You are on page 1of 5

Ipinasa ni: Carrie Ann Shane E.

Orine BSED 2A Filipino

MODYUL 7:
PANANAKOP NG HAPON

TAYAHIN NATIN:
Magbigay ng impluwensiya ng mga Hapon sa ating bansa sa panahon ng
kanilang pananakop?

- Ipinamana ng mga Hapon sa mga Pilipino ang mga magagandang katangian


tulad ng katapatan, kasipagan, pagkamalikhain at pagiging matatag at matiisin.
- Natutunan din ng mga Pilipino sa mga Hapon ang paggawa ng sandata,
artipisyal na pagpapalahi ng isda at bibe, pag-aalaga ng hayop, at pagkukulay ng
katad.
- Sa kanila din natin namana ang pagsisigang sa miso, pagluto ng sushi at
tempura at maging ang spa/resort.
- Natuto ang mga Pilipinong pahalagahan ang edukasyong pang-elementarya at
bokasyunal.
- Naging impluwensya din nila ang pagsulat ng Haiku, Tanaga, at Tanka.
- Sa kanila rin tayo natutong mag buy and sell.

SUBUKIN
Magsulat ng mga halimbawa ng mga haiku (10) sa Rehiyon1
Haiku: 5-7-5
1. PANGUNGULILA
Yakap at halik
Nawa’y iyong ihatid
Mula sa langit.

2. INGAT DAPAT
Lumayo-layo
Kapag hindi totoo
‘wag paloloko

3. BALATKAYO
May kaibigan
Siya’y lalapit lamang
May kailangan.

4. MATIBAY
Pag-iibigan
Kahit hanging malakas
Di matitibag.

5. TAKIPSILIM
Galak ng dibdib
Ang bawat takipsilim
Hantungan natin

6. SARADO
Pusong nasaktan
Parang isang pintuan
Ayaw pabuksan

7. LAMBING
Ihip ng hangin
Tila pinatitigil
Aking pagtangis

8. IBONG PIPIT
Ibong marikit
Tinig nakaaakit
Sa’king pag-idlip

9. KALIKASAN
Ang kayamanan
ng Bansang sinilangan
Pagkaingatan

10. PAG-ASA
Bagong pag-asa
Sa pagsikat ng araw
ay dala-dala

Magsulat ng mga halimbawa ng mga tanka (10) sa Rehiyon 1.


Tanka: 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7
1. Pagmamahalan
Pilitin mang wakasan
‘di nagwawagi
Sapagkat nakaukit
Sa puso’y di maalis

2. Ang Pilipino
Tapakan ma’t apihin
Dalisay pa rin
Walang paghihiganti
Pusong maunawain

3. Ang kabataan
Na pag-asa ng bayan
Dapat gabayan
Upang may patunguhan
Tungkuli’y magampanan.

4. Balot ng nakaraan
Ang isip ko ay lutang
Makalalaya pa ba?
Ako’y pagod na
Walang pag-asa

5. Tanging iyakan
Ang unan kong nariyan
Aking sumbungan
Sa tuwing ibubuhos
Aking luhang naipon

6. Sana ay patawarin
Dahil ako’y naglihim
Sa pagsasama natin
Nagbalatkayo
‘Di na natuto

7. Ating sumpaan
Sa harapan ng altar
‘Di masisira
Ng kahit na sinuman
Wala itong hangganan

8. Ako ay umaasa
Bukas magbabago na
Ang aking kapalaran
Iyan ang dasal
Matupad sana

9. Mabuti pang mag-isa


Sa ilalim ng tala,
Sa liwanag ng buwan,
Magpapahinga
Malilimot na

10. May pag-asang magbago


Ang sinumang may gusto
Dahil walang perpekto
Sa ating mundo,
Pwedeng matuto.

Magsulat ng mga halimbawa ng mga tanaga (10) sa Rehiyon 1.


Tanaga: 7-7-7-7

1. Ang pag-ibig na tunay


Hindi basta bibigay
Kahit ano pang away
Panginoon ang gabay.

2. Ang bansang Pilipinas


Kinaya ang lumipas
Nanatiling malakas
Ganda’y di mahuhulas

3. Siya’y bakal sa labas


Walang inaatrasan
Pagdating sa tahanan
‘Di naman maasahan

4. Sa ina ay suwail
Hindi nagpapapigil
Ngayon ay napahamak
Ina ang hinahanap

5. Handog sa’yong tiwala


Sana’y huwag masira
Dahil kung mangyari man
Puso ko’y masasaktan

6. Ang tunay na mayaman


Taos pusong magbigay
Marunong makiramay
Walang pag-alinlangan

7. Ako’y nabibighani
Sa tinging malalagkit
Natutunaw sa titig
Ang dalagang marikit

8. Pamilyang pinangarap
Sa una lang matatag
Kalaunay nagsawa
Hinayaang bumagsak

9. Dati’y tinatapakan
Sabi pa nila’y mangmang
Ngayon ay namayagpag
Madaming nag-aasam

10. Ang buwang maliwanag


Ang nagsisilbing tanglaw
Ng madilim na daan
Ng ulilang lubusan

You might also like