You are on page 1of 21

FILIPINO 2

Magandang
Umaga!
Teacher Alleli Lontok
A. Balik-Aral: Pagbubuo ng mga Salita

P KP PK KPK

1. le - on 6. du - hat
2. bi - big 7. pa - mil - ya
3. a - nim 8. sing - sing
4. bi - ik 9. pa - a
5. ngi - pin 10. al - tar
A. Balik-Aral: Pagbubuo ng mga Salita

P KP PK KPK

1. le - on PK 6. du - hat KP
2. bi - big KPK 7. pa - mil - ya KPK
3. a - nim P 8. sing - sing KPK
4. bi - ik PK 9. pa - a P
5. ngi - pin KP 10. al - tar PK
B. Punan ng wastong pantig ang mga
sumusunod na salita.
1. si - _ _ _ 6. _ _ - bi
2. le - _ _ 7. _ _ _ - lo
3. _ - li - si 8. pu - _ _
4. bi - tu - _ _ 9. _ _ - ra
5. i - _ _ _ _ 10. ru - _ _ _
B. Punan ng wastong pantig ang mga
sumusunod na salita.
1. si - s i w 6. l a - bi
2. le - o n 7. t a t - lo
3. e - li - si 8. pu - n o
4. bi - tu - i n 9. o k - ra
5. i - l o n g 10. ru - l e r
YUNIT 1: MGA KUWENTO SA AMING
PAMILYA
ARALIN 3: PANGNGALAN
Layunin sa Wika
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay
inaasahang
1. nakikilala ang mga pangngalan;
2. nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng
pangngalan; at
3. nagagamit sa makabuluhang
pangungusap ang mga pangngalan.
Tukuyin at sabihin nang
malakas ang pangngalan ng
mga kagamitan. (pahina 31)
Pag-usapan Natin
Pagkilala sa Pangngalang Pantangi at Pambalana

Pangngalan
ang tawag sa ngalan ng tao, hayop,
bagay, lugar, o pangyayari.

Halimbawa:
Anna Muning kama
Calauan Kaarawan
May dalawang uri ng pangngalan:

(a) pantangi (b) pambalana


Pantangi
Ito ay mga tiyak na ngalan
ng tao, hayop, bagay, lugar,
o pangyayari. Ito ay
nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:
Aling Nena Mang Dan Pasko
Laguna Brownie Barbie
Pambalana
Ito ay tawag sa pangkalahatang
pangngalan ng tao, bagay, lugar, o
pangyayari. Ito ay nagsisimula sa
maliit na titik, maliban na lamang
kung ito ang simula ng pangungusap.

Halimbawa:
babae bata aso
kotse parke saranggola
Pambalana Pantangi
bansa Pilipinas
buwan Oktubre
aso Tagpi
parke Luneta
aklat Bukal ng Lahi
araw Martes
Pagsasanay sa
Wika
pahina 33-35
A. Bilugan ang mga pangngalan sa sumusunod. May higit
sa isang kasagutan sa bawat bilang. (pahina 33-34)
B. Kahunan ang mga pangngalang pantangi sa
loob ng pangungusap. (pahina 34)
C. Salungguhitan ang
pangngalang pambalana
sa loob ng pangungusap.
(pahina 34-35)
D. Punan ng hinihinging pangngalan ang tsart.
E. Sino-sino ang iyong mga kaibigan? Isulat ang kanilang pangalan sa loob
ng ulap. Tiyakin mo na tama ang iyong pagbaybay ay pagsulat ng
kanilang mga pangalan. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangalan.
Quiz#1 on
Quiz #1 on
Wednesday
Pag-aralan
Wednesday muli
angReview
pahina 21-22
pages 21-22
Uri ng Pantig
Maraming
salamat sa
pakikinig!
-Teacher Alleli

You might also like