You are on page 1of 13

FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG

CSSH-ABFIL
FILIPINO

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: BACTOL, JELYN R. SEKSYON: FIL121-012.2 PETSA: 10/27/2021


LACDO-O, KRIZEL NICOLE B.
INES, MARY ANN G.
DECINILLA, HERMALYN

ANG WIKA: TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA, MGA PRINSIPAL NA ANGKAN NG WIKA, ANG
ANGKANG MALAYO PLINESYA AT ANG MGA WIKA SA PILIPINAS, ANG WIKA AT KULTURA

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

Rene Descartes
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na
aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak
gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang
kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin
nito sa kaniyang buhay.

Plato
Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa
paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng
tao ang wika kung kaya’t naimbento ito ng tao.

Charles Darwin
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination
of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya
ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin
of Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang
nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.

Wikang Aramean
May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng
mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia.
Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

Haring Psammithicus
Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si
Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol
siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mahigpit na ipinag-utos na hindi ito dapat makarinig
ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang bata
na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit
hindi ituro at ito ang pinanghahawakan ng teoryang ito.

Alin man sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang
tawag sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang
pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

pagtatalo. Bawat teorya ay may sari -sariling kalakasan at kahinaan na maaaring maging
batayan upang ating paniwalaan o di kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang
bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.

Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang
suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at
nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi
na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis Kabanata
11:1-8)

Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog
ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga
bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil
ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng
nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t
nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-
aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa
sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay
pareho lamang?

Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na
likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang
tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni
Max Muller na simbolismo ng tunog.

Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano
ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ngtuwa? Ng sarap?
Ng takot?

Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha
rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha
natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang
ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa
sa bawat particular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at
pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya
na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at
hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula
ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din
itong teoryang kontak.

Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.
Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at
walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid
na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Hocus Pocus
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan
ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw
kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga
mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.

Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno
ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak
na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang
tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay (Boeree, 2003).
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng
mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga
ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang
mother.

PRINSIPAL NA ANGKAN NG WIKA

1. INDO-EUROPEAN (pinakamalaking angkan)


A. GERMANIC
a. English-Frisian b. Dutch-German c. Scandivian
B. CELTIC
a. Breton b. Welsh c. Irish d. Scots
C. ROMANCE
a. Portuges b. Espanyol c. Pranses d. Italyano e. Rumanian f. Sarinian
g. Rhato-Romanic h. Haitian-Creole i. Catalan/Galician j. Latin
D. SLAVIC
a. Ruso b. Byelorussian/ Ukrainian c. Polish d. Czech e. Slovak
f. Serbo-Croatian g. Bulgarian
E. BALTIC
a. Lithuanian b. Latvian

2. FINNO-UGRIAN
A. Finnish
B. Estonian
C. Hungarian
D. Lappish,Mordvinia
E. Cheremiss

3. ALTAIC
A. Turkic
B. Mongol
C. Manchu-Tangus

4. CAUCASSIAN
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

A. South Caucassian
B. North Caucassian
C. Basque

5. AFRO-ASIATIC
A. Semitic
a. Ebreo b. Arabik c. Maltese d. Assyrian e. Aramaic f. Phoencian
B. Hamitic
a. Egytian b. Berber c. Cushitic d. Chad
C. Manade
D. Kwa
E. Sudanic
F. Bantu

6. KOREAN

7. JAPANESE
A. Niponggo
B. Ryuku

8. SINO-TIBETAN
A. Tibeto-Burma
a. Tibetan b. Burmese c. Garo d. Bodo e. Naga f. Kuki-Chin
g. Karen

9. MALAYO-POLYNESIAN (sumunod na pinakamalakingan angkan)


A. Indonesian
a. Tagalog b. Bisaya c. Ilocano d. Pampango e. Samar-Leyte
f. Bicol g. Chamerrong Guam
B. Malay
a. Malaya b. Batak c. Balinese d. Dayak e. Makassar
C. Micronesian
D. Polynesian
a. Hawaiian b. Tahitian c. Samoan d. Maori
E. Melanesian
a. Fijian

10. PAPUAN

11. DRAVIDIAN
A. Telug
B. Tamil
C. Kannarese ng Kanara
D. Malayalam

12. AUSTRALIAN

13. AUSTRO-ASIATIC
A. Munda
a. Santoli b. Klasi c. Nicolabarese d. Palauag e. Wa f. Mon
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

ANG WIKA AT KULTURA

Ano ang Wika?


Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay samantala, nagmula naman ang
salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila".
Ayon kay Henry Gleason, “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit
sa pagpapahayag.
Ayon naman kay Webster, “Ang wika ay isang sistematikong paraan ng
pagpapahayag ng mga ideya o damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng mga
kumbensiyonal na senyales, tunog, kilos o marka na naiintindahan ang mga kahulagan.”
Ayon kay Mangahis et al (2005), “Ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”

Katangian ng Wika
Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga
makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay
makalilikha ng mga salita (morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks)
upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na
nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Ano ang Kultura?


Ang Kultura ay ang pagsalin-salin ng mga tradisyon ng isang grupo ng tao o
komyunidad. Sa Pilipinas naman, ang kultura ay pinaghalong mga tradisyon, paniniwala,
at pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at ang mga katutubong Pilipino.
Dalawang Uri ng Kultura
1. Materyal na Kultura
2. Di-Materyal na Kultura

Ang materyal na kultura ay hango sa tradisyunal at mga nililikhang mga bagay-bagay


ng etnikong grupo. Ito ay nahahawakan at konkreto.

Halimbawa: Kasangkapan, Pananamit, Pagkain, Tirahan

Ang di-materyal na kultura ay hindi nahahawakan ngunit nakikita sa mga Gawain o


ugali ng mga tao sa isang grupo.

Halimbawa: Edukasyon, Kaugalian, Gobyerno, Paniniwala, Relihiyon,


Sining/Siyensya,Pananalita

Ugnayan ng Wika at Kultura

Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita


na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong
pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang
salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/
naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda
ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang kultura ay nalilinang dahil sa wika
at ang wika ay ang kultura mismo. Maari natin itong ituring bilang batayang gabay
sa matibay na kaugnayan ng wika at kultura bilang mabisang kasangkapan sa
pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.

Ang kultura ay nalilinang dahil sa wika. Ang wika ay daluyan ng komunikasyon at sa


pagkakaroon ng Komunikasyon ay naisasakatuparan ang ugnayan ng isang tao sa
kaniyang kapuwa. Sa pagkakaroon naman ng ugnayan ay maaring bumuo ng
pagkakasunduan at dahil ang tao ay tunay na isang sosyal na nilalang, ang
pagkakasunduang ito ang maghahantong upang magpasya upang makisama sa kapuwa
at ang pagkakabigkis na ito ay nagkakaloob sa mga tao upang magtaguyod ng isang
lipunan.

Ang wika ay ang kultura mismo. Ang kultura ay pamamaraan ng pagkilos at


pamumuhay ng isang tao na nakabatay sa kaniyang pag-iisip, ito ang pangunahing
pinagmumulan ng kaisipan ng kultura.

ANGKANG MALAYO-POLINESYO AT MGA WIKA SA PILIPINAS

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig.
Maliban sa pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang daang (100)
katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga.

Ang mga wikang katutubo sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na


kung tawagin ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang
pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan
Peninsula) hanggang sa mga bansang napapaloob sa Polynesia. Ang rehiyong nasa
baybay-ilog ng kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng
kulturang Indonesyo. May pangkat na lumikas sa kanluran patungong India, Indo-Tsina at
Indonesia. May pangkat na lumikas sa Indonesia ang siyang nakaabot sa Pilipinas
Formosa (Taiwan) at iba pang kapuluan sa Pasipiko.

Ang Baybayin ay isa sa mga suyat na ginamit sa Pilipinas. Isa itong alpasilabaryo,
at bahagi ng pamilya ng sulat Brahmi. Laganap ang paggamit nito sa Luzon at sa ilang
parte ng Pilipinas noong ika-16 hanggang ika-siglo bago mapalitan ito ng sulat Latin.
Ang ALIBATA ay mula sa Alifbata ng Arabia na pumasok sa Pilipinas nang maitindig
ang emperyong Madjapahit sa Java. Ang ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat
ang BAHASA MELAYU (Malay) na pinaniniwalaang nagmula rin sa Alifbata ay naging
lingua franca sa Timog Silangang Asya.

Sina David Thomas at Alan Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay


nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa Pilipinas ang iba't
ibang wikang ating nakikilala sa ngayon. Sila ay naniniwala na nahahati sa tatlong panahon
ang malakihang paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Polinesyo.

Ang Southern Philippine Family, noong 110 B.C. ay nahahati sa mga sumusunod
na pangkat ng wika: Sambal, Tagalog. Pampangan, Bicol, Cebuano, Butuanon, Surigao,
Kalagan, Mansaka, Batak, Cuyunon, Maranao, Maguindanao, Binukid, Dibabaon, Western
Bukidnon Manobo, Southern Bukidnon Manobo, at Subabon.
Ang Northern Philippine Family, noong 200 B.C., ito ay nahahati sa mga
sumusunod na pangkat ng wika: Inibaloi, Ifugao, Kankanai, Bontoc, Kalinga, Ilokano,
Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, at Agta.
Noong 1100 B.C., ang Philippine Superstock ay nahati sa Philippine Stock at iba
pang wika sa Timog Luzon, tulad ng Ivatan, llongot, at Baler Dumagat.
Noong 1300 B.C. ang malalaking pangkat ng mga wikang kilala sa uring Proto
Indonesian ay nahati sa "Philippine Superstock, Southern Mindanao Family/Bilaa, Tagabili,
at maaaring kasama rito ang Tiruray/, at isang angkan na kasama ang: Malay at ang
"Chamic Family" ng Vietnam.
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Quiz:

Identification:

1. Ayon sa teoryang ____________ ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya ng


mga tunog sa kalikasan.

2. Ang teoryang _________ ay ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa


mga bagay-bagay sa paligid.

3. Ayon kay_____________ nabuo ang wika dahil nakipagsapalaran ang mga tao.
Tinawag niyang Survival of the fittest, elimination of the weakest.

4. Ayon sa teoryang __________ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na


kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan
ng iba’t ibang kahulugan.

5. Ayon sa teoryang ______________ ang kumpas o galaw ng kamay ng tao base sa


kanyang ginagawa ay particular na ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng
taong lumikha ng tunog na kalauna’y nagagamit sa pagsasalita.

6. Ayon kay ____________ hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa
kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao.

7. Ito ay itinuturing na pinakamalaking angkan ng wika ____________.

8. Ikalawang pinakamalaking angkan ng wika at pinagmulan ng wikang ginagamit sa


Pilipinas _________________.

9. Ang __________ ang Prinsipal na wika ng Niponggo at Ryuku.

10. Ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, ay


nangangahulugang ________?

11. Isang sistematikong paraan ng pagpapahayag ng mga ideya o damdamin.

12. Ang pagsalin-salin ng mga tradisyon ng isang grupo ng tao o komyunidad.

13. Anong pamilya ng wika napapaloob ang mga wikang katutubo sa Pilipinas?

14. Ano ang lingua franca sa Timog Silangang Asya?


FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama, at kung mali ay ilagay ang tamang
sagot.
1. Afro-Asiatic ang pinakamalaking angkan ng wika.
2. Ang principal na wika ng Tibeto Burma ay Sino-Tibetan.
3. Ang kultura ay may dalawang uri.
4. Mayroong labinlimang principal na angkan ng wika.
5. Ang ALIBATA ay mula sa alifbata ng India bago ito pumasok sa pilipinas.

Enumerasyon:
Magtala ng pitong (7) teorya na pinagmulan ng wika.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
Magtala ng (4) apat na angkan ng wika.
1.
2.
3.
4.

PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Gumuhit ng poster na nagpapakita ng ugnayan ng wika at kultura. Isang kinatawan
ng grupo ang maglalahad ng poster sa klase.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
(5) Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag ng maayos ang ugnayan
ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kumbinasyon ng kulay upang
maipahayag ang nilalaman, konsepto at mensahe
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster
(Originality)
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon
Presentasyon
Kabuuang Puntos
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

ANSWER KEY:
Identification:

1. Bow-wow
2. Coo-coo
3. Charles Darwin
4. Ta-ra-ra-ra-boom-de-ay
5. Ta-ta
6. Rene Descartes
7. Indo-European
8. Malayo-Polynesian
9. Japanese
10. Dila
11. Wika
12. Kultura
13. Wikang Austronesyo (Austronesian Languages)
14. Bahasa Melayu (Malay)

Tama o Mali:

1. Indo- European
2. TAMA
3. TAMA
4. Labing-tatlo
5. Arabia

Enumerasyon:

1-7
Tore ng Babel Bow-wow
Ding-dong Pooh-pooh
Yo-he-ho Yum-yum
Ta-ta Sing-song
Hey you! Coo Coo
Babble Lucky Hokus Pokus
Eureka! La-la
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Mama

1-4
INDO-EUROPEAN ALTAIC
FINNO-UGRIAN CAUCASSIAN
AFRO-ASIATIC KOREAN
JAPANESE SINO-TIBETAN
MALAYO-POLYNESIAN PAPUAN
DRAVIAN AUSTRALIAN
AUSTRO-ASIATIC
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

• Sa klasipikasyon ni Conklin 1952 ay pinangkat niya ang lang wika sa Pilipinas sa dalawa:
Iloko-type at Tagalog-type, batay sa korespondensya ng mga tunog at iba pang katangiang
panlinggwistika. • Ang Ilokano at Pangasinan ay isinama niya sa pangkat ng Iloko-type,
samantalang

ang Tagalog, Bicol, Hiligaynon, at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat ng


Tagalog-type. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito. • Ang isa
pang pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na ginagamit din ng
lexicostatistics ay ang kina Fox, Sebley, at Eggan 1953. Gumawa sila ng

panimulang GLOTTOCHRONOLOGY para sa Katimugang Luzon. Ang Glottochronology


ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga anak na
wika sa kanilang inang wika, at gayundin, kung anu anong petsa nakahiwa-hiwalay o
nagkawatak-watak ang nasabing mga anak na

wika pagkatapos mahiwalay sa inang wika.

• Sang-ayon sa kanila, ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon, matangi

sa llongot, ay mapapangkat lamang sa isa.

Ang Northern Luzon Type, anila pa, ay mahahati pa rin sa mga sumusunod: Northern
Division, Central Division, Southern Division, Southeastern Division.

• Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen, kinikilalang pinakapangunahing lingwistika ng


wikang Malayo-Polinesyo sa mga wikang Austronesian ay mababanggit din dito.
Lexicostatistical din ang paraang ginamit ni Dyen, kasama sa kaniyang pag-aaral ang 60
wika sa Pilipinas.

• Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging resulta ng pag-
aral ni Dyen, matangi sa isang pagkakaiba: Hindi tinanggap ni Dyen na malapit ang
relasyon ng Tagalog at Kapampangan. Sinabi niyang higit na malapit ang Tagalog sa
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Cebuano at Kuyunon kaysa Kapampangan.

• Mapapansin sa nasabing klasipikasyon na:

1. Ang Tagalog, Kapampangan, Cebuano, at Bicol ay higit na magkakalapit sa isa't isa


kaysa Ilocano at Pangasinan na magkalapit din sa isa't isa;

• 2. Ang Tagalog ay higit na malapit sa Kapampangan kaysa Cebuano o Bicol.

Sanggunian:

Cruspero, D.M. (September, 2011) Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan. p2.

De Mesa, A.R. (2019) Angkang Malayo-Polinesyo at Mga Wika Sa PIlipinas. Scribd.


Nakuha mula sa https://www.scribd.com/document/438655802/Hand-out-
Angkang-Malayo-Polinesyo-at-Mga-Wika-sa-PIlipinas-docx

Kadipan (n.d.) Wika - katuturan, kahalagahan, katangian at antas Nakuha mula sa


http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/wika-katuturan-kahalagahan-
katangian-at.html?m=1

Ki (February 2020).Kulturang Pilipino (Philippine Culture). PhilNews. Nakuha mula


sa https://philnews.ph/2020/02/06/ano-ang-kultura-kulturang-pilipino-
philippine-culture/

Merriam-Webster. (n.d.).Language. In Merriam-Webster.com dictionary. Nakuha


October 27, 2021, mula sa https://www.meriam-
webster.com/dictionary/language.

You might also like