito sa
loob ng bahay?

"Eh ano pa ba ang ginagawa sa loob ng banyo? Nagsa-shopping? Nagba-badminton?"


Pilosopong sambit niya at halata sa boses nito ang pagka-irita.

Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya
dito sa apartment ko ng ganito ---

Aw shit! Oo nga pala kinasal nga pala kami kagabi! Napapikit ako ng maisip ko yun.
Parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin lahat ng nangyare kagabi.

Napapalatak ako ng maalala kong asawa ko na pala siya. At yung eksena pang parang
ganito din kagabi na nakatapis siya ng tuwalya, tumutulo pa yung buhok niya. Fresh
na fresh yung itsura niya...

Napatitig ako sa kabuuan ni Jazmine. Ang hot naman niya tingnan sa tuwalya ko na
nakatapis sa kanya. Ang puti at ang kinis ng balat niya. Literal pa na sinundan ng
mga mata ko yung tubig na umagos sa kaliwang braso niya and I felt that urge to run
my finger in her arm following that droplet of water that fell on the floor from
her wet skin.

Tumaas yung kilay niya sa akin saka siya nameywang. Nilipat niya ang bigat ng
kanyang katawan sa kanang paa at tinitigan ako na parang nanunuya.

See? I noticed everything.

Pinilig ko yung ulo ko at pilit ibinalik sa tamang wisyo ang utak ko.

"Do you like the view?" Tuya niya sa akin.

"Bakit kasi di ka marunong mag-lock?" Naisip ko na lang na sabihin at tinalikuran


na siya.

"Bakit naman ako magla-lock?" Balik niyang tanong sa akin na animo'y yung sinabi ko
isang kabaliwan.

Natigilan naman ako sa tanong niya saka agad na naman siyang hinarap. Magsasalita
sana ako ng may pumasok sa isip ko.

Oo nga? Bakit naman siya magla-lock? Asawa ka naman na niya di ba?

Peste. Gusto ko sanang sagutin siya kaya lang baka kung ano pang masabi ko. Aga-aga
pa naman.

"Magbihis ka na." Sabi ko na lang sa kanya. "Maya maya darating na yung truck na
maghahakot ng mga gamit papunta sa lilipatan nating bahay."

Dumiretso siya ng tayo saka

naglakad papalapit sa akin. Napalunok ako ng maamoy ko yung ginamit niyang sabon.
Ang bango naman niya.

"I will never forget what you did to me, Chyler." Mataray na sabi niya sa akin.

Kumunot noo naman ako sa kanya. "Ang alin?" Clueless na sambit ko. Ano bang
pinagsasabi niya?

Sinamaan niya ako ng tingin. "Tinulugan mo ako sa first night natin." Inismiran
niya ako saka niya ako tinalikuran at tuloy tuloy na siyang lumabas ng banyo.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Napapailing na lang akong nagpatuloy sa


pagsisipilyo saka pumasok sa loob ng shower at nagtagal dun.

Pagbaba ko sa kusina pagkatapos ko maligo, nakahain na siya. Ako naman ang napataas
ng kilay.

"Marunong ka palang magluto." Puna ko at naupo na ako sa harap ng lamesa, sa tapat


ng kinauupuan niya.
Sa kaartehan niya kasi di mo aakalain na marunong pala siya sa kusina.

"Of course I do." Masungit na sabi niya sa akin. "Ano naman palagay mo sa akin?"

Hindi na lang ako kumibo baka humaba pa yung usapan, lalo na't masama ang loob niya
sa akin.

Peste! Alangan naman na tabihan ko siya sa kama kagabi? Di nagkagulo na kaming


dalawa!

Akala ko naman kayang deadmahin ng katawan ko si Jazmine dahil kinaya ko naman


siyang balewalain nun. Pero sa itsura niya kagabi, nung nakita ko kung gaano talaga
siya ka-hot, parang nagising yung katawang lupa ko at nag-alburoto yung bulkan sa
loob ko.

Tsk. Kailangan ng dobleng 'pag-iingat'. Paalala ko sa sarili.

Ilang sandali nga'y dumating na yung truck na maghahakot ng mga gamit dito sa
apartment. Dumating din yung dalawang

pinsan niyang si Ashley at si Hailey pati na din si Taz na nagsama ng dalawa nilang
kasambahay para daw tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng bahay. Sinakyan na din
niya yung kotse ni Jazmine para may gamitin daw siya sa pagpasok sa school. Tutal
kasal na siya, automatically daw na nawala na yung punishments niya na ipinataw sa
kanya ni Alexandra.

Sabay sabay na kaming nagtungo sa lilipatan namin ni Jazmine. Pagdating namin dun,
may isa pang truck na nakaparada sa labas ng gate.

"Nasa truck na yung mga gamit mo." Saad ni Taz sa kapatid at napansin namin na may
dalawang lalake na nagbababa na nung mga gamit niya.

Hinayaan kong si Jazmine ang mamili sa kung alin dun sa mga kuwarto sa taas ang
gagamitin namin. Mas pinili niya yung sa unahan. Mas malaki kasi yun kumpara sa iba
at tsaka may sariling banyo.

Napagdesisyonan din naming dalawa na i-convert sa mini study room yung sa bandang
dulo na kuwarto. Tanghali na nung magpaalam si Hailey na mauuna ng aalis dahil
magpapahinga daw muna siya saglit bago sila magpunta ng girlfriend niya sa El Nido
at mag spend ng weekend dun.

Kagabi ko napatunayan na kampon pala ng mga diyosa ang lahi ng mga Montalban. Paano
wala kang itulak kabigin sa angkin nilang alindog at kagandahan. Nung nagsabog
siguro ang Diyos ng kagandahan ay nasa unahan silang lahat.

Nagtulung-tulong kami sa pag-aayos sa loob ng bahay. Naglinis at naglagay ng mga


kurtina at inayos ng mga kasambahay nila Taylor yung sa mga kuwarto, habang si
Jazmine naman ang bahalang nagsasabi kung saan ba dapat ilalagay ang ganito ganyan,
saan dapat pupwesto yung mga gamit.

Pansin ko lang, sa kanilang magpipinsan siya talaga yung girl na girl, kumilos,
magsalita, manamit... lahat. Si Ashley naman tahimik lang, di masyado nagsasalita.
At base sa ilang beses ko siya nakita at nakasama ng ilang sandali, siya ang
pinakamabait sa kanilang magpipinsan.

Si Taz at si Hailey naman ang parang boyish talaga sa kanilang apat. Pero ang
hahaba naman ng mga buhok nilang kulay brown para sabihin mong tomboy talaga sila.
For sure, madami ng babaeng pinaiyak ang dalawang ito.
Pagkakain namin ng lunch, nagpahinga lang kami saglit saka ipinagpatuloy na yung
pag-aayos ng gamit. Mabilis naman kumilos ang lahat at pagdating ng hapon, konti na
lang ang di namin natapos iayos.

"Tiyak na gaganda dito kapag nalinis na at natanggal na yung mga damo." Narinig
kong sabi ni Ashley kay Jazmine.

"I know." Tugon ni Jazmine sa kanya. "Balak ko nga lagyan dito ng kahit medium size
na pool."

"Magandang idea yan." Singit sa kanila ni Taz. "Tapos punta kami dito at manggugulo
kami." Biro pa niya.

Ginulo naman ni Jazmine yung buhok ng kanyang kapatid. "Loko loko ka talaga."

"Ate naman!" Reklamo niya saka inayos yung may pagkakulot na buhok niya.
"Detective." Tawag niya sa akin.

Saglit ko namang ibinaba yung hawak kong upuan at inihelera yun sa harap ng pang
anim na taong dining table na gawa sa salamin. Lumapit ako sa kanila na nakatayo sa
two-door glass back door na bukas na bukas at nakatayo silang tatlo dun paharap sa
magubat na likod bahay.

"Bakit?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ayos lang naman siguro kong bibisitahin namin dito si Remooji?"

Maangas na tanong niya habang ngumunguya ng bubble gum.

"Oo naman." Sagot ko. "Ayos lang naman sa akin." Basta walang kalokohang gagawin
dito. Idadagdag ko sana yun pero baka masamain niya lalo na't di pa kami lubusang
okay ni Taz.

"Buti naman." Sabi niya saka maangas na itinaas yung baba niya sa akin.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos sa mga iba pang gamit namin sa kusina habang
nag-uusap usap pa silang tatlo dun. Kanina pa naunang umuwi yung mga kasambahay
nila Taz, nag commute na lang sila. Si Taz naman ay sasabay na lang kay Ashley.

"Dito na kayo kumain magpapa-deliver na lang ako ng food." Aya sa kanila ni


Jazmine.

Agad namang pumayag yung dalawa at sabay sabay na nga kaming kumain ng hapunan.

Tahimik lang naman ako sa buong hapunan, habang sila masayang pinag-uusapan yung
tungkol sa coffee shop na pinapatayo nilang magpipinsan na malapit na palang
matapos. Malapit na din pala ang 18th birthday ni Taz. Next week na yun.

Di na rin naman na nagtagal sila Ashley at Taz at umuwi na. Ipinasok ko naman sa
loob ng bakuran sa may garahe yung sasakyan ni Jazmine at itinabi dun sa kotse ko.

Nasa may main door siya nakatayo at nakasandal ang balikat sa hamba ng pintuan.

Iniabot ko sa kanya yung susi ng kotse niya at saia pati na din yung susi ng bahay.

"Ano 'to?" Takang tanong niya sa akin.

"Susi ng bahay." Sagot ko habang nakatayo ako sa harapan niya.


"Ba't mo binigay sa akin lahat?" Tanong pa niya.

"May duplicate ako." Agad na tugon ko. "Magpahinga ka na sa taas." Sabi ko sa kanya
sabay pasok sa loob ng bahay. "Ako

na lang bahala dito."

"Okay." Tugon niya at nagtungo na sa hagdan at umakyat na sa taas.

Niligpit ko yung mga iba pang gamit sa kusina at saka hinugasan din yung mga
nagamit nung kumain kami.

Saglit muna akong umupo sa sala at pinagmasdan yung loob ng bahay. Connecting yung
sala sa kusina at may center island lang na nagsisilbing hati.

Ngayon ko lang din napansin na ang ganda pala ng pagkakaayos ni Jazmine sa mga
gamit. Parang in place lahat. Di ko yun napansin kanina dahil busy din ako sa
pagtulong.

Mentally, naglilista ako ng mga qualities niya. Una, marunong siyang mag-bake at
magluto. Pangalawa, magaling siya mag-ayos sa loob ng bahay. Pangatlo, hot.

Tsk. Nasama talaga sa listahan yun eh. Napailing iling na lang ako. Baka kung ano
pa ang pumasok sa isipan ko, tumayo na ako at umakyat sa taas.

Maayos na din sa loob ng kuwarto. May ilang maleta na lang ng damit namin ni
Jazmine na hindi pa nailalagay sa loob ng closet. Naabutan ko siyang nagpapatuyo ng
buhok sa harapan ng dresser. Hindi niya ako pinansin ng pumasok ako sa loob ng
kuwarto. Nagkibit balikat na lang ako at kumuha ng tuwalya saka pamalit at nagtungo
na sa loob ng banyo.

Para akong na-refresh ng maramdaman ko yung di naman gaano kalamig na tubig.


Napapikit pa ako habang nagbabanlaw ng buhok.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakahiga na si Jazmine sa kama sa bandang kaliwa,


nakaharap siya sa direksyon ko kaya kita ko yung dumungaw na cleavage niya sa suot
na pink silk nighties.

Mata mo dela Rosa! Paala ng isipan ko.

Tutungo na sana ako sa pintuan ng magsalita si Jazmine. "Saan ka na naman


matutulog?" Iritang tanong niya sa akin.

"Pupunta lang ako sa baba." Sagot ko at nakaupo na pala siya sa kama ng humarap ako
sa kanya.

"Sleep here, Chyler." Utos niya sa akin.

"Jazmine..." Bigkas ko sa pangalan niya.

"Ayaw mo ba akong katabi matulog?" May himig pagtatampong tanong niya sa akin.

"Hindi naman sa ganun." Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya?

"Fine!" Pabalang na sagot niya saka humiga na patalikod sa posisyon niya kanina.

Huminga na lang ako ng malalim saka mabagal na naglakad papunta sa kama. Malaki
naman yung kama at nasa gilid na gilid siyang parte.
Nahiga na ako patihaya saka nagkumot hanggang dibdib. Isa pa kasi, di ako sanay na
may katabi. Ilang taon din naman kasi akong nabakante.

Muli ay huminga ako ng malalim. "Good night, Jazmine."

Hindi siya sumagot o tinugon man lang ako. Pumikit na ako at naghikab.

Haist, ang sarap mahiga sa kama. Ilang sandali pa'y iginupo na rin ako ng antok.

(Merry Christmas po sa inyong lahat. God bless!!! 😊😊😊)

=================

Chapter 19 Lousy Kisser

"Kiss me. Hug me. Love me. The same quantity of those sweetest things I will return
as soon as possible."

Jaz POV

"Kumusta naman ang buhay may asawa niyo ni Chyler?" Tanong sa akin ni Sonya ng
binisita niya ako kinabukasan kasama si Jimboy dito sa bahay araw ng Sabado.

Nagbaling ako ng tingin sa kanya mula sa panonood ko kay Jimboy na masayang


naglalaro lang dito sa sala.

"Okay lang naman." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Magaan ang loob ko kay Sonya, parang kay Erick lang na madali ko nakasundo.

Yung mga kaibigan ni Chyler ang bilis ko nakasundo, pero siya hindi. Tsk.

"Pagpasensyahan mo siya kung medyo matigas ulo niya minsan at tsaka kung may medyo
mahirap pakisamahan." Paunawa ni Sonya sa akin.

"Kasama naman yun sa pag-aadjust na gagawin naming dalawa di ba?" Saad ko sa kanya.

"Sa una talaga mahirap pa, para kang nangangapa sa dilim." Sabi niya.

All I know is, hindi nila alam ang tunay na dahilan ng pagpapakasal namin ni
Chyler. All they know is, nakapag-decide si Chyler na bigyan ng chance yung sa
aming dalawa. Nonetheless, masaya sila para sa aming dalawa and todo suporta sila
sa amin ni Chy.

"And lalo na't pulis pa yung napangasawa mo." Dagdag pa niya.

"Mahirap ba talaga?" I asked curiously.

"Mahirap pero satisfying lalo na kapag kahit na madaming pagsubok sa pagsasama niyo
eh nandun pa rin kayo para sa isa't isa at hindi nag-iiwanan." Halata nga sa mukha
niya na masayang masaya siya sa piling ni Erick.
Sana sa amin din ni Chyler, maging maayos lahat sa aming dalawa. I know shaky

and rocky yung umpisa ng kasal namin. Naiinis lang ako kasi pinaparamdam niya sa
akin na ayaw niya akong makatabi sa pagtulog.

Hindi naman siguro ako pangit sa paningin niya dahil sa dalawang beses na nakita
niya akong nakatapis lang ng tuwalya niya, di nakaligtas sa paningin ko yung
paghanga sa mga mata niya.

Nag-iinarte lang siguro siya. Saad naman ng aking isipan.

Yeah, right. Paasahin mo pa ako. Sagot naman ng konsensya ko.

"Ang ganda nga eh kasi nataong birthday pa niya nung kinasal kayo." Masayang sabi
ni Sonya.

Bigla akong napabaling ng tingin sa kanya. "Birthday?" Maang na tanong ko. "Ni
Chyler?"

"Oo." Takang sambit naman niya. "Hindi mo ba yun alam? Di ba niya sinabi sayo?"

"W-wala siyang nababanggit sa akin." Come to think of it, wala naman talaga akong
alam tungkol sa buhay ni Chyler. Well of course, except yung nangyare sa parents
niya at kay Ann.

"Malihim talaga yang si Chyler minsan." Ipinatong niya yung kamay niya sa kamay ko.
"Habaan mo na lang pasensya mo sa kanya. Pero mabait yun. Mabuti din siyang tao."

"I know..." Sabi ko naman sabay ngiti sa kanya ng tipid.

"Ayaw din niya kasi ng nagse-celebrate, lalo na kung bongga pa yan. Wala yun hilig
sa mga ganun." Saad pa niya.

"Halata ko nga." Tugon ko na lang.

Pagkatapos akong tulungan ni Sonya na mag-ayos pa ng ilang mga gamit namin ni


Chyler ay nagpaalam na sila ni Jimboy.

"Ba-bye po tita Ganda." Paalam sa akin ni Jimboy.

Natuwa naman ako sa kanya. "Sige pogi." Sabi ko naman saka ko siya hinalikan sa
pisngi.

"Hay naku," Nakangiting sambit ni

Sonya ng makapasok na sa loob ng sasakyan nila si Jimboy. "Crush ka daw niya.


Paglaki daw niya gusto mag-asawa ng kasing ganda mo."

"Ang bata bata pa niya pag-aasawa na nasa isip niya?" Natatawa namang sabi ko.

Natawa na din si Sonya. "Kaya nga natatawa na lang kami ni Erick sa kanya.
Bukambibig niya pangalan mo simula pa nung nakita ka niya." Naiiling na sambit pa
niya.

Nakakatuwa naman si Jimboy. Gusto ko pag nagka-baby kami ni Chyler, yung katulad
niya na bibo.

I waved them goodbye before I went back inside the house. Mamya pa darating si
Chyler mula sa trabaho. Pumasok na siya kaninang umaga sa presinto dahil hindi daw
siya pwedeng magtagal sa pagkakaliban. Madami daw siyang hawak na kaso ngayon.

Alas nuwebe ng umaga yata nung dumating naman sina Sonya at Jimboy. Sinabi daw sa
kanya ni Erick na tulungan ako dito sa bahay dahil nga kakalipat lang namin
kahapon. At para pansamantalang samahan daw muna ako para may kakuwentuhan.

Pero actually, pupunta sana ako sa site ng coffee shop ngayon kung di siya dumalaw.
Pero okay na rin dahil nalaman kong birthday pala ni Chyler nung araw mismo ng
kasal namin.

Naisipan ko na lang na ipag-bake si Chyler ng cake niya, kahit yung maliit lang.
Naalala ko naman, di ko pala alam kung anong favorite flavor niya. It's a good
thing, binigay sa akin ni Sonya kanina yung number niya.

I called her and she immediately picked up her phone. "Hello, Jazmine?"

"Pasensya ka na, may gusto lang sana ako itanong sayo?" Lakas loob na sabi ko.

"Sure, ano yun?" Magiliw naman na paunlak niya.

"Ano pala ang favorite

flavor ni Chyler pagdating sa cake?" Diretsong tanong ko.

Saglit siyang natigilan at siguro nag-iisip. "Wala naman siyang specific na


paborito sa pagkakaalam ko." Saad niya kapagkuwan.

"Ganun ba?" Napakamot ako sa sentido.

"Marunong ka palang mag-bake 'no?" Bigkas niya. "Nasabi sa akin ni Erick minsan."

"Oo." Tugon ko naman. "Ah sige Sonya, salamat ha?" Paalam ko sa kanya.

Pagkababa ko nung tawag ay agad ko ng inihanda lahat ng kakailanganin ko sa pagbe-


bake. The next few hours, busy na ako sa kusina.

Saktong alas sais na ng matapos ako mag bake ng cake. Pagod na ako kaya nag order
na lang ako ng pagkain para sa amin ni Chyler. Siya na nga din nagluto kaninang
umaga dahil late ako nagising. Nakakapagod kaya kahapon, ang dami naming ginawa.

Dumating na ang pagkain, nakaayos na ako sa lamesa at lahat, di pa rin siya


dumarating. Kanina ko pa siya tinatawagan pero di niya sinasagot. I texted her so
many times pero ni isa wala siyang nireplyan dun.

I'm starting to get annoyed. Pati ba naman ngayong mag-asawa na kami hindi pa rin
niya sasagutin ang alin man sa tawag or text ko? She's impossible!

Eight thirty in the evening no sign of Chyler yet. I packed up. Niligpit ko na
lahat ng nasa lamesa. Malamig na yung pagkain na hindi ko ginalaw dahil sa inis ko
sa kanya. Umakyat na ako sa taas. At pagdating ko naman dun ay saka ko naman
narinig yung kotse ni Chyler.

Nakasimangot akong nakaupo sa gilid ng kama at hinihintay siyang pumasok sa loob ng


kuwarto namin. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kuwarto namin, tiningnan ko na
siya agad ng masama.

"Kung

nakakamatay lang yang mga titig mo sa akin ngayon, bumulagta na ako dito." May
himig birong sabi niya na halatang nabigla sa pagkakatitig ko sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" I asked in a stern voice.

Nakita ko yung saglit na pagkunot ng noo niya sa tanong ko. "May ni-raid kasi kami
kanina, kaya medyo nalate ako umuwi." Naglakad na siya patungo sa may closet at
kumuha siya ng pamalit dun.

"Hindi ba uso sayo ang mag-reply o mag return call?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Nagtext ka ba?" Maang na nagbaling siya ng tingin sa akin. Napapikit ako sa


sobrang inis ko sa kanya at huminga ng malalim ng sunod sunod. "Tsaka di ko narinig
yung tawag mo. Naka-silent mode kasi yung phone ko."

Muli akong nagmulat ng mga mata. At kagaya nga ng sinabi kanina ni Chyler, kung
nakakamatay lang ang titig, tatlong beses na siyang bumulagta sa sahig at nangisay.

"I'm trying my best to understand you, dela Rosa." Timping timping sambit ko sabay
tayo. "Pero sabi nga nila, lahat may hangganan." Makamandag na sabi ko.

Natigilan naman siya saka ako tinitigang maigi. "So... what do you want me to say?"
Patay malisyang sabi niya. "I'm sorry?" Patanong na sabi niya.

"Una, hindi ka nagtext o nagsabi sa akin na male-late ka ng uwi." Panimula ko


habang naglalakad papalapit sa kanya. "Pangalawa, hindi mo man lang nabanggit sa
akin na birthday mo pala nung araw ng kasal natin." At tsaka ako tumigil ng
kaunting space na lang ang natitira sa pagitan naming dalawa. "And lastly,
tinulugan mo pa ako sa unang gabi ng kasal natin. And I still hate you for that."

Parang di makapaniwalang nakatitig lang siya sa

akin. Ilang sandali pa'y bigla siyang natawa. Yung tawang-tawa siya. Nakakapikon!

"Are you laughing at me?" Inis na sabi ko.

"Ano ba kasing gusto mong palabasin?" Tatawa-tawa pa niyang tanong sa akin.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Umayos ka Chyler baka kung anong magawa ko sayo."
May pagbabantang sambit ko.

"Ano naman gagawin mo sa akin, aber?" Nakatawa pa ring tanong niya.

Hinablot ko siya sa braso saka tinulak ko siya sa kama. Naiinis na ako sa pag-
iinarte niya.

"Rape-pen na lang kaya kita?" Inis na sabi ko sa kanya at saka ko siya dinaganan.

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hinahamon ako. I kissed her roughly. Wala
siyang response nakahiga lang siya dun na parang tuod.
"Chyler!" Pikon na pikon na ako sa kanya.

Tumawa na naman siya nung tumigil ako sa paghalik sa kanya. "Akala ko ba hahalayin
mo ako?" Tukso niya sa akin habang nakaupo ako sa bandang puson niya.

"Bakit ba hindi ka tumutugon sa mga halik ko sayo?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Gusto mo ba talagang malaman yung dahilan kung bakit?" Tinukod niya yung siko niya
at bahagya siyang nakabangon.

"Oo." Mataray na sagot ko.

"Kasi..." Pambibitin niya. "Hindi ka marunong humalik."

Hinampas ko siya sa braso. "How dare you to say that to me?!"

Imbes na mainis siya sa ginawa ko, natawa na naman siya. Sa totoo lang, may tama ba
siya sa utak? Kanina pa siya tumatawa at my expense.

"Totoo naman eh." She laughed the words out. "You're a lousy kisser, Jazmine."

"I hate you!" Pinaghahampas ko siya sa braso. "I hate you!" Inis na sabi

ko sa kanya.

"Jazmine!" Saway niya sa akin though natatawa pa rin siya habang panay ang sangga
niya sa paghahampas ko sa kanya. "Jazmine, isa!" Hinuli niya yung dalawang kamay
ko.

"I hate you!" Sigaw ko sa mukha niya habang pilit kong binabawi ang mga kamay kong
hawak hawak niya.

Ang bilis ng galaw niya umikot and the next thing I know, I am underneath her.
Natigilan ako sa ayos namin. She's in between my legs while she's on top of me
holding my hands. She pinned them above my head.

Tumigil na din siya sa pagtawa at nakatitig lang kami sa mata ng bawat isa. Bumaba
yung tingin ko sa labi niyang manipis at natural ng mapupula. I looked back at her
eyes who's looking at me intently.

"Teach me." Mahinang sabi ko sa kanya. "Teach me, Chyler."

"What do you mean?" Mahina ding tanong niya sa akin.

"Turuan mo ako kung paano humalik ng tama." Seryosong sabi ko.

"Jazmine ---"

"O baka mas gusto mong sa iba ako magpaturo?" Putol ko sa pagkontra na sana niya sa
sinabi ko.

Nakita ko yung pag-ilap ng mga mata niya sa sinabi ko. Pero agad din niya iyon
itinago sa akin.
"Alright." Sabi niya sabay bitaw sa kamay kong hawak hawak niya sa may ulunan ko
saka bumangon sa kama.

Bumangon na rin ako sa kama saka umayos ng upo. Humarap siya sa akin at pansin ko
yung pagkailang niya.

"Halikan mo ako." Sabi niya. Nilapit ko yung mukha ko sa kanya saka tinitigan siya
sa mga mata. "Halikan mo ako ng mabagal. Just light kisses at first."

Unti-unti kong nilapat yung labi ko sa labi niya. Ginawa ko yung sinabi niyang
halikan ko siya ng mabagal.

"Feel the kiss and let your feelings take over." She instructed between the kiss.

I closed my eyes and lean closer to her. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat
at hinayaan ko yung sarili kong damhin yung halik kagaya ng sinabi niya.

I bite her lower lip. Naramdaman ko siyang gumalaw at hinapit ako sa beywang. She
responded to my kisses. She moved her lips and I did the same. Para niya akong
iginigiya sa kung anong dapat gawin.

"Jazmine..." Parang hapong sambit niya sa pangalan ko at bahagya niya akong inilayo
sa katawan niya.

I opened my eyes and meet hers. Bakit parang mas naging matingkad yung kulay brown
niyang mga mata?

"I'll give you eighty five percent grade for that." Narinig kong sabi niya.

"Eighty five?!" Di makapaniwalang bulalas ko. Nadala kaya siya, ramdam ko.

Tumayo na siya at pinulot sa sahig yung nahulog na pamalit na sana niya kanina. "At
least, kahit paano marunong ka ng humalik." Sabi niya bago naglakad patungong
banyo.

"Hard." Sabay irap ko sa kanya.

"Lousy kisser." Nakangiting tukso niya sa akin bago pumasok sa loob ng banyo.

"I hate you." Sabay irap na pahabol ko sa kanya bago sumara yung pinto at narinig
ko yung pagtawa niya sa akin.

Of course I don't mean it. Napahawak ako sa labi ko. For the first time,
nagresponse si Chyler sa halik ko.

I bite my lower lip to supressed that stupid grin on my face saka pabagsak na
nahiga sa kama.
=================

Chapter 20 Rainy Day

"Love is silent, yet speaks volumes."

Jaz POV

Sunday morning, ang aga naming nagsimba ni Chyler dahil may work pa siya ng alas
otso ng umaga. We attended the first mass kaya naman medyo konti lang din ang tao.

Usually kasi, second mass kami nila mama uma-attend ng misa. Pero since si Chyler
na ang kasa-kasama ko ngayon, kailangan kong sumunod sa schedule niya.

Napag-usapan din namin na dadaanan na lang niya ako sa pagpunta kina mama mamya
para sa weekly lunch/reunion ng angkan namin. At sa bahay nga iyon ngayon
gaganapin. Hindi na sana siya aattend kasi nga may trabaho siya pero nagpumilit ako
lalo na't first appearance namin yun bilang mag-asawa sa family lunch date kaya
hayun pumayag na din si Chyler.

Kaya nga nandito na siya busina ng busina sa labas ng bahay. Di ba siya marunong
mag-antay?

"Nagmamadali ka ba?" Angil ko sa kanya ng makapasok na ako sa loob ng kotse niya


pagkatapos ko mai-lock yung gate ng bahay namin.

"Ang tagal mo kasi magbihis." Tugon niya sa akin na nakasimangot na sa may


manibela.

"So nagmamadali ka nga?" Asik ko pa sa kanya.

"Hindi nga ako pwede magtagal sa labas." Paliwanag niya. "Kailangan ding bumalik
ako dun before 1:15 P. M."

Hindi na lang ako kumibo. Sabi nga ni Sonya sa akin, kailangan ko habaan ang
pasensya ko kay Chyler. Hindi lang dahil sa pagiging unreasonable niya minsan at
nakakainis na siya pag ganun, kundi dahil na din sa propesyon niya.

Wala tuloy kaming imikan hanggang sa makarating kami sa bahay nila mama. Saktong
twelve naman kami nakarating dun dahil medyo malayo din siya sa bahay

namin ni Chy.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. At may kinuha din siya sa backseat. Isa iyong square
box shape, and it's obviously cake.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya ng magkaharap pa rin kaming nakatayo sa tabi ng kotse
dito sa may drive way.

"Cake." Agad na sagot niya na para bang sinasabi ng mga mata niya sa akin na are
you blind?

"I know what it is." Naiinis na ako sa kapilosopohan niya. "What I mean is, what is
that for?" Pagtataray ko.

"Eh nakakahiya naman kung wala tayong bitbit pagpunta dito kaya dumaan muna ako ng
cake." Paliwanag niya.

"Hindi mo na naman kailangan magdala ng ganyan." Irap ko sa kanya.

"So itatapon ko na 'to?" Halata sa boses niyang nainsulto siya.

"That's not what I mean!" Naiinis na talaga ako sa kanya.

"Saglit nga," Asar na din siya sa akin. "Pinagbigyan na kita ah. At bakit ba ang
sungit sungit mo sa akin ngayon?" Pikang tanong niya. "Meron ka ba ngayon?"

"Wala!" Mataray na sagot ko. "Bakit ikaw? Meron ka din ba ngayon?" Balik tanong ko.

Nalukot yung mukha niya sa sinagot ko halatang napikon na sa akin.

"Halika na nga sa loob." Sabi na lang niya sa akin at hinawakan ako sa siko upang
igiya papasok sa bahay.

Nakita ko naman si tita Camille na nasa labas ng main door at kakababa lang niya
nung cellphone niya.

"Hi tita." Bati ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi.

"Hello." Masiglang bati niya sa akin at niyakap pa ako.

Binati din niya si Chyler na agad nagsukli ng ngiti kay tita Camille. Pansin ko
lang sa mga tita ko tsaka kina mama at mommy, parang di tumatanda mga

itsura nila. Minsan nga napagkakamalan pa kami ni mommy na magkapatid, lalo na't
ang laki ng resemblance ko sa kanya. Papasa na kaming magkakambal.

"Nandito na po ba ang lahat?" Tanong ko at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng


bahay.

"Oo." Sagot niya. "Kayo na lang ang hinihintay."

Parang narinig ko si Chyler na pumalatak dito sa tabi ko. She rolled her eyes on
me, inirapan ko na lang siya.

So kasalanan ko kung bakit kami nalate?

Walang humpay na batian sa amin nina mama at mommy na halatang miss na miss ako.

"Hay naku," Sambit ni tita Dani ng kumakain na kami. "Ilang araw pa lang nawawalay
itong si Remooji sa inyo, Alexandra, miss na miss mo na agad." Nanunuksong sabi
niya. "Paano pa kaya kung sa Bicol siya itira ni Detective."

"Ay please, Chyler, wag naman." Si mommy ang sumagot. "Dito na lang kayo sa Makati
mas malapit sa amin." Ngumiti lang naman sa kanya si Chyler.

"Magkakaroon na ba ng unang apo ang Montalban sa bagong henerasyon?" Tukso naman ni


tita Abby sa amin.
Natawa naman ako ng mahina. Kung alam niyo lang po na nag-iinarte pa yung asawa ko.

"Siguro pagkatapos ko na lang po sa pag-aaral." Sagot ko naman.

Safe answer. Parang ganun yung tingin sa akin ni Chyler ng nagbaling siya ng tingin
sa may kanan ko at nakangiti pa sa akin. Parang kani-kanina lang nakasimangot siya
sa akin. Hmp.

"Mabuti yan." Sang-ayon naman ni mama.

Masaya na naming ipinagpatuloy yung pagkain namin. And as usual, pagkatapos ng


kainan kanya kanya na naman ang kwentuhan ng seniors and junior Montalban.

"Kailangan

ko ng bumalik sa presinto." Bulong sa akin ni Chyler na tumingin pa sa suot na


relo.

"Sige na nga." Napilitang sagot ko.

Sinamahan ko siyang magpaalam kina mama at sa mga tita ko bago siya hinatid sa may
pintuan.

"Susunduin pa ba kita mamya dito?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Sa site mo na lang ako mamya sunduin. Five naman yata out mo ngayon
eh." Tugon ko.

Tumango siya sa akin. "Alis na ako." Sabi saka tatalikuran na sana niya ako ng
pinigilan ko siya sa braso. "What?" Kunot noong tanong niya.

"Kiss ko?" Parang batang sabi ko.

Mas lalo yatang kumunot yung noo niya. Pero hinalikan din niya ako sa pisngi
makailang saglit.

"'Yoko sa pisngi." Reklamo ko sa kanya.

"Ano?" Bulalas niya.

Dinantay ko yung mga kamay ko sa hips niya saka dumukwang at hinalikan siya sa
labi. It's not just a simple kiss so I closed my eyes. Marunong na kaya ako, siya
tutor ko eh.

Napangiti ako ng hinawakan niya ako sa beywang saka tumugon din sa halik ko sa
kanya.

"Jaz..." Bulong niya habang nakapikit pa at nakadikit yung noo niya sa akin. And
for the first time, tinawag niya ako sa nickname ko.

Iniangat ko yung dalawang kamay ko and cupped her face. I plant a soft kiss on her
lips.

"See you later, detective." Nang-aakit na bulong ko sa kanya.

She gave me a slay smile saka napailing iling. "Sige na." Reluctant na sabi niya
saka lumayo sa akin.

"Ingat." Saka nag wave sa kanya.


Nakatayo lang ako dun sa may main door habang pinapanood siyang naglalakad papunta
sa kotse niya. I like her butt. Lumingon siya sa akin ng binuksan

niya yung kotse.

"Jazmine." Tawag niya.

"What?" Pigil ang ngiting tanong ko. Paano nahuli niya akong nakatingin sa butt
niya.

"Gumagaling ka na." Sabay kindat na sabi saka nakangiting pumasok na sa loob ng


kotse.

Ang lawak tuloy ng ngiti ko sa sinabi niya. Of course I know what she mean.
Bumusina muna siya bago nag drive paalis ng bahay.

Wala si Hailey kaya kami-kami lang nila Ash ang nandun at nagkwentuhan. Mamyang
hapon pa yata ang uwi nila ni Stef mula sa bakasyon nila sa El Nido, Palawan.

Napagpasyahan namin nina Ashley at Taz na pumunta sa site kung saan malapit ng
matapos yung coffee shop namin.

"Konti na lang pala eh." Nakangiting sabi ni Ash. "Pagkatapos ng debut mo pwede na
natin buksan 'to." Baling niya kay Taz. "Ano masasabi mo, Jaz?" Tanong naman niya
sa akin.

Tinantya ko kung aabot nga 'to matapos in one week period. At sa tingin ko naman
aabot. Tapos na naman lahat ng pinta at nailagay na din yung pangalan niyang JATH's
Coffee Shop. Yung name nung shop namin mula sa pangalan naming magpipinsan.

"Pwede." Sabay tumango tango kay Ashley.

Sandali muna naming pinagmasdan yung magiging negosyo namin bago nagdesisyong uuwi
na.

"Sure ka na di ka na sasabay sa akin?" Tanong sa akin ni Taz. Nakisabay ako sa


kanya pagpunta dito since nasa bahay yung kotse ko. "Hatid na kita."

"Okay lang ako. Susunduin ako ni Chyler dito." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Kung gusto mo samahan ka na muna namin dito." Sabi ni Ashley.

"No it's okay. I don't want to keep you up." Sagot ko and assure them na anytime
din naman dito na si Chyler.

Ilang

sandali din ay napanatag ko sila na kaya ko na ang sarili ko at sinabi na lang na


papunta na si Chyler kahit na ang totoo ay di pa siya nagrereply sa text ko.

Nagpunta na ako sa may gilid ng kalsada at dun na lang hinintay si Chyler. I'm
trying to call her pero unattended yung cellphone niya.

And all of a sudden, biglang bumuhos ang ulan.

"Damn it!" I muttered ng maulanan ako.

Agad akong tumakbo at sumilong sa shed sa harap ng shop. Kinuha ko yung panyo sa
loob ng shoulder bag ko at pinunasan yung kamay at mukha kong nabasa ng ulan.

Bakit naman kasi bigla bigla umulan eh hindi naman makulimlim? Wala namang
indikasyon na uulan. Nabasa tuloy ako.

Nasa ganun akong ayos ako ng pumarada sa harap yung kotse ni Chyler.

"Hop in!" Binuksan niya yung pintuan sa passenger side ng hindi bumababa ng kotse.

Patakbo akong lumapit sa kotse at agad ng pumasok sa loob. Nabasa na naman ako.

"Wala ka bang dalang payong?" She asked me na panay ang palatak dahil bigla biglang
umulan at nabasa ako.

"As if naman in-expect ko na uulan?" Mataray na sabi ko sa kanya habang abala pa


rin sa pagpupunas ng braso ko.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya naman nag angat ako ng tingin at bigla
siyang nag iwas ng mapansin ko kung saan siya nakatitig.

Bigla tuloy akong nagbaba ulit ng tingin para tingnan kung saan nakadako yung mga
mata niya kanina. Sa dibdib ko lang naman na bumakas na dahil di naman yun makapal.
Isa pa, manipis ang tela nung suot kong blouse na kulay puti pa.

"Were you alone?" Nakatingin lang siya sa harapan ng kotse ngunit

hindi pa rin naman kami umaalis, pero nakaandar pa rin yung sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit niya iyon naitanong sa akin. "Yes." Sagot ko na lang sa
kanya.

"Hindi kita nasundo agad dahil nagkaroon kami ng biglaang meeting kanina." Saad
niya at nagsimula na siyang mag-drive.

"Tinatawagan kita pero unattended yung phone mo." Malumanay ng sabi ko. Para kasing
biglang nag init yung pisngi ko ng mahuli ko siyang nakatingin sa dibdib ko.

"Nahulog kanina yung phone ko sa presinto, nabasag." Paliwanag niya pero di pa rin
siya tumitingin sa akin. "Hindi ko na ma open."

"Buy a new one." Suggestion ko.

Bakit pakiramdam ko may tensyon sa pagitan namin ngayon? Parang biglang sumikip
yung kotse niya.

"Bukas siguro." Parang walang ganang sagot niya. "Pag di ako tinamad."

"And pwede ba Chyler, sagutin mo naman yung tawag or text ko sayo ng hindi ako
nagmumukhang tanga sa kakahintay." Biglang bumalik yung inis ko kanina. I crossed
my arms across my chest.

Hindi siya sumagot. Seryoso lang siyang nakatingin sa harapan ng kotse. Bigla
namang binasag ng tunog ng cellphone ko yung nakakabinging katahimikan sa loob ng
sasakyan. Si Taz pala yung tumatawag.

"O, bakit?" Tanong ko sa kanya ng inangat ko yung tawag.

"Nakasakay ka na ba?" May pag-aalalang tanong niya sa akin. "Bigla kasing umulan
eh."
Napangiti ako sa concern sa akin ng kapatid ko. Ang sweet sweet talaga ng baby
sister ko.

"Opo ate." Biro ko naman sa kanya. "Pauwi na kami."

"Buti naman at nasundo ka na ni pulis patola bago umulan ng malakas." Para siyang
nakahinga ng maluwag. "O baka naman naulanan ka ate ha?"

"N-no." Pagsisinungaling ko saka ko nakagat yung pang-ibabang labi ko. "Are you
home?" Tanong ko naman sa kanya.

"Yes, I am." Tugon niya sa akin.

Saglit pa kami nagkausap hanggang sa ibaba na ni Taz yung tawag. Medyo malakas pa
din yung ulan sa labas at nataong traffic pa. Uwian na kasi. Sinulyapan ko si
Chyler na tahimik pa rin hanggang ngayon.

To my surprise, she's staring back at me too.

Itutuloy... 😆😆😆

=================

Chapter 21 Rainbow after the Rain

"Sometimes your nearness takes my breath away; and all the things I want to say can
find no voice. Then in silence, I can only hope my eyes will speak my heart."

Jaz POV

"W-why?" I stammered.

Nakatitig lang si Chyler sa mukha ko at para bang binabasa niya kung anong nasa
isipan ko ng mga sandaling iyon.

"Chyler?" Untag ko sa kanya.

"Wala." Tipid na sagot niya sabay bawi ng tingin. Parang pilit pa yung pagsasalita
niya.

Napansin ko yung paghigpit ng hawak niya sa steering wheel habang matiim siyang
nakatingin lang sa harapan.

Hanggang sa makarating kami sa bahay at maigarahe na niya yung kotse. Ako na ang
nagkusang magsara nung gate since basa na din naman ako kaya ako na ang bumaba
kanina para buksan iyon.

"Chyler." Tawag ko sa kanya ng mabilis ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng
bahay. "Chyler, wait up." Muli kong tawag sa kanya.

Naabutan ko siya sa may main door namin at pinigilan siya sa braso.

"What's wrong with you?" Takang tanong ko dahil kanina pa siya tahimik at parang
may kinikimkim.

Galit ba siya dahil di ako nagdala ng payong? Malay ko ba kasing uulan ng malakas
habang tirik na tirik yung araw kanina?

Nakita ko ang mabilis na pagtaas baba ng dibdib niya. Tumingin siya sa kamay kong
nakahawak sa braso niya at tsaka nag angat ng tingin sa mukha ko pagkatapos.

She looked at me intently at napalunok ako sa way ng pagkakatitig niya sa akin.


Umayos siya ng tayo at tuluyan na niya akong hinarap. Binitawan ko na din ang
kanyang braso.

Nakita kong gumalaw yung muscle sa

mukha niya at napakuyom yung palad niya na parang nagpipigil manuntok.

"G-galit ka ba sa akin?" Nautal na tanong ko sa kanya. "Chy, answer me." I


demanded.

She took a step forward and in one swift motion, na-corner niya ako between her
frame and the main door. Ramdam ko yung lamig nung pintuan ng lumapat dun yung
likod ko. I feel like a prey and she's the predator.

"Yes." She said between her teeth. "I am mad at you." Nakatingin lang ako sa mga
mata niyang nag-aapoy. Pero hindi sa galit kundi sa... pagnanasa? "I am mad at you
for wanting you so bad right now."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at ramdam ko yung hirap niya sa pagpipigil na


wag ako durugin ng buhay. Bumaba yung titig niya sa slight na nakaawang na labi ko
at tsaka bumalik ang iyon sa mata ko. I've read her hungerness towards me in her
deep brown eyes and it sends shiver down my spine.

"Show me..." Mahinang sabi ko ng sa wakas ay mahanap ko yung boses ko. "Show me how
much you want me."

"Jazmine..." I know she's still trying to control it.

Iniangat ko yung kanang kamay ko at hinaplos ng hintuturo ko yung lower lip niya.
Nakasunod naman ang mga mata ko sa ginawang paghaplos ng daliri ko sa labi niya
saka nag-angat ng tingin. Nakapikit pala siya at dinama yung haplos ko. Muli siyang
nagmulat ng mga mata and meet mine. I want her too. Badly.

Ang bilis ng galaw niyang hinalikan ako sa labi ng mapusok. Parang di ako makasabay
sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Idinikit din niya yung katawan niya sa katawan
ko. Kung kanina nilalamig ako, ngayon para akong naiinitan.

Habang busy ang

labi niya sa paghalik sa labi ko. Busy'ng busy din ang mga kamay niya sa pagtanggal
sa butones ng suot kong blouse na basa na ng ulan, yung mga kamay niyang
nanginginig pa yata sa sobrang taas ng adrenaline niya. At ng matanggal niya iyon
ay di ko na alam kung saan na niya iyon naihagis. Tinanggal niya din sa pagkaka-
hook yung bra ko, kasama na yung skirt ko na kusa nang nahulog sa may paanan ko and
step outside of it.

"Your body is a wonderland, Jaz." Buong paghangang sabi niya ng sandaling inilayo
niya yung katawan niya sa akin at bitawan ang mga labi ko mula sa maiinit niyang
halik para pagmasdan ang hubad ko ng katawan. Nahubad na pala niya yung undies ko
ng di ko man lang namamalayan.

She claimed again my mouth. Hinawakan ko yung damit niya at hinugot yun mula sa
pagkaka tucked in. Sandaling naghiwalay yung labi namin ng tinanggal ko yung kulay
itim na polo shirt niya at tsaka inihagis yun sa sahig.

Tinulak ko siya ng bahagya para mapagmasdan yung tiyan niya. Hinawakan ko yung
nagmamayabang na abs niya. Noon ko pa 'to kaya gusto makita. Napakagat labi ako ng
makita ko kung gaano ka-sexy yung tiyan niya.

"You like it?" She has this bedroom voice that brings a foreign feeling inside me.
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot, para kasing may nakabara sa lalamunan ko.

Para kaming uhaw at sabik sa labi ng bawat isa ng muli iyong naglapat. I unbuckled
her belt and unzipped her jeans. She kicked off her boots ng mabilis niya iyong
tinanggal kasama nung jeans niya.

Nakasuot na lang siya ng kanyang underwear ng hinawakan niya ako sa beywang at saka
iniangat para buhatin. Ikinawit

ko naman yung mga hita ko sa beywang niya as she cupped my behind for support.
Nakayakap din ako sa batok niya.

Magkadikit pa din ang mga labi namin habang buhat buhat niya ako paakyat ng hagdan
patungo sa kuwarto. Hindi ko alam kung paano niya nabuksan yung pintuan at bahagya
ko na din narinig yung pagsara nung pintong sinipa niya.

Pagkahiga niya sa akin ay hinalikan niya agad ako sa leeg. Napasinghap ako ng
masuyo niyang sinipsip yung earlobe ko. Hindi ko alam na may kiliti din pala ako
dun. Naramdaman ko yung paglalakbay ng mainit niyang kamay all over me.

She cupped one of my breast and knead it as her lips leave sweet torturing kisses
to my neck down to my chest.

"Hmm, Chy..." I moaned as she took my nipples and sucked it gently.

Hawak ko siya sa ulo at ginugulo na ng kamay ko yung buhok niya dahil sa tindi ng
emosyong nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Ang init init ng pakiramdam ko.
Para bang lahat ng haplos niya, halikan niya sa akin ay nag iiwan ng apoy sa balat
ko. Gusto ko lahat ng ginagawa niya sa akin at ngayon ko lang siya naranasan.

Napaigtad ako ng hinaplos niya ako dun. Para akong bomba na anumang oras ay sasabog
na dahil sa sensasyong nararamdaman ko ngayon.

I moaned her name when she run her finger on my center and she circled my clit
while her mouth still on my breast. I feel myself getting wet with what she's doing
to me down below between my spread legs.

Bigla akong napahiyaw sa sakit ng pinasok niya yung daliri niya sa lagusan ko. At
nabaon ko pa yata yung mga kuko ko sa balikat niya.

"Jazmine?" Manghang sambit niya sa pangalan


at napatigil sa ginagawa.

Nagmulat ako at sinalubong yung nagtatanong na mga mata niya sa akin.

"You're still..." Hindi niya masabi na para bang nagulat siya sa natuklasan.

"Ano bang akala mo?" Kahit mahapdi pa din yun hindi ko naman napigilang magtaray sa
kanya.

"I thought you're not..." Hindi na naman niya maituloy tuloy. "Do you want me to
stop?" Masuyo na niyang tanong sa akin kapagkuwan.

Do I want her to stop? Nah... of course not! Ang tagal ko kaya 'tong hinintay. Na
maangkin niya ako... at ako din siya. Though di ko alam kung anong gagawin.

"No." Sagot ko sa kanya. "Please Chyler, don't stop." I pleaded.

"Pero masasaktan ka." Nag-aalalang sabi niya sa akin.

"Sa una lang naman, di ba?" I uttered. Tumango siya. Hinaplos ko yung mukha niyang
nag-aalala pa din sa akin. "I want you, Chyler." Malambing na sambit habang
nakatitig sa mga mata niya. "Please?"

She lowered her head and kiss me gently as a response to my plea. Naramdaman ko din
yung masuyo at maingat niyang paggalaw sa ibaba ko. Napapikit ako ng madiin at
tiniis yung hapdi. I don't want her to stop.

I writhed underneath her. She's whispering something into my ears pero wala dun
yung isip ko kundi sa ginagawa niya sa akin. Ramdam ko yung pag-iingat niya pero
nakakaramdam pa din ako ng sakit.

And after a few moments, those pain turns into pleasure. Hindi ko na din namalayan
na kusa nang sumasabay yung hips ko sa galaw niya. At napapahigit ako ng hininga sa
tuwing ibinabaon niya yun sa lagusan ko.

Paulit ulit kong sinasambit yung pangalan niya habang umakyat

mula sa talampakan ko at kumalat sa buong katawan ko yung init ng ginagawa niya sa


pagkababae ko. Habol ko din ang paghinga ko at napayakap sa kanya ng mahigpit as
she gave me one powerful thrust so I can reach the seventh heaven. And my body
quivered as pleasure took over me.

She kissed me again and again while she's caressing my left thigh as she keep on
thrusting herself on me. I felt her body rocked with pleasure as she screamed
inside my mouth.

Hingal na hingal at pawisan siyang bumagsak sa ibabaw ko. Ang init ng hininga
niyang tumatama sa gilid ng leeg ko. Nakapikit lang ako to savor the moment and
that satisfied feeling.

Ilang sandali ding walang umimik sa aming dalawa habang nakapatong pa rin siya sa
akin. And to my surprise, hindi ko ramdam yung bigat ng katawan niyang nakatakip sa
katawan ko.

Nag-angat siya ng ulo. "Say something Jazmine." Masuyong tanong niya sa akin. I
opened my eyes to see her reddened face. "Jazmine..." She called my name again.

"I..." Shaky pa yung boses ko. "I don't know what to say."
Huminga siya ng malalim at ng maramdaman kong aalis na sana siya sa ibabaw ko,
hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sa kanya.

"Ano bang dapat sabihin pagkatapos?" I asked her innocently.

She didn't answer me back, but she looked at me intently. Hindi naman ako nagpadaig
sa kanya at sinalubong yung titig niya.

"Ba't di mo sinabi sa akin?" She asked.

"Na?" Clueless na tanong ko.

She took a deep breath. "Na ako pala ang una. Di sana mas nag-ingat ako."

Napanganga naman ako sa kanya. Kailangan ba talaga yung sabihin?

"Kailangan

ba talaga yung sabihin?" I voiced it out in disbelief.

She chuckles. "Sana sinabi mo, Chyler virgin pa ako dahan dahan lang ha?" Pilit pa
niyang ginaya yung malamyang boses ko.

Kinurot ko nga siya sa tagiliran. "I hate you." Sabay kunwaring irap ko sa kanya.

Tatawa tawa naman siya as she rolled off of me. Pero dala naman niya ako kaya ako
naman ang nasa ibabaw niya.

"Chyler, please take extra care of my --- Aw!" Hindi na niya naituloy yung
panunukso niya sa akin dahil kinagat ko yung balikat niya. "Jazmine!"

Nakita ko pang bumaon dun yung ipin ko sa balat niya. "Suits you, detective."
Nakangising sabi ko.

"Bad girl." Kunwari din namang iiling iling na sambit niya. She then playfully
slapped my naked butt.

"Papakulong kita." Nakalabing sabi ko sa kanya ngunit sinuklian niya lang ako ng
malakas na tawa. Kaya naman inirapan ko lang siya.

"Sige nga isa pa." Tukoy niya sa paglabi ko. "Ang cute mo eh." Nakatawang dagdag pa
niya.

"Hindi ako cute, maganda ako." Tumawa na naman ulit siya. "Totoo naman ah!"
Kukurutin ko na sana siya sa tagiliran pero hinuli niya yung kamay ko.

"Oo naman." Pati yata ang mga mata niya nakatawa. She let out a deep breath at
tsaka nagseryoso na. "Maganda ka." Mahinang sabi niya saka inipit yung ilang hibla
ng buhok ko sa tenga. "Magandang maganda." Saka siya ngumiti sa akin.

I bite my lower lip as I burried my face at the crook of her neck. Kinikilig kasi
ako eh. Nahihiya akong ipakita yun sa kanya kaya tinago ko yung mukha ko.

"You are so beautiful, Jazmine." Saka niya ako niyakap ng mahigpit.

Napangiti ako sa sinabi niya at sa sobrang kilig na nararamdaman ko, ayokong


magsalita baka pumiyok ako.
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya sa akin after several moments of enjoying each
other's warmth and silence.

"Gutom." Tugon ko sa kanya.

Umikot ulit siya at hiniga ako sa kama. Gusto ko sanang magprotesta ng umalis siya
sa tabi ko at bumangon.

"Bili na lang ako ng pagkain sa pinakamalapit na resto." Sabi niya at naglakad sa


may closet.

Tumagilid ako ng higa kipkip sa dibdib ko yung kumot na itinakip niya sa katawan ko
kanina bago siya tuluyang bumangon ng kama. Malaya kong napagmasdan yung likuran
niya. Napangiti ako ng pilya habang pinagmamasdan yung firmed sexy butt niya.

"Wag mo masyado titigan baka matunaw." Biro niya sa akin at humarap ng may makuha
na siyang damit.

Nagbihis siya sa harapan ko. At ako naman nag-eenjoy sa live show.

She gave me a slay smile saka lumapit sa kama. "Alis muna ako. Bihis ka na muna
para di ka sipunin." Saka niya ako hinalikan sa noo.

"Ingat ka ha?" Sabi ko sa kanya.

"Opo." Nakangising sagot niya saka naglakad na palabas ng kuwarto.

Bumangon na din ako sa kama at nagdesisyong maligo. Siguro hot shower na lang kasi
naulanan ako kanina. Lagot ako kina mama kapag nalaman nilang nagpaulan ako.

Pero ayos lang kahit mapagalitan ako, worth it naman dahil sa mainit na
pinagsaluhan namin ni Chyler. I feel a little bit sore down there pero naglakad pa
rin ako papasok ng banyo.

Masaya at nakangiti na akong naligo. Masasabi ko na ngayon na mag-asawa na kami ni


Chyler... by all means.

Happy New Year! Putukan na ba??? 😂😂😂

=================

Chapter 22 Foreign

"Love brings to life whatever is dead around us."

Chyler POV

Nagising ako sa isang sunud-sunod na ungol sa madaling araw. Pupungas-pungas akong


nagbaling ng tingin sa kung saan iyon nanggagaling.

"Hmm." Ungol ni Jazmine.


Napabalikwas ako ng mapansing lamig na lamig siya at halos magtaklubong na ng
kumot.

"Jazmine?" Nag-aalalang tawag ko sa kanya at nanginginig pa yung katawan niya.


Sinalat ko yung noo at pisngi niya. "Ang init init mo!" Nahintatakutang bulalas ko
ngunit ungol lang yung naisagot niya sa akin at madiing nakapikit ang mga mata
niya.

Mabilis akong bumangon sa kama para kumuha ng basin at malinis na bimpo. Nilagyan
ko yun ng kayang tiisin na init at alcohol.

"Pupunasan kita." Sabi ko sa kanya pero ayaw niya patanggal nung kumot na nakabalot
sa katawan niya. "Jazmine." Nag-aalalang sambit ko sa pangalan niya as she crawled
like a ball in bed.

Hindi ko alam ang gagawin. Napapalatak ako sa sarili ko dahil sa pagkataranta ko at


di ako makapag-isip ng maayos.

"Peste." Mahinang mura ko sa sarili ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama sa tabi ni Jazmine upang kumuha ng
pajama. Dadalhin ko na lang siya sa hospital. Ang taas taas ng lagnat niya eh.
Pilit kong tinanggal yung suot niyang nighties at binihisan siya ng pajama. Agad
din akong nagpalit ng damit. Kinuha ko yung susi ng kotse bago siya binuhat na may
nakabalot pang kumot sa katawan niya.

Umuungol pa din siya habang pababa na kami ng hagdan. Ang init ng katawan niya.
Inaapoy na siya ng lagnat.

"Chyler..." Mahinang bigkas niya habang nakapikit pa siya.

"Dadalhin

kita sa hospital. Ang taas ng lagnat mo." Puno ng pag-aalalang sabi ko.

Ipinasok ko muna siya sa kotse ko saka mabilis ang galaw na binuksan ko yung gate
at tsaka ni-lock din yun pagkatapos kong mailabas yung sasakyan.

Nanginginig pa din siya sa lamig kaya pinatay ko na yung aircon ng kotse. Pasulyap
sulyap ako sa direksyon niya habang nagmamaneho. Dinala ko siya sa pinakamalapit na
hospital at agad naman siyang inasikaso.

Tiningnan ko yung suot kong relo. Three thirty-six ng madaling araw. Pero emergency
naman ito eh kaya dinial ko yung number ni Alex. Hindi niya agad iyon nasagot kaya
inulit ko. Sinabi ko sa kanyang pumunta sila dito sa hospital dahil inaapoy ng
lagnat si Jazmine.

Inoobserbahan pa nila si Jazmine. Naihilamos ko yung mga palad ko sa mukha.


Nakasama ba sa kanya yung nangyare sa amin kagabi?

Di ko tuloy maiwasang sisihin yung sarili ko sa pagiging reckless ko. Hinayaan kong
manaig yung kagustuhan ng katawan ko ng di man lang nag-isip.

Pero di ba gusto din naman niya yun? Aniya ng aking isipan.

Pero basang basa siya ng ulan kahapon. Lumabas yung doktor na nag-obserba sa kanya
at sinabing okay na si Jazmine pero kailangan pa din na ma-monitor siya dahil sa
taas ng lagnat niya. Ililipat na daw siya ng kuwarto para ma-examine pa.
"Chyler." Humahangos na tawag sa akin ni Alex kasama ang nag-aalalang si Ara at
Taz.

"Ililipat na daw siya ng kuwarto. Kakatapos lang siyang maobserbahan." Balita ko sa


kanila.

"Naulanan ba siya kahapon?" Tanong naman ni Taz.

"Oo." Sagot ko.

Narinig ko yung paulit ulit na pagmumura

ni Alex at nagtatanong na napatingin ako sa kanya.

"Hindi siya pwedeng maulanan." Halos mangiyak-ngiyak na saad ni Ara at hinawakan sa


braso si Alex para pakalmahin.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Mahina ang resistensya niya sa ulan." Tugon ni Ara. "Kaya iniiwasan naming
maulanan siya dahil ganito nga ang mangyayare sa kanya."

"H-hindi ko alam..." Bagsak ang balikat na sabi ko. "Okay pa naman siya kagabi."
Mahinang sabi ko.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng pribadong kuwarto ni Jazmine. May nakakabit
sa kanyang dextrose at mahimbing ng natutulog. Ang putla putla ng mukha niya.

"Sweetheart..." Naiiyak na agad lumapit si Arabella sa anak at hinalikan sa noo at


inayos yung ilang hibla ng buhok niyang nakatakip sa kanyang mukha. Lumapit na din
si Taz sa kabilang side ni Jaz at pinatong yung kamay niya sa kamay ng kapatid.

Para naman ng nakahinga ng maluwag si Alex sa tabi ko. "Buti tinakbo mo siya agad
dito sa hospital."

"Y-yeah." Kung alam lang niyang halos di ko malaman ang gagawin kanina.

Sa training namin, nasama din sa kung paano mag-treat ng taong may sakit lalo na
kapag natamaan ng bala ang kasamahan namin, pero iba pala kapag totoo na. At parte
pa ng pamilya mo ang involved.

Nang mag umaga na, nagpaalam pansamantala si Taz kasama si Alex dahil may pasok pa
sa school yung una. Ako naman nagpaalam kay Arabella na siya na muna ang
pansamantalang magbabantay kay Jazmine na hindi pa rin gumigising para
makapagpaalam ako ng pormal sa presinto.

Agad naman akong pinayagan ni chef ng nagpaalam ako sandali sa kanya na magle-leave

dahil may sakit si Jazmine at naka-confine sa hospital.

"Kumusta na si Jaz?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Erick ng makalabas ako ng


opisina ni chef.

Napabuga ako ng hangin. "Tulog pa din ng umalis ako." Tugon ko. "Ang taas taas ng
lagnat niya kaninang madaling araw."

"Halata ngang wala kang tulog." Sabi niya sa akin. "Pahinga ka din baka ikaw naman
magkasakit." Sabay tapik sa balikat ko.
"Alis na ako." Paalam ko sa kanya.

"Sige." Sabay tangong sabi niya sa akin. "Wag mo kalimutang bumili ng bulaklak at
prutas pagbalik mo sa hospital." Habol na sabi niya.

"Erick..."

"Oo alam ko, alam ko." Sabay kampay ng kamay niya sa harapan ko. "Si Ann pa lang
nabibigyan mo ng bulaklak." Sabi niya at napabuntong hininga ako dun. "Pero Chyler,
asawa mo na si Jazmine. Kalimutan mo na nakaraan mo at move on ka na kasama si
Jaz."

Hindi ako sumagot. Yeah, I know. May nangyare na sa amin ni Jazmine, pero di naman
ibig sabihin nun na nakalimutan ko na ang lahat ng sa amin ni Ann. Ayokong gamitin
si Jazmine para makalimutan siya. Unfair yun sa asawa ko.

Pero di ba mas unfair na may iba kang iniisip sa gayong siya NA ang asawa mo at may
sakit pa?

Ipinilig ko yung ulo ko at tuluyan ng umalis ng presinto. Naisip ko naman talagang


bumili ng prutas bago yun nasabi ni Erick sa akin, pero yung bulaklak?

Haist...

Natutulog pa din si Jazmine ng bumalik ako ng hospital na may dalang isang basket
ng prutas... at isang bouquet ng flowers.

"Hinahanap ka niya kaninang nagising siya." Balita sa akin ni Ara.

"Kumusta na siya?" Tanong

ko sabay salat sa noo niyang mainit pa.

"Bumaba na naman yung lagnat niya." Tugon ni Ara.

Umungol si Jazmine saka ipinilig yung ulo. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at
nakita ako.

"Chyler..." Mahinang tawag niya sa akin.

"Hey," Naupo ako sa gilid ng kama.

"Kadarating mo lang?" Pilit siyang gumalaw para bumangon.

"Wag ka muna bumangon." Saway ko sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat.

Di na rin naman siya nagpumilit bumangon at nahiga na lang sa kama.

"Binilhan kita ng prutas." Sabi ko sa kanya at napatingin siya sa katabing lamesa


ng kama niya at napadako yung tingin niya sa bulaklak na binili ko. Inabot ko yun
saka ibinigay sa kanya. "Tsaka bulaklak na rin."

Kahit mahina pa siya, pilit siyang ngumiti sa akin. "Thank you." Sambit niya na
inamoy pa yung bulaklak tsaka inilapag sa tabi niya.

"Alis na muna ako." Nakangiting paalam sa amin ni Arabella at tumayo na sa


kinauupuan. "Pagaling ka, Remooji." Hinalikan niya sa pisngi si Jazmine.

"Ingat ka, mom." Sabi ni Jazmine.


"And please, wag ka ng magpapaulan pa." She warned Jazmine too.

"I wasn't expecting that." Dahilan naman nung isa. Tiningnan lang siya ng
makahulugan ng mommy niya. "Okay, hindi na ako magpapaulan ulit." Suko ng sabi niya
sa ina.

Tuluyan na ngang umalis si Arabella at sinabing babalik na lang siya mamyang hapon
o di kaya mamyang gabi.

"Sorry." Sabi ko kay Jazmine ng makaalis na si Ara.

"For what?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Kung nasundo sana kita agad kahapon di hindi ka sana naulanan." Saad ko.

"Ano ka ba?" Bigkas niya saka

idinantay yung kamay niyang may dextrose sa kamay ko na nakapatong sa hita kong
nakasampa sa kama. "Sabi mo nga may meeting kayo kaya hindi mo ako agad nasundo di
ba?" Tumango ako sa kanya. "Valid naman yung reason mo eh."

"Tapos di ka pa agad nakapagbihis kagabi dahil sa akin na naman." May himig


panunukso yung boses ko.

Biglang nalukot yung magandang mukha niya. "Pinagsisisihan mo ba yung nangyare sa


atin kagabi?" Malungkot na tanong niya.

"No!" Agad na tugon ko sa kanya. "Of course not." Kinuha ko yung kamay niya at
hinawakan yun. "Malay ko ba kasing sakitin ka pala." Tukso ko.

Napalabi siya sa sinabi ko. "Hindi ako sakitin 'no. Mahina lang talaga resistensya
ko sa ulan."

"Eh ganun naman na din yun." Dagdag ko.

"Magkaiba yun kaya." Mas lalo pa humaba yung nguso niya.

Natawa ako ng mahina sa ka-cute tan niya. "Dalian mo magpagaling, di bagay sayo may
sakit." Biro ko sa kanya. "Pumapangit ka."

Nagtakip siya ng mukha. "Chyler naman eh." Parang batang reklamo niya.

"Oo na hindi na." Hinawakan ko yung magkabilang wrists niya at tinanggal iyon sa
pagkakatakip sa mukha niya. Only to find out na nakapikit pala siya. "Jazmine."
Nakangiting tawag ko sa pangalan niya.

"Ikaw kaya ang pangit." Nakangusong sabi niya ng magmulat ng mata.

"Ako? Pangit?" Sabay turo sa sarili ko. "Patay na patay ka nga sa akin eh." Ganting
tukso ko sa kanya.

"Hardly." Sabay irap sa akin at tinaasan ko siya ng kilay. "Patay lang hindi patay
na patay." Agad na bawi niya.

"Ganun pa rin yun." Ang sarap lang kasi niyang asarin minsan.

"Kainis ka talaga." Nakalabi na namang sabi


niya.

"Tsk." Palatak ko. "Kumusta na pakiramdam mo?" Pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Medyo okay na ako." Tugon niya.

"Ang taas ng lagnat mo kagabi. Nagdedeliryo ka pa." Saad ko. "Akala ko nga kaya ka
nagkasakit dahil sa," Tumikhim ako. "Nangyare sa atin."

Nagtatanong naman ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Ganun ba yun? Lalagnatin
ka ba talaga pagkatapos?" Inosenteng tanong niya sa akin.

Natawa naman ako ng mahina. "Hindi naman."

She really took me by surprise last night. Buong akala ko talaga hindi na siya
virgin dahil nga naman sa reputasyon niyang pagiging playgirl at hello,
nakikipaghalikan pa siya in public one time na naging bodyguard niya ako. Kaya
naman di ko naiwasang isipin na hindi na nga siya virgin. Pero sabi nga nila, Don't
judge the book by its cover.

Naghuhugas ako ng nagamit na pinggan at kutsara ng bumukas yung pinto at iniluwa


nito si Taz na may kasamang matikas na lalake kinahapunan.

"David!" Tuwang tuwang bati ni Jazmine sa lalake.

"RJ!" Masaya ding bati nung lalake na tinawag niyang David at mabilis na nilapitan
si Jazmine na nakakaupo na ngayon sa kama.

Nagsalubong yung kilay ko ng makitang hinalikan nung David si Jaz sa gilid ng labi
at tsaka niyakap ng mahigpit. Parang wala lang naman iyon kay Jazmine kahit pa
siguro sa labi siya nito halikan.

Napatigil tuloy ako sa ginagawa at pinanood silang dalawa na masayang nagkwentuhan


at bakas din sa tono ng lalake na miss na miss niya si Jazmine at sobra ding nag-
alala ng malamang may sakit siya.

Hindi man lang niya yata ako naalalang ipakilala sa kung sino mang Poncho Pilato'ng
kausap niya ngayon at hawak pa ang kamay ng asawa ko. Seryoso ang mukhang sumandal
ako sa may counter at humalukipkip.

Lumapit sa akin si Taz na may dala-dalang mansanas sa kamay. Hinugasan niya iyon sa
may faucet. Saka tumabi sa akin at sumandal din dun.

"Magkababata sila." Saad ni Taz saka kumagat sa mansanas. Dinig ko pa yung pagnguya
niya.

"Kaya pala close sila." Tugon ko sa kanya.

"Yup." Sagot ni Taz ng malunok na yung kinakain. "Super close." Saka kumagat ulit
sa mansanas. "Sweet din yang si David." Makahulugang sabi niya at napabaling ako ng
tingin sa kanya.

Ngumisi lang siya sa akin at ipinagpatuloy na ang pagkain ng mansanas.

Next update... kay Hailey naman. Pwede na siya update 😊 Magja-jive na sila ng
story ni Jaz haha.
=================

Chapter 23 Spoiled

"Your cute little smile and happy laughter attracted me to you, but your caring
loving heart is the reason why I want to spend the rest of my life with you."

Jaz POV

Miyerkules ng umaga pinayagan na akong lumabas ng hospital ng free na ako from any
infections.

"Narinig mo ang sabi nung doktor," Paalala sa akin ni Chyler ng makauwi na kami sa
bahay namin.

It's good to be home. Saad ko at naupo sa gilid ng kama at inilibot ang mga mata ko
da loob ng kuwarto.

"Jazmine nakikinig ka ba sa akin?" Tanong ni Chyler na nakapameywang na sa may tabi


ng closet. Ibinabalik niya yung mga di nagamit na damit dun.

"May sinasabi ka ba?" Patay malisyang tanong ko sa kanya.

"Seryoso?" Sambit niya.

"Sorry, kasi naman na-miss ko 'tong bahay natin." Nakangiting sabi ko sa kanya saka
tumayo ako at nilapitan siya. "Nakakamiss pala 'tong bahay natin?" Saka ko siya
niyakap sa likuran.

She chuckles. "Para ka talagang bata." Naiiling na sabi niya na ipinagpatuloy ang
ginagawa habang nakayakap pa din ako sa kanya.

"Chy?" Malambing na tawag ko at inamoy ko pa talaga yung damit niya.

"O?" Bigkas niya habang inaayos na yung mga damit sa closet saka iyon isinara.

"Parang gusto ko ng sinigang na baboy." Paglalambing ko.

"Ha?" Humarap na siya ng tuluyan sa akin.

"Ay hindi na pala nagbago na ang isip ko." I grin. "Gusto ko pala ng menudo."

"Sige ipagluluto kita ng menudo." Sabi niya.

"Ayoko na pala ng menudo." I'm making fun of her already. "I want kare-kare
instead."

"Okay." Natatawang

sabi niya. "Make up your mind first." Saka niya ako masuyong itinulak para
makakalas sa yakap ko at iniligpit na yung bag na ginamit namin.

Papalabhan na lang daw niya yun kay Aling Esang. Yung weekly na nagpupunta dito sa
bahay para mag general cleaning at maglaba.
"Nilagang baka na lang pala." Sabay ngisi ko sa kanya.

"Sa tingin ko naman hindi kita nabuntis 'no para maglihi ka?" Natatawang naiiling
na sabi niya.

"Gusto mo na ba?" Malambing na tanong ko sa kanya saka niyakap siya ulit. Oo na ako
na ang clingy. Masarap siyang yakapin eh tsaka di ko 'to nagagawa sa hospital dahil
maya't maya may dumadalaw sa akin dun.

"Ang alin?" Hinawakan naman niya ako sa balakang saka ako tiningnan.

"Na magka-baby." Sabi ko.

"I don't think this is the right time for us to have a baby." Sagot niya. "Mag-aral
ka muna. Makakapaghintay naman yun."

Ngumiti ako sa kanya. Yun din naman ang balak ko eh. Tatapusin ko muna yung pag-
aaral ko bago yun. At masaya ako dahil iisa kami ng kaisipan ni Chyler.

"Sige na pahinga ka na muna dito sa kuwarto, magluluto lang ako ng nilagang baka
mo." At tsaka masuyo niya akong itinulak sa kama.

"Eeeh." Reklamo ko sa kanya. "Puros higa na nga lang ang ginawa ko sa hospital
tapos pati ba naman dito sa bahay? Samahan na lang kita sa baba."

"Baka nga mabinat ka." Paliwanag niya sa akin.

"Okay na ako. Magaling na ako." Nakalabing sabi ko. "Sige na."

"Jazmine wag ng matigas ang ulo." Saway niya sa akin at mas lalo kong hinabaan yung
nguso ko. "Sige na nga. Samahan mo na ako sa kusina." Hinawakan niya ako sa

kamay at naglakad na kami patungo sa pintuan. Nakangiti na ulit ako. "Samahan mo


lang ako ha? Walang gagawa dito sa bahay, maliwanag?" Paalala pa niya sa akin bago
kami tuluyang lumabas ng kuwarto.

"Yes, detective." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Good." Nakangising sambit niya at nagtungo na kaming dalawa sa kusina.

Ayaw niya talaga magpatulong sa akin habang nagluluto siya ng kanin at saka
nagpapakulo ng baka at the same time. Nag-eenjoy naman akong panoorin siya habang
nakapangalumbaba ako dito sa may lamesa.

"Patikim ako." Ungot ko sa kanya ng tinitikman na niya yung malapit ng malutong


nilagang baka.

Sumandok siya ng sabaw saka iyon hinipan. "Mainit pa." Paalala niya sa akin ng
isinusubo na niya yung sandok na may lamang sabaw.

Hinipan ko muna yun bago tinikman. Kunwari pa akong napapikit para namnamin yung
lasa nung niluluto niyang ulam.

"Sarap!" Puri ko sabay mulat ng mga mata.

Unti-unting nawala yung ngiti ko ng mapansing titig na titig siya sa akin. Hindi
ako nag-iwas ng tingin at sinalubong ang mga titig niya sa akin. She slowly lowered
down her head to kiss me without breaking the eye contact. Pero bago pa man lumapat
yung labi niya sa labi ko, umeksena na yung tunog ng umapaw na sabaw nung niluluto
niyang nilaga.

Napapikit siya. "Anak ng tinapa." Nanghihinayang at mahinang sambit niya saka


reluctant na lumayo sa akin para asikasuhin yung niluluto niya.

"Mukhang luto na naman yan eh." Saad ko habang pinipigilan kong wag mangiti ng
malapad sa kinauupuan ko.

Paano kasi, kitang kita ko yung pagkadismaya sa mukha niya ng di natuloy yung

kiss sana namin. Tsk. Malapit na kasi eh. And to think na, gusto niya akong
halikan... eeeeeh nagwawala yung puso ko sa saya.

Masaya naming pinagsaluhan ni Chyler yung pagkain. Magaling siyang magluto at mas
masarap pa 'to sa panlasa ko dahil niluto niya yung ni-request ko sa kanya. Sweet.

Nanonood kami ng tv ni Chyler dito sa sala ng biglang tumunog yung buzzer sa may
gate pagsapit ng gabi.

"Ako na." Presenta ni Chyler na agad ng tumayo at binuksan yung pinto para tingnan
kung sino yun.

Ilang sandali lang din yun at bumalik na siya, kasama si Ashley na may pasa sa
gilid ng labi at naka-uniform pa ng pang volleyball.

Mabilis akong napatayo at nilapitan si Ash. "Hey, what happened?" Nag-aalalang


tanong ko.

Si Ash kasi yung taong di napapaaway sa aming magpipinsan. Kaya naman nagtataka ako
kung bakit may pasa siya ngayon.

"Hailey and I got wrapped up." Paliwanag niya.

"Ha?" Nabiglang sambit ko. "Why?"

"Heto o." Iniabot sa akin ni Chyler yung ice pack at nagpasalamat ako sa kanya
tsaka inabot din yun kay Ashley.

"Because of Stef." Sagot niya habang hawak hawak yung ice pack sa may pasa.

"Tsk." Palatak ko. "Sinabi ko na kasi sayong wag ka magpapa-cute dun eh. Alam mong
malakas selos sayo ni Hailey."

Hindi siya nakakibo agad. She sighed. "I told her I like Stephanie."

Binatukan ko nga siya. "Crazy asshole!" Singhal ko sa kanya.

Naka-pout na sinapo naman niya yung ulo niyang binatukan ko. "Sinapak na nga ako ni
Hailey, tapos binatukan mo pa ako." Himutok niya.

"Stupid ka din minsan kasi!" Magkasalubong

ang kilay na sabi ko pa. "Magagalit talaga yun sayo tinalo mo siya alam mo na ngang
girlfriend niya yung tao." Gusto ko tuloy siyang batukan ulit.

"Iniisip ko ngayon kung paano ako uuwi sa bahay." Malaki talagang problema yun.

"Kapag nalaman 'to ng mga magulang natin, lagot kayong dalawa ni Hailey.
Magbabakasyon grande kayong dalawa." Tiyak kasi na mapapagalitan sila kasi isa sa
rules ng pamilya ang bawal mag-away dahil lang sa iisang babae.

"Kaya nga di muna ako umuuwi ng bahay simula ng maihatid ko si Stef sa kanila dahil
tiyak na lagot ako dito." Sabay turo sa pasa niya.

"Inihatid mo pa talaga si Stef sa kanila ha?" Nakasimangot na sabi ko sa kanya.


"Sasamain ka talaga kay Hailey pag nagkataon." Napailing iling na lang ako.

"Hayaan mo na nga muna yung sa amin ni Hailey. Para namang di mo yun kilala." Wika
niya. "Yung pag-uwi ko sa bahay ang problemahin natin ngayon."

"Di naman pwedeng dito ka matulog, tiyak na magtataka mama mo." Problema niya,
problema ko na rin. Ganun naman kaming magpipinsan. Problema ng isa, problema
naming apat. "Samahan na lang kaya kita sa inyo?" Suggestion ko. "Ako ang mag-
aalibi kina tita Dani."

"Okay lang ba sayo?" Tanong niya.

"Oo naman!" Agad na sagot ko. Tumingin ako kay Chyler sa tabi ko. "Pwede ba nating
samahan si Ash na umuwi sa kanila?" Paalam ko sa kanya.

"Baka mabinat ka." May pag-aalalang sabi niya.

"Hindi naman siguro." Tugon ko. "Ihahatid lang naman natin siya eh."

"Sige." Payag niya. "May kukunin lang ako sa taas." Dagdag pa niya at tumayo na
saka umakyat sa hagdan.

"Okay

na ba ang pagsasama niyo ni detective?" Tanong sa akin ni Ash.

"Medyo." Tipid na sagot ko.

Hindi naman na siya nangulit pa tungkol dun. Ilang saglit pa'y bumaba na si Chyler
na nakasuot na ng leather jacket at may tangan ding isa pang jacket sa kamay.

Iniabot niya yun sa akin pagkalapit niya. "Isuot mo 'to para di ka mahamugan sa
labas."

Spoiled na ako sa kanya ngayong araw na 'to promise.

Kinuha ko yun sa kanya saka isinuot. Sabay sabay na kaming tatlo na lumabas ng
bahay. Yung kotse ni Chyler ang ginamit namin at sinundan na lang yung sasakyan
naman ni Ashley.

Nang makarating kami sa bahay nila Ash sa Pasay, hinintay muna niya kami ni Chyler
na makababa ng sasakyan at sabay na kaming pumasok sa loob.

"Cous, galingan mo ha?" Bulong sa akin ni Ash ng madatnan namin sina tita Dani at
tita Camille sa living room nila.

"Ako na ang bahala." Ganting bulong ko din.

Agad na napatayo si tita Camille ng makita yung itsura at pasa ni Ashley.

"Ash, anong nangyare sayo?" Nag-aalalang tanong niya na agad sinipat ng tingin yung
mukha ni Ash. Gusto ko sanang matawa dahil bine-baby pa talaga ni tita Cami si Ash.
"Bakit may pasa ka?"

Tumayo na din si tita Dani na magkasalubong na yung kilay sa pagkakatitig sa anak.


Istrikto si tita Dani, parang si mama Alex ko lang din.

"Care to explain this Ashley Gray?" Maawtoridad na saad ni tita Dani as she crosses
her arms across her chest sa tabi ng asawa.

"Ah tita." Pukaw ko kay tita Danielle. "Napag-tripan po yata siya dun sa may kanto
bago lumiko papunta sa subdivision namin kaya nasuntok siya.

Dadalawin sana niya ako."

"Totoo ba yun Ash?" Seryosong tanong ni tita Dani.

"Opo, ma." Nakayukong sagot ni Ashley.

"Buti nga po nadaanan siya ni Chyler na lumabas para bumili ng ulam namin sa
malapit lang na resto dun." Dagdag ko pa. "Di ba, hon?" Baling ko kay Chyler na
bahagyang nagulat pa.

"Oo." Sang-ayon niya at gusto kong magpasalamat sa kanya. "Mga siga po ang mga yun
dun. Pero okay na ho, naipa-blotter ko na sa barangay."

Lihim akong napangiti sa ginawa niya. Parang gusto ko tuloy siyang palakpakan.

"Mabuti nga po yan lang inabot niya." Dagdag ko naman.

"Sa susunod mag-ingat ka anak ha?" Nag-aalala pa ring sabi ni tita Camille.

"Yes, mom." Magalang na tugon ni Ash.

Mukhang naniwala na naman si tita Danielle sa amin at di na ulit siya nagtanong pa


tungkol dun sa issue.

"Gamutin mo na agad yan." Sabi ni tita Danielle kay Ashley.

"Opo, mama." Natatawa na talaga ako kay Ashley, puro oo or yes na lang ang sagot sa
magulang.

"Ah tita, alis na din ho kami. Sinamahan lang po talaga namin si Ash dito baka
balikan ng mga yun eh." Paalam ko sa mga magulang ni Ashley.

"Salamat, Jazmine. Detective." Sabi sa amin ni tita Danielle. "Kumusta na? Magaling
ka na ba talaga?" Naalalang tanong ni tita Dani.

"Opo tita. Papasok na nga po ako bukas sa school." Sabay ngiti ng tipid sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun." Saka siya nagbaling ng tingin kay Chyler. "Hinay hinay
lang muna detective." Saka siya tumikhim. "Baka mabinat." Makahulugang sabi ni tita
sa asawa ko.

Natawa lang naman ng mahina si Chyler sa tabi ko. Nagpaalam na ulit kami. Ashley
mouthed thank you to me bago kami tuluyang lumabas ng bahay nila at tinungo na yung
sasakyan.

"Salamat kanina ha?" Nakangiting sabi ko kay Chyler ng pauwi na kami sa bahay.

"No problem." Nakangiting tugon niya sabay sulyap sa akin. "Mukha kasing di
naniwala sayo yung tita Dani mo."

"Halata ko din." Sang-ayon ko sa kanya. "Buti na lang kasama kita." Saka ko


ikinawit yung kamay ko sa kanang braso niya at inihilig yung ulo ko sa balikat
niya.

"Ginawa mo nga akong accessory to the crime." Biro niya sa akin.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

=================

Chapter 24 Possessive?

"The ultimate test to a relationship is to disagree but to hold hands."

Chyler POV

"Wala na bang MAS iikli pa diyan?" Nayayamot na tanong ko kay Jazmine ng lumabas na
siya ng bahay at sabay na kaming aalis, sakay ng kanya-kanya naming mga sasakyan,
Thursday morning.

Kunot-noo naman niyang pinagmasdan ang suot na uniform. Papasok na siya sa school
since pwede na naman daw kaya lang wag muna siyang gagawa ng mga extreme school
activities baka mabinat siya.

"Okay naman 'tong suot ko eh." Sagot niya na parang proud pang hinawakan yung
magkabilang dulo ng side ng suot na maikling skirt sa harapan ko.

"Okay?" Di makapaniwalang tanong ko. "Ba't nagsuot ka pa ng damit kung ganyan lang
din kaikli?" Naiinis na sabi ko.

She twitched her lips. Tumingin siya sa suot na wrist watch. "Sige na alis na
tayo." Saka parang wala lang na lumapit siya sa akin na nakasandal sa kotse ko na
di na maipinta ang mukha. "Ingat ka detective." Malambing na sabi niya pagkatapos
niya akong halikan sa labi saka naglakad na papunta sa kotse niya.

"Jazmine." Tawag ko sa kanya habang magkasalubong pa din yung kilay ko at


nakahalukipkip na.

Lumingon naman siya sa akin pagkatapos niyang buksan yung pinto ng kotse niya.
"What?"

"Wala ka na bang ibang school uniform?" Tanong ko.

"Wala. Pare-pareho naman yung uniform naming mga nasa second year." Patay malisyang
sagot niya.

Kada year yata ay may distinctive na uniform ang bawat isa. Pero yung iba namang
nakita ko dati sa school nila okay lang naman yung haba. Yung suot kasi ni Jazmine
na
skirt, isang dangkal lang yata ang haba!

"Sige na pasok na ako. Ayoko ma-late sa school." Nag flying kiss pa sa akin bago
tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Bumusina pa siya bago tuluyang pinasibad na
ang kotse.

Ano pa bang magagawa ko? Nakaalis na eh. Kaya pumasok na din ako sa loob ng kotse
ko at pumasok na sa trabaho.

"O?" Bungad sa akin ni Erick ng makita ako pagpasok ko sa loob ng presinto. "Bakit
ganyan ang mukha mo?"

"Wala." Walang ganang sagot ko.

"Did you woke up at the wrong side of bed?" Nag-english pa!

Sinimangutan ko naman siya. "Pinagsasabi mo diyan? Naka-drugs ka ba?"

Nagkamot siya ng ulo. "Ngayon lang nakapag-english eh, binara pa."

Tinapik ko siya sa balikat. "Pag patuloy mo yan, Erick. Lalago ang ekonomiya natin
pag nagkataon." Biro ko sa kanya.

"Gago ka talaga, dela Rosa." Akma niya akong babatukan pero lumayo ako sa kanya.

"Sige na, sige na. Trabaho na tayo." Sabay kampay ng kamay ko sa kanya at tinungo
na yung opisina ko.

The next few hours, naging busy na ako sa mga kasong hawak ko. Gumawa din ako ng
parang web chain sa may blackboard dun para pagdugtong dugtungin ang pangyayare sa
isang kaso ng murder na hawak ko ngayon. Sinimulan ko sa pag-alis ng bahay nung
biktima hanggang sa makarating na ito sa destinasyon niya. Para kasing may kulang
sa kwento nung testigo. Yup... habang on going pa lang ang imbestigasyon,
everybody's a suspect. Pero lahat ay inosente hanggang di pa napapatunayan na siya
nga ay nagkasala. See? It's complicated.

Isang katok sa pintuan ko ang pumukaw sa aking pansin.

"Pasok."

Tugon ko ng hindi man lang nag-abalang tingnan kung sinuman yung kumakatok.

Nakatuon kasi yung pansin ko sa blackboard. Nakasandal ako sa gilid ng lamesa


habang naka cross arm at abalang nag-iisip sa kung anong posibleng motibo nung
killer dun sa biktima.

"Ang complicated naman niyan."

Bigla akong napabaling dun sa nagsalita. Napakunot noo ako ng makita ko si Jazmine
na nakatayo na sa tabi ko at nakikititig sa blackboard.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?" Takang tanong ko sa kanya.

"Wala yung prof." Saad niya na sa blackboard pa rin nakatitig.

Tiningnan ko naman yung relo ko. Past eleven in the morning pa lang ah.

"Eh di sana hinintay mo na lang yung next subject mo." Sabi ko naman.
"Mayang one thirty pa lang yung next subject ko, Chy." She rolled her eyes. "And I
want to spend my free hours with you." She explained.

"Jazmine, nasa trabaho ako. Wala ako sa playground." Napakamot ako sa noo.

"Hindi naman kita aabalahin sa trabaho mo eh." Yun ang sabi niya pero lumapit naman
sa akin saka ikinawit yung braso niya sa leeg ko.

"Jaz..." Saway ko sa kanya.

"Wala naman akong ginagawa ah." Pilyang sabi niya saka idinikit pa lalo yung
katawan niya sa akin.

"Nasa presinto tayo, in case nakalimutan mo." At bakit nga ba wala akong ginagawa
para pigalan siya sa pang-aakit sa akin ngayon? Well...

"Alam ko." Sabi niya at ramdam ko yung pagkakalapat ng dibdib niya sa katawan ko.

She triled my lips with her index finger at saka nag-angat ng tingin tapos ngumiti
sa akin.

Hinawakan ko siya sa balakang. "You're

such a tease. Ang kulit kulit kulit mo din." Gusto ko tuloy kurutin yung matangos
niyang ilong.

Natawa siya ng bahagya na nagpakita sa dimple niya sa kanang pisngi.

"Ikaw naman, masungit." Sabi niya sa akin at tukuyan na akong niyakap sa batok. Ang
lapit lapit ng mukha niya sa akin.

"Sinong masungit ha?" Hamon ko naman sa kanya saka hinapit na din siya sa beywang.

Hindi siya sumagot, bagkus hinalikan niya ako sa labi. Paulit ulit niya akong
binigyan ng smack kiss... na may tunog pa.

"Jazm---" Sawayin ko sana siya pero diniin na niya yung labi niya sa akin.

Pinaglalaruan na din ng mga kamay niya yung buhok ko sa likod habang hinahalikan
niya ako.

Shite, bakit parang biglang uminit dito sa loob ng opisina ko?

Kinakagat kagat din niya yung lower lip ko. Mas lalo ko tuloy siyang hinapit sa
katawan ko at tinugon na din yung mga halik niya sa akin.

I deepen the kiss as my hands slide down her butt and cupped her behind pressing
her to myself. I heard her moan when I thrusted my tongue inside her mouth.

Para naman akong mas lalo pang naakit na ipagpatuloy ang paghalik sa kanya ng
mapusok. Umikot ako para siya na ang nakasandal sa gilid ng lamesa ko.

I left her mouth and showered her neck with little kisses. She throw her head up to
give me a better access to her neck.

"Chy..." She whispered and it sounds like a moan to me.

Hinalikan ko siya pababa sa exposed na cleavage niya mula sa nakabukas na butones


ng suot niyang blouse na may logo ng MGU sa kaliwang bahagi. Masuyo ko siyang
hinahaplos haplos sa hita pataas sa maikling skirt

niya.

Umakyat ang mga labi ko sa leeg niya. "Damn..." Bulong ko.

I reluctantly tipped back at parang mas lalo yata akong nag-init ng makita yung
epekto ko sa kanya. She looks so flushy right now.

She slowly opened her eyes. And hey, those blue eyes sets me on fire!

Pero kailangan kong kontrolin yung sarili ko kung hindi baka maangkin ko siya dito
mismo sa loob ng opisina ko. At isa pa, kagagaling lang niya sa sakit, baka mabinat
siya dahil dun.

"Why did you stop?" She asked na muling nilaro yung buhok ko sa likod. Those
bedroom voice...

"Bukod sa nandito tayo sa presinto, kalalabas mo lang kahapon sa hospital." Medyo


hingal pang sagot ko sa kanya.

"Chy..." Para siyang nakikiusap sa akin.

Napalunok ako. Peste naman! Bakit ba kasi nawawala ang kontrol ko sa sarili
pagdating sa babaeng 'to?

"Siguro mas maganda kung bumalik ka na lang sa school niyo." At mauubusan yata ako
ng lakas sa kanya dahil kailangan kong ibigay yun para ilayo yung katawan ko sa
kanya.

I heard her sigh. "Ayoko." Protesta niya.

"Jaz..." May pananaway na bigkas ko.

"Masama bang makasama yung asawa ko sa lunch?" Nakasimangot na saad niya.

Ako naman ngayon ang napabuntong hininga. Kung makahanap ka nga naman oo ng
saksakan sa kakulitan.

"Oo na sige na." Napakamot ako sa batok. "At kung pupwede dun ka muna sa sofa
maupo."

"Why?" Sabay pilyang ngiti sa akin. "Naiinitan ka ba detective?" Nang aakit na sabi
pa niya.

Napapikit ako. Uubusin nga talaga niya ang lakas ko. "Isa Jazmine." Banta ko sa
kanya.

She raised her both hands

na parang na hold up. "Alright." Parang maamong tupang sabi niya saka tumalima na
at naupo sa may sofa.

Pilit ko namang ibinalik sa tamang wisyo yung pag-iisip ko at itinuon ang pansin
dun sa kasong sino-solve ko.

Nang pumatak na yung alas dose, inaya ko na siyang lumabas para kumain. Paglabas
namin ng opisina ko, nabaling na yung tingin nila kay Jazmine, especially sa
exposed na legs niya.
Tumikhim ako at agad namang nagbawi ng tingin yung mga kasamahan ko. At para namang
nang-aasar pa ang pagkakataon at panay ang sulyap ng mga kalalakihan sa kanya ng
papasok na kami sa isang Filipino restuarant na napili kong kainan namin.

Tinanggal ko na nga yung jacket ko at ako na mismo ang nagtali nun sa beywang ni
Jazmine.

"Kita na kaluluwa mo." Asar na sambit ko.

"Yung totoo, Chyler." Saglit pa siyang natigilan sa paglalakad. "Ipinanganak ka ba


nung panahon ng mga kastila?" Panunukso niya.

Seryoso ang mukhang tumingin lang ako sa kanya bilang sagot ko. Hinawakan ko na
yung kamay niya at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng resto.

Lumapit sa amin yung waiter at hinayaan ko na siyang mag-order ng gusto niyang


pagkain. Pagkaraan ng ilang minuto pagkaalis nung waiter na kumuha ng order namin,
bumalik siya ulit siya sa kinauupuan namin.

"Ah, ma'am." Magalang na bati niya kay Jazmine.

"Yes?" She asked.

"Pwede daw po bang makuha ang pangalan at number niyo po sabi nung lalake dun sa
gilid." Saka itinuro yung tisoy na lalakeng nasa gilid at kumaway pa kay Jazmine ng
nagbaling siya ng tingin dun.

"Sorry pero di ko binibigay sa kung sinu-sino lang

number ko." Medyo mataray na sabi niya.

"At pakisabi din sa lalakeng yun na may asawa na siya." Singit ko naman at
tiningnan ng masama yung lalakeng humihingi ng number ni Jazmine.

"Ah eh... pasensya na po. Napag utusan lang." Napakamot yung waiter sa ulo. "Sige
po. Pakiantay na lang po yung order niyo."

Tumango lang ako sa kanya habang si Jazmine naman abala sa cellphone niya at di na
pinansin yung waiter.

"Closed na closed pala kayo nung David?" Naalala kong itanong sa kanya.

"Yeah." Sagot niya ng di man lang nag-aangat ng tingin sa akin.

"Busy ka yata." Di ko naitago yung pagkaasar sa boses ko. Paano pinuntahan niya ako
sa presinto para makasamang mag lunch pero busy'ng busy naman siya sa kakaklikot
nung cellphone niya.

Nag-angat siya ng tingin at napansin naman yata niya yung pagkayamot ko.

"Sorry." Nakangiwing sambit niya. "It's Ashley. Nakalimutan ko wala pala siyang
kasamang magla-lunch dahil magkaaway sila ngayon ni Hailey."

"Ikaw kung umalis na tayo dito at dun ka na lang sa school niyo kumain." Asar na
sabi ko.

"Chyler!" Mariing tawag niya sa pangalan ko.


Sumandal ako sa kinauupuan ko at tsaka humalukipkip. Magkasalubong ang kilay na
nagbaling na lang ako ng tingin sa labas ng glass wall ng resto.

"Hey," Inabot niya yung braso at kinalabit ako. "Chyler." Tawag niya ng hindi ako
tumitingin sa kanya. "Sorry, hindi naman ganun ang ibig kong sabihin eh."

Hindi pa din ako nagbabaling ng tingin sa kanya. Kinalabit niya ulit ako.

"Hon naman sorry na." Malambing na sabi niya kaya naman napabaling na ako ng tingin
sa kanya.

Sakto namang dumating na yung in order naming pagkain. At napangiti ako ng makita
kong nag order siya ng sisig para sa akin.

"Alam ko namang favorite mo yan eh." Sabi niya sa akin.

I smirked at her. "Pasalamat ka miss ko ng mag-ulam nito." Sabi ko sa kanya.

"Eh di thank you." She grinned.

"Gusto mong tikman?" Sabay subo sa kanya.

"Ah hindi na." Ang tigas ng tanggi niya as she shook her head fervently.

Natawa ako sa kanya ng bahagya ng maalala ko nung tinikman niya yung sisig.

"Stop it Chyler. Whatever is inside your mind right now." Babala niya sa akin.

Masaya na kaming kumain ng pananghalian at masaya ding nagkahiwalay pansamantala


para bumalik na ako sa trabaho at siya naman sa eskwelahan.

-Chyler on media 😊

Naipublish ko na po yung story ni Ashley Gray. Pero di ko po muna maa-update yun


agad kasi may dalawa pa po akong on going na stories. Kumbaga po patikim pa lang po
yun ng kung anong magiging takbo ng story ni Ash ^_^ Thank you and God bless 😘😘

=================

Chapter 25 Undercover

"Sometimes it's hard to find words to tell you how much you mean to me. A lot of
times, I don't say anything at all. But I hope someday you'll understand, having
you is what I live for."

Chyler POV
Nagising ako sa maingay na tunog ng motor. Sa pagkakatanda ko naman hindi ganun ang
tunog ng alarm clock ko.

"Peste, ang ingay ingay naman." Napakamot pa sa likod ng tengang sabi ko habang
nakapikit pa.

Ang aga-aga ang ingay ingay ng kapitbahay. Ano bang pinaggagagawa nila?

Nagulat pa ako ng may parang bumagsak na puno malapit lang sa bahay. Napalikwas
tuloy ako ng bangon. Wala na si Jazmine sa tabi ko. Bumaba ako ng kama at nagtungo
sa may balcony kung saan ko naririnig yung ingay ng chainsaw.

"Shite." Nagugulat na sambit ko habang pinagmamasdan ang ilang mga kalalakihan sa


likod bahay namin na nagdadamo, yung isa naman ang nagpuputol ng mga di naman gaano
kalakihang mga puno dun.

Anong nangyayare?

Naguguluhang bumaba ako ng hagdan at hinanap si Jazmine. Nakatayo siya sa may bukas
na pintuan papunta sa likod bahay at pinapanood yung mga naglilinis dun.

"Anong nangyayare dito?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

Mabilis siyang nag baling sa akin ng tingin saka ngumiti. "Good morning." Bati niya
sabay halik sa kanang pisngi ko.

"Anong ginagawa nila dito?" Hindi ko pinansin yung pagbati niya.

"Naglilinis." Matter of fact na sagot niya. Tiningnan ko siya ng makahulugan.


"Gusto ko lang kasi malinis na dito sa likod ng bahay. Balak ko kasing palagyan 'to
ng swimming pool."

"Swimming pool?!" Manghang bulalas

ko. "Wala akong maalalang may pinag-usapan tayong ganito, Jazmine."

"Oh!" Napatakip pa siya sa bibig na sabi niya. Ang arte lang ng reaksyon niya eh,
soyal na sosyal. "I'm sorry." Saka kunwari pang pinalungkot yung mukha niya. Alam
ko naman kasi kung alin ang genuin sa hindi. "So wala akong karapatang gumawa dito
sa bahay."

Napatirik yung mga mata ko. "Wala akong sinasabing ganyan." Nakapeywang na sabi ko.
"Ang sa akin lang naman sana pinag-uusapan muna natin bago ---"

"Eh di ganun na din yun." Parang bata naman 'to kung magtampo.

"Hindi nga pareho yun!" Di ko naiwasang magtaas ng boses.

Mas lalo pa tuloy humaba yung nguso niya. "Hindi mo pa nga ako binabati ng good
morning nagagalit ka na agad sa akin." Suminghot pa eh wala namang luha.

Napabuga ako ng hangin. Mag-asawa ka nga naman oo ng kagaya niya.

"Oo na, oo na!" Sabay kampay nung mga kamay ko. "Pumapayag na ako."

Biglang nagliwanag yung mukha niya at automatic yung ngiti niya sa labi. See? Nag-
iinarte lang po yung asawa ko para makuha niya yung gusto niya.
"Yung paglilinis lang nila ang pinapayagan ko ha?" Paalala ko sa kanya. "Yung sa
swimming pool, pag-uusapan pa natin yun."

"Chyler naman eh di mo pa lubusin." Niyakap niya ako sa beywang. "Sige na kasi."


Ungot pa niya sa akin.

"Jazmine ha, wag mo akong dinadaan daan sa mga paganyan ganyan mo." Saway ko sa
kanya. "Tsaka wag mo ako abusuhin."

"Hmp." Narinig kong sambit niya pero pinatong naman niya yung baba niya sa balikat
ko at tuluyan na akong niyakap.

Hindi ako gumanti hinayaan ko lang siya.

Nang mapansin ko yung suot niya.

"At bakit ganyan ang suot mo?" Hinawakan ko siya sa balikat at bahagya siyang
inilayo sa akin tsaka pinagmasdan yung suot niyang nighties na kulay pink,
pinatungan niya ng kulay pink din na silk robe na hindi naman nakabuhol sa gitna
kaya kita ang ka-sexyhan niya.

"Kakagising ko lang kasi ng dumating sila." Paliwanag niya.

"Maanong nagbihis ka muna?" Aga aga pinapainit niya yung ulo ko. "Puros mga lalake
yan o!" Sabay mosyon sa mga gumagawa.

"Napaka ano mo talaga!" Sabay irap sa akin.

"Ano?" Hamon ko sa kanya at nameywang ulit.

"Wala!" Saka ako inirapan.

Tinalikuran niya ako at tsaka nagpunta sa may counter. Sinulyapan ko muna yung mga
nagtatrabaho bago siya sinundan.

"Kape gusto mo?" Masungit na tanong niya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya. "Eh sino magbabantay sa mga yan? Wag mong sabihin sa
akin na hindi ka papasok?" Saka humalukipkip at sumandal dun sa counter habang
nagtitimpla naman siya ng kape ko.

"Papasok po ako, ma'am." Saka na naman ako inirapan.

"Eh sino nga magbabantay sa mga yan?" Ulit ko sa tanong at di na pinansin yung
pagtataray niya sa akin. Minsan kasi yang mga babaeng nagtataray, wag na pansinin
baka mas lalong mag inarte.

"Ako."

Mabilis akong napabaling ng tingin kay Taz na may hawak hawak na naman na mansanas
at kasalukuyang nginunguya yung nasa bibig. Tumigil siya sa paglapit at maangas na
nakatayo sa gitna ng kusina. Saan siya nanggaling? Bakit di ko siya napansin agad?

Three days ago, naganap ang kanyang eleganteng 18th birthday celebration.

"Wala

ka bang pasok?" Takang tanong ko sa kanya. Ang aga naman niyang nandito.
"Meron." Parang wala lang na sagot niya at sa kinakaing mansanas pa talaga siya
nakatingin saka kumagat.

Siya na ang pinakamaingay na narinig kong kumakain ng mansanas!

"Aabsent ka?" Tanong ko sa kanya. Iniabot na sa akin ni Jazmine yung kape ko at


tumabi sa akin sa pagkakasandal sa counter.

She rolled her eyes. "Look detective, nasermonan na ako ni mommy kaya wag mo ng
dagdagan."

"Na suspend." Bulong sa akin ni Jazmine.

Napabaling ako ng tingin sa kanya na magkasalubong ang kilay. She signaled me not
to pry anymore.

"What do you want for breakfast?" Pag iiwas ni Jazmine sa topic.

Humigop muna ako ng kapeng tinimpla niya. Ang sarap niya talagang magtimpla ng
kape. Parang sakto lang lahat nung lasa.

"Ikaw na lang bahala." Sagot ko. "Maliligo na ako." Sabi ko ng maubos ko na yung
kape at nagtungo na sa taas para makapaghanda sa pagpasok sa trabaho.

Paglabas ko ng banyo, nakahanda na yung isusuot kong damit. Di na kasi ako nag-
uuniform nung pam-pulis na damit, nagsusuot na lang ako nung itim na polo shirt na
may logo ng PNP sa kaliwang bahagi ng dibdib. Palaging ginagawa 'to ni Jazmine sa
tuwing papasok ako sa trabaho simula nung lumipat kami ng bahay.

Sabay-sabay na kaming kumain ng agahan pagkatapos maligo ni Jazmine. Binilin niya


si Taz sa kung anong gagawin habang kumakain kami. Siya na munang bahala sa mga
gumagawa sa likod.

"Remooji!" Tawag ni Taz sa kapatid ng pasakay na kami sa kanya-kanyang kotse. Kapwa


kami napatigil ni Jazmine ng nilapitan siya

ni Taylor. "Pinabibigay ni David." Sabay abot sa kanya ng tatlong lollipop.

"Ha?" Kunot noong tinanggap naman iyon ni Jazmine.

"Sweet niya 'no?" Sabi ni Taz na sa akin nakatingin at nakangisi pa ng nakakaloko.

Nananadya ba siya?

"Una na ako." Yun lang sinabi ko at pumasok na ako sa loob ng kotse. Pagkaandar ko
nun ay umalis na ako sa bahay.

------------------------------

"Handa ka na ba, Agent 1?" Tanong sa akin ni Erick habang naka undercover ako
bilang isang civilian at kunwaring kakatagpuin ko si Cleofel, yung taga bugaw at
kunwari ding interesado ako sa hawak niyang mga babae.

Pa-simpleng idiniin ko yung earpiece sa tenga ko at sumagot ng pabulong. "Ready,


Agent 4." May mga naka undercover ding mga kasamahan ko sa loob ng restaurant kung
saan kami magne-negotiate ni Cleofel.

"Get ready agents, especially you Agent 1, subject is approaching." Sabi nung isang
kasamahan naming lookout sa may entrance na kunwaring nag undercover bilang
security guard.

Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili. Let the game begin. Bulong ko sa
sarili ko.

"Miss Cheng?" Tawag sa akin ng isang maganda at sexy'ng babae na halos lumuwa na
yung dibdib sa suot na dress.

Tumayo ako at inilahad sa kanya yung kamay ko. "Yes, Miss Cleofel. It's me."

"You look pretty handsome." Bola niya sa akin at halata ko na agad na nakikipag-
flirt siya. Pinisil pa niya yung kamay kong hawak hawak pa din niya.

I flashed her my best smile. "Please let's take a seat first." Para bitawan na niya
yung kamay ko.

"Anak ng teteng nahulog pa yata sayo!" Sabay tawang sabi sa

akin ni Erick sa may earpiece ko.

Pilit ang ngiting iginawad ko sa sinabi niyang iyon at alam kong nakikita niya yung
reaksyon ko. Naupo na kami ni Cleofel at hinayaan ko muna siyang mag-order ng
pagkain namin.

"Married?" Tanong niya sa akin na nakatingin sa wedding ring namin ni Jazmine.

Peste. Bakit ba nakalimutan kong tanggalin? Shite!

"Props." Sagot ko naman sabay tanggal nung singsing at saka ibinulsa ko. "Mahirap
na kasi madaming chicks." Biro ko pa.

Napangiti siya sa sinabi ko. "Hindi na ako nagtataka." Sabay malanding kumindat sa
akin.

Dumating na yung inorder namin at tsaka kumain na muna bago namin pag-uusapan yung
deal na nauna na naming pinag-usapan sa telepono.

May sauce na naiwan sa gilid ng labi niya, at since naka undercover ako, kailangan
ko siyang kumbinsihing totoo ako.

"Saglit lang." Sabi ko at kumuha ng tissue saka dumukwang sa table at pinunasan


yung sauce sa gilid ng labi niya.

"You're so sweet." Para pang kinikilig na sabi niya sa akin with matching batt
eyes. Tsk.

"Chyler?"
Nanlaki yung mga mata ko ng marinig ko yung boses ni Jazmine. Gulat at kinakabahan
na lumingon ako sa kanya.

"Patay kang pulis ka." Narinig kong palatak ni Erick sa may earpiece. "Lusutan mo
yan."

Shit! I mentally cursed.

"Who is she?" Mataray na tanong niya sa akin.

"Excuse us." Magalang na sabi ko kay Cleofel na nagulat din. "Mad ex girlfriend."
Sabay habol na bulong sa kanya. Parang naintindihan naman iyon ni Cleofel at
ngumiti na sa akin.

"What did you say?" Peste narinig

pa yata.

Tuluyan na akong tumayo at hinawakan siya sa braso. Hila-hila ko siya palabas ng


restaurant.

"Chyler ano ba?!" Reklamo niya sa akin ng nakalabas na kami.

Agad ko siyang binitawan. Napansin ko yung iba kong kasamahan na napapailing sa


gilid.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Yamot na sabi ko at binitawan na siya.

"Kakain kami dito ng mga pinsan ko." Masungit na sabi niya at magkasalubong na yung
mga kilay niya. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba pumasok ka sa trabaho
mo? At sino yung babaeng kasama mo ha? Kabit mo ba yun?" Tuluy tuloy na sabi niya.

Narinig ko naman yung pagtawa ng ibang kasamahan ko sa earpiece. Mabubulilyaso


itong lakad namin pag nagkataon.

"Jazmine, pwede ba. Mamya na ako magpapaliwanag sa bahay na lang tayo mag-uusap.
And please sa ibang resto na lang kayo kumain ng mga pinsan mo." Saad ko sa kanya.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na naka-undercover ako at baka may makarinig pa
at mai-tip kay Cleofel.

"No!" Matigas na tanggi niya. "Kakalbuhin ko yung babaeng yun kung di ka pa aamin
sa akin." Galit na sabi niya.

"Damn it." Mahinang mura ko.

"Don't cursed at me, Chyler!" Galit na sabi niya sa akin saka hinampas pa ako sa
braso.

"I'm not cursing at you!" Nayayamot ng sabi ko. "Please, Jazmine. Mamya na tayo
mag-uusap." Akma na akong papasok sa loob ng resto pero pinigilan niya ako sa
braso.
"I'm still talking to you, Chyler. Hindi pa tayo tapos!" Galit pa ring sabi niya.
"Don't ever turn your back on me while I'm still talking to you!"

Napakamot ako sa noo ko. "Jazmine, please." Nauubos na yung

pasensya ko. The longer I stay outside, the harder the suspicion from Cleofel.
Nakita ko yun sa mga mata niya nang tumayo ako.

Naniningkit yung mga mata niyang lumapit siya sa akin at konti na lang ang agwat ng
mga mukha namin.

"The hell I will let you cheat behind my back." Madiing sabi niya.

Gulat na napaatras ako ng konti. "I'm not cheating on you!" Depensa ko.

"Then where's your ring?" She cross arms. "Where's your wedding ring, Chyler?"

Naihilamos ko yung isang kamay ko sa mukha ko. Kinuha ko yung singsing sa bulsa ng
suot kong black pants. Mas lalo ng naningkit yung mga mata niya ng pinakita ko yun
sa kanya.

"Kapag hindi ka pa umuwi sa bahay within ten minutes, you're going home to an empty
house!" Galit na sabi niya saka tinalikuran ako at tinungo na yung kotse niya.

Galit na pinasibad niya yung kotse niya paalis sa restaurant. Ten minutes? Damn it!

Mabilis akong bumalik sa loob ng restaurant, agad kong napansin sina Ashley at
Hailey na seryosong nakatingin sa akin. Nandun pa rin si Cleofel at may kausap sa
phone. Mabilis niya iyong ibinaba ng lumapit na ako sa kanya.

"I'm sorry about that ---"

"I have to go, Miss Cheng." Siya naman ang tumayo, ni hindi pa nga ako lubusang
nakakaupo. "Thank you for your time. Pag-usapan na lang natin yung ibang details
over the phone."

Isinukbit na niya yung shoulder bag niya sa kanyang balikat. "Wait." Sabi ko sa
kanya.

"I have to go, may mas importante pa akong lakad." Sabay ngiti sa akin ng tipid.

"Pasensya na Miss Cleofel." Saad ko at inihanda ko na yung posas at tsaka yung


badge ko. "You're under arrest."

Pagkasabi ko nun, may mga tauhan siyang tumutok sa akin ng baril. Naghiyawan tuloy
yung mga tao sa loob ng resto.

"Pasensya na, may dala din akong backup eh." Nakangising sabi ko.
Isa-isang naglabasan ang mga kasamahan ko at tinutukan ng baril sa ulo yung mga
tauhan ni Cleofel. Galit na galit ang mukha ni Cleofel na nagbaling ng tingin sa
akin.

"Pagsisisihan mo ito, Miss Cheng!" Sigaw niya habang pinoposasan ko na siya sa


likod.

Binasahan ko siya ng mga rights niya bago dinala sa labas ng resto at ipinasok sa
loob ng police car.

"Dalhin niyo na yan sa presinto." Saad ko.

Lumapit sa akin si Erick na nakangisi. "You're running out of time, detective."


Sabi niya sa akin.

Tiningnan ko yung relo ko. "Peste!" Mura ko. "Uwi muna ako, maya na ako punta sa
presinto. Kayo na munang bahala sa mga nahuli." Tuluy tuloy na sabi ko habang
pasakay na sa kotse ko.

=================

Chapter 26 Jazmine Kulit?

"Every time I watch you open those beautiful eyes, I gaze with awe just thinking of
how blessed I am to spend the rest of my life with you."

Jaz POV

"Hayan na si pulis patola." Bulong sa akin ni Taz na katabi ko ngayon sa gilid ng


kama habang nagbubuhos ako sa kanya ng sama ng loob kay Chyler dahil sa nakita ko
kanina.

Ilang sandali pa nga'y pumasok na si Chyler sa loob ng kuwarto namin. Agad siyang
hinarang ni Taz sa paglapit sa akin. Pinapatunog pa kunwari ni Taz yung mga daliri
niya na parang hinahamon si Chyler.

"Let her pass, Taz." Seryosong sabi ko at kay Chyler talaga ako nakatingin ng
masama.

Hindi agad tumalima si Taz, pero ilang saglit din ay binayaan niya si Chyler na
lapitan ako at lumabas na siya ng kuwarto namin.
"Jazmine." Agad na tawag niya sa akin ng naupo siya sa tabi ko sa kama.

"You're late." Masungit na sabi ko sa kanya.

"Traffic eh." Dahilan niya.

"Explain." Sabay irap sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Mali naman kasi yung iniisip mo. Naka
undercover ako. Huhulihin namin yung nakita mong babae kanina na kasama ko sa
lunch."

"Huhulihin?" I quote. Tumango siya sa akin. "Talaga lang huh, detective? May
papunas punas ka pa ng labing nalalaman." Hinampas ko nga siya sa braso. Inis na
inis ako sa kanya. Pinaghahampas ko nga siya.

"Aray, Jazmine!" Awat niya sa akin saka hinuli yung dalawang kamay ko. Tiningnan ko
lang siya ng masama. "Naka-undercover nga ako." Madiing paliwanag niya. "I have to
convince her."

"Eh bakit di mo sinabi agad sa akin?" Angil

ko sa kanya, hawak pa din niya yung dalawang kamay ko sa lap niya.

"Hindi ko nga pwedeng sabihin dahil baka may makarinig na iba mai-tip pa kay
Cleofel." Saad niya.

"Dito sa bahay bago ka umalis sana kanina?" Manghang sabi ko.

She sighed again. "Pasensya na. Di naman kasi ako sanay na nagsasabi ng lakad ko
eh."

"Hmp!" Sabay ingos ko sa kanya. "Not counted."

"Look, it was just a misunderstanding or miscommunication between us. Wag na natin


'tong palalain pa." She said.

"Uwi muna ako sa amin galit ako sayo." Of course that was just a bluff. Minsan
gusto ko suyuin naman niya ako.

"Jazmine naman!" Yamot na sabi niya saka binitawan na yung mga kamay ko. "Problema
natin 'tong dalawa, aayusin natin ngayon din." Maawtoridad na sabi niya. Binatukan
ko nga siya. "Jazmine!" Nabiglang sabi niya saka hinawakan yung ulo niyang
binatukan ko.

"Don't ever use that tone on me again!" Magkasalubong ang kilay na sabi ko sa
kanya. Nag-cross arm ako. "At kung makapagsalita ka diyan parang hindi ikaw ang may
kasalanan sa akin." Tinalikuran ko siya.

Naramdaman ko siyang parang tumayo na. "Bahala ka kung gusto mong umuwi." Inis na
sabi niya.

Muli akong humarap at nakita ko siyang papalabas na ng pintuan. Agad kong kinuha
yung unan saka binato siya sa likod. Kunot-noong humarap siyang muli sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako susuyuin?" Inis na inis na sabi ko. Nawe-werduhang
tumingin siya sa akin. "Hindi pa ako kumakain ng lunch." Sabay kunwaring singhot.
"Gutom na gutom na ako."
"Dala ko ba yung pagkain?" Pilosopong sabi niya sa akin.

Tumayo

ako saka ko siya nilapitan. "Heartless pig!" Sabay kunwaring umiyak ako sa harapan
niya.

"Heartless what?" Bulalas niya.

Binayo bayo ko nga yung chest niya sa inis ko sa kanya. Di man lang talaga niya ako
susuyuin. Hinawakan niya ulit yung dalawang wrists ko as she pinned me at the back
of the closed door.

"Para kang bata." Saad niya.

"Eh ikaw? Napakawalang puso mo talaga sa akin!" Sabay irap sa kanya saka nag-pout.

Tinawanan ba naman ako?!

"Isip bata." Tukso niya sa akin na nakangiti na.

"Hmp! Pangit!" Mas lalo ko pa pinatulis yung nguso ko.

Natawa na naman siya sa akin. Pinakawalan na niya yung kamay ko saka niyakap ako sa
beywang.

"I hate you." Parang batang maktol ko saka niyakap ko na din siya sa batok.

"Sorry na." Masuyong bulong niya sa akin. "Bati na tayo. Wala naman kasi yun. Part
lang yun ng pag-a undercover ko." Sabay hagod sa likod ko.

"Nagugutom na ako." Sabi ko sa kanya at inihilig ko yung pisngi ko sa balikat niya.


"Kasalanan mo."

"Oo na, kasalanan ko na." Agad na sang-ayon niya sa akin. "Bawi na lang ako sayo
mamya, kailangan ko pang bumalik sa presinto." She said as she tipped back to see
my face.

"Dito ka na lang kasi." Ungot ko sa kanya saka pinaglaruan yung collar ng suot
niyang polo shirt.

"Hindi nga pwede." Malumanay na sabi niya. "Hindi ka ba papasok?"

"Tinatamad na ako." Nakalabing sagot ko.

"Jazmine..."

"Chyler naman eh. Ngayon lang naman ako magpapasaway sa school." Sagot ko. Cross
finger.

"Sayang naman kasi yung matututunan mo ngayon dun."

"Pwede

ko pa naman yun matutunan bukas." Sabay pilyang ngiti ko sa kanya.

Pinisil niya yung ilong ko. "Ang kulit kulit mo talaga." Gigil na sabi niya.
Nang maalala ko yung pinag-uusapan namin ni Hailey kaninang umaga. Loko-loko din
yun eh. I hope okay na sila ni Ash ngayon.

"Anong iniisip mo diyan at nakangiti ka ng ganyan?" She asked.

"Wala." Si Hailey kasi eh.

"Sure?" Tumango lang ako sa kanya. "Kumain ka na ha?"

"Dito ka na lang kasi." Ungot ko ulit sa kanya.

"Hindi nga pwede, ang kulit!" Gigil na sabi niya.

"Bawi ka sa akin mamya." Sabi ko sa kanya saka hinalikan siya sa labi. Smack lang
naman.

She chuckles. "Oo na."

She lowered down her head and kissed me. Akala ko mabilis lang pero nagtagal yung
labi niya sa akin. I closed my eyes and kissed her back. Nakikisabay ako sa
paggalaw ng labi niya sa akin. Naramdaman ko ding mas lumapat pa yung likuran ko sa
likod ng pinto as she pressed herself on me.

"Jazmine..." She whispered on my lips.

It seems like I can't get enough of her. I cupper her face and pressed my lips on
her. She kissed me back immediately. I can feel her control. She's trying to hold
back herself.

Nang biglang kumatok si Taz sa pintuan. Kapwa kami nagulat ni Chyler. Narinig ko pa
yung mahinang palatak at mura niya.

"Ate kain na tayo." Sigaw niya sa nakasarang pintuan.

I rolled my eyes. Alam ko namang sinasadya niya 'to eh. "I'm coming, Taylor
Zandra!" Di ko naitago yung pagkadismaya ko.

"I'm waiting." Sabi niya saka narinig na namin yung mga yabag niyang palayo.

"Don't mind her." I told Chyler while

I'm still holding her both cheeks.

"May galit pa ba sa akin yung kapatid mong yun?" Tanong niya sa akin.

Natawa lang ako sa kanya. "Hayaan mo siya. She'll come around." At tsaka muli
siyang kinabig para halikan.

Tumunog naman yung cellphone niya. "Anak ng ---" Hindi na niya itinuloy yung mura
niya saka pabalyang hinugot yung phone niya. "Hello?" Tiningnan niya ako saka
mabilis na hinalikan sa labi. "Papunta na." Saka niya in end yung tawag. "I have to
go."

"Ano pa nga ba?" Walang nagawang sabi ko.

Sabay na kaming lumabas ng kuwarto at nagpaalam na siya sa akin bago umalis. At


bago siya nakalabas ng pintuan ay muli na namang tumunog yung cellphone niya.

"Oo na, papunta na ako diyan." Narinig kong sabi niya bago sinara yung pintuan sa
likod niya.

"Okay na kayo?" Tanong sa akin ni Taz ng umupo ako sa harap niya.

"Yup." Sagot ko.

Maingay pa din sa likod bahay dahil nandun pa yung mga naglilinis. Hindi na rin
naman nagkomento si Taz tungkol sa amin ni Chyler.

--------------------

Nagising ako sa mabining halik sa balikat ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na


pala ako dito sa may sofa kakahintay kay Chyler. Naiwan ko pang bukas yung tv.

"Kadarating mo lang?" Sabay kusot ng mga mata ko saka umayos ako ng upo sa sofa.

"Oo." Sabi niya.

Napasulyap ako sa wall clock. Mag-e eleven na ng gabi. "Ba't ang tagal mo namang
umuwi?"

"Nagkayayaan yung mga kasama ko pagkatapos ng raid kanina." Sabi niya.

Nasabi kasi niya na male-late siya ng uwi dahil nasa Laguna sila ni-raid daw nila
yung safe house kung saan tinatago yung mga binubugaw na

babae nung Cleofel, yung nahuli nila kaninang umaga sa may resto.

"Bakit dito ka natulog?" Umupo siya sa tabi ko at kinuha niya yung remote saka
pinatay yung tv.

"Hinihintay kasi kita eh." Sagot ko saka inihilig ko yung ulo ko sa balikat niya.

"Umuwi na ba si Taz?" Tanong niya at tango lang ang isinagot ko sa kanya. "Next
time wag mo na ako hintayin."

"Gusto ko nga bakit ba?" Mataray na sabi ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi. "Ikaw, ang taray taray mo." Sabay pisil sa pisngi ko.

"Aray, Chyler naman eh!" Reklamo ko sa kanya. Inaantok pa yung diwa ko.

She grinned. "Iiyak na ba yung batang makulit?" Tukso niya sa akin.

"Hindi na ako bata." Saka ko siya inirapan. "Nakuha mo na nga ako di ba?" Wala sa
loob na nasabi ko.

Bigla siyang tumahimik. Lihim akong napalatak. Awkward silence.

Stupid mouth. I mentally chided myself.

I heard her sigh. "Chy... look, I'm sorry." Nakangiwing sambit ko.

"For what?" Kunot noong tanong niya.

Oo nga. Para saan?

"Whatever happened between us, I want it too." Saad ko pagkatapos ng ilang


katahimikan.
She smiled at me. "Of course, you've wanted it. Magaling ako." Sabay kindat sa akin
saka ako niyakap sa beywang at inihiga sa sofa.

Naalala ko na naman tuloy yung sinabi ni Hailey. Natawa ako ng bahagya. "Sabi nga
ni Hailey ang hina mo daw eh." I'm underneath her already.

Namilog yung medyo singkit na mga mata niya. "So pinag-uusapan niyo pala ako, huh?"

"Minsan lang naman." Nakangising sagot ko. "Kung gusto mo daw paturo ka sa kanya."

Natawa lang siya sa sinabi

ko. "No need. Magaling na siya kamo." Biro niya sa akin. "Tsaka enough na yung may
makulit akong Jazmine sa bahay, wag mo na isama yung mga pinsan mo at si Taz."

"Sira!" Pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran.

Hinuli niya yung kamay ko at siya na mismo ang naglagay nun sa batok niya. "I want
to be fair to you, Jazmine." Bigla siyang nagseryoso.

"About what?" Tanong ko naman sa kanya habang pinaglalaruan ko yung buhok niya sa
likod.

"About us." She said that made me looked at her with questions in my eyes. "I want
you... I want you so bad. Pero ayoko naman na isipin mo na sinasamantala ko yung
pagiging mag-asawa natin."

Napangiti ako sa sinabi niya. Napaka-gentle woman naman niya para isipin iyon. "No
of course not. Normal lang naman na may mangyare sa atin kasi mag-asawa naman tayo
eh." Tugon ko. "Kaya ba... alam mo na." Napangiwing sabi ko.

"A little." Nakangiting sagot niya.

Yes, iisang beses pa lang namin yun ginawa. Yung bago ako magkasakit. There are
times na may mainit kaming moment pero ramdam ko pa din yung pagpipigil niya. And
that made me think why? Hindi naman kasi masama na gawin namin yun, una mag-asawa
naman kami at pangalawa, we both want it.

"At tsaka di ba sabi mo babawi ka sa akin ngayon?" May pilyang ngiti sa mga labi
ko.

Natawa siya ng mahina. "Wala akong matandaang may sinabi akong ganun."

"Chyler!" I exclaimed.

Mas lalo na siyang natawa sa akin. "Saan mo ba gusto? Dito o sa kuwarto?" Nakangiti
siya sa akin ng nakakaloko saka itinaas baba yung kilay niya.

"Kahit saan?" Pilyang sagot ko sa kanya.

"Kahit saan ha?" Tukso niya sa akin.

I bite my lower lip to suppressed that mischievous smile. She lowered down her head
and bite my neck.

Marahan ko siyang itinulak saka ko tinakpan yung leeg kong kinagat niya. "Chyler
naman eh. May pasok ako bukas makikita yan."
"Akala ko ba game ka?" Nakangising sabi niya sa akin.

Hinampas ko siya sa balikat. "Except diyan."

Umayos siya at bumangon. Akala ko iiwan niya ako dun sa sofa, pero binuhat niya ako
bridal style.

"Sa taas na lang natin gawin." Bulong niya sa akin.

Napaka-sinaunang tao niya talaga kahit kailan. Hindi ko na lang siya tinukso pa
baka mawala yung moment naming dalawa. Dinala niya ako sa taas sa kuwarto namin at
dun niya pinatunayan sa akin na hindi na kailangan pa yung lesson na sinasabi ni
Hailey.

Please do not disturb, just got married.


=================

Chapter 27 Rescue Me

"I will wait for you because honestly, I don't want anyone else."

Chyler POV

"What's for breakfast?" Biglang sumulpot si Jazmine sa likuran ko habang nagluluto


ako ng omelette.

"Itlog lang naman." I smiled at her over my shoulder.

Lumapit siya sa likuran ko at niyakap ako sa beywang. Ipinatong niya sa balikat ko


yung baba niya saka pinagmasdan yung niluluto ko habang maingat ko iyong
binaliktad.

"Smells good." Narinig kong sabi niya pero di ko alam kung yun ba talagang niluluto
ko tinutukoy niya o ako.

Paano natanggal na ng kamay niya yung tali ng suot suot kong apron sa likod saka
malaya niyang ipinasok sa loob ng puting tshirt ko yung kamay niya at hinahaplos
haplos ako sa tiyan. Ginagawaran na din niya ako ng mumunting halik sa batok.

"Jazmine." Saway ko sa kanya.

Actually, her inexperience arouses me more. Inosente talaga siya pagdating sa kama.
Hindi niya alam kung anong gagawin niya kagabi kaya naman tinuruan ko siya. I just
guided her and she's a fast learner, I must say. And somehow, yung pagiging una ko
sa kanya, parang na-boost yung ego ko. Na kahit kay Ann noon hindi ko yun
naramdaman dahil di naman ako ang nauna sa kanya. Pero di naman yun sapat na
dahilan noon para di ko siya mahalin ng buo.

"Why?" She whispered innocently.

Nang masigurado kong luto na yun, pinatay ko na yung kalan. Hinarap ko siya at di
ko napigilang hangaan ang angkin niyang ganda kahit pa medyo magulo yung buhok niya
at halatang kakabangon lang niya sa kama.

"Ikaw, kulit." Sambit ko saka

binuhat siya at pinaupo sa may counter. "Ang naughty mo din 'no?" Saka ko pinisil
yung ilong niya.

She just smiled at me. Tuluyan ng tinanggal ng kamay niya yung suot kong apron at
nilapag sa tabi niya. Nakasuot lang siya ng long sleeve checkered polo ko na basta
na lang niya siguro hinugot sa closet at sigurado akong wala na siyang iba pang
suot sa loob kundi yung underwear lang niya. Ramdam ko kasi kaninang yumakap siya
yung malambot na dibdib niya kaya alam kong di siya nakasuot ng brassiere.

Niyakap niya ako sa batok at hinapit papalapit sa kanya. Dahil nakaupo siya sa may
counter, mas mataas na siya sa akin ng konti. Pinalipot ko naman sa likod niya yung
kamay ko as I placed myself in between her bare legs.

"Hindi mo pa ako kini-kiss ng good morning." Sabay nag pout na sabi niya.

"Hindi pa ba?" Kunwari namang tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Kiss me then."

Agad naman siyang tumalima at hinalikan ako sa labi. She repeatedly brushed her
lips on mine, and it makes me want more. Hinawakan ko yung mukha niya at ginawaran
siya ng madiin ngunit masuyong halik. A proper kiss.

"Chy?" Bulong niya sa labi ko.

"Yes?" Muli ko siyang niyakap sa beywang habang nakadikit yung noo niya sa akin at
siya naman ang may hawak sa mukha ko.

"I want you." Diretsang sabi niya.

Napangiti ako. "Again?"

"Again and again." Sagot niya. "And again."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Halika na nga." Binuhat ko siya. "Sabayan mo
akong maligo." Saka ko siya kinindatan.

"I'd love that." Sabi niya saka ako binigyan ng sexy smile niya.

I cupped

her behind for support habang nakakawit sa beywang ko yung legs niya at yung mga
kamay naman niya sa batok ko. We keep on kissing each other habang paakyat ng
hagdan. Mabilis kong nabuksan yung pinto sa kuwarto saka ipinasok siya dun habang
busy pa din ang labi namin sa bawat isa. Sinipa ko na lang yun sa likod pasara.
Saka ko na lang siya ibinaba nung nasa loob na kami ng shower.

Siya na ang nagtanggal nung mga damit ko at hinayaan ko lang siya iyon gawin.
Pinagmasdan niya ang hubad kong katawan na para bang isa akong interesanteng
rebulto sa harapan niya.

Muli ay hinaplos na naman niya yung tiyan ko, her favorite part of my body daw,
ayon na din sa kanya. Hindi niya inaalis yung mga tingin niya sa mga mata ko habang
paakyat yung mga kamay niya hanggang sa batok ko.

"Miss," Bigkas ko with a smirk on my face. "Nagmamadali ako." Biro ko sa kanya.

Natawa naman siya sa sinabi ko. Kinabig niya ako saka hinalikan ng mas mapusok
kaysa sa kaninang nasa kusina kami. At habang busy'ng busy yung mga labi namin,
busy din yung kamay kong tinatanggal sa pagkaka-butones nung suot niyang damit saka
iyon hinagis.
Binuksan niya yung shower at kapwa kami nabasa. Masuyo ko siyang tinulak pasandal
sa de-tiles na pader at hinalikan sa leeg hanggang sa likod ng kanyang tenga.

"Chy..." She moaned my name.

I kissed her lips again as my hands started to roam around her gorgeous body. Hindi
rin nagtagal at sinundan yun ng mga labi ko. I kissed her body everywhere at
ikinabaliw niya iyon. And she went a lot more crazier when I started to kiss her
sweet spot, right between her parted legs.

We

both came twice inside the shower room... I guess.

-------------------------------

Nakasubsob ako sa isang kaso ng biglang bumukas yung pintuan ng opisina ko. Mabilis
akong nag-angat ng ulo at nakita ko si Erick.

"May nagaganap daw na hold-upan at hostage taking sa isang grocery store malapit sa
subdivision niyo." Balita niya sa akin.

Napatayo ako sa gulat at bigla akong sinalakay ng kaba. Isa lang naisip ko, si
Jazmine!

"A-anong pangalan ng grocery store?" Tanong ko.

"Sa WaterMart." Kumunot yung noo niya. "Bakit?" Tanong niya ng napamura ako ng
malakas at tsaka sinuot na yung bullet proof vest ko kagaya ng suot niya at saka
kinuha yung baril ko.

"Si Jazmine." Kinakabahang sabi ko. "Sasama ako."

Nauna pa akong lumabas sa kanya. Nagmamadali naman ang mga hakbang niyang sumunod
sa akin.

"Akala ko ba nasa school siya?" Tanong pa niya.

"Wala daw siyang prof this morning kaya sa hapon na lang siya papasok." Mabilis
akong sumakay sa mobile car, siya ang magda-drive. "Sinabi ko naman na kasi sa
kanya na dalawa na lang kami mag-go grocery mamyang hapon pagdating ko eh. Ang
tigas talaga ng ulo!" Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil napilit niya akong
payagan siya kanina.

"Kalma lang." Pati si Erick nag-aalala na din.

Kinuha ko yung cellphone ko at idinial yung number niya. Nag-ring iyon pero bigla
ding namatay. Maang na napatingin ako sa phone ko habang papunta na kami doon,
kasama pa ang ibang pulis.

Muli kong idinial yung phone niya at nag busy tone. Mas lalo na tuloy akong
kinabahan. Ilang segundo lang ay yung sa akin naman ang nag

ring. Si Jazmine ang tumatawag.

"Jazmine!" Para pa akong nakahinga ng maluwag ng inangat ko yung tawag niya.

"Chyler..." Nanginginig yung boses niya na halos di ko na masyado marinig sa


sobrang hina.
"Nandiyan ka ba sa loob ng grocery store?" Kinakabahan pa ding tanong ko.

"Oo." Sagot niya. "Nandito ako sa loob ng cr. Inside one of the cubicles here."
Mahinang saad niya.

"Wag kang aalis diyan. Papunta na kami." Sabi ko sa kanya. Nanginginig din yata
yung kamay ko. "Wag mo ding ibababa yung tawag. Diyan ka lang." Napatingin ako kay
Erick at nagtatanong naman ang mga matang sumulyap siya sa akin. Tumango lang ako
sa kanya. "Naka-open ba gps mo?"

"Yes." She answered. "Chyler please save me." Naiiyak na sabi niya.

Napakuyom ako ng kamao at napahigpit ang hawak ko sa cellphone na nasa tapat ng


tenga ko.

"Don't worry, papunta na ako." Determinadong sagot ko. "Ililigtas kita." Pangako ko
sa kanya. "Kahit anong mangyare, ililigtas kita Jazmine."

Narinig ko lang yung hikbi niya. At napamura na naman ako sa loob loob ko. Nakita
ko na yung location ni Jazmine.

"Nasan siya?" Tanong sa akin ni Erick na di na rin naitago ang kaba para sa asawa
ko.

"Two hundred twenty five degrees." Sagot ko sa kanya.

"Jazmine, malapit na kami." Sabi ko sa kanya ng muli kong iniangat sa tenga ko yung
phone.

"Chy..." Sambit niya at narinig ko pa siyang napasinghot. "I love you."

Napasinghap ako sa sinabi niya at napalunok. Napapikit din ako ng madiin.

"You don't have to answer me back. I know." Sabi niya at napamulat ako ng mga mata
dahil dun. "Sinabi

ko na yun sayo ngayon dahil baka ---"

"Hey stop!" Pigil ko sa sasabihin niya. "Maililigtas kita okay?" Medyo tumaas na
yung boses ko sa frustration dahil habang natatagalan siya sa loob, mas lalo siyang
nalalagay sa panganib.

Suminghot muna siya bago nagsalita. "O-okay."

Kahit isipin man lang, ayoko. Ililigtas ko siya dun. Gagawin ko lahat para
masiguradong ligtas siya.

Pagdating namin dun, kausap na ng iba kong kasama yung may-ari ng building.
Pinakita ko sa kanya yung badge ko.

"Detective Chyler dela Rosa." Pakilala ko sa babaeng may-ari nung grocery store.
"Nasayo ba yung floor plan nung building?" Tanong ko sa kanya.

"Meron pero nasa loob." Problemadong sabi niya.

Shit! Tatlong beses ko yata yun nabigkas sa isipan ko.

Hopeless na napatingin ako sa grocery store. Pansin ko agad yung dalawang lalakeng
nakasuot ng bonete at may hawak na baril sa may entrance sa loob ng store.

"Ilang suspect yung nasa loob?" Tanong ko sa kasamahan kong siyang nag-iinterview
kanina dun sa babae.

"Twelve." Sagot niya sa akin.

"May nakikita ka bang bintana diyan?" Tanong ko kay Jazmine. Nilagay ko sa


bluetooth mode yung tawag niya.

"Meron pero mataas masyado. Wala akong tungtungan." Sagot niya.

"Diyan ka lang wag kang lalabas. Pupuntahan kita diyan." Sabi ko sa kanya.

Narinig yun ni Erick. "Baka mas lalong malagay sa panganib yung mga hostages."
Bulong niya sa akin.

"Trust me." Sabi ko sa kanya saka umikot sa building at hinanap yung bintana ng cr
nung store.

"Chyler!" Tawag niya sa akin.

Hindi ko siya nilingon

at tuluy-tuloy lang. Narinig ko pa siyang pumalatak saka sumunod sa akin. Nakita ko


na yung bintana. Pero siste ang taas naman.

"Kailangan ko ng hagdanan." Sabi ko kay Erick.

Nag-squat siya saka tinapik yung sariling balikat. "Ano pang hinihintay mo?" Sabi
niya sa akin.

Napangiti na ako sa kanya. Dating gawi. Pinatong ko yung mga paa ko sa balikat niya
saka maingat siyang tumayo.

"Dahan dahan naman." Paalala ko sa kanya.

"Malay ko bang bumigat ka pala." Nagawa pa niyang magbiro. "Magaling ba mag-alaga


si Jazmine at parang tumataba ka?"

"Ulol!" Saway ko sa kanya. Naririnig kaya siya ni Jazmine. "Dalian mo!"

"Wow kung makapag utos ka sa akin ha?" Tugon naman niya.

"Konti na lang eh." Sabi ko sa kanya.

Unti-unti siyang umuunat ng tayo at medyo gumiwang pa kami pero agad naman niyang
nakuha yung balance namin. Hinawakan niya ako sa paa.

"Grabe, Chy. Ang bigat mo!" Reklamo niya sa akin at ramdam ko talaga yung
panginginig ng katawan niya sa bigat ko.

"Sshh!" Saway ko sa kanya. "Mamya ka na magreklamo."

"Gago ngayon nga ako nabibigatan sayo kaya ngayon ako nagrereklamo!" Ganti naman
niya sa akin.

"Malapit na nga eh. Konti na lang." Wika ko.


Hanggang sa natapat na sa balikat ko yung bintana. Pero ang siste, may rehas na
bakal. Paano ako makakapasok niyan?

"May rehas Erick." Sabi ko sa kanya. "Kailangan ko ng lagari ng bakal."

"Anak ng tinapa naman!" Palatak niya. "Pwedeng ibaba na muna kita?"

"Sige." Walang nagawang sang-ayon ko.

Tumalon na lang ako mula sa balikat niya. Para pang nakahinga ng maluwag yung
unggoy kong kaibigan.

"Magtatawag na lang ako ng magbibigay ng hagdan dito at tsaka lagari ng bakal."


Sabi niya saka nagtawag na nga gamit yung sa earpiece niya.

"Jazmine?"

"I'm still here." Sagot niya.

Papunta na daw siya kanina sa cr ng may pumasok na mga armadong kalalakihan, kaya
naman dun na siya nagkulong.

"Kapit lang." Malumanay na sabi ko.

"Okay." Sagot niya. "Magkaka-baby pa tayo di ba? Bubuoin pa natin yung pamilya
natin, right?"

Di ko maiwasang mapangiti sa kanya. Nasa panganib na nga siya yun pa din ang nasa
isip niya.

"Oo naman." Tugon ko na lang sa kanya.

"I love you, Chy." Sabi na naman niya saka suminghot.

Napabuntong hininga na lang ako.

Ilang saglit pa'y dumating na yung hagdanan at tsaka lagari ng bakal.

"Konti na lang, Jaz." Sabi ko sa kanya habang paakyat ng hagdan. "Maililigtas na


kita."

To be continued... 😆😆😆

(2:21 AM ginising ako ni Chyler at di na ako pinatulog 😴😴😴 at 2:30 wala na ako sa
tabi ng wifey ko at tiyak paggising niya, pagagalitan na naman niya ako hehe 😆😆😆)

=================

Chapter 28 Saving You

"I'd rather have bad times with you, than good times with someone else. I'd rather
be beside you in a storm, than safe and warmth by myself... I'd rather have the one
who holds my heart." --- I'd Rather
Chyler POV

"Peste namang bakal 'to." Palatak ko habang pawisan na akong naglalagari ng bakal.

Nagsilbi namang lookout yung dalawa kong kasama dito, si Erick at si Pascual yata
apelyedo nitong baguhang kasama namin.

"Chy..." Kinakabahan pa ring sambit ni Jazmine na hanggang ngayon ay nagtatago pa


din sa isa sa mga cubicle sa loob ng cr ng grocery store.

"Konti na lang." Sagot ko at hindi ko man lang nagawang punasan yung mga butil ng
pawis na tumutulo sa noo ko.

Nang sa wakas ay bumigay na yung bakal na nilalagari ko. Nakahinga ako ng maluwag
ng matanggal na yun. Inabot ko kay Pascual yung lagari at yung natanggal kong
bakal.

"Papasok na ako." Sabi ko kay Erick.

"Tsk." Palatak niya. Alam niya kasing wala ng makakapigil sa akin. "Stubborn."
Bulong niya. "Sige na nga. Sunod na din kami nitong si totoy bibo." Tukoy niya kay
Pascual na hindi na lang komontra sa tinawag sa kanya ni Erick.

Maingat kong pinagkasya yung katawan ko sa bintana at unti-unting ipinasok yung mga
paa ko dun. Medyo mataas yung bababaan ko kaya bago ako babagsak, mahigpit akong
nakahawak sa magkabilaang side nung bintana at unti-unti akong bumitaw at yada!
Nakababa na ako.

"Jazmine?" Nilabas ko yung baril ko saka kinasa iyon. "Jazmine dito na ako." Tawag
ko sa kanya.

Binuksan ko yung unang cubicle na nadaanan ko, wala siya

dun. Bahagyang bumukas yung pangatlo mula sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan na


nitong iniluwa si Jazmine.

"God!" Nakahingang bulalas ko at naramdaman ko yung bahagyang paghina ng mga tuhod


ko ng makita ko siya.

"Chyler!" Hilam yung mukha niya ng luha at patakbo siyang yumakap sa akin.

"Ssshhh..." Bulong ko sa kanya habang yakap yakap siya ng mahigpit. "Nandito na


ako. Wag ka ng matakot pa." Hinalik halikan ko ang buhok niya habang humihikbi
siya. "Tahan na." Mas humigpit pa yung yakap niya sa akin.

Alertong kumalas ako sa kanya ng yakap ng may marinig akong mga yabag na papalapit.

"C-chy..." Kinakabahan at nanginginig pa ang boses na sambit ni Jazmine.

I hushed her using my index finger on my lips. Nagtungo ako sa likod ng pintong
nakasara. Unti-unti iyong nagbukas at pumasok ang isang matabang lalake na
nakatanggal ang bonete. Hindi niya ako nakita dahil naitago ako nung pintuan.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na sita niya kay Jazmine na tumingin lang sa kanya
ng diretso, wala ng takot sa mga mata niya dahil kasama na niya ako.

Bago pa mahawakan nung lalake si Jazmine, pinukpok ko na yung ulo niya gamit nung
baril ko. Hayun, bagsak... tulog. Agad ko na siyang pinusosan sa likod. Tamang tama
naman na magkasunod na pumasok na sa may bintana sina Erick at si Pascual.

"Nasa western wing daw yung sa CCTV room nila." Balita sa akin ni Erick.
"Naradyuhan ko na din yung mga kasama natin na nakapasok na tayo."

Nauna munang lumabas si Erick at naging lookout bago kami lumabas ng cr at tunguhin
ang CCTV room nila para makita kung saan saan

nakapwesto yung mga hold-upers slash hostage takers.

Magkakasunod kaming naglakad ng sobrang ingat habang nakayuko sa may hallway. Buti
na lang malapit lang pala ang cr sa kung saan naroon ang cctv. Natakot pa yung
lalaking taga bantay dun na akala siguro mga hold-upers din kami. Pare-pareho kasi
kaming naka-black polo shirt nina Erick at ang nagsasabi lang na Pulis kami ay yung
bullet proof vest na suot namin.

"Dito ka na lang." Sabi ko kay Jazmine.

"Mag-ingat ka ha?" Nag-aalalang sabi niya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya. Kami ni Erick ang lalabas, si Pascual naman ang
magbibigay sa amin ng instruction, through our earpiece kung saan saan nakapuwesto
yung mga kriminal.

"Pascual." Tawag ko sa baguhang pulis. "Ikaw na munang bahala sa asawa ko ha?"


Bilin ko sa kanya. "Wag mo yang pababayaan."

"Makakaasa ka, detective." Pangako niya sa akin.

"Pag may nangyare diyang masama, di lang ako maghahanap sayo. Madami yang angkan na
maiimpluwensya." Dagdag ko pa.

"Wag mo naman masyadong takutin si totoy bibo." Saway sa akin ni Erick.

"Pascual ha?" Sabay turo ko pa sa kanya.

"Pangako, detective." Sabi niya saka pumwesto na sa may harapan ng cctv.

"Chyler." Tawag sa akin ni Jazmine ng palabas na kami ni Erick ng kuwarto.

Tumigil naman ako at hinarap siya ng makalapit na siya sa akin. Hinawakan niya ako
sa mukha saka hinalikan sa labi, sa harap nina Erick, Pascual at yung lalakeng taga
bantay ng cctv.

"Please, come back to me unharmed." Sabi niya.

Tinitigan ko siya sa mga mata saka tumango. Muli niya akong ginawaran ng halik saka
tumalikod

na ako at sinundan si Erick. Naghiwalay kami ng direksyon. Pakanan siya, habang ako
pakaliwa naman.

"Detective, merong isa nagpunta sa cr ng mga lalake." Narinig kong sabi ni totoy
bibo --- este, Pascual pala.
Si Erick kasi kung anu-ano ang pinapauso.

"Copy." Pabulong na tugon ko saka maingat na tinungo ang cr.

Pagpasok ko sa cr, nakita ko ang isang kalbo at may tattoo pa talaga sa likod ng
ulo ng picture ni Joker na akalain mo totoong mukha niya. Nakapikit pa ang kumag
habang umiihi. Hinintay ko munang maiangat niya yung zipper ng jeans niya bago ko
siya huhulihin.

Pero ang siste, nakita ako! Nabigwasan niya ako kaya napasandal ako sa pader.

Ngumisi siya sa akin. "Akala mo di kita naramdaman." Bubunot na sana siya ng baril
niya pero tinadyakan ko siya sa kanang tuhod.

"Urrghh." Namilipit siya sa sakit.

Tinadyakan ko ulit siya sa kaliwang tuhod at ngayo'y nakaluhod na siya sa sahig.

"Sana di mo na lang ako naramdaman, eto lang sana aabutin mo." Sabay pukpok ng
baril ko sa ulo niya. Tsk. Tulog na naman.

Pinusosan ko na muna siya bago ko iniwan na nakabulagta siya sa may sahig sa cr.
Ni-lock ko din yung pinto dahil baka pumunta dun yung mga kasamahan niya at
matunugan pa kami. Narinig ko din na may tatlo nang napatumba si Erick. Pito na
lang sila.

Nagkita kami ni Erick sa may Vegetables section. Sinenyasan niya yung mga customers
na nakakubli dun at sinabing wag silang maingay. Sinabi din niyang gumapang sila
papunta sa cr at dun sila dumaan. May bantay kasi sa may exit.

Tinanguan ako ni Erick na para bang sinasabi niyang,

let's do it, kaya natin 'to. Determinadong gumanti din ako sa kanya ng tango at
napahigpit ang hawak ko sa baril ko. Naramdaman ko yung parang mainit na bagay na
dumaloy sa gilid ng labi ko, dugo. Nabigwasan kasi ako nung isa kanina. Pinunasan
ko iyon gamit nung kamay ko.

Natanaw ko na yung dalawang bantay sa harap. Ang mga gago busy'ng busy sa paglalaro
ng baraha habang kumakain ng chichirya na tiyak galing dito sa loob ng grocery
store. Ang pinaka-leader siguro nila ay yung nasa harapan ng mga hostages at panay
ang tingin sa relo na minsan napapalatak pa.

Hindi din naman kasi 'to kalakihan at iisa lang ang security guard kaya naman agad
nilang napasok ang grocery store na 'to. May mga ilang biktima na takot na
nakakubli sa may malapit sa counter. Mukhang nalimas na nila ang mga pera dun. May
maliit din daw yatang vault dito sa may opisina ng may-ari at pati din yun, nalimas
na nila ang laman.

May dadaan sa side ni Erick. Tinisod niya iyon saka nilagyan ng patatas yung bibig
para di makapag-ingay, bago niya iyon pinatulog. Hanggang sa apat na lang ang
natitira. Yung dalawang bantay sa harap, yung leader at tsaka yung isang bantay sa
exit.

"Hoy, Berting." Yamot na tawag nung leader nila dun sa isa sa dalawang bantay sa
harap. Lumingon sa kanya yung nasa kanan at nagtanggal ng bonete. "Tingnan mo nga
si Luis bakit ang tagal niya mag cr. Kailangan na nating lumabas dito. Kumuha ka ng
isa diyan mamya sa mga hostages at gawing panangga sa mga parak."
"Sige bossing." Narinig kong sabi nung tinawag niyang Berting.

Sumenyas si Erick na siya na ang bahala dun pati

na sa lalake sa may exit. Hindi naman kasi namin pwedeng barilin na lang basta
basta itong mga kriminal na 'to, unless lumaban sila at kami ang malagay sa
alanganin.

Hindi na nakabalik pa yung Berting. Pero ilang saglit pa'y nakarinig kami ng putok
ng baril at naghiyawan yung mga hostages at napatayo yung dalawang natitira pang
suspect.

"Ano yun?" Tanong nung isang bantay sa harap.

"Dalian mo tingnan mo!" Galit na utos nung leader nila.

"Pascual, kumusta si Erick?" Tanong ko sa may earpiece.

"Okay naman siya." Tugon ni Pascual. "Nadaplisan lang yung kaliwang braso niya pero
sumenyas naman siya sa may camera na okay lang siya."

Hay salamat. Para akong nakahinga ng maluwag. Ngayon, naiwan sa akin yung leader
nila na panay ang mura at palatak dahil wala ng bumalik pa sa mga tauhan niya.

"Ikaw!" Kinuha niya yung isa sa mga hostages at niyakap sa likod sa may bandang
leeg at tinutukan ng baril sa sentido. Panay naman ang pakiusap nito na wag siyang
patayin. "Para magkasilbi ka, gagawin kitang panangga!" Galit na sabi nung lalake
saka tumalikod na.

I took that opportunity para masensayan yung mga biktimang magtago sa likod. Agad
silang tumalima. Palabas na yung lalakeng may tangang hostage ng inasinta ko yung
may bandang paa niya. Tumba siya kasama nung babaeng tumitili pa. Agad akong
lumapit at sinipa yung baril palayo sa kamay nung kriminal. Tinulungan ko ding
tumayo yung babae at sinabing lumabas na siya.

Namimilipit sa sakit yung lalake habang nakahiga siya sa sahig hawak ang natamaang
hita. Sinabi ko na din sa unit na pwede na silang pumasok

at dakpin na ang mga kriminal.

------------------------

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Jazmine ng maiuwi ko na siya sa bahay at dinalhan


siya ng tubig sa may sofa.

Agad naman niya iyon ininom at nilapag sa center table yung baso na may kaunti pang
laman.

Agad siyang yumakap sa beywang ko at inihilig yung ulo sa balikat ko.

"Pwede bang kina mama muna tayong gabi?" Pakiusap niya. "Gusto ko lang ng may ibang
tao akong nakikita ngayon." Parang malungkot na sabi niya.

Hinimas himas ko yung likod niya. "Sige." Payag ko.


Nagpunta kami kina Alex at naikwento nga namin sa kanila yung nangyare. Sinabi
naman ni Jazmine na dun muna kami magpapalipas ng gabi at agad namang sumang-ayon
ang mga magulang niyang nag-alala din.

Sa laki ng bahay nila, mahihirapan kang maghanap kung nasan na yung kasama mo.

"Manang, nakita niyo ho ba si Jazmine?" Tanong ko sa isang kasambahay nila.

Itinuro niya ako sa bandang likod, sa may swimming pool. Hindi naman gaano madilim
dun dahil may mga ilaw sa mga poste. Naglakad ako papunta dun at nakita ko siyang
nakaupo sa gilid ng pool habang nakasawsaw yung mga paa sa tubig. Nakatulala siya
sa may tubig.

"A penny for your thoughts?" Sabi ko ng makalapit ako sa kanya.

Agad naman siyang lumingon at ngumiti sa akin ng tipid. "Na-miss ko maligo sa


pool." Sabi niya.

"Eh di maligo ka ngayon." Sabi ko naman.

Tinulungan ko siyang tumayo. Agad siyang naghubad ng damit at ang natira lang ay
yung bra at panty niya.

"Samahan mo 'ko." Sabi niya sa akin. Umiling naman ako sa kanya. "Sige na."

Wala akong gusto ngayon kundi ang pagbigyan lang siya sa mga gusto niyang gawin,
dahil gusto kong iwaksi niya sa kanyang sistema yung nangyare sa kanya ngayong araw
at wag ma-trauma.

Nagtanggal na ako ng pang-itaas na damit. Naka-shorts lang naman ako. Ayokong


pumarada dito sa kanila na parang hubad na.

Masaya siyang lumangoy-langoy, hanggang sa tumigil siya sa harapan ko at niyakap


ako sa batok. Agad ko naman siyang hinawakan sa beywang.

"I was so scared." Sabi niya sa akin habang nakatayo kami sa may malapit sa gitna
ng pool na hanggang baba ng dibdib ang taas ng tubig. "Pero nung sinabi mong
ililigtas mo ako, nawala yung takot ko." Hinayaan ko lang siyang magsalita. "I
realized that moment how short life is. At anumang oras ay pwede ka na lang basta
mawala sa mundong ito."

Nakatitig lang ako sa magandang mukha niya. Ang seryoso ng mga mata niyang
nakatingin din sa akin.

"That's why I had to say what I really feel for you bago mahuli ang lahat." Dagdag
niya. "I love you, Chyler."

"Jazmine..."

Hindi na niya ako pinagsalita pa at hinalikan na lang niya ako sa labi. She moved
her lips on mine at mas lalo pa niyang nilapit yung katawan niya sa akin. Tinugon
ko yung halik niya at tuluyan ko na siyang niyakap sa beywang.

Siya din ang pumutol nung halik. "I'll make you fall in love with me, Chy."

Hindi iyon isang salita lang, ngunit isang pangako. Nakita ko yung determinasyon sa
mga mata niya. Alam ko naman na hindi siya mahirap mahalin, pero sa ngayon, hindi
pa handa yung puso ko para pagbuksan siya. Hahayaan ko na lang ang panahon na
siyang magbukas nun.
I smiled at her in response. "Good luck."

She throw her head up and laugh. Masaya ko lang siyang pinagmasdan. Maybe it's time
to accept the fact that I am married to her and we will spend the rest of our lives
together.

Loosen up, dela Rosa! Aniya ng aking isipan.

=================

Chapter 29 First, I Hate You

"When you truly care for someone, her mistake never change your feelings because
it's the mind that gets angry but the heart still care."

Jaz POV

"Jazmine..."

Pangatlong tawag na yata sa akin yun ni Chyler pero di ko pa din siya nililingon.
Kanina ko pa siya di kinakausap at di pinapansin.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Lumapit siya sa kinatatayuan ko dito
sa may balcony paharap sa likod bahay namin na malinis na at kita sa pamamagitan ng
mga poste ng ilaw na dati ng nandun.

Hinawakan niya ako sa kaliwang balikat pero agad ko iwinaksi yung kamay niya at
lumipat ng pwesto. Hindi ko din siya kinikibo kanina habang kumakain kami ng
dinner. Nakasimangot pa din akong nakatalikod sa kanya.

"Sana naman intindihin mo yung trabaho ko." Dalawang beses ko na yung narinig
simula ng dumating siya galing sa trabaho.

Magkasalubong yung kilay na hinarap ko siya. "Alam mong special ang araw na 'to
para sa akin tapos yung dumaan ka man lang sana dun sa coffee shop di mo man lang
nagawa?" Sumbat ko sa kanya.

"Hindi nga ako pwede basta basta na lang umalis dun sa crime scene kanina."
Pangatlong paliwanag na rin niya 'to.

"Ang sabihin mo kahit kailan talaga hindi mo ako pinahalagahan." Sabay talikod ulit
na sabi ko sa kanya.

"Jazmine, ano ba?!" Halata na yung nauubos ng pasensya niya sa kanyang tono.

"I hate you." Puno ng hinampong sabi ko sa kanya kahit pa nakatalikod ako.
"Hindi ko nga pwedeng iwan yung trabaho ko kanina, mahirap bang intindihin iyon?!"
Medyo malakas na din yung boses niya.

Muli

ko na naman siyang hinarap. "Eh di sana pagkatapos mo dun sa iniimbestigahan niyo


ka nagpunta." Ganti ko. "Importante nga yun sa akin dahil opening ng unang negosyo
naming magpipinsan. And I want to share it with you, Chyler. Mahirap din bang
intindihin yun?"

Her jaw clenched as she gritted her teeth. Halatang nagpipigil lang siyang wag
magalit sa akin ng tuluyan. Nakita ko yung galit sa mga mata niya pero agad niya
iyon itinago sa akin at tumalikod.

"Chyler!" Tawag ko sa kanya pero di siya lumingon o sumagot man lang. "Hey, I'm
still talking to you!" Inis na sigaw ko.

"Saka na tayo mag-usap kapag malawak na yang pag-iisip mo." Mahina ngunit madiing
sabi niya.

"So what do you mean by that?" Mas lalo yata nag-init yung ulo ko sa kanya. "Na
makitid ang utak ko?"

Hindi siya kumibo at naglakad na siya patungo sa kuwarto namin pero agad din siyang
lumabas at suot na yung hinubad niya kaninang black leather jacket niya.

"And where do you think you're going?" I demanded.

"Magpapalamig." Halata ang pigil na galit sa boses niya at walang lingon likod na
bumaba siya ng hagdan.

Humalukipkip ako saka sumandal sa railing. Hindi ko siya susundan. Siya ang may
kasalanan sa akin. Nangako siyang sisipot siya kanina at hahabol sa pagbubukas
namin sa shop pero tapos na ang maliit lang naman na programa't lahat, ni anino ni
Chyler wala.

Importante sa akin iyon dahil isa iyong milestone sa buhay ko, at syempre sa kanya
ko gusto yun ibahagi since siya ang asawa ko at mahal ko siya. Isa pa, she made a
promise.

Mag-aalas onse na ng gabi pero di pa din siya umuuwi. Kahit naman galit

ako sa kanya nag-aalala pa din ako. I tried to call her for so many times pero
unattended yung cellphone niya. Natawagan ko na din si Erick pero di daw niya
kasama.

"Nagpapalipas lang yun ng sama ng loob at nagpapalamig ng ulo. Hayaan mo muna, mas
ginusto niyang umalis na lang kaysa makipag-away sayo." Naalala ko pang sabi ni
Erick sa akin kanina.

Nakatanaw ako sa may bintana ng kuwarto ng dumating yung kotse ni Chyler. Agad
akong nahiga sa kama at nagkumot saka nagkunwaring natutulog na though
pinapakiramdaman ko siya.

Narinig ko yung mga yabag niyang papalapit sa kuwarto namin, yung pagbukas sara
nung pintuan sa kuwarto at pati na yung pagpasok niya sa banyo. Ilang minuto din
siyang nanatili dun bago lumabas. Narinig ko din yung ingit nung closet na binuksan
niya.
See? Kahit nakatalikod ako sa kanya, ramdam ko siya. Ganun kalakas ang epekto ng
presensya niya sa akin.

Akala ko ng matapos na siya makapagbihis, tatabi na siya sa akin pero mali ako.
Kumuha lang pala siya ng unan at tsaka lumabas ng kuwarto namin.

So anong gusto niyang palabasin ngayon? Na ayaw niya akong makatabi sa pagtulog?

Hmp! Bahala nga siya.

Pero naman, madaling araw na di pa din ako dalawin ng antok. Sanay na kasi akong
katabi siya sa pagtulog. Bumangon ako at naupo sa kama. Nagtatalo yung damdamin at
isipan ko kung pupuntahan ko ba siya sa baba at ayaing dito matulog o hindi?

Naman kasi! Himutok ko sa loob loob ko saka napakamot sa ulo.

Pabagsak ulit akong nahiga sa kama. Natalo yung damdamin ko. Galit pa kasi ako sa
kanya eh. Hindi ko yun kayang

itago sa kanya. Kaya naman, sa ikalawang pagkakataon, simula ng ikinasal kami ni


Chyler, matutulog akong mag-isa dito sa kuwarto namin.

Ganun pa din kami kinabukasan, walang imikan. Nagsimba kami ng sabay. Day off niya
kaya naman sumama siya sa akin sa coffee shop. Yung kotse niya kasi ginamit namin
sa pagsisimba, kagaya ng nakagawian na namin tuwing linggo. Walang weekly reunion
ang pamilya namin dahil sa umalis kagabi sina tita Abby at tita Ana papuntang
Paris, inihatid si Flynn. Tinapos lang niya talaga yung opening ceremony ng shop
para na din supurtahan si Hailey.

Sinamahan ko si Stef sa may counter, ngunit paminsan-minsan din naman akong


sumusulyap kay Chyler na nakadekuwatrong nagbabasa ng diyaryo sa may gilid at
manaka-nakang tumatanaw sa kalsada. Puro glass wall kasi ang harapan at gilid ng
shop kaya kitang kita sa labas at pati na din sa loob.

Inutusan ko kanina yung isang waiter na bigyan siya ng kape at tsaka cinnamon
bread. Di man lang niya ginalaw yung tinapay pero inubos niya yung kape.

Madami ng tao sa loob ng shop. Pati na nga din sina Taz, Ash at Hailey tumutulong
na din sa pagse-serve. May isang babaeng pumasok at saka naghanap ng mauupuan. Wala
ng ibang available, unless makiki-table siya sa mga nandun. Napansin kong
napatingin siya sa direksyon ni Chyler. Naglakad siya agad patungo dun at nag-
excuse. May sinabi sa kanya yung babae at tumango lang naman si Chyler sa kanya.
Napakunot noo ako ng naupo yung babae sa harapan niya at naki-share ng table.

Nag-order na yung babae ng kape saka nangalumbaba at pinagmasdan si Chyler na


nakatuon pa din ang

pansin sa binabasang diyaryo. Di naman niya alintana ang hayagang pagtitig sa kanya
nung babaeng maganda naman at sexy.

"Pakisabi nga kay Chyler sa opisina ko na lang siya tumambay." Pinasabi ko dun sa
service crew na magdadala nung order ng babaeng kaharap ni Chy.

Magalang namang tumalima yung empleado namin at sinabi nga kay Chyler yung
pinapasabi ko. May sinabi din si Chyler sa kanya saka tipid na ngumiti. Napakunot
noo ako ng muli niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Ma'am okay lang daw po siya dun." Sabi sa akin ni Mark. Nakita ko sa name tag niya
eh.
"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Stef.

"Yup." Sabay tipid na ngumiti sa kanya. Nakakaunawang ngiti naman ang iginawad niya
sa akin.

"Kaya pa ba?" Pumasok si Hailey sa may kinaroroonan namin ni Stef.

"Oo naman." Sabay pa naming sagot ni Stef at nagkatinginan saka nagkangitian kaming
dalawa.

Nilapitan niya si Stef saka minasahe yung mga balikat niya. "Dun ka nga. Istorbo
ka." Angil naman nung isa.

May ibinulong sa kanya si Hailey at napansin ko yung bahagyang pamumula niya.


Siniko niya si Hailey sa tiyan. Natatawang naiiling ako dito sa dalawang 'to.
Without them knowing it, ang sweet nilang tingnan.

"Ang bastos mo talaga." Sabay irap na mahinang sabi ni Stef kay Hailey na nakahawak
sa tiyan niyang nasiko.

Binigay ko na yung resibo nung lalakeng customer na nag-order for take out.

"Thank you." Nakangiting sabi ko ng nag-angat ako ng tingin mula sa monitor.

Titingnan ko sana si Chyler pero nasa harapan ko na pala siya. "May maitutulong ba
ako?" Pormal ang mukhang tanong niya.

"Wala."

Pormal din ang mukhang sagot ko. "Umupo ka na muna at dun mo na lang ako antayin sa
loob ng opisina."

May maliit kasi kaming opisina dun sa loob ng shop, kung saan pwede kaming mag
conduct ng meeting naming magpipinsan slash partners.

Isa pa, ngayon lang kasi ang day off niya kaya ayoko na siyang patulungin pa.
Ngayon lang siya makakapagpahinga sa trabaho niya.

"Dito na lang ako." Sabay upo sa gawa sa bakal na upuan dun sa likuran namin ni
Stef.

Hindi na lang ako kumontra. Kaysa naman dun sa halatang nagpapapansing babae namang
ka-table niya kanina siya bumalik, eh di dito na lang siya.

"Next time, bumili kayo ng push tray." Sabi niya at nilingon ko naman siya.
Nakatingin siya sa mga service crew na dala-dalawa ang hawak na tray para i-serve
sa mga customers. "Para mas madaming ma-accommodate na orders at hindi na kailangan
magpabalik balik pa mga crew niyo. Save time." Suhestiyon niya.

Napaisip naman ako. Tama naman yung sinabi niya. At tsaka good idea nga yun tapos
mas mabilis pa ang pagseserve ng order pag ganun.

Pagod na pagod ako sa kakatayo dun sa likod ng counter. Ang sakit sa binti. Kumain
muna kami sa labas, kaming lahat na magpipinsan including Stef of course, bago
nagsiuwian na.

Hikab ako ng hikab habang nasa sasakyan ng pauwi na kami ni Chyler. Nakakapagod
pero worth it naman. At tsaka masaya kasi madami kaming customers. May mga
teenagers pa kaninang nagpa-picture kay Ashley at Hailey. Pareho na kasing nate-
televise yung mga laro nila, si Ash sa volleyball tapos si Hailey sa basketball,
kaya mas madami ng nakakakilala sa kanila. May isa pa

ngang humalik sa pisngi ni Ashley.

Nauna na akong maligo kay Chyler na may kausap sa cellphone niya. Mukhang
confedential yata dahil lumabas pa siya ng kuwarto. Para akong tamad na tamad
gumalaw. Pagkalabas ko ng banyo, agad na ding pumasok si Chyler para siya naman ang
maglinis ng katawan.

Kakasampa ko pa lang sa kama ng lumabas si Chyler. Ang sakit ng binti ko talaga.


Nangawit din yata kanina. Ang hirap pala maghanapbuhay.

Sumampa na si Chyler sa kama na may dalang ointment yata yun. "Lapit ka dito,
mamasahein kita." Sabi niya.

Hindi na ako nag-inarte pa at lumapit ako sa kanya. Ngayon nga lang kami nakakapag-
usap mula kagabi ng nag-away kami. Napapikit ako ng sinimulan niya akong i-massage
sa balikat.

"Damn it feels good." Mahinang sabi ko.

Pagkatapos niya sa balikat ko yung mga braso ko naman isinunod niya.

"Bakit magaling ka magmasahe?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit masama ba?" Ganting tanong niya na ikinatirik ng mga mata ko.

Typical dela Rosa.

Hinayaan ko na lang siyang ipagpatuloy yung ginagawa niya. Isa pa, nagiginhawaan
yung katawan ko. Napatingin siya sa akin ng napaigtad ako ng isinunod niya yung
binti ko pataas sa hita ko.

Nakapatong sa hita niya yung minamasahe niyang paa ko. At di ko maiwasang mailang
dahil nakabukaka ako sa harapan niya, to think na naka-nighties ako. Di kita na
niya yung undies ko.

"Nakita ko na lahat yan." May pigil na ngiti sa labi niya but her eyes couldn't
hide those mischievous smile of hers.

Inirapan ko lang siya sabay kuha nung unan tsaka ko tinakip sa gitna ko. Natawa
siya dahil sa ginawa ko.

"It's not funny so shut up." Nagtataray-tarayang sabi ko sa kanya.

Tumigil nga siya sa pagtawa pero nandun pa din yung nakakalokong ngiti niya.

"I'm still mad at you." Sabay irap ko sa kanya ng matapos niya akong i-massage.
"But thank you." Umayos na ako ng higa patalikod sa kanya.

Naramdaman ko yung paglapit niya. She placed her hand on my hips and kissed my
shoulder.

"Sorry na." Sincere na sabi niya. Hindi ako kumibo. She kissed my shoulder again
and say sorry.

Tuluyan na akong humarap sa kanya, nakalabi. "Next time wag ka na lang mangangako
sa akin kung di ka din naman sisipot."

"Opo." Parang maamong tupang sagot niya.

"I still hate you." I said but she just smiled at me. "And I love you too."

She cupped my face and kissed me. "I know." Nakangiting sabi niya. "Bati na tayo?"

"Di mo pa ako sinusuyo." Sabay pout.

Natawa siya ng bahagya. "Minasahe na nga kita eh."

"Hmp."

"I love..." She mumbles. Maang na tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya ng pilya.
"I love your eyes, your nose, your lips, your s---"

Hindi na niya iyon naituloy pa dahil hinampas ko siya sa braso. "Chyler naman eh!"
Reklamo ko sa kanya. "Paasa ka talaga kahit kailan!"

Ang lakas nung tawang pinakawalan niya saka ako hinapit sa beywang.

"Darating din tayo dun." Ngingiti-ngiting sabi niya. "Basta galingan mong
manligaw."

Hinampas ko siya sa balikat pero nakangiti na ako. "Crazy."

"Ikaw?" Pang-aasar niya sa akin. "Oo yata eh. Baliw na baliw ka sa akin." Sabay
tawa.

"Conceited." Saka ko siya kinagat sa balikat.

Bati na kami ni detective, kaya naman masaya na ulit kaming dalawa.

=================

Chapter 30 Kill the Night Away

"Let me have you in the most intimate ways, let me give you a part of myself that
no one can touch, make me yours forever."

Jaz POV

Paglabas ko ng banyo, akala ko nakahiga na si Chyler sa kama. Mukha siyang pagod


kanina at tsaka di masyado kumikibo. Parang may problema.

Kaya naman pagkatapos ko magbihis ng nighties, binuksan ko yung pinto para sana
hanapin si Chyler pero agad ko na siyang nakita sa may balcony.
"Chyler?" Malumanay na tawag ko sa pangalan niya.

Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakatitig sa hawak ng bote ng beer na iniinom


niya.

"Why?" She asked back.

Naglakad ako ng mabagal papunta sa kanya at huminto sa harapan niya.

"May problema ka ba?" Di ko napigilang itanong.

Umiling siya saka inilahad sa akin yung kamay niya pagkatapos niyang mailapag sa
lamesita yung bote na may laman pa. Agad ko naman kinuha yun. Masuyo niya akong
hinila papalapit sa kinauupuan niyang gawa sa bakal na walang armrest.

"Sit here." Sabay tapik nung hita niya.

Itinuro niya kung paano ako uupo sa lap niya, in a stride position. Kinuha niya
yung dalawang kamay ko at inilagay sa batok niya. At tsaka inilagay naman niya yung
mga kamay niya sa likod ko.

"You can tell me whatever it is." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka ba?" Tanong niya at tumango lang ako bilang sagot. "Hindi ka ba
magagalit?" Umiling ako sa kanya. Huminga muna siya ng malalim. "May babae ako."

Nanlaki yung mga mata ko sa kanya at tatayo na sana ako para layuan siya ng
hinawakan niya ako sa magkabilang balikat upang pigilan.

"Dela

Rosa hindi ka nakakatuwa ha?" Nakairap na sabi ko sa kanya.

Tumatawang napapailing siya. "Akala ko ba hindi ka magagalit sa akin?" Sinamaan ko


siya ng tingin. "At tsaka di ba sabi mo, you can tell me whatever it is." Na pilit
ginaya yung boses ko.

"Ang sama sama mo talaga sa akin. Nakakainis ka!" Gigil na sabi ko sa kanya.

"Ikaw naman po kasi, Manang Mataray at Makulit na Jazmine, sineryoso mo agad."


Tinukso pa ako.

"Ikaw," Hinawakan ko yung tenga niya saka siya piningot.

"Aray, aray, aray!" Napangiwi siya sa sakit. "Jazmine!"

"Seryoso akong nakikipag-usap sayo, tapos ganun isasagot mo sa akin." Tinaas ko pa


yung tenga niya.

"Hindi na, hindi na." Ang pula na ng mukha niya. "Jazmine, ano ba? Promise di na!"

Binitawan ko na yung tenga niya na agad naman niya yun tinakpan ng kamay.

"Ang sama mo magalit." Nakangiwing sabi niya sa akin.

"Oo!" Pinandilatan ko pa siya ng mata. "Kaya wag mo ako pinipilosopo kapag seryoso
ako."
"Tsk." Palatak niya. "Pasalamat ka maganda ka kahit nagagalit ka." Bulong niya pero
narinig ko naman.

"May sinasabi ka?" Kunwaring tanong ko sa kanya.

Niyakap niya ako saka ibinaon niya yung mukha niya sa crook ng leeg ko. Tumayo yata
lahat ng balahibo ko ng masuyo niya akong kinagat sa earlobe.

"Chyler..." I whispered when she keeps on leaving me sweet little bites on my neck.
Napapikit tuloy ako para damhin yung ginagawa niya sa akin. Nakadagdag pa yung
paghaplos-haplos niya pataas pababa nung hita ko.

"Let's have sex, Jaz." Husky ang boses na bulong niya sa akin. "I don't want to
make love

to you, tonight. I want to have sex with you instead, Jazmine."

God, ba't ang sexy ng boses niya ngayon na para akong kinikiliti at tsaka inaakit.

Wala sa loob na tumango ako sa kanya. Nagmamadali niyang tinanggal yung undies ko
at ibinaba lang yung magkabilang strap ng suot kong nighties sa mga balikat ko.

She caught my lips for a rough kiss. Hindi siya dati ganito humalik sa akin.
Palaging may pagsuyo at pag-iingat. Pero parang ibang Chyler yung kasama ko ngayon.
Brusko din niyang ipinasok yung dila niya sa loob ng bibig ko. Napahigpit ang hawak
ko sa balikat niya ng maramdaman ko yung daliri niyang hinahagod ako sa gitna ng
mga hita ko.

My breathing's labored, and the heat started to succumb me. Parang may mga paru-
paro sa loob ng tiyan ko at nag sa-sommersault.

"Chyler..." I moan as I gasp every time she circled my clit and touch it upwards.

Nasa leeg ko yung mga maiinit na labi ni Chyler. "You smell so sweet, Jazzy." She
whispered. "You're so damn hot."

She keeps on whispering sexy things but none of it I care about. Mas nangingibabaw
yung init ng pakiramdam ko sa tuwing pinaglalaruan niya yung hiyas ko.

"Goddammit, Chyler!" I cried as I throw my head up and thrust myself towards her.
"This is crazy." Habol ang hiningang sabi ko. The pleasure is too much to endure.
Ang wild niya ngayong gabi. "S-stop..." Parang di ko kaya yung sensasyon, at
pakiramdam ko din anytime mauubusan ako ng hangin.

"Do you want me to stop?" Sexy'ng bulong niya sa tenga ko saka sinipsip na naman
niya yung earlobe ko.

Ang init init na ng pakiramdam ko. "N-no..."

Yes, I don't want her to stop though this is insanity.

Nanlalambot yung mga tuhod ko at nanghihina ako sa sobrang init ng sensasyong ito.
Kinagat ko yung ibabang labi ko para pigilan yung kumakawalang sigaw. Pero di pa
din iyon napigilang kumawala nang yanigin ng buong pagkatao ko ng kiliting dulot ng
ginagawa sa akin ni Chyler. Hingal na hingal akong napasubsob sa leeg niya. I came
with just her touch.

"You're so wet, babe." Bulong niya sa akin. "And it makes me want you more." At
wala sabi-sabing ipinasok niya yung daliri niya sa lagusan ko.
Muli akong napasinghap at pigil ang hiningang tiningnan ko siya. "Chy..." I almost
pleaded.

"Do you want me to stop now?" She asked with a devilish smile. Hindi ako makasagot
dahil sa patuloy na paglabas masok niya sa akin. Hindi pa nga ako nakaka-recover
dun sa una... but I love it anyway.

"You're driving me crazy." Halos di na yun lumabas sa bibig ko.

"Then so be it." Sabi niya. "Let your body take over, Jazmine." She whispered
before she took my nipples and suck it.

"Damn you, Chy." Napapasinghap na sabi ko.

She keep on thrusting herself on me and I keep on receiving and giving in at the
same time. Para namang bingi ang katawan kong sumusunod lang sa kung anong ginagawa
sa akin ni Chyler.

"Let it go, Jazmine." Sensual na bulong niya sa akin. "Let it go... wag mong
pigilan."

So I did what was told. I let go. I let the pleasure take over me, I let the lust
of my body succumb my soul. And then... I gave her my body, my heart... my love.

I felt my body rocked as I come undone once

again. Para akong walang butong yumakap kay Chyler. Pagod na pagod at hingal na
hingal kong ibinaon ang mukha ko sa crook ng leeg niya. My body quivered when she
slowly eased herself away from my core. I felt my core throbbing from that shock of
pleasure that washed all over me.

Niyakap niya ako at hinagod hagod ang buhok. Hinayaan lang muna niyang mag-subside
yung damdamin ko. Ilang sandali ang lumipas ngunit wala pa ding nagsasalita sa
aming dalawa. She took off her white shirt.

"Chy..." Mahinang saway ko sa kanya ng pupunasan niya ako sa pagitan ng hita gamit
yung hinubad niyang damit niya.

"Just let me." Sabi niya.

Hinayaan ko na lang siya, nanghihina pa ako at walang lakas para pigilan siya. I
felt my cheeks warmed. Alam kong namumula ang mga yun ngayon. Bigla kasi akong
nakaramdam ng hiya sa kanya.

"Basang-basa." Tukso pa niya sa akin ng mapunasan niya ako dun.

"Kasalanan mo." Pulang-pula ang mukha ko, I know. Pero pinagtakpan ko iyon ng
pagtataray.

She laugh softly and held me tight. "You're blushing so hard." Nakangising tukso
niya sa akin.

I burried my face on her shoulder. "I love you, Chyler." I whispered with a sleepy
voice. Bigla akong inantok.

Napansin niya sigurong antok na ako. Tumayo siya buhat buhat ako at naglakad na
papuntang kuwarto. I took off my nighties and climb under the covers naked. Hindi
na din siya nag-abala pang magsuot ng pang-itaas na damit at tumabi na sa akin sa
pagtulog. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Good night, Jazmine." She kissed my forehead.

"Good night, Chy." As I drifted off to sleep.

The next morning,

wala na si Chyler sa tabi ko paggising. Tinatamad pa akong bumangon, pakiramdam ko


nanlalata pa ako. Hinapit ko sa katawan ko yung kumot saka kinuha yung unan ni Chy
at niyakap ko iyon ng mahigpit.

"Gising na, makulit na prinsesa." Masiglang bati niya sa akin ng pumasok siya sa
kuwarto.

May dala siyang tray. "Tinatamad pa ako. Gusto ko pang matulog." Sabay pikit ulit
na sabi ko.

"May pasok ka pa sa school." Sabi niya. "Breakfast in bed." Nilapag na muna niya
ang hawak sa bedside table. "Bangon na!" Sabay hila ng kumot.

"Naman kasi..." Reklamo ko saka napilitan ng bumangon. Naupo ako sa kama at tsaka
sumandal sa headboard.

"Here." She handed me a cup of coffee. "Para magising yang natutulog pang katawang
lupa mo." Biro niya sa akin.

"Subuan mo ako." Lambing ko sa kanya.

Natatawang sumunod naman siya. Sinubuan nga niya ako gamit yung sariling kutsara
niya. So what? She's my wife.

Ng matapos kaming kumain, inutusan na niya akong bumangon na at maghanda sa


pagpasok sa school. Pumasok ako sa loob ng banyo na tamad na tamad pa din. Gusto ko
pang mahiga sa kama. Naligo na ako at kahit papaano nagising yung katawan ko pero
yung utak ko antok pa talaga.

Pagkaligo, nagtoothbrush na ako. At habang nagto-toothbrush, may napansin akong mga


maliliit na reddish marks sa may leeg ko. At nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto
kung ano ang mga yun.

"Chyler!" Inis na sigaw ko. Mabilis akong nagmumog na at parang handa na akong
makipag-giyera paglabas ko ng banyo.

"O? Bakit?" Takang tanong niya.

"What are these?" Pigil ang inis na turo ko sa mga kagat niya

sa leeg ko.

"Kiss marks?" Pigil ang pilyang ngiti niya sa labi.

"Damn it, Chyler. I know what those are!" Inis na talaga ako. Gising na gising na
yung utak kong kanina antok na antok. "Pero bakit mo ako nilagyan ng ganito?!"
Gusto kong pumadyak padyak sa harapan niya sa sobrang inis ko.

"Hey," Yayakapin sana niya ako pero tinulak ko siya. "Ano ka ba?" Natatawang sambit
niya. She's clearly enjoying it.
"Hindi ako papasok sa school!" Tinabig ko siya palayo sa closet at kumuha ako dun
ng pambahay.

"Jazmine..."

"It's your fault!" Inis na sabi ko saka nagtanggal ng tuwalya at nagbihis ako mismo
sa harapan niya. "Hindi ako papasok." Giit ko sa kanya.

"So what will be your excuse?" May paghahamon pang tanong niya sa akin as she
crosses her arms across her chest. "Na may kiss marks ka sa leeg?" Mischiefs dance
across her eyes.

"Whatever!" Ganti ko.

Inis na inis ako sa kanya. Ayokong pumasok ng may ganito. My God! Mamamatay ako sa
hiya kapag nakita ng dalawang pinsan ko 'to. Hindi nila ako titigilan sa kakatukso.
Kaya mas mabuti pang magkulong na lang dito sa bahay.

"It's all your fault so don't force me to go to school!" Sabay duro ko sa kanya.

Nakangiwing nagkamot siya ng kilay. "Guilty."

Inirapan ko lang siya. Kahit nung nagpapatuyo na ako ng buhok sa harapan ng


dresser, nakasimangot pa din ako. Pumasok na siya sa loob ng banyo at siya naman
ang naghanda na sa pagpasok sa trabaho.

Pagkatapos ko magpatuyo ng buhok, naupo ako sa kama saka sumandal ulit sa


headboard. Kinuha ko yung macbook ko at binisita ko na lang yung social media
accounts

ko.

"Alis na ako." Kapagkuwa'y paalam sa akin ni Chyler. Hindi ako sumagot o tumingin
man lang sa kanya. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. "Wag ka na ngang
sumimangot diyan, mas lalo kang pumapangit." Tukso niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Tumayo na siya saka naglakad na palabas ng kuwarto. Pero
ilang minuto lang ang nakakalipas ay muli siyang pumasok sa loob ng kuwarto namin.
May dalang lollipop.

"Bati na tayo." Sabay harang sa mukha ko nung lollipop na marahil kinuha niya sa
baba.

Pabalang na inagaw ko yun sa kanya saka siya tiningnan ng masama. Walang imik na
binuksan ko yun saka sinubo.

Napabuga siya ng hangin. "Hindi na nga ako tatabi sayo mamyang gabi." Mahinang sabi
niya sa malungkot na boses.

Nag-angat ako ng tingin saka tiningnan siya ng masama. Tinanggal ko sa bibig ko


yung lollipop. "Subukan mo lang, tatanggalin ko talaga yang isang tenga mo."

Awtomatiko namang tinakpan niya yung tenga niyang piningot ko kagabi. "Eh galit ka
sa akin."

"Mas lalo akong magagalit sayo kapag di ka tumabi sa akin mamya." Inirapan ko siya.

Natawa siya ng mahina. "Sige na nga, pinipilit mo ako eh."


"Hmp." I mumble. "Uwi ka mamyang lunch wala ako kasama kakain."

"Opo." Agad namang sagot niya.

"Kiss mo ko." Masungit na sabi ko.

Pigil ang sariling wag siyang matawa at agad tumalima. Hinalikan niya ako sa labi.
"Lasang strawberry." Nakangiting sabi niya.

Kinabig ko siya at muling hinalikan sa labi. She moved her lips on mine and I did
the same. "Wag mo na ulit ako bibigyan nito, ha?" Di na ako galit sa kanya,
nagtatampo na lang.

"Oo na po." Nakangising sagot niya. "Pasok na ako." Saka muli akong hinalikan sa
labi bago tumayo na.

"Ingat ka. Uwi ka mamya." Paalala ko sa kanya.

"Ang kuleeeet!" Natatawang sabi niya. Naglakad na siya papuntang pintuan.


"Jazmine?"

Nag-angat ako ng tingin at nagtatanong ang mga matang tumitig sa kanya.

"Bagay sayo." Sabay nguso sa mga kiss marks ko.

Kinuha ko yung unan para ibato sa kanya pero likuran na lang ng pintuan yung
tinamaan. Muli iyong bumukas at natatawang mukha ni Chyler ang dumungaw dun.

"I'm missing you already." Sabay kindat na sabi niya saka muli din iyong isinara.

Loko-loko! Pero unti-unti din namang sumilay ang ngiti sa labi ko sa sinabi niya.

-Hot Jazzy on media 😙😙😙

(Sensya na po wala ako sa mood magsulat eh. Ahahahahahahahaha! 😂😂😂)

=================

Chapter 31 The Crazy Little Thing Called?

"My life is magical, wonderful and fantastical because you're in it. Let's work on
making this a forever thing."

Chyler POV

Umiiyak na niyakap ako ng anak ng lalakeng hinihinilang binaril dito sa loob ng


kanilang library.

"Wala na si Dad." Sabay singhot saka umiyak ng umiyak ang dalagang Fernandez.

Pilya namang ngumiti sa akin si Erick na nag-aassist sa mga kasamahan naming nag-
iimbestiga sa nangyare.

"We'll do everything we can to find the killer." Alo ko na lang sa kanya.

"Salamat, detective." Saka mas lalo pang humigpit yung yakap niya sa akin.

Di ko naman malaman kung yayakap ako o ano. Hinimas ko na lang yung balikat niya in
a friendly manner. Ayoko naman na bigla na lang siya itulak dahil nagluluksa siya.

"Chyler," Tawag sa akin ni John at lihim akong nagpasalamat sa kanya dahil may
rason na ako para kumalas sa babaeng ito.

Lumapit ako kay John na nakatayo sa tabi ng bangkay ni Mr. Fernandez, isang
business tycoon. Natagpuan siyang duguan at wala ng buhay dito kaninang umaga.
Biyudo na ang mayamang matanda at may tatlong anak na babae. Yung dalawang anak
niya yata nasa America at dun na naninirahan at ng natitira na lang ay yung bunso
na siyang nakayakap sa akin ng sobrang higpit kanina.

Sinuot ko yung gloves ko para di ma-tampered yung ebidensya at kinuha sa kanya yung
nakalagay na sa transparent na plastic na naka sealed na. Isa iyong basyo ng bala,
mula sa isang .44 Magnum, Smith & Wesson Model 29.

Hindi ko alam pero parang may mali sa sitwasyon. Walang force

entry. Wala din kaming ma-trace na ibang footprints sa carpeted floor dito sa loob
ng kuwarto kung saan naganap ang krimen.

"May suspect ka na ba?" Tanong sa akin ni Erick ng nasa presinto na kami.

"Hindi ako kumbinsido na may pumatay kay Mr. Fernandez." Tugon ko sa kanya at naupo
ako sa ibabaw ng lamesa niya.

"So anong ibig mong sabihin? Nagpakamatay siya?" Tanong niya.

Tumango ako. "May mali sa crime scene. Wala ibang footprints maliban kay Mr.
Fernandez. Wala ding force entry."

"Pero ano naman ang motibo niya para kitlingin ang sariling buhay?" Puzzled na
tanong ni Erick.

"Yan ang aalamin ko." Tugon ko sa kanya sa determinadong tono.

Nagpunta na ako sa lab para tingnan yung mga nalikom na mga ebidensya mula sa crime
scene. Ang gumugulo lang sa akin, sa kaliwang sentido tumama yung bala. Hindi naman
kaliwete si Mr. Fernandez. Wala ding indikasyon na nagpaputok siya ng baril.
Nasa malalim akong pag-iisip ng pumasok ako sa opisina ko. Nagulat pa ako ng makita
ko si Jazmine dun at nakaupo sa swivel chair at may binabasang file.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"I just missed you." Cool lang na sagot niya at saka ipinagpatuloy ang pagbuklat
dun sa folder na hawak.

"Hey," Saway ko sa kanya at agad na kinuha sa mga kamay niya yung folder. "This is
confidential." At itinago ko na yun sa may filing cabinet sa gilid.

"Wala na naman ba yung professor niyo kaya nandito ka?" Tanong ko. Naupo ako sa
gilid ng lamesa saka nag cross arm.

"Meron." Patay malisyang sagot niya.

"Are you skipping classes?" Sermon ko sa kanya.

"Jazmine, pwede ba seryosohin mo nga yang pag-aaral mo."

"I am." Saka parang batang tumayo siya saka lumapit sa akin. Pinaglaruan na naman
niya yung buhok ko sa likod ng niyakap niya ako sa batok. "Nakakatamad lang kasi
minsan pumasok."

"Look, ang swerte mo nga eh dahil nakakapag-aral ka at libre pa, tapos sa isang
sikat at prestisyosong unibersidad pa. Eh yung iba diyan, gustuhin man nilang mag-
aral kahit sa pampubliko lang, hindi magawa dahil sa hirap ng buhay nila." Mahabang
litanya ko.

"So..." Bigkas niya na patuloy pa din sa ginagawa sa buhok ko. "Kapag inayos ko
yung pag-aaral ko, makakapag-aral na ba sila?"

I rolled my eyes. "That's not what I mean, Jaz. At pwede ba wag mo nga ako
pinipilosopo."

"You have a rough day?" Tuluyan na niyang idinikit yung sarili niya sa akin as she
positioned herself between my legs. "You look tired."

"Wag mong ibahin yung usapan. You're good at it." Giit ko.

Napasimangot siya sa sinabi ko. "Bakit ba parang ayaw mo akong makita?"

"Stop acting like a kid, like what you said before, you're not a kid anymore."
Saway ko sa kanya.

"Bakit ba ang hard mo sa akin?" Mas lalo pa niyang pinahaba yung nguso niya.

"Of course not." Sabi ko naman. "Ayoko lang na sinasayang mo yung oras mo na kung
tutuusin sa pag-aaral mo inilalaan."

"Para ka talagang si mama." Maktol niya.

Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. "Sa tingin ko naman mas magaling mama mo
sa akin." Inipit ko sa likod ng tenga yung ilang hibla ng buhok niya. Totoo naman
eh, ang taas ng tingin ko kay Alexandra. I'm nothing compared to her.

"Pareho
kayong magaling." Kontra niya.

"Bola?" Saad kong nakangiti na.

Ewan ko pero masaya ako kapag kasama ko siya. Nakakatawa nga eh. Dati tinataboy
taboy ko siya tapos pinagtataguan ko pa.

Eh kasi hindi ko pa siya lubusang kilala dati. Katwiran ng aking isipan.

Palusot! Kontra naman ng aking konsensya.

"I'm hungry." Lambing niya sa akin saka ako niyakap.

Malambing kasi si Jazmine. Idagdag mong clingy din siya most of the time. Pero
mataray din siya paminsan-minsan. Mga ugali niyang nakakasanayan ko na.

"Malapit na naman ang lunch break. Hintayin mo na lang ako saglit." Niyakap ko na
din siya. Inamoy ko pa talaga siya. "Ang bango mo naman." Puna ko.

She giggles. "Idagdag mo na ring napakaganda ko."

I playfully bite her shoulder. "Yabang."

"Ikaw!" Sabay hampas sa braso ko ng nilayo niya ng konti yung katawan niya. "Hindi
ko pa nga nakakalimutan yung ginawa mo eh." Umirap siya sa akin.

Ang taray lang eh 'no? "Anong ginawa ko?" Nagmamaang maangang tanong ko.

"Yung kiss marks." Mataray na tura niya sabay irap ulit.

"Ang taray taray mo talaga. Hmp." Gigil na sabi ko sa kanya saka pinupog siya ng
halik sa leeg.

"Chyler!" Napasinghap siya sa ginawa ko.

Napangiti ako. Ang dami niya yatang kiliti sa katawan. I burried my face at the
crook of her neck. Ang bango bango niya nakakagigil.

"Will you stop doing that?" Saway niya sa akin pero wala naman siyang ginagawa para
patigilin ako.

I kiss her neck up to the base of her right ear. "Your fault. Ginayuma mo ako."

Di niya napigilang mapaungol

ng mahina. "Chy..." She whispered and gasped.

I tip back to see her face. Her eyes are clouded with lust. Damn, kung wala lang
kami dito sa presinto tinanggal ko na yung suot niyang school uniform at hiniga na
siya.

I reluctantly distance myself from her. "Halika na nga. Kain na lang tayo ng
pananghalian." At kinuha ko na yung jacket ko sa may likod ng upuan.

"Pero wala pang twelve." Sabi niya.

"Meron na." Sagot ko at hinawakan na yung kamay niya. "Pipilitin ko ng mag-twelve.


Baka ikaw pa makain ko." Saka siya pinanggigilang hinalikan sa labi.

"Pwede rin." She sexily bit her lower lip. She's clearly teasing me.

"Shit." Mahinang mura ko saka hinila na siya palabas ng opisina bago pa ako mawalan
ng control.

-----------------------

"Ba't ngiting ngiti ka diyan?" Agad na itinago ko yung cellphone ko sa likurang


bulsa ng suot kong pantalon ng bigla bigla na lang pumasok si Erick sa opisina ko.

"Wala." Sagot ko. "Di ka talaga marunong magparamdam pag pumapasok ka dito."

Ngumisi ba naman siya. "Nagbabaka-sakali kasi akong mahuli kayo ni Jazmine." Sabay
taas baba pa nung mga kilay niya.

"Pinagsasabi mo diyan?" Nawewerduhang tumingin ako sa kanya at inayos na yung mga


folders sa lamesa ko at ibinalik sa cabinet.

"Asus!" Tukso niya. "Kunwari ka pa diyan, Chy. Ikaw sa tinik mong yan malay ko ba
baka ehem, may milagrong nagaganap dito." Sabay ngisi ng nakakaloko.

"Tumigil ka nga diyan!" Natatawang saway ko sa kanya.

"Alam mo, Chy. Natutuwa ako dahil pinakasalan mo si Jazmine." Nakangiting sabi
niya. "Look at you, masaya

ka."

Hindi ko sinabi kay Erick yung totoong dahilan kung bakit ko pinakasalan si
Jazmine. Siguro di na yun importante pa.

"Masaya naman siyang kasama eh." Genuin yung ngiting iginawad ko.

Di makapaniwalang tumingin siya sa akin. "Kung sino ka mang nasa katawan ngayon ni
Chyler dela Rosa, please lang diyan ka na wag ka na --- Aray!"

Hindi na niya naituloy pa dahil binatukan ko na siya. "Para kang sira ulo!"

"Eh kasi naman. Parang kailan lang pinagtatabuyan mo yung tao tapos pinagtataguan
mo pa. Naiinis ka kapag nandiyan siya sa tabi mo. Pero ngayon, masaya ka na dahil
kasama mo siya at pinakasalan mo pa!" Na-amazed na saad niya.

"Tsk." Palatak ko tsaka pabagsak na naupo sa upuan ko. "Hindi naman mahirap mahalin
si Jazmine. Oo natutuwa ako at masaya sa tuwing kasama ko siya. Wala naman akong
maipipintas sa kanya. Kahit kakulitan niya, nakakasanayan ko na din." Kwento ko.
"Pero Erick, hindi pa ako handa eh. Hindi pa ako handang pagbuksan siya dito."
Sabay turo sa dibdib ko sa tapat ng puso. "Ayoko namang maging unfair sa kanya na
sabihing, oo mahal din kita, kung di naman totoo."

Nakakaunawang tinapik niya ako sa balikat. "Kusa na naman yun darating. At tsaka di
mo mapipilit yang puso mong magmahal agad agad." Saad niya. "Isa pa, ang pag-ibig,
minsan pwede rin yang matutunan. I mean for example si Jazmine. Matututunan mo din
siyang mahalin din."

Huminga ako ng malalim. "Minsan nakokonsensya ako kapag sinasabihan niya ako na
mahal niya ako dahil kahit gustuhin ko man siyang tugunin, mahirap magsinungaling."

"Naiintindihan

ka naman siguro ni Jazmine." Saad niya.

"Hindi ko naman kasi siya masisising magkagusto sa akin ang gandang pogi ko kasi."
Biro ko to lighten up the conversation. Ayoko sa madramang usapan.

Napaarko yung kilay niya sa akin. "Mayabang lang?" Pabirong nagkibit balikat ako sa
kanya. "Sabagay, tingnan mo nga yung anak ni Mr. Fernandez, kung makayakap sayo
kaninang umaga wagas." Sabay iiling iling na sabi niya.

Napatirik ang mga mata ko sa sinabi niya. "Wag mo na ngang ipaalala pa. Pakiramdam
ko pinagsamantalahan ako."

"Gago ka talaga!" Tatawa tawang sabi niya.

Nang maalala ko kung bakit siya nandito. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Ay sandali lang." May kinuha siya sa likod ng bulsa ng pantalon. "Heto,
pinabibigay sayo nung asset mo."

Kinuha ko mula sa kanya yung puting sobre. "Salamat."

Naglalaman iyon ng confidential informations tungkol kay Mr. Fernandez. Siya ang
pinakalap ko ng mga impormasyon.

Binasa ko yun ng makalabas na si Erick ng opisina ko. Napakunot noo ako at mas lalo
pang umigting ang paniniwala kong nagpakamatay ang biktima ng makita yung
impormasyon doon. May malaking pagkakautang si Mr. Fernandez sa isang pribadong
bangko dahil sa sugal. At nanganganib na mailit lahat ng mga ari-arian ng matanda.
Napaisip tuloy ako. Kung paano niya nagawang barilin ang sarili gamit ang kaliwang
kamay? Unless...

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng opisina.

"O?" Kunot noong tanong ni Erick ng makita akong parang nagmamadali. "Saan ka
pupunta?"

"May kailangan lang akong malaman." Mabilis akong naglakad patungo sa kotse ko.

Naka- Detective Chyler dela Rosa mode ako ngayon. At determinado akong malaman ang
buong katotohanan. Una kong pinuntahan yung kompanya ni Mr. Fernandez at nagtanong
tanong. Nalaman kong may isa pala siyang matalik na kaibigan. Agad kong pinuntahan
yung bahay niya. Isa pala itong retiradong sundalo.

"May gusto lang ho ako malaman Sir, tungkol kay Mr. Fernandez." Sagot ko ng
tinanong niya ako kung anong kailangan ko sa kanya.

"Ano yun?" Kunot noong tanong niya.

"Nag- undergo ba si Mr. Fernandez ng shooting practice?" Diretsahang tanong ko.

Natigilan siya sa tanong ko. "Pumasok ka. Sa loob tayo mag-usap." Sabi niya sa akin
at pinapasok ako sa loob ng marangyang bahay niya.

Naka-smirk ako habang nagmamaneho na pauwi ng bahay. Pinagbuksan naman ako ni


Jazmine ng gate at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Anong niluluto mo?" Tanong ko sa kanya ng maamoy yung mabangong ulam namin.

"Your favorite." Nakangiting sabi niya.

Di makapaniwalang tiningnan ko siya. "Sisig?" At nakangiti siyang tumango. "Di ba


ayaw mo nun?"

"Di ko tinikman." Guilty na sabi niya.

Na-touch naman ako. Kahit ayaw niya pinagluto pa din niya ako. Dalawang putahe pala
yung niluto niya, kaya di na ako nag-alala pa na kung anong uulamin niya. Ako na
ang nag-presentang maghugas ng mga pinagkainan namin pagkatapos.

"Salamat." Sabi ko sa kanya ng tumabi ako sa sofa at hinalikan ko siya sa pisngi.

"For what?" Tanong niya saka inihilig na yung ulo sa balikat ko.

"For everything." Sincere na sagot ko.

Nakangiting nag-angat siya ng mukha at mabilis akong hinalikan sa labi. Magkasama


kaming nanood ng tv. Ganun lang kasimple ang buhay namin... at masaya ako.
=================

Chapter 32 Getting Her Jealous

"Love moves in mysterious ways, it's always so surprising when love appears over
the horizon." - Love Moves In Mysterious Ways

Jaz POV

"Yield." I said as I point my fencing sword towards my opponent. I took off my mask
and smirk.

"Hindi ka pa din nagbabago, RJ." Sabi ng baritonong boses sabay tanggal din ng
kanyang mask at naipakita ang guwapong mukha nito.

I smiled at him. "You too, David. Still good but I am far better than you."
Mayabang na sabi ko at tumalikod na saka tinungo yung tubig ko at pamunas ng pawis
sa gilid ng kuwadradong silid na iyon na siyang pinagpapraktisan ko ng fencing.

Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko. "Alright, you won!"

"Always." I said smirking.

"Na miss kita." Nakangiting sabi niya sa akin. Kadarating lang niya kahapon at ako
yung unang dinalaw niya. Miss na miss daw niya ako.

"Na miss din kita." Sabi ko saka naglalambing na niyakap ko siya. Siya ang
pinakamalapit na lalake sa buhay ko.

Gumanti din siya ng yakap sa akin. I miss his warmth. "May kasalanan ka pa sa
akin."
Kumalas ako ng yakap saka kunot noong tiningala siya. "Ano naman yun?"

"Hindi mo man lang ako inimbita nung ikinasal ka kay Miss Police Officer."

"Correction, detective na siya ngayon." May pagmamayabang na sabi ko. "And I'm
sorry kung di kita naimbitahan, biglaan din naman yung naging desisyong namin ni
Chyler na magpakasal."

"Oh well," He laughed the word out. "My bad. Congrats to her."

"I'll tell her." Sabay nagpunas pawis sa noo.

"If I were you, don't."

He told me.

Napakunot noo naman ako. "Bakit mo naman nasabi yan?"

"Let's say, mainit dugo niya sa akin." Mas lalo yata akong naguluhan sa isinagot
niya.

"I don't understand." I said confused.

"Never mind." He said dismissing the issue.

"Magbibihis lang ako and then punta na tayo sa shop." Sabi ko sa kanya. Tumango
siya sa akin at sinabing pati siya ay magbibihis na din.

Kotse niya ang ginamit namin since siya mismo ang pumunta sa bahay ng tinawagan
niya ako kaninang umaga. We went to play fencing like we used to when we were kids.

"David!" Bati sa kanya ni Taz ng naabutan namin sila kasama si Ashley at Hailey na
nakaupo sa gilid ng coffee shop.

"Hey guys!" Masiglang bati niya din kina Taz at sa mga pinsan ko. Niyakap niya ang
mga ito at nagkumustahan.

Ang bilis lumipas ng oras at sumapit na naman ang hapon. Hinatid ako ni David sa
bahay.

"I wish we could hang out together again like we used to." Wishful na saad niya sa
akin ng pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse.

"Sure." Tugon ko. "Pwede pa naman eh. Basta wag lang weekdays, magagalit si Chyler
kapag nag skip ako ng classes ko."

He walks me towards our front door. "Okay sige. I'll keep that in mind."

He bent his head and kiss me lightly on my left cheek. "Thanks for today, David." I
told him smiling. "I had fun."

"Me too, RJ." He sighed. "I can't believe you're married. The last time I saw you,
you're bubbling about her and now she's your wife." I sense sadness in his voice.

"David..." Alam ko naman may mali ako. Siya yung naturingan kong bestfriend kong
lalake

tapos di ko man lang nasabi sa kanya na ikinasal na ako. Kay Taz pa niya iyon
nalaman. "I'm sorry."

Agad siyang ngumiti sa akin. "You don't have to. I understand." Saka siya ngumiti
sa akin ng tipid. "Completely. And what matters is your happy with her. And I can
feel and see that you are indeed happy... and in love."

I hug him tightly. "You're the best guy I've ever met, Dao."

"Bola." Sabay tawa pero pansin kong di man lang yun umabot sa mga mata niya. "I
have to go."

"Take care." Sabi ko.

He bid me goodbye again. I watched him gone before I went inside the house.
Kakapasok ko pa lang sa bahay ng dumating naman yung kotse ni Chyler.

Ipagbubukas ko sana siya ng gate pero nakababa na siya at siya na mismo ang
nagbukas nun. Hinintay ko na lang siya sa may main door, crossed arm, habang
nakasandal yung balikat ko sa hamba ng pinto.

Nakakunot noo siyang lumapit sa akin. "Sino yun?" Tanong niya ng makalapit siya.

"Hello to you too." I rolled my eyes.

Hindi niya pinansin yun. "Dito ba yun galing?" She asked again.

"Sagot ko sa unang tanong mo, si David yun and yes dito siya nanggaling. Inihatid
niya ako." Sabi ko sa kanya.

Biglang sumeryoso yung mukha niya. Hindi siya kumibo at pumasok na sa loob ng
bahay. Confused naman akong napahabol ng tingin sa kanya saka siya sinundan.

Hindi ko na lang yun pinansin. "How's your day?" I asked.

Kumuha siya ng tubig sa loob ng ref at uminom. "Saan kayo nagpunta?" She looked at
me from head to toe.

"Naglaro lang ng fencing at pinasyal ko siya sa shop." Patay malisya namang tugon
ko.

Natawa

siya ng mapakla. "Di ka man lang nagpaalam sa akin?"

Naguguluhang napatingin ako sa kanya. Dati naman nang hindi ako nagpapaalam sa
kanya kapag ganung may lakad ako.

"I'm sorry?" Patanong na sabi ko.

Mataman niya akong pinagmasdan. "It seems like you had fun with him."

"Yeah, I did." Patay malisya pa ring sagot ko eventhough I smell something fishy
with the way she interrogates me. "I mean, we did." Pagtatama ko.

Tumango tango siya pero napakaseryoso pa din nung mukha niya. "Magbibihis lang
ako." Yun lang sinabi niya at mabilis na siyang umakyat sa taas.

Hindi siya masyadong umiimik kahit nung kumakain na kami hanggang sa matapos na. We
went to bed without talking to each other. And I am puzzled why.
I snuggled closer to her when we're already lying in bed. Hindi naman siya
nagreklamo or even say a single word.

"May problema ba tayo?" Hindi ko natiis na itanong yun sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Wala."

"Wala?" I quote as I snapped my head to see her face. "Eh bakit kanina ka pa walang
imik?"

She looked at me intently. Before I knew it, I'm already underneath her.

"May relasyon ba kayo ni David?" Seryosong tanong niya at pinanlakihan ko siya ng


mata.

"My God Chyler!" Gulat na sambit ko. "Wala! Bakit mo naman naisip yan? That's so
absurd!"

"You're so closed to him and I don't like it." Diretsahang sabi niya.

My mouth dropped open. Nagseselos ba siya kay David?

Ngayon lang nag-sink in sa akin. Mula kaninang kinausap niya ako about kay David at
ngayon nga diretsahan na niyang sinabi na ayaw niyang

malapit ako kay David.

So instead na magalit ako, hindi ko maiwasang mapangiti sa loob loob ko. So


nagseselos siya?

"Bakit naman ayaw mong malapit ako sa kanya?" Nagpipigil ako na wag mangiti.

"Dahil asawa na kita."

Not the answer that I want. Pero gusto ko yung way ng pagkakasabi niya nun. She
sounds so possessive and I love it.

"Oh?" I teased. "Pero guy bestfriend ko si David."

"Guy bestfriend?" She quote. Na para bang yung ideyang iyon ay isang malaking
kalokohan. "Tell that to the marines."

Sa lahat ng ayoko yung para bang pinagbibintangan ako at ginagawang sinungaling.


Yung pigil na ngiti ko kanina naging inis.

"So anong gusto mong palabasin ngayon?" Masungit na tanong ko. "Na nagsisinungaling
ako sayo?"

She laughed sarcastically. "Wala akong sinasabing ganyan."

"Wala nga pero sa tono ng pananalita mo, ganun ang pinapalabas!" Medyo tumaas na
din yung boses ko.

"Bakit ka nagagalit kung wala yung katotohanan?" Hamon niya sa akin.

"Nagagalit ako dahil napaka ewan mo!" Di ko na napigilan yung pagtaas ng boses ko.
Naiinis ako sa kanya!
"Ayoko ng makita pa yung David na yun na nagpupunta dito sa bahay natin." Saad niya
na para bang ang sinabi niya ay isang batas na bawal labagin.

"Bakit kasi di mo pa aminin na nagseselos ka sa kanya?!" Hamon ko.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Nagseselos? Bakit naman ako magseselos sa kanya?"

"Oh, Chyler. Cut the crop and be yourself for once!" I replied totally annoyed.

"Cause I'm not!" Ganti niya.

"Get off me!" I said at tinutulak ko siya

sa dibdib. "I can't believe we're fighting while you're on top of me!"

Hinuli niya yung kamay ko at inilagay yun sa may ulunan ko. Ang lapit ng mukha niya
sa akin and I can feel her hot breath on my cheeks.

She looked straight through me. "I don't want him near you." Mahinang sabi niya
pero may diin. "Ayoko." She kissed my neck.

Damn it!

I instinctively closed my eyes. Galit ako sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Yun ang
pilit kong inilalagay sa utak ko.

"Chyler, he's my guy bestfriend." Napaigtad ako ng kinagat niya ako sa leeg saka
iyon sinipsip. "Damn it Chyler!" Sabi ko. "Wag mo akong lagyan ng kiss mark na
naman."

"I love giving you marks." Saka niya ako kinagat ulit sa leeg. "I'm proud having
you marked by me."

Bigla yatang nag-init yung katawan ko ng pinaghiwalay niya yung hita ko gamit yung
tuhod niya at idiniin yung sarili niya sa pagitan nun. Yung isang kamay naman niya
nasa loob na ng damit ko at hinahaplos na ako pataas hanggang sa dibdib.

I can't believe this. Kanina nag-aaway lang kami, ngayon... ibang away naman 'to.

"Chyler." Gusto ko siyang sawayin sa patuloy na pagbibigay niya sa akin ng kiss


mark sa leeg. "I hate you." Sabay ungol na sabi ko ng maramdaman ko yung mainit
niyang kamay sa left breast ko.

She kissed my jawline until she reached my lips. She kissed me deep. She shoved her
tongue inside me and I can't help but to moan again and again.

Pilit kong tinatanggal sa pagkakahawak niya sa kamay ko dahil gusto ko din siyang
hawakan, pero hindi niya ako pinayagan. She keeps on pleasuring me. Ang init!

Natanggal

na pala niya yung undies ko ng di ko man lang namamalayan. Naitaas din niya yung
pantulog ko hanggang sa taas ng dibdib ko, exposing my nakedness to her.

She left my mouth and kiss my neck down to my chest. Napakagat labi ako ng sinubo
niya yung isang nipple ko and gently suck it and bite it.

"Hmm, Chy." Saka ako napasinghap ng hinawakan niya ako sa baba. "Let go of my arms.
I want to touch you too."
Nag-angat siya ng mukha at umiling. "Sorry babe." She said as she thrust herself
inside me.

"Oh!" I screamed as I closed my eyes hard. "You're torturing me...hmm."

"Yes." Bulong niya sa akin saka niya kinagat yung lower lip ko.

I arched my body to meet hers. Kusa na yung gumagalaw sa mando ng kamay niya sa
loob ko.

"Open your eyes, Jazmine. I want to see them while I'm inside you." Nang-aakit na
sabi niya.

"I-I... can't." This is too much to bear!

"Baby come on." She kiss the crook of my neck.

Bumilis yung paggalaw niya sa loob ko and I can't help but to call her name over
and over again.

"I want to see them, babe. Please?" She whispered.

I forced my eyes to shut open and meet her intense gazes. "Chyler..."

"No, don't." Agad na sabi niya ng ipipikit ko na naman sana yung mga mata ko when I
feel the heat flowed all over me. "Gusto kong makita kung anong itsura ng mga mata
mo when you reach it."

Napasinghap ako ng maramdaman ko yung parang bulkang gustong sumabog sa loob loob
ko. Pinagpapawisan na siya at gayun din ako. Gusto ko siyang yakapin pero hawak pa
din niya yung kamay ko.

I tried not to scream... but I did when I reached my climax. Nakita ko yung
satisfaction at saya sa mga mata niya nung marating ko yung rurok ng kaligayang
siya mismo ang nagbigay sa akin.

"Chy..." Nanghihinang reklamo ko ng hindi pa din siya tapos sa akin. I felt my


juices gushed out.

Agad kong hinawakan yung mukha niya para halikan ng madiin ng sa wakas ay binitawan
na niya yung kamay ko.

"Ayoko ng sumasama ka pa sa kanya lalo na kung kayo lang dalawa." Hingal na sabi
niya ng pakawalan ko ang labi niya. "And yes, I am so jealous." Napangiti ako at
magsasalita sana pero agad niya akong pinigilan. "Don't ask me why because I
myself, don't know the answer."

Saka niya ako muling hinalikan. Di ko mapigilang mapangiti at maging masaya knowing
nagseselos siya. Alam ko namang importante ako sa kanya. And now, parang
pinaparamdam niya sa akin na ayaw niya akong mawala sa kanya.

Konti na lang, Chyler. Mamahalin mo na din ako.

=================
Chapter 33 The Great Wall of Jazmine

"In my hands is this heart. I want you to have it, because I'm so clumsy, so I'm
afraid I'll lose it or easily give it to someone else."

Jaz POV

Nangingiti ako at napapakagat labi habang pinagmamasdan ko si Chyler na himbing na


himbing sa pagtulog. It's past six in the morning at ayaw ko naman siyang gisingin
dahil halatang pagod na pagod siya sa trabaho kahapon. Ginabi na nga din siya ng
uwi.

Bahagya pang nakaawang yung bibig niya at dinig ko yung mahinang hilik niya. Ang
sarap lang niyang panoorin habang natutulog. Ang peaceful ng itsura niya. Di gaya
kapag gising siya, para siyang si mama palaging nakakunot yung noo at ang seryoso
ng mukha.

I propped my head using my elbow to see her face. Nilapit ko yung labi ko sa labi
niya at maingat siyang ginawaran ng halik. Ayoko pa ding bumangon. Tinatamad pa
ako.

"Hmm..." She groaned.

Gusto ko pag gising niya, mukha ko yung makikita niya. Bahagya siyang gumalaw sa
kama. Akala ko nga gigising na siya, pero pinagpatuloy lang pala niya yung pagtulog
niya.

How to wake up Detective Chyler?

A naughty idea came to me. I lowered down my head and kiss the crook of her neck.
She groaned. I gently bite her skin near her collar bone.

"Jazmine..." Ungol niya.

Napangiti ako ng pilya. Muli ko sana siyang hahalikan sa leeg pero ang bilis ng mga
galaw niyang pumaibabaw sa akin.

"Kulit." Gising na siya!

I placed my arms around her neck. "Good morning, detective." Nakangising bati ko sa
kanya.

"'Morning." Saka niya ako hinalikan sa noo at bumangon. "Anong

oras na?" Kinusot kusot niya yung mga mata niya.

"Past six in the morning." Bumangon na din ako sa kama.

"Ano?!" Gulat na bulalas niya at di makapaniwalang tumingin sa digital clock sa may


bedside table. "Bakit di mo ako ginising agad?" Natatarantang sabi niya na agad ng
pumasok sa banyo para maligo.
"Ang sarap kasi ng tulog mo eh." Pahabol na sabi ko sa kanya.

Sabay na kaming lumabas ng bahay. Hindi ko ma-start yung engine ng sasakyan ko.
Napansin naman agad iyon ni Chyler na nakasakay na nun sa kotse niya.

Bumaba siya ng sasakyan at nilapitan ako. "Bakit?" She took off her sunglass.

"Ayaw mag-start." Sinubukan ko ulit pero ayaw talaga.

Tumingin siya sa suot na relo. "Mamya ko na lang yan tingnan pag-uwi ko." Saad
niya. "Hatid na lang muna kita sa school niyo."

Bumaba ako ng kotse tsaka ni-lock yun. "Paano yan male-late ka sa trabaho mo kapag
ihahatid mo pa ako sa school."

"Hayaan mo na." Hinawakan niya ako sa siko at inakay na dun sa sasakyan niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan bago siya pumasok sa loob. Panay ang palatak niya
dahil medyo traffic na ng mga oras na iyon.

"I'm sorry." Hingi ko naman sa kanya ng paumanhin.

"Para saan?" Kunot noong tanong niya na saglit lang sumulyap dahil nagsimula ng
umusad yung sasakyan.

"Male-late ka dahil sa akin." Napangusong sambit ko.

"Wala ka namang kasalanan dun." Sagot niya.

Kinawit ko yung kamay ko sa braso niya saka humilig sa balikat niya. "Thank you."

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo bilang sagot. Wala na kaming imikan
hanggang sa makarating na kami sa harapan ng

school.

"Saan kita susunduin mamya?" Tanong niya sa akin pagkahinto niya ng sasakyan.

Four o'clock out ko mayang hapon dito sa school. "Sa coffee shop mo na lang ako
sunduin mamya. Sasabay na lang ako kay Hailey pagpunta niya dun." Pero tiyak akong
hihintayin pa niyang matapos sa klase si Stef at four-thirty na siguro pupunta yun
sa shop.

Tumango siya sa akin saka isinuot na niya yung shades niya. Hinalikan ko muna siya
sa pisngi bago bumaba ng sasakyan.

"Wag ka na naman kung kani-kanino nagpapahatid. Hintayin mo na lang ako mamya sa


shop." Pahabol na sabi niya bago sumara yung pintuan ng kotse.

Sasagot pa sana ako pero pinasibad na niya yung sasakyan niya. Halatang nagmamadali
na sa pagpunta sa presinto.

Until now yata hindi pa siya maka-get over sa pamamasyal at paghatid sa akin ni
David nung Sabado.

Naglakad na ako papunta sa first subject ko this morning. Biglang tumunog yung
cellphone ko sa loob ng shoulder bag ko. Kinuha ko yun para tingnan kung sino. Si
Chyler.
"Why?" Kunot noong tanong ko ng inangat ko yung tawag niya.

"Nakalimutan kong sabihin sayo kagabi na kailangan ko pa lang umuwi sa Bicol this
coming Friday." Sabi niya sa akin.

"Anong gagawin mo dun?" Tanong ko. May mga nadadaanan akong mga estudyante na
bumabati sa akin at tipid na ngiti lang naman ang ganti ko.

"Kailangan lang daw kasi yung appearance ko dun sa mga inaasikaso ni tita na pagta-
transfer ng ibang mga ari-arian ng mga magulang ko." Saad niya.

"Ganun ba?" Isipin ko pa lang na mawawala siya ng kahit isang araw lang miss na
miss ko na siya. Bigla tuloy nawala

yung sigla ko kanina. "I-ilang araw ka dun?"

"Uwi din ako ng Linggo." Hindi ako kumibo at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Jazmine, nandiyan ka pa ba?"

Napabuntong hininga ako. "O-okay." Malungkot na sabi ko.

Nagpaalam din siya agad dahil nagmamaneho pa lang siya. Hindi na tuloy maganda yung
mood ko. Wednesday pa lang ngayon pero pakiramdam ko mamya na siya aalis.

"O?" Bati sa akin ni Hailey ng umupo ako sa tabi niya sa loob ng classroom namin
saka nangalumbaba. "Para ka namang naluging intsik diyan?"

Napabuga ako ng hangin. Nasira na yung magandang araw ko. "Aalis kasi si Chyler sa
Friday papuntang Bicol."

"Bakit? Di na ba daw siya babalik?" Kunot noong tanong niya. Sinamaan ko siya ng
tingin. "Eh paano naman kasi kung makapag-emote ka diyan parang di na babalik pa si
detective."

"Ayoko nga siyang umalis kung pupwede lang." Nayayamot na sabi ko.

"Eh di sumama ka!" Suhestiyon niya.

"May pasok nga ako ng Friday, alam mo namang ayaw niyang uma-absent ako sa school."
Tugon ko.

Natahimik na siya na para bang nag-iisip. "Di ba taga dun yung ex ni detective?"

"Y-yeah." Sagot ko.

"Paano pag nagkita sila?" Saad niya.

Napalunok ako. Paano nga ba kapag nagkita sila?

"Tapos wala ka sa tabi niya." Dagdag pa ni Hailey.

Iniisip ko pa lang, nagseselos na ako. Napasimangot tuloy ako.

"Paano kung maging marupok si detective?" Sabi pa ni Hailey.

Di ko tuloy maiwasang ma-imagine na magkikita sila, mag-uusap... haist who knows


kung ano pang mangyayare.
"Tsk..." Palatak niya saka iiling iling pa. "Baka may mangyare

sa kanila. Magkabalikan. At ikaw, iiwan ka niyang luhaan at --- Aray!" Nakangiwing


sabi niya.

Binatukan ko nga siya. "You're such an asshole." Saka ko siya inirapan.

"Malay mo nga ganun ang ---"

"Sige ituloy mo yan!" Nakaakma na akong babatukan siya kung sakali mang ituloy niya
yung sinasabi.

Inilayo niya ng konti yung mukha niya sa akin. "Ang OA mo kasi diyan!" Sagot naman
niya. "Parang ilang araw lang naman mawawala yung asawa mo."

"Hailey!" Parang batang ngawa ko. "Paano nga kung magkita sila ni Ann?" Parang mas
yun na ang pinoproblema ko ngayon kaysa sa kung ilang araw siyang mawawala.

"Eh di sumama ka na lang kasi!" Sabi niya ulit. "Para may taga-bakod kay
Detective."

"Paano kung ayaw niya?" Nakangusong tanong ko.

"Eh di pilitin mo!" Mabilis na sagot niya. "Ipakita mo sa kanya yung pagiging
Montalban mo."

"Tsk." Palatak ko saka nangalumbaba ulit.

"Sige ka, baka ehem... imbes na mapain love mo si Chyler, masulot pa siya nung ex
niya." Sulsol pa niya sa akin.

"Salamat ha?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. "Nakakatulong ka talaga, promise!"


Saka ko siya inirapan ulit.

"You're welcome, cousin!" She made a sound using her tongue sabay kindat sa akin.

Pinagmayabang pa talaga!

"Kapag sumama ka kay Chyler sa Bicol, siguradong di makakalapit yung ex niya, dahil
nga nandun ka." Dagdag pa ni Hailey. "May Great Wall of Jazmine na nakaharang."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Loko loko talaga 'tong pinsan kong 'to.

Pwede.

Pagabi na ng sinundo ako ni Chyler sa shop. Nagdesisyon kaming dun

na kumain ng hapunan kasama sina Hailey at Stef. Si Ash ang alam ko kasama niya
ngayon si Samantha, itinuloy yata nila yung naudlot na dinner date nila sa
Tagaytay. Si Taz naman, hay ewan ko kung nasan ba yun. Mas gala pa yun sa pinaka-
gala.

Habang pauwi na kami, hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung sasabihin ko sa
kanya.

Ipakita mo sa kanya yung pagiging Montalban mo.

Naalala kong sabi ni Hailey. Why not? Nakukuha ko naman talaga lahat ng gusto ko
eh.
"Chy?" Tawag ko sa kanya habang busy siya sa pagmamaneho.

"Hmm?" Sandali lang niya akong sinulyapan.

"Gusto kong sumama sayo sa Bicol." Hindi yun pakiusap at mas lalong di rin yun
humihingi ng permiso na sasama ako sa kanya sa Bicol.

Napatingin siya sa akin ng mataman ng huminto kami sa may stop light.

"May pasok ka sa Biyernes." Sagot niya.

"I'll catch up the following week." Tugon ko at nakipagtitigan din sa kanya.

"Sandali lang naman ako dun eh." Nagpatuloy na siyang nagmaneho nung nag green na
yung ilaw.

"Sasama ako." Giit ko.

"Jazmine..."

"Bakit ba parang ayaw mo akong sumama sayo dun?" Di ko na napigilang sabihin. "May
iba ka pa bang agenda sa pagpunta dun?"

Maang naman na napasulyap siya sa akin. "Anong agenda'ng pinagsasabi mo diyan? Di


ba sabi ko sayo may gagawin ako dun? Kung di rin lang naman importante yung gagawin
ko dun, hindi ako pupunta."

"I'll come with you and that's final." Masungit na wika ko sabay cross arm at
nagbaling ng tingin sa harapan ng sasakyan.

Narinig ko yung pagpakawala niya ng malalim na hininga. Hindi na siya kumibo pa

hanggang sa makarating kami sa bahay. Di rin naman na ako nagsalita pa.

Nauna siyang naglinis ng katawan sa banyo. Tinext ko naman si Hailey at sinabi ko


sa kanyang iginiit ko kay Chyler na sasama ako sa kanya sa Bicol. Ilang saglit din
at nakatanggap ako ng reply mula kay Hailey saying great na may thumbs up at
nakatawang emoticons.

Paglabas ko ng banyo pagkalinis ko, naabutan ko si Chyler na may kausap sa


cellphone niya. Nakatayo siya sa may bintana at nakatanaw dun.

"Opo tita." Kausap niya siguro yung tiyahin niyang nagpalaki na sa kanila ng
kapatid niyang si Vince simula ng mamatay ang mga magulang niya.

Nagkunwari naman akong walang naririnig habang naglalagay ako ng lotion sa katawan
at nakaupo ako sa may dresser.

"Eh si Vince po tita?" Tanong pa niya sa kausap. "Mabuti naman po. Pakisabi na lang
sa kanya na uuwi ako." Dagdag niya. "Saka na ho siguro, may pasok pa siya sa
eskwelahan." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. "Sige ho."
Ilang sandali pa'y ibinaba na niya yung tawag.

Nagtungo na siya sa kama at sumampa dun. Biglang bumangon yung inis ko sa kanya.

"I'm coming with you Chyler." Pormal ang mukhang sabi ko sa kanya.

"May pasok ka." Hindi siya tumitingin sa akin habang inaayos niya yung unan niya.
"I'm not asking your permission." Magkasalubong na yung kilay ko saka tumayo sa
gilid ng kama at nameywang. "I'm just telling you that whether you like it or not,
I'm coming with you."

Natigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin. "Hindi ako uuwi sa Bicol para
makipagkita kay Ann kung yun ang iniisip mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Good." Mataray na turan ko. "But whatever you say, I
stand still with what I want." Sabi nga ni Hailey, isa akong Montalban. "At yun ang
sumama sayo sa Bicol." Magsasalita pa sana siya ulit pero agad ko siyang pinutol.
"End of discussion."

She rolled her eyes. "Bahala ka na nga!" Sukong sabi niya saka humiga na.

"Talaga." Ganting sagot ko.

Mataman lang niya akong tiningnan. Patay malisya naman akong sumampa na din sa kama
at nahiga.

"Ayokong ina-andres mo ako, Jazmine ha?" Narinig kong sabi niya.

"Whatever." Mataray na sabi ko saka ko siya tinalikuran ng higa.

Ah basta, sasama ako sa kanya sa pag-uwi niya dun sa probinsya nila. Tsk, mahirap
na.

-Sexy Jazzy on media 😘

=================

Chapter 34 Meet "Kulitz"

"If you dare, take my hand and take me to where your heart is. I want to feel what
it's like to love like you."

Chyler POV
"Dun ka nga!" Taboy ko.

Natawa naman si Erick sa tabi ko. "Kanina ka pa niyan sinusundan."

Napatirik yung mga mata ko ng humakbang ako at sinundan na naman ako ng maliit na
nilalang na ito. Kanina ko pa siya itinataboy simula yata ng dumating ako dito para
imbestigahan yung nangyareng krimen dito sa isang pamilya. Nilooban saka
pinagpapatay yung mga nakatira sa malaking bahay na ito.

"Bilib na ako sa karisma mo, Chyler." Tukso sa akin ni Erick. "Hindi lang pala mga
bebot ang naghahabol sayo, pati pala aso!" Sabay tawa ng nakakaloko.

Oo, aso. Siya lang ang nakaligtas sa mga nakatira sa bahay na ito. Isang
sable/white Shetland Sheepdog na mag-dadalawang taon pa lang yata base sa laki
nito.

"Dun ka. Doon!" Sabay turo sa dog house pero ayaw niyang sumunod. Kumahol lang sa
akin na para bang sinasabi niyang ayaw niya dun.

Kilala kasi ang mga Shetland Sheepdog sa pagiging loyal, active, malambing,
matalino, pero reserved din sila paminsan minsan. Trainable ang mga katulad niyang
aso. Madali lang turuan.

Iiling iling na lang akong nagpatuloy sa pag-iimbestiga habang nakasunod sa akin


yung aso. Panay na din ang tukso sa akin ng mga kasamahan ko. Hanggang sa matapos
na kaming mag-imbestiga at paalis na ako pero nakasunod pa rin siya sa akin.

"Pwede ba? Wag mo nga ako sundan?" Para naman akong baliw na nakikipag-usap sa
kanya. Sumunod ulit nung tumalikod ako saka kumahol. "Ang kulit

mo din eh 'no?"

"Dela Rosa!" Tawag sa akin ni chief.

"Sir?" Agad akong tumayo ng diretso.

Natatawa na din siya dahil sa pagsunod sunod sa akin nung aso. "Iuwi mo na lang
muna. Kawawa naman."

"Pero sir..." Para namang alam nung aso yung pinag-uusapan namin at umungol na
nagpapaawa.

"Sige na. Iuwi mo muna habang on going pa lang yung imbestigasyon. Wala din namang
mag aalaga na diyan." Sabi ni chief at saka tumalikod na patungo sa sasakyan niya.

Napakamot ako ng kilay. "Kung mamalasin ka nga naman, oo." Bulong ko.

Tiningnan ko yung aso na nakaupo sa harapan ko. Ipinilig pa niya yung ulo niya saka
ako tinitigan nakalabas yung dila niya.

"Halika na nga!" Yamot na aya ko sa kanya. Binuksan ko yung backseat ng kotse at


agad siyang sumakay doon.

Pumasok na din ako sa loob saka pinaandar na yung sasakyan. Nagulat ako ng kumahol
yung aso saka dinilaan ako sa pisngi.

"Yuck!" Sabay punas sa pisngi ko. "Okay na, okay na. Basta diyan ka lang, kulit!"
Parang natuwa at kumakahol kahol at ang hyper niya sa likod.

Pagdating ko sa bahay, nakabukas yung front door. Ibig sabihin nasa loob na si
Jazmine. Hindi kami masyado nag-uusap dahil yun sa pagpunta ko sa Bicol tapos
sasama daw siya. Bukas na pala iyon.

Iginarahe ko muna yung sasakyan ko sa tabi ng sasakyan niyang napaayos na kaninang


umaga. Ang gara ng sasakyan, pero ilang beses ko ng natiyempuhang nasira. Tsk!

Kahol ng kahol yung aso habang papasok kami sa loob ng bahay. "Wag ka maingay.
Behave." Sabi ko at tumigil naman siya sa kakakahol.

"May narinig akong kumakahol." Pababa ng hagdan

si Jazmine na nakapambahay na, halatang kadarating lang din niya galing sa school.
"Oh!" Napatakip pa siya sa bibig ng makita yung kasama kong aso. "Ang cute!"

Halos tumakbo na siya pababa ng hagdan. Niyakap niya yung aso na nagsu-sway sway pa
yung buntot saka nagpayakap naman kay Jazmine.

"Peace offering mo sa akin?" Tuwang tuwang tanong sa akin ni Jazmine.

"Hindi ah!" Kunot noong sagot ko at tsaka naglakad na papuntang kusina para uminom
ng tubig. Himalang di na sumunod sa akin yung aso at nanatili sa tabi ni Jazmine.

Tumayo na siya. Tinaasan ba naman ako ng kilay. "Come on, Chyler. Just be honest
with me. You know I like dogs."

Maang namang napatingin ako sa kanya ng makainom na ako ng tubig. "Hindi ko alam na
mahilig ka sa aso. Wala ka naman nababanggit sa akin."

"Hmp!" Sabay irap sa akin. "Sinungaling!" Saka siya nakasimangot na naupo sa sofa.
Sumunod sa kanya yung aso saka naupo sa tabi niya.

"Ano?" Bulalas ko. "Ginawa mo pa akong sinungaling ngayon?!" Sabay turo sa sarili
ko.

"Aminin mo na kasing peace offering mo 'tong aso sa akin!" Ang sama nung ipinukol
niyang tingin sa akin.

"Ang kulit!" Yamot na napakamot ako sa ulo. "Hindi nga sabi eh!"

"Bite her, doggie!" Utos niya sa aso.

Nanlaki yung mga mata ko ng tumalima yung aso. Pati si Jazmine nagulat din at
napatayo sa kinauupuan. Nanlalaki yung mga mata niya at nakaawang pa yung bibig.

"Shit!" Mura ko at napatakbo ako sa may kusina at sumampa sa center island.


"Ipapapulutan kita sa mga tambay diyan sa kanto kapag kinagat mo ako!" Banta ko dun
sa aso na kahol ng kahol at pilit sumasampa sa center

island.

"Come here!" Tawag sa kanya ni Jazmine. Agad naman itong tumalima at kumakaway
kaway pa ang buntot na lumapit sa kanya. She patted the dog's head.

Pinagpawisan ako dun. Loko-lokong asong 'to. Ako ang nag-rescue sa kanya tapos ako
pa ang kakagatin? Bumaba na ako sa center island.
"Now you know." Mayabang na sabi ni Jazmine sa akin. "Kapag inaway mo ako
ipapakagat kita dito sa aso." Binantaan pa ako!

Di makapaniwalang naupo ako sa tabi niya sa sofa habang yung aso nasa may paanan ni
Jazmine nakahiga.

"Hindi nakakatuwa yung ginawa mo ha?" Asar na sabi ko kay Jazmine. "Paano kung
nakagat ako niyan?"

"Umayos ayos ka sa akin, dela Rosa, may kakampi na ako dito sa bahay." Sabi niya at
maang na napatingin ulit ako sa kanya.

"Pinagbabantaan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"No." Mataray na sagot niya at nakataas pa yung kilay niya. "Sinasabi ko lang sayo
para alam mo kung saan ka lulugar."

"At tsaka totoo naman na hindi ko yan binili." Saad ko. "Aso siya ng pamilyang
nabiktima ng akyat bahay. Siya lang ang naiwang buhay." Tukoy ko dun sa aso.

Biglang nalungkot si Jazmine. "Kawawa naman siya." Hinimas niya yung balahibo nung
aso. Umungol lang yung aso sa kanya at parang nagustuhan yung paghawak sa kanya ni
Jazmine at ipinikit pa yung mga mata niya. "Pwede bang dito na lang siya?"

"Hindi pwede." Tugon ko. "Quota ka na sa kakulitan wag ka na magsama pa." Dagdag
ko.

"Chyler naman eh. Sige na." Giit niya sa akin na niyugyog pa ako sa kaliwang
balikat. "Gusto ko siyang alagaan."

Tiningnan ko siya. "Hindi pa tayo bati ha kaya

wag kang FC diyan."

"Anong FC?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Feeling Closed." Tugon ko.

Hinampas niya ako sa braso. Ang maldita lang eh. "Ang hard mo talaga sa akin!"
Napalabi siya saka suminghot singhot.

Napatirik ako ng mga mata. Heto na naman po kami. Papaandarin na naman niya ako sa
kaartehan niya.

"Sige ka, uutusan ko ulit yung aso." Panakot ni Jazmine.

"Jazmine, isa." I gave her a warning look. "Hindi yan nakakatuwa."

"Ikaw kasi eh." Sabay singhot.

"Saang drama club ka ba sumali nun at di ka naturuang magpatulo ng luha?" Gusto ko


ng matawa sa kanya. "Para sana kompleto na yang arte mo."

"Ah basta! Gusto ko siyang alagaan. Akin na lang siya." Matigas na sabi niya.

"Hindi nga pwede. Tsaka pansamantala lang siyang pinauwi sa akin ni chief dahil
walang mag-aalaga." Paliwanag ko sa kanya.

"That's my point!" Giit niya. "Wala ng mag-aalaga sa kanya kaya ako na lang."
Mauubusan ako ng pasensya sa asawa kong 'to. Grabe sa kakulitan.

"Ano palang pangalan niya?" Naalala niyang tanong.

"Aba, malay ko." Sumandal ako sa sofa. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod ko.
"Ba't di mo itanong sa kanya baka sakaling sagutin ka."

Tinampal niya yung tiyan ko. Napangiwi ako sa ginawa niya. Kung hindi batok, hampas
o di kaya tampal ang inaabot ko sa kanya.

"Napaka-pilosopo mo din eh!" Sita niya sa akin. "Uuurrgghh! Nakakainis ka talaga!"


Saka ako pinanggigilang kurutin sa braso.

"Aray! Ano ba?" Angil ko sa kanya. "Nakakasakit ka na ha?"

"Parang nagtatanong lang kasi sayo ---"

"Eh hindi ko nga alam!" Agad na putol ko sa

sinasabi niya. Pangalan lang nung aso pinagtatalunan pa namin. "Pangalanan mong
kulit tutal makulit ka din naman!"

Sinamaan niya ako ng tingin. Tumahimik na siya. "Pangalanan ko kaya siyang Chyler
Sungit." Hindi ko alam kung biro lang niya yun o ano pero seryoso naman yung mukha
niyang nakasimangot din.

"Jazmine Kulit na lang mas maganda." May halong panunuksong sabi ko.

"Dela Rosa!" Inis na sigaw niya sa akin.

Hindi ko na napigilang matawa sa kanya. Halatang pikon na kasi siya sa akin.

"Pikon!" Tukso ko sa kanya.

"Isa!" Pinandilatan niya ako ng mata. "Pipingotin ko yang tenga mo pag di ka pa


tumigil!"

Tinakpan ko naman yung tenga ko, defensively. Aba, masakit kaya yun!

"Kulitz na lang kasi itawag mo sa kanya." Nakangising suhestiyon ko. "Dalawa na


kayong makulit dito sa bahay."

"Oo na oo na sige na Kulitz na pangalan niya." Pilit pa yung pagpayag niya. "Pero
lumabas ka muna ngayon at bumili ka ng dog food." Utos niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo. Ako talaga ang bibili? Magsasalita pa sana ako at
magrereklamo sa kanya. Pero...

"Ano?" Pinandilatan na naman niya ako.

Hay naku!

"Oo na mahal na prinsesa bibili na po ako!" Saka tumayo na at lumabas ng bahay.


Bibili na lang ako diyan sa malapit na grocery store.

Habang kumakain kami ng hapunan, pinakain na din ni Jazmine si Kulitz. Mahilig nga
siya talaga sa aso. Tsk. Malambing at very lively yung aso. Mas clingy pa yata 'to
kay Jazmine.
Pagsapit ng oras na ng pagtulog, susunod pa sana sa amin si Kulitz sa taas.

"Dun ka sa labas matutulog."

Sabay turo ko sa kanya sa labas ng bahay. Umungol yung aso.

Binuksan ko yung pinto at pinalabas siya dun. Bahala siya kung saan niya diyan
gusto matulog. Di naman siya makakalabas ng bakuran dahil nakabakod naman ang buong
bahay.

Umakyat na ako sa taas ng masigurong naka-lock na lahat ng pintuan at bintana.


Sakto namang tapos na din si Jazmine sa paglilinis ng katawan. Napapailing at
napapalatak na lang ako. Parang ilang araw lang naman kasi kami sa bicol pero isang
malaking maleta at isang backpack ang nilagyan niya ng mga gamit namin.

"Saan ba tayo pupunta at ang dami mong dadalhin?" Tanong ko sa kanya at


nakapameywang na tinunghayan yung mga dadalhin bukas.

"What's wrong with you?" Maarteng sambit niya.

Napatirik ako ng mga mata at mentally, ginaya ko siya. Haist...

"Pwede bang hayaan mo na lang ako kung gusto kong magdala ng madaming damit?" Asar
na sabi niya sa akin.

"Saglit nga." Hinarap ko siya habang nasa harap siya ng dresser at kung ano ano ang
pinaglalagay sa katawan. "May dalaw ka ba ngayon? Ang sungit sungit mo ah!"

Iningosan lang niya ako. Sumampa na ako sa kama at kinuha ko yung cellphone ko sa
ibabaw ng lamesita sa tabi ng kama. Tatawagan ko sana si tita pero cannot be
reached siya. Baka wala na naman siyang signal. Minsan mahirap ang signal dun eh.
Tinext ko na lang siya na babiyahe kami ng maaga mula dito at baka hapon na kami
makarating dun bukas.

Sumampa na din sa kama si Jazmine at tinalikuran ako. Hindi ko na lang siya


pinansin at umayos na din ng higa. Iniisip ko yung pag-uwi namin dun bukas. Ang
tagal ko ding hindi nauwi. But somehow, I'm thankful kasi kasama ko si Jazmine.

Nasa ganun akong pag-iisip ng may tumama sa akin na unan. Napabalikwas ako ng
bangon. Ano bang problema niya?

"Tingnan mo 'to." Nakangusong sabi niya.

"Ano na naman bang ginawa ko?" Takang tanong ko sa kanya.

"Di mo man lang talaga ako susuyuin?" Saka hinampas na naman ako ng unan, mabilis
ko naman inagaw yun sa kanya.

Hindi ko alam kung matatawa ako dito sa asawa ko o ano. Gusto talaga yung sinusuyo.

"Hmp!" Nagtatampong tinalikuran niya ulit ako at humiga na sa kama. "I hate you."
May pahikbi hikbi pang nalalaman.

Ayoko din namang nag-aaway kami. Pero lalo lang kasi lalaki ulo niya kapag palaging
sinusuyo eh.

"Sorry na nga." Nilapitan ko siya saka niyakap sa likuran. "Bati na tayo." Saka ko
siya hinalikan sa pisngi.
Humarap siya sa akin pero nakalabi pa rin. Ang cute! Hinalikan ko siya sa labi.

"Bati na tayo." Masuyong sabi ko.

"Sige na nga mapilit ka." Saad niya at di ko napigilang matawa.

Ako talaga ang namilit na suyuin siya? Ibang klase talaga 'tong asawa ko.

-Kulitz on media.

=================

Chapter 35 Her Family

"Fact: We are perfect for each other."

Jaz POV

"Jazmine." Gising sa akin ni Chyler sabay marahan niya akong niyugyog sa balikat.

Nakatulog pala ako. Ang aga kasi naming bumiyahe papuntang Bicol. Si Kulitz iniwan
namin kina mama. Tuwang tuwa naman si mommy dahil mahilig din siya sa aso. Simula
kasi ng mawala na si Lexar, yung asong binigay sa kanya ni mama nun, hindi na siya
ulit nag-alaga pa. Pakiramdam daw kasi niya para siyang nawalan ng anak ng mamatay
si Lexar.

Nagmulat ako ng mga mata. Nasa Naga City Airport na pala kami. Mahigit isang oras
din yung flight.

Lumabas na kami ng eroplano papunta sa may arrival area. Siya na ang nagdala ng mga
gamit namin, nakasukbit sa balikat niya yung backpack at hila hila ng isang kamay
niya yung maleta. Hindi kasi ako umaalis ng konti lang ang dala. Nakasukbit yung
kamay ko sa braso niya habang naglalakad kami papunta sa may parking lot kung nasan
yung kapatid niya na naghihintay sa amin.

"Hayun si Vince." Sabay nguso sa isang binatang nakasandal sa hood ng pulang pick
up truck.

Naglakad na kami palapit sa kapatid niya. "Ate." Nakangiting bati niya kay Chyler
at agad siya nitong niyakap.

"Vince, si Jazmine." Pakilala niya sa akin. "Jaz, si Vince kapatid ko."

"Hi." Sabay ngiting bati ko sa kanya.

Di namin malaman kung magkakamay ba kami, yayakapin ako o hahalik na lang sa


pisngi. Hanggang sa bumagsak na nga sa yakapan na lang.

Tinulungan niya si Chyler na mailagay sa pick up truck yung mga gamit namin.
Inalalayan ako ni Chyler sumakay sa backseat. Sasamahan daw
niya si Vince sa harap.

"Kumusta ka naman dito?" Tanong ni Chy sa kapatid.

Busy naman ako sa pagtanaw sa labas ng bintana. Ang presko ng hangin dito sa
Camarines Sur. Papunta kami ngayon sa bayan nila Chyler sa Pili. Mga less than
thirty minutes din yata ang ibabiyahe namin pauwi sa bahay nila.

May mga bukirin kaming nadaanan papunta sa barangay nila. Ang dinig ko sa La
Purisima yata sila.

"Dito na tayo." Narinig kong sabi ni Chyler.

Pumasok yung sasakyan sa loob ng malawak na bakuran na may malaking puno ng mangga
sa bandang gilid ng two storey house na gawa sa semento at halatang luma na yung
puting pintura nito. Malaki yung bahay nila Chyler dito sa Bicol. Malinis ang
paligid ng bahay nila at may mga namumulaklak na orchids sa may mini garden nila.
Halatang alaga ang mga iyon. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako.

"Chyler!" Napabaling ako ng tingin sa sumigaw.

Siya marahil ang tita Anet niya. Mga nasa mid fifties na siya. Mabilis itong
lumapit kay Chyler at niyakap.

"Tita." Natutuwang sambit ni Chyler.

"Namiss kita anak!" Mangiyak ngiyak na sabi nito ng kumalas siya ng yakap sa kanya.

"Namiss din po kita." Nakangiting sabi ni Chyler. "Siya nga po pala, si Jazmine ho,
asawa ko." Pakilala niya sa akin. "Tita Anet ko saka si tito Damian." Pakilala pa
niya sa may katandaan at payat na lalaking lumapit sa amin.

"Hello po." Nakangiting bati ko sa kanila.

Napanganga si tita Anet sa akin. "Hay naku Chyler, bakit naman di mo sinabi sa akin
na ke-gandang babae pala itong napangasawa mo!"

"Eh..." Saka nagkamot ng

kilay si Chyler.

Niyakap ako ni tita Anet at medyo nabigla ako dun dahil bigla bigla na lang pero
gumanti na din ako kapagkuwan.

"Buti anak at pumayag kang magpakasal dito kay Chyler?" Sabi sa akin ng tita niya
ng kumalas. "May pagkabugnutin yan eh!" Biro niya.

"Tita naman!" Reklamo ni Chy.

Natawa lang naman ako ng bahagya sa sinabi niya. Niyakap din ako ng tito Damian
niya.

"Halika dun anak." Hinila ako sa kamay ni tita Anet.

Napatingin ako kay Chyler at lihim na humingi ng saklolo. Pero ang loko,
nakangising tumango lang sa akin.

"Mga kapitbahay!" Tawag ni tita Anet at nun ko lang napansin yung madaming tao sa
bakuran nila, ang dami ring bata.

Buti na lang napigilan ko yung sarili kong mapadilat ng mata dahil sa dami nila.
May fiesta ba?

"Ipinagmamalaki kong ipakilala sa inyo si Jazmine, asawa ni Chyler namin." Mayabang


na sabi ni tita Anet.

Oh my...

--------------------------------------

"Artista ka ba?"

"Model?"

"Foreigner?

Sunud-sunod na tanong nila sa akin habang nakaupo ako sa pangdalawahang lamesa dito
sa may front porch ng bahay nila Chyler. Kanina pa ako parang pinagpi-fiestahan.
Lahat yata ng mga mata nila sa akin nakatingin. They're filled with curiosity.

Nasan na ba si Chyler?

Yung iba nga nagsasalita ng language nila dito di ko naman naiintindihan. Baka
mamya binebenta na pala ako.

"Hindi po." I shook my head fervently. Hindi ko na nga makain-kain yung meriendang
inihain sa harapan ko ni tita Anet dahil sa sobrang pagkailang ko.

"Totoo ba yang mga mata mo, Ate?" Manghang tanong nung isang

dalagita. "At natural po ba yang kulay ng buhok mo?"

"Yes." Nakangiting sagot ko.

May kumukuha pa yata sa akin ng video tsaka nagpa-picture pa sa akin yung dalawang
binatilyo. Mga nasa ages thirteen or fourteen siguro.

Ang dami nilang tinatanong sa akin. Ang hirap na din lunukin nitong kinakain ko.
Pakiramdam ko talaga nasa hot seat ako.

Chyler nasaan ka na ba kasi?

Paano, simula ng hinila ako ni tita Anet para ipakilala sa mga kapitbahay niya at
ngayon nga ay para akong artistang pinagkakaguluhan, wala na akong Chyler na
nakita. Humanda talaga yang detective na yan pag nakita ko. Tama bang iwan ako?

"Anak, saang pamilya ka na pala nanggaling?" Tanong sa akin ni tita Anet.

"Montalban po." Magalang na sagot ko kay tita.

"Ate, ate!" Tawag sa akin nung isang binatilyo. "Kaanu-ano mo po si Hailey


Montalban? Yung magaling po mag-basketball?" Namamangha pa siya habang nagtatanong.

"Pinsan ko siya." Nakangiting sagot ko naman.

"Hay naku crush na crush niya po yun." Sabad nung kaibigan niya siguro.
"Wag ka, liligawan ko yun pag nagpunta ako ng Maynila!" Mayabang na sabi naman nung
nagtanong sa akin kanina.

Bahagya naman akong natawa. "Sorry pero engaged na siya ngayon eh."

"Po?" Gulat na tanong niya.

"Malapit na siyang ikasal." Saad ko. "And she's gay."

"Jazmine, pwede picture tayo?" Tanong sa akin ng isang binatang kapitbahay nila
tita.

"S-sure." Sagot ko na lang.

Nilabas niya yung phone niya. Inakbayan pa ako at idinikit yung mukha niya sa akin!

Damn.

Para akong nakahingang ewan ng

sinabi sa akin ni tita Anet na magpahinga muna ako sa taas, at tatawagin na lang
kapag kakain na ng pananghalian.

"Thanks God!" Exaggerated na sambit ko ng mag-isa na lang ako sa loob ng kuwarto


dati ni Chyler.

May nakita akong picture ng isang babae sa may bedside table. Curious na nilapitan
ko yun. Kasama pala si Chyler. Umupo ako sa kama saka kinuha yun at pinakatitigan.
Medyo luma na din.

Nakangiti silang dalawa dito sa larawan.

You must be Ann? Sabi ko sa loob loob ko at napataas yung kilay ko ng mapansing
nakaakbay pala dito si Chyler sa kanya.

Maganda siya... pero mas maganda ako. Halatang may ere yung babae base dito sa
picture. May kamukha siyang artista pero di ko maalala ang pangalan.

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nun yung kanina ko pa hinahanap.

Ibato ko kaya 'tong hawak kong picture frame sa kanya?

"Ang sama naman ng tinging yan." Kunot noong sabi niya sa akin.

Naglakad siya papalapit sa akin pero saglit siyang natigilan ng mapansin yung hawak
hawak ko. Napatitig siya dun saka nag-angat ng tingin sa akin.

Naka-poker face lang ako at mataman ko siyang pinagmamasdan and silently,


inoobserbahan.

She sighed before closing the gap between us. Kinuha niya mula sa kamay ko yung
picture frame. Tiningnan iyon saka inilagay sa loob ng drawer.

"Hindi ko alam na nandiyan pa pala yan." Saad niya ng umupo siya sa tabi ko.

"Do you miss her?" Ang lakas ng loob kong itanong yun sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako sa mata. Hindi naman ako nagpatinag at
nakipaglaban din sa kanya ng
titigan.

And to my surprise, she kissed me. She moved her lips on mine and I felt relax. I
closed my eyes and kissed her back. She slowly laid me down the bed and hover above
me.

Niyakap ko siya sa batok ng mas lumalim pa yung halikan namin. Naglalakbay na din
yung mga kamay niya sa katawan ko. Ipinasok niya sa loob ng suot kong hanging
blouse yung kamay niya and cupped my breast. I felt aroused when she started to
knead me.

"Chyler!"

Gulat kaming mabilis na naghiwalay ng makarinig kami ng katok sa pintuan at napaupo


sa kama.

"Chyler?" Ang tita Anet niya.

Napapikit ako at siya napamura ng mahina. "Tita."

"Maghanda na kayo, maya maya kakain na." Sabi niya.

"Opo." Tugon naman ni Chyler sa kanya at ilang sandali pa'y nakarinig na kami ng
yabag na papalayo.

I raked my hands through my loose hair. Damn, that was closed. Nang maalala kong di
pa pala niya sinasagot yung tanong ko.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo, Chyler." Maawtoridad na sabi ko.


Pakiramdam ko, she tricked me by kissing me instead of answering my question.

"Ano ba yung tanong mo?" Patay malisyang sabi niya.

"Do you miss her?" Pormal ang mukhang hinarap ko siya. "Ann?"

Tinitigan na naman niya ako. "Anong gusto mong isagot ko?" She asked me back.

"Yung totoo." Pero deep inside parang gusto kong mag-back out sa pagtatanong. Baka
kasi...

"No." Sagot niya.

Di makapaniwalang napatitig ako sa mukha niya. "Chyler..."

"No, I don't miss her." Seryosong sabi niya. "Pero gusto kong maging honest sayo,"
Napalunok ako. "Gusto ko siyang makita."

Hindi ko alam kung anong

magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Matutuwa ba ako dahil hindi niya nami-miss si
Ann or magagalit dahil gusto niyang makita yung ex niya?

"Alam kong matagal na yung nangyare sa amin pero may gusto lang akong patunayan."
Dagdag niya. "Kaya gusto ko siyang muling makita."

Hindi ako kumibo. Naiinis ako sa kanya dahil gusto pa niyang makita yung ex
girlfriend niya. I settled with being mad at her.
Kinakausap niya ako pero di ako kumikibo. Hanggang sa kumain na kami ng
pananghalian, hindi ko pa din siya pinapansin at kinakausap. Masaya namang
nakikapagkwentuhan sa akin sina tita Anet, si Vince naman, nabibilang ko lang sa
daliri ko yung time na nagsalita siya. At buti na lang din, umalis na yung mga
kapitbahay nila.

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga lang kami saglit bago nagpunta sa kaibigan ng
mga magulang niyang abogado na siyang naglalakad ng mga pagta-transfer ng ibang
lupain nila. May mga nabili daw kasi ang mga magulang niya nun na hindi pa na-
transfer sa pangalan nila. Kailangan daw sa Registry of Deeds yung appearance ni
Chy.

"Maiwan ka na lang kaya dito baka ---"

"No, I'm coming with you." Masungit na putol ko sa sinasabi niya at ako na mismo
ang nagbukas nung pintuan sa may passenger's side. Siya kasi ang magmamaneho. Si
tita Anet at si Vince, sa backseat naupo.

Narinig ko yung pagbuntong-hininga niya bago niya isinara yung pinto ng kotse.

"Ipasyal mo itong si Jazmine dito sa Camarines Sur, Chyler." Si tita Anet naman
yung taga bukas ng usapan.

"Opo tita. Bukas po siguro." Tugon naman ni Chyler at saglit pang napasulyap pa sa
akin.

Sinimangotan ko lang siya saka nagbaling ng tingin sa labas ng bintana ng kotse.

Hinayaan ko lang silang makipag-transact sa medyo may katandaan nang abogado.


Tahimik lang akong sumama sa kanila kung saan sila pupunta. Napapasulyap naman sa
akin si Chyler at maya't maya akong tinatanong kong okay lang ako.

Ikaw nga? Sabihin ng asawa mo sayong gusto niyang makita yung ex niya, hindi ka ba
magseselos? Lalo na't alam mo kung gaano niya kamahal yun...

Mas lalo lang bumibigat yung kalooban ko. At mas lalo lang din akong naiinis kay
Chyler.

Nakaupo lang ako sa may waiting area ng lumapit sa akin si Chyler. Katext ko naman
nun si Hailey at sinabing natapilok daw si Ash at posibleng di makalaro next week.

"Nabo-bore ka na ba?" Tanong niya sa akin pero di ako kumibo at di man lang ako
nag-angat ng tingin sa kanya. "Sabi ko naman kasi sayo, sana hindi ka na sumama
dito sa ---"

"Will you stop ---" I cut off. Nagtitimpi lang akong wag siyang masigawan dito.
"Like you goddamn care about how I feel?" Mahina ngunit madiing sabi ko sa kanya.

Pansin ko yung pagsasalubong ng kilay niya. Halatang nagpipigil ding wag magalit sa
akin. She gritted her teeth. I can see the anger flickers in her eyes. Nag-iwas
siya ng tingin saka walang kibong tumayo at lumabas ng building.

Nun ko lang din pinakawalan yung hininga kong kanina ko pa pala pinipigilan.

=================
Chapter 36 Her Past...

"If you really love her that much, her past doesn't affect that love you have for
her. You'll accept her for what she was and what she has become now."

Jaz POV

Umuwi kami sa bahay nila Chyler pagkatapos ng ilang oras namin sa paglalakad ng mga
kakailanganin niya sa pagta-transfer ng mga ari-arian ng namayapa niyang mga
magulang. At simula kaninang huling pag-uusap namin, di na niya ako kinibo pa.
Mukhang napansin din yun nina tita Anet at Vince dahil di na sila muling nagbukas
pa ng usapan.

"Sa kuwarto ho muna ako." Paalam ni Chyler kina tita Anet na tumango lang.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaakyat na siya sa ikalawang palapag ng


bahay nila. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kong susundan ko ba siya o
hindi.

"Okay ka lang ba anak?" Tanong sa akin ni tita Anet sabay hinawakan ako sa balikat.

"O-opo, tita." Sagot ko na may tipid na ngiti sa labi.

Mataman niya akong tinitigan saka ngumiti. "Sundan mo siya."

"Po?" Kunot noong tanong ko.

"Sundan mo si Chyler." Sabi niya na nakangiti pero di ako tumalima o kumibo man
lang at nagbaba lang ako ng tingin. "Ang mga away mag-asawa, dapat di na yan
pinapaabot pa ng ilang oras o di kaya wag matutulog kung may sama pa ng loob sa
isa't isa." Saka naglakad na siya papasok sa kusina.

Tumingin muna ako sa direksyong pinuntahan ni Chyler bago sinundan si tita Anet sa
kusina.

"May gusto po sana ako itanong sa inyo, tita." Hayag ko ng maabutan ko siyang
nagpe-prepare sa pagluto ng kanin.

"Tutulungan mo ba ako sa pagluluto ng isa sa paborito ni Chyler?"

Tanong niya imbes na sagutin ako.

"Sige po." Sagot ko pagkatapos ng ilang saglit. "Ano po ba lulutuin ninyo?"

Nagpunas siya ng kamay pagkatapos niyang mai-on yung rice cooker. May mga inilabas
siya sa loob refrigerator.

"Bicol express." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Uhm..." Ilang beses ko na ba yun sinubukang lutuin para kay Chy? Pero di ko makuha
kuha yung timpla niya. Hindi kasi ako masyado sa mga may gata. "S-sige po." Baka
may matutunan ako kay tita sa pagluluto nito at maintindihan pa yung nakaraan ni
Chyler.

It's like hitting two birds in one stone.


Sinamahan ko si tita sa pagluluto ng hapunan, at habang busy ang mga kamay niya sa
paggawa, busy'ng busy din yung bibig niya sa pagkwento tungkol kay Chyler at kay
Ann. Matalik na kaibigan pala niya nun si Ann bago naging sila. At tumira nga si
Ann dito nang nagdesisyon na silang magsama ni Chy.

"Sa totoo lang, di dahil sa ikaw ang kausap ko ha?" Sabi ni tita habang hinihintay
naming maluto yung ulam. "Ayoko sa pag-uugali ni Ann. Kaya ko lang siya
pinapakisamahan nun dahil sa pamangkin ko. At buti na lang, hindi sila ang
nagkatuluyan." Ngiting ngiti si tita nung sinabi niya yun.

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya. Sabi na eh, mukha pa lang kasi nun
halatang may ere na sa katawan. Kilalang doktor daw dito sa Pili yung tatay ni Ann
at retired principal daw yung mama niya. Ayaw na ayaw daw ng tatay ni Ann kay
Chyler dahil isa lang daw siyang hamak na pulis.

Nang matapos kami magluto ni tita, tinawag na niya sina tito Damian, Chyler at
Vince para kumain na. Sa kabilang bahay pala sila

tita nakatira. Pero since nandito kami ngayon kaya dito daw muna sila. Marami
namang kuwarto sa taas.

"Ang sarap naman nito, tita!" Masayang sabi ni Chyler. "Na-miss ko luto mo."

Ngumiti naman si tita Anet kay Chy. "Kami ni Jazmine ang nagluto niyan."

Unti-unting nabura yung malapad na ngiti niya hanggang sa naging tipid na lang. "T-
talaga?"

Bigla tuloy nilamon ng katahimikan yung hapag-kainan. Ang awkward, at ang naririnig
mo lang ay tunog ng kutsara't tinidor.

Nauna na akong umakyat ng kuwarto at naligo. Paglabas ko ng banyo, nasa loob na din
si Chyler at may binubutingting na gitara sa may upuan malapit sa bintana. Halatang
luma na yung gitara.

Kunwari namang di ko siya napansin at nagpatuyo na ako ng buhok. Nagsimula siyang


mag-stram saka tumikhim-tikhim pa.

Gusto kong magpaliwanag sayo

Ngunit di kinakausap

Natigilan ako saglit sa pagsusuklay ng buhok at pinigilan ko yung sarili kong wag
siyang lingonin o tingnan man lang yung repleksyon niya sa salamin.

Di inaasahang diringgin mo

Nakatingala sa ulap

Alam kong nasaktan na naman kita

Ngunit di ko naman sinasadya

Di ko na natiis na di siya lingonin. Nakatingin siya sa akin habang tumutugtog ng


gitara at kumakanta. Na para bang sa akin talaga niya inaalay yung kinakanta niya.

Hinding-hindi na mauulit sinta


Sana'y maniwala ka

Tuluyan ko na siyang hinarap at pinanood. Hindi ko alam na marunong pala talaga


siyang mag-guitar at nasa tono naman yung boses.

Sabihin mo na kung anong gusto mo

Kahit

ano'y gagawin para lamang sayo

Sabihin mo na kung papano mo mapapatawad

Bigla siyang tumayo sa kinauupuan at mabagal na naglakad palapit sa akin habang


nagpi-play pa din ng gitara.

Ilang araw mo ng di pinapansin

Ilang araw pa ang lilipas

Nakatanga sa harapan ng salamin

Naghihintay ng bawat bukas

Lahat naman tayo'y nagkakamali

Sinong di nagsasala?

Ngunit paano babawi sa pagkakamali

Yan ang mahalaga

Di ko napigilang tumayo saka niyakap siya kaya napatigil siya sa pagkanta at pag-
play ng gitara.

"I'm sorry." Pabulong na sabi niya at saglit na kumalas sa akin para tanggalin yung
gitara sa balikat niya bago ako niyakap ulit. "I'm sorry, hon."

Mas lalo ko tuloy hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kanya at isinubsob yung mukha
ko sa crook ng leeg niya. First time niya ako ginamitan ng endearment. At first
time din na sinuyo niya ako ng di ko sinasabi sa kanyang suyuin ako.

"Hindi naman totoong wala akong pakialam sa nararamdaman mo eh." Patuloy na sabi
niya at hinapit pa ako sa beywang. She sighed. "Sorry kung masungit ako sayo
minsan."

"Correction." Singit ko saka bahagyang inilayo sa kanya yung katawan ko para makita
ko yung mukha niya. "Hindi lang minsan, most of the time."

Napangiti siya sa akin. "Okay sige, sorry kung masungit ako sayo most of the time."

"Buti naman at alam mo yan." Sabay irap sa kanya.

"Kaya nga sorry na eh." Hinawakan niya yung baba ko. "Ngiti ka na diyan." Masuyong
sabi pa niya. "Sige na."

Sweet din pala ang mokong na 'to eh.

Pigil
na ngiti yung ibinigay ko sa kanya. "Sorry din." Saad ko. Alam ko naman may
kasalanan din ako sa kanya eh. "Kung minsan makulit at isip bata ako."

"Correction." Singit niya at ginaya pa yung boses ko kanina kaya napalabi ako.
"Hindi lang minsan, most of the time."

"Linya ko yan eh!" Parang bata na namang reklamo ko.

"O, tingnan mo?" Saad niya. "You're acting like a kid again."

"Hmp." Napaismid tuloy ako. Tiningnan naman niya ako ng makahulugan. "Sige na nga.
Sorry na kung makulit at isip bata ako most of the time." Pagbibigay diin ko habang
pinaglalaruan ko na naman yung buhok niya sa may batok niya.

"Hayan..." Nakangising sambit niya. "Mabuti na yung malinaw."

"Jerk." Biro ko sa kanya.

Natawa lang naman siya at niyakap na niya ako. Masaya ko din siyang ginantihan ng
mahigpit na yakap.

I know, it's just a stupid little fight between married couple.

Kinabukasan, ipinasyal ako ni Chyler sa malalapit na bayan ng Pili, katulad ng Naga


City. Unlike Manila, sariwa ang hangin dito at hindi rin traffic. O marahil kaya
dahil Sabado ngayon at walang traffic?

Dinala din niya ako kung saan siya nag-aral nun ng elementary at high school.
Pinuntahan din namin yung mga paborito nilang pasyalan nung buhay pa yung mga
magulang niya. Parang ipinakilala at ipinakita niya sa akin kung saan siya galing
at kung sino ba siya talaga. Kahit hindi niya sabihin sa akin, parang ganun yung
gusto niyang ipahiwatig.

"Nung mga bata pa kami ni Vince, pagkatapos namin nun magsimba, dinadala kami ng
mga magulang namin sa Jollibee." Nakangiti siya habang

parang ini-imagine niya yung nakaraan at nakatingin lang sa labas ng fastfood chain
na binanggit niya.

"Halika." Aya ko sa kanya.

"Saan?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Diyan." Sabay turo sa fastfood chain.

Naguguluhang napatitig siya sa akin. "For sure, di ka pa nakapasok sa mga ganyang


fastfood chain."

Umiling ako. "Hindi pa." Tugon ko. "Pero gusto kong subukan... kasama ka."
Nakangiting sabi ko.

"Wag na, maarte pa naman yang bituka mo." Biro niya sa akin.

"Sige na, Chyler." Pangungulit ko. "Please?"

"Seryoso ka ba?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Oo nga, akala ko ba ako lang ang makulit?" Sabi ko naman. "Halika na kasi!"
Tinanggal ko na yung seatbelt ko at binuksan ko na yung pintuan ng pick up truck.

Di pa rin makapaniwalang bumaba siya ng sasakyan. "Sigurado ka talaga na gusto mo?"

"Ay ang kulit!" Ikinawit ko yung kamay ko sa braso niya at hinila na siya sa loob
ng kainan.

Agad naman kaming pinagtinginan dun ng mga tao. Hindi naman na ako naiilang,
modesty aside, sanay na ako sa mga ganyan. Wag lang nila akong tadtarin ng madaming
tanong. I hate so many questions most of the time.

"Ano bang masarap dito?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa menu board. Tutal
pananghalian na naman eh.

"Lahat naman yan masarap." Sagot niya.

Napangiwi ako dun sa sagot niya. "Yung beef with mushrooms na nga lang sa akin."

Nag-order si Chyler ng two-piece chicken joy tsaka yung beef with mushrooms.

"Ay ma'am, Mondays thru Fridays lang po siya available." Nakangiting sabi nung sa
counter.

"Eh bakit niyo

pa idinisplay diyan sa menu board kung di rin naman pala available?" Mataray na
sabi ko.

"Jazmine." Mahinang saway sa akin ni Chyler pero napasimangot lang ako. Nangangawit
na kasi ako sa kakatayo eh. "Mag order ka na lang ng iba."

"Ikaw na nga lang bahala." Tugon ko na lang.

"Ah miss yung burger steak with mushrooms na lang." Nakangiting sabi ni Chyler.

"Sige po, ma'am." Magalang na sabi nung babae at ilang sandali pa ay bitbit na ni
Chyler yung tray ng order namin tsaka naghanap ng mauupuan.

Sa tabi ng glass wall kami nakahanap ng upuan. "Na-miss ko 'to." Nakangiting sabi
niya saka sumubo na.

Natutuwa naman ako dahil masaya siya. Masarap naman yung in order niya para sa
akin. Ginanahan akong kumain dahil magana siya.

-------------------------

"Napagod ka ba kanina?" Tanong niya sa akin habang nakahiga na kami sa kama,


magkaharap.

"Hindi naman." Tugon ko at ginawaran siya ng tipid na ngiti. "Nag-enjoy nga ako
eh."

"Sayang, kung may time pa sana tayo, mas madami pa tayong napasyalan." Saad niya.
"Di balik tayo sa bakasyon." Nakangiting sabi ko.

Napangiti na siya. "Sige." Sagot niya. "Para maipasyal pa kita sa mga resorts dito.
Madaming magagandang tanawin dito sa Camsur." Halata sa boses niya ang excitement
na maipasyal ako dito sa kinalakihan niyang lugar.

"Talaga?"

"Oo." Sabay tangong sagot niya.

Biglang namayani yung katahimikan sa pagitan namin. Kapwa nakaunan sa ulo namin
yung isang braso namin. Inabot niya yung kamay ko sa gitna namin at pinaglaruan
iyon. Sabay pa kaming nag-angat ng tingin saka nagngitian.

"Nag-enjoy ka ba talaga?" Tanong niya.

Wala siguro siyang ibang masabi, kaya naman napangiti ako ng malawak sa kanya.
Pakiramdam ko bigla siyang nailang sa akin.

"Oo nga." I laughed the words out.

Masuyo niya akong hinila para yakapin. Nagpahila naman ako at nilagay ko yung mga
kamay ko sa pagitan namin habang yung mga hita namin ay magkasugpong sa ilalim ng
kumot.

"Miss ko na si Kulitz." Saad ko.

Parang narinig ko siyang napaismid. "Buti pa yung aso namimiss mo, ako hindi."

Natatawang tiningala ko siya. Pinisil ko yung matangos na ilong niya.

"Sira." Bigkas ko. "Syempre namimiss din kita. Lalo na kapag di tayo magkasama,
gusto ko kasi lagi ka sa tabi ko eh." Saka nagsumiksik ako sa yakap niya.

She chuckles. "Patay na patay ka talaga sa akin." Mayabang na turan niya.

"Hay naku, oo na!" Natatawang sabi ko.

Ang pinakagusto ko talagang lugar eh dito sa tabi ni Chyler. Kung saan yakap niya
ako ng mahigpit at ramdam ko yung init ng katawan niyang nagbibigay sa akin ng
katahimikan.

=================

Chapter 37 Something Special

"Between us is one thread: it tied our hearts so we walk close to each other
always."

Chyler POV
"Kumusta naman yung naging bakasyon niyo ni Jazmine sa Bicol?" Tanong sa akin ni
Erick habang nagme-merienda kami dito lang sa malapit sa presinto, umaga ng Lunes.
"At buti napauwi ka ng tita Anet mo dun?"

"Okay lang naman." Pigil ang ngiting sagot ko. "Masaya at nag-enjoy siya."

"Saan siya nag-enjoy?" Makahulugang tanong niya sa akin sabay taas baba nung kilay
niya.

Sinipa ko yung paa niya sa ilalim ng lamesa. "Napakamalisyoso mo talaga." Sabay


baling kay Pascual sa may kanan ko. "Baka ma-pollute mo yung inosenteng isipan ni
Pascual." May himig panunuksong sabi ko.

"Hoo!" Kontra ni Erick at pinagtuunan na naman ng pansin si Pascual na tahimik


lang. "Imposibleng inosente yang si totoy bibo sa mga ganyang bagay."
Pinagdiskitahan na naman niya ito. "Umamin ka nga sa akin, Pascual." Sabay kalabit
kay Pascual. "Virgin ka pa ba?"

"Gago ka talaga!" Natatawang tinampal ko sa braso si Erick.

Natatawa lang naman si Pascual. Buti na lang mahaba ang pisi niya dito kay Erick
kahit pa palagi siyang pinagti-tripan nito.

"Tsk!" Palatak sa akin ni Erick. "Usapan nating mga lalake 'to!" Saad niya.

"Batukan kita diyan!" Sabay akma nung kamay ko.

"Malaki na yang si Pascual." Inakbayan pa niya si Pascual na ngingiti-ngiti lang.


"Natuli ka na ba ha?"

Iiling iling akong nakatawa. Gago talaga si Erick! Wala na naman mapagtripan kaya
ang kawawang Pascual na naman ang napagdiskitahan niya.

"Oo naman po sir." Game

naman na sagot ni Pascual.

"Virgin ka pa ba?" Tahasang tanong ni Erick.

"Hindi na po sir." Natatawang sagot ni Pascual.

"Sigurado ka?" May follow up question pa 'tong kaibigan kong 'to.

"Ay oo naman po sir. Siguradong sigurado ako dun." Sabay ngising sagot naman nung
isa.

"May girlfriend ka ba, Pascual?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

Nagkamot siya ng ulo. "Kakahiwalay lang ho namin, detective." Nakangiwing sagot


niya.

"Hala, bakit?" Curious na tanong ko. May hitsura naman si Pascual halata ding
mabait siya at responsible.

"Wala na daw ho akong panahon sa kanya eh simula ng natanggap ako sa trabaho."


Medyo malungkot ang mukhang saad niya.
"Hindi mo ba dinadalaw pag wala kang duty?" Seryosong tanong ko.

"Dinadalaw ho detective kaya lang minsan hindi kasi may sakit ho yung tatay ko, ako
na lang kasama sa bahay. Kaya kapag ganung may day off ako minsan, sinasamahan ko
siya sa hospital." Malungkot na sagot ni Pascual.

Tinapik-tapik ni Erick yung balikat niya. "Okay lang yan." Seryoso ng saad niya
saka inakbayan si Pascual. "Madami pa naman diyang ibang babae na mas nararapat
sayo."

"At kailangan talaga, piliin mo yung makakaintindi sa trabaho mo. Dahil pagsisilbi
sa bayan yung ginagawa natin." Dagdag ko.

Buti na lang si Jazmine di ko pa naringgan na nagreklamo dahil sa propesyon ko.


Siya pa nga palagi ang naghahanda ng mga gamit ko sa pagpasok sa trabaho.

Ngayon ko lang na-realized na ang swerte swerte ko pala talaga sa kanya.


Nakokonsensya tuloy ako sa tuwing di ko siya pinapansin kapag ganung nagtatampo
siya sa akin.

Suyuin

mo naman ako!

Napangiti ako sa tuwing maaalala kong sinasabi niya yun sa akin kapag may tampo
siya. Sinasabihan talaga ako niya ng ganun. Ayoko kasi siyang masanay na palaging
sinusuyo, baka lumaki lalo yung ulo niya. Napakakulit pa naman nun.

Pero alam mo yung makulit na hindi naman nakakainis? Yung parang nakakamiss pa nga
minsan yung kakulitan niya eh.

"Hoy!" Sabay bato sa akin ni Erick ng ginawa niyang bolang table napkin.

"Ano?" Takang nagbaling naman ako sa kanya. Tumama sa mukha ko yun eh.

"Nakangiti ka diyan na parang baliw." Sabi niya sa akin na parang nawe-werduhan.

"Masama bang ngumiti?" Ganti ko.

"Hindi masamang ngumiti." Tugon niya. "Pero kapag ikaw na ang ngumiti, ay ibang
usapan na yan."

"Ano bang natira mo ngayon at napakaliko niyang utak mo?" Biro ko sa kanya.

"Tsk. Parang yung natira mo lang kanina bago ka umalis ng bahay." Mahalay na sabi
niya.

"Buhusan kaya kita ng malamig na tubig diyan baka sakaling magtino ka?" Natatawang
sabi ko sa kanya. "Balik na nga tayo sa presinto!" Saka tumayo na.

"Magbayad ka na." Tumayo na din silang dalawa ni Pascual.

"Hey, KKB to ha?" Paalala ko sa kanya. "Bayaran mo yung kinain mo!"

Pero wala na eh. Naglakad na silang dalawa ni Pascual na parang walang narinig
paalis ng kinainan naming panciteria.

"Detective heto po yung babayaran niyo." Sabay abot sa akin ng resibo nung waitress
nila dito.

"Pesteng Erick na 'to." Iiling iling na sabi ko sabay kuha nung wallet ko at
nagbigay sa kanya ng dalawang daan. "Sayo na yung sukli." May singkwenta pesos pa
yung sukli. Tip

ko na lang sa kanya.

Di makapaniwalang nag-angat siya ng tingin sa akin. "Talaga ho detective?"

Tumango ako saka ibinalik na sa likod na bulsa ng jeans ko yung wallet. "Basta mag-
aral ka ng mabuti ha?" Paalala ko sa kanya. Alam ko kasing nagpa-part time lang
siya dito pag wala siyang pasok sa school.

"Opo. Maraming salamat ho detective." Tuwang tuwang sabi niya.

Muli akong tumango sa kanya saka naglakad na papalabas ng panciteria. Wala na din
sina Erick at Pascual.

Mga loko loko talaga. Pinabayaan ako sa loob at ako ang nagbayad sa kinain nila,
tapos iniwan pa ako at di hinintay. Tsk!

Pagkatapos ng duty namin ni Erick ng araw na iyon, nagpasama siya sa akin para
bumili ng maireregalo niya kay Sonya ngayong anniversary nila. Four years na din
silang kasal at masayang nagsasama.

"Ano bang magandang ibigay?" Tanong niya sa akin habang panay ang tingin dun sa
loob ng mall.

"Bigyan mo ng lingeries." Suggestion ko.

Kunot noong nagbaling siya ng tingin sa akin. "Saan ba magandang bilihan ng ganun?"

Napaisip ako. Merong pinupuntahan si Jazmine na bilihan ng ganun eh. Sinamahan ko


pa nga siya minsan.

"Ah naalala ko na." Nakangiting sabi ko kay Erick. "Sa store ng tita Abby niya
madami ka dun pagpipilian."

Nagtungo kami sa store ng tita Abby ni Jazmine. Nataong nandun pala si Abegail
Montalban at kinakausap yung Manager siguro yun ng store niya dito sa Makati.

"Detective." Nakangiting bati niya sa akin na nagpakita ng dalawang malalalim na


dimples niya sa pisngi. Ang ganda ganda pa rin niya at di mo mahahalatang forty

something na yung edad niya. "What brought you here?"

Humalik siya sa pisngi ko ng makalapit siya sa amin. "Titingin ho sana kami ng


pwedeng pan-regalo." Sagot ko.

"Like what?" Tanong pa niya.

"Lingeries ho sana para sa asawa nitong kaibigan ko." Nakangiting sabi ko at sabay
akbay kay Erick.

"Oh!" Social na sambit niya. "Come, follow me." Nakangiting sabi niya at nagpatiuna
ng naglakad.
Siniko ako ni Erick at nagtatakang napabaling ako sa kanya ng tingin habang
nakasunod kami kay Abegail.

He mouthed ang ganda at ang sexy niya. May pakagat kagat labi pang nalalaman.

Gago talaga 'to! Pati si Abegail Montalban pinagnanasaan!

Siniko ko naman siya at sinabing umayos.

"For sure, she'll love this." Si Abegail na ang pumili ng kung ano ang pwedeng
maganda na ireregalo kay Sonya. "Is it her birthday, your anniversary or
something?" Usisa niya kay Erick.

"Anniversary ho, ma'am." Nakangising sagot ni Erick. "Wedding anniversary namin


ngayon."

Nakangiting nagbaling siya ng tingin sa amin. "Congratulations!" Masiglang bigkas


niya. "I'm giving that for free."

"Ho?" Gulat na sambit ni Erick.

Ako nga din nagulat eh. Para na rin kasi niyang binigyan ng mahigit isang libo si
Erick. Ganun kamahal yung paninda niya dito. At dahil dalawa yung pinabalot niya sa
kulay pink na paper bag na may tatak na Absolut sa harapan, parang binigyan na din
niya si Erick ng tatlong libo.

"Yes." Sagot ni Abegail. "As a gift."

"Pero ho..." Di pa rin makapaniwala si Erick, para pa nga siyang namumutla.

"Just be faithful to your wife." Nakangiting

sabi ni Abegail saka kumindat pa kay Erick.

Dyosa talaga ang babaeng 'to. Ang lakas ng appeal!

"Ha... ah... eh..." Napakamot ng batok si Erick. "Mahal na mahal ko ho yun."

"That's great!" Tatango-tangong tugon naman ni Abegail.

Nagpaalam na kami sa kanyang aalis na pagkatapos ng walang humpay na pasasalamat ni


Erick sa kanya.

"Say hello to Jazmine." Pahabol na sabi niya sa akin ng paalis na kami.

"Makakarating ho." Tugon ko naman at sumunod na kay Erick palabas ng store niya.

"Grabe Chy, di ako makapaniwalang ibinigay lang niya 'to sa akin!" Namamangha pa
ding saad ni Erick ng nasa parking lot na kami.

"Galante." Nakangising sabi ko.

"Ang ganda ganda pa. Hmp!" Parang nagde-day dreaming pa siya. "Ang swerte naman
nung asawa niya."

"Loko loko!" Sabay tampal sa noo niya. "Ang laswa ng itsura mo! Umuwi ka na nga!"
Natatawang taboy ko sa kanya.

Nakangisi naman siyang nagtungo sa kotse niya. "Salamat, Chy." Saad ni Erick.
Nakangiting tumango naman ako sa kanya. "Wala yun. Happy Anniversary sa inyo ni
mareng Sonya!"

"Dinner kayo sa bahay." Aya niya sa akin.

"Tsk." Palatak ko. "Gabi ninyong dalawa 'to. Sa ibang araw mo na lang kami
anyayahan ni Jazmine."

"Sabagay tama ka." Binuksan na niya yung kotse niya. "Salamat ulit besplen." Biro
niya.

"Oo na!" Natatawang sabi ko. "Ingat ka."

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming sasakyan. Magkaiba kami ng direksyong


tatahakin. Bumusina muna kami sa isa't isa bago naghiwalay.

Nakangiti ako habang nagmamaneho pauwi. Naisip ko si Jazmine. Sana nga umabot

din kami ng kagaya ng sa mga magulang niya at sa mga tita niya. Halatang masayang
masaya pa rin ang pagsasama nila kahit na matagal na sila.

Yes, I feel something for her already.

Pero kailangan ko lang makasiguro kaya gusto kong makita si Ann. Gusto ko din
siyang makausap para sana may closure. Yun din yata yung ikinagalit sa akin ni
Jazmine nung nasa Bicol kami. May pinagsamahan din kasi kami ni Ann at alam kong
hindi na yun mabubura pa. Pero kailangan ko lang makasiguro.

Napadaan ako sa may nagtitinda ng mga iba't ibang klase ng bulaklak. Inihinto ko
yung sasakyan at tsaka iginilid. Naglakad lakad ako sa may mga nagtitinda ng
bulaklak at tumingin-tingin. Kumuha ako ng isang long stem red rose at saka inamoy
iyon.

Ni hindi ko man lang pala alam kung anong paboritong bulaklak niya, o pagkain, o
kulay man. Isa lang alam kong pinakagusto niya, ang kumain ng lollipop. Para na
naman akong baliw na napangiti sa pagkaalala ko nung una ko siyang makitang may
subong lollipop. Nung may ni-rescue kami nun. Si Romero. Tapos nung nag date sila
tapos tinikman niya yung sisig at bigla na lang siyang nagsususuka. Dahil naalala
ko siyang kumakain nun ng lollipop kaya bumili ako sa katabing sari-sari store ng
Milkita ba yun?

Nah... wala man lang akong alam sa mga gusto ng asawa ko.

"Bibili po ba kayo?" Magalang na tanong sa akin nung nagtitinda.

Napatingin ako sa iba't ibang klase ng mga bulaklak na nandun. Yung iba nga hindi
ko alam kung anong pangalan. Di naman kasi ako mahilig sa bulaklak... at iisa pa
lang naman nun ang nabibigyan ko. Si Ann. And then

nung nagkasakit si Jazmine at nasa hospital. Yun lang ang mga iilang beses na
bumili at nagbigay ako ng bulaklak.
"Oo." Nakangiting tugon ko sa babaeng nagtitinda. "Pwede po bang assorted?"
Nakangiwing dagdag ko. Sa hindi ko alam kung anong gusto niya eh, di bili na lang
ako ng assorted.

"Pwede ho." Sagot naman ni Aling tindera.

Natatawa ako sa sarili ko habang nagmamaneho pauwi ng bahay. Medyo madilim na din
sa labas. Matagal ko din namang hinintay yung bulaklak na ma-arranged. Pero okay
lang, ayos naman yung pagkakaayos. Halo-halo pa yung kulay, na may puti, dilaw,
pula at pink.

Kumakahol kahol pa si Kulitz ng makababa ako ng sasakyan pagka-park ko sa may


garahe ng bahay. Masayang kumakaway kaway pa yung buntot niya at umiikot ikot sa
akin.

"Ginabi ka yata ngayon?" Salubong sa akin ni Jazmine ng maisara na niya yung gate.

"Sinamahan ko pa si Erick bumili ng regalo para kay Sonya." Sagot ko at binuksan ko


yung backseat ng sasakyan para kunin yung bulaklak.

"Birthday ba niya ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Nope." Sagot ko saka umunat ng tayo. Napataas yung kilay niya ng makita yung hawak
kong bouquet. "Anniversary nila."

"Para kanino yan?" Patay malisyang tanong niya sa akin.

"Para kay Kulitz." Nakangising sabi ko. "Syempre para sayo." Saka ko iyon inabot sa
kanya.

"P-para sa akin?" Di pa makapaniwalang sambit niya at itinuro pa yung sarili.

"Hindi para kay Kulitz." Biro ko sa kanya.

"Chyler!" Saway niya.

Natawa ako sa kanya though parang nahihiya ako magbigay sa kanya ng bulaklak. "Para
sayo nga." Saka inabot ko ulit sa kanya yung bulaklak.

"T-thank you." Nag-blush pa yata siya ng kinuha mula sa akin yung bouquet.

"Di ko kasi alam kung anong gusto mong bulaklak kaya ganyan." Napakamot ako sa
batok.

She tip toed and kissed me on my left cheek. "My favorite flower is Calla lily,
especially the white one." Nakangiting sagot niya.

Napatingin ako sa hawak niyang bulaklak. Mukhang wala doon yung nabanggit niyang
klase ng bulaklak na paborito daw niya.

"It's okay." Nakangiting sabi niya sa akin. Kumikislap kislap pa nga yata yung mga
mata niya. "It's the thought that counts." Saka niya ikinawit yung kamay niya sa
braso ko at iginiya na niya ako papasok sa loob ng bahay. "Thanks again,
detective." Sabay halik sa pisngi ko.

Pigil ko ang sariling wag mangiti ng malapad habang pinagmamasdan ko si Jazmine na


isinasalin sa flower vase yung mga bulaklak na ibinigay ko sa kanya.

No, Jazmine. Ako ang dapat magpasalamat sayo. Aniya ko sa sarili ko.

=================

Chapter 38 Circus

"True love is a glimpse of heaven. It is inspiring and uplifting just like you."

Chyler POV

"Jazmine!" Natatawang saway ko sa kanya.

Kanina pa niya ako hinaharot. Di na nga ako makapagbihis bihis dahil sa kakulitan
niya.
"Stay a little longer, Chy." Nang-aakit na sabi niya na hawak hawak sa isang kamay
yung dulo ng kumot na nakatakip sa hubad na katawan niya at yung isang kamay naman
niya ay nakatago sa likod niya hawak yung uniporme kong polo shirt.

"Alam mong di pwede." Paliwanag ko sa kanya. "Ikaw pwede kang ma-late sa school,
pero ako hindi maaari."

School festival nila ngayong Huwebes hanggang Sabado ng gabi kaya naman okay lang
na mamya pa siya pupunta sa school nila.

"Sige na." Ungot niya sa akin. "Please?"

Natatawang napatirik ako ng mata. Ang kulit kulit po ng asawa ko, Diyos ko!

"Maaga naman ako uuwi mamya." Sabi ko sa kanya at nilipat ko yung bigat ko sa
kaliwang paa ko habang nakatayo ako sa harapan niyang naka jeans at bra. Nasa kanya
pa yung damit ko. "Akin na yang damit ko."

"Ayoko." Tanggi niya at lumayo pa ng kaunti sa akin.

"Jazmine." Warning ko sa kanya at mabagal na naglakad palapit sa kanya.

"No." Saka umatras ulit.

I grabbed her arm at inilapit sa akin saka pilit kong kinukuha yung damit ko sa
kanya. At sa kakaiwas nga niya, natanggal yung pagkakahawak niya sa kumot at
nalaglag iyon sa sahig.

"Oops!" Nang-aakit ang mga ngiti niya sa akin. "Nahulog."

Peste! Mura ko sa loob loob ko ng magsimulang mag-init yung katawan ko ng makita ko

yung hubad niyang katawan sa harapan ko.

"What are you going to do detective?" Seductive na sabi niya saka pinasadahan ng
hintuturo niya yung braso ko.

"Damn." Mahinang usal ko.

Hinapit ko siya sa beywang saka hinalikan ng madiin. Mabilis ang galaw na inihiga
ko siya sa kama at pumaibabaw sa kanya. Natanggal na din pala niya sa pagkaka-hook
yung bra ko.

"Hmm." I moaned when she started to knead my breasts.

Mas lalo ko tuloy nilaliman yung halikan namin at naglalakbay na yung kamay ko sa
katawan niya. I'm getting wet already. She's a tease and an expert seducer.

"Chy..." Napasinghap na sabi niya ng bumaba na yung labi ko sa kanyang leeg


hanggang sa narating ng bibig ko yung nagmamayabang niyang nipples.

Pinaghiwalay ng tuhod ko yung hita niya at wala na akong inaksaya pang oras. I
inserted my finger inside her and she arched her body and meet mine. Ikinawit pa
niya yung isang hita niya sa binti ko pababa habang yung mga kamay niya'y nasa ulo
ko at ginugulo na niya yung buhok ko.

Unti-unti kong binilisan yung paggalaw ko sa loob niya at para na siyang mababaliw
sa sobrang pleasure na nararamdaman. Para naman akong mas lalong ginanahang
paligayahin siya. Napapasinghap siya ng mas binilisan ko pa yung paggalaw ko sa
ibabaw niya at sumabay na din ang balakang niya sa galaw ko.

She writhed uncontrollably underneath me. Nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan


yung mukha niya. It's so priceless seeing her this defenseless beneath me. She gave
me this power over her. Namumula na din ang mga pisngi niya at madiing nakapikit
ang kanyang mga mata.

Napaungol siya

ng malakas ng nagsimula ng manginig yung katawan niya indikasyon na narating na


niya ang rurok ng kaligayan. Yumuko ako at masuyo ko siyang hinalikan sa labi.
Paulit ulit ko yung ginagawa habang nasa loob pa niya ako at mabagal na gumagalaw.
Mahigpit na nakakapit ang mga kamay niya sa bedsheet as she came once again.

Ramdam ko yung panghihina niya. Parang biglang nawalan siya ng lakas. I slowly ease
myself away inside her.

"Chy..." Hingal na sambit niya sa pangalan ko ng pinakawalan ko yung labi niya.

She slowly opened her eyes. Those beautiful blue eyes never fail to amazed me. Ang
ganda nilang pagmasdan lalo na sa malapitan.

Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas at nakaikot siya kaya ngayon ako naman
ang nasa ilalim niya.

"Jazmine, I have to go to work." Paalala ko sa kanya.

Nakangiti siya ng pilya habang tinatanggal na ng mga kamay niya sa pagkakabutones


nung itim na pantalon ko saka mabilis na ibinaba yun kasama na yung underwear ko.
Natatawa ako sa asawa kong 'to. Ang kulit kulit! Hindi siya titigil hangga't hindi
nakukuha yung gusto.

"Jazmine!" I exclaimed in surprise when I felt her wet tongue on my core. Napaangat
ako para tingnan siya but she just continue what she's doing down below, between my
spread legs. "Oh damn it!" Malakas na ungol ko when her tongue delved inside me.

I bite my lower lip para pigilan ang sarili kong wag magmura ng magmura. She's so
good in giving me pleasure. I thought I'm going to lost my sanity.

--------------------------

"Case solved." Nakangiting sambit ko sa folder na hawak ko at

tinatakan iyon ng Case Solved sa ibabaw. Tumayo ako at inilagay na sa filing


cabinet ko yun, kasama ng iba pang naresolbang kaso.

Tumunog yung cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Lumapit ako para tingnan iyon.
Nagtext si Jazmine.

"So bored at school so I decided to go home instead. Waiting for you here, hon.
Please come home early... chop chop! Love you."

Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko habang inulit ko pang basahin yung text
message niya sa akin. Mapa-personal man o kahit sa text lang, ramdam mo yung
kakulitan niya. Ngiting ngiti ako na nagreply din sa kanya.
Ano nga bang irereply ko? Tanong ko sa sarili ko habang parang nun lang magtetext
sa kanya. Binura ko pa nga yung unang nai-type ko dahil parang ang korny nung
dating. Napakamot na lang ako sa kilay ko at napailing sa sarili ko habang
nakangiti pa rin na parang baliw na nakatingin sa screen ng cellphone ko.

Kaka-send ko lang nung text message ko sa kanya ng may kumatok sa pinto.

"Pasok." Dinig ko din yung sigla ko sa boses ko.

Bumukas yung pintuan ng opisina ko at seryosong mukha ni Erick ang tumambad sa


akin.

"May bisita ka." Ang pormal ng mukha niya nung sinabi niya yun. Napakunot noo ako
sa kanya at binuksan niya ng mas malaki yung pinto.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at para akong tinakasan ng dugo ng makita ko


kung sino yung tinutukoy niyang bisita ko.

"A-ann?" Nanginginig pa yata yung boses ko ng sambitin ko yung pangalan ng babaeng


una kong minahal.

"Chyler." Mabilis siyang pumasok sa loob ng opisina at sinugod ako ng yakap.


"Chyler." Muli niyang bigkas

sa pangalan ko at umiiyak habang yakap yakap ako ng mahigpit.

Hindi ako makagalaw. Para akong natuka ng ahas at napako na ako sa kinatatayuan ko.

"Maiwan ko muna kayo." Narinig ko yung malamig na boses ni Erick bago sumara yung
pinto.

Umiiyak pa rin siya habang yakap ako ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong
pakawalan pa. Nanginginig pa yung kamay ko nung umangat iyon at hinawakan ko siya
sa likod. Hinanap ko sa puso ko yung galit, panunumbat, sakit... pero para akong
nalagyan ng anesthesia ng mga oras na iyon at wala akong maramdaman kahit na
pagkapuot dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin, limang taon na ang
nakalilipas.

Bahagya siyang kumalas sa akin at tiningala ako. Kahit hilam ang mukha niya sa
luha, di man lang yata nabawasan ang angkin niyang ganda. Ang matangos niyang
ilong, yung mahaba niyang pilik mata, yung kulay tsokolate niyang mga mata, at yung
natural ng mapupulang labi. Wala... wala yatang nagbago sa babaeng 'to.

"I miss you, Chy." Malungkot at humihikbing sabi niya. "I've missed you so much."
Saka muling nahulog sa mga mata nito ang butil ng luha.

Bumukas yung bibig ko pero parang wala akong boses. Nakatingin lang ako sa mga mata
niya. Parang nablangko na yung utak ko pagkakita ko sa kanya.

"Please say something." Pakiusap niya habang nakayapos pa rin sa akin yung mga
braso niya. "Magalit ka sa akin, sumbatan mo ako. Matatanggap ko lahat yun dahil
alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo."

Napakurap ako na para akong nagising sa pagkakatulog. Napailing iling ako saka
tinanggal yung braso niya sa akin. Lumayo ako sa kanya ng kaunti.

"Bakit
ka ---"

"I still love you, Chyler."

Hindi ko natuloy ang anumang sasabihin ko sa kanya dahil sa binigkas niya. Para
niya akong pinatahimik na namang muli dahil dun.

Pero hindi ba ang babaeng 'to ang muntik ng nagwasak ng pagkatao mo? Siya yung
bigla bigla na lang nang-iwan at halos ikamatay mo yun?

Sumbat sa akin ng isipan ko. Sa simpleng pagsasabi lang niya na mahal ka pa rin
niya after all these years at pagkatapos niyang mang-iwan na wala man lang
eksplinasyon, papatawarin mo na siya ng ganun ganun lang?

Ipinilig ko yung ulo ko. "Pagkatapos mo akong iwan?" Yun lang ang naisagot ko sa
kanya.

Ang lungkot ng mukha niya ng mga sandaling iyon. Pinunasan niya yung luha niya
gamit yung mga palad niya at tsaka huminga ng malalim.

"Magpapaliwanag ako sayo." Sabi niya.

Natawa ako ng may pagkasarkastiko sa loob loob ko. Magpapaliwanag? Hindi pa ba


panis yung paliwanag niya? Pero nanahimik lang ako.

"Alam mo namang ayaw sayo nun ni papa, di ba?" Panimula niya. Blangko naman ang
ekspresyon kong nakatingin lang sa kanya. "Hindi ko nun alam na may usapan pala
sila ni Hebrew." Yung lalakeng napangasawa niya ang tinutukoy niya. "Nung umalis ka
sa Bicol para pumunta dito magtrabaho, dun na nagsimula ang lahat. He kept on
pursuing me even though I told him repeatedly that I am with you already. Pero
balewala lang yun sa kanya. One night, dumalo ako sa party ni Lala --- you still
remember Lala, right?" Tanong niya at tumango lang ako sa kanya. "Hebrew was there
too. I didn't know that. He gave me a drink and I didn't expect na may nilagay

pala siya dun na pampatulog."

Napakuyom ako ng mga kamao ko sa gilid ko. Parang gusto ko ngayon pagsusuntukin
yung mukha ng Hebrew na yun.

"Inuwi niya ako sa bahay nila papa. He r-raped me, Chyler." Napahikbi na naman
siya. "Wala akong laban dahil nag passed out na ako that time." Tumulo na naman
yung luha niya. "Papa insisted me to marry him pero ayoko nung una. Itinago ko yun
sayo dahil sabi ng papa wawasakin daw niya ang buhay mo kapag sinabi ko yung
nangyare sa akin."

Kaya ba naging aloof siya sa akin sa tuwing umuuwi ako sa Bicol nun? At kahit yakap
lang nun para siyang napapaso na lumalayo sa akin?

"Nabuntis niya ako Chyler. Hindi ko yun masabi sayo dahil natatakot ako. Papa left
me no choice but to marry him at hindi na ako nagpakita pa sayo simula nun." Her
tears keep on falling. "I had miscarriage. And since din, di na ako muling
nagbuntis pa. Kailangan nilang tanggalin yung matris ko para hindi kumalat yung
impeksyon sa katawan ko." Muli na naman niyang pinunasan yung mukha niya gamit ang
kamay. "Yun na din ang simula ng impyernong buhay ko. Naging maiinitin ang ulo ni
Hebrew sa akin dahil ayaw kong sumiping sa kanya. He forced himself on me, so many
times."

Damn that Hebrew! Go to hell!


"Ann..." Naantig yung damdamin ko at mabilis ko siyang nilapitan saka niyakap.

"Para akong nakakulong sa piling niya, Chyler." Humikbi na naman siya. "Nang
mabalitaan kong umuwi ka sa Bicol, nagkaroon ako ng pag-asa. Na baka sakaling
matulungan mo ako."

"Ssshhh..." I tipped back and cupped her face. "Tama na."

"Tumakas ako, Chyler." Saad niya. "Ayoko na dun. Ayoko ng bumalik pa."

Pinunasan ko yung luha niya saka niyakap. Isang malalim na hininga ang pinakawalan
ko.

"Chyler, please." Pakiusap niya. "Wag mo akong ibabalik dun. Ayoko nang balikan pa
yung buhay ko sa Bicol. Gusto ko dito sayo. Chyler please." Panay ang hikbi niya.

Bigla kong naisip si Jazmine. "May a-asawa na ako, Ann."

Siya naman ang bahagyang kumalas. "Alam ko." Tugon niya. "Hindi naman kita aagawin
sa kanya. Yes, I still love you." Saad niya. "Kailangan ko lang talaga ng
mapagtataguan kahit ngayon lang. Please Chyler, help me."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya ng mga sandaling iyon.
I wanted to help her... pero paano si Jazmine?

(Nawindang ka ba? Hehe 😆 Na-published ko na po yung sypnosis ng story ni Taz. Di


ko pa pinublish yung Chapter 1 dahil mapipilitan akong pati yun i-update ko at i-
jive dito sa on going stories ko. Kaya saka na muna hehe. Thanks guys!)

=================

Chapter 39 Past, Present, Future

"You know I love you Chyler. At kahit pa siguro masaktan mo ako, mamahalin pa rin
kita. Iisa lang kasi yung puso ko. At iisang tao lang din ang isinisigaw nito. Ikaw
lang." --- Jazmine

Chyler POV

"Sige na, Erick." Pakiusap ko kay Erick ng hapon ding iyon.


Nasa may kotse ko na si Ann dala yung maliit na backpack na pinaglagyan niya ng
gamit. Dahil tumakas lang siya ng umalis si Hebrew papuntang Cebu dahil sa isang
conference kaya konti lang yung nadala niyang damit. Patay na din pala ang papa
niya mahigit isang taon na ang nakakalipas.

Pero ang problema ko ngayon, yung tutuluyan niya. Kaya naman kinakausap ko si Erick
na kung pwede sa kanila muna si Ann tumuloy habang naghahanap pa kami ng mauupuhan
niya pansamantalang apartment.

"Kailangan ko munang kausapin si Sonya, Chy." Sagot ni Erick. Kahit hindi niya
sabihin, halata ko sa titig niya kay Ann na galit pa ito sa huli. Hindi ko din
naman siya masisisi dahil isa siya sa mga nakasaksi ng kabiguang dulot sa akin ni
Ann.

Napabuntong-hininga ako. Helpless akong napatingin sa direksyon ng kotse ko. No


choice, sa bahay na muna siya ngayong gabi. Ang iniisip ko lang si Jazmine.
Kailangan ko muna sana siya makausap para di naman siya mabigla pero...

"Sige." Bagsak ang mga balikat na sabi ko na lang kay Erick.

"Sigurado ka ba diyan sa papasukin mo ha, Chyler?" Mataman niya akong tinitigan.

"Hindi ko naman siya basta basta na lang pwedeng pabayaan." Sagot ko. "Nasabi ko na
naman sayo kung ano yung mga pinagdaanan niya, di ba?"

Iiling iling siya sa akin. "Sana lang maintindihan

ka ng asawa mo."

Nagpaalam na ako sa kanya at tinungo ko na yung kotse ko. Pumasok ako sa drivers
side.

"Sigurado ka bang ayos lang na sa bahay niyo muna ako manuluyan?" May pag-aalalang
tanong sa akin ni Ann.

Sandali akong natigilan sa paglalagay ng seatbelt. "Oo naman." Sagot ko at tipid na


ngumiti sa kanya kahit na sa totoo lang ay di ako sigurado.

Maiintindihan naman siguro ako ni Jazmine.

Nagmaneho na ako pauwi sa bahay. Walang umiimik sa aming dalawa.

"Ano palang pangalan ng asawa mo?" Basag niya sa katahimikan.

"Jazmine." Sagot ko na bahagyang sumulyap sa kanya.

Napansin ko siyang napatango-tango. "Anong trabaho niya?"

Napangiti ako. "Nag-aaral pa lang siya ngayon."

"Ha?" Nagtatakang napasulyap siya sa akin. "Ilang taon na ba siya?"

"Nineteen." Tipid na sagot ko.

"Bata pa pala." Komento niya.

Natawa ako ng mahina. "Wag na wag mong sasabihin yan sa harap niya dahil maiinis
yun." Napangiti ako ng maalala ko yung reaksyon ni Jazmine nung tinawag ko siyang
bata. "Pero may pinatayo silang coffee shop na magpipinsan at yun ang
pinagkakaabalahan niya kapag wala siyang pasok sa school."

Hindi siya agad nakaimik. Naghari na naman ang nakakabinging katahimikan sa loob ng
sasakyan.

"Mahal na mahal mo siya siguro." Narinig kong sabi niya.

Napasulyap ako sa kanya, pero nasa harapan ang mga tingin niya. Hindi ko siya
nasagot at hindi na din naman siya nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa
bahay.

Kahol ng kahol si Kulitz ng bumaba ako ng kotse. "Behave." Sabi ko sa kanya at agad
naman siyang sumunod. "Tara sa

loob." Aya ko kay Ann na busy sa pagmamasid sa bahay at sa bakuran namin.

Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Jazmine sa kusina at abala sa pagluluto.

"Hey." Bati niya sa akin ng makita ako. "Ba't ngayon ka lang?" Tanong niya habang
nagpupunas ng kamay. Pinatay na muna niya yung kalan bago siya lumapit sa akin.

"May kasama ako." May alinlangang saad ko pagkatapos niyang humalik sa pisngi ko.

Parang on cue naman na pumasok na si Ann sa loob ng bahay. Nakita ko yung


pagkagulat sa mukha ni Jazmine.

"Hi." May tipid na ngiti sa labing bati ni Ann sa kanya.

"Uhm, Jazmine si Ann." Pakilala ko. "Ann si Jazmine... asawa ko."

"Nice to meet you, Jazmine." Sabay lahad sa kamay na sabi ni Ann kay Jaz na
nanatiling nakatingin lang sa una.

Tiningnan lang ni Jazmine yung kamay niya na nakalahad at saka nag angat ng tingin.

"What is she doing here?" Masungit na tanong niya sa akin pero kay Ann naman
nakatingin na nagbawi na ng kamay at halatang napahiya.

"Excuse us." Paalam ko kay Ann na tumango lang. "Upo ka muna diyan."

Hinawakan ko si Jazmine sa braso at dinala sa likod bahay. Nun ko lang napansin na


may malaking hukay dun at ilan pang gamit pang construction.

"Anong nangyare dito?" Maang na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malawak na


bakuran.

"Sinimulan ko na kanina magpahukay para sa gusto kong swimming pool." Naka cross
arm na sagot niya.

Maang na napatingin ako sa kanya. "Wala pa tayong pinag-uusapan tungkol dito di


ba?"

"Don't try to change the issue here, Chyler." Magkasalubong ang kilay na saad niya.

"Okay. I can explain." Panimula

ko.
Ikwenento ko sa kanya yung pinagtapat sa akin ni Ann kanina sa presinto. Lahat
lahat, wala akong iniwang detalye. Hindi naman siya umiimik. Masungit pa rin ang
mukha niyang nakatingin lang sa akin.

"Kina Erick ko sana siya patutuluyin ngayon pero kakausapin pa daw niya si Sonya."
Dagdag ko.

"Kaya dinala mo na lang siya dito ng di mo man lang tinatanong sa akin kung gusto
ko o hindi?" Halata sa boses niya ang kinikimkim na galit.

"Jazmine..." Napakamot ako sa sentido ko. "Pansamantala lang naman. Isa pa, wala na
akong nagawa kundi dito na lang siya patuluyin."

"Siguro naman may say ako sa bahay na 'to hindi ba?"

Napasuklay ako sa buhok ko. Hindi ako sumagot. Halata kasing ayaw niyang nandito si
Ann. Pero ano naman ang gagawin ko?

"O wala?" Medyo malakas na yung boses niya.

"Jazmine wala akong sinasabing wala!" Di ko napigilan yung pagtaas ng boses ko


dahil sa naguguluhan na din ako. "This is your house too. I bought this for us."
Sabay mosyon sa bahay.

Hindi siya kumibo pero magkasalubong pa din ang kilay na nakatingin siya sa akin.
Pansin ko din yung mabilis na pagtaas baba ng dibdib niya.

"So anong gusto mo ngayong gawin ko?"

Napasuklay ako sa buhok ko saka nameywang. "Ngayon lang naman eh." Malumanay na ang
boses na sabi ko. "Habang naghahanap siya ng mauupuhan."

Napatawa siya ng bahagya ng may pagkasarkastiko. "May balak pa talaga siyang tumira
malapit sayo."

"Jazmine." Bigkas ko na may pananaway.

"Whatever you say, Chyler." Pormal ang mukhang sabi niya. "Pinapatunayan mo lang sa
akin na mahal mo pa siya at ako," Pigil

ang emosyong saad niya. "Kahit kailan di mo magawang mahalin."

Tumalikod siya ngunit mabilis ko siyang hinawakan sa braso at pinigilan.

"Jazmine naman." Pakiusap ko. Masuyo ko siyang hinila at niyakap ng mahigpit.


"Ngayon lang siya dito. Hindi naman siya dito sa atin titira. Isipin na lang natin
yung pinagdaanan niya dun sa Bicol."

Hindi siya kumibo at di rin niya ako ginantihan ng yakap. Marahan niya akong
itinulak.

"Sa kuwarto muna ako." Sabi niya saka mabilis na naman akong tinalikuran.

"Jazmine..." Nakikiusap na tawag ko sa kanya pero di man lang siya lumingon. Tuloy
tuloy lang siyang pumasok sa loob ng bahay.

Pinatuloy ko si Ann sa isang kuwarto dito sa ibaba ng bahay. Pagsapit ng hapunan,


hindi bumaba si Jazmine para kumain. Hindi siya sumasagot nung tinawag ko siya.
Kaya naman dalawa lang kami ni Ann ang kumain nung niluto niya.

Dadalhan ko na lang siya mamya.

Si Ann na ang nagpresintang maghugas nung kinainan namin. Nilagyan ko naman yung
tray ng pagkain, tubig at tsaka ipinagtimpla ko din siya ng gatas na madalas inumin
niyang bago matulog.

Nakahiga na siya sa kama patalikod sa akin ng pumasok ako dun. Nag-i scroll siya sa
cellphone niya.

"Dinalhan kita ng pagkain." Hayag ko sa mahinang boses. "Sige na kumain ka na."

"Wala akong ganang kumain." Tipid na sagot niya ng di man lang nagbaling ng tingin.

"Jazmine..." Sambit ko. Inilapag ko muna sa may bedside table yung tray saka
sumampa sa kama.

Nilapitan ko siya saka niyakap ko siya sa likod. Idinantay ko yung kamay ko sa


balakang niya.

"Wag ka na magalit

sa akin o." Suyo ko sa kanya. "Hon naman..." Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ako
sanay na ganito siya sa akin. Sanay akong malambing siya at maharot. "Sige na,
please?"

She let out a deep breath. Ibinaba niya yung phone niya saka ako hinarap.

"Sorry kung di muna ako nagtanong sayo bago ko siya dinala dito." Hingi ko ng
paumanhin. "Please wag ka na magalit sa akin."

"Mahal mo pa ba siya?" Pormal pa rin ang mukha niya.

Hinanap ko sa sarili ko yung sagot. "Hindi ko alam." Honest na sagot ko sa kanya at


nagbaba siya ng tingin. "Basta ang alam ko naaawa ako sa kanya dahil sa mga
pinagdaanan niya."

Wala siyang imik na bumangon sa kama at sumandal sa headboard. Napasuklay siya sa


buhok niya na para bang nafo-frustrate.

Bumangon din ako at tinabihan na naman siya. "Jazmine, ikaw na ang asawa ko
ngayon." Saad ko. "Anuman ang sa amin ni Ann, nakaraan na yun."

Malamlam ang mga mata niyang nagbaling ng tingin sa akin. Mataman niya akong
tiningnan sa mga mata.

"I trust you, Chyler." Saad niya. "Please don't ever break that trust. Dahil di ako
magdadalawang isip na hiwalayan ka."

Napalunok ako. Tumango ako sa kanya saka tipid na ngumiti. Hinaplos ko yung pisngi
niya saka hinalikan sa labi.

"Kumain ka na." Nakangiti ng sabi ko sa kanya at kinuha na yung tray na naglalaman


ng pagkain niya.

Inilapag ko muna sa may lamesita yung tubig at gatas niya.

"Subuan mo ako." Ungot niya sa akin.


"Tsk." Palatak ko. "Sige na nga." Kunwari namang pilit na sabi ko. Kumutsara ako ng
pagkain at isinubo ko sa kanya. "Say ah baby girl." Tukso ko sa kanya.

Hinampas

niya ako sa hita. Ang sakit nagmarka pa yata yung kamay niya. Naka boxer shorts
lang kasi ako. Napangiwi ako habang hinihimas ko yung hita ko na parang nag-init
dahil sa hampas niya.

"Ayusin mo." Sabay irap na utos niya sa akin.

"Opo kamahalan." Sagot ko na lang.

Pagkatapos niyang kumain, ibinaba ko na yung pinagkainan niya saka hinugasan na din
yun. Sinigurado ko munang naka-lock lahat bago umakyat sa taas. Pinalabas ko na din
si Kulitz. May dog house na siya sa may bandang gilid ng bahay.

"Yung tungkol pala dun sa swimming pool na pinapagawa mo ---"

"O bakit?" Putol niya sa sinasabi ko. "May reklamo ka ba dun?" Mataray na sabi
niya.

Bumukas yung bibig ko pero I ended up saying, "Wala naman." Saka sumampa na ako sa
kama at nakikumot sa kanya.

"Good." Umayos siya ng higa. "Dito ka." Sabay pampag sa tabi niya.

Natawa ako ng bahagya. "Gusto mo lang akong tsansingan eh." Biro ko sa kanya.

"Ayaw mo?" Hamon niya sa akin.

"Gusto!" Agad na sagot ko sa kanya. "Diyosa na yan tatanggihan ko pa ba?" Sabay


kindat sa kanya bago tuluyang humiga sa tabi niya.

"Hmp!" Ismid niya pero agad naman siyang yumakap sa akin pagkatabi ko sa kanya. "Be
good to me. May kasalanan ka sa akin." Mataray na sabi niya.

"Sorry na nga eh." Mabilis na sabi ko para di na lumaki pa yung usapan.

"Chy..." Mahinang tawag niya sa pangalan ko habang magkayakap kaming nakahiga.

"Hmm?" Nakapikit na ungol ko.

"Nagtatampo pa rin ako sayo." May himig nga ng pagtatampo yung boses niya.

Mas lalo ko naman hinigpitan yung yakap ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.

"I'm sorry. Hindi ko intensyong saktan ang damdamin mo." Sincere na sabi ko sa
kanya.

Napabungtong hininga siya at tsaka niyakap din ako ng mahigpit. "Subukan mo lang
talagang lokohin ako, ipapa-salvage kita."

Natawa naman ako ng mahina sa banta niya sa akin. "Kanino? Kay Taz?" Sakay ko.

Hindi siya sumagot. Sandali akong kumalas sa kanya saka ako pumaibabaw sa kanya.

Inayos ko yung ilang hibla ng buhok niya saka pinakatitigan sa mukha.


"You're my wife and I am yours already, so stop worrying." I assure her.

"Asawa mo nga ako." Saad niya. "Sa akin ka nga nakatali." May himig lungkot yung
boses niya. "Pero sa akin din ba pati yang puso mo?"

Tinitigan ko siya sa mata. "Hon..."

"You know I love you Chyler." Sabi niya. "At kahit pa siguro masaktan mo ako,
mamahalin pa rin kita. Iisa lang kasi yung puso ko." Hinawakan niya ako sa pisngi.
"At iisang tao lang din ang isinisigaw nito." Madamdaming sabi niya. "Ikaw lang."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Parang gusto kong maiyak ng mga sandaling iyon dahil
ramdam ko yung pagmamahal niya sa akin. Nakaka-overwhelm. Tagos hanggang buto.

Jazmine...

(Kindly check the video on media, which I edited. Video of Chyler and Jazmine. Hope
you'll like it. And hey, I'm not a pro so... pagtiyagaan niyo hehe. Available na
din sa youtube yung mga edited videos ng Montalban Cousins. Nandun po vidz ng
Montalban Cousins first and second generation. Just type 'Montalban Cousins' nandun
na po. Thank you!)

=================

Chapter 40 RealTalk

"You're my sunshine after the rain. You're my cure to my pain. Guess I'm losing my
mind when you're not around. It's all because of you."

Jaz POV

"Mahal kita."

Napabaling ako ng tingin kay Chyler. Ang himbing pa rin ng tulog niya sa tabi ko.
Nagising ako ng 5:00 AM at hindi na ulit ako nakatulog. Nakayakap pa din ako sa
kanya at nakaunan yung ulo ko sa may balikat niya.

She groaned. Bumaling din yung mukha niya sa direksyon ko at tsaka unti-unting
nagmulat ng mga mata.

"Were you having a bad dream?" I asked pero alam ko namang di yun bad dream dahil
nagbanggit siya ng mahal kita.

"What?" Pupungas-pungas na tanong niya in her groggy voice. Halatang antok na antok
pa.

"Nagsasalita ka kasi habang natutulog." Sabi ko.

Kanino kaya niya sinasabi ang mga katagang yun sa panaginip niya? Kay Ann?

Aga-aga nabubuwisit ako.

Napakusot siya ng mga mata dahilan para kumalas ako sa yakap niya.

"I didn't know I sleep talk." Saka naghikab. "Come here." She collected me in her
arms and hug me tightly. Napabuntong hininga ako. "Hey, why you're so upset this
early?" Nilayo niya ako ng bahagya para mapagmasdan. Mukhang gising na gising na
siya.

"Wala." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at sumiksik na lang sa yakap niya.

"Gusto mo bang tanggalin ko yang masamang timpla mo?" Naka-smirk na sabi niya ng
inangat niya yung baba ko para magtama yung mga mata namin.

Napaismid ako sa kanya. Wala ako sa mood makipaglaro. "Sinong sinasabihan mo ng


mahal kita sa

panaginip mo?" Di ko napigilang itanong.

Nawewerduhan siyang tumingin sa akin saka natawa ng bahagya kapagkuwan. Sa inis ko


sa kanya, kinurot ko siya sa braso.

"Aray, aray, aray!" Reklamo niya ng medyo tinagalan ko yung pagkurot ko sa kanya
bago ko binitawan.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Pinandilatan ko siya ng mata.

Hinipan pa niya yung braso niya at napapangiwi. Namula na nga yung braso niya.

Eh nakakainis kasi siya!

"Chyler?" Untag ko sa kanya.

"Wala." Mahinang sagot niya na parang sumusuko na. "Aga aga ang sungit sungit mo sa
akin." Komento niya. "Naglilihi ka ba?"

"Oo bakit?!" Asar na tugon ko sa kanya.

"Tsk." Nakangising palatak niya saka na naman ako hinapit sa beywang at niyakap.
"Ang galing ko naman. Sana kambal." Sakay niya.

"Wag mo ibahin yung usapan!" Madiing sabi ko sa kanya.

"Eh malay ko ba kasi?" Clueless na sabi niya. "Hindi ko matandaan."

"Panaginip mo yun tapos di mo alam?" Tugon ko.

"Hindi naman lahat ng panaginip natatandaan natin paggising natin." Malumanay


niyang sabi. "Alam mo bang ang isang tao nananaginip ng hanggang twenty one
dreams?"
"No." Anong koneksyon? Tsaka twenty one dreams? Ang dami naman!

"Totoo yun." Tugon niya habang hinahaplos-haplos ako sa braso. "Pero ang
natatandaan lang natin, dalawa o tatlo lang paggising natin."

"Talaga?" Na-a amused na sambit ko. She hummed in response. "Pero di mo talaga
maalala kung sino yung sinasabihan mo ng mahal kita?" I asked skeptically.

Umiling siya. "Malay mo ikaw pala yun." May himig panunuksong sabi niya.

Napasinghap ako sa sinabi niya. "Chyler ha?" I warned her.

"Blonde eh." Alam ko namang pinagti-tripan niya ako kasi nakangisi siya.

Akma ko na sana siyang kukurutin pero nahuli niya yung kamay ko at mabilis niyang
inilagay iyon sa taas ng ulo ko pati na yung isa pa at pumaibabaw siya sa akin.

"Ikaw aling makulit." Gigil na sabi niya. "Ang hard mo sa akin. Kung di mo ako
babatukan, hahampasin mo ako. Kung di mo ako kakagatin, kukurutin mo ako." Kinagat
ko yung lower lip ko dahil totoo lahat ng sinasabi niya. "At kung di mo ako
tatampalin, pinipingot mo tenga ko."

Di ko na napigilang tumawa dahil ang hard ko nga pala talaga sa kanya. Physical eh?

"Wag kang tatawa tawa diyan dahil paparusahan kita." Kunwaring pinaningkit niya
yung medyo singkit ng mata niya.

"Don't you dare." Ganti ko naman sa kanya na pigil pa rin ang ngiti.

"The hell I care." Saka niya ako pinanggigilang kagat kagatin sa leeg.

"Chyler!" Saway ko at panay ang ginagawa kong pag-iwas sa kanya kahit pa hawak-
hawak niya sa ulunan ko yung dalawang kamay ko. "Chyler tama na!"

Nakikiliti ako and at the same time, naiinis ako kasi baka mamya mag-marka na naman
yun.

"Say please honey." She gave me a devilish smile.

"No!" Tanggi ko.

Pinaghiwalay niya yung hita ko gamit yung tuhod niya at walang pasabing ipinasok
niya sa loob ng undies ko yung kamay niya. Napasinghap ako ng ipinasok niya sa
lagusan ko yung daliri niya.

"Oh!" Napapikit tuloy ako sabay ungol ng malakas. "Damn you detective. I hate you
so much." Ungol ko. "Hmm..." I whimped uncontrollably underneath her.

Gusto kong magwala ng bigla siyang tumigil. Nabitin ako.

"Say please Jazmine."

"Chyler..." Damn it!

"Nah ah, honey." Nang-aakit na sambit niya. "That's not the answer that I want."

I am under her mercy right now. I have to choose... no, I mean, I need to choose.
Susunod ako sa kanya o mabibitin ako at maiinis buong maghapon.
"Sige na nga." Napilitang sambit ko. "Please?"

Nakangising iiling iling siya saka pinatunog ng tatlong beses yung dila niya.

"Ayoko ng pilit." With a mischievous smile.

"Chyler naman eh!" Desperadong sambit ko. I felt my core throbbing. Sumasakit na
yung puson ko. "Honey, please?" Pati mata ko nakikiusap na din sa kanya.

Parang yun yung magic words at ipinagpatuloy na niya yung ginagawa niya. I bite her
lower lip. Isang masamang balak ang naisip ko at napangiti ako sa loob loob ko
dahil dun.

Lintik lang ang walang ganti, detective.

Nauna na akong lumabas ng kuwarto kay Chyler dahil medyo inis pa siya sa akin dahil
sa ginawa kong pambibitin sa kanya. Panay ang mura niya pagpasok niya ng banyo.
Tatawa tawa naman ako sa kanya.

"Good morning." Nakangiting bati sa akin ni Ann ng makita ako.

Saglit pa akong natigilan at parang naguluhan kung anong ginagawa niya dito sa
bahay namin.

"I'm sorry pinakialaman ko na yung mga gamit niyo dito sa kusina." Nakangiwing saad
niya ng di ako gumanti ng bati sa kanya at napansin yung reaksiyon ko.

Nagluluto siya ng agahan. Nakita ko na yung sinangag na nasa ibabaw na ng lamesa.

"It's okay." Pormal ang mukhang tugon ko.

"Do you want

coffee?" Natigil ako sa paglalakad papalapit sa counter ng magsalita siyang muli.


"I'll fix you a cup of coffee. Maupo ka na lang diyan."

Hindi pa nga ako nakakasagot pero nagtitimpla na siya ng kape. Mabagal akong
naglakad at naupo sa harap ng dining table. Sa totoo lang, ang awkward nung
sitwasyon namin. Nasa bahay namin yung ex girlfriend ng asawa ko. And to think na
posibleng mahal pa siya ni Chyler, pakiramdam ko ako ang saling pusa sa kanilang
dalawa.

Hindi ko napansin na dalawang tasa pala ang tinimpla niyang kape. Saka ko na lang
yun napansin ng inilagay niya yun kung saan nakapuwesto si Chyler kapag kumakain
kami. Nakahanda na din pala ang mga pagkain sa lamesa.

I was about to muster a remarks when Chyler walked in. Seryoso na naman yung mukha
niya. Kung kami lang sanang dalawa ngayon ang nandito, napatawa na ako sa itsura
niya. Para siyang naluging intsik. Halatang sobra siyang nabitin kanina.

"Good morning." Masiglang bati sa kanya ni Ann.

"Good morning din." Halatang pilit lang yung ngiti niya saka umupo na din sa
lamesa. Umupo naman si Ann sa bandang kanan ni Chyler, na siyang nasa kabisera at
sa kaliwa naman niya ako.

"Let's eat." Nakangiting saad ni Ann na hindi yata pansin yung foul mood ni Chyler.
O sadyang di pinansin?
Humigop si Chyler ng kape. "Ang sarap mo talagang magtimpla ng kape, hon."
Nakangiti ng sabi niya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi.

"Hindi ako nagtimpla niyan."

Di ko naman alam ang mararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Kung matutuwa ako dahil
kahit nasa harapan namin yung ex niya na posible pang mahal niya, ay

naglambing pa din siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. O kaya naman mainis
dahil sa papuri niya sa tinimplang kape ni Ann?

Natigilan naman si Chyler at unti-unting nabura yung ngiti niya sa labi ng


maramdaman yung tensyon sa hapag-kainan. Napatikhim na lang siya saka ipinagpatuloy
na yung pagkain. Wala na ding umimik sa amin hanggang sa matapos kami kumain.

Si Chyler na ang nagpresintang maghugas ng mga kinainan at nagpakain kay Kulitz


para makaligo na ako at makapag ready papuntang school. Pumasok na din si Ann sa
kuwartong tinulugan niya para daw makapaghanda na din. Maghahanap pala sila ni
Chyler ng mauupuhan niyang apartment. Ayaw na niya kasing bumalik pa sa Bicol. At
aaminin kong, may nararamdaman akong takot at pangamba sa puso ko sa muli nilang
paglalapit ng asawa ko.

Pababa na ako ng hagdan ng marinig kong kinakausap ni Chyler si Kulitz at parang


nagbibilin siya dito.

"Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Wag kang magpapapasok ng kung sino sino."
Kahol naman ng kahol si Kulitz na parang naiintindihan yung sinasabi ni Chy sa
kanya. "Magbantay ka."

Agad namang lumapit sa akin si Kulitz ng makita ako pababa at umikot ikot pa siya
sa akin habang nakalabas yung dila niya at iwinawagayway yung buntot niya. Halatang
tuwang tuwa siya.

"Ehem," Tikhim ni Chy saka pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ang
ikli na naman niyang suot mo." Di nasisiyahang puna niya na nakapameywang pa at
bahagyang magkahiwalay ang hita sa pagkakatayo ng diretso. Tindig pa lang niya alam
mo ng alagad siya ng batas.

"Urrgh." I muttered as I rolled my eyes. Naglakad

na ako palapit sa may pintuan.

Hinatid niya ako sa may kotse ko na nasa labas na ng gate. Nakatayo lang naman si
Ann sa tabi ng kotse ni Chyler at may tipid na ngiti sa akin ng makita akong
lumabas.

"Ingat ka sa pagda-drive." Paalala sa akin ni Chyler at siya na mismo ang nagbukas


nung pinto ng sasakyan.

"You too." Tugon ko sa kanya. Napasulyap ako kay Ann saka sa kanya. "I have to go."

"Sige." Tugon ni Chyler at saka ako hinalikan ng mabilis sa labi.

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at siya na din nagsara nun. Hinintay ko muna
siyang makapasok sa loob ng kotse niya. Kusa na ding pumasok sa loob ng kotse niya
si Ann, sa may passenger seat.
Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ko maiwasang magselos dahil magkakasama
sila buong maghapon. Nauna ko ng pinasibad yung kotse ko.

----------------------------

Hindi naman namin magawang mag-enjoy sa school dahil parang nauumay kaming
magpipinsan dun, nagpunta na lang kami sa coffee shop at dun na binuro yung oras
namin. Di pa rin mawaglit sa isip ko yung pagseselos ko at sa kakaisip na magkasama
sina Chyler at Ann ngayon.

Can't blame me. Pagtatanggol ko sa sarili ko.

So kaysa sa mamatay ako sa kakaisip dito, tinawagan ko na lang si Chyler na agad


naman niyang sinagot.

"Hello." Masiglang bati niya sa akin sa kabilang linya.

"Hi." Hindi ko naman alam kung papaano ko tatanungin sa kanya kong magkasama pa
sila ni Ann hanggang ngayon.

"Napatawag ka?" Tanong niya. May narinig akong boses lalake sa kabilang linya.
"Okay, Dan. Salamat." Tugon niya sa lalakeng narinig kong nagsalita. "Sorry, may
inabot lang sa aking file." Hingi niya ng paumanhin sa akin.

"It's okay." Sagot ko. "Uhm, kumain ka na ba ng lunch?" Napapikit ako sa sobrang
pagka-lame ng excuse ko.

Narinig ko siyang natawa ng bahagya. "Alas dos na po ng hapon, kaya imposibleng di


pa ako kumain ng lunch."

"Malay ko ba baka nagpalipas ka ng gutom." Pinagtakpan ko ng pagtataray yung


pagkapahiya ko.

"Nasa school ka pa ba?" Pag-iiba na lang niya ng usapan.

"No. Dito na ako sa shop." Tugon ko.

Sandaling namayani sa pagitan namin ang katahimikan. Narinig ko siyang parang


huminga ng malalim.

"If you're checking out kung magkasama kami ngayon ni Ann, ang sagot ko diyan
hindi." Para namang nabasa niya yung gusto kong itanong sa kanya.

"I don't care."

Natawa na naman siya ng bahagya. "You care. A lot." Kontra niya at kahit di niya
ako nakikita, napalabi ako. "Wag ka na magselos diyan at mag-alala. Hindi ko siya
kasama buong maghapon. Si Sonya ang sumama sa kanya para maghanap ng apartment."

My turn to sigh. "Sorry..."

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Ako dapat nagso-sorry sayo." Malumanay at sincere
na sabi niya. "Pero meron ka nga pala talagang ihingi sa akin ng sorry." Mababanaag
na ang kapilyahan sa boses niya.

"Ano naman yun?" Clueless na tanong ko.

"Binitin mo ako kaninang umaga."


Hindi ko napigilang matawa ng marinig ko yung pagtatampo at pagkadismaya pa rin sa
boses niya.

"Kaya humanda ka sa akin mamyang gabi." May pagbabantang dagdag pa niya.


"Paparusahan kita."

"Hmp." Kunwaring sabi ko kahit na sa totoo lang para akong nae-excite sa gagawin
niyang parusa sa akin.

What punishment could that be?

(Sige na nga, pa-publish ko na yung first chapter ng story ni Taz hehe. Early
Valentine's day gift ko na yun sa inyo ha? 😇 Quota na ako ngayong araw sa updates
hehe. Ire-reupload ko na lang po ulit yung mga videos sa youtube channel ko.)

=================

Chapter 41 Magnitude

"My gratitude for having met you is surpassed only by my amusement at the joy you
bring to my life."

Jaz POV

"Wake up, sleepy head!" Panggigising sa akin ni Chyler, Saturday morning. At alam
kong day off niya kaya naman hanggang ngayon nandito pa siya sa bahay.

I groaned. "Chyler naman eh ang aga aga pa." Reklamo ko sabay kipkip ng kumot na
nakatakip sa hubad kong katawan at kinuha yung unan ni Chy at itinakip sa mukha ko
dahil nakakasilaw yung sinag ng araw na nagmumula sa binuksan niyang bintana.

"Tanghali na o." Narinig kong sabi niya. "Hindi ka ba pupunta sa school niyo?"

Ngayon ang last day ng school festival. "No." Tamad na tugon ko.

Inagaw niya yung unan na nakatakip sa mukha mo. "Bangon ka na diyan tanghali na."

I cursed silently. "It's all your fault!" Inis na sabi ko sa kanya at tsaka ko siya
tiningnan ng masama ng magmulat ako ng mata.

Napangisi siya sa sinabi ko. Ikaw ba naman ang di niya tigilan hangga't di ka
nakikiusap sa kanyang pagod ka na at inaantok na din?

"Partly." Nakangiti ng makahulugang saad niya. "And partly, your fault."

Napaismid ako sa kanya saka nagtakip ulit ng mukha gamit yung braso ko. That was
all about the nabitin issue yesterday morning.

Nagulat ako ng bigla niya akong kiniliti sa tagiliran. "Chyler dela Rosa!" Inis na
inis na sigaw ko. "Isa, ano ba?!"

Tatawa-tawa naman siya habang di ako tinitigilan sa kakakiliti. Todo iwas naman ako
sa kanya.

"Fine!" Padabog na sabi ko at bumangon na sa kama. "Babangon na!"

"Good."

Nakangising sabi niya at tumigil na sa pagkiliti sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pag ako nainis talaga sayo buburahin ko yang ngisi
mo!" Asar na saad ko.

Bumaba ako ng kama ng di man lang nag-abalang magtakip ng kumot. Narinig ko pa


siyang napasipol bago ko maisara yung pinto ng banyo.

Hanggang sa nakabihis na ako at bumaba ng hagdan, di pa rin maipinta yung mukha ko.
May usapan kasi kaming magpipinsan na pupunta sa coffee shop ngayon.

Mas lalo pa yata akong napasimangot ng makita kong nakatayo sa magkabilang gilid ng
bukas na pinto sa kusina at matamang nag-uusap paharap sa mga gumagawa sa likod ng
bahay si Ann at si Chyler.

Ang tagal naman niyang makahanap ng matutuluyan para umalis na siya dito sa bahay!

Inis na sabi ko. Hindi na ako kakain, nawalan na ako ng gana. Sa shop na lang ako
mag-aalmusal.

"Aalis ka na?" Agad na tanong sa akin ni Chyler ng nalingonan niya ako.

"Obvious ba?" Inis at sarkastikong sagot ko.

Iiling iling na nakangiti siya habang papalapit sa akin. "Gusto mo ihatid na kita."

"No, thanks." Masungit na sabi ko saka kinuha na yung susi ng kotse ko at naglakad
na palabas ng bahay.

"Ang taray talaga." Narinig kong bulong niya.

Sinundan pala niya ako palabas ng bahay. "Open the gate." Utos ko sa kanya.

Narinig ko siyang parang natawa ng bahagya bago tumalima. Kumakahol kahol naman na
sumunod sa akin si Kulitz. Pumasok na ako sa loob ng kotse at ibinaba yung bintana
ng naupo sa gilid ng kotse yung aso namin.

"Bantayan mo ng maigi si detective ha?" Bilin ko dun sa aso na kumahol naman

sa akin. Nakalabas yung dila niya at ginagalaw yung buntot. "Pag may ginawa yang
kababalaghan dito sa bahay, kagatin mo agad. Mahirap na kasama niya yung ex niya."
Malditang utos ko pa kay Kulitz.

"O ano na naman pinag-uusapan niyong mag-amo diyan?" Nakapameywang na wika ni


Chyler ng mabuksan na niya yung gate at lumapit sa akin.

"It's none of your business." Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya ngayong
umaga. Ginulo niya kasi pagtulog ko, kaya konti lang yung oras na naipahinga ko.

Umarko yung kilay niya sa narinig. She placed her hands on my car window and tilted
her head.

"Sungit." Tukso niya sa akin pero inirapan ko lang siya saka in-start na yung
sasakyan. "Uwi ka ba mamyang lunch dito? Ipagluluto kita ng gusto mo."

"Wag na." Pambabara ko. "Nakakahiya naman baka makaistorbo ako sa inyong dalawa ng
ex mo." Bigay diin ko.

Napakunot noo naman siya. "Jazmine..."

"Blah blah blah." Putol ko sa sinasabi niya.

Napakamot siya sa kilay. "Peste." Narinig kong sambit niya sa mahinang boses.
Mukhang nainis na siya ng tuluyan sa akin.

"Lapit ka nga dito." Para naman akong nakonsensya bigla. Kanina ko pa siya binabara
tsaka sinusungitan. "Kiss mo ko."

Walang imik na hinalikan niya ako sa pisngi ng dumukwang siya sa bukas na bintana.

"Gusto ko sa lips." Ungot ko sa kanya.

"Ayoko sinusungitan mo ako." Ganti niya saka napa-pout.

Natawa na ako. Ang cute ng itsura niya kapag ganitong ginagaya niya akong parang
bata.

"Di na nga eh." Sabi kong nakangiti na. "Chyler."

"Masungit ka sa akin." Sabi niya ulit.

"Chyler, isa ---"

Hindi

ko na naituloy ang anumang sasabihin ko ng hinalikan niya ako sa labi.

"Bye, mahal. Ingat ka ha?" Malambing na sabi niya.

Natigilan naman ako sa sinabi niya sa akin saka napatitig ako sa mga mata niyang
nakangiti din.

"M-may nasabi ba akong masama?" Bigla siyang nag-alala ng may katagalan na akong
walang imik at nakatanga lang sa kanya. "Jazmine?"

"W-wala." Ipinilig ko yung ulo ko. "Pakiulit mo nga yung sinabi mo?"

Napakunot noo naman siya. "Alin dun?" Confused na tanong niya. "Yung ingat ka?"

"No, yung una." Sabay iling na sabi ko.

"Bye?"

"May itinawag ka sa akin." Saad ko.

"Sungit?" Pigil ang ngiting sagot niya.


"Chyler!" Nauubos ang pasensyang bulalas ko.

Natawa na siya. "Yung... mahal?"

Nakagat ko yung lower lip ko ng inulit niya yun. Ngayon lang niya kasi ako tinawag
ng ganun. At ngayon lang din siya nagbanggit ng salitang mahal patungkol sa akin.
Ang sarap sa pandinig.

"Y-yeah." Kinikilig ako sa loob loob ko.

"Alangan naman kasing tawagin kitang mura?" Yung ngiti ko biglang nabura. Ano bang
pinagsasabi niya? "Ang pangit naman kasing sabihin na bye mura." Sabay tawa.

Yung kilig ko napalitan ng inis. "Nakakaasar ka talaga!" Kinuha ko yung paubos ng


karton ng tissue dito sa loob ng sasakyan ko at ibinato ko sa kanya.

Tatawa-tawa siyang umiwas. Tumatalon talon namang kumakahol si Kulitz at pinulot


gamit ng bibig yung karton at ibinalik sa akin.

Kinuha ko yun sa kanya at hinimas yung ulo niya. Sinamaan ko ng tingin si Chyler na
pigil pa din ang pagtawa

bago ko isinara yung bintana.

Nakangiting kumaway pa siya sa akin ng napasulyap ako sa rearview mirror.

Okay na kasi eh. Pero di ko pa rin din napigilang di mapangiti at kiligin.

Mahal? Hmm...

----------------------------------

"Thank you, please come again." Sabi ko dun sa isang customer na nagtake out ng
tinapay pagkabigay ko sa kanya ng resibo kasama na yung binili niya. Nakangiti
naman niya iyon kinuha.

Napasulyap ako sa may entrance at sakto namang papasok si Taz. Agad kong napansin
yung pasa sa gilid ng labi niya.

"Uhm, Stef, kaw muna dito sa counter ha?" Saad ko kay Stephanie na kasama ko ngayon
sa may counter. Agad naman siyang sumang-ayon at umibis na ako dun.

Nilapitan ko si Taz na agad nagtungo sa kinaroroonan nila Hailey at Ash na nasa


gilid at may kung anong pakulo na pinaplano para mas maka-attract pa ng customers.

Marahas ko siyang kinalabit. "Hey, what happened to you?" I asked in a stern voice.
Sa totoo lang, ngayon ko na lang siya ulit nakita, tapos may pasa pa sa gilid ng
labi?

Nakangisi naman siyang humarap sa akin. "Hello to you too big sis." Saka ako
niyakap. "I've missed you."

"Wag mo nga akong utuin." Masungit na saad ko at nilayo ko siya sa akin. "Napaaway
ka na naman 'no?"

She rolled her eyes saka naupo sa tabi ni Hailey. "Nasermonan na ako nina mama. I
am grounded, again, for one week. So there's nothing to worry about." Cool lang na
sabi niya sa akin.
Naupo na din ako sa tabi ni Ash, paharap sa kanya. "Taylor ha? Ngayon ka na nga
lang magpakita sa akin may pasa ka pa sa mukha."

Napaangat

yung gilid ng labi niya. "Na-miss mo talaga ako." Sabi niya.

"Ano ngang nangyare diyan?" Pamimilit ko.

"It's nothing, Remooji. I took care of it already, so calm down." She assured.

"Of course, mag-aalala ako sayo. Kapatid kita." Malumanay na sabi ko.

"And I love you too." Nakangising sabi na lang niya sa akin para manahimik na ako.

For sure, sumakit na naman ulo ni mama sa kanya. I mentally shook my head.

Pinagtuunan na lang namin ng pansin yung pinaplano nila Hailey at Ashley.

"Hey," Untag sa akin ni Ash.

Nasa may counter sina Taz at Hailey para samahan dun si Stef habang ako nakaupo
dito sa kung saan kami kani-kanina lang nakapuwesto at nakapangalumbabang
nakatingin sa labas.

Naupo siya sa harapan ko. "Are you okay?"

"Yeah." Tugon ko pero napatungo ako at pinagdiskitahan yung may kalahating laman ng
tasa ng espresso.

"Is it about that ex thingy?" Pukaw niya sa akin.

I sighed. "Hindi ko maiwasang mangamba at matakot, lalo na't nasa bahay lang siya
ngayon."

"Don't you trust Chyler?" She asked.

"I..." Depressed na sambit ko. "I do."

"But...?"She added.

Napabuga ako ng hangin. "I'm not sure kung mahal pa niya si Ann o hindi na. When I
asked her she said she didn't know if she still does."

Napangiti si Ash sa akin. "I think, Chyler loves you."

Maang na napaangat ako ng tingin sa kanya. "Paano mo naman nasabi yan?"

"Kasi..." Pambibitin niya. "Natitiis niya yung katarayan mo at kakulitan --- Ouch!"
Sabay hawak sa ulo niyang nasaktan.

Binatukan ko nga siya! She keeps my hopes

up tapos biglang... ganun ang sasabihin niya?

"Isa ka pa eh!" Inirapan ko siya.

Natawa na siya sa akin. "Totoo naman kasi." Saad niya. "Mangilan ngilan lang
nakakatagal sa kakulitan mo."

"Gusto mo isa pa?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Tatawa-tawa pa siya. "No, seriously." Saka pilit nagseryoso pero yung mga mata niya
nakangiti naman. "I think she already loves you."

"Wag mo akong paasahin, Ashley ha?!" Kahit na sa totoo lang, natutuwa ako. Para
ngang nabuhay yung pag-asa kong mahal na din ako ni Chyler.

"Hey, I'm telling the truth." Sabi naman niya. "The way she looks at you, the way
she treats you... I think she's already in love with you and I guess, she doesn't
notice it herself."

"Sigurado ka ba diyan?" Tanong ko sa kanya.

Napaisip siya. "Yeah, pero mas maganda kung kay Chyler mismo yun manggagaling."

"Yun nga eh." I let out a deep breath. "Meron yung tulog siya tapos nagbabanggit
siya ng mahal kita and then kaninang umaga... tinawag niya akong mahal though she
tried to joke about it."

"Maybe you should ask her instead of guessing." She suggested.

"Natatakot ako, Ash." Sagot ko.

Hinawakan niya yung kamay kong nasa lamesa at marahang pinisil iyon, na para bang
binibigyan niya ako ng lakas ng loob.

Maaga akong umuwi ng hapong iyon. Maybe I should talk to Chyler. Yung tipong
seryosong usapan. Pagka-park ko nung sasakyan ko sa garahe, pumasok na ako sa loob
ng bahay. Pagbukas ko ng pinto, yun din yung moment na lumabas si Chyler sa
kuwartong tinutuluyan ni Ann.

"Chyler ---" Kasunod naman niyang lumabas si Ann na

magulo ang buhok at bukas ang tatlong butones niya sa taas ng suot na blouse. Di
niya naituloy ang anumang sasabihin niya ng makita akong nakatayo sa pinto. Kahit
sinong makakita sa ayos nila, iba ang iisipin.

"J-jazmine..." Mahinang bigkas ni Chyler at kita ko yung pamumutla niya at yung


guilty look sa mukha niya.

Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon tinakasan ako ng dugo sa mukha. Ramdam ko yung
parang palasong tumama sa dibdib ko ng makita ko silang dalawang halos sabay na
lumabas sa kuwarto at sa magulong ayos.

Napapasinghap ako at pakiramdam ko mawawalan ako ng hangin. Mabilis akong tumalikod


at lumabas ng bahay.

"Jazmine!" Tawag sa akin ni Chyler.

Daig ko pa ang natuklaw ng ahas at sinuntok sa sikmura. Muli kong binuksan yung
gate.

"Jazmine, wait!" Humahangos na sabi ni Chyler at mabilis niya akong nilapitan.

"Don't touch me!" Galit na asik ko sa kanya pero hinawakan pa rin niya ako sa
braso.
"Jazmine, I can explain." Natatarantang sabi niya.

"Na ano?" Galit na sabi ko. "Na matagal mo na akong niloloko?" Kulang na lang
maglabas ng apoy yung mga mata ko.

Nakita ko yung pagkabigla sa mga mata niya. "You think I can do that to you?"

"Stop pretending Chyler!" Saka ko siya itinulak ng malakas.

"Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag sayo?" Di


makapaniwalang sabi niya.

Hinarap ko siya at pinakatitigang mabuti. "Mahal mo ba ako Chyler?" Napasinghap


siya sa tanong ko. "See?" Di ko na napigilang tumulo pa yung luha ko. Mas nasaktan
pa yata ako sa katotohanang hindi niya ako kayang mahalin. "Dahil kung mahal mo ako
at importante sayo ang pagsasama natin, hindi ka sana pumasok sa kuwarto niya."

Napakuyom yung mga kamao niya. "Ang dali naman para sayong paratangan ako." Ramdam
ko yung hinanakit niya. Well guess what, mas nasaktan ako sa nakita ko! "Yes, she
tried to seduce me but I didn't give in!"

So I'm right? May ginagawa silang kababalaghan sa likod ko. Pinatunayan lang niya
kung anong nasa isipan ko ng makita ko silang dalawa sa ganung ayos. Tumalikod ako
sa kanya at binuksan ko yung kotse ko.

"You want to leave me, huh?" Galit na din siya. "Then go, leave me Jazmine! Iwan mo
ako!" Sigaw niya. "You don't trust me!" Patuloy na sigaw niya. "You never did!"

Pumasok ako sa loob ng kotse ko at pinaharorot yun paalis ng bahay. Wala akong
pakialam kahit pa mahuli akong over speeding. Panay ang tulo ng luha ko at di ko
mapigilan yung paghikbi ko.

Ang sakit sakit. Umasa akong mahal na rin niya ako. Huminto ako sandali sa gilid ng
kalsada at sinubsub ko yung mukha ko sa manibela. Iyak ako ng iyak at di ko alam
kung kailan ako matatapos sa pag-iyak. I can feel my heart slowly breaking into
pieces.

=================

Chapter 42 Shock Of Waves

"I gave you my heart, Chyler. But you tossed it back broken to me." ---Jazmine

Chyler POV

"Shit!"
Mura ko ng nahulog sa kamay ko yung susi ng pantaong gate namin. Kinurap-kurap ko
yung mga mata ko dahil parang nanlalabo. I am sober, I know. Pero kaya ko pa naman
ang sarili ko.

After Jazmine left me earlier, lumabas din ako ng bahay at nakipag-inuman diyan sa
kanto. For the first time, naki-join ako sa mga tao dito sa subdivision namin.
Nagulat pa nga sila ng sumali ako sa inuman nila. At dun ko nalaman na hindi pala
sila tambay. May trabaho sila sa umaga, at isa sa means of relaxation daw nila ang
uminom pero not to the extent na maglalasing sila.

Nang makuha ko yung susi gamit ng isang kamay ko, dahil may hawak na bote ng alak
yung isa, hirap kong binuksan iyon. Pagkapasok ko ay agad ko din iyon ni-lock.

Napahigpit ang hawak ko sa bote ng mapansin kong wala pa yung kotse ni Jazmine.
Hindi ko alam kung anong oras na ng mga sandaling iyon.

She's not coming home.

Umuungol naman si Kulitz ng makita ako at kita ko sa mga mata niya yung parang
lungkot. My lips formed a sad smile. Buti pa yung aso parang naiintindihan yung
nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

I patted her head before I went inside the house. Ang hungkag ng pakiramdam ko.
Para akong umuwi sa isang abandonadong warehouse. Ang tahimik... walang makulit.

Bitbit ang bote ng alak, nagtungo ako sa likod ng bahay at naupo dun sa damuhan.
Binuksan ko yung bote at tumungga dun. Napasuklay ako sa buhok ko. Ikinurap-kurap

ko yung mga mata ko to forbid the tears from falling.

Masakit lang na wala siyang tiwala sa akin. Masakit din na hindi man lang niya ako
binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Hinusgahan niya agad ako. Ang bilis lang
niya akong paratangan ng kung ano-ano ng di man lang pinapakinggan yung paliwanag
ko.

"Arrgh!" Sigaw ko at galit na galit na ibinato ko yung boteng hawak ko. Narinig ko
na lang yung pagkabasag nun kung saan man yun tumama.

Itinukod ko yung kaliwang siko ko sa tuhod ko at sapo-sapo ang ulong napayuko ako
at napapikit.

"Chyler." Hindi man lang ako nag-abalang tingnan siya.

"Ba't nandito ka pa?" Galit na sambit ko ng di nag-aangat ng tingin.

Naramdaman ko yung paglapit niya at yung pag-upo niya sa harapan ko. Ipinatong niya
ang dalawang kamay niya sa balikat ko.

"Chyler, I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin. "Mahal lang kasi kita."

Sarkastiko akong napatawa sa sinabi ni Ann at tsaka nag-angat ako ng tingin.

Mapakla akong napangiti sa kanya at iiling iling. "Why you always have to ruin
every good in me?" Ang tagal tagal kong gusto siyang sumbatan.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi saka hinalikan sa labi. Hindi agad ako
nakapag-react. Pero hinawakan ko yung balikat niya at inilayo ko siya sa akin.

"Caught in the act."


Mabilis akong nagbaling ng tingin sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Nakita ko si
Jazmine na galit na galit ang mukhang nakatayo sa may bukas na pintuan.

"Jazmine." Mabilis ang galaw kong tumayo para habulin siyang muli ng agad siyang
tumalikod. "Jazmine." Muli kong tawag sa kanya.

Galit na galit

siyang tumigil bago pa makarating sa main door at hinarap ako.

"I came back because I thought we could talk like civilized and matured persons!"
Sigaw niya. "And what?!" Nagpupuyos yung damdamin niya. "Ganung eksena ang maabutan
ko?"

"It's not what you think it is!" Ngayon bumalik sa akin yung sakit na di man lang
niya ako hinayaang magpaliwanag kanina. At ngayon, base lang sa nakita niya,
hinusgahan na naman niya agad ako. "Siguro nga may mali ako." Saad ko. "Pero
Jazmine, kahit man lang sana katiting, pinagkakatiwalaan mo ako!"

"How can I trust you with these?!" Ganting sigaw niya sa akin. I can see hate and
pain at the same time in her eyes. Halata ko ding galing siya sa matagal na pag-
iyak.

Napapikit ako. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan, pero sana naman kahit
konti lang, pagkatiwalaan niya ako.

"Gago ba ang tingin mo sa akin?" Nangingilid ang luhang tanong ko sa kanya. "Ganun
ba ang pagkakakilala mo sa akin para isiping kaya kitang lokohin at pagtaksilan?!"

She gave me a blank expression. She shook her head twice. "I hate you, Chyler. I
hate you so much."

Ramdam ko ang bawat katagang binitawan niya. Sinasabi naman niya sa akin ang mga
katagang yun minsan pero alam kong she didn't mean it. Pero iba ngayon... iba ang
sitwasyon namin ngayon.

"For once, Jazmine. Maniwala ka naman sa akin!" Nasasaktang sabi ko. "You told me
you trust me ---"

"I did!" She cuts me off. "And now gusto kong magsisi dahil sobra akong nagtiwala
sayo." Her tears streaming freely in her beautiful face. "I gave you my heart,
Chyler. And now what?" Puno ng hinanakit na

sabi niya. "You tossed it back broken to me."

Kita kong sarado ang isipan niya ngayon. Na hindi niya ako pakikinggan kahit na
anong gawin ko. Hindi ko siya masisisi. Dahil kahit ako, nasasaktan ako ng sobra ng
mga sandaling iyon.

Masama ang tinging ipinukol niya kay Ann ng makita niya ito. "You whore!" Galit na
sabi niya. "She's all yours."

At ang ikinagulat ko, bigla niyang tinanggal yung wedding ring niya at ibinato niya
sa akin bago mabilis na lumabas ng bahay. Sa pagkagulat ko, hindi ko magawang
umalis sa kinatatayuan ko. Tumama sa dibdib ko yung singsing at awtomatikong nasalo
yun ng kamay ko.

Napakurap kurap ako ng binuka ko yung palad ko at pinagmasdan yung singsing ni


Jazmine. Napapasinghap ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Isa isang tumulo
yung butil ng luha ko. Napatuwid ako ng tayo at mahigpit na kinuyom ko yung palad
ko hawak yung singsing.

"Get out." Madiin kong sabi.

"Chyler..."

"Get out!" Galit na galit na sigaw ko ng di man lang siya tinitingnan. "Wag mong
hintaying kaladkarin kita palabas ng pamamahay ko."

Ayoko siyang lingonin dahil baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Nagpupuyos yung
damdamin ko, nasasaktan, naguguluhan sa mga nangyayare. Halo halo na. Pakiramdam ko
anytime, sasabog na ako.

Narinig ko yung impit niyang pag-iyak at ang pagbukas sara ng pintuan. Nakatayo
lang ako dun at mahigpit na nakakuyom ang kamao kong may hawak ng singsing.

"I-I'm sorry, Chy." Umiiyak na sambit ni Ann pero parang wala akong naririnig.
"I'll try to make things right." Saka tumalikod na at lumabas na ng bahay.

Gusto

kong magwala. Gustong gusto kong ilabas yung galit at sakit na nararamdaman ko.
Mabilis akong nagtungo sa taas, sa kuwarto at dun ko inilabas yung galit ko. I
don't care kahit dumugo na yung kamao ko sa kakasuntok sa pader. Hindi ko iniinda
ang sakit nun. Ang mas masakit sa akin ay yung ito, itong lintik na sitwasyong
meron ako ngayon.

Umiiyak akong napadaos-daos sa sahig. Kipkip ko pa din yung singsing ni Jazmine.


Hindi ko matanggap na ganun ganun na lang niya yun kadaling iwaksi sa buhay niya.
Para na rin niya akong tuluyang tinanggal sa buhay niya.

----------------------

Sunod sunod na malalakas na katok sa pinto sa baba ang gumising sa akin.

"Chyler, buksan mo 'to!" Sigaw ni Erick.

Naiharang ko yung braso ko sa mga mata ko ng masilaw ako sa sinag ng araw na


lumulusot sa sumasayaw sayaw pang kurtinang di maayos ang pagkakatabing sa bintana.

"Chyler, bubuksan mo ba 'to o sisirain ko?!" Sigaw pa niya.

Pupungas-pungas akong bumangon at may nasipa pa akong lata ng beer sa paanan ng


kama. Tamad na tamad ang mga kilos kong bumaba ng hagdan at binuksan yun.

"Diyos ko, Chyler anong nangyare sayo?!" Gulat na bulalas ni Erick ng makita ang
itsura ko.

Well, wala akong pakialam kung anuman ang itsura ko. For sure, ang baho baho ko at
ang dungis dungis ko na. Dalawang araw na yata akong di naliligo.

Parang wala akong narinig na tumalikod pagkabukas ko ng pinto at hinayaan ko lang


si Erick na pumasok sa loob ng bahay.

"Ilang bagyo ba ang dumaan dito sa bahay niyo at ganito kagulo?" Mas nagulat siya
sa ayos sa loob.
Tumba ang mga silya sa

may kusina, may mga hugasing nakatambak sa lababo, yung mga throw pillows nasa
sahig na yata lahat at nagkalat ang mga bote at lata ng beer sa kung saan saang
sulok ng bahay. May karton pa ng pizza sa may center table. For sure sira na yun
dahil nung isang araw pa yun. Wala sa tamang ayos ang bahay... parang yung nakatira
lang. Wala sa tamang wisyo. Sabog. Basag. Wasak.

Walang imik na umupo ako sa magulong sofa. Sumunod siya sa akin. Napabuntong
hiningang nameywang si Erick sa harap ko. Parang wala naman ako sa sariling
nakatulala lang.

"Sa tingin mo magugustuhan ni Jazmine itong ginagawa mo?" Sermon niya.

Natawa ako ng mapakla kahit nakatulala lang. "She's gone. Iniwan na niya ako."
Walang kaemo-emosyong saad ko. "Hindi na niya ako babalikan pa."

"Paano ka niya babalikan kung di mo naman siya sinusuyo?" Turan niya.

Tulala pa ring kinuha ko yung singsing sa bulsa ko na palaging nandun at ipinakita


kay Erick. "She tossed it back to me. She's not coming back, Erick. Hiniwalayan na
niya ako."

Muli, huminga siya ng malalim at naupo sa tabi ko. "Eh di subukan mong ibigay yan
ulit sa kanya." Malumanay ang boses na sabi niya.

Yumugyog yung balikat ko at kusa ng bumalong ang mga luha sa mga mata ko. Tinapik
tapik ni Erick yung balikat ko.

"Ang sakit Erick." Muli kong kinuyom yung palad kong may hawak nung singsing. "Ang
sakit sakit." Parang hinihiwa yung dibdib ko sa sobrang sakit.

Niyakap ako ni Erick at hinayaan lang niya akong ilabas lahat ng sakit na
nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Akala ko, masakit na yung ginawang
pang-iiwan sa akin nun ni

Ann pero hindi. Mas may sasakit pa pala dun. Yung hiwalayan ako ni Jazmine.

"Suyuin mo siya." Advice niya. "Kung ayaw niya pakinggan yang mga paliwanag mo,
magpaliwanag ka pa rin. Kung ayaw ka niyang makita, kulitin mo." Dagdag pa niya.
"Dahil mas sasakit at bibigat lang niyang dalahin mo kung di mo siya kakausapin at
pupuntahan."

Pinunasan ko yung mga luha ko gamit yung kamay ko. Medyo gumaan ng konti yung
pakiramdam ko dahil nandito si Erick.

"Tatlong araw ka na ring no show sa presinto. Galit na galit na si chief." Balita


niya. "Kapag di ka pa pumasok bukas, suspendido ka na sa trabaho."

Huminga ako ng malalim. Ang gulo gulo na ng buhay ko. Ang saya saya namin ni
Jazmine.

"We were so happy and so perfect for each other," Saad ko at tumulo na naman yung
luha ko. "Tapos..."

"Pinagsabihan na kita nun pa."

"I know, I am too gullible, too naive and too stupid." Amin ko.
"Buti naman alam mo." Saad niya at napabaling ako ng tingin sa kanya. "At pwede ba
Chyler?" Lumayo pa siya ng konti sa akin. "Bago mo puntahan si Jazmine, maligo ka
muna at mag-toothbrush!" Sabay takip pa ng ilong. "Ang baho baho mo!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Inamoy amoy ko naman yung sarili ko. "Ang baho ko nga."
Napangiwing sang-ayon ko.

"At ano palang nangyare sa kamay mo?" Tukoy niya sa nabendahang kanang kamao ko.

"Wala." Pagdi-dismiss ko.

Nilibot niya ulit ang tingin sa loob ng bahay. "Sigurado ako, kung gaano kagulo
dito sa baba, mas magulo sa taas." Iiling iling na sabi niya.

Tumayo na ako. "Tatawagan ko na lang si Aling Esang at sabihing ngayong araw na


siya mag general cleaning sa bahay." Sabi ko.

Tumayo na din siya. "Mabuti pa nga." Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape.

Sa totoo lang, hindi pa ako kumakain. Pizza lang yata ang laman ng tiyan ko at
kahapon pa yun. Panay alak yung tini-take ko. Ngayon ko ramdam yung sakit ng ulo
ko.

Binangon ko yung natumbang silya at naupo sa harap ng lamesa. Inilapag ni Erick


yung kape ko at naupo din siya sa harap ko.

"May gusto lang akong itanong sayo, Chy." Sabi niya at nag-angat ako ng tingin
habang humihigop ng kape. "Mahal mo ba si Jazmine?"

Saglit akong natigilan sa tanong niya. I sighed for the nth time. Inilapag ko sa
lamesa yung tasa at sinalubong yung mga titig ni Erick.

"Yes."

=================

Chapter 43 The Last Time

"This is the last time I'm asking you this... put my name at the top of your list.
This is the last time I'm asking you why... you break my heart in a blink of an
eye." This is the Last Time by Taylor Swift

Jaz POV

Tatlong sunod sunod na katok ang pumukaw sa aking isipan mula sa pagbabalik tanaw
ng naging pagsasama namin ni Chyler.

"Jazmine?" Si mama Alex. "Can I come in?"


Mabilis akong bumangon sa kama at nagpunas ng luha gamit ang tissue.

"C-come in, ma." Tugon ko sa garalgal na boses.

Narinig ko yung pag-click ng door knob ko at ang unti-unting pagbukas nun. Sumilip
muna si mama.

"Hey, princess." May nakakaunawang ngiti sa mga labi niya.

"Hey..." Malungkot na ganti ko din at inayos yung kumot na nakatakip sa hita ko.

Mabagal siyang naglakad papalapit sa akin pagkatapos niyang maisara sa likuran yung
pintuan. Umupo siya sa gilid ng kama sa may tabi ko paharap sa akin.

"Your mom told me about what happened between you and Chyler." Panimula niya. "I'm
sorry I wasn't there for you immediately when you need a shoulder to cry on."

Malungkot akong ngumiti sa kanya. "It's okay, ma. I understand."

Apat na araw na siyang nandun sa Batangas para asikasuhin yung nanganak na kabayo
niya. Kadarating lang niya kaninang tanghali.

"Tatlong araw ka na daw nagkukulong dito sa kuwarto mo." Sadness is in her voice.

"I..." Parang ang hirap magsalita. "I just don't know how to deal with anybody else
right now."

"And that includes me? Your mom?"

Umiling ako. "Ma..." Di ko na napigilang

umiyak na naman.

Napasugod ako sa kanya ng yakap. I cry and I cry again. Hindi na ba mauubos yung
luha ko? Hanggang kailan ba ako masasaktan ng ganito?

Huminga siya ng malalim habang yakap yakap ako at hinahagod hagod yung likod ko.

"Ma, bakit ang sakit sakit magmahal?" Puno ng hinagpis na saad ko. "Why do I have
to endure this kind of pain?"

"Minsan, kapag nagmamahal tayo, hindi natin maiiwasang masaktan. May mga bagay na
hindi palaging pabor sa ating mga nagmamahal." Malumanay na paliwanag niya habang
umiiyak pa rin akong yakap niya. "Sometimes we have to feel pain in order for us to
feel stronger. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon masaya ang umibig."

Kumalas ako ng yakap sa kanya at tinignan siya. Agad naman niyang pinunasan yung
luha ko gamit nung likod ng palad niya.

"Ma, bakit mo ako gustong magpakasal nun kay Chyler?" Matagal ko ng gustong itanong
yun sa kanya.

Kinuha niya yung kamay ko at marahang pinisil iyon saka ngumiti sa akin ng bahagya.
Malamlam ang mga mata niyang nakatitig sa mukha ko.

"Ang mga Montalban, minsan lang umibig." Saad niya. "Akala ko, namin ng mga tita mo
nung una kasabihan lang yun ng mga ninuno natin, pero hindi." Mataman lang akong
nakikinig sa kanya at tumigil na din ako sa pag-iyak. "Totoo pala yun. Kami mismo
ang makakapagpatunay nun. Minsan lang umibig. Tapat at dalisay. Wala kang magagawa
kahit pa subukan mo itong labanan." Bigla siyang napangiti. "Like what happened to
your tita Abby and tita Ana."

Napangiti ako ng bahagya din ng maalala yung love story nila na naikwento na nila
sa amin. Kahit anong tanggi,

kahit pa nanirahan na si tita Abby sa Paris para lang maiwasan yung nararamdaman
niya nun kay tita Ana, wala pa ring nangyare. In the end nga daw, siya pa ang
naghabol talaga kay tita Ana.

"You fell in love with Chyler." Malungkot na unti-unting nabura yung ngiti ko
pagkasabi nun ni mama. "You keep on telling us before that you're straight. Na
hindi ka papatol sa babae kahit kailan. And in just a blink of an eye, nahulog ka
kay Chyler."

"Pero ma, unsure pa ako nun sa nararamdaman ko though gustung gusto ko talaga siya
makuha dati. Saka ko na lang na-confirm na mahal ko siya nung kasal na kami." Saad
ko.

Inipit niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok kong tumabing sa mukha
ko.

"I know." Naguguluhang tumitig ako sa kanya. "Mama mo ako kaya alam ko. Pati takbo
ng utak ninyong dalawa ng kapatid mo, alam na alam ko." Napailing pa siya dahil
dun. "And simula ng nalaman kong nagkakagusto ka kay Chyler, pina-background check
ko siya kay Jacob."

"What?" Maang na sambit ko.

Napangiti siya ulit sa akin. "Kaya bago mo po siya nakilalang lubos, kilalang
kilala ko na siya." Tugon ni mama. "Kaya alam kong nararapat siya para sayo."
Sigurado sa sariling saad niya. "I can see myself in Chyler. And I know she can
protect you, took care of you... and love you."

"H-hindi niya ako mahal." Malungkot na nagbaba ako ng tingin.

Natawa siya ng bahagya. "Hindi siya papayag magpakasal sayo kung hindi ka niya
gusto nun." At bigla akong nag-angat ng tingin kay mama.

"Pero di ba you blackmail her?" Confused na sabi ko.

"Pwede naman sana siyang nakiusap na

iba na lang ang ipagawa ko sa kanya. O magbayad na lang ng kung magkanu man yung
sasabihin kong halaga para lang wag ka pakasalan." Paliwanag niya. "See? Madami
sana siyang option nun pero umoo pa rin siya. Pumayag siyang ayain kang pakasal sa
kanya."

"Hindi ko pa rin maintindihan, ma." Naguguluhang sambit ko. "Isa pa, niloko niya
ako."

"Nakita mo bang niloko ka niya?"

"I saw them kissing..." Depensa ko.

"Hindi sa may pinapanigan ako sa inyon dalawa. Ayokong makialam hangga't maaari
dahil mag-asawa na kayo, sariling buhay niyo 'to. But I can't stand watching you
hurt. Both of you. Dahil parte na ng pamilya natin si Chyler, at lahat ng parte ng
pamilya natin, mahalaga." Mahabang paliwanag niya.

"Pinatuloy din niya yung ex niya sa bahay." Bumangon na naman yung galit ko sa
kanilang dalawa ng bruhang ex niya, slash kabit na niya ngayon.

Sure?

"Maybe Chyler is just being kind to her." Magsasalita sana ako pero nagpatuloy si
mama. "I know what they've gone through before, Jazmine."

"She let her ex kissed her." Giit ko.

"Maybe you two should talk." Suhestiyon niya.

"Gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya." I cross arm.

"Are you sure?" She laughed the words out.

Pinili ko na lang wag tugunin si mama at nanahimik na lang muna ako.

"You should think it over a hundred times." Sabi niya. "Sometimes our judgement is
clouded by anger or by pain." She adviced. "Maybe nasasabi mo lang yan ngayon dahil
galit ka pa at nasasaktan sa mga nangyayare."

"I still don't want to see her yet." Matigas ang loob na sabi ko. "If she

really wants me back in her life, siya ang manuyo hindi ako."

Napangiti siya sa sinabi ko. "Para ka talagang si mommy mo." Iiling iling na sabi
niya. "Ganyan din siya sa akin nun. Pinarusahan pa nga niya ako."

"Talaga ma?" Curious na tanong ko.

Naikwento niya sa akin yung part na nagkahiwalay sila ni mommy ng mahigit isang
taon at sobrang nagalit talaga sa kanya nun si mommy. At kapalit nga daw nung
forgiveness niya, pinagsilbihan daw niya si mommy hanggang sa lumambot na yung puso
niya at nagkabalikan silang dalawa. Hanggang sa nagpakasal na at nagkaroon ng
pamilya.

"This may sound so cliché, pero totoo naman." Muli ay paalala niya. "Ang pag-aasawa
hindi parang mainit na kanin na isusubo at kapag napaso ka, pwede mong iluwa."
Matalinhagang sabi ni mama. "Hindi porke't nagkaroon kayo ng problemang mag-asawa,
hiwalay na agad ang solusyon. Pag-usapan niyo muna, daanin niyo sa magandang
usapan."

Alam ko namang nagpadalus-dalus ako sa naging desisyon kong makipaghiwalay sa


kanya. Tiningnan ko yung kamay kong dating may suot na wedding ring. I feel that
emptiness again, that sense of loneliness starting to succumb my soul once again.

This mother daughter heart to heart talk gives me a little more strength to endure
this pain I'm feeling right now. I still don't want to see or talk to Chyler.
Masakit pa. Baka kung ano lang masabi ko at magawa ko sa kanya.

The next morning, nagdesisyon akong pumasok na sa school. Nakakaunawang ngiti ang
iginawad sa akin nina mama at mommy Ara ng finally, lumabas na ako ng kuwarto ko.
Nagulat pa ako dahil pagdating ko sa school,

sa may parking lot, nakasandal si Chyler sa kotse niya at halatang hinihintay ako.
No choice. Kako sa sarili. Sa tabi ng kotse niya ako nag-park at ilang beses muna
ako huminga ng malalim bago nagdesisyong bumaba. Nagkunwari akong hindi ko siya
nakikita at lalagpasan ko na lang sana siya ng hinawakan niya ako sa braso.

"Don't touch me." Angil ko sa kanya at tiningnan siya ng masama.

Noon nagtama yung mga mata namin. Okay, I'm not hypocrite. I missed her. I still do
love her. Pero hindi na ako magpapaka-martir pa. Tapos na yun. Tama na. Basag na
yung puso ko.

"Let's talk." Pakiusap niya. Pansin ko yung pangingitim ng ilalim ng kanyang mga
mata. May benda din yung kamay niya. At nakatago sa likod ang isang kamay.

"Let go of my arm." Walang kaemo-emosyong utos ko at pilit pinatigas ang damdamin


ko.

Labag man sa kalooban niya, binitawan niya yung kamay ko. "For you." Sabay lahad sa
akin ng tinatago niyang bungkos ng bulaklak sa likod niya kanina.

If I was the old Jazmine kikiligin na ako ngayon. Pero hindi na ako siya.

"Wala akong sakit. I don't need flowers." Poker face na sabi ko at nag cross arm.

Binuksan niya yung passenger seat ng kotse niya at inilagay dun yung bulaklak. Pero
may isang piraso ng puting bulaklak siyang kinuha mula dun. My favorite flower,
Calla Lily.

Bahagya siyang nakangiti sa akin ng inilahad yun sa akin. "Sinabi mo sa akin na


favorite flower mo 'to."

Tinitigan ko siya sa mata. "Ibigay mo na lang yan sa iba." Makahulugang sabi ko and
didn't even make a move to accept the flower.

Napabuntong hininga siya. Bagsak

ang balikat na inilagay niya yung bulaklak sa ibabaw ng sasakyan niya.

"I know I've made so many mistakes and I've hurt you so many times before."
Panimula niya. "I'm so sorry, Jazmine." Malungkot na sabi niya. "Sana naman
binigyan mo ako ng kahit konti man lang na benefit of the doubt. Hinatulan mo agad
ako eh."

I stood there, motionless and emotionless. Blangko ang ekspresyon na nakatingin


lang ako sa kanya.

"I never touched her. God knows that." Medyo garalgal na yung boses niya. "Sana
naman paniwalaan mo ako."

Nang matagal na siyang di ulit nakapagsalita. I gave her my bored look.

"Are you done?" I asked. "Male-late na ako sa klase ko." Saka tinalikuran na siya.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko ulit siyang nagsalita ng medyo
malakas.

"Mahal kita."

Ilang buwan ko bang hinintay na sabihin niya sa akin ang mga katagang yun? Ilang
beses ba akong umasa na sana sabihin din niyang mahal na din niya ako?
Nah, I've lost count.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Napasinghap ako ng marinig ko ang mga
katagang yun na ang tagal tagal kong hinintay na sambitin niya.

"Mahal kita, Jazmine." Ulit niya.

Nilingon ko siya. Napalunok ako. Para na naman akong maiiyak ng mga sandaling iyon.

"It's too late, Chyler." I'm trying my best to hold those tears from falling.
"Masyado mo na akong nasaktan."

At bago pa bumagsak ang mga luha ko, tinalikuran ko siyang muli. Makakasalubong ko
naman sina Hailey at Ashley.

"Hey, cous." May ngiti sa labing bati sa akin ni Hailey. Pero bigla din iyong
nawala ng makita si Chyler. "What are you doing here, you stupid asshole?!"

Susugorin na sana niya si Chyler pero hinarangan ko siya. "Stop it Hailey."

"She hurt you!" Sabay duro at galit na sabi niya kay Chyler. "She's a jerk!"

"She's not worth your time." Sabi ko. "Let's go. Ayokong ma-late. Ngayon na nga
lang ulit akp papasok sa school."

Tiningnan muna ni Hailey si Chyler ng masama bago tumalikod. Inakbayan naman ako ni
Ashley at iginaya na papunta sa building namin. Pinigilan ko ang sarili kong
lingonin si Chyler.

She's not worth it. Sabi ko na lang sa isipan ko at nagpatuloy ng naglakad kasama
ng mga pinsan ko.

(Hindi muna ako makakapag-update dun sa dalawa dahil naka-concentrate ako dito kina
Chyler at Jazmine. Malapit na kasi 'tong matapos 😊)

=================

Chapter 44 Operation TazLer

"I will never stop trying because when you found the one, you never give up."

Chyler POV
Pabagsak kong ibinaba yung hawak hawak kong folder sa ibabaw ng lamesa at tsaka
napasubsob sa mga kamay ko. Kahit anong gawin ko hindi ako makapag-concentrate sa
pagta-trabaho. Na kay Jazmine yung isip ko, sa sitwasyon namin ngayon.

"Shit." Mariing mura ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko ngayon.

Kung pwede lang manapak ng tao, bumaril ng kung sino sino na lang diyan para
mailabas ko yung tindi ng nararamdaman ko, ginawa ko na.

Sa ilang araw na pagkakahiwalay namin, na-realized ko kung gaano nagbago yung buhay
ko dahil sa kanya. Yung dating napaka-boring na buhay ko, naging masaya at makulay
dahil sa kanya. At kung gaano kalaking kawalan siya sa buhay ko. She's... damn!
She's my everything!

Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko? Kung kailan wala na siya sa akin saka ko mare-
reliazed na mahal ko siya. Na hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko. Hindi. Hindi
ako papayag. Mahal ko siya. Mamamatay ako pag tuluyan siyang nawala sa akin.

Mahal kita Jazmine!!! Sigaw ng damdamin ko.

Naihilamos ko yung mga palad ko sa mukha ko. Ilang ulit din ako huminga ng malalim
para kalmahin yung nagkukumawalang damdamin ko. Malungkot akong napatulala sa
kawalan. I told her I love her this morning, pero wala yung epekto sa kanya.

Hindi na ba niya ako mahal? Ang napakalaking katanungan sa isipan ko.

Lumabas ako ng opisina para lumanghap ng hangin sa labas. Para akong naso-suffocate
na ewan.

"Detective,

buti lumabas ka." Nakasalubong ko sa malapit sa may pintuan ko si Pascual. Kunot


noong tumingin lang ako sa kanya. "May naghahanap po sayo sa labas." Saad niya.
"Alexandra daw."

Napamura ako sa isipan ko. Susuntukin na naman ba niya ako? Tsk.

"Sige, salamat." Sabay tapik sa balikat ni Pascual at lumabas na para tunguhin yung
kinaroroonan ni Alex.

Paglabas ko ng police station, agad kong nakita si Alex sa may parking lot. Sa may
tabi ng kotse niya nakasandal siya dun.

"Alex." Tawag ko sa kanya ng makalapit ako sa kinaroroonan niya.

"Hey." Ganting bati niya. Mukhang di naman siya galit sa akin.

Sumandal ako sa kabilang kotse para magkaharap kami. "I know I failed you." Masakit
sa loob na saad ko sa kanya.

She twitched her lips, thinking. "A little, perhaps." Sagot niya na parang di pa
sigurado. "You know what Chyler?" Mataman akong nakikinig sa bawat sasabihin niya.
"I understand what you did." Naguguluhang napatitig ako sa kanya. "It's just that,
it got you wrapped up in a wrong way."

"I'm sorry." Buong pusong hingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Wag sa akin mo sabihin yan." Tugon niya saka namulsa. "Kay Jazmine."
Napabuntong-hininga ako. "Pinuntahan ko siya sa eskwelahan kaninang umaga, nag-
sorry ako, I even told her I love her, pero wala pa rin. Galit talaga siya sa
akin."

"Susuko ka na ba agad?" Kung hindi ako nagkakamali, parang may nahimigan akong
hamon sa boses niya.

Matagal bago ako nakatugon sa kanya. "No. Hindi ako susuko hangga't kaya ko pa,
susuyuin ko siya."

Napaangat ang gilid ng labi niya sa sinabi ko. "Good. That's the

spirit."

"Bakit hindi ka galit sa akin?" Nagtatakang tanong ko.

"Dahil kilala kita." Tipid na sagot niya.

Naguluhan ako sa sagot niya. "Ha? Paano?" Kung tutuusin naman iilang buwan pa lang
kaming magkakilala at hindi naman kami palagi nagkikita. Sa sobrang pagiging busy
niya, halos iilang beses ko pa lang siya nakausap at nakasama.

She gave me a knowing look. "You think I'm that stupid para ihain na lang basta
basta sayo ang anak ko?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Pinaimbestigahan niya ako? Pinasundan ang bawat kilos
ko?

"Yes." Kompirma niya sa kung anuman ang nasa isipan ko at maang akong napatingin sa
kanya. Nagkibit balikat lang siya. "My daughter is in love with you, trabaho kong
pangalagaan ang anumang interes niya at lahat ng makakabuti sa kanya."

Napailing iling ako at napangiti ng bahagya. "Bilib na talaga ako sayo, Alexandra."

She cross arms saka mayabang na ngumiti sa akin. "But since ipinagkatiwala ko na
siya sayo nung ikinasal kayo, ikaw na ang may responsibilidad sa kanya. But that
doesn't mean wala na akong pakialam sa kapakanan ng anak ko. Ang ibig kong sabihin
ay, ikaw na ang immediate responsible kay Jazmine."

Saglit na namayani sa pagitan namin ang katahimikan. "Gagawin ko ang lahat maging
maayos lang sa amin lahat ni Jazmine, Alexandra. Pangako ko yan sayo. At kapag
nakuha ko siyang muli, di ko na siya sasaktan pa o babalewalain man lang." Pangako
ko sa kanya. "I love your daughter so much. She mean everything to me."

Pinakatitigan niya ako. "Aasahan ko yan, Chyler." Tumingin siya sa relo niya. "I
have to go." Dumiretso

na siya ng tayo at ako din. Binuksan niya yung pinto ng kanyang kotse. "I forgot
something."

"Ano yun?" Kunot noong tanong ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa batok saka bumulong sa tenga ko. "This."

Tinuhod niya ako. "Damn it!" Napaluhod ako sa harapan niya sapo yung nasaktang ano
ko.

Parang wala siyang ginawang isinuot yung sunglasses niya. "Be thankful you don't
have balls, detective." Saka pumasok na sa sasakyan niya.

"What's that for?" Namimilipit sa sakit na nakaluhod na ako sa may parking lot.

Hindi niya ako sinagot at nakataas ang gilid ng labing isinara na niya yung pintuan
ng kotse at nag-drive na paalis ng presinto.

"Putek!" Hirap akong tumayo dahil baka may makakita pa sa akin dito na nakaluhod.

Ibang klase talaga ang Alexandra'ng iyon. Aniya ko sa loob loob ko.

Pinilit kong mag-concentrate sa trabaho. At kahit papaano nagawa ko naman hanggang


sa dumating na ang uwian. Parang nakakabagot umuwi sa bahay lalo na kung alam mong
wala kang madadatnan.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, kumakahol naman na sinalubong ako ni Kulitz.


Tinapik-tapik ko yung ulo niya.

"Nandito ka na pala detective." Sabi ni Aling Esang. "Kakaalis lang ng mga gumagawa
diyan sa likod ng bahay niyo."

"Ako na po ang bahala dito, Aling Esang." Tugon ko at tsaka dumiretso na sa likod
ng bahay.

Malapit na pala nilang matapos yung swimming pool. Pinapa-rush ko talaga. Nagdagdag
na rin sila ng mga tauhan para mapadali ang paggawa.

Sana matuwa si Jazmine kapag nalaman niyang malapit ng matapos yung project niya.

Nung

pagabi na, nag-order lang ako ng pizza yun na ang hapunan ko. Wala akong ganang
magluto. Si Kulitz naman pagkatapos niyang kumain, tumabi siya sa akin sa sofa at
ipinatong yung ulo niya sa mga hita ko. Kay Jazmine niya 'to madalas gawin. Sila
naman kasi ang parang mas closed.

"Miss mo na ba siya?" Para akong sirang kumausap kay Kulitz sabay himas sa ulo
niya. "Ako din, miss na miss ko na siya."

Nangilid na naman yung luha ko. Peste hindi naman ako iyakin at madrama sa
pagkakaalam ko.

Pinatay ko yung tv at iniwan si Kulitz sa bahay. Naglakad ako patungo sa bukana ng


subdivision kung saan nag-iinuman yung mga katropa ko, malapit lang naman yun sa
bahay. Oo, sa loob ng ilang gabi naging tropa ko sila. Hindi naman ako lasinggero
at mahilig uminom pero kasi dun lang nawawala pansamantala yung sakit at
pangungulila ko kay Jazmine.

Alas nuwebe na yata ng gabi ng umuwi ako. Naglalakad ako papunta sa bahay ng
maaninag ko ang isang matangkad na babaeng naka-all black attire at nakasandal sa
tabi ng isang big bike. Natawa ako ng mapakla ng mapagsino yun. Si Taz.

"Mukhang hinihintay mo ako ha?" Bati ko sa kanya.

Masama ang tinging ipinukol niya sa akin. Alam ko kung anong pakay niya at kung
bakit siya nandito. Gaganti siya sa akin para kay Jazmine.

"Kaninang umaga muntik na akong sugurin ni Hailey, yung mama mo tinuhod ako." Saad
ko at tumigil ako sa harap ng gate, mga ilang hakbang ang layo sa kinatatayuan
niya. "Ikaw? Ano namang gagawin mo sa akin? Bubugbugin mo ako? Sige! Go!" Hamon ko
pa at nag come on.

Inilang hakbang lang niya ang pagitan namin saka

kwinelyuhan ako.

"You son of a bitch!" Mura niya sa mukha ko na inilapit pa talaga. "You broke her
again." Gigil na dagdag pa niya.

I laugh sarcastically. "Wag ka mag-alala Taz, di lang siya ang wasak." Pilit ko
pinatatag ang kalooban ko para hindi ako umiyak sa harapan niya dahil sa kapatid
niya. "Ako din."

Tinitigan niya ako sa mata. "Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ka, Chyler."
Madiing sabi niya.

"I wish I could turn back time, Taz." Hinayaan ko lang siyang kwelyuhan ako. "I
love your sister. I love her so much."

I saw something in her green eyes. Unti-unti niyang niluwagan yung pagkakahawak
niya sa kwelyo ko hanggang sa tuluyan na niya akong binitawan. Tumalikod siya,
akala ko naman okay na pero bigla niya akong binigwasan. Tumama yun sa mukha ko.

"Oh shit!" Muntik na akong matumba sa kalsada.

"Hoo!" Parang nakahinga ng maluwag na bulalas ni Taz. "I've longing to do that to


you Chyler... and more." Saka parang hinipan pa kunwari yung kamao niyang sumuntok
sa akin.

Napahawak ako sa panga ko at pinunasan ng hinlalaki ko yung dugo sa gilid ng labi


ko.

"Now let's go back to what you've just revealed." Saka nag cross arm sa harap ko na
parang walang nangyare.

Iginalawgalaw ko yung panga ko. Malakas siyang sumuntok, I give her that.

Naglakad ako at naupo sa harapan ng gate namin. "Tapos ka na ba?"

"Well," Bored na sabi niya saka naupo sa tabi ko. "For now, yes. Pero kapag may
gawin ka pa ulit para saktan ang damdamin ng kapatid ko, mas malala pa diyan ang
gagawin ko sayo."

Napa-smirk ako sa kanya. "Dapat na ba akong matakot

niyan?"

Ngumisi siya. "Pwede rin." Cool na sabi niya. "Nasabi mo na ba kay Remooji na mahal
mo siya?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Oo." Tugon ko.

"And?"

"Wala." Malungkot na sagot ko. "Hindi yata siya naniniwala sa akin na mahal ko na
siya. Mahal na mahal." Wala sa sariling sabi ko.

"I know her." Hayag niya. "Wrong timing ka nga sa pagsasabi sa kanya. Lalo na
ngayon nasasaktan pa siya sa ginawa mo."

Maang na nagbaling ako ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang kasi siya nakausap ng
matino.

"Lahat naman gagawin ko para bumalik siya sa akin." Saad ko.

"Then let's go." Sabay tayong sabi niya.

"Ha?" Bigla din akong napatayo. "Saan?" Naguguluhang tanong ko.

"Sa bar." Kinuha niya yung helmet niya na nakalagay sa manibela ng big bike niya.
Ang gara kulay itim halatang mamahalin.

"Anong gagawin natin dun?" Tanong ko pa.

"Nandun si Remooji." Saka isinuot na yung helmet. "Kasama si David." Saka sumampa
na siya sa motor.

Nanlaki yung mga mata ko. "Ay kung ganun tayo na." Sumampa na din ako sa motor sa
likod niya.

"Bakit ka sumakay dito?" Parang bigla siyang nataranta. "Wala akong extrang helmet.
Baka mahuli tayo."

"Akong bahala, pulis ako. Tsaka mas mabilis 'tong motor kaysa sa kotse."

"So what's that supposed to mean?" Maang na tanong niya.

"Wala. Sige na paandarin mo na't makaalis na tayo. Hindi ako papayag na magkalapit
sila." Kulit ko.

Napailing iling siya saka pinaandar na niya yung motor. Humawak naman ako sa
beywang niya.

Natawa siya bigla. "Nababakla ka na ba sa akin detective?"

"Gago hindi!" Mabilis na tugon ko. "Tayo na bilis."

"Alright, alright." Sagot niya. "In one condition?"

"Bakit may kondisyon pa?" Itinaas niya yung kamay niya para patigilin ako sa
pagrereklamo. "Sige na nga!"

"Turuan mo akong humawak ng baril."

"Ano?!" Gulat na sabi ko. "Ayoko! Baka malagot ako sa mama mo!"

"Eh di wag. Sige na bumaba ka na. Hindi na kita tutulungan kay ate." Mabilis na
sabi niya.

Tutulungan niya ako kay Jazmine?

"Okay sige na nga!" Payag ko. Kailangan ko yata ang tulong niya para makuha kong
muli ang kapatid niya.

"Good." Nakangisi ng saad niya. "Kapit ka lang detective." Saka pinaharutot na niya
yung motor.
Wala naman akong nagawa kundi humawak sa beywang niya ng mahigpit. Ang bilis niyang
magpatakbo. Pakiramdam ko maihihiwalay yung mukha ko sa lakas ng hanging tumatama
sa akin. Pero hayaan ko na lang yun, ang importante, ang misyon kong makuha ulit si
Jazmine. Kahit sa anong paraan pa yan, handa kong gawin lahat.

Papunta na ako Jazmine. Di ako papayag na makalapit ulit yang David na yan sayo.
Gugulpihin ko siya kapag hinawakan ka niya. Sabi ko sa isipan ko ng may pagbabanta.

(Dahil mabait ako at cute, may isa pa akong update. Ahahaha. 😂😂😂)

=================

Chapter 45 Push Harder

"True love is about growing as a couple. Learning about each other, and never
giving up on each other."

Chyler POV

"Buo pa ba yung mukha ko?" Eksaheradong sambit ko sabay tingin sa side mirror ng
big bike ni Taz ng makababa na kami ng motor.

Natawa naman sa sinabi ko si Taz. "Tabingi na ng konti." Sakay niya pagkatanggal


niya ng helmet.

Sabay kaming nagtungo sa bar na halatang mayayaman lang nakakapunta.

"Bawal ang baril sa loob." Saad nung bouncer na nasa entrance ng makapa yung baril
ko sa likod.

"She's with me Blake." Sabay bahagyang tango na sabi ni Taz sa tinawag niyang
Blake.

"Taz, alam mo yung patakaran." Sagot ni Blake.

Inilabas ko yung badge ko at pinakita sa kanya. "Detective Chyler dela Rosa."


Pakilala ko sa sarili ko.

"Pero..." Kontra ni Blake na di na niya naituloy dahil sumingit si Taz.

Inilapit pa niya yung tenga kay Blake. "Alam mo kasi," Pabulong na sabi niya. "Naka
undercover si detective. Hindi pwedeng wala siyang dalang baril. Paano kung magwala
yung huhulihin niya sa loob, at least may panakot sa kanya si detective."

Maang na napatingin ako kay Taz sa mga pinagsasabi niya. Kumindat naman siya sa
akin at buti na lang hindi nakatingin si Blake sa kanya.
"Tulungan natin siya Blake para maging maayos din dito sa loob ng bar." Patuloy
niya. "Ayaw mo ng gulo di ba?" Tumango naman yung isa. "So quiet na lang tayo na
naka-undercover si detective para mahuli na niya yung dapat niyang hulihin."

Mukhang nakombinsi naman niya si Blake dahil tumango-tango. "Sige. Pero walang

manggugulo sa loob ha?" Paalala niya sa amin ni Taz.

"Don't worry, Blake." Sabay saludong sabi ni Taz sa kanya ng payagan na kaming
pumasok. "We are law abiding citizens." Pahabol pa niya.

Iiling iling akong inakbayan ni Taz papasok sa loob ng bar. Agad na iginala ko ang
mga mata ko sa loob ng dim light na lugar na iyon. May mga nagsasayawan sa dance
floor na halatang tipsy na. Malalim na din kasi ang gabi.

"Aminin mo ngayon sa akin detective," Bulong ni Taz. Malakas kasi yung sounds. "Ang
galing ko 'no?" Sabay taas baba nung kilay niya.

"Oo na." Sagot ko saka tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakaakbay sa akin. Ang
sagwa eh.

Naglakad na kami patungo sa mga taong nagsasayawan. Wala dun si Jazmine.

"Hayun si ate." Kalabit sa akin ni Taz. Napalingon naman ako sa inginuso niyang
direksyon. Sa may bar counter.

Ang ikli ikli na naman ng suot nitong dress. Ang revealing pa dahil medyo backless.
Nakita ko naman si David na hinahaplos haplos siya sa likod.

"Aba't gago yun ah!" Di ko napigilang ibinulalas. "Pasimpleng tsumansing sa asawa


ko."

"Easy, easy." Sabay tapik sa balikat ko na sabi ni Taz. "Akong bahala kay David,
ikaw na bahala kay Remooji." Saka nagpatiuna ng naglakad.

Sumunod naman ako sa kanya. Naupo siya sa bakanteng silya sa tabi ni David at agad
itong kinausap.

Hinawakan ko naman sa braso si Jazmine saka hinila. "Halika na uwi na tayo."

"What?!" Gulat na sabi pero agad din nakabawi. "Who are y--- Chyler?" Maang na
napaangat siya sa mukha ko.

"Uwi na tayo." Sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad.

"What ---

No!" Sabay bawi nung braso niya na agad kong nabitawan. "What are you doing here
anyway?!" Asik niya sa akin sabay ayos nung strap nung suot na damit. Pati cleavage
niya kita na din.

Bakit pa siya nagdamit? Nabubuwisit ako.

Tinalikuran niya ako at bumalik dun sa kinauupuan niya kanina at tinungga yung
laman ng maliit na shot glass. Tumayo ako sa tabi niya.

"Jazmine, umuwi na tayo." Malakas ngunit malumanay na sabi ko. "You're drunk."
"Who's drunk?" Mataray na sabi niya. "At ano bang pakialam mo sa akin? Dun ka sa
babae mo!" Sabay tungga ulit nung ibinigay sa kanyang inumin.

Tiningnan ko ng masama yung bartender na naglagay ng inumin niya. Bibigyan sana


niya ulit si Jazmine.

"Sige subukan mong bigyan siya ulit sisipain kita palabas diyan." Banta ko.

"Chyler, ano ba?!" Masungit na saway sa akin ni Jazmine. "Umalis ka na nga!" Yamot
na sabi niya.

"Aalis ako kung kasama ka." Giit ko.

"Who says I'm coming with you?" Hamon niya sa akin sabay baba sa kinauupuan. "I'm
still enjoying the night." Saka nagtungo sa dance floor at sumayaw kasama nung mga
nandun.

"Jazmine!" Sinundan ko siya.

May lalakeng lumapit sa kanya at hinawakan pa siya sa beywang saka sumayaw.

"Hey!" Sabay tapik nung kamay nung lalake na nasa beywang ni Jazmine. "Asawa ko
yan." Saka sinamaan siya ng tingin at humarang sa pagitan nila.

"Do you have to ruin my night?" Nakasimangot na sabi ni Jazmine sa akin at


napatigil sa pagsasayaw.

"Umuwi na tayo." Madiing sabi ko.

"Ayoko!" Tatalikuran na naman niya sana ako pero hinawakan ko siya sa braso

at hinila sa akin.

Nabigla yata siya ng niyakap ko siya sa beywang at wala ng hanging makakadaan sa


pagitan namin.

"Uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo." Sabay buhat sa kanya na parang sako at
isinukbit ko siya sa balikat ko.

"Chyler, put me down!" Saka ako pinagsusuntok sa likod. "Chyler ano ba?! Nakakainis
ka talaga!" Pati mga paa niya nasisipa tuloy ako sa hita.

Hindi ko pinansin yung protesta niya at naglakad na sa gitna ng mga nagsasayawan


dun.

"Detective!" Narinig kong sigaw ni Taz.

Nilingon ko siya at may inihagis siya sa akin. Awtomatikong sinalo yun ng isang
kamay ko. Susi ng kotse ni Jazmine.

"Ako ng bahala sa gamit niya at dito kay puti!" Tukoy niya sa lasing na lasing ng
si David. Nakatungo na nga yung mukha niya sa counter. Hindi ko alam kung anong
ginawa sa kanya ni Taz pero pabor sa akin yun.

Naglakad na ako palabas ng bar. Panay pa din ang pagwawala ni Jazmine. Suntok sa
likod ko, sipa dun.

Pinalo ko siya sa puwet. "Tumigil ka!" Sabi ko.


"Aaarggh!" Sigaw niya sabay suntok na naman sa likod ko. Di naman siya masyadong
masakit. "I'm going to kill you once I'm free!" Banta niya sa akin.

Nakita ako ni Blake ng palabas na ako ng bar. Makahulugan niya akong tiningnan.

"Tapos na misyon ko dito. Salamat." Sabay thumbs up sa kanya at tuluyan ng lumabas


ng bar.

"Chyler put me down!" Sigaw pa niya.

Hindi ko siya pinansin at hinanap kung saan naka-park yung kotse niya. Pinindot ko
yung unlock nun at dun ko siya nahanap sa gitna ng parking lot.

"Ibaba mo ako!" Sigaw pa din niya.

"Oo, ibababa na kita." Tugon ko naman. Binuksan

ko yung sa passenger side at ipinasok siya dun.

"I hate you!" Sigaw niya sa akin. Ikinabit ko yung seatbelt niya.

"Subukan mong lumabas, poposasan kita." Banta ko sa kanya bago ko yun isinara at
mabilis na tinungo ang driver's side at pumasok dun.

Hindi nagsasalita si Jazmine pero halata sa kanyang galit na galit siya sa ginawa
ko. Ang bilis bumaba-taas nung dibdib niya at nakakuyom yung mga kamao niya sa may
hita. Hindi na lang din ako umimik dahil baka magatungan pa. Tahimik na lang ako
nag-drive paalis sa bar at pauwi ng bahay.

"Baba." Mahinang sabi ko ng pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan ng nasa bahay


na kami. Hindi siya gumalaw at nakahalukipkip lang siya dun. "Jazmine."

Hindi pa din siya gumagalaw, pero halata sa mukha niyang galit pa din siya.

"Kusa ka bang bababa o hihilahin kita diyan palabas?" Banta ko.

Tiningnan niya ako ng masama saka mabilis na umibis ng sasakyan. Pagkasara ko pa


lang nung pinto, sinugod na niya ako.

"I hate you!" Sinasabi niya yun ng paulit-ulit habang binabayo niya ako sa dibdib
gamit ang dalawang kamao niya. Kung saan saan yun tumatama. Sa dibdib, sa balikat,
sa mukha... pero hinahayaan ko lang na ilabas niya yung galit niya. "Galit ako
sayo! Galit na galit ako sayo!" Sigaw niya sa mukha ko.

"Enough!!!" Galit na sigaw ko at umalingawngaw iyon sa katahimikang bumalot sa


paligid namin.

Bigla siyang natigilan at tiningnan niya ako ng masama. Ang bilis ng paghinga niya
at ramdam ko yung galit na nagmumula sa kanya.

"Enough, Jazmine." Mahinahon ng saad ko ng mapagmasdan ko yung galit, sakit at

lungkot sa mga mata niya. "Kausapin mo na ako ng maayos."

Sinampal niya ako sa mukha. Shocks! Kung anu-ano na ang natatamo ko sa kanilang
tatlo nila Taz at Alexandra. Sino naman ang sunod? Si Arabella?
Pero wala akong pakialam. Basta ang gusto ko ngayon, makuha ko siya. Maibalik ko
siya sa akin.

"Mahal kita." I told her instead and to my surprise, she slapped me once again. My
jaw tighten as I gritted my teeth. "Sampalin mo man ako ng sampung beses, sasabihin
at sasabihin ko pa rin sayong mahal kita."

"You're a jerk!" Sigaw niya sa mukha ko. Nagwala na naman siya at pilit kumakawala
sa pagyakap ko sa kanya.

Isinandal ko siya sa kotse at saka kinorner. "Titigil ka ba o titigil ka?" Madiing


sabi ko.

"I hate you! I hate you! I hate you!" Sigaw pa din niya. "Galit ako ---"

Sa inis ko, pinutol ko ang anumang sasabihin pa niya at hinalikan siya ng madiin sa
labi. Na-miss ko yung lambot at tamis nung labi niya. Lahat lahat nami-miss ko sa
kanya. Bigla naman siyang natigilan. Ramdam ko yung paninigas ng katawan niya sa
ginawa ko. She rested her hands between us, right on my chest. Ipinagpatuloy ko
yung paghalik ko sa kanya at ipinikit ko yung mga mata ko to feel her more. She
reciprocate my kiss. She responded and moved her lips with mine.

"Jazmine..." Bulong ko sa labi niya. Nakapikit din pala siya. Muli kong inangkin
ang mga labi niya. We just stood there kissing.

"N-no." Marahan niya akong itinulak saka nag-iwas ng tingin. "Stop." Nanginginig
yung boses niya.

"Hon ---"

"Don't hon me!" Parang bumalik

yung inis niya sa akin. Malakas niya akong itinulak saka naglakad papunta sa main
door. "Open this." Masungit na utos niya sa akin at nag-cross arm pa sa gilid.

Napabuntong hininga na lang ako saka inilabas yung susi sa bulsa ko at pinagbuksan
siya ng pinto. Nauna siyang pumasok sa loob. Tuwang tuwa namang sinalubong siya ni
Kulitz.

"Oh, boy." Lumuhod siya saka niyakap yung aso. "I miss you too."

"Buti pa yung aso, na-miss." Bubulong bulong na sabi ko.

Inirapan naman ako ni Jazmine. She patted the dog's head before heading to our
room. Pinalabas ko na si Kulitz saka ni-lock yung pinto at sinundan siya sa taas.
Naabutan ko siyang kumukuha ng pamalit na damit sa closet. Sumandal ako sa pinto at
pinagmasdan ang bawat kilos niya. Walang imik na pumasok siya sa loob ng banyo para
makapaglinis ng katawan at makapagpalit ng damit.

Naupo ako sa gilid ng kama at hinintay siyang matapos. Sana naman makakapag-usap na
kami ng matino ngayon. Ilang minuto pa ang lumipas, pumasok ako sa loob at nag-
toothbrush saka naghilamos lang. Hindi na ako maglilinis ng katawan. Nagpalit na
lang ako ng damit saka muling naupo sa gilid ng kama.

"Pwede na ba tayong mag-usap ng masinsinan?" Tanong ko sa kanya ng nasa harap siya


ng dresser at naglalagay ng lotion sa katawan. Wala naman siyang kinuha sa mga
gamit niya dito sa bahay. Hindi siya sumagot. "Jazmine..."

"I don't want to hear any lies, Chyler. So don't waste your time explaining."
Walang kaemo-emosyong sabi niya at saka tumayo. "And for your info, ayokong
makatabi ka sa pagtulog."

Mapakla akong natawa sa sinabi niya. Napakamot ako sa kilay ko.

"Ano pang ginagawa mo diyan?" Masungit siyang nameywang. "Umalis ka diyan,


matutulog na ako." Saka naglakad papunta sa kabilang side ng kama at sumampa.
"Chyler ---"

"This is my room too." Giit ko sa kanya.

Pinaningkitan niya ako ng mata. Naglagay siya ng dalawang malaking unan sa gitna
namin. "Fine." Saka nahiga at nagkumot. "Aalis din ako bukas ng umaga. We're not
okay, Chyler. This doesn't meant we're good." Pagkasabi niya nun ay tinalikuran
niya ako.

Huminga ako ng malalim saka nahiga na din. Napatitig ako sa kisame at


pinakiramdaman siya. Alam kong di rin siya makatulog katulad ko. Mag-uumaga na
siguro ng mapansin kong banayad na ang kanyang paghinga, indikasyong tulog na siya.
Maingat akong lumapit sa kanya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa
mukha niya.

"I love you, Jazmine." Bulong ko. "Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin."
Saka ko siya maingat na ginawaran ng halik sa ulo. "Good night, mahal."

Umayos na ako ng higa at pumikit na din, hoping tomorrow might be different at


maging maayos na lahat sa amin ni Jazmine.
=================

Chapter 46 That's It!

"Walang ibang may hawak ng kaligayahan natin kundi tayo lang." ---Jazmine

Jaz POV

Ang sakit ng ulo ko paggising ko kinabukasan. Pilit kung iminulat yung mga mata ko,
kinusot-kusot ko yung mga iyon at nag-unat. Kung di ako nagkakamali tanghali na.

Aarrgghh! For sure late na naman ako nito sa school. My fault anyway, sino ba
kasing may sabing sumama ako kay David sa bar kagabi knowing may pasok ako
kinabukasan?

Bumangon ako sa kama, agad kong napansin ang himbing na natutulog na si Chyler
paharap sa akin. Sinungaling ako kung sasabihin kong di ko siya na-miss. Saglit ko
siyang pinagmasdan bago ako maingat na bumaba ng kama at iniiwasang makagawa ng
ingay papunta sa pinto. Ayoko siyang magising. Magtatalo na naman kami, ang aga-
aga. Mas mabuting umalis na ako ngayon habang tulog pa siya. Muli ko siyang
tiningnan ng makalabas ako ng kuwarto at napahinga ng malalim bago isinara yung
pinto.

Na-miss ko yung bahay namin. Yung masasayang memories namin ni Chyler, kasama si
Kulitz syempre na tuluyan ng ibinigay sa amin ang custody pagkatapos maresolba yung
kaso ng pagnanakaw at pagpatay sa dating mga amo niya.

"Jazmine, gising ka na pala." Bati sa akin ni Aling Esang.

"Gandang umaga ho, Aling Esang. Ang aga niyo naman po yata? At tsaka di pa naman po
weekend di ba?" Takang tanong ko sa kanya.

"Araw-araw na akong nandito simula ng pinamadali ni detective yung paggawa sa likod


ng bahay niyo." Tugon niya.

"Po?" Kunot noong sambit ko saka maang na naglakad papunta sa may pintuan patungo
sa likod bahay.

Napaawang

pa yung labi ko ng mapansin na malapit na palang matapos yung gusto kong swimming
pool.

Akala ko ba ayaw ni Chyler? Ilang beses na namin 'tong pinag-usapan. Pero bakit
ngayon ipinapa-rush pa niya 'to?

May pinalagay siyang dalawang palm tree sa bandang dulo ng bakuran tapos pina-
landscape niya pa dun para sa artificial fountain. Ang ganda na dito sa likod
bahay!

Bigla akong sinalakay ng lungkot. Kailangan ko ng umalis hangga't kaya ko pang


pigilan yung luha ko. Tumalikod na ako at mabilis ang mga hakbang na lumabas ako ng
bahay. Nagtataka naman si Aling Esang kung saan ako pupunta lalo na daw at
kadarating ko lang galing sa bakasyon ko. Natigilan lang ako saglit sa sinabi niya.
Marahil yun ang idinahilan sa kanya ni Chyler ng magtanong tungkol sa akin.

Hindi ko na nga rin pinansin si Kulitz na panay ang kahol at habol sa akin. Sumakay
na ako ng kotse ko at umuwi sa bahay ng mga magulang ko.

Napasuklay ako sa buhok ko habang nagmamaneho pauwi. Ayokong maging malambot na


naman pagdating kay Chyler, ayoko ng magpaka martir pa.

"Hey big sissy!" Bati sa akin ni Taz pagkababa ko ng sasakyan pagdating ko sa


bahay. "Di mo kasama si detective?"

"Kailan pa kayo naging best of friends ni Chyler?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Kagabi?" Patanong na sagot niya.

I rolled my eyes. Kilala ko ang kapatid kong 'to. Alam kong may come on yung
paglalapit nila ni Chyler. "What's the deal between you and Chyler, Taz?" Sabay
cross arm sa harapan niya.

She laughed softly. "Nothing!"

I looked at her skeptically. "Taylor?"

Nagkibit balikat

siya. "I've realized that I like Chyler as my big sissy and a buddy." Tugon niya.
"Masaya pala kasama si detective?" Sabay ngisi sa akin.

"Pag nalaman ko lang na may ginagawa ka ---"

"Hey, hey." She cuts me off. "She loves you." Tumaas yung kilay ko. "Well, she told
me last night. And I think she's telling the truth, Remooji."

"Nice talking." Saka ko na siya nilagpasan.

"I'm dead serious!" Habol pa niyang sabi sa akin.

"Go to school, Taylor!" Pagdi-dismiss ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay


para makapag-prepare na din papunta sa school.

Third subject na lang yung napasukan ko ng umaga. Kulang ako sa tulog. Paglabas ko
ng school gate kinahapunan, di ko inaasahan ang makikita ko sa may guard post na
halatang may hinihintay. Si Ann.

Pinara ako nung guard at sinabing may gusto daw kumausap sa akin. Sino pa ba, eh di
yung malanding bwisita namin dati sa bahay!

Ayoko sana siyang labasin pero para matapos na ito once and for all. Kaya itinabi
ko na muna yung kotse ko at bumaba ng sasakyan. Ilang naman na lumapit si Ann sa
kinatatayuan ko sa tabi ng kotse.

"I know, you don't wanna see me and maybe you don't even want to talk to me."
Panimula niya sa garalgal na boses. Parang nangayayat ito compare sa huli kong
pagkakita sa kanya.

I cross my arms at sumandal sa kotse. "What do you want from me?" Pormal ang
mukhang tanong ko sa kanya.

"J-jazmine..." Para na siyang maiiyak. "I'm so sorry." Pansin ko yung sincerity sa


boses niya. "I know I've ruin a beautiful relationship, and I'll do anything and
everything for you to forgive me."

Tinitigan

ko siyang mabuti. She's clearly in repentance. Nag-iwas ako ng tingin sa mga mata
nito.

"I tried to seduce Chyler, pero hindi niya ako kailanman pinatulan. She respects
your marriage. She loves you, Jazmine." Tumutulo na yung luha niya. "Please forgive
me, Jazmine. Wala ding kasalanan sayo si Chyler."

Hindi ako agad sumagot. She has my symphaty for what happened to her. Pero ang
subukang agawin sa akin si Chyler, siguro dun kami magkakasubukan. Some may have
thought bakit di ko siya pagsasampalin, sabihan ng kung ano-anong mabibigat na
salita... well, hindi ako pinalaking palengkera ng mga magulang ko. They raised me
with self-respect and dignity.

"I'll forgive you in one condition." Saad ko pagkatapos ko huminga ng malalim.

"A-ano yun?"

"Bumalik ka ng Bicol, harapin mo ang asawa mo." Nakita ko yung pagtutol sa mga mata
niya. "Have some courage to fight for your own happiness and freedom."

"Natatakot ako..." Nagbaba siya ng tingin.

"Subukan mo muna bago mo sabihin yan." Medyo nakadama ako ng awa sa kanya. "Walang
ibang may hawak ng kaligayahan natin kundi tayo lang, Ann. Kaya kung di mo
haharapin ang asawa mo, at ipaglaban ang anumang karapatan mo, habang buhay kang
mabubuhay sa multo ng nakaraan mo."

She let out a deep breath. "You're right." Sabay ngiti sa akin ng tipid. "S-salamat
sayo."

"Don't thank me." Sagot ko. "You owe that to yourself. At kapag nagawa mo na yun,
napatawad na rin kita."

"I'm really sorry. Sa inyo ni Chyler." Ulit niya. "Nakausap ko na din siya at
nakahingi na din ako sa kanya ng tawad."

Tumango lang ako sa

kanya. "I have to go."

"Thank you for your time." May lungkot pa rin sa mga mata niya.

Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho na. Nakita kong nakatayo pa rin siya dun at
nakatingin sa sasakyan kong unti-unting lumalayo sa kanya. Aaminin kong medyo
gumaan yung pakiramdam ko.

Nasa may gitna na ako ng highway papunta sa shop, ng mapansin ko ang kotse ni
Chyler na sumusunod sa akin. At hindi siya nag-iisa, may dalawang traffic enforcers
siyang kasama na nakasakay sa motor. Sinenyasan nila akong tumigil at igilid yung
sasakyan ko.
"What?" Sambit ko pero hindi ako sumunod hanggang sa sunud-sunod nila akong
binusinahan at nakakatawag na din kami ng pansin sa ibang sasakyan. Kaya naman
napilitan na akong igilid yung sasakyan ko at tumigil.

Nakita ko sa rearview ko na bumaba yung dalawang pulis at naglakad papalapit sa


akin kasama si Chyler. Kinatok ako nung kasama niyang pulis at binaba ko yung
salamin ng kotse ko.

"Mas mabuting bumaba po kayo ng sasakyan ma'am." Pormal ang mukhang saad nung pulis
na nasulyapan ko sa uniporme niyang apelyedo ay Mendoza.

"Anong violation ko?" As far as I know wala akong nilabag na batas.

"Sumunod ka na lang." Saad ni Chyler at sinamaan ko lang siya ng tingin.

Naglabas siya ng papel at ballpen saka nagsulat dun. Wala na akong nagawa kundi
bumaba ng sasakyan.

"Over speeding." Sabay sulat na sabi ni Chyler dun sa papel.

"What?!" Maang na bulalas ko sa kanya. "Sa pagkakaalam ko naman ang takbo ko lang
ay hanggang sa 100kph."

"Nasagap po ng radar namin ma'am na lumagpas po kayo sa 120kph." Sabad

nung isang kasama nila.

"That's not true!" Nanlalaki ang mga matang bulalas ko. "Chyler this is ---"

"It's Detective dela Rosa." Putol niya sa sinasabi ko sabay tikhim.

Ang sama ng tinging ipinukol ko sa kanya. "Whatever!" I rolled my eyes.

"Patingin ng lisensya." Sabay lahad nung kamay ni Chyler. Tiningnan niya ako ng
makahulugan ng di ako kumikilos.

Napatirik na lang yung mga mata ko at kinuha yung driver's license ko sa loob ng
wallet ko at pabalang na iniabot ko sa kanya.

Tumikhim si Chyler. "Mrs. Remooji Jazmine Montalban dela Rosa," Tinawag pa talaga
ako sa buong pangalan! "You have to pay a fine of ---"

"The hell I will!"

"Oops!" Saad niya. "Obstruction of justice." Nanlaki yung mga mata ko sa kanya ng
isinulat iyon.

"Damn you!" Di ko napigilang sabihin sa kanya. "Isusumbong kita kay tito Ramon!"
Banta ko.

"Grave threat against the law enforcement." Isinulat na naman niya yun. Magsasalita
na naman sana ako ng itinaas niya yung kamay niya para patigilin ako. "Wag mo ng
dagdagan pa yung kaso mo."

"How dare you?" Magkasalubong ang kilay na sabi ko sa kanya.

"Posasan niyo na yan at isakay sa kotse ko. Ako na ang bahalang magdala sa kanya sa
presinto." Sabi ni Chyler.
Agad namang tumalima yung dalawang pulis. "W-what?!" Bigla naman akong nataranta.
"Wait, Chyler!"

"Sige na dalhin niyo na yan sa kotse ko." Sabay taboy sa dalawang pulis at hawak
hawak ako nung isa sa kamay kong nakaposas sa harapan ko.

"Chyler!" Sigaw ko sa kanya.

"Ssshhh." Sabay taas na naman nung kamay niya habang yung isa hawak niya ang

cellphone at may tinawagan.

"Damn!" Gustuhin ko mang magpumiglas, hindi pwede dahil baka mas lalong madagdagan
yung kaso ko.

Pinapasok nila ako sa sasakyan ni Chyler at binantayan muna ako sandali. Ngingiti-
ngiti pa ang kumag habang may kausap sa cellphone.

Masisipa ko talaga ang Chyler na yan. Banta ko sa isipan ko habang matalim siyang
tinitingnan.

Ibinaba na niya yung cellphone niya at lumapit sa sasakyan. Mukhang nagpasalamat


muna siya dun sa dalawang kasama niyang pulis bago umalis ang mga ito.

"I want to talk to my lawyer." Masungit na sabi ko sa kanya ng makapasok na siya sa


loob ng sasakyan.

"Sure, karapatan mo yun." Nakangisi pa ang loko.

"Talaga!" Ang sarap niyang kalmutin sa mukha. Dun ko lang din napansin yung pasa
niya sa gilid ng labi. Hmp buti nga sa kanya! "I'm going to sue you!" Banta ko.

Nagsimula na siyang magmaneho. "Go. File a case against me." Hamon niya.

"Hmp!" Umingos ako at nagbaling ng tingin sa labas ng bintana. Tumahimik na din ako
dahil ayoko siyang kausapin. Akala naman niya nakakatuwa yung mga pinaggagawa niya.

Napansin ko na lang na humiwalay na pala kami ng daan at patungo yun sa may


talahiban.

"Where are you taking me?" Takang tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at nakatuon lang ang pansin sa rough road na daan. Wala na akong
makitang ibang sasakyan at wala na ding kabahayan.

"C-chyler..." Medyo natatakot na ako. "Kakasuhan talaga kita."

Tumigil siya sa harap ng parang bodega. Inilabas niya yung baril niya at napalunok
ako nung ikinasa niya yun.

"Yun ay kung makakalabas ka pa dito ng buhay." Sabi niya sa akin at bumaba na ng


sasakyan. Naglakad siya paikot at pinagbuksan ako ng pinto. "Baba."

"Ayoko." Mariing tanggi ko. "Ayy!" Napatili ako ng hinila niya yung kamay kong
nakaposas. "Chyler!" Sigaw ko.

Napangiwi siya sa lakas ng boses ko. "Ang ingay mo!" Reklamo niya.
"Anong gagawin mo sa akin?" Kinakabahang tanong ko. Pero deep inside alam ko naman
na hindi niya ako sasaktan eh.

"Hahalayin kita dito." Seryosong sabi niya saka ako hinila papasok sa loob ng
mabuksan niya yung padlock.

"Nababaliw ka na ba?" Maang na bigkas ko.

"Malapit na." Sagot niya. "Lalo na kapag di kita natikman."

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Ngayon lang siya nagsalita ng ganito sa
akin.

"Bastos!" Mabilis na sagot ko pero ngumisi lang siya sa akin.

Nailibot ko yung aking paningin sa malawak na parang warehouse yata. Walang


kalaman-laman sa loob. Dinala niya ako sa isang kuwarto.

"N-nasan ba talaga tayo?" Di ko naitago yung kaba ko.

"Dito namin dinadala yung mga pinapaamin at tino-torture naming mga kriminal."

Gulat na napatitig ako sa mukha niya. Seryoso ba siya?

(Please wag niyo naman ako madaliing tapusin 'to. Mami-miss ko silang dalawa!!!
😭😭😭)

=================

Chapter 47 A Lil' Honesty

"Love me without restriction, trust me without fear, want me without demand, and
accept me for who I am."

Jaz POV

"Dito namin dinadala yung mga pinapaamin at tino-torture namin na kriminal."

Gulat akong napatingin sa kanya. Seryoso ba siya?

"Upo." Utos niya sa akin dun sa may stool na walang sandalan.

Nang hindi ako tumalima, hinila na naman niya yung kamay ko at pinaupo dun.
"Ano ba?!" Angil ko sa kanya.

May inilabas siyang susi sa kanang bulsa ng suot niyang leather jacket. Susi pala
yun nung posas. Tinanggal niya yung posas sa kamay ko bago naupo sa upuang katapat
ko. Ipinatong pa niya yung mga kamay sa maliit na kuwadradong lamesang nakapagitna
sa amin.

"Siguro naman makakapag-usap na tayo ng maayos dito." Saad niya.

"Dinala mo ako dito para lang kausapin?" Maang na napatingin ako sa kanya.

"Eh paano ayaw mo ako pakinggan." Ganti niya. "At ngayon, makikinig ka sa akin sa
ayaw at sa gusto mo kung ayaw mong iwanan kita dito mag-isa."

"N-nagbibiro ka lang di ba?" Nautal kong tanong.

"Hindi!" Singhal niya. "Kaya makinig ka sa akin."

"Fine!" Ganting singhal ko sa kanya saka nag-cross arm. "Pero di ibig sabihin nun
bati na tayo." Dagdag ko pa saka umingos.

"Pinuntahan ako ni Ann kaninang umaga sa presinto ---"

"Alam ko sinabi niya kani---"

"Sinabi ko bang sumagot ka?" Parang nauubusan ng pasensyang saway niya sa akin.
Inirapan ko siya as I murmured. "Okay, siguro nga may kasalanan ako sayo. Kaya
humihingi ako ng sorry sa lahat ng nagawa ko sayo." Panimula

niya sa seryosong tono. "Simula nung nagkakilala tayo, sa pagsusungit at pagtataboy


ko sayo. Patawarin mo ako." Sincere na saad niya. "Jazmine, bago tayo naging mag-
asawa, ang boring ng buhay ko. Walang kulay. Lagi akong nag-iisa. Oo andiyan sina
Erick, yung mga kaibigan ko, si Vince, sina tita Anet. Pero..." She trailed off.
"Simula nung nagpakasal tayo, naging makulay na yung mundo ko. May makulit na akong
asawa na palaging bumubuo sa araw ko."

Oo na, mataman naman talaga akong nakikinig sa kanya.

Natawa pa siya ng bahagya. "I was too blind to see that I already fell in love with
you before things get shaky between us. Nung una mo akong sinabihan na mahal mo
ako, gustong gusto kitang tugunin. Lahat ng ginawa mo para sa akin, from that
simple smile you're giving me everyday, sa simpleng paghahanda ng mga damit ko bago
pumasok sa trabaho, lahat yun nakikita ko. Lahat yun nagpapasaya sa akin."

Napayuko ako. Pinagtuunan ko ng pansin yung mga kamay ko sa hita ko dahil ayoko
siyang tingnan. Ayokong makita niya yung pangingilid ng mga luha ko.

"Alam ko, mali akong inuwi si Ann sa bahay ng di ka man lang muna kinausap. Tao
lang ako, Jazmine. Siguro alam mo namang bago naging kami, naging matalik kaming
magkaibigan." Patuloy niya. "At kahit sino pa siguro yung lumapit sa akin at
humingi ng tulong, kahit hindi siya yun, tutulong pa din ako. Dahil yun ang
sinumpaan kong tungkulin."

Mabilis kong pinunasan yung luhang tumulo sa mga mata ko. Iniiwasan kong wag
tumingin sa kanya.

"Mahal kita." Buong pusong sabi niya. "Mahal na mahal kita, Jazmine. At handa akong

gawin lahat... lahat lahat bumalik lang tayo sa dati."


Hindi pa rin ako umiimik o tumitingin sa kanya. Huminga ako ng malalim para
pakalmahin yung puso kong ang lakas at ang bilis ng tibok.

"Dahil ikamamatay ko kapag tuluyan kang nawala sa akin." She said at dun ako nag-
angat ng tingin. "Please come back to me, be my wife again."

"You hurt me." Maikling saad ko.

"Alam ko, kaya nga ako humihingi sayo ng kapatawaran." Sagot niya.

"I want you to suffer first." Sabi ko.

Napabuntong hininga siya. "Hindi tayo aalis dito hangga't di mo ako pinapatawad."

Nanlaki yung mga mata ko sa kanya. "Chyler!"

From being serious to... I don't know. "Well," Nagkibit balikat siya saka
humalukipkip at sumadal dun sa pader. "Matigas ka eh."

"Ano palang nangyare diyan sa kamay mo?" Sabay nguso sa kanang kamao niyang may
galos pa. "Not that I care." Sabay bawi ko.

"Ito?" Sabay taas sa kamay niya. "Nakipag-away ako dun sa kanto tapos nabugbog ko
mga tambay dun. Wanted nga ako sa kanila eh." Seryosong sabi niya.

Di makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "What?!"

"Tsk." Palatak niya. "Tingnan mo 'to." Di makapaniwalang saad niya. "Kapag biro ang
dali mong maniwala sa akin. Pero kapag sinabi kong mahal kita di mo ako
pinaniniwalaan." Saka siya iiling iling.

"Hindi kita patatawarin!" Sabay irap sa kanya at humarap ako sa kaliwa ko at hindi
sa kanya.

"Ikaw bahala." Saka may inilabas sa bulsa niya. "Gusto mo?" Tanong niya sa akin dun
sa isang lollipop.

"Hmp!" Ingos ko.

"Eh di wag. Madali akong kausap." Sabay bukas sa lollipop at isinubo yun.

Napapikit pa siya kunwari at ninamnam yung lasa. "Hmm ang sarap naman nito.
Strawberry flavor." Sabay dila sa labi.

Akala naman niya madadala niya ako sa mga ganyan niya! Pero favorite ko yun eh!

"Gusto ko ng tubig. Nauuhaw ako." Mataray na sabi ko.

Tumayo siya at lumabas ng kuwartong yun. Pagbalik niya, may dala na siyang isang
disposable cup na naglalaman ng tubig.

"O." Saka iyon iniabot sa akin.

Pagkakuha ko nun, natapik ko yung baso at nabuhos sa dibdib niya. "Oopps!" Sabay
tutop kunwari sa bibig ko. "Natapon?" And smirk.

Nagsalubong yung kilay niya at may pagdududang tumingin sa akin. Sa totoo lang
sinadya ko yun dahil sa pang-aasar niya sa akin tungkol sa lollipop.
Iiling iling siyang bumalik sa kinauupuan. Nagtanggal siya ng jacket. At
napasinghap ako ng nagtanggal din siya ng damit.

"B-bakit ka naghubad?" Sabay iwas ng tingin sa kanya. Ayokong makita yung


nagmamayabang na abs niya.

"Natapunan kasi ako ng tubig." Makahulugang sabi niya. Umupo siya sa harap ko na
naka sports bra lang na kulay itim.

"Magpalit ka nga ng damit!" Utos ko sa kanya. "Alam kong palagi kang nagdadala ng
extrang damit sa sasakyan mo."

Tumunog yung cellphone niya. Tiningnan niya kung sino yung nagtext sa kanya saka
nag-type pagkatapos.

"Lalabas lang ako saglit para magbihis at kunin yung pagkain natin." Isinuot niya
yung jacket at binitbit yung basang damit. "Dito ka lang." Paalala niya sa akin.

Inirapan ko lang siya. Naglakad na siya papuntang pinto. Pero tumigil din saka
hinarap ako.

"Kapag di ako nakabalik dito within ten

minutes," Saad niya. "Lumabas ka na."

Bigla naman akong kinabahan. "W-wait." Pigil ko. "D-dito ka na lang kaya." Madilim
na sa labas for sure. Wala pa namang katao tao dito sa lugar na pinuntahan namin.

"Concern ka?" Tukso niya sa akin.

"Hindi!" Mabilis na sagot ko. "Over my dead beautiful body!"

Ngingiti-ngiti siyang tumalikod. "Kunwari ka pa kasi diyan. Mahal mo pa ako eh."


Saka isinara na yung pinto.

Aba't---!

Humalukipkip ako dun. Bahala siya sa buhay niya. Matigas ang loob na sabi ko sa
isipan ko.

Pero paano kung iwan niya ako dito mag-isa? No! Hindi yun magagawa sa akin ni
Chyler. Di ba sabi niya mahal niya ako?

I stayed inside that room. Hinintay ko siya dun. Pero habang lumilipas ang oras at
natatagalan ang pagbalik ni Chyler, mas lumalakas at bumibilis yung pintig ng puso
ko sa pag-aalala ko sa kanya.

"That's it!" Tumayo na ako sa kinauupuan ko. May sampung minuto na ang nakakalipas
kaya sinundan ko siya sa labas.

Wala akong Chyler na nakita sa labas. Pero nandun pa din yung kotse niya.
Nakakapanindig balahibo yung malamig na haplos ng hangin sa balat ko. Napayakap
tuloy ako sa sarili ko.

"C-chyler?" Tawag ko sa kanya pero walang sumasagot. "Chyler?" Tawag ko sa kanya


ulit saka naglakad patungo sa kotse niya.

Buti na lang may ilaw sa magkabilang poste sa bukana ng abandonadong warehouse at


sa labas mismo ng bodega.

"Chyler di ka na nakakatuwa ha?" Kinakabahan na talaga ako. "Chyler!"

"J-jazmine..." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yun o narinig ko siya sa likod
ng kotse at parang hirap

na hirap. "J-jazmine..."

"Chyler?" Mabilis akong lumapit sa likod ng kotse at nahintatakutan ako ng makita


ko siyang nakaupo sa lupa at nakasandal dun, sapo ang duguang tagiliran. "Chy!"
Saka natatarantang napaupo sa tabi niya.

Napangiwi siya ng sinubukan kong hawakan yung tagiliran niya. Duguan na din yung
kamay niyang nakahawak dun. Nakapalit na pala siya ng puting t-shirt.

"W-wag." Pigil niya.

"Anong nangyare?" Naiiyak ng sabi ko. "Halika dalhin kita sa hospital." Saka siya
akmang babangunin pero muli niya akong pinigilan at napangiwi siya sa sakit nung
sugat niya.

"B-baka di na ako aabot." Nanghihinang sabi niya.

"No! Don't say that!" Saway ko sa kanya at di ko na napigilang maiyak. Natataranta


ako na ewan. "Mabubuhay ka pa!"

"May mga magnanakaw. Kinuha nila yung baril ko. Gusto nilang kunin din ito." Sabay
lahad sa akin nung isang kamay niya. Yung singsing ko. "Nanlaban ako kaya sinaksak
nila ako."

"Sana ibinigay mo na lang kasi!" Umaagos na yung luha ko. "Please Chyler punta na
tayo sa hospital!"

"Ayokong ibigay 'to." Hirap na hirap na sabi niya. "Mahalaga 'to sa akin. Sayo 'to
eh." Napapangiwi pa siya.

"We can buy a new one." Sagot ko. "Chyler naman eh!" Ngawa ko ng pumikit siya.

"Take this." Sabay abot sa akin nung singsing.

Mabilis ko yung kinuha saka isinuot. "Dadalhin kita sa hospital sa ayaw at sa gusto
mo!" Iyak ko. Pero ang laki niyang tao hindi ko siya kayang buhatin.

"B-baka di na ako magtatagal pa."

"No! That's not true!" Kontra ko.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Jazmine." Habol

na niya ang hininga.

"Chyler please don't leave me." Iyak na ako ng iyak. "I love you! Pinapatawad na
kita."

She smiled as she closes her eyes. "P-paalam Jazmine."

"No!" Saka ko siya niyugyog. "Don't leave me mahal na mahal kita Chyler!" Nagwawala
na ako.
"Kung... mabubuhay ba ako, mangangako ka bang di mo na ako iiwang muli?" Hirap na
tanong niya.

Naghihingalo na ba siya? God ayoko siyang mawala!!!

"Yes!" Mabilis na sagot ko. "Kaya please lang Chy, mabuhay ka para sa akin. Hindi
ko kayang mawala ka ng tuluyan sa buhay ko."

"P-promise?" Muli niyang tanong sa akin.

"Promise!" Agad na sagot ko. "Kaya please lang punta na tayo sa hospital. Mauubusan
ka na ng dugo! Chyler please!!!" Pakiusap ko sa kanya.

Nasa ganun akong pagngawa ng may marinig akong pumapalakpak sa likod ko.

"Bravo! Bravo!"

Gulat na napalingon ako kay Taz na naka-all black attire. Gamit na naman niya
siguro yung motor niya.

"Taylor!" Para akong nabuhayan ng loob at tumayo ako. "Dalhin natin si Chyler sa
hospital."

"What?" Maang na sambit niya. "Anong nangyare sa kanya?" Parang wala man lang
siyang ka-concern concern.

"Nasaksak siya." Umiiyak pa ding sabi ko.

"Nasaksak?" Takang ulit niya. "Hayan si Chyler o nakatayo!" Sabay turo sa likuran
ko.

Mabilis akong nagbaling ng tingin kay Chyler na nakangisi at nakatayo na nga sa


likuran ko.

"Pero..." Di makapaniwala at naguguluhang saad ko. Nagpalipat-lipat yung tingin ko


sa kanilang dalawa. Dun ko pinagtagpi tagpi ang mga pangyayare at yung posibleng
nangyare. "Mga walang-hiya

kayo!" Pinagsusuntok ko sila sa dibdib. "Niloko niyo ako! Pinaglaruan!"

"Hey!" Hinuli ni Chyler yung mga kamay ko saka ako niyakap ng mahigpit pero patuloy
pa rin akong nagpupumiglas.

"Manloloko ka! Niloko mo na naman ako!" Pagwawala ko.

"Wala ng bawian nangako ka sa akin." Nakangiting sabi niya.

Dinig ko naman yung pagtawa ni Taz sa likuran ko. "Binabawi ko na!"

"Nah ah!" Si Taz ang sumagot. "Alam mo sis kung gaano kahalaga sa atin ang salitang
pangako."

"Aarrrgghhh!" Bwisit na bwisit ako. "I hate you both!"

"Tsaka ni-record ko kaya." Sabi ni Chyler at pina-play kay Taz gamit yung cellphone
niya.

Mangiyak ngiyak na pinagsisipa ko yung binti ni Chyler pero tatawa-tawa siyang


umiiwas. Pati si Taz ang lutong ng tawa.

"Pinagkaisahan ninyo akong dalawa!" Akusa ko sa kanila. Pagod na akong magpumiglas


at manlaban. "I hate you both!" Sigaw ko.

"I love you, hon." Nakangising sagot ni Chyler na yakap yakap pa rin ako sa
beywang.

Umiyak na lang ako at ngumawa na parang bata saka isinubsob ko yung mukha ko sa
balikat niya.

"Tahan na." Malambing na sabi niya saka ako hinagod-hagod sa likod. "Tahan na,
mahal ko." Sabay halik pa sa ulo ko.

"I guess, you don't need me here anymore." Narinig kong sabi ni Taylor.

Tumango si Chyler sa kanya. "Salamat, Taz."

"Yung deal natin." Sabi pa ng kapatid ko.

"Oo na, di ko nakakalimutan." Sagot niya pero hagod hagod pa rin niya ako sa likod
ko. "Sa Sabado na lang. Off duty ko."

"Sure." Saka narinig ko na lang yung tunog ng big bike niya. "Ikaw na bahala sa
kapatid ko. Wag mo na siya

ulit sasaktan pa ha?"

Kung mag-usap sila parang wala ako sa harapan nilang dalawa. Nakakainis.
Pinagkaisahan nila ako.

Tumango lang sa kanya si Chyler. "Ingat ka."

Ilang sandali pa'y kami na lang ni Chyler ang naiwan dun. Nakayakap pa din siya sa
akin habang ako naman nakasubsob pa rin sa balikat niya. Di na naman ako umiiyak,
gusto ko lang yung yakap niya sa akin.

"I love you, Jazmine." Saka hinigpitan yung yakap niya sa akin.

I tipped back to see her face. "Niloko mo na naman ako. Kinuntsaba mo pa yung
kapatid ko."

"Hey, idea nga 'to ng kapatid mo eh." Agad na sagot niya. "Pero wala ng bawian.
Mahal mo pa rin ako at sabi mo babalik ka na sa bahay at di mo na ako iiwan ulit."

"Hmp." Saka napalabi. "Pinilit mo lang ako."

"What?!" Saka siya tumawa. "Bati na tayo." Mas lalo pa yatang tumulis yung nguso ko
sa sinabi niya. "Sige na." Hinawakan niya ako sa baba at itinaas yung mukha ko para
magtama yung mga mata namin.

"Babaero." Masungit na sabi ko.

Natawa na naman siya. Hinawakan niya ako sa mukha saka hinalikan sa labi.
Awtomatikong ipinikit ko yung mga mata ko at niyakap siya sa batok saka gumanti na
din sa halik niya sa akin.

"Ikaw lang naman ang babae sa buhay ko." Bulong niya sa labi ko ng matapos kaming
mag-kiss. "Mahal na mahal kita."
"Sige na nga." Kunwaring pilit na sabi ko. "Mahal din kita."

Tuwang tuwang niyakap niya ako ng mahigpit. Masaya at nakangiting niyakap ko na din
siya.

(Brace yourself for the finale, next chapter na po yun. 😊😊😊 Ngayon pa lang gusto
ko ng magpasalamat sa inyo sa walang sawang pagsuporta sa mga stories ko,
especially dito kina Chyler at Jazmine. Kayo na yata ang pinaka-active slash hyper
na readers ko hehe. Salamat din sa mga silent readers. At sa mga nagbabasa, please
po wag kayo tamarin mag vote. Kung di niyo na vote sa umpisa, dali balik kayo vote
niyo hehe. Kahit yun na iganti niyo sa akin sa sipag ko mag update ahahaha. Salamat
po ulit!😊)

=================

Chapter 48 Undying Love

"Love is weakest when there is more doubt than trust, but love is strongest when we
learn to trust inspite of the doubts."

Chyler POV

"Dapat matatag yang kamay mo sa paghawak ng baril." Saka ako puwesto sa likuran ni
Jazmine na nakahawak ng baril at nakatutok iyon sa direksyon ng target niya na gawa
sa cardboard. Hinawakan ko siya sa balikat at inayos ang tindig niya. "Iputok mo
na." Bulong ko sa kanya.

"I-I can't." Nanginginig pa yata yung boses niya.

"Come on, hon. Kaya mo yan." Pampalakas ko sa kanya.

"Di ko yata kaya, Chyler." Mahina ang loob na saad niya.

"Jazmine!" Sinadya ko talaga siyang gulatin.

Kasabay ng pagtili niya ay ang pagkalabit niya nung gatilyo at umalingawngaw ang
tunog nung putok ng baril.

"Chyler!" Saway niya saka mabilis na ibinaba yung hawak na baril at tinanggal yung
headphone niya.
"See?" Tatawa-tawang saad ko. "Nakaya mo namang iputok."

Pagkaharap pa lang niya ay agad na niya akong hinampas sa braso. "Paano? Ginulat mo
ako!" Sabay irap sa akin na saad niya. Muli siyang humarap dun sa target niya.
"Natamaan ba?"

Mas lumakas yung tawa ko. "Muntik na." Tugon ko. "Muntik mo ng matamaan." Saka
tumawa.

Paano naman kasi, sa pagitan ng kamay at tagiliran lumusot yung bala. Malayong-
malayo dun sa talagang target na may ilang bilog sa gitna.

"I really hate you." Saka niya ako sinamaan ng tingin at nilagpasan ako.

"Sino ba kasing may sabing sumama ka dito sa shooting range?" Pigil ang ngiting
tanong ko sa kanya saka hinarap siya at humalukipkip.

The

first time Taz and I went here, we kept it secret. Pero parang di ko naman kilala
itong asawa kong sobra sa kakulitan, hayun napaamin niya ako tungkol sa naging deal
namin ni Taz para lang tulungan niya akong magkabalikan kaming dalawa.

Tapos ngayon nga, Sabado ulit at nataong off duty ako, kinulit kulit niya ako
hanggang sa napapayag niya akong isama siya dito sa isang indoor shooting range
kung saan nagpa-practice ako dati ng gun shooting.

Naupo siya sa may waiting area at nakasimangot na namang bubulong bulong. She
crosses her legs and cross arms. Ang sungit niyang tingnan ngunit di iyon nakabawas
sa kagandahan niya. Napapangiti na lang ako sa kanya.

Tumalikod na ako at muling puwesto sa may shooting area. Isinuot ko ulit yung
headphone saka nag-load ng bala. Pagkalagay ko sa magazine, ikinasa ko agad yung
baril. Itinutok ko yung baril sa target at saka sunud-sunod na nagpaputok.

"Oh shit!" Narinig kong bulalas ni Taz na nakangangang nakatingin sa target ko.

Wala lang naman yun. Pasok lahat dun sa kulay pulang target.

"Bullseye!" Manghang manghang sambit niya.

Mayabang na nagkibit lang ako ng balikat. "Magagawa mo din yan basta masipag ka
mag-practice. Focus lang dapat dun sa target."

Hanggang ngayon, hindi pa niya sinasabi sa akin yung dahilan niya kung bakit gusto
niyang matuto humawak ng baril. Ang sabi lang niya, for self defense lang daw kung
sakaling kakailanganin. Sabagay, tanda na niya, alam na niya ang tama sa mali, ang
masama sa mabuti. Wag lang 'tong malalaman ni Alexandra dahil tiyak na pati ako
malalagot sa kanya.

Pagkatapos

namin dun ay umalis na kami at sabay-sabay na kumain sa isang Filipino restaurant,


saka tumuloy na sa coffee shop at dun na namin binuro yung oras namin hanggang sa
gumabi na.

Pagdating sa bahay, nag-aya si Jazmine na maligo sa pool. Last Thursday nga lang
siya natapos, at kinagabihan nga, ginamit na niya yung pinakaaasam-asam niyang pool
kasama yung mga pinsan niya at si Taz. Nagkaroon sila ng pool party. Di naman ako
nakasama dahil malalim na yung gabi ng makauwi ako dahil sa sunod-sunod na ginagawa
naming raid.

Masasabi kong di lahat ng nababalitaan sa tv at nire-report sa mga balita tungkol


sa aming mga pulis ay totoo. Sa pagkakaalam ko naman, marangal na pulis ang mga
kasamahan ko. Dedicated sa trabaho at purong serbisyo lamang. Walang halong
kalukuhan. Sadyang may mga naihalo lang talaga sa amin na iba ang hangarin at
nagbibigay dungis sa aming nagtatrabaho ng tapat sa sinumpaang tungkulin.

"Are you alright?" Tanong sa akin ni Jazmine ng nasa gilid ako ng pool. Lumapit
siya sa akin at agad inilagay ang mga kamay sa batok ko.

"Oo naman." Malamlam ang tinging ipinukol ko sa kanya. Ang sexy niya sa suot na
black string bikini. Habang ako naka shorts lang at sandong puti. Hinawakan ko siya
sa beywang at hinapit palapit sa akin. "Masaya lang ako dahil kasama kita."

Natawa siya ng bahagya. "Konti pa, kikiligin na ako." Tukso niya.

Napangiti ako ng malapad sa kanya. "Ang swerte swerte ko talaga."

"Bakit naman?" Nakangiting tanong niya at kitang kita ko ang kasiyahan sa mga mata
niya.

"Patay na patay ka sa akin." Tugon ko.

Kunwaring naggalit-galitan

naman siya. "Ikaw din naman ah. Sabihin mong hindi, babatukan kita." May kalakip
pang banta!

"Oo na. Patay na patay na din ako sa kagandahan mo!" Bigay diin ko.

Pinaglalaruan na naman niya yung buhok ko sa batok. Nakakakiliti kaya yung banayad
na pagkakadaiti ng kamay niya sa batok ko.

"Chy?" Malambing na tawag niya sa akin at mas lalo pa niyang idinikit yung katawan
niya sa katawan ko.

"Hmm?" Parang may hint na ako sa susunod na sasabihin niya. Nang-aakit yung mga
tingin niya sa akin!

"Make love to me here." Sabi na eh.

Pero ano daw?

"Ano?" Parang mawiwindang yata ako sa trip ng asawa ko.

"Make love to me here." Ulit niya sa mas nang-aakit na tono.

Hindi pa nga ako nakakasagot, sinunggaban na niya agad ako. I smiled between our
kiss. Kunwari namang di ako bumibigay at di siya ginagantihan ng halik. Hinayaan
kong gumalaw yung labi niya sa labi ko. At mukhang nagtagumpay ako sa pang-aasar sa
kanya.

"Chyler, isa!" Malapit ng mainis na sabi niya.

I just smiled widely at her. Kinabig ko yung batok niya at hinalikan ng malalim.
She shoved her tongue inside my mouth. Dumausdos pababa yung kamay ko mula sa leeg
niya, sa balikat, sa braso, hanggang sa bumaba ang mga iyon sa may pang-upo niya at
pinisil ko siya dun. I heard her moan.

Para pang nagmamadaling tinanggal niya yung sando ko at inihagis sa likuran ko.

I grab her waist and kissed her neck leaving gently love bites on her skin.

"Hmm... Chy..." She moaned as she throw her head back for a better access to her
neck.

I kissed

her, bite her skin while my hands is busy untying that small cloth that covering
her breasts. My left hand knead her breast, habang yung isang kamay ko nakahawak sa
likod niya for support. I gently suck and bite her other breast.

"Oh God!" Kapwa pa kami nagulat ni Jazmine at agad napatuwid ng tayo ng marinig
namin ang boses ni Taz. "Get a room guys!" Parang di naman siya naiilang na mas
lumapit pa sa amin.

Paano siya nakapasok?

Mabilis kong iniharang yung katawan ko sa halos hubad ng si Jazmine.

"Damn it, Taylor! Do you have to ruin it?" Naiinis na angil ni Jazmine sa kapatid.
"And how did you even get in?"

"Seriously?" Saka siya nakangising nag-cross arm sa gilid ng pool. "Ang daling
akyatin ng gate niyo, walang silbi yung aso niyo dahil friends na kami ni Kulitz."

"Ano bang ginagawa mo dito?" Patuloy na angil niya sa kapatid. Ikaw ba naman kasi
ang mabitin. Tsk. "Umuwi ka na nga!" Inis na inis na taboy pa niya.

"Hey, sis." Patay malisyang sabi ni Taz sa kanya. "Si detective ang kailangan ko,
hindi ikaw."

Nang makita ko na yung damit ko na inihagis niya kani-kanina lang ay agad kong
ibinigay sa kanya pantakip niya sa dibdib niya.

"Don't try to get near me." Sinamaan niya ng tingin si Taz ng akma itong lalapit pa
sa kinaroroonan namin.

"I don't care about your boobs." Nakangisi ng nakakalokong saad ni Taz. "So don't
worry."

"Ano ba kasing kailangan niyan sayo?" Ako tuloy napagbalingan.

"May ibibigay lang ako sa kanya." Tugon ko at binitawan ko na siya.

"At ano na naman yun?" Makulit na tanong pa niya.

"Secret."

Si Taz ang sumagot.

Inirapan siya ng kapatid. "Kayong dalawa kapag nalaman kong may kalokohan na naman
kayong pinaplano, pag-uumpugin ko kayo." Masungit na turan niya.

Nakangiting iiling-iling akong umahon sa pool. Hindi na ako nag-abala pang magtakip
ng katawan. Intact pa din naman yung shorts ko at naka-itim na bralette ako.
Napasipol si Taz na nakatingin sa tiyan ko. "I like your abs, man."

Napapalatak ako sa kanya. "Halika na nga sa loob." Saka nagpatiuna ng pumasok sa


loob ng bahay.

Umakyat ako sa taas at hinintay lang naman ako ni Taz sa may sala, sa may study
room may inilagay ako dung secret wall kung saan nakatago yung mga apat na
lisensyadong baril ko. Kinuha ko yung pinakamaliit na baril, isa iyong .38 caliber.
Dahil successful yung naging plano niya para magkabalikan kami ng kapatid niya,
ibibigay ko itong isa kay Taz. Ipapa-transfer ko na lang sa pangalan niya yung
lisensya nito.

Kinuha ko yung karton nun at isinilid ng mabuti bago bumaba ng hagdan. Naabutan ko
siyang kumakain na naman ng mansanas na kulay green.

"O." Sabay abot sa kanya nung karton. "Aasahan kong magiging responsable ka sa
paghawak niyan ha?" Paalala ko sa kanya ng kinuha niya yun mula sa akin.

"Pangako detective." Masayang tugon niya na para bang isa siyang bata na nabigyan
ng bagong laruan. "Tsk, salamat dito." Inilagay niya agad iyon sa dala niyang bag.

"And please, keep this between us." Paalala ko pa. "Kundi pareho tayong malalagot
sa mama mo kapag nalaman niya 'to."

Itinaas niya yung kanang kamay niya na parang nanunumpa. "Promise, Chyler." Saka
iniabot

yun sa akin for a handshake.

Unti-unti na rin akong napangiti sa kanya saka kinuha yung kamay niya at
nakipagkamay.

"Kaya mas gusto kitang makatuluyan ni ate eh, kaysa kay David." Nakangising habol
pa niya ng binitawan ko yung kamay niya.

"Hoo, nambola ka pa!" Sabay kampay ng kamay ko. "Sige na umuwi ka na. Diretso ng
bahay ha, Taz?"

Napakamot siya ng batok. "Nadagdagan yata ng sesermon sa akin." Saka tumalikod na


at tinungo yung pintuan.

"Sasapakin pa kita kamo kapag nagloko ka na naman ulit." Tatawa tawang biro ko sa
kanya na inihatid na siya sa gate.

"But seriously Chy." Muli niya akong hinarap ng makalabas na siya ng gate. "Masaya
ako na masayang masaya sayo ang kapatid ko. Alam ko naman na hinding-hindi mo siya
pababayaan at hindi mo na siya ulit sasaktan pa."

"Oo naman. At tsaka masayang masaya din ako sa piling niya, Taylor." Buong pusong
pagtatapat ko.

"Hala sige!" Taboy niya saka sumakay na sa motor. "Bumalik ka na dun kay Remooji at
ituloy yung naudlot. Sinasapian na naman yun ng masamang espiritu dahil nabitin."
Biro niya.

"Loko mo!" Nakangiting ganti ko. Pinaandar na niya yung motor pagkatapos niyang
mailagay yung helmet niya. "Ingat ka!"
Tumango lang siya sa akin saka pinaharurot na yung big bike niya. Parang gusto ko
din magkaroon ng ganun. Ang cool eh.

Kinabukasan, inaya namin ni Jazmine ang pamilya niya, mga tita at pinsan niya,
kasama din si Stef, para dun mananghalian pagkatapos ng misa. Nandito din si Erick
kasama ang mag-ina niya. Dumating din kaninang umaga si Vince at sabay sabay kaming
nagsalo-salo sa masaganang pagkain. Sa likod

ng bahay ang set up.

Tumayo ako pagkatapos naming kumain. "Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat sa
pagpapaunlak nitong imbitasyon namin ni Jazmine."

Sabay nakangiting sumulyap ako sa asawa ko dito lang sa may tabi ko. Nakangiting
nakatingin at nakikinig naman silang lahat sa akin.

"And I would like to thank, Alexandra and Arabella especially, for bringing Jazmine
into this world." Patuloy ko. "And I am the luckiest for letting me be a part of
your family. At napakasaya kong sa akin ninyo ipinagkatiwala si Jazmine."

Huminga ako ng malalim. Ang dami kong gustong sabihin pero baka mag-umaga na di pa
ako tapos.

"Hindi naman na siguro lingid sa inyong lahat kung ano yung dahilan why Jazmine and
I got married in the first place." I added. "But I want to make thing's right."
Saad ko. Kinuha ko yung kanina pang nakabulsang singsing sa harapan ng pantalon ko.
"Jazmine." Sabay luhod sa harapan niya.

Narinig ko yung oohs at yung pagsinghap nila ng makita yung ginawa ko. Isang linggo
ko din itong pinag-planuhan.

Nasorpresa naman siyang nakatingin sa akin. Nakagat pa niya yung ibabang labi niya.

"Gusto kong itama ang lahat, kahit pa na kung maulit man yung pangyayareng iyon,
aayain pa din kitang pakasal sa akin." Hawak hawak ko yung isang kamay niya. "Mahal
na mahal kita at hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka sa akin. I know,
may mga pagkakataong di ko masasadyang masaktan ka. Pero sana lagi mong tatandaan
na, gagawin ko ang lahat lahat maging masaya ka lang. Dahil ang makita kang
maligaya, ay masaya na din ako. Nangangako ako, sa harap ng pamilya natin, na ikaw
lang ang mamahalin ko habang buhay."

She wiped away her tears. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa.

"Kaya naman sana pumayag kang magpakasal muli sa akin. I want to give you the
wedding that you're dreaming of." Saka ko itinaas ng konti yung hawak kong
singsing. "Marry me, Jazmine."

"Will you promise me na hindi ka magagalit kapag ina-under kita minsan?" Imbes na
sumagot ay yun ang tinanong niya. Narinig ko yung mahinang tawanan nila sa amin.

Natawa na din ako ng bahagya sa kanya. Tsk, mukhang mapapasubo ako sa under under
na yan.

"Basta wag naman masyado." Hirit ko naman.

Napangiti siya ng malapad. "Sige." Saka inilahad sa akin yung kamay niya.
"Pumapayag akong magpakasal tayo ulit."

Tuwang tuwang isinuot ko yung singsing sa kanya saka niyakap ng mahigpit.


Nagpalakpakan naman silang lahat at bakas sa mga mukha nila ang kaligayahan para sa
aming dalawa ni Jazmine.

"I love you, Chyler." Hawak niya yung mukha ko at maaaninag sa kanyang mga mata ang
pagmamahal niya sa akin.

"Mas mahal kita, Jazmine." Nakangiting sabi ko.

She kissed me in front of our family. Wala na akong mahihiling pa dahil nasa bisig
ko na ang babaeng pinakamamahal ko at kumompleto sa buhay ko. Alam kong lahat ng
pagsubok ay malalagpasan naming dalawa. Basta't nasa tabi ko si Jazmine, wala na
akong hahanapin pang iba.

The End. 👭😚😚💘💘💘

(Muli, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat sa pagsubaybay sa kanilang love story.


Sana po suportahan pa rin niyo yung love stories naman nina Ashley at Taz. Kahit po
offline kayo pwede po kayo mag-vote ☺ Maika-count po siya once na-on mobile
data/wifi niyo. God bless everyone!😇)

You might also like