You are on page 1of 11

FILIPINO 2 - IKAANIM NA LINGGO

MAGANDANG
ARAW!
Teacher Alleli Lontok
Yunit 1:
Mga Kuwento sa Aming Pamilya
ARALIN 1
Gamit ng Si, Sina, Ang, Ang Mga
Layunin sa Wika
Sa pagtatapos ng aralin, ang
mga mag-aaral ay inaasahang

1 nagagamit nang wasto ang si,


sina, ang, at ang mga; at
2 naipapahayag ang sarili sa
makabuluhang pangungusap.
PANIMULA
Basahin ang ilang pangungusap
tungkol sa kuwento.
Pansinin ang Alam mo ba
mga salitang Nagyayayang maglaro si Empoy. kung paano
nakasulat ginagamit
nang mariin. Niyaya niya sina Carlito at Boyet. ang mga ito?
Masayang naglaro ang mga bata.
Hindi nila napansin ang babaeng
nanonood sa kanila.
PAG-USAPAN NATIN
Paggamit ng Si, Sina, Ang at Ang mga

Ang mga salitang si at sina ay pananda ng mga pangngalang


pantangi. Ginagamit ang si kapag isang pangalan lamang ang
binabanggit. Ginagamit naman ang sina kapag higit sa isang
pangalan ang tinutukoy.
si Therese sina Fe at Ana
si Bobot sina Tes, Dory, at Max
PAG-USAPAN NATIN
Paggamit ng Si, Sina, Ang at Ang mga

Ginagamit ang ang at ang mga para sa mga pangngalang


pambalana. Ginagamit ang ang kapag isang pangngalan
lamang ang tinutukoy. Ginagamit naman ang ang mga kapag
marami ang tinutukoy.
ang bata ang mga bata
ang ibon ang mga ibon
Pagsasanay sa Wika
A. Isulat sa patlang ang si o sina upang
mabuo ang pangungusap.
1. Nagpunta ______ Boyet, Karen, at Jun-Jun kina Liza upang
maglaro.
2. Ang mga nabigyan ng bagong aklat ay ______ Baby at Carlo.
3. ______ Joy ang nanguna sa nakaraang pagsusulit sa Filipino.
4. Hindi nakapunta ______ Kate sa kaarawan ni Ella dahil sa
malakas na ulan.
5. Masayang-masaya ______ Cathy sa natanggap niyang regalo
mula sa kanyang ina.
Pagsasanay sa Wika
B. Gamitin nang wasto ang ang o ang
mga upang mabuo ang pangungusap.
Pulang-pula ______
1 bulaklak ng gumamela

______ bata ay
2 nagtatakbuhan

Itinanim ni Ella
3 ______ halaman.
Pagsasanay sa Wika
B. Gamitin nang wasto ang ang o ang
mga upang mabuo ang pangungusap.

4 ______ lobo ay
lumilipad.

5 Kumikislap ______ bituin.


PERFORMANCE
TASKS
* Pagsasanay sa Wika C
(Pahina 46)

* Pagsasanay sa Wika D
(Pahina 76)
MARARAMING
SALAMAT
SA PAKIKINIG!
-Teacher Alleli

You might also like