You are on page 1of 8

IKAAPAT NA LINGGO

PAMAGAT NG ARALIN: “PAGISLAM”


Maikling Kuwento

MGA ESENSYAL NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


1. Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga batayan.
2. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
3. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa
sariling karanasan.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN PARA SA LINGGONG ITO:
Takot sa Diyos (Fear of God)
Naibabahagi ang kaisipan mula sa akda tungkol sa tradisyon at
at paniniwalang Muslim sa kanilang Diyos – Allah.

A. MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang linggong aralin, inaasahang malilinang ang
sumusunod na kaalaman:

1. Nakasusuri ng isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga batayan;


2. Nakapagsasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari;
3. Nakasusuri ng pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa
sariling karanasan;
4. Nakapagbabahagi ng kaisipan sa akdang binasa patungkol sa tradisyon
at paniniwalang Muslim sa kanilang Diyos - Allah.
B. MGA KAGAMITAN SA PAG-AARAL:
1. Modyul sa Filipino 7
2. Batayang-aklat ng Pinagyamang Pluma 7 (Ikalawang Edisyon)
3. Laptop
4. Headphone
5. Kwaderno sa Filipino
C. INTRODUKSYON:

KASANAYANG PAMPANITIKAN

PATUKLAS

Sisimulan mo ang araling ito sa pamamagitan


ng isang gawaing tatawaging “Picture Pairfect”.
Pagtambalin mo ang Hanay A at Hanay B gamit
ang linya ayon sa angkop na bagay para sa
ipinakitang mga larawan. Ang pagtatambalin
mong larawan ay tungkol sa iba’t ibang
seremonyang isinasagawa sa ating paligid
o lipunan. Tukuyin mo kung anong seremonya
Ito. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang linya.

HANAY A HANAY B

_______________

_______________

_______________

Bukod sa mga nabanggit mong seremonya ay may isa


pang seremonya na gusto kong malamin mo. Buksan
ang iyong aklat sa pahina 71, basahin at unawain ang
bahaging SIMULAN NATIN. Pagkatapos ay sagutin
ang mga pamprosesong tanong sa ibaba ukol dito.

PAMPROSESONG MGA TANONG:

1) Ano ang paniniwala mo tungkol sa pagbibinyag?


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2) Mahalaga ba itong isagawa sa buhay ng isang sanggol?


Ipaliwanag mo.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
3) Gaano kahalaga ang binyag sa kulturang Pilipino?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

PAGNILAYAN

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang

kasalanan kaya hindi kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang ilang

seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na Pagislam. Pinaniniwalaang ito ay

ang pagbibinyag ng mga Muslim.

D. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:

PAGLINANG

Gawain 1: AKLAT PAMULAT

 Upang mapagtibay mo ang iyong kaalaman ukol sa seremonyang ito ng mga


Muslim, basahin at unawain mo ang bahaging ALAM MO BA?, pahina 71-72
sa iyong aklat.

 Pagkatapos ay sagutin mo ang bahaging PAYABUNGIN NATIN


A at B, pahina 72-73 para sa iyong kahandaan sa akdang
babasahin. Sa bahaging ito, ang iyong sagot ay maari mong iwasto. Ang susi
ng kasagutan ay nasa huling bahagi ng modyul na ito. Iyong tatandaan na
ang pagkatuto ay
nagsisimula sa katapatan sa sarili.

Gawain 2: KAALAMAN SA BOKABULARYONG FILIPINO (KBF)


Bumuo ng isang makabuluhang pangungusap mula sa sumusunod na salita
gamit ang Word-Sentence Web upang matiyak kung
nauunawaan mo ang mga salitang ito.

UMANAS MATAGINTING

Pangungusap: Pangungusap:

NAPIPIHO

Pangungusap:
MARAHAS LUMIBAN

Pangungusap: Pangungusap:

Marahil may ilang bagay pang sumagi sa iyong isipan


habang kinukundisyon mo ang iyong sarili sa pag-aaral ng
Panitikang Pilipino buhat sa Mindanao kaugnay ng
konseptong pagbibinyag ng mga Muslim. Babasahin mo sa
puntong ito ang isang maikling kuwento na may pamagat na
“Pagislam”. Mahaharap ka sa mga serye ng mga gawaing
gagabay, magpapayaman at susubok sa iyong pag-unawa at
pagpapahalaga ukol sa karanasang Mindanaoan.

Gawain 3: HALINA’T MAGBASA, TAYO NA’ T SIMULAN NA!


 Simulan mo na ang pagbabasa na may pag-unawa sa akdang pinamagatang
“Pagislam”, pahina 74-76. Pagkatapos ay
sagutin ang mga pamprosesong tanong kaugnay nito.

 Kung may iba ka pang mga salitang hindi lubusang maunawaan o bago para
sa iyo na nabasa sa akda, bilugan mo ito. Linangin ang kahulugan nito sa
tulong ng diksiyonaryo. Isulat mo ito sa bahaging PAYABUNGIN MO PA sa
iyong aklat pahina 76.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1) Ano ang Pagislam?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2) Gaano ito kahalaga sa buhay ng mga pangunahing tauhan?


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3) Anong tradisyon o paniniwala ang nabatid mo sa akdang iyong


binasa?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
4) Sa iyong palagay, dapat bang manatili o isabuhay hanggang sa
kasalukuyang ang ganitong uri ng mga paniniwala? Ipaliwanag.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

5) Ikaw, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa tradisyon


o paniniwala sa lugar na iyong kinamulatan at kinalakihan?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Nailahad mo ang iyong pananaw kaugnay


ng konseptong Pagislam. Upang higit kong
malaman ang iyong lubos na pag-unawa sa
akdang iyong binasa, dumako ka sa mga
kasunod na gawain.

Buksan ang iyong aklat sa pahina 77-80, basahin at


sagutin ang sumusunod na bahagi:
 SAGUTIN NATIN (B at C), pahina77-79
 BUOIN NATIN, pahina 79
 MAGAGAWA NATIN, pahina 80
Ang mga kasagutan sa bahaging Sagutin Natin (B at C)
ay maari mong iwasto. Ang susi sa pagwawasto ay nasa
huling bahagi ng modyul. Tandaan na ang pagkatuto ay
nagsisimula sa katapatan sa sarili.

ALAM MO BA?

Ang akdang iyong binasa ay isang maikling kuwento o tinatawag ding maikling katha na
naglalahad ng kaugalian at kulturang katutubo sa Mindanao. Ang maikling kuwento ay
nilikha nang masining upang mabisang makintal sa isip at damdamin ng mga mambabasa
ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o lugar na pinangyarihan ng mahalagang
pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng: (1) iisang kakintalan; (2) may isang
pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangan bigyan ng solusyon; (3)
tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalagang tagpuan; (5) may
kawilihan hanggang kasukdulan na susundan ng wakas.
Gawain 4: HALINA’T ALAMIN!

Para mas lalo kang maliwanagan ukol sa akdang maikling


kuwento. Basahin at unawain mo ang bahaging ALAMIN NATIN, pahina 81.
Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong mga tanong ukol dito .

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1) Ano ang Maikling Kuwento?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2) Para sa iyo, paano ito naging yaman ng panitikang Pilipino?


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3) Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang maikling


kuwento ayon kay Genoneva Edroza-Matute?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4) Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang mahusay na pagkakahabi ng


mga elemento ng kuwento para maging epektibo ito?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Natamo mo na sa naunang mga gawain ang sapat


na impormasyon upang maunawaan mo ang
kabuluhan ng maikling kuwento at ang mga elemento nito.
Ngayon naman, paigtingin mo ang hawak mong kaalaman
at pag-unawa ukol sa paksa sa pamamagitan ng
pagtupad sa mga gawaing magpapatunay sa iyong
mga natamong pagkatuto.
Gawain 5: BUOIN ANG DAYAGRAM
Ang gawaing ito ay iyong isasagawa sa iyong batayang-aklat
sa Pinagyamang Pluma 7. Buksan mo ito sa pahina 82 at
gawin ang bahaging ISULAT NATIN A. Basahin at unawaing
mabuti ang mga panuto sa bahagi ito upang iyong
mapagtagumpayan ang nasabing gawain.

Gawain 6: SURING DOKYU-FILM


Para sa gawaing ito, buksan ang iyong aklat sa pahina 83.
Gawin mo ang bahaging ISULAT NATIN letrang B. Layunin
nitong ikaw ay makasusuri ng isang dokyu-film. Gawan mo ito
ng pagsusuri kagaya sa naunang gawain sa parehong ibahagi.
Basahin at unawain ang panuto rito. Isulat mo ang iyong sagot
sa inihandang pormat sa kasunod na pahina.

____________________________________
PAMAGAT NG DOKYU-FILM

Mga Tauhan: Tagpuan:

Banghay

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:
C. PAGWAWAKAS NG ARALIN:

PAGNILAYAN AT SAGUTIN

Bilang pagtatapos mo sa unang modyul sa asignaturang Filipino, sagutin mo ang


mahalagang tanong.

Paano mo higit na nakilala ang iyong sarili bilang Pilipino sa pamamagitan ng mga akda
mula sa Mindanao?

You might also like