You are on page 1of 1

MIDTERM

PANITIKAN 11

MODYUL 3

PAGSIPAT SA MGA PROBLEMA AT SOLUSYON NG PANITIKANG PILIPINO

Salamin ng buhay ang panitikan at ito ay isang instrumento sa pagtataguyod ng bansa. Daan sa pag-
unlad ng kabihasnan at bunga ng bagong salinlahi. Ang bawat isa ay may panlahat na hangaring
mapaningas ang ating mga sarili at mapagmalasakitan ang sarili nating yaman ng panitikan.
Sa bawat tibok ng puso,pagpintig ng pulso ng buhay ay parang hibla ng sinulid na ating
hinahabi upang tayo ay makapagbigay ambag malaki man o maliit sa pagpapabuti ng uri ng buhay. Ang
isang manunulat ay naggagalugad ng hiwaga at nagsasaysay buhat sa kanyang paligid at ng kalikasan na
siya mismo ay nakakalikha ng tula, sanaysay, dula at kathang buhay na sumasalamin sa kanyang puso,
mithiin at pamumuhay.
Winika ni F.R Leavis, sa kanyang aklat na Selected Literary Criticism: Henry James:" Ang
kahalagahan ng ating hinahanap sa malikhaing panitikan ay isang sangkap na kaugnay ng pandama ng
buhay, ang sangkap ng potensyalidad ng pantaong karanasan na ipinababatid nito." Hindi tayo dapat na
maging malayo sa lipunang ating kinabibilangan sapagkat tanging tayo mismo ang dapat na magtamo ng
mga bagay na lilikha mula sa mga karanasang magbibigay buhay sa atin bilang tao. Ang mga taong
nagnanais na ilayo ang kanyang sarili sa lipunan ay hindi lamang mahihiwalay na pangsikolohiko kundi
bagkus isang potensyal na maykayang ipagkait ang kanyang pananagutang moral.
Bilang indibidwal, mismong ikaw ang napapabago ng sosyedad o lipunan. Ang sining ay hindi
lamang nagpapasupling ng buhay kundi siya rin ang huhubog sa buhay na siyang maaaring huwaran ng
mga tao ang mga disenyo ng mga piksyonal na Inga bayani.
Isang magandang palatandaan na sa mga panahong ito,ang mga Pilipino ay nagbabasa na ng
panitikang habi mula sa iba't ibang bansa, mula sa Amerika, Espanya, Britanya, Pranses, Alemanya,
Rusya, Tsina gayundin ang mga bansang silanganin tulad ng Hapon, Indonesia,Malaysia, Thailand,
Vietnam at iba pa. Hindi rin makakait na may mga Pilipinong sumusulat at nakikilala pagsulat ng wikang
Ingles tulad ni F. Sionel at ng iba pa na nakikilala na rin sa ibang bansa dahil sa kakaiba niyang istilo sa
pagsulat.

Kung sisipatin ng mabuti na sa mga akda ng kasalukuyan — tula, salaysay, nobela, dula masasabi
nating gaya rin ng mga akda noong mga panahong una, sila'y nagsasalamin ng mga bagay-bagay na
kayakap natin sa äraw-araw. May mga paksang tungkol Sa buhay at pamumuhay, mga bagay na
nagsasaad ng mga pangyayayring buinubuo sq pag-ikot ng buhay mula sa pagsilang hanggang sa
pagpanaw ng nilalang. Dala ng pag-usbong ng teknolohiya lalo na sa mga kabataan ngayon ay nauuso
ang mga panulat sa Wattpad na kinagigiliwan ngayong basahin ng mga makagong henerasyon.

You might also like