You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pananaliksik

Pangunahing interes ng mananaliksik na mapayaman,

mapaunlad, at mapalusog ang araling Filipino. Naniniwala ang mananaliksik

na ang pag-aaral na ito ay makapagdudulot ng kapakinabangan sa iba’t ibang

sector ng lipunan partikular ang mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ang pananaliksik na ito para sa

pagpapalawak ng kaalaman tungo sa panitikan at kapupulutan ng aral para

sa bawat mag-aaral at mapagyabong ang kanilang mga kaalaman ukol sa

panitikan.

Sa mga Guro. Maaring gamitin o maging gabay ang pananaliksik na

ito sa kanilang talakayin upang maging epektibo ang pagtatalakay para sa

mga estudyanteng kanilang tinuturuan.

Sa Paaralan. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging ambag sa

paaralan at maging inspirasyon ng mga mag-aaral. Maaari rin itong

pagkuwaan ng mga impormasyon tungkol sa panitikan.

Sa mga susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay

makakatulong sa kanila upang maging batayan sa kanilang magiging

pagaaral sa gagawing pananaliksik.


Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Ang mga susmusunod na katawagang ginamit ay binibigyang paliwanag

upang higit na maunawaan ang pag-aaral na ito at upang lalong mapabilis

ang pagkaunawa ng mga mambabasa sa mga terminolohiyong ginamit.

Filipino- asignaturang kasama sa binibigyang pagsusuri

Panitikan- nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,

mga karanasan,hangarin at diwa ng mga tao.

Paradima- Naglalarawan ng magkakaibang mga konsepto o gawi ng kaisipan

ng anumang disiplinang pang-agham o iba pang diwang pang-estimolohiya.

Ang paradima ay may literal na kahulugang “ mga modelo, tularan o

huwarang pangkaisipan”.

Saknong- tinatawag ding taludturan. Ito ay isang yunit na nasa loob ng isang

mas malaking tula.

Teoryang pampanitikan- isang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang

mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.

Tula- isang anyo ng panitikan na ginagamitan ng marikit na salita upang

ipahayag ang damdamin ng isang tao at kaisipan batay sa sariling karanasan,

namasid at napakinggan.

You might also like