You are on page 1of 2

Aking 

Ina
Pinaggawa kami nang isang komposisyon tungkol sa isang
taong “importante at mahal mo”. I just want to share my output. 
Nang ibinigay ng aming guro ang tema sa sulating ito marami ang pumasok sa
aking isipan: ang idolo ko, mga kaibigan at iba pa. Pero napaisip ako sa aking sarili at
isinapuso ang temang ibinigay “taong importante at mahal mo” at isang tao ang
pumasok sa aking isip, ang aking ina.
“Ang buhay ng bawat dakilang ina ay nagpapaalala sa atin ng kanilang
pagmamahal at walang hanggang pagsasakripisyo upang mapalaki ng maayos ang
kanilang mga supling. Ang bawat magulang, partikular ng mga ina ay walang hinangad
kung hindi ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak bilang mga bagong tao
na sa hinaharap ay gaganap ng mahalagang papel sa lipunan.”
Sa siyam na buwan na ako’y nasa kanyang sinapupunan inalagaan niya ako at
ni minsan hindi niya ako pinabayaan. Dala-dala niya ako nang may buong pag-iingat at
pagmamahal. Hindi pa man ako lumalabas ay ramdam ko na ang pagmamahal niyang
walang sino man ang makakapantay.
Hanggang sa ako’y lumaki at nagkaisip siya ang nagsilbing idolo at inspirasyon
ko. Sa bawat daan na aking tinatahak siya ang naging traffic light, na nagsilbing gabay
kung kailan ako hihinto at kalian ako didiretso.
Hindi man siya marunong umukit ng walang pormang kahoy o bato, pati na rin sa
paglilok ng mga marmol na tao ngunit daig pa niya ang isang dakilang iskulptor sa
paghubog niya sa aking katauhan.
Siya ang band aid ng mga sugat ko sa buhay. Isang ngiti niya lang sa akin alam
kong maaayos din ang lahat. Sa tuwing ako’y madadapa siya ay andiyan upang ako’y
tulungang tumayo. Para sa kanya masaktan lang siya huwag lang ako na anak niya.
Bawat sakit na nadarama ko alam kong dobleng sakit para sa kanya. Sa tuwing ako’y
umiiyak siya’y nagiging tissue na nagtatanggal sa mga luha ng aking mga mata.
Nagiging tsokolate upang gumaan ang aking pakiramdam.
Bawat pagkakamali ko’y siya’y nagiging pulis at abogado. Pinaparusahan at
sinisigurong hindi ko na uulitin ang pagkakamali katulad ng isang pulis ngunit sa bawat
sitwasyon siya ay palaging nasa aking panig katulad ng isang abogado.
Ang mga pagsubok na napagdaan ko hinding hindi ko iyon malalampasan kung
hindi dahil sa kanya. Sa mga bagyong dumating sa aking buhay siya ang nagsilbing
araw na nagbigay sa akin ng pag-asa upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Siya ang
aking milagro sapagkat sa piling pa lang niya ay ligtas na ako at bawat haplos niya ay
ayos na ako.
Kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa akin kaya masasabi kong para
siyang isang santo. Minsan ay may tampuhan pero wala namang perpektong relasyon
sa mundo dahil hindi perpekto ang tao.
Sa labing pitong taon ko dito sa mundo iisang tao lang ang alam kong hinding hindi ako
iiwan at mananatiling tunay kong tagahanga na habang-buhay na susuporta sa akin sa
kasiyahan man o sa kalungkutan. ang aking dakilang ina. Hindi man siya ang
pinakaperpektong tao sa mundo hindi naman siya nagkulang sa pagpaparamdam sa
akin bilang ina na mahal niya ko.

You might also like