You are on page 1of 1

Ang Hudyat ng Paglubog ng Araw

-Marianne Buendia

Alam ng mga estudyante ng Our Lady of Lourdes Academy ang hirap at takot na dinaranas kapag
pumapatak na ang 6:30 ng gabi, lalo na kung sila ay nasa labas pa rin- gumagawa ng kanilang proyekto,
presentasyon, at iba pang mga gawain. Sa totoo lang, kapag nasa labas pa rin ako sa oras na iyon,
natataranta ako kaiisip sa mga maaaring mangyari at parusa kapag ako ay nahuli.

Pakiramdam ko, nasa isa akong palabas na tungkol sa misteryo at gulatan, dahil rin siguro sa hangin
kasama pa ang mabilis na tibok na aking puso. Ang mga kakaibang talento na parang pang ninja ay
umaabot sa ika-99 na lebel para lamang hindi ka nila mapansin sa madilim at sulok ng bahagi ng daan.
Tapos, maglalakad ka ng mabilis na hindi mo karaniwang hakbang at ang nais mo lamang ay ang maka-
uwi ng ligtas at maayos.

Ang “curfew” ay itinalaga ng paaralan para sa kaligatasan ng mga estudyante sa kapahamakan na


maaaring mangyari tuwing gabi. Tinuturuan rin tayo nito ng halaga ng pagiging disiplinado at ang halaga
ng mas maayos na pamamahala ng ating oras. Ang mga magulang din natin ay makakampante sapagkat
alam nila na tayo ay nasaloob na ng bahay sa mga oras na iyon. Natutulungan din tayo nitong maiwasan
ang kakulangan sa pagtulog at ang maging masigla sa klase.

Samantala, ang pagkakaroon ng curfew ay parang hindi patas at walang dahilan para sa iba dahil sa
limitadong oras na ibinibigay. Yung katotohanan na minsan, kailangan talaga nating manatili sa bahay ng
ating mga kaklase upang tapusin ang ibang mga gawain. Bilang resulta, hindi natin nasunod ang tuntunin
kaya tama lang maranasan natin ang maparusahan.

“If you can’t follow the rules and regulations of this institution, the gate is widely open, and you are free
to go.” Ito ay isa sa nakakasindak na paalalang madalas nating marinig kay Mr. Mark Anthony Tabunan,
ang punong guro na tuwing may hindi susunod sa tuntunin, at sapat na sa akin na manatili na lang sa
bahay tuwing papatak na ang 6:30 ng gabi, kaysa gumawa ng reports at mag-ensayo ng iba’t-ibang mga
aktibidad.

You might also like