You are on page 1of 1

KAWANGGAWA

KAWANGGAWA KABUTIHANG KALUGOD LUGOD


SAMPUNG LETRANG SALITA KATUMBAS AY TUWA
WALANG INAANTAY NA KAPALIT SA SANDALING
GINAWA
KUNDI AND NGITI SA LABI NG KAPWA

KAWANGGAWA AY LIKAS SA TULAD NATING PINOY


BUSILAK NA KALOOBAN AY LAGING LUTANG
KAHIT NA MARAMING PROBLEMA
ANG PAKIKIBAHAGI AY LAGING NANDIYAN

KAWANGGAWA AY LUBHANG MAHALAGA


SA PANAHON NG PANDEMYA
ANUMANG MERON KA AT NAKIKITANG SALAT SA IBA
MAANONG BIGYAN NAMAN SILA
NANG SA GAYO’Y HIRAP NA DINARANAS NILA,
MAIBSAN SA TUWINA

KAWANGGAWA, PAGBIBIGAY NG PAGKAIN, PERA,


GAMOT AT IBA PA
NAKIKITANG MADALAS NA ITULONG SA IBA
NGUNIT SA AKIN, KAHIT SIMPLENG PAGBIBIGAY
PAALALA SA KUNG PAANO MABUHAY
NA SUMASABAY SA AGOS NG BUHAY

KAWANGGAWA’Y PANATILIHIN
SIMPLENG LUNAS SA NAGHIHIKAHOS NA BAYAN
SAMA-SAMANG PAGLABANAN
ANG PANDEMYANG KASALUKUYANG
PINAGDADAANAN
SABAY-SABAY NATIN ITONG WAKASAN

ROGELIO O. LADIERO
GDTA STUDENT

You might also like