You are on page 1of 56

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan

GAWAING PAMPAGKATUTO
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pagkatuto
(Baitang 4)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.

Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, PhD., CESO V, DepEd R02
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD,CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : GILBERT N. TONG, PHd, CEO VI, CESO V, City of Ilagan
Asst. Schools Division Superintendent : NELIA M. MABUTI, CESE, City of Ilagan
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : SAMUEL P. LAZAM, PhD, City of Ilagan
Development Team
Writers: MICHELLE V. JOSE,SONIA B. BAYARONG, LYLYJEAN U. DELOS SANTOS,
MAILYN U. MANSIBANG, PRISCILLA R. LAURETA, MYLENE C. MARGIN,
MARIA CONCEPTION A. TAMULTO, NAMNAMA D. GABA, RUBILYN L. PASCUA,
MARY ANN B. LIMON, ROBERTO REY R. RODRIGUEZ, SUSAN C. SALINAS,
RELINA G. BALICANTA, PRECIOUS MEI F. ALEGRE, CRISPINA L. MATA,
DELIA L. RUMBAOA, FLORDEBIE G. GICOLE, JOBELIE S. FAMUCOL,
LORENZO T. GABA JR., ESPERANZAC. GABA, VILLERMA V. CALATAYUD,
VILMA M. SUESEN, MARISOL M. DIARIOS
Content Editor: EVA O. DELA CRUZ, Education Program Supervisor – ESP
Regional Quality Assurance Team: MAYLYN BATALLONES, LUISA OLAYA, MARJORIE YASTO
Language Editor: EVA O. DELA CRUZ, Education Program Supervisor – ESP
Layout Artists: JAY-AR ULEP, ISAT City of Ilagan
Focal Persons: EVA O. DELA CRUZ, Education Program Supervisor – ESP
EMELYN M. TALAUE, Division LRMS Supervisor
RICHARD O. PONHAGBAN, Education Program Supervisor– EsP, CLMD, DepEd R02
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD, DepEd R02

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City
1
Practice Personal Hygiene protocols at all times
TALAAN NG NILALAMAN
Kompetensi Pahina
Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng tulad 1
ng: (EsP4P-IIa-c-18)
1.1 pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob;
1.2 pagtanggap ng puna ng kapwa nang maluwag sa kalooban;
1.3 pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng damdamin sa pagbibiro
Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita 13
ng pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng kapwa (EsP4P-IId-19)
Naisasabuhay ang pagiging bukas-palad sa 17
1.1 mga nangangailangan
1.2 panahon ng kalamidad (EsP4P-IIe-20)
Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon: 25
1.1 oras ng pamamahinga;
1.2 kapag may nag-aaral;
1.3 kapag mayroong maysakit;
1.4 pakikinig kapag may nagsasalita/nagpapaliwanag;
1.5 paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa;
1.6 palikuran

Pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng


pakikipagkapwa-tao (EsP4P-IIf-21)

2
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

Panimula (Susing Konsepto)

May mga pagkakataong nakagagawa tayo ng pagkakamali at nakasasakit sa


damdamin ng ating kapuwa nang hindi natin namamalayan. Nangyari na ba sa iyo ang ganito?

Sinasabing normal lang sa isang tao ang magkamali, subalit ang pahayag na ito ay hindi
natin dapat abusuhin. Nararapat itong gawing panuntunan upang maiwasan ang pagkakamali
at makasakit sa damdamin ng ating kapwa.

Ang paghingi ng paumanhin ay isang positibong kaugalian na dapat makasanayan ng


isang bata. Dapat ding isapuso at isabuhay ang mga natutunan sa pagkakamaling nagawa upang
maiwasang makasakit sa kapuwa at hindi na ito mauulit pa.

Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay hindi kahinaan kundi tanda ito ng pagiging
mahinahon at maunawain sa damdamin ng kapuwa. Nakikita ang katatagan ng isang tao sa
pagharap niya sa naging bunga ng kaniyang mga nagawa. Mahalagang timbangin muna ang
idudulot na mabuti o hindi mabuti bago gumawa ng desisyon. Isang Tsinong Pilosopo na kilala
sa pangalang Confucius ang nagsasabi na, “Huwag mong gawin sa Kapuwa mo ang ayaw mong
gawin sa iyo”.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


5.1. Pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob (Quarter 2-Week 1)
EsP4P- IIa-c–18

Gawain 1
Pag–aralan ang tsart. Piliin sa unang hanay ang isa sa apat na kapuwa na nagawan mo
ng pagkakamali o nasaktan. Sa ikalawang hanay ay isulat mo kung ano ang pagkakamaling
nagawa. Sa ikatlong hanay naman ay isulat mo kung paano mo itinuwid ang pagkakamaling
nagawa mo.

Mga taong nasaktan o Pagkakamaling nagawa Paraan ng pagtutuwid sa


nagawan ko ng sa kapuwa naging pagkakamali
pagkakamali

3
Practice Personal Hygiene protocols at all times
1. kapamilya
a]
b]
c]

2. kaibigan
a]
b]
c]
3. kaklase
a]
b]
c]

4. kalaro
a]
b]
c]

Gawain 2.
Alam mo na dapat iwasang makasakit ng damdamin ng ating kapuwa. Ngayong Buwan
ng Wika ay may paligsahan ang departamento ng Filipino sa paggawa ng greeting card.
Bilang pakikiisa sa gawaing ito, bawat isa ay gagawa ng isang card ng paumanhin para
sa nagawan ng pagkakamali. Gamitin ang husay mo sa pagiging malikhain. Isulat sa loob ng
card ang mga nagawa mong pagkakamali sa kaniya at ang paghingi mo ng tawad at
paumanhin. Ibigay ang ginawa mong card sa kaniya. Maaari ring mag-email kung nanaisin.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Nakatulong ba ito upang maituwid mo ang iyong nagawang pagkakamali?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________
2. Bukod sa pagbibigay ng card at sulat, ano pa sa palagay mo ang puwedeng gawin upang
maituwid ang pagkakamaling nagawa sa kapuwa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________
Rubrik sa Pagpupuntos
RUBRIK SA PAGGAWA NG CARD O SULAT SA PAGHINGI NG PAUMANHIN
Pamantayan 10 9 8 Puntos
Nilalaman Lubusang Nagpapakita ng Simpleng
nagpapakita ng paghingi ng paghingi ng
paghingi ng paumanhin para paumanhin para
paumanhin para sa nagawan ng sa nagawan ng
sa nagawan ng pagkakamali pagkakamali
pagkakamali
Paggamit ng Walang mali sa May 1-3 maling May 4 o higit
wastong bantas pagkakagamit bantas at malaki pang maling
at malaki at ng malaki at at maliit na titik bantas at malaki
maliit na titik maliit na titik. at maliit na titik

4
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Nagamit ng
wasto ang mga
bantas.
Paggamit ng Walang mali sa May 1-3 maling May 4 o higit
mga salita paggamit ng paggamit ng pang
salita mga salita pagkakamali sa
paggamit ng
mga salita
Kalinisan at Wastong-wasto May 1-2 Hindi mabasa
kaayusan at napakalinis bura/dumi sa at may 3 or higit
ng pagkakasulat/ na bura/dumi sa
pagkakasulat/ Pagkakagawa pagkakasulat/
pagkagawa pagkakagawa

Gawain 3
Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (√ ) ang tapat ng iyong
pinaniniwalaang sagot.

Palagi Paminsan- Hindi ko


minsan Ginagawa
1. Humihingi ako ng tawad kapag
nagkakamali ako.
2. Nakagagawa ako ng pagkakamali sa
aking kapuwa kahit hindi ko sinasadya.

3. Nagpapatawad ako sa taong


nagkasala sa akin.
4. Ginagamit ko ang salitang sorry
nang bukal sa aking kalooban.
5. Inaayos ko agad ang tampuhan
naming magkaibigan.
6. Tinatanggap ko ang aking
pagkakamali at hinaharap ang bunga
ng aking ginawa.
7. Itinutuwid ko ang aking
pagkakamali sa pamamagitan ng pag-
amin sa aking nagawang kasalanan.
8. Iniiwasan kong makasakit ng aking
kapuwa.
9. Kinakausap ko ang isang tao kahit
may nagawa siyang kamalian sa akin.
10. Humihingi ako ng paumanhin sa
aking kaklase kahit hindi ko sinasadya
ang aking pagkakamali.

5
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 4
Basahin ang mga sumusunod na salita o pangkat ng mga salitang nasa ibaba. Gumuhit
ng masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng paghingi ng paumanhin at malungkot na
mukha  kung hindi.
_______1. Hindi ko na po uulitin.
_______2. Sorry! Hindi ko sinasadya.
_______3. Patawad.
_______4. Buti nga sa iyo.
_______5. Ikinalulungkot ko ang nangyari.
_______6. Patawarin mo ako.
_______7. Wala akong pakialam!
_______8. Pasensiya ka na.
_______9. Ikaw kasi!
_______10. Di ko kasalanan iyon.

Gawain 5
Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali naman kung hindi
wasto.
_________1. Wala akong pakialam kung ako man ay nakasakit ng damdamin o
hindi.
_________2. Lahat ng ginagawa ko ay alam kong tama kaya hindi ako dapat
humingi ng paumanhin kung nakasakit ako ng damdamin.
_________3. Agad akong nagagalit sa mga taong nagkamali.
_________4. Humihingi agad ako ng paumanhin sa mga nagawan ko ng
pagkakamali.
_________5. Hindi ko na muling kinakausap ang mga taong nakagawa sa akin
ng pagkakamali.

Pangwakas
Kumpletuhin ang pangungusap.

Ang natutunan ko sa araling ito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Gabay ng Guro pp. 46-50
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral pp. 78-86.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 (Magkakaiba ang mga sagot)


Gawain 2 (Magkakaiba ang mga sagot)
Gawain 3 (Magkakaiba ang mga sagot)

6
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 4 1. Masayang mukha
2. Masayang mukha
3. Masayang mukha
4. Malungkot na mukha
5. Masayang mukha
6. Masayang mukha
7. Malungkot na mukha
8. Masayang mukha
9. Malungkot na mukha
10. Malungkot na mukha

Gawain 5 1. Mali
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Mali

Inihanda ni:

MICHELLE V. JOSE
May akda

7
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Pakikipagkapuwa-Tao Puna At Mungkahi Mo, Tanggap Ko
Panimula (Susing Konsepto)
Walang perpektong tao sa mundong ito. Lahat tayo ay may kahinaan at kakayahan subalit
magkakaiba ang pagtanggap ng tao sa kanilang mga kahinaan. Ang isang tao ay maaaring
matuto mula sa kaniyang kapwa. Samakatuwid, maaari mong ituring na bagong impormasyon
ang natanggap mong puna at magagamit mo ito upang higit na mapagbuti ang iyong mga
gawain at kilos.
Paano ba ang tamang pagtanggap ng kahinaan lalo na kung maraming matatanggap na
mungkahi at puna sa iyong kakayahan at kasanayan?
Ang sumusunod na pamaraan ay makatutulong sa iyo upang higit na mapamahalaan mo
ang iyong sarili at makamit ang layunin sa buhay.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng:
5.2 pagtanggap ng puna ng kapwa nang maluwag sa kalooban (EsP4-IIa-c-18)

Gawain 1
Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain.
Tumalon ka sa tuwa nang sabihin sa iyong nakapasa ka sa audition ng “Birit Bulilit”.
Puspusan kang nag-ensayo upang makuha mo ang magandang puna ng mga hurado at
magtataas sila ng pulang panyo tanda ng kanilang paghanga.
Dumating ang oras ng iyong pagtatanghal sa nasabing paligsahan. Bumirit ka nang
buong husay subalit natapos kang umawit na walang huradong nagtaas ng pulang panyo. Sa
halip na pula ay asul na panyo ang kanilang itinaas tanda ng iyong pagkabigo. Sabi ng unang
hurado na si Piolo Valdez, kulang ka raw sa sigla. Ang puna naman ng ikalawang hurado na
si Carmi Salcedo, may mga nota na hindi mo naaabot. Sinabi ng ikatlong hurado na si
Katherine Reynes, kulang ka raw sa pagbibigay ng damdamin sa pag-awit.

Sagutin ang sumusunod.


1. Ano ang iyong reaksiyon nang marinig mo ang puna ng mga hurado? Paano mo
tinanggap ang kanilang mga puna?
___________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ano kaya sa palagay mo bakit puro negatibo ang natanggap mong puna?
___________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano ang iyong naging pagkukulang?

8
Practice Personal Hygiene protocols at all times
___________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Ano naman ang iyong gagawin upang sa susunod na paligsahan ay positibong puna ang
iyong matatanggap?
___________________________________________________________
_____________________________________________________________

5. Isa-isahin ang iyong maaaring naging kakulangan na naging dahilan ng iyong


pagkatalo sa paligsahan. Ilagay ito sa graphic organizer at ilagay mo rin ang mga dapat
gawin upang makatanggap ng positibong puna.

Gawain 2

Mga dapat kong gawin upang mas


Ang aking kakulangan higit pang mapabuti ang aking
1. kakayahan
2. 1.
3. 2.
3.

May inilunsad na patimpalak ang mga Barangay Health Workers o BHW habang nasa
panahon ng krisis sa kalusugan o ang kasalukuyang Covid 19. Ito ay tinawag nilang
pagpapahalaga sa “Class Home Ko.” Layunin ng paligsahan na maging sentro ng bawat
miyembro ng pamilya sa tahanan ang pagpapahalaga at pangangalaga sa katawan. Ang iyong
plano ay maaaring iguhit sa kartolina. Ang mga hurado ay mga opisyales ng barangay sa
pangunguna ni kapitan. Bibigyan ka ng limang araw upang mapag-usapang mabuti at maganda
ang iyong plano.

Pagkatapos ng patimpalak,

1. Ano ang gagawin mo kung hindi mapili ang iyong ginawang plano para sa iyong
sambahayanan?
_____________________________________________________
________________________________________________________

2. Paano mo tatanggapin ang puna ng mga hurado?


_____________________________________________________________________
________________

9
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 3
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon. Magpasya Ka! Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kayat sumasali ka sa mga
paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayunpaman, madalas mong marinig na
may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
2. May bago kang kaklase galing sa malayong probinsiya. Nalaman mong pinipintasan
siya ng mga kalaro mo? Ano ang sasabihin mo sa kanila?
3. Napaunlad mo ang iyong angking kakayahan sa pagguhit. Marami ang humahanga sa
iyo sapagkat madalas kang manalo sa mga paligsahan. Ano ang iyong sasabihin sa mga
nagbibigay sa iyo ng papuri?.
4. Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo ito. Sinigawan ka ng iyong kapitbahay. Hindi
raw maganda ang boses mo. Mapipikon ka ba?
5. Binatikos ka dahil sa pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga
pumupuna sa iyo?
Gawain 4
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ☺ ang patlang kung sa palagay mo ay tama ang
mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna. Iguhit ang malungkot na mukha  kung
hindi ka sang-ayon sa mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna.
_______1. Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang iyong payo.
_______2. Wala kang pakialam.
_______3. Kunwari lang naman yan na tutulong para mapaganda ang proyekto
ko, alam ko naiinggit lang yan!
_______4. Mabuti at napansin mong malaki sa akin ang damit ko.
_______5. Ayos lang sa akin ang puna mo, mabuti nga mababago ko ang ugali
ko.
Pangwakas
Mula sa mga isinagawang gawain ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong upang
matanggap ang mga ito nang maluwag sa kalooban at hindi maging sanhi ng kawalan ng tiwala
sa sariling kakayahan.
Sa iyong paglaki ay marami kang maririnig na puna at papuri sa iyong ginagawa. Ang
mahinahong pagtanggap sa mga ito ay makatutulong upang higit na maunawaan ang damdamin
ng kapwa at higit na maunawaan ang sarili.
Sanggunian
Aklat
Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquera, Hirrieta A. Bringas, Grace
R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel a. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M.
Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Padrinio, Adelaida M. Reyes, at Portia R. Soriano
(2015)
Edukasyon sa Pagpapakatao Ika-apat na Baitang.
Mga Sagot
Gawain 1- may kani-kaniyang sagot
Gawain 2- may kani-kaniyang sagot
Gawain 3-may kani-kaniyang sagot
Gawain 4-
1. 2. 3. 4. 5.

Inihanda ni:

SONIA B. BAYARONG
May Akda

10
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________Petsa: __________________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Biro Ko, Iniingatan Ko
Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagiging mahinahon sa damdamin ay naipakikita maging sa mga salitang


ginagamit sa pagbibiro. May mga pagkakataong sa kagustuhan nating makapagpasaya ng ating
kapuwa, hindi na natin napipili nang maayos ang mga salita at nakasasakit tayo sa ating
kapuwa. Hindi masama ang pagbibiro lalo na kung ang ating mga biro ay nakatutulong upang
magpasaya sa iba at mapagaan ang kanilang suliranin at alalahanin. Kilala ang mga Pilipino sa
pagiging masayahin at magiliw. Subalit may mga pagkakataong naaabuso at nabu-bully ang
kapuwa dahil sa mga nakasasakit na salita. Ang pambu-bully ay mangangahulugan ng kahit
anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang pangkat sa isa pa - pisikal man,
berbal, o mental. Isang uri ng nakasasakit na biro ay ang paggamit ng pisikal na anyo ng isang
tao tulad ng pagiging payat, mataba, maitim, at iba pa. Kapag nangyari ito, ang emosyon,
kaisipan, at pisikal na aspekto ng isang taong naabuso ay apektado. Bumababa rin ang
pagpapahalaga sa kaniyang sarili ng isang taong nabu-bully hanggang sa tuluyan nang
mawalan ng tiwala sa kaniyang sarili at kakayahan.
Republic Act 10627 o Anti- Bullying Act of 2013

Kasanayang Pampagkatuto at koda


5.3 Pagpili ng mga salitang nakasasakit ng damdamin sa pagbibiro (EsP4P-IIa-c-18)

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang usapan pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Isulat sa kwaderno o sagutang papel ang mga sagot.

Ito sina Mico at Roel. Mahilig silang magbiro sa kanilang mga kakilala.

11
Practice Personal Hygiene protocols at all times
1. Kung ikaw kaya ang sinabihan ng mga salitang ito sa pagbibiro ng iyong kapuwa, ano ang
iyong mararamdaman?

2. Balikan muli ang diyalogo nina Mico at Roel. Paano mo sasabihin ang kanilang mga biro na
hindi ka makasasakit ng iyong kapuwa?

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng mga biro na narinig o napanood ninyo. Sabihin kung ano ang
maaaring maramdaman ng taong binibiro.

Nagsabi/ Pinanggalingan Mga salitang ginamit sa Maaaring nararamdaman


ng biro pagbibiro ng nabibiro
1.

2.

3.

Gawain 3
Panuto: Basahin ang sitwasyon at magpasiya kung ano ang nararapat gawin.

Napansin mong nag-iingay ang mga mag-aaral sa isang kanto malapit


sa paaralan. Nakita mo ang isa mong kamag-aral na binibiro ng iba pang mga bata.
Masayang nagtatawanan ang mga nagbibiro subalit ang iyong kaklase ay tila
gusto nang umiyak. Nasasaktan na siya sa mga biro ng ibang mag-aaral.

Ano ang gagawin mo?

Panuto: Isulat sa loob ng speech balloon ang maaari mong sabihin sa iyong kamag-aral na
binibiro. Gawin ito sa kuwaderno.

12
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 4
Sa iyong sagutang papel lagyan ng kaukulang tsek (√) ang pinaniniwalaang pahayag.

Mga pahayag Tama Mali

1. May mga birong nakasasakit ng damdamin kahit hindi sinasadya ng


nagbibiro.
2. Nasasaktan ang taong binibiro sapagkat sila ay pikon.

3. Dapat piliin ang mga salitang ginagamit sa pagbibiro.

4. Lahat ng napapanood natin sa telebisyon at naririnig na mga


katatawanan sa radyo ay dapat gayahin.
5. Maaari tayong makapagpasaya ng ating kapuwa sa pamamagitan ng
mga salitang ating ginagamit

Pangwakas
Panuto: Isulat ang iyong repleksiyon sa mga gawain mo ngayon. (3-5 pangungusap)

Ang natutunan ko sa araling ito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________
Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 98-106
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Patnubay ng Guro pahina 56-62
Araling Panlipunan; R.A. 10627
Anti-Bullying Act of 2013

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Magkakaiba ang sagot
2. Magkakaiba ang sagot

Gawain 2 (Tanggapin ang ibang sagot ng bata.)

Nagsabi/ pinanggalingan Mga salitang ginamit sa Maaaring maramdaman


ng biro pagbibiro ng taong binibiro
1. kaibigan Madamot masasaktan
2. kaklase Mataba malulungkot
3. kamag-anak Tamad magagalit

Gawain 3
Magkakaiba ang sagot

13
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 4
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama

Inihanda nina:

LILYJEAN U. DELOS SANTOS


MAILYN V. MANSIBANG
Mga may Akda

14
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: _______________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: _______________________________ Petsa: __________________

GAWAING PAGKATUTO
Damdamin Mo, Nauunawaan Ko

Panimula ( Susing Konsepto )


Ang pagdamay sa kapuwa ay isang gawaing kinalulugdan ng Diyos. Ang magagandang
karanasan sa pagtulong na naibabahagi sa iba ay maaaring kapulutan ng magandang
halimbawa ng ibang kabataan.
Bawat tao ay maaaring magkaroon ng oras na siya ay masayang-masaya, ngunit may
mga panahon din na siya ay malungkot dahil sa problema. Sa ganitong pagkakataon
kinakailangan niya ng taong maaaring dumamay sa kanya. Bawat tao ay gumagalaw sa isang
komunidad, kung kaya’t nararapat na siya ay makipag-ugnayan o makibahagi sa ibang mga
tao. Sa kanyang pakikibahagi, matututunan niya ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng
iba, hanggang sa maipamamalas niya ang paglalagay ng kanyang sarili sa kinalalagyan ng
ibang tao. Sa paraang ito ay makatutulong na siya.
Maaaring materyal na bagay ang tulong na maibabahagi natin ngunit hindi laging ito
ang kailangan ng iba. May mga panahon na kailangan ng isang kaibigan na makikinig at
magbibigay ng payo. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan lang maging sensitibo sa damdamin
at pangaingailangan ng kapwa. Ito ang pinakamabuting paraan upang maipadama natin ang
pagmamahal at pag-unawa na kinakailangan ng ating kapwa na walang anumang hinihintay na
kapalit.
Kasanayang Pagkatuto at Koda
Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng pang-
unawa sa kalagayan /pangangailangan ng kapwa. (EsP4P-IId-19)
Gawain 1
1. Suriin ang mga larawan.

Batang nahiwalay sa mga kasama sa Batang nawawala sa parke.


parke. 15
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Batang pinagalitan ng guro. Batang pilay na pinatid ng mga bata.

2. Gamit ang iyong kuwaderno, gumuhit ng dalawang puso.

3. Sa unang puso, isulat kung ano ang iyong naramdaman tungkol sa mga larawan A, B, C,
at D. Sa ikalawang puso, isulat kung paano mo ipakikita ang iyong pagdamay.

Unang Puso

Damdamin ko para sa aking


kapwa
.
a.

b.

c.

d.

16
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Ikalawang Puso

Gagawin ko upang maipakita


ang aking
. pagdamay
a.

b.

c.

d.

Gawain 2
Malungkot ang iyong kamag-aral na si Francis. Napagalitan siya ng kanyang magulang
sapagkat bumaba ang kanyang marka. Kasama siya dati sa mga nangunguna sa klase subalit
dahil sa pagbaba ng kanyang marka ay hindi na siya nakasama. Ano ang maaari mong sabihin
kay Francis?
Isulat sa loob ng kahon ang iyong payo sa kanya.

Gawain 3
Gumawa ng talaarawan upang itala kung paano kayo nagpakita ng pag-unawa o
pagdamay sa kanila. Ipapasa ito minsan sa isang lingo upang lagdaan ng inyong guro.

17
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Talaarawan ng Pag-unawa
Kapuwa kong Suliranin ng aking Paraan ng pagpapakita ko ng
nabigyan ng pag- kapuwa pag-unawa o pagdamay
unawa
Lunes
Martes
Miyerkoles
Huwebes
Biyernes
______________________
Lagda ng Guro

Pangwakas
Ngayon ay alam mo na kung paano tumugon sa damdamin at pangangailangan ng
iyong kapuwa. Ipagpatuloy ito at ibahagi sa iba. Maaari ka nang tumuloy sa susunod
na aralin.
Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Gabay ng Guro pp. 63-66.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral pp. 107-115.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 (Tanggapin ang mga sagot ng mga bata)
Gawain 2 (Tanggapin ang mga sagot ng mga bata)
Gawain 3 (Tanggapin ang mga sagot ng mga bata))

Inihanda nina:

PRISCILLA R. LAURETA
MYLENE C. MARGIN
Mga may akda

18
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: _______________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: _______________________________ Petsa: __________________

GAWAING PAGKATUTO
Maging Bukas Palad Sa Mga Nangangailangan
Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagtulong kung minsan ay nangangailangan ng pagsasakripisyo. Kung minsan


mayroon kang kailangang isuko para lamang mapanindigan mo ang paggawa ng kabutihan sa
isang tao.
Nakahanda ka bang ipagpaliban ang iyong pansariling interes at pangangailangan para
sa iyong kapwa? Kaya mo bang unahing isipin ang kapakanan ng iba kaysa sa iyong sarili?
Kung oo, magiging madali na lang sa iyong yakapin ang paggawa ng kabutihan sa iyong
kapwa.
Ang pagiging bukas palad ay ang pagkakaroon ng positibong damdamin sa
pagbabahagi, pagbibigay, at pagtulong tungkol sa isang bagay o tao. Ito rin ay tinatawag na
pagkakaroon ng bukal sa kalooban. Ito ay isang personal na katangian na nagtutulak sa isang
tao upang maging sensitibo sa pangangailangan ng kanyang kapwa at gumawa ng personal na
pagkilos upang pagsikapang matugunan ang pangangailangang ito.

Halimbawa ng paggamit ng salitang ito;


• Bukas-palad na tinulungan ng mga may kaya ang kapwa nila sa panahon ng krisis
katulad nito.
• Ang pagtulong sa iba ng bukas-palad ay maituturing na isa sa pinakamabuting
katangian na maaring makamit ng isang indibidwal.
• Si Juan ay walang pag-aalinlangan at bukas-palad na tinulungan ang isang matanda
na hindi makatawid sa daanan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


7.1 Naisasabuhay ang pagiging bukas palad sa mga nangangailangan. (ESP4P-lIe-20)

Gawain 1
Panuto: Alin sa mga larawan ang nangangailangan ng tulong. Lagyan ng tsek.

1. 2.

19
Practice Personal Hygiene protocols at all times
3. 4.

5. 6.

7. 8.

Gawain 2
Panuto: Basahin nang mabuti ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Batang Matulungin


Si Paul ay kasalukuyang nasa kantina at kumakain ng kanyang miryenda, nakita niya
si Arkin na umiiyak sa gilid at napansin niyang ito ay gutom. Lumapit si Paul at tinanong si
Arkin kung bakit siya umiiyak, sagot naman ni Arkin, naiwan niya ang kanyang baon sa
kanilang bahay. Hindi naman nagdalawang isip si Paul na hatian si Arkin ng kaniyang
miryenda.
Pagkatapos ng klase, si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi.
Pagagalitan siya ng ina kapag mahuli siya sa pag-uwi.
Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang
tingin pa lang niya, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa
tabi niya upang umabang din ng sasakyan maya-maya may humintong sasakyan sa harapan ni
Paul.
Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata.
Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi subalit
naawa siya sa bata.

20
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kaya ipinaubaya na lang
niya ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul ng
susunod na sasakyan nang masaya dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting paraan
lamang.

Gabay na Tanong:
1. Matapos mabasa ang kwento ni Paul, ano ang iyong masasabi sa kanyang kagandahang
loob na ipinakita kay Arkin at sa mag-ina?
2. Ayon sa kwento tama ba ang ginawang pagtulong ni Paul sa mga nangangailangan ng
hindi naghahanap ng kapalit?
3. Kung may nakita kang ibang tao na nangangailangan ng tulong, gagayahin mo ba si
Paul sa kanyang pagiging bukas palad? Bakit?
4. Ano ang iyong napulot na aral mula sa kwento?

Gawain 3
Panuto: Isulat ang T kung tama ang sitwasyon at M kung ito ay mali.

_____1. Pera lamang ang maaring itulong o ibahagi sa kapwa.


_____2. Kailangang humingi ng kapalit kapag tutulong sa ating kapwa.
_____3. Tulungan ang kaibigang pinagkakatuwaan ng ibang bata.
_____4. Tulungang tumawid sa kalsada ang matandang hirap maglakad.
_____5. Kailangang bukas palad na tumulong sa ating kapwa sa lahat ng oras.

Gawain 4
Panuto: Ano ang iyong gagawin o maaring itulong sa mga sumusunod na sitwasyon?

1. May nakita kang batang namamalimos sa kalye.


2. May batang pinagkakaisahan ng mga ibang bata sa palaruan.
3. May kapitbahay kang nangangailangan nang makakain dahil nawalan ng trabaho dahil
na rin sa COVID-19.
4. May kaibigan kang nasunugan ng bahay.
5. May kasama kang may sakit ngunit wala ang kanyang mga magulang upang alagahan
siya.

Pangwakas
Ngayon ay alam mo na kung paano maging bukas palad sa pagbibigay ng tulong.
Pagyamanin mo ito at ipagpatuloy ang mabuting gawi. Isa kang huwarang mag-aaral na dapat
tularan.

Mga Sanggunian

*https://brainly.ph/question/1603571
*https://www.slideshare.net/mobile/ArianneNicoleManuel/paggawa-ng-mabuti-sa-kapwa
*https://www.google.com/amp/s/torresjosephine17.school.blog/2016/12/03/edukasyon-sa-
pagpapakatao-iv/amp/
*https://www.google.com/amp/s/cylynpajarillaga.wordpress.com/2017/03/24/ang-batang-
matulungin-at-masunurin/amp/

21
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 1. 5. /
2. / 6. /
3. / 7.
4. / 8. /

Gawain 2 (Tanggapin ang mga sagot ang mga bata)


Gawain 3 1. M 4. T
2. M 5. T
3. T
Gawain 4 (Magkakaiba ang mga sagot ng mga bata)

Inihanda ni:

MARIA CONCEPCION A. TAMULTO


NAMNAMA D. GABA
Mga May Akda

22
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: _______________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: _______________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Bukas-Palad Sa Panahon Ng Kalamidad

Panimula ( Susing Konsepto )

Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa.
Mahirap man o mayaman, may kakayahan ang taong tumulong sa mga nangangailangan.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


7.2 Naisasabuhay ang pagiging bukas-palad sa panahon ng Kalamidad
(EsP4P IIe-20 )

Gawain 1
Panuto: Basahin ang dayalogo nina Marla at Rolan.

Marla: Rolan, binabati kita. Pinuri ni Gng. Pascua ang iyong ginawang plano ng pagtulong
sa mga Nakatira sa Batonglabang City of Ilagan.
Rolan: Salamat Marla. Maganda rin naman ang plano mo. Siguro may nakalimutan ka lang
isulat kaya may mga punang hindi maganda.
Marla: Naisip ko rin iyon, marami pa ang kulang sa aking plano kaya kailangan ko pang
baguhin at ayusin. Kapag nagawa ko na nang higit na maganda, ipakikita ko ulit sa
inyo. Paano ka nga ba tutulong Kina Paola?
Rolan: Susulatan ko ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare
and Dev’t (DSWD). Di ba may napag-aralan tungkol sa programa nilang “Pantawid
Pamilyang Pilipino Program ( 4P’s )? May mga kaklase nga tayo na kasali roon.
Marla: Ang galing mo naman Rolan. Naisip mo silang ilapit sa DSWD para maisali sa 4P’s
ito yung Programa ng pamahalaan na tumutulong sa mga mahihirap.
Rolan: Alam mo, hindi lang naman sila ang nangangailangan ng tulong. Napakarami pa nating
kababayan na talagang nakakaawa ang kalagayan, tulad ng mga nabiktima ng
kalamidad sa Batonglabang City of Ilagan at madalas ding may nababaha.
Marla: Ngunit marami naman ang nagpapadala ng tulong mula sa ibang bansa, di ba?
Napanood ko nga sa Telebisyon, marami ang nanggagaling sa malalaking kompanya at
mayayamang tao.
Rolan: Marami nga ngunit higit na kailangan ng ating kababayan ang dadamay sa kanila nang
may pagmamahal. Hindi lang basta nagpapadala ng mga pagkain. Kailangang
nararamdaman natin ang kanilang paghihirap at dapat bukal sa loob ang ating
pagbibigay.
Marla: Bilib na talaga ako sa iyo. Kaya lang sabi ni Inay, mayroon daw umaabuso. Iyon bang
umaasa na lang sa ibibigay ng kapuwa, hindi na naghahanapbuhay. Dapat pala alam
natin kung sino talaga ang dapat tulungan.
Rolan: Oo nga, Hindi bale, tatalakayin pa naman natin ang tungkol sa pagtulong sa mga
darating na araw.

23
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Sagutin: Isulat ang sagot sa sagutang papel o kwaderno.
1. Bakit pinuri ni Gng. Pascua si
Rolan?____________________________________________

2. Ano ano ang mga planong gawin ni Rolan upang makatulong sa mga kababayang
nangangailangan ng tulong? Magbigay ng dalawa.( 2 puntos )

3. Kung ikaw si Rolan at Marla, gagawin mo rin ba ang tulad ng ginawa nila? Ipaliwanag
(2 puntos) _

Gawain 2
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Kailan maaaring ipakita ang pagiging bukas-palad?


a. Kapag may nakakakita lamang upang ikaw ay purihin.
b. Kapag kakilala lamang ang nangangailangan ng tulong.
c. Sa lahat ng oras at pagkakataon kailangang magbigay ng tulong lalo na sa
nangangailangan.
d. Kapag lamang gustong tumulong.
2. May outreach program ang iyong paaralan para sa mga binaha noong Bagyong Ulysses, alin
sa iyong mahalagang gamit ang kaya mong ibigay?
a. alahas c. damit na butas butas
b. damit na napaglakhan na ngunit bago pa d. Pera
3. May batang walang pagkain sa oras ng miryenda at nakita mong nasa isang sulok lang. Ano
ang gagawin mo?
a. Pagtawanan lang siya c. Bahaginan siya sa iyong baong pagkain
b. Pabayaan lamang siya d. ipamalita sa kapwa bata upang siya
pagtawanan
4. Paano mo matutulungan ang isang tinderang nakita mong kinukupitan ng mga paninda ng
isang bata na matulin ding umalis?
a. Ipagbigay alam sa tindera ang ginawa ng bata upang mabantayan niya ng husto
ang kanyang mga paninda.
b. Pabayaan lamang dahil hindi naman niya ito nakita.
c. Isigaw na may nagnanakaw upang marinig ng tindera.
d. Kausapin ang bata na gawin niya itong palagi dahil hindi naman siya nakikita.
5. Magbigay ng isang bagay na kaya mong gawin para sa mga nasalanta ng bagyo?
a. Bigyan sila ng bahay. c. Bigyan sila ng pera.
b. Bigyan sila ng makakain d. Bigyan sila ng sasakyan

Gawain 3
Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sabihin kung anong damdamin mayroon sa
sumusunod na uri ng pagbibigay. Piliin sa kahon ang sagot.

24
Practice Personal Hygiene protocols at all times
a. Napipilitan lamang magbigay
b. Nagbigay nang bukal sa kalooban
c. Nakikigaya sa ibang nagbibigay
d. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
e. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay

1. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng lindol.
Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahan
sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.___________

2. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit at higaan para sa
mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang makausap ang mga inilikas na
biktima. Nararamdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila
ng susunod na pagdalaw sa mga ito._______________

3. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief goods sa


covered court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang nailigtas na gamit
ang mga ito. Inutusan niya ang kanyang kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi
na nasusuot at ang mga de-latang malapit nang masira.______________

4. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Jojo sa mga biktima ng bagyo.
Nalaman ito ng kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga
damit.

5. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang


nagkakawanggawa sa mga mahihirap na may kasipagan at kakayahang mag-aral.
Ipinadadala sa inyong paaralan ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-
aaral._______________

Pangwakas
Ngayon ay alam mo na kung paano maging bukas palad sa panahon ng kalamidad.
Pagyamanin mo ito at ipagpatuloy ang mabuting gawi. Isa kang huwarang mag-aaral na dapat
tularan.

Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao (LM) pp.116-127
Edukasyon sa Pagpapakatao (TG) pp 91

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Mga inaasahang sagot
1. Dahil sa naisipan niyang pagtulong sa mga nasalanta ng baha.
2. Ang sulatan ang ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD upang matulungan ang mga
nabaha.
3. Oo, sapagkat alam kong higit nilang kailangan ang tulong lalo na ang mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit at tirahan.

25
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 2
1. e 4. a
2. b 5. b
3. c

Gawain 3

1. a 4. c
2. b 5. d
3. e

Inihanda nina:

RUBILYN L. PASCUA
MARY ANN B. LIMON
Mga may Akda

26
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Pagpapakita ng Paggalang sa Oras ng Pamamahinga

Panimula (Susing Konsepto)

Kailangan ng tao ng oras na ipahinga ang sarili. Sa mga pagkakataon na nagpapahinga


ang isang tao sa oras ng pamamahinga ay kinakailangan natin siyang igalang.
Ang paggalang sa kapwa-tao ay natutunan natin mula sa pagkabata. Ito ay isang
hakbang sa pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang
kanyang kapwa tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang pantao. Isang
Karapatan ng tao ang pagpapahinga (Right to Rest) ayon sa Listahan ng Human Rights
(UNESCO – Article 24).

Kasanayang Pampagkatuto at koda


8.1 Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa sumusunod na sitwasyon katulad ng oras
ng pamamahinga. Q2W2EsP4P-11f-21

Gawain 1
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang kasunod na mga tanong.

Salamat sa Paggalang

Si Tiya Juling ay isang guro sa Mababang Paaralan ng Mamboc. Sa pag-uwi niya sa


hapon, bitbit niya ang maraming aklat na babasahin. Inaabot siya ng hatinggabi sa paghahanda
ng mga kagamitang panturo na gagamitin niya kinabukasan.

Tuwing Sabado, nakaugalian na ni Tiya Juling na maglaba ng kaniyang mga damit sa


umaga. Pagdating naman ng hapon natutulog siya at nagpapahinga.

Kakaiba ang araw na ito ng Sabado. Hindi naglaba si Tiya Juling. Nasa loob lamang
siya ng kaniyang silid at nakahiga sa kaniyang kama. Nang araw na iyon, bisita namin sa bahay
ang aking mga pinsan. Masaya ang lahat. May ilan pa na tumatawa nang malakas at patakbo-
takbo hanggang sa loob ng silid ni Tiya Juling.

Kinausap ko ang aking mga pinsan. “Maari ba ninyong hinaan ang inyong boses dahil
nagpapahinga si Tiya Juling sa kaniyang silid? Iwasan din muna ninyong pumunta sa kaniyang
silid upang hindi siya maabala,” ang sabi ko sa kanila. “Sige, Raul,” ang pasang-ayong sagot
ng aking mga pinsan. Itinuloy namin ang masayang kuwentuhan subalit naging maingat kami
na maistorbo si Tiya Juling.

Pagdating ng hapon, lumabas na ng kaniyang silid si Tiya Juling. “Nandito pala kayong
magpipinsan. Mabuti na lang at nakapagpahinga ako nang mabuti. Nawala na ang sakit ng
aking ulo. Maya-maya ay maari ko nang simulan ang aking paglalaba,” ang sabi ni Tiya Juling.

27
Practice Personal Hygiene protocols at all times
1. Anong sitwasyon sa kuwento ang nagpapakita ng pagmamalasakit ni Raul sa kanyang
Tiya Juling?

2. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Raul?

3. Magtala ng mga dahilan kung bakit kailangang igalang ang mga taong nagpapahinga?

Gawain 2
Panuto: Tunghayan ang larawan. Bigyan ng pansin ang mga nagaganap na eksena sa
larawan. Ano ang iyong magiging dayalogo kung ikaw ang katabi ng bata sa nasabing
larawan?

Gawain 3
Panuto: Punan ang bawat kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Isulat ang salita o
bagay na sumasalamin sa karapatan o pangangailangan ng taong nagpapahinga.

Halimbawa: tahimik na paligid

28
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 4
Panuto: Pag-isipan at sagutin.
Naglalakad ka sa kalye. Sa madilim na bahagi ng daan, nakita mo ang isang batang
marungis na natutulog sa malamig na semento gamit ang isang karton. Ano ang dapat mong
gawin upang hindi maabala ang kaniyang pamamahinga.

Pangwakas
Lagyan ng tsek ( / ) kung ito ay naranasan mo nang gawin at ekis (X) kung ito ay hindi
pa naranasang gawin. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

SITWASYON
1. Maingat na isinasara ang pinto kapag may natutulog
2. Tumigil sa paglalaro at pag-iingay kapag may nagpapahinga.
3. Pinagsasabihan ang mga kamag-aral o kaibigan na huwag maingay
dahil natutulog ang nakababatang kapatid.
4. Iniiwasan ang pamamasyal sa bahay ng kaibigan sa oras ng
kanilang pamamahinga.
5. Hinihintay na matapos ang pagpapahinga ng kapatid bago
magpatugtog ng paboritong maingay na musika.

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Gabay ng Guro pp. 74-77
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng mga Mag-aaral pp. 128 – 135
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Kinausap ni Raul ang kanyang mga pinsan na hinaan nila ang kanilang boses dahil
nagpapahinga si Tiya Juling sa kaniyang silid at iwasan din nila ang pagpunta sa
kanyang silid.
2. Oo
3. Upang hindi magambala o maistorbo ang taong nagpapahinga.
Gawain 2
Huwag maingay sa tabi ng bata habang ito ay natutulog
Gawain 3
Maaliwalas na kapaligiran
Tahimik na kapaligiran
Walang nang-aabala
Gawain 4
Maglagay ng harang sa kanyang tabi upang hindi siya maabala ng mga taong
naglalakad sa madilim na lugar ng kalye.
Pangwakas
1 ang tsek - Sikaping gawin ang iba pang paggalang
2 hanggang 3 ang tsek - - Pagbutihin pa ang iyong paggalang
4 pataas ang tsek - Hinahangaan kita! Ipagpatuloy ang
PAGGALANG sa kapwa

Inihanda ni:

ROBERTO REY R. RODRIGUEZ


May Akda

29
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
GAWAING PAGKATUTO
Pagpapakita Ng Paggalang Kapag May Nag-Aaral
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Pagpapakita Ng Paggalang Kapag May Nag-Aaral
Panimula (Susing Konsepto):
Ang paggalang sa gawain ng iba ay maaaring maipakita kahit sa simpleng
pamamaraan. Mahalaga na matutunan mong igalang ang ibang tao kapag sila ay nag-aaral,
nagsasalita o nagpapaliwanag.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
8.2 Nakapagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral.(EsP4P-IIf-I-21)
Gawain 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang isinasad ng pangungusap ay nagpapakita
ng paggalang at malungkot na mukha  kung hindi.
1. May isang batang nag-aaral na ginugulo ng ibang bata.____

2. Magpatugtog ng malakas habang may nag-aaral._____

3. Dahan-dahan na naglalakad malapit sa batang nag-aaral._____

4. Tahimik na maupo habang may nag-aaral._____

5. Magtakbuhan sa harapan ng taong nag-aaral.______


Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa nag-aaral at
ekis ( X) kung hindi.

Sitwasyon / x
1. Iniiwasan ko ang pag-istambay sa harapan ng silid aralan sa oras ng klase.

2. Tawagin ko ang aking kaibigan na magkuwentuhan sa harapan ng taong nag-


aaral.
3. Kuwentuhan ko ang ang aking kaklase habang gumagawa ng takdang aralin.

4. Sabayan ko ang aking kaklase na magbalik aral dahil may pagsusulit


kinabukasan.

30
Practice Personal Hygiene protocols at all times
5. Lumakad ako ng marahan at tahimik sa harapan ng silid aralan kapag may
nagklaklase.

Gawain 3
Panuto: Tignan mabuti ang bawat larawan. Iguhit ang puso sa loob ng
kahon kung tamang pagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral at tatsulok
kung hindi.

1. 2.

3.

4.

5.

Pangwakas
Bakit mahalaga na matutunan mong igalang ang ibang tao kapag sila ay nag-aaral,
nagsasalita o nagpapaliwanag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________

Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Patnubay ng Guro p.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral p.136

Susi Sa Pagwawasto
GAWAIN 1
1. 
2. 
3. ☺
4. ☺
5. 

31
Practice Personal Hygiene protocols at all times
GAWAIN 2
1. /
2. X
3. X
4. /
5. /

GAWAIN 3: 1. 2 3. 4. 5.

Inihanda nina:

SUSAN C. SALINAS
RELINA G. BALICANTA
Mga may Akda

32
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Pagpapakita Ng Paggalang Sa May Sakit

Panimula (Susing Konsepto)

Bawat tao ay nangangailangan ng pamamahinga. Sa mga pagkakataong nagpapahinga


siya lalo na kung may may karamdaman ay kinakailangan natin siyang igalang. Ang paggalang
sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Kapag ang lahat ay may paggalang sa
kapuwa, tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang Pantao. Ayon sa Listahan
ng Human Rights, karapatan ng tao ang pagpapahinga (UNESCO-Article 24).

Sa panahong ang isang tao ay may sakit, nangangailangan siya ng tahimik na paligid.
Kaya nararapat na maayos at marahan ang bawat kilos.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


8.3 Nakapagpapakita ng paggalang kapag mayroong sakit (EsP4P-IIf-i-21)

Gawain 1
Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay naranasan mo nang gawin at ekis
() kung ito ay hindi pa naranasang gawin.

SITWASYON ✓ 
1. Tahimik na nag-aalay ng panalangin sa kaibigang may sakit.
2. Inaaliw ang mga may sakit nang hindi inaabala ang kanilang
pagpapahinga.
3. Inaalagaan ang magulang kapag sila ay nagkakasakit.
4. Iniiwasan ang pangungulit sa mga may sakit.
5. Hindi ginigising ang magulang na nagpapahinga at may sakit upang
sagutin ang tawag sa telepono.

Gawain 2
Pag-isipan at sagutin ang sumusunod:

1. Naiwan mo sa loob ng silid-tulugan ng iyong magulang ang baon mo sa pagpasok mo


sa eskuwelahan. Alam mong ang iyong Nanay na may sakit ay natutulog sa silid. Ano
ang iyong gagawin?
________________________________________________________________________

2. Naiwan mo sa loob ng silid-aralan ang iyong aklat. Nakita mo ang iyong kaklase na
nahihirapang maglakad dahil siya ay may sakit. Ano ang iyong gagawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

33
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Rubrik sa pagsulat ng Di-Pormal na Sanaysay

Pamantayan Puntos Marka


1. Organisasyon ng mga Ideya (Lohikal at mahusay ang
10
pagkakasunud-sunod ng mga ideya.)
2. Pagpapahalaga 5
15
Source:http://khimpadilla.blogspot.com/2014/09/rubrik-sa-pagsulat-ng-sanaysay.html

Gawain 3
Gumawa ng maikling tula na nagpapakita ng paggalang sa taong may sakit.
____________________________________
Pamagat

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Rubrik sa Pagsulat ng Tula


Pamantayan Puntos Marka
1. Pagkakabuo (Angkop at wasto ang mga salitang ginamit sa
5
pagbubuo ng tula.)
2. Nilalaman (Mabisang naipahayag ang mensahe ng tula.) 5
3. Orihinalidad 5
15
Source: https://www.scribd.com/doc/274341781/Rubrics-Para-Sa-Pagsulat-Ng-Tula

Gawain 4
Isulat sa bintana ng jeep kung ano ang paggalang na dapat ibigay sa taong may sakit.
Halimbawa: Hayaan siyang makapagpahinga.

Picture Source: Google.com

34
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 5
Tunghayan ang larawan. Bigyan ng pansin ang mga nagaganap na eksena sa larawan.
Ano ang iyong magiging diyalogo kung ikaw ang bata sa nasabing larawan. Isulat sa loob ng
parihaba ang iyong sagot.

Picture Source: Google.com

Rubrik sa Pagbuo ng Dayalogo


Pamantayan Puntos Marka
1. Malinaw na usapan o dayalogo 5
2. Kaangkupan ng mga salita 2
3. May nabuong kuwento 3
4. Orihinalidad 5
15

Source:
https://www.google.com/search?q=rubriks+sa+pasulat+ng+dayalogo&tbm=isch&ved=2ahU
KEwjjkJfM7_HpAhVxNaYKHRBiAUkQ2-
cCegQIABAA&oq=rubriks+sa+pasulat+ng+dayalogo&gs_lcp=CgNpbWcQA1Daiw9YvbM
PYJm3D2gAcAB4AIABqQKIAeYckgEGMC42LjExmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc
&sclient=img&ei=ZQDeXqPKAvHqmAWQxIXIBA&bih=608&biw=1349&hl=en#imgrc=4
dVrC0q5FtjXvM
Pagwawakas
Ano ang iyong natutunan sa aralin na ito? Bumuo ng talatang kinapapalooban ng limang
pangungusap.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda nina:

PRECIOUS MEI F. ALEGRE


CRISPINA L. MATA
Mga may Akda

35
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Mga Gawain mo, Igagalang ko
Panimula (Susing Konsepto)
Bahagi ng pakikipagkapwa-tao ang pagpapakita ng paggalang at kabutihan sa iba. Ang
mga pagpapahalagang ito ay nakabatay sa kung paano nararapat na kumilos at gumawa ang tao
para sa kanyang sarili, sa kapwa, sa bansa at sa Diyos.
Ang paggalang sa iba ay maaaring maipakita hindi lamang sa salita kundi gayon din sa
gawa. Bata man o matanda ay nararapat na igalang. Bawat isa ay may kaukulang karapatan sa
paggalang.
Ang paggalang sa karapatan ng iba ay susi upang magkaroon nang maayos na
pagsasama ang bawat isa. Maraming paraan upang maipakita ang paggalang sa karapatan ng
ating kapwa. Ang pakikinig sa nagsasalita o nagpapaliwanag ay isang paraan ng pagpapakita
ng paggalang. Ang pagbibigay ng konsiderasyon sa pangangailangan ng oras, lugar at panahon
ng iba ay nagpapakita rin ng paggalang. Halimbawa, sa oras ng pag-aaral ng ibang mag-aaral,
ang karapatan niya sa tahimik, ligtas at maayos na lugar ay dapat isaalang-alang.
Ang pagpapakita ng paggalang ay pagkilala sa karapatang pantao ng iba.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
8.4 Pakikinig kung may nagsasalita/nagpapaliwanag. (ESP4P-lIe-20)
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Pagkatapos sagutin ang mga
katanungan na nasa ibaba.

1. Isang batang nag-aaral na ginugulo ng ibang bata.

2. Mga mag-aaral na nakikinig sa sinasabi ng isa nilang miyembro.

3. Nasa gymnasium kayong magkaklase upang manood ng palatuntunan sa


pagtatalumpati.

4. Nagkaroon ng pagkakataon na mangampanya sa inyong silid-aralan ang mga kandidato


para sa eleksiyon ng Supreme Pupils Government sa inyong paaralan. Ang mga
kandidato ay nagtatalumpati subalit naiinip ka na dahil sa tagal ng kanilang pagsasalita.

5. May naggu-group study sa inyong kapitbahay para sa nalalapit na markahang pagsusulit.


Subalit, malakas ang pagpapatugtog ng musika ng iyong kapatid na alam mong
nakaaabot sa inyong kapitbahay.

36
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Sagutin ang mga tanong.

1. Ilahad ang iyong gagawin kung ikaw ang batang ginugulo habang ikaw ay nag-aaral.

2. Kung ikaw ang batang nagsasalita sa harapan at ang iyong mga kamag-aral ay nakikinig,
ano ang iyong magiging reaksyon?

3. Kasama mo ang iyong kaklase sa gymnasium na nanonood ng palatuntunan sa


pagtatalumpati, sila ay maingay at nagkukuwentuhan ano ang magiging reaksyon
mo?

4. Kung ikaw ang batang nagpapaliwanag at walang nakikinig sa iyo, ano ang iyong
nararamdaman?

5. Ano ang magiging reaksiyon mo sa ginawa ng iyong kapatid?

Gawain 2
Panuto: Ipangkat ang sarili batay sa simula ng titik ng iyong apelyido. Kung ang
apelyido mo ay nagsisimula sa A-K, sagutin ang Gawain A. Samantala, ang mga may
apelyidong nagsisimula sa L-Z naman ang sasagot sa Gawain B. Basahing mabuti ang
nilalaman ng activity card.

Gawain A:
Sumulat ng isang kasabihan o salawikain na nagpapakita ng paggalang sa matatanda
habang sila ay nagsasalita. Ipaliwanag sa harap ng klase ang mensahe ng nabuong kasabihan o
salawikain.

Gawain B:
Iguhit ang pagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita o nagpapaliwanag habang
nagkakaroon ng pagpupulong ang isang samahan.

Gawain 3
Panuto:Timbang-timbangin
Gumuhit ng timbangan sa iyong kwaderno. Gamit ang timbangan, ilagay sa kanang bahagi nito
ang bilang ng bagay na nagawa mo na at ginagawa mo hanggang sa kasalukuyan. Ilagay naman
sa kaliwa ang mga bilang ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa.

1. Nakikinig ako kapag may nagsasalita.


2. Ibinabalik ko nang tahimik ang gamit ng aking hiniram lalo na kapag nag-aaral ang
may-ari nito.
3. Iiniiwasan kong makagawa ng ingay na makakagambala sa taong nagtatalumpati sa
harap.
4. Iniiwasan ko na makipag-usap sa aking katabi kapag nagsisimba.
5. Hinihintay ko muna na matapos manood ng telebisyon ang aking kapatid bago ko ilipat
sa ibang channel dahil mahalaga ito sa kanyang takdang-aralin.
6. Iiniiwasan ko ang pag-istambay sa harapan ng silid-aralan sa oras ng klase.
7. Nakikinig ako nang mabuti sa mga panuto na sinasabi ng namumuno sa palaro.

37
Practice Personal Hygiene protocols at all times
8. Tumitigil ako sa aking ginagawa upang pakinggang mabuti ang sinasabi ng aking nanay.
9. Lumalakad ako nang marahan at tahimik sa pasilyo ng paaralan kapag may nagkaklase.
10. Iginagalang ko ang nagsasalita kahit hindi ko nagugustuhan ang kaniyang sinasabi.

Panuto: Pansinin ng mabuti kung alin ang mas maraming laman. Ano ang iyong
nararamdaman? Ano ang dapat mong gawin sa sandaling nakita mo na ang laman ng mga
timbangan? Ano ang iyong magiging kahalagahan sa bawat sinasabi ng bilang?

Gawain 4
Panuto: Isagawa ang mga gawain sa ibaba:

A. Gumawa ng isang liham ng paghingi ng tawad para sa taong hindi mo pinakinggan


habang nagsasalita.

Gawain 5
Panuto: Buuin ang dayagram. Sa loob ng bawat bilog, isulat ang pangalan ng mga tao
na iyong iginalang o kaya ay pinakinggan habang sila ay nagsasalita o nagpapaliwanag. Ilagay
sa bawat kahon kung paano mo ito naipakita.

BAHAY

PAARALAN

TINDAHAN PALARUAN

SIMBAHAN PALENGKE

38
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Pangwakas
Matapos mong mapagtagumpayan ang araling ito, inaasahan na sa mga sumusunod na
araw at linggo, ikaw ay nakahanda na para sa panibagong paglalakbay. Maligayang
paglalakbay para sa iyong pagkatuto!
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Gabay na Guro pp. 78-81
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral pp. 136-143

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Magkakaiba ang sagot ng mga bata
Gawain 2 Magkakaiba ang sagot ng mga bata
Gawain 3 Magkakaiba ang sagot ng mga bata
Gawain 4 Magkakaiba ang sagot ng mga bata
Gawain 5 Magkakaiba ang sagot ng mga bata

Inihanda ni:

DELIA L. RUMBAOA
May Akda

39
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Tamang Paggamit ng Palikuran sa Paaralan

Panimula (Susing Konsepto)


Isa sa mga mahalagang pasilidad ng ating paaralan ay ang palikuran. Ito ay ginagamit natin
sa tuwi-tuwina o sa araw-araw nating pamamalagi sa paaralan. Hindi lamang mag-aaral ang
gumagamit nito kungdi lahat gaya ng mga guro, magulang at mga panauhin kaya dapat nating
panatilihing maayos at malinis ito. Responsibilidad ng bawat isa na gumagamit nito na linisin
ito pagkatapos gamitin upang tularan ng mga susunod pang gagamit nito.
Ang pagsasaalang-alang sa iba pang taong gagamit nito ay nakatutulong upang mapanatili
ang maayos at malinis na palikuran.
Mahalaga ang maayos at malinis na palikuran sa paaralan kaya dapat natin itong ingatan
at alagaan. Ang tamang saloobin sa paggamit ng palikuran ay dapat maipakikita hindi lamang
sa paaralan kung di gayun din sa mga palikuran sa komunidad. Isang hamon sa bawat isa ang
pagpapanatili ng kaayusan nito.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


8.5.1 Paggamit ng pasilidad ng paaralan tulad ng palikuran nang may pag-aalala sa kapakanan
ng kapwa. (EsP4P-11f-I-21)

Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tala ang patlang sa unahan ng bilang kung ang sinasaad ng
pangungusap ay tama at bilog kung ito ay mali.

______ 1. Ang palikuran ay isa sa mga mahalagang pasilidad ng paaralan.

______ 2. Mga mag-aaral lamang ang gumagamit ng palikuran sa paaralan.

______ 3. Dapat panatilihing malinis at maayos ang palikuran upang mapanatili


itong kaaya-aya.

______ 4. Huwag iwanang madumi ang banyo, linisin muna ito bago lumabas.

______ 5. Ang pagsasaalang-alang sa iba pang taong gagamit ng palikuran ay


nagpapakita ng magandang pag-uugali.

40
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 2
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan, Lagyan ng tsek (√) ang bilang sa loob ng kahon
kung ang larawan ay nagpapakita ng maayos at malinis na palikuran at ekis (X) kung hindi.

1 3 2

_______________________
4 5

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit kailangang malinis at maayos palagi ang ating palikuran?


a. upang maiwasan ang sakit
b. para hindi bahayan ng lamok
c. upang maging kaaya-aya
d. lahat ng sagot na nasa taas ay tama

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin upang mapanatiling maayos at malinis ang
palikuran?
a. Iwanang hindi nabuhusan ng tubig ang inodoro pagkatapos itong gamitin.
b. Huwag hayaang mawalan ito ng tubig.
c. Palagi itong linisin ng sabon at tubig.
d. Huwag itong tapunan ng basura.

3. Ang palikuran o banyo ay lugar na ginagamit kung tayo ay________.


a. makikipagkwentuhan
b. iihi at dudumi
c. makipaglaro
d. makipag-away

41
Practice Personal Hygiene protocols at all times
4. Sino-sino ang pwedeng gumamit sa palikuran ng paaralan?
a. mag-aaral lamang
b. guro at panauhin
c. magulang at lahat na nangangailangan nito
d. lahat ng mga nabanggit.

5. Ano ang dapat gawin ng mag-aaral kung madami ang papasok sa palikuran?
a. makipagtulakan
b. makipagsiksikan
c. makipila nang maayos
d. lahat ng mga nabanggit

Gawain 4
Panuto: Mga bagay na dapat obserbahan at sundin sa paggamit ng palikuran. Ano-ano
ang mga ito? Hanapin ito sa puzzle at bilugan. Pwede itong patayo, paliwas o diagonal, at
pahalang.
(5 na puntos)

b m a l i n i s D p
i d s d t u i m N u
n m a l a r o a D m
g b i s r l a k E i
t a k a m g i a R l
a g a l a a t l G a
n j w l a d a a H i
o k a h y u b b N n
p l t a o n a u K o
o m y n s i r n I r

Gawain 5
Panuto: Isulat ang pangalan ng pasilidad na nasa larawan. Itala kung paano ito
gagamitin ng maayos. (5 na puntos)

42
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Pangwakas
Ano ang inyong mga natutunan sa ating aralin ngayong araw? Nagustuhan mo ba
ang ating mga gawain? Ano pa ang gusto mong matutunan tungkol sa araling ito?
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________

Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagkakatao, Manwal ng Guro, pp.82-87
Edukasyon sa Pagkakatao, Batayang Aklat ng mga Mag-aaral, pp.144-156
Teacher’s Guide
Google.com - mga larawan

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

1. 1. √ 1. d

2. 2. X 2. a

3, 3. √ 3. b

4. 4. √ 4. d

5. 5. X 5. c

Gawain 4 Gawain 5

1. alagaan Magkakaiba ang sagot ng bata.

2. malinis

3. maayos

4. ingatan

5. pumila

Inihanda nina:

FLORDEBIE G. GICOLE
JOBELIE S. FAMUCOL
Mga may Akda

43
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Ingatan Natin, Pasilidad Na Gagamitin

Panimula (Susing Konsepto)

Ang silid-aklatan ay isang pasilidad na ginagamit sa paaralan na kung saan nakalagay


ang mga libro, dyaryo, pahayagan, ensayklopedya at diksyunaryo upang magbigay ng
impormasyon at makatutulong sa pagdadagdag ng kaalaman at aral na mapupulot sa mga
mambabasa.

Paano mo ba ginagamit ang mga pasilidad na ito? Isinasaalang-alang mo ba ang iyong


kapwa na gagamit din sa mga ito?

Mahalaga ang may maayos at malinis na pasilidad sa paaralan,at isang hamon sa bawat
isa ang pagpapanatili ng kaayusan nito .

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon:
*8.5.2 Paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan
ng kapwa ((EsP4P-IIf-I-21)
*silid-aklatan

Gawain 1

Panuto: May sampung pangalan ng pasilidad na matatagpuan sa lood ng kahon.


Bilugan ito.

P A L I K U R A N X C B
X P F B A V O L E P D O
A G S O N Y R E D F P Y
P X N E T T Y R O I J S
S D A S I H E T S H S T
c A Y V N F I I F G O M
Z Y A P A B N P P I F R
S I L I D A K L A T A N
A F U G S H E O G Q X H
C X G D H E P G Y X Z L

44
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 2
Panuto: Tignan natin mga bata kung gaano kayo kagaling. Lagyan ng (/) sa loob ng
kahon kung ito ay nagpapakita ng tamang pag-iingat at pagsunod sa mga alituntunin sa loob
ng silid-aklatan at (X) naman kung hindi.

Mag-ingat kung binubuklat ang mga pahina ng aklat sa silid-aklatan.

Isinasalansan ko sa tamang lalagyan ang mga aklat.

Maingay ako sa loob ng silid aklatan kung mayroon kaming takdang


aralin.

Sinusunod ko ang mga alituntunin ng silid aklatan para sa tamang paraan


ng paggamit nito.

Sinusulatan ko ang bawat pahina ng mga batayang aklat.

Gawain 3
Panuto: Pag-aralan ang larawan, sumulat ng pangungusap tungkol sa tamang
paggamit sa silid-aklatan. (2 puntos bawat tamang sagot)

1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. __________________________________________________________
Gawain 4
Panuto: May paligsahan sa inyong paaralan tungkol sa “Best Mini-Library.” Bawat
klase ay kailangang sumali sa paligsahan na ito. Ikaw ay inatasan ng guro na gumawa o
gumuhit ng inyong “library plan” bilang gabay sa gagawing mini-library ng iyong klase. Iguhit
ito sa isang malinis na bondpaper.

45
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Rubriks:
Pagkamalikhain - 10 puntos
Kalinisan -` 10 puntos
Originality - 10 puntos
Kabuuan 30 puntos

Gawain 5
Panuto: Sagutin sa inyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong. Ano ang
dapat mong gawin kung….(5 puntos bawat bilang)

1. may nakita kang mag- aaral na nilaro at pinunit ang ibang pahina ng libro sa silid-
aklatan

2. may grupo ng mga mag-aaral na maingay at naglalaro sa silid-aklatan

3. nakita mong magulo at makalat ang mga libro at iba pang kagamitan sa loob ng
silid-aklatan

Pangwakas
Ngayong natapos mo nang nasagutan ang mga gawain, nawa’y mas lumalim at
nadagdagan pa ang iyong kaalaman sa ating aralin tungkol sa paggamit ng pasilidad
ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa. Mahusay ang iyong
ginawa.

Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 TG pp 82-87
Edukasyon Sa Pagpapakatao 4 LM 144-156

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. PALIKURAN
2. OPISINA
3. GULAYAN
4. SILID-AKLATAN
5. KANTINA
Gawain 2
1./
2./
3.x
4./
5.x
Gawain 3: Magkakaiba ng sagot
(Mga posibleng sagot)

1. Maingat at maayos na ibalik ang mga aklat pagkatapos gamitin.


2. Maupo nang maayos at tahimik na magbasa.
3. Huwag magdala ng pagkain o inumin sa silid-aklatan.
4. Panatilihing maayos at malinis ang silid-aklatan sa pamamagitan ng wastong
pagtapon ng basura, pag-aayos ng upuan at iba pang kagamitan.

46
Practice Personal Hygiene protocols at all times
5. Iwasang makipag-usap o makipaglaro sa mga kamag-aral habang nasa loob ng
silid-aklatan.
Gawain 4: Magkakaiba ng sagot
Gawain 5: Magkakaiba ng sagot
(Mga posibleng sagot)
1. Pagsabihan siya nang maayos na hindi tama ang kanyang ginawa at tulungan
siyang ayusin ang napunit na pahina ng aklat.
2. Bilang mag-aaral na may malasakit, pagsabihan ko sila nang mahinahon na
bawal mag-ingay at maglaro upang hindi makaabala sa iba pang kapwa na
gumagamit sa silid-aklatan.
3. Kapag nakita kong magulo at makalat ang mga libro at iba pang kagamitan sa
loob ng silid-aklatan, magboluntaryo akong ayusin at ilagay sa tamang lagayan
ang mga ito.

Inihanda nina:

LORENZO T. GABA JR.


ESPERANZA C. GABA
Mga may Akda

47
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: ________________________________ Petsa: __________________
GAWAING PAGKATUTO
Tamang Paggamit Ng Palaruan Sa Paaralan

Panimula (Susing Konsepto)


Ang palaruan ay isa sa mga mahalagang pasilidad ng ating paaralan. Ito ay isa sa
recreational facility na maaari nating gamitin para sa araw-araw nating pamamalagi sa paaralan
pagkatapos ng ating leksyon kaya dapat natin itong panatilihing maayos at malinis.
Responsibilidad ng bawat isa na gamitin ito ng maayos at linisin pagkatapos gamitin upang
tularan ng mga susunod pang gagamit nito.
Ang pagsasaalang-alang sa iba pang taong gagamit nito ay nakatutulong upang mapanatili
ang maayos at malinis na palaruan.
Mahalaga ang may maayos at malinis na pasilidad sa paaralan, gaya ng palaruan kaya
dapat natin itong alagaan at ingatan. Ang tamang saloobin sa paggamit ng palaruan ay dapat
maipapakita hindi lamang sa paaralan kung di gayun din sa mga pampubliko o pribadong
palaruan sa komunidad. Isang hamon sa bawat isa ang pagpapanatili ng kaayusan nito.
Paano mo ba ginagamit ang pasilidad sa inyong paaralan? Isinaalang-alang mo ba ang
iyong kapuwa na gagamit din sa palaruan?

Kasanayang Pampagkatuto at koda


8.5.3 Paggamit ng pasilidad (palaruan) ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan
ng kapwa (EsP4P-IIf-i-21)

Gawain 1
Pagsusuring pansarili. Lagyan ng tsek (√) ang kolum ng iyong sagot. Maging matapat
sa pagsagot sa bawat bilang.

Mga Gawain Palagi Minsan Hindi


1. Maingat kong ginagamit ang pasilidad sa palaruan ng
aming silid-aralan gaya ng duyan.
2. Pumipila ako nang maayos sa tuwing maraming
naglalaro sa palaruan.
3. Itinatapon ko sa tamang lalagyan ang mga basura ng
aking pinagkainan kapag ako ay nasa palaruan.
4. Tinitiyak kong malinis at maayos ang ginamit kong
pasilidad sa palaruan pagkatapos ko itong gamitin sa
paglalaro.
5. Maingat kong ginagamit ang mga kagamitan sa
palaruan.
6. Iniiwasan ko ang pagsulat sa mga pader o mga
pasilidad ng palaruan.

48
Practice Personal Hygiene protocols at all times
7. Sinusunod ko ang mga alituntunin ng palaruan para sa
tamang paraan ng paggamit nito.
8. Ibinabalik ko ng maayos ang mga ginamit kong pasilidad ng
palaruan.
9. Isinasalansan ko sa tamang lalagyan ang mga aklat.
10. Sinusunod ko ang mga alituntunin nang maayos at maingat
na paglalaro sa palaruan.

Gawain 2
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang sa unahan ng bilang kung ang
sinasaad ng pangungusap ay tama at malungkot na mukha naman kung
ito ay mali.

_______ 1. Panatilihing malinis at maayos ang palaruan upang mapanatili itong


kaaya-aya.
_______ 2. Nagpapakita ng magandang pag-uugali, ang pagsaalang-alang sa iba
pang taong gagamit ng palaruan.
_______ 3. Mga mag-aaral lamang ang maaring gumagamit ng palaruan ng
paaralan.
_______ 4. Iayos ang mga nakitang pasilidad na nakakalat sa palaruan upang
mapanatili itong kaaya-aya.
_______ 5. Ang palaruan ay isa sa mga mahalagang pasilidad ng paaralan.

Gawain 3
Panuto: Hanapin sa puzzle at bilugan ang anim (6) na mga bagay na dapat
obserbahan at sundin sa paggamit ng palaruan. Anu-ano ang mga ito?
Pwede itong patayo, paliwas o diagonal at pahalang.

B M A N S N I S D N
I D S A T O I M A U
N P A G A R Y A D M
G U I I R L G A E I
T M K B M A I A A L
S I N I L A M L G M
N L W A A D A A H I
O A A K Y U B B N N
P L T A O N A U K O
O I N G A T A N I R

49
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 4
Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pangungusap, at Mali naman
kung hindi wasto.
_________1. Iwanan kong magulo o makalalat ang palaruan pagkatapos ko
itong gamitin.
_________2. Aagawin ko ang mga nilalaro ng mga nauna sa palaruan.
_________3. Pupulutin ko ang mga kalat upang mapanatili ang kalinisan ng
palaruan.
_________4. Pagsabihan ko ang mga kasama ko sa palaruan na ayusin ang
paggamit sa mga pasilidad nito.
_________5. Susulatan ko ang mga pasilidad sa palaruan at pader nito.

Gawain 5
Panuto: Isulat sa venn diagram ang mga dapat at di-dapat gawin sa pampubliko o
pampribadong palaruan.

DAPAT GAWIN DI-DAPAT GAWIN


P
A
L
A
R
U
A
N

Pangwakas
Kumpletuhin ang sumusunod.
Ano ang inyong mga natutunan sa ating aralin ngayong araw?
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

50
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Gabay ng Guro pp. 82-87
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral pp. 144-156

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 (Magkakaiba ang mga sagot)


Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4

1. 1. MAAYOS 1. Mali
2. 2. MALINIS 2. Mali
3. 3. INGATAN 3. Tama
4. 4. PUMILA 4. Tama
5. 5. KAIBIGAN 5. Mali
6. ALAGAAN

Gawain 5 (Magkakaiba ang mga sagot)

Inihanda ni:

VILLERMA V. CALATAYUD
May Akda

51
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: _______________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: _______________________________ Petsa: __________________

GAWAING PAGKATUTO
Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba
Panimula(Susing Kosepto)
Ang kalinisan ay kasunod ng pagiging maka-Diyos. Ang malinis na isip ay nagbubunga
ng malinis na gawa at gawi. Ang pagiging malinis ay isa ring disiplinang pansarili na
nagbubunga ng kabutihan at kagandahan sa sarili, sa kapwa, sa lipunan at lalong lalo na sa
kalikasan.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
8.6. pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng
pakikipagkapwa-tao (EsP4P-IIf-21)

Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis (x) kung
mali.
___1. Itapon sa tamang basurahan ang mga kalat.
___2. Matutong pagbukodbukorin ang mga basura ayon sa klase nito.
___3. Itapon kung saan-saan ang balat ng pinagkainan.
___4. Ilagay sa iisang basurahan ang lahat ng kalat.
___5. Walisan ang mga kalat sa paligid ng tahanan o silid aralan.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga gawain sa ibaba. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot kung
Palagi, Madalas, Bihira o Hindi kailanman.

Gawain Palagi Madalas Bihira Hindi


Kailanma
1. Nakikisama ako sa pagtitipid ng
kuryente at tubig sa aming tahanan.
2. Ginagawa ko ang mga gawaing-
bahay na iniaatas sa akin.
3. Nagsasabi ako sa aking mga
magulang ng aking opinyon o
suhestiyon ukol sa mga plano ng
pamilya.
4. Sumasama ako sa mga proyekto
ng aming paaralan ukol sa
kaligtasan.

52
Practice Personal Hygiene protocols at all times
5. Nakikilahok ako sa mga
talakayan sa mga paraan ng
pagpapatindi ng disiplina ng mga
mag-aaral sa paaralan.

Gawain 3
Panuto: Nakaranas ka na bang makagawa ng pagsuway sa isa sa mga ipinagbabawal
na gawain laban sa ating kapaligiran? Buuin ang template. Pag-aralan ang halimbawa.

Mga Nagawang Pagsuway Epekto sa Kapaligiran Natutuhan mo sa Iyong


sa Kapaligiran Ginawa
Halimbawa:
Paggamit ng Plastik na Pagbabara ng mga kanal Pagkintal sa isip na magdala
ipinagbabawal sa inyong tuwing tag-ulan na nagiging na ng mga lalagyan tuwing
lugar na nagdaragdag ng mga sanhi ng pagbaha. mamimili sa palengke o kahit
basura sa tahanan. ulam sa karinderya.

Gawain 4
Panuto: Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Pangatwiranan ang
iyong kasagutan.
1. Namamasyal kayo sa Bumurbur Falls. Habang naglalakad ay nakaramdam ka ng matinding
pag-ihi ngunit malayo ang palikuran. Kung sa may likuran ka ng malaking puno iihi ay wala
namang makakakita sa iyo. Saan ka iihi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Kumakain kayo ng ice cream habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Pagkatapos ninyong
kumain ay wala kayong makitang basurahan, bigla na lang itinapon ng kasama mo ang stick sa
tabi-tabi dahil wala naman daw nakakakita. Ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

53
Practice Personal Hygiene protocols at all times
3. Habang nasa sasakyan ay ngumuya ka ng bubble gum. Nang malasahan mong matabang na
ito, ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Nangangamoy na ang inyong basura ngunit hindi mo pa ito mailalabas kundi sa mismong
araw ng paghahakot ng basurang nabubulok, ayon sa ordinansa. Ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Nag-picnic kayo sa malapit sa ilog. Marami kayong naging basura. Ano ang gagawin mo sa
mga basura?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 5
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng bawat
larawan? Pag-usapan ninyo ng guro ang mga naging sanhi ng mga pangyayaring ito at paano
rin ito mabibigyan ng solusyon.

1. Sanhi:__________________________
_______________________________

Maibabahagi mong
solusyon:________________________
_______________________________
_____________________________

2. Sanhi:__________________________
_______________________________

Maibabahagi mong
solusyon:________________________
_______________________________
_____________________________
54
Practice Personal Hygiene protocols at all times
3.

Sanhi:__________________________
_______________________________

Maibabahagi mong
solusyon:________________________
_______________________________
_______________________________

RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

KRAYTIRYA Bahagdan (%)


Nilalaman 25 %
Sariling ideya 25 %
Organisasyon 25 %
Kabuluhan 25 %
Kabuuan 100%

Pangwakas
Sagutin ang bawat katanungan. Narito ang rubric sa pagpupuntos.
1. Bilang isang mag-aaral ng ikaapat na baitang, ano ang iyong magagawa upang
mapanatili ang tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng
pakikipagkapwa-tao?

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang


kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral pah. 232-235
Susi sa pagwawasto
Unang Gawain
1. / 2. / 3. x 4. x 5. /
Inihanda nina:

VILMA M. SUELEN
MIRASOL M. DIARIOS
Mga may Akda

55
Practice Personal Hygiene protocols at all times

You might also like