You are on page 1of 3

Halimbawa ng Banghay-Aralin sa Filipino VI

Ikatlong na Markahan

I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig. F6WG-IIIg-11

II. Paksang-Aralin:
Paggamit ng mga Pangatnig

Sanggunian : Alab ng Lahi (Gabay ng Guro, pp.144-147 at


Kagamitang Pang - Mag-aaral pp,151 -156)
Landas sa Wika 6, pp.22-25
Pag-unlad sa Wika at Pagbasa 6, pp.31-34
Sanayang Aklat sa Filipino 6, pp.3-5

Kagamitan: manila paper, ppt, lcd projector

III. Pamamaraan:
1. Balik-aral:
Pagbibigay ng guro ng gabay na tanong na mahuhulaan ang
mangyayari sa teksto gamit ang dating kaalaman.

2. Pagganyak:
Pagsagot ng mag-aaral sa tanong na:
Ano ang hanapbuhay o trabaho ng inyong magulang?

Pag-uugnay ng guro sa kasagutan ng mag-aaral sa bagong aralin na


tatalakayin.

3. Paglalahad at Pagtalakay
Pagpapabasa ng guro nang sabay-sabay sa mag-aaral ng liham.

Marso 15, 2017

Mahal kong Carlo,

Kumusta ka na ngayon? Kung ako ang iyong tatanungin ay nasa maayos na kalagayan. Hindi
ako makapaghintay na maibalita sa iyo ang labis kong kasiyahan ngunit nais kong malaman mo ito
ngayon sapagkat maging si Nanay at Tatay ay tuwang tuwa sa dami ng inani naming gulay. Ito marahil
ay dahil nasunod namin ang tamang pamamaraan sa pagtatanim ng gulay.
Alam mo ba na ang una naming ginawa ay inihanda ang lupang pagtataniman sa aming likod-
bahay at dinamuhan muna bago binungkal ang lupang pagtatamnan? Pinatag namin ang kamang
taniman saka itinanim ang mga punlang gulay tulad ng petsay, talong, kamatis at iba pa. Pagkatapos
ay diniligan namin ito at nilagyan ng balag o harang upang maprotektahan sa mga mapinsalang hayop.
Pagkalipas nang isang buwan ay hindi kataka-takang napakarami ang aming ani na ni sa hinagap ay
hindi namin inasahan, kaya nga ay nagkapagbenta pa kami sa aming mga kapitbahay subalit maraming
natira kaya naglako pa kami sa kalapit na bayan.
Sana ay makapunta ka dito pati ang iyong pamilya upang maranasan din ninyo ang
kasiyahang nadarama bunga ng aming pagsisikap, datapwat alam kong mahirap tayong magkita dahil
malayo ka.
Hanggang sa muling pagkikita.

Nagmamahal,

Pedro

Page 1 of 3
Pagsagot sa tanong ng mag-aaral.

a. Pagsulat ng mga salitang may salungguhit sa pisara.


b. Pagbibigay ng guro ng halimbawang pangungusap gamit
ang mga pangatnig.
c. Pagbibigay ng sariling pangungusap ng mag-aaral gamit
ang mga pangatnig.
d. Kailan ginamit ang pangatnig na o, ni, maging? Ang at, saka,
pati? Ang ngunit, subalit, datapwat?

Pagbibigay ng input ng guro sa wastong gamit ng mga pangatnig.

4. Pinatnubayang Pagsasanay

Panuto:Gumamit nang angkop na pangatnig para mabuo ang


pangungusap.
1. Ang tatay ay nagpuputol ng mga matatandang puno _______
labag ito sa kanyang kalooban.
2. Anong gulay ang gusto mong kainin ampalaya ___ okra?
3. Sinabi kong kumain na siya ______ naglalaro pa rin siya.
4. Kayganda ng kanilang pananim____ sa tingin ko ay parang hindi
matibay ang kanilang mga balag.
5. Masagana ang kanilang aning gulay tulad ng talong, bataw,
sitaw ____ ampalaya.

5. Isahang Pagsasanay
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pangatnig
batay sa pag-aani ng inyong mga pananim.
1. ni 4. ngunit
2. at 5. datapwat
3. saka

6. Paglalahat:
Pagsagot ng mag-aaral sa tanong na: Ano ang pangatnig? At
kailan ginagamit ang pangatnig?

7. Paglalapat:
Panuto:Gumamit nang wastong pangatnig para mabuo ang pangungusap.
1. Matataba ang kanilang pananim ____ sinira ito ng mga peste.
2. Maganda ang tubo ng mga gulay ____ ang kanilang halamanan.
3. Hindi sila nakapagtatanim ng gulay __ halaman kapag malapit na ang
tag-ulan.
4. Maunlad ang bansa _____marami pa rin ang walang trabaho.
5. Nagtutulungan ang mga mamamayan ___ pamahalaan para sa
ikauunlad ng bayan.

IV. Pagtataya
Panuto: Gumamit nang wastong pangatnig sa pagbuo ng talata.

Ang pagtatanim ng puno ay nakatutulong sa kalikasan _(at)___ sangkatauhan.


Tungkulin ng bawat mamamayan na ito ay pangalagaan ___(subalit)_____ maraming
gawain ang mga tao ang nakasisira rito. Ang patuloy na pagputol __(o)__ pagtabas ng
mga puno, illegal logging at pagkakaingin ay hindi mapigilan ng mga bantay-gubat
__(ni)__ ng gobyerno. Nakalulungkot isipin na may mga batas na ipinatutupad upang
masugpo ang mga ito _(ngunit)____ hindi naisasakatuparan.
Sana ay mapagtanto ng mga tao ang kahalagahan ng mga puno upang mapigilan
ang patuloy na pagkaubos ng mga ito.

Page 2 of 3
V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng talata sa inyong kuwaderno gamit ang mga pangatnig tungkol sa
iyong karanasan kung papaano kayo nakatutulong sa inyong pamilya.

V. Tala:

Pagtatala ng guro ng MPS sa pagtataya upang mabatid ang susunod na


gawain ng guro.

VI. Pagninilay:

Pagbibigay ng kahinaan at kalakasan ng pagtuturo ng guro.

Page 3 of 3

You might also like