Professional Documents
Culture Documents
Guro
Guro
Binabati ko kayo. Kayong mga nilalalang na nagpakahirap upang maabot ang mga pangarap.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagpatulo ng pawis upang makita ang liwanag sa gitna ng dilim.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagsakripisyo sa araw at gabi para sa kinabukasan ng bansa.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagpalakas upang maitayo ang mga tulay na daraanan sa
bagong kabanata.
Binabati ko kayo. Kayong mga nag-ukol ng panahon sa mga asignatura upang mailaman sa
nakukultang utak.
--- Mga utak na nasasakop ng alinlangan at panghihina sa mga dagok at pagsubok ng apoy.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagbinhi ng mga mabubuting pananim upang baunin sa
paglalakbay sa balintunang mundo.
Binabati ko kayo! Kayong mga GURO ng mga mag-aaral. Sa inyo dapat iukol ang pasasalamat
at pagdakila! Sapagkat hindi namin maaabot ang mga pangarap kung hindi ninyo kami pinasan
upang tumaas. Kayong mga guro ang siya naming ginawang hagdan upang makita ang
tagumpay…
Kayong mga guro na nagtitinda ng tocino at longganisa, , mani at kendi, bra at panty, sapatos at
tsinelas, bukayo at panutsa, RTW at leche flan, ipit sa buhok at hanger, Avon at Saralee, daing
na bangus at danggit para maipandagdag sa kakarampot na suweldong hindi maitaas-taas at
binabawasan pa ng mga kurakot na lider ng bansa. Tungkol sa mga Guro

binabawasan pa ng mga kurakot na lider ng bansa.