You are on page 1of 1

GAWAIN 4: SUBUKIN NATIN!

Para sa mas malalim mong pagkatuto sa ating aralin, sagutin mo ang


sumusunod na bahagi sa iyong aklat. Basahin at unawain nang mabuti ang
mga panuto sa bawat gawain.

 MADALI LANG ‘YAN, pahina 182 – Pagkilala mo sa mga pang-uri


at kaantasan na ginamit sa loob ng pangungusap.
 SUBUKIN PA NATIN, pahina 182-183 – Pagpupuno mo ng
wastong kaantasan ng pang-uri sa bawat pangungusap.
 TIYAKIN NA NATIN, pahina 183 – Paggamit mo ng mga pang-
uring naghahambing, sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap.
Ang mga bahaging, MADALI LANG ‘YAN at SUBUKIN PA NATIN
ay maari mong iwasto, sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa huling
bahagi ng modyul. Iyong pakatandaan na ang pagkatuto ay nagsisimula sa
katapatan sa sarili.

GAWAIN 5: WAKAS NITO, ISALAYSAY MO


Sa gawaing ito, ikaw ay bibigyang pagkakataong bumuo ng
magiging wakas ng isang alamat na iyong pipiliin, at isasalaysay. Bilang
ating indibidwal na pagganap, ikaw ay aatasang sumulat ng gusto mong
wakas ng alinman sa sumususunod na alamat, na may temang
nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamahal sa magulang. Sa
iyong bubuoing wakas, inaasahang ikaw ay makagagamit ng mga salitang
naglalarawan o pang-uri gayundin, ng mga kaantasan ng pag-uri na ating
napag-aralan.
ILAN SA MGA PAGPIPILIANG ALAMAT:
 Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
 Ang Alamat ng Unggoy
 Alamat ng Pinya
 Iba pang alamat na naayon sa ating tema
Gawin mo ito sa sa isang short or long size bond paper. Gamiting gabay
ang pamantayan sa pagmamarka para sa iyong mabubuong awtput.
Pagkatapos, kunan ng larawan ang iyong awtput, isumite o i-upload ito sa
ating G-Classroom para sa agarang pagwawasto. Para naman sa mga
modular na mga mga-aaral, maaari mong ilakip o idikit ang iyong awtput
sa likurang bahagi ng pahinang ito upang ang iyong katha ay mabigyang
puntos, sa panahong isusumite na ang iyong modyul.
Pagkatapos mong mapagtagumpayan ang gawaing ito, sagutin mo ang
isang mahalagang tanong, bilang pag-alam sa iyong naging karanasan sa
kabuoan ng pagtupad mo sa ating indibidwal na pagganap para sa aralin.
MAHALAGANG TANONG:
Paano nakatutulong ang mga pang-uri sa pagsusulat at/o
pagsasalaysay ng magiging wakas ng isang akda gaya ng alamat?

You might also like