You are on page 1of 1

Ekspedisyon ni Ferdinand Magellan

Si Fernão de Magalhães (Ferdinand Magellan sa Ingles) ay


isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang
kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran
patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang
Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa
sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di
nakabalik sa Europa, 18 sa kanyang mga tripulante at isang barko ang
nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na
paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan Sa
Mactan.

Mahahalagang Pangyayari sa Ekspedisyon Ni Magellan


Setyembre 20, 1519: simula ng paglalakbay ni Magellan mula sa San
Lucar, Espanya
Setyembre 26, 1519: Pagtawid sa Karagatang Atlantiko
Nobyembre 29, 1519: Pagdaong sa Brazil at pagtunton sa Rio de
Janeiro at Rio de Plata
Marso 24, 1520 : Pagtigil sa Puerto ng San Julian; pagkakaroon ng
pag-aalsa sa barkong Concepcion at Victoria; at pagkasira ng
barkong Santiago dahil sa bagyo.
Oktubre 21, 1520 : Pagkatuklas ni Magellan ng kipot sa dulo ng
Timog Amerika
Nobyembre 26, 1520 : Pagtawid sa Karagatang Pasipiko,
pagdadalawang-isip niEsteban Gomez, ang kapitan ng barkong San
Antonio, at pagbabalik nito sa Espanya
Marso 6, 1521:  Pagdating sa Guam
Marso 17, 1521; Pagdaong sa Pulo ng Homonhon sa Pilipinas
Setyembre 6, 1522 : Pagbabalik ng barkong Victoria sa Espanya sa
pamumuno ni Sebastian del Cano
Abril 14, 1522: pagdaong sa Cebu
Abril 27, 1522 : Pakikipaglaban sa Mactan

You might also like