You are on page 1of 10

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula
Ang aklat ay isang instrument upang makuha at makilala ng lubusan ang mga
ideya, kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa
pahina upang maibigkas ito sa pamamagitan ng pasalita. Ang pagbasa ay nagbibigay
ng impromasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan,
kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t
ibang karanasan sa buhay. (Toze) Ang pagbasa ay nakakapagpalawak ng pananaw at
paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang
suliranin. (Arogante). Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran
ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. (Baltazar, 1997)
Sumibol ang panahon at nagpumayagpag ang paggamit ng teknolohiya at
nagkaroon ng malaking tulong sa pag-unlad ng bawat bansa sa kahit ano mang
larangan maging negosyo, balita, soyalismo at maging sa edukasyon. Di maikakaila
na unti-unting tinanggap ng lipunan ang teknolohiya sa larangan ng edukasyon na
unang ginamit ng mga guro sa pagtuturo. Nagsimula sa paggawa ng mga aralin at
paggamit ng teknolohoya bilang modernong kagamitang pampagtuturo.
Sa paglipas ng panahon ay hindi natin maikakaila na maging ang mga
impormasyong ating natututunan sa paaralan ay nagmumula na din sa internet.
Nagmistulang silid-aklatan ng mga guro upang makakalap ng mga aralin na bago,
angkop sa aralin at kapakipakinabang. Natutong gumamit ng tradisyunal na paraan ng
pagkalap ng aralin sa mga aklat at ng modernong paraan na pagkalap sa internet.
Ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay natutuhan na rin gumamit ng
teknolohiya tulad ng mga guro at natuto na rin maghanap ng mga impormasyon sa
internet gamit ang iba’t ibang website. I-type mo lamang sa internet ang salitang
iyong hinahanap at lalabas ang samut-saring website na iyong pamimilian na
madaling intindihin at aangkop sa iyong hinahanap.
Oo, tama at marami na nga ang nagsilabasang mga website dahilan na rin ay
upang ipaabot sa buong mundo ang mga impormasyon mula sa malayong lugar.
Napakadali ng maghanap ng impromasyon at di mo na kinakailangang pumunta sa
iba’t ibang lugar upang maghanap pa. Di na lamang sa Facebook na kilalang website
ang ginagamit ngayon upang magtanong sa iyong guro o kakilala patungkol sa iyong
hinahanap. Makakapanood ka na rin sa Youtube ng iba’t ibang bidyo patungkol sa
iyong hinahanap na mas maiintindihan mo pa kung iyong panonoorin. Maliban dito
ay nagsipagsulputan pa ang maraming website gaya ng LinkIn, Coursehero, mga
blogs at marami pang iba.
Sa dami ng mga website na nagsilabasan na sa internet hindi mo maikakaila na
may mga impormasyong makakalap na di tugma sa bawat isa. May kanya-kanyang
opinyon ang bawat website sa isang artikulo o aralin na makikitaan ng pagkakaiba at
kumplikasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa madaling salita, may mga website
na hindi tumpak ang impormasyon o kulang na magdudulot ng kakulangan sa
pagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral.
Hindi na rin natin maikakaila sa panahon ngayon na maging ang mga website
na nuo’y ating pinagkukunang impromasyon ng libre, ilan sa mga ito ngayon ay
marami ng kondisyon bago mo magamit o kailangan mo pang gumastos. Malayo na
rin ang narating ng teknolohiya at internet at maging ang paggamit nito sa edukasyon
ay hindi malayong tuluyang pasukin ng mga negosyanteng handang tumulong sa pag-
unlad ng kaalaman ng mga mag-aaral na may kapalit na halaga.
Batay sa mga nabanggit sa itaas patungkol sa maganda at di magandang dulot
ng paggamit ng website sa pag-aaral, nagkaroon ng interes ang mga mananaliksik
upang malaman ang tugon at saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng webite.
Aalamin ang pidbak ng mga mag-aral ng United School of Science and Technology
Colleges Inc. (USST Colleges) particular sa unang taon na kumukuha ng Batsilyer ng
Agham sa Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino sa paggamit ng mga
website o bilang alternatibong silid-aklatan.
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang saloobin ng mga mag-aaral at
suhesyon sa pamamagitan pagkuha ng mahahalagang datos na dapat maitala o
maisulat. Halimbawa na lamang ang nararanasan nila sa paggamit ng teknolohiya,
internet at website.
Makatutulong ito upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral
ang wastong paggamit ng website na may tumpak na impormasyon ukol sa kanilang
mga aralin. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito malalaman ang mga kabuoang
solusyon sa mga suliraning natatamo ng mga mag-aaral ng unang taon.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pagpapakilala ng pananaliksik na ito ay mahalagang pag-aralan upang
mabigyan ng sagot ang mga isyu ng mga mag-aaral sa kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan sa paggamit ng website sa kanilang pag-aaral. Makatutulong ito
upang malaman kung sapat ba ang tulong ng website.
Sa pag-aaral na ito, maririnig ang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng
website bilang alternatibong silid-aklatan. Layunin din ng pag-aaral na ito na sagutin
ang mga sumusunod na katanungan kaugnay tulong sa mga mag-aaral ng paggamit ng
website bilang alternatibong silid-aklatan.
1. Paano mailalarawan ang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng website
bilang alternatibong silid-aklatan.
1.1 Layunin
1.2 Nilalaman
1.3 Pagkatuto
2. Paano mailalarawan ang antas ng pagtangap mula sa mga;
2.1 Guro
2.2 Mag-aaral
3. Ano-ano ang implikasyon na nabuong mungkahi bilang kagamitang
pampagkatuto ng mga mag-aarl ng unang taon Asignaturang Filipino?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa mga Guro. Ito ay makatutulong sa mabilis na pagkalap ng araling ituturo sa
mga mag-aaral. Makatutulong din ito upang maiwasan ang kaguluhan ng isip ng mga
mag-aaral sa tulong na rin ng pagkakaroon ng iisang reperensyal sa araling
tinatalakay.
Sa mga Mag-aaral. Ito ay makatutulong sa mabilisan, tumpak, at malawakang
pagkalap ng mga impormasyon ukol sa mga aralin. Makatutulong din ito upang mas
lalong mapalawak ang saklaw kanilang kaalaman mula sa maaasahang reperensyal sa
araling tatalakayin.
Sa mga Magulang. Ito ay makakapagbigay linaw kung gaano kahalaga ang
paggamit ng internet at websites sa kanilang mga anak. Makakatulong din ito upang
maunawahan nila na sa modernong panahon na ang internet at website ay
nakaapagbibigay ng mga kaalaman at impormasyon ukol sa mga aralin ng kanilang
mga anak.
Sa mga Mananaliksik. Ito ay makapagbibigay ng paliwanag ukol sa halaga ng
internet at website na magiging reperensyal sa pag-aaral sa modernong panahon.

Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay ukol sa saloobin sa paggamit ng website bilang
alternatibong silid-aklatan sa pag-aaral ng mga unang taon sa kursong edukasyon ng
Medyor sa Filipino. Ito ay isasagawa sa taong panuruan 2021-2022. Ang mga
respondante ng apatnapu(40) na mag-aaral ng kumukuha ng kursong edukasyon na
Medyor sa Filipino sa paaralang United School of Science and Technology Colleges
Inc.(USST Colleges)

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Aklat. Ang aklat o libro ay mga pinagsamasamang mga nailimbag na salita sa
papel. Naglalaman din ang ibang mga aklat ng mga larawan. Ito ay instrumenong
ginagamit ng guro sa pagkalap at pagbibigay ng impormasyon at kaalaman.
Kadalasang maraming mga pahina ang mga ito.
Alternatibo. Ang alternatibo ay pansamantalang mapalitan ang mga
nakagawiang pamamaraan sa isang mas makabago at pansamantalang gawi. Iba – iba
ang mga nakagawian ng mga tao lalo na at nakagawian n nila o ritwal na nilang
ginagawa ang isang bagay. Ngunit dumadating ang mga bagay na naghahanap tayo ng
makabago, mabilis at epektibong pamamaraan. Kaya kadalasan ang salitang
alternatibo ang ginagamit natin upang mas higit na maintindihan at pansamantalang
magamit ang mga bagay na hindi pa natin nagagamit.
Alternatibong Silid-aklatan. Ang alternatibong silid-aklatan ay ang mga
website na naglalaman ng mga impormasyon na maaaring magamit sa mga talakayin
o mga aralin. Kadalasan itong ginamit ditto ay mga computer.
Blogs. Ang blogs ay isang website na nagbibigay-daan sa paglikha at
pagpapakalat ng nilalaman, sa karamihan ng mga kaso, sa isang tiyak na paksa at
kung saan ang kaalaman at opinyon ay ibinahagi sa isang regular na batayan.
Computer. Ang computer ay isang elektronikong kagamitan na ginagamit sa
pagkalap ng impormasyon mula sa mga websayt at ginagamit din bilang isang
kagamitan tungo sa isang maunlad na komunikasyon.
Internet. Ang internet ay isang napakalaking kumbinasyon ng mga bilyun-
bilyong computer at iba pang nakakonektang device na matatagpuan sa buong mundo
at nakakonekta sa pamamagitan ng mga cable at wireless signal. Ang malaking
network na ito ay kumakatawan sa mga personal, negosyo, pang-edukasyon at mga
aparatong gobyerno na kasama ang malalaking mga pangunahing yunit, mga desktop
computer, smartphone, smart home gadget, personal tablet, laptop at iba pang mga
device.
Pagbasa. Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo osagisag ng nakalimbag at
pagpapakahulugan ointerpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gustong manunulat nailipat sa
kaisipan ngmambabasa Ito ay nangangailangan ng kakayahangpangkaispan dashil alam ang
tunog(ponema) ngnaisulat na letra.
Reperensyal. Ang reperensyal ay tumutukoy sa pagrerekomenda ng iba pang
sanggunian tungkol sa isang paksa. Dito ay kadalasang binubuod ng manunulat ang ideya ng
ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan. Ito ay maaaring sa paraang parentetikal,
footnotes at endnotes.
Silid-Aklatan. Ang silid-aklatan ay isang espasyo na kung saan naglalaman ng iba’t
ibang klase ng aklat na magagamit sa paghahanap ng kasagutan sa mga ulat, aralin, at
pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Social Media. Ang social media ay orihinal na nilikha bilang isang paraan upang
makipag-ugnay sa mga matagal nang nawala na kaibigan, o sundin lamang kung ano ang
ginagawa ng iyong mga kaibigan sa online sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Teknolohiya. Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga kagamitan na ginagamit o
nadebelop upang mapadali ang buhay ng tao. Ito ay maaaring kagamitan sa komunikasyon,
produksyon, o iba pa. Mahalaga ito sapagkat napapabuti din nito ang kalidad ng ating buhay.
Nagagamit natin ang teknolohiya sa paggamot ng mga sakit. Ito rin ay susi sa pagpapalawak
ng kaalaman.
Website. Ang website ay isang link na pinagkukunan ng mga impormasyon.
Kadalasan itong ginagamit ng mga mag-aaral sa pagkuha ng mga datos na ginagamit sa
kanilang pag-aaral.
Youtube. Ang youtube ay isang website para sa pagbabahagi ng mga video na na-
upload ng mga gumagamit sa Internet, samakatuwid, ito ay isang serbisyo sa pagho-host ng
video. Karaniwang ginagamit ito sa pagbabahagi ng kaalaman para sa mga manunuod.
Kabanata 2

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naghahayag g mga kaugnay na literature at pag-aaral na


makabuluhang ginamit sa pananaliksik upang makita ang kahalagahan ng mga
website bilang isang alternatibong silid-aklatan at matukoy ang saloobin ng mag-aaral
sa paggamit nito sa kanilang pagkatuto.

Kaugnay na Literatura
Maraming mga pagbabago ang naganap sa kasalukuyang panahon na
nagpabago sa daloy ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa kasalukuyan na sa kanya-
kanyang mga tirahan ang mga mag-aaral at doon idinaraos ang araw-araw nilang pag-
aaral sa pamamagitan ng mga modules at gamit na rin ang makabagong silid-aralin na
kung saan ginagamitan ito ng mga gadgets tulad nalamang ng mga laptop, cellphone
at mga computer.
Ayon kay Dr. Howard Gardner (1983) na Verbal o Linguistic ay ang talino sa
pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito
ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at
mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat,
nakikinig, o nakikipagdebate. Upang mahubog ang ganitong talino naging gabay ang
limang makrong kasanayan sa pagkatuto na pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat
at panood sa pagkatuto.
Ayon sa isang pag-aaral (Anonymous, 2017) ang isang mahalagang bahagi
ang teknolohiya sa modernong panahon ay upang mas maayos na maipakita ang mga
aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya simula pa
noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung
saan ay maari kang mag suri, mag siyasat at mag saliksik ng mga bagay na ninanais
mong nalaman o kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit sa makabagong panahon
ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon
ay ang mga kompyuter na maaring maka-access ng internet. Ang Internet ay mas
lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang kahalagahan ng
kaalaman o di ka makakapa siyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong naibabahagi
ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.
Ayon kay Bertllo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag
ng teknolohiya. Sa katunayan, itoy isa sa mga pagunahing paraan kung bakit ang pag-
aaral ay nagiging madali, at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang
sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Sa tulong ng internet sa
panahon ngayon, lumabas ang iba’t ibang web browser upang magamit sa paghahanap
ng mahahalagang impormasyon tulong sa pang-araw-araw maging sa edukasyon
Ayon kay Paula Mae Guico (2018) ang website ay koleksiyon ng mga
impormasyon sa internet na ginawa at ginagamit ng mga organisasyon, institusyong
pang-edukasyon, negosyo at mga indibidwal. Dagdag pa nito, may mga educational
sites na mabilis makukuhanan ng mga dokumento at mga babasahin tungkol sa
paksang pinag-aaralan. Maraming website ang maaaring puntahan at talaga namang
kapupulutan ng mga impormasyon na punung-puno ng kaalaman. Isa itong midyum
upang makakalap ng iba’t ibang impormasyon na kakailanganin sa pag-aaral. Paalala
pa niya’y kailangan pa rin nating maging matalino at maingat sa pagpili ng mga
website na pagkukuhanan natin ng iba’t ibang impormasyon. Suriin din kung ang mga
impormasyon ay mapagkakatiwalaan at makakatulong upang masagot ang ating mga
pangangailangan at katanungan sa iba’t ibang asignatura.
Ayon sa paga-aaral ni Andrea Landicho (2016) ang Google ay malaking
tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon dahil sa pamamagitan nito, madaling
gawin ang ilang mga pananaliksik nang walang anumang nababasura na oras.
Nagbibigay ito ng mga resulta kaugnay sa hinahanap na impormasyon at ang mga
resultang ibibigay nito ay masasabing nasa kategoryang iskolastiko. Napaka laking
tulong nito sa edukasyon at sa mga mag-aaral dahil sa mga impormasyon na
nilalaman nito na napaka laking tulong. Bilang isang estudyante, dito din ako madalas
kumukuha ng mga impormasyon na aking kailangan kapag may mga takdang aralin at
mga proyekto ako na gagawin. Napaka laking tulong nito sa mga mag-aaral dahil
mabilis na nagagawa ang mga takdang aralin dahil isang pindot lang sa ‘search’ ay
may lalabas na kagad na mga impormasyon na lubos na nakakatulong para sa mga
mag-aaral.
Ani niya, ang Youtube ay kung saan maaari kang mapakanood ng iba’t-ibang
video na may iba’t-ibang paksa. Napakalaki ng tulong nito dahil maaaring
makapanood ng mga “videos” at maaari ding mapadali ang pag intindi dito dahil
napanonood na ito at hindi narin tatamarin na magbasa. Malaking tulong rin ito dahil
pag may hindi naintindihan ay isang search lang at maaari nang lumabas ang video na
gustong mapanood. Napakalaki ng naitutulong ng mga social media na ito sa mga
mag-aaral dahil hindi lang sila nagbibigay aliw subalit nagbibigay din sila ng mga
impormasyon na masasabing nasa kategoryang iskolastiko.
Nakatutulong ang Youtube sa mga mag-aaral sa panunood ng mga bidyu na
angkop at tugma sa kanilang aralin. Mas nakahihigit itong makatutulong sa mga mag-
aaral na may biswal na interes kaysa sa pagbabasa. Sa bagong henerasyon at nauuso
ang mga blog at iba’t ibang uri ng bidyu na nakapagpapaliwanag ng isang aralin at
mas tinatangkilik. Nagsisimula sa (1) deskriminatori na panood upang makinig ng
iba’t-ibang opinion at manood (2) panunood bilang kaswal o panlibang, na kakikitaan
ng aliw at libang sa pinapanood (3) komprehensibo na nagbibigyang halaga ang
mensahe ng pinapanood patungo sa (4) kritikal na panonood kung saan natuto o
naaanalisa ng mag-aaral ang napanood.
Nahahasa rin sa Youtube o iba pang uri ng website kakikitaan ng bidyo at
audio ang kanilang kasanayan sa pakikinig. Mula sa paraang (1) deskriminatibong
pakikinig na paghusga sa paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita; (2) komprehensibo
upang maunawaan ang mensahe ng tagapagsalita; (3) paglilibang upang makita nila
ang interes sa sinasalita ng tagapagsalita (4) paggamot na makikitaan ang hinaing o
reaksyon sa sinasalita ng tagapagsalita at; (5) kritikal kung saan makabubuo ng
analisis sa napakinggan.
Anonymous (2018) isa sa mga dahilan kung bakit ang internet ay mahalaga sa
edukasyon dahil ito ay madaming kayamanan na nilalaang impormasyon. Mas
maginhawa rin gamitin ang internet dahil mas madali maghanap dito ng mga
impormasyon kaysa sa paghahanap ng isang libro sa silid-aklatan.
Ayon kay Leo James English na ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa
mga nakasulat o nakalimbag ng mga salita. Dagdag pa ni Goodman na ang pagbasa at
isang saykolingwistis na paghuhula kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng
isang mensahe hango sa tekstong binasa. Ang mga mag-aaral ay malaya at marapat
ding hasain ang pagbabasa bilang isang makrong kasanayan. Kung saan natutoto
silang (1) persepsyon o sa pagkilala ng mga ponema, morpema at iba pang bahagi ng
gramatika; (2) pag-unawa kung saan kinikilala ang nakapaloob sa mga nakalimbag sa
artikulo; (3) reaksyon sa kawastuhan, kayusan at kahalagahan ng artikulong binasa at;
(4) asimilasyon o ang pag-uugnay sa mga artikulong nabasa noon at ngayon.
Ayon pa rin kay Anonymous (2018), siya ay naglahad sa kanyang
pananaliksink ng mga kaparaanan upang maging tama ang paggamit ng internet o
social media sa pag-aaral : (1) Huwag lamang umasa sa mga mapagkukunang
websites; (2) Maging mapili ka sa iyong mga paksa sa pananaliksik bago mag-log in;
(3) Alamin ang iyong mga direktoryo ng paksa at mga search engine; (4) Panatilihin
ang detalyadong tala ng mga sites na binibisita mo at ang mga sites na iyong
ginagamit at; (5) Tingnan ng mabuti ang lahat ng mga URL na inilagay mo sa iyong
papel.

Mga Sanggunian:

https://zeke7766.blogspot.com/2012/07/multiple-intelligence-pagtuklas-ng-mga.html?
m=1&fbclid=IwAR2A5ezps7luhqH9qVYkpmreZq1dSuCg_80mAUK2GXinFsdSC4
T9y7mDc30
https://filipinoblog161.wordpress.com/2017/06/30/ang-kahalagahan-ng-teknolohiya-
sa-pag-aaral/
https://www.academia.edu/16314885/Epekto_ng_Teknolohiya_sa_Pag_aaral_ng_Ma
g_aaral
https://www.slideshare.net/Joeffreysacristan/makrong-kasanayan-pagbabasa
https://prezi.com/gg9aia54kgwc/makrong-kasanayan-sa-panonood-at-mga-uri-nito/
https://paulaguico.home.blog/2018/10/20/internet-at-social-media-tulong-sa-pag-
aaral/
https://andrealandicho.wordpress.com/2016/11/10/akademikong-tulong-ng-social-
media-sa-mga-mag-aaral/
https://www.academia.edu/19603690/MGA_MAKRONG_KASANAYAN
https://pdfslide.tips/download/link/ano-nga-ba-ang-makrong-kasanayan
https://icahan.wordpress.com/2018/10/21/akademikong-tulong-ng-internet-o-social-
media-sa-pag-aaral-ng-mga-mag-aaral-sa-kasalukuyan/

You might also like