You are on page 1of 8

25 TAON NG PPC DEPED: MGA KWENTO NG TAGUMPAY

<INTRO>

25 taon, isang paglalayag na hindi biro para sa isang


institusyon na magtatagal ng ganitong kalawig na
panahon.

25 taon, na paglalakbay ng isang kagawarang may iisang


adhikaing magmulat at humubog ng mga kaisipan ng mga
kabataan para sa kanilang kinabukasan

25 taon, na pagsusulong ng dekalidad na edukasyong


natatangi para sa mga batang Puerto Princesa.

Ito ang Kagawaran ng Edukasyon ng Dibisyon ng Puerto


Princesa.

Isang institusyong Pinagkaisa, Pinagganyak, at Pinalakas.

At sa kanyang pagdiriwang ng ika-25 taon ng


pagkakatatag,

Paano nagsimula?

Ano na ba ito sa kasalukuyan?

At anong hinaharap ang patutunguhan?

Samahan nyo kaming alamin, siyasatin, at mamangha

25 taon ng PPC DEPED: Mga Kwento ng Tagumpay


<Sub 1: Pinagkaisa: Simula ng Paglalakbay>

DepEd PPC @ 25: Engaged, Enabled, and Empowered.

25 Taon ng nagsisilbing pundasyon ng karunungan ng


mga Batang Puerto Princesa ang PPC DepEd. Sa haba ng
panahon, ito ay maituturing na isang matatag na
institusyong humuhulma ng pangarap at nagbibigay pag-
asa sa bawat kabataan.

Paano nga ba nagsimula ang paglalakbay na ito?

Noon, kabilang ang Lungsod ng Puerto Princesa sa


iisang Dibisyon ng DepEd Palawan kasama ang iba pang
munisipyo sa lalawigan.

Dahil sa geographical na lokasyon at kompleksidad sa


paghahatid ng edukasyon, ay unang nabuo ang City
Division of Puerto Princesa sa pamamagitan ng isang
resolusyon na pinangunahan ni dating Mayor Edward S.
Hagedorn at ng Sangguniang Panlungsod noong 1994.

Ang resolusyong ito ay naging batayan ng R.A 8024,


“An Act Creating the City Schools Division of Puerto
Princesa” authored by Cong. Alfredo Amor Abueg, Jr noong
Nobyembre 28, 1995. Naging ganap naman itong batas
noong Setyembre 5, 1996.

Noong Oktubre 15, 1997 – ang pinakamakasaysayang


pangyayari sa kasaysayan ng edukasyon sa Lungsod ng
Puerto Princesa ay ginanap sa Provincial Capitol ng
Palawan kung saan ang opisyal na paglilipat ng mga
paaralan sa Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa ay
sinaksihan ng noon DECS Region IV Director, Dr.
Esperanza.

<Voice Over>

Magmula noon, ang DepEd Puerto Princesa City ay


ang pinakabatang dibisyon sa rehiyong Timog
Katagalugan, na nagkaroon na ng 9 Schools Division
Superintendents / Officers – in – Charge na nanungkulan
at humubog sa kasalukuyan.

Dr. Emma A. Bautista


Dr. Portio P. Gesilva
Dr. Yolita S. Amiscosa
Dr. Eduardo V. Lopez
Dr. Norma B. Brillantes
Servillano A. Arzaga, CESO V
Dr. Domingo V. Padul
Dr. Elsie T. Barrios
Susana M. Bautista
Servillano A. Arzaga, CESO V

Dito ang unang tanggapan ng PPC DepEd. Maliit lamang


ito kung tutuusin ngunit sa loob nito naganap ang
maraming pagpaplano upang hasain ang mga programang
pang-kurikulum. Kilalanin natin ang ilan sa mga
personalidad na maituturing na institusyon na ng
Kagawaran:
< INSERT VIDEO >

- Abrea
- Baaco
- Imelda M. Flores
1. Ano po ang DepEd PPC noong ito ay nagsisimula
lamang?

Sila ay ilan lamang sa mga pundasyong nagpatibay sa


Kagawaran sa nakalipas na 25 taon, ngunit sampu sa
kanilang mga kasamahan ay kapit-bisig na isinulong ang
edukasyon para sa kabataan ng Puerto Princesa.

Makalipas ang 25 taon, ano na nga ba ang DEPED PPC


ngayon?

Sub 2: Pinagganyak: Mga Tagumpay sa Paglalayag

Malayo na ang nilakbay ng DepEd PPC magmula noon


hanggang sa kasalukuyan.

Alam ninyo ba na ang pinakauna at pinakamatandang


paaralan hindi lamang sa Lungsod ng Puerto Princesa
maging sa buong lalawigan ng Palawan, ay ang Palawan
National School na unang itinatag noong 1907? Samantala
ang pinakabagong pampublikong paaralan ay ang
Matahimik Bucana High School.

Sa kasalukuyan, ang Schools Division Superintendent ng


Kagawaran ay si Sir Servillano A. Arzaga, CESO V, at ang
kanyang katuwang sa pamamahala ay ang Assistant
Schools Division Superintendent na si Dr. Loida P.
Adornado.

Kasama nila ay ang Pinuno ng Chief Curriculum


Implementation Division na si Dr. Cyril C. Serador
<Dr. Cyril>
Ano ano pong mga currular offerings meron at
ipinapatupad dito sa Dibisyon ng Puerto Princesa?

Tunay nga na ang susi sa dekalidad na edukasyon ay ang


kalse o uri ng pagtuturo meron ang kagawaran, at dahil sa
Curriculum Implemetation Division, siguro tayong maayos
ang edukasyon ng mga batang Puerto Princesa.

Sa kabilang banda, ang School Governance and


Operations Division Chief naman ay si Dr. Eleazer B.
Arellano.

<Dr. Arellano>
Ilang paaralan po ang bumubuo sa DEPED PPC?
at ilang mga kawani meron at nagsisilbi para sa
kagawaran?

Ang susi sa tagumpay ng isang paaralan ay ang mga guro


at punong guro na patuloy na nagbibigay ng serbisyong
walang katumbas na halaga, at yan ang sinisiguro ng
pamunuan ng School Governance and Operations Division

Ilan lang ito sa mga patunay sa naging matagumpay na


paglalayag ng Dibisyon ng Puerto Princesa. Maraming unos
man ang mga pinagdaanan, ngunit, dahil sa tanglaw at
mabisang mga tanod ng kagawaran, nanatili itong saksi sa
lahat ng mga pagbabago at hamon ng ating makabagong
panahon.

Sinasabing ang daan tungo sa hinaharap ay ang


kasalukuyan, makalipas ang 25 taon ng kagawaran, anong
kalse ng hinaharap ang naghihintay para sa DEPED PPC
Sub 3: Pinalakas: Patuloy sa Pagsulong

Hindi na nga natin maikakaila na ang simulain ng


kagawarang minahal natin ay milya-milya na nga ang na
abot. Simula noong taong 1996, 25 taon ng pinagkaisa,
pinagganyak at pinalakas na DEPED PPC.

Subalit, ano pa kaya ang hinaharap ng isang kagawaran


na ang pangunahing layunin ay humubog ng mga kaisipan
ng mga Batang Puerto Princesa?

Ang isang institusyon para manatiling matatag at patuloy


na nakatayo sa gitna man ng unos at daluyong ay
kinakailangan ang mga malalakas na haligi at pundasyon.
Mga haliging Tulad nina Dr. Loida P. Adornado ang
kasalukuyang ASDS at Sir Servillano A. Arzaga ang SDS ng
Dibisyon.

<Doc Loida> 25 taon na po ang ating DepEd PPC, ano pa


po sa tingin ninyo kaya, ang mga kailangan pa nating
gawin bilang isang dibisyon para maipagpatuloy ang
pagsulong ng dekalidad na edukasyon para sa kabaatang
Puerto Princesa?

<Sir Bong> Sir Bong, sa inyo pong bisyon, ano po kaya ang
hinaharap na kinabukasan ng isang PPC DEPED,
makalipas ang 25 taon?
Sina Sir Servillano Arzaga, Doktor Loida Adornado, kasama
ang mga Education Program Supervisors, Public schools
District Supervisors, mga empleyado, mga guro, mag aaral,
magulang, at iba pang stakeholders ng iba’t ibang paaralan
sa buong Puerto Princesa ay masigasig na ipinagpapatuloy
ang mga sinimulan noong taong 1996. at lalong pinag
iibayo ang dekalidad na edukasyon sa gitna ng mga hamon
ng panahon.

EXTRO-

Ito ang Kagawaran ng Edukasyon sa Lungsod ng Puerto


Princesa.

Pinagkaisa sa isang paglalakbay ng mga adhikaing


sinumulan ng taong 1996.

Pinaganyak ng mga tagumpay sa 25 taong paglalayag.

At pinalakas ng mga hamon ng panahon upang


maipagpatuloy ang pagsulong tungo sa natatanging
lakbayin para sa kabataang Puerto Princesa.

At patuloy na kami ay gagawa ng kasaysayan.

DepEd PPC @ 25: Engaged, Enabled, and Empowered.

You might also like