You are on page 1of 1

ANO ANG NAGAGAWA NG MASASAKIT NA SALITA?

Sinabi ng dating pangulong Dr. Abdul Kalam:


“Noong ako’y bata pa, ipinagluto kami ng aming ina.
Isang gabi, pagkatapos ng mahaba-habang araw ng pagtatrabaho, nagluto ang aming ina ng
hapunan. Siya’y naglagay ng platong “subzi” at ang nasunog na roti sa harap ng aking ama.
Hinihintay ko kung may makapapansin sa sunog na roti. Ngunit kinain lang ng tatay ang
kanyang roti at kinumusta ang aking pag-aaral.
Hindi ko matandaan kung ano ang isinagot ko sa kanya noong gabing iyon, ngunit narinig
kong humihingi ang nanay ng pasensya kay tatay tungkol sa nasunog na roti. At hindi ko
makalimutan ang sinabi ng aking tatay: “Honey, gustong-gusto ko ang sunog na roti.”
Pagkatapos ng gabing iyon, hinalikan ko aking ang aking tatay, at tinanong ko kung gusto niya
ba talaga ang sunog na roti. Niyakap niya ako at sinabing : “Ang iyong ina ay tiyak na pagod
na pagod sa maghapong trabaho. At saka, ang sunog na roti ay hindi nakasasakit ng sinuman,
ito ay nagagawa ng masasakit na salita.

You might also like