You are on page 1of 24

Ang Pang-akademyang Register

ng Filipino sa UP Open University

Ni: Jayson D. Petras

Inihanda ni: Cecile Joy Luis


 Ayon kay Librero 2008, dulot ng napakatuling takbo ng
panahon ng Information and Communication
Technology (ICT), kakabit nito ang tila “pagbomba” sa
ating kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng
e-Learning, e-Commerce, e-Government, knowledge-
based society, knowledge-based economy, information
society, paperless society, information economy,
attention economy at iba pang techno-terms.
 Dahil sa papel ng Internet bilang midyum sa
pagdidisenyo at pagtatalakay sa klase, naisasagawa
ang mga asignaturang nagtuturo o gumagamit ng
wikang Filipino sa mga institusyong tulad ng University of
the Philippines Open University (UPOU).
 Bilang wikang aktibog magagamit sa open learning at
distance education ng UPOU, makikita ang isang varayti
ng wikang Filipino na mabuo at patuloy na mabubuo
bilang katugunan sa pangangailangang magturo at
matuto sa mga leksiyong kagaya ng komunikasyon at
humanidades.
Ang Simulain ng UP Open University
 Higit na mauunawaan ang register ng wikang Filipino sa
UPOU kung lilinawin ang kalikasan ng sistemang
akademiko sa UPOU. Sa kasaysayan, itinakda ng
resolusyon ng Lupon ng mga Rehente ng UP ang
pagtatatag ng UPOU, bilang ikalimang nagsasariling
yunit sa ilalim ng Sistemang Unibersidad ng Pilipinas,
noong ika-23 ng Pebrero 1995.
Ayon sa nasabing resolusyon:

 Sa patuloy na hamon ng pagbibigay ng delikaded na edukasyon


sa lumalaking populasyion sa mahigit sa 7,000 pulo, ang UP, sa
pamamagitan ng UPOU open at distance learning, ay nagbibigay-
daan sa malawakang akses sa mataas na uri ng tersiyaryang
edukasyon. Bilang institusyong may pinakamalaking bilang ng
kaguruan , na may pinakamataas na bilang ng mga matamong
digri at may pinakamalawak na larang ng pag-aaral sa mga
institusyon ng mataas na edukasyon sa bansa, nasa
pinakamahusay na posisyon ang UP sa pagbibigay ng dekalidad
na programang distance education. (akin ang salin)
 Mula sa nabanggit, pumupundasyon ang UPOU sa diwa
ng demokratisasyon ng edukasyon at modernisasyon
sasistemang pagtuturo dulot ng mabilis nap ag-unlad
ng ICT. May bisyon itong maging tagapangunang
institusyong Open at Distance Learning (ODL).
Tatlong tuon sa disiplinang fakultad ng
UPOU

 Faculty of Education (FEd)


 Faculty of Information and Communication Studies
(FICS)
 Faculty of Management and Development Studies
(FMDS)
Ang mga Mag-aaral sa UPOU
 Dahil sa kalikasan ng UPOU, makikita ang pagkakaiba
ng mga mag-aaral na narito kompara sa karaniwang
sistemang residensyal o iyong may regular na pagkikita
sa klase ng guro at mag-aarl. Sa pagtalkay ni Arinto
(2010), lumalabas ang sumusunod na katangian ng mga
mag-aaral sa distance education.
 Magkakahiwalay ng lugar at maaari, ng panahon
 Part-time na mag-aaral
 Karamihan ay may edad na
 Kadalasang may trabaho at ang ilan ay may mataas na
posisyon o kilala na sa kanilang larangan
 Mayroong praktikal na kaalaman
 May responsibilidad sa pamilya
 Marami ay nagbabalik mula sa matagal na pagkaktigil
sap ag-aaral
 Hindi lahat ay may akses sa teknolohiya
 Hindi lahat ay may kaalaman sa teknolohiya
Ang Wikang Filipino sa UPOU
 Bilang bahagi ng diwa ng demokratisasyon sa pag-aaral at
pagkatuto, kagyat na mapapansin sa mga talakayan sa modyul-
KOM 1, KOM 2 at HUMA 1─ ang naiibang paggamit ng wikang
Filipino kompara sa iba pang teksbuk o librong akademiko na
ginagamit sa sistemang residensyal. Litaw ang kaganapan ng wika
bilang pagsaalang-alang sa iba’t ibang sitwasyon o klase ng mga
mag-aaral na kumukuha ng mga nasabing kurso. Ayon kay
Ocampo (2002), unti-unting pinaglalabo ng elektronik midya ang
kaibahan ng paraang pasalita at pasulat.
 Ayon kay Ocampo (2002), unti-unting pinaglalabo ng elektronik
midya ang kaibahan ng paraang pasalita at pasulat. Dahil ang
sistema ng pagkatuto sa UPOU ay karaniwang nagaganap sa
pamamaraang pasulat sa email at UPOU my portal account na
pinapatakbo ng Moodle, isang open-source software package na
ginagamit sa buong mundo para sa kursong nakabase sa Internet,
mapapansin na ang paraan ng paggamit ng wika ay tila naisatitik
na ugnayang pasalita. Ang ganitong katangian ay siyang tangan
din ng mga modyul na karaniwang kinakapalooban ng code-
switching sa loob ng pangungusap o talata.
 Kumpol ng mga salita ang hinuhugot sa top hat na tila magician na
pangkat ng mga tao (KOM 1).
 Para bang nagalakad sa dilim na may dalang flashlight na puno ng
malalakas na batteries (KOM 1) .
 Ang pagpasok mo dito sa Open University, exciting ito, di ba? (KOM 2).
 Kung mayroon ka namang computer methods, puwede mo ring isulat dito
nang tuwiran ang tala; kaya lang ay maggugupit ka pa sa printout nito.
 Kung game ka na, game na rin ako. Game! (HUMA 1) .
 Tayo Na sa Kalikasan! Let’s Go Nature triping! (HUMA 1)
 Bukod sa code of switching, maapansin ang direktang pakikipag-
usap ng modyul sa estudyanteng makakabasa nito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip na gaya ng “iyo”,
“mo” at “ka”, kalimitang pagtatanong, pagpuri at paanyaya:
 Bukod sa code of switching, maapansin ang direktang pakikipag-
usap ng modyul sa estudyanteng makakabasa nito sa
pamamagitan ng aggamit ng mga panghalip na gaya ng “iyo”,
“mo” at “ka”, kalimitang pagtatanong, pagpuri at paanyaya:
Iba’t ibang panghihiram na salita

 Pag-aangkat ng mga salita nang direkta o walang pagbabago sa


kaanyuang ponolohikal at morpolohikal: background, censored, freshman,
patent, copyright, stereotype, insights, instructions, frames, energy level,
strict
 Panghihiram ng mga salita nang may pagbabago sa tunog at baybay:
anunsiyo, awtor, kredibilidad, ilustrasyon, estratehiya, reputasyon,
komentaryo, pokus, dayels, idyolek, sosyolek, pribyu, tapik, koment, semi-
kolon, indeks kard, sintesis, subordineyt
 Pagsasama ng banyagang salita at katutubong palabuunan na sa proseso
ay nakabubuo ng importasyong morpemiko at parsiyal na substitusyon:
pagsising-along, mag-color coding, mai-video, mag-shortcut, napaka-
dependent, idedemonstreyt, i-teyp, makarelaks
Pagkakaiba ng Baybay ng mga salitang hiniram
sa mga modyul ng KOM 1 at HUMA 1

 tape- HUMA 1
 teyp- KOM 1
 OK- HUMA 1
 okey- KOM 1 at KOM 2
 module- HUMA 1 modyul – KOM 1 at KOM 2
 idea- KOM 1 ideya - KOM 2
 konkreto- HUMA 1 kongkreto- KOM 2
 talababa- KOM 2 footnote- HUMA 1
 diyaryo- HUMA 1 dyaryo- KOM 2
Mga salitang mula sa wikang Ingles:

 FIC- Faculty-In-Charge
 Tutor
 TMA- Tutor-Marked Assignment
 FMA- Faculty-Marked Assignment
 SAQ- Self-Assessment Questionnaire
 ASAQ- Answer to Self-Assessment Questionnaire
 LC- Learning Center
 EXT- Extended
 F2F- Face-to-Face Session
 Course/package-
 Course guide
 Course module
 Myportal
Konklusyon at Rekomendasyon

 Ang paggamit ng Wikang Filipino sa UP Open University ay isang patunay


ng pagbabagong nagaganap sa ating wika kaugnay sa mabilis na
panahon ng Information at Communication Technologies.
 Kinikilala nito ang kalikasan ng wikang Filipino na hindi na lamang batay sa
Tagalog kundi lalong nagpagyayaman pa ng iba’t ibang wika.
 Sa patuloy na paggamit ng ating wika sa sistemang online at distance
learning, tiyak na nabubuksan ito sa patuloy na proseso ng elaborasyono
pagpapayaman sa antas teknikal.
 Gaynman, mahalagang bigyang-pokus ang konsistensi sa paraan ng
paggamit at pagbaybay ng salitang nakikita sa iba’t-ibang modyul tungo
sa higit na malinaw nap ag-unawa ng mga magaaral sa wikang Filipino.
 Mainam dito ang pagbuo ng glosari ng mga katawagan at pagbubuo o
pag-aadap ng panuntunan sa paggamit/pagbaybay ng salita. Hindi
lamang manunulat ang may malaking gampanin dito kundi makapag-
aambag din sa iba pang ng grupo ng mga ekspertong tinatawag na
quality circle.
 At panghuli, kinakailangang patuloy na palakasin ang wikang Filipino sa
UPOU.
 Makakatulong ang pagbubukas ng mga klase o kurso sa wikang Filipino sa
ganap na intelektuwalisasyon ng ating wika. Dahil ang papel ng wikang
Filipino sa puspusang demokratisasyon ng pag-aaral sa Pilipinas ayon sa
pilisopiya ng open learning, mahalagang matugunan at mabigyan ng
malinaw na pagtatasa ang paggamit dito tungo sa tunay na edukasyong
mapakikinabangan ng lahat.

You might also like