You are on page 1of 6

Characters

Flor- OFW

Marites- anak

Bogart- asawa

Kumare- friend of Flor (OFW)

Azulan- alaga

Madam- employer

Reporter 1- Covid-19

Reporter 2- OFW

Reporter 3- Sintomas

Narrator

Scene 1

*Nagwawalis na Flor then makikita yung pic and flashbacks of memories before mag ibang bansa*

Transition: *pigil Marites na umalis si Flor* (20secs)

Scene 2

Marites: Mama bakit ka po aalis? Kailangan niyo po ba talagang umalis? Bakit niyo po ako iiwan?

Flor: Maiintindihan mo rin ako balang araw, anak. Ginagawa ko ito para sa ikabubuti ng lahat. Ang
pagtatarabaho ko sa abroad ay makatutulong din sa ating bansa.

Transition: (pag-alis ni Flor)

Marites: Mama wag niyo po akong iwan, Maaaa! (palahaw)

Scene 3

Madam: Flor, I want the dinner to be ready before I come home. I’ll be back before 8:00 pm.

*Aalis ang amo*

Transition: Nagluluto, preparing the dinner, nagwawalis, nagwashing, naghuhugas (5 seconds each clip)

After preparing dinner: Azulan will come to her nanny (Flor)

*While watching the TV*

*Flor is watching while Madam and Azulan are eating)

Reporter 1: *news report abt covid*


While washing the dishes: *Azulan will call his nanny*

Azulan: Nanny! Nanny, I can’t understand my homework. Can you please help me with these?

Flor: Sure baby, let me just finish washing these dishes.

Insert 5 seconds clip: (naghuhugas ng pinggan)

Flor: Here Azulan, on this you just have to be specific, and on this part just have to follow the given
instructions.

*Anak Calling*

*Flor ignores*

*Anak Calling*

*Flor Answers*: Sandali lang anak ah, tinuturuan ko lang si Azulan.

Anak: Pero Mam—

Azulan: Nanny, I got it! I got it! I am able to finish my school works, YAY!

Flor: Oh really? Good Job! I know you can do it.

*Flor ends up the call*

*Continues to study*

Scene 4

*Flor proceeds to her room to call her daughter*

*phone ringing*

*no answer*

*after a few rings*

Bogart: Oh Mahal, napatawag ka? Nakita ko kasi na nagriring ang cellphone ni Marites pero ayaw niyang
sagutin.

Flor: Bogart mahal, kamusta kayo diyan?

Bogart: Ayos lang naman mahal ngunit lubhang nakababahala talaga ang kumakalat na bayrus sa
panahon ngayon. Si Marites naman hindi ko alam kung ayos lang siya at gusto ka ba makausap, kanina
pa siya nagmumukmok sa kwarto e.

Flor: Hindi ko kasi masyado maintindihan ang sinasabi ni Marites kanina dahil tinuturuan ko si Azulan.
Pwede bang pilitin mo siyang kausapin ulit ako?

Bogart: Sige mahal, titingnan ko kung gising pa ba siya.

*Bogart pasok sa room ni Marites*


*Nagtulog tulugan si Marites*

Bogart: Marites, andito ang nanay mo sa telepono kausapin mo raw ulit siya oh.

Marites: E bakit ba hindi niyo nalang pilitin si mama na umuwi dito sa Pilipinas, anlala na ng covid wala
parin siyang balak umuwi? Paano nalang kung tuluyan na siyang maipit sa bansang iyon at hindi na
makauwi pa? Sino nalang aalagaan niya? Yung Azulan na iyon? Paano naman ako?!

Bogart: Marites, ayusin mo ang bunganga mo ha. Ikaw ang makipag-usap dine sa iyong ina.

*Bangon Marites | Kuha selpon | walang imik*

Flor: Anak nagtatampo ka ba sa akin?

*no response*

Flor: Malapit na akong magpadala, ano bang gusto mong bilhin? Pwede kayong kumain nang masasarap
na putahe sa restaurant o bilhin ang iba mo pang mga gusto.

Marites: Hindi mga materyal na bagay ang kailangan ko Ma. Ikaw, ikaw ang kailangan ko.

Flor: Anak intindihin niyo naman ako, hindi ko naman ito ginagawa para sa sarili ko lang, itong
hanapbuhay ko na ang bumubuhay sa atin.

Marites: Hindi niyo nga ako maintindihan Ma e, paano ko kayo iintindihin? Bwisit.

*Mahinang pagbato sa selpon*

Bogart: Marites!

Bogart: Pasensiya kana sa anak natin ha,nangungulila lang yon sa iyo panigurado mahal.

Flor: Sige anak, susubukan kong makauwi.

Marites: Bahala ka (pabulong)

*Buntong hininga ni Flor (muni-muni) *

Scene 5

*The Next Day*

*Madam is chilling on her phone*

Flor: Good Morning Madam, Can I speak to you for a second?

Madam: Go ahead.

Flor: I want to go home. My family needs me.

Narrator: Weeks have passed before madam permits Flor to go home.

Scene 6

Flor: Mare alam mo ba pinayagan na ako makauwi.


Kumare: Ha? Ngayon ka lang ba pinayagan? parang noon mo pa nabanggit na nagpapaalam ka ah pero

ngayon mo lang nasabi na pinayagan ka.

Flor: Alam mo naman yung amo ko.

Kumare: Grabe na talaga yang amo mo, noong una ultimo pagrerehistro sa pagboto ay hindi ka payagan,

pati ba naman hanggang sa pag-uwi mo sa Pilipinas pahirapan ka parin?

Scene 7

*After 10 years*

Flor: Marites anak anlaki mo na (cry cry)

*Marites (nakangiti)*

Bogart: Mahal, kamusta kana? Kamusta ang naging lagay mo sa ibang bansa?

Flor: Nako, kung alam niyo lang ibang-iba ang kultura nila mula sa atin. Sa tagal ko naman doon ay
nasanay na rin ako sa kung ano ang paraan ng kanilang pamumuhay.

Bogart: Hay nako mahal kaya bilib din talaga ako sayo at nakayanan mo.

Flor: Oh sige na mahal, kuhanin niyo na ni Marites ang mga pasalubong ko.

Scene 8

*After several months*

(Flor nagbabudget/nagsusulat | buntong-hininga)

Marites: Mama, mama pwede na raw po palang lumabas ang mga bata e. Maluwag na raw po ang mga
restrictions, pwede na po ba tayong kumain sa labas at mamasyal?

Flor (Titingin sa budget): Pero anak—

*Simangot na Marites*

Flor: Sige na anak, magbihis ka na at yakagin mo ang tatay mong si Bogart.

*Masayang namamasyal*

*Kumare meets Flor*

Kumare: Uy mare! Ikaw pala yan, kamusta kana?

Flor: Ay mare, parang kailan lang nag-uusap pa tayo tungkol sa pag-uwi ah, ngayon parehas na tayong
nakauwi sa Pinas.

Kumare: Ay nako parehas nga tayong nakauwi, ang hirap naman ng sitwasyon ngayon.
Flor: Napansin ko nga rin mare, grabe ang pagtaas ng unemployment rate noong nawalan ng trabaho
ang mga OFW. Ibig sabihin pala, malaki talaga ang ambag ng mga OFWng kagaya natin sa
pagpapalago ng ekonomiya ng bansa, ano?

Kumare: Oo nga mare, dahil sa mga dakilang OFW mataas ang inflow ng remittance sa bansa noon.
Ngayong marami nang nawalan ng trabaho, bumaba narin ang pagpasok ng pera sa Pinas kaya
gipit talaga ang buong bansa.

Flor: Oo nga e, kung hindi lang talaga dahil kay Marites ay mananatili ako sa Dubai. Si Bogart naman,
wala parin trabaho.

*Marites nagbingi-bingihan*

Kumare: Ay nako makakahanap rin yan, tiwala lang.

Flor: Sana nga, sya sige mare mauna na kami at mamamasyal pa kami.

Scene 9

*While eating and watching news*

Reporter 2: (news abt OFW)

*Habang nakain nawalan ng panlasa*

Bogart: Ay grabe mahal, anlaki pala talaga ng epekto at dulot ng mga OFWng gaya mo sa bansa.

Flor: Oo nga mahal.

Marites (sumubo): Ma, Pa bakit ho walang lasa areng (kung anong kinakain) ninyo?

Bogart: Aba’y oo nga mahal, nilagyan mo ba ito ng mga pampalasa?

Flor: Nilagyan ko yan mahal, hindi ko lang natikman habang niluluto. Pero sigurado akong nilagyan ko
talaga, nag-alala pa nga ako nab aka mapaalat.

Bogart: Pero bakit wala talagang lasa mahal?

Reporter 3: (Sintomas ng covid-19)

Bogart: Nalintikan na. Tsk. *iling-iling*

Last Scene

Narrator: Ipapaliwanag ang lagay ng mag-anak. (naubos ang naipon ni Flor, biglaang pagkakasakit,
realization ni Marites)

Clips of crying Marites

Paghihirap

Hawak-kamay (Flor&Marites)

Narrator: Kahalagahan ng OFW sa ekonomiya ng bansa.


The End

You might also like