You are on page 1of 2

EDITORYIAL WRITING/ PAGSULAT NG EDITORYAL

Kontraktuwalisasyon (Contructualization)

Under the Labor Code of the Philippines (PD 442), employers may employ people under a

probationary status of not exceeding six months. Under this system, the worker's employment

contract ends before the six months by their employer. ... Contractualization is one of the most

controversial labor practices in the Philippines.

Sumama ang anak ng manggagawa sa martsa para wakasan ang ‘endo’. (Manila
Today/Joolia Demigillo)
Pinakamahalagang ipinangako ng Pangulo sa usaping ito ang mismong pagwawakas ng
kontraktuwalisasyon sa loob ng isang taon. Sinabi ng administrasyon na magiging regular na ang
kalahati sa kasalukuyang mga kontraktwal na manggagawa sa pagtatapos ng taong ito, tapos
wala nang kontraktwal pagdating ng 2017.
Nagpanukala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ‘win-win’
solution, na tila mapapawi lang ang pagiging kontraktwal sa pangalan. Laman ng sinasabing
‘win-win’ solution na bigyan ng mga benepisyo na mayroon ang mga regular na manggagawa
gaya ng leave credits, 13th month pay, SSS, Philhealth, at iba pa. Kasama rin dito na maaaring
maililipat ang mga manggagawa batay sa pangangailangan. Hindi na rin daw gagamitin ang
agency, pero papayagan ang mga kumpanya na kumuha ng mga manggagawa o mag-outsource
ng seasonal kung ganoon ang panangailangan. Ang mga mawawalan ng trabaho ay kailangan
hanapan ng trabaho sa loob ng tatlong buwan o kung umayaw na maghintay ang manggagawa ay
bibigyan siya ng separation pay at wala nang obligasyon sa kanya ang kumpanya. Magkakaroon
daw ng mga mahigpit na patakaran sa mga kumpanya gaya ng hindi pagpayag na magkaroon ng
subcontractor ang mga contractor sa construction, pagkakaroon ng sapat na kapital ng mga
kumpanya na kayang pasahurin at bigyan ng mga benepisyo ang mga manggagawa nito.
Nakabalangkas na ang panukalang ito bilang Department Order (DO) 30, na sinasabi nila DOLE
Secretary Silvestre Bello III na papalit sa DO 18-A na nagliligalisa sa kontraktuwalisasyon at
lumampas sa mga probisyon ng mga batas sa paggawa sa bansa.
Tinawag itong ‘lose-lose solution’ ng mga grupo ng manggagawa, kabilang ang
Kilusang Mayo Uno, Trade Union Congress of the Philippines, Nagkaisa, Partido Manggagawa,
at iba pa. Panawagan ng mga manggagawa pigilan ang DO 30 at sa halip ay totohanin ng
gobyerno na wakasan ang lahat ng porma ng kontraktuwalisasyon.

EDITORYAL CARTOONING

You might also like