You are on page 1of 51

My Hot Alien Boyfriend *1*

6:00 AM

Kkkkkrrrrrrriiiiiiinnnnnggggggg!!!!!

Napabalikawas ako ng gising ng marinig ko yung tunog ng alarm clock ko. Kinuha ko
kaaagad yun para patayin. Naman kasi eg, antok pa ko. (_ _) Gusto ko pa matulog.

Konti pang tulog.. Mga 5 mins.

ZZZzzzzzzzzzZZZZ

Tok.. tok.. tok..

Nagising na naman ako sa narinig kong pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko
pinansin. Malamang si Ate Karen lang yun, yung bagong maid namin. sasabihin na
gumising na ko dahil baka malate na naman ako sa school. Eh maaga pa naman eh..
Hindi ko naman ikaka-late yung 5 mins.

ZZZzzzzzzzZZZZZZ

Tok.. tok.. tok..

"Ma'am Hannah.."

Tok.. tok.. tok..

"Ma'am Hannah.. Di po ba kayo papasok? Kasi 6:45 na po. 7:00 po ang pasok niyo
diba? Malelate po kayo.. Ma'am Hanah.."

Patawa naman si Ate Karen.. Anong 6:45 eh - Napatingin ako sa alarm clock ko..
Waaaahhh!!!! 6:45 na nga!! Ganun ba ko katagal nakatulog, pero parang 5 mins. lang
yun para sa'kin. Waaahhh!! Malelate na naman ako!!!

Bumangon ako agad. Di na ko naligo, kasi naligo naman ako kagabi. Kinuha ko kaagad
yung uniform sa cabinet ko saka ko isinuot. Di na rin ako nakapagsuklay, ipinusod
ko na lang yung buhok ko. Kinuha ko yung bag ko, at isinaksak na lang lahat ng
gamit ko sa school.

Tumakbo ako palabas ng pintuan, nagulat pa si Ate Karen ng bigla akong lumabas.
Pagbaba ko ng hagdan dumaan lang ako sa kusina kung saan sigurado akong nandun si
mommy.

"Ma, alis na po ako. Babye!" paalam ko sa kanya.

"Teka Hannah, di ka man lang kakain?"

"Di na po. Sige po late na po ako!"

Nasa main door na ko, palabas na ng maalala kong di pa pala ko nag-toothbrush!


Naman, sa lahat ng pwedeng malimutan yun pa! Kaso malelate na talaga ako. Sa school
na lang ako mag-totoothbrush, hindi na lang ako magsasalita para walang makapansin.
Hehehe...

Sumakay ako agad sa kotse na nakahanda na paglabas ko. Alam ni Manong Ed na late na
ko, kaya pinaandar niya agad yung sasakyan para umabot ako sa school.

"Bye Manong Ed! Salamat po! You're my savior!!" paalam ko kay Manong Ed.

Pagdating kasi naming ng school may 5 mins. pa ko para takbuhin mula sa parking ng
school, papunta ng classroom ko.

Takbo Hannah, takbo!!

Patakbo ako papunta sa building kung nasaan yung classroom ko ng may napansin ako..
Kung ako patakbo at nagmamadaling makarating sa room. Yun mga babaeng estudyanteng
nakakasalubong ko, patakbo naman palabas ng building.
Teka anong meron??

"EEEeeee!! Nakita niyo ba sila? Sh*t ang gwagwapo nila diba?"

"Pinaka-hot yung red yung buhok."

"Hindi yung parang blue yung hair."

"Basta para sa'kin yung blonde."

"Mas cute yung green!"

Huh?? Ano bang pinag-uusapan nila? Mga alien? Bakit ganun kulay ng mga buhok? Red?
Blue? Green? Ano sila power rangers?? Ahahaha!

"Miss.. miss ano yung pinag-uusapan niyo?" umariba na naman yung pagiging chismosa
ko.. hehe..

"Ewww.. Ang baho.. Miss nag-toothbrush ka ba?!

Waaahhh!! Napatakip agad ako ng bibig ko.. Ano ba yan. Nakalimutan kong di pa pala
ko nagtotoothbrush!

Teka bakit nga ba ko nandito at nakiki-usyoso eh late na nga ako diba???! Takbo
ulit papasok ng building.

Nasa bukana na ko ng building nang may maalala na naman akong nakalimutan ko.. Yung
project ko!! Ngayon submission nun! Hindi pwedeng di ko ipasa ngayon, kundi
babagsak ako!!

Ipinasok ko yung kamay ko sa bulsa ng palda ko, para kunin yung cellphone ko.
Waaahhh! Wala! Binuksan ko yung bag ko, kalkal dito, kalkal dun! Waaahh!! Wala!!
Naiwan ko din!!

Nakisabay ako sa mga babaeng nagsisitakbuhan. Pero iba ang pakay ko, kailangan
abutan ko si Manong Ed sa parking.. Waaahh!! Sana magmilagro, sana di pa siya
nakakaalis..

Takbo ulit Hannah! Takbo!!

Nang biglang may tumama sa dulo ng sapatos ko.. Natalisod ako sa isang bato.
Waaahhh!! Masusubsob ako!

Slow motion lahat.. Para akong lumilipad. Parang ang layo ng mararating ko. May
lalaki sa harapan ko. Huh? May lalaki sa harapan ko? Lalaking pula ang buhok?? Isa
sa mga power rangers?? Waahhh!! Sa kanya ako babagsak!!!

*tsup*

Huli na nadaganan ko na siya.. At ang pinakamalala ba, nasubsub ako.. Pati nguso ko
nasubsob sa kanya.. Sa labi niya. Waaaahhh!!!! Hanahhhh!!!!!

Umalis agad ako sa pagkakadagan ko sa kanya, at napaupo sa gilid niya.

"F*ck!" yun lang ang nasabi niya.. My God hindi kaya naamoy niya yung bibig ko?!!
Waahhh!! Kahiya! Hannah palamon na sa lupa! Now na!!!

"OH MY GOD!!! Hinalikan niya si super hot red-haired guy?!! Ewwww! Diba siya yung
bad breath na nakipag-usap sa'tin kanina?! Ewwww talaga!" narinig kong sabi nung
babae na kinausap ko kanina/ Kailangan talaga ipagkalandakan pa niya?! Oo na, ako
na mabaho hininga?! Di naman araw-araw! Ngayon lang!! Nagmamadali kasi ako para di
malate, mag-toothbrush naman ako pagdating na pagdating sa school eh.

Pero maeexplain ko pa bay un sa kanila? Eh na pahiya na ko!

"Miss tulungan na kitang tumayo." Sabay abot ng kamay sa'kin nung blue ang buhok.
Pero hindi ko na tinanggap yung tulong niya, tumayo ako agad saka ako nagtatakbo
paalis.
Nagpunta ako sa garden nung school, may malaking puno kasi dun na may upuan sa
ilalim kung saan madalas akong magpunta kapag gusto kong mapag-isa at magmuni-muni.
Walang masyadong pumupunta dito. Wala siguro silang hilig sa mga halaman. At ayaw
nila madumihan. Hindi kasi sementado ang part na 'to ng school.

Umupo ako sa upuan sa ilalim nung puno, saka ako umiyak. Tanggap ko naman na hindi
ako kabilang sa mga sikat sa school na 'to. Kasi bobo ako, hindi ako matalino,
halos pasang-awa yung mga grades ko, ewan ko ba kahit anong aral ko mababa pa din
talaga mga grades ko. Nakapasok lang naman ako sa school na'to dahil sa papa ko.
Businessman ang papa ko, marami kaming pera. Isa sa mga sponsors ng school ang papa
ko. Yun lang ang dahilan kaya nandito ako. Pero hindi naman kayang pagtakpan ng
pera ng pamilya ko ang pagiging boba, at mali-mali ko.

Yung mga nakikipag kaibigan sa'kin, ang gusto lang nila ilibre ko sila palagi. Nung
una ok lang sa'kin, sige para kahit di totoong kaibigan meron ako, may kasama ako.
Kahit papaano pakiramdam ko kabilang ako. Pero nakakasawa din yung ganun, lalo na
kung di sinasadya maririnig mo yung mga di magagandang sinasabi nila sa'yo.
Masakit, kaya iwas na lang ako.

Pero kahit na ganto ang mundo ko, masayahin pa din akong tao. Kaya itatawa ko na
lang 'to!

"Hahahahaha! Hannah! Huwag kang paapekto sa kanila! Di ka naman nila kilala eh! Mas
higit ka sa kanila, kasi mabait ka! Di ka nananakit ng ibang tao!"

"Tama!"

"Ay leche!" nagulat ako nang may biglang magsalita sa tabi ko. Si blue ang buhok.
"Kanina ka pa dyan?" tanong ko, habang pinupunasan mga luha ko. Pagkatapos ko
sabihin yun, napatakip ako ng bibig, naalala ko na di pa din nga pala ko
nagtotoothbrush.

"Oh.." may inabot siya sa'kin.. Candy.. Breath mints. Kinuha ko kaagad saka ko
isinubo..

"Thanks."

"Alam mo nangyari na rin sa'kin yun.. Nakalimutan kong mag-toothbrush sa sobrang


pagmamadali para di malate sa school."
"Huh?!"

"Yun ang dahilan kaya ka ba-"

"Oopps! Huwag mo na ituloy.. Oo na, alam ko na yung sasabihin mo. Pero bakit alam
mo ang dahilan? May powers ka ba? Nababasa mo ba yung utak ko?"

Natawa lang siya.. Nakakatawa naman talaga yung sinabi ko. Hay Hanah, boba ka
talaga.. Ba't naman siya magkaka-powers noh?!

"Teka, ano pa lang ginagawa mo dito? Bakit mo ko sinundan dito? Pumunta ka na sa


klase mo, late ka na. Huwag ka ng gumaya pa sa'kin."

"Nalaglag kasi 'to sa mga gamit mo." Inabot niya sa'kin yung notebook ko.

"Salamat. Sige na pumasok ka na. Mamaya na lang ako papasok, kapag nakalimutan na
ng lahat yung eksena na ginawa ko kanina."

"Nakalimutan na nila yun. Tara na, sumabay ka na sa'kin. Iisang klase lang naman
tayo." Kinuha niya agad yung kamay ko, kaya napatayo na ako at napalakad na din.

"Paano mo naman nalaman na magka-klase tayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad


kami papasok ng building. Wala siyang sinagot. Parang walang narinig. Hayy, gwapo
sana kaso bingi.

Pagpasok namin ng classroom, nandun na yung teacher namin, pero di kami pinagalitan
na late kami. Tapos yung mga classmate ko, wala akong narinig na pang-aasar sa
kanila. Kapanibago ah.. Totoo ata yung sinabi nitong blue ang buhok na'to,
nakalimutan agad nila yung nangyari kanina. Pero bakit? Paano?

Pinakilala sa klase si blue ang buhok, new student kasi siya dito. Patrick Xenos
pala ang pangalan niya. Kakaiba yung apelyido niya ah. Pagkatapos nun sinabi na
nung teacher namin kung saan mauupo si Patrick. Ako naman pumunta agad ako sa upuan
ko, at isinabit ko yung bag ko sa sandalan ng upuan ko. Pagtingin ko sa kanan ko
nagulat ako. Si pulang buhok! Waaahhh!! At ang sama ng tingin niya sa'kin!!! Tapos
yung mga kamay niya nakasarado. Kulang na lang bumaon yung mga kuko niya sa palad
niya. Galit siya! Waahhh! Parang gusto niya akong patayin!!

Inurong ko ng konti yun upuan ko palayo sa kanya.. Katakot kasi talaga siya. Pero
napalayo lang ako ng konti sa kanya, pero yung mga titig niya sa'kin abot na abot
pa rin ako! Waahhh!!

Tinaas ko yung kamay ko.

"Ma'am! May I go out?!"

"Ok Hannah, but be fast. Mag-start na yung klase."

"Yes ma'am!" Dali-dali akong tumayo dala ang bag ko at naglakad palabas ng
classroom, papunta sa CR.

Pagkatapos ko mag-toothbrush, tumayo lang ako sa harap ng salamin.. Iniisip ko kung


paano ako mag-sosorry dun sa pula ang buhok.. Di ko naman kasi sinasadya eh, malay
ko bang matitisod ako, di ko naman nakita yung bato. Alam ko parang wala yun
kanina, parang biglang sumulpot na lang sa lupa para patirin ako.

Hay.. Ano bang gagawin ko??

Parang napatagal ata ako sa CR kaya lumabas na ko, nang mapansin kong parang may
lumalabas na usok mula sa CR ng mga boys. Magkatapat lang kasi ang CR ng girls at
boys.

Dahil isa akong dakilang usisera lumapit ako, malay baka may sunog na sa loob ng CR
nila.

Malapit na ko sa pintaun ng biglang lumabas yung red ang buhok.

"Aaaaahhhhhhh!!!!!!" sigaw ko, sabay takbo pabalik sa CR ng mga girls, sumilip lang
ako para tignan kung nandun pa siya... Andun pa siya! At ang sama na naman ng
tingin niya sa'kin.. Kakatakot!
"Tsk.. Baliw.." sabi niya sabay alis..

Ako baliw?! Sino kayang mas mukhang baliw sa'min na mukhang papatay ng tao?! Diba
siya?! Eh sa nakakatakot siya eh! Malamang mapapasigaw ako sa takot! Hmp! Kainis
ang yabang, ang weird pa!

Pabalik na ko ng classroom nang may tumawag sa'kin.

"Ma'am Hannah!" sa Manong Ed pala.. At dala niya yung project ko! Weeee!! "Ma'am
naiwan niyo daw po sabi ng mama niya."

"Salamat po Manong Ed! Ikaw talaga ang savior ko! Salamat po ulit!"

"Sige na po ma'am Hannah, balik nap o kayo sa klase niyo."

"Ok po, salamat po ulit."

Bumalik ako agad ng classroom kasi baka mapagalitan na ko ng teacher namin.


Pagbalik ko ng classroom, pinapapasa na pala ni ma'am yung mga project namin. Buti
na lang talaga nasa akin na yung project ko! Weeee!! Di ako babagsak!!

Ibinigay ko na kay ma'am yung project ko, saka ako naglakad pabalik sa upuan ko,
nang mapansin kong wala na yung red ang buhok. Wala din yung gamit niya. Eh san
yun? Sobrang ayaw niya sa'kin, kaya siya umalis??

Bigla kong naalala ang Twilight. Bella and Edward lang ang peg?? Hahaha!

"Hoy Hannah, anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?" Si Mica, isa sa medyo nakakausap
ko sa school, pero di ko masasabing kaibigan ko siya, kasi ayaw naman niyang
samahan ako, nakakausap ko lang siya sa loob ng classroom kasi magkatabi kami ng
upuan.

"Ah, wala.. May naalala lang ako. San nga pala yung pula buhok na nakaupo dun
kanina?"
"Ah si Red Xenos." May ngiti sa mga mata niya pagkasabi ng pangalan.

"Huh? Red Xenos? Dahil Red Buhok niya, red na rin name niya ganun?"

"Hindi! Yun lang tawag naming mga girls sa kanya kasi isa siya sa magkakapatid na
Xenos, and dahil nga red ang buhok niya.. Red Xenos.." gusto ko matawa sa kanya,
kailangan talaga may ganun pa, eh paano kung bukas purple na hair niya, Purple
Xenos na ang itatawag nila sa kanya?!

"Ah ok, gets ko na.. Pero ano talaga pangalan niya? Tsaka nasan siya?"

"Tyler ang name niya. Hindi ko rin alam kung nasaan siya, bigla na lang siyang
umalis na parang inis na inis.. Lalo tuloy siyang nagmukhang hot sa paningin ko!
Eeeee!!" Kailangan talaga may kasamang tili??

"Ok.. Thanks Mica.."

Natapos naman ng maayos ang buong araw ko.. Wala ni isang nang-asar sa'kin o
nagpaalala nang nangyari kaninang umaga. Parang ang bait ng mga tao sa paligid ko
ngayon ah..

Pagkatapos ng klase, pumunta na ako agad sa parking lot kung saan naghihintay na si
Manong Ed.

"Manong Ed, tara na po!" Excited akong umuwi kasi manunuod pa ko ng mga drama sa
tv.

Pagdating ko sa bahay naabutan kong nakabihis si mommy at may dala-dalang basket na


may mga lamang pagkain.

"Ma, san niyo po dadalhin yan? At san po kayo pupunta?"

"Hannah, may mga bagong lipat tayong kapitbahay. Kaya ito nagbake at nagluto ako
para ibigay sa kanila, bilang welcome na din. Tara samahan mo ko." Hinatak agad ako
ni mommy kaya wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya, ni hindi man lang ako
nakapagpalit ng damit.
Ding-dong..

Nagdoorbell kami, pero ang tagal walang lumalabas.

"Ma, wala po atang tao eh.. Tara na, bukas na lang."

"Hindi meron yan.. Isa pang doorbell."

Ding-dong..

"Ayan-ayan may nagbukas na nang pinto.." sabi ni mommy.. "Hello!" bati niya dito

Nang mamukhaan ko yung palabas ng pintuan at palapit sa'min.. Gusto ko ng tumakbo


paalis!!

Si Tyler!!! Waaahhh!

My Hot Alien Boyfriend *2*

Ding-dong..

"Ayan-ayan may nagbukas na nang pinto.." sabi ni mommy.. "Hello!" bati niya dito

Nang mamukhaan ko yung palabas ng pintuan at palapit sa'min.. Gusto ko ng tumakbo


paalis!!

Si Tyler!!! Waaahhh!

Nagtago ako sa lukuran ni mommy, pero sa bawat hakbang na palapit si Tyler sa gate
para buksan ito, tumitindi ang kabog ng dibdib ko, parang gustong lumabas sa
sobrang pagkabog nito.
Nagsimula ng gumalaw ang mga paa ko, aalis ako! Kailangan akong makaalis dito,
hindi niya dapat malaman na magkatapat lang ang mga bahay namin! Waahhh!!!

Pero si mommy, ang bilis ng kamay eh, nahawakan agad ako sa braso..

"Hannah, anong problema? Dito ka lang.." bulong ni mommy sa'kin..

"Wa-wala po.." sabay tago ulit sa likod ni mommy.. mata ko lang ang nakalabas.

Ayan na siya! Ayan na siya!!

Binuksan na ni Tyler yung pinto. Naksimangot siya! Napatingin siya sa'kin at lalong
sumama yung mukha niya! Nakilala niya agad ako kahit mata ko lang ang kita?!
Waaahhh!! Weird niya talaga!

"Hi!! I'm Mrs. Carol Santiago. One of your neighbors. Dyan lang kami sa tapat."
Sabay turo ni mommy sa bahay namin. "Ito nga palang daughter ko si Hannah."

*Awkward*

*Moment of Silence*

"Hannah, say hi naman.." sabay ngiti ni mommy kay Tyler.

"H-hi.." inabot ko yung kamay ko pero hindi pa rin ako umalis sa likod ni mommy..
Alam ko takang-taka si mommy kasi hindi naman ako mahiyaing tao. Kapal nga ng face
ko, at alam ni mommy na isa akong dakilang usisera, sa tuwing may bago kaming
kapitbahay, present ako sa pag-welcome sa kanila.

Inabot ni Tyler yung kamay ko, at swear ang init ng palad niya.. Sobrang init pero
hindi ko alam kung bakit natagalan kong hawakan yun, hindi pa naman ako fan ng
maiinit na bagay.. Uminom nga ng mainit na kape, gatas o tsokolate ayoko eh. Madali
kasi akong mapaso. Pero bakit yung kamay niya, ok lang? Kaya ko hawakan? Tsaka
parang ayaw ko nga bitawan eh. Kung di pa niya bitawan yung kamay ko hindi ako
bibitaw.

"Pwede ba kaming pumasok?" tanong ni mommy.. hehe.. Kapal din ng mommy ko noh?
Ininvite sarili? hehehe..

"Ah, sige po.."

"Ito nga pala, muffins bi-nake ko. Nagluto din ako ng pasta para sa inyo.." sabay
abot ng basket kay Tyler.
"Thanks po."

Lumakad na si Tyler papasok ng bahay nila bitbit yung basket, nakasunod naman kami
ni mommy.

"Ang ganda ng garden nila ah.. Nung sina Mrs. Perez pa kasi ang nakatira dito,
hindi naalagaan yung mga halaman." Puna ni mommy, pero totoo naman. Ilang beses na
din kasi kaming nakapasok sa bahay na'to nung iba pa ang may-ari at ang laki talaga
ng ginanda ng mga halaman.

Pagpasok namin sa bahay nila, ang ganda.. Ibang-iba na yung ayos.. Pati mga gamit..
May nakapukaw ng pansin ko.. Isang bilog na parang crystal ball na nasa ibabaw ng
center table nila. Pagka-upong pagka-upo ko kasi, yun agad ang napansin ko.
Hahawakan ko sana pero..

"Huwag mong hawakan yan!" awat agad sa'kin ni Tyler.. Inilayo ko kagad yung kamay
ko. Kainis para naman akong batang pinagbabawalan kasi baka makabasag! hmp!

*Awkward*

"Ikaw lang mag-isa ngayon dito?" pag-iiba ni mommy ng topic.

"Nasa school pa po yung mga kapatid ko." sagot niya, malamang nasa school pa talaga
kasi siya umuwi agad, hindi pumasok sa klase.. At may mga kapatid pala siya ah..

Teka!!

Tyler Xenos name niya.. Tapos yung blue buhok si Patrick Xenos.. Magkapatid
sila?!!! Boba ka talaga Hannah.. Sobrang slow mo! Malamang parehong Xenos ang
apelyido nila.. At naalala ko yung sinabi ni Mica kanina.. "isa siya sa
magkakapatid na Xenos" .. OMG, magkapatid sila ni Patrick? Pero bakit si Patrick
mabait at itong isang ito, sobrang sungit!

Hindi ko napansin nag-chichikahan na pala sila ni mommy..

"Talaga? Sa iisang school lang pala kayo nitong si Hannah, pwede pala kayong
pumasok ng sabay tuwing umaga.."
"Ma!" saway ko kay mommy.. ako sasabay dyan? No way! Andyan naman si Manong Ed para
ihatid ako eh..

"Hannah, be nice.. " bulong ni mommy sa'kin.. "Nasaan pala ang parents niyo?"

"Nasa ibang bansa po sila, kaming apat lang po ang magkakasama dito."

Chumika pa ng chumika si mommy.. Ako tahimik lang.. Ayoko maki-chikka sa kanila..


Ayoko din naman maging close dito sa Patrick na'to!

"Tyler, pwede bang makigamit ng CR?" tanong ni mommy.. Naman! Bakit naman ngayon pa
nakaramdam ng tawag ng kalikasan si mommy.. Maiiwan tuloy kaming dalawa dito ni
Tyler!

"Ma, sama ko!" natawa si mommy..

"Hannah, ano ka ba, para kang bata.. Dyan ka lang, makipagkwentuhan ka kay Tyler.."
wala na kong nagawa.. Kainis.. Ang tagal pa namang gumamit ng CR ni mommy..

Naka-upo lang kami pareho.. Nakatingin si Tyler sa'kin.. Magkasalubong ang mga
kilay.. Ano ba talagang galit niya sa'kin? Hindi ko naman talaga sinasadya yung
kanina eh!!

Umiiwas ako ng tingin pero ewan ko ba.. Napapatingin at napapatingin pa din ako sa
kanya. kahit na ang sama ng tingin niya sa'kin.. Ayoko siyang tignan sa mga mata,
kaya bumaba yung tingin ko sa ilong niya.. Hmm.. Ang tangos ah.. Tapos sa labi
niya.. Ang red at parang ang lambot ah..

*Flashback*

*tsup*

Waaahhh!! Ano ba namang flashback yan! Bakit ba nauso pa yan! Ayoko na nga maalala
yun eh!

May narinig akong ingay sa labas,. Parang boses ng mga lalaking nagkukulitan..
"TYLER!!! Andito na kami! Bakit ba di ka pumasok.. Porke't nakita mo na yung
kabiyak ng puso mo umuwi ka na agad." Sigaw nung nasa labas.. Kailangan talaga
sumigaw? Hindi ba pwedeng pumasok muna dito sa loob?

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!" narinig kong may sumigaw.. "OUCH! OUCH!! Chris patayin


mo 'to! Patayin mo 'to!" OMG, anong papatayin? Sinong papatayin?! Natatakot na ko!
Waaahhh!!!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Hindi ako mapakali.. Sa takot ko nakalimutan
kong si mommy nasa CR pa.. Nagtatakbo ako palabas sana ng pintuan.. At nawala din
sa isip ko na nasa labas lang sila ng pintuan.. Kung may pinapatay sila sa labas..
Baka isunod nila ako.. Waaahhh!

Pero huli na, napahawak na ko sa doorknob at nabuksan ko na yung pinto.. Ikinagulat


ko yung nakita ko..

Yung green ang buhok.. nag-aapoy yung buhok niya, tapos may lumulutang na balde sa
ibabaw ng ulo niya, bumaligtad yung balde at nabuhusan siya ng tubig na laman
nito.. Tawa ng tawa yung blonde ang buhok tsaka si Patrick.. Di nila napansin yung
presensya ko.. Di nila alam na nakita ko lahat ng nangyari..

Dahil nga sobrang slow ko, late na na-process ng utak ko yung mga nakita ko.. Ulong
umaapoy.. Baldeng lumulutang..

**Loading**

"Aaaaahhhhhhhh!!!!!!!" sigaw ko ng mapagtanto kong di normal yung mga nakita ko...

Hindi ko na alam yung mga sunod na nagyari kasi hinimatay na ako..

My Hot Alien Boyfriend *3*

Dahil nga sobrang slow ko, late na na-process ng utak ko yung mga nakita ko.. Ulong
umaapoy.. Baldeng lumulutang..

**Loading**
"Aaaaahhhhhhhh!!!!!!!" sigaw ko ng mapagtanto kong di normal yung mga nakita ko...

Hindi ko na alam yung mga sunod na nagyari kasi hinimatay na ako..

Nang magising ako nakahiga na ko sa kama ko sa loob ng sarili kong kwarto.


Napabangon agad ako ng maalala ko si mommy. Nasaan si mommy? Baka may nangyari nang
masama sa kanya! Baka kung anong ginawa sa kanya nung apat na kutong lupang yun!!

Kumaripas ako ng takbo pababa ng hagdan, habang sigaw ng sigaw. "Mommy! Mommy!!"

Nakita kong lumabas si mommy galing ng kitchen, "Hannah, what's the problem?!"

"Mommmyyyy!!!!!" nagtatakbo ako palapit kay mommy.. Niyakap ko kaagad siya, chineck
ko buong katawan niya.. Mga kasuluksulukan.. Para tignan kung may sugat ba siya,
gasgas, baka kung anong ginawa nila sa kanya! Baka sinaktan nila ang mommy ko!

"Hannah, anong ginagawa mo?"

"Ma, ok lang po ba kayo? Di ba nila kayo sinaktan?! Sabihin niyo lang po kung
meron, gaganti tayo.. Magsusumbong po tayo sa pulis! Ipapakulong po natin sila!
Waaahhh! Mommmmyy!!!" sabay yakap ko kay mommy..

Natatawa si mommy sa'kin. Pero bakit? May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?! Waaahhh!
Baka ginawa sila sa utak ng mommy ko!

"Hannah.. Walang masakit sa'kin.. Tsaka sino bang tinutukoy mo na mananakit sa'kin?
Kanino tayo gaganti? Sinong ipapakulong?" nagtatakang tanong ni mommy.. May ginawa
talaga sila sa utak ni mommy.. Ang sama nila!!

"Yung apat na kutong lupa na bagong lipat po dyan sa tapat natin! Ma, alam mo po
nakita ko, may ulong umaapoy, tapos may baldeng lumulutang! Ma, di sila normal!
Hindi ko po alam kung saan sila galing.. Pwedeng galing sa ilalim ng lupa.. Baka
mga engkanto sila.. O baka naman mommy galing sila sa ibang planeta.. Baka mga
aliens sila! Mommy, nakakatakot!!! Mommy, baka katapusan na ng mundo! Waaahhhh!!!"

"Hannah.."
"Waaahhh! Mommy I'm scared!"

"Hannah.."

"Ma, alis na tayo! Tawagan natin si daddy, sabihin mo po umuwi na siya dito..
Mommy!"

"HANNAH!!" natahimik ako bigla..

"Mommy.."

"Hannah, nanaginip ka lang at akala mo totoo yung mga napaginipan mo.. Walang
nangyaring ganyan kanina.. Alam mo bang habang nagkwekwentuhan kami ni Tyler
kanina, narinig na lang namin naghihilik ka na.. Tulog na tulog ka at kahit anong
gising ang gawin ko sa'yo di ka magising-gising.. Kaya nag-offer na si Tyler na
ihatid tayo dito. Alam mo bang buhat-buhat ka niya mula sa bahay nila hanggang dun
sa kwarto mo.. Nagsasalita ka pa habang natutulog.. Paulit-ulit mong binubulong..
Ulong nag-aapoy, baldeng lumulutang.. Natakot nga ako baka binabangungot ka, pero
sabi ni Tyler ok ka lang daw, huwag daw ako mag-alala. At alam mo kung ano lang ang
nagpatigil sa'yo.. Nung hawakan ni Tyler yung kamay mo.. Di ko nga alam kung paano
niya nagawa eh.. Pero kung ano man paliwanag dun hindi ko na inalam.. Basta ang
importante ok ka.."

"Ma, totoo po yung mga nakita ko.. Ba't di po kayo naniniwala sa'kin?!"

"Hannah, iba ang panaginip sa katotohanan.. Bumalik ka na sa kwarto mo at magpalit


ka na ng damit, pagkatapos bumaba ka na dito at maghahapunan na tayo.. At kalimutan
mo na yung napaginipan mo.."

"Pero mommy.."

"Akyat na.."

"Ok po." hindi na ko nakipagtalo kay mommy.. Alam ko may ginawa talaga sila!!
Kinabukasan..

Ang aga ko nagising, nauna pa ko sa alarm clock ko.. At hindi na ko bumalik ulit sa
kama para matulog.. Naligo agad ako at nag-ayos.. For the first time ata hindi ako
male-late,,

"Mommy!! Ano pong breakfa--" di ko natapos sasabihin ko ng pagkakita kong nakaupo


at kasabay na kumakain ni mommy yung apat na kutong lupang power rangers! "Anong
ginagawa niyo dito??!!!"

"Hannah! Ganyan ba bumati sa bisita?" saway ni mommy.. Ako pa tuloy ang


napagalitan! Hmp! "Upo na at kumain ka na rin.. Niyaya ko sila dito para sabay-
sabay na kayong pumasok.."

"Huwaaat???!! Ma, ayoko po sila kasabay!"

"Hannah.. Iisang school lang naman kayo at classmate mo pala 'tong sina Tyler at
Patrick. Dapat diba Hannah winewelcome mo sila kasi bago lang sila sa school
niyo.." Tumingin si mommy sa power rangers.. "Pagpasensyahan niyo na 'tong anak ko
ah..Masyado lang siyang nadala sa mga panaginip niya.. Siguro nakwento na sa inyo
ni Tyler yung nangyari kahapon.."

At talagang ako pa dapat pagpasensyahan! Kakainis ah!

"Ok lang po yun tita.." sagot nilang apat.. At kung maka-tita wagas!! Anong ok lang
yun?! Di yun ok! Ayoko sila makasabay!!! Mommy bakit?!! Na-brainwashed na nila si
mommy ko!!

Wala akong nawaga kundi sumabay sa pagkain sa kanila.. Pagkatapos hinatid pa kami
ni mommy sa sasakyan.. Nai-ready na kasi ni Manong Ed..

"Bye!! Goodluck sa school! Ingat kayo!" paalam ni mommy sa'min.. Gusto ko ng


lumabas ng kotse! Magcommute na lang kaya ako?! Huwag lang makasabay sa kanila!

Nasa passenger's seat ako sa harap.. Habang yung apat na kutong lupa nasa likuran!
Naghaharutan yung Blonde at Green ang buhok.. Habang si Tyler tahimik lang na
nakatingin sa labas.. Si Patrick biglang nagsalita.. "Ok ka lang Hannah?"

Nagtanong pa siya! Obvious naman yung sagot! Isang malaking HINDI!!!! Takot na
takot kaya ako.. At pinipilit kong hinidi ipahalata sa kanila.. Dapat isipin nila
matapang ako, malakas ako at hindi ako natatakot sa kanila!

Hindi ko siya pinansin.. Akala ko pa naman mabait siya.. Yun pala may tinatago
sila!

Pagbaba namin ng kotse..

"Bye po Manong Ed! Salamat!" paalam ko kagad kay Manong Ed at nagsimula na ko


maglakad.. Actually hindi lakad eh kundi takbo.. Kailangan makalayo ako agad sa
kanila.. Pero ang bilis nila, nakasunod agad sa'kin..

"Hannah, kailangan ka namin kausapin.." sabi ni Patrick..

Bakit? Kasi totoo nga lahat ng nakita ko kahapon! Hindi yun panaginip tulad ng
sinasabi ni mommy!

Hindi ko siya pinansin..

"Chris.." narinig kong sabi niya..

Napatigil ako sa paglalakad kasi bigla na lang nasa harapan ko na yung Blonde ang
buhok.. So siya si Chris? "Please Hannah.. Kailangan ka talaga namin maka-usap.."

Nilagpasan ko lang siya.. Tuloy pa rin ako sa lakad-takbo na ginagawa ko..


Nakasunod pa rin silang apat sa'kin.. At napapansin na yun nung ibang estudyante na
nagsisidating na rin para pumasok ng school. Padami ng padami na din yung mga babae
na palapit sa'min para umusyoso kung anong meron at nakasunod 'tong apat na kutong
lupa sa'kin..

"Anong meron? Bakit sila nakasunod sa loser at bobang Hannah na yan?!"

"Yan na ba ang bagong uso ngayon? Kahit di maganda hinahabol ng mga hot guys?"

"Parang gusto ko na din ata maging loser kung ganyang kagwagwapo ang hahabol
sa'kin!"

"Baka naman may atraso si Hannah sa kanila kaya siya hinahabol.."


"Ay korek ka dyan!"

Hay naku! Bahala kayo kung anong gusto niyong sabihin.. Oo, mga hot at gwapo sila,
pero kung alam niyo lang kung anong tinatago ng apat na 'to panigurado gagawin niyo
din yung ginagawa ko ngayon!!

"Hannah, pag di ka tumigil.. Sapilitan ka namin patitigilin.." Huwwwaahhh!! At


pinagbantaan pa ko! Langyang berdeng buhok na 'to!

Wala! Hindi ako titigil!! Konti na lang naman makakapasok na ko sa loob ng school!

Pero bigla na lang akong umangat at yung mukha ko nakaharap na sa lupa!! May
bumuhat sa'kin at nang makita ko yung berde buhok.. Tinotoo yung sinabi niya...
Sapilitan nga akong pinatigil!

"OMG! Ano ba talagang nangyayari?" sabi ng isang usisera..

"Tulungan niyo ko! Tulungan niyo ko!" sigaw ko.. Huwahhh!! ano kayang gagawin
sa'kin? Baka sunugin ako ng buhay? Lunurin sa tubig? Huwaaahhh!

"Chris.. Gawin mo na.." utos ni Patrick sa kanya..

Huwaahhh!! Anong gagawin?!!

Tumigil sa paglalakad si Chris.. At isang pitik lang daliri niya nagsitigilan sa


paglalakad yung mga sumusunod at umuusyoso sa'min..

Huwwaaahh!! Pinatigil niya para walang tumulong sa'kin!

Nakatingin lang lahat sila sila kay Chris "Magsipasok na kayo sa mga klase niyo at
lahat ng nakita niyo ngayon, makakalimutan niyo.." nagsitango naman silang lahat na
parang sunud-sunuran sa mga sinabi ni Chris..

Huwaaahhh!! Hopeless na ko! Ito na ang katapusan ko.. Paalam mommy.. Paalam daddy..
Paalam sa lahat.. Huwaaahhh!!

Dinala nila ako sa garden ng school.. Ibinaba na ko nung Green ang buhok..

"Sorry ah.. Kailangan ko lang talaga gawin yun.."

"Lumayo kayo sa'kin! Ano bang balak niyo gawin sa'kin? Wala naman akong ginawang
masama sa inyo ah! Di ko naman kasalanan na makita lahat ng nakita ko kahapon!
Tsaka anong ginawa niyo sa mommy ko, bakit ang bait-bait niya sa inyo at mas
pinaniniwalaan pa kayo kesa sa'kin! Ang sama-sama niyo!" Sabi ko na umiiyak na..

"Tama na.. Tigilan niyo na siya.. Hindi ko naman siya kailangan. Kaya di niyo na
kailangan pa gawin 'to." biglang nagsalita ni Tyler..

"At ano? Lalayo ka at unti-unting magpapakamatay? Ganun ba?" sabi ni Chris..

"Alam nating kailangan mo siya at hindi ka pwedeng malayo sa kanya.. Ang tagal mong
hinintay 'to tapos tatapusin mo lang ng ganito?" sabi nung green ang buhok na
hanggang ngayon di ko pa din alam ang pangalan.. Habang busy sila sa pag-uusap na
hindi ko naman maintindihan.. unti-unti akong pumuslit..

"Kailangan lang na'tin siya kausapin ng maayos para maintindihan niya.. Diba Hannah
makikinig ka naman sa'min?" tanong ni Patrick .. "Hannah san ka pupunta?!" patay
nahuli ako!

Tatakbo na sana ako ng may biglang ugat na lumabas sa lupa at pumupupot sa paa ko..
mayroon din sa bewang ako at napaupo ako sa isang upuan na gawa din sa ugat ng
puno.. Huwaaahhh!! Ano 'to??

Nasa harapan ko na yung tatlo.. Si Patrick.. Chris at green ang buhok.. Nasaan si
Tyler? Siya lang ata ang hindi sang-ayon dito sa tatlong 'to.. Baka naman pwede
niya ko tulungan? Huhuhu..

"Please Hannah.. Ayokong gawin 'to sa'yo, pero para 'to sa kapatid ko.."

"Tama na Michael.." Sabi ni Tyler. so Michael pala name nitong green ang buhok..
"Hindi ko siya kailangan at isa pa hindi ko siya gusto.. Tignan niyo naman yung
itsura.. Hindi siya pasado sa'kin.. At isa pa isa siyang mortal.. Baka nagkaroon
lang ng pagkakamali.. Hindi siya ang kabiyak ng puso ko.. At alam kong may ginawa
kayong kalokohan kahapon kaya nangyari yung aksidenteng paghalik niya sa'kin.."

Ok na eh.. Ililigtas na ko.. Pinigilan na niya kapatid niya.. Pero may kasama
talagang panlalait?!

"Hoy ang kapal ng mukha mo! At sino namang nagsabi sa'yo na pasado ka din sa'kin?!!
Hindi ka kagwapuhan noh?! Utang na loob! Ayoko sa mga weirdong katulad niyo! At oo
aksidente yung nangyari kahapon, alam mo naman palang kagagawan niyang mga kasama
mo yung nangyari pero ikaw galit na galit ka sa'kin kulang na lang palamon ako sa
lupa makapagtago lang sa'yo at diyan sa matatalim na tingin mo!!!" sunod-sunod na
sabi ko.. Napatunganga tuloy sila sa'kin..

"Nice.. Sure ka Tyler? Ayaw mo sa kanya? Ganyan ang gusto mo diba? Palaban? hehehe"
pang-aasar ni Chris sa kanya..

"Alam mo Hannah.. Hindi galit si Tyler sa'yo.. Ang totoo niyan.. Galit siya sa
sitwasyon niyo.." sabat naman ni Michael..

"Alam niyo hindi ko naman naiintindihan yung mga pinagsasabi niyo.. Kaya pwede ba
pakawalan niyo na ko!!"

"Makinig ka muna sa'min, kahit sandali lang para maintindihan mo yung mga
nangyayari.." pagmamakaawa ni Patrick sa'kin.. "Tyler bakit hindi na lang kasi ikaw
ang gumawa.. Para matapos na 'to.. Para maintindihan niya at malaman mo yung
isasagot niya.."

"Sinabi na ngang ayoko.." matigas na sagot ni Tyler..

"Huwag kang duwag.."

"Hindi ako duwag!"

"Pwes gawin mo yung sinasabi ko.."

"Ayoko nga!"

"Duwag ka nga.. Takot ka kasing masaktan.. Ano ngayon kung mortal siya?"

"Basta ayoko!"
"Duwag.."

"Hindi nga ako duwag! Sige na! Oo na! Gagawin ko na!"

Unti-unting lumapit si Tyler sa'kin.. Kinakabahan ako sa bawat hakbang niya..


Napansin kong nasunog yung mga ugat na nakapulupot sa'kin at nakatayo na ko.. Pero
hindi ako nasaktan kahit na dumampi sa balat ko yung apoy..

"Kailangan talaga sunugin ang mga ugat ko?!" galit na sabi ni Michael..

"Tumahimik ka kung ayaw mong sunugin ko ulit yang buhok mo.." sagot naman ni
Tyler..

Natawa sina Chris at Patrick sa sinabi ni Tyler..

"Sige, tawa pa.." inis na sabi ni Michael..

Nasa harapan ko na si Tyler ngayon.. Napako ako sa kinatatayuan ko..

"Sandali lang 'to.." malumanay na sabi niya sa'kin.. Para akong hinehele ng boses
niya.. Nawala lahat ng takot ko..

Nilahad niya yung dalawang palad niya sa'kin.. Nakita kong may tattoo na hugis
apoy.. Pero hindi siya normal na tattoo, kasi literal siyang nag-aapoy.. Gumagalaw
yung tattoo.. Nagliliyab..

"Hawakan mong kamay ko.. Huwag kang matakot.."

Sinunod ko yung sinabi niya, hindi ako natakot na pwede akong mapaso..

Inilapat ko yung palad ko sa palad niya.. Hindi ako napaso.. Mainit pero hindi ako
napaso.. At nagumpisa akong makakita ng iba't-ibang scenes sa utak ko.. Mga
flashbacks.. Tungkol sa buhay niya.. Nila.. Tungkol sa lugar na pinanggalingan
nila..
Magkakapatid silang apat.. Panganay si Patrick, pangalawa si Chris, pangatlo si
Michael at bunso si Tyler.. Namatay ang mga magulang nila dahil sa gyera, pero
matagal na yung tapos, matagal na panahon ng nangyari.. pero ito ang
pinakamalungkot na araw para kay Tyler.. Unang beses na makaramdam siya ng sakit..
Yung lungkot na naramdaman niya parang naramdaman ko din nang makita ko yung mga
huling ala-ala niya sa mga magulang nila..

Sunod kong nakita mga masasayang araw.. Mga araw kung saan nahanap na nina Patrick,
Chris at Michael yung mga kaibiyak ng puso nila ng dahil sa isang halik.. Tatlong
magagandang babae.. Mukhang mga diyosa..

Sunod na scene yung sa'min ni Tyler.. Nanlumo naman ako dun kasi ang pangit nung
sa'min.. Hindi romantic.. Nakakahiya at sobrang epic.. Epic fail talaga..

Dahil sa kalokohan ni Michael may biglang tumubong bato sa lupa dahilan para
matisod ako.. Kagagawan naman ni Chris kaya ang layo ng narating ko.. Hangin pala
ang kapangyarihan niya, kaya pala pakiramdam ko nun lumilipad ako.. At sakto nga
ang bagsak ko sa harapan ni Tyler.. Kaya aksidenteng nahalikan ko siya.. Pero
aksidente nga kaya.. O talagang nakatadhana..

Biglang bumilis yung tibok ng puso ni Tyler at uminit yung mga palad niya.. Alam na
niya.. Sa puntong yun alam na niya na ako ang kabiyak ng puso niya.. Pero galit
siya.. Ayaw niya.. Hindi sa ayaw niya sa'kin.. Pero galit siya dahil mortal ako..
Mortal ako at maigsi lang ang buhay ko, hindi tulad nila.. Alam niyang dadating ang
araw na iiwan ko din siya.. Ay ayaw niya nun.. Ayaw niyang masaktan.. Kaya
nakapagdesisyon na siya.. Lalayo na siya.. babalik sa planetang pinanggalingan
nila.. Hihintayin yung araw na paglisan niya.. Dahil ang paglayo niya sa'kin..
Kapalit nun ang buhay niya.. Sa araw na mahanap nila kasi ang kabiyak ng mga puso
nila, hindi sila pwedeng malayo dito.. Yung crystal ball sa salas nila.. Yun pala
ang daan para madali silang magpababalik mula sa planeta nila at papunta dito sa
mundo namin.. Dahil hindi pwedeng malayo sina Patrcik, Chris at Michael sa mga
babaeng mahal nila..

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha ko..

"Huwag kang lumayo.. Huwag mo kong iiwan.." yun lamang ang mga katagang lumabas sa
bibig ko..

Tinanggap ko na ang kapalaran ko.. Tinanggap ko ang pagiging kabiyak ng puso


niya... Dahil kung anong nararamdaman ng puso niya ngayon yun na rin ang
nararamdaman ng akin..

My Hot Alien Boyfriend *4*


Hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha ko..

"Huwag kang lumayo.. Huwag mo kong iiwan.." yun lamang ang mga katagang lumabas sa
bibig ko..

Tinanggap ko na ang kapalaran ko.. Tinanggap ko ang pagiging kabiyak ng puso


niya... Dahil kung anong nararamdaman ng puso niya ngayon yun na rin ang
nararamdaman ng akin..

"Salamat ah.. Pero ayoko sa iyakin.." masungit na sabi ni Tyler..

Anak ng! Pagkatapos kong drumama ever dito.. May I cry pa ang lola niyo.. Bigla
akong sasabihan ng ayaw niya sa iyakin??! Eh sa na-touch ako eh! Bakit ba!?

"Halika nga dito.. Yuko ka ng konti.. Konti lang naman.." Sumunod naman siya sa
sinabi ko.. Medyo yumuko siya.. Tangkad niya kasi eh.. May balak lang kasi ko
gawin.. Nang magka-level na kami..

"Aray!" isang malakas na pitik lang naman sa noo ang binigay ko sa kanya.. Sungit
sungit kasi.. Alam ko naman at ramdam na ramdam ko na iba yung sinasabi niya sa
totoong nararamdaman niya para sa'kin.. Palabas lang niya na ayaw niya sa'kin..
Kahit kasi tinanggap ko na yung pagiging kabiyak ng puso niya.. Siya ayaw niya pa
din.. Alam kong ayaw niyang mapalapit sa'kin, kasi kung ano man yung nararamdaman
niya ngayon alam niyang lalong titindi yun sa bawat panahon na makakasama niya ko..

Tawa lang si Michael at Chris.. Si Patrick naman tumabi sa'kin.. "Salamat Hannah..
At pagpasensyahan mo na si Tyler.."

"Ok lang naiintindihan ko.." sagot ko naman.. Si Tyler nakasimangot lang..

Hay kawawa naman ako.. Bakit ko ba tinanggap?! Ayan tuloy, kailangan ko din lumayo
sa kanya.. Dahil yun ang gusto niya.. Kahit na iba ang gusto ko.. Nang tanggapin ko
kasi yung pagiging kabiyak ng puso niya.. Parang naging isa na kami.. Hay sana
makaya kong lumayo, dumistansya.. Sa totoo lang ang hirap.. Ngayon nga habang
kasabay ko silang apat na naglalakad papasok ng school, parang gusto ko tumabi sa
kanya.. At hawakan ulit yung kamay niya.. Pero pinigilan ko.. Swear ang hirap
talaga! Parang na-program ako, na siya lang ang gusto ko, na dapat palagi kami
magkasama. Haaayyyy.... Isang malaking haaayyyy.... (_ _)
Si Chris at Michael pumunta na sa klase nila.. Magkasama sila. Ang palabas kasi
nila fraternal twins sina Chris at Michael. Tapos ganun din si Patrick at Tyler..
Si Patrick ang sumama kay Tyler kasi kailangan niyang bantayan si Tyler.. Hindi pa
kasi nito kontrolado masyado yung powers niya.. Lumalabas lang kasi yung powers
nila sa araw na matagpuan nila yung mga kabiyak ng puso nila. At sa case ni Tyler
kahapon lang yun.

Naunang pumasok ng classroom si Patrick sunod si Tyler at huli ako.. Pero bago ako
makarating sa upuan ko may pumatid sa'kin dahilan para mapaluhod ako.. Tawanan yung
boung klase.. Napalingon agad si Tyler sa'kin.. Tumayo ako agad habang inaayos yung
uniform ko.. "Ayos lang ako.. ayos lang ako.." sabi ko, kahit hindi yun ang totoo..
Nakita kong bigla niyang tinignan ng masama yung classmate naming lalaki na pumatid
sa'kin na kasalukuyang tawa pa din ng tawa. Nakasarado yung mga palad ni Tyler pero
umuusok yung mga yun.. Hinawakan siya ni Patrick sa braso tapos may ibinulong siya
na hindi ko narinig.. Siguro sinabi nito na pigilan ni Tyler yung sarili niya kasi
baka makapanakit siya.. Inilibot ko yung tingin ko sa mga classmate ko sa pag-
aalala na makita nila yung usok sa kamay ni Tyler pero parang wala silang reaksyon,
mukhang hindi nila nakikita..

Nakahinga ako ng maluwag.. Lumapit agad ako kay Tyler. Hinawakan ko siya sa kamay..
At sinabi kong ok lang ako.. Pero bigla niyang hinawi yung kamay ko at sinabihan pa
ko sa masungit niyang tono.. "Sa susunod kasi mag-iingat ka!" Buti na lang
naiintindihan ko kung bakit siya ganyan sa'kin.. Kung hindi siguro baka nangawa na
ko dito..

Yung mga classmate naman naming babae, nagbulungan na na parang mga bubuyog..
Habang yung mga lalaki.. Lalong nagsitawanan..

"Duh! Feeler naman 'tong si Hannah.. Bakit ganun reaksyon niya? Tingin ba niya
concern si Tyler sa kanya.."

"Nakita niyo naman yung reaksyon diba? Obvious na hindi.. Sinungitan tuloy siya.."

"Ang hot talaga niya pag galit.."

Hay.. Hannah naman kasi.. Pigilan mo sarili mo!! IWAS NA! Nagtuloy na lang ako sa
paglakad papunta sa upuan ko.. Tinignan ako ni Patrick na parang sinasabing
pasensya na, ok ka lang ba? Isang ngiti na lang ang ibinigay ko sa kanya..

Natapos yung first part ng ng klase na walang pumasok sa utak ko.. Boba talaga..
Babagsak na naman ako nito pagdating ng quizzes at exam..

Inayos ko yung gamit ko at mag-isang lumabas ng classroom.. Tuwing recess naman


ganto.. Mag-isa akong kumakain.. Gusto ko sana sumabay kina Tyler, pero alam ko
naman ayaw niya.. Kaya kahit niyaya ako ni Patrick, humindi ako..

Pagpasok ko ng cafeteria nagkakagulo.. Kanya-kanyang usapan at kanya-kanyang


tawanan.. Syempre umiral na naman ang pagiging usisera ko.. Hehehe.. May parang
palabas ata sa gitna kaya nakapalibot ang lahat.. Kung ano yun hindi ko alam, kaya
isiningit ko yung sarili ko hanggang sa makakuha ako ng magandang pwesto para
makita ko kung ano ba yung pinagkakaguluhan nila.. At nang makita ko.. Di ko
mapigilang tumawa..

Kasi yung classmate naming si Jeremy, yung pumatid sa'kin kanina.. Sayaw ng sayaw
na parang hindi niya mapigilan yung sarili niya.. At paulit-ulit niyang sinasabi..
"Tulungan niyo ko, hindi ko mapigilan yung sarili ko!" Kung ano-anong sayaw pinag-
gagawa niya.. Nakakatawa talaga kasi halatang parehong kaliwa yung mga paa niya..
Pero ang mas nakakakola, yung suot niya.. Hindi na kasi siya nakauniform kundi naka
tapis na lang siya na parang gawa sa mga damo at dahon.. Tapos nakita ko sina
Michael at Chris na tawa ng tawa.. Parang silang dalawa ang nangingibabawa sa
pagtawa..

"Whoa!! Sige pa sayaw pa!" sigaw pa ni Michael at Chris.. Lokong dalawa yun, alam
ko na sila ang promotor!

Lumapit ako sa kanilang dalawa..

"Hoy kayong dalawa.." bulong ko..

"Hannah! Sistah!" sabay pa nilang sabi..

"Shhhh.. huwag kayo maingay diyan.. halika nga kayong dalawa.." umalis kami sa mga
nagkukumpulang mga tao.. "Kayo may kagagawan nun noh?!"

"Oo." sagot ni Chris..

"Nagustuhan mo ba? Kinuwento kasi sa'min ni Tyler yung nangyari kanina.. Kaya
iginanti ka namin.. pasalamat nga siya yun lang napala niya.. Eh paano kung si
Tyler ang gumanti.. Sunog siya.. Baka abo na yan ngayon.." sabay tawa nilang
dalawa..

Mga loko-loko talaga.. Kahit nakakainis yung ginawa ni Jeremy, nakakaawa din siya..
Alam ko kasi yung pakiramdam ng pinagtritripan.. At hindi maganda..

"Halika kayong dalawa.. Yuko lang kayo ng konti.." matangkad din kasi 'tong
dalawa..

"Ayaw namin.." sagot ni Michael..

"Alam namin gagawin mo.. Pipitikin mo kami sa noo.." dagdag naman ni Chris..

"Hindi.. Bilis na.. Bago 'to.."

"Ok sige na nga.." pagyuko nilang dalawa.. Pinag-untog ko sila..

"Aray!" sabay himas nila sa gilid ng mga ulo nila.. "Ganyan ba magpasalamat dito sa
mundo niyo?" reklamo nilang dalawa..

"Hindi, pero ganyan ang ginagawa sa mga lalaking puro kalokohna na katulad niyo.."

"Para naman sa'yo yun eh.."

"Ok, salamat.. Pero pwede patigilin niyo na si Jeremy dun, nakakatawang nakakawa na
kasi.."

"Mamaya na.. Nag-eenjoy pa sila.. Dinig mo? hehehe.." kasi naririnig pa din talaga
namin yung mga tawanan nung mga estudyante na hanggang ngayon nakapalibot pa din
kay Jeremy..

"Basta patigilin niyo na.. Salamat sa ginawa niyo.. Siguro naman matututo na siya..
Pero huwag na huwag niyo na talaga uulitin, kahit na sino pa ang umapi sa'kin
dyan.. Kaya ko naman yung sarili ko.. Bago pa naman kayo dumating dito, sanay na
ko.. ok?"

"Ok.. ok.." at isang pitik lang ni Chris tumigil sa pagsasayaw si Jeremy.. "Ok,
tapos na ang palabas.." sabi ni Michael habang naglalakd papunta sa gitna...
Tumingin sa'kin yung dalawa.. Nag-thumbs up naman ako sa kanila..

Lumipas ang mga araw at linggo na iwas ako sa apat na magkakapatid, lalo na kay
Tyler.. Kahit na anong yaya sa'kin nung tatlo na sumama sa kanila, lagi lang akong
tumatanggi.. Kahit na gustong-gusto ko talaga sumama para malapit ako kay Tyler..
Hanggang tinginan lang kasi kaming dalawa..

Same pa rin ang mga araw sa school para sa'kin.. May mga nam-bubully pa din.. Pero
hindi na nakikialam sina Michael at Chris kahit na alam kong kating-kati na yung
dalawa na iganti ako.. Alam kasi nila magagalit ako sa kanila kapag inulit pa nila
yung kalokohan nila dati.. Sabi nga sanay na ko sa mga tao sa paligid ko.. Pero
nitong mga nakaraang araw parang tumitindi yung mga ginagawa nila sa'kin.. At itong
huli ang hindi ko na nakayanan pa..

Palabas na ko ng cafeteria dala yung paperbag na may lamang sandwich at juice.. Sa


may garden kasi ako kakain.. Masarap kasi kumain dun, tahimik, walang nangugulo at
isa pa presko ang hangin..

"Ooops! Sorry.." sabi ni Camille.. Ang reyna ng kamalditahan sa buong school..


Binuhusan lang naman niya ko ng juice sa palda ko.. Naging mabait pa siya ah, sa
palda lang buti hindi sa puting blouse ko.. Gusto ko siyang awayin kaso takot ako
na kutugin ng mga kabarkdada niya.. Kaya huwag na lang.. Deadma na lang parang
walang nangyari.. Tuwang-tuwa naman sila sa ginawa nila.. Tawanan sila..

Dumiretso na lang ang sa CR.. Para ayusin sarili ko, nawalan na din kasi ako ng
gana.. Lalabas na sana ako, pero hindi ko mabuksan yung pintuan.. Naka-lock!
Kumatok ako..

"May tao ba diyan?" tanong ko.. "Na-lock ako dito sa loob, pwede bang pakibuksan?"
Pero wala atang nakakarinig sa'kin.. Pinilit kong buksan pero wala talaga.. Nang
biglang magpatay sindi yung mga ilaw.. Kung ano-ano na tuloy yung naimagine ko!
Ulong pugot, white lady, batang duguan! Waaahhh!! May kwento-kwento pa naman dito
na may nagpapakita daw dito sa CR ng mga babae!

Katok ako, sobrang lakas..

"Hoy! Pagbuksan niyo ko!! Palabasin niyo ko dito! Parang-awa niyo na palabasin niyo
ko dito!"

Patay sindi pa din yung ilaw hanggang sa tuluyan na 'tong mamatay!

"Waaahhhh!!!! Parang awa niyo na buksan niyo 'to!" umiiyak na ko sa sobrang takot,
at naginginig na yung buong katawan ko.. Kahit ata hindi ako naiihi, maiihi ako sa
sobrang takot... May phobia kasi ako sa dilim.. "Parang awa niyo na! Takot ako sa
dilim! Parang awa niyo na!"

Bumukas yung pintuan at biglang may nag-flash sa mukha ko.. Tapos bumukas yung mga
ilaw na kanina nakapatay at nakita kong nagtatawanan sina Camille kasama yung mga
barkada niya..

"Hahahaha! Sorry Hannah ah, hindi ko lang talaga mapigilan yung sarili kong
tumawa.. Hahahaha! Nakakatawa ka kasi sobra!" sabi ni Camille..

"Girl kung nakita mo lang yung nakita namin, swear matatawa ka din sa sarili mo..
Hahaha!" dagdag pa ni Thea and pumapangalawa sa kamalditahan..

Hindi ko maipagtanggol yung sarili ko.. Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko, pero
nanginginig pa din yung buong katawan ko, dala ng sobrang takot kanina..

"Girls, tignan niyo 'tong picture ni Hannah, sobrang funny talaga.." pinicturan
pala nila ako kanina kaya may biglang nag-flash sa mukha ko..

Biglang may humablot sa digicam na hawak ni Camille.. Nang tignan ko, si Tyler na
galit na galit.. Hawak niya sa kanang kamay niya yung digicam at unti-unti 'tong
natutunaw sa nag-aapoy niyang kamay.. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko
magawa.. Tulala lang sina Camille, hindi makapaniwala sa nakikita nila.. Sobrang
late ng reaksyon nila, kasi ang tagal bago sila magsisigaw sa takot.. Kung saan-
saan silang direksyon nagsitakbo, naiwan kaming dalawa ni Tyler.. Itinapon niya sa
basurahan yung digicam saka ako binuhat paalis sa lugar na yun..

Dinala niya ko sa may garden, alam kong alam niya ito ang paborito kong lugar dito
sa school.. Nakaupo lang kaming pareho pero walang imikan..

"Hindi mo dapat ginawa yun.." ako na ang naunang magsalita .. "Paano kapag nalaman
nila yung sikreto niyo.."

"Si Chris na ang bahala sa kanila.. Kaya naman niyang burahin lahat ng nakita
nila.."

"Pero kahit na hindi mo pa rin dapat ginawa yun.."

"Hindi ko na kayang pigilan yung sarili ko.. Sobra na sila.. Galit-galit ako.."
mahinang sagot niya..

"P-pasensya ka na.. Bakit ba kasi ako pa naging kabiyak ng puso mo.. Bakit ba
napunta ka sa isang tatanga-tanga na katulad ko.. Hindi mo naman mararamdaman yan
kung hindi dahil sa'kin.." mangiyak-ngiyak na sabi ko..

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko, napansin niya siguro yung
panginginig pa rin nito..

"Tahan na.. hawakan mo na lang yung kamay ko para kumalma ka.." Ang sarap sa
pakiramdam ng pagkakalapat ng mga palad niya sa'kin.. Ang sarap ng init na
naidudulot nito.. Unti-unti naramdaman ko na kumakalma na ko at nawawala na yung
takot ko.. Sana palagi kaming ganto.. Pero alam kong hindi pwede kaya lulubusin ko
na, ihinilig ko yung ulo ko sa braso niya.. Hindi naman siya umiwas, hindi siya
tumanggi.. Ang saya ko.. Pero mas ikinasaya ko yung sunod niyang sinabi.. "Hangga't
nandito ako, hindi ka na matatakot, hindi ka na masasaktan at hindi ka na iiyak..
Pangako yan Hannah.."

My Hot Alien Boyfriend *5*

"P-pasensya ka na.. Bakit ba kasi ako pa naging kabiyak ng puso mo.. Bakit ba
napunta ka sa isang tatanga-tanga na katulad ko.. Hindi mo naman mararamdaman yan
kung hindi dahil sa'kin.." mangiyak-ngiyak na sabi ko..

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko, napansin niya siguro yung
panginginig pa rin nito..

"Tahan na.. hawakan mo na lang yung kamay ko para kumalma ka.." Ang sarap sa
pakiramdam ng pagkakalapat ng mga palad niya sa'kin.. Ang sarap ng init na
naidudulot nito.. Unti-unti naramdaman ko na kumakalma na ko at nawawala na yung
takot ko.. Sana palagi kaming ganto.. Pero alam kong hindi pwede kaya lulubusin ko
na, ihinilig ko yung ulo ko sa braso niya.. Hindi naman siya umiwas, hindi siya
tumanggi.. Ang saya ko.. Pero mas ikinasaya ko yung sunod niyang sinabi.. "Hangga't
nandito ako, hindi ka na matatakot, hindi ka na masasaktan at hindi ka na iiyak..
Pangako yan Hannah.."

------------

*Krrrrriiiiinnggggggg!!!*

5:30 AM

Pinatay ko kaagad yung alarm clock na nakapatong sa side table ko, bumangon ko para
maligo..

"Lalalalala..." pakanta-kanta pa ko habang naliligo.. Saturday ngayon, at walang


pasok.. May date kami ni Tyler.. Weeee!! ^___^

Pagkatapos ko maligo, nagtoothbrush at nagbihis na ko. Nag-ayos at nagpabango!


Ginamit ko yung pabango na regalo sa'kin ni Tyler nung nakaraang monthsarry namin..
6 months na nga pala kami.. Akalain niyo yun?! Ahaha! Pero kahit six months na
kami, yung mga classmates at schoolmates namin di pa rin maka getover.. Kaya nga
kumalat sa buong school yung chismis na marunong daw ako ng witchcraft at ginayuma
ko lang daw si Tyler.. Grabe diba?! Pero wala kaming pakialam sa kanila.. Basta ang
importante masaya kami at magkasama.. Dahil kami ang tinadhana para sa isa't-isa..

Bago ako umalis, nag-iwan ako ng note para kina mommy.. Dinikit ko yun sa pintuan
ng ref. namin. Para hindi sila magulat at kay aga-aga wala na naman agad ako sa
bahay.. Spell EXCITED?!!

H-A-N-N-A-H

Ahahah! XD

6:00 AM

Saktong 6:00 AM nasa tapat na ko ng bahay nila Tyler.. Nakita ko agad si Michael na
kinakausap yung mga alaga niyang bulaklak sa garden nila..

"Good morning Michael!" bati ko sa kanya..

"Good morning! Aga mo Hannah ah.."

"May date kasi kami ni Tyler.. Excited lang.. hehe."

"Haha.. Sige pasok ka na lang.."

"Ok!"

Pagpasok ko ng bahay nila, nasa Sala si Chris kasama si Sarah.. Si Sarah ang
kabiyak ng puso ni Chris.. Pareho hangin ang kapangyarihan nila..Ang ganda-ganda ni
Sarah, lalo na suot niyang dress.. Nahiya naman ang t-shirt at maong shorts ko sa
kanya pati na rin ang sneakers kong pula.. Mas mukhang siya pa ang may lakad kesa
sa'kin..

"Hi Hannah!!" bati agad ni Sarah sa'kin, sabay yakap.. Ang bilis niya di ko man
lang nakita kung paano siya nakalapit sa'kin..

"Hi Sarah.."

"Eeee!! You're so cute talaga Hannah!" sabay pisil-pisil niya sa pisngi ko.. Sa
tuwing magkikita kami, ganyan siya.. Para daw kasi akong bata, kasi naman ang mga
height nila.. Nakakapanliit talaga! Mukha pa silang mga college students.. Hindi
high school.. At kung tatanungin din naman ang edad, batang-bata talaga ako.. Halos
lahat ba naman sila nasa thousand years na.. Yung edad lang nila ang nagbabago pero
ang istura nila hindi.. Nag-stop ang pagtanda nila pagtungtong nila sa age na 20..

"Thanks.."

"For sure si Tyler ang sadyan mo kaya ka nandito.. Nandun siya sa kwarto niya, dali
puntahan mo na!" excited na sabi ni Sarah..

"Oo, puntahan mo na Hannah.. Gisingin mo na rin, dahil malapit na atang matapos


magluto si Patrick.."

"Tulog pa siya?" matamlay na tanong ko.. May date kami tapos tulog pa siya? Haayy..

"Oo, pagod kasi kaka-practice ng powers niya.."

"Ok.." alam ko namang nag-practice siya kagabi.. Malamang kasama niya ko, sinamahan
ko siya kahit antok na antok na ko, kasi alam kong gusto niyang maperfect yung pag-
control sa powers niya.. Pareho din naman kaming puyat, pero nakuha ko pa ding
gumising ng maaga.. Haayyy talaga..

Halos kaladkarin ko yung mga paa ko papanik ng hagdan.. Hindi na ko kumatok,


pumasok na ko agad sa kwarto niya.. Nakita ko nga siyang nakatagilid na nakahiga sa
kama.. Umupo ako sa sahig sa gilid ng kama niya at kinuha ko yung dalawang kamay
niya.. nilagay ko sa magkabila kong pisngi.. Walang epekto.. Malungkot talaga ako!!

May date kami eh, tapos tulog siya!!

"Hoy! Lolo! GISING!!!!!" nagulat siya sa pagsigaw ko kaya nahulog siya sa kama..

"Buti nga sa'yo Lolo!! Hmp!" lolo ang tawag ko sa kanya pag naiinis ako sa kanya..
Eh totoo namang lolo na siya.. kasi matanda pa siya sa lolo ng lolo ng lolo ng lolo
ko diba?! Yun nga lang hot lolo siya.. ehehe! XD

"Hannah.. anong ginagawa mo dito.. Bawal ka dito sa kwarto ko alam mo yan.." sabi
niya habang patayo mula sa pagkakabagsak niya sa kama.. Ayaw kasi niya na kami lang
magkasama sa loob ng isang kwarto.. Nakakasunog kasi siya.. Ahaha! Nung unang beses
ko kasing pumasok dito sa kwarto niya at medyo naging initmate kaming dalawa, medyo
lang naman.. Di kinaya ng powers niya.. Nag-init siya.. Literal na init kasi nag-
apoy yung buong katawan niya at nasunog yung mga damit niya hanggang sa maging abo
na lang.. Napasigaw nga ako at nagtatakbo palabas, hindi sa takot ah.. Kasi naman
makita mo ba naman siyang walang saplot, sinong di mapapasigaw diba?! Natakot nga
ako eh, baka magka-kuliti ako sa nakita ko down there.. ehehe! XD

"At alam mo din na may date tayo ngayon, bakit tulog ka pa?!!!"

Tumingin siya sa orasan.. "Hannah, 6:15 pa lang.."

"Oo 6:15 na.. At 6:00 ang date na'tin! Kainis ka!"

"Hannah.." nakangiti siya habang palapit sa'kin.. Ano ba galit ako eh, pero yung
ngiti niya.. Kainis! Nawawala yung inis ko.. Tumayo siya sa harapan ko at hinawakan
yung mga kamay ko.. "Alam kong 6:00 ang date na'tin.. Pero hindi 6:00 AM.. Kundi
6:00 PM.."

"Eh?!"

"6:00 PM, dinner date diba.. Kasi buong mag-hapon ako sa Xeteria dahil pinatawag
ako para sa isang pulong.. Sinabi ko sa'yo yan kagabi.."

"Sinabi mo ba yun?!" Sinabi niya ba yun?? Bakit di ko maalala...

"Oo, dahil siguro sa sobrang antok, hindi mo naintindihan yung mga sinabi ko.. Sa
susunod hindi na kita isasama sa pageensayo ko, para hindi ka napupuyat.." sabi
niya sabay halik sa mga kamay ko..

"6:00 PM ba talaga yung date natin?"

"Oo, magsisinungaling ba ko sa'yo.. Pero dahil nandito ka na rin, tara na sa baba


at yung dinner date natin gawin na nating breakfast date.. Para bago ako pumunta sa
Xeteria, makasama kita ngayong umaga.."

Pagbaba namin nakahain na yung lamesa, naka-upo na silang lahat.. Si Patrick katabi
si Chris na katabi si Sarah tapos si Michael sa tapat ni Patrick.

"Hannah!! Tara kain!" yaya ni Sarah..

Sabay-sabay kaming kumain, pagkatapos nun hinatid na ko ni Tyler sa bahay.. Dahil


siya naman pupunta sa Xeteria, sa planeta nila dahil nga daw may pulong.. Pulong
kasama yung mga pinakamatatanda at mga leaders sa planeta nila.. Nagtataka kasi
sila kung bakit hanggang ngayon hindi pa lumalabas yung isa pang kapangyarihan ni
Tyler.. Maliban kasi sa ang bawat sa isa sa kanila may mga elemento na kayng
kontrolin, dapat meron pa silang ibang kapangyarihan.. Parang extra special power
ba.. Kasi kung si Patrick kaya kontrolin ang tubig, kaya niya ring makita lahat ng
ala-ala na naka-store sa utak ng bawat mahawakan niya.. Si Chris nakokontrol niya
ang hangin at kaya niya ding ipagawa ang kahit na anong nais niya sa isang salita
lang niya, in short kaya niyang kumontrol ng isipan ng iba.. Si Michael na kayang
kontrolin ang lahat ng nasa lupa, mga halaman, bato.. May kakayahan na ma-predict
yung future.. Pero minsan lang yun, hindi sa lahat ng pagkakataon, ang sabi niya
bigla na lang daw mag-flash sa isip niya..

Pero si Tyler hanggang ngayon wala pa rin.. Kaya na niyang kumontrol ng apoy, pero
yung iba pang kapangyarihan niya hindi pa rin lumalabas.. Lagpas na sa panahon,
kadalasan daw kasi sa loob ng unang tatlong buwan mula sa mahanap nila yung kabiyak
ng puso nila doon lumalabas yung extrang kapangyarihan o kakayahan nila.

Inisip ko nga hindi kaya dahil sa hindi ako katulad nila,hindi ako kalahi nila..
Dahil sa isa akong mortal at hindi ako kabilang sa mundo nila... O baka naman may
pagkakamali, baka hindi talaga ako ang kabiyak ng puso niya.. Pero sabi sa'kin ni
Tyler huwag daw akong mag-alala.. Dahil kahit kailan daw walang pagkakamali, ang
mga itinakda sila talaga ang para sa isa't-isa..

Habang hinahantay ko si Tyler tinulungan ko si mommy sa gawaing bahay.. Kahit kasi


may mga maids kami, hindi namin inaasa ang lahat sa kanila.. Hands-on pa din si
mommy sa bahay.. Masyado akong naging busy hindi ko napansin na mag-aalasingko na
pala.. Kaya dali-dali akong nag-ayos dahil baka mamaya dumating na si Tyler..

Saktong 6:00 PM dumating si Tyler, magalang siyang bumati kina mommy.. Gustong-
gusto siya ng parents ko.. Masaya sila para sa'min.. Hindi naman mahigpit sina
mommy sa'min, basta daw alam namin limitations namin. Ibibigay daw nila yung tiwala
nila sa'min, basta hindi namin sisirain yung tiwala na yun..

"San tayo pupunta?" tanong ko kay Tyler habang palabas kami ng gate ng bahay
namin..

"Mamaya mo malalaman" sagot niya.. "Basta sinigurado ko na magugustuhan mo.."


dagdag pa niya..

"Sana masarap yung pagkain.." nitong mga nakaraang araw kasi madalas akong walang
gana..

"Yun ang una kong tinignan sa pagpili ng lugar na pupuntahan na'tin.." sagot niya..

Binuksan ni Tyler yung pintuan ng kotse, pero bago ako makasakay bigla akong nahilo
at agad naman niya akong nahawakan..

"Ok ka lang Hannah?" nag-aalalang tanong niya..

"Ha? Ok lang ako.." sagot ko kahit nahihilo pa talaga ako, ayoko kasing mag-alala
siya.. "Tara na.. Gutom lang 'to.." dagdag ko pa..

"Sigurado ka.. Pwede naman nating ipagpaliban 'to, maraming pang araw.."

"Ok lang ako.. Excited na kong kumain! Sana may leche flan.. Favorite ko yun!!
Yumm! Yumm!" natawa si Tyler..

"Chineck ko din yun.. Meron sa menu.. At kung sakaling wala, uutusan ko silang
magluto para sa'yo.."

"Ang sweet mo talaga.. Magkaka-diabetes ako sa'yo.. Hehehe.." biro ko sa kanya..


habang pipilit kong huwag indahin yung sama ng pakiramdam ko.. Baka nga siguro
gutom lang 'to..

My Hot Alien Boyfriend *6*

Binuksan ni Tyler yung pintuan ng kotse, pero bago ako makasakay bigla akong nahilo
at agad naman niya akong nahawakan..

"Ok ka lang Hannah?" nag-aalalang tanong niya..

"Ha? Ok lang ako.." sagot ko kahit nahihilo pa talaga ako, ayoko kasing mag-alala
siya.. "Tara na.. Gutom lang 'to.." dagdag ko pa..

"Sigurado ka.. Pwede naman nating ipagpaliban 'to, maraming pang araw.."

"Ok lang ako.. Excited na kong kumain! Sana may leche flan.. Favorite ko yun!!
Yumm! Yumm!" natawa si Tyler..

"Chineck ko din yun.. Meron sa menu.. At kung sakaling wala, uutusan ko silang
magluto para sa'yo.."

"Ang sweet mo talaga.. Magkaka-diabetes ako sa'yo.. Hehehe.." biro ko sa kanya..


habang pipilit kong huwag indahin yung sama ng pakiramdam ko.. Baka nga siguro
gutom lang 'to..

---------------

Monday na naman, pasok na naman sa school, aral na naman.. Tapos babagsak lang
din.. Haayyy.. Buti pa 'tong si Tyler matalino, kahit late na sila pumasok dito sa
school, nakahabol pa din.. Sarap naman maging alien!

Habang naglalakad kami papasok ng school, ang dami na namang nakatingin sa'min,
bulungan dito, bulungan dun..

Pero sa grupo nina Camille, hindi uso ang bulong..

"Ayan na si witch Hannah.."

"Hay, sayang talaga si Tyler.."

"Sana may alam akong pangotra sa gayuma.."

Ay mga leche! Alam kong di naman ako sobrang kagandahan, pero di naman ako mukhang
witch noh! Wala naman akong dalang walis, hindi naman ako naka-itim at lalong hindi
matangos na matulis ang ilong ko na may nunal sa dulo! Kahit palagi ko yan
naririnig, minsan nakakairita pa din..

Napansin ata ni Tyler yung pagka-irita ko.. Kaya hinawakan niya yung kamay ko..
Napatingin ako sa kanya, nginitian naman niya ko.. sabay sabi ng "Yaan mo na
sila.." sumagot naman ako ng ngiti at tango, pagsang-ayon sa kanya.. Pero bago ko
tapusin ang magandang eksenang yun, na alam kong kinainis ng halos lahat ng mga
babaeng nakakita, lalo na ng grupo nina Camille.. Kaya lulubusin ko ang pang-iinis
sa kanila.. hehe..

Bumitaw ako sa kamay ni Tyler sabay yakap sa braso niya.. na may kasamang malaking
ngiti sa labi ko na sinasabing boyfriend ko 'to!!

Inirapan ako ni Thea, tinaasan naman ako ng kilay ni Camille.. Binelatan ko naman
sila.. Hahaha! Natawa na lang si Tyler sa'kin at tuloy kami sa paglakad papasok ng
school. Nang biglang makaramdam ako ng pananakit ng puson kaya napatigil ako sa
paglalakad.. Ilang araw ko ng nararamdaman 'to pananakit ng puson at ng likod ko..
Akala ko dahil sa dysmenorrhea lang, dahil period ko last week.. Pero tapos na
period ko sumasakit pa din..

"Hannah bakit.."

"Ang sakit ng puson ko.." sagot ko habang nakahawak ako sa puson ko, at yung isang
kamay nakakapit sa braso niya..

"Kaya mo bang maglakad hanggang sa clinic kung hindi bubuhatin na kita.." nag-
aalalang sabi niya..

"Ok lang, wala lang 'to.. Tara na malate pa tayo sa kla-- Ahh.." napaingit ako ng
konti kasi parang tumindi yung sakit..

"Tsk.. tsk.. Karma.." narinig kong sabi ni Camille pagdaan ng grupo nila sa'min..
Tinignan siya ng masama ni Tyler.. Pinisil ko naman yung braso ni Tyler at umiling
para sabihing huwag niya patulan..

"Ok lang ako Tyl -- ahh!" lalong kumikirot, napadiin yung pagkakahawak ko kay
Tyler.. Hindi na siya nagtanong pa at binuhat na niya ko palabas ng school, mukhang
hindi na ako sa clinic balak dalhin kundi sa ospital.. Nakasalubong pa namin sina
Michael, Chris at Patrick..
"Bro san mo dadalhin si Hannah?!" tanong ni Chris habang si Michael naman napansin
kong huminto sa paglalakad, mapayuko at napahawak sa ulo niya habang nakahawak yung
isa niyang kamay sa balikat ni Patrick na parang kumukuha ng lakas para hindi siya
matumba..

"Michael bakit?" tanong ni Patrick..

"Huwag na kayong magtanong.. Tara na, kailangan madala sa ospital si Hannah.." yun
lang ang sagot niya.. Nagtaka naman ako kung paano niya nalamang sa ospital ako
dadalhin ni Tyler, wala naman itong sinabi, hindi naman sumagot sa tanong ni
Chris..

Lalong tumitindi yung kirot na nararamdaman ko.. Hindi ko na kaya hanggang sa


mahimatay na ko sa sobrang sakit..

Nang magising ako nasa ospital na ko, nasa tabi ng kama ko si mommy.. Hinanap ng
mga mata ko si Tyler pero wala siya..

"Hannah anak, buti nagising ka na.." mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy.. "Tinawagan


ko ang daddy mo.. bukas na bukas din daw kukuha siya ng flight pauwi dito sa'tin.."
ang daddy kasi madalas out of the country, may branches kasi sa ibang banasa yung
mga negosyo namin.. "May masakit pa ba sa'yo ha Hannah?"

"Wala na po ma.. Ano po bang nangyari sa'kin? Ano po bang sabi ng doktor?" tanong
ko kay mommy..

"May mga test pa silang ginagawa kaya hindi ko pa alam pero sana maging ok ka
anak.." sagot ni mommy habang hinihimas yung ulo ko..

"Eh ma, nasaan po si Tyler?"

"Pinauwi ko muna.. Mukhang hindi rin maganda ang pakiramdam, nagkaroon pa sila ng
pagtatalo nung kapatid niya na si Michael.. Nang tanungin ko naman kung ano, ang
sabi lang niya.. Wala daw yun, away bata lang daw..." Nag-alala naman ako sa sinabi
ni mommy..
"Ma, paano pong hindi maganda yung pakiramdam niya?"

"Ano kasi.. Nakakunot yung noo at magkasalubong ang kilay tapos nakasarado ng
mahigpit yung mga kamay.. Tinanong ko kung may masakit sa kanya.. Kung masakit ba
ulo niya.. Sagot niya, hindi naman daw.. Pinauwi ko para makapagpahinga at sabi ko
ako na lang magbabantay sa'yo.. Nung una ayaw pero napapayag ko din.. Mahal na
mahal ka ni Tyler anak, kitang-kita ko yung pag-aalala niya sa'yo.."

"Ma, pwede po ba natin siya tawagan.. Para lang ipaalam na nagising na ko.." nag-
aalala kasi talaga ako.. Ramdam ko may mali..

"Sige, teka.." kinuha ni mommy yung cellphone niya.. "Anak, hindi ko siya ma-
contact.. Pati sina Patrick.. Network problem siguro.. Hayaan mo, bukas naman daw
babalik siya para siya naman magbantay sa'yo.."

"Bakit ma, magtatagal po ba ako dito?"

"Actually pwede na kita ilabas bukas, pero ako na mismo nagsabi sa doktor na dito
ka na muna hanggang sa lumabas yung result ng blood tests na ginawa nila sa'yo.."

"Ok po.."

Dumating ang kinabukasan pero walang Tyler na dumating.. Nag-aalala na talaga ako,
ilang beses ko din sinubukang tawagan siya pero hindi ko pa rin ma-contact.. Si Ate
Karen ang kasama ko sa kwarto habang wala si mommy at kinakausap yung doktor ko..
Nanuod lang kami ng TV pampalipas oras at para hindi ko maisip si Tyler..
Nakakainip sa ospital.. Gusto ko ng umuwi.. Gusto ko makita si Tyler..

Pagbalik ni mommy mugtong-mugto yung mga mata niya sa pag-iyak.. Lumapit siya sa
kama ko at niyakap ako..

"Ma,ano pong problema?"

"Wala Hannah.. magiging ok ang lahat, magiging ok ka?" nanginginig yung boses ni
mommy.. pinipigilan niya umiyak..

"Ma, bakit po? May sakit po ba ko? Malala po ba?" umiiyak ako habang tinatanong ko
si mommy..

"Hihingi tayo ng second opinion.. May mga ipapagawa pa kong test.. Hindi tayo
titigil hangga't hindi tayo nakasisigurado.."

"Ma, sagutin niyo naman po yung tanong ko.. May sakit po ba ko? Ma, ano pong sakit
ko?!

"Hannah, yung result ng test.." hindi maituloy ni mommy yung sasabihin niya..

Nanlumo ako sa mga sumunod na sinabi ni mommy.. May cancer ako.. May cancer daw
ako.. Ang tagal kong natulala.. Yakap yakap lang ako ni mommy.. Ang bata ko pa, ang
dami ko pang pangarap.. Ang dami ko pang gustong gawin.. Paano na si mommy.. Si
daddy.. Si Tyler.. Alam kong alam na niya.. At alam kong nasasaktan siya ngayon
kaya hindi niya ko maharap.. Sa lahat ng bagay ito ang pinakakinatatakutan niya..
Yung dumating yung araw na iiwan ko siya..

Unti-unti pa lang niyang tinatanggap yung sitwasyon namin.. Bakit ganto agad? Ang
bilis naman.. Sana panaginip lang ang lahat...

My Hot Alien Boyfriend *7*

Nanlumo ako sa mga sumunod na sinabi ni mommy.. May cancer ako.. May cancer daw
ako.. Ang tagal kong natulala.. Yakap yakap lang ako ni mommy.. Ang bata ko pa, ang
dami ko pang pangarap.. Ang dami ko pang gustong gawin.. Paano na si mommy.. Si
daddy.. Si Tyler.. Alam kong alam na niya.. At alam kong nasasaktan siya ngayon
kaya hindi niya ko maharap.. Sa lahat ng bagay ito ang pinakakinatatakutan niya..
Yung dumating yung araw na iiwan ko siya..

Unti-unti pa lang niyang tinatanggap yung sitwasyon namin.. Bakit ganto agad? Ang
bilis naman.. Sana panaginip lang ang lahat...

Pero hindi eh.. Lahat ng 'to totoo..

Inayos na ni Ate Karen yung mga gamit ko, iuuwi na daw muna ako ni mommy sa bahay,
tutal naka-schedule na daw lahat ng test na gagawin sa'kin..

"Ma, labas po muna ko.." paalam ko kay mommy.. Gusto kong makalanghap ng sariwang
hangin.. Sa totoo lang ayoko ng amoy ng ospital.. Gusto kong masikatan ng araw..
Gusto kong malapit sa kalikasan..
Palabas na ko ng ospital ng makita ko si Tyler.. Malayo pa lang alam kong siya
yun.. Naluha agad ako. Tumakbo ako palapit sa kanya at agad na yumakap.. Niyakap
niya din ako ng mahigpit..

Walang nagsasalita sa'min.. Walang gustong mauna..

"Alam mo na.."

"Magiging ok ang lahat Hannah.."

Pero kahit lahat ng tao sa mundo at lahat ng alien sa planeta nila sabihin na
magiging ok ang lahat.. Hindi naging ok ang lahat..

Lahat ng test na ginawa sa'kin positive ang resulta.. May pancreatic cancer ako at
late stage na.. Hindi agad nadetect kasi lumalabas lang ang symptoms kapag malala
na.. Mabilis ang pagkalat ng cancer cells at naapektuhan na din ang iba ko pang mga
organs..Hindi na rin kaya ng operations kaya nag-undergo na ko chemotherapy.

Para akong kandila na unti-unting nauupos.. Iba na yung kulay ng balat ko, nalugas
na din yung mga buhok ko, hinang-hina na ako lalo na sa tuwing may chemotheraoy
session ako.. Parang hinahalukay ang sikmura ko pero nandyan palagi si Tyler para
alagaan ako..Hahawakan ko lang yung kamay niya at aayos na yung pakiramdam ko..

Dumating si Tyler sa ospital galing school.. Kahit hindi na niya kailangang pumasok
sa school, pumupasok pa rin siya para sa'kin.. Graduating na ko, at kahit may sakit
ako gusto kong maka-graduate.. Kaya si Tyler ang pumapasok para alam niya yung
lessons na bago, kung may assignments at projects ba..

"Hi.." sabi siya sabay halik sa noo ko..

"Kamusta school?"

"Ok naman.. Ginawa ko na lahat ng assignments natin."

"Ay ang daya.. bakit mo ginawa?! Gusto ko ako ang gagawa.."

"Sige, sa sususnod.." nakangiting sabi niya.. "Hannah naniniwala ka ba sa


reincarnation?" biglang tanong niya..

"Reincarnation? Hindi, kasi wala pa naman akong nakitang namatay tapos bumalik..
Bakit naniniwala ka dun?"
"Oo, nang mamatay kasi yung mga magulang namin, araw-araw kong iniisip na babalik
sila.. Hanggang ngayon naiisip ko pa din yun.. Tapos nang mapunta ako sa library
kanina may nabasa akong libro tungkol sa reincarnation..May ganung paniniwala din
pala dito sa mundo niyo.."

"Sana may panahon pa ko na mapag-aralan din yung mundo niyo.." malungkot na sabi
ko..

"Tara sa labas, ipapasyal kita.." biglang pag-iiba niya ng topic.. Isinakay niya ko
sa wheelchair para hindi ako mapagod sa paglalakad.. Pumwesto kami sa ilalim ng
isang puno para may lilim.. Naalala ko tuloy yung garden sa school na may malaking
puno din kung saan palagi akong pumupunta,,

"Sarap ng hangin.." sabi ko sabay hinga ng malalim.. May mga batang naglalaro sa
labas, ang saya-saya nila.. Ang lakas pa ng mga katawan nila.. Hindi tulad ko..

Nang bigla na lang may nalaglag mula sa itaas ng puno.. Akala ko bunga ng tignan ko
isang maliit na ibon.. Di na ito gumagalaw.. Patay na ata! Tapos may napansin akong
batang tumatakbo palayo na may hawak na tirador..

"Tyler!" sigaw ko kay Tyler sabay turo sa ibon na nasa lupa.. Kinuha ni Tyler yung
ibon at inilagay sa mga palad niya.. Hindi na talaga ito gumagalaw.. Wala na..

Naiyak ako sa nakita ko..

"Bakit kailangan may namamatay? Bakit kailangan may maiiwan at masasaktan?" sunod-
sunod na tanong ko.. Pakiramdam ko ako yung ibon.. Kapag nawala din ako may mga tao
akong maiiawan at masasaktan.. Ayokong maramdaman nila yung nararamdaman ko
ngayon.. Itinakip ko yung dalawang kamay ko sa mukha ko at tuloy sa pag-iyak...

"Hannah.. Tahan na.." dinig kong sabi ni Tyler.. "Tignan mo.."

"Ayoko.. Ayoko ng tignan.."

"Buhay siya Hannah.." tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko, para tignan yung
sinasabi ni Tyler.. Yung ibon unti-unti siyang gumalaw.. Daha-dahan.. Hanggang sa
ibuka niya yung mga pakpak niya, at mula sa pagkakatung-tong sa mga palad ni Tyler
lumipad siya..
----------------

Bukas yung araw ng graduation namin ni Tyler.. Alam kong hindi na ko makakapunta..
Ramdam ko na sa katawan ko yung sobrang panghihina.. Yung mga gamot na iniinom ko
ayaw ng tanggapin ng sikmura ko, lahat isinusuka ko.. Isip ko na lang ang lumalaban
pero yung katawan ko matagal ng bumigay..

Minsan naiisip ko ng ihiling kay Lord na kunin na ako.. Ayoko na kasing umabot pa
sa punto na lalagyan nila ako ng kung ano-anong aparato..

Himas ng himas si Tyler sa likuran ko, habang lahat ng kinain ko kanina isinuka
ko.. Hilong-hilo ako at latang-lata.. Kapag wala kasi sina mommy, siya ang tiga-
pag-alaga ko.. Tinulungan niya ako maglinis at saka inihiga sa kama..

May kumatok sa pintuan, pinagbuksan niya.. Si Michael pala, nakita kong nasa
likuran niya sina Chris at Patrick.. Madalas din silang dumalaw sa'kin dito..

"Pasok kayo.." sabi ko sa kanila.. Kasama din pala nila si Sarah.. Pati na rin
Cynthia at Samara.. mga kabiyak ng puso nina Patrick at Michael.. May mga dala
silang prutas, pagkain, bulaklak at mga balloons.. Tuwing bibisita sila sa'kin
akala mo may party..

Kamusta dito, kamusta doon.. Kwentuhan dito, kwentuhan doon.. Ang saya..
nakakalimot ng problema, nalilimutan kong may sakit ako..

Napansin kong nasa isang sulok sina Tyler at Michael..Mukhang may pinagtatalunan na
naman sila..

"Alam namin yung gagawin mo.." sabi ni Michael..

"Nakapagdesisyon na ko.. Walang makakapagbago ng isip ko.." sagot naman ni Tyler


sabay talikod kay Michael..

"Tapos na ang party.. May lakad pa kami ni Hannah.." sabi ni Tyler na nakangiti
sa'kin..

"Huh? Lakad? Saan?" hindi ko kasi alam na may lakad pala kami.. Isa na naman ba 'to
sa pagiging mali-mali ko.. May lakad kami at nakalimutan ko?

"Basta.. Sa lugar na alam kong matagal mo ng gustong puntahan ulit.." nakangiti


niya pa ring sabi, na-excite naman ako.. Mahilig ako sa surprises.. Pero pansin ko
yung mga tingin nina Michael sa kanya.. Bakit ganun? Parang kami lang ni Tyler ang
masaya..

Binuhat ako ni Tyler mula sa kama at isinakay sa wheelchair.. Lumabas kami ng


kwarto ko at naiwan silang lahat sa loob.. Kami lang ang aalis.. Kami lang ang
pupunta sa lugar na sinasabi ni Tyler..

Alam ko yung dinadaanan namin.. Parang alam ko na kung saan kami papunta.. Sa
school.. Linggo ngayon at walang mga tao.. Walang estudyante at mga teacher..

Pagdating namin, inayos niya yung wheelchair.. binuhat ulit ako at dahan-dahang
iniupo..

"Hannah, pakilagay 'to sa bulsa mo.." iniabot niya sa'kin ang isang panyo tsaka
yung cellphone niya.. May bulsa naman siya pero sa'kin niya pa din ipinahawak..
inilagay ko na lang sa bulsa ng sweater na isinuot niya sa'kin kanina..

Dahan-dahan niyang initnulak yung wheelchair hanggang sa makarating kami sa garden


nung school.. Binuhat niya ko at inuupo sa upuan na nasa ilalim ng malaking puno..

NP: Sweet and Low by Augustana

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko sa kanya..

"Kasi nandito halos lahat ng masasayang ala-ala nating dalawa.. Ito ang
pinakapaborito kong lugar, alam kong ikaw din.." hinawakan ko siya sa mukha.. Alam
kong sobra na siyang nasasaktan.. Alam kong nahihirapan na din siya.. "May sulat
nga pala ako sa'yo.. Pero mamaya mo na basahin ah.." saka niya inilagay sa bulsa ng
sweater ko.. Tumango lang ako..

Isinandal ako ni Tyler sa dibdib niya, saka niya ako niyakap.. "Hannah, maraming
masasayang ala-ala na'tin dito.. At gusto ko dagdagan yun.."

Naiiyak ako sa sinabi niya.. Alam naman naming pareho na konti na lang ang panahon
ko, tinaningan na ako ng doktor.. Kung may madagdag man konti na lang din.. Baka
ang mga huling ala-ala ko pa sa kanya ay yung mga panahong hirap na hirap na ako sa
sakit ko..

"Sasabihin ko na lang sa'yo lahat ng pangarap ko.. Pangarap kong grumaduate ng high
school, ng college, makapagtrabaho sa kumpanya ni daddy at lalo pang mapalaki yun..
Pangarap kong ikasal sa'yo ng dalawang beses, sa tradisyon dito sa mundo ko at sa
tradisyon sa inyo.. Gusto kong magkaroon ng maraming anak at malaking pamilya..
Maliit kasi pamilya ko, tatlo lang kami nina mommy at daddy kaya gusto ko maraming
anak.."
"Alam mo bang kaya kong tuparin ang ilan sa mga pangarap mo?"

"Bakit pakakasalan mo ba ko ngayon?" pabirong sabi ko sa kanya..

"Isang kiss muna, bago mo malaman yung sagot.." sabi naman niya..

Hinawakan niya ako sa pisngi, ibinaling ko yung ulo ko paharap sa kanya, unti-unti
naman siyang yumuko, at nagtama ang aming mga labi.. Patuloy ang pag-agos ng luha
mula sa mga mata ko..

Patawad Tyler kung iiwan kita ng maaga.. Mahal na mahal kita at sana sapat yun para
magpatuloy ka.. Ibaon mo lahat ng masasayang araw mo kasama ako.. At sana makahanap
ka ulit ng kabiyak ng puso mo..

Ang tagal ng halik namin ni Tyler... Ang init ng mga labi niya.. Init na
nakakapagbigay ng lakas at kapayapaan sa'kin..

Naglayo ang mga labi namin at pagdilat ko, nakita ko ang magandang mukha ni Tyler
nakangiti sa'kin.. Pero bakit ganun, parang ang labo niya.. Kinuskos ko yung mga
mata ko.. Palabo ng palabo si Tyler..

"Mahal na mahal kita Hannah.."

Biglang humangin ng malakas at yung bandana sa ulo ko tinangay ng hangin, napahawak


ako sa ulo ko.. Paanong nangyaring? Pagtingin ko sa mga palad ko may tattoo, tulad
ng kay Tyler..

Pagtingin ko ulit sa kanya.. Lalo pa siyang lumabo..

"Tyler.." yun lang ang nasabi ko, sinubukan ko siyang hawakan pero tumagos lang ang
mga kamay ko.. Hanggang sa tuluyan na siyang maglaho..

"Hindi! Hindi 'to nangyayari! Hindi! Tyler nasan ka?!" napatingin ulit ako sa mga
palad ko, yung tattoo ko ng tulad kay Tyler.. Walang nagliliyab na apoy na tulad ng
sa kanya.. Parang isang simpleng tattoo lang 'to.. Napahawak ako sa buhok ko, kulay
pula na'to.. At ngayon ko lang napansin, wala na yung panghihina ko.. Pakiramdam ko
wala na akong sakit..

Yung sulat! Naalala ko yung sulat! Kinuha ko yun mula sa bulsa ko.. Nanginginig pa
yung kamay ko habang binubuksan ko ito.. Nagsimula na namang umagos ang mga luha
ko..

Hannah,

May good news ako sa'yo. Alam mo bang alam ko na yung isa ko pang kapangyarihan.
Nalaman ko yun dahil sa ibon na nakita na'tin sa labas ng ospital. Pero hindi ko
agad sinabi sa'yo dahil alam kong hihindian mo ang paggamit ko nito.. Siguro sa mga
oras na'to alam mo na kung ano at alam mo na kung bakit sinabi kong hihindian mo.

Ayan, Umiiyak ka na naman. Kaya pinaghanda na kita ng panyo. Kunin mo sa bulsa mo.
Wala na ako sa tabi mo para ipagtanggol ka, kaya lakasan mo yung loob mo. Huwag ka
ng magpapa-api sa kahit na sino.

Mahal na mahal kita Hannah, at ito ang paraan ko para iparamdam sa'yo kung gaano
kita kamahal. Libong taon na akong nabubuhay pero ikaw nagsisimula ka pa lang. Sabi
mo nga diba lolo na ako.. At bata ka pa kaya bakit ko ipagkakait ang masayang buhay
para sa'yo, kung kaya ko naman ibigay, kahit buhay ko pa ang maging kapalit nito.

Patawad Hannah.. Alam kong galit ka.. At tatanggapin ko lahat ng galit mo.. Pero
kung bigyan ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay at makasama ka muli.. Pauli-ulit
kong gagawin 'to para sa'yo...

Tyler

Nalamukos ko sa kamay ko yung sulat.. Hindi ko matanggap na wala na siya.. Lalong


hindi ko matanggap na ako ang dahilan..

Hindi ko mapigilan yung sarili ko, punong-puno ako ng galit! Bakit siya pa! Bakit
kailangan pa niyang mawala para mabuhay ako..

Naramdaman ko yung pag-init ng mga kamay ko, nasunog yung sulat na hawak ko.. Nag-
aapoy na yung dalawang kamay ko, gusto kong sirain lahat ng nakikita ko..

Pero bigla kong naalala yung sinabi ni Tyler kanina

"Kasi nandito halos lahat ng masasayang ala-ala nating dalawa.. Ito ang
pinakapaborito kong lugar, alam kong ikaw din.."
Pinilit kong pigilan yung sarili ko.. Isinigaw ko na lang yung galit ko.. hanggang
sa umiyak na lang ako ng umiyak..

My Hot Alien Boyfriend *8*

Hindi ko mapigilan yung sarili ko, punong-puno ako ng galit! Bakit siya pa! Bakit
kailangan pa niyang mawala para mabuhay ako..

Naramdaman ko yung pag-init ng mga kamay ko, nasunog yung sulat na hawak ko.. Nag-
aapoy na yung dalawang kamay ko, gusto kong sirain lahat ng nakikita ko..

Pero bigla kong naalala yung sinabi ni Tyler kanina,

"Kasi nandito halos lahat ng masasayang ala-ala nating dalawa.. Ito ang
pinakapaborito kong lugar, alam kong ikaw din.."

Pinilit kong pigilan yung sarili ko.. Isinigaw ko na lang yung galit ko.. hanggang
sa umiyak na lang ako ng umiyak..

Nasa ganung sitwasyon ako ng datnan ako nina Patrick.. Hindi ako makatingin sa
kanila dahil kita ko sa mga mata nila ang sakit ng pagkawala ng kapatid nila.. Lalo
yung nagpapabigat sa kalooban ko, lalong nagpapahirap sa'kin..

"Iwan niyo na ko.." yun lang ang nasabi ko, pero hindi sila umalis, hindi nila ako
iniwan.. Ibinilin daw ako ni Tyler sa kanila.. Alam na nila yung gagawin ni Tyler..
Ngayon ko lang naisip, yun pala yung pinagtatalunan nila ni Michael kanina..

"Hindi ka namin pwedeng iwan, dahil yun ang gusto ni Tyler, yun ang huling hiling
niya sa'min.. At isa pa Hannah, hindi mo pa kayang kontrolin yang kapangyarihan
mo.." sabi ni Patrick.. at alam kong tama sila...

Sa gitna ng pagluluksa ko sa pagkawala ni Tyler, naisip ko sina mommy.. Anong


gagawin ko? Paano ko ipapaalam sa kanila yung nangyari sa'kin? Paano ko
ipapaliwanang yung pagkawala ni Tyler, yung paggaling ng sakit ko, at paano ko
itatago 'tong mahabang pulang buhok ko, lalo na ang kapangyarihan ko.. Baka
makagawa ako ng gulo baka makapanakit ako, baka pati sila madamay..

Kaya nagdesisyon ako, lalayo ako.. Kahit isang ilang buwan lang o maaaring taon..
Para rin naman sa kanila 'to.. Gagawin ko 'to kasi mahal ko sila..

Kinuha ko yung cellphone na nilagay ni Tyler sa bulsa ko.. Lalo akong naiiyak sa
pag-alala sa kanya, bago talaga siya umalis, sinigurado niyang maayos ang lahat
para sa'kin.. Dinial ko yung no. ni mommy sa cellphone ni Tyler.. Isang ring pa
lang sinagot na niya..

"Tyler nasaan ang anak ko?! Bigla na lang daw kayong nawala ng walang nakakapansin
sa inyo, saan mo dinala ang anak ko? Alam mong hindi na kaya ng katawan niya kung
ilalabas siya dito sa ospital!" galit na may kasamang pag-aalala sa boses ni
mommy..

"Ma.. Ako po 'to.. Si Hannah.."

"Hannah anak, nasaan ka? Bumalik na kayo dito.."

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.. Alam kong masasaktan ko sila ng sobra..

"Ma, I'm sorry.. Mahal na mahal ko kayo kaya gagawin ko po 'to.."

"Anong ibig mo sabihin Hannah?! Anong gagawin mo?!"

"Ma, aalis po ako, sasama ako kay Tyler.. Pero babalik po ako, pangako yan..
Pagbalik ko po magaling na ko.."

"Ano?! Anak anong sinasabi mo?! Bumalik kayo dito ni Tyler! Nasaan si Tyler?!
Kakausapin ko siya!" galit na umiiyak si mommy..

"Ma, I'm sorry.. Mahal na mahal po kita.. Pakisabi din po kay daddy.. Mahal na
mahal ko po kayo. Pangako babalik po ako.." bago pa makapagsalita si mommy, pinatay
ko na yung cellphone.. ini-off ko para hindi na rin sila makatawag..

Iyak ako ng iyak.. Nilapitan ako ni Sarah, saka ako niyakap.. Pero walang sino man
o ano man ang kayang ibsan 'tong nararamdaman ko.. Tinignan ko yung mga palad ko..
Yung tattoo sa mga palad ko.. hindi nagliliyab ng tulad sa lalaking pinakamamahal
ko.. Wala na yung kabiyak ng puso ko..

*Flashback*

"Alam mo ba Hannah.. Ang tagal na panahon na simpleng itim na marka lang 'tong mga
nasa palad ko.. Walang buhay.."

"Talaga? Eh bakit ganyan na yan ngayon?" tanong ko habang nakatingin sa tattoo niya
sa palad na ngayon nagliliyab na parang tunay na apoy..

"Kasi nahanap na kita.. Lahat ng ipinapanganak sa mundo namin may kanya-kanyang


marka.. Pero mabubuhay lang 'to, kapag nahanap na nila yung kabiyak ng puso nila.."

*End of Flashback*
Isang taon ang inabot bago ko tuluyang nakontrol yung kapangyarihan ko.. Kasama ko
sina Patrick, Chris, Michael, Sarah, Cynthia at Samara sa bawat pag-eensayo ko..
Lahat sila nandyan para sa'kin.. Pagkatapos ng isang taon sinabi ko sa kanila na
kaya ko na yung sarili ko, na pwede na silang bumalik sa mundo nila.. Lalo na wala
ng dahilan para manatili pa sila dito.. Nagpunta lang naman sila dito para kay
Tyler.. Dahil sa pangitain ni Michael na dito mahahanap ni Tyler yung kabiyak ng
puso niya.. Pero dahil wala na si Tyler at ako naman kontrolado ko na ang
kapangyarihan ko.. Pwede na silang bumalik sa Xeteria, para mamuhay sa totoong
mundo nila..

Malungkot ang paalaman namin sa isa't-isa pero nangako sila na paminsan-minsan ay


dadalaw sila sa'kin.. Basta itago ko lang daw yung bolang crystal dahil yun yung
daan para madali silang makapunta dito..

Nang bumalik ako sa'min.. Walang kahit na anong galit o sama ng loob ang ipinakita
nina mommy sa'kin.. Masaya silang tinanggap ako, at tuwang-tuwa ng sabihin kong
magaling na ako.. Nung una hindi sila makapaniwala, kaya dinala pa nila ako sa
ospital para gawan ng mga test, at lahat negative.. Wala na talaga akong cancer..
Hinanap din nila si Tyler, pero kailangang magsinungaling na naman ako.. Sinabi ko
na lang na naghiwalay na kami, na para yun sa ikabubuti naming dalawa..

EPILOGUE

Limang daang taon ang nakalipas.. Oo buhay pa ko.. Kahit ako hindi makapaniwala..
Napansin kong nadadagdagan ang edad ko pero hindi ako tumatanda.. Tulad ng mga
tiga-Xeteria.. Nag-stop yung pagtanda ko sa edad na 20.. Minsang nagkaroon kami ng
reunion, nagulat yung mga classmate ko dahil sa edad kong 50 mukha pa din daw akong
bata.. Pinag-usapan tuloy ako ng lahat.. May nagsabing retokada daw ako, na
ginagamit ko yung yaman ng pamilya ko para sa pagpapaganda ko.. Pero ang worst ang
hindi mamatay-matay na witch daw ako.. At kanino pa ba manggagaling yun kundi sa
malditang si Camille na nalosyang na sa pag-iintindi sa lasenggo niyang asawa at sa
mga suwail niyang anak.. Karma nga naman..

Dumaan muna ako ng bakeshop para bumili ng cake, ngayon kasi ang anniversarry namin
ni Tyler.. Papunta ako sa graden ng school na ngayon pala ay pagmamay-ari ko na..
Pero walang nakakaalam, isang malaking sikreto at palaisipan sa lahat kung sinong
nakabili ng school.. Maraming pagbabago ang ginawa ko sa school.. Lahat ng nag-
aaral dito mga scholar, at ang mga pinipili ko yung mga walang kakayahan na pag-
aralin ng mga magulang nila pero matatalino.. O kaya naman yung mga medyo kinulang
sa talino pero nasobrahan naman sa kasipagan, at malaki ang mga pangarap sa buhay..
Naiisip ko kasi yung sarili ko.. Kagaya din nila ako noon..
Malaki na din ang ipinagbago ng school sa pisikal na aspeto nito.. Luma na rin kasi
yung mga building at hindi na ligtas para sa mga estudyante kaya ipinagigiba at
pinagagawan ko na ng bago.. Ang tanging walang pagbabago ay yung garden ng school..
Nakatayo pa rin yung malaking puno.. Hindi pa rin sementado ang parteng ito.. at
yung upuan na gawa sa bato pero unti-unti ng natibag ng panahon, makikita pa rin
yung bakas nito..

Umupo ako sa kapirasong bato na parte nung dating upuan.. Inilabas ko yung cake,
saka ko inilagay yung kandila na hugis number 5 at dalawang hugis 0 .. Isang pitik
ko lang nagkasindi na yung kandila.. Kaso biglang humangin ng malakas kaya namatay
ito..

Pipitik pa lang sana ako uli ng biglang sumindi muli ito.. Pero ang ipinagtaka ko,
yung kulay ng apoy iba.. Imbis na pula, dahil yun ang kulay ng apoy ko.. Kulay blue
ito..

Iniikot ko yung tingin ko sa paligid nang may nakita kong lalaking nakatalikod..
Kulay blue yung buhok niya na parang may halong kulay pula..

"Patrick?" tanong ko, kasi ang tagal na din nung huli kaming magkita.. Pero kahit
naman sa matagal na yun, alam ko pa din naman na tubig ang kapangyarihan ni Patrick
at hindi apoy.. o baka naman nag-evolve siya? Dalawang elemento na ang kaya niyang
kontrolin..

O baka naman.. Ibinaba ko kaagad yung cake sa tabi ko at tumingin sa mga palad ko..
Yung tattoo ko, iba nang itsura nito..

"Hannah.." alam niya yung pangalan ko "..naniniwala ka ba sa reincarnation?"

My Hot Alien Boyfriend *Special*

Oo, tama kayo bumalik siya.. Hindi ako makapaniwala, kahit siya rin.. Sinong mag-
aakalang totoo ang reincarnation.. Sa mundo man nila o sa'kin..

"Hannah.. naniniwala ka ba sa reincarnation?" nang bigkasin pa lang niya yung


pangalan ko, nang marinig ko ang boses niya.. Hindi ako pwedeng magkamali.. Kahit
nakatalikod pa siya at hindi ko nakikita yung mukha niya.. Kahit ba iba na yung
kulay ng buhok niya.. Alam kong siya yun..

Ang mabilis na pagtibok ng puso.. Ang nagliliyab na marka sa mga palad ko..

"Tyler.." kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, binanggit ko yung pangalan niya at
tumakbo papunta sa kanya, dahan-dahan siyang humarap sa'kin..

"Hannah.. Kamusta ka na?" ano ba namang tanong yun.. hindi ko sinagot yung tanong
niya, hinawakan ko siya sa leeg, hinatak palapit sa'kin saka ko siya hinalikan..
Kung may nakakakita sa'min sobrang PDA kami.. Pero buti na lang Linggo at walang
pasok..

"Wow, namiss mo ko ng sobra.." pabirong sabi niya..

"500 years Tyler.. 500 years!" ang tagal kong naghintay kahit hindi ko naman alam
kung babalik nga siya..

Niyakap niya ko ng mahigpit.. "Sorry kung ngayon lang.." sinabi niya sa'kin na nung
ipanganak daw siya ulit wala siyang kahit na isang ala-ala sa nakaraang buhay
niya.. Pero mula ng magka-isip siya araw-araw siyang nananaginip ng isang babae na
hindi kabilang sa mundo nila.. Sinimulan niyang iguhit ang mukha ko hanggang sa
mapuno yung buong kwarto niya.. At nang minsan daw na nasa labas siya at ginuguhit
ulit ang larawan ko bigla na lang 'tong tinangay ng hangin.. Isang lalaki daw ang
nakapulot nito at nag-abot daw sa kanya.. Si Chris pala yung lalaking tinutukoy
niya.. Nung una ayaw daw niyang maniwala sa pinagsasasabi nito.. Hanggang sa
ipakilala daw sa kanya sina Patrick at Michael pati na rin sina Sarah, Cynthia at
Samara..

"Ang dami nilang pinakitang larawan galing dito sa mundo mo.. Larawan na magkasama
tayo.. Gulong-gulo yung isip ko, hanggang sa isang araw nanaginip ulit ako..
Napaginipan ko 'tong lugar na'to.. Yung huling araw na magksama tayo.." hindi ko na
pinatuloy pa yung mga sasabihin niya.. Ayoko ng maalala pa yung araw na yun.. Ang
importante sa'kin ngayon bumalik na siya..

---------------------------

Ngayon kasal na kami ni Tyler.. At hindi lang isang beses kaming ikinasal kundi
dalawa tulad ng pangarap ko noon..

Una sa tradisyon sa mundo ko.. Sa simbahan, sa harap ng isang pari..


At yung katatapos lang kanina dito sa mundo nila.. Dito sa Xeteria..

"Hannah.. hindi ka pa ba tapos?" tawag ni Tyler mula sa kabila ng pintuan nitong


banyo.. Honeymoon kasi namin ngayon.. First night namin 'to.. Kahit kasi ikinasal
na kami noon sa pari, walang nangyaring honeymoon.. Sabi ko kasi sa kanya gusto ko
pagkatapos na ng kasal namin dito.. At tsaka hindi kami pwedeng maghoneymoon sa
earth kasi baka masunog namin yung buong bahay.. Alam niyo na.. Ang init eh..
Hehehe.. ^__^

Binuksan ko na yung pinto at nasa bungad palang ako.. Hinatak na niya agad ako
palapit sa kanya gamit ang isang parang lubid na gawa sa apoy.. Pinulupot niya yun
sa bewang ko hanggang sa mahatak ako papalapit sa kanya.. Dahil nga gawa sa apoy
yung lubid nahati yung damit ko sa gitna at yung ibabang parte nahulog sa baba..

"Tyler yung damit ko! Ang mahal ng bili ko dito!" pagmamaktol ko, dahil sinira niya
yung damit ko.. T__T

"Bibili na lang tayo ng bago.. Tignan mo ko wala na kong suot.." sabay turo niya sa
baba.. Wala akong nakitang damit kundi abo na lang.. Kailangan talaga sunugin?
Tamad lang hubarin?!

At may isa pa kong nakita sa baba... Waaaahhhhh!!! Wala na nga pala siyang suot!
Takip mata! Ngayon ko lang kasi ulit siya nakitang ganyan.. Ngayon ko lang ulit
nakita yun.. Yung alam niyo na.. Basta yun..

Eeeehhhh!!

"Tanggalin na rin natin yung sa'yo.."

*gulp*

Ang init pinagpapawisan ata ako.. Teka apoy powers ko tapos naiinitan ako? Naman
Tyler.. Why so hot kasi??!

Sige na nga ba-bye na.. Hindi ko na kasi pwede ikwento yung mga susunod.. Magiging
masyadong mainit.. Hehe.. Sa'min na lang yun ng aking
HOT ALIEN HUSBAND..

You might also like