You are on page 1of 2

SA PARIS, PRANSYA (1885-86)

Pagkaraang matapos sa pag-aaral sa Madrid, nagtungo si Rizal sa Paris upang magpakadalubhasa sa


optalmolohiya. Papuntang Paris, dumaan siya sa Barcelona upang dalawin ang kaibigan niyang si
Maximo Viola, isang mag-aaral ng medisina na taga-San Miguel, Bulacan. Tumigil siya rito ng isang linggo
at naging kaibigan niya si Señor Eusebio Corominas, patnugot ng pahayagang La

Publicidad. Binigyan niya si Señor Corominas ng isang artikulo tungkol sa isyu sa Carolina (Carolines).

Nag-ugat ang kontrobersya noong Agosto 25, 1885, nang dumaong ang isang Alemang barko sa Yap
(isang isla ng Carolines) at sinakop ang kapuluan ng Carolina at Palau. Hindi makatutol noon ang
gobernador ng Carolina na si Don Erique Capriles na naroon sa isla. Ikinagalit ito ng Espanya sapagkat
ang isla ng Yap ay natuklasan nito sa pamamagitan ni Francisco Lezcano, isang kapitan ng isang galeong
Maynila. Ang kapuluan ay pinangalanang Carolina, sunod kay Haring Carlos II (1665-1700). Para
maiwasan ang madugong laban, ibinigay ng Espanya at Alemanya ang usapin sa Carolina kay Papa Leo
XIII para mamagitan.

Batay sa mga dokumentong isinumite ng dalawang panig, kinilala ng Banal na Papa ang soberanya ng
Espanya sa Carolina at Palau noong Oktubre 22, 1885. Gayunpaman, ang Alemanya ay binigyan ng
karapatan sa kalakalan sa mga pinag-aawayang kapuluan at pinayagan na magtatag ng coaling station sa
Yap para sa hukbong-dagat na Aleman. Noong mga panahong ito, si Rizal ay sumulat ng isang artikulo
tungkol sa hidwaan sa Carolina. Nailathala ito sa La Publicidad, pahayagang pag-aari ni Don Miguel
Morayta.

Mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886 ay nagtrabaho siya bilang katulong (assistant) na doktor
sa klinika ni Dr. Louis de Weckert, isang kilalang siruhano ng mata sa Pransya. Ang nasabing doktor ay
lubhang napakaraming pasyente, kabilang na ang mga miyembro ng ilang pamilya ng mga hari sa
Europa. Ang mga kasamahan ni Rizal ay may mga assistant din na buhat sa Italya, Gresya, Austria,
Poland, Alemanya, Espanya, Estados Unidos, at Latin Amerika, gayon din mula sa Pransya. Natutuhang
salitain ni Rizal nang buong husay ang wikang Pranses katulad ng wikang Kastila.

Maganda ang pagtanggap ni Dr. Weckert sa kanya. Itinuturing siyang parang isang tunay na anak. May
ilang okasyon na naging panauhin siya sa magarang bahay ng doktor.

Sa isang sulat na ipinadala ni Rizal sa kanyang mga magulang noong Enero 1, 1886, binanggit niya na
marunong na siya sa lahat ng klase ng operasyon. Pinag-aaralan na lamang niya kung ano ang nasa loob
ng mata.

Pagkatapos ng mga gawain sa klinika, pinapasyalan niya ang ibang kaibigan niya na naninirahan sa Paris,
gaya ng pamilya ng Pardo de Tavera na sina Trinidad, Felix, at Paz (kasintahan ni Juan Luna), Juan Luna at
Felix Resurrection Hidalgo.

Madalas magtungo si Rizal sa estudyo ni Juan Luna. Nakikipagtalakayan siya rito ukol sa pag pinta at sa
mga suliranin sa sining. Naging modelo pa siya ni Luna bilang paring Ehipto sa kanyang kambas na
“Kamatayan ni Cleopatra”. Nagmodelo rin siya bilang Sikatuna sa “Sanduguan”, na kung saan si Trinidad
Pardo de Tavera ang naging Legazpi.

Dito sa Paris ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat ng kanyang nobelang Noli Me Tangere na sinimulan niya
sa Madrid.

Nilisan ni Rizal ang Paris sa gitna ng pagpatak ng yelo noong Pebrero 1, 1886, pagkaraang makapagsanay
sa klinika ni Dr. Weckert. Desidido siyang tumungo naman ng Alemanya.

You might also like