You are on page 1of 13

POSISYONG PAPEL AT RESOLUSYON NG IBA’T IBANG UNIBERSIDAD

AT AHENSIYA NG PAMAHALAAN
MODYUL
3

Sa katapusan ng aralin ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay


a. Nakapaglahad ng sariling paninindigan kaugnay ng CMO 20s. 2013
b. Nakasusunod sa proseso sa pagbuo ng posisyong papel at resolusyon
c. Nasusulat ng isang posisyong papel at resolusyon hinggil sa isang
napapanahong isyu

Kaibigan, binabati kita! Matagumpay mong nalagpasan ang unang aralin.


Ngayon ay handa ka na sa ating bagong aralin kung saan ay ating aalamin ang
iba’t ibang paninidigan ng iba’t ibang unibersidad gayundin ang resolusyon
kaugnay ng CMO 20, s. 2013. Ngunit bago natin tuluyang umpisahan ang araling
ito, ay sikaping masagutan ang sumusunod na katanungan
Ano ang posisyong papel?
Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng resolusyon?

POSISYONG PAPEL ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-


kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy
na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel
sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Dokumentong inilalabas ng isang samahan/organisasyon, yunit,
departamento at iba pang entidad, sa layuning marubdob na maipahayag ang
kanilang prinsipyo/paninidigan at/o sentimyento hinggil sa isang mahalaga at
napapanahong isyu, na karaniwang inilalabas sa publiko at/o isinusumite sa mga
ahensiyang nagsasagwa ng deliberasyon hinggil sa nasabing isyu ( implikasyon:
kasalukuyang tinatalakay na isyu

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL

Kumbinsihin ang mga mambabasa na may saysay at bisa ang mga


argumentong inihain sa kanila.

NILALAMAN NG POSISYONG PAPEL


1. Pamagat ng direktang tumutukoy sa panindigan ng organisasyon hinggil sa
isyu
2. Mga argumento/batayan na sinasandigan ng posisyong papel
3. Reiterasyon ng panawagan/aksyon na hinihiling
4. Petsa ng posisyong papel
5. Mga lagda ng opisyal ng organisasyon ov entidad na naglabas ng posisyong
papel

PROSESO NG PAGBUBUO NG POSISYONG PAPEL


1. Napukaw ng isang isyu ang atensyon ng isa o ilan sa mga bahagi ng
organisyon\
2. Alinman sa dalawa ang kasunod: susulat ng borador mg resolusyon ang isa sa
kanila para ihapag sa pamunuan o kasapian (general membership), o kaya ay
ihahapag nila sa pamunuan o kasapian ang kaniloang nabalitaan tungkol sa
isyu at ang posibilidad na magbalangkas ng posisyong papel kaugnay nito
3. Aaprubahan (o rerbisahin) ang resolusyon at lalagdaan ito ng mga opisyal o
kasapian
4. Ipapadala ang sipi ng posisyong pael (karaniwang may cover letter/looby
letter) sa ahensiya/awtoridad na kakalampagin kaugnay ng isyu

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


• Mabilis at epektibong pagpapaliwanag sa paninidigan ng organisasyon ang
unang layunin kaya dapat ay maikli ang posisyong papel at nakapokus sa mga
punto na mas maraming tao ang makukumbinsi (lalo na ang mga awtoridad)
• Kailangang malinaw at makabuluhan ang mga argumento, nakapokus sa
impact o posibleng impact ng patakaran/polisiya na sinusuportahan o
tinututulan
• Mas ispesipiko ang pangkalahatang panawagan/kahilingan, at mas ispesipiko
ang mga ahensiya/awtoridad na pinatutunguhan, MAS MAGANDA
• Gumamit ng mas simpleng salita hangga’t maaari
• English ang wika ng elite/naghaharing uri kaya gamitin lamang ang Filipino
KUNG TALAGANG mahalaga iygon sa posisyong papel (gaya halimbawa
kung ang posisyong papel ay posisyong papel ng isang organisasyon na ang
mayorya ay hindi nag-iingles), masaklap na realidad sa bansa na MAS
SINESERYOSO NG MGA AWTORIDAD ANG NAKASULAT SA INGLES

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
23 Hulyo 2014

Dr. Patricia Licuanan


Chairperson, Commission on Higher Education (CHED)
HEDC Building, C.P. Garcia Avenue
U.P. Diliman, Quezon City

Mahal na Dr. Licuanan,

Lakas-loob po naming itinutulay sa inyong tanggapan ang posisyong papel na ito


ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng Mindanao State University-
Iligan Institute of Technology, hinggil sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng
instruksyon sa antas tersiyarya, at pagsasama ng mga asignaturang Filipino at
Panitikan bilang mandatory core course sa kolehiyo.

Ipahintulot po ninyong igiit namin ang paggamit ng wikang Filipino bilang


sapilitang wikang panturo sa 9-12 yunit sa bagong General Education Curriculum
(GEC), bukod pa sa asignaturang Rizal. Naniniwala po ang aming
departamentong napakahalagang paigtingin pa ang paggamit at pag-aaral ng
Filipino sa kolehiyo lalo na po rito sa Mindanao. Naninindigan kaming
napakalaking bahagi ang ginagampanan ng Filipino sa patuloy na paghahanap
natin ng sariling identidad at pagkakakilanlan. Marubdob din ang aming
paniniwalang patuloy na nagsisilbing instrumento ang wika at panitikang Filipino
sa pagpapalinaw ng landasin tungo sa makatotohanang kalinaw dito po sa amin
sa Mindanao.

Sinusuportahan din po namin ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino


bilang mandatory core course sa kolehiyo. Sa amin pong paglantaw,
napakahalagang maisama ang 9 yunit na asignaturang Filipinong may
multi/interdisiplinaring disenyo. Sa ganitong kaayusan, mas mapahuhusay ang
kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng Filipino at mas mapalalalim ang
kanilang unawa sa sa samu’t saring isyung pangrehiyon at
pambansa. Nakalulan din sa wika at panitikan ang mga diskursong panlipunan
at pampolitikang magpapatalas sa mga mag-aaral at magdidiin upang ang
Unibersidad ay magkaroon ng tunay na nasyonalistang karakter.

Ipagpaumanhin po ang aming kapangahasan, subalit naniniwala po kaming hindi


magta-taingang kawali ang inyong butihing tanggapan sa aming mga hinaing at
hiling. Maraming salamat po at kasihan nawa tayo ng Dios.

Lubos na sumasainyo,

Mga Fakulti
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology
A. Bonifacio Avenue, Iligan City

PAGTATANGGOL SA WIKA AT PANITIKANG FILIPINO,


TUNGKULIN NG BAWAT PILIPINO

(Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University, Manila


sa Desisyon ng Korte Suprema na Paslangin ang Filipino at Panitikan Bilang

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Mga Mandatoring Asignatura sa Kolehiyo)

Nakikiisa ann Departamento ng Filipino ng De La Salle University, Manila sa


Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) at iba pang
samahang pangwika, pangkultura, at makabayan, sa mariing hindi pagsang-ayon
sa desisyon ng Korte Suprema na paslangin ang Filipino at Panitikan bilang mga
mandatoring asignatura sa kolehiyo.

Sa ganitong diwa, nakikiisa rin kami sa panawagan sa Korte Suprema na agad


baligtarin ang nasabing desisyon, at sa Commission on Higher Education
(CHED) na rebisahin ang bagong General Education Curriculum upang gawing
mandatori ang Filipino at Panitikan, batay sa mga sumusunod na punto:

Una, hindi nagpatawag ng publikong pagdinig o oral arguments ang Korte


Suprema hinggil sa kasong ito, kaya’t ang desisyon ay hindi nakasalig sa
komprehensibong pagpipingkian ng mga argumento na maaari sanang
naisabalikat sa pamamagitan ng publikong pagdinig.

Ikalawa, ang desisyon ng Korte Suprema ay tuwirang pagbalewala sa mandato


ng Konstitusyong 1987 na nagbibigay-diin sa gampanin ng buong gobyerno sa
pagtataguyod ng wikang pambansa, sariling kultura, kasaysayan, at
nasyonalismo – mga paksang ubod at puso ng mga asignaturang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo.

Ikatlo, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay


nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement o pakikibahagi
sa mga pamayanan ng iba’t ibang mga kolehiyo at unibersidad sapagkat ang
wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad
na dapat pinaglilingkuran ng mga institusyong pang-edukasyon sa bansa. Ang
pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong
mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na
nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon.
Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang
departamento sa mga pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa
pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang
sa ating mga kababayan.

Ikaapat, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)


Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may
inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa
proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang
iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at
kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili?

Ikalima, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o


kaya’y komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100
hayskul sa buong mundo. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga
kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa
ibang bansa.

Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa mga unibersidad ang


aktibong pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral sa
mga kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
gaya ng Natural Language Processing Department (CCS) kaugnay ng paglinang
ng Machine Translation Software sa Filipino, pagsasalin ng iba’t ibang materyal
tulad ng survey instruments mula sa iba’t ibang disiplina at larangan gaya ng
Inhenyeriya, Sikolohiya, Batas, Komersyo, at Ekonomiks, at iba pang gawaing
pananaliksik.

Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa unibersidad, inaasahang


may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng
unibersidad sa bansa, sa mataas na antas ng pakikipagtalastasan sa iba’t ibang
pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o
pangkultura.

Ikawalo, ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan


ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa –
na mga balwarte ng intelektwalisasyon ng Filipino, ng pananaliksik sa sariling
wika sa iba’t ibang larangan.

Ikasiyam, sa diwa ng international benchmarking, dapat bigyang-diin na ang pag-


aaral ng wikang sarili at/o panitikan ay pawang bahagi rin ng mga required na
asignatura sa mga unibersidad sa mga bansang gaya ng Estados Unidos,
Germany, Sweden, Norway, Thailand, at Indonesia.

Ikasampu, ang wikang English, Matematika, Siyensya, at Physical Education ay


pawang itinuturo rin sa basic education, ngunit ngayo’y bahagi rin ng kurikulum
sa kolehiyo sa ilalim ng K to 12, sa porma ng asignaturang Purposive
Communication na sa esensya ay English for Specific Purposes; Mathematics in
the Modern World; Science and Technology for Society; at Physical Education.
Samakatwid, nararapat lamang na may Filipino at Panitikan din sa kolehiyo, sa
diwa ng pagiging patas, balanse, at holistikong paghubog na siyang dapat ikintal
sa General Education.

Malinaw na hindi simpleng usapin lamang ng pagsasalba sa trabaho ng mga


guro ang adbokasing ito. Sa konteksto ng daan-daang taon ang pagsagpang sa
Pilipinas ng kolonisasyong kanluranin, ang adbokasing ito'y pagsasalba na rin sa
sa kolektibong identidad ng mga Pilipino, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan
ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na
huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na
mamamayan ng ating bansa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, ang


makabayang adbokasiya sa wika at edukasyon ng ating unibersidad na nagluwal
na ng mga makabayang lingkod-bayan gaya ni Senador Lorenzo M. Tañada at
mga makabayang edukador gaya ni Br. Andrew Gonzalez, FSC, ay patuloy na
mananatiling buhay ngayon at magpakailanman.

15 Nobyembre 2018

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro
sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon


(CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum
Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng
komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga
asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid
namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles
sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan,
pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga Departamento
ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata
namang nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito,
tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng
Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga
guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at
mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng
PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa
1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang
pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum,
malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang
pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng
memorandum ang ganito: "General education enables the Filipino to find
and locate her/himself in the community and the world, take pride in and
hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid
the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of
appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general
education program increasingly become more pressing." Hindi ba't ang
asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at
kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa
pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura
at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang
Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga
kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang
Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito
simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa
dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na kung tutuusi'y hindi
naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in
the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na
nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga
organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang
asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.

Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino
na magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang
alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang edukasyon
ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng
ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii
at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa
Japan, St. Petersburg University at University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng


Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika,
pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at
pagdarao ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang
larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa
ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and
Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon
(Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang
AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang
Filipino. Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng
guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP.
Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga Departamento/Kagawaran ng Filipino
gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong kurikulum na
binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw
na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang
Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa
ganitong punto, muli't muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang
Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad


at pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang
Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang
Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa
Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis
ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro
sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan
ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga
guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang filipino. Maghahain ito
ng mga mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't
ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na
asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng


CHED ang malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang
pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito,


umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin
ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang
identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.

Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino


ng Pamantasang Ateneo de Manila
sa Suliraning Pangwikang Umuugat
sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013

May apatnapung taon na mula nang itatag ang Kagawaran ng Filipino kaakibat
ang Patakarang Bilingguwal ng Pamantasang Ateneo De Manila, bagay na
pinanghahawakan namin upang isulong ang edukasyong multilingguwal,
multidisiplinaryo, at multikultural.

Sa konteksto ng mga pagbabago sa edukasyon na kinakaharap ng bayan


ngayon, naninindigan ang Kagawaran ng Filipino na dapat ipagpatuloy ang
puspusang pagpapayaman, pagpapayabong, paglinang, intelektuwalisasyon, at
propesyonalisasyon ng Filipino alinsunod sa ating Saligang Batas (Art. XIV, Sek.
6.).

Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito
ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang
usapin sa loob at labas ng akademya.

Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito
ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang
usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas
tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong
propesyonal. Sinususugan nito ang Pahayag-Misyon ng Kagawaran ng Filipino
na itinatakda “ang propesyonal at multidisiplinaryong pagtugon sa
pangangailangan na iuwi at iugat sa sariling kultura ang pamantasan at lahat ng
pinaglilingkuran nito, hindi sa pamamagitan ng pagtatakwil sa mga kaalamang
hiram kundi sa integrasyon nito sa mga kaalamang sarili.”

Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng


ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang
panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at
paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang
panrehiyon sa diskursong akademiko. At lalong hindi dapat pagsabungin ang
mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at
institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili
at kanilang mga interes.

Dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang


kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga interes.

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
May ilang institusyon na kinakasangkapan at binabaluktot ang diwa ng
akademikong integrasyon, globalisasyon, at pangkalahatang pagbabago ng
edukasyon sa malawakang pagtatanggal at sapilitang paglilipat ng mga guro at
programa mula sa kolehiyo patungong Senior High School. Kailangang
panagutan ng mga institusyong ito hindi lamang ang usaping pangkabuhayan ng
mga guro kundi pati na rin ang integridad ng kanilang mga disiplina at kurso na
pinagkadalubhasaan. Hindi lamang legal, kundi usaping moral at etikal ang
pananagutang ito.

Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at


kultura. Dapat angkop ang paghahandang estruktural sa makataong
pagpapatupad nito. Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng
Estado na itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong
ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing
pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko, at intelektuwal na
pagpapahayag” (Art. XIV, Sek. 14).

Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na


itaguyodang “pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang
pambansang kulturang Pilipino…

Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at


kultura. Dapat angkop ang paghahandang estruktural sa makataong
pagpapatupad nito.

Bilang mga propesyonal at dalubhasang tagapagtaguyod ng wika, panitikan, at


kultura, patuloy kaming naninindigan sa mga sagisag at adhikaing kinakatawan
ng pamamayani ng Filipino sa pamantasan.

Hunyo 21, 2014

RESOLUSYON
Dokumentong inilalabas ng isang samahan/organisasyon, yunit,
departamento at iba pang entidad pagkatapos ng talakayan o deliberasyon sa
isang mahalaga at napapanahong isyu, sa layuning maipahayag nag kanilang
prinsipyo/paninindigan at/o sentimiyento hinggil sa nasabing isyu, na karaniwang
naglalaman din ng (mga) tiyak/ispesipikong kahilingan/demand sa awtoridad o
ahensya na may kapangyarihang umaksyon sa nasabing isyu (implikasyon: para
sa awtoridad o ahensiya)

NILALAMAN NG RESOLUSYON
1. Pamagat na direktang tumutukoy sa panawagan/aksyon na hinihiling
2. Premises o mga batayan na sinasandigan ng resolusyon (hakbang-hakbang
na itinatag)
3. Reiterasyon ng panawagan/aksyon na hinihiling
4. Petsa ng resolusyon
5. Mga lagda ng opisyal ng organisasyon o entidad na naglabas ng resolusyon
(puwede ring lagda ng kasapian/membership)

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
PROSESO NG PAGBUBUO NG RESOLUSYON
1. Napukaw ng isang isyu ang atensyon ng isa o ilan sa mga bahagi ng
organisyon\
2. Alinman sa dalawa ang kasunod: susulat ng borador mg resolusyon ang isa sa
kanila para ihapag sa pamunuan o kasapian (general membership), o kaya ay
ihahapag nila sa pamunuan o kasapian ang kaniloang nabalitaan tungkol sa
isyu at ang posibilidad na magbalangkas ng resolusyon kaugnay nito
3. Aaprubahan (o rerbisahin) ang resolusyon at lalagdaan ito ng mga opisyal o
kasapian
4. Ipapadala ang sipi ng resolusyon (karaniwang may cover letter/looby letter) sa
ahensiya/awtoridad na kakalampagin kaugnay ng isyu
5. Mas mainam kung kakausapin din nang personal ang mga nilalapitan at/o
regular na ifofollow-up ang aksyon nila sa resolusyon

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG RESOLUSYON


1. Mabilis na consensus ang unang layunin kaya dapat maikli ang resolusyon at
nakapokus sa mga punto na mas maraming makukumbinsi
2. Ang unag premise/batayan ay mas mainam kung tungkol sa pangyayari,
polisiya atbp. Na nagbunsod para maisulat ang resolusyon
3. Mas ispesipiko ang pangkalahatang panawagan/kahilingan, at mas ispesipiko
ang mga ahensiya/awtoridaqd na pinatutungkulan, MAS MAGANDA
4. Gumamit ng mas simpleng salita hangga’t maaari
5. English ang wika ng elite/naghaharing uri kaya gamitin lamang ang Filipino
KUNG TALAGANG mahalaga iyon sa resolusyon (gaya halimbawa kung ang
resolusyon vay tungkol talaga sa wikang Filipino; o kung ang resolusyon ay
resolusyon ng isang organisasyon na ang mayorya ay hindi nag-iingles

Halimbawa ng resolusyon

RESOLUSYON NG NCCA-NATIONAL COMMITTEE ON LANGUAGE


AND TRANSLATION (nclt) HINGGIL SA PANANATILI NG FILIPINO AT
PANITIKAN SA KOLEHIYO

• SAPAGKAT inalis ng Commision on higher Education (CHED) ang lahat ng


asignaturang Filipino sa antas tersarya sa pamamagitan ng CHED
Memorandum (CMO) No. 20, Series of 2013 na may petsang 28, Hunyo 2013
na nagsasaad ng bagong General Education Curriculum (GEC);
• SAPAGKAT mabubuwag ang maraming Departamento ng Filpino sa mga
kolehiyo at unibersidad sa buong bansa dahil saw ala nang ituturong
asignatura ang mga guro ng Filipino sa antas tersarya;
• SAPAGKAT hunigit kumulang 10, 000 full-time at 20, 000 part-time na guro ng
Filipino ang nakatakdang mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita bunsod
ng nasabing CMO;
• SAPAGKAT higit pa sa kapakanan ng mga gurong nakatakdang mawalan ng
trabaho o mabawasan ng kita, ito ay labag sa konstitusyong 1987 gaya ng
isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na “…dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon”,
• SAPAGKAT sa konstekto ng napipintong Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN) Integration, lumalaki ang pangangailangan na patibayin
natin ang ating wikang pambansa upang mapanatili nating buhay ang sariling
identidad, gaya ng ginagawa ng ating mga kasama sa ASEAN, kaagapay ng
inaasahang integrasyong panrehiyon; at
• SAPAGKAT puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersarya
ang asignaturang Filpino
KAYA NGAYON, pinagtitibay ng National Commission for Culture and the
Arts-National Committee on Language and Translation (NCCA_NCLT) ang
resolusyong ito na nagpapahayag ng kahilingan sa CHED, kongreso, at
Senado na agarang magsagawa ng mga hakbang na kailangan upang isama
sa bagong GEC sa antas tersarya ang mandatory na 9 yunits ng asignaturang
Filipino para sa lahat ng mag-aaral, anuman ang kurso.
PINAGTIBAY AT NILAGDAAN ngayong 23 Mayo 2014 sa isang pulong na
ginanap sa Gusalung NCCA, Intramuros, Maynila

1. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng


posisyong papel?
2. Sumulat ng isang posisyong papel at resolusyon hinggil sa isang
napapanahong isyu

A. Nilalaman Maliwanag na paglalahad ng pangatngatwiran at patunay 5


B. Organisasyon May lohikal na pagkakasunud-sunod ang mga pangungusap 3
C. Mekaniks Kinakitaan ng masteri o kaalaman sa pagsasama-sama ng kaisipan. 2
Kaunting mali sa pagbabaybay, pagbabantas at wastong talataan.

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
PANGKALAHATANG SILBI/SAYSAY NG MGA RESOLUSYON,
POSISYONG PAPEL

1. Kolektibong pagpapahayag ng paninidigan o sentimyento na napakahalaga sa


isang demokratikong lipunan
2. Materyal sa edukasyong pangmadla at material-panturo rin (lalo na sa Filipino,
English at Agham Panlipunan)
3. Posibilidad (gaano man kaliit) na aksyunan ang kahilingan
4. Asersyon o pagtataguyod ng kapangyarihang-bayan o people power sa pang-
araw-araw na buhay
5. Karapat-dapat na kalampag sa mga opisyal ng gobyerno at iba pa na
inaasahang maglilingkod sa bayan (tandaan na alinsunod sa Batas/Code of
Ethica for Public Officials, REQUIRED silang magreply 15 araw mula sa araw
na matanggap nila ang mga liham-petisyon, resolusyon etc tungkol sa aksiyon
nila)
Section 5. Section 5. Duties of Publuic Officials and Employees- In the
performance of their duties, all public officials and employees are under
oblogatio to:

a. Act promptly on letters and requests- All public officials and employess
shall, within fifteen (15) working days from receipt thereof, respond to
letters, telegrams or other means of communications sent by the
public. The reply must contain action taken on request.

Halimabawa:

▪ Sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos at United Kingdom,


opisyal na kinikilala at may aktwal ma bias/kapangyarihan kahit ang
mga ONLINE PETITION

• Sinumang Amerikano ay pwedeng gumwa ng petisyon: anumang


petisyon na makakuha ng 100,000 pirma man lamang sa loob ng 30
araw mula nang ito ay gawin, ay OBLIGADONG TUGUNAN NG
GOBYERNO (“ WE THE PEOPLE” petition page sa
WHITEHOUSE.GOV )
• Sa United Kingdom, sinumang mamamayang British ay maaaring
gumawa ng petisyon kaugnay ng anumang batas o patakaran ng
gobyerno (GOV.UK)
• Ang maka-10,000 pirma ay makakatanggap ng opisyal na tugon
• Ang maka-100,000 pirma pagdedebatehan sa Parliament (ang
katumbas ng kongreso at Senado na maaaring maging dahilan
upang ang isang petisyon ay maging batas o pagpapasiya

• Panoorin ang videong ito


https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/videos/844991716022075

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
• Nakatutulong ang pagsulat ng posisyong papel upang mapalalim ang pag-unawa sa isang
tiyak na isyu
• Nakatutulong ang posisyong papel upang magkaroon ng kamalayan ang mga tao sa
magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan
• Ang posisyong papel ay magagamit na batayan ng mga tao sa kanilang mga sariling
pagtugon at pagsangkot sa usapin

SANGGUNIAN:

https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/videos/844991716022075

https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/posts/1849159992038560

https://www.facebook.com/notes/german-villanueva-gervacio/posisyong-papel-ng-
departamento-ng-filipino-at-ibang-mga-wika-kolehiyo-ng-mga-si/10152570758535225/
https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/posts/posisyong-papel-ng-departamento-ng-
filipino-ng-de-la-salle-university-manila-tan/2197404793880743/
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-
filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842/
https://manilatoday.net/ang-paninindigan-ng-kagawaran-ng-filipino-ng-pamantasang-
ateneo-de-manila-sa-suliraning-pangwika-sa-kasalukuyan/

DEPARTAMENTO NG FILIPINO

You might also like