You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-B (MiMaRoPa)
Division Of Palawan
Sofronio Española District
SINCAB ELEMENTARY SCHOOL
Pulot Interior, Sofronio Española, Palawan

Petsa:__________________

_______________________

_______________________

_________________________

Ginoo/Gng:

Pagbati ng kapayapaan at pagkakaisa!

Ang Sincab Elementary School sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Parents-


Teachers Association at Community Chieftain ay nagpaplanong isagawa ang
konstraksyon ng aming School Stage na maaaring maging kapaki-pakinabang para sa
paaralan sa lahat ng mga aktibidad at gawain nito. Bagamat ito ay mayroon ng
materyales mula sa Special Education Fund (SEF) tulad ng bakal, semento, pako, yero
ngunit ito ay hindi sapat upang maisakatuparan ang pagpapatayo nito sa darating na
November 15-19, 2021.

Kaugnay nito, kami ay kumakatok sa inyong bukas-palad na puso na tulungan kami


sa paraang pinansyal o maari namang punan ang kakulangan ng materyales para sa
proyektong ito.

Kalakip ng liham na ito ay ang Program of Works at iba pang mga kinakailangang
dokumento ng naturang proyekto para sa inyong reperensiya.

Inaasahan po namin ang iyong positibong tugon sa bagay na ito na direktang


gagamitin para sa kapakinabangan ng ating mga mag-aaral at komunidad.

Sumainyo nawa ang diwa ng pagbibigayan ngayong nalalapit ang panahon ng Pasko!

Maraming salamat po!

_______________________ _______________________
_ _________
MERCELYN A. RACHELLE VALENCIA
MALVAS NEWANG
PTA Secretary PTA President

___________________
MOKOY NEWANG
Community Chieftain
_____________________________________________________________________________________
Sitio Sincab, Bgy. Pulot Interior, Sofronio Espanola, Palawan.
09502255777 www.SincabES.com
170568ses@deped.gov.ph Sincab Elementary School

You might also like