You are on page 1of 1

Sa Pagtatago, wala itong maidudulot sayo

-Katriel Ann Macaraig

Binalaan ni Aguirre ang mga miyembro ng organisasyon tungkol sa namatay dahil sa Hazing.

Ipinatawag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga naturang suspek sa haxing victim na si
Horacio “Atio” Castillo III na huwag magtago at sabihin ang totoong nangyari sa sinapit ng Law
Student ng University of Santo Tomas (UST).

Binigyang babala ni Aguirre ang mga sangkot sa pagkamatay ni Atio na natagpuang wala ng buhay sa
isang punerarya ng Tondo, Maynila.

“To those who know anything about what happened to Horacio Castillo III, if you were there when it
happened, then you have blood on your hands, time to wash it with the truth and with justice for
Atio.” Sinabi ni Aguirre sa isang pahayagan.

“Hiding wont do you any good. Running from the truth is like being locked up in a jail with no bars. By
your silence you have already imprisoned by yourself.” dagdag pa niya.

Noong Biyernes, sinabi ni John Paul Solano, isang pinaghihinalaaang suspek, na hindi siya parte ng
organisasyon (Aegis Juris Fraternity) at sinubukan pa niyang isugod sa Chinese General Hospital ang
biktima na agad namang idineklarang Dead On Arrival.

Pinangalanan naman ni Solano ang mag-amang sina Antonio Trangia at anak nitong si Ralph na agad
ng nakalabas ng bansa. Siniguro naman ng Bureau of Immigration na wala ng suspek ang makakalabas
pa ng bansa.

Samantala, pinagtibay ni Aguirre na nilapitan siya ng dalawang posibleng suspek at sinabi na ang
organisasyon ay di nalilimitahan ang kanilang miyembro sa pagbibigay impormasyon tungkol sa
pagsisimula ng kanilang organisasyon.

“We were told that senior fraternity members would not allow them to go out or talk and were
ordered to invoke the rode of silence.” wika pa ni Aguirre.

You might also like