You are on page 1of 3

Madami Nagtatanong, Paano at saan daw Nakukuha

ang Mutya ko? ito po ang ilang tips sa mga gusto mangaLap

ng mga Mutya sa Kagubatan o Kweba!

kaiLangan po kayo Mismo mag aayuno ng 1 week, di po kakain ng karne, di po kayo kakain ng may asin
at sa inumin bawal din po ang may asin.

kung kayo ay aakyat na sa kabundukan o Kweba na inyong papasukin, kung maaari magyapak Lang po
kayo at mag aalay ng pagkain at inumin tulad Fruits at honey, matatamis na inumin at pagkain, bawal
din po ang may asin na pagkain at inumin sa aLay,,,

kung sa may maLaLaking Puno kayo mangangati ng mga Mutya,Pwede din tabako at aLak para sa
Tikbalang at kapre sa itimang duwende...

isa din sa sekreto ay dapat alam din ninyo ang Oracion, na oosaLin ninyo habang kinakati ninyo ang mga
Mutya, kung ano ang ipagkaLoob sa inyo magpasaLamat po kayo sa mga engkanto at diwata...

kung kayo ay maLiLigaw sa pag uwi, sabi nga ng matatanda baLikataran ninyo ang inyong mga damit.

ito po ay ilan Lang sa aking abot na naLalaman sa Pangangati sa mga Mutya sa inang kaLikasan, kung
kayo man po ay makakakit ng anumang di pangkaraniwang niLaLang hwag po kayo magpanic. at hwag
po kayo papatay ng anumang hayop o insekto na inyong makikita sa kagubatan,Tandaan po natin na
Kahit po kaLoob ng mga engkanto o diwata ang mga Mutya, ang Deus pa din ang Gumawa sa Lahat ng
mga yan...

paano kunin Ang buhok o hibla ng tikbalang..


SA oras NG alas 12:00 kapag Ang panahun ay mainit tapos maulan ulan
pumunta ka SA maliblib na bahagi NG kabundokan sa inyong lugar Yung
bihirang maabot NG Tao ..pumunta sa mga ilog o batis..at Doon abangan mo
Ang ..mga tikbalang na naliligo dahil sinabing Ang panahun Nayan Ang
pinaniniwalaan na .madalas silang lumalabas kapag hati Ang panahun
umaaraw tapos ma ulan ulan ..o di Kaya sa araw NG bernes Santo ..AlAs
12:00 NG Gabi ..kabilogan NG buwan ..mag abang sa ilog o tubig ..upang
masulyapan mo Ang mga tikbalang .na naliligo .ingat Lang dahil sa oras na
malaman nila na may Plano ka sa kanila ..di sila mag dadalawang isip na
atakihin ka..
mag dala NG pulang tila kapag sweetie hin ka at ipag kaloob sayu ..isilid Ito
sa lalagyan na pulang tila at maari mong utusan bilang tiga sonod sayu..

PANG ALIS NG LAMIG SA KATAWAN.


IBABAD SA BOTE NG EMPERADOR.
UGAT NG SANTOL.
UGAT NG MANGGA.
" " " " KAMIAS.
" " " " SUHA O KALAMANSI.
" " " " SILI.
" " " " ATIS.
" " " " SAMPALOK.

Pangontra sa Aswang"
1. Asin
Sa Bibliya, ang asin ay may iba’t-ibang gamit: ito’y hindi lamang ginagamit sangkap sa
pagluluto, ibinubudbod rin ito sa mga alay, para sa pag-iimbak ng isda at karne para
hindi mabulok. Ang halaga ng asin ay nasa kanyang alat. Kaya nga’t kung mawawalan
ng alat ang asin, Ito kaya’y magagamit pa rin?
Ang asin ay isa sa mga sangkap na pangkontra sa mga Elemento at Aswang kapag
nasabuyan sila nito ay para silang nasabuyan ng asido, Lubhang mahalaga ang asin na
hindi binibigyang pansin.
Bakit sila takot sa asin kung ating tatanungin?
Ang sagot ay hindi ko rin alam sadyang mahiwaga ang mundo!
2. Halamang makabuhay o koronang tinik at dahon ng suha
Ang halamang makabuhay at dahon ng suha ang ginagamit ng ating mga ninuno
pakontra sa mga aswang dahil sa kakaibang amoy ng mga ito
na ayaw na ayaw nilang maamoy.
3. Binalatang bawang at Luya
Ang amoy at katas ng bawang at luya ay ayaw na ayaw ng mga aswang na maamoy
dahil sa baho nito sa kanilang sensitibong pang amoy
4. Usok ng Inseso at sunog na goma
Dahil sa matalas na pang amoy ng mga aswang ay iniiwasan nila ang usok ng insenso
at sunog na goma dahil sa napakabaho nito na para silang sinasakal sa amoy nito.
5. Itak at karit na binaon sa lupa
Isa ito sa pinangingilagan ng mga aswang ang mataga sila ng itak at karit na binaon sa
lupa lalo na ang may mga orasyon.
6. Hinahasang itak
Dahil sensitibo rin ang pandinig ng mga aswang ayaw nilang makarinig ng mga
naghahasa ng itak na napakasakit sa kanilang pandinig
6. Binakuko
Ito ay uri ng kutsilyo na gawa sa tanso at iniiwasan ito ng mga aswang na masugatan
sila dahil napakatagal bago gumaling ang mga sugat nila
7. Buntot pagi
Ang buntot page ay pinatuyong buntot ng pagi na iniiwasan ng mga aswang na tumama
sa kanila na animo'y latigo na mabilis makasugat at daglian silang.mamatay dito.
8. Balang tanso na may orasyon
Isa rin ito sa ikinamamatay ng mga aswang ang balang tanso na may orasyon o dasal.
9. Pinulbos na itim na talaba at abo na may orasyon
Mabisa itong pangontra sa mga aswang na nagiging sanhi ng mabilisan nilang
pagkakasakit ar pagkamatay
10. Buhay na mga Alimango
Nanghihina ang mga Aswang sa mga buhay na alimango na animo'y sila ay
magkakasakit at kailangan nilang maligo sa ilog.
11. Walis ting-ting na nakabaligtad na hindi pa gamit
Sinasabi na mabisa ang walis tingting na nakabaligtad at ilagay sa bintana o pinto
upang hindi pasukin ng asawang
12. Langis Sinamak
Ito ay isa uri ng langis na ginagamit pantaboy sa aswang dahil ayaw nila ng amoy nito
at kusa itong nabula kapag may mga aswang sa paligid.
13. Dasal at orasyon
Ito ay mga dasal na karaniwan sa latin at ibang lengguwahe na ginagamit para sa
pangtiggalpo ng mga aswang.
14. Karunungang lihim Mutya at Anting-anting
ito ay gamit ng mga taong may alam sa karunungang lihim tulad mangagaway,
mambabarang, mangagamot, manlalason at babaylan upang mapatay ang mga
aswang sa pamamagitan ng lihim na karunungan.
15. Telang itim
Ito ay pinagagamit sa mga butis upang hindi makita ng mga aswang ang tiyan nito
ngunit naamoy pa rin kaya makakabuting maglagay ng dahon ng suha, makabuhay at
bawang makakabuting mag insenso rin.

eto ang orasyon pang huli o pang kulong sa masamang espiritu sa bote
3ama namin
3aba ginoong maria
3sumasampalataya
usalin tatlong beses
OHAUXAYORAMO
OPALEYAHAYELAPO
OMAROYAXUAHO
iihip sa bote at hayaan ito sa isang bahay na may masamang espiritu makalipas ng 9
minuto takpan at itago sa liblib na lugar

You might also like