You are on page 1of 2

Simula ng ipinanganak ang tao sa mundo ay may nakakabit na itong

tungkulin at gampanin sa kanyang balikat. Ito ang misyon niya sa buhay.


Isang mabisang paraan upang makamit ito ay ang pagtupad niya sa kanyang
tungkulin. Ang tungkulin ito ay pabigat nang pabigat at palaki nang palaki
habang tayo ay tumanda sapagkat lumalawak din ang ating mundong
ginagalawan.

Bilang isang kabataan mahalagang gampanan natin ang anumang


tungkulin ibinigay satin, maliit man o malaki sapagkat dito nahuhubog ang
ating mga kakayahan, talino at karanasan na kinakailangan sa pagharap sa
hamon ng buhay. Ito ang maging gabay sa paggawa ng mabuti at magdudulot
sa atin ng magandang kinabukasan.

Hinihimok ko ang aking kapwa kabataan na gumising huwag


ipagsawalang bahala ang bawat gawain ipinagkatiwala satin, bagkus ipakita
natin ang kakayahan natin nang mahusay at magaling. Ipakita nating na tayo
bilang isang kabataan ang siyang “pag-asa ng bayan”.

You might also like