You are on page 1of 5

Pangalan: Eunice Dimple B. Caliwag Guro: Mr.

Randel Vic Garay


Kurso at Baitang: BSBA- 1HR Petsa: Oktubre 18, 2021

Prelim (Unang Semestre)

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. (10 puntos kada isa)

1. Ayon sa iyong pagkakaunawa o pagkakaintindi, ano ang importansya ng


pananaliksik sa pang araw-araw na buhay natin? Magbigay ng halimbawa.

Base sa aking pagkakaunawa o pagkakaintindi, napakahalaga ng


pananaliksik sa ating pang araw-araw na buhay sapagkat ito ay pinakamabisang
paraan upang malutas natin at mabigyan ng mga solusyon ang mga suliranin o
problema na ating kinakaharap sa bawat araw ditto sa ating daigdig. Ito ay
tumutulong sa atin upang malaman ang mga bagay na hindi natin nalalaman sa
ating mundong kinagagalawan, at kung ang mga bagay, pangyayari o tao ay
magkakaugnay o mahalaga sa isa’t isa. Ang importansya ng pananaliksik ay
napakahalaga sa mga estudyanteng katulad ko dahil ito ay nagbibigay ng mga
bagong kaalaman at napapalawak nito ang aking pag-iisip ukol sa mga bagay-
bagay. Magagamit din ang kaalaman na napulot sa pananaliksik sa paggawa ng
mga bagong inobasyon at pagbuo ng mga ideya. Ang pananaliksik ay
nakakatulong din ng malaki sa ating komunidad at kapaligiran. Kung nais nating
malaman kung ang mga bagay ay magkakaugnay at may kinalaman sa isa’t isa
ay kailangan nating manaliksik. Ang ating mga hinala, interes at kuryosidad ay
natutugunan at nasasagot sa pamamagitan ng pananaliksik. Ang pananaliksik ay
nakakatulong din na mapaunlad ang ating pakikisalamuha sa kapwa at
pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Panghuli, naging mahalaga ang
pananaliksik sa ating pang araw-araw na dahil nakakakuha tayo ng mga
kasagutan at mga bagong impormasyon sa mga bagay na nais nating malaman
at bigyan ng kasagutan.

Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) Caloocan Association of Private Schools (CAPRIS) National Capital Region School
Registrars Association (NACSRA) Philippine Association for Teacher Education (PAFTE) Inter-School Athletic and Academic League (ISAAL) Asian Association
of School Human Resource Management and Development Practitioners, Inc. (AASHPI) North Private School Association of Caloocan (NPSAC) Private Education
Assistance Committee (PEAC)
2. Pumili ng isang paboritong kasama sa bahay at sumulat ng sanaysay at
isalaysay ang mga dahilan kung bakit mo siya naging paborito. Gumamit ng mga
salita ng taon/sawikain, ambagan, at mga susing salita sa paglalahad o
pagpapaliwanag kung bakit mo siya naging paborito.

“Taong importante, paborito at mahal mo” at isang tao ang pumasok sa aking
isip, ang aking ina. “Ang buhay ng bawat dakilang ina ay nagpapaalala sa atin ng
kanilang pagmamahal at walang hanggang pagsasakripisyo upang mapalaki ng
maayos ang kanilang mga supling. Ang bawat magulang, partikular ng mga ina ay
walang hinangad kung hindi ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak
bilang mga bagong tao na sa hinaharap ay gaganap ng mahalagang papel sa
lipunan.” Nais kong ipakilala sa sanaysay na ito ang aking “apple of the eye” na
kasama sa aming tahanan at aking lodi na si Mhelanie Caliwag, ang aking dabest
mudra in the world. Bakit ko nga ba siya ang aking naging paboritong kasama sa
aming tahanan?

Sa siyam na buwan na ako’y nasa kanyang sinapupunan inalagaan niya ako


at ni minsan hindi niya ako pinabayaan. Dala-dala niya ako nang may buong pag-
iingat at pagmamahal. Hindi pa man ako lumalabas ay ramdam ko na ang
pagmamahal niyang walang sino man ang makakapantay. Hanggang sa ako’y
lumaki at nagkaisip siya ang nagsilbing lodi at inspirasyon ko. Sa bawat daan na
aking tinatahak siya ang naging traffic light, na nagsilbing gabay kung kailan ako
hihinto at kailan ako didiretso. Siya ang band aids ng mga sugat ko sa buhay. Isang
ngiti niya lang sa akin ay nawawala ang aking pagiging overthinking at alam kong
maaayos din ang lahat. Sa tuwing ako’y madadapa at nagkakamali sa buhay siya ay
lagging andiyan upang ako’y tulungang bumangon at tumayo. Para sa kanya
masaktan lang siya huwag lang ako na anak niya. Bawat sakit na nadarama ko alam
kong dobleng sakit para sa kanya. Sa tuwing ako’y umiiyak siya’y nagiging tissue na
nagtatanggal sa mga luha ng aking mga mata. Nagiging tsokolate upang gumaan
ang aking pakiramdam. Si mama ang pinaka astig na nanay na aking nakilala dahil
napakasuportado niya sa lahat. Nakakasama ko siya sa mga walwalan at
gimmickan kasama ng aking mga kaibigan sa aming bahay. Kailan man ay hindi
kami nagtanim ng galit sa isa’t isa kahit na minsan na kami ay nag wawar sa bahay.
Hindi man siya ang pinakaperpektong tao sa mundo hindi naman siya nagkulang sa
pagpaparamdam sa akin bilang ina na mahal niya ko.

Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) Caloocan Association of Private Schools (CAPRIS) National Capital Region School
Registrars Association (NACSRA) Philippine Association for Teacher Education (PAFTE) Inter-School Athletic and Academic League (ISAAL) Asian Association
of School Human Resource Management and Development Practitioners, Inc. (AASHPI) North Private School Association of Caloocan (NPSAC) Private Education
Assistance Committee (PEAC)
3. Kanino mo maihahanlintulad si Andres Bonifacio sa mga pinuno natin ngayon at
bakit? Magbigay ng halimbawa ng kanilang pagkakaparehas.

Pinag isipan kong mabuti ang tanong na ito, at para sa aking sariling
opinyon, kung ihahalintulad ko ang isa sa ating mga bayani na si Andres
Bonifacio sa mga pinuno natin ngayon ay wala akong maisip na puwedeng
iparehas at ihalintulad sa kaniya dahil si Andres Bonifacio ay isang magiting at
tunay na sumisimbolo sa pagiging isang mabuting lider ng bansang Pilipinas
noon. Base sa aking mga nalalalaman sakaniya, buong loob niyang inialay ang
kaniyang buhay sa kaniyang bayang kinalakihan at sinilangan. Hindi naman sa
panghuhusga ngunit marami sa mga lider ng bansang Pilipinas sa ngayon ay
iniisip lamang ang kanilang sariling pangalan. Kapangyarihan at yaman ang
nananaig sa kanilang pag-iisip. Naniniwala rin ako na na may iba’t iba ang estilo
at pamamalakad ang mga bawat pinuno na nagdaan sa ating bansa. May sarili
silang ugali at kakayahan kung paano nila pamamahalaan ang kanilang
nasasakupan. Mayroon akong isang tiyak na pinaniniwalaan tungkol sa ating
mga pinuno, ito ay ang maglingkod sa bayan at mapabuti ang kapakanan ng
kaniyang sinasakupan gaya ng ating kasalukuyan na president na si Pangulong
Rodrigo Duterte na naglalayon na mas mapapabuti ang bansa kung
mababawasan ang mga adik o gumagamit ng mga illegal na droga sa bansa.
Naniniwala ako na ang mga pinuno ay ganiyan ang pag-iisip dahil kung hindi ay
sakanila rin naman babagsak ang kamalian at galit ng mga tao kung hindi nila ito
gagawin at paninindigan. Naniniwala ako na may pagkakaiba-iba ang mga
pinuno kung paano nila pamunuan at hawakan ang kanilang sinasakupan at para
sa akin si Andres Bonifacio ay kakaiba sa mga pinuno natin ngayon. Isa siyang
mahusay at pinag-iisipan niya ang kaniyang mga ikinikilos para sa ikakabuti ng
kaniyang mga mamamayan at bansa.

4. Bilang isang magaaral, paano mo mapapayabong ang ating mga kababayan na


tangkilikin ang mga indi film. Pangatwiranan ang kasagutan.

Bilang isang magaaral ng Immaculada Concepcion College,


mapapayabong at mahihikayat ko na tangkilikin ang mga indi film sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag ng importansya nito sa ating bansa. Nais kong
ikalat sa social media ang mga ilan sa mga indi film na aking nalalaman.
Ipapakita ko sa aking mga kababayan ang kagandahan at mga mahahalaga at
gintong aral na ating mapupulot sa mga palabas na ito. Ipapakita ko kung gaano
kahalaga at nakakatulong ang indi films sa ekonomiya at industriya ng ating
bansa. Bibigyan ko ng mga kaalaman ang mga Pilipino lalong lalo na ang mga
kabataan ngayon ukol sa indi films na mayroon ang Pilipinas. Bibigyang pugay at

Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) Caloocan Association of Private Schools (CAPRIS) National Capital Region School
Registrars Association (NACSRA) Philippine Association for Teacher Education (PAFTE) Inter-School Athletic and Academic League (ISAAL) Asian Association
of School Human Resource Management and Development Practitioners, Inc. (AASHPI) North Private School Association of Caloocan (NPSAC) Private Education
Assistance Committee (PEAC)
kikilanin ang mga lumikha ng mga palabas upang sila ay makilala at hindi
mabale wala. Hihikayatin ko ang kapwa ko mag-aaral na pag usbungin at
pagyamanin ang indi films na pinaghirapan ng aming mga kababayan. Nais ko
ring hikayatin at bigyan ng mga ideya o suggestions ang aking mga guro sa
Filipino na magbigay ng mga impormasyon sa kanilang mga estudyante ukol sa
indi films at magpanood ng mga ilan sa mga ito upang mahikayat sila at matuto
silang tumangkilik sa gawa ng mga kapwa nila Pilipino. Dapat nating imulat at
gisingin ang diwa ng ating mga kapwa Pilipino upang makilala ang indi films at
mabigyang halaga ang mga ito. Sa aking palagay mabisa rin ang workshops na
tumatalakay sa pagsuporta ay kahalagahan ng Filipino indie films. Nais kong
pagyamanin ang Filipino indi films dahil ang promosyon ng talentong Pilipino ay
tumataas dahil sa napapanood ng ibang bansa ang gawang Pilipino na siyang
nagiging daan upang magbukas ang pinto para sa mas marami pang
oportunidad sa larangan ng paggawa ng pelikula. Dahil sa indi films, nabibigyang
trabaho ang iba’t ibang tao kagaya ng mga artista at mga extra sa pelikula.
Gayundin ang mga cinema, ang mga tauhan ng cinema kagaya ng mga dyanitor.

5. Ayon sa sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang hindi marunong tumungin sa kanyang
pinagmulan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan." Paano mo ito
iuugnay ayon sa pangyayaring nagaganap sa wikang filipino natin ngayon?

Para aking sariling opinyon at palagay, maiuugnay ko ang sinabing ito ni


Dr. Jose Rizal sa mga Pilipinong hindi marunong tumanglikik at magmahal sa
ating sariling wika. Sa panahon natin ngayon, tila ba nakakalimutan na natin lalo
na ng mga kabataan ngayon kung ano nga ba ang importansya at kahalagahan
ng wikang Filipino. Marami sa atin ang naniniwala na kapag gumamit ng salitang
Ingles ay matalino at sosyal na, mas nakakasabay daw tayo sa uso. Sa
pagpasok ng modernong panahon, kung saan laganap ang paggamit ng
teknolohiya kagaya ng social media,pagcha-chat sa messenger, pagtetext sa
cellphone at iba pa gamit ng mga gadgets, di natin maitatanging karamihan sa
ating mga Pilipino lalo na sa mga kabataan ay naiimpluwensyahan na mula sa
mga ito at tayo’y pilit ring umaangkop,nakikibagay at nakikisabay sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran lalong lalo na pagdating sa
wika.Patunay dito ang paggamit ng mga iba’t ibang salitang nalilikha sa
modernong panahon. Kagaya ng “jejemon”, “gay language” at mga salitang may
halong Ingles o mas kilala sa tawag na Taglish.At kalimitanrin ginagamit sa mga
sitwasyon sa mga hugot lines,pick-up lines at fliptop. Hindi na natin binibigyan
ng halaga at inaalala kung anong mayroong kultura mayroon tayo. Marami sa
ating mga Pilipino ang walang sapat na kaalaman kung paano umusbong ang

Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) Caloocan Association of Private Schools (CAPRIS) National Capital Region School
Registrars Association (NACSRA) Philippine Association for Teacher Education (PAFTE) Inter-School Athletic and Academic League (ISAAL) Asian Association
of School Human Resource Management and Development Practitioners, Inc. (AASHPI) North Private School Association of Caloocan (NPSAC) Private Education
Assistance Committee (PEAC)
wikang Filipino noon at marami sa atin ang hindi alam ang ibigsabihin ng mga
malalalim na salita na mayroon ang bansang Pilipinas. Maraming mga nauusong
salita ang lumalaganap at naiimbento sa ngayon at tila nawawala na at hindi na
nabibigyang importansya ang ating sariling wika.

Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) Caloocan Association of Private Schools (CAPRIS) National Capital Region School
Registrars Association (NACSRA) Philippine Association for Teacher Education (PAFTE) Inter-School Athletic and Academic League (ISAAL) Asian Association
of School Human Resource Management and Development Practitioners, Inc. (AASHPI) North Private School Association of Caloocan (NPSAC) Private Education
Assistance Committee (PEAC)

You might also like