You are on page 1of 2

Lipunang Tatsulok

Sa biluhabang
mundo na binubuo
ng humigit
kumulang isang
daan at
siyamnapu’t siyam
na bansa. Dito
napapabilang ang
aking bansa, ang
aking bayan na
may pitong libo’t
isaang daan at
pitong isla. Ang
bayan kong
napakaganda, mayaman sa anyong lupa at katubigan, lubos na pinagpala ang kalikasan, ang mga
mamamayan ay laging nakangiti na tila walang dinaranas na poblema. Subalit ang lipunan namin
ay tatsulok, ang maharlika ay nanatili sa karamyaan sa itaas at ang mga mahihirap ay mistulang
mga alipin sa ilalim. “Ang
ating bansa ay patuloy na
umuunlad, kaunting
panahon na lamang ay
makakahon na tayo”
sambit ng mamang may
malaking ilong at maiitim
na balat napapaligiran siya
ng mga taong nakasuot ng
magagarang damit,
halatang-halata ang
pagiging propesyunal ng mga tao, madalas siya ipakita sa telebisyon nang huli ko siyang
mapanood ay nagmumura siya dahil sa mg adik ngayon ay nangangako naman siyang yayaman
na daw ang bansa. Sa pagpatay ng telebisyon ay nakuha ang aking atensyon ang paligid sa labas
ng bintana nitong condo, asul na kalangitan na may iba’t ibang hugis ng ulap. Lahat ng tao ay
napapailalim sa iisang kalangitan, ang nakikita ko ay nakikita ng iba. Ngunit tila sa iba ay
kulungan na maiituring ang malawak na kalangitan, ang kalupaan ng puno ng palayan, ang mga
magsasaka na tila ba’y hindi kasama sa pangakong pagyaman ng bansa. Pagtingin ko sa mga
ulap ay bumabalik sa aking alaala ang minsang pagdalaw sa sakahan ni Don. Pebong, ang boss ni
nanay na ubod ng yaman, upang magkaroon ng karagdagang kaalaman para sa aming aralin
tungkol sa agrikultura. Pagbaba ng sasakyan na ginamit panghatid ng drayber ni don bebong ay
libo-libong ektarya ang bumungad sa akin, ang ibang parte ang berdeng-berde at mukhang
katatanim lamang ng mga palay ang iba naman ay medyo kulay kayumanggi na at patuyo.
Kasabay ng pag-o-obserba sa paligid ay ang pag-o-obserba sa akin ng mga magsasaka.
Maninipis at butas na t-shirt na may mahahabang manggas, shorts na may putik at telang ibinilot
sa ulo at mukha ang kanilang pananggalang sa tirik ng araw. Noong mamahinga sila at kakain ng
pananghalian bandang alas-dos ng tanghali ay natipon ang mga magsasaka sa lilim ng punong
mangga sa gilid ng sakahan. Sa aking paglapit ay sinalubong ako ng mga ngiti ng mga pagod na
mukha, inalok pa kong sumalo sa munting panaghalian nila. Nang mga sandaling iyon ay
nalaman kong napakalupit sa kanila ni Don Pebong, tanging sampung piso kada araw lamang
ang pasweldo sa kanila at mga pauwing tira-tirang ani. “Anak, gannon talaga ang kalakaran sa
mga sakahan. Maliit lang talaga ang kita namin. Subalit wala namang kaming ibang magagawa
dahil ito lang ang trabahong alam naming gawin.” ang di ko mallilimutang sinabi ng isa sa mga
magsasaka. Sa tatsulok na ating lipunan ay sila ang lubos na nahihirapan. Ang mga tao sa gitna
ay nadadama pa ang karamyaan higit sa lahat ang mga taong nasa tuktok kagaya ni Don Pebong
ay patuloy na nabubusog sa pera samantalang ang kanyang mga mangagawa ay hindi makalaya
sa mapait na sitwasyon kanilang kinalalagyan. Pagsasaka ang tanging kayang gawin, ito na ang
buhay nila at sinamantala naman iyong ng mga maharlika. Maliit na pasweldo kapantay ng maliit
na tingin at maliit na pagpapahalaga. Kung ang tatsulok na lipunan ay maiwawaksi, noon ko pa
lamang tuluyang paniniwalaan ang pangakong yayaman itong bansa. “Hindi totoong umuunlad
kung may naiiwan.” ang paniniwalang pinamana sa akin ni ama, siya ay pumanaw ng
ipinaglalaban ang karapatan ng mga mamamayan kasama ang kanyang kapwa aktibista. Masisira
lamang ang tatsulok kung makikisama ang mga nasa itaas, kung makadadama lamang sila ng
simpatya sa kanilang mga naaalipin. Kung hahakbang lamang sila paibaba ng tatsulok. Sa bawat
hakbang paibaba ay masisira ang lipunang tatsulok. At kung hahakbang tayo pababa ng tatsulok
na nagkukulong sa atin sa bulok na pananaw ng lipunan, pare-parehong at sabay-sabay tayong
makaapak sa pantay na lupa sa ilalim ng iisang kalangitan.

You might also like