You are on page 1of 2

QUEZON MEMORIAL ACADEMY

Progreso St. Poblacion West Umingan, Pangasinan

KONTEMPORARYONG ISYU
Grade 10

IKALAWANG MARKAHAN, UNANG LINGGO

Pangalan: _________________________________________________________ Seksiyon: ____________________


I. Mga Layunin

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:


a. Maipaliliwanag ang konsepto ng unemployment;
b. Maipaliliwanag ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng unemployment at
underemployment; at
c. Makapagtataya kung ano-anong implikasyon ang ipinakikita nito sa pamumuhay ng mga tao.
II. Mga Nilalaman
Aralin 1. Kawalan ng Trabaho

 UNEMPLOYMENT
- kawalan ng trabaho ng mga taong may wastong gulang at mabuting pangangatawan.
- isa sa mga kondisyong pang-ekonomiyang bunga ng kawalan ng oportunidad o pagkakataong makahanap ng
trabaho. Mataas ang suliranin na ito sa Pilipinas.
Yamang-tao
– isa sa mga yaman ng isang bansa na tumutugon sa pagbuo, paggawa, at pagbibigay ng produkto o serbisyo sa bansa o
sa mga bansang nangangailangan ng empleyo.
Lakas-paggawa o labor force
- ito ay bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may trabaho o empleyong fulltime o part-time o naghahanap ng
mapapasukang trabaho. Sa ngayon, tinatayang halos 70 bahagdan ng ating populasyon ang sinasabing kabilang dito.
Ayon sa pagtataya na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA):

Labor
participation rate – tawag sa bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may kakayahan Paghahanapbuhay:
Nasa ibaba ang ilang datos tungkol sa mga naghahanapbuhay sa ating bansa. Suriin ang mga ito.
sumali sa gawain ng ekonomiya.
Underemployed – ang mga taong nagnanais na magkaroon pa ng karagdagang oras sa kanilang kasalukuyang trabaho, o
magkaroon pa ng karagdagang pagkakakitaan o bagong trabaho na may mahabang oras.
Mga Dahilan ng Nilalaman 10 Unemployment
 Kakulangan ng Kaayusan 10 oportunidad para makapagtrabaho
 Paglaki ng TOTAL: 20 populasyon
 Kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano na makalilikha
 ng trabaho
 Hindi tugma ang pinag-aralan o kwalipikasyon ng mga mamamayan sa maaari nilang
 pasukang trabaho
 Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho
 Hindi matugunan ang kondisyon ng kawalan ng trabaho
 Hindi pagbibigay ng wastong sahod sa manggagawa, kaunting benepisyo, at hindi
 maayos na kondisyon ng pinagtatrabahuhan (poor working conditions)
 Katamaran ng mga tao na magtrabaho
 Pananalasa ng mga kalamidad sa bansa
 Masalimuot na paraan para makapagtatag ng negosyo
 Pamumulitika at katiwalian ng mga nanunungkulan sa pamahalaan

III. Mga Gawain

I. Ano-ano ang itinuturing na dahilan ng unemployment o kawalan ng trabaho sa bansa? Punan ang
graphic organizer na ito. Magbigay lamang ng limang dahilan ng unemployment at ipaliwanag ang
bawat isa. (20 pts)

1.
M G A D A H IL A N N G
U N EM PLO YM EN T

2.
Nilalaman 10
Kaayusan 10
3. TOTAL: 20

4.

5.

IV. Takdang Aralin


TANONG: Paano nakaaapekto sa ating bansa ang pagkakaroon ng unemployment at underemployment?

Nilalaman 5
Kaayusan 5
TOTAL: 10

Inihanda nina:
Bb. Camille Joy F. Cada at Bb. Abigail Q. De Guzman
Mga Guro sa Araling Panlipunan

You might also like