You are on page 1of 9

1

 
 
EPP/ TLE 
QUARTER -2 
HOME ECONOMICS 
 
Wastong Pamamaraan ng 
Pamamalantsa 
 
 
2

EPP/TLE- Grade 5

Quarter 2-Module

Republic Act 8293, section 176 ​states that: ​No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks,etc.) included in this book are owned by respective
copyrightholders. Everyeffort has been exerted to locate and to seek permission to
use these materials from their respective copy owners. The publisher and authors do
not represent nor claim, owned over them.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin


3

WASTONG
PAMAMARAAN NG PAMAMALANTSA

Layunin: 1. Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa.


2. Nasusunod ang batayan ng tamang pamamalantsa.
3. Naipapakita ang wastong paraan ng pamamalantsa at
wastong paggamit ng plantsa.
4

SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL IN EPP/ TLE 5

​Pangkalahatang –idea
(Overview):

Ang pangangalaga sa kasuotan at kagamitan ay bahagi ng pag-aayos sa sarili


na kailangang matutunan.Panatilihin na malinis at maayos ang mga kasuotan at
kagamitan. Ang malinis at maayos na pananamit ay kaaya-ayang tingnan lalo na
kung sunod sa uso.Mayroong mga pamamaraan sa pangangalaga ng kasuotan at
kagamitan na nakakatulong upang magamit nang maayos at matagal ang mga ito.

Sa modyul na ito, tatalakayin ang iba pang pamamaraan sa pangangalaga at


pag-iingat ng kasuotan.

Aralin 1:​ ​Wastong Pamamaraan ng Pamamalantsa

​Layunin:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, matutunan at
maisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa at masunod ang batayan
ng tamang pamamalantsa at wastong paggamit ng plantsa.Hinahamon tayo sa
araling ito na sumunod, isagawa at ipakita ang tamang paraan ng pamamalantsa
at wastong paggamit ng plantsa.
5

Plantsa- ​kagamitang yari sa bakal, na pinaiinit ng kuryente o uling at ginagamit


na pang-unat ng damit, tela at iba pa.
Pamamalantsa​- paraan ng paggamit ng plantsa sap ag-unat ng mga damit.
Etiketa​- marka na ikinakabit sa isang bagay para malaman kung ano ito at kung
para saan.
Ironing board​- tabla o anumang ginagamit na patungan ng damit habang
pinararaanan ng plantsa.
Temperatura​-antas ng kainitan o kalamigan ng panahon o kalagayan ng
katawan ng tao o bagay.

Laylayan- ​ang pinakaibabang bahagi ng baro, palda o pantalon na inilulupi at


tinatahi
Sapin- ​anumang bagay na inilalagay sa ilalim ng isang bagay bilang proteksyon.

Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang kaisipan at MALI kung hindi wasto.

____1. Isaksak ang plug ng plantsa kahit basa ang kamay.


____2. Ihanda ang mga paplantsahing damit.
____3. Plantsahin ang mga damit ayon sa paalalang taglay nito sa mga etiketa.
____4. Ipatong kung saan-saan ang paplantsahing damit.
____5. Huwag iwanan ang plantsa sa ibabaw ng tela habang namamalantsa.

Nakakita ka na ba ng batang lukot- lukot ang kasuotan? Masdan ang kasuotan


na nasa larawan sa ibaba. Hindi ba’t parang marumi o luma itong tingnan kapag
ganito?
6

Maganda bang tingnan ang kalagayan ng kasuotang ito?


Ano sa palagay mo ang dapat ang manumbalik ang ganda at ayos ng kasuotang
ito?
Ang mga damit na bagong laba ay kailangang plantsahin. Hindi magandang
tingnan ang damit kung isusuot na hindi pinaplantsa.Ang pamamalantsa ay
isang paraan ng pangangalaga at pag-aayos ng damit upang bumalik ang
dating hugis at ayos nito.
Narito ang mga hakbang sa pamamalantsa na dapat sundin:

MGA HAKBANG SA PAMAMALANTSA


1. Ihanda ang plantsa at mga damit na paplantsahin, malinis na tubig at bimpo
na gagamitin sa pamamalantsa.

2. Ilagay sa tamang temperature ang control ng plantsa. Ang init ng plantsa ay


inaayon sa uri ng damit na paplantsahin . Ang telang koton at linen ay
kailangang ilagay sa mataas na temperature samantalang sa seda ay
katamtaman ang kailangang ilagay sa ay mataas na temperature samantalang
sa seda ay katamtaman ang kailangang init.

3.Unahing plantsahin ang makakapal na damit at isunod ang maninipis .


Baligtarin ang damit at plantsahin ang tupi, bulsa, hugpungan, kuwelyo at
laylayan.

4. Plantsahin ang mga manggas.


7

5. Ipasok ang balikat ng polo o bulsa sa dulo ng plantsahan at plantsahin. Gawin


ito sa kabilang balikat.

6. Ipasok o ilusot ang buong damit sa plantsahan at plantsahin ang harap at


likod ng bulsa o polo.

7. Simulang plantsahin ang palda sa ibaba ng baywang. Kung may pileges ang
palda, ayusin ito at padaanan ng basing bimpo bago plantsahin mula laylayan
patungong baywang.

8. Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit tulad ng bestida, pantalon, polo,
pantalon at blusa. Ang mga damit pambabae ay tiklupin at patasin ayon sa uri at
itago sa kahon o aparador.

9. Ang iba pang kagamitang tulad ng panyo at mga damit panloob ay kailangang
plantsahin.

10. Huwag iwanan ang plantsa sa ibaba ng tela o sa ibabaw ng kabayo. Ilagay
ito sa bakal na lalagyan. Kung tapos na sa pagpapalantsa, alisin ang plug kung
de- kuryente ang ginagamit na plantsa. Palamigin ang plantsa at langisan
bagom ito itago. Itiklop ang plantsahin.

● Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pag-aalis ng mga gusot sa damit na


nakuha dahil sa paglalaba. Kailangang plantsahin ang damit bago isuot upang
maging malinis at maayos itong tingnan. May mga wastong paraan ng
pamamalantsa na maaari nating sundin upang mas maging maayos, tuwid at
bumalik sa dating hugis an gating mga damit.
8

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Bakit mahalagang matutunan ang mga tamang paraan sa pamamalantsa ng
damit?

2. Bakit kailangang ilagay sa tamang temperature ang kontrol ng plantsa?

3. Anu- ano ang mga hakbang sa pamamalantsa ng damit?

___________________________________________________________________

Sa inyong tahanan, magkaroon ng praktis sa pamamalantsa. Ipakita ang


wastong pagkakasunod- sunod ng mga hakbang. Gamitin ang sumusuonod na
rubric upang masukat ang kasanayan sa pamamalantsa.

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


Nakasusunod sa wastong hakbang 10
sa pamamalantsa.
Nakagagamit ng angkop na 10
kasangkapan at maayos na
paggamit nito.
Nakasusunod sa mga 5
pangkalusugan at pangkaligtasang
gawi sa paggawa.
Naplantsa nang malinis at maayos 5
ang damit
Kabuuan 30

Pagpapahalaga: 30-25- Napakahusay


24-20- Mahusay
19-15- Mahusay- husay
9

14-10- Kailangan pang maghusay

Sanggunian :
Ventura, Ana B. ​Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V,
Adriana Publishing Co.,Inc.Cubao, Quezon City ,Manila 2006
Peralta, Gloria A.etc. ​Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran V,
​ VICARISH Publilication and Trading, Inc. Sta.Ana, Manila 2016

You might also like