You are on page 1of 1

GAWAIN 3: ISLOGAN KO, BASAHIN MO!

Ang mga pasalindilang panitikan, tulad ng awiting


bayan at bulong ay maaaring maglaho kung hindi
mapahahalagahan sa kasalukuyang panahon. Kailangang
makumbinsi ang mga kabataan sa panahon ngayon, na
tangkilikin ang ganitong uri ng panitikan. Bilang indibidwal na
gawain/pagganap, bubuo ka ng isang islogan na
naglalayong hikayatin ang mga kapwa mo kabataan, na
pasiglahin ang mga awiting-bayan at bulong. Maglikom o
magsaliksik ka ng impormasyon upang sa gagawin mo ay higit
na mapagtibay ang iyong pinaninindigan, mabigyang-bisa
ang iyong pinaniniwalaan, at maging epektibo ito sa mga
taong makababasa ng iyong sariling kathang islogan. Gawin
ito sa isang short or long size oslo o bond paper. Gamiting
gabay ang pormat at pamantayan sa pagmamarka na nasa
kasunod na pahina, kunan ng larawan ang iyong islogan.
isumite o i-upload ito sa ating G-Classroom para sa agarang
pagwawasto. Para sa mga modular na mag-aaral, maaari
mo ilakip o idikit ang iyong awtput sa likurang bahagi ng
pahinang ito, upang ang iyong katha ay mabigyang puntos.
Pagkatapos ay sagutin mo ang mahalagang tanong sa
ibaba kaugnay sa gawaing ito.

ISLOGAN KO, BASAHIN MO!


“Kabataan, Pasiglahin ang Katutubong Panitikan”

PAMANTAYAN SA NAKALAANG AKING


PAGMAMARKA NG ISLOGAN PUNTOS PUNTOS
A. Kaugnayan sa layunin 5

B. Paggamit ng mga salita 5

C. Kalinisan ng katha 5

C. Kalinawan at kaayusan 5
ng paglalahad ng
ideya at mensahe
KABUOANG PUNTOS 20

You might also like