You are on page 1of 1

Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Kaugaliang Pilipino, Naiiba Ito


Maraming mga katangian at kaugalian ang mga Pilipino na namumukod tangi
sa ibang lahi. Ilan sa mga ito ay ang mabuting pakikisama sa mga kapwa  Pilipino,
paglahok sa bayanihan, at pagiging magiliw sa bisita. Madalas marinig  na kakaiba
ang pakikisama ng mga Pilipino. Ito ay ang pagbibigay ng tulong  
nang walang hinihinging kapalit kahit hindi personal na kilala ang isang tao. 
Minsan lamang, ito ay naaabuso at hindi nagagamit nang tama.  

Ang paglahok naman sa bayanihan o palusong ay tradisyon na minana pa  sa


mga ninuno. Ito ay ang pagtulong, kadalasan ay mga kalalakihan, sa paglilipat  ng
bahay sa mga probinsya. Hindi lamang ang mga kagamitan ng pamilyang  lilipat kundi
ang buong kubo o bahay. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay  nagkakaroon ng
malawak na kahulugan. Hindi na lamang ito tumutukoy sa  paglilipat-bahay kundi pati
na rin sa sama-samang pagbibigay ng tulong sa mga  nangangailangan tulad ng mga
nasalanta ng kalamidad sa ating bansa.  
Ang pagiging magiliw sa mga bisita ay isa rin sa kaugalian na hindi  nawawala sa mga
Pilipino. Itinuturing na espesyal ang mga taong bumibisita sa  mga tahanan, maikli
man o matagal ang kanilang pagdalaw. Sinisigurado na sila  ay kumportable sa ating
mga tahanan. Kailangan lamang na maging maingat sa  mga taong pinapapasok sa
bahay o maging limitado ito. Dapat sundin ang mga  
itinakdang pamantayang pangkalusugan ngayong panahon ng pandemya upang 
masiguro ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.  
Sa paglipas ng panahon, ang mga kaugaliang ito ay nakikita at nagagawa  pa
rin ng mga Pilipino. Panatilihin at ipagmalaki pa rin natin ang mga ito.  
Sagutin ang mga sumusunod:  

1. Anu-anong kaugalian ng mga Pilipino ang nabanggit?  

2. Ano ang naidudulot ng mga ito sa pamilya, sa komunidad at sa bansa?  3.

Anu-ano pang pagpapahalaga ang nakikita sa bawat kaugalian?  4. Bakit

mahalaga na ito ay mapanatili?  

5. Sa iyong munting paraan, paano mo maipakikita ito? 

You might also like